Lumang Tugtugin
Ilagay lang sa lugar
PUNTO
Riechelle Suba Hindi naman masama ang makiuso huwag lang ilalagay ang buhay sa peligro. Itinanghal ang salitang ‘selfie’ ng Oxford Dictionaries bilang Word of the Year, samantalang ang Makati naman ay tinaguriang ‘Selfie Capital of the World’ at pumuwesto naman ang Cebu City bilang ikasiyam na ‘Selfiest City in the World.’ Patok na patok na nga ang pagse-selfie s a m g a P i l i p i n o lalo na sa mga kabataan, wala namang masama dito kundi lamang sa dumarami ng kaso nang sana’y masasayang pagse-selfie na nauuwi sa trahedya. Ilang buhay na nga ng kabataan ang nasayang matapos mag-selfie sa mga delikadong lugar o dili kaya’y humawak ng anumang delikadong bagay habang nagse-selfie. Nitong Hulyo, isang estudyanteng babae ng Rizal High School sa Pasig City ang namatay matapos mawalan ng balanse habang kinukunan ng larawan ang sarili at mahulog sa ikatlong palapag ng gusali ng paaralan. Kritikal naman ang isang binatilyo mula Batangas matapos aksidenteng makalabit ang hawak na baril sa halip ang cellphone habang nagseselfie.At nitong Oktubre nalunod ang isang dalagita matapos hampasin ng malalaking alon sa Ilocos Norte habang naggru-groupie.
Sa mga ganitong pangyayari, masasabi na ngang tila lumampas na sa hangganan ang pagkahumaling ni Juan sa selfie. Isaisip dapat na maling gawain ang pagse-selfie gamit ang mga bagay na maaaring magdulot ng kapahamakan tulad ng baril gayundin ang pagse-selfie sa mga lugar na delikado. Walang masama kung pahalagahan, mahalin at ipagmalaki ang sarili na siyang konsepto ng pagse-selfie subalit una sa lahat ay dapat isaalang-alang ang kaligtasan. Nakapanghihinayang na napakababaw nang naging sanhi ng pagkawala ng buhay ng naturang mga kabataan. Marami na sa kasalukuyang henerasyon ang umiikot ang buhay sa social media na siyang lundo ng pagse-selfie, ayon nga kay Bishop Teodoro Bacani ay labis na pagkahilig sa gawaing ito ay itinatatak ang kaisipan ng pagiging makasarili. Hindi sinasabing huwag pahalagahan ang sarili kundi isaisip lamang na mayroong limitasyon ang lahat ng bagay. Lahat nang sobra ay nakasasama, nawa’y matuto tayong kontrolin ang sarili at lumagay sa tama at ligtas na paraan sa kung anumang gagawin lalo na sa nauusong pagse-selfie. Tandaan lang na lumagay sa lugar, mas ligtas, mas maganda.
liham sa patnugot Mahal na Patnugot, Akin pong ipinababatid ang kasiyahan na nararamdaman naming mga mag-aaral sa ilalim ng pamumuno ng ating bagong talagang punong-guro na si Bb.Aquilina Monte. Kitang-kita po ang kalinisan ng ating paaralan at disiplina sa maraming mag-aaral. Ang hindi pagbubukas ng gate tuwing tanghalian ay isa sa mga bagong panukala niya na sa ganang akin ay isang positibong hakbang upang masolusyunan ang suliranin sa mga batang hindi pumapasok sa kanilang mga klase sa hapon. Sa ganitong paraan ay malaki ang ibinaba ng mga kaso ng paghahalf-day. Kasiya-siya rin pong sa loob ng apat na taon kong pagiging mag-aaral ang FCLNHS ay nakadalo ako sa pagdaraos ng banal na misa na ginanap sa covered court ng ating paaralan. Nais din po naming ipabatid sampu ng aking mga kamag-aral na ramdam naming ang pagsusumikap ng pamunuan ng ating paaralan na mapabuti pang higit ang imahe ng ating paaralan at kami po ay lubos na kaisa ninyo ukol dito. Hinihiling lang po sana naming maipaabot sa ilang mag-aaral na iwasan ang pag-iingay sa oras ng kanilang recess sa mga lugar kung saan may mga klase pa. Sa dami po ng estudyante ay magandang istratehiya ang ginawang pag-iiba-iba ng oras ng pagre-recess ng bawat taon, minsan nga lang po ay may mga mag-aaral na tila ba hindi alintana na may ibang mag-aaral pang nagklakalse at lubhang nakaaabala ang kanilang pag-iingay. Maraming salamat pos sa pagkakataon na maibahagi ko ang aking mga saloobin. Mabuhay po ang inyong pahayagan at ang buong patnugutan ng Ang Hardin. Lubos na gumagalang, Angelica Pabon IV-Rizal --Sa iyo Angelica,, Ang buong patnugutan ng Ang Hardin ay kaisa mo sa kasiyahan sa mga magagandang pagbabago sa ating paaralan. Natutuwa kaming mabatid na nakikita at pinapahalagahan ninyo ang patuloy na pagsusumikap ng pamunuan ng ating paaralan para higit pang ikabubuti ng ating mga mag-aaral. Umasa kang ipararating namin sa pamunuan ang iyong hinaing ukol sa mga magaaral na nakaabala ang pag-iingay sa mga klase upang agad itong magawan ng aksyon. Maraming salamat sa iyong pagsulat. Hanggang sa muli, Patnugot
Alab sa puso ng sambyanang Pilipino nang dahil sa pagkakapatay kay Ninoy tatlong dekada na ang nakalipas ang siyang nagluklok sa pwesto sa dating Pangulong Corazon Aquino at ang parehong damdamin rin naman ang nagbigay-daan sa pagkapanalo sa halalan ni Pang. Benigno Simeon Aquino III matapos mamatay ang kanyang ina. Dalawampu’t pitong taon na ang nakalipas matapos balangkasin ang isang bagong konstitusyon makaraang mapatalsik ang pamahalaang diktatoryal ni Marcos. Ito ang 1987 Constitution na naunang ipinatupad sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Aquino. Kasama sa political provisions ng konstitusyong ito ang paglilimita ng termino ng pangulo sa anim na taong panunungkulan lamang. Nangangahulugan ito na hindi na maaaring tumakbo sa pagkapangulo ang isang presidente sa susunod na halalan. CHARTER CHANGE- ito ang isinusulong ng ilang kaalyado ng kasalukuyang pangulo, na siyang ring tinangkang isulong nina dating Pangulong Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo. Kasama sa mga isinusulong ngayon ay ang maamyendahan ang ilang economic at political provisions ng naturang batas kabilang na ang pagpapalawig sa termino ng pangulo. Bagaman masasabing hindi korap si PNOY at sa panahon ng kanyang administrasyon ay umunlad ang ekonomiya ng bansa, sapat
SULYAP
Angela Fariñas na ba itong dahilan upang baguhin ang konstitusyon at palawigin ang kanyang termino. Sa nakaraang State of the Nation Address ng Pangulo, ibinida niya ang lumalagong ekonomiya ng Pilipinas. Kahit sabihin pang may katotohanan ito, hindi pa rin maitatanggi na hindi pa rin naman ito ramdam ng nakararaming Pilipino. Marami pa sa kanyang mga naipangakong proyekto ang nakabinbin, ito ba’y isang pagpaparamdam na kampante siya na mahaba-haba pa ang ilalagi niya sa Macañang? Maliban sa ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya, ano pa nga ba ang nagawa ni PNoy? Hindi kaya dahil sa sobrang panahong inilaan niya dito ay may mga iba pang mahalagang bagay na hindi niya napagtutuunan ng pansin, tulad na lamang sa tila kawalan niya ng oras sa pagtugon sa lumalalang krisis sa Mindanao partikular na sa Zamboanga na naging sanhi ng kamatayan hindi lamang ng mga rebelde’t sundalo kundi maging ng mga kaawa-awang sibilyan. Sa ternmino rin ni PNoy naganap ang pananalanta ng Super bagyong Yolanda na halos bura-
hin sa mapa ang Leyte. Matatandaang halos mauna pa sa pagtugon ang ibang bansa sa pamamagitan ng pagpapadala ng tulong at donasyon. At sa kabila na maraming mga bansang tumulong hindi naman naging maayos ang distribusyon ng pamahalaan. Naging isyu rin ang pamumulitika umano ni PNOY kung kaya’t may mga lugar sa Leyte na hindi nararating ng tulong. Wala sa haba ng panunugkulan ang ikagagaling ng isang pangulo. Ito ay nasa kanyang dedikasyon na magamit gaano man kaiksi o kahaba ang termino upang makapagbigay ng totoong serbisyo publiko. Ang pagpapalawig sa termino ng pangulo ay hindi susi sa pag-unlad ng bansa kundi ang kakayahan ng pangulo na pamunuan ang kanyang mga nasasakupan sa daang matuwid sa pamamagitan hindi lamang ng mga pasaring at paninisi. Lumang tugtugin na ang Cha Cha na isinusulong ng mga pinunong pinangingibabaw ang personal na interes na mapahaba ang paghawak sa pinakamakapangyarihang pwesto sa bansa.
Binuhay na Nasyonalismo
PITIK BULAG Danica Castro
Isa sa pagbabagong sumalubong sa mga mag-aaral ng Felizardo C. Lipana National High School sa pagbubukas ng taong pampaaralan 2014-2015 ay ang pagdaraos ng ‘Flag Raising Ceremony’ tuwing araw ng Lunes. Ayon sa bagong talagang punong-guro III ng paaralan na si Bb. Aquilina . Monte, itinatadhana ng Republic Act 8491 na ang lahat ng opisina ng gobyerno at paaralan ay dapat magsagawa ng ‘Flag Raising Ceremony’ tuwing Lunes ng umaga. Limang taon na mula ng huling umawit at nanumpa nang sabay-sabay ang mga mag-aaral ng FCLNHS. Bagama’t ikinagulat ng marami ang pagbabagong ito ay umani naman ng positibong reaksyon mula sa mga guro’t mag-
aaral ang pagbabagong ito. Sa sarbey na isinagawa ng patnugutan ng Ang Hardin, lumalabas na 245 sa 350 na respondent o 70 porsyento ang aminadong hindi nila kabisado ang Panatang Makabayan habang 175 sa 350 o 50 bahagdan ng mag-aaral ang nagsabing nalilito sila sa tamang lyrics ng Lupang Hinirang. Kaya naman masasasabing isang magandang hakbang at mabisang paalala sa mga nakalilimot ang pagsasagawa nito. Ngunit higit sa pagmememorya at tamang pagbigkas ng mga titik at nota mahalaga ang gawaing ito upang maingki at mapagningas ang damdamin ng mga kabataan sa pagiging makabayan at pagmamahal sa bansa. Nakalulungkot lang na nagi-
ging suliranin ng mga guro ang ilang mag-aaral na nagpapakita ng kawalang-disiplina habang nagsasagawa ng programa ay tila ba hindi batid ng mga ito ang kahalagahan sa pagbibigay ng respeto at pugay lalo na sa watawat ng Pilipinas. Tayong mga mag-aaral ay nararapat lamang magpamalas ng disiplinang pansarili. Tayo ay nararapat lamang na manguna sa pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa sagisag ng ating pagkaPilipino. Gampanan nawa natin at sundin ang panuntunan sa oras ng 20-minutong programa. Ang simpleng pag-awit at panunumpa ng maayos ay maituturing na pagpapakita ng pagiging makabayan. Unti-unti na nating nakalilimutan ang mga gawaing nakasanayan noon. Ang pagiging makabayan ay tila ba nawawala na sa ating puso’t isipan. Ito ang nagpapatunay na nararapat na ngang ibalik ang ‘flag-ceremony’ sa ating paaralan. Ating ipakitang diwa ng Nasyonalismo ay buhay sa ating mga kabataang Pilipino.
BukaMbibiG Anong teleserye ang maglalarawan sa suliranin ng KORAPSYON sa bansa? FOREVER MORE kasi walang hinto ang pangungurakot ng mga nasa gobyerno. Jaylan Buela 9-Diamond FOREVER MORE ang korapyon sa Pilipinas, kaya pa-MORE nang pa-MORE ang mahihirap sa bansa at pa-MORE nang pa-MORE rin ang krimen. Ronald Painagan IV-Balagtas YAGIT ang mga Pilipino dahil sa mga korap na pinuno. Jerald Patrick Bate 9-Helium HIRAM NA ALAALA dahil kapag nabisto na sa pandarambong sa bayan at naharap na sa pagdinig aba eh parang wala nang natatan-
daan sa mga pinaggagawang pangangamkam ng pera ni Juan. Joan Carissa Tolentino IV-Ponce
pero ang nasisilaw sa salapi at ang ginagawa ay kung ano ang mali. Elaine Calacat IV-Rizal
GOT TO BELIEVE., we GOT TO BELIEVE na matatapos din ang korapsyon sa Pinas kung matututo lamang ang mga Pilipino na pumili ng hindi trapong kandidato. Marilord Bogate IV-Rizal
SA NA B U K AS PA A N G K AHA P O N, p a r a m a i b al i k n g m ga Pilipino ang panahon at hindi na mailuklok ang mga pulitiko na nangurakot sa kaban ng bayan. Kaye Gyzzyn Ledesma 9-Silver
MAGIC PALAYOK dahil yung mga opisyal ng pamahalaan nagkakaroon ng yaman kahit hindi naman nila pinaghirapan. Lahat ng iyan mula sa pagiging korap. Jaquie Java MGA MATA NI ANGHELITA, buti pa ang MGA MATA NI ANGELITA kahit bulag nakikita ang tama at mali, dapat at hindi. Pero ang mga tao sa gobyerno may MALINAW NA PANINGIN
GULONG NG PALAD, ang pera ng mga Pilipino ay umiikot sa palad ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno. Sherwin Pedragoza IV-Mabini HAWAK KAMAY na nagtutulungan ang mga pulitiko kung paano makapagnanakaw sa kaban ng bayan. Danica Castro IV-Rizal