Rheims | Layag Agosto 2022

Page 1

LAYAG LAYAG

2

LIHAM PATNUGOT

MULA SA

Agosto 30, 2021 nang ilabas ang Hiraya ang pinakaunang magasin ng Academy of Saint John at The Lasallian Rheims sa wikang Filipino. Ipinagmamalaki ng Hiraya ang mga sanaysay, tula, anekdota, obra, at larawang nanggaling mula sa mga miyembro ng Lasallian Rheims at mga guro’t estudyante na nagwagi sa pang unang Gawad Alab.

Ben Ethan P. Nivera Punong Patnugot

Ang Hiraya ay ang bunga ng adhikain ng buong Lasallian Rheims na ipalaganap at pahalagahan ang wikang Filipino. Sinisimbolo ng magasing ito ang walang sawang uhaw ng Lasallian Rheims na maging tapat na mga tagapamahayag sa ano mang uri ng anyo, mapasulatin man, obra, o kaya ibang uri ng midya. Bilang bagong henerasyon ng mga tagapahayag sa Lasallian Rheims, sinasamahan at sinusuportahan namin ang Hiraya sa hangaring ito. Ninanais din namin bigyang halaga at pagyamanin ang wikang Filipino lalo na’t tila naglalaho na ito sa batang henerasyon. Upang maipagpatuloy ang legasiya na inukit ng Hiraya, inihahandog namin sa inyo ang pangalawang magasin sa wikang Filipino ng Academy of Saint John at Lasallian Rheims Layag. Layag maglayag; maglakbay sa karagatan sa pamamagitan ng bangka. Bukod sa pagpapahalaga sa wikang Filipino, nais din namin ipakilala at ipagmalaki ang ganda na dala ng ating bansa. Bunga ng pandemya at ng lockdown, lagpas dalawang taon na tayong hindi nakakapaglakbay sa mga lugar na dati ay tila palagi nating pinupuntahan. Ibig namin kayo dalhin sa mga minamahal nating lugar sa ginhawa ng ating mga tahanan sa pamamagitan ng magasing ito.

3

Lubos akong nagpapasalamat sa mga ate at kuya naming manunulat na nagtapos na sa ASJ dahil sila ang nagsisilbing pundasyon ng legasiyang ito. Nais ko ring magpasalamat sa mga kasalukuyang miyembro ng Rheims at kay Ginoong Kent dahil hindi magiging posible ang Layag kung 'di dahil sa tulong ninyo. At sa huli, nais ko magpasalamat sa inyo, mga mambabasa, sa walang hanggang suporta sa mga proyekto namin dito sa Rheims. Hindi namin mararating ang tinatayuan namin ngayon kung wala kayo.

MGAMANUNULAT ATTAGAPAGLIKHA ETHAN NIVERA Punong Patnugot TRISHA ILAR ZOELINE HONRADO JOSHUA NOCON JOANA FRANDO LIAM VIZMANOS RAJ REMMOR CRUZ BENEDICT BARBUCO ALPHONSE VIADOR AMEERAH SALAHUDDEN Manunulat G. KENT COLOCADO Gurong Tagapayo GNG. VICTORIA GALLARDO Ikalawang Punongguro G. RICHARD PINEDA Punongguro GNG. DAISY ROMERO Kasangguni ng Paaralan ALIXIA CANALIN Tagapaglatag MITZEN SOTELO ANDREW DELA PLANA CHRISTIAN DAVE DOMINGO LANCE CRISOSTOMO MARIELLE NAVARRO JOHN CZAR SALAGUINTO MEIGH GONZALES Mga Kontribyutor 4

OBRA OBRA

5

MeighGonzales RheimsBatch20 21 6

RheimsBatch20 22 7

JohnCzarSalaguinto

GINTONG GINTONG PLUMA PLUMA 8

isipin na naipagpatuloy ang adhikaing aming nasimulan noong nakaraang taon ang mapalaganap ang pagamit ng Wikang Filipino sa iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsulat at pag guhit. Nakakataba ng puso na ang Hiraya ang Filipino magasin ng Rheims ’21 ’22 na nabuo mula sa pangarap at pag-asa – ay nakapagbigay inspirasyon sa mga magigiting na manunulat, dibuhista, at mga editor ng The Lasallian Rheims na magsama sama muli para sa adhikaing pinag alab ng Hiraya.

Saludo ako sa mga taong nasa likod ng kabuoan ng magasing ito. Buong puso’t tapang ninyong hirap ang hamon na lumikha ng artikulo, obra, kwento, at iba pa gamit ang Wikang Filipino. Mahirap man ang lakbayin (dahil hindi hamak na mas nakagawian ng karamihan ang pag gamit ng ibang Wika eg. Ingles), naririto parin kayo na tumindig para sa iisang pangarap. Nawa’y hindi mawala sa inyong mga puso’t isipan ang pagmamahal sa ating industriya at sa ating wika.

Nakakatuwang

9

Nawa’y ang Hiraya at Layag ay patuloy na maging inspirasyon sa lahat na gamitin, pagyamanin, at palakasin ang Wikang Filipino sa kahit anong pamamaraan. Ito na ang takdang panahon para muli tayong lumikha sa ating sariling Wika. Gaya nga ng palaging sinasabi ng isa sa aking mga mentor, walang ibang unang magmamahal sa sariling atin kung hindi tayo lamang. -LanceCrisostomo RheimsBatch19 21 PunongPatnugot

Bawat bagong kaalaman may bagong kakulangan. Di pa ko handa para sa kinabukasan, Maraming pang bagay na di ko naiintinihan.

Kapanahuna'y parang charger, Madalas makalimutan kung saan nailagay. Kay hirap tandaan kung paano ako naparito.

RheimsBatch19 21

Bawat hakbang lumuluwag ang kapit.

Pano ako susulong kung ako'y litong lito? Kapanahuna'y parang posporo, Ambilis niyang maging abo. Malapit na akong maging dalawampung taon Pagiging tatlumpu ay tila umaga sunod hapon. niChristianDaveDomingo PunongPatnugot

Labis ang bilis ng buhay at hindi ito hihinto. Di ko ninanais tumanda, pwede bang magtago?

Bumili ako ng bagong damit, bagong gupit.

10

Nag aaral ako magmaneho ng sasakyan.

11

Paulit ulit, aking ipipilit hindi kaya ng aking pagtitimpi na ang pagirog sayo’y labis, aking binibini. At habang narito sa ganitong yugto— hindi makakalimutan na ika’y natatangi. Binibini, kahit ano’y aking gagawin, mapa kundiman para ika’y mahumaling. At sa huli, ako’y walang sawang iindak sa iyong salitang puno ng tinig at melodiya. Sayo lamang ako aking sinta, ang aking pangarap, ang aking kanta. niAndrewDelaPlana RheimsBatch21 22

Pagbabalik. Pagbabalik. Sa bawat segundo ng araw na lumilipas, Sa dinami daming mga dapit hapon, ay dumating na rin sa wakas, Ang pagsikat ng araw, ang pagniningning ng mga mata, Sapagka’t tumiwid muli ang landas, patungo sa isa’t isa. Ang pagtatagpo ng ipinaghiwalayang kaibigang matalik, Mga alaalang kay tamis, ngayo’y muling maibabalik, Dahil kahit anong distansya, o bilis ng kamay ng orasan, Walang kaparis ito sa pag ibig na magpakailanman. niMitzenSotelo RheimsBatch20 21 12

Nagmula man sa kulay Ng rosas na ibinigay ko sa iyo Ang namumula mong pisngi’y Para bang bulaklak sa buhay ko Ano mang ibon na lumipad Sa langit na gawa sa kahel Hindi sila maihahambing Sa katulad mong arkanghel Kahit anong lalim at kapal Susundan kung ika’y lumisan Malunod man sa dagat na azul O mawala sa gubat na luntian Basta’t ikaw ang kasama Buhok ko’y handang maging abo Walang bagay na kukumpara Sa taglay na kulay mo niMarielleNavarro RheimsBatch21 21 13

September palang Christmas na Ang aga, diba? Ihanda mo ang sarili mo, Sapagkat sa Pilipinas, apat na buwan ang pasko. ni Zoeline Honrado, 9 St. Lorenzo 14

Ako’y may pusa pangalan n’ya ay Zemo Mag-hello kayo niAndrewDelaPlana, RheimsBatch21 22 15

Huwag mag uwi ng kung ano, Kapag galing ito sa sementeryo. Huy! Ibalik mo yan kung saan mo kinuha… Kung ayaw mong ikaw ay mabisita. ni Zoeline Honrado ni Zoeline Honrado Natatandaan mo pa ba? Nung ikaw ay bata… Walang pakelam na naliligo sa ulan. Mga alaalang kahit keylan ay di ko makakalimutan… 16

LUZON LUZON 17 Source|FreeWorldMaps

wakas. Doon, nag selebrasyon sa isang ng lolo at ng kapati selebrasyon lamang akong kamag anak na mga kamag anak k nakikipag usap, nagh kahit na dalawang tao kita; pero ako, nasa isang sulok lang, nagcecellphone Nakakainggit talaga maging mahiyain noh? Gugustuhin mo mang makipag usap hindi mo padin magawa dahil tila ayaw kumilos ng katawan mo kahit na pinipilit ka na ng utak mo. Pagkauwi namin mula sa selebrasyon, bunga ng inggit at sa tulong ng nanay ko at ng mga tita ko, napagtanto ko na kailangan ko na magbago Kailangan ko na iwanan ang pagkamahiyain ko at tanggapin ang mga tao sa buhay ko. Naisip ko na wala akong mararating sa buhay kapag nanatili ako mahiyain hanggang sa pagtanda ko (salamat na din, sir Kent!!), isipin niyo yun, hindi ako makaksagot nang maayos sa mga interview, hindi ako makakapagsalita ng maayos sa mga kliyente ko, at higit sa lahat, hindi ako magkakagirlfriend haha nagbibiro lang ako, aral muna!

Ngayon, nandito na ‘ko, mag aapat na buwan na ang nakalipas mula nung selebrasyong iyon. Hindi ko inakalang mas masaya pala ang buhay kapag nakikipag halubilo ka sa mga tao, mapa kaibigan man yan, kamag anak, o kahit taong hindi mo gaano ka close. Hindi ko masasabing magaling na ako makipag usap at makihalubilo, pero kung may gusto akong sabihin na hindi ko mailabas sa bibig ko, ito ay salamat ma, salamat ‘ta ne, salamat tata, sala mat mommy Merl, salamat Eoj; at higit sa lahat, salamat, Bicol. <3

Pero paano tayo napunta sa Bicol, eh sa Cavite ako pinalaki? Mahaba habang storya yan, pero paiiksiin ko nalang. Kahit na taga Cavite kami, hindi Caviteño ang mga magulang ko; ang tatay ko’y galing Leyte at ang nanay ko nama ’ y galing Albay Noong maliit pa ako, madalas kaming umuwi sa probinsya, pero mas madalas kaming umuwi sa Bicol kasi mas malapit ito at hindi na namin kailangan tumawid pa sa dagat Halos kada taon kami umuuwi sa Bicol, kaso dahil sa pandemya, dalawang taon na kami hindi nakakauwi; pero wag kayo mag alala, nakauwi na naman kami noong Abril. Dahil nga lumaki ako sa Cavite, hindi ako natuto mag Bikolano Kahit anong aral ko pa nung dialektong iyon, hindi ko talaga matutunan ito. Mga impleng linya at salita lang tulad ng “marhay na aga” at “mabalos sa indo gabos” lang ang alam ko. Pagsamahin mo ‘to at ang pagkamahiyain ko, para akong pipi sa katahimikan ko tuwing nasa Bicol kami Oo, kahit mga kamag-anak ko man ‘ yan, hindi ko pa din malapitan buhat ng hiya ko. Hindi ko ‘din alam, kahit anong tapang pa ang itambak ko, hindi ko pa din talaga kayang makipag usap sa mga taong hindi ko gaano kakilala. Noong nakaraang Abril, pagkatapos ng taon, nakauwi na ulit kami sa Bicol sa ni ETHAN NIVERA, 10 ST. LA SALLE

Source|RemoteLands,Wikipedia,Shopback18

Hindi ako yung tipong tao na nakikihalubilo. Madalas, kapag may salo salo kung saan maraming tao, nasa isang sulok lang ako, malayo sa ingay. Isa nga sa mga rason kung bakit ako sumali dito sa Rheims ay dahil gusto ko ilabas ang mga saloobin ko nang hindi nagsasalita Ay, pasensiya na, nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Ben Ethan P. Nivera, labinlimang taong gulang na ako at nakatira ako sa Dasmarinas, Cavite. Buong buhay ko, sa Cavite kami nakatira; pinanganak ako sa Cavite at lumaki ako sa Cavite

Bikolanong Pi

dalawang

Kahit na sa jeepney na inaarkila

At sa bilihan ng mga nobela Ngunit hindi rin tumitila Ang pagpila ng mga dakila Sa harap ng ating bandila Na sa ati’y nagpapasigla

ni Joshua Nocon, 12 St. Mutien Marie Maynila, Maynila Ulan ma’y tumila Kailanma’y, Maynila Walang patid ang pila Sa kalsadang bata’y ulila Sa opisinang obrero’y labas-dila

Nagtitiwala’t humihila At sa ati’y nagpapaalala Na hindi dapat mawala Ang tapang ng agila Hindi maipagkakaila Sa atin at sa kanila Kailanma’y, Maynila Sa pila ika’y kilala

19 May pilang Maynila

Pati rin sa tinderang nagtitimpla Sa tindahan ng asado’t bola bola

Pati sa tirikan ng kandila At kahit sa mga itinatag ng Kastila

Sa pagkapunta ko sa Vigan Parang tinamaan ako ng nakaraan Gusaling gawa sa mga kahoy Sa mga mata ko ay lumalangoy. Inisip ng bata kung ano ang nangyari Sa mga mata lumuha hangang labi Nakaraan pala ay ganon ka ganda Sa Ilocos makikiita bahay na tumatanda Mga kultura na na preserba Sa mga kalesa na gumagala Pagkain kay sarap namnamin Dahil bawat kagat ay nabibitin Sa pagala ko ng gabi Ang pagod ay napapawi Sa simoy ng hangin Ang nakaraan ay bubuhayin ni Liam Vizmanos, 10 - St. La Salle Kungsaan'digumagalawangoras 20

Mula noon, Luzon Ikaw lang ang aking tunay na tahanan Saan man ako naroroon Saan man ako mapadaan Mula sa kaibig ibig na kagalakan Na dala ng tanawin ng silangan Hanggang sa mga isla sa kanluran Na may kahanga hangang karagatan Mahirap talagang makalimutan Ang iyong taglay na kagandahan

Saan man tayo dalhin ng ating paglalayag Saan man tayong lugar mapadpad Mula sa hilagang kalupaan Na may tanyag na kabundukan Hanggang sa timog na mayaman Sa kalinangan ng ating nakaraan

21

Bakit ba ika’y hindi gaanong pinapansin Ano pa ba ang kailangang gawin Madalas ay hindi ganap na naiintindihan Ang iyong tunay na kagandahan Kahit nang nakatatanaw ng iyong tanawin Kahit nang nakalalayag sa iyong karagatan Kahit nang naglalakbay sa iyong kabundukan Kahit nang nakasasaksi ng kahalagahan ng iyong nakaraan Hanggang ngayon, Luzon Ikaw lang ang aking tunay na tahanan Hindi man kita lubusang maunawa Hindi man kita laging pinahahalagahan

Tahanang Tanan ni Joshua Nocon, 12 St. Mutien Marie

22

Sa Luzon makikita ang Baguio Kaya wag na tayo ganong lumayo Sa Baguio kung saan malamig Walang lugar pa ang mas dadaig Mga tradisyon na tinutuloy Para bang ilog na dumadaloy Taniman ng halaman ay sobrang laki Kahit mga siyudad ay 'di makakaganti Mga tanawin dito ay nakakaiba Hindi tulad ng mga lugar na nasa baba Sana ito ay iyong mapuntahan dahil lagi mo itong babalikan Saya ang dala ng mga katutubo Ngiti sa nila ay parang ginto Dahil sa kultura nila ninyo makikita isang lugar na puno ng mahika. ni Liam Vizmanos, 10 - St. La Salle BAGUIO

“Oh aking Maynila, aking pahiwatig sa pang huling pahimakas, Sigaw kong pagmamahal sapagkat ikaw ang paraluman kong hindi kukupas. Mamahalin ka, simula noon, hanggang ngayon, at sa dulo ng kahel na bukang liwayway” ni Joana Frando, 11 - St. Benilde

NANG KAHEL NA BUKANG LIWAYWAY 23

Naalala ko ang ang kakaibang alindog na dala ng kumikinang na illuminasyon ng mga tuwid na gusali, Sa aking gilid, ang halik ng dalampasigan yaong samyo ay sadyang bukod tangi, Pagaspas ng mga gintong maya ang marikit na bulong sakin ng himpapawid, Habang ako’y dinadala nang aking mga hakbang sa look ng Maynila, upang pagmasdan ang bukang liwayway ng langit. Sigaw ng amihan ang simponya nang mga alon, Sa aking bawat singhap ay ang sabayang pag ugoy ng mga dahon, Nawili ang aking mga mata sa kahel na illusyon ng mga alapaap, Tila isang pinturang guhit ng mga lambana na sa aki'y mainit na yumayakap.

Sa paghagip ng aking balintataw sa kahel na kaulapan, Aking alaala ay pumapagaspas patungo sa aking mga nangungulilang ngiti, Naalala ko ang bukang liwayway ng Maynila, aking munting tahanan Ang aking pahinga at kinagisnan, aking lugar na minimithi

MARAHUYO

Sa aking huling hininga, alaala mo’y aking dulong pahina, Patungong langit at kawalan, iyong kahel na pangungusap ay akin nang iwiwika

VISAYAS

VISAYAS 24 Source|FreeWorldMaps

Mabisang Binisayang Saya ni JOSHUA NOCON, 12 ST. MUTIEN MARIE 25

manok; lahat ay nagmula sa kultura at tradisyon na itinatag ng mga Bisaya. "Bisaya" rin ang madalas na tawag sa wikang Cebuano at maaari itong magdulot ng pagkakalito dahil mayroong iba pang wika sa Visayas na tinatawag ding “Bisaya,” ngunit ang wikang Cebuano ang pinakamarahil na tinutukoy kapag may nagsabi ng salitang “Bisaya.” Ang wikang ito ay madalas na ginagamit sa panitikan noon, at ngayon nama ’ y ginagamit sa komunikasyon sa iba’t ibang klase ng media ng higit dalawampung milyong tao sa Pilipinas. Marami rin sa mga pinakakilalang lugar sa Pilipinas ay matatagpuan sa Kabisayaan. Nang hindi kinakailangang lumabas nang Visayas, makakapunta ka sa kaakit-akit na islang kilala sa buong mundo, Boracay; sa magandang tanawin ng Bohol na Chocolate Hills; at pati na rin sa marikit na Gigantes Islands sa Iloilo. Kahit na may mga bagay na malabo tungkol sa Visayas, katulad ng tunay nitong etimolohiya at ang kalituhan sa pangalan ng wika, kasing linaw naman ng karagatan na nakapaligid sa mga islang ito na ika’y tiyak na sasaya kung ika’y sa Visayas pupunta Ang katagang “Bisaya,” na nagmula sa Visayas o Kabisayaan sa Tagalog, ay maaring tumukoy sa mga taong Bisaya, sa wikang Bisaya, o sa mga isla ng Visayas. Bukod sa pagkakapareho sa pangalan, pinagkakaisa din sila ng taglay nilang saya. Bagamat ang etimolohiya ng salitang “Bisaya” ay hindi tiyak hanggang ngayon, mayroong mga tanyag na espekulasyon. Isa sa pinakalaganap na haka haka ay ang ideyang nagmula ito sa salitang “Srivijaya” dahil ang mga taong Bisaya noon ay pinaka marahil na dayuhan mula sa imperyang ito o kaya’y nasakop nito. Mayroon ding nagsasabing mula ito sa mga katutubong Bisaya ng islang Borneo, habang ang iba naman ay nagsasabing nagmula ito sa pagsabi ng isang sultan ng “Bisai-yah!” noong siya’y unang mapadpad sa Kabisayaan na nagpapahayag ng kamanghaan niya sa kagandahan nito. Ano man ang tunay na kahulugan ng salitang “Bisaya,” isang bagay lamang ang sigurado; ang Bisaya ay tunay ngang masaya. Maraming tradisyon na dahilan ng kasiyahan ay mula sa Visayas, tulad ng mga sayaw na itik itik at tinikling, mga kapistahang ati atihan at sinulog, at pati na rin ang pagkaing espesyal sa karamihan, ang Inasal na

Ang pangalan ng Sinulog Festival ay mula sa salitang sinulog na ibig sabihin ay “magandang sayaw ” o kaya “graceful dancing” sa Ingles. Ito ay ginagawa tuwing ikatlong Linggo ng buwan ng Enero. Ang kasaysayan ng pagdidiwang na ito ay nagmumula pa noong 1521. Ito ay dahil binigay ni Magellan ang ang Santo Niño de Cebú kay Rajah Humabon ng Cebu noong mga panahon na iyon Ang pagdidiwang ay may relasyon sa Kristiyanismo ng Pilipinas dahil ang pagdidiwang ay may kasamang mga dasal ng pasasalamat at debosyon sa Santo Niño Ang grand street parade ang pangunahing atraksyon ng Sinulog. Dito pinapakita ng mga taga Cebu ang kanilang mga sayaw, sining, at musika Sa masayang araw na ito, pwede kang gumawa ng iba’t ibang aktibidad katulad ng panonood sa fireworks, pagsasama sa prusisyon, at paglilibot ng Cebu.

Ito ang mga sigaw na maririnig kapag Sinulog Festival Kasama sa mga sigaw na ito ang musika ng mga tambol at trumpeta na may kasamang pagsasayaw ng mga taong na may mga makukulay at engrande na kasuutan Sa mga piyesta, siyempre may handaan na punong-puno ng mga masasarap na pagkain. At ‘wag na ‘wag nating kalimutan ang pangunahing atraksyon ng piyesta ang Santo Niño! Ang pagdiriwang na ito ay pinupuntahan ng mga tao mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Pinoy man o hindi, lahat ay namamangha sa mga kaganapan nito. Dahil sa ganda at kahalagahan nito sa kultura ng Pilipino, tinatawag ito bilang “Mother of all Festivals.”

Walang duda na ang Sinulog Festival ay isa sa pinakama gandang pagdiriwang na sumisimbolo sa kultura, tradisyon, at paniniwala nating mga Pilipino. Ang piyesta ay sumasakop sa maraming aspekto ng pagiging Pilipino, mapa-pagkain man, sayaw, musika, o kahit ano pa; ramdam na ramdam talaga ang pagka-Pilipino. Sa buwan ng wika, huwag nating kalimutan ang mga bagay na nagpapakita na tayo ay Pilipino. Ipagmalaki natin ang Pilipinas at ang pagiging pinoy natin! Sabi nga nila ‘diba, “It’s more fun in the Philippines!”

“Viva Santo Niño! Viva!” ni RAJ REMMOR CRUZ, 8 ST. STEPHEN

26 Source|PhilLife

Unang tapak ikaw ay mamamangha sa salubong at sa kagandahan ng mga taong iyong makikita! Kultura at tradisyon ng mga Kabisayaan kasing ganda ng kanilang kapaligiran! “TAPAK” ni Benedict Barbuco, 10 St. John 27

Isang isla sa kabisayaan, Isa sa mga paborito ng mga dayuhan Kay gandang tubig at lupa Maghihintay ka pa ba? Halina sa Leyte, ‘Wag kakalimutan si kuya’t ate! ‘Di bale na kung eroplano o barko, Basta magkakasama tayo! Daanan natin ang tulay ng San Juanico Paki kuha na din ng litrato ko, At ‘wag natin kalimutan si MacArthur memorial Bilis! Wag na tayo magbagal Siyempre, ‘di dapat natin palagpasin ang Kalanggaman, Ang Buhanging kay puti at tubig na kay yaman. ‘Wag kang malungkot kapag tayo’y paalis na Babalik naman tayo eh, kahit bukas pa! Laging Leyte! ni Ethan Nivera, 10 - La Salle 28

Kagandahan ay nakikita sa bawat iskinita Kahit saan ka magpunta Ika’y matutulala sa ganda! Kagandahan ay naririnig sa gabi kahit ika’y nakapikit. Payapa’t preskong hangin ang sasalubong sa’yong paligid. “KAGANDAHAN” ni Benedict Barbuco, 10 - St. John 29

A - ng Bohol na kilala sa hitik na bilang ng chocolate hills at tarsiers Y akag nito’y sa mga turistang naghahanap ng sulit at murang pasyalan ay sadyang kanais-nais sa ating mga umiibig pumunta.

S a Alona beach sa Panglao naman ang isa sa pinakamagandang puntahan; bukod sa ito’y malapit sa ito’y isang pampublikong dalampasigan na hitik sa masasarap, sariwa, at murang pagkain! Unang destinasyon nito ay ang Virgin Island kung saan mapayapang makakakain ng sariwang lamang dagat habang pinagmamasdan ang kagandandahan ng tanawin nito. Sa pahingahan naman ay hindi magpapahuli ang Natura Vista sa pagbibigay serbisyo at tuluyan sa mga turistang bibisita.

V- isayas ang gitnang bahagi ng Pilipinas I to’y binubuo ng anim na libong pulo

paliparan,

VISAYAS ni Trisha Ilar, 10 - St. La Salle 3031

S a lugar na ito’y matatagpuan ang Bohol

A ng Bohol rin ay hitik sa yamang tubig at malaparaisong lupa na kaayang-ayang sisirin at tuklasin. Alam mo ba na ang Bohol ay napasama sa listahan ng World’s Best Dive Spots sa kagandahan at kalinisan ng mga dagat rito?

MINDANAO MINDANAO Source|FreeWorldMaps 31

ni AMEERAH SALAHUDDEN, 10 - ST. LA SALLE MARANAO PRIDE (Lanao Del Sur)

Source|Daniel'sEcotravels,MSUIIT,LanaoDelSur 32

Ang Lanao Del Sur ay isang probinsya na matatagpuan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ang kapital nito ay ang Marawi City at mayroon itong 39 na mga munisipalidad. Ang halos karamihan ng mga naninirahan dito ay mga Muslim, partikular ay ang mga Maranao. Ang mga Maranao, kahit noon pa mang unang panahon ay mayaman na sa kultura: mapa-sining, mapa-tradisyon, mapapagkain, at marami pang iba! Katulad ng iba pang mga probinsya, may ipagmamalaki rin ang Lanao Del Sur sa mga tanawin na tampok na tampok dito. Ang isang halimbawa na nga rito at ang pinakasikat ay ang Lake Lanao o tinatawag ng mga lokal na “Lake Ranao,” kinilala bilang isa sa mga ancient na lawa sa Pilipinas. Ang Lake Lanao ay ikalawa sa pinakamalaking lawa sa buong Pilipinas kasunod ng Laguna De Bay. Ang Lake Lanao rin ay ang pinagmumulan ng tubig para sa agrikultura at kabuhayan ng mga nakatira roon. Maraming mga isda ang pwedeng mahuli dito, kaya hindi rin nakapagtataka na maraming mamamayan sa Lanao Del Sur ang kabuhayan ay pangigisda, gayong kung titingnan mo naman sa mapa ay pinalilibutan ang lawa ng mga lungsod.

Hindi rin magpapahuli ang mga pagkaing gawa at mula sa mga Maranao. Ang halimbawa ng pagkain na sikat dito ay ang Pater. Ang Pater ay isang pagkain na nakabalot sa dahon ng saging, nakapaloob dito ay kanin at ang shredded na karne o manok. Ang pagkain na ito ay mura, nasa 10 30 pesos lamang pero ikaw ay mabubusog na! Alam niyo rin ba na ang mga Maranao ay karaniwang sanay na nilalagyan ng turmeric products o hinahaluan ng Palapa ang kanilang kinakain? Ang isa sa mga ginigisa kasama nito ay ang Sakurab na mahahanap at makikita mo lamang sa lungsod ng Lanao. Sa mga Maranao, iniingatan at pinapahalagahan nila ang kanilang Sultanato na ipinapasa henerasyon hanggang henerasyon at patuloy pa ring binubuhay gaya nang pagluklok sa trono ng mga Sultan, Datu, at Bai a Labi. Sa Lanao, ituturing na mga royal bloods ang mga nabanggit. Sila'y nagsisilbing mga sanggunian at tagapamayapa ng mga sigalot o hidwaan sa pamilya o komunidad. Marami pang puwedeng tuklasin Lanao Del Sur, at pasilip lamang iyan sa kanilang natatanging yaman sa kultura at tradisyon.

Source|AboutCagayandeOro,TheNotSoCreativeCook 33

Tayo'y Pupunta Sa Davao Tol, gumising ka na At tayo'y pupunta sa Davao Tol, mag impake ka na At tayo'y pupunta sa Davao Halina't akyatin ang Bundok Apo Na may taas ng tatlong kilometro Durian ay ating kainin Amoy ay matapang ngunit masarap Aking kaibigan… Gumising ka na; At mag-impake ka na Dahil tayo' y pupunta sa Davao ni Alphonse Viador, 10 St. John 34

L A N A O Lungsod ng Lanao, Ikaw ay mapapa-wow Gandang Mindanao. ni AmeerahSalahudden,10 St.LaSalle Maglakbay tayo, Halina at dumayo Papuntang timog. T I M O G ni AmeerahSalahudden,10 St.LaSalle 35

PALAOT; ANG AKING ALPAS

36

Bulong sa'kin ng hangin ang pagbabalik ng mga kapitan ng karagatan, Maliliit na yapak ang dinig nang buhangin sa aking pagtakbo tungong daungan, Dala nila ay ang biyaya ng dagat na regalo ng mahabaging diyos na naghahari, Jesus man o Allah ang kanilang sinasamba, parehas na ngiting tagumpay parin ay tanging sa kanila’y di mawawari, Sa abot ng takipsilim, kita ko ang mga naglalakihang pamariles, Mga gintong yaman ng karagatan, higit pang halaga sa kumikinang na diamantes, Mga along hindi mapatag ngunit kahit sa gayon ang kanilang awit ng kapayapaan, Higaang bughaw na tanawin, ang sa aking pusong tanging kandungan. Simula aking pagkabata, wika na ni nanay ang sigaw ng pag-iingat at pariwala, Pahiwatig nya sakin ang katagang “bughaw at pulang tubig ang bumabalot sa ating lupaing dukha” Ngunit di kukupas ang aking pagkabighani sa sagisag mong bughaw na kawalan, Sa kanilang bawat palaot, naniniwala akong ito’y tungo sa alpas nang hidwaan. ni Joana Frando, 11 St. Benilde

Ibang Banda ng Mindanao Pangatlong pulo Parating naririnig May away pero… Alam mo ba na…? Ito’y tinaguriang Pangakong Lupa Maiihandog Hitik sa paraiso At mapagkukunan Nakakamangha Maraming tabing-dagat Punta’t mag-explore! ni Trisha Ilar, 10 St. La Salle 37

by: Lakbay Creatives Team

38

OBRA OBRA

39

40

41

42

43

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.