The NORSUnian 9th Issue

Page 3

Vol.XXXIII Isyu Blg. 09

Hindi makabasag pinggan. Hindi maisabak sa giyera. Napakabagal ang usad. Siya ang babaeng halos balot ang buong katawan na dala-dala’y abanikong lalagyan. Eh, baka naman may ikinatatakot–maraming peklat ang kanyang balat, maraming lamok sa kanila, masyadong malamig ang temperatura sa paligid, o baka kaya’y ‘di siya pwedeng masinagan ng araw. Ano ‘to, konserbatibo? Hindi naman kasi siya palaging gumagala, kaya hindi mo madalas makita sa eskinita kapag gabi, at napakamisteryoso ang dating para sa mga siga. Oo. Nasa isang tahanan lang siya. Siya ay may maamong mukha, may mahaba’t maitim na buhok at nagtataglay ng malaporselanang kutis. Ang kanyang matamis na ngiti at kumikislap na mga mata’y kapuri-puri. Hindi rin maipagkakaila na paborito siya ng mga matatanda. Siya na yata ang tipo ng babaeng mayumi, relihiyosa at magalang. May talento siya sa pag-awit at nakatutugtog pa ng piyano. Sa panahong hindi pa lantad ang maamong mukha ng mga dilag na ito ay nabigyan na sila ng buhay sa nobela ni Dr. Jose P. Rizal at pinangalanang Maria Clara de los Santos y Alba. Siya’y isa sa mga karakter sa kathang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ayon sa kwento, hindi mahalaga sa kanya ang materyal na bagay na ibinibigay ng kanyang mga manliligaw, kundi ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at ang sumpaan nila ng kaniyang irog. Siya ang sumisimbolo sa malinis at inosenteng dalagang Pilipina noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas. Sa panahon ngayo’y siya’y nakabalot sa tawag na Mary Claire –taglay ay kaanyuang wari’y nabago na ng modernisasyon.

Agosto 3—9, 2015

3

Sa makabagong mga pahina ng nobela Sa panahon ngayon, kapansin-pansin na kontento na ang ilan sa kanila na hindi balot ang buong katawan; patunay rito ang pagsikat ng Men’s Magazine at FHM sa Pilipinas. Ngunit, sa kalakhan, mas pinagpapantasyahan ng kalalakihan ang fiksyunal at tradisyunal na karakter ni Mary Claire na si Maria Clara. Siguro sapat ng basehan ang kantang rap ni Shehyee na pinamagatang “Maria Clara.” Ipinapahihiwatig sa kanyang rap na desperadong mahanap ng lalaki si Maria Clara sa kadahilanang ang mga kagaya ni Maria ay konserbatibo’t mapagkakatiwalaan na asawa. Sawang-sawa na kasi siya sa mga Mary Claire na panay pakita ng laman. Kinikuwento rin sa kanta na gustunggusto ng lalaki na magkaroon ng time machine para lang makita si Maria Clara. Eh, wala nga ba siya sa tamang panahon? Teka lang. Sinasabi ba na hindi kanaisnais ang mga modernong babae ngayon? O baka naman masyadong bastos ang ilan sa pag-iisip ng kung anu-ano kapag nakakita ng babaeng nakasuot ng maikling damit? Naaayon din naman sa okasyon ang pagpili ng kasuotan at malaya ang lahat sa pagpili nito, ngunit dapat din nating isaalang-alang ang tradisyon at mga paniniwala ng ibang relihiyon at mga karatig bansa. Sa mainit na klima ng Pilipinas, hindi na masama ang magsuot ng short shorts o kaya sleeveless na damit. Kung marunong kang makibagay, ‹di ka magsusuot ng lonta sa beach. Nasaan na nga ba si Mary Claire? Naibabalik ang bakas ng kahapon at ang kaugalian ng mga sinaunang Pilipino tuwing Agosto sa pagdaos ng Buwan ng Wika sa Pilipinas para ipakita ang kahalagahan ng wikang Filipino na siyang bumuklod sa watakwatak na kapuluan ng bansa. At baka nga ito pa ang masabi ng mga

matatanda, “Parang kailan lang, ‘di ba?”. Karaniwang nagkakaroon ng selebrasyon sa paaralan na kung saan mayroong sabayang pagbigkas, balagtasan, pagtutula, pagsasayaw, pagkakanta at iba pang naaayon sa tema. Siyempre, hindi maiaalis ang nakagawiang pagsuot ng malulumang desinyo ng kasuotan-- mga kasuotang nagpapaalala sa atin na iba na ang takbo ng buhay ngayon. Marahil, makakikita ka ng babaeng nakaganyak ng magarang damit na parang katulad sa suot ni Mary Claire. Marahil nga’y napalitan na si Mary Claire sa modernong Mary Claire ngayon— sa panahong uso na ang Women Empowerment at peminismo sa pangunguna ng sektor ng mga kababaihan. Dahil na rin sa impluwensya mula sa mga tagaKanluran, nagbago ang mga gawi ng mga Pilipino. Tanggapin natin ang katotohanan na naging liberated na ang halos lahat, at natural na sa mga Pinoy ang makibagay sa daloy ng panahon. Kung naligaw man siya sa panahong ito, masasabing wala siyang katulad. Iba naman kasi ang paligid na kinalakihan niya kung ikumpara mo sa isang modernong Pilipina. Siguro nariyan lang siya’t naghihintay, nagbabasakaling hindi mainip sa paghahanap ang ginoong karapat-dapat sa kanya. Babala: Hindi rin basta-basta ang mga babae ngayon— ang babaeng malaya’t may paninindigan sa sarili. Oh, nakita mo na ba siya? Pinagkunan ng impormasyon: • en.wikipilipinas.org •gmanetwork.com

“Lima. Sa susunod na magbubukas ang maingay na pintong bakal ako’y handa na. Sa susunod na taon, ako naman.”

Si Manuel na walang ginawa kung hindi magbulakbol, mangopya, at lumiban sa eskwela. Natapos na Valedictorian. Ako’y sumigaw, isinawalat kawalang hiyaan ni Kapitan. Ngunit muli, ako’y nabigo. Muling nagalit ng todo si Itay. Kami’y napalayas sa aming barung-barong. Maging bulag, pipi, at bingi. Iyan ang itinuro sa amin. Bakit? Dahil ba kami’y dukha? Kolehiyo. Umalis ako sa amin upang hindi na magdulot ng gulo. Gulong ayon kay Itay ako rin daw ang may dulot. Dito nakita ko, ako’y di nag-iisa. Sa piling ng maralitang tulad ko’y hangad din ang pantay na katugunan at serbisyo mula sa pamahalaan. Apat. Apat na taon naming pinagsumikapang lumaban para sa kapakanan ng karamihan. Ang lathalaan ng paaralan. Ito’y aming naging sandata at sandigan. Nabunyag ang kasamaan at napaalis sina Ma’am Bili, Sir Mambabato, at Doktor Regalo. Natapos namin ang kolehiyo sa kursong Mass Com. Kami nga’y naging mamamahayag. Akala naming umpisa na ng pagbabago. Ngunit kami’y nagkamali. Ang grupong binubuo ng tatlumpo, labinlima na lang ang natira. Ang sabi ni Inspektor, sila’y dinukot ng New People’s Armya o NPA. Sa araw ng aming pagtatapos, bawat isa’y may regalong natanggap. Itim, itim na kahon. May marka, lima. Bawat isa sa amin may numerong nakatalaga. Nakatatawa, noon amin itong binalewala. Ngunit ngayon alam na namin ang kahulugan. Sina Jenny, Richard, Emily, Frank, Joanne, Ariel, Maria, Mark, Rachel, at Joey. Bilang nila’y labinlima hanggang anim. Kanina si Joey. Anim. Ako, sina Robert, Mia, Anton, at Nita. Lima na lang ang natira. Sa grupo naming walang ginawa kung hindi ibahagi sa tao ang katotohanan. Sina Mayor, Kongresman, Senador, at maging si Presidente. Kami’y kanilang binusalan, piniringan, tinakpan ang tainga mula sa sambayanan. Subalit isang taon na naman matapos ang sampung taon ang

Isa, dalawa, tatlo, apat. Tapos na. Isang bagong taon na naman. Dinig ko pa ang putukan. Putok na minsan ding nagdulot sa akin ng takot. Ngunit ako’y manhid na. Manhid na sa lahat ng sakit, pait, at pighati. Maging ang takot ay tuluyan na akong nilisan. Tanda ko pa noong una akong balutin ng kadiliman. Sampu! Sampung taon na nang mawala ako sa karimlan. Panaghoy. Ito ang tanging maririnig sa araw na iyon. ‘Di ko na alintana ang sakit na dala ng hampas ng bota at baril ng sundalong kumaladkad sa akin. Sundalong inakala kong magpoprotekta sa amin. Wala na akong ibang narinig kundi ang iyak ng aking mga kasama sa likod ng tunog na tanda ng pagsalubong sa bagong taon. Labinlima kami nang dukutin at itago sa kadilimang ito. Bawat taon na lumilipas isa-isa kaming nababawasan at dahandahan ding nababawasan ang panaghoy ng aming pag-asa. Isa, dalawa, tatlo, apat. Apat na iba’t ibang boses ng aking natitirang kasamahan ang aking narinig. Lima, kami na lang ang natira. Tanda ko pa. Tandang-tanda ko pa. Natatandaan ko pa na limang taon ako nang maibigan kong magbasa ng diyaryo. Ang diyaryong maagang nagpamulat sa musmos kong isipan. Diyaryong nagpakawala sa tapang na di ko inakalang nagkukubli sa aking kaloob-looban. Ngunit ‘di ko pa masyadong intindi noon. Lalo na’t nagagalit si Itay sa aking paglaban sa maestrang kung kaming mag-aaral niya’y tratuhing animo’y alila. Dahil ba kami’y dukha? Maging bulag, pipi, at bingi. Iyan ang itinuro sa amin. Ngunit ako ay iba. Pinilit kong lumaban kahit ilang beses man akong mabigo. Mangmang, bata kaya walang magawa. Ikaapat na baitang sa sekundarya. Ako’y muling nagkaroon ng laban. Si Kapitan, kagalang-galang, kapitapitagan ngunit may tagong diyablo sa kaloob-looban. Inasam kong matapos bilang Valedictorian. Subalit si Kapitan pinakialaman niya ang laro. Si Manuel, anak ni Kapitan siya ang nanalo.

LIMA NI...pahina 4


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The NORSUnian 9th Issue by The NORSUnian - Issuu