The Courier Express (Aug 2022)

Page 1

PABOR SA F2F. Taas kamay na bumoto ang mga piling student council officers na pabor sa pagbubukas ng face-to-face classes para sa Academic year 2022-2023. Ito ay bahagi ng ginawang consultative meeting na pinangunahan ng Acadamic Division ng NwSSU bilang paghahanda sa implementasyon ng limited F2F classes. | KUHA NI MENARD DEGUINO Sisimulan ang faceto-face classes sa Setyembre 2022 MAGSISIMULA na sa Lunes, Setyembre 5, ang limitadong faceto-face classes ng Northwest Samar State University (NwSSU), ito ay ayon kay NwSSU President Dr. Ben jamin L. SaPecayo.naging panayam ng The Courier kay Dr. Pecayo, ang pag papatupad ng limitadong face-toface classes ay susunod pa rin sa itinakdang mga safety measures ng Inter-agency Task Force ng syudad. “As of this moment, we are on alert level two, so our contention is just to abide with the current IATF advisory that 50% capacity of the classroom may be utilized,” ani ni Dr. Pecayo.Itoang kauna-unahang pagkakataon ng unibersidad na magpatupad ng in-person class es matapos ang dalawang taong pagsasara dahil sa idineklarang pandemya. THECOURIER EXPRESS THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF NORTHWEST SAMAR STATE UNIVERSITY-MAIN CAMPUS BALITA. p2 NwSSU wagi sa CMO Asia Awards OPINYON. p11 History is NOT like TSISMIS LIMITED KASADOF2F,NA IPINAGPATULOY SA PAHINA 3 ni MARYLOU S. ORTILLO SPECIAL ISSUE IN FILIPINO ISSUE NO. 1 CALBAYOG CITY, SAMAR AUGUST 2022

Asia’s Outstanding Academic Institutions

| BALITA

pinarangalan

NwSSU

2 THECOURIER EXPRESS

bilang isa sa

ni SHAN ERIC BALDOMARO LARAWAN MULA SA NWSSU FACEBOOK PAGE

President Dr. Benjamin L. Pecayo ang parangal noong Agosto 17 sa isang awarding ceremony na ginanap sa Pan Pacific Hotel, Singapore. Ayon sa ulat ng website ng NwSSU, tinagurian bilang isa sa mga natatanging institusyong pang-aka demiko sa Asya ang NwSSU mata pos makapasok ang unibersidad sa shortlist ng mga mananaliksik ng CMO Asia Awards na binubuo ng iba’t ibang propesyonal mula sa buong mundo. Sa panayam ng The Courier kay Dr. Pecayo, lubos niyang ikinagalak ang pagtanggap sa parangal. “I was even surprised because not in my dream that somebody will recognize our effort sa university… of course I am not claiming this one personally because this award will not be given to us without the effort of the faculty members, the people, the non-teaching personnel, the officials and the students, especially the faculty members who work hard for this uni versity who shared their commitment to give their best,” wika ni Dr. Pecayo. Ang nasabing parangal ay igin igawad ng CMO Asia Awards upang matulungang makonekta ang lahat ng marketer sa iba’t ibang sektor kasama ang Asian Confederation of Business bilang strategic partner at ang Stars of the Industry Group bilang kasosyo sa pananaliksik.Ayonkay Dr. Pecayo ang nasa bing parangal ay isang research-based award. Aniya, mapalad umano ang NwSSU at napili itong parangalan ng mga international judges Ang Asia’s Outstanding Academic Institution Award ay ibinibigay lamang sa mga institusyon na umabot sa isang huwarang antas ng kahusayan sa pamumuno, innovation, at academic and industry interface. Nakabatay rin ito sa mga criteria o pamantayan tulad ng educational achievements, place ments, leadership, class infrastructures, student impact, and future orientation. Hangad ni Dr. Pecayo na maging simulaing hakbang ang nasabing award upang matupad ang mga inter nationalization plans ng unibersidad.

NwSSU sa CMO Asia Awards

NASUNGKIT ng Northwest Samar State University (NwSSU) ang parangal na Asia’s Outstanding Academic Institu tions Award mula sa CMO ASIA para sa taong Pormal2022. na tinanggap ni NwSSU

MAAARING magbukas ang kursong Bachelor of Science in Nursing (BS Nursing) sa Northwest Samar State University sa taong 2023, ito ay ayon sa lead researcher ng feasibility study ng nasabing kurso. “If all things goes well tapos maset-up liwat an school’s laboratory, it [BS Nursing] can be offered by next year because the first year of nursing naman is not involve much on laboratory,” wika ni Dr. Teody Lester V. Panela, director of Research and Development Services ng unibersidad.“Kunmayda man nursing subject its more integrated in the community because the practice now is to have the nursing students be immerse in the com munity as early as first year,” dagdag ni Dr. Panela na isa ring registered nurse.

BS Nursing posibleng buksan sa taong 2023

ni DIOVEN D. CARDINAS

Inaasahan nilang matapos ang kanilang feasibility study noon pang ikatlong linggo ng Agosto na isa sa mga kailangan isumite sa CHED. Ito ang magiging batayan sa pulso ng mga taong napapaloob sa saklaw ng institusyon kung gusto ba nila o hindi ang pagkakaroon ng kursong ito sa pam publikong“NwSSUpaaralan.islooking into offering that program kay para those who cannot afford expensive tuition, this is the way for them to really take the nursing pro gram…so far as of today [Aug. 16,2022], the responses is quite overwhelming … nagawas talaga didto is they really want to have this program that is affordable for them,” ani ni Dr. Panela. Sa katunayan kaya naman daw buksan ang kursong narsing ngayong taon dahil sa mayroon naman daw mga gusaling gagamitin at may mga taong balak na mag-donate ng mga pasilidad. Subalit, iniwasan umano nila itong madaliin sa kadahilanang may mga dapat pang isaalang-alang katulad ng pagkakaroon ng Base Hospital na may bed capacity na umaabot sa 100. Dagdag pa ni Dr. Panela, bukod sa sobrang bed capacity ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC), malaki rin umanong tulong ang pagpa patayo ng Samar Island Medical Center sa Lungsod ng Calbayog na inaasahang maging pinakamalapit na base hospital ng BS BinunyagNursing. din ni Dr. Panela sa pan ayam na ang bubuksang bagong kurso ay mapapabilang sa College of Criminal Justice and Sciences (CCJS).

Inilabas ni Dr. Ramil S. Catamo ra, vice president for academic affairs, ang Office Memorandum no. 1, s. 2022 o ang Policies and Guidelines in the Adoption of Limited Face-To- Face Classes, na nagsasaad ng hudyat at mga alituntunin sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes. Ayon sa memorandum, bawat classroom ay maglalaman ng 25 na estudyante sa bawat klase at seksyon na nakabatay sa 50% capacity ng classroom, habang ang mga klaseng lalagpas sa bilang na ito ay hahatiin sa dalawa upang masunod ang IATF advisory.Sasailalim sa ‘cyclical shifting’ o palitang face-to-face at online o mod ular learning setup ang mga estudy ante sa bawat dalawang linggo, para maiwasan ang pagdagsa ng mga estudyante sa “Participatingcampus.colleges and programs shall conduct limited faceto-face classes on alternate biweekly basis. While not on limited face-toface classes schedule, courses shall be administered via online method of asynchronous (modular) and/or synchronous (live) virtual interactions,” ayon saIpinahayagmemorandum.niDr. Pecayo na isa ito sa mga hamong kakaharapin ng unibersidad sapagkat madodoble ang preparasyong gagawin ng mga guro para sa mga ituturong paksa. “Another challenge [for] the faculty members kasi they will be preparing two strategies…” sabi ni Dr. Pecayo.Samantala, ipapatupad na rin ang limited face-to-face classes sa NwSSU San Jorge Campus sa pare hong petsa.“It’sgood to note didto sa San Jorge…ngatanan nga courses didto will have an in-person…Ngatanan nga teachers will be involved na.” Ani ni Dr. Pecayo sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes sa San Jorge campus.Ayon sa guidelines, hindi maka kaapekto ang ‘vaccination status’ ng mga estudyante at faculty members na lalahok sa in-person classes. “We will take all precautionary measure[s] para maproteheran aton mga estudyante.” Giit ni Dr. Pecayo sa pagsisigurong maiiwasan ang hawaan.Nakasaad sa nasabing memo randum ang pagkakaroon ng ‘school triage’ bilang parte ng pag-iingat ng unibersidad. ‘Students shall pass through the triage area for tempera ture checks and contact tracing logs.’ Ayon pa sa guidelines, ipa patupad sa Oktubre 10 mula Lunes hanggang Huwebes ang pagsusuot ng school uniform ng mga estudyante. Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanda ng unibersidad para sa gagawing limited face-to-face classes. Kabilang na rito ang pagtalima sa mga requirements na ipinapatupad ng Comission on Higher Education (CHED) para makakuha ng ‘Safety Seal’.

3ISSUE NO. 1 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2022

BALITA |

F2F CLASSES SA NWSSU | mula sa Pahina 1

| BALITA

4 THECOURIER EXPRESS

PINARANGALAN ang Dean ng North west Samar State University (NwSSU) ng College of Criminal Justice and Sciences (CCJS) na si Dr. Armando A. Alviola bilang isa mga Outstanding Criminology Dean sa buong Pilipinas sa taongAng2022.parangal na iginawad sa kanya ay bahagi ng pagdiriwang ng ikatlong Integrated National Convention of Criminology Educators and Profes sionals in the Philippines at gayundin ng Ika-50 Anibersaryo ng Propesyong Kriminolohiya sa Pilipinas. Ayon kay Dr. Alviola, isa sa mga maaaring naging dahilan upang masungkit niya ang parangal ay dahil sa kanyang naging kontribusyon sa propesyon ng Criminology kabilang dito ang mga aklat na kanyang naisu lat. Kabilang sa mga aklat na ito ay ang Juvenile Delinquency, Introduction to Criminology & Psychology of Crimes, Dactyloscopy, at Forensic Document Examination, na hanggang ngayon ay ginagamit bilang sanggunian sa pagtu turo ng iilang unibersidad sa bansa. “Isang napakalaking pribilehiyo ang parangal na ito. Kahit papaano, alam kong nagbubunga ang lahat ng ginagawa ko, at nagagampanan ko ang aking tungkulin bilang Criminol ogist at bilang tagapagturo”, ika ni Dr. Alviola.Nagsimula si Dr. Alviola bilang chairperson ng BS Criminolgy ng NwS SU noong taong 2005-2013. Nagsilbi siyang Dean ng College of Criminal Justice Education sa Negros Oriental State University (NORSU) noong taong 2013-2019, kung saan ginawaran din siya ng parangal bilang Outstanding Criminologist in the Field of Academe noongSa2018.kasalukuyan ay aktibong mi yembro siya ng Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines, Inc. (AACCUP) gayun din ng Regional Quality Assessment Team (RQAT) ng CHED Region VIII.

Outstanding Criminology Dean

CCJS Dean Alviola wagi bilang

In-Service Training para sa mga guro ng NwSSU inilunsad

ni EUNICE MARSHA M. ALORRO NAGSAGAWA ng In-Service Train ing (INSET) para sa mga guro ang Northwest Samar State University na ginanap noong Agosto 2-5, 2022 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Academic Year 2022-2023. Sumabak ang mga guro mula sa Main Campus at San Jorge Cam pus sa apat na araw na training na ginanap sa RSU Socio-Cultural Center, NwSSU – Main Campus. Ilan sa mga natalakay sa nasa bing training Syllabus Making, Test Construction, TOS Development, at Item Analysis na ilan sa mga mahahal agang gawain ng mga guro. Pinangunahan ni Dr. Ramil S. Catamora, vice president for academic affairs, ang unang araw sa pagbibigay ng kanyang pambungad na talumpati. Sinundan ito ng paglalahad ng Ratio nale ng in-service training ng dean ng graduate school na si Dr. Enrique B. Montecalvo.Nagbigay naman ng kanyang mensahe ang University President na si Dr. Benjamin L. Pecayo. Sa kanyang mensahe ay inaasahan niya na sa pamamagitan ng training ay mas mapapabuti ang kasanayan ng mga guro sa paraan ng pagtuturo at ang kanilang propesyonal na pag-unlad. Ilan sa mga paksang tinalakay ni Dr. Ma. Lucil H. Dollado ay ang Revised Blooms Taxonomy and it’s Verbs, at Writing Test Items. Nagbahagi naman ng kaalaman sa TOS Development, Test Item Analysis at Rubric Develop ment si Dr. Montecalvo. Sa ikatlong araw ay nagkaroon ng workshop ang mga guro kung saan ay gumawa sila ng kanya-kanyang syl labus batay sa mga paksang tinalakay sa seminar.Sahuling bahagi ng seminar ay nagkaroon ng talakayan ang mga guro ukol sa paghahanda sa darating na pasukan. ni JOSHUA A. LIM TUTOK SA TURO. Pinangunahan ni Dr. Enrigue Montecalo, dean ng Graduate School, ang In-Service Training. Isa siya sa mga naging speaker sa training na dinaluhan ng lahat na mga guro ng NwSSU. | KUHA NI RICHARD KERBY CADIZ

‘MAS

ItinanghalSamar.dinna

Festival King at Festival Queen ang mga kinatawan ng Calbayog na sina Polbien Nilo Mendo za-Boco at Jazzel Rain Cuadling na gu manap sa Hadang Festival ng lungsod sa Parade of MataposFloats.ang dalawang taong pandemya, muling nagbalik sigla ang pagdiriwang ng Samar Day. Naging es pesyal itong taon dahil sa pakikibahagi ng Calbayog. Ilan pa sa mga programa ay ginanap dito sa Calbayog. Isa rito ang Mutya han Samar kung saan ginanap ang Grand Corona tion Night noong Agosto 9 sa Calbayog City SportsKinuronahanCenter. ang kinatawan ng Calbayog na si Jackie Fleming bilang Mutya han Samar Tourism 2022. Binuksan din ang isang Night Food Tour na tinawag na “Parksya dahan” sa Calbayog noong ika-29 ng Hulyo bilang pagsisimula ng selebra syon. Ang pagdiriwang ng Samar Day ay hinalaw sa petsa kung saan ibinaba ng Reyna ng Espanya ang kautusan na naghihiwalay sa Samar bilang isang lalawigan mula sa Leyte.

ni

5ISSUE NO. 1 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2022

BALITANG LOKAL

Float ng Calbayog panalo sa Samar Day

MATAPOS na yanigin ng 7.0 magnitude na lindol ang hilagang bahagi ng Luzon nito lang Hulyo 7 ng umaga, muling nag-abiso ang Office of the Civil Defense ng Eastern Visayas sa lahat ng mga taga Silangang Kabisayaan sa posibleng paggalaw ng pinakamalaking fault line saAyonbansa.sa pagsusuri ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tinatayang mas malaki ang fault line na nasa Eastern Visayas kaysa sa fault line na nasa Metro Manila na tinaguriang “The Big One”. Ang “The Bigger One” na nasa Eastern Visayas, ayon sa Phivolcs, ay lubhang mapaminsala at maaaring magdulot ng tsunami sa naturang rehiyon. Sa ulat ng Eastern Viasayas, iginiit ni Director Lord Bryon Torrecarion ng Office of Civil Defense, batay sa pag-aaral ng Phivolcs, kung sakaling aabot sa 7.0 magnitude ang lakas ng paggalaw ng fault line o Philippine Trench ay posibleng magresulta ito ng tsunami sa mga lugar na malapit o nasa harap ng Pacific Ocean tulad ng Eastern Samar, Northern Samar, Southern Leyte at “AccordingLeyte. to Phivolcs, if the quake, if ha, we’re not saying it will. It will start at the Philippine Trench sa Northern Samar na part, it might reach a magnitude of 7.9 and tsunami height is predicted to be 9 meters in Eastern Samar then sa Leyte that would be around 4-5 meters. That is based on the data of Phivolcs, yan yung prediction ng Phivolcs talaga,”

FAULT LINE SA EASTERN VISAYAS, MALAKI MAPAMINSALA’AT JHON EDWARD

NASUNGKIT ng Lungsod ng Calbayog ang ikalawang pwesto sa Parade of Floats na ginanap sa Catbalogan City noong Agosto 11 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Samar Day. May temang, “Pagkaurusa ngan Kahimyang hingyap sa Tanan,”di naluhan ang nasabing programa ng mga nakakamanghang likha ng mga karatig-lungsod at munisipyo sa buong probinsya ng

R. ANQUILAN LARAWAN MULA SA CITY MAYOR’S OFFICE, CALBAYOG CITY FACEBOOK PAGE BALITA | IPINAGPATULOY SA PAHINA 12 ni VANESSA SHERMA V. BLANCO

Ito ay bahagi ng bagong Admission Pol icy ng unibersidad upang mas marami pa ang makapasok sa NwSSU. Sa kabila nito umalma pa rin ang publiko dahil sa higit 5,000 na kumuha ng admission test, nasa humigit-kumulang 3,000 lang ang nakapasa.Nagkakaisa naman ang mga opisyales ng unibersidad na malaking bagay ang kahandaan ng mga aplikante para makapasok sa NwSSU. Hiling nila na mas paigtingin ang pagsasanay sa mga mag-aaral lalo na sa high school upang higit na makapaghanda sa kolehiyo. Pinunto naman ng ilan na marami ring mga salik ang maaring maka apekto sa resulta ng admission exam. Sa mga nangyari, nabuhay na naman ang usapin hinggil sa pagiging epektibo ng K-12 Basic Education Program sa paghahanda ng mga mag-aaral sa lalong mas mataas ng edukasyon. Marami ang nagtatanong, sino nga ba ang may kakulangan? M. ALFONSO

6 THECOURIER EXPRESS

Sariwa pa rin sa mga estudyante ang naka kapanlumong pangyayari sa katatapos pa lamang na ‘entrance exam’ o ‘admission test’ sa mga pampublikong unibersidad na nabibilang sa ‘Free Tuition program’ ng gobyerno, kabilang na rito ang Northwest Samar State University (NwSSU).

Tila nawalan ng oportunidad ang mga estudyante na nais mag-aral sa pampublikong kolehiyo upa ng maging daan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.Sanaging panayam ng The Courier, sinabi ni Engr. Ryan Emil Zosa, university registrar ng NwSSU, binabaan nila ang ‘cut off score’ ng resul ta ng ‘Admission Test’ mula 85 pataas sa Board Courses at 80 pataas sa Non-board Courses patungo sa 78 at 79. Dagdag pa niya, sa ‘General Weighted Average’ o GWA nalang sila huhugot ng mga makakapasa dahil mayroon itong 20% na parte sa resulta ng ‘Admission Test.’

Implementasyon... Guro... Estudyante... Bakit nga ba kaunti lamang ang nakakapa sa at nabibigyan ng pagkakataon na maka pag-aral sa kolehiyo? Sino ang nagkulang?

May K pa ba K-12?ang ni MELCHOR

| DISKUSYON

Implementasyon

7ISSUE NO. 1 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2022

NI GYLES ADRIEN BALMES

DISKUSYON

|

Ayon sa katuturan ng programa, “The K-12 program covers Kindergarten and 12 years of basic education (6 years of Primary Education, four years of Junior High School; and two years of Senior High School) to provide ‘sufficient time for mastery of concepts and skills, develop life long learners, and prepare graduates for tertiary education, middle-level skills development, and entrepreneurship.’”Dinagdagan ng dalawang taon ang sekondarya upang makuha at makasabay ang bansa sa pamantayan na mayroon din ang ibang bansa. Kinikilala rin ng K-12 na hindi lamang kolehiyo ang pwedeng mapuntahan ng mga mag-aaral matapos silang grumadweyt, maari rin silang magtrabaho o ‘di kaya ay magnegosyo. Ngunit karamihan sa mga senior high school graduates, at marahil dala na rin ng kul tura ng mga Pilipino, mas pinipili ng karamihan na magkolehiyo pagkatapos ng SHS. Inaasahan na sa K-12, magiging handa ang mga estudyante sa pagkuha nila ng kanilang kurso pagdating ng kolehiyo.Malaking tanong ngayon kung nakamit ba ng K-12 program ang mga hangarin nito? Naipatupad ba nang maayos ng mga guro ang nasabing programa? Epekto sa Guro at Estudyante Kadalasang reklamo ng mga guro ang na pakaraming mga ‘paperworks’ na ipinapagawa sa kanila. Wika nga ng isang gurong nakausap ko, mas nagugugol daw nila ang oras sa kagagawa ng mga papeles kesa na mabigyang pokus ang kanilang pagtuturo. Kaya isa siguro ito sa dapat pagtuonan ng pansin ng gobyerno na dapat maaksyonan.Ayonkay Micheal Poa, tagapagsalita ng Kagawaran ng Edukasyon, “We’re looking at reducing – utos na po ni Vice President and [Edu cation] Secretary Sara Duterte ‘yan – reducing or eliminating totally ‘yung admin tasks nila.” Dagdag pa niya, kaya hindi nakakapag pokus ang mga guro sa pagtuturo kasi nao-over work sila sa mga administrative works kaya sila pagod na pagod. Ito ang dahilan na naaalintana ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante at naaalintana rin ang proseso ng pagkatuto ng mga estudyante.Hindilang sa mga guro, pabor din na mapokusan ang pagtuturo sa mga estudyante sa dapat nilang matutunan at baonin lalo na sa pagtungtong nila ng kolehiyo. Mabibigyan na sila ng sapat na karunungan na siyang nais iparating ng programang ito. Mas malaki na ang pagka kataon na makakapasa sila sa anumang pagsu sulit na ibinibigay ng mga unibersidad o kolehiyo at makakapasok sa mga ito. Pandemya Dumagdag pa sa problema sa pagkatuto ng mga estudyante ang kasalukuyang pandemy ang natatamasa. Dahil nga hindi nagkakaroon ng ‘direct face-to-face class’ ang mga paaralan, mas lalong bumaba ang antas ng pagkatuto. Umasa na lang kasi ang mga estudyante sa internet – dito na nila hinahanap ang sagot kahit na ‘self-explanatory’ na – hahanapin pa nila ang sagot sa Maraminginternet.estudyanteng nasanay na sa ganitong sistema na dala-dala pa rin nila hang gang pagtungtong nila ng kolehiyo, na tila na kadepende pa rin sa internet ang kanilang mga sagot at pagkatuto. Aksyon ng Gobyerno “As for the ‘horror’ stories that we have heard about the poor quality of educational materials and supplies that are being given to our schools – this must end!” hamon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kahit na mahaba-habang diskusyon ang mangyayari sa pagpapalawig at pagpapabuti ng K-12 program, mapahalagahan na ang layunin ng K-12 program sa paghahasa ng kaalaman ng mga estudyante upa ng mas maging handa sa pagpasok nila sa kolehiyo. Upang sa susunod na mga taon mas marami na ang makakapa sa at magkakaroon ng oportunidad na makapag-aral na mga produkto ng K-12 saDagdagkolehiyo.pa nga ng pangulo, “Ang edukasyon ay ang tangi nating pamana sa ating mga anak na hindi mawawal das. Kaya anumang gas tusin sa kanilang pag-aaral ay hindi tayo magtitipid. Hindi rin tayo magtatapon.”

DIBUHO

NwSSU sa pagdiriwang ng ASEAN MONTH Lumahok ang Northwest Samar State University (NwSSU) sa HEI Fair and ASEANWAve Webxhibition Festival bilang parte ng 2022 Regional ASEAN Month Celebration na ginanap sa Robinson’s Place Tacloban, Marasbaras, Tacloban City. Pinangunahan ito ng CHED Region 8 kasama ang mga unibersidad at kolehiyo sa rehiyon.

FIDEL V RAMOS, nagsilbi bilang ikalabing-dalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998). Halina’t ating alalahanin ang kanyang mga naging kontribusyon at iniwang legasiya sa bansa. Ang dating pangulong Fidel Ramos ay naglingkod sa ilalim ng administrasyong Marcos Sr. bilang Chief ng Philippine Constabulary mula, 1972 hanggang 1986. Isa si dating pangulong Ramos sa mga itinuturing bayani ng People Power Revolution sa EDSA noong February 1986 dahil sa kanyang kontribusyon sa pagpapatalsik sa dating pangulong Ferdinand MarcosMataposSr. magsilbing Chief ng Philippine Constabulary, siya rin ay nag silbi bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines sa loob ng dalawang taon at siya rin ay nagsilbi bilang Secretary of National Defense ng tatlong taon. Malaking tulong sa pagbabalik noon ng suplay ng kuryente ang mga ginawang proyekto sa administrasyon ni dating Pangulong Ramos. Ang pagpapatayo noon ng Sual Coal Powerplant at ng San Roque Dam ang mga proyekto ni FVR na naging daan sa ngayonpagkakaroonngstable na suplay ng enerhiya sa buong bansa. Si paayosRamosPangulongdatingFidelangnagngmgagusaling

ni ERNEST JOHN ARDIDON | LATHALAIN March 18, 1928 – July 31, 2022

10 THECOURIER EXPRESS

nasira ng lindol ng taong 1992 at siya rin ang nagpaayos ng mga imprastaktura na napinsala sa pagputok ng bulkang Pinatubo noongItinatag1990. ni dating Pangulong Fidel Ramos ang Komisyon ng Pambansang Pagkakaisa o National Unification Commission o NUC, upang matugunan ang problema ng pagkaka-isa ng mga Pilipino dulot ng nagdaang martial law. Upang makapanghikayat ng mamumuhunan at madagdagan ang serbisyong pampubliko ng gobyerno, inilunsad ng pamahalaan ang sistemang BuildOperate-Transfer o BOT Scheme. Sa ganitong sistema inanyayahan ang mga negosyanteng magtayo ng mga istrakturang magbibigay trabaho sa mga Pilipino. Naging maganda ang takbo ng bansa sa halos lahat ng aspeto nito sa ilalim ng Administrasyong Ramos, subalit napigil ito nang dumanas ang Asya ng isang financial crisis noong 1997. Subalit dahil sa maayos na pagkakatatag ng stock market sa Pilipinas mas maliit ang naging epekto ng financial crisis sa bansa. Mas mabilis nakabangon ang Pilipinas sa krisis na ating dinanas at tinagurian pa ang Pilipinas bilang susunod na Economic Tiger ng Asya. Maaalala si Pangulong Fidel Ramos bilang isa sa mga dakilang pinunong Pilipino na isinasapuso ang mabuting pamamahala. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang buhay sa bawat Pilipino. V. RAMOS

Pamanang Legasiya ni FIDEL

OPINYON |

MALAMLAM na ang sikat ng araw hudyat ng takipsilim – habang nakaupo sa silya hawak ang selpon na hindi magkamayaw sa pagdipa ay tila natigilan ako mula sa aking nakita. Tinangay ang aking atensyon papunta sa isang post mula sa Facebook kaugnay sa sikat na artistang si Ella Cruz. Ngunit hindi dahil sa larangan ng pagsayaw o pag-arte, kung hindi dahil sa pahayag niyang naglunsad ng mga pag-uusap sa bansa kabilang ang mga kaniya-kani yang opinyon mula sa mga istoryador at kritiko. “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iy ong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here, alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion. “ Ito ang saktong napagmasdan na humakot ng libo-libong reaksyon mula sa mga mamamayan. Naging us ap-usapan ng mga tao at nagdulot sa pagsikat ng pahayag na ito. Matatandaan na ang aktres na si Ella Cruz ay kasali sa pelikulang ‘Maid in Malacanang’ at gumanap bilang Irene Marcos-Araneta, ikatlong anak ng yumaong diktador Ferdinand Marcos. Ang pahayag na ito ay umakit ng komento mula sa mga historyador at kilalang eksperto sa Kasaysayan. Isa na rito si Public historian-academic na si Ambeth Ocampo na hindi sumang-ayon sa mga komento ng aktres at sinabing hindi dapat “pagkakamalan” ang kasaysayan at tsismis sa isa’t isa. “Maaaring may bias ang kasaysayan but it is based on fact, not opinion. Real history is about truth, not lies, not Subalitfiction.”hindirin naman nagpahuli ang ibang mga aktibong mamamayan na tila sumasang-ayon sa kon trobersyal na pahayag. Marami rin ang nagsasabi na ang kasaysayan ay tila tsismis lang dahil sa pinagpasa-pasahan na lamang ito sa paglipas ng panahon. At mula sa mga maaanghang na palitan ng mga salita, hindi maikakaila na isa itong sigalot na nakaaalar ma sa kung paano pagmamasdan ng mga kabataan ang ating kasaysayan. Maaaring maniwala ang susunod na henerasyon na ang kasaysayan ay tila tsismis lang dahil sa panahon ngayon, malakas na ang kapangyarihan ng bibig at ang mga salitang lumalabas mula rito. Sa aking palagay, ang kasaysayan ay hindi tsismis, haka-haka o opinyon lamang. Ito ay batay sa mga totoong kaganapan at pangyayari, pinag-aralan ng mga eksperto, kinumpirma at may ebidensya ang bawat konteksto. Ito ay bunga ng dugo’t pawis ng ating mga ninuno na natagpuan at pinatunayan ng ating mga istoryador at eksperto. Saman tala ang tsismis ay isang kuro-kuro na pinapakalat ng mga bungangang matalim na magaling pumatay ng katotohan an. At hindi ba nakakatawa kung sabihin natin na ang kasaysayan ay parang tsismis? Kung ganon, masasabi rin ba natin na ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay isang tsismis Maipagpapalagaylang?

rin ba nating tsismoso pala ang ating mga istoryador at eksperto? Marites din ba kung tawagin ang ating mga tanyag na propesor ng kasaysayan? Nakakapanlumong pakinggan at pagmasdan na may ganitong diskusyon pa rin sa panahong ito. Akala ko ay sapat na ang kaalaman ng lahat upang hindi na mag pakiliti sa mga matatamis na salita ng mga mapanlinlang ngunit nagkamali ako. Mahina pa rin tayo na labanan ang kumakalat na mga maling pahayag. Sana’y magsilbing aral sa ating lahat ang ganitong sigalot sa bansa. Ang kasaysayan ay maituturing yaman at pagkakakilanlan ng bansa, ito’y hindi parang tsismis na paboritong libangan ng mga tambay. Sana’y maging mapanuri at mapanaliksik tayo sa lahat ng mga pahayag bago maniwala. Iwasan din ang pagpapakalat ng mga salitang magdudulot ng hidwaan mula sa mga taong iba’t iba angTandaanpaniniwala.naang tsismis ay kailanma’y hindi dapat maihalintulad sa kas aysayan katulad sa hindi saputingmagsamamaaaringangdamitputikan.

History is NOT like Tsismis ni ARELYN RONZON

11ISSUE NO. 1 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2022

ni DIODITO P. LIMPIADO dagdag pa ni Director Torrecarion. Samantala kung ang paggalaw ng fault line ay mangyari sa Dinagat Island at Samar, maaaring umabot sa 4-7 meters ang taas ng tsunami na kakaharapin ng mga taga Leyte at 8-9 meters naman sa Samar. Naglabas din ng listahan ang Phivolcs ng mga lugar na maaaring matamaan at maapektuhan ng Fault line sa Eastern Visayas. Nariyan ang Taft, San Julian, Borongan City, Balangiga, at Hinabangan ng Eastern Samar. Ganun din ang Marabut, Basey, Pinabacdao, Allen, Victoria at San Isidro ng Northern Samar. Kasama rin ang Ormoc, Kananga, Burauen, Mahaplag, Javier, Capoocan, McArthur, La Paz at Abuyog sa Leyte. Nasa listahan din ang Sogod, Libagon, St. Bernard, Lilo-an at San Ricardo sa bandang timog ng Leyte.

Ang programa ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) ay naging isang malaking isyu para sa ilang mga mag-aaral sa kasalukuyan dahil sa planong mandatoryong pagpapatupad nito sa kurikulum ng senior high school sa lahat ng pampubliko, at pribadong eskwelahan sa bansa. Muling nabuhay ang usapin sa ROTC matapos banggitin ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). Isinama ni Marcos ang Mandatory ROTC sa mga pri ority bills na kanyang nilahad sa kongreso. Ayon kay Marcos, “Ang layunin ay upang hikayatin, sanayin, ayusin, at pakilusin ang mga mag-aaral para sa paghahanda sa pambansang pagtatanggol, kabilang ang paghahanda sa sakuna at pagbuo ng kapasidad para sa mga sitwasyong nauugnay sa panganib.”Pinagpatuloy ni Marcos ang naudlot na plano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang ROTC sa bansa. Naniniwala si Digong na ang ROTC ay magsusulong ng “tiyaga, disiplina, kahusayan, pamumuno, katapatan, at pagkamakabayan” sa mga kabataang Pilipino. Gayunpaman, hindi dapat mandatoryo ang programa ng ROTC dahil sa katotohanang hindi lahat ng estudyante ay gustong maging reserba. Bagama’t isinasaalang-alang ng programang ito ang pisikal na kalusugan bilang isang layunin para sa exemp tion, dapat din nitong isaalang-alang ang mga personal na paniniwala, katayuan sa pananalapi, at katayuan sa akade miko. Kung iisipin, may mga estudyante rin na naniniwala na ang kanilang “freedom of choice” ay hawak ng gobyerno sa usaping ito. Bilang karagdagan, karamihan sa miyembro ng LGBTQIA+ community ay dumanas ng diskriminasyon dahil sa kanilang oryentasyong sekswal. Hindi natin maitatanggi ang katotohanan na ang ilan sa mga Pilipino ay homophobic at walang disiplina. Sa karamihan ng mga kaso, mayroon ding mga namumuno sa programa ng ROTC kung saan sila ay lubhang abusado sa kanilang kataasan. Sa ilang kadahilanan, marami ang nangangatwiran na ang mandatoryong pagpapatupad ng ROTC ay may magan dang epekto sa mga mag-aaral dahil ito ay magtuturo sa senior high school, at first year college students bilang kanil ang napiling NSTP, na maging mas disiplinado at sumunod sa mga patakaran at batas. Dagdag pa ng ilan, ang reservist training ay ginagawa na rin sa ilang bansa sa Asya tulad ng Taiwan, South Korea at Singapore. Nararapat lang na pag-aralan nang mabuti ng gobyer no ang paggawang mandatory ng ROTC sa senior high school. Ito ay nangangailangan ng masusing pagsisiyasat bago ito maisabatas.

FAULT LINE SA VISAYASEASTERN mula sa Pahina 5 | OPINYON

12 THECOURIER EXPRESS

Mandatory ROTC,hindi para sa lahat

Patuloy naman ang pagsasagawa ng mga seminars at trainings ng opisina ng Civil Defense sa lahat ng mga Local Government Unit (LGU) sa lugar. “We are building the capacity, that’s why last June we had also the regional rescue jamboree natin, so ang kailangan talaga dyan is yung continuous training, continuously building our capacity, continuously upgrading our equipments, so it’s a continuous process”, ani ni Director Torrecarion.

Krisis sa Gitna ng Pandemya, Sakit o Gutom?

“Mahirap maging mahirap. Kung maalat ang asin, mas maalat pa kung minsan ‘yung kapalaran.” – Mang Amero Jocame AMOR V. DUMAGUIT

OPINYON |

ni DULCE

13ISSUE NO. 1 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2022

NAITAMPOK kamakailan lang sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang istorya ni Mang Amero Jocame. Ito’y matapos mag-viral sa Tiktok ang bidyong kuha ng kaniyang anak kung saan ginagawang agahan ni Mang Amero ang tubig at asin bago pu masok sa trabaho. Marahil sa iba’y isa itong pambihirang karanasan, ngunit para sa karamihang Pilipino ito’y isang pangkaraniwang pangyayari na arawaraw nilang kinakaharap. Isa lang ang istorya ni Mang Amero sa napakaraming kaso ng mga taong nakakaranas ng kasalatan sa Pilipinas. Isang istoryang naglalahad na kahit limang kahig at isang tuka ang kanilang gawin ay kailanma’y hindi ito makakatugon sa kanilang problema. Ang kanilang kuwento at karanasan ay sumasalamin sa reyalidad na kinaka harap ng ating Buwanlipunan.ngMayo taong kasalukuyan nang magbabala ang Department of Agriculture (DA) sa nakaambang krisis sa pagkain. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, Covid-19 pandemic, sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine, at ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ang nakikitang dahilan sa pagkakaroon ng krisis. Dag dag pa ni Dar posibleng maramdaman ang krisis sa bansa sa pagsapit ng Ok tubre hanggang Disyembre ngayong taon. Sa katotohanan, hindi pa man dumarating ang ikalawang semester ng taon, matagal nang nararanasan at nagpapahirap ang malawakang gutom at ang walang humpay na pagtaas ng mga bilihin sa karamihang Pilipino. Malnutrisyon at pagiging bansot ng mga kabataan; kaliwa’t kanang mga taong nanlilimos sa kalsada; mga taong nagtitiis sa pagkain ng pagpag o ang mga tirang pagkaing itinapon ng mga restaurant o kainan sa basurahan — ilan lamang ito sa maraming indi kasyon na talamak pa rin ang gutom sa ating bansa.Ayonsa

Social Weather Stations (SWS) 2020, isang social research institution sa Pilipinas, halos dumoble ang kaso ng nakakaranas ng gutom nang magsimula ang pande mya. Resulta ng nasabing pandemya ang pagsasara ng halos kalahati ng ekonomiya sa bansa. Isang pambihi rang krisis bunsod ng pandemya ang lalong nagpahirap sa mga Pilipinong matagal nang nagdarahop. Naging malaking dagok din sa seguridad sa pagkain ang giyera sa pagitan ng Ukraine atSaRussia.kabilang banda, maitutur ing na isang agrikultural na bansa ang Pilipinas. Sagana sa likas na yaman at may mga malalawak na taniman ma pa-hilaga o timog man. Kung tutuusin, palay ang pangunahing produkto at pinagkakakitaan ng maraming Pilipino. Subalit isang mapait na katotohanan ang patuloy na sumasampal na ang ating mga kababayan sa nayon ay kabilang sa mga taong naghihirap at nagugutom. Ang pag-aangkat ng mga produkto gaya ng palay ay isang hara pang insulto sa ating mga magsasaka. Ito rin ay isang indikasyon na kulang ang suporta ng pamahalaan sa mga magsasaka. Ayon sa Philippine Statis tics Authority (PSA) 2013, isa ito sa mga dahilan kung bakit umaabot ng 42% ang ani ng mga magsasaka ang nasa sayang kahit na maraming nagugutom. Ang napipintong krisis sa pagkain sa gitna ng pandemya ay isang panibagong dagok sa atin. Isang dagok ng walang katapusang pakiki baka ng mga mahihirap para lamang matakasan ang gutom. Usaping kinakailangan pagtuonan ng pansin, dahil kung hindi, parehong kikitil sa buhay Sanatin.huli, kinakailangan ng isang kumpas ng pagkakaisa mula sa mga tao at gobyerno upang tugonan ang lahat ng ito.

| LATHALAIN

Wikang Katutubo, Wikang Nanganganib

Ang Wikang Binatak ay isang wikang Ayta na sinasalita ng grupong Batak na partikular na naninirahan sa Palawan. Sa kabuuan ay mayroong 602 na tagapagsalita nito at itinuturing na itong nanganganib na wika.

14 THECOURIER EXPRESS

Wikang Kabulowan ang tawag sa katutubong wika ng mga Alta. Sinasalita ito sa mga piling lugar sa lalawigan ng Bulacan at Nueva Ecija. May tinatatayang 327 na pamilya ang nagsasalita pa nito.

InagtaWikangIsarog

Ang wikang Inata ay ang karaniwang ginagamit ng mga Ata. Sa kasalukuyan ito ay sinasalita ng apat na komunidad ng mga Ata sa lalawigan ng Negros Occidental partikular sa bayan ng Cadiz, Sagay, Savador Benedicto at Calatrava. Batay sa isang pagtataya ng kanilang nasasakupan, halos nasa 10 porsyento o 30 miyembro na lamang at karamihan nito ay mga nakakatanda ang gumagamit nito. WikangInata Wikang Alta ang ginagamit ng mga katutubong Alta na naninirahan sa ilang lalawigan ng Aurora. Bilang lamang ang nakakapagsalita ng wikang ito. 291 pamilya na lamang ang nagsasalita at ito ay nanganganib na mawala.

KabulowanWikang

SANGGUINIAN: KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

WikangBinatak Ang katutubong wika ay sinasabi bilang ang unang lingguwaheng natutuhan ng isang tao mula sa kanyang pagkabata. Ang kahalagahan ng mga katutubong wika ay binubuo ng personal, sosyal at pangkulturang pagkakakilanlan sa isang tao. Bukod pa roon, nagagawa nitong magbigay ng isang katangi-tanging repleksyon bilang paraan ng pagpapahalaga ng kanyang pinagmulan. Ang katutubong wika ay kayang mailarawan ng natural ang mga kilos at ideya ng nagsasalita nito. Ngunit sa kabila ng pag-usbong ng mga kasalukuyang wika, unti-unti nang nalalagas at nalilimutan ng pangkahalatan ang kanilang pag-iral sa hanay ng mga wika ng bansa. Sa artikulong ito, alamin natin ang ilan sa mga katutubo at nanganganib na mga wika. ni DIOSDADO A. OMPAD

AytaWikangMagbukun

WikangArta Ang Wikang Arta ay isa sa mga nanganganib nang mawala partikular sa hilagang Pilipinas. May kabuuang 11 na mga katutubong nagsasalita nito noong 2015 at karamihan nito ay nasa 50 gulang pataas.

WikangAlta Ang wikang Inagta Isarog ay matatagpuan sa bundok ng Isarog sa Camarines Sur. Ang mga Negrito ang mga nagsasalita nito, subalit idineklara ng KWF (Komisyon ng Wikang Filipino) noong 2015 na ang wikang ito ay patay na.

Wikang Ayta Magbukun ay tawag sa unang wika ng mga Ayta Magbukun (pareho ng tawag) na naninirahan sa Bataan. May 383 na pamilya ang nagsasalita ng wikang ito at ito’y kabilang sa mga wikang nanganganib nang mawala.

BAKAS BAKASYONNG

Hindi malilimutang karanasan ito para sa akin kasi kahit na tatlong-araw lang kami nanatili doon ay labis akong natuwa. Ang ganda lang talaga ng lugar; payapa at napakaromantic. Ito rin ang isa sa mga lugar kung saan nag shooting noon sina Enrique Gil sa Forevermore.

MARY JANE BACARES BSBA Marketing BUSAY FALLS San Isidro Northern Samar Isa ito sa pinakamagandang sandali ng buhay ko. Ito ang swak na lugar para sa’kin para mag-enjoy at relax lalo na’t kung bakasyon. Kasama ang mga taong malapit sa akin ay tila nakagawa kami ng matibay na samahan. Tunay na hindi malilimutan.

CAMP JOHN HAY GOLF CLUB Baguio, Benguet

JUDITH PEÑAFLOR BSBA Marketing Ang sariwang hangin, luntiang paligid at malayang pakiramdam ay makakamtan lamang tuwing bakasyon. Ito ang oras ng pahinga sa mga estudyante, malayo sa nakakapanlumong gawain sa eskwela.Atupang balikan ang ilan sa mga masasayang bakas ng bakasyon, nagtanong kami sa mga piling estudyante ng kanilang hindi malilimutang ala-ala sa tag-init.

BORONGAN CITY Eastern Samar Sa Borongan kasi kami nag OJT for 1 month. Pero parang bakasyon na rin kahit papaano. Every Sunday kasi rest day namin so ang ginawa namin ay pumunta sa dalampasigan ng baybaying-dagat at sa iba pang mga tourist spots kasi marami rin namang magagandang lugar doon. Kaya naman sinulit talaga namin.

CLEVEN JAY CONDEZA BS Civil Engineering

Kinalap ni JANELLE ANNE G. ESPINOSA

15ISSUE NO. 1 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2022

IRHONA CHAIRA LEAH MAHINAY

Bachelor of Elementary Education

NATIONAL MUSEUM OF ANTHROPOLOGY Rizal Park, Metro Manila Noong nag bakasyon ako sa Manila, nagkaroon ako ng pagkakataog bisitahin ang isa sa mga pinakatanyag na museo ng Pilipinas, ang National Museum of Anthropology. Nakita ko kung gaano nila iningatan ang mga pamana ng kultura ng Pipilinas. Ang matuto at masaksihan ang iba’t-iba uri ng kultura ay isang magandang karanasan.

LATHALAIN |

MALAKING hamon ngayon para sa unibersidad ang kakulangan ng sapat na classrooms sa muling pagbabalik ng face-to-face classes. Kung nagkataon na nagsimula ngayon ang full implementation ng in-person classes, siguradong magmimistulang mga sardinas ang mga estudyante sa mga classrooms. Maswerte nga ang iba kung may silid-aralan pa silang magagamit. Sa panayam ng The Courier kay NwSSU President Dr. Benjamin L. Pecayo, inamin niya na mayroon talagang kakulangan ng mga silid-aralan sa unibersidad. Agad namang pinunto ni Dr. Pecayo na mayroon ng plano ang kanyang administrasyon upang tugunan ang problemang ito, subalit malaking hadlang sa kanila ang kakulangan sa badyet. Parami na nang parami ang populasyon ng mga estudyanteng nag-aaral sa NwSSU. Unti-unti ring nadaragdagan ang mga kursong inaalok ng unibersidad. Halimbawa na lang ngayong taon na tatlong bagong kurso ang binuksan. Marapat lamang na ikonsidera muna sa susunod ang pagkakaroon ng sapat na pasilidad bago magbukas ng karagdagang kurso. Isang ‘blessing in disguise’ na lang siguro ang patuloy na pandemya dahil hindi pa dama ng mga Norwesian ang sikip ng mga classrooms. Sa darating na Setyembre ay lilimitahan lamang sa 50% or 25 na estudyante sa bawat classroom. Ani ni Dr. Pecayo, panahon ito upang masilip nila ang karagdagang pangangailangan ng unibersidad sa mga classroom. Upang mas maging epektibo ang programang dagdag na mga silid-aralan, dapat magkaroon muna ng masusing pag-aaral at pakikipagtulungan ng bawat departamento ng unibersidad nang mas nakikita kung gaano karaming silid-aralan ang dapat na maibigay ng institusyon. Magagawa ito sa pagsisimula ng limited in-person classes ng sa gayon hindi na ito maging problema sa pagsisimula ng full face-to-face classes. Sa ngayon, dahil na rin sa banta ng Covid-19, nagkakaroon muna ng pansamantalang ‘cyclical shifting’ sa mga section at kursong pupunta sa unibersidad upang maiwasan ang pagdami ng mga estudyante sa campus. Dasal ng mga Norwesians na hindi ito maging ‘forever’ at darating din tayo sa ‘exciting Katanggap-tanggappart.’ siguro na may kakulangan ng pondong pang-imprastraktura dahil nga nakapokus pa rin ang pondo ng gobyerno sa

classrooms.sadahilngangmasasakripisyopanahontayonamakatarunganSubalit,pandemya.hindidaratingsanakalidadedukasyonlamangkakulanganngItongayon

ang tamang panahon para matutukan ang isyu na ito at huwag nang hintayin na madama ng mga Norwesians ang problemang ito. Salat o Sapat? EDITORYAL THECOURIER EXPRESS EDITORIAL BOARD & STAFF SCHOOL YEAR 2022-2023 THECOURIER THE COURIER EXPRESS is the official newsletter of The Courier Publication, the official student publication of Northwest Samar State University Main Campus. Editor-in-Chief MARYLOU S. ORTILLO Associate Editor EUNICE MARSHA M. ALORRO Managing Editor for Finance JOSHUA A. LIM Managing Editor for Admin MELCHOR M. ALFONSO News Editor DIOVEN D. CARDINAS Feature Editor SHAN ERIC ANN B. BALDOMARO Sports Editor JHON EDWARD R. ANQUILAN Filipino Editor ARELYN RONZON Literary Editor JHAZZY G. AQUINO Chief Photojournalist RICHARD KERBY B. CADIZ, JR. Chief Cartoonist GYLES ADRIEN L. BALMES Creatives MENARD M. DEGUINO GYLES ADRIEN L. BALMES Staff Members CRISTOPHER V. ARABEJO DULCE AMOR V. DUMAGUIT JANELLE ANNE G. ESPINOSA JAN ANTHONY E. JUDLOMAN ARIES V. VANESSABONGALANSHERMAV. BLANCO ERNEST JOHN ARDIDON LAURENCE CRYSTAL V. DY CLARISSA JOY V. LEGASPI DIODITO P. LIMPIADO DIOSDADO A. OMPAD Head, Student Publication NHERU B. VERAFLOR email us at courier@nwssu.edu.ph

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.