1 minute read

Public hearing hinggil sa environment code ng probinsya ng Cotabato isinagawa

by IDCD-Provincial Government of Cotabato

Amas, Kidapawan City - Upang lalo pang paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan at mas maging handa sa epekto ng climate change, pinangunahan ngayong araw ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Cotabato ang public hearing hinggil sa Proposed Provincial Ordinance No. 2020-16-032: Providing for the Revised Environment Code of Cotabato Province sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.

Advertisement

Sa nasabing public hearing tinalakay ng mga partisipante mula sa iba’t-ibang sektor na kinabibilangan ng non-government organizations (NGOs), national line agencies, local government units (LGUs), environmental advocates, business at academe sectors ang nilalaman ng nasabing proposed ordinance sa layuning maging mas komprehensibo, napapanahon at maging epektibo ito sa oras na maging ganap na itong ordinansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni SP Committee on Environment, Climate Change Adaptation and Disaster Risk Reduction and Management Chair Board Member Jonathan Tabara, ang may-akda ng nasabing ordinansa, na mahalaga ang pagkakaroon ng isang komprehensibo at napapanahong ordinansa lalo na ngayong dumadanas ng climate change ang buong mundo.

“This revised edition of the provincial environment code shall be anchored on the principles of shared responsibility, good governance, participation, social and environmental justice, integrational space and gender equity, with people at the core of conservation, protection, and rehabilitation, and developmental initiatives,” wika ni BM Tabara.

Nasa nasabi ring aktibidad si Board Member Ivy Dalumpines-Ballitoc,kung saan inihayag nito ang kahalagahan ng partisipasyon ng bawat isa lalo na sa isyu ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang magiging rekomendasyon at resulta ng nabanggit na public hearing ay isasama sa final drafting ng revised environmental code ng lalawigan na ieendorso naman sa Sangguniang Panlalawigan for 2nd reading.

This article is from: