
1 minute read
Hithit
from For Your Eyes Only
Hithit ni Aly
Dumukot sa bag Ng isang pack ng yosi 'Di makatulog Sa naninilim na gabi Sa isang sulok sinimulan Limang hithit ng kapalaran
Advertisement
Una, sa taong mahal na nawala;
Ikalawa, sa pagkakataong ayaw ng tadhana; Ikatlo, sa mukhang 'di na masisilayan;
Ikaapat, sa mga sandaling ninakaw ng kaduwagan; at Ikalima, sa pangarap na patay Na paulit-ulit nang iniiwasan
Kalakip ng pag-asa Ay hikbi ng tiwala Kasama ng tapang, Lakas ng loob ay nanghihinayang Sa limang hithit na lamang mararamdaman Dampi ng labi sa yosing nagbabaga ang laman