Mga mahal kong munting Muntinlupeño, magulang, at mga guro,
Mula pa noon, layunin natin na ang bawat bata sa Muntinlupa, ay nagaaral, lumaking malusog, at mayroong magandang asal.
Sa isyo na ito, binibigyang diin ang kahalagahan ng mabuting asal sa mga batang Muntinlupeño tulad ninyo. Kaya naman, basahin ninyong mabuti ang kuwento nina Munti at Jimboy at iba pang laman ng komiks na ‘to dahil siguradong may matututunan kayo.
Makikita n’yo rin dito ang ilang mga programa ng lokal na pamahalaan. Halimbawa nito ang Womb to Work Program kung saan sinusuportahan ang mga kabataan sa iba’t-ibang yugto ng kanilang buhay - mula bago ipanganak hanggang sa magkatrabaho.
Ang paalala ko sa mga batang magbabasa ng komiks na ‘to - mahalin ninyo ang ating bansa at ang Muntinlupa, sumunod sa mga magulang, mga titser, at batas, pangalagaan ang kalusugan at mga sarili, at mag-aral nang mabuti.
Sa mga magulang at mga guro, pagtulungan natin ang pagsiguro sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.
Mayor Ruffy B. Biazon
Ang inyong Kuya Ruffy
ANO ANG WOMB TO WORK PROGRAM?
Ang Womb to Work Program ay naglalayon na tiyaking may malusog na pangangatawan at maayos na mental na kalusugan, may akses sa edukasyon at may mabuting asal ang bawat Batang Muntinlupeño sa pamamagitan ng mga serbisyo ng lungsod ng Muntinlupa. Ang layunin ng Womb to Work
ay:
• Siguraduhing mabigyan ng serbisyo ang mga batang nangangailangan sa pamamagitan ng iisang database
• Magkaroon ng malinaw na target ang bawat ahensya sa pamamagitan ng mga indicators at participatory feedback mechanism
• Magkaroon ng kolaborasyon ang lokal na pamahalaan, CSO, NGOs at business sector
• Gumawa ng advocacy campaign para sa pag-unlad ng mga bata
BAHAGI NG WOMB TO WORK PROGRAM
UNANG BAHAGI
Gabay Pangkalusugan (Pagbubuntis hanggang 2 taong gulang o FIRST 1,000 DAYS)
STAGE 1: Pagbubuntis
STAGE 2: 0 hanggang 6 na buwan gulang
STAGE 3: 7 na buwan hanggang 2 taon gulang
IKALAWANG BAHAGI
Gabay Pagpapakatao (2 taong gulang hanggang Grade 6)
STAGE 4: 2 hanggang 4 na taong gulang
STAGE 5: 5 taong gulang hanggang Grade 6
IKATLONG BAHAGI
Gabay Panghanapbuhay (Junior High School gulang hanggang employment)
STAGE 6: Junior High School
STAGE 7: Senior High School
STAGE 8: Employment
PAALALA SA MGA BUNTIS AT BAGONG INA
Ang paghahanda sa kinabukasan na pinapangarap para sa inyong mga anak ay sa pamamagitan ng pagrehistro sa Womb to Work Program at pagsagawa ng mga sumusunod:
• Siguraduhing magpa-check-up sa health center sa panahon ng pagbubuntis
• Panganganak sa opisyal na health facility
• Pagpapabakuna at pagpapa-check-up ng sanggol
• Pagdalo sa oryentasyon ng Family Planning
• Pagdalo sa mga pagsasanay at oryentasyon na handog ng Womb to Work na programa
SINO ANG MAAARING MAGPAREHISTRO SA PROGRAMA SA UNANG BAHAGI?
BUNTIS AT BAGONG PANGANAK MGA BATA
• Lahat ng nais magfill-up ng form
• Nakatira sa ‘di sariling paninirahan
• Kabuuang kita ay nasa o mas mababa sa minimum wage
• Kakulangan sa akses sa kalusugan at nutrisyon na serbisyo
• Solo parent
• May malubhang karamdaman ang miyembro ng pamilya
• Nutritionally at risk
• Katutubo, magsasaka, at mangingisda
• Nakatira sa ‘di sariling paninirahan
• Kakulangan sa akses sa kalusugan at nutrisyon na serbisyo
• Solo parent
• May malubhang karamdaman ang miyembro ng pamilya
• Nutritionally at risk
• Katutubo, magsasaka, at mangingisda
• Ulila, inabandona, at pinabayaang mga bata
• May kapansanan
• Hindi pumapasok sa paaralan
Kaagapay ng mga buntis at bagong ina sa Womb to Work ang mga momshies patrol sa komunidad!
Ako ay iyong Momshies Patrol! Handang tulungan ang mga pamilya upang masigurado ang maayos na kalusugan, akses sa edukasyon at mabuting asal sa mga komunidad sa Muntinlupa. Nanay, tatay, bata ako ang iyong kaagapay!
R18
Ang Responsible 18 o R18 ng Muntinlupa City na nasa ikatlong bahagi ng Womb to Work Program ay ang kauna-unahan at natatanging selebrasyon sa Pilipinas para sa mga kabataang edad 18 o magiging 18 pa lamang na ginaganap tuwing buwan ng Pebrero. Sa ginanap na selebrasyon ng R18 ngayong 2023, mahigit 5,000 kabataan ang dumalo ng oryentasyon sa karapatan at responsibilidad ng mga kabataang edad 18, usaping tungkol career guidance, isyu ng teenage pregnancy at concert para sa mga kabataan kasama ang bandang Mayonnaise!
MUNTINLUPA READERS BOOK CLUB
Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamababang marka sa reading comprehension sa ginanap na Program for International Student Assessment kalahok ang iba-ibang bansa noong 2022. Bilang tugon, sinimulan ng City Government ng Muntinlupa ang Muntinlupa Readers Book (MRB) Club upang umikot sa mga komunidad at tutukan ang pagkakaroon ng kultura ng pagbabasa sa Muntinlupa at pagpapaunlad ng karunungang bumasa ng mga Muntinlupeño. Ang MRB Club ay isa sa mga inisyatibo ng ikalawang bahagi ng Womb to Work Program na ginaganap tuwing Sabado sa iba-ibang barangay sa Muntinlupa. Ang mga dadalo ay makakatanggap ng MY Points na bahagi ng programang Make Your City Proud (MYCP). Maaari ring magvolunteer sa MYCP upang maging storyteller. Ang MRB Club ay bahagi ng Womb to Work Program. Para magvolunteer, iscan ang QR code o magtungo sa Explore Muntinlupa page.
Mula kay Dra. Carleen Sedilla