

30% o 300 malnourished students, naitala; guro, administrasyon, nagpahayag ng pag-aalala Bryan Lee Fontelo

atay sa BMI report ng mga class advisers sa lahat ng baitang, mahigit kumulang 300 ang itinuturing na malnourished students.

30% o 300 malnourished students, naitala; guro, administrasyon, nagpahayag ng pag-aalala Bryan Lee Fontelo
atay sa BMI report ng mga class advisers sa lahat ng baitang, mahigit kumulang 300 ang itinuturing na malnourished students.
“Ayon kay Principal III Wilfredo A. Sobretodo, “Mahalaga na mabigyan natin ng tamang nutrisyon ang ating mga mag-aaral upang masiguro ang kanilang kalusugan at tagumpay sa pag-aaral. Patuloy kaming maghahanap ng mga paraan upang matugunan ang problemang ito.”
Grade 8, tatlo mula sa Grade 9, dalawa mula sa Grade 10, isa mula sa Grade 11, at apat mula sa Grade 12.
Ang pagtaas ng dropout rate ay isang seryosong usapin na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa pamunuan ng paaralan at mga magulang.
Batay sa mga guro, ang mga dahilan sa likod ng pagtaas na ito ay batay sa iba’t ibang salik.
bilang ng mga estudyanteng nag-dropout at masiguro ang kanilang patuloy na pag-aaral at tagumpay sa hinaharap.
“Nakababahala ang pagtaas ng Dropout Rate sa nagdaang school year. Sisiguraduhin namin kasama ang buong paaralan na mapapababa ito ngayong taong panuruang ito,” ayon kay G. Wilfredo A. Sobretodo, punongguro ng paaralan.
SARDO ngayong taon, patuloy na tumataas
atuloy na umaangat ang bilang ng mga Student-at-Risk of
Dropping Out (SARDO) sa pagtatapos ng una at ikalawang markahan ng taong panuruan 20242025.
Batay sa statistics paglipas ng dalawang quarter, umabot sa 17 na magaaral ang tumigil sa pag-
Labintatlo sa 17 na SARDO ay mula sa Junior High School Department na may siyam sa mga ito ang lalaki at apat naman ang mga
Habang apat naman ang mga SARDO mula sa Senior High na kung saan tatlo sa mga ito ay lalaki at isa ang babae.
“Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na pumapasok ang isa sa mga mag-aaral ko dahil palagi na lang daw itong naglalaro ng kompyuter batay sa kaniyang mama,” ani Gng. Richel Siete, Grade 9 Adviser.
1 sa 20 mag-aaral, palaging late; Tardiness, nanguna bilang pangunahing dahilan ng pagpapatawag sa Guidance Office
Elaine Mae Seronio
“Sinabi ko raw na gusto akong kunin ng mga engkanto dahil nagkagusto raw sila sa akin, dahil maganda ako.
ang tardiness o pagiging late sa paaralan bilang pinakapangunahing dahilan ng pagpapatawag ng mga mag-aaral sa Guidance
Office sa first semester ngayong taon batay sa datos ng kasulukuyang designate guidance counselor ng paaralan na si Gng. Charym Labarda.
“Marami-rami na ang naipatawag sa aking opisina. Karamihan nito ay dahil sa absenteeism, misconduct behavior, at tardiness,” ayon kay Gng. Labarda.
Batay sa kanyang tala, nangunguna ang tardiness na may 23 mag-aaral na ang naipatawag dahil rito.
Pumapangalawa naman ang misconduct behavior na higit 17 mag-aaral.
Habang pumapangatlo naman ang abseenteism na may 4.
Samantala, pinaalalahanan niya ang mga mag-aaral na hindi dapat katakutan ang maipatawag sa kanyang opisina.
“They were always afraid. Guidance office is for all learners who need someone to listen for theirs sentiments, dramas and problems. I’d like to clear their minds that Guidance Office is not only for correcting every misbehaviors but also for mental health of the learners,” ani Gng. Labarda.
Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur – Noong ika-29 ng Setyembre 2024, isang kakila-kilabot na insidente ang naganap sa BSP
Camporal na nagdulot ng takot at pag-aalala sa mga dumalo.
Pasado alas-otso ng gabi hanggang alas dos ng umaga, humagulgol sa iyak ang isang scout habang sinasapian ang kanyang kapatid na si Alyas Maria, isang babaeng scouter.
Ayon kay Maria, wala siyang maalala sa mga nangyari.
“Ang naalala ko lang, nalilito ako bakit nandoon na sina mama at papa at nagtanong ako kung bakit nasa first floor na ako kasi nasa second floor kami natulog eh. Nagtataka ako na wala akong tsinelas at may suot akong pants na hindi sa akin,” ani Maria.
Dagdag pa niya bago pa man mangyari ang insidente, nagreklamo na si Maria sa mga SPL na hindi na siya komportable sa tinutulugan nila dahil may nakita siyang babae na may mataas na buhok at nakasuot ng puti noong unang gabi.
“Hindi ko lang pinagsabi kasi baka matakot sila at hindi na matulog doon,” dagdag niya.
“Nung lumabas kami, hindi ko alam bakit bumalik ako sa room. Hindi ko na kontrol yung katawan ko at parang hindi ako makahinga at bigla akong natumba. Buti na lang nandoon yung isa kong kaibigan at sinalo niya ako,” kwento ni Alyas Maria.
Sa kabila ng mga pangyayari, patuloy na nagtataka si Maria sa kanyang katawan na tila hindi na niya makontrol. “Parang hindi ko na magalaw at nanghihina ang baga ko,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Sinabi ko raw na gusto akong kunin ng mga engkanto dahil nagkagusto raw sila sa akin, dahil maganda ako.”
Ayon kay Nick Lawrence J. Suico, Senior Patrol Leader, “Sa gabing iyon, talagang nakakatakot ang mga
pangyayari.
“Bilang Senior Patrol Leader at Preacher ng simbahan, sinubukan kong magdasal at humingi ng gabay mula sa Diyos para sa kaligtasan niya.”
“Nakita ko kung paano siya naghirap at kung paano siya pinigilan ng mga kasama namin upang hindi siya makasakit ng iba o ng kanyang sarili. Ang mga ganitong insidente ay nagpapakita ng kahalagahan ng pananampalataya at pagkakaisa sa mga ganitong sitwasyon,” dagdag niya.
“Habang nagdarasal kami, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon at ang pangangailangan ng bawat isa na magtulungan. Hindi biro ang makita ang isang kaibigan o kasamahan na nahihirapan at tila wala sa kanyang sarili,” sambit niya.
“Ang mga ganitong karanasan ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya at suporta mula sa komunidad. Patuloy kaming magdarasal para sa kaligtasan at kapayapaan ng lahat, at sana ay hindi na maulit ang ganitong insidente,” kuda ni Nick Lawrence.
Ayon sa kaniyang kuya, “Ang naramdaman ko po ay labis na pagkalungkot at pag-aalala dahil hindi ko po inaasahan na ganyan ang mga pangyayari sa event na iyon. Noong nagaganap pa ang kababalaghan na iyon, hindi ko po ma unawaan ang aking pakiramdam at wala po talaga akong naisip na gawin dahil sa pag-aalala na baka malagay sa panganib ang buhay ng Kapatid ko.”
“Gayumpaman, labis akong nagpapasalamat sa Panginoon at sa lahat ng tumulong sa aking kapatid dahil naging ligtas at maayos na aking kapatid,” dagdag pa niya.
Bryan Lee Fontelo
Inilunsad ng paaralan ang Computer Services Strand bilang dagdag na strand
sa Senior High School para sa pagsisimula ng taong 2024-2025.
Ayon sa punongguro na si G. Wilfredo Sobretodo, ang pagdaragdag ng CSS ay tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mga propesyonal na may kasanayan sa teknolohiya at computer science.
“Nais naming bigyan ng mas maraming pagpipilian ang aming mga mag-aaral at ihanda sila sa mga trabahong may kaugnayan sa teknolohiya,” ani Ginoong Sobretodo. Bukod dito, ang RMNHS ay may maayos at maaliwalas na computer laboratory Samantala, nadagdagan naman ang mga bagong laptop na bigay mula sa Kagawaran ng Edukasyon upang masiguro na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sapat na resources para sa kanilang pag-
aaral.
“Malaking tulong ito sa aming mga anak, lalo na sa mga nagnanais na magtrabaho sa larangan ng teknolohiya,” sabi ni Mrs. Emelie Ondo, isang magulang.
Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng CSS, ang RMNHS ay patuloy na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at paghahanda sa mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Piling mga estudyante, dumalo sa Mental Health Culmination; RHU, binigyang-diin ang kahalagahan ng Kalusugang
Seminar ang 40 mag-aaral ng Ramonians upang mapalawak ang kanilang kamalayan
Dumalo ang mga mag-aaral sa matagumpay na kulminasyon sa pagdiriwang ng Mental Health Month noong Oktubre 31, 2024 na pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU). harapin ang mga problema. Masaya ako dahil natutunan namin kung paano i-handle ang sarili sa mga problema,” ayon kay Maica Lalim, Grade 12 - HUMSS.
Ang naturang aktibidad ay may layuning palakasin ang kamalayan ng mga kalahok sa pagpapahalaga sa kanilang kalusugan sa pag-iisip at pag-iwas sa mababang kumpiyansa sa sarili.
“Nakapaglabas kami ng aming saloobin, at natutunan namin kung paano kilalanin ang aming sarili at
Sa umaga, nagkaroon ng mga aktibidad na nagbigay-daan sa mga kalahok na maipahayag ang kanilang nararamdaman at
matutuhan ang mga paraan kung paano harapin ang mga problema upang maiwasan ang anxiety.
Sa hapon naman, sumali rin ang mga magulang sa programa at namahagi ng mga giveaways o tokens sa mga estudyante.
“Ilan sa mga estudyante ay ‘Low self-esteem, ito ay nakakabahala sa ating mga batang estudyante, Malaki ang aking pasasalamat sa Rural Health Unit dahil umuwi silang puno ng kumpyansa sa sarili at kasiyahan,” ani Gng. Charym Labarda, Designate Guidance Counselor.
Isang malungkot na balita ang bumalot sa Ramon Magsaysay National High School (RMNHS) at sa buong komunidad nito matapos pumanaw si G. Alex Ley Damalerio, guro sa Senior High School. Bryan Lee Fontelo
Ayon sa kinauukulan, siya ay pumanaw nang madaling-araw noong ikalawa ng Agosto, 2024. Ang kanyang biglaang pagpanaw ay nagdulot ng matinding kalungkutan at pagdadalamhati sa mga mag-aaral, guro, at mga kaibigan.
Si Ginoong Alex ay isang respetadong guro at tagapayo ng SSLG sa paaralan.
Kilala siya sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo at sa kanyang malasakit sa mga magaaral.
Ngunit marami ang nagulat at nalungkot sa balitang ito, lalo na ang mga estudyanteng kanyang naturuan pati na rin ang mga kasamahang guro.
“ Hindi lamang siya isang guro, kundi isang kaibigan at mentor sa aming lahat. Malaki ang kanyang naiambag sa aming paaralan at sa aming mga buhay,” ani ni Wilfredo A. Sobretodo, Punongguro ng paaralan.
Dagdag pa niya, “Ang kanyang alaala ay mananatili sa aming mga puso.”
Ang mga mag-aaral at guro ay nag-alay ng
Nabalot ng kontrobersiya ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Setyembre 3, 2024 matapos magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan
ng mga G11 na Lakan at Lakambini, guro at ng kanilang floor director na si Ginoong Venz Kyrie Omboy.
Ayon kay Ginoong Omboy, hindi nasunod ang tamang bilang ng mga hakbang sa kanilang pagtatanghal ng Singkil, isang tradisyunal na sayaw ng mga Muslim.
“Nilabag nila ang counting na dapat sundin. Ang dapat counting nila is 32 counts tapos ayon sa kanilang handler na huwag daw silang makinig sa counting namin,” ani Ginoong Omboy.
Dahil dito, napilitan siyang patigilin ang musika, na nagdulot ng kalituhan sa mga mananayaw at sa mga manonood.
Sa kabila ng insidenteng ito, ipinahayag ni Ginoong Omboy na natuto siya mula sa pangyayari.
“As a floor director, I was very devastated that time,but I know my mistakes and I’ve learned from it. I learned about their culture,” dagdag pa niya.
Samantala, ipinaliwanag ni Alyas Juan, kalahok mula sa Grade 11, na sinunod lamang nila ang itinuro ng kanilang tagapagsanay.
“Sabi kasi ng handler namin na hindi kami susunod sa aming Floor Director. Kung ano raw yung aming napractice, ‘yun ang aming gagawin,” ani Alyas Juan.
Humingi rin siya ng paumanhin kay Ginoong Omboy sa nangyari.
Bagama’t nagkaroon ng aberya, naging matiwasay naman ang daloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Samantala, nagkaroon naman ng masinsinang pag-uusap ang bawat panig upang ayusin ang naging alitan sa palatuntunan.
Ang insidenteng ito ay nagbigay-daan din upang mas mapalalim ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, lalo na sa mga tradisyunal na sayaw tulad ng Singkil.
Sa huli, ang kontrobersiyang ito ay naging isang mahalagang aral para sa lahat ng kalahok, na ang bawat pagkakamali ay maaaring maging daan tungo sa mas malalim na pagkatuto at pag-unlad.
“Sabi kasi ng handler namin na hindi kami susunod sa aming Floor Director. Kung ano raw yung aming napractice, ‘yun ang aming gagawin.
School Supplies, ipinamigay; Ramonians, nag-abot
EDUKASYON. PAG-ASA. KINABUKASAN!
Naghatid ng pag-asa ang mga guro ng Ramon Magsaysay NHS sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral Kuha ni: Bryan Lee Fontelo
Nobyembre 11, 2024 - Abotlangit ang ngiti at tuwa ng mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay NHS matapos makatanggap ng school supplies na ipinamigay sa bawat isa.
Gamit ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget ng paaralan, nabigyan ng mga papel at ballpen ang lahat ng mga mag-aaral.
Ang pamamahagi ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng sapat na kagamitan para sa kanilang pag-aaral, lalo na sa mga nangangailangan.
“Ang layunin ng programang ito ay tiyakin na ang bawat mag-aaral ay may sapat na gamit upang sila’y magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Nais naming alisin ang anumang hadlang na maaaring makasagabal sa kanilang edukasyon,” ayon kay G. Aldwin Abalos.
Samantala nagpahayag ng pasasalamat ang mga nakatanggap ng mga papel at ballpen.
“Masaya ako dahil mayroon na akong bagong school supplies,” ani Hannah Lou Atopan, Grade 10.
“Nagagalak ako dahil nabigyan kami. Lagi kasi kaming nawawalan ng ballpen kaya laking pasasalamat namin ng binigyan kami isa-isa,” ayon naman kay Jenny A. Lalim, Grade 10.
“Meron na rin kaming mga papel, hindi na manghihingi ang aking mga kaklase,” dagdag niya.
Epektibong paggamit ng GPTA Contribution, ikinatuwa ng mga magulang
NHS, nagluksa
mga bulaklak at kandila sa harap ng kanyang lamay bilang paggunita sa kanyang buhay at serbisyo. Isang alay dasal rin ang idinaos sa paaralan upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa.
Ang pamunuan ng paaralan ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng isang guro.
“Ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo ay hindi malilimutan.
Siya ay isang inspirasyon sa aming lahat,” dagdag ni Ginoong Sobretodo.
PAG-ARARO TUNGO SA PAGBABAGO.
sa pag-aararo ang
Kalagayan ng palikuran sa RMNHS, inirereklamo ng mga mag-aaral, guro
Bryan Lee Fontelo
IIkinatuwa ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang wastong paggamit ng GPTA contribution sa pagsasagawa ng mga proyekto.
“Bilang isang magulang, labis akong nagpapasalamat sa PTA at sa lahat ng nag-ambag sa proyektong ito,” ayon kay Gng. Jocelyn Fontelo, magulang.
“Ang pagsesemento ng ground ay tiyak na magbibigay ng mas ligtas at masiglang kapaligiran para sa ating mga anak,” dagdag niya.
“Ang proyekto ng PTA ay isang inspirasyon para sa ating lahat. Ang pagsasaayos ng school ground ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga susunod pa,” ani Emilie Ondo, magulang.
Bilang isang magulang na may dalawang anak na nag-aaral sa RMNHS laking pasasalamat ko sa lahat ng nagbigay ng kanilang suporta at oras upang maisakatuparan ito,” kuda nito.
KONGKRETONG DAAN SA KAALAMAN. Gamit ang PTA Contributions, natugunan ang matagal ng dinaraing ng karamihan na
nirereklamo ng mga mag-aaral ang matinding amoy sa mga palikuran ng paaralan.
Ayon sa mga mag-aaral, ang mga palikuran ay madalas na walang sapat na tubig, may sirang mga gripo, at hindi regular na nalilinis.
“Mahirap gamitin ang palikuran dahil sa sobrang dumi at amoy,” ani Lourelle Fae Suco, Grade 10. “Nakahihiya at hindi komportable.”
Samantala, nag-aalala ang mga guro sa epekto nito sa kalusugan ng mga
“Ang ganitong kalagayan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit at impeksyon,” sabi ni Gng. Julie P. Dela Cerna, guro sa paaralan.
“Ang kalinisan at kalusugan ng aming mga mag-aaral ay aming prayoridad,” ayon kay G. Wilfredo A. Sobretodo, punongguro ng paaralan.
“Gagawin namin ang lahat upang masiguro na ang aming mga palikuran ay malinis at maayos na magagamit,” pagsisiguro nito.
8 sa 10 guro, di-pabor sa Revised Dress Code
Bryan Lee Fontelo
Nagpahayag ng pagtutol ang walo (8) sa sampung (10) guro tungkol sa ipinalabas na
Revised Dress Code ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga government workers, kasama na rito ang mga guro ng paaralan.
Elect GPTA Officers, SSLG, Isaysay, nanumpa; Plataporma ng mga lider, inilitag
Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nanumpa sa katungkulan ang mga bagong halal na opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Parent-Teacher
Association (PTA), at patnugutan ng Isaysay.
Nahalal bilang bagong SSLG President ang mag-aaral mula sa Grade 12 na si Nick Lawrence Suico habang mananatiling Pangulo pa rin ng Asosasyon ng mga Magulang at Guro si G. Marcelino J. Miñoza Jr.
Samantala, nanumpa naman sa katungkulan ang buong patnugutan ng Isaysay sa pangunguna ng kanilang Punong Patnugot na si Bryan Lee Fontelo.
“Plano naming SSLG na magtatag ng suggestion box upang makalapa ang mga suhestiyon, opinyon, at reklamo ng mga magaaral at mga guro. Layon din naming magpagawa ng flag banner ng paaralan bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng paaralan,” ayon kay Ginoong Suico.
“Mahalaga ang kontribusyon ng bawat magulang sa PTA para sa ikauunlad ng paaralan. Kaya, ang mensahe ko lang sa mga magulang lalo na sa mga hindi pa nakapagbigay, para matapos ang mga proyekto sa paaralan, sana ay maibigay na nila ang kanilang mga kontribusyon nang mas maaga,” saad ni G. Miñoza.
“Ang layunin ng iSaysay ay nais naming maging boses ng mga estudyante at maghatid ng mga kwento na magbibigay inspirasyon at kaalaman,” ani Ginoong Fontelo.
Nakasaad sa nasabing Revised Dress Code na kinakailangang magsuot ng mga guro ng ASEAN-inspired na damit sa ikaunang Lunes ng Buwan; Filipinianainspired na kasuotan naman tuwing ikalawa hanggang ikaapat na Lunes ng Buwan; agency-prescribed office uniform tuwing Martes hanggang Biyernes; at habang smart casual attire naman sa mga araw na walang agency-prescribed uniform.
Ngunit mariin itong tinututulan ng mga guro.
“It’s good for preservation and conservation of our culture by remembering or wearing traditional costumes,” ayon kay Bb. Lurielyn Mae B. Laurete, guro sa SHS.
“But then again, we are in a tropical country, okay sana kung air-conditioned ang mga rooms. We have also public schools in remote areas,” dagdag niya
“It would be nice, maybe this will be like once a month, either first Friday of the month or every last Friday of the month.” kuda niya.
“I would hope na kung magchange na naman ng uniform they will consider again the humidity, that we are a tropical country. Not just like na yung iba nakaaircon. Mas maganda pa ang uniforms ng mga non-teaching kaysa sa teachers na very init,” tumbok ni Bb. Laurete.
Guro, dipabor sa CSC Revised Dress Code
Patnugutan
BRYAN
IRENE
GERWIN TABANIA
JUICEL CRUZ
SHIJAN DEE CUENCA Mga Kartunista
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno at mga paaralan ang pag-awit ng Bagong Pilipinas Hymn at pagbigkas naman sa
Ayon sa memorandum, isasama ito sa mga aawitin tuwing flag ceremony kasama ang pambansang awit at himno ng bawat rehiyon. Kung babasahin ang liriko ng kanta, nakagagalak na isiping pinapahiwatig nito ang mga nararapat na tungkulin ng isang mamamayang Pilipino. Binibigyang-halaga rin nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagbabago sa bansa.
Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang hindi sang-
ayon sa pagpapatupad ng bagong himno at panunumpa. Mas mainam na bigyang-tuon ang mga problemang arawaraw na kinahaharap ng karaniwang mamamayang Pilipino.
Bukod pa rito, ang Pilipinas ay isa pa rin sa mga bansang may mataas na antas ng korapsyon, sa kabila ng mabubulaklak na salita ng mga politiko noong panahon ng eleksyon.
Kaya naman, walang halaga ang nilalaman ng himno at panunumpa kung hindi
natin ito maisasabuhay sa ating mga sarili.
Ang bagong himno at panunumpa ay hindi sapat sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.
Kung tunay ngang gusto nating makamtan ang “Bagong Pilipinas,” hindi himno o panunumpa ang dapat na baguhin kundi ang sistema ng bayan, kung saan ang boses ng mahihirap ay hindi naririnig dahil sa mga nakabibinging pangako ng mga namumuno.
Kawalan ng gym sa paaralan, tugunan
Nakababahala ang kawalan ng covered court sa paaralan.
Maraming mga magaaral ang dumaraing at nagsasabing nararapat magkaroon ng gymnasium sa paaralan, dahil kapag may mga programa o kompetisyong nagaganap, kailangan pa nilang pumunta sa Municipal Gymnasium.
Dahil dito, nahihirapan ang ilang mag-aaral na walang masasakyan, kaya’t naglalakad na lamang sila patungo roon.
Sa kabila ng kawalan ng gymnasium sa paaralan, nagtutulungan ang mga guro upang makahanap ng paraan na magkaroon ng masisilungan ang mga mag-aaral sa tuwing may gagawing programa sa paaralan.
Ngunit ang kanilang ginagawang paraan ay hindi sapat para sa mga mag-aaral. Dahil dito, naiinitan o nauulanan sila.
Maaari silang magkasakit dahil sa ulan o init na sa tuwing ginaganap ang mga palatuntunan kahit saan sa paaralan. Marami na ang dumadaing sa ganitong suliranin.
Panahon na upang ang administrasyon ay gumawa ng paraan at solusyon.
Maaaring makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga stakeholders upang ang matagal nang inaasam na gymnasium ay maisakatuparan.
HANAFIL ZAIRA MAE RAMOS
MARY MARGARET BUENAFLOR
RALPH JHAZTINE XZIANN LUBGUBAN
PRECIOUS KATE COLONIA
ZYRIEL ZEN JUMALON
LEAH A. ESPIRITU
LOURELLE FAE SUCO
JOERAM DELA PEÑA
Mga Radio-Broadcaster
RAMEL R. MIÑAO Tagapayo
WILFREDO A. SOBRETODO Punongguro
Marami ang nabahala nang nagsidagsa ang mga influencers at internet sensations na naghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy upang tumakbo sa nalalapit na eleksyon.
Nakatutuwang isipin na bukal sa kanilang loob ang magserbisyo sa bayan at tumulong sa mga nangangailangan. Bukod pa rito, nakapagbibigay din sila ng kasiyahan sa madla. Sa kabila nito, hindi pa rin sapat ang kabaitan upang pamunuan at mag-
ing sandigan ng isang bansa. Ang pamumuno ay isang responsibilidad na kinakailangan ng sakripisyo at prayoridad para sa kanyang nasasakupan. Hindi na bago ang ganitong senaryo kada-eleksyon. Marami sa atin ang bulag pa rin pag-
dating sa pagpili ng mga kandidatong iniluluklok sa pwesto. Mas nagiging basehan ng karamihan ang kasikatan at katanyagan ng isang pangalan kaysa tingnan ng kanilang plataporma para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan.
Ganitong mga
pangyayari ang isa sa mga rason kung bakit ang Pilipinas ay lugmok pa rin sa kumunoy ng kahirapan. Sa kabila ng mga politikong nangako ng daan sa masaganang bukas, tila baligtad naman ang nangyayari sa realidad ng bansa.
Kung nais nating makaahon sa sistemang humihila sa atin pababa, piliin natin ang mga lider na may sapat na kakayahang hatakin pataas ang bansang lunod na sa galon-galong putik ng pangako.
arami ang nawindang nang nagbatuhan ng maiiinit na sagutan sina Senator Risa Hontiveros at Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng senado sa proposed budget ng Office of the Vice President. Kasama rito ang 10 Million Proposed
budget ng OVP isang librong inakda ng Bise na pinamagatang “Isang Kaibigan” na siyang ipamimigay sa mga estudyante.
Kung babasahin ang nilalaman ng nasabing libro, nakatutuwang isipin na isinusulong nito ang importansiya ng pagtutulungan sa panahon ng unos. Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan na siyang makatutulong sa paghubog ng isipan ng mga bata.
Bagama’t mabuti ang nilalaman ng libro, kailangan nga ba ito ng mga bata sa paaralan? Alam nating napakarami ng libro ang hindi nagagamit sa panahon ngayon pagkatapos ng pandemya. Ilang pera na rin ang naubos sa inilaang budget para sa mga modyul. Hindi rin makakaila ang kalahikan ng perang hinihingi ng bise
Npresidente para sa isang librong napakanipis naman. Kwestiyonable rin ang tila pagkukumpara ng mga karakter nito sa bise-presidente na siya ring may-akda ng nasabing aklat.
Kaya naman nararapat lamang na magkaroon ng pagsisiyasat sa proyektong ito at kung paano ito makakatulong sa mga bata dahil pera ng taong bayan ang gagastahin para dito.
Samakatuwid, ang Proposed budget ng OVP para sa pamamahagi ng “Isang Kaibigan” ay kwestyonable kaya naman nararapat na suriin ito upang hindi masayang ang pera ng bayan.
Imbes na gumastos tayo ng milyon-milyon para sa isang tekbuk na tila may bahid politika, kailangan yata pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang bawat paaralan na walang mga aklat sa iba’t ibang asignatura.
Sa halip na maglaan ng pondo para sa isang librong walang koneksiyon sa mga aralin sa paaralan, ilaan na lang ang pera ng bayan para sa mga pagbibigay sa mga paaralan ng mga makabagong teknolohiyang tiyak na makatutulong sa pag-unlad ng edukasyon. Panahon na upang huwag magpabulag.
akababahala ang mga paninda sa canteen na halos lahat ay hindi masustansiya. Kadalasang itinitinda ay mga chichirya, soft drinks, at matatamis na inumin. Ang ganitong klase ng mga pagkain ay nagdudulot ng panganib sa aming kalusugan.
Tunay nga na ang mga snacks sa canteen namin ay sobrang nakakaakit sa mga estudyante. Dahil sa masasarap nitong lasa, katulad na lang ng mga hindi masustansiyang pagkain. Talagang pasok sa panlasa ng lahat kaya ito ang kadalasang ibinibenta sa mga canteen—masarap na, abot-kaya pa.
Ngunit, bakit puro ‘junk foods’? Alam nating lahat na ang mga ganitong pagkain ang unang nakakakuha ng aming atensiyon bilang mga estudyante. Ito ang aking hinahanap-hanap sa canteen tuwing recess.
Ngunit kapalit ng mura at mabilis kainin, ito rin ang dahilan
Justine Bernardo
ng hindi balanseng kalusugan. Baryang abot-kaya, kalusugan isinusugal.
Gayunpaman, ang pagtitinda ng mga ganitong pagkain sa canteen ay nagdudulot ng kapahamakan. Ang mga estudyante ay kulang na sa nutrisyon at lakas, na maaaring magdulot ng hindi magandang resulta sa kanilang pagganap sa klase.
Bilang isang mag-aaral na maaaring naapektuhan sa ganitong problema, ako ay may solusyon; may mga hakbang na maaaring gawin para balansehin ang kita at kalusugan. Mas mainam na piliin ang mas healthy na opsyon, gaya ng mga gulay at prutas.
Hindi naman kailangang sobrang mahal ang masustansiyang pagkain, basta’t planado at sinusuportahan ng eskwelahan. Dapat magpasa ng patakaran ang administrasyon upang limitahan ang pagbenta ng mga pagkaing hindi masustansiya. Hanggat maaga pa ay kumilos na, gumawa ng solusyon, at panatilihing ligtas ang bawat isa.
Masasarap ang lutong barya, pero hanggang kailan tayo makikinabang sa murang presyo kung ang kapalit nito ay ating kalusugan.
sa ikinatuwa ng madla ang isinagawang programa ng Department of Education na Language Enhancement Through Reading Assessment (LETRA) sa bawat antas ng mga paaralan sa bansa.
Kung iisipin, nakalulungkot ang maaaring epekto nito sa kalusugang pangkaisipan at kompiyansa ng mga mag-aaral na makakakuha ng mababang marka. Maaari silang malungkot kung hindi sila makausad sa mas maatas na antas o lebel ng pagbasa na nilalaman ng LETRA.
Gayumpaman, ang mga hakbang gaya nito ay isa sa mga solusyong makapagbibigay-tuldok sa lumalalang krisis sa edukasyon sa bansa. Ang hakbang na ito ng DepEd ay makapagbibigay-linaw sa patutunguhan ng bansa sa hinaharap.
Bukod pa rito, mas mapapadali ang pagtuturo ng mga guro kung malalaman nila ang kapasidad ng pagbasa at pag-unawa ng kanilang mga mag-aaral sa mga aralin.
Sa paraang ito, nagkakaroon ang mga guro ng mas epektibong pamamaraan sa pagtuturo.
Tunay ngang ang ka bataan ay ang pag-asa ng bayan, kaya naman narara pat lamang na bigyan ng solusyon ang mga balakid na maaaring maging hadlang sa pag-abot ng masaganang kinabukasan. Isa na rito ang kamangmangan, na ilang taon nang problema ng bansa.
Kung ipagpapatuloy natin ang mga programang gaya nito na makapagbibigay ng kahusayan sa mga kabataan, hindi malabong matuldukan na ang kamangman gan.
Glenshyn Mae Sumalpong
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, naglabas ng isang nakakagulat na pahayag ang National
Economic and Development Authority (NEDA) na kasya lang daw ang 64 pesos na badyet para sa tatlong pagkain ng isang Pilipino sa isang araw. Talaga bang kaya ng halagang ito na magbigay ng sustansya at enerhiya para sa isang araw na gawain? Ano kaya ang opinyon ng mga Ramonians ukol dito?
Sa pagtaas ng inflation taon-taon, ang 64 pesos ay hindi na kayang sustentuhan kahit isang tao sa loob ng isang araw. Gayumpaman, maaari mong isaalang-alang ang nasabing badyet kung hindi isasama ang kanin at ang mas murang handa na ulam ang pipiliing opsyon.
Para sa akin, hindi talaga sapat ang 64 pesos dahil mahilig akong kumain. Ang presyo ng kanin ay 15 pesos, kaya kung bibili ako sa dalawang kanin, aabot na ito ng 30 pesos. Dagdag pa rito, ang ulam ay nagkakahalaga ng 20 pesos, at kung bibili ako ng tatlong kanin na may ulam, aabot na ito ng 60 pesos pataas. Kaya’t talagang kulang na kulang ang 64 pesos na badyet para sa tatlong kanin sa loob ng isang araw.
Hindi kasya, lalo na katulad namin na ‘homecook’ at hindi bumibili sa mga karinderya. Kinakailangan ang kanin at ulam kada ‘meal’, Sa bigas palang kulang na ang 64 pesos. Kung bibili naman sa mga karenderya yang 64 pesos ay kulang talaga sa pang-araw-araw na bilihin, lalo na ngayong sobrang mahal na ng mga ‘serving’ at sobrang liit pa. Ang maliit na ‘serving’ ay magreresulta lang ng kagutoman sa luob ng isang araw. Ngayon sabihin na nating ang 64 pesos araw araw o nasa mga 21.33 pesos per ‘meal’, ano ang mabibili mo sa halagang yan? ‘malnutrition’ ang labas, pwede kapang magkasakit na humahantong sa kamatayan, mabubuhay ka nga sa mga iilang buwan, pero kapag pangmatagalan ang pag-uusapan, hindi.
Hindi, 64 pesos ay hindi sapat para sa tatlong pagkain sa isang araw. Tumaas na ang presyo ng pagkain, at ang 64 pesos ay hindi sapat para makabili ng masustansyang pagkain. Mas mabuting magdagdag pa sa budget upang masiguro na makakain ng maayos araw-araw.
Verchell L. Dotusme Grade 11 - HUMSS
Para sa akin, ang 64 pesos ay hindi talaga sapat para sa tatlong kainan. Grabe, ang mahal na ng mga bilihin! Baka nga mas sapat pa ito para sa dalawang kainan, pero hindi ka pa rin talaga mabubusog dahil sobrang mahal na ng servings ng pagkain at napakaliit pa ng mga ito. Kaya para sa akin, hindi talaga ito sapat, lalo na sa panahon ngayon.
Angel Narbasa
Ayon kay Heraclitus, “The only constant in life is change.” Sa patuloy na nagbabagong panahon,
kinakailangan din ng paaralang makisabay sa mga pagbabagong ito. Kaya naman, ang Isaysay ay nakipanayam sa mga lider ng bawat organisasyon sa loob at labas ng paaralan upang malaman ang kani-kanilang mga plano hinggil sa ikauunlad ng paaralan. Narito ang kanilang mga opinyon:
Marcelino J. Miñoza Jr. PTA President
Mahalaga ang kontribusyon ng bawat magulang sa PTA para sa ikauunlad ng paaralan. Kaya, ang mensahe ko lang sa mga magulang lalo na sa mga hindi pa nakapagbigay, para matapos ang mga proyekto sa paaralan, sana ay maibigay na nila ang kanilang mga kontribusyon nang mas maaga. Siguro nasa 20% pa ng kabuuang bilang ng mga magulang ang hindi pa nakapagbigay dahil may mga magulang talaga na walang-wala kaya hindi natin sila mapipilit.
Charlito L. Magparoc PTA Vice President
Para sa akin, ang pangunahing problema ng paaralan na kailangang bigyan ng pansin ay ang kawalan nito ng covered court. Kinakailangan na talagang magkaroon ng covered court ang paaralan dahil sa tuwing may meeting ang PTA, pupunta pa kami ng Municipal gym. Ang PTA contributions ay hindi sapilitan pero bilang suporta sa mga magulang na may anak na nag-aaral sa RMNHS.
Wilfredo
A. Sobretodo School Principal
The school aims to acquire a mini-gymnasium in the school where major school events can be held. Because of this, I wrote a request letter to Senator Win Gatchalian’s office, asking for a mini gymnasium project through Colonel Alemansa, who has an access with the senator’s office. I already spoke with his secretary, and she mentioned that it will be included in the list of priority projects of the senator. We are waiting and hoping that this request will be approved.
SSLG President
Plano naming Supreme Student Secondary Learner Government (SSLG) na magtatag ng suggestion box upang makalapa ang mga suhestiyon, opinyon, at reklamo ng mga mag-aaral at mga guro. Layon din naming magpagawa ng flag banner ng paaralan bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng paaralan.
Noong nakaraang taon, ipinamalas ng buong patnugutang ‘Ang Liargaonon’ ang angking husay at talino sa pamamahayag. Ngunit bigo kaming makakuha ng panalo sa nagdaang Regional Schools Press Conference. Kaya naman bilang kaisa sa pagbabago, binago namin ang pangalan ng patnugutan mula sa ‘Ang Liargaonon’ tungo sa ‘Isaysay’ dahil ito ang unang hakbang sa aming hangaring makopo ang inaasam na panalo sa RSPC patungong NSPC.
Sa mga paaralan, tuwing may bumibisita, ang unang mapapansin ay ang school ground. Dahil ito ang unang tumatatak sa tingin ng mga tao mapa-estudyante man o guro. Ngunit, ang school ground sa aming paaralan ay nakasisira ng sapatos. Nakalulungkot
isipin na ganito ang nararanasan ng aking mga kapwa mag-aaral.
Tuwing tag-ulan, ang aming school ground ay maputik, at ito ay nagreresulta sa pagkakadumi ng mga sapatos ng mga mag-aaral at maging ng mga guro. Kaya naman, binuhusan ito ng bato. Dahil sa hindi magandang komento ng ilang estudyante, ito ay pinagtuunan ng pansin. Nakikita ko ang unti-unting pagganda at pagbabago ng aming school ground, at nakatutuwang isipin na hindi nila ito binalewala.
Ayon sa mga estudyante, ang mabatong ground ang
Idahilan ng pagkasira ng kanilang mga sapatos, at napapagalitan sila ng kanilang mga magulang dahil sa dagdag na gastos sa pagpapalit ng sapatos. Mayroon namang ilang estudyanteng nagsasabi na nahihirapan silang dumaan kapag nakasuot ng sandals dahil sa mga bato. Pwede silang madapa anumang oras, at ito ay nakababahala. Bukod pa rito, tuwing may mga aktibidad na ginaganap sa aming ground, nahihirapan ang mga mag-aaral, lalo na sa mga aktibidad sa isports. Ayon sa kanila, delikado ito dahil tuwing may
ensayo sila para sa intramurals, nasusugatan ang kanilang mga paa dahil sa nakakalat na bato. Imbes na magwalang bahala, oras na siguro para pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng paaralan. Panahon na para kumilos at pagandahin ang school ground. Sa huli, hindi lamang ang mga estudyante ang makikinabang dito kundi tayong lahat. Magkaisa tayo upang ang magandang school ground ay maisakatuparan.
sa sa mga hinahangaan ng mga bumibisita mula sa mga karatig-bayan ang pagiging magalang ng mga mag-aaral noon. Lahat halos ng mga mag-aaral na kanilang makasasalubong ay walang sawa silang babatiin at ipapakita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagyuko ng ulo.
Ngunit ang tradisyong nakasanayan na mula pa noong maitayo ang paarala’y unti-unti ng nawawala sa kasalukuyan. Mapapansin nating iilan na lamang sa mga mag-aaral ang yumuyuko
ang mga guro at mga nakatatanda bilang tanda ng pagrespeto at paggalang.
Kumbaga’y tila naglaho ng parang bula ang gawi na minsa’y
naging isa sa mga maipagmamalaki ng paaralan.
Ayon sa aking mga nakapanayam na mga kapwa ko mag-aaral, mabibilang na lamang ang gumagawa ng Magalang Bow sa tuwing makasasalubong nila ang mga guro.
Minsan pa nga’y hindi na nga rin sila bumabati sa mga ito at nagkukunwaring hindi nila napansin ang mga ito.
Kaya naman, panahon na siguro upang buhayin at payabungin ang nakagisnang tradisyon. Palaganapin ang tatak Ramonians. Magkaisa tayo upang nang sa ganoon ay mayroon tayong maipagmamalaki hindi lamang sa ating bayan kundi pati na rin sa buong mundo. Iwagayway ang pagiging magalang ng mga Ramonians!
Bilang Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa Ramon Magsaysay NHS, naniniwala ako na ang pagsunod sa mga patakaran ng paaralan ay parang ilaw sa gitna ng dilim na gumagabay sa atin tungo sa tamang landas at nagsisilbing
haligi ng kapayapaan.
Ang pagsunod sa patakaran ay nagpapakita ng pagiging disiplinado bilang isang mag-aaral. Kapag ang isang mag-aaral ay sumusunod sa alituntunin, ipinapakita niya na may respeto siya hindi lamang sa mga guro, kundi pati na rin sa kapwa niya estudyante. Bukod dito, ang mga patakaran ay mahalaga upang masigurado ang ating kaligtasan. Gayundin, ang simpleng pagsunod sa tamang kasuotan ay hindi lamang pagpapakita ng disiplina,
kundi isang patunay ng ating paggalang sa paaralan bilang pugad ng karunungan at pagkatuto.
Kaya bilang mga estudyante, sikapin nating yakapin at sundin ang mga patakaran sa paaralan na siyang nagsisilbing haliging gumagabay sa atin tungo sa kaayusan.
Hindi lamang ito para sa ating sariling kapakanan, kundi para rin sa ikauunlad ng ating mala-hardin na komunidad na kailangang alagaan upang patuloy
na mamukadkad. Sa bawat simpleng pagsunod, ipinapakita natin ang pagpapahalaga sa isang paaralang maayos, ligtas, at hitik sa kaalaman na siyang huhubog sa ating kinabukasan.
SJustine Bernardo
a likod ng maganda at maaliwalas na paaralan na Ramon Magsaysay National High School, Maraming suliranin ang araw-araw na hinaharap ‘di lamang ng mga mag-aaral pati na
rin ang mga guro at non-teaching personnels nito.
Sa isinagawang sarbey ng mga mamamahayag sa higit kumulang 50 mag-aaral, lumalabas na ang suliranin sa palikuran ang pinakamalalang problemang kanilang hinaharap sa araw-araw nilang pagpasok. 45% ang nagsabing kailangang tugunan ng paaralan ang problema sa palikuran.
Samantala, ang problema naman sa paghihigpit sa uniporme ang nakakuha ng ikalawang puwesto na may 30.45% na sagot mula sa mga mag-aaral, 18% naman ang nagsabi ng mga problema ng mga atleta pagdating sa mga activities.
Sa pag-usbong ng panahon, nakatutuwang isipin na sinusubukang tugunan ng paaralan ang mga pagkukulang at mga suliranin nito, mula sa school ground, hanggang sa kakulangan sa materials.
Ngunit sa kabilang banda, hindi nabibigyang-solusyon ang mga problemang gaya nito na bawat mag-aaral ang nakararanas. Mula sa problema sa palikuran hanggang sa mga activities,
lahat ng ito ay pasan-pasan ng bawat mag aaral.
Bukod pa rito, Lubha ring nakababahala ang maaaring maging epekto ng mabahong at kulang na palikuran sa kalusugan ng mga mag-aaral. Pati na ang mga atletang pagod na sa kanilang training pagkatapos ay gagawa pa ng mga activities na hindi nila nagawa.
Ang suliranin ay tunay ngang hindi maiiwasan kahit tayong mga mag-aaral ay mayroon ding kanya-kanyang suliranin ngunit hindi dapat nating pasanin ang mga problema sa paaralan.
Sa tulong ng sarbey na ito, Mas mabibigyang-linaw ang paaralan sa kung anong suliranin ang nararapat nilang solusyonan sa lalong madaling panahon. Sa paglapit ng maliwanag na hinaharap ng mga mag-aaral, sana ay hindi na danasin ng susunod na henerasyon ang suliraning kanilang hinarap.
MBryan Lee Fontelo
ahigit kumulang 45 na estudyante ang nagreklamo sa mabaho at kakulangan ng CR sa paaralan. Isa lamang ito sa iilan kong naririnig na inirereklamo ng mga kapwa ko mag-aaral.
Bagaman may mga reklamo, may ilang estudyante na nagsasabing sapat naman ang mga palikuran sa paaralan. Ayon sa kanila, ang kalinisan at kaayusan ng mga palikuran ay responsibilidad din ng mga gumagamit nito. Kung magiging mas maingat at disiplinado ang mga estudyante, maiiwasan ang mabahong amoy.
Hindi rin maikakaila na ang kakulangan ng palikuran at ang hindi kanais-nais na amoy ay isang seryosong problema. Ang mga estudyante ay napipilitang maghintay ng matagal o maghanap ng alternatibong lugar para mag-CR, na nagdudulot ng pagkaantala sa kanilang mga klase at aktibidad.
Ayon sa mga nagreklamo, ang kakulangan ng palikuran ay nagdudulot ng hindi komportableng sitwasyon, lalo na sa mga oras ng
break at lunch. Ang mabahong amoy naman ay nagmumula sa hindi regular na paglilinis at kakulangan ng sapat na bentilasyon. Ang mga problemang ito ay maaaring magdulot ng mga isyu sa kalusugan at kalinisan ng mga estudyante.
Upang masolusyunan ang problemang ito, mahalagang magtulungan ang pamunuan ng paaralan at ang mga estudyante. Dapat magkaroon ng regular na paglilinis at inspeksyon ng mga palikuran, pati na rin ang pagdaragdag ng mga pasilidad kung kinakailangan. Ang mga estudyante naman ay dapat maging responsable sa paggamit ng mga palikuran upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga reklamo at masisiguro ang kalusugan at kaginhawaan ng lahat.
Walang Hanggang ‘CYCLE’
IJustine Bernardo
sa lamang ang hindi pagsusuot ng complete uniform ang pinoproblema ng paaralan. Ang suliraning ito ay nakaaapekto hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro at gwardya ng paaralan.
Hindi natin maikakaila ang importansiya ng pagsusuot ng uniporme dahil nakakatulong ito upang magmukhang presentable at maayos sa paaralan. Bukod pa roon, nagkakaroon ng pantay na pagkakataon ang mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang husay sa paraang hindi basehan ang yaman.
Ngunit sa kabilang banda, ang mga unipormeng nakalaan para sa mga mag-aaral ay hindi libre kaya naman mahi rap para sa mga mag-aaral na walang pinagkukunan ng pera ang makabili nito.
Kung makabili man, hindi rin nila araw-araw itong masusuot dahil sa madalas ay iisa lamang ang uniform na kaya nilang bilhin. Dagdag pa riyan ang PE uniform na kinakailangan ring suotin kada araw ng Miyerkules.
Sa paglalahat, ang pag papanatili ng pagsusuot ng uniporme sa buong linggo ay hindi kaya ng mga mag-aaral na walang pinagkukuhaan ng pera. Kung talagang nais nating mag ing pormal ang itsura ng mga magaaral sa paaralan, dapat ay gawing libre ang uniporme o kung hindi naman ay pahintulutan ang pagsusuot ng puting damit sa Ioob ng paaralan.
Mahal na Patnugot, Maraming mga bata ang nagrereklamo dahil walang direktang patutunguhan ang proyekto sa aming paaralan.
Paulit-ulit ang cycle: hinuhukay, nilalagyan ng mga bato, at hinuhukay ulit.
Dahil dito, marami na akong mga sapatos na nasira, at naniniwala ako na hindi lang ako ang nakararanas nito.
Sa ganang ito, paano ba mawawakasan ang tila pahirapang cycle na ito?
Lubos na gumagalang,
Arpil Vinz Aban Grade 11 - STEM
Mahal na Arpil Vinz, Salamat sa iyong liham at sa pagbabahagi ng iyong karanasan. Nauunawaan ko ang iyong pagkabahala tungkol sa paulit-ulit na paghuhukay at ang epekto nito sa mga estudyante.
Ang mga ganitong proyekto ay dapat na isinasagawa nang maayos upang maiwasan ang abala at pinsala sa mga kagamitan ng ating mga minamahal na mag-aaral.
Nais kong ipaalam sa iyo na kami ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masiguro na ang mga proyekto sa paaralan ay natatapos nang mabilis at maayos.
Naniniwala kami na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, malulutas natin ang mga isyung ito at mapapabuti ang kalagayan ng ating paaralan.
Patuloy kaming magsusumikap upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat ng estudyante.
Ang iyong lingkod, Patnugot
Hakbang tungo sa Masaganang Bukas
Jean R. Comendador
Karamihan sa mga kabataan ay masyado ng batugan, naglakad lamang ng limang minuto ay
nagrereklamo na, ngunit may natatanging Ramonian ang naglalakad ng limang kilometro makapasok lamang sa paaralan araw-araw.
Si Ceejay Bacus, 15, residente ng Santo Rosario, Ramon Magsaysay, Zamboanga Del Sur. Nag-aaral sa ikasiyam na baitang ng paaralan. “Umalis yung papa ko, magtatrabaho raw sa Manila. Tapos hindi na bumalik, nalaman na lang namin na naghiwalay sila ni mama. Pinutol niya ang komunikasyon namin at hindi na rin siya nagpapadala ng pera,” wika ni Ceejay.
Labintatlong taon pa lang si Ceejay nang mawalay sa ama habang ang pinakabunso niyang kapatid ay isang buwan pa lamang sa sinapupunan ng kaniyang ina. Apat silang magkakapatid at tanging ang butihing ina nila ang tumaguyod sa kanila.
Pagsisikap sa Hayskul
P30 lamang ang baon niya araw-araw. Ito ang kanyang pinaghahati-hati para sa projects at kanyang pang-ulam. Kaya mas pinili na lamang niyang maglakad kasama ang nakababatang kapatid na nag-aaral sa ikapitong baitang.
“Tuwing alas-dos ng umaga, gigising na ako upang magluto ng aming kakainin. Pagpatak ng alas tres ay magsisimula na kaming maglakad ng kapatid ko patungo sa eskwelahan,” sabi ni Ceejay.
Hindi alintana nina Ceejay ang limang kilometrong pagitan mula Brgy. Santo Rosario patungong paaralan. Masigasig nila itong nilalakad kada araw.
Tuwing uwian ay naglalakad pa rin sila. Palagi nilang inaabangan ang pagbubukas ng gate upang una silang makalalabas at makauwi sa kanilang tahanan bago pa man sumapit ang dilim.
Pagkasuklam sa Ama
“Hindi ko na tatanggapin kung babalik man sakali ang papa ko dahil sa iniwanan niya kami,“ sambit ni Ceejay at mababakas sa kanyang mukha ang galit na nabuo sa kanyang ama. Inspirasyon sa Pagsisikap
Palaging sinasabi ni mama sa akin na ‘Nak magsikap ka para makaahon tayo sa kahirapan.
Ang kanyang pamilya ang nagsisilbing dahilan kung bakit patuloy na nagsusumikap si Ceejay. Nagtitiwala sa sarili na kaya niyang lagpasan ang mga mahirap ng mga pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos.
Balang-araw, pangarap niya na maging isang seaman. Para sa kaniya walang imposible kung magpupursige. Para sa kanya walang mataas na pangarap kung ikaw ay magsusumikap at magtitiwala sa iyong sarili.
Konklusiyon
Ang buhay ni Ceejay ay sumisimbolo ng katatagan, determinasyon at tiyaga. Para kay Ceejay ang limang kilometro na kanyang nilalakad araw-araw ay isang hamon na binigay sa kanya ng Maykapal. Bawat hakbang niya ay nagsisilbing pag-asa na nagpapahiwatig na balang-araw ang limang kilometro ay maging isang hakbang na lang. Isang hamong galing sa Diyos na raan patungo sa kanyang pagkamit ng tagumpay.
Mahal ang Pangarap sa Murang Edad
Hindi balakid ang hirap sa isang taong may pangarap at hindi rason ang huminto kahit na mahirap. Hindi man patas ang mundo, maraming rason para manalo.
“Pangarap kong maging guro, para maturuan ko ang aking mga kapatid at para makatulong sa aking pamilya.”
Wika ng isang dalagitang nagngangalang Vhannalyn Pea D. Ondong, 15, nakatira sa San Fernando, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, at kasalukuyang nag-aaral sa Baitang 9 ng paaralan.
Madaling araw pa lang ay gising na ang diwa ni Vhannalyn upang ipaghanda ang kaniyang mga kapatid na sina Gervin, 13 taong gulang; Ashlyn, 12 taong gulang; at kanilang bunso na si Jamaica, 10 taong gulang. Ayon sa kaniya, pinapaligo niya pa ito at pinapakain.
Sa pagsapit ng alas-kwatro, kasabay ng pagtilaok ng mga manok ay ang pagsisimula ng kanilang paglalakad kasama sina Ashlyn at Jamaica. Kaniya itong inihahatid sa paaralan ng San Fernando Elementary School araw-araw.
“Kailangan na maaga ko silang mahahatid dahil malayo-layo pa ang aming lalakarin patungo sa kanilang paaralan.”
Kahit makitid ang daan at madilim ay hindi ito balakid. Umaasa lang sila sa liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw sa daan patungo sa kanilang paroroonan.
Sa pag-aaral, hindi naging madali ang takbo ng buhay ni Vhannalyn, may mga araw na hindi nakapapasok ang kaniyang kapatid na si Gervin dahil sa kadahilanang wala itong uniporme na siyang ikinalulungkot niya.
“Nasasaktan ako bilang ate dahil kinakailangan pa ng aking kapatid na maghakot o mamulot ng mga basura para lang makapasok sa paaralan. Alam kong pagod siya dahil isang oras ang aming paglalakbay pero hindi niya lang sinasabi,” ani Vhannalyn.
“Walang PE uniform ang kapatid ko, umabot sa punto na gusto ko ng umakyat at lumundag sa bakod para lang ipasuot sa kapatid ko ang sarili kong PE uniform.”
“Palagi kong sinasabi sa kaniya na tiisin niya nalang muna, wala eh wala kaming sapat na pera pantahi, kung meron mang pera na dumapo sa palad namin ay iyon ay kasya lamang sa aming pagkain,” pilit na pinapaintindi ni Vhannalyn sa kaniyang kapatid kung ano ang estado nila sa buhay.
Sa pagsapit ng tanghali, karamihan sa mga kaklase ni Vhannalyn ay masayang naglalabasan upang kumain, ang ilan naman ay abala sa paglabas ng kanikanilang sariling baon. Habang si Vhannalyn ay nasa gilid lamang, nagsusulat, nagbabasa at gumagawa ng mga takdang aralin.
“Nagkukunwari lamang akong may ginagawa upang hindi ako mainggit sa kanila,” wika ni Vhannalyn.
Kahit minsan ay kumakalam ang kaniyang sikmura dahil sa gutom ay kaniya na lang itong tinitiis. Nahihiya rin siyang manghingi sa kaniyang kaklase sa takot na baka tuksuhin lamang siya ng mga ito.
Nagpapasalamat si Vhannalyn dahil sa kahit anong gulo ng mundong kinalakihan niya ay may mga mabubuting puso pa rin na handang ibukas ang mga palad upang sagipin siya sa pagkalunod ng mga pagsubok.
sa buhay, bagkus binibigyan pa siya nito ng rason na magpatuloy sa pagsagwan ng bangka patungo sa isla ng pangarap.
Aniya ang kaniyang pangarap ay hindi lang para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa kaniyang pamilya. Lalo na sa kaniyang ama na mag-isang bumubuhay sa kanilang magkakapatid .
“Kay papa, sobrang laki ng pasasalamat at respeto ko sayo. Salamat dahil hindi ka sumuko sa buhay darating din ang araw na ako na ang magtatrabaho at ang gagawin mo nalang ay magpahinga”
“
Para kay mama, matagal ko na siyang napatawad. Sana ay mapatawad niya rin ako kung sasabihin kong ayaw ko na siyang bumalik
Ang kwento ni Vhannalyn ay tila isang turo ng isang guro na siyang naghahatid sa atin ng aral na kahit sa hirap ng buhay, may pag-asa at liwanag na naghihintay para sa mga may pangarap. Ang kanyang determinasyon, pagmamahal para sa pamilya, at kakayahang lumaban para sa kanyang kinabukasan ay nagbibigay inspirasyon hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa lahat ng tao na nahaharap sa mga hamon ng buhay.
Sa huli, ang bawat sakripisyo at
“Nagulat na lang ako na pinatawag ako ni Ma’am Girley Joy Sorela, takot ako na baka ano ang nagawa kong mali. Hanggang sa napaiyak na lang ako dahil sa sinabi niyang siya na raw ang bahala sa mga bayarin ko ngayong taon sa pag-aaral,” sambit nito habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Aniya hindi siya pinapabayaan ng Diyos
Sa Likod ng Tanghalan at Golden Mikropono
There can be miracles when you believe…
Ganito mailalarawan ang buhay ni Shaina Mae T. Allaga, isang batang mang-aawit na pinatunayan sa lahat na hindi hadlang ang mga pagsubok upang maabot ang pangarap. Kilala bilang ‘Sweetheart from the South’ at Tawag ng Tanghalan 2019 Grand Finalist, si Shaina ay nag-iwan ng marka sa mundo ng musika.
Unang Hakbang sa Karera
“Ang pinakaunang singing contest na aking sinalihan ay ang Kiddie Singing Contest S5 sa Gaisano noong taong 2013,” ani Shaina habang inaalala ang kanyang kabataan.
Pagkatapos maipanalo ang laban sa pagawit sa unang patimpalak na kanyang sinalihan ay nagpokus muna si Shaina sa kanyang pagaaral. Mga ilang taon din ang lumipas nang siya’y bumalik muli sa pagkanta sa entablado.
Taong 2015 nang sumali siya sa The Voice of Buug at magmula noon ay sunod-sunod na rin ang kanyang mga raket.
Pagkanta at Pag-aaral
Sa kanyang pag-aaral sa Ramon
Magsaysay National High School ay naging aktibo si Shaina sa pagsali sa iba’t ibang kompetisyon.
“Sumali ako sa MAPEH Festival Sining Pambansa 2018 at dahil doon nakarating ako sa Legazpi City, Albay,” aniya.
Pagpupursige sa Kabila ng Pagod
Gumanda ang singing career ni Shaina nang sumali ito sa Tawag ng Tanghalan Kids at bumalik pa sa Tawag ng Tanghalan Season 3 na kung saan siya’y nakaabot sa Grand Finals ng nasabing programa.
Sa kaniyang pamamayagpag, dumaan si Shaina sa mga matinding pagsubok.
“Maraming events ang naganap kaya napaos at napagod ako. Nagkaroon ako ng ulcer na tumagal ng isang buwan,” kwento ni Shaina.
Minsan, umabot na siya sa punto na halos ayaw na niyang kumanta, subalit ang kanyang determinasyon ang nag-uudyok sa kanya na magpatuloy.
Pasasalamat at Pagbabalik
Ang suporta mula sa kanyang pamilya, lalo na ang kanyang lolo at lola, ay isa sa mga inspirasyon ni Shaina.
“Napakalaki ng pasasalamat ko
sa lolo at lola ko,” sabi niya.
Gayundin, pinasasalamatan din niya si Sir Lino Mendoza at ang Local Government Unit ng Ramon Magsaysay, na nagbigaydaan upang magkaroon siya ng pangalan sa industriya.
Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, hindi nakalilimutan ni Shaina na magpasalamat sa komunidad. Nais niyang makabalik sa paaralan upang makatulong sa mga mag-aaral sa larangan ng theatre act, at patuloy na magbigay inspirasyon sa mga kabataan.
Inspirasyon ng Isang Tagasanay
Isa rin sa mga dahilan ng pagpupursige ni Shaina ay ang kanyang tagasanay, si Nanay Lorda, na palaging naghihimok sa kanya na magpatuloy.
“Wag kang mahiya ‘nak, galingan mo ha,” ani Nanay Lorda, mga salitang patuloy na nagbibigay lakas kay Shaina sa tuwing siya’y nasa harap ng entablado.
Ang kwento ni Shaina Mae ay isang patunay na walang imposible para sa taong puno ng pangarap. Patuloy siyang nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na nais magtagumpay sa kanilang larangan.
“
Kung gusto mong maabot ang pangarap mo, ‘wag kang mapagod.
Mapanghamong buhay ng isang kantinera
Pilosopiya ng Isang
indi lang isa. Hindi lang dalawa. Kundi tatlo. Tatlong para bang walang kahirap-hirap. Kaniya itong nalampasan dahil hindi lamang ito sa Pilipinas kundi sa ibang
Si Jake Adolf Villanueva Montecillo ay alumnus ng Ramon Magsaysay NHS. Tubong Poblacion, Ramon Magsaysay Zamboanga del Sur. Tunghayan ang kaniyang kuwento sa pagkamit ng pangarap.
Pag-aaral sa Hayskul
“Ang unang itinuro sa amin ng mga guro ay maging masipag, Wala kaming libro at teknolohiya kaya naging masipag kaming kumopya sa mga lesson ng mga teacher,” wika ni Jake.
Kahit sa kawalan ay hindi pa rin naging pabaya sa gawaing may kinalaman sa akademiko.
Nagtapos si Ginoong Jake sa hayskul bilang Class Valedictorian ng Batch 2010.
Buhay Kolehiyo
Nag-aral si Ginoong Jake ng Bachelor of Science in Biology sa Mindanao State University Main Campus, Marawi City, Lanao del Sur. Taong 2014 nang siya’y nakapagtapos sa kolehiyo na may karangalang Magna Cum Laude.
Pagkatapos makagradweyt ay inalok at hinimok siya ng isa sa mga naging kanyang propesor sa pamantasan na mag-aral ng kanyang master’s degree sa bansang Japan bilang iskolar.
Foreign Student
Kinuha niya ang Master of Science in Medical Sciences in Medical and Molecular Microbiology sa University of Tsukaba, Tsukuba, Ibaraki, Japan, bilang isang iskolar. Ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa ay hindi naging madali.
Ayon kay Ginoong Jake, kinailangan niyang magsanay ng wikang
Nihonggo sa anim na buwan bago makapunta roon.
Ikinuwento rin niyang malaki ang pagkakaiba ng mga guro sa Pilipinas at Japan. Sa Pilipinas, laging pinapagalitan ng mga guro ang kanilang mga pasaway na mga estudyante na kaiba naman sa Japan na walang pakialam
“
Know your passion as early as now.
Pinagkunan: ABS-CBN Entertainment
asawa at bukod doon ay nagtitinda rin sila ng mga pagkain sa canteen bilang sideline.
ng mga ina ang tinaguriang ilaw ng mga tahanan. Lahat kaya nilang suungin may maipangtustos lamang sa mga pangangailan ng buong pamilya at lahat kaya nilang isakripisyo para lamang sa ikabubuti ng kani-kanilang mga anak.
Sa isang munting gusali ng paaralan, matatagpuan si Gng. Mira Flor Angcon, 45 taong gulang. Siya ay isang madiskarteng ina na nagtitinda sa canteen ng paaralan.
Lynly B. Sangcaon para sa kinabukasan ng mga ito.
“
“Araw-araw akong gumigising pagpatak ng alas tres ng madaling araw upang maihanda ang aking mga paninda at para na rin makapagluto nang sa ganoon ay may makakain kami sa agahan,” wika ni Aling Mira.
Dagdag pa niya, mahirap man pagsabayin ang negosyo at ang pag-aalaga ng kanyang limang anak ay sinisikap pa rin niya itong kayanin
Kailangan naming kumayod at magbanat ng buto.
“Hindi naman nakadepende lang sa aking kinikita dito sa canteen ang pang-araw-araw naming gastusin,” aniya.
Namamasada ng motor ang kaniyang
Ang mga ito ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Ito rin ang nagpapaaral sa lahat ng kaniyang mga anak at ang nagpapakain sa kanila ng tatlong beses sa isang araw.
Noong nakaraang taon ay nakapagtapos ang kanyang isang anak sa Senior High School at kasalukuyan namang nag-aaral sa paaralan ang iba pa.
Ang buhay ni Aling Mira ay nagpapakita ng pagsusumikap at dedikasyon ng isang ina upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya.
Guhit ni Kyle James Dag-uman
Tatlong antas ng edukasyon ang kaniyang natapos na nalampasan na para bagang walang kahirap-hirap ibang bansa rin. ang mga ito sa mga ganoong tulad na mga mag-aaral.
Aniya, naging maganda naman ang buhay niya noon sa Japan dahil sa kabaitan ng mga Hapon. Ang tangi niya lamang problema ay hindi siya makapagtrabaho bilang raket man lang dahil bawal sa bansang Japan ang magtrabaho kapag student visa lamang ang hawak ng isang dayuhan. Kaya, umaasa na lamang siya sa pinansiyal na ibinibigay ng gobyerno ng Japan sa kaniya.
Taong 2017, natapos niya ang kaniyang master’s degree.
Pagkatapos makapagtapos ng master’s degree sa Japan ay nabigyan si Ginoong Jake ng pagkakataong makapag-aral agad ng doctorate degree. Hindi naman sa Japan kundi sa South Korea. Nabigyan si Ginoong Jake ng University Full Scholarship sa Yeungnam University, Geongsan, South Korea at nakapagtapos nito lamang nakaraang taon - 2024.
Kasalukuyan namang nagtuturo bilang professor si Ginoong Jake sa isang pamantasan sa South Korea si Ginoong Jake at post-doctoral fellow naman sa isang medical-affiliated school.
“Know your passion as early as now,” mensahe ni Ginoong Jake sa lahat ng Ramonians na naging susi niya
Purong emosyon, walang halong pag-aalinlangan sa pagbigkas ng bawat salita, ilan lamang ito sa mga kaganapan sa mundo ng teatro.
“Nahirapan akong kilalanin kung sino si Niel at sino ang role na ginagampanan ko,” wika ni Niel nang kinailangan niyang halungkatin ang bawat malulungkot na pangyayari sa kaniyang buhay upang magampanan nang maayos ang karakter na kaniyang binibigyang-buhay.
Ang eksenang ito ay para sa kanilang Debut Production na kanilang isinadula sa Cambodia at may pamagat na “Padayon.” Animo’y madali ngunit kaakibat pala nito ang isang mabigat na gampanin upang maipakita sa madla ang isang natatanging kwento.
Buhay Pag-arte
Isinalaysay ni Niel Gabutero Villarejo, 24, residente ng Bag-ong Opon, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, ang kanyang karanasan simula noong siya’y nasa hayskul pa lamang hanggang sa mapasok niya ang mundo ng pag-arte
Isa si Niel sa mga estudyanteng kumakayod upang masuportahan ang sarili.
“Doon ako kumakapit sa part na kailangan ko,” aniya.
hayskul pa lamang ito ngunit noong simula nang pumasok sa kolehiyo ay sumali siya sa isang grupo na nag-aalok ng scholarship at doon nagsimula ang lahat.
Pinagsabay niya ang kaniyang pag-arte at ang kaniyang pag-aaral. Nakarating din si Niel sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa upang magtanghal. Ang kaniyang kauna-unahang international show ay ginanap sa Cambodia noong Nobyembre, 2022 sa Asian Youth Theater Festival.
Buhay Inspirado
Isa sa naging inspirasyon ni Niel ay ang kaniyang pamilya lalong-lalo na ang kaniyang lola na namayapa bago pa man ang araw ng kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.
“
I offer this to her, everything I do most especially for my lola and I am very grateful to share this to everyone.
Nagtapos si Niel sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) sa La Salle University - Ozamiz City. Natanggap ni Niel ang award na St. Br. Mutien Marie Wiaux for Theater Arts - isang pinakamataas na karangalan sa mundo ng teatro.
Ayon pa sa kanya, “Isa na ako ngayong Support Engineer sa IT Industry at kasalukuyan din akong nagpapatuloy sa aking pag-arte.”
Ang kwento ng buhay ni Niel ay isang inspirasyon sa bawat kabataan na nahihirapan sa buhay. Hindi pwedeng manatili lang sa mga bagay na karaniwang nakagisnan. Hayaan ang sarili na tumuklas ng mga bagay at kakahayang matagal nang namumugad sa kinaloob-looban. Tulad ng iba, hinayaan ni Niel ang kanyang sarili na maranasan ang mga bagay na hindi niya inakalang iyon pala ang makakapaghatid sa kanya sa tagumpay.
Istorya ng isang butihing Guwardiya
Khellyn Cardenio
Pagbabantay sa kapayapaan at pagsiguro sa kaligtasan ng mga mag-aaral ay iilan lamang sa mga trabaho ng isang guwardiya ng paaralan.
Si G. Julieto Caspiño, 38, gwardiya ng Ramon Magsaysay NHS. Mahigit dalawang taon na rin siyang nagbabantay sa paaralan. “Naging masaya naman ako sa aking trabaho bilang isang gwardiya ng RMNHS dahil naging mabuti rin naman ang pakikisama sa akin ng mga guro at mag-aaral sa akin,” wika ni Ginoong Caspiño. Dahil sa hirap ng buhay, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at hayskul lamang ang kaniyang natapos. Kaya pinili niya na lamang magtrabaho sa murang edad.
Bago naging guwardiya si Ginoong Caspiño, ang una niyang naging trabaho ay ang magputol ng mga kahoy. Ngayon, isa na siyang ganap na gwardiya.
“
Naging mahirap din sa akin ang pagtatrabaho lalo’t may anak akong nag-aaral. Nahihirapan akong pagsabayin ang aking pamilya at trabaho.
Ang pagiging gwardiya ni Ginoong Caspiño ay nagbigay sa atin ng aral na magsumikap at huwag sumuko dahil parte lamang iyan ng hamon sa buhay na dapat malampasan.
Salaysay ng Buhay - Alaala
Pag-alala sa mga Aral ng Buhay
Leonilyn Tudtud
Isinalaysay ni Ruth P. Galleto, 19, alumna ng paaralan at kasalukuyang nag-aaral ng AB Psychology sa Saint Columban College ang mga aral at karanasan sa hayskul na kanyang nakuha mula kay G. Alex Damalerio bilang kanilang guro sa Philosophy.
“Ang aking Senior High School life, kasama si Sir Dam, ay hindi mailalarawan ng isang salita lamang dahil walang eksaktong salita ang makapagbibigay-kahulugan nito.”
“Nagsimula ang lahat nang mag-Grade 12 ako. Nagkaroon kami ng mas maraming interaksyon dahil nasisiyahan ako sa kanyang mga asignatura,” ani Ruth.
“Isang araw, habang kami’y nagkaklase, tinanong niya ako kung ano raw ang aking plano sa buhay. Tapos, sagot ko naman sa kanya na ‘wala sir’ kasi naniniwala ako sa tadhana. Mawawalan ng saysay ang aking mga plano kung hindi naman mangyayari sa hinaharap.
“Para ka pa lang isang dahon na pinapalipad-lipad ng hangin, hindi sigurado kung saan patungo, bahala na kung saan dadalhin ng ihip nito.
Mga salitang kanyang sambit na mananatiling nakatatak sa aking isipan na diumano kawangis pala ako ng lantang dahon (sinusunog charot) na walang plano kundi naghihintay lamang kung saan
dadalhin ng panahon.”
“Ang aral na aking nakuha sa kanya ay tayo mismo ang gumagawa sa sarili nating tadhana. Kung ano ang ating mga ginagawa sa kasalukuyan ay makaaapekto nang malaki sa ating hinaharap.”
“Isa pa sa aking natutuhan mula sa kanya ay palagi nating sinasabi na ‘life is unfair’ o ang buhay ay hindi patas dahil lagi nating ikinukumpara ang ating mga sarili sa iba at hindi rin tayo kontento sa kung ano ang mayroon tayo kaya masasabi nating hindi talaga patas ang buhay.”
“Aniya, life is unfair lang daw para sa mga walang paa, kamay, mga bulag at iba pang may kapansanan. Kung hindi tayo ganoon, bakit naman hindi naging patas ang buhay?”
“Panghuli, nangako ako sa kanya na bago ako magtatapos ng hayskul, aking sasagutan ang kanyang palaisipan na paano raw makararaan ang isang tao sa ilog na maraming buwaya. Mayroon sana akong sagot sa
“Hanggang sa grumadweyt na lang ako ay hindi pa iyon nabibigyan ng kasagutan.”
Liham para sa Pangalawang Ama
Richel A. Balucan
Tatay Alex,
Sino ba naman ang mag-aakala na ako
ngayo’y nag aaral na sa MSU-IIT? Ngunit sa tingin ko’y nawari mo na itong mangyari. kanya noon pero binara niya dahil hindi raw pwede yung sagot ko.”
“Pumanaw na lamang siya’y nanatili pa rin itong isang misteryo.”
“Para ka pa lang isang dahon na pinapalipadlipad ng hangin, hindi sigurado kung saan
Pagpapahalaga sa mga Huling Salita
Khellyn Cardenio
I“Isa si Sir Damalerio sa nakakaalam sa kwento ng aming pamilya at palagi niya akong binibigyan ng mga payo at turo. Tsaka kung may mga tanong ako patungkol sa mga bagay na gusto kong malaman, lagi niya akong sinasagot lalo na sa tuwing nagpupulong kami ng buong SSLG,” ani Renevie.
“Isa sa mga hindi ko malilimutan ay yaong sabi ni Sir na magba-bonding daw kami sa aking kaarawan pero hindi iyon natupad dahil naging abala siya at hanggang sa ito’y nalipat ng ibang araw pero hindi na talaga iyon matutupad pa kailanman.”
Ayon kay Renevie, si Sir Damalerio ang pinakamatatag na taong kaniyang nakilala dahil alam nilang nahihirapan na ito ngunit hindi niya pinapakita.
“Lagi pa itong nag-aupdate sa amin tungkol sa kanyang life noong nandoon pa siya sa ospital,” madamdaming sambit ni Renevie.
Ang kanilang huling pag-uusap ay noon pang ikaanim ng Hunyo. Sinauli niya ang natitirang pera ng SSLG. Habang pauwi na siya’y may sinabi sa kanya si Sir Damalerio.
“Umayos-ayos kayo sa pag-aaral ni MacMac ha?” habilin ni Sir Alex.
“Ingat sa pag-uwi,” dagdag pa nito.
Iyon lamang ang huli nilang pag-uusap. Nag-usap na lamang ulit sila sa kaniyang panaginip noong kinagabihan bago itong ilibing.
Palagi mo pa ngang sambit, “Pag-IIT, Chel.” Kaya naman narito na ako ngayon at ipinagmamalaking isa ka sa mga tumulong sakin.
Para sa akin, higit ka pa sa isang guro lamang dahil isa ka ring ama sa amin. Sa mga panahong kailangan ko ng gabay, ikaw ang aking parating nilalapitan.
“Sir, ano ang iyong opinion tungkol dito?”
“What if – ganito? What if ganyan? “Lagi ko sayong tanong na may kinalaman sa pilosopiya, mga batas, at sa buhay.
Hindi ko makalilimutan yaong panahon na may pinagdedebatehan pa nga tayo sa klase tungkol sa iba’t ibang paksa.
kinuwento ni Renevie O. Surabal, 19, alumna ng paaralan at kasalukuyang nag-aaral ng BS Animation and Multimedia Arts ang kanyang mga karanasan bilang mag-aaral sa mga asignatura ni G. Alex Damalerio.
May nais siyang itanong kay Ginoong Alex. Medyo pabiro ito pero dahil sa kanyang kuryusidad, hindi niya mapigilang magtanong.
“Anong feeling mamatay?” Tanong niya rito.
“Anong ibig mong sabihin? ‘Yung napaliligiran ka ng maraming mga tao?” pabirong sagot ni Ginoong Alex sa kaniya.
“Hindi, Sir. Like ngayon, anong nafefeel mo na nakikita mo sila pero hindi ka nila nakikita,” kuda ni Renevie.
“Masakit talaga.
‘Yung tipong magagawa mo ang mga bagay na gusto mo pero hindi na magkakatotoo.
Sagot nito sa kaniyang panaginip.
Batay sa pang-unawa ni Renevie, nais nitong sabihin na magagawa pa nito ang kaniyang mga gawain dahil nasa mundo pa ito subalit hindi na magkakatotoo ang lahat dahil sumakabilang-buhay na siya.
Palagi mo rin akong/kaming iniengganyo na makihalubilo sa klase sa pamamagitan ng oral recitation. Pati na rin yung tricky mong mga tanong tuwing exam na nakatulong sa akin na mahubog ang aking kritikal na pag-iisip na isa sa mga kinakailangan pagtungtong ng kolehiyo.
Yaong mga pag-uusap natin pagkatapos ng klase malapit sa hagdanan sa klasrum ng Grade 12-Tangerine ay mananatiling top-tier na karanasan, kasama sina Ruth, Dax, at iba pa naming kaklase, ika’y magpapatuloy sa pagtalakay sa ating mga aralin at maging tungkol sa buhay. Pinapahalagahan ko yung mga panahon na bumibisita ka sa aming mga klasrum tuwing tanghalian para makipagusap sa amin.
“ Napaka-supportive mo, Tay. Lagi mong sinasabi sa’min na ikaw ay Jack of all trades, master of none pero para sa’kin, ikaw ang pinakaDABEST.
Kapag ikaw ay pumapasok sa aming klasrum ay laging nakatatakot ang iyong nanlilisik na tingin subalit sa ating talakaya’y lagi mo namang bitbit ang ngiti sa iyong mga labi na nakapagpapawala ng aming mga kaba sa recitation. Hinding-hindi ko naman makalilimutan yaong time na pinaiyak mo kami sa asignaturang Personal Development nang ibahagi namin ang aming mga problemang pinapasan sa buhay.
Wala kang ngang advisory class, pero marami ka namang naitulong sa pag-unlad ng bawat mag-aaral.
“What is your name, and why?” Isang tanong na hindi ko malilimutan sa ating Philosophy na asignatura. Mananatili itong alaala sa akin. Hindi ko rin malilimutan noong may nagrereport sa harapan habang bini-braid at ginugulo mo ang buhok naming ni Jamaica.
Istrikto ka mang titingnan sa unang pagkakataon, pero kung ikaw ay makikilala nang lubusan, mapagtatanto naming ikaw ay may pinakabusilak na puso, puno ng mga nakatatawang biro, isang kalmado, at maintindihin na guro at ama. Dahil diyan, mananatili akong sa iyo’y nagpapasalamat.
Nagmamahal,
Richel A. Balucan Alumna MSU-IIT Student
Tribong Subanen sa gitna ng modernisasyon
Jean Comendador
Gempya Gendaw!
Subanen, isa sa mga
Indigenous People na namumuhay sa lungsod ng Ramon Magsaysay kung saan pinahahalagan ang kanilang tradisyon,paniniwala pati na rin ang kalikasan. Kilalanin ang natatanging magaaral ng paaralan na ipinagmamalaki ang kaniyang nakagisnang kultura.
Si Binibining Norilyn O. Cubar, 17, residente ng Bambong Daku, Ramon Magsaysay Zamboanga del Sur, isang Subanen na nag-aaral sa pambublikong paaralan ng Ramon Magsaysay National High School.
Kulturang Nilakihan
Paboritong sayawin ni Bb.Norilyn ang sayaw kung saan gumagamit ng “kumpas” kasabay ng tugtog ng agong. Dahil dito, kaniyang nababatid ang pagkakaisa at ang pagiging makulay ng kanilang kultura.
”Ang kanta na palaging itinuturo sa amin ay ang “Dlupa Delamen” na ang ibig sabihin ay “Lupang Hinirang” wika ni Bb. Norilyn.
“Wala naman akong nararanasan na discrimination,” wika ni Bb. Norilyn.
Mabuti naman ang pakikitungo ng mga tao kay Bb.Norilyn. Aniya, wala naman problema sa kaniyang pag-aaral at pakikipagsalamuha sa kaniyang mga kaklase magkaiba man ang nilakihang paniniwala. Sa katagala’y unti-unti na niyang tinanggap ang pagkakaiba ng Bisaya at Subanen at natutong umakma sa kultura ng mga Bisaya.
“Ang pagkakakiba ng Subanen at Bisaya ay ang mga Subanen ay sobrang marespeto samantalang ang mga Bisaya ay hindi lahat,” ani Bb.Norilyn.
Sa matagal na pahanon niyang pakikisalamuha sa mga Bisaya, namalayan ni Bb. Norilyn na dahan-dahan nang nawawala ang kulturang Subanen.
“Hindi na masyadong ginagamit ang aming lenggwahe. Palagian ay Cebuano na ang ginagamit,” sabi ni Bb.Norilyn.
Sa napapansin ni Bb.Norilyn, unti-unti nang nawawala ang tribo ng Subanen sa kanilang nayon. Nagkakahiwa-hiwalay na sila dala ng modernisasyon.
Pagbibigay-buhay muli sa kultura
Ipaglalaban ko ang aming kultura. Ibabahagi ko rin sa iba na napakaganda maging isang Subanen.
Salaysay ng isang Gurong Maranao Reecle Venz Laurete
Ang kultura ang siyang dapat natin ingatan dahil dito natin makikita kung gaano kayaman ang ating bayang
kinalakihan at gaano tayo ka palad sa ating natatamasang kaligayahan.
“Mapasang...” wika ni Binibining Saguira A. Amoran, isang Maranao at guro sa Grade 11-TVL ng Ramon Magsaysay National High School. Ang salitang “Mapasang” ay nangangahulugang mahusay. Para kay Binibining Saguira, ito ang tamang paglalarawan ng kultura ng mga Maranao isang kultura na puno ng kayamanan, kadakilaan, at talino. Pakikisalamuha at Respeto
“Sa ilang taon kong pagtuturo dito sa Ramon Magsaysay, marami na akong naging kaibigan na mga guro. Natutuwa ako dahil sila mismo ang naga-adjust para sa akin,” ani Binibining Saguira.
Sa tuwing may mga kaganapan sa paaralan o kaarawan, labis niyang pinahahalagahan ang mga guro na iniisip siya, lalo na kapag may mga pagkain na hindi niya maaaring kainin.
Bilang isang Muslim, may mga alituntunin si Binibining Saguira ukol sa mga bawal na pagkain. Dahil dito, labis ang kanyang pasasalamat sa mga kaibigan na mas pinapahalagahan siya at ang kanyang mga pangangailangan.
“Hindi naman balakid sa akin ang makisalamuha sa kanila. Kahit magkaiba kami ng relihiyon, nangingibabaw pa rin sa amin ang respeto,” dagdag niya.
Malalim na Pag-unawa sa Bawat Kultura
Para sa kanya, lahat ng relihiyon ay may iisang paniniwala dapat itong igalang at inaasahan din nila ito mula sa iba.
“Ang tingin ng iba kapag Muslim ay nakakatakot, parang mamamatay-tao. Ngunit hindi iyon totoo; hindi lahat ng Muslim ay ganoon. Nagagalit lang kami kapag tinatapakan nila ang aming kultura o minamaliit kami,” kanyang pahayag. Aniya, walang mangyayaring pamamaliit kung nangingibabaw ang respeto ng bawat isa. Pagtanggap at Pasasalamat
“Laking pasasalamat ko sa Ramon Magsaysay National High School dahil hindi nila ipinaparamdam sa akin na naiiba ako.”
Inamin niyang natakot siya noong una dahil hindi siya pamilyar sa lugar at nag-aalala na baka iba ang mga tao rito. Gayumpaman, pinatunayan ng mga tao sa Ramon Magsaysay na siya ay katanggap-tanggap, kaya nama’y pitong taon na siyang nagtuturo dito.
“Malaki ang pinagkaiba ng Muslim sa ibang relihiyon, lalo na sa paniniwala at kultura. Para sa amin bilang mga Muslim, napakasagrado ng aming relihiyon. Dapat tayong magpakita ng respeto sa isa’t isa,” wika ni Binibining Saguira.
Mensahe at Misyon
“My inspiration is to change the light of the young learners.”
“Ang mensahe ko sa mga kapwa kong Muslim ay huwag silang matakot na lumabas mula sa kanilang comfort zone. Upang makamit ang kanilang mga pangarap, kailangan nilang patatagin ang kanilang loob at laging isipin na hindi sila naiiba sa iba. Dapat din nilang ipagmalaki ang kanilang kultura, tribu, at relihiyon.
Ang kwento ni Binibining Saguira ay isang makulay na salamin ng kulturang Maranao—puno ng yaman at kahulugan. Sa kanyang pagtuturo sa paaralan, ipinapahayag niya ang halaga ng kanyang kultura at relihiyon, at nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan upang ipagmalaki ang kanilang pinagmulan. Ang kanyang karanasan ay nagpapakita na kahit may pagkakaibaiba, maaaring magtagumpay ang respeto at pagkakaunawaan.
Ipinagmamalaki ni Bb.Norilyn na siya ay isang kasapi ng katutubong Subanen. Nais niyang buhayin muli ang kanilang kultura upang maibahagi at maipamana pa ito sa mga darating pang mga henerasyon.
Hindi natin maikakaila na ang modernisasyon ay nagpapaangat ng ating ekonomiya. Subalit, dulot ng modernisasyon, untiunti ng nawawala ang kultura ng kapwa nating mga lumad. Kaya dapat nating buhayin muli at ibahagi pa sa iba upang hindi tuluyang mabura, at ang kulay ng kulturang Filipino ay patuloy na magnininingning.
MSulyap sa hinaharap ng Katutubong Subanen Khellyn Cardenio
ay sariling kultura, wika, at tradisyon na nagpapanatili sa kanilang pagkakakilanlan. Iyan ang mga iilang katangian ng mga katutubong Subanen na kadalasang matatagpuan sa Ramon Magsaysay.
Si Ginoong Adrian Lyod G. Cañon, 17, ay isang half Subanen na isang Senior High School student na nag-aaral sa Ramon Magsaysay NHS. “Maipagmamalaki ko na ako ay isang Subanen sapagkat walang diskriminasyon sa aming tribo,” wika ni G.Cañon. Nawawalang Kultura, Nawawalang Identidad Ang mga Subanen ay nakararanas ng pagkawala ng kanilang kultura at pagkakakilanlan. Dahil naimpluwensyahan ng ibang kultura pag-unlad ng teknolohiya, ang kanilang mga tradisyon, at wika ay unti-unting nawawala.
“Ang tribo naming mga Subanen, na kilala dahil sa aming wika at tradisyon, ay unti-unti ng nawawala.
Sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ng kaalaman, nagkakaroon ng pagkakataon ang
mga susunod na henerasyon na malaman at maunawaan ang mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng Subanen.
Ang kanyang pagbabahagi ay nagbibigay ng halaga sa kultura ng katutubong Subanen at nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapanatili ng mga kanilang mga tradisyon.
I-scan ang QR Code at i-acess ang Facebook page ng “Isaysay” at manatiling update sa mga kaganapang agham at teknolohiya sa loob at labas ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Ramon Magsaysay
narescue
Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur - Itinurn-over sa Ramon Magsaysay
Community Environment and Natural Resources (CENRO) noong ika-11 ng Setyembre, 2024 ang isang Brahminy Kite na natagpuan sa Brgy. Bambong Diut, Ramon Magsaysay.
Sa pangunguna nina Brgy. Chairman Danilo T. Cayanong katuwang ang isa pang Brgy. Kagawad, nahuli nila ang naturang sakbit (raptor) matapos mamataan ito sa Covered Court ng Bambong Diut.
Pagkatapos, itinurn-over nila ito sa CENRO Ramon Magsaysay upang maiksamen ang lagay ng ibon.
“Palagay namin, nakatakas ito mula sa kaniyang nagmamay-ari dahil napansin namin ang isang pulang tali sa kanang bahagi ng pakpak nito,” ayon kay Brgy. Captain Cayanong.
Tinatayang nasa 900 grams o mahigit isang kilo ang ibon at kinumpirma ng CENRO-RM na ito’y bata pa lamang.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Regional Wildlife Rescue Center, Baclay, Tukuran, Zamboanga del Sur ang nasabing Brahminy Kite. Ang Brahminy kite eagle ay kilala sa Australia bilang “red-backed sea-eagle”. Karaniwan itong matatagpuan sa India at Southeast Asia, kabilang na rito ang Pilipinas.
Samantala, mariing pinaaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resource (DENR) ang publiko na sumunod sa Batas Republika 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Nakasaad sa Section 2 ng nasabing batas, “It shall be the policy of the State to conserve the country’s wildlife resources and their habitats for sustainability.”
SILYA KAWAYAN. Aktibong nagsanay ang mga mamamayan ng Ramon Magsaysay sa bagong inobasyon ng DOST-FPRDI gamit ang kawayan.
Pinagkunan: DOST RO IX Kapsyon ni: Jena Jean Bernal
Upang palawakin at palawigin ang lokal na industriya ng kawayan, inilunsad ang ‘Silyang Pinoy’ technology na pinaunlad ng DOST-Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) sa lungsod ng Ramon Magsaysay.
Ito ang kauna-unahang training na isinagawa sa buong rehiyon ng Zamboanga Peninsula sa pangunguna ng DOST Region IX, Provincial Science and Technology Office-Zamboanga del Sur at LGU Ramon Magsaysay.
“This innovation represents a significant efforts to promote sustainable development and mainstream our local Bamboo industry,” ayon kay Hon. Margie Arcite-Machon, akalde-mayor ng Ramon Magsaysay.
Ang “Silyang Pinoy” ay isa sa mga inobasyon ng DOST-FPRDI na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM)
Ito ay gawa sa engineered bamboo o e-bamboo, plywood at bakal bilang pangsuporta. Ang e-bamboo ay nagmula sa pinagbigkisbigkis na mga hibla, mga piraso, o kaya’y mga patpat ng kawayan na idinikit at pinagsama-sama.
Narito ang mga katangiang hatid ng Silyang
Pinoy: Sustainable
Gumagamit ng kawayan na kilala bilang mabilis tumubo at mas mainam na gamitin bilang pamalit sa mga kahoy. Nakatutulong din ito upang solusyonan ang kakulangan sa supply ng kahoy sa bansa at maiwasan ang pagkalbo ng mga kagubatan.
Multi-functional
Layon nito na magbigay ng kalidad na kagamitan sa mga paaralan na pwede ring maging higaan at maaaring magamit ng mga evacuees sa tuwing may kalamidad.
Matibay
Subok at pasado sa international standards ang kalidad ng teknolohiya pagdating sa pagiging matibay at pangmatagalan.
Proud-Pinoy
Ang proyektong ito’y garantisadong inobasyon ng mga Pilipino para sa benepisyo ng mga Pilipino.
“Ito’y nagbibigay rin ng panghanapbuhay para sa mga bamboo farmers at e-bamboo producers.
Ang dami naming natutuhan na bagong mga pamamaraan at proseso para sa paggawa ng mga
Engineered Bamboo Furnitures, maraming salamat po sa DOST.
Nicasio O. Sultan RM Bamboo Craft Association (RAMAGBA) President
“The Local Government Unit of Ramon Magsaysay is very grateful to DOST-FPRDI and DOST IX for the five-day training of Silyang Pinoy technology,” ayon kay Hon. Margie Arcite-Machon.
Mga mag-aaral, dumalo sa seminar ng RHU-Ramon Magsaysay
Bryan Lee Fontelo
Aktibong dumalo ang piling mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay NHS na nakatuon sa mga isyu ng HIV at teenage pregnancy na pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) ng lokal na pamahalaan ng Ramon Magsaysay noong ikasampu ng Disyembre, 2024.
Ito ay may temang, “Take the right path, My health, my right.”
Isa sa mga tagapagsalita si Bb. Sam Patricia V. Elmidor mula sa DOH Margosatubig.
Ayon sa kanya, sa 144 na kaso ng HIV sa buong lalawigan ng Zamboanga del Sur, apat dito ay naitala mula sa lungsod ng Ramon Magsaysay.
“Wala kaming target na porsyento dahil ang layunin namin ay mabawasan ang panganib ng pagkalat nito sa pamamagitan ng paggamot hanggang sa maabot namin ang zero.”
Ayon kay Gng. Airene R. Decastro , RHURM Head Nurse, “All services are free, from the laboratory test, consultations, medication and to the treatments as well.”
Isa sa mga estudyanteng dumalo, si Leslie Ann Neri sa ika-12 na baitang, ay nagpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa seminar, “Napakahalaga ng seminar na ito para sa amin. Marami kaming natutuhan tungkol sa HIV at teenage pregnancy, at kung paano namin mapoprotektahan ang aming kalusugan. Lubos kaming nagpapasalamat sa RHU at sa mga tagapagsalita.”
Bilang pasasalamat, namahagi ang RHU ng mga token tulad ng payong sa lahat ng mga magaaral na dumalo sa naturang seminar.
Sustansya sa Bawat Ugat at Sukat
Irene Mae H. Dago-oc
a nagdaang kompetisyon ng Qualci 2 Science Quest and Fair, tatlong mag-aaral mula sa Grade-12
STEM ng Ramon Magsaysay National High School na sina Hazel Ann Roble, Justine Bernardo, at Reecle Venz Laurete ay nagsagawa ng isang makabagong proyekto na tinawag nilang Hydroponics Campaign.
“Layunin ng aming proyekto na tugunan ang kakulangan ng mga berdeng espasyo sa paaralan at mapawi ang epekto ng tumataas na heat index sa aming komunidad,” ayon sa kanila.
Ang hydroponics, isang teknolohiya na nagpapahintulot sa paglago ng mga halaman sa tubig sa halip na sa lupa, ay nag-aalok ng maraming benepisyo hindi lamang sa produksyon ng pagkain kundi pati na rin sa pangangalaga sa kalikasan.
Sa kanilang inisyatiba, ipinakita ng mga estudyante kung paano nag-uugnay ang agham at agrikultura at binigyang-diin nila ang kahalagahan ng mga sustainable practices para sa kalikasan at hinaharap ng ating planeta. Ano ang Hydroponics?
“Ang hydroponics ay isang pamamaraan ng pagtatanim kung saan ang mga halaman ay pinalalago sa tubig sa halip na sa lupa. Sa sistemang ito, tinutunaw ang mga mineral sa tubig upang magbigay ng nutrisyon sa mga halaman. Ang hydroponics, kasama ang iba pang “walang-lupa” na pamamaraan tulad ng aquaponics at aeroponics, ay nagiging alternatibo sa mga hamon ng tradisyunal na agrikultura,” ayon kay Jonathan Schramm.
Ang grupo nina Hazel, Justine, at Reecle ay nagpakita ng dedikasyon sa pagpapalawak ng kaalaman at aplikasyon ng ganitong sistema sa kanilang komunidad.
Mga Benepisyo ng Hydroponics
Maraming benepisyo ang hatid ng hydroponics, kaya’t ito’y patuloy na sumisikat lalo na sa mga urban na lugar.
“Isa sa mga pangunahing bentahe nito ay ang mas mabilis na paglaki at mas mataas na ani ng mga halaman dahil sa kontroladong kapaligiran, na nagreresulta sa mas maraming ani sa mas maikling panahon,” ni Hazel Ann Roble.
“Mahalaga rin ang hydroponics para sa mga komunidad na may limitadong espasyo dahil pinapayagan nitong magtanim ng mga halaman sa kahit maliliit na lugar. Bukod pa rito, mas tipid ito sa tubig at kaunti ang pangangailangan sa pestisidyo, na nagdudulot ng mas ligtas at masustansiyang mga produkto para sa konsumo,” kuda ni Reecle Venz Laurete. Hydroponics at ang Kinabukasan ng Agrikultura
Ang paggamit ng hydroponics ay isang malaking hakbang patungo sa modernong hinaharap ng agrikultura. Sa harap ng tumataas na populasyon at nagbabagong klima, nagiging mahirap na para sa tradisyunal na agrikultura ang makasabay. Ang hydrophonics ay hindi lamang isang paraan para mapataas ang produksyon ng pagkain kundi isang solusyon sa konserbasyon ng mga likas na yaman.
Ang proyekto nina Hazel, Justine, at Reecle ay nagbibigay-inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral at komunidad upang tanggapin at gamitin ang teknolohiyang ito sa kanilang pagsisikap para sa mas sustainable na sistema ng pagkain.
Ang Hydroponics Campaign na ito ay patunay na ang mga kabataan ay may kakayahang magbigay ng makabuluhang kontribusyon sa pagbuo ng mas napapanatiling hinaharap. Sa kanilang proyekto, hindi lamang nila nalutas ang ilang mga hamon sa pag-aalaga ng halaman kundi naipakita rin ang koneksyon ng agham at kalikasan.
Ang hydroponics ay hindi lamang solusyon, kundi isang pag-asa para sa mga darating na henerasyon.
Jelly Tabania
Pagkalat ng Mpox Virus, ikinababahala ng mga mag-aaral, guro
Sa panahon ngayon, marami na ang kumakalat na mga sakit. Kabilang na rito ang Monkey pox o mas kilala sa tawag na Mpox. Ito ay delikado sapagkat ito ay nakahahawa sa pamamagitan ng close contact at paggamit sa mga kontaminadong bagay.
Kaya naman sa pagkalat ng Mpox virus, maraming mga guro at mag-aaral ang nabahala sa maaaring kahihinatnan kung sakaling lumawak pa ang pagkalat ng naturang virus sa buong mundo.
“Nababahala talaga ako kapag ako ay mahahawaan ng ganitong sakit at kung ako ay makaramdam ng sintomas ng Mpox virus, magpapakonsulta kaagad ako sa doktor,” ayon kay Charmine Bandingon ng Grade 11 – HUMSS.
“Natatakot ako mahawaan, kasi ang Mpox ay nakahahawa. Kung sakaling magka-Mpox yung mga kaklase ko, hindi na ako papasok sa klase o mas mabuting lalayo na lang ako sa kanila ng lubusan.”
Ayon kay Gng. Gersemith Mae R. Dano, guro sa Agham, “For me, it will bring harm at
nangangamba ako dahil baka magstop ang klase. Una pa, ito ay viral disease, ibig sabihin mabilis lang siya kumalat at marami ang maaapektuhang mga estudyante. Tapos, babalik na naman tayo sa modular which is not good because it will affect the progress sa learning sa students.”
“Ang Mpox ay viral disease, kailangan pa ng vaccine tapos kung hindi pa nadidiskobre ang bakuna para sa virus na ito, hindi talaga siya mamawala sa paaralan at marami pa ang maaapektuhan,” dagdag pa ni Ginang Dano. Ika nga, “Health is wealth.” Nararapat lang na maging malinis sa katawan, umiwas sa mga matataong lugar at palaging magpakonsulta sa mga doktor sa tuwing nakararamdam ng mga sintomas.
Acrophobia, nanguna sa sarbey ng RMNHS
Cyhna Mae Alcontin
Bawat isa ay may takot sa mga bagay-bagay na kung tawagin natin ay phobia. Ang phobia ay isang uri ng takot o pangamba sa isang bagay, sitwasyon at gawain. Ito ay pangunahing isyu sa kalusugan ng isip na kung saan lubos na nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay.
Kaya, nagsarbey ang Isaysay tungkol sa kung ano ang mga bagay na labis na kinatatakutan ng mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay NHS. Narito ang naging resulta ng sarbey na may kabuuang bilang na respondents na 52: Acrophobia
Naitalang 40.38% o 21 sa 52 magaaral ang mayroong Acrophobia o ang takot sa mga mataas na lugar – fear of heights sa Ingles.
“First time kong sumakay ng Ferris Wheel noon tapos pagtingin ko sa ibaba ay para akong nasusuka at parang mahuhulog,” ani Janine Margarette Roble, isa sa mga respondent ng sarbey.
Aniya, “Noong time na ‘yun ay pinipigilan ko talaga ang aking sarili na hindi umiyak.”
“Kaya noon ay ayaw ko ng pumunta sa mga matataas na lugar o sumakay pa sa Ferris Wheel,” dagdag pa niya. Ophidiaphobia
para isumbong at ipapatay ito.”
Phasmophobia o Spectrophobia Ang tawag sa takot sa mga multo, mga espirito, at mga supernatural na mga nilalang ay tinatawag na Phasmophobia o Spectrophobia. Sa sarbey, pumapangatlo ito sa pinakakinatatakutan ng mga magaaral na may 23.07% o 12 sa kanila mula sa kabuuang
Pumapangalawa sa sarbey ang Ophidiaphobia na may talang 36.55% o 19 sa kabuuang respondents. Ang Ophidiaphobia ay ang takot sa mga ahas.
“Sobrang nakatatakot talaga ang mga ahas. Nandidiri ako sa kanilang balat at siyempre natatakot akong mamatay sa kagat ng ahas dahil karamihan sa kanila ay venomous,” ayon kay Aubrey
Dagdag pa niya, “Nagkaroon na ako ng trauma dito dahil nakakita ako ng ahas noon tapos ito’y kulay itim at parang tumayo siya kaya’t dali-dali akong kumaripas ng takbo sa aming kapitbahay
“Nakakatakot kapag tungkol sa mga multo ang pinag-uusapan,” nakapapanindigbalahibong kwento ni Johnzam Manangquil.
“Sa bahay, may isang karton na nakalagay sa itaas pero napupunta sa sahig kahit wala namang gumagalaw nito – ni pusa o daga. Para sa akin, yung lolo ko ang madalas na nagpaparamdam sa amin.
Hindi madali sa isang taong may phobia ang harapin ang kanilang takot kaya’t ano nga ba ang dapat gawin upang mawala ang mga ito?
Una, alamin ang iyong takot at tanggaping mayroon ka nito. Ikalawa ay mainam na kumonsulta sa isang mental health professional, therapist o counselor. Panghuli nama’y magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong phobia – ang mga sanhi, sintomas at kung paano ito haharapin.
Irene Mae H. Dago-oc
Sa panahon ng digitalisasyon, patuloy na nagiging bahagi ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang paggamit
ng makabagong teknolohiya. Isa sa mga tumutulong sa pagpapabilis ng proseso ng pagsusuri ng mga eksaminasyon ay ang ZipGrade, isang mobile application na dinisenyo upang gawing mas mabilis, efficient, at tumpak ang pag-check ng mga sagot ng mag-aaral.
Nagsarbey ang Isaysay sa mga mag-aaral at mga guro tungkol sa kanilang paggamit ng ZipGrade bilang makabagong paraan sa mga examinations.
Ayon kay Marie Campos, Grade 7 - Daphne, “Malaking tulong sa akin ang ZipGrade sa aking pag-aaral. Nagbibigay ito ng agarang feedback, kaya agad kong nalalaman ang mga pagkakamali ko at kung ano ang dapat kong pag-aralan. Dahil dito, mas handa at kumpiyansa ako sa mga pagsusulit. Ang mabilis na resulta ay nagpapataas ng aking motibasyon at hindi na ako gaanong nababahala sa mga marka.”
“Para sa akin, ang ZipGrade ay isang malaking tulong sa paghahanda at pagbuo ng kumpiyansa ko sa mga pagsusulit. Dati, medyo kinakabahan ako dahil sa mahabang paghihintay para sa mga resulta. Pero ngayon, dahil sa instant feedback ng ZipGrade, alam ko agad kung saan ako nagkulang. Nakatutulong ito para mas ma-focus ko ang pag-aaral ko sa mga specific na topics na kailangan ko pang pag-aralan. Mas nagiging handa ako at dahil doon, mas confident na rin ako sa pagsagot sa mga susunod na pagsusulit. Parang may built-in na study guide ang ZipGrade” ani Jane Umambac.
Ayon kay G. Roel Dagooc, guro sa Math, “Ang pinakamalaking pagbabago mula nang gamitin ang ZipGrade ay ang bilis ng pagkuha ng resulta sa ginawang pasulit. Agad na nakikita ng mga estudyante ang kanilang mga tamang sagot at pagkakamali, na nagiging dahilan upang mas maagap silang matuto. Dahil dito, mas mataas ang kanilang performance at mas proactive sila sa pagaaral. Ang instant feedback ng ZipGrade ay nagiging mahalagang bahagi ng kanilang learning process, na nag-uudyok sa kanila na maging mas motivated at responsable sa kanilang pag-aaral.”
Sa kabuuan, ang ZipGrade ay isang makabagong solusyon na nag-aambag sa pagsulong ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng digitalisasyon. Sa pamamagitan ng instant feedback at mabilis na pagkuha ng resulta, nagiging mas episyente ang proseso ng pagsusuri ng mga eksaminasyon.
Ang mga mag-aaral, tulad nina Marie Campos at Jane Umambac, ay nakararanas ng malaking benepisyo mula sa paggamit ng application na ito, dahil tumutulong ito sa kanilang paghahanda at pagbuo ng kumpiyansa sa mga pagsusulit.
Ayon kay G. Roel Dagooc, ang mabilis na resulta at kalinawan ng feedback ay nagiging dahilan upang mas maging proactive at motivated ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Sa ganitong paraan, ang ZipGrade ay hindi lamang isang tool kundi isang mahalagang bahagi ng kanilang learning process, na nag-uudyok sa kanila na patuloy na pagbutihin ang kanilang sarili.
Totoo nga namang cute kung titingnan ang mga alagang hayop tulad ng pusa at aso. Ngunit, tandaan, kung
ng rabies.
Ang rabies ay nakukuha sa kagat o kalmot ng mga hayop. Ito ay nagtatagal ng tatlong buwan at kung hindi maaagapan agad ay maaring ikasanhi ng pagkamatay.
MGA SINTOMAS
Lilitaw ang mga sintomas nito sa loob ng 12 linggo. Nagsisimula ito sa pamamaga ng iyong katawan, pagkakaroon ng lagnat, pagsusuka at ang pagpapakita ng agresibong pag-uugali at pagkatakot sa tubig o hydrophobia.
”Mahapdi at masakit ang aking sugat pagkatapos kong makagat ng aso,” ayon kay Nollan Martinez, isang mag-aaral sa Baitang 11. GAMOT
Ang pagbabalewala ng mga ito ay maaaring magdala sa iyo tungo sa kapahamakan. Kung nakaranas ka ng mga sintomas ay pumunta agad sa malapit na hospital para sa agarang pagbabakuna, paginom ng mga antibiotics para sa maaaring impeksiyon at pagturok ng booster shot kung kinakailangan.
PAG-IWAS
Ang pag-iwas sa rabies ay isang napakahalagang tungkulin upang mailigtas ang sarili sa mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Kalakip na rito ang pag-iwas sa mga agresibong hayop at iwasan ang pakikisalamuha sa mga hayop na hindi bakunado upang maiwasan ang komplikasyon.
“Simula ng nakagat ako ng aking daliri ay nanghihina na ang aking katawan at pagkalipas ng dalawang araw ay biglang nanakit ang aking katawan, kalamnan, pagsakit ng ulo at ako’y biglang trinangkaso”, wika ni Martinez.
Kaya habang maaga pa’y pabakunahan ang inyong pets.
Tandaan, ligtas ang nag-iingat.
Jelly Tabania
Hinakot ng Ramon Magsaysay NHS ang samu’t saring parangal sa Qualci 2
Science Quest and Technology Fair
(QSQTF) noong Oktubre 25, 2024.
Mga nakakuha ng unang puwesto
Environmental-Science Quiz (Grade 7)
- Roselle L. Campos
Tower of Hanoi (Grade 7)
- Aubrey Jhyn C. Mondanes
Sci-Photojournalism (Grade 7)
- Lyra Feb Miranda
Sci-Math Chess (Grade 7)
- Mark Jay B. Pang-an
Rubik’s Cube (Grade 7)
- Lyle Joseph D. Galves
Sci-Essay Writing (Grade 9)
- Zande Zyace Jumalon
Robotics Technology (Grade 10)
- Wayne Francis Jose S. Sorela
Sci-Poster Making (Grade 10)
- Ezekiel Jade Tagaan
Sci-On the Spot Painting (Grade 10)
- Juicel Cruz
Tower of Hanoi (Grade 11)
- Lyka Jean Debalocos
Science Quiz (Grade 12)
- Sophia C. Baricuatro
Sci-Photojournalism (Teachers Category)
- Jun Jason R. Ardenio
Tower of Hanoi (Teachers Category)
- Jessie T. Villacora
Paggamit ng bagong paraan sa attendance, patok sa SHS
Cyhna Mae Alcontin
Sigaw rito, sigaw roon. Iyan ang laging nangyayari sa loob ng klasrum sa tuwing mag-aattendance ang mga
teacher. Subalit, kaiba sa nakasanayang tradisyonal na paraang pag-alam sa kung sino-sino ang mga present at absent, naging patok sa Grade 12 - STEM ang pagsisimula ng paggamit nila ng Biometric Attendance System para sa taong ito.
Isa itong teknolohiya na kayang magkalkula at tandaan kung kailan pumasok at lumabas ang mga mag-aaral sa loob ng klasrum.
Paggamit
Madaling gamitin ang biometric dahil kinikilala lamang nito ang fingerprints ng bawat mag-aaral. Sa paggamit nito’y itututok lamang ng mga mag-aaral ang kanilang daliri at kusa na nitong malalaman ang naturang mag-aaral.
Layon
“Naisipan naming gumamit ng biometric sa pag-aattendance para mas magiging disiplinado ang mga estudyante,” ayon kay Bb. Rosemarie Ogates, Class Adviser ng Grade 12-STEM.
“Para mapractice ng mga student to be on time sa kanilang mga klase,” dagdag niya.
Benepisyo
“Para sa akin, okay lang na mag-biometric kami. Bilang estudyante, malaking tulong ito sa akin para mas maayos na pamahalaan ang aking oras. Sa bawat pag-tap ko, nagiging mas aware ako sa oras ng pagpasok at pag-alis ko sa paaralan,” saad ni Reecle Venz Laurete, Grade 12-STEM.
“Malaki ang benepisyo nito sa ‘min dahil natrain kami na maging mabilis at maagap. Kasi kapag walang biometric, siguro 8:00 am na ako papasok sa school,” pabiro ni Leah Mae Espiritu, Grade 12-STEM.
“Para sa akin, maganda na magkaroon ng biometric ang bawat silid aralan sa paaralan dahil mas nagiging responsable ang mga magaaral,” ayon naman kay Justine Bernardo, Grade 12-STEM.
Ramonians, aabante sa National Science Fair 2025
obyembre 8 - Abot-langit ang ngiti at saya ng mga delegado ng Ramon Magsaysay NHS matapos sungkitin ang mga unang puwesto sa
katatapos lamang na Division Science Quest and Technology Fair na ginanap sa Tukuran Technical Vocational High School, Tukuran, Zamboanga del Sur.
Nakopo ni Lyra Feb Miranda ang unang puwesto sa Sci-Photojournalism matapos talunin ang mga katunggali sa iba’t ibang Qualci. Nagtapos sa unang puwesto naman si Zande Zyace Jumalon sa patimpalak ng SciEssay Writing.
Samantala, hindi naman nagpatalo ang mga guro ng RMNHS sa teacher’s category ng
mga patimpalak.
Nakuha ni G. Jessie Villacora ang unang puwesto sa Tower of Hanoi teacher’s category matapos ungusan sa oras ang kanyang mga kalaban.
Habang natamo naman ni G. Jun Jason R. Ardenio ang unang puwesto sa SciPhotojournalism teacher’s category.
“Nagpalpitate ang puso
LILIPAD SA BAGUIO. Galing at husay ang ipinamalas ni Sir Jessie Villacora, sa larong Tower of Hanoi sa Division Science Quest
Kuha ni: Jena Jean Bernal
ko dahil nagka-anxiety ako pero masaya ako nung natawag si Lyra bilang 1st kaya lumundaglundag kaming dalawa kaya hindi naman tuloy nakuha yung SD card niya,” sambit ni Ginoong Ardenio na abot langit ang kanyang ngiti.
Nakatakdang lalahok ang mga nagwagi sa gaganaping 21st National Science Fair ngayong Pebrero sa Baguio City.
Earth Science, pinakapaboritong sangay ng agham ng Ramonians
Irene Mae H. Dago-oc
Ang agham ay masistematikong mga kaalaman. Ito ay nakabatay sa katotohanan at mga teorya. Ito ay nahahati sa napakaraming sangay tulad ng Biology, Chemistry, Physics, Astronomy, Zoology, Botany, Earth Sciences
Kaya naman, nagsarbey ang Isaysay tungkol sa kung ano ang pinakapaboritong branch of science ng mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay NHS. Narito ang naging resulta ng sarbey na may kabuuang bilang na respondents na 52: Earth Science
Naitalang 17 sa 52 mag-aaral o 32.69% ay paborito ang Earth science.
“Para sa akin paborito ko ang Earth Science bilang isang sangay ng agham sa kadahilanang dito natin natutuklasan ang mga proseso na nangyayari sa ating paligid na nagiging dahilan upang humantong tayo sa iba’t ibang katanungan.
Sambit naman ni Elyza Vinne Mae Aranton, “Paborito ko ito dahil about Earth yung pinaguusapan tapos yung magagandang nature po.”
Ayon kay Claude C. Albritton, et al., “Ang Earth Science ay isang larangan ng pag-aaral na may kaugnayan sa solidong bahagi ng daigdig, mga katubigan nito, at ang hangin na bumabalot dito. Kasama rito ang agham heolohikal, hidrolohikal, at atmosperiko.
Biology
Pumapangalawa naman sa sarbey ang Biology o Haynayan na may 28.84% o 13 mula sa 52 respondents.
“Favorite ko ang Biology because I wanna be a pharmacist,” kuda ni Hannah Lou Atopan, Grade 10 - STE.
Ayon sa Baliwag Polytechnic College, “Ang Biyolohiya ay ang pag-aaral ng mga buhay na bagay at ang kanilang mga mahahalagang proseso. Ang larangan na ito ay nakikipagtulungan sa lahat ng physicochemical na aspeto ng buhay.”
Physics
Pumapangatlo naman sa sarbey ang Physics na may talang 26.92% o 14 sa kabuuang respondents.
“I chose physics because I like logic and I want to explore new things,” ani Wayne Francis Jose, Grade 10-STE
Ayon sa Oxford Dictionary, “Physics is the branch of science concerned with the nature and properties of matter and energy. The subject matter of physics, distinguished from that of chemistry and biology, includes mechanics, heat, light and other radiation, sound, electricity, magnetism, and the structure of atoms..”
Chemistry
Samantala, nasa ikaapat na puwesto ang Chemistry o Kapnayan na may talang 15.38 o 8 sa 52 respondents ang paborito ito.
“Kasi yung chemistry nandoon yung hilig ko. Mahilig akong mag-experiment,” saad ni Geo Brhine Dabalos, Grade 11 - STEM.
Ayon sa Uniprojecta, “Ang Chemistry ay isang natural na agham na nakatuon sa pag-aaral ng istruktura, komposisyon, katangian at pagbabago ng bagay.”
Sa mundong kung saan pinahahalagahan ang agham at teknolohiya para sa pag-unlad at
paglawak ng kaalaman, napakahalaga ng mga pasilidad na sumusuporta sa pag-aaral at pagsasanay.
Ngunit tila nakaligtaan na ang Science Laboratory ng Ramon Magsaysay National High School na kung saan balot na ito ng makapal na alikabok, tanda ng kawalang pansin. Ang dati’y makulay na sentro ng eksperimento at pagtuklas, ngayo’y nababalutan ng pananahimik at kapabayaan.
Batay sa isinagawang sarbey ng Isaysay, 77% ng mga mag-aaral ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kasalukuyang estado ng laboratoryo. Para sa mga kabataang sabik sa kaalaman at paglago, ang isang functional na science lab ay susi sa mas malalim na pag-unawa sa mga konsepto ng agham. Ang kasalukuyang kalagayan nito ay sumasagisag sa isang nawawalang pagkakataon na sana’y nagtutulak sa kanila tungo sa mas mataas na antas ng edukasyon sa agham at teknolohiya.
Gayumpaman, 23% ng mga mag-aaral ay naghayag ng kanilang kasiyahan sa kabila ng kakulangan, na nagpapakita ng kanilang pasasalamat na mayroon pa rin silang laboratoryo, kahit pa ito’y malayo sa inaasahang kondisyon. Ngunit ang tanong, sapat na ba ang simpleng presensya ng isang pasilidad? Ang sagot ay hindi. Ang de-kalidad na edukasyon ay nangangailangan ng isang maayos na kapaligiran at kumpletong kagamitan, isang lugar kung saan maipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutuhan sa praktikal na paraan. Ang pagpapabaya sa laboratoryo ay hindi lamang isang simpleng problema, kundi isang pagtalikod sa pangakong ibigay ang isang komprehensibong edukasyon. Sa panahong mabilis na umuunlad ang agham at teknolohiya, tungkulin ng mga paaralan na ihanda ang kanilang mga mag-aaral para sa kinabukasan. Ang pagbabalik ng sigla sa Science Lab ay isang hakbang na makikinabang hindi lamang ang kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin ang mga susunod.
Panahon na para bigyang-pansin at aksyon ang problemang ito. Isang panawagan para sa administrasyon, mga guro, magulang, at mga mag-aaral na magsama-sama upang buhayin muli ang Science Laboratory. Sa pamamagitan ng simpleng hakbang na ito, makakamtan ang isang mas maliwanag na bukas na puno ng pagtuklas, kaalaman, at pagtupad ng mga pangarap.
Nick Lawrence J. Suico
obyembre 21, 2024 — Tila isang nagliliyab na lapis si Aljane Lapiz ng Ramon Magsaysay
NHS nang makaharap ang kanilang katunggali mula Esperanza Switch NHS matapos niya itong paulanan ng mga bumubulusok at nagbabagsakang perimeter shots at layups, 59-14; at
ang kampeonato
Umuusok ang simula ng tapatan nang kaagad na nagpasiklab ang Captain Ball ng RMNHS na si Lapiz ng mala-bugatti sa bilis ng takbo at nag-ala Lebron James ito matapos pumukol ng mga kalkuladong layups sa unang segundo ng kwarter, 7-0 pabor sa RMNHS.
Hindi naman kaagad nagpatangay sa bola ang ESNHS at agad na bumawi sa pamamagitan ng kanilang humahaguros na mala-toro sa bagsik na atake at malaipo-ipo sa bilis na opensa at ipinukol ang iskor sa, 11-5. Nagmistulang mababangis na hayop ang dalawang koponan dahil sa kanilang mala-bagyong Pepito na opensa at depensa na kasing tibay ni Incredible Hulk nang biglang nagising ang natutulog na agila sa kaloob-looban ni Lapiz at kaagad na nagbitaw ng malaStephen Curry na mga tira na sinabayan pa ng mga layup na parang pinakalkula kay Albert Einstein dahilan ng di-mapigilang pagdomina ng RMNHS, 21-7.
Umarangkada na parang sasakyan sa bilis ng takbo at determinasyong makabawi ng mga babaeng atleta mula ESNHS at kaagad na pumukol ng dalawang magkasunod na perimeter at jump shots na hinaluan pa ng di-mapigilang mala-jet plane sa bilis na fastbreak at inilagay ang iskor na 35-11.
Dumadagundong sa hiyawan ang buong Ramon Magsaysay Gymnasium nang biglang nagpalunsad si Lapiz ng mala-Caitlin Clark na galawan na sinabayan pa ng tumutunaw-yelo na mga 3-point shots na naging dahilan sa kanilang malaking kalamangan sa pagsisimula ng pangatlong kwarter, 43-11.
Nagmamadaling rumatsada ang ESNHS nang muli silang tambakan at paglaruan ng Ramon Magsaysay National High School gamit ang kanilang mala-sonic sa bilis na galawan at liksi ng katawan at muling pinalobo ang kalamangan, 52-14 pabor sa Ramon Magsaysay National High School. Hindi na naka-iskor pa ang Esperanza Switch National High School at patuloy na pinadapa at nilampaso ng Ramon Magsaysay National High School sa pangunguna ng kanilang Captain Ball na si Lapiz matapos nila itong paulanan ng mga nag-aapoy at naglalagablab na tira at tinapos ang laban sa iskor na, 59-14.
Justine Bernardo
SIPAng katumbas ay panganib at trahedya
“
L ubos akong nagpapasalamat sa mga teammates ko dahil ‘di ko magagawa ang lahat ng ‘to kung wala sila. Nagpapasalamat din ako sa mga guro at coaches na palaging sumusuporta.
Nick Lawrence J. Suico
aging mabangis na agila si Brix Dane Machon ng Grade 12 Silver Eagles
nang makaharap niya ang kaniyang katunggali galing Grade 7 Green Archers na si Kyle Galvez matapos niya itong paulanan ng bumabagyong check sa Intramurals 2024: Men’s Chess Championship Match noong ika-18 ng Oktubre 2024.
Matatandaan na pinaitlog ni Machon ang kaniyang katunggali sa mga nakaraan niyang laban sa pamamagitan ng kaniyang malaMagnus Carlsen na taktika, 2-0; dahilan upang makapasok siya sa Championship Match ng Intramurals 2024.
Lumalagablab ang chessboard sa simula ng tapatan nang kaagad na nagpakawala ng nakakatindig-balahibong pressure si Machon gamit ang kaniyang bishop at kabayo sa ‘F’ file ng kalaban dahilan upang mangatog ang tuhod ni Galvez.
Hindi nawalan ng kompiyansa si Galvez at kaagad na nagpakawala ng mala-bakal sa tibay na depensa gamit ang kaniyang mala-Wesley So na taktika dahilan upang magkaroon siya ng magandang posisyon ng mga piyesa sa kalagitnaan ng laro.
Rumatsada na parang kabayo si Machon at kaagad na nilamon ang kabayong piyesa ni Galvez sa ‘C’ file na naging resulta upang pwersahang kainin ito Galvez gamit ang kaniyang pawn sa 7th rank dahilan upang magkaroon siya ng double pawn sa nag-aapoy na chessboard.
Marami ang nabahala sa paaralan ng Ramon
Magsaysay NHS sa kamakailang aksidenteng nangyari sa isang grade 7 student na naglalaro.
Ayon sa mga saksi, natamaan ang ulo nito ng “sipa” na naging dahilan ng lubhang pagdudugo nito.
Kung iisipin, normal lamang sa mga batang kagaya nito ang maglaro at maghanap ng pampalipas oras. Bukod pa rito, hindi rin ito oras ng klase kaya naman may kalayaan sila na maglaro.
Ngunit sa kabilang dako, hindi parin maiiwasan ang aksidente kaya naman nararapat lamang na humanap ng pampalipas oras ang mga mag-aaral na hindi makakapahamak ng iba at sa sarili.
Bukod pa rito, sa oras ng tanghalian, narararapat na ang mga mag-aaral ay nasa
loob na ng silid aralan bago pa man pumatak ang oras
ng klase. Sa ganitong paraan, mas makapaghahanda sila sa susunod na klase at mas magkakaroon ng kampante ang mga guro sa mga posibleng mangyari sa labas ng silidaralan.
Sa paglalahat, ang “sipa” ay isang normal na pampalipas oras ng mga bata ngunit dahil sa kapabayaan at katigasan ng ulo, ang dating libangan ay naging ugat ng aksidente. Kung magkakaroon lang sana ng mas ligtas na pampalipas oras, mas magiging ligtas ang mga magaaral sa paraan na hindi sila nasasakal.
Minsan kailangan rin nating mag-ingat sa bawat sipa, dahil baka susunod na hakbang nito ay trahedya.
Tila isang tahimik na dagat ang nakapalibot sa loob ng silid dahil sa pokus na ibinubuga ng dalawang manlalaro nang biglang nagpakawala si Machon ng isang brilliant move at kaagad na nilamon na parang bakunawa ang pawn ni Galvez na naging dahilan sa malaking pagkahimlay nito.
Sinubukan pang bumawi ni Galvez gamit ang kaniyang mga natitirang piyesa nang tuluyan siyang paulanan ni Machon ng mga bumabagyong check na sinabayan pa ng mala-Hikaru Nakamura sa bilis na tira dahilan upang humantong si Galvez sa isang nakakatindig balahibong checkmate.
Hinirang bilang kampeon si Brix Dane Machon matapos niyang paluhurin at kawawain ang kaniyang katunggali sa naganap na Intramurals 2024: Men’s Chess Championship Match noong ika-18 ng Oktubre 2024.
“When I won the Intramurals chess competition, I was extremely happy to achieve such victory. I was also surprised because I didn’t expect to defeat so many tough opponents, especially those from Grade 11 and 7,” ayon sa kanya matapos manalo.
Ramonians, sinisid ang mga ginto
Miles Milanes
Ginto para sa mga manlalangoy ng RMNHS sa 50m, 100m at 200m Freestyle Boys at Girls; 50m, 100m, at 200m Backstroke Boys at Girls; 50m, 100m, 200m Breaststroke Boys at Girls; 50m at 100m Butterfly Boys at Girls; Individual Medly Boys at Girls; Medley Relay Boys at Girls; Freestyle Relay Boys at Girls; at Mixed Relay.
“Sobrang saya ko kasi maka-aabot na naman ako sa Qualci. Gusto kong bumawi ngayon sa Qualci at makaabot sa Provincial Meet,” ayon kay Andrian Gabriel A. Malificiar, Gold medalist ng 50m, 100m, at 200m Backstroke; 4x50m Relay Freestyle; at 4x50m Medley Relay Backstroke.
“Ang preparations ko ngayon ay mag-training daily. Monday sa dry land, tapos sa Tuesday naman ay swimming, at alternate na para sa susunod na mga araw,” dagdag pa niya.
“Ibibigay ko ang lahat at best ko sa Qualci para makaabot sa Provincial Meet. Sa ngayon, ang target ko talaga ay ZPRAA,” kuda pa niya.
Ayon naman sa kanilang tagapagsanay na si Coach Samuel Malugao, “Masaya kami dahil ang lahat ng aming mga sakripisyo especially sa mga trainings naming every now and then ay nagbunga talaga.”
“Training is important talaga. If you want to be successful, magtraining ka talaga,” ani Coach Samuel.
“Para sa preparations namin sa Qualci, plano naming magkaroon ng resistant training. Also, we keep on training every now and then but we are trying to na makatraining kami sa mismong venue sa Tambulig District,” dagdag pa niya.
Pinagkunan: The Glare Kapsyon: Jena Jean Bernal
Ramon Magsaysay National High School, Zamboanga del Sur - Nagmistulang nanlupaypay na mga bulate’t uod ang taguring hari ng kagubatan na Crimson Lions nang hilahin ito at isubsob sa putikan ng pumapagaspas na lakas at naglalagablab na bagsik ng mga lumilipad na Pink Phoenix
sa kanilang pangkampeonatong laro ng Men’s Tug-of-war sa Intramurals noong ika-19 ng Oktubre, 2024. kanilang posisyon.
Mababakas sa mga mukha ng
Grade 10 Crimson Lions at Grade 11 Pink Phoenix ang gigil nilang mapatumba ang bawat isa’t hablutin ang gintong medalya.
‘Di magkamayaw ang hiyawan ng mga manonood at cheerer ng bawat koponan nang kayod kalabaw na naghihilahan ang bawat team sa pagtunog ng hudyat.
Aligagang nagpukol ng puwersa sa paghila ang Lions upang mapatumba ang Phoenix ngunit sinabayan naman ito ng mga nakakulay rosas na kamiseta ng kanilang taktika upang pumirmi sa
‘Di alintana ng bawat koponan maging ng mga manonod ang maambon na panahon at patuloy lamang ang mga ito sa pag-aagawan.
Subalit nabigla ang lahat nang biglang binitawan ng ilang miyembro ng Crimson Lions ang pisi dahilan upang mapasubsob sa putikan ang kanilang mga kakampi na nasa unahan at matumba ang ilang Pink Phoenix.
Dahil sa mga di-inaasahang kaganapa’y tuluyang nakamit ng Pink Phoenix ang inaasam na panalo at naiuwi ang gintong medalya.
“Happy ako dahil kahit maliliit ang aking mga kakampi, nakaya pa rin naman,” ani Rex Sumagang matapos magwagi sa laban.
“Ang technique namin ay sabay-sabay lang kami tapos lagi kaming nagbibilang,” aniya.
“Hindi na sana nila uulitin ‘yung ginawa nila na pagbitaw nang biglaan dahil delikado at baka makadisgrasya,” mensahe ni Kenn Daguman sa kalabang Crimson Lions.
atagumpay na naiuwi ng Grade 12 Silver Eagles ang Overall Champion title matapos pataubin ang mga katunggaling baitang sa Intramurals 2024 na ginanap noong ika-18
naman ang second runner-up. Hindi rin nagpahuli ang Grade 10 Crimson Lions, Grade 9 Aqua Deers, at Grade 8 Golden Dawn na nagpakita ng kanilang galing at sportsmanship. hanggang 19 ng Oktubre.
Ito ay may temang “Strive for Greatness, Play with Heart”. Nagpakitang-gilas ang Silver Eagles sa iba’t ibang larangan, kabilang ang Volleyball, Sepak Takraw (Boys), Badminton (Girls Single), Track and Field, Dance Sports, at Larong Pinoy. Ang kanilang kahusayan at determinasyon ang nagdala sa kanila sa tuktok ng tagumpay. Sumunod sa kanila ang Grade 11 Pink Phoenix bilang first runner-up, habang ang Grade 7 Green Archers
Nicole A. Antipuesto
Tinanggalan ng pag-asa ang mga paaralan
sa distrito ng Ramon Magsaysay na makamit ang tropeo at trono matapos maitanghal ang Ramon Magsaysay NHS bilang Overall Champion ng District Meet 2024.
Nanguna ang RMNHS matapos kumamada ng 42 gold, 31 silver, at 17 bronze.
Nagtapos naman sa pangalawang puwesto ang Sapa Anding AVTS na may 30 gold, 15 silver at 27 bronze.
Hindi naman nagpahuli ang EsperanzaSwitch NHS na may 16 gold, 16 silver, 6 bronze.
Samantala, hindi naman umuwing luhaan ang nagbabalik na Holy Family High School sa District Meet na may 4 gold, 5 silver, 8 bronze at magtapos sa ikaapat ng puwesto.
March Ivory Faith Borja
Sobrang saya ko talaga dahil nanalo kami. Sa wakas, makababawi na kami sa Qualci Meet.
John Rel Serino SAAVTS Team Captain MVP
TAPANG NG RAMONIAN. Bigo mang manalo ngunit ipinakita ni Jason Avergonzado (nakaberde),Warrior Spiker, ang katatagan at tapang sa pagblock ng bawat atake ng kalaban.
Pinagkunan: The Glare Kapsyon: Jena Jean Bernal
Bumubulusok na mga spike at mala-martilyong service ang ipinamalas ni John Rel Serino ng SAAVTS dahilan upang padapain ang RMNHS sa pangkampeonatong laro sa Volleyball Boys sa District Meet noong ika-22 ng Nobyembre, 25-19, 20-25, 25-21, 26-24.
Sinalubong ng nagbabagang bakbakan ang unang set, ngunit sa kalagitnaan ng laro ay nagpakawala ng kaliwa’t kanang pagkakamali ang koponan ng RMNHS dahilan upang lumamang ang SAAVTS sa set, 25-19.
Naging mainit naman ang pagsisimula ng pangalawang set nang magpakawala ng naglalagablab na spike si Morales ng SAAVTS ngunit tila di-makapaniwala ang madla ng maisalba ito ni Avergonzado ng RMNHS dahilan upang manaig ang RMNHS sa ikalawang set, 2025.
Agarang bumuwelta ng sunod-sunod na block ang RMNHS upang harangin ang tilakidlat na spikes ng SAAVTS ngunit hindi ito naging sapat upang ungusan ang SAAVTS nang kumamada ang RMNHS ng mga napakaraming service error at ibinulsa ng SAAVTS ang panalo sa ikatlong set, 25-21.
Pilit bumabawi ang RMNHS sa ikaapat na set sa pamamagitan ng pamatay-sunog na spike nina Dagohoy at Manaol at ungusan ang SAAVTS
sa 20 puntos ngunit tila nawalan ng enerhiya ang RMNHS nang mga sumunod na segundo at agarang nakahabol ang SAAVTS.
Hindi magkamayaw ang mga manonood mula sa iba’t ibang paaralan ng nakahabol ang SAAVTS sa 24 na puntos ng RMNHS at naging madugo ang mga kaganapan ng magpakawala ng nakalulusaw na spike si John Rel Serino.
Nagtapos ang laban sa iskor na 26-24 at nakamit ng SAAVTS ang kampeonato at tuluyang pataubin ang RMNHS.
Samantala, itinanghal na MVP ng laro si John Rel Serino.
“Sobrang saya ko talaga dahil nanalo kami. Sa wakas, makababawi na kami sa Qualci Meet,” ani Serino.
Ayon sa kanilang coach na si G. Manolito Ihao, “Happy at mixed emotions. Kinakabahan na rin ako dahil magiging matindi na naman ang aming preparations para sa Qualci Meet ngayong Enero.”
District Meet 2024
Prime Rose Bayani
Buong giting na inangkin ni Jiden Donaire
ng Ramon Magsaysay NHS ang gintong medalya sa larangang Lawn Tennis Boys
“Sobrang saya ko dahil nanalo ako. Mixed emotions,” ayon kay Jiden Donaire, District Meet 2024 Lawn Tennis Boys Champion. Table Tennis
RMNHS, bigong manalo bawat bracket
John Ethan Hatague T ng Ramonians na makakuha ng panalo sa 2024 District Meet Table Tennis.
inapos ng ESNHS at SAAVTS ang pag-asa
“Nagkulang kami sa practice kaya kami natalo. Nung time kasi ng practice namin, maraming mga kapwa ko estudyante ang nakikilaro rin sa aming practice,” ani Khellyn Cardenio.
Aquatic Events Ramonians, sinisid ang mga ginto
Miles Milanes N
ilusong at hinakot ng buong RMNHS
Swimming Team ang mga ginto sa 2024 District Meet matapos ungusan ang mga kalaban mula sa iba’t ibang paaralan...