Irong-Irong 3

Page 1

Irong-Irong3 Ang Opisyal na Pampanitikang Jornal ng mga Estudyante ng Unibersidad ng San Agustin

Nobyembre 2008



Irong-Irong3 Ang Opisyal na Pampanitikang Jornal ng mga Estudyante ng Unibersidad ng San Agustin



Irong-Irong3 Ang Opisyal na Pampanitikang Jornal ng mga Estudyante ng Unibersidad ng San Agustin Elsed S. Togonon Editor

Nobyembre 2008


Inilathala noong 2008 ng University of San Agustin Publications University of San Agustin Publications General Luna St. 5000 Iloilo City, Philippines E-mail: pubpipol@usa.edu.ph Kapirayt Š2008 ng University of San Agustin Publications para sa koleksyon. Nananatili naman ang kapirayt ng mga likha sa mga may-akda. Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng librong ito ang maaring gamitin o ilathala maliban sa mga tekstong sisipiin para sa mga rebyu, term peyper, tesis, at disertasyon, na walang pahintulot mula sa may-akda. Sining sa pabalat: Earl Martirizan Computer Lay-out: Jonel Cabais Inimprenta ng Panorama Printing, Inc. Jaro, Lungsod ng Iloilo, Filipinas


Nilalaman Yaman ng Imahinasyon at Tapang ng Kalooban: Isang Paunang Salita/J. I. E. Teodoro.............................................................................. i Sulat MulÁt: Isang Introduksyon/Elsed S. Togonon............................................ vii Mga Tula ....................................................................................................... 1 Elsed Togonon Alay kay San Agustin (Bilang isang manunulat)......................... 2 Panaginip...................................................................................... 3 Elehiya.......................................................................................... 4 Para kay Jing (Ang Fine Arts grad ko nga ‘miga)......................... 16 Rugya sa Riyadh.......................................................................... 17 Y.M................................................................................................ 27 Reynan Garino Bubong......................................................................................... 5 Andri Von Rowan Nang si Pythogoras Natutong Magbilang............................... 6 Tawag ng Laman sa ‘Yo............................................................. 8 Pinoy Style Barbi-Q.................................................................... 9 Sa Paghupa ng Unos................................................................... 26 Dawn Arañador Ang Pagbangon ni Juan de la Cruz.......................................... 11 Brain Drain.................................................................................. 12 Noel de Leon Murang Isipan.............................................................................. 13 Palimos......................................................................................... 14 Norman Darap Amakan......................................................................................... 15 Busay............................................................................................. 25 Hamog.......................................................................................... 28 Danielle Parian Pag-ula.......................................................................................... 20 Tungod sa Isa ka Damang......................................................... 22 Uran.............................................................................................. 30 Pietros Val Patricio Ihip sa Hangin............................................................................. 23 Panaginip...................................................................................... 24 Jufel Tordecillas Uran.............................................................................................. 30 Mga Maikling Kuwento Joseph Campo Pasko ng Pulubi........................................................................... 32 Rynilyn Quiachon Kung Mali man ang Mahalin Ko Siya...................................... 36 Mga tulang sinulat sa Creative Writing Workshop for Students na binigay ni Prop. John Iremil E. Teodoro noong First Regional Arts Camp of DepEd Region VI............................................ 43 Raymond Artates Sa Amon Ginalumutan nga Bubon.......................................... 44 Kabay pa Ako Pagabusgon....................................................... 45 Rey Mark Balajadia Gutom.......................................................................................... 46 Jam S. Balin Sa Akon nga Paglakat................................................................. 47 Mary Joy S. Basilgo Gutom.......................................................................................... 48 April Jane O. Cabaluna Masarap Maging Mahirap.......................................................... 49 Marsha Lou Garpa Sa Imo nga Pag-abot.................................................................. 50 Jandi Nietes Gutom ala Antiqueño................................................................ 51 Gilberli Samcon Samtang Nagapungko sa may Hilamon................................... 52


Mga Binalaybay mula Estancia....................................................................................... 53 Ethen Bermudes Didto sa Traplen......................................................................... 54 Emmanuel Obligar Bulkita Ako.................................................................................. 55 Novabelle Belila Ako sa Gihapon.......................................................................... 56 Mary Joyce Belgera Bingka Mo.................................................................................... 57 Dali, Palangga.............................................................................. 58 April Duran Katre............................................................................................. 59 Mga Kontribyutor ...........................................................................................................61




Yaman ng Imahinasyon at Tapang ng Kalooban: Isang Paunang Salita Ni J.I.E. TEODORO

N

APAKARIIT ng panahon natin ngayon. Mariit hindi dahil sa mga Tamawo o mga impaktong nananahan sa kagubatan at ilalim ng lupa, kundi dahil sa mga politiko at mga matataas na tao sa gobyerno na nawala na yata sa bokabularyo nila ang salitang “hiya” o “konsensya” dahil nag-aasta silang mga walanghiya at walangkonsensya kung mangurakot sa kaban ng bayan. Dagdag pa dito ang mga mayamang negosyante sa Ayala at Ortigas, domestik o multinasyonal man ang mga negosyo, lalo na ang malalaking kumpanya ng langis, ang Big Tree.

Ayon kay Paolo Freire sa kanyang librong Pedagogy of the Oppressed (1970), may dalawang uri ng kasalatan (poverty) ang umaalipin sa mahihirap: ang materyal at espiritwal na kasalatan. Ang pagiging salat sa mga materyal na bagay, lalo na sa mga basic commodity at serbisyong sosyal, ay resulta ng maling pagpapalakad ng mga nasa gobyerno sa yaman ng bansa. Sunod-sunod ang mga eskandalo sa pera ng administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo na siya mismo o ang kanyang bana ang kasangkot. Totoo man ang mga iyon o hindi, dahil lalong nakakapagpagulo ang paistaran ng mga senador at konggresista sa kanilang mga imbestigasyon na kuno ay “in aid of legislation,” nakikita natin sa ating paligid ang mga kalunos-lunos at nakapanggigigil na mga larawan ng katiwalian sa ating gobyerno. Tingnan na lamang natin iyang Infante Flyover. Maniniwala ba kayong PhP210 milyon ang ginasta dyan? Siguro kung ginto ang mga turnilyo na ginamit! Sa amin lang sa Antique, batuhan nang batuhan ng mga hindi magagandang akusasyon sa isa’t isa ang aming naturingang gobernadora at konggresman. Pero naman, ilang taon nang lubak-lubak ang kalsada na dumudugtong sa Antique at Iloilo. Sa pagpapagalingan nilang dalawa, ang Antique ang nalilintikan. At nakapunta na ba kayo sa mga pampublikong ospital dito sa Panay? Naku naman, kahit wala kang sakit ay magkakasakit ka dahil sa impeksiyon. Ilan lamang ito sa mga pagkukulang ng mga tao sa gobyerno na lalong nagpapahirap sa mga mamamayan. Ang Irong-Irong3

i


pinakamasaklap sa lahat, ang mga politikong ito, yumayaman nang yumayaman. Ang mga mahihirap naman, nagiging mas mahirap. Kung mas mahirap ka pa sa daga, ano ka? Ipis? Kaso ang ipis lahat makakain—mula tapon na tinapay, papel, hanggang ginupit na kuko. Sa isang bansang sagana sa literal at metaporikal na basura, maituturing na superyaman ang mga ipis! Kung tayo’y sadlak sa materyal na kasalatan, apektado ang ating katawan. Manlulupaypay tayo sa gutom, o kaya’y matigok kung magkasakit nang malubha at wala ni pangtraysikel papuntang ospital na kulang rin naman sa mga doktor at walang gamot na maibibigay sa ‘yo. Ang ating espiritu ay nananahan sa ating katawan. Natural, uunahin muna natin ang pangangailangan ng ating materyal na katawan. Kaya sigurado ako na ang isang drayber ng traysikad ay walang panahon magbasa ng Banaag at Sikat, Juanita Cruz, Crime and Punishment, Yukiguni, The Metamorphosis, at ng Noli me Tangere at El Filibusterismo sa Spanish original nito. Gayundin ang isang sakadang himihiging ang tenga sa gutom at sa kabibilad sa malupit na sikat ng araw, hindi niya maiintindihan at magugustuhan ang rendisyon ng Philippine Philharmonic Orchestra ng balse ni Tchaikovsky at lalo lamang siyang magkakavertigo. Ayon sa National Statistical Coordination Board, 31.3 milyon ng mga Filipino ang mahihirap (2002 pa ito na estadistika ha). Kasama rito ang maraming mga manunulat at alagad ng sining. Kaya maraming mga batang may talento sa pagsusulat ang kinakalimutan ang pagsusulat dahil sa kailangan nilang magtrabaho upang makatulong sa kanilang mga magulang at mapaaral ang mga kapatid. Mayroon naman na dahil sa inaaakala nilang mga material deprivation na naranasan, ginagawa lahat ng paraan upang mag-abrod o di kaya kumayod nang kumayod upang magkamal ng maramingmaraming pera. Yun nga, ang iba, ibinebenta ang sarili sa mga gahaman na politiko at negosyante. Ito ang sinasabi kong “mariit.” Sa mariit na panahon ngayon, kailangan ng mga manunulat ang katakot-takot at sandamakmak na yaman ng imahinasyon at tapang ng kalooban. Mariit ang paligid at maraming mga demonyong nakadamit-tupa ang nakakalat na maaaring tumukso sa mga batang manunulat. Malaking bagay na simplehan lamang ng mga batang ii

Irong-Irong3


gustong maging manunulat ang kanilang buhay. Kung simple lang kasi ang iyong buhay (madalang mag-night out sa mga lugar katulad ng Smallville, ang pinakamurang model ng selfown ang gamitin, matutong maglakad kung malapit din lang ang pupuntahan o huwag nang lumabas ng bahay kung hindi rin lang kailangan), hindi mo kailangan ng maraming pera. Hindi ko sinasabing masama kung marami kang pera. Marami rin namang ligaya at saya na puwedeng mabili ng pera. Nagiging masama na ang pera kung dahil sa kagustuhan nating magkaroon ng marami nito ay mapipilitan na tayong mandaya at magnakaw. Tingnan mo na lamang ang mga kontrobersya sa Malakanyang, Korte Suprema, Senado, Konggresso, GSIS, at marami pang iba. Pera ang puno’t dulo ng mga eskandalo. Marami akong nakitang mga manunulat at alagad ng sining na dumidikit sa mga politiko upang maambunan ng kaunting barya mula sa maruming bulsa ng mga ito, at nalalason at nasisira ang yaman ng kanilang imahinasyon at tapang ng kanilang kalooban. Malaking kawalan ang mga ito sa patag ng sining kung saan ang katotohanan at katarungan ang isinusulong. Isang malaking pakikihamok para sa akin ang personal kong buhay sa ngayon sapagkat pinagsisikapan kong tahakin ang dalisay na dalan ng isang mandirigma ng katotohanan at katarungan, o yung tinatawag ni Paulo Coelho na “Warrior of the Light.” Siyempre hindi ako isang santa. Malaki pa ring bahagi ng aking pagkatao ang natutukso ng kapangyarihan ng materyal na mundo. Ang berdeng buntot ko bilang sirena ay malansa pa rin. Subalit nagsisikap ako. Ito ang importante. Kailangan nating malampasan ang makamundo nating mga pangarap at pagnanasa. Ang reklamo nga ni Jo March, ang bida sa nobela at pelikulang Little Women, tungkol sa mga marami niyang deperensya bilang tao, “Oh, I’m hopelessly flawed!” Sagot naman ng manliligaw niyang Aleman na isang propesor ng pilosopiya, “I think we are all hopelessly flawed.” Maaaring “hopelessly flawed” ako pero unti-unti, nasasanay ko na ang aking katawan at kaluluwa na maging masaya sa mga simpleng bagay. Nitong taon lang, iniwan ko ang isang trabahong malaki ang suweldo (Well, malaki kung ikukumpara sa ibang mga unibersidad dito sa Panay) dahil ayaw kong nababastos ang literatura at maging kasangkot bilang guro sa isang kalakaran kung saan ang Irong-Irong3

iii


mga estudyanteng di nagbabasa ng mga required reading at ni hindi alam kung ano ang ipinagkaiba ng “ankle” sa “uncle” at ni hindi alam ang mga alituntunin sa capitalization, ay naniniwalang makakuha sila (at ganito rin ang paniniwala ng kanilang mga magulang) ng pasadong grado dahil bayad na nila ang kanilang twisyon. Nasusuka na ako at ayaw kong dumating pa ang araw na hindi ko na mahaharap ang sarili ko sa salamin. Sa ngayon, masaya na ako na kada umaga naliligo sa dagat sa baryo namin sa Antique. Pinanonood ko rin mula sa dalampasigan ang melodramatikong paglubog ng araw kung hindi ako inaabot ng gabi sa pagtatanim ng mga bulaklak at gulay sa munting bukirin namin. Lubos na kaligayahan na para sa akin ang magkaroon ng panahon na magbasa ng mga libro sa tabi ng pispand na pinagawa ko sa isang gilid ng aming hardin, at ang sumulat sa aking dayari tungkol sa mga nangyari at mga pagmumunimuni ko buong araw bago ako matulog. Sa ngayon, marami akong nababasang mga libro at nasusulat na mga kuwento, tula, sanaysay, at dula. Ang mga estudyanteng manunulat sa tomong ito ng IrongIrong ay marami pang bigas na kakainin, ‘ika nga nila, kung sining ng pagsusulat ang pag-uusapan. Pero masaya ako sapagkat tinatahak nila ang tamang landas ng pagsusulat—ang pagsusulat na mulat sa mga nangyayari sa paligid. Taos-pusong kong ipinagdadasal na sana huwag silang maligaw ng landas sa bayan nating mariit. Sana balang araw, hindi sila maging mga politiko na kurakot, sana hindi sila magiging mga administrador ng paaralan o unibersidad na walang sariling desposisyon at takot ipaglaban ang kung ano ang totoo o ang makatarungan dahil “to the letter” sila magbasa ng mga memo at manwal, sana huwag silang maging mga manunulat na ipuputa ang kanilang mga talento sa pagdila sa puwet ng mga politiko at mapilitang mag-organisa ng mga walang-saysay na festival at magdirek ng mga kahindikhindik na byuti kontest ng mga lalaki, babae, at bakla (Bakit kaya wala pa akong narinig nga byuti kontest ng mga tomboy?), at sana huwag nilang iwan ang pagsusulat dahil sa mas maraming pera sa pagiging nars, nursing aid, caregiver, at domestic worker sa ibang mayayamang bansa. Kung sana totoo lamang ang pagiging sirena ko na naging prinsesa at may kapangyarihan, nais kong handugan, hatakin ang dungan, ng mga batang manunulat ng rehiyon upang magkaroon iv

Irong-Irong3


sila ng napakayamang imahinasyon at tapang ng kalooban upang magpatuloy. Kahit ganito lamang ako, isang hamak na probinsyanang makata na naninirahan sa tabing-dagat, at idineklarang “incompetent” ng ilang mga nagdudunungdunungan, naniniwala akong naririnig ng Diyos ang aking boses dahil ang Diyos na pinaniniwalaan ko, isang totoong Diyos at Diyos ng Katarungan. Tandaan natin palagi, nakikita ng Diyos ang lahat ng nangyayari sa atin—ang mga pinanggagawa natin, ang sinasabi natin, ang iniisip natin, at ang nilalaman ng puso natin. Iyon ang pinanghahawakan ko kaya masaya ako at mahimbing na mahimbing ang tulog ko kung gabi. *** Nais kong pasalamatan si Pietros Val Patricio, editor in chief ng USA Publications, at ang kaniyang mga kasamahan, sa pagpapatuloy ng paglathala nitong Irong-Irong. Salamat din sa kanilang modereytor na pumalit sa akin, ang aking kaibigang manunulat at guro na si Prop. Erwin Sustento. Muli, nais kong pasalamatan ang mga magagaling na paring Agustinong malaki ang suportang ibinigay sa pagyabong ng literatura sa University of San Agustin: si Fr. Rodolfo Arreza, O.S.A. na nagtatag ng Fray Luis de Leon Creative Writing Institute, at sina Fr. Manuel Vergara, O.S.A. at Fr. Jose Rene “Bong” Delariarte, O.S.A. na nagtaguyod ng naturang institute at nagpasad ng University of San Agustin Publishing House (USAPH, na noon ay “Libro Agustino”). Sayang at kinikilala na sanang pinakamatatag na university press sa labas ng Metro Manila ang USAPH. Siyempre hindi rin matatawaran ang talino at pagpupunyagi ni Prop. Jigger S. Latoza upang mabigyan ng administratibong istruktura sa unibersidad ang malikhaing pagsulat at paglalathala. Sa tingin ko, tuwang-tuwa sa kanila si San Agustin na, huwag na huwag nating kalimutan, isang dakilang manunulat. [19 Setyembre 2008 Molo, Lungsod ng Iloilo]

Irong-Irong3

v



SULAT MULÁT Isang Introduksyon Ni Elsed S. Togonon

S

a pangatlong tomo ng Irong-Irong Student Literary Journal, maaaninag natin ang tila naghihimutok na kamalayan ng mga estudyanteng manunulat na nakisakdag sa lathalaing ito. At sa pagkakataong ito, malugod ang aking pag-abi-abi sa mga tula at kuwentong sinulat sa wikang Filipino, lalo na sa ating mga lengguwaheng lokal, ang Hiligaynon at Kinaray-a. Sa paggamit ng mga lengguwaheng ito naipapamalas ng mga estudyanteng manunulat ang kapangyarihan ng mga tinaga at naipapakita ang repleksiyon ng tunay na sitwasyon ng kanilang kapaligiran, lalo na sa socio-economic na aspeto nito. Tunay na may gahum ang ating wika at hindi nga nagkamali ang mga nakibahagi sa student journal na ito sapagkat hindi lamang malikhaing pagsusulat ang layon nito kundi ang pagsulat nang may pagkamulat. Masasabi kong mulat ang mga panulat sa jornal na ito dahil umaapaw sa batikos ang mga linyang ginagamit sa mga tula. Batikos sa lipunan at sa problemang kinakaharap nito. Kaya habang binabasa ko ang mga tulang ikinontribyut para sa jornal na ito, tila tumutuhog ito ng kuwento hinggil sa sitwasyon ng ating bansa lalung-lalo na sa buhay nating mga Filipino. Mula sa mga tulang may temang pag-ibig hanggang sa mga tulang gatgat ng pagbatikos sa mga lider ng ating bayan, litaw pa rin ang mulat na kamalayan ng manunulat. Unang-una, mulat ang mga manunulat sa sitwasyong pang-ekonomiya ng ating lipunan. Matapang ang temang ipinupukol ni Andri Von Rowan sa kaniyang tulang “Pinoy Style Barbi-Q.” Ang transisyon na kaniyang ginamit sa pagbebenta ng Barbi-Q sa labas ng Don Benito at mismong pagbebenta ng “laman” ng tao ay pumupuna sa kahirapang dinadanas ng masang Filipino na mismong likha ng burukratang pamumuno ng ilang opisyal sa lipunan. Samantala, ang unti-unting paglimot ng kaugaliang Filipino dahil sa globalisasyon at ang pagpili ng mga taong magtrabaho sa Irong-Irong3

vii


ibang bansa ang siyang tila panambiton ng tulang “Brain Drain” ni Dawn Arañador. Sa huling mga linya ng kaniyang tula pinapaalala sa atin ang paglingon sa ating kaugalian bilang mga Filipino. Aniya’y, … Ikaw nga’y nagbago na Kakambal nito ang ‘yong paglimot At unti-unting paglisan Sana nama’y lingunin Ang bayang pinagmulan. Kahirapan ang isa sa mga dahilan na nagtutulak sa tao na kumapit sa patalim. Isusugal ang kanilang dangal para lamang makaahon sa kahirapan. Ang iba nama’y musmos pa lamang ay natututo nang mamalimos upang maibsan ang matinding gutom. Ang mga sitwasyong ito ang siyang isinasalamin ni Noel de Leon sa kaniyang mga tulang “Murang Isipan,” at “Palimos”. Ang pagkamulat ng mga kabataan sa pagmamahal at kabalaka sa pamilya ang nais ring ipahatid ng mga tulang kabilang sa jornal na ito. Nakakaantig ang mga saknong sa tula ni Norman Darap na “Amakan.” Sa kaniyang tula, inihahalintulad niya ang haligi ng tahanan, na nagsisikap na magtrabaho sa ilalim ng sikat ng araw, sa amakan na kahit bilad sa ilalim ng araw ay hindi binibigyan ng kaukulang pansin gaya ng sinasabi ng mga linyang, Tana nabilin nga wara man lang ginbaruron kag ginpasirong. Tana ginpabay-an sa pagkagabok, kay tana indi na gid mapuslan. Ganito din ang kinasadlakan ng ama sa maikling kuwento na isinulat ni Joseph Campo na pinamagatang “Pasko ng Pulubi.” Ang tauhan ay itinaboy ng kaniyang anak sapagkat nalaman nitong ampon pala siya. Dahil dito ay naging palaboy ang ama, ngunit sa kaniyang pakikipagsapalaran ay isang himala ang kaniyang natanggap sa mismong araw ng Pasko. Sakripisyo naman ang sinasalamin ng aking mga tulang “Para kay Jing (ang Fine Arts ko nga ‘miga)” at “Rugya sa Riyadh.” Naaaninag viii Irong-Irong3


sa mga linya ng bawat tula ang pagsisikap ng mga persona upang matulungan ang pamilya. Sa “Rugya sa Riyadh” tinitiis ng isang nars ang init at hidlaw sa pamilya, na kahit itago niya man ito sa likod ng abaya, Hay rugya sa Riyadh kang handum nga gintulod ninyo kanakun.

gintapok takun

Mulat din ang mga kabataang manunulat sa pagmamahal. Isang seksyon ng mga tulang pag-ibig ang gin-aman sa jornal na ito upang magbigay espasyo sa mga makata na ipabutyag ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng mga linyang liglig ng pag-ibig. Sa pamamagitan ng mga tulang ito naipapamalas din ang kanilang kakayahan na maghabi ng mga larawang tugma sa damdamin ng umiibig—kabiguan man o tagumpay. Sa tulang “Tungod sa Isa Ka Damang” ni Danielle Parian, hinahanduraw ng batang estudyante ang pagkikita at pagsasama niya at ng kaniyang iniibig. Ang maliliit na detalye ay naging makahulugan dahil sa pagtanging namamagitan sa kanila. Aniya’y, Pagkasunod nga adlaw Nagkitaay duman kita bukon dun ti damang ang Topiko ta. Nalipay ka gid hay may Nobya ka don. Hambal mo, Kay tungod lang sa isa ka damang nga nakita mo Sa imo banyo. May elemento naman ng kalikasan ang mga tulang pag-ibig na may paksang kabiguan. Kasing temporaryo ng “Ihip sa Hangin” ni Pietros Val Patricio, “Hamog” ni Norman Darap, “Ambon” ni Jufel Tordecillas, at “Uran” ni Danielle Parian ang paghigugma. Katulad ng mga elementong ito, ang pag-ibig ay nagdadala ng lumbay Irong-Irong3

ix


at sakit sa mga taong labis na dinadamdam ito. Ganunpaman, pagibig pa rin ang nagsisilbing makapangyarihang damdamin sapagkat magagawa ng isang taong suungin ang pagsubok na dala ng pag-ibig, gaya ng mga linya sa tulang “Paghupa ng Unos (Damhin mo ang aking Dalangin)” ni Von Andre Roan: Susulungin ko ang agos, Hipan-hagupit ng ihip, Masikip man at masakit; Malupit man at mapait. Bukod sa mga tulang ipinasa ng mga estudyante ng Unibersidad ng San Agustin, kabilang din sa jornal na ito ang mga tulang isinulat ng mga high school students sa Creative Writing Workshop na ikinondak ni Prop. John Iremil E. Teodoro sa ginanap na First Regional Arts Camp of DepEd Region VI noong Pebrero 2008 sa Silay City. Tugma din ang tema ng kanilang mga tula sa mga sitwasyong kinakaharap ng ating bayan. Sa kanilang edad ay masasabi kong mulat din ang kanilang mga mata sa realidad na kinasasadlakan ng ating lipunan. Gutom at kahirapan ang kalimitang sinasalamin ng mga tulang ito, kagaya ng mga linya sa tulang “Gutom” ni Rey Mark Balajadia: Gumagapang sa kahirapan At naglalakad sa kahihiyan. Ganito ang aming buhay Sa likod ng gutom. Isinisisi naman ng tulang “Gutom” ni Mary Joy Basilgo ang nararamdamang gutom sa mga taong nasa posisyon na kalimitang napapako ang mga pangako. Lagi na lang bang ganito? Magtitiis na lang ba ako? Maghihintay sa mga nangako Mga buwaya pala sa gobyerno.

x Irong-Irong3


Bukod dito, kabilang rin sa tomong ito ang mga tulang sinulat ng mga mag-aaral ng Northern Iloilo Polytechnic State College kung saan nagbigay ss kanila si Prop. John Iremil E. Teodoro ng workshop noong Oktubre 2 at 3, 2008. Nakakatuwang isipin na ang mga tulang kabilang sa jornal na ito ay nagpapahiwatig ng buhay na kamalayan ng kabataan sa katotohanan. Hindi lingid sa kanila ang mga krisis na kinakaharap ng ating lipunan—kahirapan, politika, atbp. Marahil ito ay tanda na ang pagiging makabayan, o pagmamahal sa sariling bayan ay hindi nasusukat sa edad, kasarian, o katayuan sa buhay. Kahit masasabi nating ang mga kabataan ngayon ay nalululong sa masyadong abanseng takbo ng panahon, ang mulat na kamalayan ay patuloy pa ring nananaig, at ang pinakamabisang paraan upang maipahatid ang kamalayang ito ay sa pamamagitan ng mga tula. Kaya nga malugod naming inihahandog sa inyo ang mga panulat na hindi lamang magbibigay aliw sa mga mambabasa, kundi makapagpamulat din sa kanila. Bilang pangwakas, paulit-ulit kong pinasasalamatan ang aking mga guro sa literatura na patuloy na nagbibigay inspirasyon at nagpamulat din sa akin upang ipagpatuloy ang pagbabahagi ng gahum at kagandahan ng tula at kuwento—kina Dr. Isidoro M. Cruz, Dr. Amorita Rabuco, Prof. Judith M. Fresnido, at lalong-lalo na kay Prof. John Iremil E. Teodoro, sa pagtitiwalang ibinibigay. Ito man marahil ang kahuli-hulihang tomo ng aking pagiging editor ng IrongIrong ay magiging handumanan ko habambuhay. Salamat din sa mga kaibigan ko sa USA Pub at maging sa laban ng buhay—lalung-lalo na kina Pietros, Cara, at Johnny na naging bahagi ng aking pagtubo bilang manunulat. Kay Arlene, ang kauna-unahang editor ng IrongIrong at kaibigan sa panulat at sa buhay. Duro gid nga salamat.

Irong-Irong3

xi




Alay kay San Agustin (bilang isang Manunulat)

Ang iyong pluma, Ama, Dakilang Manunulat Nagtataglay ng ‘di masukat Na karunungan. Mga likha mong liham, Tula at sanaysay Ang siyang nagsisilbing Tinig ng Panginoon. Lubos kang itinatangi Ng mga makatha’t manunulat Na naghahangad na sumunod Sa iyong mga yapak. Papuring ituring Yaong mga linyang Lantay ng pag-ibig Sa dakilang Manlilikha. Dinggin ang aming dalangin O Dakilang Manunulat, Buksan ang isipan Ng iyong mga alagad Na tapat sa iyong pangalan Bilang Doktor ng Simbahan Higit sa lahat, isang Manunulat. Nawa’y maliwanagan Na ang plumang tagalikha Ng mga kuwento at tula Ay higit pa sa kalansing Ng salapi na kanilang Natatanggap. Upang itong pamantasan Na nagdadala ng iyong pangalan Makamtan ang kaunlaran. -ELSED TOGONON

2/Tula Irong-Irong3


panaginip Kagabi napanaginipan ko tayo’y nalulunod sa ligaya sumasayaw tayo sa saliw ng musika ng tila walang katapusang panahon na tayo’y habambuhay na magkasama. Alam naman nating pag-ibig sa katotohanan pag-ibig sa regalong ibinigay ng Diyos ang nagbibigkis sa atin maliban sa kaalam na batikusin at timbangin ang tama at mali. Kaya siguro tayo masaya sa aking panaginip. Sapagkat doon lang doon lang natin magawang itama ang maling dapat sana’y matagal nang naitama. sana hindi lang panaginip ang lahat. -ELSED TOGONON

Irong-Irong3

Tula/3


Elehiya Sana’y mahanap ko Ang tinig na nawala sa akin Buhat nang ika’y lumisan. Alam kong wala sa mga karton Ng mga librong iyong inempake O sa mga peynting na tinabunan Ng mga lumang dyaryo. Marahil sa iyong mga sugidanun At mga binalaybay ko mahahanap Itong tinig na sa akin Ay nawawala. -ELSED TOGONON

4/Tula Irong-Irong3


Bubong Ninanais wasakin ng malakas na ulan ang nipang bubong habang ang mga agiw dito‘y kapi‘t-kamay na nagsasayawan. -REYNAN GARINO

Irong-Irong3

Tula/5


Nang si Pythagoras Natutong Magbilang Isa dagdagan ng isa ay dalawa. Tatay at nanay ay mag-asawa. Siyam na buwan sa sinapupunan, katumbas ng isang gabing kiskisan: iri... isa... dalawa... tatlo... Bawat bilang katumbas ay piso ‘pagkat hospital walang pondo. Pito bawasan ng dalawa ay lima. Laspag na gatas ng ina. Anim na buwang pinag-ipunan, katumbas ng isang gabing gastusan iyak... bonakid... bonamil... promil... bawat patak katumbas nangsisiil ‘pagkat sinasalat sa butil. Dalawang tig-aanim ay labindalawa. Guro sa istudyanting nobenta. Labindalawang leksyong gastusan, walang trabahong mapapasukan. buntonghininga... uniporme... libro... Bawat kataga katumbas ay libo ‘pagkat edukasyon walang pondo.

6/Tula Irong-Irong3


Toothpaste, tubig...sipilyo, Tuwalya, sabon...shampoo, Bawang, kamatis...tuyo, Dyaryo, TV...radyo, Talino, lakas katumbas ay piso, Buhay, karapatan may presyo. Nang si Pythagoras natuto Kanyang natanto “Mundo pala’y de numero.” -AnDri Von Rowan

Irong-Irong3

Tula/7


Tawag ng Laman Sa ‘Yo Hindi kita mahal ngunit mahal ka. Hirap kang abutin. Isa kang buwan nais kong iromansa. Sa ‘yo’y hindi naakit; nasisilaw lang sa ‘yo. Manamnam lang sana. Nais kong mahiga, makasama sa kama. Hindi kita kabiyak ngunit tayo’y kasal Nais kang makasama, maghubad sa Luneta; sayo’ng walang bawal. Hindi kita kailangan ngunit sa ‘yo’y sabik Nais kitang makatalik ‘pagkat manyak sa ‘yo; akong pinagsasamantalahan mo! -AnDri Von Rowan

8/Tula Irong-Irong3


Pinoy Style Barbi-Q Sa labas ng Hospital Benito do’n mabibili ang mga Barbi-Q: atay, isaw, leeg, at chorizo; Dugo kasama pati kuko! Mga Pinoy lang at sa Pinas lang

gutay-gutay na

katawang tuhog matatagpuan, hindi ang litson na pangmayaman, Libong barbi-Q sticks sa katawan! Ngunit ang hospital magsasara, Barbi-Q sa bangketa mawawala, Pagkat ang tinuhog pang-export na; Turismo medical ng burukrata! Kung wala ka nga namang pambili, ikaw na lang kaya ang magbinta. Mamakyaw ng laman mura na; Joe, Harry, Susuki dito bibili.

Irong-Irong3

Tula/9


Utak ni Mang Ambo por kilo! Atay ni Aling Kora por gramo! Dugo ni Totoy por takal! Bato ni Neneng nasa piraso! Buy one take one na ang puso. Hayop negosyong turismo! Ginto na ang laman tao. Kalakal ng mga demonyo! -AnDri Von Rowan

10/Tula Irong-Irong3


Ang Pagbangon ni Juan de la Cruz Bumangon ka, Juan de la Cruz! Ikaw na kapus-palad Labis na naghihirap Bumangon ka! Harapin ang ‘yong anino Na bumabalot sa’yong katauhan Nagdadala ng takot Hatid ay pangamba Bumangon ka, Juan de la Cruz! Ipakita ang ‘yong tapang ‘Wag ipagwalang-bahala Ang kalayaang ipinaglaban Kalayaang sukli ay pawis at dugo ‘Wag paaapi Sa mundo’y patunayan Ang lahat ay kayang harapin Na may pag-asang namamayagpag Bumangon ka Juan de la Cruz! Sa sarili’y ‘wag palilinlang Harapin ang ‘yong kahinaan Magsikap ka’t bumangon Sa kinalulugmukang kawalan ‘Yan ang tatak Ng tunay na matapang Bumangon ka! Bangon Juan de la Cruz! -DAWN ARAÑADOR

Irong-Irong3

Tula/11


Brain Drain Umiiyak ang mga Ati Sila raw ay nakalimutan Tulad ng paglimot Sa kulturang pinagyaman Pagka-Filipino’y may bahid na Nanirahan lang sa ibang bansa Pagsabi ng ‘po’ at ‘opo’, Nakaligtaan na Namimilipit ang dila May banyagang aksent pa. Ang nakaugaliang ‘mano po’ At ang ating ‘bahay kubo’ Pamagat na lang sa pelikula Filipino… Ikaw nga’y nagbago na Kakambal nito ang ‘yong paglimot At unti-unting paglisan Sana nama’y lingunin Ang bayang pinagmulan. -DAWN ARAÑADOR

12/Tula Irong-Irong3


Murang Isipan Ang iyong murang isipa’y imulat mo nang kusa dahil alam mong tama at gusto mong makatulong. Iyo mang dangal mawala’t mabahiran dahil alam mong tama at gusto mong makatulong. Umaga’y pormal pagsapit ng gabi’y di na makilala. Ngunit alam mong tama at gusto mong makatulong. Mahal kong Elena Isipan mo’y imulat Tumulong ka ng tama’t balanse Huwag mong pagurin ang sarili mo sa pagtayo pagkayod sa Plaza Libertad. -NOEL DE LEON

Irong-Irong3

Tula/13


Palimos Walang paalam lumuhod at umupo sa kanto ng McDo sa pag-aakalang mabubuhay ko ang aking sarili. Ngunit mali pala. Ang perang kanilang ibinibigay sa bisyo lang napupunta. Ano po ang gagawin ko? Kasalanan ko po bang magutom at mawalan ng pamilya? Tulungan n’yo ako. Baguhin n’yo ako. Isang musmos na batang gutom at sa labas ng McDo naghihingalo. -NOEL DE LEON

14/Tula Irong-Irong3


Amakan Sa pagbutlak kang adlaw, imaw sa pagrarapta kang kasanag ang anang pagladlad halin sa pagkabaruron. Tapok ron ang anang lawas sa liwat-liwat nga pagpabulad sa adlaw. Sa indi lang buhay tana pagaagyan kang paray. Gabiti-biti man ang init sa udto-adlaw, ginaagwanta na lang, asta ang paray mag-uga. Agud ang anang mga kabataan may maipagaling kag may maraha man. Kaluluoy nga tinuga, asta san-o ‘kaw ayhan magapas-an kang kabudlay? Pay indi ko gid malipatan kana, samtang gapaagay-agay sa matig-a nga lupa, tana hinali lang nadulman kang palibot. Ang galalapta nga kapaang hinali lang nabuslan kang mapagrus nga uran. Makaluluoy gid tana. Ginpunpon lang kang anang mga kabataan ang paray nga anang ginapangamudlayan. Tana nabilin nga wara man lang ginbaruron kag ginpasirong. Tana ginpabay-an sa pagkagabok, hay tana indi na gid mapuslan. - NORMAN DARAP

Irong-Irong3

Tula/15


Para kay Jing

(Ang Fine Arts grad ko nga ‘miga) Paano mo ayhan mapinta Ang laragway kang imong handum Sa hawan nga kanbas, Kon ang brotsa kag paleta Amo ang imong libug Kon paano mo mapakaun Ang imong mga libayun Nga nagasarig sa magamay Mo nga suweldo? Mabatas mo ayhan ang kahapdi Kang tigib nga nagatiltig Sa imong dughan Kon ang dagway nga ginahurma Na kadya, amo ang katong pagbiya Ni Papa mo kaninyo Agud magtawas sa iban nga babayi? Pabay-i, migs Hay sa pihak kang Magal-umun nga duag Sa kanbas kang imong kabuhi May palhit kang kasanag Halin sa paleta kang Pintor sa langit. -ELSED TOGONON

16/Tula Irong-Irong3


Rugya sa Riyadh Tabunan ko lang kang abaya ang akun kapung-aw kon maghuyup ang kamingaw halin sadisyerto kang Arabya. Agwantahun ko lang ang kapaang kang akun baratyagun kon ang dugo nga nagat u r o sa akun i r o n g gadapun sa balhas kang akun pagkahidlaw Kaninyo. Bisan pa daw ringgilya nga akun ginatubluk sa pasyente ang kasakit kang pagbiya‌ Hay rugya sa Riyadh

gintapok takun

kang handum nga gintulod ninyo kanakun. Bisan tabunan pa kang abaya Hilmunun gihapon ang luha Sa akun mata. -ELSED TOGONON Irong-Irong3

Tula/17




Pag-ula Ang hapon daw nahimo halin sa kalayo, Kag ang init Naga amat-amat tunaw Kang akon nga paminsaron. Ang sarang ko mahimo, Amo ang ibubo ang tinta Nga daw balhas nga naga hulat Sa hangin nga imnon ang Bug-os na nga kabuhi. Ang pagka mabinuruk-on Ka akon nga tagipusuon Gin pakita ko, Katong ang tinuktok Nga bahin ka akon nga pagkatawo Gin rapta ko sa papel. Sige lang ang turo ka balhas Samtang ang alima ko Masako man ang kuris kag Pinta ka mapula kag maitum Nga tinta nga gina lu-ad Ka madulom nga kweba ka Akun nga dughan. Sige lang ang turo ka balhas Nga basa, Mapait... Kag mahapdi. Kapin pa kun maturuan na ang Preska nga pilas nga waay pa natalupangdan ka oras, kag kon san-o na paayadun.

20/Tula Irong-Irong3


Sige pa ang pag bubo Ka tinta sa papel. Sige pa ang turo ka balhas. Tubtob nga ang balhas, Naga turo dun halin sa mata. Kag ang papel, nabasa. Basa ka tinta nga pula. -DANIELLE PARIAN

Irong-Irong3

Tula/21


Tungod sa Isa Ka Damang Dumduman ko to Isa ka hapon sa eskwelahan Naga panaw kita samtang naga kanta-kanta Sa may field, nagpungko kita Kag nanilag sa huni Ka hangin nga naga dapya. Nakita mo ang pala Nga nagakamang, Nagakamang sa dahon ka mahogani. Waay lang gid kita istoyahon, Pati ang konsepto ka Pangabuhi ka subay Istoryahan ta lang. Sa kung ano nga rason, Naglab-ot sa damang Ang damang nga nakita Mo sa imo banyo Ang damang nga hanggod, Daw palad ko. Tubtob nagtaksanay ta palad, Kag ginkaptan mo ang akun alima. Pagka sunod nga adlaw Nagkitaay duman kita bukun dun ti damang ang Topiko ta. Nalipay ka gid hay may Nobya ka dun. Hambal mo, Kay tungod lang sa isa ka damang nga nakita mo Sa imo banyo. -DANIELLE PARIAN

22/Tula Irong-Irong3


Ihip sa Hangin Palaro kong inuukit sa hangin Ang iyong mukha Gamit ang aso ng sigarilyong Aking iniihip sa gabing ito. Naaalala ko kasi ang iyong mukha Sa tuwing ako’y nakatitig Sa kabilugan ng buwan. At sa bawat higop ko ng malamig na beer, Natatandaan ko ang masadya Nating mga sandali noon. Iniisip ko, ‘Kailan ka kaya babalik Sa aking piling?’ Labis kasi akong nalulungkot Sa tuwing naririnig ko Ang iyong malambing na tinig Sa bawat ihip ng hangin sa aking tenga At sa tuwing kumakanta ang Mga alon sa tabing dagat. Sadya kong sinasabi sa aking sarili, ‘Ganito nga ba kapait ang Mapaglarong tadhana ng pag-ibig? Kusa itong dumarating at umaalis Sa ating mga kasingkasing Na parang ihip mula sa hangin.’ -Pietros Val Patricio

IrongIrong3

Tula/23


Panaginip Nang tayo’y nagkakilala Sa aking munting panaginip Doon sa puting isla Na puno ng kababalaghan at tuwa Labis na lamang ang aking ligaya Dahil muli akong nakatagpo Ng isang magandang kasintahan, Malambing at hindi mapaghusga. Masaya tayong naghahabulan sa baybay-dagat Kung saan kumakanta ang mga asul na alon Kasama ang huni ng mga pispis at pagaspas Ng mga naglalakihang dahon ng lubi. At ang tanging karagatan na walang wagas Ang siyang bumabalot sa mundo nating ito. Tanging mga katas ng kalikasan Ang ikinabubuhay natin doon. Kung gabi naman, Mapayapa tayong nakatitig Sa sanag ng ng mga diyamanteng bituin Wala akong iniisip Na lungkot at pangamba Dahil tanging kaligayahan mo lang Ang bumubuhay sa akin. Isa itong imahinasyon na puno ng realidad Dahil tayong dalawa lamang Ang nagmamay-ari Sa mundong ito. -Pietros Val Patricio

24/Tula Irong-Irong3


Busay Sa bawat patak, kislap ng hiyas ang naaninag. Sa bawat daloy, kalinisan ng katas ang sa aki’y sumasala. Isa kang handom sa aking paglalakbay na nais mayakap ng aking nag-iinit na katawan. Naamoy ko ang mabugnaw mong halimuyak na kumakampay sa sayaw ng hangin At dahilan ng pagtayo ng mga balahibo sa’king katawan. Ang iyong mabilis na agos ang musikang nagpapalakas ng kabog ng aking dibdib. Pilit kitang sinundan sa’yong pag-agos pababa sa mayabong na gubat. Pinakaiingatang idinulog sa aking magulang upang tayo’y lubusang lumaya. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, sa pagnanais kong mapamalas sa lahat ang iyong tilamsik na natatamnan ng sinag ng araw at nagiging maningning na brilyante. Pinakawalan kita at ibinuhos upang dumaloy sa matang nauuhaw. Ngunit ang iyong ganda’y biglang nawala, naging malabnaw. Pangarap ko’y nagdilim. sa aking wari, marahil Irog ko! Namatay sa paglalakbay ang iyong ningning nang umahon tayo sa lupa. Nakalimutan kong sa dulo ng iyong pag-agos, nandon ang maalat na dagat, Sayo’y naghihintay. Kung pinabayaan lang sana kita, at di ninais na matikman ang iyong sariwang katangian. ‘Di sana kumupas ang iyong kayumian, ‘Di sana nahawi ang lahat. -NORMAN DARAP IrongIrong3

Tula/25


Sa Paghupa ng Unos (Damhin mo ang aking dalangin) Kung lupa ngayong umaga laspag na at nalalanta, hibla’t talulot ng tula tigang na at namumutla, susulongin ko ang agos, hipan hagupit ng ihip, masikip man at masakit; malupit man at mapait. Salungat, bukal ng sagot! Tangan tuktok pumuputok at doon paghupa niya’y gunita ko’y nakaluklok. -AnDri Von Rowan

26/Tula Irong-Irong3


Y.M. Ginabaylo ko sa teksto Ang mga tinaga Nga akun ginabuhian Sa pagtikab kang akun Baba. Ginabaylo ko kang pitik Sa tiklado kang kompyuter Ang daad nga apuhap Kang mainit natun Nga mga palad. Ti, mabayluhan man ayhan Kang Yahoo Messenger Ang gugma Nga akun nabatyagan?

-ELSED TOGONON

IrongIrong3

Tula/27


Hamog Mahirap sundan ang bakas ng iyong mga paa. Mahirap bihagin ang iyong kuwerpong lumulutang sa madilim na umaga. Ni hindi ko nagawang salangin ang iyong wangis na tanging ang bukang-liwayway lamang ang nakakahalik sa linamnam ng iyong dagta. Patawad, hindi ko namalayang ika’y dumungaw habang ako’y mahimbing na natutulog. Ikaw pala’y matiyagang naghintay at umasa na tayo’y magkikita. Nang ako’y magising, agad kitang naalala ngunit ang araw ay sumampa na mula sa silangan. Ako’y walang nagawa kundi ang lumuha. Irog ko! Pinangarap kita, ngunit ang iyong anyo’y sadyang madaya. -NORMAN DARAP

28/Tula Irong-Irong3


Ambon Kung kasing lakas lang ng ulan Ang iyong pag-ibig Kakayanin kong mabasa Kahit na magkasakit Kung kasing lakas ng kulog Ang pagsinta mo Mas higit pa riyan ang maibibigay ko Kung kasing bilis ng kidlat Ang pagmamahal na maialay mo Handa akong habulin Mapilayan man ako Pero nagkamali ako Nang ika’y makilala Sa bandang huli nalaman ko Ambon ka lang pala. -JUFEL TORDECILLAS

IrongIrong3

Tula/29


Uran Naga dulom duman ang kalangitan. Abaw, burubhay mauran duman. Waay nga daan ako ti payong hay gin bari ka hangin kahapon. Mauran duman... Kung sa uma ka daya, ang lutak tama ka pilit. Mabitas duman mga tsinelas ka kabataan. Mayad daad kung may inug bakal sanda ka sapatos, kundi tsinelas lang gid nga baratuhon. Diya sa syudad way man gid ti lutak, pay pwerte man ang baha Daw dapat lang ang mga dalan kag ang tennis court sa eskwelahan daw angay lang sa swimming pool. Naga uran duman, ti, ma ano dulang ko bay? Indi gid takon mag suray. Ma absent dulang ko e kag mag pahuway. Hay ang akon mga mata daan naga uran man. Kag ang baha indi man matungkad sa akun dughan. -DANIELLE PARIAN

30/Tula Irong-Irong3



Pasko ng Pulubi Ni Joseph Campo

M

ula sa bangketang kanyang inuupuan ay dinig na dinig niya ang tunog ng kampana mula sa di-kalayuang lumang simbahan. Maraming mga tao ang nagsisipag-daan at mukhang nagmamadali ang isa’t isa para makapagsimba. Marahil ay iilang minuto na lamang at mag-uumpisa na ang simbang-gabi. Maraming mga tao ang pumapasok sa lumang simbahan. Maaninag sa mukha ng bawat isa kung gaano kasaya ang araw na ito. May mga batang kaagapay ng kani-kanilang mga magulang. Espesyal talaga ang gabi na ito para sa lahat. Ngunit para sa kanya ito ang pinakamalungkot na araw. Bigla niyang naalala ang mga nakalipas. Anim na taon na ang nakaraan mula ng palayasin siya ng kanyang anak. Si Nestor, ang nag-iisa niyang anak ang nagtaboy sa kanya nang mabatid nito na isa pala siyang ampon. Masakit pero ito ay natanggap niya sapagkat nag-iisa at matanda na siya, lalong pabigat lang kung mananatili pa siya sa kanyang anak. Nagpunta siya sa tapat ng simbahan para magpalimos at may makain lamang sa noche buena nang gabing iyon. Mukhang mabait ang mga tao sa araw ng pasko dahil naka-ipon naman siya kahit papaano. Ang kanyang naipon ay tamang-tama lang sa isang supot ng pansit! Kalahating oras na siyang lumakad ngunit hindi alam kung saan patutungo dahil wala na siyang matutuluyan. Napakalamig ng gabing iyon. Ang simoy ng hangin ay waring palamig ng palamig habang lumalalim ang gabi. “Saan kaya ako magpapasilong?” ang naibulalas niya habang nagnilay-nilay kung saan siya pwedeng makituloy. Mula sa di-kalayuan ay may nakita siyang isang maliit na kubo. Lumapit siya at nakitang may tao sa loob. Nadatnan niya ang isang lalaki at isang babae na may kargang sanggol. “Magandang gabi at maligayang pasko sa inyo,” wika niya. “Magandang gabi rin po, Tatang. Pasok po kayo at malalim na po ang gabi” ang sabi ng lalaki sabay kuha sa lampara na nasa isang sulok.

32/Maikling Kwento Irong-Irong3


“Maraming salamat. Kung hindi ninyo mamasamain ay gusto ko sanang dito muna magpalipas ng gabi,” wika niya. “Huwag po kayong mag-alala at kami rin ho ay nakituloy rin dito para magpalipas ng gabi,” tugon ng babae. “Ganun ba? Nakapaghapunan na ba kayo?” ang tanong niya sa kausap. “Hindi pa po kami kumakain,” ang sagot ng babae. “Kung ganoon ay pagsaluhan na lang natin itong dala ko. Pagpasinsyahan ‘nyo na at pansit lang ang naibili ko mula sa kaunti kong kita sa pagpapalimos.” Masayang naghapunan sila. Pagkatapos ay kanyang naikwento ang mga malungkot niyang karanasan mula ng namatay ang kanyang asawa at palayasin siya ng kanyang anak. Lubhang nagimbala ang mag-asawa sa mga marinig. Hindi nila lubos maisip na may mga anak na kayang magtakwil sa sariling ama. “Mabuti na ba ang pakiramdam mo, Tatang? E sa mismong araw ng pasko ay pinalayas kayo ng inyong anak!” ang naitanong ng babae habang hinihele ang sanggol na kanyang karga. “Huwag kang mag-alala anak,” ang tugon niya sa kausap “ang mga nangyari ay isang pagsubok lamang. Matibay ang puso. Kung ito ay nagmahal at nasaktan man, ito’y bumabangon at patuloy na lumalaban. Kaya nitong magpatawad at muling magmahal. Ang mahalaga ay buo ang iyong pananalig sa Panginoon na hindi ka niya pababayaan ano man ang mangyari.” Pagkalipas ng ilang oras na kwentuhan ay nagpaalam na siya sa mga nakasalamuha. Hindi niya makalimutan ang kabutihang loob na ipinakita nila sa kanya. At lalong hindi niya makakalimutan ang sangol na karga ng kanyang ina. Wari’y nagbibigay ito sa kanya ng lakas ng loob at isang bagong pag-asa na hindi niya lubusang maipaliwanag. Hindi pa siya nakakalayo ay may nakasalubong siyang mga pastol. Sa kanyang palagay ay tila may hinahanap sila. “Magandang gabi sa inyo, Tatang. Hinahanap po namin ang sanggol na bagong panganak,” ang sabi sa kanya ng isa sa mga pastol. “Magandang gabi naman sa inyo. Baybayin ‘nyo lang ang daan na ito at sa di-kalayuan ay may makita kayong isang munting kubo. Paano nyo ba nalaman na may bagong panganak dito?” ang mapanuri niyang tanong. “Nakita Irong-Irong3

Maikling Kwento/33


po namin ang kanyang tala. Maraming salamat po sa inyo,” ang tugon ng kausap at nagpatuloy na sa paglakad na tila nagmamadali. Naitanong niya tuloy sa kanyang sarili kung bakit hinahanap ng mga pastol na iyon ang sanggol. Gusto ba nilang maging pastol rin ito paglaki niya? O kaya ay gusto nilang maging pastol rin ang tatay nito? “Hay naku! Wala nang maisip na matinong trabaho ang mga kabataan ngayon!” ang naibulalas niya. Bigla siyang napatingin sa kalangitan at siya’y nagulat sa isang maningning na bituin na nakatuon sa kanyang pinanggalingan. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakakita ng ganito ka liwanag. “Isa itong malaking hiwaga,” aniya. Anim na taon na ang nakaraan ngunit hindi niya pa rin malilimutan ang mga tagpong iyon. Ang mga nakalipas at tila kahapon lang nangyari lahat. Natauhan siya bigla ng muling magkalimbang ang mga kampana. Hudyat na katatapos lang ng simbang gabi. Dahan-dahan niyang tinungo ang tapat ng lumang simbahan para magpalimos. Nang maghupa na ang mga taong nagsisipaglabas ay nakaipon ulit siya ng pambili ng pansit para sa noche buena at tila nakagawian na tuwing pasko. Habang lumalakad siya para humanap ng masilungan ay may narinig siyang mga hikbi. Hinanap niya kung saan nanggaling yaon at nakita niya ang isang batang lalaki na umiiyak. “Bakit ka umiiyak, apo?” ang tanong niya. “Umalis po kasi ako sa bahay namin kanina,” sagot ng bata. “At bakit ka naman umalis? Alam mo ba na masama iyon?” muli niyang tanong. “Wala po kasi kaming handa mam’yang gabi. Kaya nagpalimos po ako, ngunit wala po akong naipon” ang sabi ng bata na tila iiyak na naman. “Wag ka nang umiyak. Heto ang isang supot ng pansit. Iuwi mo ito sa inyo at nang sumaya naman ang pasko ninyo. Hindi ko gusto na may mga taong nalulungkot ngayong pasko tulad ko,” ika niya sabay abot sa bata ng isang supot ng pansit. “Salamat po,” ang sagot ng bata. 34/Maikling Kwento Irong-Irong3


“Ano ba ang trabaho ng tatay mo?” tanong niya. “Karpintero po,” sagot nito. “Sige umuwi kana sa inyo at baka nag-alala na ang mga magulang mo sa ‘yo. Maligayang Pasko,” wika niya sabay haplos sa buhok ng bata. “Maligayang Pasko rin po sa inyo,” sagot nito sabay takbo at mukhang nagmamadali ng makauwi sa kanila. Hindi niya lubos naunawaan ang nararamdaman. Tila baga nagkita na sila ng batang iyon. Bigla niyang naalala ang sanggol. Ang sanggol! Ang mukha ng bata na iyon ay kahalintulad ng sa sanggol! “A, hindi siguro naging pastol ang tatay nito kundi karpintero.” Napag-isip siya ng malalim sa mga pangyayari. “At para bang narinig ko na ang kwentong ito. Hindi kaya ang batang iyon ay ang…..Marahil, marahil nga!” ang naibulalas niya. Napaluhod siya sa kanyang kinatatayuan. Sa kanyang mga mata ay umagos ang luhang dulot ng walang patid na kaligayahan. Nadako ang kanyang paningin sa kalawakan. Isang maningning na tala ang tumambad sa kanya. Ang ningning nito ay kahalintulad ng nakita niya anim na taon na ang lumipas, ngunit parang ito’y lumulutang, parang lumalakad! Tila sumusunod sa direksyon kung saan tumakbo ang batang kausap…

Irong-Irong3

Maikling Kwento/35


Kung Mali Man Ang Mahalin Ko Siya Ni Rynilyn Quiachon

A

noNG klase kang kaibigan Roberto? Pinagkatiwalaan kita tapos ay ganito lang ang igaganti mo sa akin?” Emosyonal na pahayag ni Carlos. “Hindi ko balak na gawin iyon sa iyo, Carlos. Maniwala ka sana. Sadyang hindi ko lamang napigilan ang aking sarili.” “Alam na alam mo namang tinatangi ko si Neneng. Sa kanya ko lang naramdamam ang ganitong pagtatangi.” “Hindi lang naman ikaw ang may pagtingin sa kanya, Carlos. Maging ako man ay lihim ding umiibig sa kanya. Matagal ko nang inalagaan at idinambana dito sa puso ko si Neneng. Sana maintindihan mo na nagmahal lamang ako, kagaya mo.” “Nagmahal ka nga, sa maling babae naman. Ito na marahil ang pinakamalaking pagkakamali na iyong nagawa sa tanang buhay mo, Roberto. Mas pinili mong traidurin ako kaysa alagaan ang pagkakaibigang ito.” “Kung magsalita ka para bang napakalaking pagkakamali ang aking nagawa. Kung para sa iyo, ay mali ang mahalin ko si Neneng, sa akin ay hindi. Tandaan mo Carlos na hinding-hindi isang pagkakamali ang magmahal sapagkat hindi kailanman nagkakamali ang puso.” “A basta, kahit ano pa ang sabihin mo, para sa akin ay tapos na ang pagkakaibigang ito. Tinapos mo nang pinili mong mahalin si Neneng.” Sabay talikod at mabilis na nilisan ni Carlos ang lugar na iyon. Naiwang nakatigalgal si Roberto. Hindi sukat akalain na ang pagkakaibigang labinlimang taon din nilang inalagaan ay matatapos lang sa isang iglap at sa hindi pa kanais-nais na paraan. Sampung taon ang matuling lumipas…. Sa edad na dalawampu’t lima, isa nang ganap na abogado si Roberto. Nilisan niya ang San Rafael na dala-dala ang bigat ng kalooban. Sa Maynila siya nagpatuloy ng pag-aaral. Sa Maynila niya din natutunang gawin ang mga bagay na sa hinagap ay hindi niya inaasahan na magagawa. Natuto siyang uminom, sumama sa “

36/Maikling Kwento Irong-Irong3


masasamang barkada, sumugal, humithit ng sigarilyo, bumulakbol at mambabae. Hindi sa pagrerebelde, kuryosidad, o sa kung ano pa man ang dahilan ni Roberto kung bakit siya nagkaganito. Sama ng loob ang dahilan ng lahat. Hindi niya matanggap maging hanggang sa ngayon na nang dahil sa kanya ay nasira ang pagkakaibigan nila ni Carlos at nawala sa kanya ang babaeng tangi niyang pinag-ukulan nang wagas na pagmamahal. Mahina si Roberto kung kaya naman madali siyang natupok nang dahil sa sama ng loob. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok sa kanya upang ituwid and lahat ng pagkakamali at ayusin na rin sa wakas ang kanyang buhay. “Inang, bakit ho napasugod kayo?” “Anak, ang tatay mo malubhang-malubha na ang kalagayan. Nais ka niyang makita kahit sa mga huling sandali na lang ng kanyang buhay.” Agad na pumunta ang mag-ina sa isang pampublikong ospital sa Maynila. Dito na isinugod ang tatay niya sapagkat malubhangmalubha na ito at hindi na kaya ng mga pasilidad ng ospital sa San Rafael na tugunan ang mga pangangailangan nito. “Itay, kamusta na po?” “Anak, hindi na ako magtatagal, alam ko. Sayang at hindi man lang kita makikitang makapagtapos. Pero sa kabila nito, nais kong malaman mo na ipinagmamalaki ka namin ng inang mo dahil sa kabila ng ating paghihikahos ay nagsusumikap kang makatapos. Sana man lang, kahit ang inang mo na lang ang makasaksi ng iyong pagtatapos. Masaya na ako doon. Alagaan mong mabuti ang iyong inang at lagi niyo sanang tatandaan na mahal na mahal ko kayo.” Hindi na nga nagtagal ang buhay ng tatay ni Roberto. Namatay din ito sa loob ng beinte kwatro oras. Pagkatapos ng pangyayaring ito, ay natauhan ng husto si Roberto. Naisip niya na kung sana ay hindi siya nagloko ay marahil buhay pa ang kanyang tatay. Nang dahil kasi sa kanya, kailangang mag-doble kayod ang kanyang mga magulang para lamang may maipangtustos sa kanya. Napagisip-isip niya na hindi na niya hihintayin pa na ang kanyang ina naman ang mawala. Kahit papano, nais niya ring mapasaya ang matanda bago pa man nito tuluyang lisanin ang mundong ibabaw. Irong-Irong3

Maikling Kwento/37


Iyon na nga, bago pa man sumakabilang buhay ang kanyang ina ay nakapagtapos na siya ng abugasya. Maligaya na siya sapagkat may naidulot na siyang kasiyahan sa mga ulirang magulang. Isa na lamang ang kulang para masabing lubos na ang kanyang kaligayahan, nais niyang malaman kung ano na ang kalagayan ng dalawang taong mahalaga sa kanya: Sina Carlos at Neneng. Simula kasi ng huling sagutan nila ay hindi na sila muling nag-usap pa ng una at wala naman siyang nasagap na kahit na anong balita sa huli. Sa isang banda…. Si Carlos ay isa ng doctor sa edad na beinte singko. Umalis siya ng San Rafael na masama rin ang lood. Sa Cebu niya ipinagpatuloy ang pag-aaral. Paminsan-minsan ay nagsisisi din siya sa ginawang desisyon subalit ‘di tulad ni Roberto, ay malakas si Carlos. Hindi siya nagpadala sa kanyang emosyon. Katuwiran niya kasi, magsisi man siya ng makailang beses ay hindi na nito mababago ang katotohanang wala na sina Roberto at Neneng sa buhay niya. Puspusang pag-aaral, ‘di matatawarang pagod at hirap ang ipinuhunan ni Carlos marating lamang ang kinalalagyan niya ngayon. Kadalasan ay naiisip niya pa rin si Roberto. Ang nag-iisang matalik na kaibigan. Marami silang magaganda’t masasayang alaala na pinagsaluhan. Higit pa sa magkapatid ang turingan nila. “One for all, All for one”; “Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat”; at “Ang laban mo ay laban ko rin” ay ilan lamang sa mga kasabihang sinusunod nilang dalawa. Nakakalungkot isipin na ang matibay na pagkakakibigan ay mayuyupok lamang ng dahil sa isang babae: Si Neneng. Hindi naman nakapagtataka sapagkat hindi lamang basta babae si Neneng. Siya ay isang babaeng ubod ng ganda. Kung nagpaulan man ng kagandahan ang Diyos, ay nasalo itong lahat ni Neneng. Siya ay may mala-anghel na mukha, kutis porcelana, mala-rosas ang mga mapupulang labi na ‘tila bang kay sarap halikan, at tila ginto ang makintab at malasutla nitong buhok. Bulag na lang na matuturingan ang hindi maaakit sa taglay nitong alindog. Huli na nang mapagtanto ni Carlos na siya’y nagkamali. Hindi niya pag-aari si Neneng kaya kahit sino ay may karapatang umibig dito. Kahit pa nga itong kaibigan niyang si Roberto. Sayang nga lang at hindi na niya napa-abot ang pagpapatawad at paghingi ng 38/Maikling Kwento Irong-Irong3


dispensa sa kaibigan. Lumuwas na kasi ito ng Maynila pagkatapos nilang magtapos sa hayskul. Sa isa pang banda‌. Nang mapag-alaman ni Neneng na may nasirang pagkakaibigan nang dahil sa kanya ay labis na pighati ang naramdaman nito. Kung sana ay hindi na lang siya biniyayaan ng sobrang kagandahan ‘di sana ay walang gulong magaganap. Kung tutuusin ay wala namang dapat ikalungkot si Neneng sapagkat hindi niya kailanman pinaasa sina Roberto at Carlos. Parang kapatid lamang ang turing niya sa mga ito. Sinusuklian niya lamang ng kabutihan ang mga kabutihang naidulot din ng mga ito sa kanya. Maaring binigyan lamang ito ng maling interpretasyon ng dalawa. Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon nang napupusuan si Neneng. Kahit noong kabataan pa niya ay nabihag na nito ang musmos niyang puso. Sa pakiramdam ni Neneng ay ito na marahil ang tamang pagkakataon para ipakita niya ang tunay na nadarama sa taong lubos na minamahal. Kaya naman, isang mabigat na desisyon ang napagpasyahan ni Neneng. Sa kasalukuyan‌. Sa magkaibang pagkakataon, ay parehong nakatanggap ng telegrama sina Roberto at Carlos. Kapwa nagulat ng mapagtanto kung kanino ito galing. Kumabog ng ubod nang lakas ang kanilang dibdib nang mabasa na galing ito sa babaeng minsan din nilang minahal at pinag-awayan: Si Neneng. Iniimbita sila nito na dumalo sa pinakamahalagang araw ng kanyang buhay. Hindi na nila nalaman kung ano ang pinakamahalagang araw na ito sapagkat maikli lamang ang nilalaman ng nasabing telegrama. Nagtataka man kung paano nalaman ni Neneng ang kanikanilang mga tirahan, ay mabilis pa rin silang kumilos para bumalik sa bayang minsan din nilang iniwan dahil sa sama ng loob: Ang San Rafael. Hindi alintana kung ano man ang posibleng sorpresa na maaaring bumulaga sa kanila, masaya pa rin silang tumulak pauwi. Pagdating na pagdating sa San Rafael ay bumalik lahat ng alaalang Irong-Irong3

Maikling Kwento/39


masasakit at masasaya na pilit nilang kinalimutan. Napansin din nila na labis ang ikinaganda ng lugar. Dumami ang mga magagandang bulaklak at berdeng mga halaman at puno sa paligid, sementado na ang mga daan, gumanda ang mga bahay, at mas naging palakaibigan ang mga tao. Hindi nila lubos maisip kung paano nila nagawang ipagpalit ang tahimik at maayos na buhay sa probinsya sa maingay at magulong buhay sa lungsod. Pagtapos ng pagmumuni- muni ay agad silang tumulak papunta kina Neneng. Sadyang mapaglaro nga naman ang tadhana. Akalain ba naman nina Roberto at Carlos na magkakasalubong at makikita pa silang muli pagtapos ng sampung mahabang taon. Sandaling natigilan at ‘tila ba nabato-balani sa mga ‘di inaasahang pangyayari ang dalawa. Pagkatapos matauhan ay agad na nagyakap ang magkaibigan. Lumipad na ang lahat ng sama ng loob at bumalik na ang dating pagkakaibigan na sampung taon ding nasayang. “Patawarin mo ako Carlos,” si Roberto ang unang bumasag ng katahimikan. “Ako ang patawarin mo, Roberto. Sapagkat naging makasarili ako at makitid ang pang-unawa. Marahil ay dala ng lubos kong pagkahumaling kay Neneng kaya naman pati sa katotohanan ay naging bulag ako. Katotohanan na, kailanman ay hindi mali ang magmahal sapagkat maliban sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, ang pagmamahal ay isa sa mga dumudugtong ng ating buhay.” “Huwag na nating pag-usapan pa ang nakalipas Carlos nang sa gayon ay hindi na natin maalala pa ang sakit. Ang mahalaga ngayon ay nagkapatawaran at nagkaunawaan na tayo.” “O siya, ‘di hamak na mukhang iisa lang naman ang pakay natin, sabay na tayong pumunta kina Neneng,” deklara ni Carlos. Pagdating sa bahay nila Neneng, ay naabutan nilang humahangos paalis ang nanay nito. “Aling Segunda, si Neneng po? Pinadalhan po kasi niya kami ni Carlos ng telegrama na nag-iimbita sa amin sa pinakamahalagang araw daw sa kanyang buhay.” “Ganoon ba? Sa kanya nga pala ang punta ko ngayon.” Nagtataka man, ay isinama na rin ni Aling Segunda ang dalawa 40/Maikling Kwento Irong-Irong3


papunta kay Neneng. Nang marating na nila ang pakay na lugar, ay sobra pa sa natuklaw ng ahas ang naging reaksyon ng dalawa. Labis nilang ikinagulat ang sopresang hindi nila kailanman pinangarap na matanggap. Kasalukuyang nagaganap ang kasal ni Neneng. Maluha-luha ang dalawa habang pinanonood ang ceremonya. Pagkatapos ng lahat ay lumapit sa kanila si Neneng at agad silang niyakap nito. “Mabuti naman at nakarating kayo. Pinasaya niyo ako ng labis. Sana ay mapatawad niyo ako kung hindi ko man lang nasabi noon sa inyo na may nagmamay-ari na nang puso ko kung kaya’t hindi ko ito maibigay sa kahit na sino man sa inyo.” “Huwag mo nang alalahanin iyon ‘Neng. Nakaraan na iyon at marapat na kalimutan na natin. Ang mahalaga ay sinunod mo kung ano man ang dinidikta ng iyong puso,” saad ni Roberto. “Siyanga naman ‘Neng,” sabat naman ni Carlos. “Masaya na kami na malaman na liligaya ka sa piling NIYA.” “Maraming salamat sa pang-unawa niyo. Ngayon, masasabi ko nang lubos na ang kaligayahang nadarama ko sapagkat nawala na ang bigat nga kalooban na matagal na panahon ko din namang dinala. Hangad ko na matagpuan niyo na rin ang taong lubos na magpapasaya sa inyo. Maraming salamat sa pagmamahal na inukol niyo sa akin.” Doon tumama ang realisasyon kina Roberto at Carlos. Na sa kabila nang lahat ay may magandang naidulot din pala ang pagpaparaya at pasakit na nadama nila--- Natagpuan ni Neneng ang Tunay na nagmamay-ari sa puso niya--- Ang Diyos.

Irong-Irong3

Maikling Kwento/41


42/Maikling Kwento Irong-Irong3



Sa Amon Ginalumutan nga Bubon Sa amon ginalumutan nga bubon Nagapalibot ang tag-as nga kogon Galumpat mga paka kay sila dakpon Kay gali obrahon sila panyapon. -RAYMOND ARTATES

44/Tula Irong-Irong3


Kabay Pa Ako Pagabusgon Sa barong-barong sa magap-od nga karsada Nagahigda ako nga may kupos nga bituka. Ang bulan ko nga mga mata nagapanlilisik na Ang tingting ko nga lawas daw kapila ginpurga. Ang tagipusuon ko wala ka agom higugma Isahanon sa disyerto nga puno sang talimbabaga Gin-ngatngat nila ako sa bubon nga damu lawa Uhaw sa iliili halin sa ginatawag nga pamilya. Ano gid bala ang ginatawag nga eskwela? Ano bala ang itsura sang isa ka maestro? Pasensya na kay wala ko mahigot sa bitoon Ang may pakpak ko nga mga dalamguhanon. Tudlui man ako kon paano mangumpisar Kay ang balaan nga balay wala ko gid mapensar Ang mga mahal nga estatwa akon kon indi sang artista Sa ila wala gid ko kahatag kandila. Ini nga mga gutom naglubong sa akon tagipusuon Ang hurado nga langit ako indi pagprisohon Pagabusgon ako kag indi pagsitahon Kag sa pagkabanhaw ako pagaupdon. -RAYMOND ARTATES

IrongIrong3

Tula/45


Gutom Paggising ko sa umaga Walang makain . Kung swerte tuyo at kanin. Kung minsan wala na lahat Gutom na gutom na ako Habang lumalakad Kung minsan hinihimatay. Parang naglalakad Sa gutom at hindi alam Kung ano ang gagawin Parang liliparin ng hangin. Gumagapang sa kahirapan At naglalakad sa kahihiyan. Ganito an gaming buhay Sa likod ng gutom. -REY MARK BALAJADIA

46/Tula Irong-Irong3


Sa Akon nga Paglakat Sa akon nga paglakat Ako gid imo ginakagat Gamit imo nga mga mata Nga wala sing marka sang pagduda. -JAM S. BALIN

IrongIrong3

Tula/47


Gutom Heto na naman, naririnig ko na Ang ingay ng aking mga alaga Kumakalam na ang aking sikmura Mapupunit na yata ang aking bituka. Lagi na lang bang ganito? Magtitiis na lang ba ako? Maghihintay sa mga nangako Mga buwaya pala sa gobyerno. Nagtatayuan na ang aking mga balahibo Dumadampi ang malalamig na hangin sa likod ko Singtigas na nga ako ng bato Dahil sa gutom na nararamdaman ko. Sadya bang sa mga katulad kong dukha Isang kahig at isang tuka At para sa mayayaman lang ba Ang mga pagkaing aking nakikita? Nanginginig sa gabi Isang patpat at walang silbi Marungis at walang sinabi Kahit isang pag-asa’y walang nalalabi. Nakaratay at walang makain Wala nang pakialam anuman ang sapitin Ayaw nang makipaglaban sa gutom Nakaawang ang bibig sa halip na nakatikom. -MARY JOY S. BASILGO

48/Tula Irong-Irong3


Masarap Maging Mahirap Lumuluha ang aking mga mata Alaga sa tiyan nagkakarambola Umiiyak at pagkain ang hinihingi nila. Katawan ko ay lupaypay na. Inay! Nasaan ka na ba?! Itay! Ako ba’y nalimot na?! Ate, Kuya, lagi na lang kayo nasa lakwatsa. Inday, magsaing ka na dahil ako’y gutom na! Tiyan ko ngayon ay nagdurusa, Pati ang aking puso ay nanghihina, Mga tuhod ay nanginginig pa, Nakahandusay sa semento na parang patay na. Ngunit ilang sandali pa ay dumating na sila, May dalang tuyo, bagoong, itlog, at marami pang iba, Galing sa basura na kanilang nabenta. Si Inday na aming kapitbahay ay kasama nila. Si Ate at si Kuya may dalang ensaymada Nanggaling sa pagbebenta ng sampagita. Ako ngayon ay parang isang prinsesa Sa dami ng pagkain sa aming mesa, Para bang ngayong araw ay piyesta! -APRIL JANE O. CABALUNA

IrongIrong3

Tula/49


Sa Imo nga Pag-abot Sa imo nga pag-abot Ilong nagaturutot Kagaw nagapalagyo Apang ako natuyo! -MARSHA LOU GARPA

50/Tula Irong-Irong3


Gutom ala AntiqueĂąo Ang gakitaay nga bukid kag kadagatan Bulawang manggad kang AntiqueĂąong maalwan. Sa amun ginapahambog may gapatyanay! May dyan indi man lang ka tiraw, ay karaw-ay! Ang mga busog, sige lang bira pababoy Indi man lang kainum ang dyang kaluluoy. Bisan ano-ano pa anda nga reklamo Gapabungul man lang ang sa taas nga pwesto. Maskin dapug ka pagkaun, hala, agaway! Gakutuy-kutuy nga busong pugung sa hilway Duro bunga sa amun gamay nga probinsya, Pero dapat gid mag-away ang tagsa-tagsa? -JANDI NIETES

IrongIrong3

Tula/51


Samtang Nagapungko sa may Hilamon Samtang nagapungko sa may hilamon Kag may ingod nga tinapay kag hamon Pero sang umagi ka, Day, Nadula gid ang akon nga tinapay. -GILBERLI SAMCON

52/Tula Irong-Irong3



Didto Sa Traplen Wala pa ang adlaw mga trol gadungka na sa kilid sang pantalan sila nagaraya. Mga mangingisda, nagangilisi ang mata madamu ang kuha sulud-anon sang ila himata. May nagadalagan bitbit pinutos nga daguldulan may mga pakyaw, banyera ang ginabayaw sa sininsilyo nga benta sila gahinugyaw. Katugnaw sang yelo kag ang dapya sang hangin daw wala lang nabatyagan sang mga bata sa traplen nagalangoy-langoy, nagangiririt, nagasininggit. Ila mga kamot gapuluti mga bibig gapalanglapsi bangud sa handum nga makakita kwarta ginaantos ang kurog sa palamugnan nga natup-an nila.

-Ethen Bermudes

54/Tula Irong-Irong3


Bulkita Ako Kaangay sang guma sang isa ka salakyan indi makadalagan kon indi mahanginan, sang isa ka tawo diri sa kalibutan dili mabuhi kon indi maundan. Sa pagkaplat sang guma kinahanglan ini mabulkit amo man ang tawo kon ang dughan nagasakit, kinahanglan kuskusan sang karboradum agud malimpyuhan ang iya paminsaron. Tapalan sang gam sang pag-amuma isalang sa piston sang himpit nga pag-asa sa ibabaw didto gadabadaba ang kainit sang kalayo sang tampad nga paghigugma. Dayon ilublob sa tubig ang mainit sini nga ginabatyag agud mahaganhagan ang sakit sang iya kalag. Sudlan sang hangin kag ilublob liwat sa tubig sa pag-asa nga nagaayo ang sakit sang iya kasingkasing. -Emmanuel Obligar

Irong-Irong3

Tula/55


Ako sa Gihapon Ang mga tinuga sa kalibutan makatalinhaga ihalimbawa ko ang isa ka lalaki sa kabuhi ko. Imagine, ginkaon iya ATM card sang machine Sin-o binasol niya? Ako! Nakita ‘nya ex-fling ko Sumbaganay sila, nablak-ayan sia Sin-o binasol niya? Ako! Isa pa gid, isa ka gab-i nakipaghilawas siya sa babayi nga may buhok sa guya, Bumusong... sino binasol niya? Ako! Engineering graduate siya, pero wala siya ubra Sin-o binasol niya? Ako pa gid! Bertdey sang bata niya, wala siya kwarta Pakta kung sin-o ginpakasala niya... AKO! Gintunto niya ako, gindunot siya sang jeep sa Marikina Sin-o ginpakasala ni nanay niya? Ako na naman ya! Pero mamay niya, patay sia ‘ya ako forever guwapa. Gago sia, ako man ‘ya gaga Te kamo, nangin makatalinhaga man bala? -Novabelle Belila

56/Tula Irong-Irong3


Bingka Mo Taw-i ako sang imo bibingka ang kalum-ok nga angay sang espongha. Ipatilaw sa akon ang katam-is kaangay sang imo yuhum. Hapini sang dahon sang lab-as nga haplas sang imo tagipusuon. Taw-i ako sang bag-ong luto nga ang init angay sang panghandum ko sang bibingka mo tubtob san-o indi magtahaw. -Mary Joyce Belgera

Irong-Irong3

Tula/57


Dali, Palangga Dali palangga, magpanakayon kita sa baroto sang aton nga handum. Igaduyan, ili-ilihon sa nagalagsanay nga mga balud nga nagapalumba sa paghaluk sa panghigaron. Indi sigurado kon diin kita magapadulong apang ang kahadlok pagalunuron upod sa kalangsa sang kada problema ang imo kapagrus ang magasalu sa akon kon ako ang malagbong sa nagapang-engganyo mo nga yuhom Dali, palangga, mamunit kita kag indi na makibot kon ang mahulik naton aton gihapon nga mga balatyagon. -Mary Joyce P. Belgera

58/Tula Irong-Irong3


Katre Kasimple sang sining mabugnaw nga kagab-ihon para sa mag-alabyan kis-a lang magtililipon. Simple man ang pasahay sining ilimnong tiniklod maski wala sumsuman pwede na ang ginahod Simple man yadtong ginbatyag nila nga kainit apang sa wala rason simple man nga namilit. Ang simpleng kagab-ihon naglabi pa sa ordinaryo sang ang tagsa ka kaugalingon napreso sa kwarto. Kari ka, inday, ipautwas inang kainit. Pasaligon ko ikaw ang katre indi magragitnit. Hublasi na ang kamatuoran dili pagtrapuhi inang balhas. sila lang ang saksi sa sining lawas nga hublas Bisan, inday, matuod lumos kita sa tiniklod tungkad ta ining kalipay sa katre nga wala mag-igot. -April Duran

Irong-Irong3

Tula/59



Mga Kontribyutor


Si Dawn Arañador ay nasa unang taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng San Agustin. Kumukuha siya ng kursong Narsing. Kasapi siya ng USA Publications kung saan isa siyang staff writer. Si Norman Darap ay nasa ikatlong taon ng kolehiyo sa Unibersidad ng San Agustin. Kinahiligan niya ang pagsusulat ng mga kuwento at tula kaya nga’t ilan sa mga ito ay naipablis na sa Bubon. Si Reynan Garino, bukod sa ang hilig ay pagkanta, magkaminsan tinutukso rin siya ng kanyang kamay na sumulat. BSEd ang kanyang kurso at nagmimidyor sa Filipino. Si Noel de Leon ay estudyante ng Unibersidad ng San Agustin kung saan siya kumukuha ng kursong Communication Arts. Siya ay nasa ikatlong taon at maipagmamalaki niyang siya ay taga College of Arts and Sciences. Si Earl Martirizan ay kumukuha ng Fine Arts sa Unibersidad ng San Agustin. Siya ay nasa ikaapat na taon sa kanyang kurso. Si Jovin Militar ay magtatapos sa kanyang kursong Architecture dito sa Unibersidad ng San Agustin. Siya ay kabilang sa grupo ng mga pintor ng Iloilo. Si Aljun Padisio ay kasapi ng USA Publications. Kumukuha siya ng kursong Management Accounting sa Unibersidad ng San Agustin. Si Danielle Parian ay nasa ikalawang taon ng kanyang kursong Literature sa Unibersidad ng San Agustin. Kapag walang ginagawa, ginugugol niya ang kanyang oras sa paglikha ng mga magagandang tula. Si Pietros Val Patricio ay kasalukuyang Editor in Chief ng The Augustinian at The Augustinian Mirror. Kumukuha siya ng kursong Political Science sa Unibersidad ng San Agustin. Bilang isang manunulat, mulat rin siya sa mga isyung panlipunan, na kaniyang tinatalakay kasama ng kanyang mga kaibigan sa Pub. Kasalukuyan siyang kontribyutor sa The Daily Guardian at Panay News. Si Rynilyn Quiachon ay isa ring estudyanteng kumukuha ng Political Science. Magtatapos siya ngayong taon. Maliban sa pagiging “politikal,” hangad rin niyang makagapagsulat ng mga kuwento’t tula. Si Von Andre Rowan ay kumukuha ng kursong Pilosopiya sa Unibersidad ng San Agustin. Ang pagiging laking “uma” mula sa Malinao, Aklan ang nagiging malaking bahagi sa anyang paghubog bilang isang makathang mulat.


Si Elsed Togonon ang kasalukuyang editor ng Irong-irong. Estudyanteng kumukuha ng Literature, kasapi siya ng Dagyang Pulong at isa rin sa mga Associate Editors ng The Augustinian at The Augustinian Mirror. Si Jufel Tordecillas ay nasa ikaapat na taon sa kanyang kursong Education sa Unibersidad ng San Agustin. *** Kabilang din sa tomong ito ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang probinsiya ng rehiyon. Ang kanilang mga tula ay bahagi ng Creative Writing Workshop na ibinigay ni Prop. John Iremil E. Teodoro noong First REgional Arts Camp of DepEd REgion VI na ginanap sa Silay City. Raymond Artates Capiz National High School Rey Mark Balajadia Barotac Viejo National High School Jam Balin Iloilo National High School-School for the Arts Mary Joy S. Basilgo JL National High School April Jane Cabaluna Linabuan National High School Marsha Lou Garpa Jandi Nietes Antique National High School Gilberli Samcon Sara National High School Bukod dito, nakibahagi rin ang mga sumusunod na mag-aaral ng Northern Iloilo Polytechnic State College kung saan nagbigay si Prop. John Iremil E. Teodoro ng workshop noong Oktubre 2 at 3, 2008.


Ethen Bermudes Pob. Zone 3 Estancia, Iloilo Emmanuel Obligar BSEd 3A Balasan, Iloilo Novabelle Belila BSEd 3A Estancia, Iloilo Mary Joyce Belgera BSEd 3A Balasan, Iloilo April Duran BSEd 3A Balasan, Iloilo


USA Publications EDITORIAL STAFF A.Y. 2007-2008

Johnny Esmilla Jr. Editor in chief Pietros Val Patricio Managing editor Mario Ivan Gonzales Elsed Togonon Cara Uy Associate Editors Paulo Bayabos Jenny Castro Jefferson Magbanua Senior Writers Dawn AraĂąador Karlo Christopher Cristales Angel Marie Medel Aljun Padisio Staff Writers William Fusin Jr. Artist Sheena Capindo Circulation Officer J. I. E. Teodoro Moderator Rev. Victor Gonzaga, O.S.A Prefect of Students


66/Tula Irong-Irong3


IrongIrong3

Tula/67


Dawn AraĂąador, Norman Darap, Reynan Garino, Noel de Leon, Earl Martirizan, Jovin Militar, Aljun Padisio, Danielle Parian, Pietros Val Patricio, Rynilyn Quiachon, Andri Von Rowan, Elsed Togonon, Jufel Tordecillas, Raymond Artates, Rey Mark Balajadia, Jam S. Balin, Mary Joy S. Basilgo, April Jane O. Cabaluna, Marsha Lou Garpa, Jandi Nietes, Gilberli Samcon, Ethen Bermudes, Novabelle Belila, Emmanuel Obligar, Mary Joyce Belgera, April Duran 68/Tula Irong-Irong 3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.