

30% o 300 malnourished students, naitala; guro, administrasyon, nagpahayag ng pag-aalala Bryan Lee Fontelo


30% o 300 malnourished students, naitala; guro, administrasyon, nagpahayag ng pag-aalala Bryan Lee Fontelo
atay sa BMI report ng mga class advisers sa lahat ng baitang, mahigit kumulang 300 ang itinuturing na malnourished students.
“Ayon kay Principal III Wilfredo A. Sobretodo, “Mahalaga na mabigyan natin ng tamang nutrisyon ang ating mga mag-aaral upang masiguro ang kanilang kalusugan at tagumpay sa pag-aaral. Patuloy kaming maghahanap ng mga paraan upang matugunan ang problemang ito.”
Grade 10, isa mula sa Grade 11, at apat mula sa Grade 12. Ang pagtaas ng dropout rate ay isang seryosong usapin na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa pamunuan ng paaralan at mga magulang. Batay sa mga guro, ang mga dahilan sa likod ng pagtaas na ito ay batay sa iba’t ibang salik. Nanguguna na rito ang kahirapan,
mga estudyanteng nag-dropout at masiguro ang kanilang patuloy na pag-aaral at tagumpay sa hinaharap.
“Nakababahala ang pagtaas ng Dropout Rate sa nagdaang school year. Sisiguraduhin namin kasama ang buong paaralan na mapapababa ito ngayong taong panuruang ito,” ayon kay G. Wilfredo A. Sobretodo, punongguro ng paaralan.
Mahal ang Pangarap sa Murang Edad
SARDO ngayong taon, patuloy na tumataas
atuloy na umaangat ang bilang ng mga Student-at-Risk of
Dropping Out (SARDO) sa pagtatapos ng una at ikalawang markahan ng taong panuruan 2024-2025.
Batay sa statistics paglipas ng dalawang quarter, umabot sa 17 na mag-aaral ang
Labintatlo sa 17 na SARDO ay mula sa Junior High School Department na may siyam sa mga ito ang lalaki at apat naman ang mga babae. Habang apat naman ang mga SARDO mula sa Senior High na kung saan tatlo sa mga ito ay lalaki at isa ang babae.
“Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na pumapasok ang isa sa mga mag-aaral ko dahil palagi na lang daw itong naglalaro ng kompyuter batay sa kaniyang mama,” ani Gng. Richel Siete, Grade 9 Adviser.
1 sa 20 mag-aaral, palaging late; Tardiness, nanguna bilang pangunahing dahilan ng pagpapatawag sa Guidance Office
Elaine Mae Seronio
Nangunguna ang tardiness o pagiging late sa paaralan bilang pinakapangunahing dahilan ng pagpapatawag ng mga mag-aaral sa Guidance Office sa first
Sinabi ko raw na gusto akong kunin ng mga engkanto dahil nagkagusto raw sila sa akin, dahil maganda ako.
semester ngayong taon batay sa datos ng kasulukuyang designate guidance counselor ng paaralan na si Gng. Charym Labarda.
“Marami-rami na ang naipatawag sa aking opisina. Karamihan nito ay dahil sa absenteeism, misconduct behavior, at tardiness,” ayon kay Gng. Labarda.
Batay sa kanyang tala, nangunguna ang tardiness na may 23 mag-aaral na ang naipatawag dahil rito.
Pumapangalawa naman ang misconduct behavior na higit 17 magaaral.
Habang pumapangatlo naman ang abseenteism na may 4.
Samantala, pinaalalahanan niya ang mga mag-aaral na hindi dapat katakutan ang maipatawag sa kanyang opisina.
“They were always afraid. Guidance office is for all learners who need someone to listen for theirs sentiments, dramas and problems. I’d like to clear their minds that Guidance Office is not only for correcting every misbehaviors but also for mental health of the learners,” ani Gng. Labarda.
Napuno ng takot at pangamba ang hatinggabi ng mga Boy Scout at Girl Scout matapos ang isang cultural show nang diumano’y nasaniban ng masamang elemento ang isang scout noong ika-29 ng Setyembre sa
paaralan.
Pasado alas-otso ng gabi hanggang alas dos ng umaga, humagulgol sa iyak ang isang scout habang sinasapian ang kanyang kapatid na si Alyas Maria, isang babaeng scouter.
Ayon kay Maria, wala siyang maalala sa mga nangyari.
“Ang naalala ko lang, nalilito ako bakit nandoon na sina mama at papa at nagtanong ako kung bakit nasa first floor na ako kasi nasa second floor kami natulog eh. Nagtataka ako na wala akong tsinelas at may suot akong pants na hindi sa akin,” ani Maria.
Dagdag pa niya bago pa man mangyari ang insidente, nagreklamo na si Maria sa mga SPL na hindi na siya komportable sa tinutulugan nila dahil may nakita siyang babae na may mataas na buhok at nakasuot ng puti noong unang gabi.
“Hindi ko lang pinagsabi kasi baka matakot sila at hindi na matulog doon,” dagdag niya.
“Nung lumabas kami, hindi ko alam bakit bumalik ako sa room. Hindi ko na kontrol yung katawan ko at parang hindi ako makahinga at bigla akong natumba. Buti na lang nandoon yung isa kong kaibigan at sinalo niya ako,” kwento ni Alyas Maria.
Sa kabila ng mga pangyayari, patuloy na nagtataka si Maria sa kanyang katawan na tila hindi na niya makontrol.
“Parang hindi ko na magalaw at nanghihina ang baga ko,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Sinabi ko raw na gusto akong kunin ng mga engkanto dahil nagkagusto raw sila sa akin, dahil maganda ako.”
Ayon kay Nick Lawrence J. Suico, Senior Patrol Leader, “Sa gabing iyon, talagang nakakatakot ang mga pangyayari.
“Bilang Senior Patrol Leader at Preacher ng simbahan, sinubukan kong magdasal at humingi ng gabay mula sa
Infografik
Bryan
Lee Fontelo
Diyos para sa kaligtasan niya.”
“Nakita ko kung paano siya naghirap at kung paano siya pinigilan ng mga kasama namin upang hindi siya makasakit ng iba o ng kanyang sarili. Ang mga ganitong insidente ay nagpapakita ng kahalagahan ng pananampalataya at pagkakaisa sa mga ganitong sitwasyon,” dagdag niya.
“Habang nagdarasal kami, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon at ang pangangailangan ng bawat isa na magtulungan. Hindi biro ang makita ang isang kaibigan o kasamahan na nahihirapan at tila wala sa kanyang sarili,” sambit niya.
“Ang mga ganitong karanasan ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay na pananampalataya at suporta mula sa komunidad. Patuloy kaming magdarasal para sa kaligtasan at kapayapaan ng lahat, at sana ay hindi na maulit ang ganitong insidente,” kuda ni Nick Lawrence.
Ayon sa kaniyang kuya, “Ang naramdaman ko po ay labis na pagka-lungkot at pag-aalala dahil hindi ko po ina-asahan na ganyan ang mga pangyayari sa event na iyon. Noong nagaganap pa ang kababalaghan na iyon, hindi ko po ma unawaan ang aking pakiramdam at wala po talaga akong naisip na gawin dahil sa pag-aalala na baka malagay sa panganib ang buhay ng Kapatid ko.”
“Gayumpaman, labis akong nagpapasalamat sa Panginoon at sa lahat ng tumulong sa aking kapatid dahil naging ligtas at maayos na aking kapatid,” dagdag pa niya.
Samantala, dahil sa insidente’y hindi na ipinagpatuloy pa ang School Camporal at pinauwi ng maaga ang mga bata dahil sa pangambang madamay pa ang iba.
Lubos namang nagpapasalamat ang mga magulang sa maagap na komunikasyon ng bawat guro upang masigurong ligtas na makauuwi ang lahat ng batang scout.
Inilunsad ng paaralan ang
Computer Services Strand bilang dagdag na strand sa
Senior High School para sa pagsisimula ng taong 20242025.
Ayon sa punongguro na si G. Wilfredo Sobretodo, ang pagdaragdag ng CSS ay tugon sa lumalaking pangangailangan para sa mga propesyonal na may kasanayan sa teknolohiya at computer science.
“Nais naming bigyan ng mas maraming pagpipilian ang aming mga mag-aaral at ihanda sila sa mga trabahong may kaugnayan sa teknolohiya,” ani Ginoong Sobretodo.
Bukod dito, ang RMNHS ay may maayos at maaliwalas na computer laboratory Samantala, nadagdagan naman ang mga bagong laptop na bigay mula sa Kagawaran ng Edukasyon upang masiguro na ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sapat na resources para sa kanilang pag-aaral.
“Malaking tulong ito sa aming mga anak, lalo na sa mga nagnanais na magtrabaho sa larangan ng teknolohiya,” sabi ni Mrs. Emelie Ondo, isang magulang. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng CSS, ang RMNHS ay patuloy na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at paghahanda sa mga mag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Mental Health Seminar ang 40 mag-aaral ng Ramonians upang mapalawak ang kanilang kamalayan sa mental na kalusugan.
DPiling mag-aaral, dumalo sa Mental Health Culmination; RHU, binigyang-diin ang Mental
umalo ang mga mag-aaral sa matagumpay na kulminasyon sa pagdiriwang ng Mental Health Month noong Oktubre 31, 2024 na pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU). mga problema,” ayon kay Maica Lalim, Grade 12 - HUMSS.
Ang naturang aktibidad ay may layuning palakasin ang kamalayan ng mga kalahok sa pagpapahalaga sa kanilang kalusugan sa pag-iisip at pag-iwas sa mababang kumpiyansa sa sarili.
“Nakapaglabas kami ng aming saloobin, at natutunan namin kung paano kilalanin ang aming sarili at harapin ang mga problema. Masaya ako dahil natutunan namin kung paano i-handle ang sarili sa
Sa umaga, nagkaroon ng mga aktibidad na nagbigay-daan sa mga kalahok na maipahayag ang kanilang nararamdaman at matutuhan ang mga paraan kung paano harapin ang mga problema upang maiwasan ang anxiety.
Sa hapon naman, sumali rin ang mga magulang sa programa at
namahagi ng mga giveaways o tokens sa mga estudyante.
“Ilan sa mga estudyante ay ‘Low selfesteem, ito ay nakakabahala sa ating mga batang estudyante, Malaki ang aking pasasalamat sa Rural Health Unit dahil umuwi silang puno ng kumpyansa sa sarili at kasiyahan,” ani Gng. Charym Labarda, Designate Guidance Counselor.
Isang malungkot na balita ang bumalot sa Ramon Magsaysay National High School (RMNHS) at sa buong komunidad nito matapos pumanaw si G. Alex Ley Damalerio, guro sa Senior High School.
Ayon sa kinauukulan, siya ay pumanaw nang madaling-araw noong ikalawa ng Agosto, 2024.
Ang kanyang biglaang pagpanaw ay nagdulot ng matinding kalungkutan at pagdadalamhati sa mga magaaral, guro, at mga kaibigan.
Si Ginoong Alex ay isang respetadong guro at tagapayo ng SSLG sa paaralan.
Kilala siya sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo at sa kanyang malasakit sa mga mag-aaral.
Ngunit marami ang nagulat at nalungkot sa balitang ito, lalo na ang mga estudyanteng kanyang naturuan pati na rin ang mga kasamahang guro.
“ Hindi lamang siya isang guro, kundi isang kaibigan at mentor sa aming lahat. Malaki ang kanyang naiambag sa aming paaralan at sa aming mga buhay,” ani ni Wilfredo A. Sobretodo, Punongguro ng paaralan.
Dagdag pa niya, “Ang kanyang alaala ay mananatili sa aming mga puso.”
Ang mga mag-aaral at guro ay nag-alay ng mga bulaklak at kandila sa harap ng kanyang lamay bilang paggunita sa kanyang buhay at serbisyo. Isang alay dasal rin ang idinaos sa paaralan upang ipagdasal ang kanyang
Nabalot ng kontrobersiya ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika noong Setyembre 3, 2024 matapos magkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng
mga G11 na Lakan at Lakambini, mga guro at ng kanilang floor director na si Ginoong Venz Kyrie Omboy.
Ayon kay Ginoong Omboy, hindi nasunod ang tamang bilang ng mga hakbang sa kanilang pagtatanghal ng Singkil, isang tradisyunal na sayaw ng mga Muslim.
“Nilabag nila ang counting na dapat sundin. Ang dapat counting nila is 32 counts tapos ayon sa kanilang handler na huwag daw silang makinig sa counting namin,” ani Ginoong Omboy.
Dahil dito, napilitan siyang patigilin ang musika, na nagdulot ng kalituhan sa mga mananayaw at sa mga manonood. Sa kabila ng insidenteng ito, ipinahayag ni Ginoong Omboy na natuto siya mula sa pangyayari.
“As a floor director, I was very devastated that time,but I know my mistakes and I’ve learned from it. I learned about their culture,” dagdag pa niya.
Samantala, ipinaliwanag ni Alyas Juan, kalahok mula sa Grade 11, na sinunod lamang nila ang itinuro ng kanilang tagapagsanay.
“Sabi kasi ng handler namin na hindi kami susunod sa aming Floor Director. Kung ano raw yung aming napractice, ‘yun ang aming gagawin,” ani Alyas Juan.
Humingi rin siya ng paumanhin kay Ginoong Omboy sa nangyari.
Bagama’t nagkaroon ng aberya, naging matiwasay naman ang daloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Samantala, nagkaroon naman ng masinsinang pag-uusap ang bawat panig upang ayusin ang naging alitan sa palatuntunan.
Ang insidenteng ito ay nagbigaydaan din upang mas mapalalim ang pagunawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, lalo na sa mga tradisyunal na sayaw tulad ng Singkil.
Sa huli, ang kontrobersiyang ito ay naging isang mahalagang aral para sa lahat ng kalahok, na ang bawat pagkakamali ay maaaring maging daan tungo sa mas malalim na pagkatuto at pag-unlad.
“Sabi kasi ng handler namin na hindi kami susunod sa aming Floor Director. Kung ano raw yung aming napractice, ‘yun ang aming gagawin.
Alyas Juan Lakan
School Supplies, ipinamigay; Ramonians, nag-abot
EDUKASYON. PAG-ASA. KINABUKASAN!
Naghatid ng pag-asa ang mga guro ng Ramon Magsaysay NHS sa pamamagitan ng pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral Kuha ni: Bryan Lee Fontelo
Nobyembre 11, 2024 - Abot-langit ang ngiti at tuwa ng mga magaaral ng Ramon Magsaysay NHS matapos makatanggap ng school supplies na ipinamigay sa bawat isa.
Gamit ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) budget ng paaralan, nabigyan ng mga papel at ballpen ang lahat ng mga mag-aaral.
Ang pamamahagi ay naglalayong matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng sapat na kagamitan para sa kanilang pag-aaral, lalo na sa mga nangangailangan.
“Ang layunin ng programang ito ay tiyakin na ang bawat mag-aaral ay may sapat na gamit upang sila’y magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Nais naming alisin ang anumang hadlang na maaaring makasagabal sa kanilang edukasyon,” ayon kay G. Aldwin Abalos.
Samantala nagpahayag ng pasasalamat ang mga nakatanggap ng mga papel at ballpen.
“Masaya ako dahil mayroon na akong bagong school supplies,” ani Hannah Lou Atopan, Grade 10.
“Nagagalak ako dahil nabigyan kami. Lagi kasi kaming nawawalan ng ballpen kaya laking pasasalamat namin ng binigyan kami isa-isa,” ayon naman kay Jenny A. Lalim, Grade 10.
“Meron na rin kaming mga papel, hindi na manghihingi ang aking mga kaklase,” dagdag niya.
Epektibong paggamit ng GPTA Contribution, ikinatuwa ng mga magulang
Guro pumanaw; komunidad ng Ramon Magsaysay NHS, nagluksa
kaluluwa.
Ang pamunuan ng paaralan ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng isang guro.
“Ang kanyang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo ay hindi malilimutan.
Siya ay isang inspirasyon sa aming lahat,” dagdag ni Ginoong Sobretodo. Samantala, nag-abot din ng pakikiramay ang bawat mag-aaral at mga alumni sa yumaong guro sa pamamagitan ng tulong pinansiyal at pagdalo sa prayer vigil kay Ginoong Damalerio.
Kalagayan ng palikuran sa RMNHS, inirereklamo ng mga mag-aaral, guro
Bryan Lee Fontelo
Inirereklamo ng mga mag-aaral ang matinding amoy sa mga palikuran ng paaralan.
PAG-ARARO TUNGO SA PAGBABAGO. Patuloy sa pag-aararo ang isang manggagawa gamit ang kaniyang kalabaw upang maayos ang mabatong school ground ng Ramon Magsaysay NHS. Kuha ni: Lyra Feb Miranda
Ikinatuwa ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang wastong paggamit ng GPTA contribution sa pagsasagawa ng mga proyekto para sa ikauunlad ng
“Bilang isang magulang, labis akong nagpapasalamat sa PTA at sa lahat ng nag-ambag sa proyektong ito,” ayon kay Gng. Jocelyn Fontelo, magulang.
“Ang pagsesemento ng ground ay tiyak na magbibigay ng mas ligtas at masiglang kapaligiran para sa ating mga anak,” dagdag niya.
“Ang proyekto ng PTA ay isang inspirasyon para sa ating lahat. Ang pagsasaayos ng school ground ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga susunod pa,” ani Emilie Ondo, magulang.
Bilang isang magulang na may dalawang anak na nag-aaral sa RMNHS laking pasasalamat ko sa lahat ng nagbigay ng kanilang suporta at oras upang maisakatuparan ito,” kuda nito.
KONGKRETONG DAAN SA KAALAMAN. Gamit ang PTA Contributions, natugunan ang matagal ng dinaraing ng karamihan na mabatong school ground. Kuha ni: Brianne Enot
Ayon sa mga mag-aaral, ang mga palikuran ay madalas na walang sapat na tubig, may sirang mga gripo, at hindi regular na nalilinis.
“Mahirap gamitin ang palikuran dahil sa sobrang dumi at amoy,” ani Lourelle Fae Suco, Grade 10.
“Nakahihiya at hindi komportable.”
Samantala, nag-aalala ang mga guro sa epekto nito sa kalusugan ng mga mag-aaral.
“Ang ganitong kalagayan ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit at impeksyon,” sabi ni Gng. Julie P. Dela Cerna, guro sa paaralan.
“Ang kalinisan at kalusugan ng aming mga mag-aaral ay aming prayoridad,” ayon kay G. Wilfredo A. Sobretodo, punongguro ng paaralan.
“Gagawin namin ang lahat upang masiguro na ang aming mga palikuran ay malinis at maayos na magagamit,” pagsisiguro nito.
Bryan Lee Fontelo
Nagpahayag ng pagtutol ang walo (8) sa sampung (10) guro tungkol sa ipinalabas na Revised Dress Code ng Civil Service
Commission (CSC) para sa mga government workers, kasama na rito ang mga guro ng paaralan.
LIDERATO.
Elect-GPTA Officers, SSLG, Isaysay, nanumpa; Plataporma ng mga lider, inilitag
Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nanumpa sa katungkulan ang mga bagong halal na opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Parent-Teacher Association (PTA), at patnugutan ng Isaysay.
Nahalal bilang bagong SSLG
President ang mag-aaral mula sa Grade 12 na si Nick Lawrence Suico habang mananatiling Pangulo pa rin ng Asosasyon ng mga
Magulang at Guro si G. Marcelino J. Miñoza Jr.
Samantala, nanumpa naman sa katungkulan ang buong patnugutan ng Isaysay sa pangunguna ng kanilang Punong Patnugot na si Bryan Lee Fontelo.
“Plano naming SSLG na magtatag ng suggestion box upang makalapa ang mga suhestiyon, opinyon, at reklamo ng mga mag-aaral at mga guro. Layon din naming magpagawa ng flag banner ng paaralan bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng paaralan,” ayon kay Ginoong Suico.
“Mahalaga ang kontribusyon ng bawat magulang sa PTA para sa ikauunlad
ng paaralan. Kaya, ang mensahe ko lang sa mga magulang lalo na sa mga hindi pa nakapagbigay, para matapos ang mga proyekto sa paaralan, sana ay maibigay na nila ang kanilang mga kontribusyon nang mas maaga,” saad ni G. Miñoza.
“Noong nakaraang taon, ipinamalas ng buong patnugutang ‘Ang Liargaonon’ ang angking husay sa pamamahayag. Ngunit bigo kaming makakuha ng panalo sa nagdaang Regional Schools Press Conference. Kaya naman, binago namin ang pangalan ng patnugutan mula sa ‘Ang Liargaonon’ tungo ‘Isaysay’ dahil ito ang unang hakbang sa aming hangaring makopo ang inaasam na panalo sa RSPC,” ani Ginoong Fontelo.
Nakasaad sa nasabing Revised Dress Code na kinakailangang magsuot ng mga guro ng ASEAN-inspired na damit sa ikaunang Lunes ng Buwan; Filipiniana-inspired na kasuotan naman tuwing ikalawa hanggang ikaapat na Lunes ng Buwan; agency-prescribed office uniform tuwing Martes hanggang Biyernes; at habang smart casual attire naman sa mga araw na walang agency-prescribed uniform.
Ngunit mariin itong tinututulan ng mga guro.
“It’s good for preservation and conservation of our culture by remembering or wearing traditional costumes,” ayon kay Bb. Lurielyn Mae B. Laurete, guro sa SHS.
“But then again, we are in a tropical country, okay sana kung air-conditioned ang mga rooms. We have also public schools in remote areas,” dagdag niya
“It would be nice, maybe this will be like once a month, either first Friday of the month or every last Friday of the month.” kuda niya.
“I would hope na kung magchange na naman ng uniform they will consider again the humidity, that we are a tropical country. Not just like na yung iba naka-aircon. Mas maganda pa ang uniforms ng mga non-teaching kaysa sa teachers na very init,” tumbok ni Bb. Laurete.
Guro, dipabor sa CSC Revised Dress Code
Pamatnugutan
Taliwas sa dapat asahan, nakapagtala ng mas mataas na dropout rate ang Ramon Magsaysay National High School sa pagtatapos ngayong taong panuruan kumpara sa nakaraang taon. Ayon sa datos, umakyat mula sa 1.06% noong 2023-2024 sa 5.12% ngayong 2024-2025. Tila ba’y napa-
pabayaan ng administrasyon at kaguruan ng paaralan na pagtuunan ng pansin ang mga mag-aaral na lulubog-lilitaw hanggang sa tuluyan na lamang itong lumubog.
Ayon sa mga magulang ng mga mag-aaral na tumigil sa pagpasok, isa sa mga rason kung bakit pinatigil nila ang kanilang mga anak ay dahil sa kahirapan. Kaya naman, mas pinili na lamang nilang pagtrabahuin ang mga ito upang makatulong sa kanilang pangangailangan.
Ngunit sa panahon ngayon, ang diploma ay isa sa pinaka-importanteng sandata upang makahanap ng disente at permanenteng trabaho. Hindi
na sapat ang pagiging madiskarte lamang upang makahanap ng maayos na trabaho lalo na’t umuunlad na ang bansa natin at mas kinakailangan ang mga taong may malawak na kaalaman tungkol sa iba’t ibang larangan.
Hindi lamang trabaho ang maibibigay ng edukasyon sa atin. Kung magkakaroon tayo ng sapat na kaalaman, hindi na tayo magiging mangmang sa iba’t ibang isyu ng mundo.
Ngunit sa kabila nito’y tila
walang aksyon ang paaralan para resolbahin ang problema ng mga nasa laylayan. Tila hinayaan lamang silang tuluyang lumubog at mawalan ng pagasang makapagtapos ng pag-aaral.
Ang edukasyon ang sandata ng mag-aaral upang mapabagsak ang kahirapan at kamangmangan. Hindi lamang gobyerno ang nararapat kumilos tungkol sa isyung ito kundi pati tayo.
Kailangang bigyang-pansin ng paaralan ang mga mag-aaral na
HANAFIL ZAIRA MAE RAMOS
SHIJAN DEE CUENCA Mga Kartunista
MARY MARGARET BUENAFLOR RALPH JHAZTINE XZIANN LUBGUBAN PRECIOUS KATE COLONIA
ZYRIEL ZEN JUMALON
LEAH A. ESPIRITU
LOURELLE FAE SUCO
JOERAM DELA PEÑA Mga Radio-Broadcaster
RAMEL R. MIÑAO Tagapayo
WILFREDO A. SOBRETODO Punongguro
Nakalulungkot-isipin ang maselang insidenteng nangyari kamakailan lang sa probinsya ng Pampanga matapos ang panggagahasa umano ng dalawang batang lalaking nasa walo at sampung taong gulang sa isang anim na taong gulang na batang babae. Ang pangyayaring gaya nito ang naging bunga ng kakulangan ng sex education sa bansa.
lang na magkaroon ng sapat na edukasyon ang kabataan sa kanilang sekswalidad.
Kung titingnan ang perspektibo ng iba, ang usaping gaya nito ay sadyang maselan lalo na sa pagtingin ng mga religous group. Ayon sa kanila, labag ito sa moral at relihiyong paniniwala ng pagtuturo. Para rin sa iba, “kabastusan” lamang ang maaaring makuha ng mga kabataan dito.
Ngunit ang kakulangan sa Sex Education ay naging ugat na ng iba’t ibang problema sa bansa. Isa na rito ang talamak na rape. Nakalu-
lungkot-isipin na sa patuloy pa rin ng paglobo ng kaso nito at sa paglipas rin ng panahon, pabata nang pabata ang ang mga nagiging biktima nito. Lalo pa itong lumalala sa tulong ng teknolohiya.
Bata man o matanda, lahat ay may kakayahan nang maka-access sa pornograpiya ng libre na nagiging isang malaking impluwensya sa manonood upang gawin at subukan ang mga eksenang kanilang nasasaksihan.
Sa ngayon, kulang pa rin ang
Kawalan ng gym sa paaralan, tugunan
akababahala ang kawalan ng covered court sa paaralan. Maraming mga mag-aaral
ang dumaraing at nagsasabing nararapat magkaroon ng gymnasium sa paaralan, dahil kapag may mga programa o kompetisyong nagaganap, kailangan pa nilang pumunta sa Municipal Gymnasium.
Dahil dito, nahihirapan ang ilang mag-aaral na walang masasakyan, kaya’t naglalakad na lamang sila patungo roon. Iniinda ang trapiko at init ng araw.
Sa kabila ng kawalan ng gymnasium sa paaralan, nagtutulungan ang mga guro upang makahanap ng paraan na magkaroon ng masisilungan ang mga magaaral sa tuwing may gagawing programa sa paaralan.
Ngunit ang kanilang ginagawang paraan ay hindi sapat para sa mga magaaral. Dahil dito, naiinitan o nauulanan sila. Maaari silang magkasakit dahil sa ulan o init na sa tuwing ginaganap ang mga palatuntunan kahit saan sa paaralan.
Marami na ang dumadaing sa ganitong suliranin. Panahon na upang ang administrasyon ay gumawa ng paraan at solusyon.
Maaaring makipagtulungan at makipag-ugnayan sa mga stakeholders upang ang matagal ng inaasam na gymnasium ay maisakatuparan.
Sa huli, hindi lamang iilan ang makikinabang sa ganitong panukala kundi ang lahat ng mga mag-aaral sa paaralan - ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
kaalaman ng kabataan tungkol sa Sex Education kaya naman malubha pa rin ang kaso ng rape at teenage pregnancy. Kung maituturo lamang ito sa mas maagang panahon, maaaring hindi ganito kalala ang mga kasong may kaugnayan sa seksuwal.
Sa tulong ng malalim na pagtuturo nito at gabay ng magulang, maaaring hindi na maging panganib sa bawat tao ang hubad na reyalidad ng mundo.
Justine Bernardo
Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga mag-aaral, mga magulang at mga guro ng magpalabas ng Division Memorandum 124, s. 125 na nagbabawal sa pagba-“vlog” ng mga guro habang oras ng klase sa buong sangay ng DepEd Zamboanga Del Sur. Ayon sa memorandum, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng video, pag-record, at iba
pang social media related content habang nagtuturo upang mas mapabuti ang kalidad ng edukasyon at maprotektahan ang privacy at karapatan ng mga mag aaral.
Ayon sa mga guro, ang pagkuha ng video habang nagtatrabaho ay isang malaking tulong upang makadagdag sa kita ng kakarampot na suweldo ng mga guro.
Ngunit sa kabilang banda, nawawala rin ang professionalism ng mga guro dahil dito. Mas nagkakaroon ng pokus ang mga guro sa
Nkanilang content kaysa sa kanilang itinuturo.
Apektado rin ang mga mag aaral dito. Nagiging distraction nila ang mga device na ginagamit ng mga guro sa pagbi-video na nagiging sanhi ng pagkawala ng focus nila sa itinuturo.
Samantala, nalalabag din nito ang karapatan ng mga mag aaral sa kanilang personal space. May ibang mga guro na isinasama ang kanilang estudyante sa mga videos na kanilang ina-upload sa Social Media na maaaring mag-ugat ng mga negati bong epekto sa bata tulad ng cyberbullying na laganap sa panahon ngayon.
Ang Memorandum na inilibas ay makatutulong sa maraming aspeto ng pagaaral at pagtuturo ng mga mag aaral at guro. Maraming paraan upang malinang ang kaala man ng mga mag aaral ng hindi gumagamit ng mga bagay na makaapekto sa pagkatuto ng mga bata.
Unahin sana ang kalidad ng edukasyon kaysa ang kalidad ng content.
akababahala ang mga paninda sa canteen na halos lahat ay hindi masustansiya. Kadalasang itinitinda rito ay mga chichirya, soft drinks, at mga pritong pagkain. Ang ganitong klase ng mga pagkain ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng bawat Ramonians.
Tunay nga na ang mga snack sa canteen namin ay sobrang nakaaakit sa mga estudyante. Talaga namang pasok sa panlasa ng lahat kaya ito ang kadalasang ibinibenta sa canteen.Masarap na, abot-kaya pa. Ngunit, bakit puro ‘junk foods’? Alam nating lahat na ang mga ganitong pagkain ang unang nakakakuha ng aming atensiyon bilang mga estudyante.
Kapalit ng mura at mabilis kainin, ito
Justine Bernardo
Trin ang dahilan ng hindi balanseng kalusugan. Baryang abot-kaya, kalusugan isinusugal. Gayumpaman, ang pagtitinda ng mga ganitong pagkain sa canteen ay nagdudulot ng kapahamakan. Ang mga estudyante ay kulang na sa nutrisyon at lakas, na maaaring magdulot ng hindi magandang resulta sa kanilang pagganap sa klase. Bilang isang mag-aaral, may mga hakbang na maaaring gawin para balansehin
ang kita at kalusugan. Mas mainam na piliin ang mas healthy na opsyon, gaya ng mga gulay at prutas.
Dapat magpasa ng patakaran ang administrasyon upang limitahan ang pagbenta ng mga pagkaing hindi masustansiya. Hanggat maaga pa ay kumilos na, gumawa ng solusyon, at panatilihing ligtas ang bawat isa.
aong 2018 nang maipatayo ang pinakabagong Senior High Building sa paaralan ngunit kaakibat nito ang isang napakalaking problema - ang mga airconditioner nito sa bawat klasrum na hindi magamit-gamit dahil ipinagbabawal gamitin. Nakalulungkot-isipin na ilang taon ng hindi nagamit ang mga ito sa kadahilanang ngayong
taon lamang napakabitan ng kuryente ang naturang gusali.
Katwiran ng administrasyon kung bakit ito hindi pinapagamit dahil sa posibleng malaking konsumo nito sa kuryente na magiging-ugat ng mas malaking gastusin ng paaralan.
Gayumpaman, malaki ang nagastos ng gobyerno sa mga aircon na ito na sa tagal ng panahon ay maaring masira at tuluyan ng hindi mapakinabangan. Walong taon na ang lumipas nang ito ay naipagawa at magpahanggang ngayon ay wala pa ring kwenta ang mga aircon. Bukod pa rito, ang mga aircon ay
Justine Bernardo
a patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, naglabas ng isang nakagugulat na pahayag ang National Economic and Development
Authority (NEDA) na kasya raw ang 64 pesos na badyet para sa tatlong kainan ng isang Pilipino sa isang araw. Talaga nga bang kasiya ang halagang ito upang makakain ang isang tao o sadyang kathang isip lamang ito? Ano kaya ang opinyon ng mga Ramonians ukol dito?
Sa pagtaas ng inflation taon-taon, ang 64 pesos ay hindi na kayang sustentuhan kahit isang tao sa loob ng isang araw. Gayumpaman, maaari mong isaalang-alang ang nasabing badyet kung hindi isasama ang kanin at ang mas murang handa na ulam ang pipiliing opsyon. Sa halip na pagtuunan ng pansin ng NEDA kung kasya nga ba ang ganitong halaga sa isang araw, mas nararapat siguro na maghanap sila ng solusyon upang mapababa ang presyo ng mga bilihin.
Para sa akin, hindi talaga sapat ang 64 pesos dahil mahilig akong kumain. Ang presyo ng kanin ay 15 pesos, kaya kung bibili ako sa dalawang kanin, aabot na ito ng 30 pesos. Dagdag pa rito, ang ulam ay nagkakahalaga ng 20 pesos, at kung bibili ako ng tatlong kanin na may ulam, aabot na ito ng 60 pesos pataas. Kaya’t talagang kulang na kulang ang 64 pesos na badyet para sa tatlong kanin sa loob ng isang araw.
Renz CJ Maglangit Grade 11 - STEM
patuloy na naging disenyo sa paglipas ng panahon na nakadidismaya dahil gumastos ang gobyerno ng malaking pera upang mag maikabit ang mga aircon na hindi naman pala magagamit dahil hindi man lang pinapagamit ng administrasyon.
Sa paglalahat, ang mga Air Conditioners na ipinagawa sa paaralan ay mananatiling walang kwenta kung hindi ito gagamitin. Kung maghahanap lamang sana ng badyet ang paaralan para dito, makatutu-
long pa sana ito sa pag papababa ng init na nararamdaman ng mga mag aaral at guro.
Nawa’y makipagtulungan ang paaralan sa mga stakeholders nito upang makakalap ng pondo para sa maaaring bayarin kung ipapagamit ang mga airconditioner na tiyak na makatutulong sa mas komportableng pag-aaral ng mga mag-aaral.
sa sa ikinatuwa ng mga mag-aaral at mga magulang ang isinagawang programa ng Department of Education na Language Enhancement Through Reading Assessment (LETRA) sa bawat antas ng mga paaralan sa bansa. Anila, napagtutuunan ng pansin ang paglinang ng kasanayan sa pagbasa ng bawat kabataan sa pamamagitan ng programang
May iilang nagsasabi na nakalulungkot ang maaaring epekto nito sa kalusugang pangkaisipan at kompiyansa ng mga mag-aaral na makakakuha ng mababang marka. Maaari itong maging sanhi ng stress kung hindi sila makausad sa mas maatas na antas o lebel ng pagbasa na nilalaman ng LETRA.
Gayumpaman, ang mga hakbang gaya nito ay isa sa mga solusyong makapagbibigay-tuldok sa lumalalang krisis sa edukasyon sa bansa. Ang hakbang na ito ng DepEd ay makapagbibigay-linaw sa patutunguhan ng
bansa sa hinaharap. Bukod pa rito, mas mapapadali ang pagtuturo ng mga guro kung malalaman nila ang kapasidad ng pagbasa at pag-unawa ng kanilang mga mag-aaral sa mga aralin.
Sa paraang ito, nagkakaroon ang mga guro ng mas epektibong pamamaraan sa pagtuturo.
Sinasabing ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, kaya naman nararapat lamang na bigyan ng solusyon ang mga balakid na maaaring maging hadlang sa pag-
abot ng masaganang kinabukasan. Isa na rito ang kamangmangan, na ilang taon nang problema ng bansa.
Kung ipagpapatuloy natin ang mga programang gaya nito na nakapagbibigay ng kahusayan sa mga kabataan, hindi malabong matutuldukan na ang kamangmangan.
Hindi kasya, lalo na katulad namin na ‘homecook’ at hindi bumibili sa mga karinderya. Kinakailangan ang kanin at ulam kada ‘meal’, Sa bigas palang kulang na ang 64 pesos. Kung bibili naman sa mga karenderya yang 64 pesos ay kulang talaga sa isang araw na pagkain, lalo na ngayong sobrang mahal na ng mga ‘serving’ at sobrang liit pa. Ngayon sabihin na nating ang 64 pesos araw araw o nasa mga 21.33 pesos per ‘meal’, ano ang mabibili mo sa halagang yan? ‘malnutrition’ ang labas, pwede kapang magkasakit na humahantong sa kamatayan, mabubuhay ka nga sa mga iilang buwan, pero kapag pangmatagalan ang pag-uusapan, hindi.
Coleen C. Catiag Grade 8 - STE
Hindi, 64 pesos ay hindi sapat para sa tatlong pagkain sa isang araw. Tumaas na ang presyo ng pagkain, at ang 64 pesos ay hindi sapat para makabili ng masustansyang pagkain. Mas mabuting magdagdag pa sa budget upang masiguro na makakain ng maayos araw-araw.
Verchell L. Dotusme Grade 11 - HUMSS
Para sa akin, ang 64 pesos ay hindi talaga sapat para sa tatlong kainan. Grabe, ang mahal na ng mga bilihin! Baka nga mas sapat pa ito para sa dalawang kainan, pero hindi ka pa rin talaga mabubusog dahil sobrang mahal na ng servings ng pagkain at napakaliit pa ng mga ito. Kaya para sa akin, hindi talaga ito sapat, lalo na sa panahon ngayon.
Guhit ni Kyle James Dag-uman
Angel Narbasa
Ayon kay Heraclitus, “The only constant in life is change.” Sa patuloy na nagbabagong panahon, kinakailangan din ng paaralang
makisabay sa mga pagbabagong ito. Kaya naman, ang Isaysay ay nakipanayam sa mga lider ng bawat organisasyon sa loob ng paaralan upang malaman ang kani-kanilang mga plano hinggil sa ikauunlad ng paaralan. Narito ang kanilang mga opinyon:
Marcelino J. Miñoza Jr. PTA President
Mahalaga ang kontribusyon ng bawat magulang sa PTA para sa ikauunlad ng paaralan. Kaya, ang mensahe ko lang sa mga magulang lalo na sa mga hindi pa nakapagbigay, para matapos ang mga proyekto sa paaralan, sana ay maibigay na nila ang kanilang mga kontribusyon nang mas maaga. Siguro nasa 20% pa ng kabuuang bilang ng mga magulang ang hindi pa nakapagbigay dahil may mga magulang talaga na walang-wala kaya hindi natin sila mapipilit.
Maraming mamamayan ang nadismaya nang nagsidagsa ang mga social media influencers, internet sensations at celebrities na naghain ng kani-kanilang kandidatura upang tumakbo sa nalalapit na midterm national at local elections. Tila ba nagiging komedya’t drama na lang ang papalapit na halalan.
Nakatutuwang-isipin na bukal sa kanilang loob ang magserbisyo sa bayan at tumulong sa mga nangangailangan. Bukod pa rito, nakapagbibigay din sila ng kasiyahan sa madla.
Sa kabila nito, hindi pa rin sapat ang kabaitan upang pamunuan at maging sandigan ng isang bansa. Ang pamumuno ay isang responsibilidad na may kaakibat na sakripisyo at prayoridad para sa kanyang nasasakupan.
Hindi na bago ang ganitong senaryo kada-eleksyon. Marami sa atin ang bulag pa rin pagdating sa pagpili ng mga kandidatong iniluluklok sa pwesto. Mas nagiging basehan ng karamihan ang kasikatan at katanyagan ng isang pangalan kaysa tingnan ng kanilang plataporma para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan.
Ganitong mga pangyayari ang isa sa mga rason kung bakit ang Pilipinas ay lugmok pa rin sa kumunoy ng kahirapan. Sa kabila ng mga politikong nangako ng daan sa masaganang bukas, tila baliktad naman ang nangyayari sa realidad ng bansa.
Kung nais nating makaahon sa sistemang humihila sa atin pababa, piliin natin ang mga lider na may sapat na kakayahang hatakin pataas ang bansang lunod na sa galon-galong putik ng pangako.
Charlito L. Magparoc PTA Vice President
Para sa akin, ang pangunahing problema ng paaralan na kailangang bigyan ng pansin ay ang kawalan nito ng covered court. Kinakailangan na talagang magkaroon ng covered court ang paaralan dahil sa tuwing may meeting ang PTA, pupunta pa kami ng Municipal gym. Ang PTA contributions ay hindi sapilitan pero bilang suporta ng mga magulang na may anak na nag-aaral sa RMNHS.
Wilfredo A. Sobretodo School Principal
Layon natin na magkaroon ng mini-gymnasium sa paaralan na kung saan maaaring pagdarausan sa lahat ng school events. Dahil dito, sa tulong ng isang colonel, sumulat ako ng liham sa opisina ni Sen. Win Gatchalian, isang kahilingan para sa proyektong mini-gymn. Nakipag-usap na rin ako sa kaniyang kalihim, at nabanggit nitong isasama nila ito sa isa sa mga prayoridad na proyekto ng senador. Sa ngayon ay naghihintay at umaasa pa tayong maisasakatuparan ang naturang kahilingan.
Sa mga paaralan, tuwing may bumibisita, ang unang mapapansin ay ang school ground. Dahil ito ang unang tumatatak sa tingin ng mga tao mapa-estudyante man o guro. Ngunit, ang plasa sa aming paaralan ay nakasisira ng sapatos. Nakalulungkot isipin na ganito ang nararanasan ng aking mga kapwa mag-aaral.
Tuwing tag-ulan, ang aming plasa ay maputik na nagreresulta sa pagkakadumi ng mga sapatos ng mga mag-aaral. Kaya naman, binuhusan ito ng bato. Dahil sa hindi magandang komento ng ilang estudyante, ito ay pinagtuunan ng pansin. Nakikita ko ang unti-unting pagganda at pagbabago ng aming school ground, at nakatutuwang isipin na hindi nila ito binalewala. Ayon sa mga estudyante, ang
mabatong plaza ang dahilan ng pagkasira ng kanilang mga sapatos, at napapagalitan sila ng kanilang mga magulang dahil sa dagdag na gastos sa pagpapalit ng sapatos. Mayroon namang ilang estudyanteng nagsasabi na nahihirapan silang dumaan kapag nakasuot ng sandals dahil sa mga bato. Pwede silang madapa anumang oras, at ito ay nakababahala. Bukod pa rito, tuwing may mga aktibidad na ginaganap sa aming ground, nahihirapan
INick Lawrence J. Suico SSLG President
Plano naming Supreme Student Secondary Learner Government (SSLG) na magtatag ng suggestion box upang makalapa ang mga suhestiyon, opinyon, at reklamo ng mga mag-aaral at mga guro. Layon din naming magpagawa ng flag banner ng paaralan bilang simbolo ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng paaralan.
Bryan Lee O. Fontelo Punong Patnugot - Isaysay
Noong nakaraang taon, ipinamalas ng buong patnugutang ‘Ang Liargaonon’ ang angking husay at talino sa pamamahayag. Ngunit bigo kaming makakuha ng panalo sa nagdaang Regional Schools Press Conference. Kaya naman bilang kaisa sa pagbabago, binago namin ang pangalan ng patnugutan mula sa ‘Ang Liargaonon’ tungo sa ‘Isaysay’ dahil ito ang unang hakbang sa aming hangaring makopo ang inaasam na panalo sa RSPC patungong NSPC.
ang mga mag-aaral, lalo na sa mga aktibidad sa isports. Ayon sa kanila, delikado ito dahil tuwing may ensayo sila para sa intramurals, nasusugatan ang kanilang mga paa dahil sa nakakalat na bato.
Imbes na magwalang bahala, oras na siguro para pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng paaralan. Panahon na para kumilos dahil hindi lamang ang mga mag-aaral ang makikinabang dito kundi ang lahat.
Kung iisipin, may mga positibo ring epekto ang hindi pagpasok ng mga guro sa mga mag-aaral na sandamakmak na ang mga school work na dapat gawin. Pati na ang mga mag-aaral na nag tatrabaho na hindi nakakakuha ng sapat na pahinga sa kanilang tahanan.
Ngunit sabi nga ng nakararami, lahat ng sobra ay nakakasama. Nakadismayang isipin na ang lugar kung saan nararapat na malinang ang kaalaman ng mag-aaral ay hindi nagagmpanan ang tra-
sang pangunahing problema na ng mga mag aaral sa paaralan ng Ramon Magsaysay National High School ang madalas na hindi pagpasok ng mga guro sa oras ng kanilang klase. Ang palagiang pagliban ng mga iilang guro sa kani-kanilang mga klase ay nagdudulot ng malaking epekto sa pagkatuto ng bawat mag-aaral. bahong dapat nitong gawin. Minsan ang mga guro ay mag-iiwan lang ng takdang aralin ng hindi manlang itinuturo ng maayos ang panuto o di naman kaya ay magbibigay ng gawaing hindi pa natatalakay. Ang mas masama rito ay umaabot ng ilang linggo o buwan ang pag liban ng mga guro sa kanilang pag tuturo. Bukod pa rito, nagiging ugat din ito ng masamang gawain tulad ng pang bubully. Dahil sa walang guro, ginagawa nila itong oportunidad para manakot o mang bully ng mga mag aaral na walang sapat na kakayahan upang ipag tanggol ang kanilang sarili. Ang madalas na pag liban ng mga guro ay may masamang epekto sa mga puso at isip ng mga mag aaral. Maari itong maging ugat ng truma, pagkamangmang, at trahedya sa loob ng silid aralan. Kung magagampanan lamang ng maayos ang trabaho ng ilang guro, magiging ligtas ang bawat mag aaral sa ano mang kapahamakang maaring mangyari sa loob ng silid. Intelektuwal man o pisikal.
DAng maikling oras ng klase ay nagbibigay ng mas malawak na pagkatuto at mas malaking oportunidad para sa mga estudyante pati na rin sa mga guro, mapapanatili ng mga guro ang mga atensiyon ng kanilang mga estudyante at nabibigyan ng pagkakataon ang mga guro na maging mas “concise” at direkta sa kanilang pagtuturo, habang ang mga estudyante ay hindi agad napapagod, kaya’t mas handa silang tumanggap ng susunod na leksyon. Gayumpaman, may mga negatibong epekto rin ito, nagiging limitado ang ‘discussion’ na maibibigay ng guro, lalo na sa mga asignatura na kinakailangan ang iilang minuto sa pagtalakay. Mahihirapan
inaraing ng mga mag-aaral at kaguruan ang pagbabago ng oras ng bawat klase sa Junior High School, mula 1 oras hanggang 45 minuto. Anila, hindi sapat ang pagbabagong ito dahil hindi nakakamit ang kasanayan at kaalaman sa loob ng 45 minuto lamang. Nakalulungkot-isipin na pinipigilan pa nito ang mga guro at estudyante na makamit ang ang mga guro na taposin ang lesson nila sa isang araw , wala ng oras sa mga tanong ng mga estudyante at ang mga klaripikasyon . Nakakaapekto ng kalidad ng pagtuturo, dahil sa ikli ng oras, mapipilitang magmadali ng mga guro na maka pasok sa kanilang mga klase na siyang pwedeng maging dahilan ng pagkadulas at pagkadapa. Nawawala rin ang mga interaktibong gawain tulad ng mga group works dahil sa maikling oras, ang mga mag-aaral ay hindi nakakakuha ng sapat na exposure sa mga konsepto. Sa halip na maunawaan nang malalim ang leksyon, natututo na lang silang mag-memorize o mag-skim, na hindi nakatutulong sa pangmatagalang pagkatuto.
Isa lamang ang hindi pagsusuot ng complete uniform ang pinoproblema ng paaralan. Ang suliraning ito ay nakaaapekto hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro at gwardya ng paaralan.
Hindi natin maikakaila ang importansiya ng pagsusuot ng uniporme dahil nakakatulong ito upang magmukhang presentable at maayos sa paaralan. Bukod pa roon, nagkakaroon ng pantay na pagka kataon ang mga mag-aaral upang ipakita ang kanil ang husay sa paraang hindi basehan ang yaman.
Ngunit sa kabilang banda, ang mga uni pormeng nakalaan para sa mga mag-aaral ay hindi libre kaya naman mahirap para sa mga mag-aaral na walang pinagkukunan ng pera ang makabili nito.
Kung makabili man, hindi rin nila arawaraw itong masusuot dahil sa madalas ay iisa lamang ang uniform na kaya nilang bilhin. Dagdag pa riyan ang PE uniform na kinakailangan ring suotin kada araw ng Miyerkules.
Sa paglalahat, ang pagpapanatili ng pag susuot ng uniporme sa buong linggo ay hindi kaya ng mga mag-aaral na walang pinagkukuhaan ng pera. Kung talagang nais nating maging pormal ang itsura ng mga mag-aaral sa paaralan, dapat ay gawing libre ang uniporme o kung hindi naman ay pahin tulutan ang pagsusuot ng puting damit sa Ioob ng paaralan.
sa sa mga hinahangaan ng mga bumibisita mula sa mga karatig-bayan ang pagiging magalang ng mga mag-aaral noon. Lahat halos ng mga mag-aaral na kanilang makasasalubong ay walang sawa silang babatiin at ipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo.
Ngunit ang tradisyong nakasanayan na mula pa noong maitayo ang paarala’y unti-unti ng nawawala sa kasalukuyan. Mapapansin nating iilan na lang sa mga mag-aaral ang yumuyuko sa tuwing makasasalubong nila ang mga guro at mga nakatatanda bilang tanda ng pagrespeto at paggalang.
Kumbaga’y tila naglaho ng parang bula ang gawi na minsa’y naging isa sa mga maipagmamalaki ng paaralan.
BAyon sa aking mga nakapanayam na mga
Nick Lawrence J. Suico
kapwa ko mag-aaral, mabibilang na lamang ang gumagawa ng Magalang Bow sa tuwing makasasalubong nila ang mga guro.
Minsan pa nga’y hindi na nga rin sila bumabati sa mga ito at nagkukunwaring hindi nila napansin ang mga ito.
Kaya naman, panahon na siguro upang buhayin at payabungin ang nakagisnang tradisyon. Palaganapin ang tatak-Ramonians sa paaralan, sa bayan at sa buong mundo.
ilang Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa Ramon Magsaysay NHS, naniniwala ako na ang pagsunod sa mga patakaran ng paaralan ay parang ilaw sa gitna ng dilim na gumagabay sa atin tungo sa tamang landas at nagsisilbing haligi ng kapayapaan.
Ang pagsunod sa patakaran ay nagpapakita ng disiplina bilang isang mag-aaral. Kapag ang isang mag-aaral ay sumusunod sa alituntunin, ipinapakita niya na may respeto siya hindi lamang sa mga guro, kundi pati na rin sa kapwa niya estudyante.
Bukod dito, ang mga patakaran ay mahalaga upang masigurado ang ating kaligtasan. Gayundin, ang simpleng pagsunod sa tamang kasuotan ay hindi lamang pagpapakita ng disiplina, kundi isang patunay ng ating paggalang sa paaralan bilang pugad ng karunungan at pagkatuto.
MKaya bilang mga estudyante, sikapin nating
yakapin at sundin ang mga patakaran sa paaralan na siyang nagsisilbing haliging gumagabay sa atin tungo sa kaayusan.
Hindi lamang ito para sa ating sarili, kundi para rin sa ikauunlad ng ating komunidad na kailangang alagaan upang patuloy na mamukadkad. Sa bawat simpleng pagsunod, ipinapakita natin ang pagpapahalaga sa isang paaralang maayos, ligtas, at hitik sa kaalaman na siyang huhubog sa ating kinabukasan.
ahigit-kumulang 100 estudyante ang nagreklamo sa mabaho at kakulangan ng CR sa paaralan. Isa lamang ito sa iilan kong naririnig na inirereklamo ng mga kapwa ko magaaral. Nakadidismaya na maraming mag-aaral ang kulang sa disiplina.
Ang kalinisan at kaayusan ng mga palikuran ay responsibilidad ng mga gumagamit nito. Kung magiging mas maingat at disiplinado ang mga estudyante, maiiwasan ang mabahong amoy.
Hindi rin maikakaila na ang kakulangan ng palikuran at ang hindi kanais-nais na amoy ay isang seryosong problema. Ang mga estudyante ay napipilitang maghintay ng matagal o maghanap ng alternatibong lugar para mag-CR, na nagdudulot ng pagkaantala sa kanilang mga klase at aktibidad.
Ayon sa kanila, ang kakulangan ng palikuran ay nagdudulot ng hindi komportableng sitwasyon, lalo na sa mga oras ng break at lunch. Ang mabahong amoy naman ay nagmumula sa hindi regular
na paglilinis at kakulangan ng sapat na bentilasyon. Ang mga problemang ito ay maaaring magdulot ng mga isyu sa kalusugan at kalinisan ng mga estudyante. Upang masolusyunan ang problemang ito, mahalagang magtulungan ang pamunuan ng paaralan at ang mga estudyante. Dapat magkaroon ng regular na paglilinis at inspeksyon ng mga palikuran, pati na rin ang pagdaragdag ng mga pasilidad kung kinakailangan. Ang mga estudyante naman ay dapat maging responsable sa paggamit ng mga palikuran upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga reklamo at masisiguro ang kalusugan at kaginhawaan ng lahat.
a likod ng maganda at maaliwalas na paaralan na Ramon Magsaysay National High School, maraming suliranin ang araw-araw na hinaharap ‘di lamang ng mga mag-aaral pati na rin ang mga guro.
Sa isinagawang sarbey ng mga mamamahayag sa higit kumulang 50 mag-aaral, lumalabas na ang suliranin sa palikuran ang pinakamalalang problemang kanilang hinaharap sa araw-araw nilang pagpasok. 45% ang nagsabing kailangang tugunan ng paaralan ang problema sa
Samantala, ang problema naman sa paghihigpit sa uniporme ang nakakuha ng ikalawang puwesto na may 30.45% na sagot mula sa mga mag-aaral, 18% naman ang nagsabi ng mga problema ng mga atleta pagdating sa mga activities.
Sa paglipas ng panahon, nakatutuwang isipin na sinusubukang tugunan ng paaralan ang mga pagkukulang at mga suliranin nito, mula sa school ground, hanggang sa kakulangan sa materials.
Ngunit sa kabilang banda, hindi nabibigyang-solusyon ang mga problemang gaya nito na bawat mag-aaral ang
nakararanas. Mula sa problema sa palikuran hanggang sa mga activities, lahat ng ito ay pasan-pasan ng bawat mag-aaral.
Bukod pa rito, lubha ring nakababahala ang maaaring maging epekto ng mabahong at kulang na palikuran sa kalusugan ng mga mag-aaral. Pati na ang mga atletang pagod na sa kanilang training pagkatapos ay gagawa pa ng mga activities na hindi nila nagawa.
Ang suliranin ay tunay ngang hindi maiiwasan kahit tayong mga mag-aaral ay mayroon ding kanya-kanyang suliranin ngunit hindi dapat nating pasanin ang mga problema sa paaralan.
Sa tulong ng sarbey na ito, mas mabibigyang-linaw ang paaralan sa kung anong suliranin ang nararapat nilang solusyonan sa lalong madaling panahon. Sa paglapit ng maliwanag na hinaharap ng mga mag-aaral, sana ay hindi na danasin ng susunod na henerasyon ang suliraning kanilang hinarap.
Mahal na Patnugot, Maraming mga kamag-aral ko ang nagrereklamo, kabilang na rin ako, dahil walang direktang patutunguhan ang proyekto sa ating paaralan.
Paulit-ulit ang cycle: hinuhukay, nilalagyan ng mga bato, at hinuhukay ulit. Dahil dito, marami na akong mga sapatos na nasira, at naniniwala ako na hindi lang ako ang nakararanas nito.
Sa ganang ito, paano ba mawawakasan ang tila pahirapang cycle na ito?
Lubos na gumagalang,
Arpil Vinz Aban Grade 11 - STEM
Mahal na Arpil Vinz, Salamat sa iyong liham at sa pagbabahagi ng iyong karanasan. Nauunawaan ko ang iyong pagkabahala tungkol sa paulit-ulit na paghuhukay at ang epekto nito sa mga estudyante.
Ang mga ganitong proyekto ay dapat na isinasagawa nang maayos upang maiwasan ang abala at pinsala sa mga kagamitan ng ating mga minamahal na magaaral.
Nais kong ipaalam sa iyo na kami ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang masiguro na ang mga proyekto sa paaralan ay natatapos nang mabilis at maayos.
Naniniwala kami na sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap, malulutas natin ang mga isyung ito at mapapabuti ang kalagayan ng ating paaralan.
Patuloy kaming magsusumikap upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat ng estudyante.
Ang iyong lingkod, Patnugot
https://www.facebook.com/angliargaonon
Pagsasakripisyo ng Isang Ateng Tumayo bilang Ina sa Kaniyang mga Kapatid
Reecle Venz Laurete
Hindi balakid ang hirap sa isang taong may pangarap at hindi rason ang huminto kahit na
mahirap. Hindi man patas ang mundo, maraming rason para manalo.
“Pangarap kong maging guro, para maturuan ko ang aking mga kapatid at para makatulong sa aking pamilya.”
Wika ng isang dalagitang nagngangalang Vhannalyn Pea D. Ondong, 15, nakatira sa San Fernando, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, at kasalukuyang nagaaral sa Baitang 9 ng paaralan.
Bukang-Liwayway
Madaling araw pa lang ay gising na ang diwa ni Vhannalyn upang ipaghanda ang kaniyang mga kapatid na sina Gervin, 13 taong gulang; Ashlyn, 12 taong gulang; at kanilang bunso na si Jamaica, 10 taong gulang. Ayon sa kaniya, pinapaligo niya pa ito at pinapakain.
Sa pagsapit ng alas-kwatro, kasabay ng pagtilaok ng mga manok ay ang pagsisimula ng kanilang paglalakad kasama sina Ashlyn at Jamaica. Kaniya itong inihahatid sa paaralan ng San Fernando Elementary School araw-araw.
“Kailangan na maaga ko silang mahahatid dahil malayo-layo pa ang aming lalakarin patungo sa kanilang paaralan.”
Kahit makitid ang daan at madilim ay hindi ito balakid. Umaasa lang sila sa liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw sa daan patungo sa kanilang paroroonan.
Balakid sa Pag-aaral
Sa pag-aaral, hindi naging madali ang takbo ng buhay ni Vhannalyn, may mga araw na hindi nakapapasok ang kaniyang
itong uniporme na siyang ikinalulungkot niya.
“Nasasaktan ako bilang ate dahil kinakailangan pa ng aking kapatid na maghakot o mamulot ng mga basura para lang makapasok sa paaralan. Alam kong pagod siya dahil isang oras ang aming paglalakbay pero hindi niya lang sinasabi,” ani Vhannalyn.
“Walang PE uniform ang kapatid ko, umabot sa punto na gusto ko ng umakyat at lumundag sa bakod para lang ipasuot sa kapatid ko ang sarili kong PE uniform.”
“Palagi kong sinasabi sa kaniya na tiisin niya nalang muna, wala eh wala kaming sapat na pera pantahi, kung meron mang pera na dumapo sa palad namin ay iyon ay kasya lamang sa aming pagkain,” pilit na pinapaintindi ni Vhannalyn sa kaniyang kapatid kung ano ang estado nila sa buhay.
Sa tanghali, karamihan sa mga kaklase ni Vhannalyn ay masayang naglalabasan upang kumain, ang ilan naman ay abala sa paglabas ng kanikanilang sariling baon. Habang siya’y ay nasa gilid lamang, nagsusulat, nagbabasa at gumagawa ng mga takdang aralin.
“Nagkukunwari lamang akong may ginagawa upang hindi ako mainggit sa kanila,” wika nito.
Kahit minsan ay kumakalam ang kaniyang sikmura dahil sa gutom ay kaniya na lang itong tinitiis.
Nagpapasalamat si Vhannalyn
dahil sa kahit anong gulo ng mundong kinalakihan niya ay may mga mabubuting puso pa rin na handang ibukas ang mga palad upang sagipin siya sa pagkalunod ng
“Nagulat na lang ako na pinatawag ako ni Ma’am Girley Joy Sorela, takot ako na baka ano ang nagawa kong mali. Hanggang sa napaiyak na lang ako dahil sa sinabi niyang siya na raw ang bahala sa mga bayarin ko ngayong taon sa pag-aaral,” sambit nito habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Aniya, hindi siya pinapabayaan ng Diyos sa buhay, bagkus binibigyan pa siya nito ng rason na magpatuloy sa pagsagwan ng bangka patungo sa isla ng pangarap.
Ang kaniyang pangarap ay hindi lang para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa kaniyang pamilya. Lalo na sa kaniyang ama na mag-isang bumubuhay sa kanilang magkakapatid . Pasasalamat at Pagkapoot
“Kay papa, sobrang laki ng pasasalamat at respeto ko sayo. Salamat dahil hindi ka sumuko sa buhay darating din ang araw na ako na ang magtatrabaho at ang gagawin mo nalang ay magpahinga”
Para kay mama, matagal ko na siyang napatawad. Sana ay mapatawad niya rin ako kung sasabihin kong ayaw ko na siyang bumalik pa kay papa.
Ang kwento ni Vhannalyn ay tila isang turo ng isang guro na siyang naghahatid sa atin ng aral na kahit sa hirap ng buhay, may pag-asa at liwanag na naghihintay para sa mga taong may pangarap.
Hakbang tungo sa Masaganang Bukas
ay natatanging Ramonian ang naglalakad ng limang kilometro makapasok lamang sa paaralan
araw-araw.
Kilalanin si Ceejay Bacus, 15, residente ng Santo Rosario, Ramon Magsaysay, Zamboanga Del Sur. Nag-aaral sa ikasiyam na baitang dito sa paaralan.
“Umalis yung papa ko, magtatrabaho raw sa Manila. Tapos hindi na bumalik, nalaman na lang namin na naghiwalay sila ni mama. Pinutol niya ang komunikasyon sa amin at hindi na rin siya nagpapadala ng pera,” wika ni Ceejay.
Labintatlong taon pa lang si Ceejay nang mawalay sa ama habang ang pinakabunso niyang kapatid ay isang buwan pa lamang sa sinapupunan ng kaniyang ina. Apat silang magkakapatid at tanging ang butihing ina nila ang tumaguyod sa kanila. Pagsisikap sa Hayskul
P30 lamang ang baon niya arawaraw. Ito ang kanyang pinaghahati-hati para sa projects at kanyang pang-ulam. Kaya mas pinili na lamang niyang maglakad kasama ang nakababatang kapatid na nag-aaral sa ikapitong baitang.
“Tuwing alas-dos ng umaga, gigising na ako upang magluto ng aming kakainin. Pagpatak ng alas tres ay magsisimula na kaming maglakad ng kapatid ko patungo sa eskwelahan,” sabi ni Ceejay.
Hindi alintana nina Ceejay ang limang kilometrong pagitan mula Brgy. Santo Rosario patungong paaralan. Masigasig nila itong nilalakad kada araw.
Tuwing uwian ay naglalakad pa rin sila. Palagi nilang inaabangan ang pagbubukas ng gate upang una silang makalalabas at makauwi sa kanilang tahanan bago pa man sumapit ang dilim.
Inspirasyon sa Pagsisikap
“
TANGLAW SA DILIM NG PANGARAP. Ipinapakita ni Vanalyn Ondong, 14, ang kahalagahan ng edukasyon. Sa ilaw ng gasera, patuloy ang kanyang pagsisikap na tinuturuan ang kaniyang kapatid upang makapagtapos sila sa kanilang pag-aaral.
Kuha ni: Bryan Lee O. Fontelo
Palaging sinasabi ni mama sa akin na ‘Nak magsikap ka para makaahon tayo sa kahirapan.’
Ang buhay ni Ceejay ay sumisimbolo ng katatagan, determinasyon at tiyaga. Ang limang kilometro na kanyang nilalakad araw-araw ay isang hamon na binigay sa kanya ng Maykapal. Bawat hakbang niya ay nagsisilbing pag-asa na na balang-araw ang limang kilometro ay maging isang hakbang na lamang tungo sa inaasam na tagumpay.
There can be miracles when you believe…
Ganito mailalarawan ang buhay ni Shaina Mae T. Allaga, isang mang-aawit na pinatunayan sa lahat na hindi hadlang ang mga pagsubok upang maabot ang pangarap. Kilala bilang ‘Sweetheart from the South’ at Tawag ng Tanghalan 2019 Grand Finalist, si Shaina ay nag-iwan ng marka sa mundo ng musika.
Unang Hakbang sa Karera
“Ang pinakaunang singing contest na aking sinalihan ay ang Kiddie Singing Contest S5 sa Gaisano noong taong 2013,” ani Shaina habang inaalala ang kanyang kabataan.
Pagkatapos maipanalo ang laban sa pag-awit sa unang patimpalak na kanyang sinalihan ay nagpokus muna si Shaina sa kanyang pag-aaral. Mga ilang taon din ang lumipas nang siya’y bumalik muli sa pagkanta sa entablado.
Taong 2015 nang sumali siya sa The Voice of Buug at magmula noon ay sunod-sunod na rin ang kanyang mga raket.
Pagkanta at Pag-aaral
Sa kanyang pag-aaral sa Ramon Magsaysay National High School ay naging aktibo si Shaina sa pagsali sa iba’t ibang kompetisyon.
“Sumali ako sa MAPEH Festival Sining Pambansa 2018 at dahil doon nakarating ako sa Legazpi City, Albay,” aniya.
Pagpupursige sa Kabila ng Pagod
Gumanda ang singing career
naganap kaya napaos at napagod ako. Nagkaroon ako ng ulcer na tumagal ng isang buwan,” kwento ni Shaina. Minsan, umabot na siya sa punto na halos ayaw na niyang kumanta, subalit ang kanyang determinasyon ang nag-uudyok sa kanya na magpatuloy.
Pasasalamat at Pagbabalik Ang suporta mula sa kanyang pamilya, lalo na ang kanyang lolo at lola, ay isa sa mga inspirasyon ni Shaina.
“Napakalaki ng pasasalamat ko sa lolo at lola ko,” sabi niya.
Gayundin, pinasasalamatan din niya si Sir Lino Mendoza at ang Local Government Unit ng Ramon Magsaysay, na nagbigay-daan upang magkaroon siya ng pangalan sa industriya.
Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, hindi nakalilimutan ni Shaina na magpasalamat sa komunidad. Nais niyang bumalik sa paaralan upang makatulong sa mga mag-aaral sa larangan ng theatre act, at patuloy na magbigay inspirasyon sa mga
“
Kung gusto mong maabot ang pangarap mo, ‘wag kang mapagod.
Ang kwento ni Shaina Mae ay isang patunay na walang imposible para sa taong puno ng pangarap. Patuloy siyang nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan na nais magtagumpay sa kanilang larangan.
Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Kundi tatlo.
hirap. Kaniya itong nalampasan na para bagang walang kahirap-hirap
Si Jake Adolf Villanueva Montecillo ay alumnus ng Ramon Magsaysay NHS. Tubong Poblacion, Ramon Magsaysay Zamboanga del Sur. Tunghayan ang kaniyang kuwento sa pagkamit ng pangarap.
Pag-aaral sa Hayskul
“Ang unang itinuro sa amin ng mga guro ay maging masipag, Wala kaming libro at teknolohiya kaya naging masipag kaming kumopya sa mga lesson ng mga teacher,” wika ni Jake. Kahit sa kawalan ay hindi pa rin naging pabaya sa gawaing may kinalaman sa akademiko.
Nagtapos si Ginoong Jake sa hayskul bilang Class Valedictorian ng Batch 2010. Buhay Kolehiyo
Nag-aral si Ginoong Jake ng Bachelor of Science in Biology sa Mindanao State University Main Campus, Marawi City, Lanao del Sur. Taong 2014 nang siya’y nakapagtapos sa kolehiyo na
may karangalang Magna Cum Laude. Pagkatapos makagradweyt ay inalok at hinimok siya ng isa sa mga naging kanyang propesor sa pamantasan na mag-aral ng kanyang master’s degree sa bansang Japan bilang iskolar.
Foreign Student
Kinuha niya ang Master of Science in Medical Sciences in Medical and Molecular Microbiology sa University of Tsukaba, Tsukuba, Ibaraki, Japan, bilang isang iskolar.
Ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa ay hindi naging madali.
Ayon kay Ginoong Jake, kinailangan niyang magsanay ng wikang Nihonggo sa anim na buwan bago makapunta roon.
Ikinuwento rin niyang malaki ang pagkakaiba ng mga guro sa Pilipinas at Japan. Sa Pilipinas, laging pinapagalitan ng mga guro ang kanilang mga pasaway na mga estudyante na
edukasyon ang kaniyang natapos na para bang walang kahirapkahirap-hirap dahil hindi lamang ito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin.
kaiba naman sa Japan na walang pakialam ang mga ito sa mga ganoong tulad na mga mag-aaral.
Aniya, naging maganda naman ang buhay niya noon sa Japan dahil sa kabaitan ng mga Hapon. Ang tangi niya lamang problema ay hindi siya makapagtrabaho bilang raket man lang dahil bawal sa bansang Japan ang magtrabaho kapag student visa lamang ang hawak ng isang dayuhan. Kaya, umaasa na lamang siya sa pinansiyal na ibinibigay ng gobyerno ng Japan sa kaniya.
Taong 2017, natapos niya ang kaniyang master’s degree. Pagkatapos makapagtapos ng master’s degree sa Japan ay nabigyan si Ginoong Jake ng pagkakataong makapag-aral agad ng doctorate degree. Hindi naman sa Japan kundi sa South Korea. Nabigyan si Ginoong Jake ng University Full Scholarship sa Yeungnam
University, Geongsan, South Korea at nakapagtapos nito lamang nakaraang taon - 2024.
Kasalukuyan namang nagtuturo bilang professor si Ginoong Jake sa isang pamantasan sa South Korea at post-doctoral fellow naman sa isang medical-affiliated school.
“
Know your passion as early as now.
Mensahe ni Ginoong Jake sa lahat ng Ramonians na naging susi niya rin upang pagbutihing maigi ang pagaaral at maging isang dalubhasa sa kanyang napiling larangan.
ng teatro.
“Nahirapan akong kilalanin kung sino si Niel at sino ang role na ginagampanan ko,” wika ni Niel nang kinailangan niyang halungkatin ang bawat malulungkot na pangyayari sa kaniyang buhay upang magampanan nang maayos ang karakter na kaniyang binibigyang-buhay.
Ang eksenang ito ay para sa kanilang Debut Production na kanilang isinadula sa Cambodia at may pamagat na “Padayon.” Animo’y madali ngunit kaakibat pala nito ang isang mabigat na gampanin upang maipakita sa madla ang isang natatanging kwento.
Buhay Pag-arte
Isinalaysay ni Niel Gabutero Villarejo, 24, residente ng Bag-ong Opon, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, ang kanyang karanasan simula noong siya’y nasa hayskul pa lamang hanggang sa mapasok niya ang mundo ng pagarte.
Isa si Niel sa mga estudyanteng kumakayod upang masuportahan ang sarili.
“Doon ako kumakapit sa part
Alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kaya ngunit ginawa niya itong hamon upang magpursige sa buhay.
“Hindrances develop ourselves,” isa lamang ito sa pinanghahawakan ni Niel sa pagharap niya sa mga hamon na nag-aabang sa kaniya sa hinaharap.
“Hindi ko talaga hinangad dati ang maging isang artista,” ayon sa kanya noong nasa hayskul pa lamang ito ngunit noong simula nang pumasok sa kolehiyo ay sumali siya sa isang grupo na nagaalok ng scholarship at doon nagsimula ang lahat.
Pinagsabay niya ang kaniyang pag-arte at ang kaniyang pagaaral. Nakarating din si Niel sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa upang magtanghal. Ang kaniyang kauna-unahang international show ay ginanap sa Cambodia noong Nobyembre, 2022 sa Asian Youth Theater Festival.
Buhay Inspirado
Isa sa naging inspirasyon ni Niel ay ang kaniyang pamilya lalong-lalo na
man ang araw ng kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.
I offer this to her, everything I do most especially for my lola and I am very grateful to share this to everyone.
Nagtapos si Niel sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) sa La Salle University - Ozamiz City. Natanggap ni Niel ang award na St. Br. Mutien Marie Wiaux for Theater Arts - isang pinakamataas na karangalan sa mundo ng teatro.
Ayon pa sa kanya, “Isa na ako ngayong Support Engineer sa IT Industry at kasalukuyan din akong nagpapatuloy sa aking pag-arte.”
Ang kwento ng buhay ni Niel ay isang inspirasyon sa bawat kabataan na nahihirapan sa buhay. Hindi pwedeng manatili lang sa mga bagay na karaniwang nakagisnan. Hayaan ang sarili na tumuklas ng mga bagay at kakahayang matagal nang namumugad sa kinaloob-looban. Tulad ng iba, hinayaan ni Niel ang kanyang sarili na maranasan ang mga bagay na hindi niya inakalang iyon pala ang makakapaghatid sa kanya sa tagumpay.
Isinalaysay ni Ruth P. Galleto, 19, alumna ng paaralan at kasalukuyang nag-aaral ng AB Psychology sa Saint Columban College ang mga aral at karanasan sa hayskul na kanyang nakuha mula kay G. Alex Damalerio bilang kanilang guro sa
“Ang aking Senior High School life, kasama si Sir Dam, ay hindi mailalarawan ng isang salita lamang dahil walang eksaktong salita ang makapagbibigay-kahulugan nito.”
“Nagsimula ang lahat nang magGrade 12 ako. Nagkaroon kami ng mas maraming interaksyon dahil nasisiyahan ako sa kanyang mga asignatura,” ani Ruth.
“Isang araw, tinanong niya ako kung ano raw ang aking plano sa buhay. Tapos, sagot ko naman sa kanya na ‘wala sir’ kasi naniniwala ako sa tadhana.”
“
Para ka pa lang isang dahon na pinapalipadlipad ng hangin, hindi sigurado kung saan patungo, bahala na kung saan dadalhin ng ihip nito.
Mga salitang kanyang sambit na mananatiling nakatatak sa aking isipan na diumano kawangis pala ako ng lantang dahon (sinusunog charot) na walang plano kundi naghihintay lamang kung saan dadalhin ng panahon.”
“Ang aral na aking nakuha sa kanya ay tayo mismo ang gumagawa sa sarili nating tadhana. Kung ano ang ating mga ginagawa sa kasalukuyan ay makaaapekto nang malaki sa ating hinaharap.”
“Isa pa sa aking natutuhan mula sa kanya ay palagi nating sinasabi na ‘life is unfair’ o ang buhay ay hindi patas dahil lagi nating ikinukumpara ang ating mga sarili sa iba at hindi rin tayo kontento sa kung ano ang mayroon tayo kaya masasabi nating hindi talaga patas ang buhay.”
“Aniya, life is unfair lang daw para sa mga walang paa, kamay, mga bulag at iba pang may kapansanan. Kung hindi tayo ganoon, bakit naman hindi naging patas ang buhay?”
“Panghuli, nangako ako sa kanya na bago ako magtatapos ng hayskul, aking sasagutan ang kanyang palaisipan na paano raw makararaan ang isang tao sa ilog na maraming buwaya. Mayroon sana akong sagot sa kanya noon pero binara niya dahil hindi raw pwede yung sagot ko.”
“Hanggang sa grumadweyt na lang ako ay hindi pa iyon nabibigyan ng kasagutan.”
“Pumanaw na lamang siya’y nanatili pa rin itong isang misteryo.”
Katatagan sa Kabila ng Komplikasyon
Mahal niya ang kaniyang pagtuturobukambibig ng mga guro nang tanungin ng Isaysay sa isang panayam tungkol
sa pagpanaw ni G. Alex Damalerio, guro sa paaralan.
Anila, masigasig itong pumapasok sa kabila ng mga sakit na dinadala.
“Nasa kaniya talaga ang love of teaching,” ani Gng. Erma Alivio, Grade 11 teacher at matalik na co-teacher ni Ginoong Alex.
Ayon pa sa kaniya, pinapayuhan nila si Ginoong Alex na huwag munang magturo at magpahinga muna upang hindi lumala ang kaniyang sakit ngunit ayaw nitong makinig sa kanila dahil umano’y mas pinipili nitong maging masaya sa paaralan kaysa magmukmok sa bahay.
“Palagi niyang sinasabi sa amin na ang ating paaralan ang nagpapangiti’t nagpapasaya sa kaniya araw-araw. Kung nandoon lang daw siya sa kanilang bahay nakatambay - the more siyang magkakasakit,” dagdag ni Ginang Erma.
Ayon pa sa asawa ni Ginoong Alex, Josephine Escobar- Damalerio, “Kahit masama ang kaniyang pakiramdam ay pinipili niya pa ring pumasok sa school kahit na kagagaling pa siya sa dialysis.”
“
Passion niya talaga ang teaching.
“Papasok talaga siya para magtrabaho kasi ang happiness niya nasa school at ang kaniyang heat ay nasa mga bata,” ani Bb. Amoran Saguira, Grade 11 teacher.
Sa kabila ng lumalalang sakit ay patuloy pa rin siyang nagbibigay inspirasyon sa kanyang mag-aaral na walang anumang bagay ang makakapigil sayo kapag gusto mo ang iyong ginagawa.
Pagpapahalaga sa mga Huling Salita
Ikinuwento ni Renevie O. Surabal, 19, alumna ng paaralan at kasalukuyang nag-aaral ng BS Animation and Multimedia Arts ang kanyang mga karanasan bilang mag-aaral sa mga asignatura ni G. Alex Damalerio.
“Isa si Sir Damalerio sa nakakaalam sa kwento ng aming pamilya at palagi niya akong binibigyan ng mga payo at turo. Tsaka kung may mga tanong ako patungkol sa mga bagay na gusto kong malaman, lagi niya akong sinasagot lalo na sa tuwing nagpupulong kami ng buong SSLG,” ani Renevie.
“Isa sa mga hindi ko malilimutan ay yaong sabi ni Sir na magba-bonding daw kami sa aking kaarawan pero hindi iyon natupad dahil naging abala siya at hanggang sa ito’y nalipat ng ibang araw pero hindi na talaga iyon matutupad pa kailanman.”
Ayon kay Renevie, si Sir Damalerio ang pinakamatatag na taong kaniyang nakilala dahil alam nilang nahihirapan na ito ngunit hindi niya pinapakita.
“Lagi pa itong nag-aupdate sa amin tungkol sa kanyang life noong nandoon pa siya sa ospital,” madamdaming sambit ni Renevie.
Ang kanilang huling pag-uusap ay noon pang ikaanim ng Hunyo. Sinauli niya ang natitirang pera ng SSLG. Habang pauwi na siya’y may sinabi sa kanya si Sir Damalerio.
“Pagbutihin niyo sa pag-aaral ni MacMac ha?” habilin ni Sir Alex.
“Ingat sa pag-uwi,” dagdag pa nito.
Iyon lamang ang huli nilang pag-uusap. Nag-usap na lamang ulit sila sa kaniyang panaginip noong kinagabihan bago itong ilibing.
May nais siyang itanong kay Ginoong Alex.
Medyo pabiro ito pero dahil sa kanyang kuryusidad, hindi niya mapigilang magtanong.
“Anong feeling mamatay, sir?” Tanong niya rito.
“Anong ibig mong sabihin? ‘Yung napaliligiran ka ng maraming mga tao?” pabirong sagot ni Ginoong Alex sa kaniya.
“Hindi, Sir. Like ngayon, anong nafefeel mo na nakikita mo sila pero hindi ka nila nakikita,” kuda ni Renevie.
“ Masakit.
‘Yung tipong magagawa mo ang mga bagay na gusto mo pero hindi na magkakatotoo.
Sagot nito sa kaniyang panaginip.
Batay sa pang-unawa ni Renevie, nais nitong sabihin na magagawa pa nito ang kaniyang mga gawain dahil nasa mundo pa ito subalit hindi na magkakatotoo ang lahat dahil sumakabilang-buhay na siya.
Liham para sa Pangalawang Ama
Para sa akin, higit ka pa sa isang guro lamang dahil isa ka ring ama sa amin. Sa mga panahong kailangan ko ng gabay, ikaw ang aking parating nilalapitan.
Hindi ko makalilimutan yaong panahon na may pinagdedebatehan pa nga tayo sa klase tungkol sa iba’t ibang paksa.
Palagi mo rin akong/kaming iniengganyo na makihalubilo sa klase sa pamamagitan ng oral recitation. Pati na rin yung tricky mong mga tanong tuwing exam na nakatulong sa akin na mahubog ang aking kritikal na pag-iisip na isa sa mga kinakailangan pagtungtong ng kolehiyo.
Pinapahalagahan ko yung mga panahon na bumibisita ka sa aming mga klasrum tuwing tanghalian para makipag-usap sa amin.
Hinding-hindi ko naman makalilimutan yaong time na pinaiyak mo kami sa asignaturang Personal Development nang ibahagi namin ang aming mga problemang pinapasan sa buhay.
Wala kang ngang advisory class, pero marami ka namang naitulong sa pag-unlad ng bawat mag-aaral.
“What is your name, and why?” Isang tanong na hindi ko malilimutan sa ating Philosophy na asignatura. Mananatili itong alaala sa akin.
Istrikto ka mang titingnan sa unang pagkakataon, pero kung ikaw ay makikilala nang lubusan, mapagtatanto naming ikaw ay may pinakabusilak na puso, puno ng mga nakatatawang biro, isang kalmado, at maintindihin na guro at ama.
“
Napakasupportive mo, Tay. Lagi mong sinasabi sa amin na ikaw ay Jack of all trades, master of none pero para sa ’kin, ikaw ang pinaka-DABEST.
Mga Kwentong Pagsuong sa Suliranin
Sa mundong ibabaw, bawat isa’y may kani-kaniyang problema, matanda man o bata. Tunghayan ang mga
kwento ng pagsuong ng bawat Ramonian sa kani-kanilang suliranin at kung papaano nila napagtagumpayan ang mga ito.
Bea O. Gumen, Grade 7 - Dahlia
ng kutya ay ang pinakamasakit na salitang ating maririnig, isang salitang habambuhay na mananatili sa ating damdamin. Isang pangyayari na hindi mabura sa isipan at bawat oras ay nakaukit, nagiging dahilan ng panghihina ng loob at pagkawala ng tiwala sa sarili.
Ngunit sa kabila ng pangungutya’y may isang Ramonian ang pinapatatag ang sarili para sa kanyang pangarap. Kilalanin si Bb. Chryzthy Mhea Paglinawan o mas kilala sa tawag na “Vicky”, 17, residente ng Paradise, Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur. Isang estudyante ng Ramon Magsaysay NHS na may kondisyong tinatawag na “achondroplasia”. Isang genetikong kondisyon na nakaaaapekto sa mabagal na pagbuo ng mga buto ng isang tao na nagreresulta sa “dwarfism”.
“Nakawawala talaga ng selfconfidence yung mga naririnig ko mula sa iba. Nasasaktan ako kasi parehas lang naman tayong ginawa ng Panginoon.
Pagdurusa sa Tukso
Unang araw pa lamang ng pasukan, nakaranas na si Vicky ng panunukso mula sa kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang kapansanan dahilan upang mawalan ito ng kompiyansa at pagtingin sa sarili.
“Parati nilang sinasabi sa akin na hindi raw ako karapat-dapat na mag-aral dito sa
paaralan natin dahil sa kondisyon ko na maliit ako at ako lang raw ang naiiba sa lahat,” sabi niya. Hanggang ngayon, marami pa ring naririnig na diskriminasyon si Vicky ngunit hinahayaan niya lang ito sapagkat alam niya sa sarili na wala siyang ginawang masama sa kanila at malinis ang kaniyang konsensiya. Pagsisikap sa Bawat Indak
Sa kabila ng diskriminasyong natatanggap ni Vicky, patuloy pa rin ito sa pagsisikap upang makamit ang kaniyang munting pangarap. Sumali si Vicky sa drum and lyre corps ng paaralan dahilan upang mas makilala siya at ang kaniyang talento ng mga tao.
“Masaya ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maging tagapagbitbit ng sagisag ng ating paaralan. Nagkaroon ako ng oportunidad na maipakita ang aking kakayahan sa kabila ng aking kapansanan,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Vicky.
Nag-aalab ang determinasyon ni Vicky na magpatuloy sa pag-aaral upang maipakita niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya ang kaniyang natatanging kakayahan. Dahil dito, mas ginanahan si Vicky na magpatuloy sa buhay. Munting Serbisyo
Para kay Vicky, hindi alintana ang tangkad upang makapagbigay ng kalidad na
paglilingkod sa mga mag-aaral. Sa kabila ng mga pangmamaliit na natanggap niya, nagawa niyang magbigay ng serbisyo sa kapwa at nahalal ito bilang Grade 11 - Representative ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG).
“Gusto kong maging isang inspirasyon sa mga batang katulad ko na nakararanas ng pang-aapi at pangmamaliit sa kapwa. Gusto kong maging isang magandang modelo sa mga mag-aaral na kaya rin nilang abutin ang kanilang mga pangarap,” wika ni Vicky.
Palaging pinaaalalahan ni Vicky ang sarili na lumaban sa pagsubok ng buhay at magtiwala sa sarili. Gusto niyang harapin ang mga problema nang may determinasyon at malinis na konsensiya.
Ang buhay ni Vicky ay nagbibigay ng pagkakataon at pag-asa sa mga taong nabibilanggo sa kadiliman ng pang-aapi, panghuhusga, at diskriminasyon. Para sa kaniya, ang pagiging maliit ay naging isang instrumento upang makapagbigay siya ng inspirasyon sa ibang tao.
Sa huli, ang bawat indak ng paa ay katumbas ng pag-asang mabubuhay siya sa mundong tatanggapin at aalagaan ang mga taong katulad niya.
Salaysay ng Pagbangon mula sa Pagkalulong sa Masamang Bisyo
Bawat isa’y may nagawang kamalian sa buhay. Gaano man kabigat ang pagkakamali, lahat ay may
pagkakataong ituwid ito at magbago.
Ibinahagi ni G. Rogelio M. Ogabang Jr., 40, residente ng Pagadian City, kasalukuyang guro sa Senior High, na may pag-asang magkaroon ng isang maliwanag na bukas kahit pa man nagkaroon ng madilim na karanasan. Pagkalulong sa Masamang Bisyo
“Kahit anong payo ng aking mga magulang talagang hindi na ako nakikinig.” Pahiwatig ni Ginoong Ogabang.
Habang tumatanda siya ay lumalalim din ang kaniyang pag-iisip. Pumapasok na rin sa pagbibisyo - paninigarilyo, pag-inom, at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
“Nawalan ako ng pokus sa aking pagaaral, dahil na rin sa sarili kong mga desisyon,” wika ni Ginoong Ogabang.
Napatigil siya sa kaniyang pag-aaral. Hindi siya nakapasa sa fourth year high school dahil pagkakasangkot sa droga. Nagtatago siya sa kadahilanang pinaghahanap siya ng batas.
“Nag-aaral ako noon pero wala akong balak na tapusin. Dahil sa bisyo, huminto ako,” ani Ginoong Ogabang. Punto ng Pagbabago
Dumating ang panahon na nagdesisyon siyang talikuran ang masalimuot na landas at bigyang priyoridad ang pag-aaral.
“
Napatanong ako sa aking sarili na ganito na lang na ba ako habambuhay? Kaya, nagdesisyon akong umuwi ng bahay dahil babalik muli ako sa pag-aaral.
“Phase out na ang drugs, move on. Mahirap umusad at talikuran, pero laging nasa isip ko na kinaya ko ngang pasukin ito, siyempre kaya ko rin itong malalampasan,” kuda niya. Pagiging Guro Pitong taon ang lumipas at nakapagtapos siya ng pag-aaral.
“Taong 2018 nang kumuha ako ng second degree na Education. Nagtake naman ako ng Licensure Exam for Teachers (LET) noong 2022. Dahil sa dasal at pag-aaral nang mabuti, naipasa ko ito,” nakangiting kuwento ni Ginoong Ogabang.
“Taong 2024 nagpa-rank ako, I surrender myself kay Lord. Then, natanggap ako sa DepEd sa awa ng Diyos,” wika niya.
Niyakap niya ang kaniyang pagiging isang guro. Araw-araw nasasabik siyang ibahagi sa kaniyang mga mag-aaral ang kaniyang mga karanasan, upang hindi sila maging katulad niya.
Para kay Ginoong Ogabang, ang kaniyang mga pagkakamali ay gabay lamang patungo sa magandang bukas. Hindi pa huli upang baguhin ang sarili . Lahat ay binigyan ng Diyos ng maraming pagkakataon upang magbago. Nasa tao lamang ang desisyon kung mananatili na lang ba sa liblib na raan o hahanapin ang ilaw ng pagbabago.
Ang pinakamabigat na problema na naranasan ko ay nung nalaman kong may sakit sa kidney si papa. Naaawa na nga ako kay mama dahil siya lang bumubuhay sa amin. Pero sabi ni mama na laban lang, at ipagdarasal si papa at huwag mag-isip ng negatibo. Araw-araw ipinagdarasal ko ang kalusugan ng aking papa at tinatatagan ang loob para sa aming pamilya.
Hindi nag-online ang mama ko ng dalawang buwan. Nabagabag kami kasi dalawang buwan siyang ‘di tumawag at ‘di nag-tetext. Nalaman na lang namin na pinagbintangan kasi siya ng kanyang amo.
Nanghingi kami ng tulong sa mga kinauukulan at sa Poong Maykapal para maging maayos ang aming mama sa ibang bansa. Mula noon, palagi kong ipinagdarasal na sana maging maayos siya lagi doon hanggang siya’y makauwing ligtas at maayos.
Barry Q. Dulanas Grade 9 - Amethyst
Ang pagiging slow learner ang pinakamabigat na problema na aking kinakaharap, dahil hindi ko agad naiintindihan ang mga lessons ng mga guro at nahihirapan akong makahabol. Pero hindi ito naging hadlang upang ako’y sumuko na lang.
Kaya, pinag-aaralan ko ang mga lesson na hindi ko naiintindihan upang maging maayos ang aking mga marka.
Jan A. Ebao, Grade 9 - Amethyst
Ang pinakamabigat na problema na aking naranasan ay ang pagkamatay ng aking ama, napagbintangan kasi siyang nagnakaw kaya siya binaril. Anim kaming magkakapatid, simula noong pumanaw ng aking ama ay minsan na lang kami kumakain sa isang araw. Nalagpasan namin ang problema na
‘yun sa pagiging masipag, pagtatrabaho at pagdarasal sa Diyos. Ngayon ang tiyahin namin ang bumubuhay sa amin, kasi ang mama ko ay nakatira na sa malayo at may iba ng pamilya.
Opisyal na Pamahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Ramon Magsaysay
TOMO I, BILANG I
Hulyo 2024 - Abril 2025
Itinurn-over sa Ramon Magsaysay Community Environment and Natural Resources (CENRO) noong Sep. 11, 2024 ang isang Brahminy Kite na natagpuan sa Brgy. Bambong Diut, Ramon Magsaysay.
Sa pangunguna nina Brgy. Chairman Danilo T. Cayanong katuwang ang isa pang Brgy. Kagawad, nahuli nila ang naturang sakbit (raptor) matapos mamataan ito sa Covered Court ng Bambong Diut.
Pagkatapos, itinurn-over nila ito sa CENRO Ramon Magsaysay upang maiksamen ang lagay ng ibon.
“Palagay namin, nakatakas ito mula sa kaniyang nagmamay-ari dahil napansin namin ang isang pulang tali sa kanang bahagi ng pakpak nito,” ayon kay Brgy. Captain Cayanong.
Tinatayang nasa 900 grams o mahigit isang kilo ang ibon at kinumpirma ng CENRO-RM na ito’y bata pa lamang.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Regional Wildlife Rescue Center, Baclay, Tukuran, Zamboanga del Sur ang nasabing Brahminy Kite.
Ang Brahminy kite eagle ay kilala sa Australia bilang “red-backed sea-eagle”. Karaniwan itong matatagpuan sa India at Southeast Asia, kabilang na rito ang Pilipinas.
Samantala, mariing pinaaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resource (DENR) ang publiko na sumunod sa Batas Republika 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Nakasaad sa Section 2 ng nasabing batas, “It shall be the policy of the State to conserve the country’s wildlife resources and their habitats for sustainability.”
Sa mundong kung saan pinahahalagahan ang agham at teknolohiya para sa pag-unlad at paglawak ng kaalaman, napakahalaga ng mga pasilidad na sumusuporta sa pag-aaral at pagsasanay subalit tila bang nakalimutan ng paaralan ang isang laboratorya na sana’y makatutulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman sa siyensa.
“Tila nakaligtaan na ang
Science Laboratory ng Ramon Magsaysay National High School na kung saan balot na ito ng makapal na alikabok, tanda ng kawalang pansin. Ang dati’y makulay na sentro ng eksperimento at pagtuklas, ngayo’y nababalutan ng pananahimik at kapabayaan,” ayon kay Sheila Mae D. Enot, Grade 12-STEM.
Batay sa isinagawang sarbey ng Isaysay, 97% ng mga mag-aaral ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa kasalukuyang estado ng laboratoryo.
Para sa mga kabataang sabik sa kaalaman at paglago, ang isang functional na science laboratory ay susi sa mas malalim na pag-unawa sa mga konsepto ng agham. Ang kasalukuyang kalagayan nito ay sumasagisag sa isang nawawalang pagkakataon na sana’y nagtutulak sa kanila tungo sa mas mataas na antas ng edukasyon sa agham at teknolohiya.
Ang de-kalidad na edukasyon ay nangangailangan ng isang maayos na kapaligiran at kumpletong kagamitan, isang lugar kung saan maipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutuhan sa praktikal na paraan.
“Bilang mag-aaral ng RMNHS at isang Grade-10 Science Technology and Engineering (STE) program student, nakapanghihina na makita ang pinabayaang science laboratory sapagkat marami pa
sana itong mapapakinabangan na mga gamit na pwedeng gamitin ng mga kapwa ko mag-aaral upang mas mapaunlad ang kaalaman namin sa siyensa,” ayon naman kay Wayne Francis Jose Sorela.
“Noong unang pasok ko sa science lab, nasa baitang 8 pa lamang ako ‘nun, nakakita ako ng mga maraming gamit na tila nabubulok at inaanay na, kagaya ng mga poster at iba’t ibang sci-illustration. Laking gulat ko naman nang makita ang ang microscope na hindi man lang nagagamit. Ano pang silbi ng pagbili nito kung hindi naman pala gagamitin? Bukod dito marami pang ibang kagamitan ang aking mga nakita tulad ng mga chemical container at iba pa na kung ating iisipin, magagamit sana ito ng mga kapwa kong mag-aaral na mahilig sa agham.
“Ang pagpapabaya sa laboratoryo ay hindi lamang isang simpleng problema, kundi isang pagtalikod sa pangakong ibigay ang isang dekalidad na edukasyon.
“Hindi ko man alam kung anong rason bakit Ito inabandona, ngunit ako’y umaasa na sana ay bigyang-pansin ito ng administrasyon.” dagdag niya.
“Nakapanghihina nang makita namin ang laboratoryo na sana’y magagamit namin sa mga activities sa school ngunit hindi pinapagamit sa amin dahil sa karumihan nito. Sana ay maipalinis at maipaayos ng mga guro ang laboratoryo.” ani Mark John Andam, Grade 12 - STEM. Sa panahong mabilis na umuunlad ang agham at teknolohiya, tungkulin ng mga paaralan na ihanda ang kanilang mga mag-aaral para sa kinabukasan. Ang pagbabalik ng sigla sa Science Lab ay isang hakbang na makikinabang hindi lamang ang kasalukuyang henerasyon kundi pati na rin ang mga susunod.
Panahon na para bigyang-pansin at aksyon ang problemang ito. Isang panawagan para sa administrasyon, mga guro, magulang, at mga mag-aaral na magsama-sama upang buhayin muli ang Science Laboratory. Sa pamamagitan ng simpleng hakbang na ito, makakamtan ang isang mas maliwanag na bukas na puno ng pagtuklas, kaalaman, at pagtupad ng mga pangarap.
Ginambala ng katatakutan ang school camporal ng Ramon Magsaysay NHS. Maraming mag-aaral ang natakot sa pangyayaring ito at nangangambang baka sila’y saniban din ng mga masasamang elemento. Bawat isa ay may takot sa mga bagay-bagay na kung tawagin natin ay phobia. Ang phobia ay isang uri ng takot o pangamba sa isang bagay, sitwasyon at gawain. Ito ay pangunahing isyu sa kalusugan ng isip na kung saan lubos na nakaaapekto sa pang-araw-araw na buhay.
Kaya, nagsarbey ang Isaysay tungkol sa kung ano ang mga bagay na labis na kinatatakutan ng mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay NHS. Narito ang naging resulta ng sarbey na may kabuuang bilang na respondents na 52: Acrophobia
Naitalang 40.38% o 21 mag-aaral ang mayroong Acrophobia o ang takot sa mga mataas na lugar – fear of heights.
“First time kong sumakay ng Ferris Wheel noon tapos pagtingin ko sa ibaba ay para akong nasusuka at parang mahuhulog,” ani Janine Margarette Roble, isa sa mga respondent ng sarbey. “Noong time na ‘yun ay pinipigilan ko talaga ang aking sarili na hindi umiyak.”
“Kaya noon ay ayaw ko ng pumunta sa mga matataas na lugar o sumakay pa sa Ferris Wheel,” dagdag niya. Ophidiaphobia
Pumapangalawa sa sarbey ang
Ophidiaphobia na may talang 36.55% o 19 sa kabuuang respondents. Ang Ophidiaphobia ay ang takot sa mga ahas.
“Sobrang nakatatakot talaga ang mga ahas. Nandidiri ako sa kanilang balat at siyempre natatakot akong mamatay sa kagat ng ahas dahil karamihan sa kanila ay venomous,” ayon kay Aubrey Dagdag pa niya, “Nagkaroon na ako ng trauma dito dahil nakakita ako ng ahas noon tapos ito’y kulay itim at parang tumayo siya kaya’t dali-dali akong kumaripas ng takbo sa aming kapitbahay para isumbong at ipapatay ito.” Phasmophobia o Spectrophobia Ang tawag sa takot sa mga multo, mga espirito, at mga supernatural na mga nilalang ay tinatawag na Phasmophobia o Spectrophobia. Sa sarbey, pumapangatlo ito sa pinakakinatatakutan ng mga magaaral na may 23.07% o 12 sa kanila mula sa kabuuang bilang.
“Natatakot ako kapag tungkol sa mga multo ang pinag-uusapan,” nakapapanindig-balahibong kwento ni Johnzam Manangquil.
“Sa bahay, may isang karton na nakalagay sa itaas pero napupunta sa sahig kahit wala namang gumagalaw nito – ni pusa o daga. Para sa akin, yung lolo ko ang madalas na nagpaparamdam sa amin. Solusyon Hindi madali sa isang taong may phobia ang harapin ang kanilang takot kaya’t ano nga ba ang dapat gawin upang mawala ang mga ito?
Una, alamin ang iyong takot at tanggaping mayroon ka nito. Ikalawa ay mainam na kumonsulta sa isang mental health professional, therapist o counselor. Panghuli nama’y magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong phobia – ang mga sanhi, sintomas at kung paano ito haharapin.
Ramonians, nangampanya sa paggamit ng ‘Hydroponic System’ upang tugunan ang pangangailangan sa pagsasaka, tumataas na temperatura
Snagsagawa ng isang makabagong proyekto na tinatawag nilang Hydroponics
Ang hydroponics, isang teknolohiya na nagpapahintulot sa paglago ng mga halaman sa tubig sa halip na sa lupa, ay nag-aalok ng maraming benepisyo hindi lamang sa produksyon ng pagkain kundi pati na rin sa pangangalaga sa kalikasan.
Sa kanilang inisyatiba, ipinakita ng mga estudyante kung paano nag-uugnay ang agham at agrikultura at binigyang-diin nila ang kahalagahan ng mga sustainable practices para sa kalikasan at hinaharap ng ating planeta.
“Layunin ng aming proyekto na tugunan ang kakulangan ng mga berdeng espasyo sa paaralan at mapawi ang epekto ng tumataas na heat index sa aming komunidad.
Ano ang Hydroponics?
“Ang hydroponics ay isang pamamaraan ng pagtatanim kung saan ang mga halaman ay pinalalago sa tubig sa halip na sa lupa. Sa sistemang ito,
tinutunaw ang mga mineral sa tubig upang magbigay ng nutrisyon sa mga halaman.
Ang hydroponics, kasama ang iba pang “walang-lupa” na pamamaraan tulad ng aquaponics at aeroponics, ay nagiging alternatibo sa mga hamon ng tradisyunal na agrikultura,” ayon kay Jonathan Schramm.
Ang grupo nina Hazel, Justine, at Reecle ay nagpakita ng dedikasyon sa pagpapalawak ng kaalaman at aplikasyon ng ganitong sistema sa kanilang komunidad.
Mga Benepisyo ng Hydroponics
Maraming benepisyo ang hatid ng hydroponics, kaya’t ito’y patuloy na sumisikat lalo na sa mga urban na lugar.
“Isa sa mga pangunahing
bentahe nito ay ang mas mabilis na paglaki at mas mataas na ani ng mga halaman dahil sa kontroladong kapaligiran, na nagreresulta sa mas maraming ani sa mas maikling panahon,” ni Hazel Ann Roble.
“Mahalaga rin ang hydroponics para sa mga komunidad na may limitadong espasyo dahil pinapayagan nitong magtanim ng mga halaman sa kahit maliliit na lugar. Bukod pa rito, mas tipid ito sa tubig at kaunti ang pangangailangan sa pestisidyo, na nagdudulot ng mas ligtas at masustansiyang mga produkto para sa
konsumo,” kuda ni Reecle Venz Laurete. Hydroponics at ang Kinabukasan ng Agrikultura
Ang paggamit ng hydroponics ay isang malaking hakbang patungo sa modernong hinaharap ng agrikultura. Sa kabila ng tumataas na populasyon at nagbabagong klima, nagiging mahirap na para sa tradisyunal na agrikultura ang makasabay. Ang hydrophonics ay hindi lamang isang paraan para mapataas ang produksyon ng pagkain kundi isang solusyon sa konserbasyon ng mga likas na yaman.
Ang proyekto nina Hazel, Justine, at Reecle ay nagbibigay-inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral at komunidad upang tanggapin at gamitin ang teknolohiyang ito sa kanilang pagsisikap para sa mas sustainable na sistema ng pagkain.
Ang Hydroponics Campaign na ito ay patunay na ang mga kabataan ay may kakayahang magbigay ng makabuluhang kontribusyon sa pagbuo ng mas napapanatiling hinaharap. Sa kanilang proyekto, hindi lamang nila nalutas ang ilang mga hamon sa pag-aalaga ng halaman kundi naipakita rin ang koneksyon ng agham at kalikasan.
Ang hydroponics ay hindi lamang solusyon, kundi isang pag-asa para sa mga darating na henerasyon.
Matinding init naranasan sa paaralan; Ramonians, umalma sa pagpapabawal ng air-conditioners
Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur - Inirereklamo ng mga Grade 7 at 9 students ang matinding init ng panahon ngayong buwan ng Marso sa kabila ng pagkakaroon ng airconditiong system sa bawat klasrum. Anila, ipinagbabawal umano ng administrasyon na paandarin ang mga aircon dahil lalaki ang singil sa kuryente ng paaralan.
Matatandaang taong 2018 nang maipatayo ang gusali na ngayo’y pinagkaklasehan ng Grade 7 at 9 students. Kalakip sa naipatayong gusaling ito ang tig-dadalawang airconditioners. Subalit, dahil noong taong 2024 lamang ito napakabitan ng kuryente, ni minsan ay hindi pa napaandar ang mga naturang aircon.
“Nakaka-inis ang hirap mag-concentrate sa sobrang init. Isang malaking sayang ang aircon ng paaralan. Sana’y pahinutulutan nila kaming gamitin ang mga ito dahil para din naman sa aming ang aircons kaya kinabit ito nang pinagawa itong bagong building,” ayon kay Mary Margaret V. Buenaflor, Grade 9-STE student.
Ayon naman kay Novieh Anne Miranda, Grade 9-STE student, “Walang silbi po ‘yung mga aircon. Display lang. Marami kami sa klasrum tapos mainit pa kaya kailangan naming magagawan sa electric fan. Makatutulong sana ang mga aircon sa aming concentration sa pag-aaral.”
“Nakapanghihinayang ang mga aircon sa aming gusali dahil hindi ginagamit at napapabayaan lang. Sayang ang gastos ng pamahalaan para rito na sana makatutulong sa aming mga estudyante,” ani March Ivory Faith Borja, Grade 9-STE.
Dagdag pa niya masisira lamang ang mga ito kung hindi gagamitin dahil kakalawangin at hindi namaintain. Aniya, wala namang ginagawa ang paaralan sa pagme-maintain ng mga aircon dahil hindi naman ginagamit ang mga ito.
“Para sa akin, kailangan rin naming mga estudyante ng komportableng silid aralan, ang aircon sa aming silid ay isang tila baog na kayamanan - nariyan, ngunit hindi nagagamit. Ang init ng panahon ay nagiging pahirap sa katulad kong estudyante sa aking pag-aaral, at ang aircon ay maaring maging solusyon sa probelamang ito ngunit ito ay nagmimistulang isang ilusyon lamang,” sambit ni Zande Zyace Jumalon, Grade 9-STE.
Sa maalinsangang panahong kung saan makatutulong sana sa mga mag-aaral ang mga aircon ay tila hindi binibigyan ng pansin ng paaralan. Magkaroon sana ng konkretong plano ang paaralan para sa iyung ito nang sa gayon ay mamaintain ang kagamitan ng paaralan at masiguro ang ‘conducive learning’ ang bawat mag-aaral.
of matter and energy. The subject matter of physics, distinguished from that of chemistry and biology, includes mechanics, heat, light and other radiation, sound, electricity, magnetism, and the structure of atoms.”
Ang agham ay masistematikong mga kaalaman. Ito ay nakabatay
sa katotohanan at mga teorya. Ito ay nahahati sa napakaraming sangay tulad ng Biology, Chemistry, Physics, Astronomy, Zoology, Botany, Earth Sciences.
Earth Science, pinakapaboritong sangay ng agham ng Ramonians
“Ang Earth Science ay isang larangan ng pag-aaral na may kaugnayan sa solidong bahagi ng daigdig, mga katubigan nito, at ang hangin na bumabalot dito. Kasama rito ang agham heolohikal, hidrolohikal, at atmosperiko.
Kaya naman, nagsarbey ang Isaysay tungkol sa kung ano ang pinakapaboritong branch of science ng mga mag-aaral ng Ramon Magsaysay NHS. Narito ang naging resulta ng sarbey na may kabuuang bilang na respondents na 52: Earth Science
Naitalang 17 sa 52 mag-aaral o 31.5% ay paborito ang Earth science.
Ayon kay Elyza Vinne Mae Aranton, “Paborito ko ito dahil about Earth yung pinag-uusapan tapos yung magagandang nature po.”
Ayon kay Claude C. Albritton, et al.,
Para sa akin paborito ko ang Earth Science bilang isang sangay ng agham dahil dito natin natutuklasan ang mga proseso na nangyayari sa ating paligid na nagiging dahilan upang humantong tayo sa iba’t ibang katanungan.
Nick Lawrence J, Suico Grade 12 - STEM
Biology
Pumapangalawa naman sa sarbey ang Biology o Haynayan na may 25.9% o 13 mula sa 52 respondents.
“Favorite ko ang Biology because I wanna be a pharmacist,” kuda ni Hannah Lou Atopan, Grade 10 - STE.
Ayon sa Baliwag Polytechnic College, “Ang Biyolohiya ay ang pag-aaral ng mga buhay na bagay at ang kanilang mga mahahalagang proseso.Ang larangan na ito ay nakikipagtulungan sa lahat ng physicochemical na aspeto ng buhay.”
Physics
Pumapangatlo naman sa sarbey ang Physics na may talang 27.8% o 14 sa kabuuang respondents.
“I chose physics because I like logic and I want to explore new things,” ani Wayne Francis Jose, Grade 10-STE
Chemistry
Samantala, nasa ikaapat na puwesto ang Chemistry o Kapnayan na may talang 14.8 o 8 sa 52 respondents ang paborito ito.
“Kasi yung chemistry nandoon yung hilig ko. Mahilig akong mag-experiment,” saad ni Geo Brhine Dabalos, Grade 11STEM.
Ayon sa Uniprojecta, “Ang Chemistry ay isang natural na agham na nakatuon sa pag-aaral ng istruktura, komposisyon, katangian at pagbabago ng bagay.”
Ayon sa Oxford Dictionary, “Physics is the branch of science concerned with the nature and properties
BASURA NOON, INOBASYON NGAYON. Ipinamalas ni Nick Lawrence Suico ang kaniyang galing sa kanyang imbensyon na gawa sa mga recycled na elektronikong piyesa. Isa itong patunay sa pagsasanib ng dedikasyon at pagiging mapamaraan—isang hakbang tungo sa makabagong teknolohiya gamit ang likas na yaman ng kabataan.
Kuha ni: Bryan Lee O. Fontelo
12-STEM
student, ibinida ang imbensyong robot gawa sa recycled materials para makat ulong sa kalikasan
Upang makatulong sa lumalalang problema sa mga basura at mapaunlad ang inobasyon sa paggawa ng robot sa paaralan, itinampok si Fragmentum sa kulminasyon ng Contemporary Philippine Arts from the Regions (CPAR)
ng Grade 12- STEM, robot na inimbento ni Nick Lawrence J. Suico, na gawa sa mga pinagtagpi-tagping pira-pirasong recycled materials.
Si Fragmentum ay gawa sa mga lumang o itinapong bagay; circuit board ng appliances, TV blower, remote ng TV/ DVD, lumang laruan na robot, gamit na mga wire, plastik na drone, at mga tanso mula sa telebisyon.
Ayon kay Nick Lawrence, ang Fragmentum ay galing sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “piraso,” “bahagi,” o “sirang parte” ng isang bagay. Dito rin nagmula ang salitang Ingles na fragment.
“Pinili kong pangalanan ito ng Fragmentum dahil gawa ito sa pinagtagpitagping lumang materyales na itinapon na,” dagdag niya.
“
Nais kong patunayan sa iba na yaong mga basura na akala natin na wala ng kwenta ay may pakinabang pa.
“Ang inspirasyon ko sa paggawa nito ay ang tatay ko. Isa siyang magaling na
Sa panahon ng digitalisasyon, patuloy rin na nagiging bahagi ng sistema ng edukasyon ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Isa sa mga tumutulong sa pagpapabilis ng pagsusulit ay ang ZipGrade, isang mobile application na dinisenyo upang gawing mas mabilis ang pag-check ng pagsusulit.
Ayon kay Marie Campos, Grade 7 - Daphne, “Malaking tulong sa akin ang ZipGrade sa aking pag-aaral. Nagbibigay ito ng agarang feedback, kaya agad kong nalalaman ang mga pagkakamali ko at kung ano ang dapat kong pag-aralan.”
“Para sa akin, ang ZipGrade ay isang malaking tulong sa paghahanda at pagbuo ng kumpiyansa ko sa mga pagsusulit. Nakatutulong ito para mas ma-focus ko ang pagaaral ko sa mga specific na topics na kailangan ko pang pag-aralan. Mas nagiging handa ako at dahil doon, mas confident na rin ako sa pagsagot sa mga susunod na pagsusulit. Parang may built-in na study guide ang ZipGrade” ani Jane Umambac.
Ayon kay G. Roel Dagooc, guro sa Math, “Ang pinakamalaking
pagbabago mula nang gamitin ang
ZipGrade ay ang bilis ng pagkuha ng resulta sa ginawang pasulit. Agad na nakikita ng mga estudyante ang kanilang mga tamang sagot at pagkakamali, na nagiging dahilan upang mas maagap silang matuto.
Dahil dito, mas mataas ang kanilang performance at mas proactive sila sa pag-aaral. Ang instant feedback ng ZipGrade ay nagiging mahalagang bahagi ng kanilang learning process, na nag-uudyok sa kanila na maging mas motivated at responsable sa kanilang pag-aaral.”
Ang ZipGrade ay isang makabagong solusyon na nagaambag sa pagsulong ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng digitalisasyon. Sa pamamagitan ng instant feedback at mabilis na
pagkuha ng resulta, nagiging mas episyente ang proseso ng pagsusuri ng mga eksaminasyon.
Ang mga mag-aaral, tulad nina Marie Campos at Jane Umambac, ay nakararanas ng malaking benepisyo mula sa paggamit ng application na ito, dahil tumutulong ito sa kanilang paghahanda at pagbuo ng kumpiyansa sa mga pagsusulit.
Ang mabilis na resulta at kalinawan ng feedback ay nagiging dahilan upang mas maging proactive at motivated ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Sa ganitong paraan, ang ZipGrade ay hindi lamang isang tool kundi isang mahalagang bahagi ng kanilang learning process, na nag-uudyok sa kanila na patuloy na pagbutihin ang kanilang sarili.
tao na tumutulong sa iba sa pamamagitan ng pagkukumpuni ng mga appliances tulad ng TV, radyo, amplifier, at bentilador. Bukod sa pagaayos, gumagawa rin siya ng mga bagay tulad ng amplifier, soldering gun, at battery charger. Gusto kong maging katulad niya—isang taong may talento sa paglikha at patuloy na natututo habang gumagawa ng bago.
Ang Fragmentum ay isang patunay na kahit ang mga sira at itinapong bagay ay maaari pang gawing kapaki-pakinabang, tulad ng isang laruan na hindi lang pang-display kundi maaari ring magsilbing inspirasyon para sa pagrerecycle. Sa halip na maging electronic waste, ang mga lumang circuit boards, remote, wires, at iba pang bahagi ay muling nabigyang-buhay bilang isang robot artwork. Sa ganitong paraan, hindi lang tayo nakakatulong sa pagbabawas ng basura kundi natututo rin tayong maging malikhain sa paggamit ng recycled materials. Bukod dito, ang paggawa ng Fragmentum ay nagpapalakas ng kakayahan sa innovation at engineering, na maaaring magbukas ng interes sa iba, lalo na sa kabataan, upang magtangkang gumawa ng sarili nilang robot o laruan mula sa lumang gamit.
Sa simpleng paraan, ang Fragmentum ay isang malikhaing halimbawa ng kung paano maaaring pagsamahin ang sining, teknolohiya, at malasakit sa kalikasan.
Paggamit ng bagong paraan sa attendance, patok sa Senior High Students
Sigaw rito, sigaw roon ang laging nangyayari sa loob ng klasrum sa tuwing mag-aattendance ang mga guro. Subalit, kaiba sa nakasanayang tradisyonal na pag-check ng
attendance, naging patok sa Grade 12 - STEM ang pagsisimula ng paggamit nila ng Biometric Attendance System para sa taong ito.
Isa itong teknolohiya na kayang magkalkula at tandaan kung kailan pumasok at lumabas ang mga mag-aaral sa loob ng klasrum.
Paggamit
Madaling gamitin ang biometric dahil kinikilala lamang nito ang fingerprints ng bawat mag-aaral. Sa paggamit nito’y itututok lamang ng mga mag-aaral ang kanilang daliri at kusa na nitong malalaman ang naturang mag-aaral.
Layon
“Naisipan naming gumamit ng biometric sa pag-aattendance para mas magiging disiplinado ang mga estudyante,” ayon kay Bb. Rosemarie Ogates, Class Adviser ng Grade 12-STEM. Benepisyo
“Para sa akin, okay lang na mag-biometric kami. Bilang estudyante, malaking tulong ito sa akin para mas
maayos na pamahalaan ang aking oras. Sa bawat pag-tap ko, nagiging mas aware ako sa oras ng pagpasok at pag-alis ko sa paaralan,” saad ni Reecle Venz Laurete, Grade 12-STEM.
“Malaki ang benepisyo nito sa ‘min dahil natrain kami na maging mabilis at maagap. Kasi kapag walang biometric, siguro 8:00 am na ako papasok sa school,” pabiro ni Leah Mae Espiritu, Grade 12-STEM.
“Para sa akin, maganda na magkaroon ng biometric ang bawat silid aralan sa paaralan dahil mas nagiging responsable ang mga magaaral,” ayon naman kay Justine Bernardo, Grade 12STEM.
Ramon Magsaysay, ikinabit ang makabagong teknolohiya ng DOST upang maging handa sa sakuna, kalamidad
RAMON MAGSAYSAY, Zamboanga del Sur - Ikinabit ng Lokal na Pamahalaan ng Ramon Magsaysay sa tulong ng Provincial Science and Technology
Ramon Magsaysay, inilunsad ang ‘Silyang Pinoy’ na magagamit sa mga paaralan, kalamidad
Upang maging handa ang mga paaralan sa anumang kalamidad, inilunsad ang kauna-unahang ‘Silyang Pinoy’ technology sa Rehiyong IX - Zamboanga Peninsula na pinaunlad ng DOST-Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) sa lungsod ng Ramon Magsaysay.
Ito ang kauna-unahang training na isinagawa sa buong rehiyon ng Zamboanga Peninsula sa pangunguna ng DOST Region IX, Provincial Science and Technology Office-Zamboanga del Sur at LGU Ramon Magsaysay.
“This innovation represents a significant efforts to promote sustainable development and mainstream our local Bamboo industry,” ayon kay Hon. Margie Arcite-Machon, akalde-mayor ng Ramon Magsaysay.
Ang “Silyang Pinoy” ay isa sa mga inobasyon ng DOST-FPRDI na may kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM)
Ito ay gawa sa engineered bamboo o e-bamboo, plywood at bakal bilang pangsuporta.
Ang e-bamboo ay nagmula sa pinagbigkis-bigkis na mga hibla, mga piraso, o kaya’y mga patpat ng kawayan na idinikit at pinagsama-sama.
Narito ang mga katangiang hatid ng Silyang Pinoy: Sustainable
Gumagamit ng kawayan na kilala bilang mabilis tumubo at mas mainam na gamitin bilang pamalit sa mga kahoy. Nakatutulong din ito upang solusyonan ang kakulangan sa supply ng kahoy sa bansa at maiwasan ang pagkalbo ng mga kagubatan.
Ito’y nagbibigay rin ng panghanapbuhay para sa mga bamboo farmers at e-bamboo producers. Multi-functional
maaaring magamit ng mga evacuees sa tuwing may kalamidad. Matibay
Subok at pasado sa international standards ang kalidad ng teknolohiya pagdating sa pagiging matibay at pangmatagalan.
Proud-Pinoy Ang proyektong ito’y garantisadong inobasyon ng mga Pilipino para sa benepisyo ng mga Pilipino.
“Ang dami naming natutuhan na bagong mga pamamaraan at proseso para sa paggawa ng mga Engineered Bamboo Furnitures, maraming salamat po sa DOST. Nicasio O. Sultan RM Bamboo Craft Association (RAMAGBA) President
Layon nito na magbigay ng kalidad na kagamitan sa mga paaralan na pwede ring maging higaan at
“The Local Government Unit of Ramon Magsaysay is very grateful to DOST-FPRDI and DOST IX for the five-day training of Silyang Pinoy technology,” ayon kay Hon. Margie Arcite-Machon.
Totoo nga namang cute kung titingnan ang mga alagang hayop tulad ng pusa at aso sa paaralan. Ngunit, tandaan, kung hindi sila mapapabakunahan ay maaari silang magdala ng rabies.
Kaya naman mariing isinusulong ng bawat mag-aaral, guro at administrasyon ng Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay ang pagpapabakuna sa lahat ng mga mag-aaral at guro na may mga alagang aso na pabakunahan ang mga ito pangontra sa rabies.
“Magsasagawa kami ng kampanya ng pagbabakuna sa mga aso at pusa sa paaralan, katuwang ang RHU ng Ramon Magsaysay na aming iimbitahan para sa pagpapabakuna,” ani G. Wilfredo A. Sobretodo.
“Inaanyayahan namin ang bawat pet owners to join sa naturang aktibidad upang maiwasan ang rabies at masigurong ligtas ang bawat Ramonians sa paaralan
Ang rabies ay nakukuha sa kagat o kalmot ng mga hayop. Ito ay nagtatagal ng tatlong buwan at kung hindi maaagapan agad ay maaring ikasanhi ng pagkamatay.
”Mahapdi at masakit ang aking sugat pagkatapos kong makagat ng aso,” ayon kay Nollan Martinez, isang mag-aaral sa Baitang 11. Ang pagbabalewala ng mga ito ay maaaring magdala sa iyo tungo sa kapahamakan. Kung nakaranas ka ng mga sintomas ay pumunta agad sa malapit na hospital para sa agarang pagbabakuna, pag-inom ng mga antibiotics para sa maaaring impeksiyon at pagturok ng booster shot kung kinakailangan.
“Simula ng nakagat ako ng aso sa aking daliri ay nanghihina na ang aking katawan at pagkalipas ng dalawang araw ay biglang nanakit ang aking katawan, kalamnan, pagsakit ng ulo at ako’y biglang trinangkaso”, wika ni Martinez.
Kaya habang maaga pa’y pabakunahan ang inyong pets. Tandaan, ligtas ang nag-iingat.
Office (PSTO) ng Zamboanga del Sur sa bayan ang DOSTAdvanced Science and Technology Institute’s (ASTI) Automated Weather Station (AWS) and Water Level Monitoring Systems (WMLS) na makatutulong sa pagmonitor ng klima at panahon.
Sa kanilang pagbisita sa Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (OpCen), ikinabit ng PSTOZamboanga del Sur ang AWS technology kasama ang iba pang makabagong meteorological and monitoring systems.
“Isang malaking oportunidad na magkaroon ang bayan ng Ramon Magsaysay ng mga advanced at makabagong teknolohiyang makatutulong sa pag-monitor ng klima at panahon nang sa gayon ay maging mas handa ang bayan sa anumang masamang panahon na darating,” ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer, EnP. Noriben Jay B. Lubguban.
Layon ng mga teknolohiyang ito ang pagpapaigting sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ng bayan.
Maraming ilog ang nakapaloob sa bayan, kaya nama’y prone ito sa anumang pagbaha at landslide. Ang naturang teknolohiya’y makatutulong sa mga mamamayang maging handa sa anumang papalapit na sakuna.
NNick Lawrence J. Suico
obyembre 21, 2024 — Tila isang nagliliyab na lapis si Aljane Lapiz ng Ramon Magsaysay
NHS nang makaharap ang kanilang katunggali mula Esperanza Switch NHS matapos niya itong paulanan ng mga bumubulusok at nagbabagsakang perimeter shots at layups, 59-14.
Umuusok ang simula ng tapatan nang Umuusok ang simula ng tapatan nang kaagad na nagpasiklab ang Captain Ball ng RMNHS na si Lapiz ng mala-bugatti sa bilis ng takbo at nag-ala Lebron James ito matapos pumukol ng mga kalkuladong layups sa unang segundo ng kwarter, 7-0 pabor sa RMNHS.
Hindi naman kaagad nagpatangay sa bola ang ESNHS at agad na bumawi sa pamamagitan ng kanilang humahaguros na mala-toro sa bagsik na atake at mala-ipo-ipo sa bilis na opensa at ipinukol ang iskor sa, 11-5. Nagmistulang mababangis na hayop ang dalawang koponan dahil sa kanilang malabagyong Pepito na opensa at depensa na kasing tibay ni Incredible Hulk nang biglang nagising ang natutulog na agila sa kaloob-looban ni Lapiz at kaagad na nagbitaw ng mala-Stephen Curry na mga tira na sinabayan pa ng mga layup na parang pinakalkula kay Albert Einstein dahilan ng di-mapigilang pagdomina ng RMNHS, 21-7.
Umarangkada na parang sasakyan sa bilis ng takbo at determinasyong makabawi ng mga babaeng atleta mula ESNHS at kaagad na pumukol ng dalawang magkasunod na perimeter at jump shots na hinaluan pa ng di-mapigilang mala-jet plane sa bilis na fastbreak at inilagay ang iskor na 35-11. Dumadagundong sa hiyawan ang buong Ramon Magsaysay
Nicole A. Antipuesto
Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga manlalaro ng Mobile Legends Bang Bang (MLBB) at Esports sa pagtanggal nito bilang
Gymnasium nang biglang nagpalunsad si Lapiz ng mala-Caitlin Clark na galawan na sinabayan pa ng tumutunaw-yelo na mga 3-point shots na naging dahilan sa kanilang malaking kalamangan sa pagsisimula ng pangatlong kwarter, 43-11.
Nagmamadaling rumatsada ang ESNHS nang muli silang tambakan at paglaruan ng Ramon Magsaysay National High School gamit ang kanilang mala-sonic sa bilis na galawan at liksi ng katawan at muling pinalobo ang kalamangan, 52-14 pabor sa Ramon Magsaysay National High School.
Hindi na naka-iskor pa ang Esperanza Switch National High School at patuloy na pinadapa at nilampaso ng Ramon Magsaysay National High School sa pangunguna ng kanilang Captain Ball na si Lapiz matapos nila itong paulanan ng mga nag-aapoy at naglalagablab na tira at tinapos ang laban sa iskor na, 59-14.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga teammates ko dahil ‘di ko magagawa ang lahat ng ‘to kung wala sila.
magaganap ang ML na isinagawa naman natin ito noong nakaraang taon. Ngunit, hindi na lang ako nag-insist na maglaro ng ML dahil inutos ng ating principal na hindi na raw.”
Intramurals 2024
Nick Lawrence J. Suico
Naging mabangis na agila si Brix Dane Machon ng Grade 12 Silver Eagles
nang makaharap niya ang kaniyang katunggali galing Grade 7 Green Archers na si Kyle Galvez matapos niya itong paulanan ng bumabagyong check sa Intramurals 2024: Men’s Chess Championship Match noong ika-18 ng Oktubre, taong 2024.
Matatandaan na pinaitlog ni Machon ang kaniyang katunggali sa mga nakaraan niyang laban sa pamamagitan ng kaniyang malaMagnus Carlsen na taktika, 2-0; dahilan upang makapasok siya sa Championship Match ng Intramurals 2024.
Lumalagablab ang chessboard sa simula ng tapatan nang kaagad na nagpakawala ng nakakatindigbalahibong pressure si Machon gamit ang kaniyang bishop at kabayo sa ‘F’ file ng kalaban dahilan upang mangatog ang tuhod ni Galvez.
Hindi nawalan ng kompiyansa si Galvez at kaagad na nagpakawala ng mala-bakal sa tibay na depensa gamit ang kaniyang mala-Wesley So na taktika dahilan upang magkaroon siya ng magandang posisyon ng mga piyesa sa kalagitnaan ng laro.
Matatandaang inanunsiyo ng punongguro ng paaralan na hindi na kabilang ang MLBB bilang opisyal na laro sa taunang Intramurals dahil ito’y naglalaman ng mga karakter at simbolong ‘demonic’.
Ayon sa Esports Master Venz Kyrie Omboy noong Intramurals 2023, “I was so shocked, knowing na hindi na official sport sa Intramurals 2024.
EDITORYAL
“For me, gusto ko talaga, I’d like to have ML competition as part of our Intramurals since meron na tayong tinatawag na Esports which is part of Southeast Asian (SEA) Games. It is not a ‘puchu-puchu’ game because it’s part of the SEA Games,” ani Esports Master Kyrie.
Ayon naman sa defending champion ng nagdaaang kompetisyon na si Renyer Pitogo, “Nadismaya ako dahil hindi namin madedefend ang aming pagiging kampeon.”
Marami ang nabahala sa paaralan ng Ramon Magsaysay NHS sa kamakailang aksidenteng nangyari sa isang grade 7 student na naglalaro.
Ayon sa mga saksi, natamaan ang ulo nito ng “sipa” na naging dahilan ng lubhang pagdudugo nito.
Kung iisipin, normal lamang sa mga batang kagaya nito ang maglaro at maghanap ng pampalipas oras. Bukod pa rito, hindi rin ito oras ng klase kaya naman may kalayaan sila na maglaro.
Ngunit sa kabilang dako, hindi parin maiiwasan ang aksidente kaya naman nararapat lamang na humanap ng pampalipas oras ang mga mag-aaral na hindi makakapahamak ng iba at sa sarili.
Bukod pa rito, sa oras ng tanghalian, narararapat na ang mga mag-aaral ay nasa loob na ng silid aralan bago pa man pumatak ang oras ng klase. Sa ganitong
paraan, mas makapaghahanda sila sa susunod na klase at mas magkakaroon ng kampante ang mga guro sa mga posibleng mangyari sa labas ng silidaralan.
Sa paglalahat, ang “sipa” ay isang normal na pampalipas oras ng mga bata ngunit dahil sa kapabayaan at katigasan ng ulo, ang dating libangan ay naging ugat ng aksidente. Kung magkakaroon lang sana ng mas ligtas na pampalipas oras, mas magiging ligtas ang mga magaaral sa paraan na hindi sila nasasakal.
Minsan kailangan rin nating mag-ingat sa bawat sipa, dahil baka susunod na hakbang nito ay trahedya.
Rumatsada na parang kabayo si Machon at kaagad na nilamon ang kabayong piyesa ni Galvez sa ‘C’ file na naging resulta upang pwersahang kainin ito Galvez gamit ang kaniyang pawn sa 7th rank dahilan upang magkaroon siya ng double pawn sa nag-aapoy na chessboard.
Tila isang tahimik na dagat ang nakapalibot sa loob ng silid dahil sa pokus na ibinubuga ng dalawang manlalaro nang biglang nagpakawala si Machon ng isang brilliant move at kaagad na nilamon na parang bakunawa ang pawn ni Galvez na naging dahilan sa malaking pagkahimlay nito.
Sinubukan pang bumawi ni Galvez gamit ang kaniyang mga natitirang piyesa nang tuluyan siyang paulanan ni Machon ng mga bumabagyong check na sinabayan pa ng mala-Hikaru Nakamura sa bilis na tira dahilan upang humantong si Galvez sa isang nakakatindig balahibong checkmate.
Hinirang bilang kampeon si Brix Dane Machon matapos niyang paluhurin at kawawain ang kaniyang katunggali sa naganap na Intramurals 2024: Men’s Chess Championship Match noong ika-18 ng Oktubre 2024.
“When I won the Intramurals chess competition, I was extremely happy to achieve such victory. I was also surprised because I didn’t expect to defeat so many tough opponents, especially those from Grade 11 and 7,” ayon sa kanya matapos manalo at maiuwi ang gintong medalya para sa SIlver Eagles..
Miles Milanes
Ginto para sa mga manlalangoy ng RMNHS sa 50m, 100m at 200m Freestyle Boys at Girls; 50m, 100m, at 200m Backstroke Boys at Girls; 50m, 100m, 200m Breaststroke Boys at Girls; 50m at 100m Butterfly Boys at Girls; Individual Medly Boys at Girls; Medley Relay Boys at Girls; Freestyle Relay Boys at Girls; at Mixed Relay.
“Sobrang saya ko kasi makaaabot na naman ako sa Qualci. Gusto kong bumawi ngayon sa Qualci at makaabot sa Provincial Meet,” ayon kay Andrian Gabriel A. Malificiar, Gold medalist ng 50m, 100m, at 200m Backstroke; 4x50m Relay Freestyle; at 4x50m Medley Relay Backstroke.
“Ang preparations ko ngayon ay mag-training daily. Monday sa dry land, tapos sa Tuesday naman ay swimming, at alternate na para sa susunod na mga araw,” dagdag pa niya.
“Ibibigay ko ang lahat at best ko sa Qualci para makaabot sa Provincial Meet. Sa ngayon, ang target ko talaga ay ZPRAA,” kuda pa niya.
Ayon naman sa kanilang tagapagsanay na si Coach Samuel Malugao, “Masaya kami dahil ang lahat ng aming mga sakripisyo especially sa mga trainings naming every now and then ay nagbunga talaga.”
“Training is important talaga. If you want to be successful, magtraining ka talaga,” ani Coach Samuel.
“Para sa preparations namin sa Qualci, plano naming magkaroon ng resistant training. Also, we keep on training every now and then,” dagdag pa niya.
DI-MATITIBAG!
Kapit-bisig, tibay ng loob, at determinasyon ang naging sandata ng Pink Phoenix para padapain ang Crimson Lions sa Tug-of-war Championship.
Pinagkunan: The Glare Kapsyon: Jena Jean Bernal
amon Magsaysay National High School, Zamboanga del Sur - Nagmistulang nanlupaypay na mga bulate’t uod ang taguring hari ng kagubatan na Crimson Lions nang hilahin ito at isubsob sa putikan ng pumapagaspas na lakas at naglalagablab na bagsik ng mga lumilipad na Pink Phoenix sa kanilang
pangkampeonatong laro ng Men’s Tug-of-war sa Intramurals noong ika-19 ng Oktubre, 2024.
Mababakas sa mga mukha ng Grade
10 Crimson Lions at Grade 11 Pink Phoenix ang gigil nilang mapatumba ang bawat isa’t hablutin ang gintong medalya.
‘Di magkamayaw ang hiyawan ng mga manonood at cheerer ng bawat koponan nang kayod kalabaw na naghihilahan ang bawat team sa pagtunog ng hudyat.
Aligagang nagpukol ng puwersa sa paghila ang Lions upang mapatumba ang Phoenix ngunit sinabayan naman ito ng mga nakakulay rosas na kamiseta ng kanilang taktika upang pumirmi sa kanilang posisyon.
‘Di alintana ng bawat koponan maging ng mga manonod ang maambon na panahon at patuloy lamang ang mga ito sa pag-aagawan.
Subalit nabigla ang lahat nang biglang binitawan ng ilang miyembro ng Crimson Lions ang pisi dahilan upang mapasubsob sa putikan ang kanilang mga kakampi na nasa unahan at matumba ang ilang Pink Phoenix.
Dahil sa mga di-inaasahang kaganapa’y tuluyang nakamit ng Pink Phoenix ang inaasam na panalo at naiuwi
ang gintong medalya.
“Happy ako dahil kahit maliliit ang aking mga kakampi, nakaya pa rin naman,” ani Rex Sumagang matapos magwagi sa laban.
“Ang technique namin ay sabay-sabay lang kami tapos lagi kaming nagbibilang,” aniya.
“Hindi na sana nila uulitin ‘yung ginawa nila na pagbitaw nang biglaan dahil delikado at baka maka-disgrasya,” mensahe ni Kenn Dag-uman sa kalabang Crimson Lions.
Nicole A. Antipuesto
Bryan Lee O. Fontelo
Matagumpay na naiuwi ng Grade 12 Silver Eagles ang Overall Champion
title matapos pataubin ang mga katunggaling baitang sa Intramurals 2024 na ginanap noong ika-18 at 19 ng Oktubre.
Ito ay may temang “Strive for Greatness, Play with Heart”.
Nagpakitang-gilas ang Silver Eagles sa iba’t ibang larangan, kabilang ang Volleyball, Sepak Takraw (Boys), Badminton (Girls Single), Track and Field, Dance Sports, at Larong Pinoy. Ang kanilang kahusayan at determinasyon ang nagdala sa kanila sa tuktok ng tagumpay.
Sumunod sa kanila ang Grade 11 Pink Phoenix bilang first runner-up, habang ang Grade 7 Green Archers naman ang second runner-up.
Hindi rin nagpahuli ang Grade 10 Crimson Lions, Grade 9 Aqua Deers, at Grade 8 Golden Dawn na nagpakita ng kanilang galing at sportsmanship.
Nagpakita ng mga mala-halimaw na serve ang tikong ng Esperanza-Switch NHS na si Khristyll Cardenio dahilan upang mapabagsak
ang Ramon Magsaysay NHS sa District Meet na ginanap noong ika-22 ng Nobyembre taong 2024.
Nagpasiklab ang parehong koponan sa pagsisimula ng unang set, nagpamalas ng nagbabagang serve ang ESNHS at nakakuha ng aces at kumamada naman ang RMNHS ng isa ring naglalagablab na aces ngunit hindi ito naging sapat upang talunin ang ESNHS sa unang set.
Tila gigil na gigil ang mga manalalaro ng parehong koponan para sa ikalawang set na parehong nais maiuwi ang panalong asam.
Nagpasabog ng mala-tigreng serve ang tikong ng ESNHS na si Cardenio sa pagbubukas ng pangalawang set na hindi kinayang pigilan ng RMNHS, ngunit hindi naman nagpatinag si Nholie Aguado at nagpakita ito ng mala-leong serve ng tikong na si Miles Milanes, , pabor sa RMNHS. Hindi magkamayaw ang mga taga-suporta ng
Tinanggalan ng pag-asa ang mga paaralan
sa distrito ng Ramon Magsaysay na makamit ang tropeo at trono matapos maitanghal ang Ramon Magsaysay NHS bilang Overall Champion ng District Meet 2024.
Nanguna ang RMNHS matapos kumamada ng 42 gold, 31 silver, at 17 bronze.
Nagtapos naman sa pangalawang puwesto ang Sapa Anding AVTS na may 30 gold, 15 silver at 27 bronze.
Hindi naman nagpahuli ang EsperanzaSwitch NHS na may 16 gold, 16 silver, 6 bronze.
Samantala, hindi naman umuwing luhaan ang nagbabalik na Holy Family High School sa District Meet na may 4 gold, 5 silver, 8 bronze at magtapos sa ikaapat ng puwesto.
March Ivory Faith Borja
Sobrang saya ko talaga dahil nanalo kami. Sa wakas, makababawi na kami sa Qualci Meet.
John Rel Serino SAAVTS Team Captain MVP
TAPANG NG RAMONIAN. Bigo mang manalo ngunit ipinakita ni Jason Avergonzado (nakaberde),Warrior Spiker, ang katatagan at tapang sa pagblock ng bawat atake ng kalaban.
Pinagkunan: The Glare Kapsyon: Jena Jean Bernal
Bumubulusok na mga spike at mala-martilyong service ang ipinamalas ni John Rel Serino ng SAAVTS dahilan upang padapain ang RMNHS sa pangkampeonatong laro sa Volleyball Boys sa District Meet noong ika-22 ng Nobyembre, 25-19, 20-25, 25-21, 26-24.
Sinalubong ng nagbabagang bakbakan ang unang set, ngunit sa kalagitnaan ng laro ay nagpakawala ng kaliwa’t kanang pagkakamali ang koponan ng RMNHS dahilan upang lumamang ang SAAVTS sa set, 25-19.
Naging mainit naman ang pagsisimula ng pangalawang set nang magpakawala ng naglalagablab na spike si Morales ng SAAVTS ngunit tila di-makapaniwala ang madla ng maisalba ito ni Avergonzado ng RMNHS dahilan upang manaig ang RMNHS sa ikalawang set, 2025.
Agarang bumuwelta ng sunod-sunod na block ang RMNHS upang harangin ang tila-kidlat na spikes ng SAAVTS ngunit hindi ito naging sapat upang ungusan ang SAAVTS nang kumamada ang RMNHS ng mga napakaraming service error at ibinulsa ng SAAVTS ang panalo sa ikatlong set, 25-21. Pilit bumabawi ang RMNHS sa ikaapat na set sa pamamagitan ng pamatay-sunog na spike nina Dagohoy at Manaol at ungusan ang SAAVTS
sa 20 puntos ngunit tila nawalan ng enerhiya ang RMNHS nang mga sumunod na segundo at agarang nakahabol ang SAAVTS.
Hindi magkamayaw ang mga manonood mula sa iba’t ibang paaralan ng nakahabol ang SAAVTS sa 24 na puntos ng RMNHS at naging madugo ang mga kaganapan ng magpakawala ng nakalulusaw na spike si John Rel Serino. Nagtapos ang laban sa iskor na 26-24 at nakamit ng SAAVTS ang kampeonato at tuluyang pataubin ang RMNHS.
Samantala, itinanghal na MVP ng laro si John Rel Serino.
“Sobrang saya ko talaga dahil nanalo kami. Sa wakas, makababawi na kami sa Qualci Meet,” ani Serino.
Ayon sa kanilang coach na si G. Manolito Ihao, “Happy at mixed emotions. Kinakabahan na rin ako dahil magiging matindi na naman ang aming preparations para sa Qualci Meet ngayong Enero.”
District Meet 2024
Jiden Donaire, wagi sa Lawn Tennis Boys
Prime Rose Bayani
Buong giting na inangkin ni Jiden Donaire ng
Ramon Magsaysay NHS ang gintong medalya sa larangang Lawn Tennis Boys
“Sobrang saya ko dahil nanalo ako. Mixed emotions,” ayon kay Jiden Donaire, District Meet 2024 Lawn Tennis Boys Champion. Table Tennis
RMNHS, bigong manalo bawat bracket
inapos ng ESNHS at SAAVTS ang pag-asa
John Ethan Hatague T ng Ramonians na makakuha ng panalo sa 2024 District Meet Table Tennis.
“Nagkulang kami sa practice kaya kami natalo. Nung time kasi ng practice namin, maraming mga kapwa ko estudyante ang nakikilaro rin sa aming practice,” ani Khellyn Cardenio.
ilusong at hinakot ng buong RMNHS Aquatic Events Ramonians, sinisid ang mga ginto Miles Milanes N
Swimming Team ang mga ginto sa 2024 District Meet matapos ungusan ang mga kalaban mula sa iba’t ibang paaralan...