
1 minute read
Segunda Mano
Prosa ni Isvhar Jake L. Magcanam
Guhit ni Mauries Jan-Ace M. Avenio
Advertisement
Sa aking pagbalik-tanaw, nakatatak pa rin sa kasaysayan ang sumpang ‘di nabubura ng kahit anumang pilit pagbago ng simula.
Ako si Juan, isa sa mga kabataang nahumaling sa pagkolekta ng antigong bagay. Nakaugalian na ng aming pamilya ang ganitong hilig, at hindi maiwawaglit na nakuha ko ito mula sa aking ama, hanggang sa kaugat-ugatan ng aming pamilya.
Sa angkan na aking kinabibilangan, dugo nila ang dumadanak sa aking kalamnan at wari ko'y umalala sa kanilang mga tinuran. Sumpa sa wangis ng isang bitag kung maituturing ang aking pagsasatao sa gawain ng aking pamilya. Naligwa't galing sa iba, ipinamana sa'yo.
Gusto kong puntahan ang mga taong naging sanhi ng aming pagyaman at isaisahin silang bigyan ng isang mahigpit na alamano. Hindi man halata, ngunit maraming antigong bagay ang masisilayan sa aking silid. Lahat ay pamana ng aking mga magulang noong panahong makapangyarihan pa ang aking ama sa taong 1965 hanggang 1986.
Dalawampu’t isang taon din kaming nabubuhay na walang masyadong sakit na iniinda. Mayroong biyaya na nakukuha ang aking ama, kahit na walang pawis na ipinusta. Dikta roon, dikta rito, ‘yan ang tanging trabaho niya. Ang sarap sa buhay, hindi mo na kailangan magsunog ng kilay upang mayroong maihahain sa hapag. Hanggang sa kasalukuyan dama ko pa ang yaman na inyong hatid sa aming pamilya.
Ngayon, panahon ko na. Ako naman ang gagawa ng paraan para maibalik ang dating gawi ng aming pamilya. Pilit kong aabutin ang upuan na nagbibigay ng kapangyarihan, upang makamtan muli