The Courier Express (Aug 2023)

Page 1

THECOURIER

BS Nursing sa NwSSU

Pagbubukas ng Nursing, posible sa 2024

ni CAROL PERITO, ARELYN RONZON

POSIBLENG sa susunod pang taon mabubuksan ang kursong Bachelor of Science in Nursing para sa NwSSU Main Campus.

Ito ay matapos hindi pa inirekomenda ang pagbubukas ng nursing program ng Commission on Higher Education (CHED) Region 8 sa kanilang onsite ocular visit na isinagawa noong Hunyo 5, 2023.

Ayon sa naging resulta ng paunang pagbisita ng CHED, kinakailangan pang masunod ang lahat ng mga kondisyon na nakasaad sa CMO No. 13 Series of 2017 o ang Policy Standards and Guidelines para sa Bachelor of Science in Nursing program.

Kasama na sa mga kondisyon na ito ang pagkakaroon ng sapat na faculty, library, laboratory, at base hospitals na hindi pa natutugunan ng NwSSU sa kasalukuyan.

“By this academic year, we are not favorably recommending this for endorsement to CHED Central Office because it’s the central office that gives the final decision,” ani Erlita S. Piñero Education Supervisor II.

Bukod dito, sinabi ni CHED Supervisor Piñero na kailangan pang isumite ng unibersidad ang mga kulang na dokumento at ayusin ang kakulangan bago ito iendorso sa central office.

“As long as they are going to comply with the minimum requirements. I don’t have any doubts, basta mag comply,” dagdag pa niya.

WHAT’S INSIDE

INFRASTRUCTURE AND FACULTY

“No BSN Program without base hospital [because] it’s a major requirement of the program for the skills training of the nursing students. They need a base hospital [for their] clinical rotation or experience,” sabi ni Piñero.

Sa exit conference, binigyang-diin ni Piñero na ang Nursing program ay dapat isang standalone na kolehiyo na may kwalipikadong dean at mga miyembro ng faculty at may sariling gusali na may perpektong set up ng ospital.

Nabanggit din niya ang kalamangan

ng pagkakaroon ng isang silid-aralan na istilo ng teatro na may minimum na kinakailangan na hindi bababa sa 50 upuan.

“When the teacher or clinical instructor does the demonstration, they can see everyone if they are following,” sabi niya.

Higit pa rito, may agarang pangangailangan na kumuha ng mga guro na kwalipikadong akademiko at klinikal.

“Instruction is the key. How can you

IPINAGPATULOY SA

PAHINA 2

1 ISSUE NO. 4 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO
SPECIAL ISSUE IN FILIPINO THE OFFICIAL STUDENT
ISSUE NO. 4
PUBLICATION
OF NORTHWEST SAMAR STATE UNIVERSITY- MAIN CAMPUS CALBAYOG CITY, SAMAR AGOSTO 2023
us on Instagram and Tiktok @nwssucourier Like us on Facebook Facebook.com/nwssucourier Read more at https://thecourier.nwssu.edu.ph/
Follow
Higit
OPINION.p5 Street food, patok sa Norwesians LATHALAIN.p10 Pagkakaiba sa gitna ng pagkakaisa ISPORTS.p12
POSIBLE NA. NwSSU faculty ipinakita ang kahandaan ng unibersidad sa ocular visit ng CHED para sa takdang pagbubukas ng B.S Nursing sa pasukan 2024. KUHA NI CHINO ORTIZ
pa sa logo at slogan

NWSSU LUMAHOK SA 2023 ASEAN CELEBRATION

ni CAROL PERITO

SUOT ang makukulay at tradisyunal na kasuotang Pilipino, nakiisa ang mga guro at kawani ng NwSSU sa virtual ceremony ng pagbubukas ng pagdiriwang ng CHED ASEAN 2023 bilang paggunita sa ika-56 anibersaryo ng ASEAN, noong Agosto 8, 2023 sa Business Development Center.

Samantala, naglabas naman ang mga tanggapan ng CHED sa mga rehiyon ng kani-kanilang mga inihandang aktibidad kagaya ng regional spoken poetry, ASEAN quiz bee, essay writing, at poster making contest.

Magkakaroon din ng ASEAN Exhibition Festival Gallery na itatampok sa loob ng isang buwan sa CHED Lobby. Ito ay magpapakita ng kahalayan ng kultura at pagkamalikhain ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ang paggunita sa ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN na may temang “ASEAN Matters: Epicentrum of Growth” ay ang pagpapakita ng matibay na ugnayan ng mga rehiyon sa pagsulong ng kapayapaan, katiwasayan, at seguridad.

Nagpahayag naman si Daniel R. Espiritu, Assistant Secretary ng Office of ASEAN Affairs, ng kanyang pinakamataimtimang pagbati sa kanyang espesyal na mensahe sa pagdiriwang ng nasabing okasyon.

“In line with Indonesia’s 2023 Chairmanship, the ASEAN leaders acknowledge during their interface with the ASEAN youth representatives at the 42nd ASEAN summit in May, the importance of preparing our youth to address future challenges, as well as their growth in regional development and security”, saad niya.

Ang ASEAN youth ay ang pinakamahalagang aspeto ng rehiyon dahil sila ang mga lider ng hinaharap at mga tagapagtaguyod sa kinabukasan ng ASEAN.

BS Nursing sa 2024

run the program without qualified faculty? Dapat mayda ka anay human resources, qualified dean, qualified faculty. Nurses [should] have masters in nursing or allied health,” dagdag niya.

Sinabi ni CHED Supervisor Piñero na ang posibilidad ng pagbubukas ng nursing program sa susunod na akademikong taon ay depende sa kung gaano kabilis ang pag-fast-track ng unibersidad sa pagsumite ng mga kinakailangang papel, gayunpaman binabanggit na ang unibersidad ay seryoso sa aplikasyon.

UNIVERSITY’S COMPLIANCE

Sa hiwalay na panayam kay Vice President for Academic Affairs Dr. Ramil S. Catamora, binigyang-diin niya na ang unibersidad ay talagang may hangarin para sa pagbubukas ng nursing.

“When we talked with the President this morning, we intend to comply [with] those requirements,” saad niya.

Dagdag pa rito, binanggit din ni Dr. Catamora ang tatlong pangunahing kondisyon na dapat sundin ng unibersidad para sa pagbubukas ng bagong kurso, ito ay ayon sa CHED New Policies, Standards and Guidelines (PSG).

“First, we need to hire two full-time nurse instructors with masters degree, then we need to comply [with] our laboratory requirement [and] then number three is the acquisition of the laboratory equipment and books which entails a huge amount of money,” dagdag niya.

Isinaad din ni Dr. Catamora na ang pagkakaroon ng gusali at mga laboratoryo ay talagang pamantayan. Gayunpaman,

naghihintay pa rin ng katwiran ang unibersidad bago humingi ng gusali at kagamitan.

“We cannot demand for building and laboratory unless we cannot start the opening of nursing,” dagdag niya. Kaugnay sa pangangailangan ng base hospital, isiniwalat din ni Dr. Catamora na pinaplano ng unibersidad na makipag-usap sa pinuno ng Eastern Visayas Medical Center (EVRMC) dahil ayon sa CHED ay mayroon pang isang slot para sa isang unibersidad na matutugunan bilang katuwang nila sa pagbubukas ng nursing.

“That’s why we are really optimistic to open nursing because maybe next year we have a budget for equipment about 10 million so maybe we can slash a half of that for nursing because nursing really needs laboratory,” he said.

Inirerekomenda ng CHED na buksan ang BS Nursing kung sakaling sumunod ang unibersidad sa mga pangunahing kondisyon batay sa PSG.

“So most probably next school year 2024. Kun maka-follow san requirements na ginhatag san CHED. That is just verbal, not written,” pagtatapos ni Dr. Catamora Ang unibersidad ay nagsisimula nang sumunod sa mga kondisyon na ibinigay ng CHED, bagama’t mabigat ang mga kinakailangang isumite, positibo ang unibersidad na mabubuksan ang bagong programa sa susunod na academic year.

2
BALITA
MULA SA PAHINA 1
TALAKAYAN. Sa pangunguna ni CHED Region 8 Education Supervisor II Erlita S. Piñero, tinalakay ang resulta ng isinagawang on site ocular at preliminary inspection para sa pagbubukas ng kursong Bachelor of Science in Nursing. KUHA NI CHINO ORTIZ

Tatak Norwesian 2023

Welcome week, ikinasa

ni DIOVEN CARDINAS

NAGING mainit ang pagtanggap ng buong komunidad ng NwSSU sa mga bagong miyembro nito, katunayan naglunsad ng isang linggong serye ng programa ang institusyon na pinamagatang “TATAK NORWESIAN 2023” mula ika-7 hanggang ika-10 ng Agosto, 2023.

“Fun kay we experience different activities na waray pa namon maexperience sa Senior High. An pagwelcome naman po sa amon, napaka bongga at mahahalata mo talaga na pinaghandaan po nila para sa mga first year students like us, so we are really grateful for it,” saad ni Cyntara E. Badong, isang BS Entrepreneur Freshie.

Naging pangunahing kalahok nito ang mga freshies, returnees, at shiftees mula sa iba’t ibang colleges ng unibersidad.

Kalakip ng programang ‘Tatak Norwesian 2023’ ay ang class orientations ng iba’t ibang program, college at university tour, at institutional orientation na sumentro sa mga serbisyong ibinibigay ng unibersidad kabilang ang Medical and Dental Services, Guidance Services, Scholarship and Financial Assistance, at Registrar services.

Nasilip din sa isinagawang institutional orientation ang mga mahahalagang obligasiyon ng mga institusiyonal na mga organisasyon

at opisina ng NwSSU tulad ng: Student Body Organizations (SBO), Institutional Supreme Student Council (ISSC) at Collegiate Student Council (CSC), Student Publication (The Courier), Gender and Development (GAD), Sports and Physical Fitness Development Office (SPFDO), at ang Arts, Social, and Culture Affairs (ASCA).

“After san orientation, we have learned different facilities and offices na kakadtuan namon whenever mayda kami concerns,” sambit ng BS Tourism Management na estudyante.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang Pangulo ng ISSC na si Pears Bob Piccoro sa naging resulta ng kanilang pinaghandaang serye ng programa para sa pagsalubong sa unang linggo ng pasukan 2023 at aniya, sabik na siyang makatrabaho ang mga ito.

“To all the first-year students, transferees, and shiftees, welcome to the Northwest Samar State University and I am very much excited to be working [with] all of you and I always look forward for an active collaboration with the CSC, with the ISSC and the students as a whole,” sambit ni Picorro sa naging panayam.

Ang isang linggong programa ay naglalayong mas ipakilala sa mga estudyante ang mga establisyamento, opisina, pasilidad, mga organisasyon at mga indibidwal na bumubuo sa NwSSU bilang isang institusyon.

CALBAYOG WAGI SA TANDAYA FESTIVAL OF FESTIVALS 2023

HINIRANG bilang kampeon ang Calbayog City sa ginanap na Tandaya Festival of Festivals 2023 kasabay ng selebrasyon ng Samar Day, noong Agosto 6 sa NwSSU Oval.

Ibinida ng kampeon ang Hadang Festival kung saan tampok ang makulay na kultura at mayamang tradisyon ng lungsod sa kanilang exhibition showdown at street dance performance.

Hindi rin naman nagpahuli ang labing isang lungsod at bayan ng Samar kung saan tampok din ang iba’t ibang festivals ng kani-kanilang mga lugar.

Maliban sa Calbayog City, nasungkit din ng Makarato Festival ng Bayan ng Matuguinao ang 2nd Place at 3rd place naman ang Carabao Festival ng Gandara.

Nakisaya sa nasabing okasyon sina Samar 2nd District Representative Michael Tan at iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang panig ng probinsya. Present naman si Calbayog City Vice Mayor Rex Daguman kung saan maiinit niyang tinanggap ang mga bisita at kalahok sa lungsod ng Calbayog.

Ang Tandaya Festival of Festivals ay kabilang sa mga nakahanay na aktibidad para sa ika-182 na selebrasyon ng Samar Day.

3 ISSUE NO. 4 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2023
ni MARYLOU ORTILLO SIKAD SARAKIKI. Liksi at tikas sa bawat galaw ang sabay-sabay na ipinakita ng mga mananayaw ng Calbayog City na nagtampok ng kanilang ipanagmamalaking Sarakiki Festival sa exhibition parade para sa Tandaya Festival of Festivals noong Agosto 6. KUHA NI CERILO DELA TONGA
BALITA

EDITORIAL BOARD & STAFF

SCHOOL YEAR 2023-2024

Editor-in-Chief

MARYLOU S. ORTILLO

Associate Editor

EUNICE MARSHA M. ALORRO

Managing Editor for Finance

JOSHUA A. LIM

Managing Editor for Admin

ARELYN RONZON

News Editor

DIOVEN D. CARDINAS

Feature Editor

JAMES FRANCIS B. CHIQUILLO

Filipino Editor

JUSTINE KYLE R. BENDO

Literary Editor

CAROL F. PERITO

Chief Photojournalist

CERILO C. DELA TONGA

Chief Cartoonist

GYLES ADRIEN L. BALMES

Multimedia Editor

REGILENE O. SALOMON

Staff Members

CHRISTOPHER V. ARABEJO

VANESSA SHERA B. BLANCO

DIODITO P. LIMPIADO

MITOH M. BEDIO

MENARD M. DEGUIÑO

ERNEST JOHN ARDIDON

CHINO D. ORTIZ

LAURENCE CRYSTAL V. DY

CLARISSA LEGASPI

DIOSDADO OMPAD

MA. JESSA MAE P. SUYO

JOANALYN M. DE PABLO

ERIC BRYLE V. ALARCON

ROCKY JIAN A. CALAGOS

MICHAEL JOHN E. LAVENDIA

HANS JOSHUA R. MACHATE

ZOES C. SAGADAL

Head, Student Publication

NHERU B. VERAFLOR

CCC ang sagot

SA MAHIGIT 8,000 na estudyanteng gustong pumasok sa NwSSU Main Campus ngayong taon, nasa humigi’t kumulang 3,000 lamang ang natanggap. Wala pa sa kalahati ang nawalan ng pagkakataon na makapagkolehiyo ng libre. Maugong na ang panawagan sa pagtatayo ng Calbayog Community College na siyang tutugon sa kakulangang ito.

Ang NwSSU ay isang pamantasang pampamahalaan na napapabilang sa State Universities and Colleges (SUCs) na kategorya. Ibig sabihin nanggagaling sa national government ang badyet upang patakbuhin ang paaralan. Sa kabilang banda, may pananagutan din ang lokal na pamahalaan na magbigay ng serbisyo, kabilang na ang edukasyon, sa mga nasasakupan nito.

Dito ngayon pumapasok ang mga community colleges na maituturing namang Local Universities and Colleges (LUCs). Ayon sa CHED, ang LUC ay tumutukoy sa isang pampublikong institusyon sa mas mataas na edukasyon na itinatatag ng Local Government Units (LGUs) sa pamamagitan ng isang ordinansa, at pinansiyal na suportado ng kinauukulang Local Government Unit. Ang pagkakaroon ng Community College sa Calbayog ang nakikitang isang solusyon upang matigil na ang lumolobong bilang ng mga estudyanteng tumitigil sa pag-aaral. Matutugunan ng community college ang limitadong kapasidad ng NwSSU na umaasa lamang sa badyet mula sa national government. Sa ganitong paraan, mas tataas ang bilang ng batang makapagtatapos ng kolehiyo.

Bagama’t may pribadong paaralan sa lungsod na pwedeng mapasukan ang mga mag-aaral at mabigyan ng

scholarship ng lokal na pamahalaan, iba pa rin ang pagkakaroon ng paaralan na mas mababa ang tuition fee o ‘di kaya ay libre. Mas makatitipid din ang mga estudyante ng Calbayog kung hindi na ito papasok sa ibang SUCs sa labas ng lungsod.

Hindi na bago ang pagkakaroon ng local colleges at universities sa Pilipinas. Ilang halimbawa na lamang sa mga unibersidad na kilala tulad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at University of Makati na pinapatakbo ng kanilang local government units. Sa Eastern Visayas, may iilan na ring mga community colleges na itinatag. Ngayong taon lang ay binuksan ng Lungsod ng Ormoc ang City College of Ormoc. Habang tumatagal mas lumalaki ang populasyon at bilang ng mga estudyante, kaya naman marapat lamang na may isang Community College sa Calbayog o di kaya sa ibang bahagi ng Samar na magsisilbing kakampi at kaisa ng NwSSU sa pagbibigay ng mas maayos na tersiyaryong edukasyon sa mga estudyanteng Samarnon.

Panahon na upang ang pamahalaang lokal ay kumilos at gumawa ng makabuluhang programa na magdadala sa atin sa mas mataas na antas ng edukasyon. Ang pagtatatag ng Calbayog Community College ay maituturing na sustainable project na mas malaki ang ambag sa pag-unlad ng lungsod.

Marahil ay oras na upang isaalangalang ang iba pang mga paraan upang palakasin ang ating kalagayang pang-edukasyon, lalo na sa antas ng tersiyaryo. Nararapat nang wakasan ang paulit-ulit na reklamong daing ng bawat Samarnong mag-aaral. Ating alalahanin na ang edukasyon ay karapatan at hindi prebilihiyo.

EDITORYAL

Higit pa sa slogan at logo

ni JUSTINE KYLE BENDO guhit ni BRYLE ALARCON

SA NAKARAANG buwan, binulaga tayo ng dalawang magkahiwalay na isyu patungkol sa paglunsad ng bagong mukha ng dalawang ahensya ng gobyerno. Kabilang sa mga isyung iyan ay ang paglabas ng bagong campaign slogan ng Department of Tourism (DoT) at paglunsad ng bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Tila iminumungkahi ng dalawang magkasunod na isyung ito ang malinaw na implikasyon ng korapsyon sa ating gobyerno.

Love the Philippines. Iyan ang bagong campaign slogan na inilunsad ng Department of Tourism (DoT) na siyang gagamitin sa hangaring mas mapalakas at mapalawak ang turismo ng bansa.

Bagaman bago, agad na umulan ng batikos ang pagpapalit ng bagong campaign slogan ng DoT dahil sa pagiging simple nito at tila walang dating para sa iilan. Para sa isang kampanya na nakalibot sa konsepto ng pagmamahal, kulang ito sa puso at walang masyadong bago bukod sa slogan mismo.

Dagdag pa riyan, naging usap-usapan din ang promotional campaign video ng DoT dahil imbes na itampok ang mga hiyas ng Pilipinas, nabulgar na gumamit ito ng stock footages na may mga tagpong kuha pa sa ibang bansa kagaya ng Thailand, Indonesia, at Dubai.

Sa kabila ng ganitong kapalpakan, walang balak si DoT Secretary Christina Frasco na ibasura ang slogan. At sa halip na angkinin ang responsibilidad sa kapalpakan, mabilis na nakatakas ang DoT sa pamamagitan ng pagsisi sa creative agency na DBB Philippines ng kasalanan.

Sa hangarin na mapalakas ang turismo ng bansa, binigyang pansin muna sana ang mga mahalagang salik na higit na makatutulong sa pag-imbita sa mga turista kagaya ng pag-ayos ng ating mga paliparan at pagbigay pansin sa trapiko at pampublikong transportasyon.

Marahil ay isang pahiwatig ang “Love the Philippines” para unti-unti nating matutunang mahalin ang ating sariling bayan. Dahil sa huli, Pilipino lang din tayo na naghahangad na maipagmalaki ang ating pagkakakilanlan at mayamang kultura.

Gayunpaman, mahalin natin ang ating bansa hindi dahil inuutusan tayo ng slogan, kundi dahil kaisa tayo sa layunin na mas maunlad na Pilipinas.

BAGONG LOGO NG PAGCOR

Hindi pa natatapos ang iringan ukol sa pagpapalit ng campaign slogan ng Department of Tourism (DoT), agad din namang nasungkit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang inis at pagkadismaya ng mga mamamayan dahil sa kontrobersyal nitong pagpapalit ng logo.

Noong Hulyo 11, nagdiwang ng ika-40 taon ang PAGCOR kung saan dinaluhan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang panauhing pandangal.

Inilunsad sa nasabing selebrasyon ang bagong logo ng PAGCOR na inilarawan ni Alejandro H. Tengco, PAGCOR chairman at chief executive officer, bilang simbolo ng “lakas, inspirasyon, pagmamahal, at pagbabagong anyo.”

Wala namang masama kung papalitan ng ahensya ang kanilang logo kung mayroon silang mabuting layunin. Subalit hindi makatwiran na gumastos ng P3 milyon para sa bagong logo.

Ayon pa sa netizens, tila pagsasayang daw ng pera ng taumbayan ang pagpasya ng ahensya dahil tunay na napakalaking halaga ng P3 milyon para sa hindi naman kanais-nais na resulta.

Mas mainam pa sana kung inilaan na lang ito sa kapakanan ng mga Pilipinong nasa laylayan o di kaya’y sa pagpapalunsad ng mga proyektong higit na makatutulong sa mga sektor ng edukasyon, kalusugan, o agrikultura.

Sa ganitong sitwasyon, naiaangat ang tanong na bakit pa kailangan ayusin o palitan kung wala namang problema?

Dahil kung tutuusin, hindi naman masama ang naunang logo ng PAGCOR. Sana lamang ay hindi sila naging padalus-dalos sa kanilang naging hakbang.

5 ISSUE NO. 4 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2023
OPINYON

KUHA NG LENTE

Saksi ang mga ngiti at sigla sa naging paglalakbay ng mga Freshies sa Tatak Norwesians 2023 Welcome Week Celebration mula ika-7 hanggang ika-10 ng Agosto, 2023 sa NwSSU Main Campus

Naging sentro ng ganap ang pagpapakilala ng iba’t ibang establisyemento at kawani ng NwSSU. Kabilang din sa kanilang mga nilahokan ang campus tour, class orientation, at mga palaro. Ang isang linggong serye ng programa ay pinangunahan ng Institutional Supreme Student Council (ISSC).

OPINYON

Barbie at ang Nine-Dash Line

ni DIOSDADO OMPAD guhit ni ZOES SAGADAL

KAMAKAILAN, muling naging usapusapan sa Pilipinas ang kontrobersyal na Nine-Dash Line matapos na makuha ang atensiyon ng mga kritiko ukol dito sa mapang pinakita sa trailer ng pelikulang Barbie.

Ang pelikulang ito ay base sa sikat na Barbie dolls at pinagbibidahan nina Margot Robbie bilang Barbie at Ryan Gosling bilang Ken na ipinalabas noong Hulyo 19, 2023.

Sa isang eksena ng pelikula, makikita ang bahagi ng mapa ng mundo na naroon ang ‘nine-dash line’ ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Dahil dito, nagpatupad ang ilang mga bansa, lalo na ang Vietnam, ng pagbabawal sa pagpapalabas ng pelikulang ito.

Naglabas ang Warner Bros Studio, na siyang tagapamahala ng pelikulang Barbie, ng opisyal na pahayag na ang mapa sa pelikula ay pawang guhit pambata lamang.

Sang-ayon ako sa naging pahayag ng Warner Bros Studio dahil

walang ugnayan ang kanilang palabas sa patuloy na umiinit na isyu sa West Philippine Sea.

Matatandaang ginagamit ng China ang nine-dash line upang maangkin ang teritoryo sa dagat sa loob ng South China Sea, na siya namang pinagtatalunan ng mga bansang Vietnam, Brunei, Malaysia, Taiwan at Pilipinas. Ito ay sa kabila ng naging desisyon noong 2016 international tribunal sa Hague Convention.

Sa naging pinal na desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), pinayagan ng ahensya na maipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang pelikula na “Barbie.”

Magandang oportunidad ito para sa Pilipinas na pag-aralan muna nang maigi bago magpanukala ng desisyon dahil makakaapekto ito sa ekonomiya at maaari rin itong magpatawag ng mga talakayan at debate tungkol sa censorship at kalayaan ng pagpapahayag sa midya.

Marapat siguro na huwag tayo magpapakapagod sa maliit na detalye

at palakihin pa ito kung wala namang ugnayan.

Sa kabila ng mga pagpapaliwanag at paglilinaw mula sa Warner Bros Studio at MTRCB, marami pa rin ang nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya at pagtutol sa pagpapalabas ng pelikulang Barbie dahil sa isyung ito.

Ito ay nagpapakita lamang na ang isyu ng Nine-Dash Line ay isang sensitibong paksa na may malalim na implikasyon sa mga bansang kasangkot.

Sa ganitong mga sitwasyon, mahalaga na magpakita ng pag-iingat at paggalang sa mga opinyon at paniniwala ng iba upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan o hidwaan.

Sa huli, ang paghahanap ng solusyon sa isyung ito ay mangangailangan ng kooperasyon, pag-unawa, at pagnanais na magkaroon ng mabuting diskusyon mula sa lahat ng partido na kasangkot dahil hindi lahat ng oras ay maaari nating iugnay ang isang bagay sa anumang umiiral na usapin o isyu sa pulitika.

8

Bastos at Walang Respeto

ni

CRISTOPHER ARABEJO

guhit ni ZOES SAGADAL

Pakatatandaan lamang natin na may iba’t ibang mukha ang pananampalataya.

Huwag

agad

tayong manghusga dahil ang mga

mapanghusga ay ang totoong bastos at walang respeto.

krus at naglalakad nang paluhod papuntang altar ng simbahan. Ngunit ang ilan namang Kristiyano sa ibang bansa ay hindi ito

nabastusan sa ginawa ni Pura, kabilang na ang ilang politiko at mga kawani ng simbahang katoliko.

Isa na rito si Senate President Juan Miguel Zubiri na tinawag na ‘extremely blasphemous’ at ‘offensive’ ang ginawa ng drag queen.

Samantalang nagkomento rin ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa pahayag na inilabas ng kanilang tagapagsalita na si Fr. Jerome Secillano na sinabing ‘mockery’ at ‘blasphemous’ kung maituturing ang performance ni Pura.

Pero pang-iinsulto nga ba sa mga katoliko ang drag performance ni Pura Luka Vega?

Hindi maiwasang madismaya at

sambayanan sa kaniya dahil sa paggaya nito sa itim na Nazareno habang pinapatugtog ang mabilis na bersyon ng ‘Ama Namin’ na tila nagkakatuwaan lamang.

Pinabulaanan ito ni Pura, dahil ayon sa kaniya ang pagbibihis bilang Kristo sa kaniyang drag performance ay sariling paraan niya upang ipakita ang pananampalataya rito.

Marahil ay kakaiba sa nakasanayan natin ang paraan niya ng pananampalataya. Subalit totoo naman dahil iba-iba tayo ng paraan ng pagpapakita nito. Katulad na lamang sa atin, tayong mga Katolikong Pilipino ay naniniwala sa mga santo, nag-aantanda sa

Bagama’t kakaiba ang ginawa ni Pura ay hindi nangangahulugang ‘blasphemy’ na ito. Hindi porket bago sa paningin ay mali na agad ito, sadyang may iba’t-ibang paraan lang tayo ng Sa katunayan, ang ginawa ni Pura ay isang makabagong paraan ng pagpapakita ng pananampalataya sapagkat habang tumatagal ang panahon ay parami naman nang parami ang mga kabataang nawawalan ng koneksyon sa simbahan. Kahit pa iba ang iyong paraan, ang importante ay nananalig ka sa kaniya ng bukal sa loob.

Ang mga gantong usapin ay nagbibigay lamang sa atin ng paalala na huwag tayong lumimot sa Maykapal. Kahit anong paraan pa ito ng pagpapakita ng pananampalataya ang mahalaga ay konektado pa rin tayo sa kaniya at patuloy na kumakapit sa kahit anong hamon ng buhay.

Pakatatandaan lamang natin na may iba’t ibang mukha ang pananampalataya. Huwag agad tayong manghusga dahil ang mga mapanghusga ay ang totoong bastos at walang respeto.

9 ISSUE NO. 4 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2023
ang
OPINYON

LATHALAIN

Street foods, Patok sa norwesians

ni VANESSA SHERRA BLANCO

Hindi na iba sa ating mga Pinoy ang kumain ng street foods. Bahagi ito sa napakalawak na kultura ng ating bansa at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sapagkat mura at masarap, talaga namang tinatangkilik at binabalikan ang mga pagkaing ito na matatagpuan sa bawat sulok ng bansa.

Maging sa Calbayog City, mayroong nakahanay na samu’t saring street foods na tiyak na patok sa masa, lalong-lalo na sa mga estudyante.

Narito ang iilan sa mga popular at abot-kayang street foods na malapit sa campus ng NwSSU:

Fishball at chicken ball

Sa halagang dalawang piso, ang chicken ball at fishball ay kabilang sa mga popular na streetfoods o tusoktusok. Patok ito sa mga estudyante bilang meryenda pagtapos ng klase. Isa sa mga masasarap na bilihan nito ay nakahanay sa Gomez St. malapit sa isang drugstore at Magsaysay Blvd.

Siomai

Mula pa sa impluwensya ng mga Tsino ang Siomai ay isa sa mga patuloy na tinatangkilik ng mga Pinoy dahil sa malinamnam nitong lasa. Ito ay karne na binabalot sa maliliit na wrapper at isinasawsaw sa ‘toyomansi’. Sa halagang 5 pesos kada piraso ay tiyak na mabubusog ka na lalo’t pwede itong pangmeryenda at pang-ulam o ang tinatawag nilang ‘Siomai Rice’

Buchi

Mula ito sa lamang loob ng manok na binabalutan din ng harina tsaka piniprito. Sa halagang 5 pesos, swak na swak ito sa mga gusto ng mura at malinamnam na pang-meryenda lalong lalo na kung isasawsaw sa sukang may maraming sibuyas.

Isaw

Pinirito o inihaw man, ang isaw ay isa sa mga mabentang street food na makikita rin sa mga nakahanay na bilihan malapit sa NwSSU. Patok ito sa mga estudyante sapagkat sa halagang limang piso lamang ay maiibsan na ang gutom ng panandalian.

Kwek-kwek at tokneneng

Bagama’t marami na ang nagsulpotang bagong streetfood, hindi pa rin mawawala sa listahan ang kwek-kwek at tokneneng. Ito ay itlog na binalutan ng harina at food color na lalong sumasarap kung may sawsawan na sukang maanghang. Mabibili ito sa halagang 13 pesos.

Iced coffee

Bukod sa milktea ay nauuso na rin ang sosyal ngunit murang panghimagas ng mga estudyante sa labas ng campus. Kung mapapansin ay parami nang parami ang may hawak na iced coffee na naglalakad o tumatambay sa eskwelahan, dahil isa sa mga murang bilihan nito ay sa tapat lang ng mismong unibersidad. Kung meron kang Php 39.00 ay makabibili ka na ng Don Machiattos iced coffee at maaaring pumili sa dalawang flavor–ang caramel o ang

Japanese Cake

Ito’y nagmula pa sa mga banyagang resipe na hinaluan ng pinoy touch para swak sa panlasang pinoy. Talaga namang sabik ang mga Norwesians sa pagkaing ito dahil sa halagang Php 10, mai-enjoy na ang nakabubusog na

Japanese Cake na may iba’t ibang flavor kagaya ng classic cheese, chocolate, at ube.

10

Malimit mo bang mapansin ang mga kakaibang estilo ng pagkakasulat ng mga titik sa iyong paligid? Marahil ay hindi na bago sa iyong mga mata ang nagtitingkarang plakards sa mga kalye ng Calbayog, naglalakihang poster sa mga mall ng syudad, at makukulay na karatula sa mga kalye’t eskinita.

Tiyak na kinamulatan mo na ang mga estilo ng fonts na bumuo ng iyong kabataan at patuloy na nagtatampok ng kulturang Pilipino maging sa kasalukuyang panahon. Ngunit alam mo ba na ang estilong ito ay hindi lamang pangkaraniwang produkto ng pagiging malikhain ng mga Pinoy, ngunit larawan din ng mayaman nating kultura at malawak na kabihasnan? Halina’t ating kilalanin ang mga ilan sa mga fonts na talaga namang Tatak-Pinoy!

Cubao (Aaron Amar)

Umusbong ang popularidad ng font na ito lalo pa’t tila nakasanayan na itong makita sa pang-araw araw. Hindi na bago sa atin ang mga kilalang neon-colored na mga karatula sa mga kalsada at malalaking paunawa sa mga eskeneta ng Calbayog. Karaniwang nakasulat sa malalaking titik at madalas na humihimok ng malawakang atensiyon mula sa madla kahit sa unang tingin pa lamang. Ito’y akma para sa mga babala, paunawa, o paalalang naglalaman ng maiikling parirala o pangungusap.

LL Baguio (Lloyd Zapanta)

Isang estilo ng font na likhang Pinoy rin. Ito ay hango sa isa sa mga popular na produkto ng Baguio, ang walis tambo. Layon nitong mapanatili ang natural na tipograpiya ng produkto at tangkilikin ang tradisyunal na pagkakahabi rito. Ang estilo ng font na ito ay angkop para sa mga payak na mga salita at parirala.

Bantayog (John David Maza)

Ang font na ito ay hango sa mga titik na ginagamit sa mga bantayog at monumento. Ito ay may malamlam na kayarian na nagbibigay ng matatag at payak pangkalahatang anyo. An Bantayog ay madaling basahin kaya’t angkop ito sa mga mahahabang teksto tulad ng magasin, poster, at iba pang mga akdang pang-editoryal.

Bawal Sans (Together We Design)

Ang Bawal Sans ay ang mga estilo ng titik na wari’y nagpapaalala sa atin ng mga simpleng gawi sa araw-araw. Mga payak na paalala at palatandaang madalas na nakapaskin sa mga pintuan at mga tarangkahan. Ang mga letrang nakapaloob dito ay makikilala sa matitingkad nitong kulay at malinaw na pagkakasulat sa pamamaraang agad na maunawaan ng mga mambabasa.

AbAngAn

Works of the heArt

Ang Abangan ay pasadyang tipo ng letra na isinusulat sa malalaking titik lamang. Layunin ng estilong ito ang tingnan ang mga patakarang nakapaskin bilang mga payak na mungkahi lamang. Ang bawat karakter ay maaaring baguhin ayon sa laki at espasyo na tiyak na akma para sa mga pamagat, paunang parirala, at iba pa.

Dangwa (Aaron Amar)

Ang font na ito ay inspirasyon mula sa Dangwa Flower Market sa Maynila. Kahalintulad ng maririkit na bulaklak na ibinebenta sa Dangwa, ang mga letrang tampok dito ay kinabibilangan ng mga banayad at pakurbang hugis bilang kabuuang kayarian nito.

11 ISSUE NO. 4 | SPECIAL ISSUE IN FILIPINO AGOSTO 2023
LATHALAIN
ni JOANALYN DE PABLO

ISANG makasaysayang tagumpay ang nakamit ng Philippine Women’s National Football Team, ang Filipinas nang makapasok sila sa 2023 FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglalaro ang Filipinas sa pinakamataas na antas ng kompetisyon sa football. Ngunit hindi lamang ang kanilang tagumpay ang kakaiba at kahangahanga sapagkat ang kanilang koponan ay binubuo ng mga manlalarong may dugong Pilipino na nagmula sa mga bansang kagaya ng Estados Unidos, Brazil at Sweden. Paano sila nagkaisa sa gitna ng pagkakaiba? Ano ang naging hudyat upang dalhin nila ang bandila ng Pilipinas sa ating mundo?

Sa panayam ng The Guardian, sinabi ni Tahna Annis, ang kapitan ng koponan ng Filipinas, na ang mahalaga sa kanila ay hindi ang kanilang pinanggalingan kundi ang dugong Pilipino na dumadaloy sa kanilang mga puso. Para sa kanila, ang layunin ay maglaro para sa bansa at para sa lahat ng mga manlalaro sa Pilipinas. Si Annis ay tubong Amerika at bago pa man siya makapaglaro sa internasyonal na mga paligsahan ay ipinamalas na niya ang kanyang angking galing sa paglalaro ng football sa dibisyon

ISPORTS

ng NCAA sa Unibersidad ng Florida. Nabigyan ng pagkakataon si Annis na makapaglaro sa Philippine Women’s National Football Team sa pamamagitan ng kanyang ina na si Myla, na mula sa Lucena sa lungsod ng Quezon. Sumabak siya sa koponan para sa isang ensayo noong 2018 sa Estados Unidos at opisyal na naging miyembro sa koponan ng Pilipinas para sa 2018 AFC Women’s Asian Cup sa Jordan bilang kapitan ng koponan. Si Angela Beard, ang isa sa mga defender ng Filipinas, ay ipinanganak naman sa Australia kung saan niya natutunan ang paglalaro ng football. Gaya ni Annis, nakapaglaro siya sa Filipinas dahil Pilipino ang kaniyang ina. Sa isang interbyu ng GMA Intergrated News, ibinahagi ni Beard ang kanyang pasasalamat dahil sa kanyang mga kasamahan sa koponan habang pakiramdam niya ay kabilang siya sa grupo at itinuring niya itong tahanan. Ang dalawa ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga manlalarong nagmula sa iba’t ibang kultura at tradisyon, ngunit nagkaisa para sa iisang layunin: ang magpakita ng galing at husay ng mga Filipina sa larangan ng football. Sa kanilang pagsasanay at pagsasama-sama, natutunan nila ang

halaga ng pagtutulungan, pagtitiwala, at pagmamahal sa bayan.

Hindi nakalusot ang Filipinas sa unang laro nila matapos durugin ng Switzerland sa iskor na 2-0. Bumawi ang koponan ng Pilipinas at nakakuha ng isang panalo laban sa New Zealand na siyang punong-abala sa laro sa iskor na 1-0. Ngunit hindi sila pinagbigyan ng Norway na makakuha pa ng isang panalo, at tinapos nila ang laro sa 6-0 at hindi na nakasali sa knockout stage na siyang naghudyat sa pagtatapos sa paglalakbay ng Filipinas sa FIFA World Cup noong Hulyo 30.

Ipinakita ng Filipinas na kahit sa tatlong laro lang ay kaya nilang pagkaisahin ang ating bansa. Nagpamalas sila ng kakaibang galing sa larangan ng football at nagsilbing inspirasyon para sa mga Pilipino. Nabigo man ang Filipinas na masungkit ang kampeonato sa FIFA World Cup, nag-iwan naman sila ng malalim at makabuluhang marka sa mundo ng women’s football. Pinatunayan nila na kaya nilang makipagsabayan sa mga pinakamahuhusay na koponan sa mundo dahil mayroon silang puso at tiyaga na harapin ang anumang hamon sa gitna ng kanilang pagkakaiba.

12
ni DIOSDADO OMPAD

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.