ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG RSPC
TOMO I BILANG I
IKA-29 NG NOBYEMBRE
ATENSYON! Mary Grace Padilla, Teacher 1 ng Candon National High School, determinadong hinarap ang press sa CNHS noong Nobyembre 29. (Kuhang Larawan ni Vice Ganda)
C
ampus Journalism will serve as a bullet that will set fire to the minds of the students for learning (Ang campus journalism ang magsisilbing bala na magpapaalab sa pag-iisip ng mga mag-aaral tungo sa pagkatuto). Ito ang naging pahayag ni Mary Grace Padilla, Teacher 1 sa Ingles ng Candon National High School (CNHS) ukol sa kahalagahan ng campus journalism bilang tagapanayam sa naganap na mini press conference sa naturang paaralan, Nobyembre 29. “Students will serve as tools for campus journal-
Campus journalism, susi sa pagkatuto-Padilla Calum Scott
ism to serve its purpose (Ang mga mag-aaral ang magsisilbing kagamitan upang magampanan ng campus journalism ang tungkulin nito).” Binigyang-diin din ni Padilla sa harap ng mga mag-aaral na ang mga campus journalist ay magsisilbing instrumento upang maisakatuparan ang mas epektibong pagkatuto. “Through campus
CNHS, pabor sa ‘character-based education’
L
ni Calum Scott
umabas sa sarbey na 100% sa 50 mga respondante na binubuo ng mga guro at mag-aaral ng Candon National High School ang pabor sa pagpapatupad ng ‘character based education.’ Ang naturang sarbey na pinamunuan ng Ang Tinig ay isinagawa noong Nobyembre 29 sa loob ng naturang paaralan. Layunin nitong alamin ang saloobin ng mga mag-aaral at guro ukol sa bagong paraan ng pagtuturo kung saan hindi
lamang ang mga guro ang nagsasalita kundi kabilang din ang mga mag-aaral sa pamamahagi ng kaalaman. “Malaking pagbabago ang naidulot ng ‘characterbased education’ sapagkat nagkakaroon din ng pagkakataon ang mga magaaral na makapagsalita at maibahagi ang kanilang nalalaman sa klase na nakatutulong upang madagdagan pa ang aming tiwala sa sarili at mahasa pa ang aming kakayahan sa pakikipagtalastsan,” paliwanag ng isa sa mga respondante.
journalism, students will be able to disseminate information and also serve as an inspiration for others to reach their dreams (Sa pamamagitan ng campus journalism, maipapalaganap ng mga mag-aaral ang mga impormasyon at magsisilbi itong inspirasyon sa iba upang makamit ang kanilang mga minimithi).” Ayon pa kay Padilla, makatutulong ang mga
campus journalist sa pagpapalaganap ng kaalaman at pagbibigay ng inspirasyon sa kapwa upang magpursigi at ipagpatuloy ang pagtupad sa mga hangarin sa buhay. “Students can model what it is like to live in a community where 21st century skills are being applied as well as Character-based education through campus journalism (Ang mga magaaral ang magiging modelo
kung paano mamuhay sa isang komunidad kung saan ginagamit ang mga kakayahang pang ika-21 siglo at ang edukasyon na base sa karakter).” Dagdag pa ni Padilla, maituturing ding modelo ang mga mag-aaral ng isang komunidad dahil ang mga ito ang nagtataglay ng mga makabagong katangian at nakararanas ng ibang pamamaraan ng edukasyon.
Character-Based Education, tinalakay ni Padilla ni Calum Scott
T
inalakay ni Mary Grace Padilla, Teacher 1 sa Ingles ng Candon National High School (CNHS) ang ‘character-based education’ sa kanyang talumpati sa naganap na mini press conference sa naturang paaralan, Nobyembre 29. Naging tagapanayam si Padilla sa harap ng mga mag-aaral at mga guro kung saan inisa-isa nito ang mga karakter na tinutukoy sa nasabing paksa. Ayon kay Padilla, ang pagiging maalam at mapagpursigi at pagkakaroon ng lakas ng loob, kakayahang mamuno, at etika ang mga karakter na
POKUS. Mga bagong impormasyon na hatid ni Mary Grace Padilla, Guro ng Candon National High School sa harap ng press noong Nobyembre 29. (Kuhang Larawan ni Vice Ganda)
kinakailangang taglayin ng isang mag-aaral sa ilalim ng bagong pamamaraan ng edukasyon. Paliwanag pa ni Padilla, mas nadadagdagan ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral at mas nahahasa ang paggamit nito sa pamamagitan ng ‘character-based education’
na makatutulong sa mga susunod pang mga hakbang sa kanilang buhay. Dagdag pa niya, epektibo rin ang naturang pamamaraan ng edukasyon sa paglilinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikipanayam sa iba’t ibang uri ng tao.