1 minute read

Former rebels ng lalawigan ng Cotabato nakatanggap ng P4.5M ayuda mula sa pamahalaan

by IDCD-Provincial Government of Cotabato

Amas, Kidapawan City - Pitumpu’t pitong (77) former rebels (FRs) mula sa lalawigan ng Cotabato ang tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng abot sa P4.5M mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaang nasyunal.

Advertisement

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government katuwang ang Provincial Government of Cotabato, Armed Forces of the Philippines, at Cotabato Police Provincial Office (CPPO) na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City noong Martes, Hunyo 1, 2022.

Ang mga nagbalik-loob na mga rebelde na tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa DILG para sa kanilang immediate and livelihood assistance at firearms renumeration ay mula sa mga bayan ng Magpet, Tulunan, at Arakan, Cotabato.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni 72nd IB Commander Lt. Col Jose Regonay, Jr., ang mga benepisyaryo ng ECLIP na gamitin ng wasto ang ayudang matatanggap mula sa pamahalaan upang matiyak ang kinabukasan ng kanilang pamilya. Pinasalamatan naman ni DILG Provincial Director Ali B. Abdullah si outgoing Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa tulong nito sa programang pangkapayapaan na isinusulong ng pamahalaang nasyunal kabilang na rito ang ECLIP at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC).

Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot nina Alyas Bayen, Former Political Instructor ng Guerilla Front 53, Southern Mindanao Region at Alyas Macoy, Former Secretary, Sub-Regional Command III, Southern Mindanao Region, pawang residente ng Magpet, Cotabato dahil sa oportunidad at tulong na ibinigay sa kanila ng pamahalaan na makapagbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Dumalo rin sa pamamahagi ng nasabing ayuda si Provincial Administrator Venancio B. Ang bilang kinatawan ni Governor Catamco, Representante mula sa 90TH IB Major Jerome C. Yee, 39th IB Representative 2nd Lt. Sharmaine dela Rosa at CPPO Representative Sonny R. Leoncito.

This article is from: