1 minute read

Sa ilalim ng Mapaglarong Takipsilim

Next Article
Strangled Serenity

Strangled Serenity

Tula ni Loraine N. Magnaye

Obra ni Trisha Kate V. Escalante

Advertisement

Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan, Pagbilang kong tatlo, Nakatago na kayo.

Mag-ingat sa paghahanap, Baka iba ang iyong matagpuan, Lingid man sa iyong kaalaman, Hindi ako nakikita ng kung sinu-sino man,

Maaaring bumaliktad ang magaganap, Sa hindi inaasahan, Kahit anong lingon mo sa kaliwa’t kanan, Ikaw na ang pinaglalaruan.

Doon sa ilalim ng maliwanag na buwan, Sa gitna ng naglalakihang kakahuyan, Sa lugar na may naglalakasang kaluskos ng katatakutan, Aking anino’y iyong matutunghayan.

Paningin ay huwag takpan, Upang ako’y iyong masilayan, Dahil sa mapaglarong takipsilim, Baka ako’y iyong makaligtaan.

Wala sa liwanag, Wala sa dilim, Kailangan mo lang talasan ang iyong paningin, Sapagkat ang mundo’y napapalibutan ng bangin, Kapag ika’y nahulog sa patibong ng kasinungalingan, Mahirap nang hilahin.

Usisain ang paligid mo at maging tuliro, Kahit ang dulo ng walang hanggan ay lilibutin mo, Nasa likod mo lang ako, Ngunit kung ika’y hindi marunong lumingon sa iyong pinanggalingan, Hindi mo mararating ang katotohanan.

Trampled privilege

Penury with a vague end Tattooed stagnation

Amid Crocs' Reign

With black-inked fingers

She writes that touch and linger

Her words bleed power

Death Note

This article is from: