Issuu on Google+


Sa mahal naming mga magulang at guro, Salamat po sa inyong pagtangkilik sa unang isyu ng Muntinlupa YanYan Komiks. Sa pangunguna ni Mayor Jimmy R. Fresnedi at pakikupagtulungan sa mga pribadong institusyon, ang YanYan Komiks ay ipapamahagi ng LIBRE sa mga pampublikong paaralan ng Muntinlupa sa LAYUNIN na: • magamit ang komiks bilang tulay sa ugnayan ng magulang at anak o guro at kanyang mag-aaral sa pagpapahalaga sa kagandahang asal, kaugalian at kakanyahang Pilipino • lilinang sa pagmamahal at kaalaman sa lunsod ng Muntinlupa • makaganyak sa pagkahilig bumasa at mag-aral ang mga bata at • mapatibay ang pagbuo ng mga pamilya sa Muntinlupa sa sama-samang pagbabasa ng komiks. Sana po ay magustuhan at subay-bayan ninyo ang YanYan Komiks. Tamang asal at edukasyon para sa kabataan, ‘YAN ang tama, ‘YAN ang Muntinlupa! Maraming salamat po.

Illustrator: Freely Abrigo

EDITORIAL BOX Story Writer: Vic Poblete

Design and Layout: Pinoys Interactive

Muntinlupa YanYan Komiks is published for the Yan ang Tama, Yan ang Muntinlupa social change campaign. For sponsorships and advertising, email komiks@yanangmuntinlupa.com


Mabuting Pangangatawan ng mga bata: •

Pagkain ng masustansyang gulay upang lumakas,

tumangkad at maging matalino

Para sa Muntinlupa:

Paglaan ng 10 milyon piso para mapasimulan ang pagpapatala ng 8,000 enrollees sa Philhealth Pagpapatayo ng Animal Bite Centers sa Alabang at Poblacion Health Centers kontra sa nakamamatay na Rabies Virus

Pagpapahalaga sa Edukasyon ng mga bata: •

Pag-gawa ng takdang aralin na ipinagagawa ng mga guro

Para sa Muntinlupa:

Pagpapataas ng pondo para sa Muntinlupa Scholarship Foundation sa 50 milyon piso mula 21.5 milyon piso noong nakaraang administrasyon Pagpapataas ng pondo para sa ating Scholarship/Educational Assistance na sadyang pinalawak upang makasama ang mga iskolar na mag-aaral sa elementary at high school

Pagtutulungan ng mga bata:

Tumulong sa gawaing bahay kahit sa maliit na pamamaraan tulad ng pagwawalis ng tapat bahay

Para sa Muntinlupa:

Pagbibigay ng generator, pagkain, damit at tulong medical sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa adopted towns ng Muntinlupa na Alang-alang at Jaro, Leyte Relief assistance sa 10,673 families na naapektuhan ng mga pagbaha


Mga Bata, Ipadala sa amin ang inyong mga drawing tungkol sa PASKO at BAGONG TAON at maaring masama ang inyong drawing sa susunod na isyu ng YanYan Komiks! Maari ka rin manalo ng mga papremyo! Ipadala ang iyong drawing kasama ang iyong larawan, pangalan, edad at paaralan sa email na komiks@yanangmuntinlupa.com Sali na at maging susunod na MUNTING BIDA!

Paano ako makakatulong sa Muntinlupa?

Makakatulong ako sa Muntinlupa sa pamamagitan ng aking talino. Gagamitin ko ito upang makatulong ako sa pagpapaunlad ng Muntinlupa sapagkat dito ako nabuhay at lumaki.

Ronald Reinier T. Labuguen VI - Amber(1) Muntinlupa Elementary School

Naniniwala ako na sa ilalim ng pamumuno ng isang tapat, mahusay at nakatuon sa tuwid na daan na liderati ang siyang magpapatatag sa kaunlaran ng Lungsod ng Muntilupa.

Edvince Joy M. Dannug GradeVI *I Maaasahan Alabang Elementary School

1. Ako ay susunod sa mga batas. 2. Ako ay maglilinis sa pamamagitan ng pagpulot ng kalat.

Ariel Ezra M. Unisa Grade VI-1 Buli Elementary School

Bilang isang mag- aaral sa Lungsod ng Muntinlupa, iba’t- ibang proyekto ang nais kong isagawa upang makatulong ako nang malaki sa aking mga kapwa magaaral. Ang mga ito ay ang pagtatanim ng mga puno, pagsunod sa mga batastrapiko, pag- iingat at paggamit nang wasto sa mga kagamitan ng paaralan gaya ng mesa, silya, telebisyon at iba pa, hindi pagkakalat sa loob at labas ng paaralan, pagbubukod ng mga basurang nabubulok at di- nabubulok.

ERICKA U. PALADIN Little Mayor of Muntinlupa F. De Mesa Elementary. School


Yanyan issue01