The Varsitarian P.Y. 2018-2019 Issue 01

Page 1

Volume XC, No. 1 • Ika-30 ng Agosto, 2018 ANG OPISIYAL NA PAHAYAGANG PANG MAG-A AR AL NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS Maynila, Filipinas

Paglilitis ng kasong hazing laban sa Aegis Juris, umusad MAG-IISANG taong nakalipas matapos ang pagkamatay ng UST law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III, umusad ang paglilitis ng kaso laban sa mga akusadong miyembro

ng

Aegis Juris Fraternity. Emosiyonal ang naging salaysay ng unang testigo sa kaso na si Marc Ventura laban sa kaniyang mga kasamahan sa fraternity. Si Ventura ang pangunahing

testigo ng Department of Justice (DOJ) sa nasabing kaso. Pinasalamatan ni Carmina Castillo, ang ina ng biktima, si Ventura sa kaniyang pagbibigay ng salaysay na, ayon sa kaniya, ay malaking

tulong sa pag-usad ng kaso. “Talagang nais niyang sabihin iyong totoo, kung ano talaga ang nangyari para hindi na maulit ito. Mahirap talaga sa kaniya iyong ginawa niya pero kailangan niyang

gawin ito para lumabas ang katotohanan at para matigil na ang ganitong klase ng dahas,” ani Castillo. Mahirap umano para kay Ventura na tumestigo laban Atio PAHINA 5

Sentro ng Salin sa UST, inilunsad OPISIYAL nang nilagdaan ng Unibersidad at ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Memorandum ng Unawaan para sa isang Sentro ng Salin na itatatag sa UST. Nilagdaan nina Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF, at ni Prop. Allan de Guzman, dating dekano ng Kolehiyo ng Edukasiyon, ang nasabing kasunduan noong ikalawang araw ng Kongreso ng Wika na ginanap din sa Unibersidad mula ika2 hanggang ika-4 ng Agosto. “Maraming nilapitang institusiyon si Almario ngunit sa palagay ko ay sa UST niya narinig ang commitment na talagang kunin ang Sentro; bigyan ito ng tahanan at magkaroon ng matagalang plano para rito,” wika ni Alvin Ringgo Reyes, tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Unibersidad, sa isang panayam. Binigyang-diin ni Reyes ang kahalagahan ng isang organisasiyon na tutugon sa unang pangarap ng mga tagasalin sa Filipinas na magkaroon ng propesyunalisasiyon. “Panahon na para magkaroon ng iisang mapagkakatiwalaang organisasiyon na magsisilbing tagapagsanay ng mga tagasalin… Ito ang magbibigay ng sertipikasiyon na magpapatunay na kwalipikado ang mga tagasaling ito, magsusuri ng awtput ng mga tagasalin at magbibigay ng pagtataya sa mga pagsasalin,” paliwanag ni Reyes. Dagdag pa niya, magbibigay rin ang Sentro ng selyo ng kalidad na magsasabi kung maganda ang pagkakasalin ng gawain at kung maaari nang ilabas at mapakinabangann ng masa.

Si Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF, at si Prop. Allan de Guzman, dating dekano ng Kolehiyo ng Edukasiyon sa lagdaan ng kasunduan noong ika-2 ng Agosto. KUHA NI ENRICO S. SILVERIO

UST, sabay sa makabagong teknolohiya sa MyUSTe app INILUNSAD noong ika-14 ng Mayo ang mobile application ng myUSTe Student Portal ng Santo Tomas e-Service Providers (STePs). Sa pamamagitan nito, makikita na ng mga mag-aaral ng UST ang kani-kanilang student profile, mga grado, class schedule, lab breakages, curriculum, course offerings at natitirang balanse. Ayon kay Polly Blanco, katuwang na direktor para sa pagpapaunlad ng software at applications ng STePs, ginawa ang aplikasiyon upang mas mapabilis ang “pag-access” ng mga Tomasino sa kanilang impormasiyon gamit lamang ang kanilang mga telepono. “Mas accessible na ang myUSTe Student Portal gamit ang app[lication]. Hindi na kakailanganin ang desktop o laptop at pagbisita sa mismong website sa tuwing gusto nilang mag-login,” wika ni Blanco sa isang panayam sa Varsitarian. Ang STePs ang responsable sa pag-aasikaso ng computerized systems, network, cabling at iba pang pangangailangan sa aspeto ng information technology sa UST. Maaaring i-download ang myUSTe Student Portal sa Google

Pinag-aaralang mabuti Ipasasailalim muna ang Sentro sa Departamento ng Filipino ng Unibersidad upang tiyakin ang kabihasaan sa unang taon nito. “Maingat ang Unibersidad sa mga programang pinapasok nito at tinitiyak na hindi gagawa ng malaking pagkilos nang hindi napag-aralan nang mabuti…gusto muna nitong tingnan ‘yong feasibility nito sa mas kontroladong antas,” ani Reyes. Inilatag ng ikalawang artikulo ng kasunduan ang pagsasanay sa pagsasalin at mga araling pagsasalin ng guro at tauhan.

Sentro PAHINA 5

Mag-aaral ng biology, ‘excluded’ dahil sa kaso ng pang-aabuso PINATALSIK na ng Unibersidad ang mag-aaral mula sa College of Science na si Kyle Viray matapos ang panibagong reklamo ng pisikal na pang-aabuso na isinampa ng isang kapuwa Tomasino. Ito na ang pangalawang beses na napatunayang lumabag sa Code of Conduct and Discipline ng UST ang 20-anyos na si Viray kaya tuluyan na siyang inalis sa listahan ng mga mag-aaral. Hindi na rin siya maaaring makapag-aral sa ano mang programa sa loob ng Unibersidad. Isinampa ni Gil Nicole Morales, isang mag-aaral mula sa USTAMV College of Accountancy, ang

reklamong pisikal na pang-aabuso ng dating kasintahang si Viray na ‘di umano ay nangyari sa iba’t ibang okasiyon at sa iba’t ibang lugar noong nakaraang taon. “Napanatag ang aking loob dahil sa wakas ay naibigay na ang tamang hatol. Umaasa ako na marami ang matututo sa pangyayaring ito,” ani Morales sa wikang Ingles sa isang online na panayam sa Varsitarian. Noong ika-20 ng Hulyo, binigyan ng pagkakataon si Viray upang ipaliwanag ang kaniyang panig. Itinanggi ni Viray ang mga paratang ni Morales at sinabing

wala raw silang relasiyon nito at hindi niya kailanman ito inabuso o pinahiya sa publiko o sa kahit anong pribadong pagkakataon. Nagtakda ng pagkikita ang Office for Student Affairs noong ika-30 ng Hulyo upang dinggin ang magkabilang panig. Gayunpaman, noong ika-26 ng Hulyo, nagsabi ang abugado ni Viray na ang kaniyang kliyente ay hindi makararating sa nasabing pagdinig. Si Viray ay nauna nang nakasuhan ng pambubugbog sa kaniyang dating kasintahan at kapwa mag-aaral sa College of Science na si Diane Arcena noong

MyUSTe PAHINA 8

NILALAMAN

UNIBERSIDAD

Balik sa 40,000 ang populasyon ng UST dalawang taon makalipas ang pagpatupad ng K-12. MyUSTe PAHINA 5

Namayagpag ang Unibersidad sa board exams na ginanap ngayong Agosto. PAHINA 2

Isang konsiyerto ang idinaos ng mga orkestra ng UST at ng ABS-CBN sa simbahan ng Santisimo Rosario noong ika-30 ng Agosto. PAHINA 7

Abuso PAHINA 10

EDITORYAL

Isang mapusok na ambisiyon ang ipinipilit ipatupad ng administrasiyon ng Pangulong Duterte sa pagpbago ng Saligang Batas tungo sa isang pederalismong uri ng pamahalaan sa bansa. PAHINA 4

NATIONAL ID

Solusiyon nga ba ang dala ng isang National ID system o magdudulot lang ito ng mas maraming perhuwisyo sa mga Filipino? PAHINA 5

SAPAT NA PASILIDAD

Hamon para sa Faculty of Arts and Letters na tugunan ang pangangailangan ng sapat at kaaya-ayang pasilidad sa pagdagdag nito ng bagong programa. PAHINA 5

DEATH PENALTY

SIYENTISTA

PAHINA 8

PAHINA 9

Suportado ng mga paring Dominiko ang pagbawal ng Santo Papa sa parusang kamatayan.

Pinarangalan ang isang Tomasinong siyentista sa saliksik nito tungkol sa mga halamang panggamot.

FRATERNITIES

COURTSIDE REPORTER

PAHINA 6

PAHINA 11

Umalma ang mga fraternities sa UST sa pagsuspende ng OSA sa kanilang mga operasiyon.

Kilalanin ang bagong courtside reporter ng UST sa nalalapit na UAAP Season 81.


2 Balita

Patnugot: Julia Claire L. Medina

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

UST, balik na sa 40,000 ang populasyon BUMALIK na sa normal na bilang ang populasyon ng mga magaaral sa Unibersidad matapos ang pagtanggap nito sa unang batch ng mga mag-aaral na nakapagtapos ng senior high school sa ilalim ng programang K to 12. Umakyat sa 41,385 ang populasiyon ng mga mag-aaral mula sa bilang na 36,336 noong nakaraang taon, ayon sa datos mula sa Office of the Registrar. Tumaas ang bilang ng mga bagong mag-aaral sa lahat ng kolehiyo ng Unibersidad. Nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng bagong mag-aaral ang Faculty of Pharmacy na sumalubong sa 1,653 estudiyante ngayong taong akademiko. Sumunod dito ang Graduate School na may 1,425 bagong magaaral at Faculty of Arts and Letters na tumanggap ng 1,371 bagong mag-aaral. Nagtala ng pinakamalaking pagtaas sa bilang ng mga bagong mag-aaral ang Faculty of Engineering. Mula sa isang bagong mag-aaral nito noong nakaraang taon, 1,208 ang bilang ngayong taong akademiko. Nakakuha naman ang

pinakamababang bilang ng Faculty of Canon Law na nagtala ng 38 na bagong mag-aaral. Sila rin ang nagtala ng pinakamaliit na pagtaas ng bilang noong nakaraang taon mula sa 28 na bagong mag-aaral nito. Sinundan ito ng Graduate School of Law at Faculty of Philosophy na nagtala ng 41 at 51 na bagong mag-aaral ngayong taon, ayon sa pagkakabanggit. Ayon sa direktor ng Office for Admissions na si katuwang na prop. Gezzez Giezi Granado, nakatulong umano sa paglikom ng maraming freshmen ang mga accreditation na natanggap ng Unibersidad sa iba’t ibang programa nito. “Ang board exam performances at accreditation ng Unibersidad, kung saan madalas kasing nakikita sa social media na Tomasino ang topnotcher,” ani Granado. Ang K to 12 na programa ay nagdulot ng dalawang karagdagang taon sa high school kaya’t may kabawasan sa mga mag-aaral sa kolehiyo simula noong 2016 hanggang sa pagbalik na sa normal na sistema sa taong 2022. Pinairal ang K to 12 sa Unibersidad noong Taong Akademiko 2016-2017.

UST namayagpag sa mga board exam ngayong Agosto NAMAYAGPAG ang Unibersidad sa board examinations ngayong buwan ng Agosto. Idineklarang top-performing school ang UST sa parehong licensure examinations para sa mga occupational therapists at mga nutritionists-dietitians, kung saan sampu at tatlong Tomasino ang nakapasok sa top 10 ng pagsusulit, ayon sa pagkakabanggit. Pumangalawa naman ang Unibersidad sa physical therapy board examinations at pumang-apat sa mechanical engineering board examinations. Pinangunahan ni Coleen Perez ang mga bagong Tomasinong occupational therapist. Nakapagtala si Perez ng 83.20-porsiyentong marka at nasungkit ang ikatlong pwesto sa top 10. Nasa ika-apat naman sina Maria Daniella Custodio at Christine Anne Habulan na kapwang nakakuha ng markang 83 porsiyento. Pang-anim si Phoebe Kay Chan na nakakuha ng markang 82.40 porsiyento, habang ika-pito naman sina Marie Antoinette Jimenez, Dominique Danielle Ong at Aaron Jan Versoza na nakakuha ng markang 82.20 porsiyento. Nasa ika-walong pwesto si Kassandra Claude Carrascal na may markang 82 Board PAHINA 5

‘Cloud campus,’ mas pinalawak

PINAIGTING ng Educational Technology (EdTech) Center ang e-Learning at Cloud Services sa Unibersidad sa paglulunsad nila ng makabagong UST Cloud Campus Program. Pinasinayaan ngayong taong akademiko 2018-2019 ang Cloud Campus bilang “rebranding” ng dating Electronic- Learning Access Program (E-LeAP), na ngayon ay maghahatid ng makabagong implementasiyon ng mga online learning na programa sa Unibersidad. “Lahat ng General Education subjects dito sa bagong programa ay naglalayong magkaroon ng 50 porsiyentong interaksiyon online at 50 porsiyentong “face to face” na interaksiyon na hindi kagaya noon sa dating curriculum kung saan nakabase sa “academic freedom” ng nagtuturo,” wika ng katuwang na propesor na si Cherylle Ramos, direktor ng EdTech Center, sa isang panayam sa Varsitarian. Naglalayon din ang programa na mapaigtig ang international exchange programs sa Unibersidad, kung saan magbibigay-daan ang “online component” sa higit pang oportunidad na makapag-aral sa mga katuwang na unibersidad ng UST sa ibang bansa. Layunin din nito ang pagpapatuloy ng propesiyonal na edukasiyon sa pamamagitan ng mga web-based seminars o para sa Cloud PAHINA 5

Pangulo ng USTFU, ‘di sasali sa usapan sa CBA NAGBIGAY-daan na ang pangulo ng UST Faculty Union (USTFU) na si Dr. George Lim sa limang halal na miyembro sa negosasiyon para sa isang bagong kasunduan tungkol sa sahod at benepisyo ng mga guro sa UST. Sa isang liham na nakuha ng Varsitarian, inihayag ni Lim na ang kaniyang naging aksiyon ay para sa mabilisang pag-usad at pag-apruba ng bagong collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng mga miyembro ng USTFU at ng Unibersidad. “I have decided to unpretentiously and unequivocally inhibit myself from the entire CBA negotiations for the 2016-2021 UST-USTFU CBA,” ani Lim sa kaniyang liham. Dagdag pa niya, handa siyang ipasa sa limang nahalal na miyembro ang mga nasimulan na usapin mula sa mga konsultasiyon kasama ang ilang miyembro ng USTFU. Nahalal sina Jose Ngo Jr., Edilberto Gonzaga, Emerito Gonzales, Rebecca Adri at Michelle Desierto bilang mga miyembro ng CBA negotiating panel 2016-2021 noong ika-28 ng Mayo. Ayaw ng mga naihalal na miyembro na makisali si Lim bilang ex-officio member ng nasabing panel dahil wala umano ito sa alituntunin ng

Si Dr. George Lim kasama ang liderato ng USTFU sa kanilang general assembly noong nakaraang taon. FILE PHOTO

unyon. Hindi rin nila nagustuhan ang resulta ng nakaraang CBA kung saan nakipagkasundo ng direkta si Lim sa Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P. Ang lima ay umalis sa isang

pagpupulong noong ika-31 ng Mayo matapos isulong ni USTFU Treasurer Joyce Tan na gawing lider ng negotiating panel si Lim. Nakasaad naman sa unang USTFU PAHINA 10

Bagong mga patnugot ng ‘V,’ mula sa iba’t ibang disiplina SASAILALIM sa pamumuno ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina ang ika-90 taon ng Varsitarian, ang opisiyal na pahayagang pangmag-aaral ng Unibersidad. Itinalagang punong patnugot si Christian de Lano Deiparine, isang journalism senior at dating patnugot ng Online. Ang mga dating manunulat mula sa Mulinyo at Pintig na si Klimier Nicole Adriano, isang business economics senior at Lexanne Garcia, isang political science senior, ay itinalagang tagapamahalang patnugot at katuwang na patnugot, ayon sa pagkakabanggit. Samantala, pinangalanan ang journalism seniors na sina Julia Claire Medina, Ma. Angelica Garcia, Arianne Aine Suarez, Louise Claire Cruz at Elmer Coldora bilang mga bagong patnugot ng Balita, Pampalakasan, Natatanging Ulat, Tampok at Panitikan, ayon sa pagkakabanggit. Pangungunahan naman ng isang guitar major mula sa Conservatory of Music na si Lyon Ricardo III Lopez ang Mulinyo. Tatayong hepe ng potograpiya naman si Michael Angelo Reyes mula sa College of Architecture. Mananatiling manunulat ng Balita ang mga journalism seniors na sina Kevin Alabaso at Samantha-Wee Lipana kasama nila ang mga mag-aaral ng communication arts na sina Marem de Jemel at Sherwin Dane Zauro Haro. Kabibilangan din ng journalism seniors na sina Ivan Ruiz Suing, Theresa Clare Tañas at Justin Robert Valencia ang Pampalakasan. Sina Lady Cherbette Agot at Job Anthony

Manahan, parehong journalism senior, ang mga bagong manunulat ng Natatanging Ulat. Isang communication arts senior naman si Alyssa Carmina Gonzales, ang manunulat sa Tampok. Sina Hailord Lavarias, isang communication arts senior, at si Karl Ben Arlegui, isang accountancy senior, ang mga manunulat ng Panitikan. Ang Filipino ay binubuo ng estudiyante ng journalism na si Joselle Czarina de la Cruz, literature na si Francis Agapitus Braganza, at education na si Chris Gamoso. Kabilang naman sa Pintig ang mag-aaral ng pilosopiya mula sa Ecclesiastical Faculties na si Eugene Dominic Aboy, O.P. kasama ang journalism senior na si Pearl Anne Gumapos. Para sa Agham at Teknolohiya, kasapi ang mag-aaral ng biology na si Miguel Alejandro IV Herrera at isang journalism senior na si Beatriz Avegayle Timbang. Isang journalism senior naman si Katrina Isabel Gonzales, ang manunulat para sa Mulinyo. Kabilang naman sa Dibuho ang mga estudiyante ng advertising na sina Mari Kloie Ledesma, Jury Salaya at Rica Mae Soriente kasama si Nikko Arbilo mula sa Architecture, at Nathanael Jonas Rodrigo mula sa Faculty of Engineering. Kasama naman sa potograpiya ang mga mag-aaral ng advertising na sina Genielyn Rosario Soriano at Mary Jazmin Tabuena kasama ang sociology senior na si Deejae

Dumlao, information technology sophomore na si Enrico Miguel Silverio, economics senior na si Mark Darius Sulit at si Jose Miguel Sunglao, mag-aaral ng Architecture. Editorial assistant naman ang library and information science junior na si Miguel del Rosario. Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang coordinator ng journalism sa Unibersidad na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo. Nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso nang pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili, at iba’t ibang staff development activities upang mapabilang sa pahayagan. Ang nasabing komite ay pinangunahan ni Eldric Paul Peredo, abogado at dalubguro sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Peredo ang Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana at si Christian Esguerra, mamamahayag ng ANC at dati ring punong patnugot ng nasabing pahayagang pang magaaral. Kasama rin sa komite ang direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo at direktor ng Research Center for Culture, Arts and Humanities na si Prop. Joyce Arriola. JULIA CLAIRE L. MEDINA


Filipino 3

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Pananaliksik, daan sa modernisasiyon ng wikang Filipino MALAKI ang pangangailangan sa pagtatanghal ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan sa pamamagitan ng paggamit nito sa pananaliksik. Ito ang isa sa apat na adhikang pangwika na tinalakay sa Kongreso sa Wika noong ika-2 hanggang ika-4 ng Agosto bilang pambungad na gawain sa Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon. “Bunga ito ng mga sumusunod na katotohanan na karamihan ng mga saliksik ngayon sa Filipinas ay nasa Ingles, mahina ang mga alagad ng Filipino, lalo na ang mga guro, sa siyentipikong saliksik, at hindi nailalahok ang halaga ng saliksik sa pagtuturo sa batayang edukasiyon,” wika ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa kaniyang 2018 Ulat sa Estado ng Wikang Pambansa. Binanggit niya ang kakulangan ng mga paaralang normal na nagsasanay ng mga guro sa siyentipikong pagsusuri at metodolohiya ng saliksik. Gayon din ang kakapusan sa mga aklat sa agham at gawaing teknikal na nakasulat sa Filipino. Dagdag pa ni Almario: “Nangangahulugan ang kaganapang ito ng kultibasiyon ng Filipino para maging episyenteng wikang siyentipiko at teknikal.” Kabilang pa sa naturang misyon ang pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino, pagbuo, pagpapatupad at pagsubaybay ng patakarang pangwika, at ang pagpapalakas ng serbisyong institusyonal. Filipino sa Agham at Teknolohiya Hinimok naman ni Fortunato Sevilla III, propesor emeritus ng kimika sa Unibersidad, ang mga siyentipiko na gamitin ang wikang Filipino sa pananaliksik sa larangan ng agham at teknolohiya. Binigyang-diin niya na ang pagtuturo

ng agham at matematika sa wikang Ingles ang pangunahing dahilan kung bakit walang nagtatangkang gumamit ng wikang pambansa sa pag-aaral nito. “Ganiyan ang kalagayan [dahil] sa basic education, lahat ay [maaaring ituro] sa Filipino maliban sa science at mathematics… [S]asabihin ng mga siyentipiko, nasaan ang mga salita [at] mga termino? Tayo ang magbibigay ng termino, tayo ang magsasalin,” ani Sevilla sa Kapihang Wika 2018 noong ika-26 ng Hulyo sa Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining sa Intramuros. Susubukin naman ang paggamit ng Filipino sa agham sa binubuong Pambansang Kumperensiyang Pang-Agham ng Research Center for Natural and Applied Science (RCNAS) at Departamento ng Filipino ng Unibersidad. Ibinahagi naman ni Alvin Ringgo Reyes, tagapangulo ng Departamento ng Filipino, ang panghihikayat ng RCNAS sa departamento na maging katuwang sa pagsasalin ng mga papel ng mga ispiker. “Kami ang may pangunahing pananagutan sa mga siyentipikong mga papel mula Ingles tungong Filipino,” paliwanag ni Reyes sa isang panayam ng Varsitarian. Filipino sa larangan ng edukasiyon Bunga umano ng “nakamihasnang takbo ng utak” ang kakulangan at kahinaan ng saliksik sa batayang kurikulum na kasalukuyang ginagamit, ayon kay Almario. Iginiit niya na hindi lang dapat itinutuon sa laboratory o research paper ang kakayahan sa pananaliksik. “Hindi natin nakikita na ang saliksik ay isang bagay na ginagamit natin sa araw-araw. Lahat ng problema natin sa ating buhay ay dapat sinasagot natin sa pamamagitan ng mahusay na saliksik,” sabi niya. Paliwanag ni Almario: “Kailangang

Inilalahad ng tagapangulo ng KWF na si Virgilio Almario ang kaniyang Ulat sa Estado ng Wikang Pambansa noong ika-3 ng Agosto na ginanap sa Kongreso ng Wika sa Unibersidad. KUHA NI ENRICO MIGUEL S. SILVERIO

magsaliksik tayo para ang ating mga industriya ay mapaunlad. [W]ala tayong saliksik upang mapaunlad ang ating industriya at ating mga produkto. Wala tayong saliksik sa mga imbensiyong siyentipiko kaya wala tayong imbensiyon.” Mga pagkilos Idiniin ni Almario, tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), na magtatag ng network ng mga kabalikat na tutulong sa pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga alagad ng wika bilang

Usapang Uste

Pagpasok ng Filipino kurikulum IDINAGDAG ang kursong Filipino sa pangkolehiyong kurikulum ng Unibersidad hindi lamang dahil sa kautusan ng noo’y Kagawaran ng Edukasiyon at Kultura kung hindi upang gamitin din ang wika sa pagtataguyod ng nasiyonalismo sa bawat Filipino. Sa isyu ng Varsitarian noong 1976, binigyang-diin ni Narciso Balamiento sa kaniyang pangulong tudling na makatutulong ang pagdagdag ng kursong Filipino sa kolehiyo upang pahalagahan ang Wikang Pambansa sa kabila ng lumalaganap na kolonyal na mentalidad ng mga Filipino. Dagdag pa niya, makatutulong ang pagaaral ng Filipino sa pagtuturo sa mamamayan na pahalagahan ang sariling wika. “Marami ang may paniniwalang ang wikang Ingles ang magdadala sa atin ng kaunlaran. Ang katotohanan, dahil sa kahusayan natin sa Ingles ay lalo tayong umaasa at humahanga sa karunungan at mga pangangailangan buhat sa ibang bansa,” paliwanag ni Balamiento. Idinagdag ng Unibersidad ang anim na yunit ng Filipino sa pangkolehiyong kurikulum noong 1976 alinsunod sa Department Order 50 ng Kagawaran ng Edukasiyon at Kultura, na naglalayong magkaroon ng bilingual na edukasiyon sa bansa. Nakasaad sa patakarang bilingual na wikang Ingles ang gagamitin sa pagtuturo ng mga kurso sa agham at matematika samantalang Filipino sa lahat ng natitirang asignatura. Tomasino siya Hindi maikukubli ang kahusayan ni Baltazar Endriga sa larangan ng komersiyo at teknolohiya lalo na nang pangunahan niya ang pagtataguyod ng information technology consulting sa Filipinas. Nagtapos si Endriga ng hayskul sa Unibersidad noong 1956. Kumuha naman siya ng kursong business administration major in accountancy sa University of the East sa Maynila at nagtapos bilang magna cum laude. Nakamit din niya ang ika-anim na puwesto sa pagsusulit para maging Certified Public Accountant. Noong 1968, nagtapos siya ng masterado sa business administration sa tanyag na Harvard University bilang iskolar ng SC Johnson and Co. Nagsilibi si Endriga bilang pangulo ng Philippine Computer Society mula 1985 hanggang 1986 at Information Technology Association of the Philippines mula 1993 hanggang 1994. Ginawaran siya ng Private Sector

pangunahing hakbang sa pagtupad ng adhikang pangwika. Inaasahan namang madaragdagan ang paksa at bilang ng mga pagtitipon at palihan habang patuloy na lumalawak at tumataas ang antas ng kaalaman at kasanayan ng mamamayan sa paggamit ng wikang Filipino sa kanilang pamumuhay. Dagdag pa niya, handa ang KWF na tumulong sa Kagawaran ng Edukasyon sa pagsusuri ng kurikulum ng K to 12 upang mabigyan ng lugar ang saliksik. CHRIS V. GAMOSO

Dibisyon sa wika sa National Book Awards, bunsod ng kategorisasiyon – mga manunulat Ni JOSELLE CZARINA S. DE LA CRUZ

Champion ng National Competitiveness Council for Efficient Public & Private Sector Management at Most Outstanding CPA in Public Accounting ng Philippine Institute of Certified Public Accountants noong 1994. Nakapaglimbag din siya ng saliksik na pinamagatang,“The Impact of Computers on the ASEAN Accounting Profession” sa Accountants’ JournaI. Pinasok din ni Endriga ang larangan ng kultura nang magsilbi siyang komisyoner ng Pambansang Komisiyon para sa Kultura at mga Sining mula 1995 hanggang 1999. Sunod niyang pinamunuan bilang pangulo ang Cultural Center of the Philippines mula 2001 hanggang 2003. Sa kasalukuyan, nagsisilbi si Endriga bilang pangulo ng Meridian International College of Business, Art and Techonology, Libagon Academy Foundation at managing partner ng Endriga, Managu & Associates, Certified Public Accountants. Pinagkalooban siya ng The Outstanding Thomasian Alumni Award noong 2009. Tomasalitaan hinábang (png) – tulong o serbisyo na ibinibigay sa nangangailangan Hal.: Walang silbi ang hinábang ng isang tao kung hindi naman ito bukal sa puso. FRANCIS AGAPITUS E. BRAGANZA Mga Sanggunian: The Varsitarian Tomo XLVIII Blg. 1, June 1976, 1975-1980, p. 7 The Outstanding Thomasian Alumni Awards 2009 UP Diksiyonaryong Filipino

SA HALIP na mabigyang-pansin ang mga akdang nakasulat sa rehiyonal na wika sa hiwalay na kategorya nito sa National Book Awards (NBA), iginiit ng mga manunulat na nagiging sanhi ito ng pagkakaroon ng dibisyon sa mga wika. “[N]aisasantabi lalo ang mga aklat na nasa rehiyonal na wika sa paglalaan ng espesyal na kategorya para sa kanila. Maaari namang isailalim sa iisang kategorya ayon sa genre,” wika ni Allan Popa, isang makata mula sa Ateneo de Manila, sa isang panayam. Dagdag pa niya, mabibigyanggalang ang mga rehiyonal na wika bilang kapantay ng mga dominanteng wika kung magkakaroon lamang ng isang kategorya rito. Ayon naman kay Jerry Gracio, manunulat at komisyoner para sa mga wika ng Samar-Leyte sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), mainam na alisin ang kategorisasyon dahil parangal sa lahat ng akda sa Filipinas ang NBA. “Kung nangangarap tayo ng isang ‘Pambansang Panitikan’ na hindi lang nakasulat sa English o Filipino, kailangan nating isama ang lahat ng aklat na na-publish sa iba’t ibang wika na sinasalita sa bansa,” wika niya. “[H]iwalay ba na kategorya ang literature written in other Philippine languages dahil hindi nito kayang sumabay sa English or Filipino? Kaya nga dapat wala nang paghahati,” dagdag pa niya. Winika ni John Barrios, komisyoner para sa wikang Hiligaynon sa KWF, na imposibleng manalo ang mga akda mula sa rehiyon na walang salin sa Filipino o Ingles kaya mainam na bigyan ng pagkakataon ang mga akdang walang salin. “[B]uksan ang award sa mga akda o aklat na walang salin at maghanap ng husgado na maaaring maghusga. Mahirap itong gawin dahil na rin sa kakulangan ng mga eksperto na maaaring kunin bilang tagahusga,” paliwanag niya.

Mga rehiyonal na akda Ayon kay Romulo Baquiran, Jr., makata at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, nararapat lamang bigyan ng pagkilala ang mga akda mula sa rehiyon sa pamamagitan ng mga teksbuk na obligasiyon ng gobyerno. “Trabaho ito ng [Department of Education] na maisama sana ang mga akda [mula sa mga rehiyon]. Nagsimula na ito sa K-12 at sana ay masustain...Pero ang gobyerno, mga kongresista at senador, ay hindi naman masyadong interesado sa literatura kaya ano ang maaasahan sa kanila?” giit ni Baquiran. Mungkahi naman ni Abdon Balde, Jr., komisyoner para sa wikang Bikol sa KWF, mainam na tularan ang ginawa ng bansang Norway sa pagbili ng gobyerno ng mga akda mula sa rehiyon at pagpapamigay nito sa mga aklatan. Sinanga-ayunan ito ni Gracio na nagsabing hindi lang dapat napupunta sa mga imprastraktura ang aksiyon ng gobyerno ngunit higit na dapat bigyang-pansin ang “utak ng bayan.” Isinaad din niya na sa proseso ng nominasiyon sa NBA, hindi kinakaya ng maliliit na publikasiyon ang pagbibigay ng sampung kopya ng akda sa National Book Development Board at Manila Critics Circle. “[D]apat may pondo para sa pagbili ng mga aklat na iko-konsider para sa NBA. [K]ung kailangan magkampanya sa mga mambabatas o sa Pangulo para pondohan ito, gawin. Sa ganito lamang higit na magkakaroon ng katuturan ang NBA, at hindi magiging award lang para pataasin ang ego ng writer,” paliwanag niya. Isa sa pinakaprestihiyosong gawad sa mga manunulat ang NBA na isinasagawa ng Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat katuwang ang Manila Critics Circle. Layunin nito na kilalanin at gawaran ang mga natatanging akda mula sa iba’t ibang panig ng Filipinas.


4 Opinyon

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Editoryal

Federalismo ni Duterte, hungkag; dapat tutulan IGINIGIIT ng mga nagtutulak ng federalismo sa Filipinas na mas mainam ang nasabing uri ng pamahalaan upang maibahagi nang maayos ang pondo sa mga rehiyon at hindi lamang nakasentro sa kalakhang Maynila. Matagal-tagal na ring isinisisi sa konseptong tinatawag na “Imperial Manila” o ang konsentrasiyon ng kayamanan at kapangyarihan sa kapitolyo ng bansa, ang hindi pantay na paglago ng ekonomiya at pag-unlad ng mga rehiyon. Ngunit sa panahon ng ‘di na mabilang na mga isyung pumapalibot at nagpupumilit na pagwatakwatakin ang bansa, marahil ay mas higit na kailangan ang isang gobyernong magbubuklod sa atin bilang isang bayan at hindi pa nga magiging sanhi ng dibisiyon nito. Mas magiging matimbang ang hindi magandang maidudulot ng pagpapalit ng uri ng pamahalaan kaysa sa mabuting maibibigay nito. Magpapalala lamang ito ng ating suliranin pagdating sa mga pamilyang ganid sa kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan o mas kilala bilang mga political dynasty. Ipinakita ng ilang pag-aaral na mas laganap ang kahirapan sa mga probinsiya sa mga kapuluan ng Visayas at Mindanao na pinamumunuan ng mga pamilyang matagal na sa politika. Ipinakikita lamang nito na bago umambisiyon ang pamahalaan sa pagpapalit ng konstitusiyon ay nararapat munang ayusin ang mga suliraning panlipunan, pampolitika at pang-ekonomiya sa bansa. Ang paglipat ng bansa sa isang pederal na pamahalaan ay isang “band-aid solution” na nagpapanggap na makabubuti sa bayan para lamang masabi ng pamahalaan ni Pangulong Duterte na may legasiya itong maiiwan sa sambayanan bago ito matapos sa puwesto. Kung ito lang naman ang inaalala ng pangulo sa usapin ng pag-iiwan ng marka ay marahil wala na itong dapat ipag-alala sapagkat hindi naman makalilimutan ng madla ang libo-libong mga buhay na nalagas sa kaniyang madugong giyera laban sa droga. Lubos ding nakababahala ang isinusulong ng mga mambabatas na palitan ang Saligang Batas sa pamamaraan ng isang constituent assembly at ang kongreso ang uupo upang pagdebatihan ang mga babaguhing probisiyon. Kontrolado na nga ng partido ng pangulo ang mayorya, hawak pa ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang liderato ng Kamara. Sa mga kamay nga ba talaga ng mga taong ito natin ipagkakatiwala ang pagpapalit ng ating Saligang Batas? Isang malaking insulto para sa mga kasapi ng binuong komite na sumulat ng “draft’ ng bagong konstitusiyon na ipaubaya na lamang sa mga Editoryal PAHINA 10

ITINATAG NOONG IKA-16 NG ENERO, 1928 CHRISTIAN DE LANO M. DEIPARINE Punong Patnugot KLIMIER NICOLE B. ADRIANO Tagapamahalang Patnugot LEXANNE O. GARCIA Katuwang na Patnugot JULIA CLAIRE L. MEDINA Patnugot ng Balita MA. ANGELICA D. GARCIA Patnugot ng Pampalakasan ARIANNE AINE D. SUAREZ Patnugot ng Natatanging Ulat LOUISE CLAIRE H. CRUZ Patnugot ng Tampok ELMER B. COLDORA Patnugot ng Panitikan LYON RICARDO III M. LOPEZ Patnugot ng Mulinyo MICHAEL ANGELO M. REYES Hepe ng Potograpiya Balita Kevin A. Alabaso, Marem A. De Jemel, Sherwin Dane Zauro C. Haro, Samantha-Wee Lipana Pampalakasan Ivan Ruiz L. Suing, Theresa Clare K. Tañas, Justin Robert Valencia Natatanging Ulat Lady Cherbette Agot, Job Anthony R. Manahan Tampok Alyssa Carmina A. Gonzales Panitikan Karl Ben L. Arlegui, Hailord N. Lavarias Filipino Francis Agapitus E. Braganza, Joselle Czarina S. de la Cruz, Chris V. Gamoso Pintig Eugene Dominic V. Aboy, O.P., Pearl Anne Gumapos Agham at Teknolohiya Miguel Alejandro IV A. Herrera, Beatriz Avegayle S. Timbang Mulinyo Katrina Isabel C. Gonzales Dibuho Nikko A. Arbilo, Marie Kloi Ledesma, Nathaniel Jonas Rodrigo, Jury P. Salaya, Rica Mae V. Soriente Potograpiya Deejae S. Dumlao, Hazel Grace S. Posadas, Enrico Miguel S. Silverio, Jose Miguel J. Sunglao, Mark Darius M. Sulit, Genielyn Rosario M. Soriano, Mary Jazmin D. Tabuena JOSELITO D. DE LOS REYES LEVINE ANDRO H. LAO Piling Panauhing Patnugot FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA

Tagapayo

Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/at kontribusiyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced at nakalagay sa letter-sized paper, kalakip ang sertipikasiyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala lamang ang kontribusiyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center, Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila.

Kalayaan man ay may limitasiyon din

KAMAKAILAN lamang ay kinatigan ng Korte Suprema ang pasiya ng Court of Appeals na dapat managot ang aktibistang si Carlos Celdran sa kadahilanan ng “offending religious feelings” sa aksiyon nito sa isang pagtitipon ng mga kaparian noong 2010 sa katedral ng Maynila. Dala-dala ang isang plaklard na may salitang “Damaso” na tumutukoy sa kilalang mapang-aping prayle sa nobelang “Noli me Tangere” ni Gat. Jose Rizal, ipinrotesta ni Celdran sa kalagitnaan ng nasabing pagtitipon ang oposisiyon ng Simbahang Katolika sa pagpapasa ng noo’y Reproductive Health Bill sa Kongreso. Mabilis na inapela ni Celdran ang sentensiya sa kaniyang pagkakakulong na maaaring tumagal ng tatlong buwan hanggang isang taon. Hiningi nito sa mga mahistrado ng Mataas na Korte na ideklarang “unconstitutional” ang probisiyon sa Revised Penal Code na nagsasaad na maaaring makulong ang isang taong mananakit ng relihiyosong damdamin ng iba. Iginiit nitong “archaic” o sinauna pa ang konseptong ito na lumalabag sa kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin o freedom of speech at expression. Ngunit malinaw na sakop ng nasabing probisiyon ang ginawa ni Celdran sapagkat isinasaad na maaaring managot ang sino

Marahil ay nakalilimutan ni Celdran, kasama na ng mga sumusuporta sa kaniya, na kahit ang kalayaan man ay may hangganan o limitasiyon din. mang magsasagawa ng aksiyong makasasakit sa damdamin ng miyembro ng isang relihiyon sa lugar ng pagsamba o ng isang selebrasiyon ng isang sagradong seremoniya. Madaling sabihin, lalo na ng isang batikang brodkaster sa social media, na hindi makatarungan ang desisiyon sapagkat marami pang iba na mas matindi ang ginawa laban sa Simbahan, lalong lalo na si Pangulong Duterte na hindi na napagod sa pagpapaulan ng mura sa mga obispo’t kaparian. Tinawag din ng pangulo ang Diyos na stupido dahil hinayaan Niyang kainin ni Adan at Eba ang ipinagbabawal na prutas sa Kwento ng Paglikha sa Bibliya. Ngunit dapat ilagay sa konteksto o ‘di kaya’y isipin man lang ang pagkakaiba ng dalawa. Ang ginawa ni Celdran ay hindi kapantay ng pagmumura ni Duterte sa anggulong isinagawa niya ang nasabing aksiyon sa

isang lugar ng pagsamba, habang ang pangulo naman ay mula lamang sa kaniyang podiyum tuwing siya’y magsasalita. Kung ang batas ang paguusapan ay kabilang pa sa probisiyon sa Penal Code ang ginawa ni Celdran, habang sa hindi kanais-nais ay lusot naman ang pangulo rito. Nakalulungkot isiping may mga dume-depensa sa ginawa ni Celdran sa argumentong ito raw ay parte ng kalayaan sa pagpapahayag. Marahil ay nakalilimutan ni Celdran, kasama na ng mga sumusuporta sa kaniya, na kahit ang kalayaan man ay may hangganan o limitasiyon din. Tila nalilito ang karamihan ngayon na katanggap-tanggap na lamang bastusin ang relihiyon ng sino man dahil parte ito umano ng pagiging malaya. Ngunit kung ang aksiyon kaya na ginawa ni Celdran ay isinagawa sa ibang

lugar ng pagsamba tulad ng isang mosque, mas mananaig kaya ang argumento ng iilan na kalayaan pa rin ito sa pagpapahayag? Iginiit din ni Celdran ang doktrina ng Saligang Batas na magkahiwalay ang Simbahan at Estado. Ngunit kung babalikan ang pangyayari, hindi ba’t siya ang nanghimasok sa pagtitipon ng Simbahan at bumastos sa pagkasagrado ng pagtitipon? Malinaw na dapat isiping ang kalayaan sa pagpapahayag o ang usapin ng pagiging hiwalay ng Simbahan sa Estado ay hindi nagbibigay karapatang bastusin ito. Nakabibingi rin ang katahimikan ng nakararaming mananampalataya ng Simbahang Katolika sa mga ganitong kaganapan na umaatake o bumabastos ng kanilang paniniwala. Kinailangang umabot pa sa pagtawag ng pangulo na stupido ang Diyos upang magising ang karamihan na mali na nga ang ginagawa nito. Dito sa Unibersidad, mabilis maipagmalaki ng karamihan ang titulo nito bilang ang Katolikong Unibersidad ng Asya, ngunit nababahag naman ang buntot kapag oras nang manindigan para sa mga prinsipiyo at turo ng Simbahan. Kapansin-pansing tikom ang bibig ng mga lider ng mga konsehong pang mag-aaral sa mga

Rock Solid PAHINA 8

Mapanganib na information campaign WALANG humpay ang pagpapahiya ni Mocha Uson, katuwang na kalihim ng Presidential Communications Operations Office, sa kaniyang sarili at sa mga taong nagtitiwala sa kaniya. Isang harap-harapang pambabastos, pareho sa mga tagasuporta ng pederalismo at hindi, ang ‘di kaaya-ayang laman ng isang video ni Uson na naglalayong magbigay ng impormasiyon tungkol sa federalismo. Ilang araw matapos sabihin ni Consultative Committee (Con-Com) spokesman Ding Generoso na maaaring makatulong si Uson sa binabalak nilang information drive, kumalat sa social media ang nasabing video, kasama ang isa pang blogger na si Drew Olivar, na sumasayaw sa tono ng gawa-gawang kantang may mga linyang, “i-pepe, i-dede, pederalismo.” Ginawang katatawanan ni Uson, isang opisyal ng gobyerno na pinapasuweldo ng taumbayan, ang usaping nangangailangan ng seryosong pag-aaral. Isa na naman itong patunay na wala siyang magiging ambag sa kahit anong diskursong nangangailangan ng malalim na pang-unawa. Agad namang pinuna ng

Isa na naman itong patunay na walang magiging ambag si Uson sa kahit anong diskursong nangangailangan ng malalim na pangunawa. Con-Com ang video nina Uson at dinepensahan ang plano nilang information drive. “It is certainly not the way to present federalism. It is not a part of the information campaign which is still being crafted,” wika ni Generoso sa inilabas na pahayag. Ngunit hindi naman nakagugulat na hindi man lang sinubukan ni Uson na patunayang makatutulong siya sa pagsulong sa pederalismo. Mas nakagugulat pa na mayroon pa ring mga taong patuloy na naniniwala sa kanya. Nagtangka pa si Uson na depensahan ang video. Matagal na raw nilang ginagawa ni Olivar ang “game show” at hindi ito parte ng binabalak na information drive ng gobyerno. Dagdag pa niya, wala siyang

nakuhang pera sa paggawa nito. Hindi naman komplikado ngunit tila hirap si Uson na unawain kung bakit hindi tama ang kaniyang ginawa. Siya ang representasiyon ng isang taong hindi dapat tularan ng mga nanunungkulan sa gobyerno. Pangangatwiran pa niya, gusto lamang nila ni Olivar na mas pag-usapan ng taumbayan ang pederalismo. Ngunit ang tanging pinag-uusapan lang ay ang kaniyang kamangmangan at ang malaswang sayaw na kinabit nila sa uri ng pamahalaang isinusulong ng administrasiyon. Pinaguusapan na ito dahil sa mga maling kadahilanan. Sa isang bansang ang mayorya ay hindi pamilyar sa konsepto ng federalismo, nararapat na maging

maingat ang mga taong may impluwensiya, gaya ni Uson na may mahigit sa limang milyong followers sa kaniyang Facebook page, sa kung ano ang ipalalaganap nilang impormasiyon tungkol sa mga ito. ‘Di maikakaila na hindi sapat ang kaalaman niya sa adhika ng pamahalaan, ngunit malakas ang kaniyang loob na magtangkang ipaliwanag ito sa kaniyang milyon-milyong mga manonood. Ayon din kay Uson, ang Filipinas na lang ang nagiisang bansa sa Silangang Asya na may pamahalaang unitary. Dapat siguro’y matutunan muna niyang magberipika ng impormasiyon bago pa siya magsagawa ng kaniyang mga “game shows.” Sa panahong pilit na isinusulong ang pagpalit ng konstitusiyon, hindi dapat inilalapit kay Uson ang anumang mga adhikain, maliban na lang kung nais itong maging isang malaking kalokohan. Pruweba ang pagtangka ng Con-Com na isali si Uson sa information drive na magiging kapalpakan ang kahit anong binabalak ng pamahalaan kung paliligiran ito ng mga bulag na tagasuportang tulad ni Uson.


IKA-30 NG AGOSTO, 2018

National ID: Perhuwisiyo, hindi solusiyon ISANG kahibangan at tila mapusok at hindi pinag-isipang aksiyon ang pagsasabatas ng isang National ID System na ginawang natatanging solusiyon sa hindi maubosubos na mga problemang kinahaharap ng gobyerno. Ika-6 ng Agosto nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Philippine Identification System (PhilSys) na siyang naglalayong mapagsama ang lahat ng mga ID na inisyu ng pamahalaan sa iisang national identification system. Sa pagdating ng Phil ID Card, ano na lamang ang mangyayari sa mga naunang ID tulad ng GSIS eCard, SSS UMID Card at iba pang mga ID na ginagamit sa kasalukuyan? Marahil ay tuluyan na lamang silang maghihintay ng pagkalipol. Nakasaad din sa batas na ang National ID system ay naglalayong maisulong ang mahusay na pamamalakad sa gobyerno, mabawasan ang korupsiyon at mapaigi ang mga transaksiyon sa mga ahensiya. Ayon din sa pangulo, ang sistemang ito ang magpapaigting ng paghahatid ng serbisyo sa publiko, magiging instrumento na titiyak sa kaligtasan ng mga mamamayan at susugpo sa paglaganap ng kriminalidad sa bansa. Ngunit hindi ba’t

Cloud

MULA PAHINA 2 mga nakapagtapos na ng undergraduate studies na gusto pa ring ipagpatuloy ang “Thomasian education” ngunit walang panahong dumalo sa face-to-face na klase. Nabanggit rin ng Rektor ng Unibersidad na si P. Herminio Dagohoy, O.P. sa pagtitipon matapos ang Misa de Apertura ang kaniyang mithiin na maging “digital campus” ang Unibersidad, na isa rin sa mga layunin ng programang UST Cloud Campus. Inaasahang magdudulot

Hindi na natin kailangan ng bagong batong ipupukpok sa ating mga ulo. Daragdag lamang ito sa napakahabang listahan ng mga ID na matagal maproseso at hindi naman nailalabas sa oras. napakalaking sugal ang umasang kakayanin ng iisang sistema na punan ang mga pagkukulang at solusiyunan ang mga problemang dinala ng mga politikong ating inuluklok upang pamahalaan ang bansa? Kung tutuusin, hindi trabaho ng sistemang ito ang pamunuhan ang pamahalaan, solusiyunan ang korupsiyon, at magbigay ng mainam na serbisyo sa mamamayan dahil hindi naman ito ang pinapasuweldo nang malaki para gampanan ang mga nasabing tungkulin. Hindi ito ang unang administrasiyon na sumubok isulong ang isang pambansang Sistema ng pagkakilanlan. Ipinanukala sa ilalim ng administrasiyon ni dating pangulong Fidel Ramos noong 1996 ang National Computerized Identification Reference System ngunit

ibinasura ito ng Korte Suprema dahil ito ay sinasabing “usurpation of the power of Congress to legislate and it impermissibly intrudes on our citizenry’s protected zone of privacy.” Muli itong napag-usapan sa administrasiyon ni Pangulong Duterte nang aprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso noong Setyembre 2017 ang noo’y National ID System Bill. Sa pagpasa nito sa Senado noong Marso, nagkaroon ng mga agam-agam at pangamba na ang sistemang ito ay magdudulot ng kompromiso sa mga privacy rights ng mga Filipino na mabilis namang pinabulaanan ng awtor ng batas na ito na si Senador Franklin Drilon. Ayon sa batas, kinakailangan na ang mga personal na impormasiyon tulad ng buong pangalan, kasarian, Dear Theodosia PAHINA 10

ng “decongestion” ang Cloud Campus sa mga kolehiyo, partikular sa Senior High School (SHS), kung saan dumagsa ang bilang ng mga estudiyante dulot ng programang K-12. Positibo si Ramos na matutugunan ng mga training programs at mentoring sessions sa pangunguna ng mga e-Learning specialists sa bawat kolehiyo, ang potensiyal na banta ng “resistance” ng mga propesor. “Mangyari sana na sa loob ng tatlong taon, kapag full-blown na ang UST Cloud Campus, inaasahan naming na

makakayanan nitong tumayo bilang ganap na panibagong campus ng Unibersidad. Magbibigay pa rin ito ng dekalidad ng edukasiyon na katulad lamang ng ini-aalok ng physical na campus,” sabi ni Ramos sa wikang Ingles. Ayon sa kaniya, magkakaroon din ng oriyentasiyon para mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudiyante ukol sa e-Learning at mga serbisyo nito. Taong 2002 nagsimula ang malawakang implementasiyon ng e-Learning sa Unibersidad na ayon kay Ramos ay siyang nanguna sa bansa sa pagkamit ng “massive and university-

Sentro

Pinaghahandaang hamon Pangunahing hamon naman sa Departamento MULA PAHINA 2 ng Filipino ang pagkuha “Sa ngayon, ng mga propesor mula sa magkakaroon ng capacity iba’t ibang departamento na building sa mga propesor ng may potensiyal sa gawaing departamento ngayong unang pagsasalin. “Hamon para ipakilala termino [at] sa ikalawang termino ay mabibigyan na itong bisyon ng Sentro [na] ng bukod na gawain bilang ipakita ito sa kung paano tagasalin ang mga talagang naming nakikita, at bigyan mapatutunayan ang sarili ito ng espasyo kasi itong nila bilang produktibo,” wika Sentro ay commitment na pangmatagalan...kailangan niya. Habang nananatiling mong maging bahagi talaga sub-unit ang Sentro, ng Sentro at tumanggap ng magsisilbing katuwang o mga gawaing pagsasalin tagapag-ugnay sa pagitan ng bukod sa output mo,” giit ni KWF at UST si Wennielyn Reyes. Isa pa sa mga inaasahang Fajilan, dalubguro ng Departamento ng Filipino sa suliranin ang usapin sa pondo lalo na sa deloading ng mga Unibersidad.

Atio MULA PAHINA 1

sa kaniyang mga “ka-brod” dahil tinuring niya na ang mga ito bilang kaniyang pamilya. Ayon naman kay Teodoro Jumamil, abugado ng isa sa mga nasasakdal na si Arvin Balag, nagsimulang naging madamdamin si Ventura nang pinangalanan niya ang 10 akusado sa kasong hazing na sina Ralph Trangia, Marcelino Bagtang, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali, Robin Ramos, Jose Miguel Salamat at Danielle Hans Matthew, pawang mga miyembro ng Aegis Juris.

araw at lugar ng panganakan, nasyonalidad at iba pa na siyang pagsasama-samahin sa iisang sentralisadong database. Kahit na ang National Privacy Commission ay nangako nang titiyakin nito ang proteksiyon ng karapatan ng mga mamamayan sa pagsasarilinan at ang mga naaangkop na probisyon sa Data Privacy Act ay gagamitin sa implementasiyon ng National ID system, hindi pa rin ito katiyakan ng seguridad ng mga impormasiyong malilikom. Walang garantiya na mapapangasiwaan nang maayos ng pamahalaan ang isang komplikadong information system na katulad nito. Sa pamamagitan ng National ID system, magkakaroon ang pamahalaan ng eksklusibong access sa mga impormasiyon ng mga mamamayan. Nakababahala na magkakaroon ng kapangyarihan ang pamahalaan na matyagan ang bawat galaw ng mga mamamayan at mas magkakaroon ng abilidad na maglunsad ng mga aksiyong sisikil sa kalayaan. Hindi kailangan ng bansa ng isang “surveillance system” na magiging instrumento ng gobyerno sa pagsiil at paghawak sa leeg ng kaniyang

“Naging masyadong emosiyonal si Ventura kaya naman itutuloy na lang sa susunod na paglilitis ang cross examination o ang pagtatanong naming mga nasa panig ng depensa sa kaniya,” ani Jumamil sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon pa sa kaniya, may mga isinuwalat pa si Ventura sa kaniyang salaysay tungkol sa mga akusado na hindi pa maaaring ilabas sa publiko. Ang susunod na paglilitis kung saan maaari nang magtanong ang mga abogado ng mga nasasakdal sa testigong si Ventura ay nakatakda sa ika-4 ng Setyembre. Setyembre noong nakaraang taon nang

guro na magiging bahagi ng Sentro. Kaugnay pa nito, hindi lahat ng kolehiyo ay may buong populasiyon na higit na makaaapekto sa badyet ng Unibersidad. Wikang Filipino sa Unibersidad Nagsimulang yumabong ang pagtangkilik sa wikang Filipino sa Unibersidad sa pagpupursigi ni Jose Villa Panganiban, ang tagapagtatag ng Varsitarian, ang opisiyal na pahayagang pang magaaral ng Unibersidad, at naging tagapangulo ng Surian ng Wikang Pambansa, nang paghiwalayin ang Kagawaran ng Tagalog at Ingles noong 1938. Bilang isang leksikograpo,

mamatay ang 22-anyos na si Atio sa kamay ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa isang initiation rite na ginanap sa kanilang headquarters malapit sa Unibersidad. Ang Aegis Juris ay ay kilala bilang isang law-school based na fraternity na tanyag sa mga alumni nito tulad ng dekano ng Civil Law na si Nilo Divina. Matatandaan namang pinatalsik ng administrasiyon ng UST mula sa Unibersidad ang sampung akusadong miyembro nito noong nakaraang Marso. JOB ANTHONY R. MANAHAN at SHERWIN DANE ZAURO C. HARO

wide implementation.” Taong 2015 naman nang pasinayaan ang Cloud Hosting Service, taglay ang mahigit 2,300 na online course sites kada semestre, at 80 porsiyento ng mga guro ay nakapagtapos ng mga pagsasanay para sa programa. Sa kasalukuyan, mayroong full scale Cloudhosted eLearning, at full scale Asynchronous at Synchronous Instruction kung saan maaring magkaroon ng mga klase online, pareho mang nakaonline (synchronous) o hindi (asynchronous) ang guro at estudiyante. MAREM A. DE JEMEL

nakapaglimbag si Panganiban ng isang diksyonaryo-tesauro noong 1972. Naglaan din ang pahayagan ng pahina para Panitikan na kilala na bilang seksiyong Filipino sa kasalukuyan. Ayon sa ulat ng Varsitarian noong 2009, tinaguriang ginintuang panahon ng wikang Filipino sa UST ang taong 1971 hanggang 1978 dahil sa pagusbong ng mga hinahangaang manunulat sa Filipino. Tomasino rin si Ponciano B.P. Pineda, ang itinuturing na “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino,” dahil sa pangunguna sa pagtatag ng KWF noong 1991 mula sa noo’y SWP. Namuno siya rito sa loob ng halos 30 taon. CHRIS V. GAMOSO

Board MULA PAHINA 2

porsiyento. Pangsiyam si Alyanna Kate Santamaria na may markang 81.80 porsiyento at ika-sampu naman si Andree Alexis Nebrada na may markang 81.60 porsiyento. Nakapagtala ng 97.18-porsiyentong passing rate, o 69 na pumasa mula sa 71 kumuha ng pagsusulit, ang Unibersidad sa occupational therapy board examinations. Mas mataas ito kumpara sa 94.37-porsiyentong passing rate nakaraang taon. Samantala, pinangunahan naman ni Nicole Marie Lota ang mga bagong Tomasinong nutritionist-dietitians. Pumang-apat si Perez sa mga nakapasok sa top 10

Opinyon 5

Sapat, kaaya-ayang pasilidad para sa Artlets NGAYONG taon ay pinasinayaan ang programang Creative Writing ng Faculty of Arts and Letters (Artlets). Kilalang minsang naging tahanan ang Unibersidad ng tatlong Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan— Bienvenido Lumbera, F. Sionil Jose at ang namayapang sina Cirilo Bautista at Rolando Tinio. Tunay na nakasasabik malaman na may kakayahan ang Unibersidad na tumanggap ng mga mag-aaral para sa bagong programang ito at humubog ng mga maaaring sumunod sa yapak ng mga manunulat na malaki ang naiambag pagdating sa panitikan ng bansa. Sa kabilang banda, kaakibat ng pag-alok ng programa ay ang pagdagdag ng populasiyon ng mga mag-

Huwag sanang kalimutan ang katotohanang mahalagang sukatan sa kalidad ng edukasiyon ang pasilidad na mayroon ang mga unibersidad at kolehiyo. aaral sa Artlets. Mangangailangan ito ng karadagang pasilidad at silid na magsisilbing lugar ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Marahil ay hindi na bago ang isyung ito. Mula nakaraang taon, maraming problema pa rin ang kinaharap ng Artlets pagdating sa kulang silid at mga pasilidad. Noong 2014, may mga klase ng mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na taon ang umukopa ng mga silidaralan sa noo’y katatapos lang na gusaling Buenaventura G. Paredes O.P. Ngunit sa paglunsad ng Senior High School, napilitan bumalik ang mga klaseng ito sa gusaling St. Raymund de Peñafort. Bunga nito, may mga kinailangan magdaos ng mga klase sa mga silid ng Tan Yan Kee (TYK) Student Center at Thomas Aquinas Research Complex. Sa isa sa mga kurso namin noong nakaraang semestre, naranasan namin ang paggamit ng isa sa mga silid sa ikaapat na palapag ng TYK. Nagsilbi itong silid namin sa buong semestre, at napilitan kaming magtiis sa mainit at masikip na espasyo na iyon habang nagsasagawa ng talakayan, pagsusulit at iba pang mga gawain. Naging mahirap din sa amin ang paglipat mula sa silid na iyon sa TYK at sa silid ng aming susunod na kurso sa St. Raymund’s. Bukod pa sa pagdaraos ng mga klase sa ibang gusali, madalas din na may mga nakakanselang mga klase sa Artlets sanhi ng paggamit ng mga silid para sa mga pagpupulong at ibang mahahalagang gawain at pagdiriwang. Ang mga kanselasiyon naman na ito ay kabilang sa mga nagiging dahilan kung bakit hindi natatapos o naaantala ang pagtalakay ng ilang mga aralin. Sa 13 na programa, tumanggap ngayong taon ang Fakultad ng 1, 299 (bilang matapos ang taunang Thomasian Welcome Walk) na mag-aaral para sa unang taon—higit na mas marami ng 190 kumpara sa naunang batch na dumaan sa K to 12 program. Itinayo ang gusaling St. Raymund de Penafort noong 1955. Nagsilbi na itong tahanan ng Artlets mula pa noong pagsasama ng noo’y Faculty of Philosophy and Letters at ng College of Liberal Arts noong 1964. Sa pag-abot nito ng 54 na taon, kailangan tumugon ng Fakultad sa hamon ng pagbabago at pagdami ng populasyon nito. Sapagkat, nagiging hamon para sa mag-aaral ang pagtutuon ng pansin sa mga aralin dahil sa mga kulang at hindi maayos na mga silid at pasilidad. Walang masama sa pag-alok ng Fakultad ng mga bagong programa. Huwag lang sanang kalimutan ang katotohanang mahalagang sukatan ng kalidad ng edukasyon ang pasilidad na mayroon ang mga unibersidad at kolehiyo. Ang hamon para sa Artlets ay tugunan ang patuloy na idinadaing ng mga mag-aaral—ang pagkakaroon ng sapat at kaaya-ayang mga silid at pasilidad.

ng pagsusulit kung saan nakapagtamo siya ng 90 porsiyentong marka. Nasungkit ni Nicole Kate Sison ang pangpitong pwesto na may markang 89.05 porsiyento. Pang-sampu naman si Erlinda Velasco na may markang 88.10 porsiyento. Nakapasa ang lahat ng 70 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit. Walang Tomasino ang nakapasok sa top 10 ng pagsusulit sa parehong physical therapy board examinations at mechanical engineering board examinations. Bumaba ang passing rate ng Unibersidad sa physical therapy board examinations, kung saan nakapagtala ito ng 94.23 porsiyento o 98

na Tomasinong pumasa mula sa 104 na kumuha ng pagsusulit kumpara sa 98.97 porsiyento noong 2017. Umangat naman ang ranggo ng Unibersidad sa top-performing schools sa licensure examinations para sa mechanical engineers mula sa pangpitong pwesto nito noong nakaraang taon sa kabila ng pagbaba ng passing rate mula sa 88.24 porsiyento kumpara sa 87.18 porsiyento o 102 na Tomasinong pumasa mula sa 117 na kumuha ng pagsusulit ngayong taon. KEVIN A. AL ABASO, SHERWIN DANE Z AURO C. HARO at SAMANTHA-WEE LIPANA


6 Natatanging Ulat

Patnugot: Arianne Aine D. Suarez

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Fraternities at sororities, umalma sa suspensiyon

Papalabas ang mga mag-aaral ng Faculty of Civil Law sa Main Building kung saan ginaganap ang kanilang mga klase. KUHA NI MARK DARIUS M. SULIT IPINANGANGAMBA ng ilang mga fraternity at sorority sa Unibersidad ang tuluyang paghinto ng kanilang aktibidad kasunod ng pagsuspinde ng Office for Student Affairs (OSA) sa akreditasiyon ng mga ito sa simula ng taong akademiko. Nadismaya ang isang pinuno ng fraternity mula sa Fakultad ng Medisina sa biglaang pagpataw ng suspensiyon dahil naudlot nito ang kanilang mga medical missions para sa taon. “Isa kaming medical fraternity pero biglaang natigil yung mga medical missions namin at ang aming adbokasiya sa kalusugan ng mga mamamayan [sa mga probinsiya] na sineserbisiyuhan namin,” wika ng lider na tumangging magpakilala sa panayam sa Varsitarian. “Aktibo ang medical missions namin... we serve around 300 people [weekly]. A n g dami

naming [benepisyariyo at] wala kaming hinihiling na kapalit sa Unibersidad… Dinadala namin ang pangalan ng UST sa mga misyon na ito pero sinuspende nila kami,” dagdag pa niya sa wikang Ingles. Ayon sa inilabas na memorandum ng OSA noong Mayo, suspendido ang lahat ng operasiyon ng mga fraternity at sorority sa Unibersidad kasunod ng pagkamatay ng Civil Law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III dahil sa hazing noong nakaraang taon. Ika-29 ng Hunyo nang pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang “Anti-Hazing Act of 2018,” na nagbabawal sa lahat ng uri ng hazing, pisikal o sikolohikal, kumpara sa naunang batas na “nagregulate”

lamang ng hazing. Inaatasan din ng batas na mas maging “proactive” ang mga paaralan sa pagprotekta sa mga mag-aaral laban sa hazing. Bagamat naiintindihan ng lider ng fraternity ang rason sa likod ng pagpataw ng suspensyon, naniniwala siya na may mas mainam na paraan para hindi madamay ang ibang mga fraternity at sorority na tumutulong sa loob at labas ng Unibersidad. ‘Huwag lahatin’ Ayon sa pinuno ng isa pang fraternity na tumagging pangalanan, hindi patas na lahatin ang mga fraternity at sorority lalo pa at ang Unibersidad din ang mayroong pagkukulang sa trahedyang sinapit ni Atio mula sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity. “[M]ay pagkukulang din both the fraternity and UST since in every activity there should be an adviser and an alumnus that should be present to testify that no hazing will be initiated… Personally, kung UST din ang nagkamali, why generalize us

all especially na different entity yung sa Civil Law,” wika niya. Dahil sa suspensiyon, hindi na maisagawa ng fraternity ang blood drives at pagbisita sa mga katuwang na bahay-ampunan na ayon sa kaniya, ay mahalaga para sa mga benepisiyaryo nila. “We are a service-oriented fraternity… naapektuhan [ito dahil] hindi kami makagalaw. Hindi [namin] maisagawa ang serbisiyo ng fraternity namin kasi pinagbawalan na nga kami ng at malaki ang parusa sa pagsuway dito. Wala kaming magawa kung ‘di sumunod,” wika niya. Gayunpaman, umaasa ang fraternity na matatanggal din ang suspensiyon kung ipagpapatuloy nila ang kanilang pagsunod sa administrasiyon. “[W]e have no choice but to respect the school’s decision. We are very hopeful that if we respect their decision and we just abide with what they want... hopefully by next year they would lift the suspension,” sabi niya. Para naman kay Carmina Castillo, ina ni Atio, kailangang manatiling bantay-sarado ang Unibersidad sa ikinikilos ng mga fraternity at sorority kahit pa suspendido na ang mga ito. Dagdag pa niya, kailangan din sundin ng mga eskuwelahan ang bagong batas ukol sa hazing para mawala nang tuluyan ang dahas sa mga fraternity at sorority. “It is the responsibility of the administration, the deans of [the] departments, it’s all their responsibilities, Sila ang mananagot kapag may nangyari sa estudiyante, kailangan silang managot,” dagdag pa niya.

Tuluyang pagsasara Kinatatakutan din ng pinuno mula sa medicine fraternity na mawala ang kanilang samahan kung hindi pa aalisin ang suspensiyon sa susunod na taon. “Mayroon kaming sampung miyembro na [magtatapos ngayong taon]. Sa sitwasiyon namin ngayon, kakaunti na lamang kami at maaaring kapag inalis na [ng OSA] yung moratoriyum ay wala na kaming bagong miyembro at mga opisiyal,” wika niya. “I honestly do not know what to do right now because if we do something about it, the Office [might]

Bagong batas kontra hazing, sapat nga ba?

NAKAATANG na sa mga pamantasan at kolehiyo ang tuluyang paghinto ng “hazing” sa loob ng mga kampus mula nang maipatupad ang pinagtibay na Anti-Hazing Law, iginiit ng mga abogado. Ayon kay Josalee Deinla, isang abogado ng karapatang pantao, nakasalalay ang pagiging epektibo ng bagong batas sa paraan ng pagpapatupad ng mga paaralan at unibersidad sa mga probisiyon nito. “Ito ay depende pa rin kung mapapatawan ng parusa ang mga sumuway sa batas. Ang pagiging epektibo nito ay nakasalalay sa pagbabago ng sistema ng ating piyudalismo at kultura,” wika ni Deinla sa isang panayam sa Varsitarian. Noong Hunyo, pinirmahan ng Pangulong Duterte ang Republic Act (RA) 11503 o Anti-Hazing Act of 2018 na nag-amiyenda sa naunang

batas kontra hazing na ipinatupad pa noong 1995. Ito ay matapos ang matinding panawagan sa mga mambabatas na amiyendahan ang lumang bersiyon dahil sa pagkamatay ng UST law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III noong Setyembre ng nakaraang taon sa mga kamay ng miyembro ng Aegis Juris Fraternity. Mahigit 20 taon na ang nakalipas ngunit isa pa lamang ang nahatulan ng parusa sa ilalim ng nasabing batas. Sa pagbigay tungkulin ng batas sa mga paaralan na tuluyan nang pagbawal ang hazing, umaasa si Deinla na hindi na mauulit ang mga insidente o kaso ng hazing at mga namamatay dahil na rito. “Ang naging palaging hangad namin ay magampanan ng batas na mapigilan ang hazing at huwag nang madagdagan at maulit pa ang mga karahasang dulot nito,” wika niya. Ayon naman kay Teodoro

Lorenzo Fernandez, isang abogado na nagtuturo sa Faculty of Civil Law ng UST, kahit anong unibersidad ay may kakayahang magpatupad ng disiplina sa kanilang mga estudyante dahil ito ang kanilang tungkulin. “Kahit walang Anti-Hazing Law, kinakailangang i-angkop ng mga unibersidad ang mga tiyak na regulasiyon upang mahigpit na ipagbawal ang pananakit ng kapuwa estudyante, isa iyong basic requirement,” aniya. Dagdag pa niya, mayroon mang bagong naisabatas na panukala laban sa hazing o wala, trabaho pa rin ng mga paaralan at unibersidad na magpataw ng mga parusa upang madisiplina ang kanilang mga estudyante. “I-adopt man ‘yung bagong Anti-Hazing Law o hindi, walang magiging pagbabago dahil ang basic concept, lalo na sa isang Katolikong paaralan, ay kailangan natin sundin ang basic rules dito at bawal talaga mag-sakitan,” aniya. Babala naman ni Deinla, maaari pa ring magkaroon ng mga patagong fraternity kung ipagbabawal ang mga ito sa paaralan. “May mga eskuwelahan na mahigit nang ipinagbawal ang mga fraternities ngunit hindi nito nasisigurado na wala na talagang mga fraternities na mag-oorganisa nang patago,” aniya.

Sa inilabas na mga probisiyon ng Student Code of Conduct and Discipline sa simula ng taong akademiko, binigyang diin ang pagbabawal sa kahit anong uri ng initiation rites sa mga fraternities o sorrorities, mapapisikal o sikolohikal man. Noong nakaraang taon, nabanggit lamang ang hazing sa UST Student Handbook sa ilalim ng seksiyon ng Maintenace of Peace and Order habang nakakabit ang Anti-Hazing Law sa appendix nito. Ibang unibersidad Nagkaroon na ng panukala sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na muling pag-aralan ang kanilang student handbook kasama ang mga grupo ng estudyante kasunod ng pagpapatupad sa bagong batas, ayon kay Jose Dalisay Jr., pangalawang pangulo ng Public Affairs sa UP. “Ang bawat UP constituent university ay inaasahan na pagaralan ang mga kaugnay na probisiyon sa kanilang kanikanilang student code of conduct upang alamin ang mga patakaran at hakbang na kailangang baguhin,” wika niya sa isang panayam sa Varsitarian. Dagdag pa niya, ano mang pagbabago sa kanilang student code ay pangungunahan ng mga student groups upang masigurong ang kanilang mga karapatan ay protektado.

come after us,” dagdag pa niya. Dagdag naman ng lider ng isang sorority, hindi nila maipatutupad ang kanilang mga serbisiyo sa mga katuwang na komunidad kung kakaunti na lang ang kanilang mga miyembro, ngunit inamin niyang wala rin silang magawa sa situwasiyon. Ayon pa sa sorority, sinusubukan nilang kausapin ang OSA ngunit tumanggi silang magpahayag.“The leaders of the fraternities and sororities tried to communicate [to the Office] from time to time… We coursed our concerns through the [student councils concerned] and so far rejected and hindi sila willing mag-adjust sa rules nila for now,” sabi ng lider ng sorority. Ayon kay P. Ernesto Arceo, O.P, dating rektor ng UST at rektor ngayon ng UST Legazpi, dapat manatiling bukas ang administrasiyon sa pakikipag-usap sa mga organisasiyon at mag-aaral upang maiwasan ang mga problema. “[E]very year mayroon kaming salaan ng officers sa [UST Legazpi]… training program or orientation. Maraming venues for dialogues or communication... kung may problems... right away they can air grievances,” wika ni Arceo sa panayam sa Varsitarian. Patakaran sa mga samahan Kinakailangang pagtibayin ng Unibersidad ang mga pangunahing tuntunin nito lalong-lalo na sa kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa pananakit ng kapwa nilang magaaral, sabi ng abogadong si Teodoro Lorenzo Fernandez. “There has to be certain rules and regulations that prohibit any form of intentional physical harm just for the sake of joining organizations or for any other reason,” wika ni Fernandez. Nagbabala si Fernandez na kung hindi maiging babantayan ng Unibersidad ang galaw ng mga fraternity at sorority, maaari pa rin silang magpatuloy “There would always be students who would try to find a way to go around the law. [The provisions in the law about hazing] have been around for a long time, yet it [did not] stop students from hurting their fellow students,” dagdag niya. Sinubukan ng Varsitarian kunin ang panig ng OSA ngunit hindi pa ito nagpapaunlak ng panayam. JOB ANTHONY R. MANAHAN

“Magkakaroon ng consultations sa bawat Student Affairs unit ng mga campus at kahit anong pagbabago ay i-uulat sa UP System and the board upang ma-apbrubahan,” dagdag pa niya. Wala pa namang pagbabago sa student handbook ng Pamantasang Ateneo de Manila, ayon kay Hyacenth Bendaña, pangulo ng Sanggunian ng mga Paaralang Loyola ng Ateneo. Sa Pamantasang De La Salle, ang lahat ng mag-aaral ay kailangang pumirma sa isang “no-fraternity contract.” Mga bagong probisiyon Ang RA 11503 ay nagbibigay ng mas mahigpit na parusa sa mga nagplano at sumali sa hazing. Mapaparusahan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong mula 20 hanggang 40 na taon at multang P3 million ang mga sangkot, kung magreresulta ang hazing sa “death, rape, sodomy or mutilation.” Ipinagbabawal na nito ang lahat ng uri ng hazing, kumpara sa znaunang batas na pinahihintulutan ang hazing kung ang mga fraternity, sorority o organisasiyon ay susunod ang kinakailangang proseso. Ayon sa bagong batas, hindi na lamang pisikal na pananakit ang bawal ngunit pati rin ang emosiyonal at sikolohikal na pananakit. Dagdag pa rito, hindi na maaaring gawing requirement ang hazing upang makapasok sa kahit anong organisasiyon. Ayon sa isa sa mga mambabatas tumulak sa pag amiyenda ng RA 11503 na si Senador Juan Miguel Zubiri, ang bagong batas na ito ay nagpapatunay na nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Atio. LADY CHERBETTE N. AGOT


Patnugot: Lyon Ricardo III M. Lopez

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Mulinyo 7

Ang mga miyembro ng mga orkestra ng UST at ng ABS-CBN ay nagtatanghal ng kanilang mga piyesa, habang pinangungunahan ni Gerard Salonga ang pagkumpas. KUHA NINA MARY JAZMIN D. TABUENA at HAZEL GRACE M. POSADAS

Mga orkestra ng UST at ABS-CBN, nagsanib sa konsiyerto Ni SHERWIN DANE ZAURO C. HARO

ISANG pagtatanghal ang isinagawa ng UST Symphony Orchestra (USTSO) kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra (ABS-CBN PO) sa “Ugnayan sa Tugtugan,” isang konsiyerto na ginanap sa parokya ng Santisimo Rosario sa Unibersidad noong ika-30 ng Agosto. Laking galak ni Prop. Herminigildo Ranera, kunduktor ng USTSO at orihinal na tagalikha ng “Ugnayan sa Tugtugan” ang pagtagpo ng dalawang orkestra sapagkat siya ang humubog sa karamihan ng mga miyembro nito. Mahigit apat na linggong nagensayo ang dalawang grupo sa recital hall ng Conservatory of Music upang mapaunlakan ang iskedyul ng mga estudyante. Si Ranera ay nakapagpamahala na ng ilang mga hindi malilimutang kolaborasiyo n sa pagitan ng USTSO at mga grupo katulad ng UP Symphony Orchestra at San Beda College Alabang Symphony Orchestra sa mga nagdaang-taon, ngunit ngayon lamang nito naugnay ang USTSO sa isang tunay na propesyonal na orkestra na katulad ng ABS-CBN PO. Binigyang diin ni Ranera, na pangunahing kunduktor din ng

Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), kung gaano katangi-tangi ang pagkakataon na ito para sa mga magaaral ng Musika. “Ito ay talagang naiiba sa unang tatlong Ugnayan sa Tugtugan, kasi pare-pareho silang estudyante noon,” ani Ranera sa isang panayam sa Varsitarian. Ang nasabing konsiyerto ay ang kauna-unahang pagtatanghal kung saan magkapanabay na tinampok ang dalawang orkestra sa buong palabas, sa halip ng kaniya-kaniyang bahagi ng programa lamang. “Sa ganitong pakikipagtulungan kasama ang mga propesyonal, matututunan nila ang mga mas sopistikado pang paraan ng pagtugtog, pati kung paano tumugtog sa ilalim ng isa pang konduktor maliban sa akin,” ani Ranera. Unang itinaguyod ni Gerard Salonga, isang respetadong pangalan sa larangan ng teatro at isang maalamat na pigura sa industriya ng musika sa Filipinas, ang kolaborasiyon sa mga opisyal ng Music bilang paraan sa ABS-CBN PO na makatulong sa lokal na komunidad ng musika. “Naramdaman ko na nakarating na ako sa isang posisyon kung saan

makakapagbigay ako ng sapat na kaalaman sa nakababatang henerasyon ng mga musikero,” dadag pa niya. Hindi lamang USTSO ang pinapagugnayan ni Salonga para sa adbokasiya niyang itaguyod ang susunod na henerasiyon ng mga musikero. Pinaplano na nitong magtanghal ang ABS-CBN PO kasama ang iba pang konserbatoryo matapos ang “Ugnayan sa Tugtugan” sa ika-30. Nais din nitong gawing taunan ang pakikipagtulungan sa USTSO. Nilayon nina Ranera at Salonga na maging isang pagdiriwang ng buhay estudyante ang pagtatanghal. Ang mga tanyag na aria na katulad ng “L’elisir d’amore” ni Gaetano Donizetti at “The Magic Flute Overture” ni Wolfgang Amadeus Mozart ang inawit ng mga estudyante ng Musika na sina Nerissa de Juan at Francisco de Guzman, Jr. Nag-alay din ng isang duet ang dalawa ng “La bohème” ng Italiyanong kompositor na si Giacomo Puccini. Si Denise See, na naging valedictorian ng kolehiyo sa nakaraang taong akademiko, ay tutugtog naman ng piano solo ng “Concerto No. 2” ni Sergei Rachmaninoff sa ilalim ng gabilya ni Salonga.

Itinanghal din ang mga tanyag na klasikal na piyesa katulad ng “Academic Festival Overture” ni Johannes Brahms, “Jota” ng Espanyol na kompositor na si Manuel de Falla mula sa musikal na pagbagay nito ng “Three-Cornered Hat” at “Nabucco Overture” ni Giuseppe Verdi sa ilalim ng direksyon nila Salonga at Ranera. Ayon kay Andrew Constantino, isang senior sa Music at lead clarinetist ng USTSO, malaki ang kahalagahan ng oportunidad na ito para sa kaniyang orkestra. “Pakiramdam ko tuwing nageensayo kami ay nagtatrabaho na ako sa isang propesyonal na orkestra,” kuwento ni Constantino sa Varsitarian. Pinuri rin ni Constantino si Salonga bilang isang mahusay na artista na may malawak na kaalaman sa bawat piyesang kaniyang kinukundukto. Susunod na magtatanghal ang USTSO sa Cultural Center of the Philippines sa ika-21 ng Oktubre. Ang palabas ay magtatampok ng ilang miyembro ng faculty ng Music, kabilang sina Prop. Ma. Ana Espina, isang piyanista at si Melchora Medina-Perez, isang biyolinista at concertmaster ng Manila Symphony Orchestra.

Salinggawi, nagpakitang gilas sa Indonesia

Nagtatampok ang UST Salinggawi Dance Troupe ng mga katutubong sayaw sa isa nilang pag-ensayo KUHA NI HAZEL GRACE M. POSADAS

KABILANG ang UST Salinggawi Dance Troupe sa mga grupong nagtanghal sa ika10 Semi-Pro International Culture and Art Festival na ginanap para ipamalas ang kultura ng Filipinas sa pamamagitan ng sayaw noong ika- 26 ng Agosto hanggang ika-1 ng Setyembre sa Probolinggo, Indonesia. Ibinahagi ni Ferrena Enriquez, lider ng grupo, na masaya sila dahil sa pangalawang pagkakataon napili ang Salinggawi upang magtanghal ng kanilang mga piling sayaw sa ibang bansa. “Nag-uumapaw kami sa saya sa pagkakapili sa amin bilang kinatawan, [hindi] lamang ng unibersidad, [kung hindi] pati na rin ng ating bansa,” ani Enriquez sa panayam sa Varsitarian. Ang Semi-Pro International Culture and Art Festival ay isang pista na itinatag noong 2008 upang maipakita sa mundo ang kultura ng lungsod ng Probolinggo. Noong nakaraang taon lamang ito nagbukas ng pagkakataon sa ibang mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations o Asean upang magtanghal. Ayon kay Enriquez, sa buong linggo ng Semi-Pro International Culture and Art Festival, ibabahagi ng grupo ang mga katutubong sayaw mula sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas katulad ng Mindanao at Cordillera. Ang tema ng kanilang mga sayaw ay batay sa kultura ng mga kakatubo. Naniniwala sila na ang mga sinaunang mga sayaw ay nararapat na ipakita upang ipabatid ang malalim kasaysayan nito sa mga tao. Ang “Tarektek,” na kabilang sa Cordillera Suite ng Salinggawi, ay isang sayaw ng suyuan galing sa probinsiya ng Benguet.

Ginagaya sa sayaw na ito ang mga galaw ng ibong tariktik o woodpecker sa Ingles, tuwing naghahanap na ito ng kapareha. Kabilang naman sa Maria Clara Suite nila ang “Sayaw sa Cuyo,” isang tradisiyonal na sayaw ng mga dalaga’t dalagita na nagmula sa panahon ng pananakop ng Espanyol sa Filipinas. Isa rin sa mga ipinakita nilang sayaw para sa nasabing pista ay ang Tinikling, ang dating pambansang sayaw na sa Ingles ay “bamboo dance,” kung kailan ginagaya ng mga mananayaw ang mga mga tikas na galaw ng ibong “tikling” habang lumalakad sila sa gitna ng mga kawayan. Ibinahagi rin ni Ken Mangilin, ang public relations officer ng grupo, na hindi lamang para sa pagpapalabas ng mga katutubong sayaw sa mga manonood ang layunin ng Salinggawi, nagsilbi rin itong pag-aaral nila sa ibang aspeto ng kultura ng bansa. Ang Salinggawi, na kinuha ang pangalan sa kasabihang “salin ng mga dating gawi at lahi,” ay binubuo ng mga estudyante mula sa iba’t-ibang kolehiyo ng Unibersidad na itinatag ni Ermita Basilio, dating direktor ng Departamento ng Pisikal na Edukasiyon ng Unibersidad noong 1968. Nakakuha na rin ang grupo ng unang gantimpala sa kategoryang contemporary dance at ikalimang gatimpala sa kategoryang folk dance sa “Sayaw Pinoy ng National Commision for Culture and the Arts noong 2015 at 2016. Nagtanghal na din ang grupo sa South Korea para sa International Youth Dance Festival naoong nakaraang taon. KATRINA ISABEL C. GONZALES


8 Pintig

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Mga Dominiko, suportado ang pagbawal sa parusang kamatayan

SINANGAY U N A N ng mga miyembro ng Order of Preachers o mga Dominiko ang pagbabago ng Santo Papa ng katesismo ukol sa parusang kamatayan na nagsasabing hindi ito katanggap-tanggap sa kahit ano mang kadahilanan. Ayon kay P.Ernesto Arceo, O.P., dating rektor ng Unibersidad at ngayon ay pangulo ng UST Legazpi, itinutuwid lamang ng Simbahan ang tila ba ay isang pagkakamali sa turo ni Santo Tomas de Aquino patungkol sa parusang kamatayan o death penalty sa kaniyang aklat na Summa Theologica. Inanunsyo ng Roma ang pagbabagong ginawa ni Papa Francisco sa Katekismo ng Simbahang Katolika noong ika-2 ng Agosto na nagsasabing isang pag-atake sa dignidad ng tao ang parusang kamatayan. Nakasaad naman sa lumang bersiyon nito na maaaring ipataw ang nasabing parusa sa mga mabibigat na

krimen, bagaman bihira at halos walang sitwasiyon na kabilang dito. Iginiit ni Arceo na nagkamali si Santo Tomas sa paggamit ng principle of totality sa lipunan dahil may dignidad ang bawat tao. “Sa principle of totality, kapag nailalagay sa panganib ang buong katawan dahil sa isang daliri, dapat putulin ang daliri para mailigtas ang katawan. Ginamit iyon ni Santo Tomas pero hindi naman organic whole ang lipunan. Yung principle niya ay tama, pero yung application niya ay mali,” paliwanag niya sa isang panayam sa Varsitarian. Ayon sa ikalawang bahagi ng ikalawang libro ng Summa Theologica, maaaring ipataw ang parusang kamatayan sa isang taong nagkasala sa lipunan upang hindi na ito makapaminsala sa

mas nakararami. Binanggit ni Arceo na isang eksperto sa turo ni Santo Tomas, na walang anumang gawain ang makapagpapabago sa dignidad ng tao dahil “walang aksidente ang makaaapekto sa substance nito.” Ayon naman kay P. Rodel Aligan O.P., dekano ng Faculty of Sacred Theology, na iniiwasan ng Simbahan na isipin ng mga tao na katanggap-tanggap ang parusang kamatayan dahil mayroong mga sitwasiyon na pahihintulutan ito. “Walang ‘breaking’ of tradition. Nais lamang ipahiwatig ng Simbahan na kalian pa man, hindi ito payag sa parusang kamatayan,” aniya sa wikang Ingles sa panayam. Dagdag pa ni Leo Ocampo, dalubguro ng teolohiya sa Unibersidad, hindi pagsuway sa tradisiyon ang pagbabago ng katekismo, kung hindi “pag-unlad sa pananaw ng Simbahan sa kahalagahan ng buhay.” Sinabi rin ni Ocampo na lumalawak ang turo ng Simbahan sa pakikipagdiyalogo nito sa mga eksperto sa lipunan at medisina. “May mga aral na tayo ngayon na hindi pa natin hawak noon, kung ito ba ay nakapagpapabawas ng krimen, o nakapagbibigay-kapayapaan sa mga biktima,” aniya. Sa panahong “niyuyurakan” ang dignidad ng mga tao, binigyangdiin ni Jove Aguas, dalubguro ng pilosopiya, na mainam na hakbang tungo sa pagkilala sa halaga ng

Humanae Vitae, gabay pa rin sa responsableng pagpapamilya MAKALIPAS ang limampung taon matapos ilabas ng Simbahan ang encyclical laban sa artipisiyal na kontrasepsiyon na Humanae Vitae, nagsisilbi pa rin itong gabay sa wastong paggamit ng teknolohiya sa pagiging mga responsableng magulang. Taong 1968 nang inilimbag ng Roma ang nasabing dokumento ng Banal na Papa Paul VI tungkol sa pagpapahalaga sa buhay, pagmamahalan ng mag-asawa, pagiging responsableng magulang, at hindi pagtanggap sa anumang uri ng kontrasepsiyon. Sa isang kumperensiya para sa anibersaryo nito, binalaan ni P. Joel Jason, komisyoner ng Commission on Family and Life ng Arkediyosesis ng Maynila, ang mga Filipino tungkol sa dagok na maaaring dalhin ng pagbaba ng moralidad ng mga tao kasabay naman ng pag-unlad ng teknolohiya. “Nagiging mahalaga lamang ang teknolohiya kapag ito ay tumutulong sa paglago ng moralidad ng tao. Dapat kung gaano umuunlad ang teknolohiya, umuunlad din ang moralidad. Kapag ang teknolohiya ay umunlad, pero yung moralidad pababa nang pababa, hindi na ito masasabing mabuting teknolohiya,” aniya. Iginiit ni Jason na hindi marangal ang mga makabagong paraan ng pagbubuntis tulad ng invitro fertilization at artificial insemination na maaaring maging indikasiyon ng pakikiapid at aborsiyon. “Kapag nagdo-donate ka nang nagdodonate ng sperm, ano ang puwedeng mangyari? Hindi mo alam kung sino ang bibili at hindi mo alam kung sino ang magbibigay ng bagong buhay mula roon. Hindi mo alam kung sino ang mga magulang mo. Hindi mo alam kung sino ang anak mo,” ani Jason sa wikang Ingles. Dagdag pa ni Dr. Angelita Acosta, pangalawang pangulo ng Doctors for Life sa Luzon, tumataas ang porsiyento ng pagkakaroon ng breast cancer, ectopic pregnancy at pagkabaog matapos ang pagsasagawa ng aborsiyon. Sa bisa ng Republic Act 10354 o Reproductive Health Law, malaya nang nakabibili ng contraceptives at fertility control

pills ang mga Filipino. Ngunit noong ika-26 ng Abril ng nakaraang taon, hinarang ng Korte Suprema ang pamamahagi ng Implanon at Implanon NXT –mga birth control implant na nakitaan ng abortifacient qualities ng Food and Drug Administration, sa bisa ng isang temporary restraining order. Tulad ng mensahe ng Humanae Vitae, hinikayat ni Dr. Patrick Moral, na pinamumunuan ang Departamento ng Bioethics sa Faculty of Medicine and Surgery ng UST, ang mga magulang na maging responsable sa pagpaplano ng bilang ng magiging anak. “Mali ang pananaw ng publiko na nakatuon ang Simbahan sa pagkontra sa kontrasepsiyon. Dapat bumalik tayo sa konsepto na bukas tayo sa procreation ngunit hindi dapat nito nililimita ang isang tao sa pagkontrol sa bilang ng magiging anak niya,” paliwanag ni Moral sa Ingles. Sa isang pastoral exhortation na noong ika25 ng Hulyo, hinimok ng mga obispo ng bansa ang mga Filipino na wakasan ang “contraceptive mentality” sa lipunan. Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang masamang imahe ng pagkakaroon ng malalaking pamilya ay mas humihikayat sa nasabing pag-iisip. “If family planning is simply reduced to the avoidance of pregnancy, should we be puzzled when some children feel that they are fruits of “unwanted pregnancies”? Won’t they feel that their parents love them simply because they have no choice?” aniya. Dagdag pa nila, normal lamang ang pag-aalala ng mga magulang sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga anak, at ito pa nga ay nagpapakita ng pagiging responsableng mga magulang. Hinimok ng mga lider ng Simbahan sa Filipinas na pagyamanin pa ang kulturang nagpprotekta sa mga kabataan at kumo-kondena sa mga umaabuso sa kanila. Ang mga diyosesis at mga parokya ay hinimok din na magkaroon ng programang tutulong sa mga biktima ng child exploitation. PEARL ANNE M. GUMAPOS

buhay sa Filipinas ang pagbabago ng katekismo. Matatandaang ipinagbawal ng administrasiyon ni dating pangulong Corazon Aquino ang parusang kamatayan sa Saligang Batas ng 1987 matapos ang Martial Law, ngunit ibinalik ito ni dating pangulong Fidel Ramos noong 1999. Muli itong ipinagbawal sa ilalim ng administrasiyon ni dating pangulo at ngayo’y kongresista na si Gloria Macapagal Arroyo noong 2006. Sa kasalukuyan, isa ang parusang kamatayan sa pangunahing batas na nais maipasa ni Pangulong Duterte. Noong Marso 2017, naipasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4727 o Death Penalty Bill, subalit hindi pa ito isinusulong sa Senado. Kasabay ng pagpasa ng nasabing panukala sa kamara ang paghahain ng isang online petition ng mga lider ng iba’t ibang unibersidad sa Kamaynilaan, kasama na ang Rektor ng UST na si P, Herminio Dagohoy, O.P., upang himukin ang mga senador na bumoto laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa. Ayon sa The Capital Punishment Research Project, walang makabuluhang epekto ang pagkakaroon ng parusang kamatayan sa pagpapababa ng krimen. Sang-ayon din ito sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism noong 1999 na nagsabing tumaas ng 15 porsiyento ang krimen nang ipatupad ang parusang kamatayan sa Filipinas. Huling napatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection si Leo Echegaray noong Pebrero 1999 dahil sa kaso ng panggagahasa. Ayon sa pag-aaral ng Pulse Asia noong Marso 2017, tinatayang 67 porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa parusang kamatayan. EUGENE DOMINIC V. ABOY, O.P.

Rock Solid

MyUSTe

MULA SA PAHINA 5

MULA PAHINA 1

ang bibig ng mga lider ng mga konsehong pang mag-aaral sa mga isyung api ang pananampalataya at mag-isang lumalaban ang Simbahan, kagaya na lamang sa isyu ng pagsasabatas ng diborsiyo sa Filipinas at ang pagpatay sa mga miyembro ng kaparian, na dalawa sa kanila –sina P. Marcelito Paez at Marc Ventura –ay mga Tomasino pa man din. Marahil ay kabilang ang mga lider na ito sa mga binanggit ng dating rektor ng UST na si P. Rolando de la Rosa, O.P. na mga nagpapahintulot na magpatuloy ang antipatya laban sa mga kaparian na mas pinalalala pa ng mga patutsada ng pangulo, sa pagpili nilang hindi magsalita bilang mga lider ng Unibersidad. Sa usapin ng pagtawag ni Duterte na stupido ang Diyos, kinailangan pang lumapit ng Varsitarian sa mga lider ng konsehong pang mag-aaral ng Unibersidad bago pa man ito magsalita ukol sa isyu. Tahimik o ‘di kaya nama’y walang opisiyal na pahayag ang mga lider na ito sa mga isyung nabanggit, kahit na sila, bilang isang konseho, ay may mandatong manindigan sa mga Kristiyanong layuning pinanghahawakan ng Unibersidad. Sa huli, makatutulong sigurong isipin na hindi ang mga kaparian o obispo ang pangunahing bumubuo sa Simbahan, kung hindi ang mga karaniwang taong bumubuo rito. Dahil ang ating pagkakabigong manindigan para sa ating pananampalataya ay ang nagbibigay pahintulot na gawin nina Celdran o Duterte ang mga ginawa nila laban sa Simbahan, pati na rin ang kaisipang katanggap-tanggap pa nga una sa lahat ang nagawa nila.

Play Store para sa mga gumagamit ng android phone o gadgets, at sa App Store naman para sa mga gumagamit ng iPhone o ibang gadgets na gawa ng Apple. Katulad ng mga maaaring magawa sa website na bersiyon, maaari ring pamahalaan ng isang Tomasino ang kaniyang WiFi account sa Unibersidad, makita ang kaniyang mga deficiencies, makatanggap ng mga notifications at updates at mai-download ang student handbook gamit ang application. Para kay Johannes Paul San Juan, mag-aaral sa kursong information systems sa UST, nakatutulong ang bagong application lalo na sa pagpapakita nito ng class schedule, mga grado at mga bayarin ngunit mayroon pang mga “features” na maaaring ilagay rito upang mas mapagpabuti. “Kailangan siguro ng kaunting tweaks. May mga features na mali ang pagkaka-display at kung puwede sana, gamitin ang finger print scanner upang ma-secure iyong app[lication]. Kulang po kasi sa security option. Kung maaari [rin] sanang i-connect sa eLeAP o Cloud Campus, mas mapapaganda po siguro iyong app[lication],” wika ni San Juan sa Varsitarian. “Nag-activate na po ako ng WiFi account by typing my password then okay na siya pero as per checking, inactive daw so hindi [pa] siya realtime- updated,” dagdag niya. Para sa mag-aaral ng computer science na si Joshua Fuertes, mas madaling magagamit ang myUSTe Student Portal application kung “mapapabuti pa ang disensyo nito.” “Magagamit mo rin lahat ng kakayahan ng app[lication] na ito. [N]gunit masyado itong clunky para magamit nang maigi. Hindi maganda ang ‘aesthetic’ ng disenyo nito kaya maaaring hindi maayos ang pagtakbo ng app[lication],” aniya. Ayon sa kaniya, makabubuti raw kung magkakaroon ito ng offline mode kung saan maaari pa ring makita ng isang user ang kaniyang mga impormasiyon kahit walang internet. BEATRIZ AVEGAYLE S. TIMBANG at MIGUEL ALEJANDRO IV A. HERRERA


IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Agham at Teknolohiya 9

Shrimp diagnostic kit, mas pinainam ng dalubguro ng agham

Maningas Inilalahad ni Prop. Mary Beth Maningas ang kaniyang presentasiyon ukol sa kalusugan ng mga hipon sa isang kumperensya noong nakaraang taon. (Photo courtesy: Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development)

HIGIT na pinaunlad ni Prop. Mary Beth Maningas ng College of Science ng Unibersidad ang shrimp virus diagnostic kit na naglalayong tukuyin ang mga sakahan ng hipon na positibo sa sakit na White Spot Syndrome Virus (WSSV) at

Acute Hepatopancreatic Necrosis Disease (AHPND). Ayon kay Maningas, ang mga hipon na may WSSV ay nagdudulot ng 100 porsiyentong mortality rate at nagsasanhi ng pagkamatay nito sa loob ng dalawa hanggang 10 araw. Ang virus na ito ay hindi

‘Video gaming addiction,’ bagong patolohiya–WHO ANG PAGLALARO ng video games nang umaabot sa walo hanggang sampung oras kada araw ay maaaring sintomas na ng video gaming addiction. Nito lang Hunyo, idineklara na itong isang mental health disorder ng World Health Organization (WHO). Ayon kay Marc Eric Reyes, isang clinical psychologist at dalubguro sa College of Science, masasabing may digital o video gaming addiction ang isang tao kung umaabot sa 30 oras o higit pa kada linggo ang kaniyang paglalaro ng video games. “May [video gaming] addiction ka na kung sobrang oras ang iginugugol mo sa paglalaro, at kung dahil doon ay may mga mahahalagang bagay sa buhay mo na napababayaan na, katulad ng pag-aaral, pamilya o trabaho,” wika ni Reyes sa isang panayam sa Varsitarian. Pormal nang klinasipika ng WHO ang video gaming addiction o “gaming disorder” sa ika-labing-isang bersiyon ng kanilang International Classification of Diseases na inilabas noong ika-18 ng Hunyo ngayong taon. Maaaring makatulong para sa isang taong may video gaming addiction ang cognitive restructuring o isang proseso kung saan susubukan siyang sanayin na makakuha ng kasiyahan at sigasig mula sa ibang gawain na madalas niyang nakukuha sa paglalaro ng video games, ani Reyes. Ang layunin ng cognitive restructuring sa isang taong “naadik sa video gaming” ay pataasin ang lebel ng dopamine sa utak niya nang hindi nakadepende sa paglalaro lamang ng video games, sabi niya. Ang dopamine ay isang chemical messenger sa utak na responsable sa pagkakaroon ng damdamin ng kagalakan, sigasig o pagkakaroon ng adhikain ng isang tao. “Maaaring na-adik sila roon sa naidudulot ng paglalaro sa kanilang utak, at ito ay ang paglabas ng dopamine. Ang dopamine kasi, nagbibigay ito ng mekanismo ng gantimpala, iyong pakiramdam ng pagiging kuntento, at kasiyahan; doon sila naadik kaya kapag naglalaro sila, gumaganda ang pakiramdam nila sa kanilang mga sarili,” paliwanag niya sa wikang Ingles. Aniya, wala pang tiyak na lunas para rito dahil kamakailan lang idineklara ito bilang isang mental health disorder. Katulad ng mga ibang klase ng adiksiyon, isang senyales din ng video gaming addiction ay ang pagkakaroon ng “withdrawal symptom,” o sintomas na nakikita sa isang tao kapag siya ay tumigil sa paggawa ng bagay na kung saan siya ay masasabing “addicted,” sabi niya. “Kapag tinigil mo ang paglalaro mo, maaaring nanginginig ka, may craving ka, iyong iba nagiging iritable, at may mga pag-aaral na nagsasabing ang mga pathological gamers, o iyong mga maaaring candidate ng video gaming addiction, kapag pinipigilan mong maglaro, nagagalit [sila],” paliwanag niya. Paglilinaw niya, hindi lamang puro negatibo ang maaaring maidulot ng paglalaro ng video games, bagkus ay may ilang video games na nakabubuti sa tao dahil nagiging libangan ang

mga ito. Maaari ring makatulong sa paglinang ng kakayahan sa pagpaplano, paglutas ng mga problema at sa pagkamalikhain ng isang tao ang paglalaro ng video games. Para sa lider ng koponang UST Teletigers na si Theo Ignacio, bagama’t karamihan sa kaniyang mga kaibigan ay naglalaan ng maraming oras sa paglalaro ng video games, wala siyang nakikitang masama sa kanilang ginagawa at hindi rin iyon nakahahadlang sa kanilang pag-aaral. Ang UST Teletigers ay ang koponan ng mga manlalaro ng online game na League of Legends na hinirang na back-to-back na kampeon sa idinaos na best-of-five finals ng Garena League of Legends Varsity League Spring Term 2018 noong Hulyo. “Karamihan ng mga Tomasinong manlalaro ng mga video games ay naglalaro para lang sa kasiyahan. May iilan, katulad ko na naglalaro para sa kompetisiyon sa ilalim ng eSports (electronic sports). Sigurado akong hindi na sila mga Tomasino kung sila ay mayroong ‘adiksiyon’ na nakahadlang sa kanilang pag-aaral,” wika ni Ignacio sa Varsitarian. Base sa kaniyang karanasan, karamihan daw sa mga natutunan niyang kakayahan sa paglalaro ng video games ay nagagamit niya sa kaniyang pang-araw-araw na buhay, kagaya ng kakayahang magpuyat nang mas matagal, mas mabilis na pagdedesisyon, mas matalas na pagsusuri at kahusayan sa lohika. Iginiit din niya na ang gaming addiction daw ay isang “maling pag-aaral ng mga matatandang hindi inaral ng mabuti ang lahat at bawat aspeto ng video games.” “Dapat ay inaral din nila ang bawat taong naging matagumpay sa bawat video game na isinasama sa eSports upang magkaroon ng kawastuhan ang kanilang pag-aaral,” giit ni Ignacio. Ayon kay Ignacio, ang “labis” na paglalaro ng video games ay relatibo sapagkat magkakaiba raw ang tibay ng bawat tao at kinakailangang malaman nito ang sariling limit. Dagdag pa niya, katulad ng mga pisikal o tradisiyunal na laro na ginagawa para sa libangan, ang eSports ay isang stress reliever para sa karamihan at ang tanging hindi kagandahang dulot nito ay ang pagkakaroon ng strain sa mata at posibleng paglabo nito. Moderasiyon, disiplina Ayon kay Dr. Claude Fong, isang pediatrician mula sa UST, kinakailangan ng moderasiyon at disiplina sa paglalaro ng video games at paggamit ng gadgets lalo na sa mga bata. “Upang magdulot ng kamalayan, dapat ay alam ng mga tao ang wastong dami ng oras sa paggamit ng ganiyan (gadgets). Sa mga bata, karaniwan ay sinasabi namin na limitahan lamang sa 30 minuto kada araw ang panonood ng TV, o sa paglaro ng video games,” wika ni Fong sa Ingles. BEATRIZ AVEGAYLE S. TIMBANG na may ulat mula kay HAZEL GRACE S. POSADAS

makaaapekto sa taong kakain ng hipon. Ang diagnostic kit o tinatawag ding Juan Amplification Detection Kit (JAmp), na una sa bansa, ay ginawa rin upang makatulong sa pagpapalakas ng industriya ng hipon sa Filipinas. Sa pamamagitan nito, maagang matutukoy kung positibo ba ang mga sakahan ng hipon sa mga sakit at maaring magawan agad ng solusyon. Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), ang Filipinas ay panglabing-isa sa buong mundo sa aquaculture production. Noong taong 2000, tinatayang kumita ang bansa ng $300 milyon sa pagluwas ng hipon subalit nabawasan nang 40 hanggang 60 porsiyento ng naging laganap ang WSSV sa mga lokal na sakahan. Sa ulat ng FAO noong 2014, bumaba sa $120 milyon na lamang ang kabuuang kita ng bansa sa pagluwas ng hipon. “Ikatlo ang Filipinas sa pinakamalaking bansa na nag-poprudus ng Tiger Prawn at White shrimp sa buong mundo. Subalit dahil sa pagkalat ng mga sakit bumaba ito sa ikaanim na puwesto,” ayon sa isang ulat. Ngayong taon, ang grupo ni Maningas ay bumuo ng bagong aplikasiyon upang mas mapabilis na makita ang sintomas ng AHPND sa mga hipon na nagdudulot ng katamlayan, kawalan ng laman sa tiyan at maputlang

hepatopancreas. Ayon sa isang website post ng Department of Science and Technology noong Marso, ang AHPND ay nagdulot ng malaking pagkababa sa produksiyon ng hipon sa mga bansang Tsina, Vietnam, Malaysia, Thailand, Mexico, at kumakailan sa Filipinas, partikular na sa Bataan, Bulacan, Cebu, Bohol, Sarangani, at General Santos. Sa isang site sa Bataan, 73 na mga porsiyento ng mga bukid ang positibo sa AHPND. Pinasimple din ni Maningas ang diagnostic kit na gumagamit lamang ng heat block loop mediated isothermal amplification (LAMP). Ang heat block LAMP ay gumagamit ng espesyal na polymerase para madetect ang DNA o RNA ng tinutukoy na virus o bacteria. Ayon sa saliksik, ito ay nagbibibigay ng mas mainam na resulta at hindi nangangailangan ng kontroladong temperatura gaya ng Polymerase Chain Reaction o PCR, na dating ginagamit. Si Maningas ay isa sa mga unang nakatuklas ng AHPND sa mga hipon sa bansa. Nakapaguwi na siya ng mga parangal tulad ng Outstanding Research Paper Award at Outstanding Research and Development Award para sa Applied Research noong ika-37 National Academy of Science and Technology Awards. MIGUEL ALEJANDRO IV A. HERRERA

Tomasinong siyentista, kinilala ng NAST sa saliksik sa halamang gamot

Tinatanggap ni Mario Tan, kasama ang dekano ng College of Science na si John Donnie Ramos, ang parangal sa kaniya ng NAST noong ika-12 ng Hulyo. (Photo courtesy: UST website)

PINARANGALAN ang isang mananaliksik ng Research Center for Natural and Applied Sciences ng UST para sa kaniyang natatanging ambag sa pag-aaral ng katutubong halaman noong ika-12 ng Hulyo sa ika-40 Annual Scientific Meeting sa Manila Hotel. Napili si Mario Tan, katuwang na propesor at tagapangulo ng Departamento ng Kimika ng College of Science, bilang Outstanding Young Scientist ng National Academy of Science and Technology. Ginawaran siya sa kaniyang saliksik sa mga katutubong halamang pandan at kape sa potensiyal nitong maging gamot. “Ang aking research ay tungkol sa pagbubuo ng panibagong compound o molecule mula sa mga natural na produkto ng halaman, partikular sa Pandanus at Rubiaceae, para malaman kung ano ang maaaring paunlarin para gawing gamot,” aniya sa isang panayam. Ang Pandanus ay ang genus ng halamang pandan at Rubiaceae naman ang tawag sa pamilya ng mga halamang kape. Paliwanag ni Tan, ang “total synthesis” na kaniyang ginagawa ay kagaya ng paggawa ng bahay. Unti-unti niyang hinihimay at sinasaliksik ang compounds na mayroon ang halaman at masusing pinag-aaralan kung ano ang gamit at ano pa ang posibleng madiskubre mula sa mga ito. Dagdag sa natuklasan niya ay ang dalawang compound (Dubia Dubiusamine–A and Dubiusamine–B) na sa unang pagkakataon nakuha mula sa isang species ng pandan na maaaring mapaunlad pa at maging gamot sa sakit sa tuhod at ulo maging sa mga sakit kagaya ng tuberculosis

at ketong. Binigyang diin ni Tan ang panghihimok sa mga kapwa siyentista na pag-aralan ang mga katutubong halaman at pagibayuhin ang pagdiskubre sa mga kakayahan nito sa larangan ng parmasiya. “Ang biodiversity ng Pandanus at Rubiacea plants sa Pilipinas ay napakayaman, subalit kakaunti lamang ang nagtatrabaho sa ganitong larangan,” wika niya. Ang Rubiaceae na halaman ay pangapat sa pinakamayamang flora sa bansa, at isa si Tan sa mga iilang siyentista na nagsasaliksik sa maaring pag-gamitan ng mga natural na produkto nito. Sinimulan ni Tan ang pananaliksik sa kemikal na produkto ng pandan sa kaniyang thesis sa undergraduate at masterado sa ilalim ng gabay ni Maribel Nonato, ang bise rektor para sa agham at inobasiyon na tanyag din sa larangan ng agham bilang ang “Pandan Queen.” Napaunlad din niya kaniyang pagaaral sa Rubiaceae plants ng makasalamuha niya si Prop. Grecebio Alejandro, kilalang botanist at isa rin NAST awardee. Nagkamit din si Tan ng parangal sa 2016 Novartis Next Generation Scientist Program at 2012 Talent Search for Young Scientists. Isang taunang parangal ang Outstanding Young Scientist Award para sa mga kahanga-hangang siyentipikong may edad na 40 pababa, na tumulong sa pag-unlad ng biyolohiya, pisika, kimika, matematika, at information technology sa bansa. MIGUEL ALEJANDRO IV A. HERRERA


10 Buhay Tomasino

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

BALIK ESKUWELA SA ESPANA NINA MARI KLOIE D. LEDESMA, NATHANAEL JONAS SJ. RODRIGO AT JURY P. SALAYA

Editoryal

Dear Theodosia

MULA PAHINA 5

MULA PAHINA 5

naghahari-harian sa kongreso ang pagbabago ng Saligang Batas. Sa pagtitipon ng Kamara at Senado bilang isang “conass,” malaki ang posibilidad na maipawalang bahala na lang ang pinagpaguran ng mga ekspertong tulad ng dating punong mahistrado Reynato Puno, dating pangulo ng Senado na si Aquilino Pimentel Jr., Julio Teehankee, at P. Ranhilio Aquino. Wika naman ng dating senador Joey Lina, mayroon nang sariling bersiyon ng federalismo ang Filipinas—ang Local Government Code ng 1991. Layon ng batas na ito na isakatuparan ang mga prinsipyo ng lokal na awtonomiya at desentralisasiyon, parehong mga prinsipyo na nais makamit ng pederalismo. Ayon din sa kasalukuyang Saligang Batas, dapat magtalaga ang pangulo ng regional development councils na kinabibilangan ng mga lokal na opisyal ng gobyerno at kinatawan ng mga nongovernmental na organisasiyon, upang siguraduhin na pinauunlad ng mga lokal na pamahalaan ang kani-kanilang nasasakupan. Pinapatunayan ng mga batas na ito na matagal nang ibinaba sa mga lokal na pamahalaan ang kapangyarihan na lutasin ang suliranin ng kani-kanilang hurisdiksiyon. Subalit hindi ito naisasakatuparan maaaring dahil sa mga kilalang pamilyang naghahari-harian sa bawat probinsya. Hindi dapat minamadali ang pagbabago ng pangunahing batas sa Filipinas. Sa panahon kung kailan pinagwawatak-watak ng mga suliranin ang lipunan, mas mainam pa rin na magkaroon ng sentralisadong gobyerno na magbubuklod sa bawat rehiyon. Kung hindi pagkakapantaypantay sa pag-unlad ang nais lutasin ng federalismo, dapat ipaalala sa mga nagsusulong nito na may sapat na mga batas at mekanismo nang nakasulat sa ating Konstitusyon upang aksiyunan ito. Kailangan lang isakatuparan ang mga batas ng mga politikong tapat sa Saligang Batas at hindi sa ideolohiya ng iisang partido.

mamamayan. Lubos na

Mag-aaral ng biology, ‘excluded’ dahil sa kaso ng pang-aabuso MULA PAHINA 1

nakababahala

rin na ayon sa pinakabagong pagsisiyasat ng Social Weather Stations, lumabas na 73 porsiyento ng mga Filipino ang sumasang-ayon sa National ID system, 18 porsiyento lamang ang hindi sumang-ayon at siyam na porsiyento ang hindi nakakaalam nito. Tila nakalimot na ang mga Filipino sa mga atraso ng gobyerno sa mga usapin ng pagkuha ng mga valid IDs na inaabot ng siyam-siyam sa pagproseso. Hindi na natin kailangan ng bagong batong ipupukpok sa ating mga ulo. Daragdag lamang ito sa napakahabang listahan ng mga ID na matagal maproseso at hindi naman nailalabas sa oras. Sapat na ang hirap sa pagkuha ng driver’s license at pasaporte upang ipaalala na walang nagbago at walang magbabago sa transaksiyon sa gobyerno. Nabigyan man ng dalawang bilyong badyet ang National ID system sa ilalam ng pangangasiwa ng Philippine Statistics Authority (PSA), hindi pa rin ito sapat upang tustusan ang mga magiging gastusin sa implementasiyon nito. Sa pagsasabatas ng sistemang ito, hindi kinonsidera ng pamahalaan na walang sapat na pera at teknolohiya ang bansa na siyang kakailanganin para sa isang napakalaking proyekto. Si Senador Panfilo Lacson na mismo ang nagsabi noong Disyembre na maraming ang kakailanganin sa implementasiyon ng National ID system at “walang masyadong teknikal o IT capability ang PSA” para dito. Kaya isang kahibangan ang sinabi ng PSA na ang buong populasiyon ay mairerehistro sa loob ng dalawa hanggang limang taon. Sa panahon kung kailan kung anu-ano na lamang ang mga isinusulong na mga panakip-butas para sa mga problemang napapanahon, matutong sumuri ng mga tunay na aksiyong magbibigay ng konkretong solusiyon.

Mayo. Sa isang liham na nakuha ng Varsitarian, hinimok ng nanay ni Arcena ang dekano ng Science na si Prop. John Donnie Ramos na magpatupad ng nararapat na aksiyon ukol sa ginawa ni Viray, at nanghingi ng proteksiyon para sa anak niya mula kay Viray. Nang mapatunayang nagkasala, pinatawan si Viray ng 250 oras na community service at pinagbawalang makilahok sa Solemn Investitures ng kanilang kolehiyo. Nakatanggap ng mga pagbabatikos ang Student Welfare and Development Board (SWDB) na humawak sa kaso

ni Arcena dahil sa umano ay “maluwag” na par usang ipinataw kay Viray. Sa resolusiyon na inilabas noong ik-7 ng Agosto sa kaso ni Morales, inamin ng SWDB na nagpakita ito ng pag-unawa kay Viray dahil sa kaniyang katayuan bilang isang mag-aaral na malapit nang makapagtapos. Gayunpaman, nabigo si Viray na makapagtapos sa kaniyang kurso dahil sa kaniyang mga academic def iciencies. Dahil sa mga pangyayaring ito, napagdesisiyonan na ng

SWDB na nararapat lamang na mapatalsik na si Viray sa Unibersidad. Ang Code of Conduct and Discipline ng UST ay nagbabawal sa mga mag-aaral na magdulot ng kahit anong uri nang pamiminsala sa ibang tao, sa loob man o sa labas ng paaralan. Sinikap na hingian ng Varsitarian ang kampo ni Viray para sa isang pahayag ngunit nagsabi itong iko-konsulta muna sa kaniyang abugado bago ito magpaunlak ng isang panayam. S H E R W I N DA N E C. Z AU R O

USTFU MULA PAHINA 2

seksiyon ng Artikulo XIII ng konstitusiyon ng USTFU na ang mga miyembro ng negotiating panel ay dapat sumailalim sa isang eleksiyon na kalalahukan ng mga miyembro ng USTFU. Sa isang liham noong ika12 ng Hulyo, nagpahayag ang mga pangulo ng iba’t-ibang faculty clubs ng kanilang suporta sa mga naihalal na miyembro ng UST-USTFU CBA. Noong ika-1 ng Agosto, lumikom ng mga lagda ang mga naihalal na miyembro ng CBA negotiating panel sa isinagawa nilang petisiyon para sa pagpapatawag ng general assembly ng USTFU. Ayon sa isang liham ni Ngo para kay Lim noong ika15 ng Agosto, nakamit na ang 30 porsiyento na kinakailangan ng mga nagpet-isiyon upang maipasakatuparan ang general assembly na ninanais nila. Nakasaad sa ikatlong seksiyon ng artikulo VII ng konstitusiyon ng USTFU na makakapagpa-tawag ng espesiyal na general assembly o pagpepetisiyon ng mga miyembro ng unyon ang pangulo o ang mayorya ng Board of Officers kung umabot sa 30 porsiyento ng populasiyon ng unyon ang malilikop na lagda upang ito ay maisakatuparan. KEVIN A. ALABASO


Patnugot: Ma. Angelica D. Garcia

Pampalakasan 11

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Tigresses, nakuha ang Game 1 ng PVL kontra FEU

Tinatangkang ipasok ni Golden Tigress Caitlyn Viray ang bola laban sa dalawang blockers ng FEU. KUHA NI MARK DARIUS M. SULIT

NASUNGKIT ng UST Golden Tigresses ang Game 1 ng semifinals ng Premier Volleyball League Collegiate Conference matapos nilang payukuin ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 16-25, 26-24, 2518, 25-23, sa Arena sa San Juan noong Agosto 29. Naibuslo ng UST ang huling set makaraan ang service error ni Lady Tamaraw Heather Guino-o. “Sinabi ko sa mga bata noong first set na kung gusto nilang matalo ‘yong team, madali lang ‘yon pero kung gusto kako nilang manalo, kailangan nila magtrabago and from there, nachallenge sila,” wika ni assistant head coach Ian Fernandez. Tuluyang kumawala ang UST sa ikatlong set sa pamamagitan ng isang 15-8 blitz na pinangunahan ni Eya Laure. Sinubukang isalba ng FEU ang ikalawang set matapos nilang itabla ang laban sa 24-all, subalit nagpakawala ng dalawang crosscourt kill si Caitlyn Viray para sa Tigresses. Nasungkit ng FEU ang unang set sa pamamagitan ng

isang quick kill mula kay Jerili Malabanan. Nagpakawala si Laure ng 19 puntos habang si Milena Alessandrini ay nag-ambag ng 16 puntos. Nagtala si Malabanan ng 10 puntos para sa FEU. NU, tinapos ang 8-game winning streak ng UST Nabigo ang Tiger Spikers na mapanatili ang kanilang malinis na kartada matapos silang padapain ng National University Bulldogs, 25-22, 18-25, 25-22, 25-20, noong Agosto 26. Bagaman parehong may bitbit na 8-1 na rekord, nanaig pa rin ang Bulldogs sa unang puwesto dulot ng sa mas mataas na kusyento. Nalaglag naman sa ikalawang puwesto ang Tiger Spikers. “Actually, [the loss] was not because of the blocks of NU, but their resiliency on the receives. Naba-block naman namin sila pero may coverage kasi sila tapos kami wala,” wika ni head coach Odjie Mamon. Nagtala ang NU ng 12 blocks kumpara sa anim ng UST. PVL PAHINA 11

Tiger Jins, handang bawiin ang korona MAS DETERMINADONG UST Tiger Jins ang sasabak sa paparating na UAAP Season 81 matapos mabigong depensahan ang kanilang titulo noong nakaraang taon. Natamo ng Tiger Jins ang ikatlong puwesto noong Season 80 matapos tuldukan ng National University ang kanilang kampaniya para sa ika-apat na sunod na kampeonato. Ayon kay head coach Dindo Simpao, handa nang sumabak ang kaniyang koponan at wala siyang ibang hinahangad kung hindi maibalik ang titulo ngayong taon. “Nasa magandang kondisiyon ang team ko to compete for the title and ang goal lang talaga namin is to reclaim the championship, that’s my only expectation, wala ng iba,” wika ni Simpao sa panayam sa Varsitarian. Dagdag pa ni Simpao, mas lumaki ang tsansa nila ngayong season dahil sa mga nakuha niyang reinforcements mula sa juniors’ team na sina Josh Maquiling, Luis de Dios at Juan Paolo Miguel. “We have a solid lineup and our athletes from the senior high school ranks are already in full force kaya I’m looking forward to a good matchup,” wika ni Simpao. Iginiit pa niyang nagsilbing aral ang kanilang pagkatalo noon kaya mas inigihan ng koponan

ang kanilang strength at physical conditioning. Nagsimula na silang mag-ensayo noong Mayo. Bukod sa pag-eensayo, napili ring lumahok ng Tiger Jins sa mga pre-season tournaments bilang parte ng kanilang paghahanda sa darating na kompetisiyon. Sumali sila sa 42nd National Taekwondo Championships noong Hulyo kung saan nagtapos ang koponan sa pang-apat na puwesto. Para kay team captain Aries Capispisan, malaking tulong sa Tiger Jins ang pagsali sa mga kompetisiyon dahil mas nahahasa ang kanilang kakayahan. “Nakatulong ‘yong mga games kasi na-apply namin ‘yong mga natutuhan namin kila coach and ‘yon ‘yong babaunin namin pagdating sa UAAP,” ani Capispisan. Bukod kay Capispisan, inaasahang magiging sandalan din ng koponan ang beteranong si Isaiah Lorbes. Napagdesisiyunan naman ni Season 78 Most Valuable Player Joaquin Mendoza na hindi maglaro ngayong taon upang matutukan ang kaniyang pagaaral. Nangunguna pa rin ang Tiger Jins sa may pinakamaraming titulo sa UAAP. Sila ay may 14 na titulo. THERESA CLARE K. TAÑAS

Artlets freshman, bagong UAAP courtside reporter Ni MA. ANGELICA D. GARCIA

ISANG asian studies freshman mula sa Faculty of Arts and Letters ang bagong courtside reporter ng UST sa UAAP Season 81. Papalitan ng 18-anyos na si Makyla Chavez si Tonie Moreno na naging tagapag-ulat ng m g a laro ng Tigers noong nakaraang season. “Courtside reporting is more than just facing the camera or the crowd. It’s a privilege that holds so much responsibilities,” wika ni Chavez sa isang panayam sa Varsitarian. Para kay Chavez, malaking tulong ang pagiging miyembro ng UST Tiger TV, ang opisiyal na television network ng Unibersidad, dahil dito

Chavez

nahasa ang kaniyang hosting skills. Kasalukuyang tagapag-ulat din siya sa “The Frontrunners,” ang opisiyal na sports show ng nasabing organisasiyon. “I feel more than a connection by just holding a microphone and being in front the crowd,” ani Chavez. Napili si Chavez matapos ang isang buwang screening process kasama ang 200 na aplikante noong Hulyo. Agosto 15 nang malaman niya na isa siya sa limang bagong courtside reporters ngayong season kasama sina Corinne Catibayan (Adamson University), Aiyana Perlas (De La Salle University) at Sam Corrales (Univeristy of the Philippines). “I’m excited and at the same time tensed because I want to meet or even go beyond the expectations of the Thomasian community,” wika ng bagong courtside reporter. Muling magbabalik naman para sa ikalawang pagkakataon sina Migs Gomez (University of the East), Sydney Crespo (Far Eastern University) at Miguel Dypiangco (National University). Masisilayan si Chavez sa unang laro ng Growling Tigers kontra NU Bulldogs sa Setyembre 8, Sabado, ika-4 ng hapon, sa Mall of Asia Arena.

PVL

Tigers

MULA PAHINA 11

MULA PAHINA 12

Ayon kay Mamon, mananatiling nakatuon ang pansin ng koponan sa kanilang services para masira ang play ng kanilang mga kalaban. “Bulto ng oras namin sa training ay napupunta sa service, mga 35-40 percent kasi hindi puwedeng wala ‘yon,” ani Mamon. Nangunguna ang Tiger Spikers sa liga pagdating sa service. Nagtatala ang koponan ng 1.58 service aces kada set. Dagdag pa ni Mamon, malaking tulong ang pagkakadagdag sa lineup nina opposite hitter Genesis Redido at libero Jelex Mendiola. “Malaking bagay ang pagpasok ni Redido at Jelex kasi na-stabilize ang pasa namin,” wika ni Mamon. Nag-aambag si Redido ng 8.3 puntos kada laro habang si Mendiola ay nagtala ng 21.5 excellent digs sa loob ng dalawang laro. Susunod na makakaharap ng Tiger Spikers ang Adamson University Soaring Falcons sa Game 1 ng semifinals sa ika-1 ng Setyembre, Sabado, ika-11 ng umaga, sa parehong lugar habang ang Game 2 ng women’s division ay gaganapin sa ika-2 ng hapon. IVAN RUIZ L. SUING

Invitational Basketball Tournament sa Davao noong Agosto 13. Para kay Ayo, kailangang pagibayuhin ng koponan ang ensayo dahil papalapit na ang kompetisiyon. “Nasa 50 percent pa lang kami. Hopefully, umabot ng 60 o 70 before the season starts and during the season, umangat nang umangot para mag-peak kami sa tamang oras,” pahayag ni Ayo. Para naman kay team captain Marvin Lee, disiplina at maayos na depensa ang magiging puhunan nila para mamayagpag ngayong taon. “Gagawin lang namin ang best namin, disiplina lang, wala munang expectations basta dumepensa at magcompete lang,” wika ni Lee. Kabilang sa siyam na rookies na isasalang ng Tigers ngayong taon si UAAP Season 80 juniors’ Most Valuable Player CJ Cansino na nagtala ng 24.6 na puntos bawat laro. Bukod kay Cansino, inaasahang magiging sandalan din ng UST ang nagbabalik na sina Embons Bonleon at Renzo Subido na piniling hindi maglaro noong nakaraang taon dahil sa Philippine Basketball Association Developmental League. Unang makakaharap ng Tigers ang National University Bulldogs sa Setyembre 8, Sabado, ika-4 ng hapon, sa Mall of Asia Arena. JUSTIN

ROBERT VALENCIA


Pampalakasan

IKA-30 NG AGOSTO, 2018

Ayo: Tigers handa na para sa Season 81 Ni JUSTIN ROBERT VALENCIA MASUSUBUKAN ang depensa ng Growling Tigers sa ilalim ng bagong sistema ni head coach Aldin Ayo sa paparating na UAAP Season 81. “We prioritize defense more kasi ganoon naman palagi ‘yong gusto naming mangyari. Dapat matatag ‘yong depensa namin but of course, we have to perform offensively rin. First step lang ang defense,” wika ni Ayo sa panayam sa Varsitarian. Karamihan man ay rookies sa kaniyang koponan, kumpiyansa si Ayo na magiging palaban ang UST dahil nasanay na ang mga manlalaro sa kaniyang sistema. “Motivated sila and I believe they have absorbed the system already. I can say that they have surrendered themselves to it,” ani Ayo. Dagdag pa ng two-time champion coach na malaking tulong sa kaniyang mga manlalaro ang mga sinalihang pre-season tournaments dahil mas nabuo ang chemistry ng koponan. Nagtala ang UST ng 2-6 na rekord sa Filoil Flying V Preseason Cup noong Hunyo kung saan nagtapos sila sa ikawalong puwesto sa pangkat B. Ayon kay Ayo, hindi pa buo koponan noong sumalang sila kompetisiyon kaya nakakadismaya ang naging resulta. “That was our first tournament, hindi pa buo ang team. ‘Yong mga rookies nag-ensayo lang ng isang linggo bago ang tournament at ‘yong iba ay nakuha namin sa kalagitnaan na ng tournament,” wika ni Ayo. Nang mabuo ang Tigers noong unang linggo ng Agosto, lumahok sila sa Bayugan City Mayor’s Cup sa Agusan del Sur kung saan naiuwi nila ang kampeonato. Natamo rin nila ang ikalawang puwesto sa Kadayawan Tigers PAHINA 11

Sherlyn Gabisay

Hamon para sa dating coach ng La Salle na si Aldin Ayo na makabalik ang Tigers sa Final 4 ng Season 81 ng UAAP. FILE PHOTO

Lady Paddlers, gutom sa kampeonato MAS MABABANGIS na UST Lady Paddlers ang inaasahang sasabak sa paparating na UAAP Season 81 matapos nilang bigong masungkit ang titulo sa nakaraang dalawang taon mula sa karibal na De La Salle University. Kumpiyansa si Lady Paddlers head coach Lorinda Wadjad sa kaniyang koponan matapos niyang makuha ang reinforcement mula sa juniors’ team na sina Sherlyn Gabisay, Ciara Derecho, Shaeena Ronquillo at Princess Draug. “Dalawang taon kong inensayo ang juniors’ team kaya malaking tulong ang mga rookies ngayon dahil nakuha nila ang gold noong nasa girls’ team pa lang sila,” ani Wadjad sa isang panayam sa Varsitarian. Bukod sa tatlong rookies, inaasahan din ang mga beteranong sina Danica Alburo at team captain Katrina Tempiatura. Aminado si Wadjad na kinulang siya ng stratehiya noong nakaraang season dahil tatlong koponan hawak niya kaya’t minabuti niyang hindi na ito mauulit. “We made a wrong entry kasi last year and nahati ‘yong focus ko kaya nahuli kami but this time, ready na ako ng buong-buo,” wika ni Wadjad na head coach rin ng juniors’ team. Malaking banta man sa UST ang defending champion na La Salle, kampante pa rin si Wadjad na mananaig sila

dahil naaral na nila ang laro ng ibang mga koponan sa UAAP. “Last year kasi, kami ang nangangapa pero this time ready na kami from top to bottom,” wika ni Wadjad. Dagdag pa ni Wadjad, mas tumaas ang skill level ng kaniyang mga manlalaro dahil sa mga sinalihan nilang preseason tournaments. Nasungkit ng UST ang kampeonato sa 10th Eastern Cup Table Tennis Championships noong Hulyo at lumahok din sila sa Uni Orient Cup noong Marso kung saan natamo nila ang ikatlong puwesto. Ayon naman kay Tempiatura, dahil sa pagkakalantad nila sa mga pre-season tournaments, napataas nito ang kompyansa at ang moral ng koponan para sa darating na kompetisyon. “Magandang experience ‘yong tournaments kasi doon namin nalaman ang mga strengths and weaknesses namin and napag-aralan namin ang galaw ng mga posibleng makakalaban namin sa UAAP,” ani Tempiatura. Taong 2006 pa nang huling naiuwi ng UST ang kampeonato. Sisikaping makuha ng Lady Paddlers ang kanilang panlabing-tatlong titulo sa darating na season. Sila ang may pinakamaraming korona sa UAAP table tennis history. THERESA CLARE K. TAÑAS

Lady Shuttlers, sisikaping makabalik sa Final Four MATAPOS sumailalim sa revamp noong nakaraang taon, sisikaping makabalik ng UST Lady Shuttlers sa Final Four ng darating na UAAP Season 81. Tinanggal ang anim sa walong Lady Shuttlers na naglaro noong nakaraang season matapos ang kanilang nakadidismayang 0-7 na kampanya. Ito na ang pinakamalalang performance ng koponan mula 1999. Para kay head coach RJ Ormilla, kailangang pag-ibayuhin ng mga manlalaro ang kanilang sakripisyo at determinasyon sa ensayo, dahil ito ang kanilang magiging puhunan upang mamayagpag. “Dapat mag-double time na, kasi ‘yon ang naging problema noong nakaraang taon kaya dapat pag-igihan ngayon, lalo na at pasukan na naman at mag-aaral na ulit sila unlike nitong previous months na puro training lang kami,” sabi ni Ormilla. Kahit na anim na rookies ang kaniyang isasalang sa paparating na season, kumpiyansa si Ormilla na magandang performance ang ipapakita ng koponan. “Nakakakita naman ako ng potential doon sa anim and national level training naman ang pinapagawa ko sa kanila para more on application talaga,” wika ni Ormilla. Bukod sa rookies na sina Stephanie Mortera, Elij Peña, Nenia Solinap, Sofia Manalansan, Denielle Littaua at team captain Kate Tating, muling magpapakitang-gilas ang mga beteranong sina Elizabeth Pimentel at Jean Vivas na inaasahan ni Ormilla na mas makakatulong sa koponan ngayong taon.

Bilang preparasyon, isinali rin ni Ormilla ang Lady Shuttlers sa tuneup games kung saan nakalaban nila ang ilan sa mga koponan ng National Collegiate Athletic Association tulad ng College of St. Benilde, San Sebastian College-Recoletos, Mapua Univeristy at San Beda University. “Sinisipagan ko talaga ang pagsali nila sa mga laro kasi mas marami silang matututunan during games kaya ayokong makarinig ng rason na porket rookies sila eh pangit na ang magiging performance dahil ngayon pa lang, ine-expose ko na sila,” ani Ormilla. Ayon rin kay Ormilla, para makaabot sa Final Four, kinakailangang munang matalo ng Lady Shuttlers ang University of the East at Adamson University bago makasungkit ng panalo laban sa mabibigat na koponan ng National Univeristy, De La Salle University, Ateneo de Manila University at defending champion na University of the Philippines. Para naman kay Tating, malaking tulong sa Lady Shuttlers ang magensayo ng tatlong beses sa isang araw dahil ito ang naging suliranin nila noong nakaraang taon. “Dati before we start our summer training may break pa kami pero ngayon instead na mag-break kami, we train and train to achieve our goal,” wika ni Tating. Season 75 pa nang huling makapasok ang UST sa Final Four. Sisikaping matamo ng Lady Shuttlers ang kanilang pangalawang na titulo sa darating na season. Huling nakatikim ng kampeonato ang koponan noong 2007. JUSTIN ROBERT VALENCIA


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.