THE VARSITARIAN P.Y. 2025-2026 (ISSUE NO. 1)

Page 1


► Tumagos sa Arch of the Centuries ang freshmen mula sa iba’t ibang academic unit noong ika-6 ng Agosto, 2025.

MAHIGIT 11,000 FRESHMEN, PUMASOK SA UST NGAYONG AY 2025-2026

MAHIGIT 11,000 freshmen ang tinanggap ng Unibersidad para sa bagong taong akademiko sa pamamagitan ng mga tradisyonal na onboarding activities noong ika-6 ng Agosto sa Quadricentennial Pavilion (QPav) at Arch of the Centuries.

Bagamat inulan, nagpatuloy pa rin ang tradisyonal na Welcome Mass, “ROARientation,” at Welcome Walk sa kampus nito sa España, Maynila. Napilitan ang organizers ng program na iusog

PAHINA

Laban kontra sugal, wala sa baraha ng ikatlong SONA

ang parada ng freshmen ng afternoon batch sa hapon dahil sa biglaang ulan.

Base sa orihinal na plano, ang pang-hapon na batch ay dapat tatawid sa arko sa ganap na 12:30 ng hapon, o pagkatapos ng pang-umagang batch.

Pinangunahan nina UST Rektor P. Richard Ang, O.P. and Bise Rektor P Isaias Tiongco, O.P. ang Welcome Mass ngayong taon.

Batay sa datos ng registrar noong Aug. 27, ang Faculty of Arts and Letters ang nakapagtala ng pinakamaraming freshmen sa bilang na 1,265.

Sinundan ito ng Faculty of Engineering na mayroong 1,105 na mag-aaral, at ang Faculty of Pharmacy na may 913 na freshmen.

Hindi naman napigilan ng ulan ang College of Fine Arts and Design freshman na si Christine Narciso na magsaya sa freshmen rites sapagkat gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang dalawang kamag-anak na alumni rin ng UST.

“Even though maulan, kagaya ngayon, nando’n

Senior high school program, inilunsad ng UST Education High School sa ika-75 na anibersaryo

INILUNSAD ng UST Education High School ang sarili nitong senior high school (SHS) program noong Biyernes, ika-1 ng Agosto, sa kanilang ika-75 anibersaryo.

Ipinakilala ni Bise Rektor para sa Academic Affairs Cheryl Peralta sa 29th Doña Caridad Sevilla Memorial Lecture ang 36 na kauna-unahang mag-aaral sa ika-11 baitang, na siya ring mga nagtapos ng junior high school (JHS) sa EHS.

“Through the generous support of

Nagsalita ang punong

our beloved alumni and the trust of our parents and students in the brand of Thomasian education that we can provide, we now witness the birth of the EHS Senior High School,” saad ni Peralta. Binigyang-diin ni Peralta ang dalawang layunin ng programa: ang maipagpatuloy ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ang kanilang pag-aaral sa Unibersidad, at mabigyan ang mga pre-service teachers ng pagsasanay sa antas ng SHS.

“No need to transfer to another

senior high school before they come back here for college. And hopefully, to motivate them to pursue teacher education programs and further contribute to improving learning in the country,” wika ni Peralta.

Sa panayam ng Varsitarian, sinabi ni Marielyn Quintana, punong guro ng EHS na tatlong bagay ang nagtulak sa pagbuo ng panibagong SHS program: ang mga mag-aaral, mga gurong pre-service, at alumni.

SANTO TOMAS · Manila, Filipinas

► Binahagi ni Patricia Empleo, dekana ng kolehiyo ng Accountancy ang kanyang Misa de Apertura o ang inaugural lecture noong ika-6 ng Agosto sa Santisimo Rosario.

KUHA NI ETHAN JOSHUA

‘Matatag na kontrol, kailangan ng UST para matugunan ang pangamba sa enrollment, kompetisyon’

IPINANAWAGAN NI Patricia Empleo, dekana ng kolehiyo ng Accountancy, ang isang matatag na balangkas ng “internal controls” sa pagharap ng Unibersidad sa mga umuusbong na panlabas na panganib, tulad ng nagbabagong enrollment trends at umiigting na kompetisyon.

Si Empleo ang naghatid ng Discurso de Apertura, o ang inaugural lecture para sa bagong taong akademiko sa simbahan ng Santisimo Rosario noong ika-6 ng Agosto.

Ayon kay Empleo, ang “internal control” na hinango ang kahulugan mula sa inisiyatibo ng isang pribadong sektor, ay isang sistemang naapektuhan ng “entity’s governance body.”

Controls “go down to the functional level to provide reasonable assurance regarding achieving operational, reportorial, and compliance objectives,” saad ni Empleo sa kanyang lecture na pinamagatang “Internal

Control: Key to Effective Enterprise Risk Management.

“In the context of a university, internal control is not just about financial accuracy. It is about safeguarding academic integrity, protecting data, ensuring compliance, and supporting sustainability initiatives,” she said.

Ayon kay Empleo, ang balangkas na mula sa Committee on Sponsoring Organization of the Tradeway Commission (COSO), na isang inisyatibong ng pribadong sektor para sa enterprise risk management,” ay maaaring maging “makapangyarihang kasangkapan para maiayon ang mga kasanayan sa pagpapahalaga at mga layunin ng UST.

Ang COSO ay mayroong limang bahagi: control environment, risk assessment, control activities, information and communication, and monitoring, saad ng dekana.

Ang pagtataya ng mga panganib o risk assessment, saad ni Empleo, ay kinakailangan ng institusyon para matukoy ang mga potensiyal na pangyayaring maaaring makaapekto sa mga layunin ng Unibersidad.

“It must navigate shifting enrollment patterns, ensure program alignment with student and market and societal needs, and contend with intensifying competition from public universities, private institutions, even open universities and foreign institutions,” ayon sa kanya.

“By aligning risk management with

Obispo ng San Pablo, hinikayat ang UST na patibayin ang edukasyong Maka-Espiritu

HINIMOK NG obispo ng San Pablo na si Marcelino Antonio Maralit Jr., na dapat manatiling “spirit-filled” ang Unibersidad sa pagpasok ng bagong taong akademiko.

“May I remind UST to continue to be a spirit-filled University – where learning should lead to service, where Theology and Science must always remain in dialogue, where every discipline is always open and faithful to the truth, and where every graduate becomes a light in this world,” saad ni Maralit sa kanyang homiliya sa Misa de Apertura noong Huwebes, ika-5 ng Agosto.

Hinamon ni Maralit ang UST na sumama sa kolektibong bokasyon na labanan ang mga hámong dala ng mundong kinukuwestiyon ng kultura ang mga ganap na katotohanan o “absolute truths.”

“We are now in a world where the truth is battered (and) violated, but if we want to truly be a Catholic university, we need to stand for the truth — truth in charity. A truth that is objective, universal, and divine,” sabi niya.

Pinaalalahanan din ni Maralit ang mga fakultad at namumuno sa

Mga bagong bubuo ng Varsitarian staff, itinalaga ng prestihiyosong komite

Ni Carlo Jose H. Ruga

SA IKA-97 taon ng Varsitarian, ang opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, ay may mga bagong patnugot at kasapi, matapos ang mabusising proseso ng pagpili na pinangasiwaan ng Selection Committee.

Pangungunahan ang pahayagan ng bagong punong patnugot, si Chalssea Kate Echegoyen ng programang MA Journalism, matapos ang kanyang termino bilang katuwang na patnugot noong nakaraang taon.

Kasama sa Editorial Board sina Karis Tsang ng programang MA Cultural Heritage Studies, bilang tagapamahalang patnugot, at Sofiah Shelimae Aldovino, na isang chemistry senior, bilang katuwang na patnugot.

Magsisilbing tumatayong patnugot ng Balita si Carlo Jose Ruga, isang journalism junior. Pangungunahan naman ni Rob Andrew Dongiapon, mula rin sa programang journalism, ang seksiyong Pampalakasan.

Mananatiling patnugot ng Natatanging Ulat si Ralent Penilla, isang political science senior, habang si Vince Alfred Pillagara, journalism senior, ang patnugot ng Pintig.

Si Billy Andrei Ramos ng College of Science naman ang magiging patnugot ng Tampok. Magsisilbing patnugot ng Agham at Teknolohiya si Marielle Pesa ng College of Science, at si Frenchshield Shayne Delovieres, journalism junior, ang magiging patnugot ng Filipino.

Si Divine Delos Reyes ng USTAMV-College of Accountancy ang magsisilbing patnugot ng Mulinyo habang muling pangungunahan ni Aidan Raphael Caluyo ng College of Architecture, kasama ang kanyang katuwang na patnugot na si Regina Louise Sanota na mula sa parehong kolehiyo ang seksiyon ng dibuho.

Itinalaga bilang patnugot sa Potograpiya at Layout sina James Michael Magboo ng MA Cultural Heritage Studies at Jed William Gocatek ng College of Architecture, ayon sa pagkakabanggit.

Si Amanda Luella Rivera, isang journalism junior, ang magsisilbing koordineytor ng Social Media ng Varsitarian

Ang magsisilbing mga tagapag-ulat ng Balita ay sina Sydney Venice Berba ng legal management, mga junior na sina Amador Denzel Teston (management accounting) at Louisse Raye Shara Santos (biology), marketing management sophomore Czeantal

Naomi Delos Santos, mga journalism junior na sina Alexandra Demaisip at Ella Mae Sison, at si Micah Pascua na journalism senior.

Ang Pampalakasan ay binubuo nina Joaquin Edgardo Cortez at Miguel Angelo Marco, kapuwa journalism seniors, sports science junior Kurt Russel Vincent Miranda, political science senior Venerando Pagaduan VII, journalism sophomore Lilah Mikaela Paredes, at communication junior na si Clyde Leanne Salamatin.

Mananatili bilang manunulat ng Natatanging Ulat ang mga senior na sina Fritz Nathan Diaz (political science) at Justin Jacob Urag (biology). Sasamahan sila ng journalism juniors na sina Demaisip, na manunulat rin para sa Balita, at Luis Angelo Palma.

Magsusulat para sa Pintig si Reya Vincent Misa, legal management senior, at journalism junior Alexandra Gabrielle Mansineros. Ang mga junior na sina Ashley Valkyrie Bueno (journalism) at Elihoenai Hazael Cortez (chemistry), at Rev Dela Cruz ng Civil Law ang bubuo sa seksiyon ng Tampok. Magsusulat sa seksiyon ng Filipino sina Ma. Irish Fery ng political science, legal management sophomore Jamiebeth Ortega, at Sofia Gabrielle Rosario ng journalism.

Ang Agham at Teknolohiya ay kinabibilangan ng mga mag-aaral ng psychology na sina Marigela Isabel Cirio at Mary Dawn Santos.

Magsusulat ang communication senior na si David Nigel Cortes para sa parehong seksiyon na Tampok at Mulinyo. Sasamahan siya ni Kirsten Therese Barrameda, isang political science junior, sa Mulinyo.

Mananatili sa Dibuho ang mga architecture senior na sina Jinmarson Chester Pua at Antoinette Lindsey Solis, at mag-aaral ng advertising arts na sina Aisha Sofia Fortes at Mhyzell Dayne Oblepias. Sasamahan sila nina painting sophomore Denisse Amber Reyes at architecture senior Arlene Turla.

Kinabibilangan ang Potograpiya ng juniors na sina Ethan Joshua Nikholai Guisama (information technology), Chloe Elysse Ibañez (marketing management), Djenhard Yreneo Raphael Sapanhilla (journalism), at Alexa Viray (communication), at ni Vio Neiro Villaescusa ng architecture.

Kasama nila sina political science senior Precious Kae Andaya, behavior-

“Beyond

Manlilikha

MULA PAHINA 2 ►

and a preparatory experience of the real life beyond its walls,” wika niya noong Miyerkules, ika-6 ng Agosto.

“UST will not feed you with illusions because UST is forming you to be the solution,” dagdag niya para sa mga freshman sa Quadricentennial Pavilion.

Wika ni Pangan, hindi dapat mangamba sa pagkakamali ang mga bagong lahi ng Tomasino sa kanilang pangalawang tahanan, dahil ito ang huhubog sa kanilang kahusayan.

“If you commit mistakes, if you have missteps, do not hesitate to seek help immediately,” isinaad niya.

Pinaalalahanan din ni Pangan ang mga estudyante na tanawin ang mahahalagang prinsipyong ipinabaon ng kanilang pamilya mula sa sarili nilang tahanan.

“I hope coming to UST does not uproot you [from] your families. May you remain ever rooted in them.

Your families are important in your Thomasian journey,” wika niya.

“Pumunta kayo sa UST na bitbit ang mga pabaon ng pamilya, ng mga kinilala niyong pamilya, at ang magandang pasalubong sa kanila sa bawat pag-uwi ay ang inyong Thomasian identity,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang Manila campus ng Unibersidad ay tumanggap ng 10,381 na freshmen para sa taong akademiko 2025 hanggang 2026.

Ang “ROARientation” at Welcome Mass ay sinundan ng tradisyonal na Welcome Walk, at dito, ang mga bagong mag-aaral ay tatawid papasok ng Arch of the Centuries. Ang makasaysayang arko ay ang daluyan na nagmula pa sa orihinal na campus ng UST sa Intramuros, na inilipat sa Sampaloc nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Welcome Party ng freshmen ay ginanap noong Huwebes, ika-7 ng Agosto sa Quadricentennial Pavilion.

MICAH G. PASCUA

Ni Amador Denzel M. Teston
NIKHOLAI F. GUISAMA
► Binahagi ng obispo ng San Pablo na si Marcelino Antonio Maralit Jr. ang kanyang homilya para sa Misa de Apertura noong ika-5 ng Agosto.
NIKHOLAI F. GUISAMA
VARSITARIAN PAHINA 9

FILIPINO

Gender-neutral na wika, itinampok sa webinar ng KWF

IGINIIT NG isang dalubguro at manunulat mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Pampanga ang kahalagahan ng paggamit ng “wikang pangkasarian” sa pagsusulong ng katarungang panlipunan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian.

“Ang wikang pangkasarian ay tumutukoy sa paraan ng pagpapangalan at pagkilala natin sa iba’t ibang kasarian,” paliwanag ni Rowena Festin, isang dalubguro sa unang webinar ng serye na Wikang Pangkasarian ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayong Agosto.

“Sa pagkilala at pagpapangalan sa mga ito ay marapat lamang isaalang-alang din natin ang ukol sa katarungang panlipunan,” dagdag pa niya.

Ayon kay Festin, likas na gender-neutral ang Filipino, gaya ng panghalip na “siya” na hindi nagtatakda ng

kasarian. Sa kasaysayan at katutubong kultura, pantay ang pagkilala sa kasarian.

Ngunit nagkaroon umano ng pagkiling sa lalaki dahil sa impluwensyang kolonyal at sistema patriyarkal.

Bilang halimbawa, binanggit niya ang salitang “manggagamot” na dating pantukoy sa parehong babae at lalaking manggagamot ng katawan at espiritu, ngunit paglipas ng panahon, aniya, ito’y napalitan ng “doktor” na karaniwang iniuugnay sa kalalakihan.

Giit ni Festin, hindi lamang usapin ng bokabularyo ang wika ng kasarian. Aniya, ang mga ekspresyong “babae kasi” o “lalaki kasi” ay madalas nagiging dahilan para bigyang katwiran ang mababang pagtingin sa kababaihan o ang nakatakdang gawi para sa kalalakihan.

“Makapangyarihan ang salita. Nakalilikha ito ng isang daigdig. At nakalilikha rin ng mga konseptong maaaring bumuo o makasira sa ating pananaw at paniniwala,” ani Festin.

11 salitang Filipino, opisyal na isinama sa Oxford Dictionary 2025

Ni Frenchshield Shayne G. Delovieres

ISANG anyo ng pandaigdigang pagkilala sa kultura at kasaysayang lingguwistiko sa bansa ang pagdaragdag ng 11 salitang Filipino sa Oxford English Dictionary (OED) 2025, ayon sa isang eksperto sa wika at kulturang Pilipino.

Walo sa mga bagong salita ang tinanggap bilang bahagi ng Philippine English, kabilang ang “CR,” “gigil,” “ka-

babayan,” “lumpia,” “salakot,” “sando,” “Thomasite,” at “videoke.”

Tatlo naman ang binigyan ng bagong kahulugan sa konteksto ng Filipino, katulad ng “load” na tumutukoy sa credit na binili sa pay-as-you-go na mobile phone; “terror” na nangangahulugang guro na kilala sa pagiging istrikto; at “Pinoy” na kabilang o may kaugnayan sa Pilipinas o Pilipino. “Ingklusibo itong diksiyonaryong ito na nagpapakita na handa silang ya-

Ipinaliwanag rin niya ang paggamit ng mga homophobic slur laban sa LGBTQIA+ community na, bukod sa nakasasakit, ay nagpapalaganap ng pisikal at sikolohikal na karahasan. Sa talakayan, hinikayat niya ang publiko na maging kritikal sa paggamit

kapin at kilalanin ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng mga salita at ‘yong occurrence ng mga salita ng bawat bansa,” wika ni Deborah Anastacio, tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle.

Para kay Anastacio, ang hakbang ng OED ay hindi lamang simbolo ng pandaigdigang pagtanggap sa wika, kundi isang paalala na “walang mataas o mababang wika.”

“Lahat may karapatan na maitala at talagang may mga bagay na hindi mo puwedeng maisalin dahil bound siya [sa] kultura na gumagamit nito,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin niya na maraming salitang tulad ng “gigil” ang hindi lubusang maisasalin sa Ingles, sapagkat nakaugat ito sa kontekstong kultural.

Ayon sa opisyal na pahayag ng

ng wika at iwasan ang mga salitang nanlilibak o naglilimita sa papel ng tao sa lipunan.

“Kapag may salitang nagbibigay ng hindi magandang pagtingin or nag-

GENDER-NEUTRAL PAHINA 6 ►

OED, layunin nilang punan ang tinatawag na “lexical gap” o mga salitang walang direktang katumbas sa Ingles. Isa itong hakbang para maging mas ingklusibo ang diksiyonaryo at masalamin ang ugnayan ng wika at kultura.

Sa pananaw ng dalubwika, ang pagsasama ng mga Filipino term ay pagbubukas din ng espasyo para kilalanin ang Philippine English bilang lehitimong anyo ng Ingles—isang makabuluhang hakbang lalo na sa panahong nakikita pa rin ng marami ang Ingles bilang “mas mataas” na wika. “Kung mababa ang tingin natin sa sarili nating wika, kasalanan natin ‘yon kasi mababa ‘yong pagtingin natin. Pero sa ginagawa ito ng Oxford Dictionary, ito ‘yong isang hudyat din

Pagtatalaga ng bagong KWF chair, binatikos ng mga akademiko’t samahang pangwika

Ni Frenchshield Shayne G. Delovieres

INALMAHAN ng mga organisasyong pangwika, guro at manunulat ang pagtatalaga sa abogadong si Marites Barrios-Taran bilang bagong tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Sa anunsyo ng KWF nitong ika-6 ng Agosto, opisyal na kinilala si Taran bilang kinatawan ng Wikang Tagalog at full-time komisyoner, kasabay ng kanyang pagtatalaga bilang tagapangulo ng ahensiya sa takda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Agarang umani ng batikos ang anunsyong ito mula sa mga organisasyong pangwika gaya ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Sangguniang Filipino (SANGFIL), Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila, at Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL).

‘Mahiya naman kayo’:

NAGLABAS NG mahigpit na babala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga nasa likod ng substandard at naantalang mga proyekto para sa flood control.

Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) noong ika-28 ng Hulyo, nagpahayag ng pagkadismaya ang pangulo sa mabagal na usad ng mga flood mitigation program sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna.

“Sa mga susunod na buwan, makakasuhan ang lahat ng mga mapatututnayang may sala mula sa imbestigasyon, pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa,” sabi ng pangulo. “Kailangan malaman ng taong-bayan ang buong

katotohanan. Kailangang may managot sa naging matinding pinsala at katiwalian.”

Ang kalakhang Luzon ay napinsala ng mga bagyong Crising, Dante, at Enteng, na pinalakas ng hanging habagat, at nagdala ng malubhang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan. Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 29 ang mga nasawi dulot ng baha na dala ng patuloy na pag-ulan.

Noong ika-23 ng Hulyo, umabot na sa P3.75 bilyon ang pinsala sa mga pampublikong imprastraktura, ayon sa tala ng Departamento of Public Works and Highways (DPWH). Sa kanyang talumpati, inutusan

ni Marcos ang DPWH na magpasa ng listahan ng mga flood control projects na nasimulan noong 2022, ang unang taon ng pangulo sa pwesto.

“Isasapubliko natin ang listahang ito. Kaya ang publiko na saksi sa mga proyektong ito ay malayang suriin ang listahan at magbahagi ng kanilang nalalaman para makatulong sa ating imbestigasyon,” dagdag pa niya.

“Sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapuwa Pilipino. Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha,” saad ni Marcos.

Ang DPWH ay nakatanggap ng P1.034 trilyon sa pambansang budget sa taong 2025, ikalawa sa pinakamalaking budget na inilaan para sa taong ito.

Ilan sa mga proyekto ng DPWH ukol sa flood control mula noong 2011 ay mga pumping stations at floodways, na umabot sa P11.47 trilyon ang nakalaang pondo.

“Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana ng mga utang na ginawa ninyo nang binulsa ninyo ang pera,” dagdag pa ng pangulo.

Mabilis na nagpahayag ang ilang mga netizen ng pagdududa sa kredibilidad ng pangulo ukol sa isyu ng korapsiyon, dahil sa desisyon ng Korte Suprema noong 2003 na ideklara ang higit sa P25 bilyong halaga ng mga ari-arian ng pamilya Marcos na ill-gotten wealth. LUIS ANGELO N. PALMA

“Ang Filipino ay disiplina, hindi dekorasyon sa resume,” saad ng opisyal na pahayag ng Kagawaran ng Filipino sa Pamantasang Ateneo de Manila. “Sa panahong pinapalitan, binabawasan, at binabalewala ang mga espasyo para sa Filipino, ang pagtatalaga ng isang hindi dalubhasa ay hindi lamang kapabayaan kundi pagkakanulo.”

Binigyang-diin ng UMPIL na “ang pagkakaroon ng di-kalipikadong komisyoner ay isang pagpapanggap at malaking insulto sa mismong wika at etnolingguwistikong pangkat na kinakatawan.”

Sa ilalim ng Republic Act 7104, ang bawat komisyoner ay dapat hinirang mula sa mga nominasyon ng mga kinikilalang organisasyon o institusyong pangwika.

“Hindi ito ang unang beses na kung sino-sino lang ang itinalaga ng Palasyo sa isang napakahalagang ahensya,” saad sa opisyal na pahayag ng PSLLF. “May panahon pa para baguhin na ang nakasanayang bara-barang pagtatalaga ng mga komisyoner sa KWF at iba pang ahensyang pangkultura at pangkalinangan.”

Tinuligsa rin ng SANGFIL ang desisyon at binigyang-diing si Taran ay walang pormal na edukasyon, pananaliksik, o adbokasiya para sa Filipino at mga katutubong wika.

Ayon sa kanilang pahayag sa Facebook, hindi tugma ang propesyonal na kasaysayan ni Taran sa mga pamantayang itinakda ng batas, lalo na sa disiplina ng lingguwistika, panitikan, at kultura.

Naglabas din ng pahayag ang Professional Association of Translators and Advocates of the Language, Inc. (PATAL), na nanawagang sundin ang batas at igalang ang Buwan ng Wika.

Kinuwestiyon din ng manunulat at S.E.A Write Awardee na si Jerry Gracio

PATNUGOT: FRENCHSHIELD SHAYNE G. DELOVIERES
► Marites Barrios-Taran

Koro ng UST, nagwagi sa internasyonal na timpalak

PINARANGALAN NG pangalawang gantimpala ang UST Coro Tomasino sa Taipei International Choral Competition (TICC) noong ika-1 ng Agosto sa National Concert Hall sa Taipei, Taiwan.

Nakakuha ng gintong diploma ang opisyal na koro ng Conservatory of Music sa kategoryang ethnic at mixed voices.

Nakakuha rin ang direktor at guro ng Music na si Mark Agpasa ng special jury prize para sa mga promising na konduktor.

Ito ang unang beses na sumali ang Coro Tomasino sa patimpalak sa labas ng bansa mula noong dumating ang pandemyang COVID-19.

Ayon kay Agpasa, walang inaasahang makuha na gantimpala ang grupo para sa kompetisyon.

Nais lamang nila na maisulong ang talento ng mga Tomasino sa labas ng bansa, wika niya.

“We just want[ed] to showcase the talents and music of the UST Conservatory of Music. The Philippines is very rich with its choral music scene and we want to share our Thomasian artistry to the world through our performances,” ani ni Agpasa.

Para sa kategoryang mixed voices, inawit ng grupo ang “Come Away, Sweet Love” ni Thomas Greaves, “Pater Noster” ni Mark Raeniel Agpasa, at “Sa Silong ng Langit” ni Nilo Alcala.

Para sa kategoryang Traditional Music, inawit nila ang “Sa-

rung Banggi” sa pagsasaayos ni Mark Raeniel Agpasa, “Caturog Na Nonoy” sa pagsasaayos ni Fidel Calalang Jr., ay “Inglay” ni Normita Rio-Pablico.

Para naman sa kategoryang grand prix, itinanghal ng Coro Tomasino ang “Sa Silong ng Langit” at “Didn’t My Lord Deliver Daniel” ni Aaron Dale.

Pinili ang mga awit para sa pangangailangan ng kompetisyon.

“The songs that I chose for the choir have varied and contrasting musical characteristics that best fit the vocal capabilities of my members,” ayon kay Agpasa.

Nagsimula ang pista noong ika-28 ng Hulyo, habang ang Grand Prix at parangal ay ginanap noong ika-1 ng Agosto.

MAKASAYSAYAN:

Propesor sa UST, pinarangalan ng kauna-unahang PhD ng medtech sa bansa

ISANG TOMASINONG mananaliksik ang kauna-unahang nagkamit ng doctorate sa medical technology sa Pilipinas na kinilala rin sa kanyang disertasyon na nakapokus sa maagang diagnosis ng pregnancy-related diabetes.

Pinarangalan si Mariejim Payot, katuwang na propesor, mula sa

Mula UST patungong NASA:

Isang Tomasino ang nagkamit ng panibagong tagumpay sa Houston space school program

Nina Rev E. Dela Cruz at Marielle F. Pesa

MATAGAL NANG pangarap ni Atasha Maggay ang maabot ang mga bituin, at ang kanyang pagkahumaling sa teknolohiya — na natuklasan niya noong junior high school hanggang sa pagtahak ng strand na Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) sa UST Senior High School — ang nagbigay-daan upang makatapak siya sa Lyndon B. Johnson Space Center ng Houston, Texas.

Noong Mayo 2025, isa si Maggay sa 15 Pilipinong mag-aaral na napili upang sumali sa isang 12-day intensive program ng space science and technology sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) na matatagpuan sa Houston, Texas.

Nagsimula sa isang coding class noong ika-pitong baitang ang kuryosidad ni Maggay sa kung ano ba talaga ang mga bagay na nasa labas ng planetang Earth. Pagtungtong niya ng ika-12 baitang sa UST, tuluyan nang umalab ang kislap na ito kaya’t ginanahan siyang ipagpatuloy ang pagtuklas sa larangang ito nang higit pa sa una niyang pinangarap.

“I saw how powerful technology is, not just for exploring space but also for solving real-world problems here on Earth, and with that, I realized that with science and technology, we can really make a real difference,” aniya sa isang panayam sa Varsitarian Habang papalapit ang programa, kinailangang ibalanse ni Maggay ang mga online seminars at technical briefings mula sa Data Science and Technology Corp. sa kanyang mga pinal na pagsusulit sa UST SHS, at kinailangan niya ring isabay ang mga ito sa pag-eensayo bilang isang manlalaro ng basketbol para sa Thomasian Goodwill Games.

“Before we flew out of the country, I did a lot of juggling and balancing. What I had in mind then was to be present in the now and to finish and complete the tasks needed to be accomplished,” ani Maggay.

we learned how to control aircraft and make quick decisions,” wika niya.

Noong ika-apat na araw, isinagawa niya at ng kanyang pangkat ang launching at analyzation ng kanilang mga handmade rockets.

Sumali sa ilang mga engineering challenges si Maggay, gaya na lamang ng paggawa at pagpoprograma ng mga autonomous robots upang tahakin ang mga tila-Martian na terrains, pati na rin ang paggawa ng mga heat shields na kayang tumagal sa ilalim ng mga high-temperature simulations.

Ang mga kalahok ay sumailalim sa microgravity training gamit ang simulated controlled underwater missions, at nabigyan din sila ng pagkakataon na mag-dissect ng isang pating upang maunawaan nila kung paano tumatagal at nabubuhay ang mga living systems sa ilalim ng mga matitinding kondisiyon.

Sa huling araw nila roon, nakilahok si Maggay sa isang simulated mission papunta sa buwan at Mars, kung saan ginampanan niya ang iba’tibang tungkulin ng isang astronaut at pinagtulungan ng kanilang pangkat na masolusyunan ang mga problemang kinaharap nila habang nasa misyon.

Matapos ang halos dalawang linggo ng pag-eensayo, hinirang si Maggay bilang isa sa nangungunang mga kalahok at nanalo siya ng pilak na medalya sa NASA Space Center University, unang gantimpala sa Martian Habitat Challenge, Robotics, at Cryogenic Challenge, pangalawang gantimpala sa Lunar Habitat Challenge sa University of Houston, Rocketry, at Endothermic Challenge, habang ikatlong gantimpala naman sa Coding Challenge.

“I feel proud to represent our country on the global stage, but more than that, I feel honored. This experience reminded me that nothing worth having comes easy, and that with perseverance, anything is possible,” saad niya.

Bilang isang freshman na nag-aaral ng Legal Management sa Fakultad ng Sining at Panitik, nais ni Maggay na magsilbing inspirasiyon sa iba pang mga estudyante ng STEM upang tuklasin ang larangan ng space science.

“Early detection of GDM is criti-

Fakultad ng Parmasya noong ika-14 ng Hunyo, at kanyang pinag-aralan ang potensiyal ng mga genetic biomarkers upang makatulong sa maagang pagtuklas ng sakit na gestational diabetes mellitus (GDM). Ang GDM ay isang kondisiyon na nagdudulot ng mataas na blood sugar habang nagbubuntis at maaaring magdulot ng malubhang panganib sa nanay at sa kanyang dinadalang bata. Sa kanyang pananaliksik na pinamagatang “Differential Expression of Five Genes among Filipino Gestational Diabetes Mellitus Patients,” pinagtuunan niya ng pansin ang pagtuklas sa mga early genetic indicators ng kondisiyon.

Sa una niyang araw sa NASA, tinahak niya ang mga pasilyo at pinagmasdan ang mga spacecraft at research topics na minsan niya lamang pinangarap ngunit ngayon ay abot-kamay na niya.

Natutuhan ni Maggay ang iba’tibang mga larangan gaya ng aeronautics, engineering, robotics, space biology, at astronautics.

“We also designed and programmed a robot to perform tasks, explored spacecraft design, and learned how the human body adapts in space through microgravity training. In flight simulation,

“We have so many passionate and talented students. All we need is more support, resources, and opportunities for us to grow even more,” wika ni Maggay.

“I think we can strengthen this by investing more in STEM education and creating more programs in partnership with international space organizations.”

Isinagawa ang NASA Houston Association for Space and Science Education (HASSE) Space School Program mula ika-17 ng Mayo hanggang ika-28.

Ni Divine P. De Los Reyes
Ni Marielle F. Pesa

ika-7 ng Agosto.

The Ridleys at ilang Tomasinong artista, tampok sa Thomasian Welcome Party

NAGTAPOS SA isang konsiyerto ang onboarding rites para sa freshmen na Thomasian Welcome Party noong Huwebes, ika-7 ng Agosto, sa Quadricentennial Pavilion (QPav), kung saan tampok ang bandang The Ridleys at ilang mga Tomasinong artista.

Itinanghal ng The Ridleys, na binubuo nina Benny Manaligod, Jan De Vera, Joric Canlas, at Bryant Ayes, ang kanilang mga kilalang kanta tulad ng “Aphrodite,” “Love Is,” at “Be With You.”

Lalong lumikha ng pananabik ang banda dahil sa isang backstage video greeting sa social media na inilathala ng Varsitarian

Ayon kay Lance Pascua, isang

freshman mula sa Fakultad ng Engineering, nakaramdam siya ng “burst of happiness” matapos makitang magtanghal ang The Ridleys sa totoong buhay.

“I felt very happy and excited since it’s my first time seeing The Ridleys in person and the opportunity that I took na makita sila made me feel happy,” aniya.

Tampok din ang ilang Tomasinong manananghal tulad ng Miktinig, JYVE!, at OneSHADE ng College of Fine Arts and Design.

Sinimulan ng UST Prime ang welcome party sa isang sayaw, na sinundan ng pagtatanghal ng batch dance ngayong taon na “Daleng Dale” sa pangunguna ng OneSHADE.

Itinanghal ng JYVE! ang kanil-

ang mga orihinal na kantang “Lila” at “Who Knew?,” at mga cover ng kanta ng bandang IV of Spades na “Aura” at “Mundo.”

Sinundan ito ng Miktinig, na kumanta ng cover ng “Multo” ng Cup of Joe, “The One That Got Away” ni Katy Perry, “Love Story” ni Taylor Swift, at ang kanilang orihinal na kantang “Huwag Kang Mag-Alala.”

Para kay Allan Belino, isang freshman mula sa Kolehiyo ng Edukasyon, nagsilbing baliktanaw ang Thomasian Welcome Party sa mga panahong naghahanda siya para sa entrance exam.

“Sobrang saya lalo na ‘yong UST hymn, kasi dati pinapakinggan ko lang ‘yun bago mag-review for USTET (University of Santo

Tomas Entrance Test), and ngayon napapanood ko na siya sa mismong QPav ng UST,” saad niya.

Ayon kay Frances Havana, executive producer at officer-in-charge ng konsiyerto, kaparehong pananabik sa mga freshman ang kanyang naramdaman habang pinamumunuan ang welcome party ngayong taon.

“Seeing the new breed of Thomasians feel ecstatic towards an event that aims to celebrate their entrance to the University makes me emotional, honestly. I was once a dreamer like the freshmen inside the arena, and in my senior year, it felt right to pay it forward,” aniya.

THE RIDLEYS PAHINA 11 ►

Kapistahan

ni Sto. Domingo: ‘Ang paghihirap ay daan sa katotohanan’

Ni Reya Vincent P. Misa

TULAD NI Santo Domingo, hindi dapat katakutan ng mga Tomasino ang hirap at pagsubok sa kanilang buhay, wika ng kura paroko ng UST sa huling Triduum Mass at University celebration para sa Dakilang Kapistahan ni Sto. Domingo de Guzman noong ika-7 ng Agosto. Sa kanyang homiliya sa Santisimo Rosario Parish Church, hinimok ni P. Glen Mar Gamboa, O.P. ang mga magaaral na tanggapin ang paghihirap bilang daan tungo sa katotohanan. Ayon kay Gamboa, napawi ng santo ang dilim ng kamangmangan sa pamamagitan ng pagtanggap na ito na bahagi ng paglalakbay tungo sa katotohanan.

“He lived in a time of confusion, when many were indifferent to the Church, many wanted to topple it, many wanted to beat it and dissolve it, they did not want to follow its teachings,” aniya.

Sa paghahanap ng “kagandahan, kung ano ang tama, kung ano ang mabuti at matuwid,” ay nagtagumpay si Sto. Domingo sa pagpawi sa kamangmangan ng mga tao.

Nagbabala si Gamboa laban sa madaliang kasiyahan, na nakukuha sa mga bagay, at pag-iwas sa hirap, tulad ng paggamit ng artificial intelligence sa pag-aaral.

“Where’s the struggle? Where’s the trial? Where’s the hardship? It’s because we want the fastest way. We want the instant. We do not want difficulty. We do not want to fail. We do not want to learn the right way,” aniya. Itinatag ni Sto. Domingo ang Dominican Order noong 1215 sa Toulouse, France, na inaprubahan ng Vatican matapos ang isang taon.

Ang UST ay itinatag ng mga misyonerong Dominiko noong 1611, sa utos ni P. Miguel de Benavides, O.P., ang ikatlong obispo ng Maynila.

Gender neutral MULA PAHINA 4 ►

Ni Sydney Venice V. Berba

TINANGGAP ng Unibersidad ang halos 7,000 na mag-aaral sa basic education unit sa ALAB 2025 o ang pagsalubong para sa mga freshman sa Education High School (EHS), Junior High School (JHS), at Senior High School (SHS), noong ika-7 ng Agosto sa Quadricentennial Pavilion.

Batay sa datos ng registrar noong ika-5 ng Agosto, mayroong 335 magaaral ang naka-enrol sa EHS, 36 sa EHS Senior High School, 1,437 sa JHS, at 5,152 sa SHS.

Ang ALAB ay may tatlong bahagi: Welcome Mass, oryentasyon, at Welcome Walk.

Sa kanyang misa para sa mga freshman sa basic education, hinimok ni P. Ermito De Sagon, O.P.,

rehente ng UST SHS, ang mga magaaral na tukuyin ang kanilang mga pangarap at mamuhay nang may alab sa kabila ng mga balakid.

“Saint Dominic had a passion for the Gospels and for the preaching of the Gospels. Saint Thomas had a passion for the truth. Ikaw, what is your passion?” saad ni De Sagon sa kanyang homiliya. Pinaalalahanan sila ni De Sagon na ang kanilang panahon sa hayskul ay maikli lamang, at ngayon na ang panahon upang pagnilayan ang mga mithiin.

“Dapat ‘yong passion ninyo is about your dream. Alam niyo ba kung ano ‘yong dream n’yo? Maliwanag ba kung ano ‘yong dream n’yo para sa sarili?” tanong ng rehente.

Ang pamagat ng programa na

“ALAB,” ayon kay De Sagon, ay isang salitang Filipino na nangangahulugang “apoy” o “ningas,” na paalala sa mga mag-aaral na mamuhay nang may masidhing damdamin at pananabik.

“That is why…this orientation is named ALAB – to remind you that you have to have some passion

kasi maiksi lang ang panahon. You should have passion for something,” dagdag niya. Binalaan ni De Sagon ang mga mag-aaral laban sa mga sagabal sa pang-araw-araw na buhay, lalo na ang kultura ng tsismis, na ayon sa

mamaliit sa iba’t ibang kasarian, hindi natin ito dapat gagamitin,” tugon ni Festin sa panayam ng Varsitarian Binigyang-diin din niya ang papel ng wika sa pagbuo ng gender stereotypes na nakikita sa midya at paaralan. Para kay Festin, maaaring maging sandata ang wika laban sa diskriminasyon kung ito’y gagamitin upang kilalanin ang dignidad at kakayahan ng bawat isa.

“Mahalagang naka-ugat sa respeto sa kapuwa at sa pagkilala sa pagkakaiba-iba ang paglikha at paggamit ng wika,” aniya.

Ang Wikang Pangkasarian ay bahagi ng serye ng webinar ng KWF ngayong Buwan ng Wika na naglalayong talakayin ang papel ng wika sa katarungang panlipunan at pagsugpo sa diskriminasyon. MAY ULAT NI JAMIEBETH P. ORTEGA

Oxford MULA PAHINA 4 ►

na walang wikang mataas o mababa,” aniya.

Upang mapabilang sa OED, kailangang mapatunayan ang malawakang paggamit ng isang salita, na karaniwang nakikita sa mga pahayagan at nobela sa loob ng hindi bababa sa sampung taon. Noong 2015, unang naitala sa OED ang halos 40 terminong Filipino, kabilang ang “halo-halo,” “barangay,” at “balikbayan.” MAY ULAT NI SOFIA GABRIELLE G. ROSARIO

► Nakiisa sa Thomasian pledge ang mga bagong mag-aaral ng basic education unit sa “ALAB” 2025 noong ika-7 ng Agosto.
KUHA NI VIO NEIRO M. VILLAESCUSA
► Tampok sa Thomasian Welcome Concert ang bandang The Ridleys at ilang mga Tomasinong artista noong

Welcome Rites 2025

Mahigit 11,000 freshmen ang sinalubong ng Unibersidad ngayong taon sa pamamagitan ng mga tradisyonal na welcome rites, kagaya ng pagpasok sa Arch of the Centuries sa Welcome Walk noong ika-6 ng Agosto 2025.

F.

pumasok

sa

freshmen

MGA KUHA NINA PIA C. BARRETTO, ETHAN JOSHUA NIKHOLAI
GUISAMA, CHLOE ELYSSE B. IBAÑEZ, JAMES MICHAEL M. MAGBOO, DJENHARD YRENEO RAPHAEL Y. SAPANHILA, VIO NEIRO M. VILLAESCUSA
► Pumasok ang freshmen mula sa College of Science sa Arch of the Centuries noong ika-6 ng Agosto 2025.
► Dumalo ang freshmen mula sa College of Rehabilitation Sciences sa Welcome Walk.
► Sumumpa ng Thomasian Pledge of Loyalty ang freshmen bilang parte ng ROARientation.
► Malugod na lumahok ang freshmen sa ROARientation.
► Sa kabila ng ulan, pumasok sa makasaysayang Arch of the Centuries ang mga mag-aaral mula sa Faculty of Pharmacy.
► Masayang magkakasamang
ang freshmen mula
AMV-College of Accountancy habang umuulan sa Arch of the Centuries.
► Mahigit 11,000
ang pumasok sa makasaysayang Arch of the Centuries noong ika-6 ng Agosto 2025.
► Pumasok ang libu-libong freshmen sa Unibersidad sa afternoon batch ng Thomasian Welcome Walk.
► Nakiisa ang mga bagong mag-aaral sa Thomasian Welcome Mass.
► Sumali ang mga mag-aaral mula sa College of Education sa Welcome Walk.

Laban kontra sugal, wala sa baraha ng ikatlong SONA

SA IKATLONG State of the Nation Address

(SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., muling naipinta ang larawan ng isang bansang patuloy umanong lumalago — mga bagong imprastruktura, proyektong pang-agrikultura, at mga bagong pangako para sa mga bayan — bukod sa online gambling na patuloy na nagpapahirap sa buhay ng mga Pilipino.

Hindi simpleng libangan ang sugal sa internet. Sa likod ng mga dopamine-induced website at mobile apps ay nakatago ang isang industriyang sumisipsip ng pag-asa at dangal ng tao.

Kung dati, ang pagsusugal ay may pisikal na hangganan kung saan kinakailangan pang pumasok sa isang casino, humalo sa usok, at makita ang pera’t pawis na aktuwal na nakataya, ngayon ay sapat na ang isang cellphone at koneksyon sa internet. Ang dating bisyong kailangan pang paghandaan at tahakin, ngayo’y kasingdali na lamang ng isang swipe o pindot.

Kung tunay na layunin ng SONA ang maglatag ng direksyon para sa bansa, hindi maaring iwasan ang mga tanong kung ipasasara ba ang mga hub ng sugal, magpapatupad ba ng mas mahigpit na regulasyon laban sa lahat ng anyo ng online gambling, o mananatiling tikom ang bibig ng pamahalaan habang patuloy na nilalason ng bisyong ito ang lipunan.

Ngunit sa halip na tugunan ang mga tanong na ito, binaha ng magagarang plano ang plenaryo–dalawampung pisong bigas, dagdag klasrum, planta ng kuryente, at libo-libong kilometro ng kalsada—mga proyektong mahalaga ngunit hindi tumutugon sa isang industriyang unti-un-

ting sumisira sa ating ekonomiya at seguridad. Ang online gambling ay hindi maliit na usapin. Narito ang tunay na panganib: mas mabilis, mas tahimik, at mas nakamamatay. Hindi lamang ito usapin ng pera sapagkat ito’y nagbubukas ng pinto sa pagkakabaon sa utang, pagkawasak ng pamilya, at minsan pa’y krimen. Ilang kabataan na ang nagnakaw sa sariling magulang para lamang makabayad ng inutang na taya? Ilang manggagawa ang naubos ang sahod sa habol

Kung saan may sugal, naroon rin ang potensyal para sa korupsiyon. Sa wika ng retorika, ang omission ay maingat na pagpili. Binubuo ang kuwento sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga bahaging hindi maganda sa imahe. Kung maihahalintulad naman sa wika ng kasaysayan, ito ay selective narrative — ang pagbuo ng kasaysayan sa pamamagitan ng paglimot. At sa puntong ito, mas mabigat ang halaga ng mga hindi binanggit kaysa sa mga salitang ipinahayag.

Dapat malinaw ang mga hakbang tulad ng masusing pag-audit ng lahat ng lisensya, agarang pagsasara ng mga lumalabag, at matinding pagtutok sa imbestigasyon ng mga kasong kriminal na kaakibat ng online gambling.

ng ilusyon ng panalo?

Gayunman, sa nakaraang SONA, ni isang linya hinggil sa pagsusuri o patakaran para rito ay walang nabanggit. Sa bawat araw na walang malinaw na polisiya, mas lumalalim ang ugat ng ilegal na aktibidad. Ang pananahimik ay hindi simpleng pagkukulang dahil ito mismo ang nagiging patakaran. Kapag hindi binanggit, para bang wala nang dapat lutasin. At sa ganitong katahimikan, unti-unting nagiging normal ang mali.

Mahalagang tandaan na ang online gambling ay hindi lamang moral na usapin. Ito ay isang usapin ng pambansang seguridad at pampublikong tiwala. Walang saysay ang mga bagong gusali kung ang mismong mga pamilya ay guguho dahil sa bisyong ito. Hindi ito teknolohiya ng pag-unlad kundi makina ng pagkasira at habang patuloy itong lumalago, ang tunay na jackpot ay hindi kailanman mapupunta sa mamamayang Pilipino — lagi’t laging sa mga

operator, sindikato, at sa mga bulag na nakikinabang.

Kung nais ng Pangulo na patunayan na hindi siya mananatiling tahimik sa harap ng ganitong panganib, dapat malinaw ang mga hakbang tulad ng masusing pag-audit ng lahat ng lisensya, agarang pagsasara ng mga lumalabag, at matinding pagtutok sa imbestigasyon ng mga kasong kriminal na kaakibat ng online gambling. Sapagkat sa huli, hindi lamang pera ang nalulustay sa sugal kundi tiwala, dangal, at kinabukasan. Sa bawat patak ng katahimikan mula sa pamahalaan, muling itinataya ng bansa ang sariling pangalan at paulit-ulit itong natatalo. Kapag mas piniling manahimik ng pamahalaan sa kabila ng malinaw na pinsala, malinaw ang mensahe: mas mahalaga ang imaheng walang mantsa kaysa sa sugat na kailangang gamutin. Higit sa pagtukoy sa kanyang katahimikan, nararapat sanang madinig mula sa Pangulo ang malinaw at tiyak na direksyon: ipagbabawal ba ang mga hub ng online gambling, magpapatupad ba ng mas mahigpit na regulasyon, o ipagpapatuloy ang kasalukuyang pagkabulag ng pamahalaan? Sapagkat sa bawat taon ng kawalan ng aksyon, mas lalong tumitibay ang kapit ng industriyang ito hindi lamang sa ekonomiya, kundi pati sa pulitika at mismong kaluluwa ng lipunan.

Balang araw, babasahin din ng kasaysayan ang mga pahinang nilaktawan. At kapag dumating ang araw na iyon, haharapin ng lider ang katanungang pilit niyang iniiwasan: Bakit ka tumaya sa katahimikan at bakit natalo ang bayan sa huling baraha?

Joselito B. Zulueta
Dibuho

Matinding pagbaha sa Maynila, dapat nang masolusyunan

Beyond Boundaries

ANG MATINDING pagbaha sa kalakhang Maynila dulot ng sunod-sunod na matinding pag-ulan ay isang paalala na hindi kailanman naging sapat ang mga usaping pang-imprastruktura, urban planning, at pangkalikasan na matagal nang ipinangako.

Taun-taon, inuulit ang parehong senaryo: nalulubog sa baha ang mga pangunahing kalsada, naaantala ang byahe, ikinakansela ang mga klase, nasisira ang kabuhayan, at nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mga mamamayan. Sa kabila nito, tila ba patuloy lamang ang mga pamahalaang lokal at pambansa sa reaksiyonaryong tugon—pansamantalang solusyon na hindi tinutumbok ang ugat ng problema gaya ng baradong drainage, walang habas na pagtatayo sa flood-prone areas, at kawalan ng maayos na waste management.

Noong buwan ng Hulyo, limang araw na sunod-sunod ang pagsuspinde ng klase sa iba’t ibang parte ng bansa dahil sa dulot ng matinding pag-ulan, kasabay nito ang paglubog ng maraming lungsod sa baha.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) hindi bababa sa 1.9 milyong indibidwal ang apektado ng walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Crising at ng habagat. Ang malawakang pagbaha ay nagdulot ng malaking pinsala sa mga komunidad na matatagpuan sa mga mabababang lugar ng Maynila. Libo-libong tao ang kinailangang lumikas, iwanan ang kanilang mga tahanan, at bumangong muli mula sa mga danyos na dulot ng baha.

Sa kanyang kamakailang State of the Nation Address (SONA), binatikos ni Pangulong Marcos Jr. ang mga opisyal na kinukurakot ang mga pondo sa flood control projects. Wika niya, dapat silang mahiya sa mga pinaggagawa nila.

Ilang dekada nang problema ng Maynila ang matinding pagbaha. Kaya noong 2012, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang Metro Manila Flood Management Project (MMFMP), isang programa na nabuo matapos ang pananalasa ng Bagyong Ondoy noong 2009. Nais ng proyektong ito na ayusin ang 36 na pumping stations at magtayo ng 20 panibagong istasyon upang mabawasan ang pagbaha sa mga lungsod ng Manila, Makati, Quezon City, Mandaluyong, Malabon, at iba pa.

Mula taong 2011, tinatayang P1.47 trilyon na ang nailaang badyet ng pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga programa sa pagkontrol

ng baha. Ngunit sa kabila ng napakalaking badyet na ito, 26 pa lamang sa 36 na pumping station ang naisasaayos. Apat sa 20 pumping station ang itinatayo mula noong Marso 2024, habang ang konstruksiyon ng natitirang 16 na istasiyon ay naantala nang walang katiyakan dahil sa mga isyu ng right-of-way. Bukod sa isyu na kaunting porsyento pa lamang ang nakukumpleto sa mga proyekto, napakabagal din ng progreso ng Departamento of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pagsasaayos ng mga drainage systems. Orihinal na nakatakdang matapos ang pagsasaayos ng mga drainage areas noong Agosto 2024, ngunit naantala ang proyekto at itinakdang matatapos sa Nobyembre 2026. Ang paglilinis ng mga basura sa waterways ang isa pa sa mga nais makamit ng MMFMP, ngunit kahit ang aspetong ito ay wala pa ring masyadong usad ang mga ahensya at tila lalo lamang lumala ang kalagayan. Mula Hulyo 18 hanggang 22 ngayong taon, iniulat ng MMDA na nakakuha sila ng mahigit-kumulang 600 tonelada ng basura sa mga drainage systems at lugar na binaha.

Pinuna ng mga senador katulad ni Sherwin Gatchalian ang pagkaantala, at iginiit na dapat mas magsumikap pa ang DPWH at MMDA na pabilisin

Pamumuno o pamumulitika?

On the updraft FRENCHSHIELD SHAYNE G.

HINDI pa man lubos na lumalapat sa upuan ng pamumuno ang abogadong si Marites Barrios-Taran bilang bagong hirang na tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bumuhos na ang puna mula sa mga akademiko, iskolar ng wika, manunulat, at mga organisasyong pangwika hinggil sa bara-barang pagkakaluklok sa kaniya ng pangulo.

Sa panahong maraming katutubong wika ang nalalagas at pinapatay ng kasalukuyang sistema ng edukasyon at gobyerno, marapat lamang na dalubhasa at tunay na kumakatawan sa malalim na pagkilala sa kinabukasan ng mga wika sa Filipinas ang mamumuno sa ahensyang ito.

Pangunahing tinuglisa ng mga grupo ang kakulangan umano ni Taran sa malinaw na kalipikasyon, gayundin ang kawalan ng karanasan sa pagpapalawig o pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga katutubong wika sa bansa.

Si Taran ay isang public accountant at naging

ic Programs Quality Assurance Office.

Ang bagong tumatayong director ng UST Graduate School – Center for Conservation of Cultural Property and Environment in the Tropics ay si Beverlyn Bautista, na nagsilbing officer in charge nito.

Si Walner Saturno, isang guro sa matematika sa UST Junior High School, ang bagong kalihim nito.

Ang Facultad ng Arts and Letters ay nagtalaga rin ng bagong mga tagapangulo sa apat nitong kagawaran:

Jade Bretaña – Departamento ng Sociology

Katuwang na Prop. Edelberto Bunquin – Departamento ng

Legal Management

• Jonathan Libut – Departamento ng Asian Studies

Prop. Jeremaiah Opiniano – Departamento ng Journalism

UST MAx (Santa Rosa – Laguna)

Si P. Cecilio Magboo, O.P., isang

tagapaglingkod bilang Vice President for Administration and Finance, University Legal Counsel ng Pamantasang Lungsod ng Maynila, at Director II sa House of Representative.

Alinsunod sa Republic Act Blg. 7014, partikular sa Tuntunin 2, Seksiyon 9(a), nakasaad na dapat ang mga komisyoner at tagapangulo ay nagmula sa nominasyon ng mga kinikilalang organisasyon at institusyong may malinaw na adbokasiya sa wika at panitikan.

Noong 2023, naging kaalyado umano si Taran ng mga komisyoner na sangkot sa red-tagging, lalo na sa pagpapapull-out ng mga aklat ng KWF na tinaguriang “subersibo,” ayon sa manunulat at Southeast Asian Write Awardee na si Jerry Gracio.

Sa kasong ito, lumalabas na hindi dumaan sa konsultatibong proseso ang pagkakatalaga kay Taran.

Kung ang KWF ay pumumunuan ng isang lider na walang track record sa gawaing pangwika, paano nito magagampanan ang mandato nitong magsagawa ng mga pananaliksik, makipag-ugnayan sa mga eksperto, at magpanukala ng mga patakarang magsusulong sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino?

Isa itong malinaw na pagsasantabi sa kadalubhasaan sa wika’t panitikan, kultura at disiplinang

guro sa Facultad ng Sacred Theology, ay manunungkulang chaplain ng UST MAx sa Santa Rosa, Laguna.

UST General Santos Nagtalaga rin ang GenSan campus ng anim na bagong opisyales.

Si Joy Abraham ang bagong direktor ng human resource. Siya rin ay dating nanilbihan bilang assistant director para sa mga support staff sa Unibersidad.

Si Eduardo Cabalang, Jr., katuwang na propesor, na dating assistant director ng Laboratory Equipment and Supply Office (LESO), ang iniluklok bilang officer in charge para sa research.

Si Mershen Gania ay magsisilbing assistant administrator ng LESO.

Si Jay Galleno naman ang tatayong direktor ng Office of Student Admissions and Records.

Itinalaga rin bilang bagong direktor ng Communications Bureau sa GenSan si Asst. Prop. Victor Reyes. Hahalili siya kay Silver Hiponia na magiging direktor ng Office of Student Affairs.

kinakatawan, na tila nagpapahiwatig na sapat na ang pagiging malapit sa kapangyarihan upang maitalaga sa mataas na posisyon sa isang ahensya ng pamahalaan.

Ang wika ay buhay kung kaya’t hindi natin ito maaaring ipaubaya sa kamay ng mga hindi bahagi ng pakikibaka para mapanatili at mapaunlad ito.

Marahil ang isang hakbang na dapat gawin ng Malacañang ay muling rebisahin ang proseso ng pagtatalaga sa mga pinuno ng mga institusyong pangwika katulad ng KWF.

Isaalang-alang ang konsultasyon sa mga komunidad at sektor na nagtataguyod ng pagpapabuti sa wika, kagaya ng mga eksperto sa lingguwistika at kultura, upang matiyak na ang mailalagay sa puwesto ay tunay na may kakayahan at pananagutan sa tungkulin nito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinamigay ang mga tungkuling pamunuan ng mga ahensiyang pangwika, pangkultura, at pang-edukasyon sa mga kaalyado ng pangulo bilang isang bansang mas inuuna ang konsiderasyong pampulitika.

Pinapahina lamang ng ganitong pagtatalaga ang kredibilidad ng mga institusyong inaasahan na magpoprotekta at mangangalaga sa pambansang interes ng publiko.

nity to encounter with people because remember, you are a person, and the ones you teach are also persons,” saad niya.

“In a fragmented world, your classrooms can become sanctuaries of dialogue and critical thinking because outside of this University, my goodness, I think everybody has lost the ability to think critically,” dagdag pa niya.

Naging prelado ng Marinduque si Maralit bago siya malipat sa Diyosesis ng San Pablo noong 2024.

Pinamunuan niya ang teritoryo ng Laguna bilang obispo nito simula ng ika-21 ng Nobyembre ng kaparehong taon.

Nakapagtapos si Maralit ng philosophical studies sa St. Francis de Sales Major Seminary sa Lipa City at nagtamo siya ng lisensiyatura sa sacred theology mula sa Universidad de Navarra sa Espanya.

Nakatanggap naman siya ng li-

al science sophomore Pia Barretto, at journalism junior Montrell Aigan Santos. Sa pangalawang taon, magsisilbing editorial assistant ang journalism senior na si Reyza Bianca Ferranco.

Ang 59 na miyembro ng Varsitarian ay dumaan sa specialized exams at panel interviews, kung saan binusisi ang kanilang mga kakayahan ng komiteng pinangunahan ng abogadong si Teodoro Lorenzo Fernandez, dating tagapamahalang patnugot ng publikasyon at tagapangulo ng Departamento ng Legal Management. Kasama rin sa komite sina Cristina Pantoja-Hidalgo, batikang manunulat at direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS), katuwang na direktor ng CCWLS na si Augusto Antonio Aguila, beteranong mamamahayag at nagwagi ng Pulitzer Prize na si Manny Mogato, at Neil Jayson Servallos, mamamahayag sa Philippine Star at dating patnugot ng Natatanging Ulat. Mananatiling tagapayo ng Varsitarian si Asst. Prop. Joselito Zulueta, isang batikang mamamahayag, manunulat, kolumnista, at editor. Katuwang niya si Asst. Prop. Felipe Salvosa II na pangulo ng Journalism Studies Association of the Philippines at editor ng PressOne.PH. CARLO JOSE H. RUGA

MULA PAHINA 4 ►

ang pagkakatalagang ito kay Taran. Ayon sa kanya, si Taran ay kaalyado umano ng mga komisyoner na sangkot sa red-tagging noong 2023, partikular sa pagpapa-pull-out ng mga aklat ng KWF na tinaguriang “subersibo.”

“Nakikiusap din ako sa mga guro, iskolar, at sa mga nagmamahal sa wika na ipaabot ang kanilang pagtutol sa mga nagaganap sa Komisyon, ngayon pa namang ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika,” ani Gracio sa kanyang Facebook post. Iginiit naman ng manunulat at propesor na si Edgar Samar na ang pagtanggap sa puwesto nang walang sapat na kadalubhasaan ay paglabag sa batas at prinsipyong moral. Hinihimok ng mga grupo ang pamahalaan na magsagawa ng bukas, konsultatibo, at merit-based na proseso sa pagpili ng mga pinuno ng KWF.

sensiyatura sa church history mula sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma at ganap na naordenahan bilang pari noong 1995. Pinangunahan ni Maralit ang Mass of the Holy Spirit, ang taunang pagdiriwang ng banal na Eukaristiya sa UST na nagsisilbing hudyat ng simula ng bagong taong akademiko. Kasama niya sa misa sina UST Rektor P. Richard Ang, O.P., Secretary General P. Louie Coronel O.P., Bise Rektor P. Isaias Tiongco, O.P., at iba pang Dominikong pari. Kasabay ng misa sa kampus sa Maynila, pinangunahan naman ni P. Edmund Nantes, O.P., kawaksing pangalawang rektor ng pananalapi at administrador sa UST General Santos, ang misa sa kampus sa Mindanao.

Sinundan ang selebrasyon ng banal na Eukaristiya ng Diskurso de Apertura, ang taunang panimulang panayam, na siyang pinangunahan ni Patricia Empleo, ang dekana ng Accountancy. MAY ULAT NINA MICAH G. PASCUA AT MARY DAWN S. SANTOS

Kompetisyon

sustainability and ethical practices, we do more than safeguard our institution, we uphold a culture of integrity, accountability and continuous improvement,” dagdag niya. Si Empleo, na kamakailan lang ay naabot ang edad sa pagreretiro, ay magpapatuloy pa bilang dekana ng UST - Alfredo M. Velayo College of Accountancy hanggang sa susunod na taon. Siya ang dekana ng kolehiyo mula 2013. Ang Discurso de Apertura, na hinalaw mula sa kasanayan ng mga unibersidad sa Europa, na siyang matagal na ring tradisyon ng UST simula pa noong 1866, ay nagtatalaga ng senior faculty member para magbigay ng panayam sa pagsisimula ng taong akademiko. MAY ULAT NINA SYDNEY VENICE V. BERBA, FRENCHSHIELD SHAYNE G. DELOVIERES, MICAH G. PASCUA, MARY DAWN S. SANTOS, AT AMADOR DENZEL M. TESTON

BEYOND BOUNDARIES PAHINA 11 ►

BUHAY TOMASINO

LEG DAY SA MAIN, BICEPS SA BEATO DENISSE AMBER REYES

BINYAG ARLENE TURLA

SWIMMING MHYZELL DAYNE OBLEPIAS

Ni Frenchshield Shayne G. Delovieres

ALAM NIYO bang may sinaunang kasulatan sa baybayin na itinuturing na pambansang yaman at ngayon ay nasa pangangalaga ng Unibersidad?

Dahil sa natatanging halaga nito, itinuring ng National Archives of the Philippines (NAP) bilang pambansang yaman pangkultura ang sulat-kamay na dokumentong baybayin.

Pormal na idineklara ang pagkilala noong Agosto 2014 sa ikalawang Conference on Baybayin sa Pambansang Museo, kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Naging ikalima ito sa mga pangunahing yamang pangkultura ng Unibersidad.

Ang dokumentong ito, na matatagpuan sa Archivo de la Universidad de Santo Tomas, ay nagbibigay-daan upang masulyapan ang nakaraan, partikular noong ika17 siglo, sa Maynila. Binubuo ang sinaunang siste-

ma ng pagsulat ng 14 na katinig at tatlong patinig na ginamit bago ang pananakop ng mga Espanyol. Nahahati ang dokumento sa dalawang bahagi, at kapuwa naglalaman ng kasunduan sa pagbebenta ng lupa.

Pagbabalik ng baybayin

Noong Hulyo 2025, sinimulan ng Unibersidad na ipakilala muli ang baybayin sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga pangalan ng kalye sa loob ng kampus sa sinaunang sistema.

Ayon kay P. Dexter Austria, O.P., direktor ng Facilities Management Office (FMO), layon ng proyekto na parangalan ang mga ninuno at ipakilala sa kasalukuyang henerasyon ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Kasabay nito, naglagay rin ang FMO ng mga karatula nasa baybayin sa mga pangunahing pasúkan ng Unibersidad, kabilang ang Gate 4 (España) at Gate 10 (Dapitan) MAY ULAT

FERY

UsapangUste

Mario Hernando

Ni Frenchshield Shayne

G. Delovieres

BILANG PERYODISTA at kritiko, si Mario Hernando ay may makabuluhang ambag sa sining at kultura.

Isang Tomasino, kabilang si Hernando sa mga nagtatag ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ang grupong nasa likod ng taunang Gawad Urian. Mula 1976, kinikilala ng Gawad Urian ang husay ng pelikulang Pilipino. Itinuturing itong pinaka-prestihiyosong parangal sa industriya.

kilalang kritiko ng pelikulang Pilipino Lamuymóy

Ipinamalas ni Hernando ang kanyang malalim na kaalaman sa kanyang pagsusuri sa mga pelikulang “Kapag Langit ang Humahatol” ni Laurice Guillen, “Batang West Side” ni Lav Diaz at “Himpapawid” ni Raymond Red.

Kabilang din sa mga sinuri niya ang “Halaw” ni Sheron Dayoc at “Ang Babae sa Septic Tank” ni Marlon Rivera.

Naging film reviewer siya ng dating showbiz talk show na Movie Patrol o Movie Magazine. Nagsimula ang kanyang karera sa pamamahayag bilang patnugot ng Varsitarian, ang opisyal

Bago pumasok sa eskwela, napansin ni Sofiah ang lamuymóy sa laylayan ng kabibili lamang na uniporme kaya naman kumuha siya ng gunting at pinutol ito.

na pahayagang pangmag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, noong dekada 1970.

Pagsapit ng dekada 1990, naging instruktor si Hernando sa Unibersidad sa programang journalism.

Hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay, patuloy siyang nagsulat at nanindigan sa pangangailangan ng mas malalim na kritisismo—hindi lamang upang suriin ang pelikula bilang likha, kundi bilang bahagi ng mas malawak na naratibo ng lipunan.

Pumanaw si Hernando noong 2017 dahil sa bone cancer.

hilatsa o himulmol ng damit

MGA SANGGUNIAN “Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles“ ni Jose Villa Panganiban at Komisyon sa Wikang Filipino

DIBUHO NI JINMARSON CHESTER V. PUA

UNA SA ASYA:

UST Varsitarian, finalist sa 8 kategorya sa US college media awards

GUMAWANG MULI ng kasaysayan ang Varsitarian, ang opisyal na publikasyong pangmag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, bilang una sa Asya at Pilipinas na naging multi-category finalist sa US College Media Association (CMA) Pinnacle Awards.

Finalist ang 97-taong pahayagang Tomasino sa walong kategorya sa isa sa pinaka-respetadong kompetisyon ng student media sa Amerika.

Naihanay ang Varsitarian sa mga nangungunang campus publications sa US tulad ng The Daily Texan ng University of Texas at Austin, The Daily Bruin ng University of California Los Angeles, at The Michigan Daily ng University of Michigan.

Kinikilala ng CMA Pinnacle Awards ang pinakamagagaling na student media sa pitong dibisyon: Creative Pinnacles, Features Pinnacles, General Pinnacles, News Pinnacles, Opinion Pinnacles, Promotion o Advertising Pinnacles, at Sports Pinnacles.

Ang patimpalak ay nakatanggap ng mahigit 3,000 entries ngayong taon. Sakop ng kompetisyon ang mga gawang inilathala mula ika-18 ng Hunyo, 2024 hanggang ika-17 ng Hunyo, 2025, at itinampok ang mga gawa mula sa dyaryo ng mga mag-aaral, magasin, yearbooks, website, at broadcast outlets.

Ang Coverage of Faith entry ng Varsitarian na “Papal Coverage: Francis’s Death and Leo XIV’s Election,” at ang natatanging seksyon, “‘The People’s Pope’: Pope Francis, 1936–2025,” ay nakakuha ng puwesto sa ilalim ng General Pinnacles. Ang coverage ay pinangunahan ng dating

punong patnugot ng Varsitarian na si Logan KalEl Zapanta noong Taong Publikasyon 2024-2025.

Para sa Opinion and News pinnacles, kinilala ang editorial cartoon na “Surviving Without Sara, the ‘Designated Survivor,’” ng dating layout editor Jan Esguerra, at ang general news photo na “Welcome Rites at UST GenSan” ng dating patnugot sa potograpiya na si Jeremy Edera.

Sa promotion at advertising, ang ad campaign entry, “26th Inkblots Promotional Campaign,” at ang video advertisement na “Pautakan 2025 Teaser,” ay kasama rin sa mga finalist.

Sa Sports Pinnacles, kinilala ang audiovisual sports feature na Superstar’ – UAAP 87 Second Semester Primer, na prinodyus ng kasalukuyang punong patnugot na si Chalssea Echegoyen, at ang sports photo na “Golden Tigresses Outlast DLSU in 5 Sets” ng ngayo’y patnugot ng potograpiya na si James Magboo.

Pararangalan ang mga nagwagi sa Oktubre 2025 sa Washington. Itinatag noong 1954, ang CMA ay ang nangungunang organisasyon para sa collegiate media at mga tagapayo nito sa Estados Unidos. CZEANTAL

NAOMI P. DELOS SANTOS

The Ridleys

Dagdag pa ni Havana, naging malaking aspekto ang koordinasyon at tiwala sa mga kasama niyang bumubuo ng programa dahil sila rin ang namuno sa paghahanda ng “ROARientation” na ginanap isang araw bago ang konsiyerto.

Medtech PhD

cal,” wika ni Payot sa isang panayam ng Varsitarian. “For mothers, it can help prevent long-term consequences like the development of type 2 diabetes. For the offspring, it can lead to improved birth outcomes and a lower risk of metabolic disorders later in life.”

Ayon kay Payot, ang maagang diagnosis ay hindi lamang nakatutulong upang mapabuti ang pangmatagalang kalusugan ng mag-ina, sapagkat nakatutulong din ito upang magkaroon ng mas magandang blood sugar control habang nagbubuntis.

Nababawasan nito ang panganib ng mga komplikasiyon gaya ng labis na paglaki ng sanggol (macrosomia), premature delivery, at iba pang mga pregnancy-related hypertensive disorders kagaya ng preeclampsia.

Ang programa ay inorganisa ng TOMCAT - UST, UST Central Student Council, at Student Organizations Coordinating Council.

Ibinahagi ang mga tiket sa mga freshman sa pamamagitan ng kanilang mga local academic units.

Ang Thomasian Welcome Party ay bahagi ng mga aktibidad para sa freshmen, kabilang na rito ang Misa y Dis-

Bagamat kinakailangan pa ng pananaliksik ng karagdagang pagpapatunay mula sa mga obstetricians at iba pang mga mananaliksik, isinaad ni Payot na maaari itong magamit upang makabuo ng mas proactive at personalized na pangangalaga para sa mga ina.

“They could play a vital role in identifying women who are at higher risk of developing GDM, even before clinical symptoms appear, as early as the first trimester,” aniya.

“This could open doors to more personalized care, where early monitoring and targeted lifestyle interventions can be introduced, reducing the risk of complications for both mother and child,” dagdag pa niya.

Pumasok si Payot sa doctorate program ng medical technology ng unibersidad noong 2017. Ang UST ang unang unibersidad sa Pilipinas na nag-alok ng nasabing programa.

curso de Apertura o Mass of the Holy Spirit and Inaugural Lecture noong ika5 ng Agosto, at ang “ROARientation” at Welcome Walk noong ika-6 ng Agosto. Base sa datos noong ika-5 ng Agosto, tumanggap ang Unibersidad ng 10,381 na mag-aaral ng unang taon sa simula ng taong akademiko 2025-2026. LOUISSE RAYE SHARA C. SANTOS

“This milestone reflects a promising future for medical technology in the Philippines, one that is bright, dynamic, and full of potential,” ani Payot. “I hope it inspires others to pursue higher studies and contribute to shaping the direction of our field in healthcare and scientific advancement.”

Nakamit ni Payot ng kanyang bachelor’s degree sa medical technology sa UST. Nagtuturo na siya ngayon sa Fakultad ng Parmasya ng mga kursong bacteriology, mycology, at virology.

Ang doctorate program sa medical technology ng UST ay binubuo ng 50 credit units.

Ang programa ay nasa ilalim ng Doctor of Philosophy program ng Graduate School, at ilan lamang sa mga kursong itinuturo rito ang advanced endocrinology, microbial pathogenetics, at biomedical engineering.

Beyond Boundaries

ang implementasyon ng proyekto upang umabot sila sa nakatakdang deadline.

Inamin ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na walang sistema ang kanilang ahensya upang masubaybayan ang flood control and mitigation projects na biglaang ipinasok last minute sa ating national budget. Napag-alaman na may mga proyektong umanong isinisingit ng ilang kongresista sa badyet na kadalasang naaatala at tuluyang hindi na naipatutupad, na siyang nagdudulot ng mga hinala kung saan napupunta ang mga pondong inilaan para sa mga proyektong ito.

Ayon kay Mahar Lagmay na isang ekspertong geologist, kaya binabaha ang ilang mga lugar sa Maynila ay dahil

Basic Ed

kanya ay lalo pang lumala sa makabagong panahon.

“Karamihan ng tao ngayon, ang passion kasi ng Pilipino, sabi, pastime ng Pilipino, chismis. Noong unang panahon ‘yon. Ngayon, mas bumili dahil sa social media,” paliwanag niya.

Sa halip na magpakalat ng tsismis, negatibong pananaw, o reklamo, dapat ay may alab ang mga mag-aaral sa pagbabahagi ng mahahalaga at makabulu-

tinayuan ng kalsada ang mga lugar na dapat ay daluyan ng tubig. Maiiwasan ang mga isyung ganito kung pag-iisipan at pagpaplanuhang mabuti ang pagtatayo ng mga istraktura sa ating mga lungsod, lalo pa’t mahirap pigilan ang patuloy na pagdami ng populasyon dito. Bago magtayo ng kahit anong gusali, dapat nagkakaroon ng preliminary assessments kung ligtas bang gawin ito sa lugar na iyon. Mahalaga ring masuri kung may matatamaan bang mga ilog o mangrove forests ang itatayong gusali. Kinakailangan ng gobyerno na maki-isa sa mga siyentipiko at eskperto kung gusto nilang makapagbigay ng pangmatagalang solusyon sa baha. Makatutulong ang mga siyentipiko upang makagawa ng komprehensibong mga plano na naka-angkla sa agham at pananaliksik.

hang biyaya sa iba, wika ng rehente.

“Mabuti kung you share your food, you share your ideas, you share your talents,” sabi niya.

Inihayag ni De Sagon ang kanyang pag-asa na matutulungan ng Unibersidad ang mga mag-aaral na mabuo ang kanilang mga pangarap at tapusin ang kanilang pag-aaral nang may mas malinaw na layunin.

“We just hope that in your stay with us, after like senior high, after two years, the shape of your dream has been crystallized,” pagdiriin ng rehente.

MULA

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.