EP Zine - August 2024 Volume 2

Page 1


VOL 2. SAMO'T SARING WIKA SA BUWAN NG MGA WIKA

SAMO'T SARI

EP Zine Vol. 2

ALL RIGHTS RESERVED.

This publication may not be reproduced or transmitted in any form or by any means-whether virtual, electronics, mechanical, or photocopying without prior written permission of the copyright holder.

AUTHOR

Jed Nykolle Harme

ARTISTS

Beato Dela Cruz

Alexander De Juan

Nina Kriselle Ibardolaza

Kate Arcenio

Merielle Ingrid Ilejay

Ishie Factolerin

Published in August 2024

Pabatid ng Ed

Ang wika, higit sa pagiging isang simpleng kasangkapan ng komunikasyon, ay isang paglalarawan ng kultura, pagkakakilanlan, at pamana. Ang mga wika, gaya ng Akeanon, ay nagiging mga tangke ng tradisyon at alaala. Kapag ang isang wika ay napabayaan, hindi lamang mga salita ang nawawala, kundi buong mundo ng pangunawa.

Ang wika rin ay susi sa pagbubukas ng kultural na pagkakaiba-iba. Bawat wika ay nagpapakita ng isang natatanging perspektiba sa buhay, isang kakaibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon, kaisipan, at ideya. Sa pamamagitan ng linguistic diversity, nababatid natin ang iba't-ibang pananaw, pinayayaman nito ang ating pang-unawa sa kalikasan ng pagkatao.

Ang wika rin ay tibok ng puso ng mga komunidad. Nagbibigay daan ito para sa epektibong komunikasyon sa mga kasapi, na nagpapalakas ng pagkakaroon ng pagkakakilanlan at pagkakaisa. Ang isang magkakasamang wika ay nagbibigay-buhay sa mga ugnayang hindi lamang umiikot sa mga salita, kundi sa pagpapalago ng ugnayang panlipunan at pagkakaunawaan. Sa pamamagitan ng pagpapreserba sa ating mga wika, pinatatibay natin ang mga sinulid na nagtutulay sa ating lipunan.

At alam kong hindi ito nananatili sa iisang anyo; nagbabago ito sa paglipas ng panahon, at umaangkop sa mga bagong salita at ekspresyon. Ngunit, sa pamamagitan ng paggamit mo nito araw-araw, natitiyak mong kabahagi ka sa pangangalaga ng mga lingguwistikong kayamanan.

Hambaea eang, ro anwang gaeugaeog sa euganeugan.

MGA NILALAMAN

01, 02, 09, 11, 14, 17

AKLANON TONGUE TWISTER

03, 04, 05, 06

BALARILA TIPS

07, 08, 10

AKLANON SAWIKAIN 101

12

TULANG AKLANON PARA SA MGA BATA 15

AKLANON CHANT 13, 16

AKLANON POETRY

“mainit it dapa-dapa"

Ano nga ba ang pinagkaiba

ng may sa mayroon?

MAY

Ginagamit kapag ang sinusundan ay pangngalan, pang-uri, at pandiwa.

Halimbawa: may aaminin ako.

MAYROON

Ginagamit sa pagtatanong at pagsagot.

Halimbawa: mayroon ka na bang gustong iba?

sundin

nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral (sundin ang payo)

sundan

nangangahulugang gayahin ang ginawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba

Kung pinagsamang na at ang , na at ng , o ng na at na

Pantukoy ng pangalan. Obhetibo (tinamaan ng topak)

Pagpapahiwatig ng pagmamay-ari (bilin ng nanay)

na+ang / na + na = nang

Tumigil ka NANG umasa sa kaniya.

nang = noong

Napatigil siya NANG makitang may iba na si Onyok.

nang = upang, para Magpapansin ka NANG may magandang mangyari sa lovelife mo.

Nagsasaad ng paraan o sukat

Minahal niya NANG buong puso si ano, tapos niloko lang siya.

Pang-angkop ng pandiwang inuulit

Umaasa kasi NANG umaasa sa hindi naman siya gusto.

Sinusundan ng pangngalan o pang-uri

Nagsend ka na ba NG mensahe sa kaniya sa NGL?

Paano mo gagamitin mo nga sa pangungusap ang NG at NANG?

ugabhang da ueo

sawikain na naghahambing sa ulo ng isang tao sa isang napakagaspang na balat ng palay at tumutukoy sa isang taong bobo o walang alam.

“tubi pa”

sawikain na may salin na “tubig pa lang” at tumutukoy sa isang taong hindi pa handa o nararapat sa isang trabaho o posisyon.

“Gaigo ngani ro bunga it talisay sa pitong magmanghod”

kasabihan ng matatanda na binabanggit kapag kaunti ang pagkain at kailangang paghati-hatian.

“kueang it sang ilos

sawikain na “kulang ng isang sandok” at tumutukoy sa isang taong baliw.

“mabaho it saeong”

sawikain na tumutukoy sa isang taong kulang sa pakikitungo sa kapwa

“malambot ang ilong” ay tumutukoy sa isang taong madaling mapaniwala “mahumok it ilong”

ang pagpaliban ng isang gawain (procrastination); tinatawag ding pabuyanbuyan o pabuwas-buwas. yueyaw-ana

“may mansa ro dungog”
“may

bahid ang pagkatao.”

nagsinoe-ok it bahae, ro hilong nagwinakae, nahueog sa kanae

"mabaho it saeong"

sawikain na tumutukoy sa isang taong kulang sa pakikitungo sa kapwa

“may mansa ro dungog”
“may bahid ang pagkatao.”

Abo nga bokbok ro gabok nga baeayan it eangban.

- Beato Dela Cruz

Ay rang itlog magakaeabuka.

Sabat ku manok nga sueog Sa munga nga nagasuob, “Indi ka magpueopanaog, Ay rang itlog gabilinaog."

"Una eang ikaw sa silong," Tugda ku mungang nagaeumeom, "Sa unahan ka maduhong-duhong, Ag igto ka magtukturuok."

- Beato Dela Cruz

binaearong it pukoe ro bungkoe, mabahoe ra bukoe.

BakaAlaBaka

Baka ala baka, Ueo ako it baka; Ginausoy ko ro baka, Nga number 1.

Ang chant na ito ay patuloy na sinasambit ng mga bata na inuulit ang unang tatlong linya, saka kumakanta ng "Nga number 2", "Nga number 3", at iba pa.

Pinagmulan: Lourd Mikhael G. Meñez.

ay tumutukoy sa taong madaling mapaniwala “mahumok it ilong”

Si Jed Nykolle Harme ay isang mag-aaral ng BS in Agriculture Siya ay aktibong miyembro ng The Aklan Literati at Linangen sa Imahen, Retorika, at Anyo na pinamumunuan ni National artist Virgilio Almario Ang kanyang mga akda ay nailathala sa iba't-ibang bansa sa Asia Pacific Region, Singapore, at sa London UK Kapag hindi siya busy sa pagsusulat ng artikulo o sa paghahanda ng kanyang kape, sumusulat siya ng mga tula upang ayusin ang kanyang mga kaisipan at karanasan. Naniniwala siya na ang pag-ibig ay maaaring maging isang biyaya at sumpa. Maaring hanapin siya sa Instagram sa @nyxxnykolle.

Si Kate Jasmine S. Arcenio ay isang mag-aaral ng BS Biology sa Aklan State University. Kasalukuyan siyang cartoonist ng Eamigas Publication. Ang paunang karanasan niya ay ang paglahok sa mga patimpalak sa sining na nagbigay daan sa kanyang pagkakaroon ng malalim na interes dito. Bukod sa pagguhit ay hilig niya rin ang pagbabasa at panonood ng series. Sa kanyang pananaw, ang pagtanggap at pagmamahal sa mga pagsubok at hamon ng buhay ang nagbibigay-daan sa tunay na pag-unlad at tagumpay.

Si Merielle Ingrid Ilejay ay isang magaaral ng BSEd Major in English. Siya ay Editorial Cartoonist sa Eamigas Publication. Bukas ang kaniyang art commission upang mapagkakitaan ang kaniyang mga likha. Mahilig rin siyang magbasa ng mga likha ni E.A Poe at ang paborito niyang linya ay: "Words have no power to impress the mind without the exquisite horror of reality". Bisitahin ang kanyang portfolio : https:// merielleportfolio carrd co

Si Niña Kriselle Ibardolaza ay isang nursing student ng Aklan State University Siya ay ang Sci-tech editor at ang graphic illustrator ng publikasyong Eamigas. Ang kanyang mga likhang sining ay ipinakita sa 27th Conference of the Parties of the UNFCCC sa Egypt, at sa UP Diliman College of Science noong nakaraang taon 2022 Siya ay isa sa mga kabataang nagtataguyod ng katarungang panlipunan at hustisya sa klima. Mahilig siya sa mga tula at manood ng TedTalks. Naniniwala siya sa kasabihan na kapag hindi na natin mababago ang ating mga kalagayan, hinahamon tayong baguhin ang ating mga sarili.

Si Ishie Factolerin ay isang mag-aaral ng kursong BA in English Language Studies. Siya ay pinanganak at lumaki sa Aklan, mula pagkabata nadiskubre na nito na siya ay may puso sa sining. Sa ngayon, madalas niyang ibinabahagi ang kaniyang sarili at kakayahan sa pamamagitan ng aktibong pag boboluntaryo sa mga organisasyon at aktibidad tulad na lamang ng Eamigas, Sangguniang Kabataan, at marami pang iba. Bilang libangan, madalas na ang kaniyang oras ay iginugugol nito sa pakikinig ng mga kanta ni Taylor Swift, Panonood ng dokumentaryong likha ng Vice Asia, at pakikinig sa iba pang artist

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.