Pilipino Express • May 16 2018

Page 17

MAY 16 - 31, 2018

OUR COMMUNITY PILIPINO EXPRESS

PAGE 17

BIBAK Association of MB 24th Anniversary - Cañao 2018, May 12

CRISTY... From page 15 nakapalaking biyaya. Napakatagal na hinintay ni Heart ang pagkakataong ito para makumpleto na ang kanilang pagpapamilya ng senador, pero hindi pa man ay pinupuntirya na ng mga walang magawa, sana’y hindi na lang pansinin ng aktres ang mga ganitong kalokohan para hindi siya ma-stress. *** Pumirma na ng kontrata sa GMA-7 si Nora Aunor. Maaasahan nang bibigyan ng magagandang oportunidad ng Kapuso network ang Superstar. Sana’y maging maganda ang takbo ng career ng singer-actress sa Siyete, kailangang samantalahin na niya ang pagkakataon, dahil hindi na siya bumabata. Matagal ding nagserbisyo sa TV5 ang Superstar nang bumalik siya sa bansa mula sa ilang taong pamamalagi sa Amerika. Lahat ng

magagandang proyekto ay ibinigay sa kaniya ng pamunuan ng TV5. Sabi ng aming kausap, milyunmilyon ang tinanggap niyang talent fee noon sa TV5, nakailang taon din siya doon, pero ang ipinagtataka ng mga katrabaho niya, e, bakit hindi man lang siya nakapagpundar ng bahay at sasakyan? “Wala siyang sariling car, hatid-sundo lang siya kapag may taping siya, kahit limang sasakyang mamahalin, e, kayang-kaya niyang ipundar noon! “Hanggang ngayon, e, nangungupahan pa rin siya, hindi man lang niya naisipang bumili ng bahay noong kalakasan ng kinikita niya. Nakakapanghinayang lang,” kuwento ng aming kausap. Nagbabago ang panahon, kung paanong nagbabago rin ang tao, kaya hindi pa naman huli para maisipan ni Nora Aunor na bigyan ng prayoridad ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan. Malay naman natin, baka talagang mas gusto niyang

nangungupahan na lang para wala siyang problema kapag may nasisira, baka ayaw rin niyang bumili ng sasakyan para walang siyang iniintinding driver? Kani-kaniyang prayoridad lang naman ‘yan, pero bilang isang personalidad na tinitingala pa rin hanggang ngayon ay mas maganda kung uunahin muna ni Ate Guy ang kaniyang mga kailangan, kesa sa kung anu-anong bagay. *** Nagpakamanghuhula ang mga kababayan natin sa lumabas na kuwentong tinanggap na ni Korina Sanchez ang pagnininang sa ikalawang anak nina James Yap at Michela Cazzola. Hula ng mga netizens ay bubula na naman ang bibig ni Kris Aquino kapag naganap iyon, siguradong parang dragon na namang magbubuga ng apoy ang aktres-TV host, dahil parang kinakalaban na talaga siya ng misis ni Mar Roxas. Iyon ang usap-usapan ngayon,

kinuha nang ninang nina James at Michela ang palabang news anchor para sa ikalawa nilang anak. At pumayag naman si Ate Koring. Walang mali, sakali ngang totoo ang balita, may karapatan sina James at Michela na kuning ninang ng kanilang anak ang kahit sino. Sila ang mga magulang ng bata, sila lang ang may karapatang mamili kung sino ang gusto nilang maging pangalawang magulang ng kanilang supling, walang maaaring manghimasok sa kanilang gusto. Walang karapatang magalit si Kris kung tanggapin man ni Korina ang pagnininang, naniniwala rin si Korina sa kasabihan na malas ang pagtanggi sa pagnininang sa munting anghel, kahit pa ang simpleng panayam lang nito sa magkarelasyon ay ikinagalit na ni Kris sa kaniya. Puwedeng isipin ni Kris na talagang tinitirya siya ni Korina, na talagang inaasar at iniinis siya, pero ano naman ang krimen kung magninang nga si Ate Koring sa

binyag ng bata? E, di mag-anak na lang uli siya, kunin din niyang ninang si Korina, para it’s a tie na ang laban, di ba naman? *** Kung maraming nakikisimpatya sa buhay na mayroon si Sarah Geronimo ngayon na nasa kaniya na ang lahat pero pakiramdam ng singer-actress ay hungkag pa rin ang kaniyang puso ay mayroon ding mga kababayan natin na nagbibigay ng kakaibang interpretasyon. Sa nangyari sa kaniyang concert salas Vegas na bumigay ang singer-actress dahil sa mga bitbit niyang emosyon ay nakuha ni Sarah ang pakikisimpatya ng ating mga kababayan. Ang nalagay tuloy sa alanganin ay ang kaniyang mga magulang, lalo na si Mommy Divine, na kilalang-kilala sa pagiging mahigpit kay Sarah sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay. See CRISTY p18


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.