ROXASIANS, WAGI sa 2023 DSPC CUARESMA TUTULOY SA REGIONALS
Tutuloy sa Regional Secondary Schools Press Conference ang pambato sa Photojournalism ng The Wheel, Opisyal na Pahayagan sa Ingles ng Manuel A. Roxas High School (MARHS), na si Xycil Cuaresma matapos sungkitan ang Unang Puwesto sa katatapos lamang na 2023 Manila Division Schools Press Conference na ginanap Mayo 12-21, 2023.
Itatanghal ni Cuaresma ang MARHS at Dibisyon ng Maynila sa Regional Schools Press Conference sa Rizal High School, Pasig sa Hunyo 6 at 7, 2023.
Ilan ding mamamahayag ng
MARHS, PROTEKTADO NA NG CCTV!
Ikinabit na ang 32 yunit ng closed circuit television o CCTV sa paligid ng Manuel A. Roxas High School (MARHS) bilang isa sa mga hakbang sa pagtiyak ng seguridad ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.
Isa ang pagkakabit ng cctv sa mga prayoridad na proyekto sa ilalim ng Brigada Eskwela 2022. Nakaantabay na rin ang mga linya at digital video recorder para sa 16 pang cctv.
Naisakatuparan ang proyektong ito sa pinagsama-samang pagsusumikap ng mga stakeholders na nagbigay ng donasyon sa paaralan kasama na rito ang mga cash donations sa Brigada Eskwela at Bukluran MARHS (opisyal na samahan ng MARHS Alumni).
Inaasahang magiging daan ang proyektong ito ng pagkakabit ng cctv sa pagpapanatili ng kaayusan sa paaralan at lalo pang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay-solusyon sa mga isyu ng pambu-bully, pagkawala ng mga gamit ng magaaral at iba pang mga gawain na nangyayari sa paaralan.
- Jirah Jade Belano
MARHS ang namayagpag sa iba’t ibang kategorya.
Tinamo ng Editor in Chief ng The Wheel na si Maria Venice Naviamos ang Ikalimang Puwesto sa Newswriting.
Tagumpay din ang mga mamamahayag ng Ang Gulong na nag-uwi ng mga sumusunod: Charlene Baes, Patnugot sa Balita, Ikaapat na Puwesto, Pagsulat ng Balita; Tasya Arabela Palon, Pangalawang Patnugot, Ikalimang Puwesto, Pagsulat ng Editoryal; TJ Mallari, Punong Patnugot, Ikalimang Puwesto, Pagsulat ng Balitang Isports.
Nahalal din si Palon na Public Relations Officer ng Manila Editors’ Guild.
Samantala, nagpakitanggilas din ang mga MARHS Senior High School sa iba’t ibang mga kategorya.
Namayani ang mga news anchor na kinatawan sa radio broadcasting nang magtamo ng Unang Puwesto at Ikatlong Puwesto sina Miguel Alfred T. Burce at Shantelle Scott, ikalawang Puwesto sa brodkasting sa radyo na si Francis Charles P. Estabillo. Dagdag pa rito, tinamo nina Acuna ang Ikatlong
Puwesto, Technical Application sa radio broadcasting; Shantelle Scott, Ikatlong Puwesto sa Pagkuha ng Larawan; at Marc Gil Del Rosario, Ikapitong Puwesto sa Pagsulat ng Editoryal.
Samantala, idinaos sa MARHS ang 2023
Manila DSPC Radio at TV Broadcasting noong Mayo 21 na dinaluhan ng mga mamamahayag pangkampus ng iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Maynila.
Ika-75 Taon ng
Ipinagdiwang!
MARHS ang ika-75 anibersaryo ng pagkatatag noong Enero 27, 2023. SUNDAN SA PAHINA 2
- Julia Rhobert Tabor
Pagkakatatag,
Ipinagdiwang ng
TUNGO SA TAGUMPAY! TUNGHAYAN ANG EDITORYAL AT KOLUM SA PAHINA 4-5 PAHINGA NG PLANETA! BASAHIN SA PAHINA 13 DANGAL NG ROXASIAN SA LARANGANG PALAKASAN SUNDAN SA PAHINA 16
Masasabi pa bang epektibo at nakatutulong ang K to 12 curriculum sa mga estudyante at magulang?
K to 10 + 2, Pamalit sa K to 12?
Inihain ni dating Pangulo at kasalukuyang House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang House Bill No. 7893 o panukalang palitan ng K to 10 +2 ang kurikulum na k to 12.
Ayon sa panukala, sasakupin pa rin nito ang basic education na kindergarten at sampung taong sa elementarya at sekondarya ngunit magiging opsyon ng mga mag-aaral na kunin ang karagdagang dalawang taong post-secondary o pre-university education upang sila’y ihanda para sa pag-aaral ng propesyonal na kurso.
Sa pahayag ni Arroyo, simula nang ipatupad ang kurikulum na K to 12, hindi diumano nito nakamit ang layuning gawing handa ang mga nagtapos ng senior high school (SHS) para makapagtrabaho o makapagtayo ng sariling negosyo.
Dahil sa kabiguan diumano ng programang K to 12, dagdag pasanin pa ang dalawang karagdagang taon sa mga magulang at mag-aaral.
Giit din ni Arroyo na sa bansang tulad ng Pilipinas kung saan 18% ang dumaranas ng kahirapan, hangad ng mga mag-aaral na makatapos agad ng pag-aaral upang makatulong sa mga taniman o negosyo ng pamilya.
Ayon pa sa kanya, mas pinapaboran pa rin sa pribadong sektor
2023 ASEAN Summit: Kooperasyon, palalakasin
Ipagpapatuloy at palalakasin pa ang kooperasyon sa pagtugon sa mga suliraning nakaaapekto sa mga kalapit-bansa. Ito ang napagkasunduan ng mga lider na dumalo sa 2023 ASEAN Summit sa Indonesia nitong nakaraang buwan.
Sa pahayag ni Ambassador and ASEAN Permanent Representative Joy Quintana, tinalakay nila ang “pagtutulungan katulad ng border management, law enforcement, magpalitan ng best practices on investigation, and also prosecution and also protection and repatriation of the victims and support that we have to give to the victims”.
Tinutukan din sa naturang summit ang isyu ng human trafficking lalo pa’t gumagamit na ng makabagong teknolohiya at social media ang mga sangkot dito.
Nagkasundo ang mga kasapi ng ASEAN na paigtingin ang pagiimbestiga, pagkalap ng ebidensiya at pagsasagawa ng joint operations laban sa human trafficking.
Kasabay nito, nagbabala naman ang pamahalaan ng Indonesia na matinding parusa para sa mga sangkot sa human trafficking lalo na ang nagpapapanggap na job recruiters.
Sa kaugnay na balita, higit isang libong mga biktima ng online scamming mula sa Indonesia, Vietnam, Malaysia, Thailand, at iba pang bahagi ng asya kabilang na ang Pilipinas. ang nasagip kamakailan sa Pampanga.
“We are just waiting for the different agencies to come and get their nationals from us. The Indonesian embassy is very cooperative … because they are actually the one who initiated the information and the complaint. They are the first ones to come and rescue,” pahayag PNP Anti-Cybercrime Group Spokesperson Police Captain Michelle Sabino. Bukod sa issue ng human trafficking, pinagtuunan din ng pansin ang “protection of migrant workers and family members in crisis situations” at ang “placement and protection of migrant fishers”.
Samu’t saring Reaksyon sa DepEd Order #49
ang mga nagtapos sa kolehiyo o unibersidad kaysa sa gradweyt ng SHS, ayon pa rin kay Arroyo
Inilahad din ng dating Pangulo na sa ginawang pagaaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong Disyembre 2020, isa lamang sa limang nagtapos sa SHS ang dumeretso sa pagtatrabaho at ang apat ay tumuloy sa kolehiyo. Dagdag pa ni Arroyo, sa sarbey ng 2022 Pulse Asia, 44% ng mga Pilipino ay hindi nasiyahan sa kinalabasan ng K to 12 Program ng bansa.
Mga Magulang Pinaalalahanan: Gabayan ang inyong mga anak
“Gabayan, bigyang-pansin ang inyong mga anak. Mahalin at maging responsableng magulang dahil maraming mga estudyante ang naapektuhan dahil sa hindi sila binibigyan ng pansin… Sila ang dahilan kung bakit tayo nagsusumikap sa paghahanap-buhay.”
Ito ang mahigpit na paalala ni G. Cipriano Lauigan, Punongguro, sa mga magulang sa isinagawang pulong na “Gabay “AMA” sa Batang Matatag” noong Marso 31, 2023 sa Bulwagang Elena Ruiz na may temang “Matatag na Bata, Maunlad na Kinabukasan. Layunin nitong buuin ang ugnayan ng magulang at paaralan, kilalanin ang kanilang mahalagang gampanin sa pagpapaunlad ng kanilang mga anak tungo sa pagpasa at pag-usad ng mga mag-aaral sa susunod na baitang.
Binigyang-diin ang konseptong “AMA” - Anak, Magulang, Aralna pinahahalagahan ang papel na ginagampanan ng magulang sa edukasyon ng mga mag-aaral.
Ilang mga tip naman tungo sa pagiging responsableng magulang ang naging paksa ni G. Mark Gil V. Tabor, Pangalawang Punongguro, kung saan ibinahagi niyang ang pagbibigay ng oras sa mga anak at mabisang komunikasyon ay importante dahil ayon nga sa kanya, ang ating mga anak ang ating pinakamahalagang produkto.
Umani ng samu’t saring opinyon ang DepEd Order 49 series 2022 na nilagdaan ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte noong Nobyembre 2, 2022 na naglalayong mapaigting ang propesyonalismo ng mga guro at kawani sa edukasyon.
Ayon sa DepEd Order #49, pinaiiwas ang mga kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, kasama na ang mga guro na magkaroon ng relasyon o usapan ng mga ito sa kanilang mga estudyante, pisikal man o sa pamamagitan ng social media kung ito ay labas na sa usaping pampaaralan, maliban na lamang kung sila ay kamaganak.
Kabilang sa mga inilatag na guidelines ang paggamit ng social media na nagsaad na dapat iwasan ng ang mga kawani ang mag-post ng mga “pag–atake” laban sa mga kapwa empleyado at ang mga isyuna may kinalaman sa basic education at gumamit ng pormal at maayos na DepEd channels, sa pamamgitan man ng Opisina ng Secretary o sa pamamagitan ng Assistant Secretary o Undersecretary, nang hindi gumagamit ng anumang pampulitika o third-party na interbensyon o akomodasyon.
Nagpahayag ng pagkaalarma si House Deputy Minority Leader France Castro, dahil binubusalan diumano nito ang mga guro at kawani ng DepEd. Dagdag pa niya, inaalisan nito ng karapatan sa malayang pamamahayag at karapatang mag-organisa.
Kinwestyon naman ni Alliance of Concerned Teacher Chairperson Vladimer Quetua ang kautusang ito dahil paggamit ng social media ang siyang isinulong ng DepEd sa pagpapatupad ng distance learning sa gitna ng pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya.
Sa pahayag naman ni Benjo Basas, Chairman ng Teachers Dignity Coalition (TDC), nilalabag nito ang karapatan ng mga edukador sa malayang pagpapahayag at pag-oorganisa.
Nilinaw naman ni DepEd Spokesperson Michael Poa na paalala lamang ang DO 49 na sundin ang umiiral na patakaran bilang kawani ng edukasyon. Sa ilalim ng polisya, inatasan ang mga tauhan ng DepEd na tratuhin ang mga kasamahan at magaaral na may “highest degree of professionalism.” Binigyang-diin niyang paalala ito sa mga guro na huwag “lumagpas sa linya” o magkaroon ng “biases.”
2
Source: Proteksyon sa migrant workers laban human trafficking, binusisi sa 2023 ASEAN Summit, Wendy Palomo | TFC News Indonesia Posted at May 23 2023 03:54 PM
LAGING HANDA. Disiplinadong lumahok ang mga mag-aaral ng Baitang 7 bilang pagpapakita ng kahandaan sa anumang sakuna habang nasa eskwela.
- Ellysiah Reanne R. Rabanera
- Isseya Quintana
- Katrina Picart
IKA-75 TAON NG PAGKAKATATAG, IPINAGDIWANG!
Pagpapalawig ng SIM registration, Aprubado Na
Inaprubahan na ni Pangulong Marcos ang 90-day extension ng SIM registration hanggang July 25, 2023. Naunang tinakdang matapos ang mandatory SIM Registration hanggang Abril 26, 2023.
Ipinahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong April 25, 2023 ang pagpapalawig ng rehistrasyon ng subscriber identity module (SIM) card at inilahad na ang mga hindi pa rehistrado ay magagamit ang kanilang SIM na may limitadong serbisyo.
Lumabas sa mga datos noong Abril 24, 2023 na 82,845,397 lamang ang nakapagrehistro ng kanilang sim, 49.31 porsiyento lamang ito ng 168M subscriber na nakabase sa buong bansa.
Ipinagdiwang ng Mataas na Paaralan ng Manuel Roxas ang ika-75 anibersaryo ng pagkatatag noong Enero 27, 2023 na may temang “Emulating the Brilliance and Sternness of Diamond: Ensuring Learning Recovery and Continuity”.
Sinimulan ang pagdiriwang sa isang misa na pinamunuan ni Father Herbert John B. Camacho, ang bagong talagang pari ng Parokya ng Inang Birhen ng Penafrancia. Sa kanyang homiliya, ibinahagi ni Father Herbert ang kanyang karanasan bilang mag-aaral.
“Ang pinakamagaling na esk-
wela sa daigdig ay hindi UP o UST kundi ang inyong tahanan. At ang pinakamagaling na guro ay ang inyong mga magulang”, pagbibigay-diin niya.
Sinundan naman ang misa ng ang tradisyunal na pag-aalay ng bulaklak at halaman sa monumento ni Pangulong Manuel A. Roxas bilang pagpaparangal sa kanya. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni G. Cipriano T. Lauigan ang tibay at kinang ng isang dyamante at nawa ang bawat mag-aaral ay maging tulad nito sa pagtupad ng kanilang mga mithiin sa buhay.
BInigyang-buhay ng Roxasian Performing Arts ang kasaysayan ng paaralan kasama ang pagbibigay-parangal sa mga naging punungguro ng paaralan gayundin ang naging ebolusyon ng siglaban ng paaralan mula sa ‘Roxas Forever, Excellence Together’ tungo sa ‘Bastion of Faith and Wisdom for God and country.
Ilang puno ng kagawaran at mga guro naman ay nagpakitang-gilas sa pagpapakita ng ebolusyon ng sayaw na sinundan ng mga opisyal ng Supreme Student Governmnet na nagtanghal ng Pandanggo sa Ilaw.
Nagbigay ng pampinid na pananalita si Gng. Virginia Callado, Puno ng Kagawaran ng Agham kasabay ng imbitasyon sa pagbubukas ng kauna-unahang eksibit ng pinakamahuhusay na output at pananaliksik ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.
Itinampok sa eksibit na ito ang makukulay, masisining at makabuluhang mga obra maestra ng mga mag-aaral. Pinilahan at hinangaan ng mga estudyante ang mga eksibit na kinapulutan din ng samu’t saring kaalaman.
MATIRA MATIBAY!
Gaano nga ba katatag ang mga Roxasian pagdating sa pag-aaral? Makikita sa graph ang paghahambing ng mga bilang ng mag-aaral na babae at lalaki mula nang nagsimula ang klase noong Agosto 2022 at sa kasalukuyan.
May kabuuang 97% ng mga mag-aaral mula Baitang 7 hanggang 10 ang nanatiling nakatala pa rin sa paaralan. Sa mga kalalakihan, 96% ang nakaenroll pa rin samantalang 97% naman sa mga kababaihan.
Ilan sa mga itinuturong dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ang mga sumusunod - paglipat ng paaralan, karamdaman, suliraning pampamilya, kakulangan ng pantustos sa pag-aaral, pangangailangang alagaan ang nakababatang kapatid, paghahanapbuhay, maagang pagbubuntis, kawalan ng interes sa pag-aaral at iba pa.
Target ng Department of Information and Communications Technolgy ang 100 porsiyentong target na pagpaparehistro sa Abril 26 kaya nagbigay ng panibagong palugit ang pamahalaan para sa mga hindi pa rehistrado ang SIM card.
PBB Housemate Fumiya, Bumisita sa MARHS
Malugod na sinalubong ng Manuel A. Roxas High School (MARHS) ang dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) na si Fumiya Sankai o mas kilala bilang Fumiya, noong Marso 27, 2023 sa pangunguna ni G. Cipriano T. Lauigan, Punongguro, kasama si G. Berwyn N. Bautista, Puno ng Kagawaran ng Ingles at Gng. Maria Katrina Magboo-Menor, guro ng Nihonggo.
Bumisita si Fumiya sa paaralan at nagturo ng pagluluto ng ‘Takoyaki’, isang kilalang pagkain ng mga Hapon. Ito ay ginawa sa klase sa Nihonggo ng Baitang 10Aguinaldo ni Gng. Magboo-Menor.
Ibinahagi rin Fumiya sa klase ang kanyang mga pangarap sa buhay habang pinagsasaluhan ng klase ang nilutong takoyaki.
Bagong Pari ng Penafrancia, Itinalaga
Itinalaga kamakailan si Reberendo Padre Herbert John Camacho bilang bagong kura paroko at rektor ng Dambana at Parokya ng Inang Birhen ng Penafrancia.
Isinagawa ang Banal na Misa at Pagtatalaga kay Reb. Padre Camacho noong Pebrero 15 sa pamumuno ng Kanyang Kabunyian Jose F. Cardinal Advincula, Arsobispo ng Maynila.
Pinalitan ni Father Camacho si Reberendo Padre Carmelo Jek Arada na kasalukuyang naglilingkod sa Parokya ng Santisima Trinidad sa Malate, Maynila.
Nabibilang ang Mataas na Paaralang Manuel A. Roxas sa mga paaralang pinaglilingkuran ng Dambana at Parokya ng Inang Birhen ng Penafrancia.
3
- Charlene Baes
- Jirah Jade Belano
- Jirah Jade Belano
- Charlene Baes
- Charlene Baes
Alumni, Balik-Roxas
Mahigit tatlong libo ang nagbalik-Manuel A. Roxas High School (MARHS) sa pagdiriwang ng ika-75 General Alumni Homecoming na ginanap noong Enero 29, 2023, 8:00nu hanggang 5:00nh.
May temang “Magalak sa Payak na Kapistahan sa Roxas”, ito ang unang face to face na alumni homecoming na isinagawa sa loob ng paaralan na pinangunahan ng mga nagtapos sa MARHS 1973, 1983. 1993 at 2003.
Sinimulan at pagdiriwang sa isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Joel DL. Rescober, CM, kura paroko ng St. Vincent ng Paul Parish, MARHS Batch ‘93.
“Ang araw na ito ay isang pagpupugay sa inyong lahat at pag-aalala sa mga naging karanasan ninyo sa ating paaralan na humubog sa inyong pagkatao at naging dangal upang maabot ninyo ang inyong mithiin para mapagtagumpayan ang anumang hamon sa buhay. Ito ay isa ring pagdiriwang ng tagumpay ng bawat isa sa atin”, pagbabahagi ni G. Cipriano T. Lauigan, Punongguro ng MARHS sa kanyang bating pagtanggap.
Pinakatampok na bahagi ng programa ang pagparada ng lahat ng mga batch kung saan ibinibida ng bawat batch ang kanilang dami at sigla bilang Roxasian.
Alternative Delivery Mode, ipinatupad
Inilabas ng pamunuan ng Manuel A. Roxas High School noong Abril 27, 2023 ang pansamantalang iskedyul gamit ang alternative delivery mode (ADM) na ipatutupad sa susunod na dalawang linggo bilang tugon sa matinding init na nararanasan ngayon sa mga paaralan.
Magsisimula sa Mayo 2, ipatutupad ang pansamantalang pagbabago sa iskedyul alinsunod sa DepEd Order No. 37, s2022 na nagtatakda ng kanselasyon o suspensyon ng mga klase sa gitna ng “natural disaster, power outages/ power interruptions and calamities”.
Sa iskedyul na ito, muling isasagawa ang klase gamit ang blended learning modality.
Papasok sa paaralan (face to face) ang mga mag-aaral sa Baitang 7 at 10 mula 7:00 nu hanggang 12:15 nt tuwing Lunes at Martes at tuwing Huwebes at Biyernes ang Grade 8 at 9. Tuwing Miyerkules,7:00-10:00 nu ang klase ng Baitang 7 at 10 at 10:151:15 naman ang Baitang 8 at 9.
Asynchronous class naman ang mga mag-aaral ng Grade 8 at 9 tuwing Lunes at Martes, 7:00nu12:15 nt at tuwing Huwebes at Biyernes ang Grade 7 at 10.
Sa kanyang pagreretiro...
PAGPUPUGAY KAY SIR LAUIGAN!
“You are a true leader that no one can replace” pagpupugay ng Pangalawang Punongguro na si Mark Gil Tabor kay G. Cipriano Lauigan, magreretirong Punongguro ng Mataas na Paaralang Manuel A. Roxas. Isang sorpresang pagpupugay ang isinagawa para kay G. Lauigan sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG) kasama ang mga guro at tagapamuno ng paaralan noong Mayp 24, 2023 sa Amadome. Sinimulan ang pagpupugay sa “earthquake drill” upang tipunin ang lahat ng mag-aaral at mga guro sa
“Nagtaka pa ako kung bakit ko kailangang lumabas, ang sabi ko pa sa kanila, bakit ko kailangang lumabas? May ginagawa nga ako. Then when i came out, nagulat na lang akong may paganito pala” kwento ni G. Lauigan.
Unang nagbigay ng mensahe ang Pangalawang Pangulo ng SSG na si Jazmin Galino kung saan ibinahagi niyang tinuruan sila ni G. Lauigan na ipahayag ang karapatan bilang mga mag-aaral.
“Ako’y natutuwa sapagkat sa Paaralang Roxas naisipan ni Sir ang pagtatapos niya ng kanyang trabaho bilang principal”, ani Ginoong Manny Osal, dalubguro ng Technology and Livelihood Education (TLE). “Bago pa dumating si Sir Lauigan, madumi at makalat pa rito sa Roxas, ngayon naman tingnan niyo, clean and green” dagdag pa niya.
Inilahad ni Gng. Ana Salamanque Dulatre, guro sa Technology and Home Economics (THE) na talagang nakita nila ang pagsusumikap ni G. Lauigan upang maiayos ang pasibilidad ng paaralan lalo na ng sa kanilang departamento gayundin ang pagkakaroon ng maayos na puwesto ng retail store, at mga kantina. Idinagdag pa niyang napalaki at napaganda ni G. Luigan ang conference room ng MARHS. Tinapos niya ang kanyang mensahe sa pagsasabing
“He is strict but has a heart.”
“Matatag na Ama” sigaw naman ni G. Eros Christopher Lirio,
MARHS Printing Station, Bukas na!
Bukas na ang Silid Brigada ng Mataas na Paaralang Manuel A. Roxas sa ilalim ng Brigada Eskwela (BE) 2022 sa pakikipagtulungan ng School Parents and Teachers Association (SGPTA), Kagawaran ng Filipino at ilang mga mag-aaral. Dalawang proyekto ng BE ang tampok sa Silid Brigada – ang printing station na nagbibigay ng free printing sa mga mag-aaral mula sa donasyon ng SGPTA gayundin ang Silid-Unlad Basa
nanunuparang pinuno ng MAPEH. “Sa apat na taong pagtataguyod ng Roxas, I’ll say it’s hard to find someone like him.” dagdag pa niya.
Nakipagsabayan din sa pagawit ng “Ngayon at Kailanman” si G. Lauigan na inalay ng mga magaaral mula sa SSG na sina Hadiyah Murillo at Stephanie Mapute. Sinundan ito sayaw na nagbigayaliw pati na rin sa mga mag-aaral. Sa mensahe naman ng Pangulo ng SSG na si Bianca Marie Resterio, ipinahayag niyang sa dalawang taon ng pananatili niya sa MARHS, naramdaman niya ang pangangalaga at pagtitiwala ni G. Luigan sa kakayahan ng mga mag-aaral. Idinagdag pa niyang sila’y nahikayat na magkaroon ng matayog na pangarap.
Inialay naman ni G. Mark Ian Manalad, guro sa MAPEH, ang awiting “Hahanapin Ko” sa ngalan ng mga guro.
“I am here to serve and not to be served.” ang mensaheng ipinaabot ni G. Lauigan sa lahat.
Para mga mag-aaral ang kanyang bilin, “Sikapin makamit ang titulo ninyo sa buhay”.
kung saan isinasagawa ang klase sa lalo pang paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral na umunawa sa binasa. Ang libreng pagpapaprint para sa mga mag-aaral ay kapalit ang mga gamit nang mga boteng plastic. Dalawang yunit ng computer na may kasamang printer ang kaloob ng SPTA sa Printing Station samantalang may mga printer ding maaaring gamitin ng mga guro.
Roxasians: Humakot ng Parangal sa MIPIBIEx
Humakot ng iba’t ibang karangalan ang Manuel A. Roxas High School Senior High School (MARHS-SHS) sa Manila
Intellectual Property Innovation and Business Incubation Expo 2023 (MIPIBIEx) noong Abril 22, 2023 sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Pitong guro at limang pangkat ng mag-aaral ang naguwi ng karangalan mula sa mga pananaliksik na isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng National Innovations Day sa Lungsod ng Maynila.
“Marami pong salamat sa ating pamunuan, guro at mga kapwa mag aaral na sumusuporta sa larangan ng pananaliksik bilang solusyong tugon sa problema ng bayan. Nawa ang bawat panaliksik ay maging bahagi ng ating kultura na sasalamin sa ating kakayanan at abilidad upang maging mapanuri at matagumpay sa hamon ng buhay”, pahayag ni G. Antonio A. Montellano Jr.
Nag-uwi ng ikatlong puwesto,
Manila Seal of Excellence Award si G. Montellano sa Product Innovation Teachers Creative Research - Physical Science Category.
Ipinahayag naman ni G. Mark Gil V. Tabor, Pangalawang Punongguro ng MARHS-SHS ang pagbati sa mga guro at mag-aaral.
“Sa nakalipas na buwan, ating nasaksihan ang ating mga guro kung paano nila inihanda ang kanilang mga mag-aaral para sa prestihiyosong kumpetisyon sa lungsod ng Maynila, at ganoon din naman ang kanilang pagnanais na mas pagyabungin at pag alabin pa ang kanilang propesyon sa pamamagitan ng kanilang innovation at research“, dagdag pa niya.
Nangako rin si G. Tabor na mas bibigyang pansin at paiigtingin ang suporta sa mga masisigasig na mga guro at mag-aaral upang patuloy silang makapaglikha ng dekalidad at inobatib na pananaliksik.
4
- Soulah Tiara Inacay
- Princess Kieyan Gariando
- Princess Kieyan Gariando
- Charlene Baes
- Charlene Baes
Mungkahing Alternatibong Kurikulum na ‘K + 10 + 2’, Makatutulong Nga Ba?
Isinulong ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria MacapagalArroyo ang House Bill No. 7893 upang ipalit ang K to 12 education program sa isang sistema na tinawag niyang “K to 10 + 2”.
Base sa House Bill No. 7893, ang inihain na panukala ay patuloy pa ring sasaklawin ang kindergarten at sampung taon ng basic education. Ngunit pagkatapos ng k to 10, magiging opsyon lamang ng mga magaaral na kunin ang karagdagang dalawang taon ng pre-university education upang sila’y ihanda para sa pag-aaral ng propesyonal na kurso.
Ayon kay Arroyo, ang kasalukuyang K to 12 curriculum ay hindi nakamit ang layunin nitong maghatid ng mga magaaral na handa para sa mundo ng trabaho. Ang kabiguan ng programang K to 12 ay dagdag pasanin sa mga magulang at magaaral na ipinataw ang dalawang karagdagang taon.
Sa isang survey ng Pulse Asia noong 2022, 44% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila kuntento sa sistema ng K to 12.
Dagdag pa ni Arroyo, ang ating bansa ay may 18% poverty incidence kaya dapat magkaroon ng opsyon na makapagtapos ng pangunahing edukasyon sa lalong madaling panahon.
Sa panahon ngayon, masasabi pa bang epektibo at nakatutulong ang K to 12 curriculum sa mga estudyante at magulang?
Ang patuloy na pagtaas ng mga gastusin ay maaaring maging isang pasanin para sa mga pamilya na may limitadong pinansyal na kakayahan. sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata.
Sa mga nagdaang panahon, ang mga estudyante ay napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal. Dahil dito, kasabay ng poverty rate ang pregnancy rate sa bansa, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Ang mga Pilipino ay patuloy na naghahanap ng mga paraan upang malutas ang kanilang mga suliranin. Tama ito ngunit mahalaga ring tandaan na ang tunay na solusyon sa kahirapan natin ay matatagpuan sa kalooban ng bawat Pilipino, at ito ay ang pagmamahal. Hindi natin kinakailangan ang K-12 sistema ng edukasyon, bagkus ang pangangailangan natin ay ang magpakita ng malasakit sa ating mga kapwa Pilipino upang mapaunlad ang ating bansa.
Tungo sa Iyong Tagumpay!
Talong “Recognition Day” o Araw ng Pagkilala sa mga natatanging mag-aara lumipas. Tatlong beses nang itinananghal ang mga mag-aaral na nagpahusay sa iba’t ibang markahan. Pagbati sa lahat ng kinilala!
Kitang-kita ang ngiti at naguumapaw na kagalakan sa mukha ng bawat estudyante sa kanilang sertipikong natamo. Isang matamis na bunga ng ilang buwang pagpupunyagi!
Ngunit biglang sumagi sa aking isipan… Paano ang mga
estudyanteng na datapwa’t nagbigay din ng kanilang lubos na makakaya, hindi pa rin umabot sa kinakailangang marka? Ano ang kanilang nararamdaman? Dapat ba silang malungkot at mawalan ng gana sa kanilang pag-aaral?
Huwag masiphayo! Bilang inyong kapwa mag-aaral, mula sa aking puso binabati ko kayong lahat! Ang inyong mga pagsisikap ay aking hindi mauuwi sa kawalan! Ang sipag at tiyaga na inyong ipinamalas sa buong taon ay talagang kahanga-hanga.
Ipagpatuloy niyo lamang at huwag na huwag sumuko! Maging positibo, huwag iisipin na balewala ang lahat ng pawis at pagsisikap na binuhos mo sa iyong pag-aaral. Sapagkat sa bawat hakbangin na iyong ginagawa, nariyan ang iyong pamilya na gumagabay at ang mga kaibigan na sumusuporta. Nariyan lamang sila sa iyong likuran, ipinagmamalaki ka at pumapalakpak sa bawat hakbang na iyong tinatahak.
Huwag isipin na ikaw ay
isang kabiguan, sapagkat ang mga marka ay hindi tumutukoy sa iyong kakayahan, halaga, at pagkatao. Ang mas mahalaga ay kung paano mo pinagsumikapan ang lahat ng bagay. Kung paano mo minahal ang pag-aaral at kung ano ang iyong mga natutunan.
Kung hindi ka man nakakuha ng karangalan, hindi isang kabiguan. Kaya huwag malumbay, atin laging isaisip na sa bawat pagsisikap, may nakaabang na kapalit na tagumpay sa hinaharap. Di nga ba’t marami
ka ring natutuhan at maraming nadagdag sa iyong kaalaman dahil sa tiyaga mong mag-aral?
Marami pang pagkakataon ang nag-aabang sa iyo upang makabawi sa susunod at maungusan ang mga bagay na nais mong makamit.
Maaari mong gamitin ang iyong karanasan upang madala mo ang iyong sarili sa tagumpay. Kaya kaibigan, padayon lang!
PATNUGUTAN
Patnugot sa Balita
Patnugot sa Agham
TJ Mallari
Pangalawang Patnugot
Charlene Baes
Patnugot sa Lathalain
Kyra Rose Orbigo
Katrina Angeline Picart
Nanunuparang Patnugot sa Palakasan
TJ Mallari
Mga Kontributor: Princess Kieyan Gariando, Alyssa Khaye F. Plazuelo, Ellysiah Reanne Rabanera, Juan Will Carlos Zaragoza, Ma. Shania Rose D. Taguinod, Stephanie Mapute, Soulah Anhasieta E. Inacay, Russel Julian J. Teodoro, Julia Rhobert Tabor, Shane Daria, Andrea Kate Dela Cruz, Charmae M. Dela Cruz, Isseya H. Quintana, Jirah Jade O. Belano, Lenin Paula Walican, Mikaella Reyes, Rhyanne Judielle Huerto
5
- TJ Mallari
Punong Patnugot
Tasya Arabela Palon
BAON MO, I-FLEX MO!
Nang tumaas ang ng inflation rate sa Pilipinas sa 7.7% noong Oktubre 2022, pinakamataas na hindi inaasahang maranasan mula noong 2008 financial crisis. Tunay na nakababahala ang inflation sa ating bansa na pati mga kabataan lalo na ang mga nag-aaral ay apektado nito.
Upang buksan ang isipan ng mga Pilipino sa epekto ng 14year high inflation rate sa pagkain at gastusin ng mga estudyante, bumuo ang Kabataan Party List ng isang kakaibang kampanyang naglalayong kumuha sa pansin ng publiko tungkol sa krisis
pang-ekonomiya ng bansa na nakaaapekto maging sa mga mag-aaral. Hinikayat nila ang mga estudyante na i-post sa social media ang mga karaniwang gastusin ngayon sa paaralan at ikumpara ito sa kanilang ‘baon’ bago ang pandemya upang ipakita kung gaano tumaas ito. Buong igting kong sinusuportahan ang kampanyang ito sapagkat ang lahat ay maaaring sumali at magbahagi ng kanilang pansariling karanasan. Sa tulong din ng social media, mas mabilis kakalat at makakaabot sa mga opisyal ang hirap na kinakaharap ng mga
estudyante.
Sa pagbalik ng face-toface classes, umasa ang mga estudyante na makapag-ipon ng baon. Subalit bakit tila kabaliktaran ang nangyayari ngayon?
Kung ako ang tatanungin, dahil na rin ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin bukod pa sa kakulangan sa paghahanda para sa face-to-face classes. Kaunti o wala nang mabibili ang karampot na kita ng kanilang mga magulang. Ang masaklap nito, bumaba pa ang suplay ng pagkain dahil sa pagtaas ng mga gastos sa produksyon.
Ang nagagastos ng estudyante ay halos dumoble sa kailangan niyang iluwal na pera para makakain. Pati nga ang pamasahe ay mataas na rin. Dapat bigyan ng pinakamabilis na aksyon ni Pangulong Marcos Jr. ang pagsugpo sa mataas na presyo ng bilihin. May ginagawa bang aksiyon ang pamahalaan para mapababa ito?
Ayon sa SWS survey, 49% ng mga pamilyang Pilipino ay “mahirap” ang tingin sa kanilang sarili. Ang baon challenge bahagi ng pangkalahatang panawagan para sa isang 100% Ligtas, Abot-
kaya at De kalidad na Balik-Eskwela upang matiyak ang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Sana sa pamamagitan ng ‘Baon Challenge’, malinawan sana ang gobyerno sa matinding suliranin na hinaharap natin ngayon. Pati mga kabataan na tulad ko ay apektado na rin. Kawawa ang mga pamilyang pinagkakasya ang pera para lamang makaraos sa buong araw. Paano na ang mga kabataan kung ngayon pa lang ay hinaharangan ng kahirapan ang daan tungo sa kanilang kinabukasan? Maawa sana sa mga isang kahig, isang tuka.
Pagpalit Laban sa Mabagsik na Init
Habang tumitindi ang init ng panahon, nagpasiklab naman ito ng isyung may kaugnayan sa pagpapatuloy ng mga klase sa mga paaralan. Batay sa World Health Organization (WHO) at artikulong “Excessive heat and student learning,” ang mataas na heat index ay may malalang epekto sa kalusugan at pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaya nararapat lamang na magkaroon solusyon upang maiwasan ang panganib ng matinding init.
Ang matibay na iminumungkahi sa pamahalaan ang pagpapalit ng school calendar nang sa gayon ay maiwasan ang pagpasok ng mga mag-aaral
sa paaralan sa kasagsagan ng napakainit na panahon. Katulad na lamang ng ipinaglalaban ng
Alliance of Concerned Teachers (ACT) na pagkakaroon lamang ng 185 na araw sa kalendaryong pampaaralan upang dahandahang maibalik ang simula ng klase sa Hunyo. Dati, wala nang klase sa panahon ng tag-init, nagsisismula ang klase ng Hunyo at natatapos ng Marso. Ngunit nabago ito dahil sa pandemya.
Tiyak na may kaakibat na mga hamon ang pagpapalit ng school calendar tulad na lamang ng maiksing bakasyon o pahinga ng mga mag-aaral at guro, salungatan sa iskedyul ng mga aktibidad at
gawain sa paaralan, at pagkabigla ng mga mag-aaral at mga guro sa pagbabago. Sa lahat naman ng desisyon ay may pagpalag sa iba’t ibang sektor. Ang mga hamong ito ay kaya namang harapin at lampasan ng lahat. Sa paglipas ng panahon, maiaakma rin ng mga tao ang pagbabago. Napakahalagang isipin na ang isyung ito ay hindi lamang para sa kaginhawaan ng mga mag-aaral kung hindi para na rin sa kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral, guro at iba pang gumaganap ng tungkulin sa loob ng paaralan. Ang matinding init ay makapagdudulot ng problemang pangkalusugan tulad ng heat stroke, dehydration,
heat exhaustion, at maudyukan ang karamdaman ng tao, mula sa WHO.
Hindi lahat ng paaralan ay may kakayahan o may kumpletong kagamitan upang maagapan ang pagkakasakit ng mga magaaral. Hindi rin sapat ang mga pasalidad ng mga paaralan tulad ng klinika at pagsisiksikan ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Minsan di’y nagsasabay-sabay ang pagkakasakit ng mga magaaral dahil sa init at kaunti lamang ang may kaalaman sa pag-agap o pagtulong sa mga maysakit. Makakaapekto rin ito sa akademikong pagganap ng mga estudyante dahil mahihirapan
silang magpokus at matuto. Sa kabuuan, ang pagpapalit ng school calendar ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri at angkop na desisyon upang maiwasan ang di mabuting epekto ng kasagsagan ng napakainit na panahon. Malaki ang kapakinabangan nito upang mabawasan ang mga panganib sa kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang gumaganap ng tungkulin sa paaralan. Subalit nararapat muna itong planuhin at araling mabuti ng pamahalaan. Dapat ding isaalang-alang at timbangin ang mga mabuti at di mabuting epekto sa lahat.
6
Larawan mula sa Manila Bulletin
Larawan mula sa FoodTray2Go
- Tasya Arabela Palon
- Kyra Orbigo
PARA NGA BA SA BAYAN?
‘’Paano ang ating ekonomiya kung mawawala nang tuluyan ang mga papasada?’’
Inatras na nga ng Land
Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkansela ng prangkisa ng mga tradisyunal na dyipni mula ika-30 Hunyo 2023 at itinakda sa ika-31 Disyembre 2023 upang maayos ng mga jeepney operators ang lahat ng kanilang dokumento para sa inihahandang transport modernization.
Isa sa mga ipinagmamalaki nating mga Pilipino ang agawpansing mga dyip dahil sa kulay at palamuti nito. Bahagi na ito ng ating kultura. Bukod sa angking kagandahan at nakasanayang pampublikong sasakyan, makulay din ang kasaysayan nito.
Ang mga tradisyunal na dyip ay binansagang ‘’Hari ng Kalsada’’ dahil ito ang pinakamura, pinakamabilis at pinakasikat na pampublikong sasakyan. Ginawa ng mga Pilipino ang dyipni noong taong 1945 matapos ang ikalawang digmaang pandaigdigan sa Pilipinas upang masolusyunan ang problema sa mass transportation. Noong natapos ang digmaan, maraming sasakyang pandigmaan o military vehicles ang naiwan ng mga Amerikano at ito’y kanilang pinagbasehan.
‘’Willys’’. Ito ang tatak ng mga sasakyang pandigmaan ng mga Amerikano. Dito kumuha ng konsepto ang mga Pilipino upang gawing dyip. Pinahaba nila ito upang magkasya ang 10-25 pasahero. Bukas din ang mga bintana nito para mahangin
kung saan-saan sila nagbababa ng pasahero at nagbababad sa kalsada upang maghintay ng pasahero. Ang limang minutong byahe lang dapat ay nagiging 20 minuto dahil dito. Nakapagpapainit ito ng ulo ng
na tsuper, ayun, napapakamot na lang sa ulo at di malaman paano pananagutan ang mga disgrasya. Ang iba naman ay nagiging pabaya kaya hindi napapanatili ang kaayusan at kalinasan ng mga dyip. Ang resulta - usok!
Nararapat na masusing pagsusuri at konsultasyon sa maraming sektor. Malawak ang sakop nito at hindi lamang para masolusyunan ang problema sa polusyon sa hangin at climate change.
Liham sa Patnugot
Magandang araw! Nais ko pa sanang ipahayag ang aking pagkadismaya sa iresponsableng pagtatapon ng basura ng ilang mga estudyante ng MARHS. Bilang magaaral na pinapahalagahan ang libreng pagpapaaral sa amin ng gobyerno, naniniwala akong isa sa mga magagawa namin bilang pasasalamat ay panatilihing malinis ang bawat sulok ng paaralan. Nirerespeto ko ang ating paaralan at wala akong ibang gusto kundi ang maging maayos at malinis ito. Sana’y bigyang-pansin natin ito sapagkat hindi ito maganda para sa atin at maraming maaaring maapektuhan. Hindi rin ito makabubuti sa ating kalusugan. Isa pa, nakabibigat sa trabaho ng ating mga ate at kuya sa paaralan ang pagkakalat natin.
Sa mga kapwa ko mag-aaral, nais kong imungkahi sa inyo ang mga maaari nating gawin para sa mas malinis na paaralan. Pwedeng ibulsa muna natin ang mga basura hanggang sa makahanap tayo ng tamang basurahan para maitapon ito. Kung hindi naman kalabisan, maaari rin sana tayong pumulot ng mga basura na nakakalat sa paligid at itapon ito sa tamang basurahan… pero huwag nating kalimutang maghugas ng kamay!
Maging responsable tayo upang mapanatiling malinis ang paaralanan. Unti-unti nating sanayin ang ating sarili dahil ito ay para rin sa ating kapakanan. Walang ibang magmamahal sa ating paaralan kundi tayo ring mga Roxasian. Itatak din natin sa ating mga isipan - kung hindi mo kayang maglinis, huwag mo na lang dumihan.
Mga kapwa mag-aaral… baka naman… pwede naman! Lubos na nagmamalasakit, STAI
Dapat talaga itong planuhing mabuti at pagusapan ng lahat ng ahensyang sangkot at mga namumuno sa mga grupo ng transportasyon upang walang maapektuhan na mga pasahero at maging matagumpay ito. Nararapat paglaanan ng panahon at siguraduhing mawawalan ng ang mga ng tradisyunal dyipni. Huwag sana kalimutan na bahagi na ng kasaysayan at ang tradisyunal Ang dyip ay pagkakakilanlan bilang Pilipino. Pinadali nito ang biyahe natin. Sa simpleng pagkumpas lamang ng iyong kamay ay makasasakay ka na at simpleng pagsabi ng ‘’para’’ ika’y makabababa na. Kaya ikaw, kapwa Pilipino, payag ka bang mga tradisyunal na dyipni ay maglaho? Saang panig ka- tatanggalin o pananatilihin?
Nais ko sanang sa pamamagitan ninyo, maipaabot ko ang aking mensahe sa ating punonggurong si G. Lauigan.
Salamat, Ginoong Cipriano T. Lauigan sa isang taon na puno ng mga hindi malilimutang karanasan. Itatago namin ang mga karanasang iyon hanggang sa wakas. Ang iyong pamana ay maaalala magpakailanman.
Hinding hindi malilimutan ang iyong epekto sa aming buhay. Lagi mo kaming binibigyang inspirasyon na gawin ang aming makakaya bilang mga mag-aaral.
Maraming Salamat, Ginoong Lauigan. Maraming Salamat Ginoo sa pagiging napakahusay at pambihirang pinuno, sa pamamahala sa buong paaralan.
Siguro ang ilan sa iyong mga paraan ay medyo nakakagulat sa akin at sa iba pang mga bagong mag-aaral dito ngunit sa tingin ko iyon ang iyong paraan ng pamumuno sa paaralan.
Aalalahanin namin ang iinyong hindi natitinag na dedikasyon at ang iyong paniniwala sa potensyal ng bawat mag-aaral.
Napakahalaga ng iyong pangako sa aming edukasyon at personal na paglago. Hindi lamang ninyo kami ginawang mas mabuting mga mag-aaral kundi maging mas mabuting mga indibidwal. Ipinagdiriwang ka namin, ang iyong mga kontribusyon, at ang pangmatagalang pamana na iyong iniiwan.
Maraming Salamat po!
Lubos na gumagalang, K ng Baitang 7
7
- Andrea Dela Cruz
Larawan mula sa Unsplash
Bukod Tangi ang Nanay ko! 8
Bukod Tangi ang Nanay ko!
Ina, ang ilaw ng tahanan na nagbibigay liwanag sa buhay nino man. Ang taong patuloy na nag - bibigay kalinga sa atin bago pa man tayo maisilang. Siya ang nagbubuhos ng hindi ma - papantayang pagmamahal.
Dakilang ina, kayang isakripisyo ang kanyang sarili para sa ikalil- igaya at ikauunlad ng kanyang pamilya. Hindi lamang siya pantahanan, siya ay nakikipagsapalaran din para sa magandang kinabukasan.
Dugo, pawis, at panahon ang inaalay tungo sa pagtamo ng matatayog na pangarap ng pamilya.
Inang Laging Umaalalay
Nakaupo sa isang sulok ng paaralan. Minsan sa hagdan. Minsan sa harap ng silid-aklatan. Hindi, hindi naman siya guwardiya. Isa siyang ina. Si Gng. Daleen Chua.
Madalas natin siyang makikita sa paaralan. Nagtataka ba kayo kung bakit? Nabalian kasi ng buto ang kanyang anak na Baitang 7 minsang nasa paaralan.
“Naa-afford ko na nandito ako sa school kase kinakailangan at para sa anak ko dahil minsan na siyang nadisgrasya sa school, na-trauma na ako. Nakakapagod na halos buong araw sa school pero mas nangingibabaw ang masiguro ko ang kaligtasan ng anak ko at makatulong din sa ibang mga bata na kailangan ako.”
At tunay nga. Siya ang takbuhan ng mga mag-aaral na nangangailangan ng payo sa mga pagkakataong nagkakaroon sila ng suliranin sa klase. Nagsimula nga si Tita Dhal na tumutulong sa isolation room ng paaralan na nagbibigay ng paunang lunas sa mga mag-aaral na may problema sa kalusugan. Isa kasi siyang rehistradong nars. Naglilingkod din siya bilang Ingat-yaman ng School Parents and Teachers Association.
“Ako ay nagpapasalamat dahil nagtitiwala sila sa akin at panatag ang mga kalooban nila sa aking lumapit para sa mga batang nagtatanong o kumakausap sa akin.”, buong pagmamahal niyang wika.
“Marami rin akong kinakaharap na problema tulad sa pinansyal. Walang mag-aasikaso sa anak ko kapag nasa trabaho kaya mahirap talaga. Pero ang isang ina lahat kayang tiisin para sa anak”, dagdag pa niya kaugnay ng kanyang karanasan bilang solo parent.
“Ako ay 47 taong gulang, single mom, widow. Ang pinakamahirap na moment bilang isang ina ay magisang magtaguyod sa anak. Hindi inaasahan na mangyayari yun.”, paglalahad pa ni Gng. Chua..
Ayon sa pag-aaral na pinondohan ng World Health Organization, Department of Health (DOH) at University of the Philippines-National Institutes of Health, ang bilang ng solo parents sa Pilipinas ay kasalukuyang tinatayang nasa 14 milyon hanggang 15 milyon. Siyam sa bawat sampung solong magulang sa Pilipinas ay kababaihan o 95 porsiyento ng kabuuang 15 milyong solong magulang sa Pilipinas.
Sadyang kahanga-hanga ang tulad ni Tita Dhal na mag-isang itinataguyod ang anak. Kaya naman bilang mag-aaral, dapat ay pahalagahan natin ang ating pag aaral upang kahit sa maliit na paraan ay matulungan natin ang ating mga magulang lalo kung sila ay nag-iisa lamang sa pagpapalaki sa atin.
Bagama’t hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na pumili ng magiging ina natin, ang bawat isa naman ay biniyayaan ng magkakaibang inang dakila sa iba’t ibang paraan. Hindi sila pare-pareho ng katangian at estilo ng pagiging ina, ngunit nagiging isa sila sa tanging mithiin. Nangangahulugang may kakaibang paraan ang bawat ina sa pagpadama ng kanilang dalisay na pagmamahal. Ngayon tunghayan natin ang iba’t ibang nakamamanghang kuwento ng mga ina.
Nanay Rider na, Guro pa!
Lahat tayo ay may istorya ng buhay, sa ating naging karanasan, mga pinagdaanan at naging pagsubok. Bilang isang kabataan, ang kwento ko ay ang aking naging karanasan bilang mag-aaral simula noong ako ay bata.
Namulat ako na laging nasa tabi ko ang aking magulang na gumagabay sa aking mga aralin tuwina. Maliit pa lamang ako, batid kong hindi lamang sa akin ginagawa ng aking nanay ang pagtuturo sa mga bata, maging sa kanya mismong mag-aaral sa paaralan. Titser ang nanay ko. Siya si Gng. Meriam Walican.
Bata pa lamang ako, sinanay na ako ng aking inang lumahok sa mga paligsahan sa pagbigkas sa loob at labas ng aking paaralan. Si Nanay mismo ang may likha ng mga tula. Natatandaan ko rin na ilang beses akong sinabitan ng medalya ng aking nanay noon ako ay nasa elementarya pa. Dahil sa kanyang paggabay kaya ko nakamit ang mga karangalan, sa kabila ng marami siyang gawain sa paaralan.
Nasaksihan ko ang mga pang-araw-araw na gawain ng aking nanay. Maagang pumasok sa paaralang pinapasukan, matiyagang nagtuturo sa kanyang mga magaaral. Pasensya niya ay pinahahaba hindi lang sa akin maging sa mga makukulit na bata. Ang bawat aralin, matiyaga niyang ipinauunawa sa mga estudyante niya. Tinitiyak niyang taglay nila ang kaalaman at ibinibigay ang nararapat upang kinabukasan naming mga bata ay mapanday.
Nakikita ko siyang bago matulog lesson plan ang tinatapos kahit pagod siya sa gawain sa paaralan. Tungkulin niya ay tinatapos kahit sabi niya kapos ang sahod. Ang mga guro ay bayani ng ating bayan, kaya dapat pangangailangan nila ay tugunan.
Kaya naman, ikararangal ko at isisigaw sa buong mundo - TITSER ANG NANAY KO!
Magugulat ka ba kung malaman mong rider pala ang iyong ina? Para sa mga anak ni Gng. Ivy Sapasip, ang katotohanang ito ay ipinagmamalaki nila! Walong taon nang guro ng Senior High School si Gng. Ivy Santillan Sapasip sa Mataas na Paaralan ng Manuel A. Roxas. Bago pa man siya mapadpad sa ating paaralan, nagturo muna siya sa Beata Elementary School at Bagong Barangay Elementary School nang mahigit sampung taon. Katunaya’y naging aktibong tagapamatnubay siya ng pamahayagang pampaaralan. Labingwalong taon na siyang nasa serbisyo bilang isang guro. Hindi lang sa pagtuturo magaling si Gng. Aivy kundi pati na rin sa pag-aalaga ng kanyang tatlong anak na lalaki.
Ayon kay Ma’am Ivy, ang pagbabalanse ng oras sa kanyang mga anak at pagtuturo ay isang hamon na kinakaharap niya dati bilang isang magulang at unang guro ng mga ito.
Para makabawi sa kanyang mga anak ay humaharurut si Gng. Aivy sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan para tutukang muli ang kanyang mga anak sa pag-aaral at maibigay ang mga pangangailangan nila. Isang mahusay na guro at mapagmahal na nanay, si Ma’am Ivy ay rider. Nagsimula ang pagkahilig niya sa pagmomotor dahil sa kanyang tatay na isang kolektor ng iba’t ibang uri ng motorsiklo. Sa edad na 12 taon, natuto si Ma’am Aivy magmaneho ng motorsiklo.
“Bago ako turuan, ang kabilin-bilinan sa akin ng tatay ko ay ‘safety always comes first.”, aniya. Idinagdag din niyang tuwing nasa kalsada, ang tanging kakampi lang ng nagmomotor ay ang manibela at ang helmet na suot-suot niya. Dalawa lamang ang gulong ng isang motor at ang mga kahati sa daanan ay apatan, minsan pa nga ay waluhan pa. Pero, nilulusutan lang ni Ma’am Ivy ang mga iyan tuwing haharurot siya sa kanyang motorsiklo.
“Hindi na nga ako sanay mag-cocommute ako eh, natatagalan ako sa oras”, saad pa niya.
Patunay si Ma’am Ivy na ang isang ina, guro, babae ay may kakayahan ding maging, hindi hari kundi reyna ng kalsada.
“Never be confined to what society dictates you to be”, ‘yan ang buong tiwalang pahayag ni Gng. Ivy Santillan Sapasip.
TITSER ANG NANAY KO
- Shania Rose Taguinod
- Lenin Paula Walican
- TJ Mallari
- Kyra Orbigo
Halina’t magbasa!
“Kung may nakikilala kang mga taong punong puno ng katalinuhan, tanungin mo kung anong mga libro ang kanilang nabasa.”
Sa gitna ng pagyabong ng teknolohiya at pamamayagpag ng social media sa lipunan natin ngayon, tunay na mas makabuluhan pa rin ang pagbabasa ng libro, magasin at dyaryo. Oo’t marami tayong nakukuhang mahahalagang impormasyon sa internet, ngunit sa dami ng mga impormasyon, minsa’y napapaisip tayo kung ito nga ba ay tama at totoo.
Kaya naman, hindi maiiwasang bumalik pa rin tayo sa mga babasahing nakalimbag.
Kung madalas kang nagbabasa, malalaman mong tunay ang kasabihang ‘ang pagbabasa ay pintuan sa pagtuklas ng kaalaman’. Mula noon hanggang ngayon, sadyang sa pamamagitan ng pagbabasa natin napalalawak ang ating kaalaman, napalalawak ang ating mundo.
Sa ating bansa, isa sa mga
sikat na obra maestra ang “Noli Me Tangere “ at “El Filibusterismo” na isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Dahil sa nilalaman nito, nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino noong kasagsagan ng pananakop ng mga Espanyol. Ito rin ang naging inspirasyon ng ilan pa nating mga bayani gaya ni Andres Bonifacio upang ipaglaban ang kalayaan ng ating bansa.
Sa kasalukuyang panahon, naging paborito ng mga kabataan ang Wattpad na inilalathala online. Naglalabas ang Wattpad ng mga kwento o nobelang patok sa panlasa ng bagong henerasyon. Mula sa internet, naglimbag na rin ng mga nobelang mula rito. Ako ma’y nahumaling din sa Wattpad. Ilan sa aking naging paborito ay “He’s Into Her” at “Rain in Espana”, gayundin ang “University Series” na sinulat ni Gwy Saludes. Siyempre pa, ang mga aklat natin sa paaralan ay sadyang kapupulutan ng kaalaman na minsa’y nakalilibang ding basahin. Di nga ba, sa ayaw at gusto natin ay kailangan natin itong basahin?
Kung sa tingin mo ay nakatatamad o kaya naman ay sadyang ayaw mong magbasa nito, isipin mo na lang na anumang makukuha mong kaalaman dito ay kakailanganin mo hindi lang sa sabjek na pinagaaralan mo kundi maging sa kasanayan mo sa paglabas sa ‘totoong buhay’, kung ano man ang kahulugan sa atin nito. Ika nga, ‘mindset lang, mindset’.
Nakabubuting magbasa kapag wala tayong magawa kaysa maglaro o kaya tumutok sa social media. Kakaibang aliw ang dulot nito lalo na, para sa akin, ang mga nobelang ukol sa pag-ibig at hiwaga. Ang pagbabasa ay nakabubuti sa ating lahat dahil marami kang madidiskubre na bagong mga salita, gayundin, kinikiliti nito ang ating kaisipan, pinalulukso ang ating dibdib.
Kaya naman, samahan ninyo ako, halina’t magbasa!
Muli at Huli
“Beep beep beep beep…”
Iyan ang alarma na gumising sa akin. Kumisapkisap muna ang mga mata. Nagdadalawang-isip.
“Pasukan na nga ba talaga ulit?”. Pagkalipas ng ilang minuto ako’y bumangon, pumunta ng kusina at nagpainit ng tubig. Habang naghihintay, inunat-unat ko muna ang mga buto ko.
Pagkatapos maligo, bumili ako ng mainit na pandesal at nagtimpla ng isang mainit-init na gatas upang mabusog. Alam ko namang almusal ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw.
Sa kabila ng aking pagsisikap na bumangon at maghanda, ay!, Baitang 7 at Baitang 9 pa lang pala ang makararanas ng muling pagkikita sa paaralan sa araw na ito. Kaming Baitang 8 at 10 ay makababalik pa lang sa Miyerkules.
Washing in Schools
WinS Kontra-Sakit
Sa kabila ng pandemyang ating patuloy na hinaharap, naibalik na muli ang face to face classes. Ngunit ang banta sa kalusugan ng mga mag-aaral pati na ang lahat ay nanatiling matindi. Dahil dito maraming mga paraan ang isinusulong ng paaralan upang maproteksyunan ang lahat. Kabilang na rito ang tinatawag WinS o washing in schools na itinataguyod ang pangangalaga sa kalusugan. Sa loob ng paaralan ay may mga maaayos at malililinis na pasilidad na maaaring gamitin upang maisagawa ang WinS gaya ng mga palikuran, washing station at refilling station. Mapalad din kaming mga mag-aaral na mabahaginan ng tagapag-ugnay ng MARHS WinS na si Gng. Jennifer Mempin ng tamang paraan ng pagpapanatiling malinis ang kamay bilang
panlaban sa covid at iba pang mga sakit.
Napapaloob sa WinS ang tinatawag na hand hygiene o ang paghuhusgas ng mga kamay. Ang hand hygiene ay hindi lamang basta basta kundi ito ay may tamang pamamaraan.
Una, basain ang mga kamay ng malinis tubig at sabunin ito sa pamamagitan ng pagkuskus nang maigi sa harap at likod ng palad; mga daliri, mga puwang ng daliri; mga kuko at pulso hanggang sa siko sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo.
Sumunod, banlawan na ito nang mabuti gamit ang malinis na tubig at saka patuyuin ito gamit ang tuwalya o tisyu. Kung hindi talaga makakapaghugas ng mga kamay pwedeng gumamit ng hand sanitizer o rubbing alcohol. Kinakailangang gawin ang hand hygiene sa lahat ng pagkakataong tayo ay makakahawak ng mga bagay na lagi ring nahahawakan ng ating kapwa tulad ng pera, hawakan at iba pa. Dapat ding linisin ang ating mga kamay bago at pagtapos kumain gayundin pagkatapos gumamit ng palikuran.
Ang hand hygiene ay isa lamang sa mga paraang pangpakalusugan na dapat gawin ng mga mag-aaral kasama nito ang pagsusuot ng face mask at pagsasagawa ng social distancing. Ang mga pamamaraan sa pangangalaga sa kalusagan ay napakahalaga sapagkat mapapanatili nating ligtas at malayo sa sakit ang ating sarili maging ang ating kapwa. Kaya ito rin ay maituturing na maliit na responsibilidad sa ating paaralan
Sa ngayon ay online muna akong pumasok sa aking mga klase. Habang gumagawa ng aktibidad na ibinigay ng guro, aking napagtanto na ito na pala ang aking huling taon sa Junior High School.
Nakakakaba, nakasasabik at nakasisiya. Ganyan kong mailalarawan sa nararamdaman ko sa aking muling pagbabalik sa Mataas na Paaralang Manuel A. Roxas.
Nasasabik man, mayroon ding munting kirot sa aking dibdib. Baitang 7 lang pala ako nang huling pumasok sa Roxas. Dalawang taong nakulong sa bahay dulot ng pandemya at ngayon pasukan na ulit, Baitang 10 na ako! Sayang ang dalawang taong sana lubusan kong na-enjoy ang aking high school life. Sabi nga nila high school daw ang pinakamasayang yugto ng kabataan.
Hindi bale, umpisa sa Miyerkules, susulitin ko lahat. Babawi ako sa lahat ng nabiting samahan, tawanan at tulungan kasama ang aking mga guro at kamag-aral. Mag-aaral akong mabuti, pagsusumikapan kong makakuha ng mas mataas na karangalan. Makikipagkaibigan ako sa mga kaklaseng dati, halos hindi ko pinapansin. Magiging malapit ako sa mga guro at makikilahok ako sa iba pang mga gawain ng paaralan. Sa pagtatapos ng araw na ito ng online class, titiyakin kong ako’y handa sa muling pagpasok ko sa paaralan sa huling taon ko sa Junior High School. Ako ay babalik muli kahit ito na ang huli.
9
- Kyra Orbigo
- TJ Mallari
- Kyra Orbigo
Larawan mula sa World Vision International
10
Bigyan ng Pahinga ang Planeta!
MAHIGIT isang dekada na ang nakalipas – 16 na taon – nang magsimula ang Earth Hour noong 2007 sa Sydney, Australia. Higit sa dalawang milyong indibidwal ang nagpatay ng kanilang mga ilaw nang isang oras at ito na ang isa sa nagdulot ng pinakamalaking pagbabago para sa kapaligiran at upang labanan ang climate change.
Hindi lamang ito tungkol sa simpleng pagpatay ng ilaw kundi pati na rin ang pagkakaroon ng koneksyon. Sa pamamagitan kasi nito, nagkaisa ang mga lokal at pandaigdigang komunidad sa pagpapakita ng malasakit at halaga sa planeta. Bawat taon, daan-daang milyong tao at grupo ang nakikilahok sa pagdaraos ng Earth Hour. Talagang nakamamangha!
Sa kabilang banda, sa mga panahong nawawalan na ng pag-asa ay doon pa nagkakaroon ng mga malilikhaing solusyon. Sa unang pagkakataon noong 2022, naging digital ito sa UK. Maraming tao ang kumonekta online sa pamamagitan ng pagsali sa mga live stream sa oras na iyon.
Kung ating susuriin, malaki na rin ang naitulong nito sa pagsugpo ng deforestation. Ang unang ‘Earth Hour Forest’ sa mundo ay isinagawa
ng World Wildlife Fund (WWF) Uganda, sa East Africa bilang bahagi ng kanilang kampanya noong Earth Hour 2013 upang maibalik ang 2,700 ektarya ng nasirang lupain.
At batid mo ba na ang paborito mong tagapagligtas na si Spider Man ang unang superhero na naging isang pandaigdigang tagapagtaguyod ng Earth Hour noong 2014? Siya ang nagdala ng atensyon sa mundo ukol sa kilusan. Sana’y kayang labanan ng kanyang superpowers ang pagkasira ng mundo!
Kung si Spider Man ay nakarating na nga sa ating mundo,
PINAY NA KUMINANG SA NASA
walang dudang nakarating naman ang Earth Hour sa kalawakan.
Noong 2015, si Samantha Cristoforetti, isang Italian astronaut ay nakilahok mula sa kalawakan sa pamamagitan ng paghawak ng karatulang
‘Change Climate Change’
habang lumulutang sa loob ng
International Space Station.
Dagdag pa rito, nagkaroon din ng kakaibang inobasyon para sa pag-charge ng mga gadget. May mga ‘solar tree’ na nagpapahintulot sa publikong mag-charge ng
kanilang mga mobile devices gamit ang renewable green energy sa Shanghai, China para sa
Ams, kasama na si Genevie, na tumulong sa paggawa ng kasaysayan noong
2021 sa pamamagitan ng Perseverance
Rover ng NASA.
Nakamamangha ring isiping dahil ang huling
pagkakataon
kung saan ang misyong
Earth Hour.
Bilang isang mamamayan, nakatutuwa ang ganitong hakbang. Ito ay nakatutulong tungo sa malaking pagbabago. Hindi rin ito basta-bastang mapagtatagumpayan ng isa, kailangan ang lahat na makiisa. Sana’y huwag naman ipagkait pa ng iba ang isang oras para sa Inang Kalikasan.
Mga kababayan, huwag na nating hintayin pang mahuli ang lahat. Halina’t makiisa habang may oras pa. Bigyan natin ng pag-asa ang susunod na henerasyon.
Sa anumang laranganpagdidisenyo, pagtuturo, teknolohiya, kahit nga sa pagandahan, sadyang hindi nagpapahuli ang mga Pilipino. Maniniwala ba kayong maging sa agham, angat ang mga Pinoy… at PInay! Kilalanin natin ngayon ang tatlong Pilipinang nag-iwan ng tatak sa sa National Aeronautics and Space Administration (NASA). Halina’t tunghayan kung sino-sino sila at ang kanilang mga naging dimatatawarang kontribusyon!
Angelita Castro-Kellyisinilang sa Isabela noong 1942 at lumaki sa Sampaloc, Maynila. Si Castro ay nagtapos na Summa Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Mathematics and Physics sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kalaunan, lumipat siya sa Amerika upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nakamit niya ang kanyang master’s degree sa Physics mula sa University of Maryland. Saksi siya sa hindi pagkakapantay ng lalaki at babae sa larangang tinahak, pati na rin sa pinasukang unibersidad.
Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang paghusayin ang sarili. Batid nating isa ang NASA may mataas na academic qualifications ngunit siya ang kauna-unahang babaeng Mission Operations Manager ng NASA. Siya ay namuno sa proyektong Earth Observing System (EOS). Gumamit ng scientific instruments at artificial satellite missions sa
orbit ng ating planeta ang programang ito, para sa pangmatagalang pandaigdigang mga obserbasyon ng “land surface, biosphere, solid earth, atmosphere, and ocean.” ayon sa website na www.eopso.gov. nasa.
Nakatanggap si Angelita ng maraming parangal para sa kaniyang mga kontribusyon sa NASA. Kasama na rito ang Goddard Space Flight Center Exceptional Service Medal, The Astronaut’s Manned Flight “Snoopy” Award, The Flight Project’s “Mission Impossible” award, The GSFC Exceptional Performance Award, at The NASA Honor Award Exceptional Achievement Medal. Sa Pilipinas naman, iginawad sa kanya ang “Pamana ng Bayan” Presidential Award for Science and Technology noong 1993 mula kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Josephine Santiago-Bond.
Ipinanganak siya sa Amerika, at Pilipino ang mga magulang niya. Mula siya sa pamilya ng mga scientists at mga doktor. Sa Philippine Science High School nag-aral si Santiago-Bond. Nang magtapos siya rito, hindi niya pa alam ang kaniyang kukuning kurso sa kolehiyo ngunit siya ay nahikayat ng isang kaibigang kumuha ng Electronics and Communications Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagkaroon siya ng hindi madaling karanasan sa kursong ito. Nahirapan siya sa Mathematics ngunit sa halip na tumigil, nagsumikap pa rin siya upang makapagtapos siya ng pag-aaral. Nagbunga ang kanyang paghihirap natapos niya ito.
Taong 2003, sa John F. Kennedy Space Center (KSC) ng NASA siya isinagawa ang kanyang internship. Siya ay nagsilbi bilang isang parttime research assistant subalit noong 2005, nagsimula na siyang magtrabaho sa KSC bilang isang full-time na electrical engineer. Dahil na rin sa kanyang kahusayan, nabigyan na si Santiago-Bond ng mataas na posisyon. Nakilala siya bilang pinuno ng Advanced Engineering Development branch ng KSC.
Malaki rin ang kanyang kontribusyon sa pagbabalangkas at paglulunsad ng Ares IX noong 2009 at bahagi rin siya ng 2012 Systems Engineering Leadership Development Program (SELDP) ng NASA. Pagkatapos ng 17 taon ng pagtatrabaho para sa NASA, naging pinuno siya ng Safety and Mission Assurance Institutional Division ng KSC. Pinatunayan ng Fil-Am engineer na ito na napakahalaga para sa mga kababaihan na i-angat ang isa’t isa. “I’m not the only female FilipinaAmerican, nor am I the first, who is in a leadership position at NASA, which in itself makes me proud.” wika niya.
Genevie Yang
Siya ay isang Fil-Am na isinilang sa Biñan, Laguna. Ang talento ng mga Pilipino ay para bang umabot sa Mars! Dahil ito sa tatlong Fil-
katulad nito ay matagumpay na nangyari ay noong 2012 nang matagumpay na napalapag ang Curiosity Rover sa Mars, kung saan tumulong din si Genevie sa paglunsad. Noong bata pa lamang siya, nagkaroon na siya ng interes sa ating kalawakan at agham. Ito ay dulot ng pagtatrabaho ng kaniyang ama bilang engineer sa isang local power company sa Amerika. Noong nasa hayskul pa lamang siya, hinihikayat siya ng kaniyang mga guro na kumuha ng digri sa Electrical and Computer Engineering sa California Polytechnic State University. Si Genevie ay naging bahagi ng Jet
Propulsion Laboratory ng NASA sa loob ng 20 taon na ngayon. Ang Rover na bumagsak noong Pebrero 18, 2021 sa Jezero
Crater ng Mars ay itinatag upang galugarin ang lupain ng nasabing pulang planeta, pag-aralan ang kakayahang matirhan ito, makahanap ng palatandaan ng mga nakaraang microbial life, at pag-iimbak ng mga ‘samples’ ng bato at lupa. Lahat ng ito ay paghahanda para sa mga misyon sa hinaharap.
Sadyang kahanga-hanga ang mga PIlipinang ito dahil sa
mga
kontribusyon na nagawa nila sa NASA at siyempre pa sa agham at sa daigdig. Ang kanilang mga pagsisikap ay nagdudulot ng kakaibang pagmamalaki na tayo’y mga Pinoy!
Sanggunian: https://www.preview.ph/culture/ remarkable-filipino-women-nasa-a0026820210320-lfrm https://news.abs-cbn.com/globalfilipino/06/17/15/filipina-who-dreamedbig-space-scientist-angelita-castro-kelly-73 https://www.google.com/amp/s/www. goodnewspilipinas.com/meet-josephinesantiago-bond-filipina-engineer-at-nasa/ amp/ https://www.spot.ph/newsfeatures/ culture/97825/genevie-yang-fil-amwoman-who-helped-land-perseveranceon-mars-a4713-20210223 https://www.pep.ph/lifestyle/ extraordinary/163310/outstandingpinays-in-nasa-a717-a2565-20220120lfrm
11
- Andrea Kate Dela Cruz
- Rhyanne Judielle Huerto
Sa gitna ng patayong araw at tag-init na panahon, ngayong taon, ang Pilipinas ay puno ng pangako ng mga kamangha-manghang pangyayari na masusulyapan sa kalangitan. Inaasahan ang ilang mga eklipse sa kalawakan ngayong 2023 na magdudulot ng makasaysayang pagsasama ng liwanag at dilim sa langit.
Una nating nasaksihan ang eclipse noong Abril 20, 2023, kung saan inabangan ng buong daigdig ang pagsilip ng partial eclipse na nagtagal ng halos dalawang oras. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang nakasaksi ng kaganapang ito na tinawag ring hybrid eclipse sa kadahilanang makikita ang parehas na annular at kabuuang solar eklipse sa ilang bansa.
Ang eclipse ay maaaring mangyari sa iba’t ibang anyo. Ang mga ito ay binubuo ng annular, solar, at partial eclipse.
Ang annular eclipse ay nangyayari kapag hindi lubusang natatakpan ng buwan ang araw, kaya’t nagdudulot ng isang ring ng liwanag sa paligid nito o mas kilala bilang “ring of fire.”
Ang total eclipse naman ay kapag ang araw ay lubusang natatakpan ang buwan, na nagdudulot ng ganap na pagka dilim sa kalangitan.
Ang partial eclipse, sa kabilang dako, na nasaksihan ng Pilipinas noong
Abril, ay nangyayari kapag ang buwan o araw ay bahagyang natatakpan lamang, na nagdudulot ng hugis crescent sa kalangitan.
Ayon kay Mario Reymundo na pangulo ng Astronomical Observation at Time Service
Unit ng PAGASA, ang eclipse ay nagsimula noong 11:44 a.m., na may sukdulan ng eclipse na naganap ng 12:55 p.m. at nagtapos ng 2:04 p.m.
Nasaksihan din ang
penumbral lunar eclipse noong ika-5 hanggang ika-6 ng Mayo, 2023. Nagaganap ito kapag ang Earth ay nalalagay sa pagitan ng araw at buwan, na nagdudulot ng anino sa bahagi ng buwan.
Pansamantalang dumilim ang buwan habang dumadaan ito sa mas maliwanag na parte ng Earth na tinawag na penumbra. Nagtagal ito ng apat na oras at nakita sa pagitan ng 11:12p.m. noong Mayo 5, at 3:34 ng umaga noong Mayo 6. Bukod dito, Isa pang eclipse ng buwan ang masasaksihan ng Pilipinas ngayong taon sa ika29 ng Oktubre. Ito ay tatagal ng tatlong oras at 28 minuto. Ito ay partial lunar eclipse lamang at magbibigay ng anino sa maliit na
Pagsasama ng Liwanag at Dilim Kuryente, Saan ka galing?
Ang kuryente ay isa sa pangunahing ginagamit ng mga tao sa pang-arawaraw na buhay. Sa pamamagitan ng kuryente, hindi na tayo nakararanas ng dilim, nakaiinom tayo ng malamig na tubig at hindi nasisiraan ng pagkain at syempre pa, nakakapanood ng telebisyon at nakagagamit ng celphone na may internet. Hindi ba kayo nagtataka? Ano ba ang pinanggagalingan ng ating kuryente?
Narito ang ilan sa pinagmumulan ng mga kuryenteng dumadaloy sa ating mga elektrik at elektronik na kagamitan.
Power plants ang lumilikha ng kuryente natin. Mayroong limang enerhiya ang pinanggagalingan ng kuryente sa Pilipinas.
Una, ang enerhiya mula sa hangin, halimbawa nito ay ang mga windmill. Ang windmill ay nagpapaikot ng turbine gamit ang hangin at ang turbine na ito ay pinapalitan ang mechanical energy sa electrical energy. Ito iyong tila malalaking stand fanmeron sa Ilocos at sa Rizal.
Ikalawa, ang solar energy, ito ay nanggagaling sa sikat ng araw na kung saan ina-absorb nito ang init at pinapalitan ng elektrisidad. May isang mall sa Metro Manila na gumagamit na nito.
Ikatlo, ang geothermal energy na nanggagaling sa init ng ilalim ng lupa na naglalabas ng singaw na nagpapatakbo rin ng turbine.
Ilan na rin ang geothermal power plant sa ating bansa ay nasa Tiwi, Albay; Malitbog sa Leyte at Tanawon sa Sorsogon.
Ikaapat, ang hydro-power na tubig naman ang ginagamit sa pagpapatakbo ng turbine. May
parte ng buwan. Ang mga eclipse na nasilayan o masisilayan pa lamang ay nagdadala ng kahangahangang tanawin sa kalangitan na hindi malilimutan. Nagbibigay ito ng kamangha-manghang sulyap sa kababalaghan ng ating mundo. Ang mga kaganapang ito ay nagbibigay-daan hindi lamang upang masaksihan, kundi upang patuloy pang mapag-aralan ang mga misteryo ng ating kalangitan.
ilan na ring mga power plant sa Pilipinas na hydro-power ang nililikha.
Ang unang apat na ito ay itinuturing na mga renewable sources of energy. Ang mga ito ay natural na pinagmumulan ng enerhiya at masasabing makakalikasan.
Panghuli, ang fossil fuels. Ito ay galing sa mga halaman na namatay na matagal na panahon at ito ay sinusunog para makapaglabas ng usok na ginagamit sa pagpapaikot ng turbine.
PILIPINAS, NAKIISA SA EARTH HOUR 2023
“The Biggest Hour for the Earth”. Ito ang tema ng taunang pandaigdigang kilusang Earth Hour na ginanap noong Sabado, Marso 25, 2023, mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM.
Nakiisa ang buong bansa sa pagdiriwang ng Earth Hour 2023 sa pangunguna ng Kabang Kalikasan ng Pilipinas Foundation o World Wide Fund (WWF) for Nature-Philippines para sa patuloy na paglaban ng mundo sa climate change at pagkasira ng biodiversity.
Ayon sa Department of Energy (DoE), nakapagtipid ang Pilipinas ng kabuuang 62.69 megawatts (MW) sa isinagawang Earth Hour 2023 noong Sabado, na bahagyang bumaba mula sa 65.32 MW noong 2022. Ang Luzon ang may pinakamaraming natipid na enerhiya na may 33.29 MW sa isang oras na switch-off. Sumunod na pumasok ang Mindanao na may 20.5 MW at Visayas na may 8.9 MW.
Mula 2007, taunang isinasagawa ang Earth Hour sa buong mundo upang pagkaisahin ang buong mundo para sa sangkatauhan at sa ating planeta. Sa simpleng pagpapatay ng mga ilaw sa loob ng isang oras, malaki na rin ang naging epekto nito sa kalikasan.
12
News
Larawan mula sa ABS-CBN
- Katrina Picart
- Jirah Belano
- Charlene Baes
Mula noon hanggang ngayon - Ginebra pa rin!
“O kay ganda ang aking umaga…
…Kapag nananalo ang Ginebra!”
Ito marahil ang isa sa mga paboritong awitin ng masasabi nating mga true blooded Barangay Ginebra fans. “Kapag Nananalo ang Ginebra” ni Gary Granada. Meron pang isang bersyon ito“Kapag Natatalo Ang Ginebra”.
Mula noon hanggang ngayon, Ginebra San MIguel na nga ang pinakakilalang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) na itinatag noong 1979. Napakaraming tagahanga. Kaya nga nilang punuin ang Philippine Arena na 55,000 ang kapasidad!
Maging ang aking pamilya ay masugid na tagapanood ng kanilang bawat laro. Ako, marahil namana ko ang pagkahilig sa Ginebra sa aking ama.
Hindi ba nakatutuwang isiping tila naisasalin sa bawat
henerasyon ang pagiging masugid na tagahanga ng Barangay Ginebra? Bakit nga ba sikat na sikat pa rin ngayon ang Ginebra?
Narito ang ilang dahilan kung bakit marami pa ring nakakagusto sa Ginebra sa PBA:
“Never say die spirit”. Dito naging tanyag ang Ginebra. Hangga’t hindi nauubos ang game clock, tuloy ang pakikipagbakbakan ng mga manlalaro ng Ginebra. Lalong umaapoy ang Barangay habang lumalamang ang kalaban. At gagawin nila ang lahat upang maipanalo ang laro. Sa bawat pag-init ng laban, lalong dumadagundong sa paghiyaw ang mga fans.
Sikat at magigiting na mga manlalaro. Sa buong kasaysayan ng PBA, napakaraming mga kilalang manlalaro ang Ginebra, tulad nina Robert ‘Sonny’ Jaworski
Sr., Loyzaga Brothers - Chito at Joey, Dondon Ampalayo, Allan
Atletang Nangingibabaw, Caloy, Tatak Pinoy
Hakot dito, hakot doon, ginto, pilak at tanso. Lahat yan ay sinungkit na ni Caloy para sa ating bansa. Si Carlos Edriel Poquiz
Yulo o mas kilala bilang “Caloy” ay isang mahusay na gymnast, hindi lang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo. .
Si Caloy ang kauna-unahang Pilipino na nakatamo ng gintong medalya sa isang internasyonal na paligsahan sa larangan ng gymnastics. Siya rin ang kinatawan ng Pilipinas sa Tokyo Olympics at nakarating na sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nilampaso ni Caloy ang World Artistic Gymnastics noong 2019, binalot niya ang lahat ng gintong medalya, napakahusay ni Caloy!
Dahil dito, sa edad na 19-anyos ay nakatanggap siya ng President’s Award noong Marso 6, 2020 sa Philippine Sportswriters Association (PSA).
Isa si Caloy sa mga atletang Pinoy na laging nakatatamo ng gantimpala sa mga internasyonal na pampalakasang paligsahan. Hindi siya nahuhulog nang basta basta, lagi siyang dumudukot ng medalya sa mga kompetisyong sinasalihan niya.
Kamakailan lang ay kumuha nanaman si Caloy ng tatlong gintong medalya matapos idomina ang parallel bars at floor exercise sa
Galaw Pilipinas 2022
Roxasians, Namukod-Tangi
Inuwi ng mga mag-aaral ng
Manuel A. Roxas Highs School (MARHS) ang gintong tropeo matapos lampasuhin ang kanilang mga kalaban sa pandistrito at pandibisyong paligsahan ng Galaw
Pilipinas 2022 na ginanap Oktubre 12, 2022, Miyerkules, gamit ang kanilang mga suwabeng galawan .
Ito ang ipinagmamalaking ibinalita ni Ginoong Christopher Lirio, Nanunuparang Pinuno ng Kagawaran ng Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH), matapos daigin ng MARHS ang kanilang mga kalaban sa nasabing paligsahan.
“Bukod sa practice siguro yung dedication ng mga bata kasi kitang-kita mo sa kanilang kahit sobrang hirap, paulit-ulit kaming
Caidic, Marlou Aquino, Bal David, Benny Cheng, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Scottie Thompson, at marami pang iba. Dahil sa mga manlalarong ito, isang household name sa larangan ng basketbol sa Pilipinas.
Naging tanyag ang numero
‘7’ dahil kay Jaworski. Gayundin ang ‘never say die spirit’ noong Oktubre 22, 1985. Nasiko ng kalaban si Jaworski sa second quarter na naging dahilan upang isugod siya sa pinakamalapit na ospital. TInahi ang kanyang labi ngunit bumalik sa basketball court sa third quarter. Lamang man ng 15 puntos ang kalaban sa huling pitong minuto ng laro, pinainit ni Jaworski ang laro na naging dahilan sa pagkapanalo nila. Marami pang laro ng Ginebra, kahit hanggang sa kasalukuyan, ang nagpatunay na sa Barangaynever say die!
May ibubulong ako sa inyo…
sabi ng lolo ko, Roxasian si Jawo! Ang saya nang malaman ito!
Malawak at nagkakaisang fan base. Resulta ito ng kanilang mahabang kasaysayan sa liga. Nakabuo sila ng maraming masugid na tagasunod hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Malaki ang naging kontribusyon ng Ginebra sa kasikatan ng PBA dahil sa dami ng kanilang fans.
Ang ugnayan sa pagitan ng mga tagahanga ng Ginebra ay higit pa sa pagsuporta sa isang koponan sa basketbol. Ito ay naging isang kultural na penomenon na nagbubuklod sa mga tao sa ilalim ng bandila ng pagiging miyembro ng “barangay”. Ang katagang ito ay hindi lamang
nagbibigay sa kanila pakiramdam na sila kabilang, sila ay kabarangay! At ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng sa kanilang
Ang mga salik na ito nag-ambag kanilang kasikatan mula noon hanggang ngayon. Ang napakalaking kasikatan ng Barangay
Ginebra San Miguel sa PBA ay maaari ring maiugnay sa marami pang iba’t ibang mga kadahilanan. Kasama ka rin ba sa Barangay Ginebra?
nagtatake.” wika ni G. Francis Dean Obillo, guro sa departamento ng MAPEH at isa sa mga gumabay sa mga mag-aaral.
Binubuo ng dalawampu’t apat na mananayaw ang sumungkit ng tagumpay mula sa Baitang 8, 9, 10 ng Junior High School at Baitang 11 at 12 ng Senior High School.
Paghahandaan pa ng mga
Roxasian at patuloy ang kanilang pag-eensayo para sa paparating na rehiyonal na paligsahan ng
“Galaw Pilipinas”.
“Diretso pa rin ang aming training. Nagre-ready kami for the regional level competition.” ani ni Binibining Anna Marie Delia, guro sa MAPEH at gurong tagapagsanay para sa Galaw Pilipinas.
naipon ni Caloy para sa ating bansa, 23 gintong medalya, 8 pilak, at 3 tanso. Napakagaling!
Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa muna si Caloy upang magpahinga at pagbutihin ang kanyang pag-eensayo para sa paparating na Paris Olympics 2024.
Pero alam mo ba? Siya ay malapit lang sa ating paaralan.
Oo, matatagpuan ang kanyang tirahan sa Malate, Manila. Ang sayang isipin na nasa tabi-tabi lang pala matatagpuan ang isang tanyag at mahusay na atleta tulad ni Caloy.
Ani nga nila, “Asahan ang hindi maaasahan”, kaya malay niyo Roxasians, baka makasalubong ninyo ang Pilipino gymnast na lumalaban sa iba’t ibang panig ng mundo, si Carlos “Caloy” Yulo.
Namayagpag sa mundo ng chess si John Miguel Legaspina, VIII- Rizal, matapos lampasuhin ang kanyang mga katunggali sa Division Level Tuklas Talento 2022 na ginanap sa Mataas na Paaralang Manuel G. Araullo, Nobyembre 19, 2022.
Pinulbos ni Legaspina ang mga magagaling na kalaban mula sa 30 paaralan sa buong dibisyon para masungkit ang gintong medalya.
Sa pamamagitan ng pagsasanay at gabay ni G. Albert Dacallos, chess trainer ni Legaspina, mula sa MAPEH Department, inilatag niya ang daan na nilakaran ni Legaspina upang makamit ang tugatog ng tagumpay.
“Bilang coach, natuwa ako nang malaman kong nanalo si Miguel, dahil hindi ko siya tinigilan. Simula pandemic palang tinuturuan ko na iyang bata na yan sa chess, sulit ang pagod at pawis na binuhos ko sa kanya.” ani G. Dacallos.
MARHS
Sinungkit ng Mataas na Paaralan ng Manuel A. Roxas High School (MARHS) ang kampeonato matapos mangibabaw sa Division Meet ng Women’s Volleyball, Pebrero 9.
Buong lakas na ibinuhos ng koponan sa pangunguna ni Mikaela Valencia, Team Captain ng MARHS volleyball team para patumbahin ang anim na katunggali mula sa
iba’t ibang distrito upang makamit ang tropeo.
“Gusto talaga naming manalo sa bawat laro. Determination is what builds up our teamwork to success,” ani Valencia.
Idinagdag din niyang naging isang hamon sa kanila ang oras pagdating sa pag-eensayo dahil magkaiba sila ng iskedyul ng kanyang mga kakampi.
Ang MARHS Women’s Volleyball Team ay sa ilalim ng pagsasanay ni Gng. Erika ErpeloNuguid.
Samantala, todo suporta naman ang mga manlalaro ng Men’s Volleyball nang pasalamatan ang koponan dahil sa pag-angat nila ng pangalan ng MARHS sa larangan ng volleyball.
13
“Chess
Master” Legaspina, Namayagpag
Women’s Volleyball, Kampeon sa Dibisyon
- Juanwill Carlos Zaragoza
- TJ Mallari
- TJ Mallari
- Princess Kieyan Gariando
- Stephanie Mapute
Ginoong Dacallos: Gurong Chess
Master
Nasubukan mo na bang maglaro ng chess? Sa paglalaro ng chess ay kinakailangan ng mataktikang pag-iisip para lusubin mo ang ‘king’ ng kalaban. Kinakailangan din ng pag-iingat para protektahan ang iyong ‘king’.
Kung Roxasian ka at interesado kang dumiskarte sa chess, nariyan si Ginoong Albert Dacallos upang turuan ka.
Simula sa taong 2010 ay nagsimulang magturo si G. Dacallos ng chess at mahigit 13 taon na ang nakalipas nang siya ay naging isang ganap na coach. Dinala na niya ang pangalan ng ating paaralan sa iba’t ibang paligsahan.
Kamakailan lang ay naging kampeon ang isang manlalaro ni G. Dacallos na si John Miguel Legaspina ng VIII-Rizal sa Division Level Tuklas Talento 2022 at tutungo sa regionals sa susunod na taon.
Noong nasa kolehiyo pa lamang si G. Dacallos, isa na siyang mahusay na manlalaro ng Philippine Normal University (PNU). Nakita niya ang halaga ng paglalaro ng chess kaya ipinagpatuloy niya ang propesyon niyang ito.
Nakita ko kung gaano kahalaga ang magkaroon ng kasanayan sa ahedres (chess) dahil tinuturuan tayo nito na maging matalino sa mga desisyon na ating gagawin. Nagiging mahusay tayong mag analisa ng mga problema at alam natin paano ito resolbahin.”, aniya.
Talagang kwalipikado si G, Dacallos bilang isang coach dahil sa kanyang mga kasanayan at kaalaman galing sa National Chess Federation of the Philippines. Sa ngayon, isa na siyang National Arbiter at Arena FIDE Master. Kahit na isang ganap na coach na si G. Dacallos, patuloy pa rin ang kanyang pagsasanay para maging isang International Arbiter.
Si G. Dacallos ang gurong tagapagpayo ng Brilliant Movers Chess Club ng ating paaralan kung saan maaaring matuto at sumali ang bawat interesado. Minimithi niyang na maparami pa ang mga kabataan na mapapa-ibig sa paglalaro ng chess.
“Isa sa mga pangarap ko bilang coach ng Roxas High School ay maipagawa ang mga benches natin sa amadome at malagyan ng chess tiles nang sa gayon ay marami pa ang matututo ng chess at mas makatutulong pa ito sa sa mga mag-aaral na maging disiplinado at sila ay tumalino” saad ni G. Dacallos.
Nasubukan mo na bang maglaro ng chess? Kung hindi pa, ano pang hinihintay mo? Halina’t pumunta sa mahusay na manlalaro, coach at guro na si Ginoong Albert Dacallos.
Nuggets Pinaluhod ang Lakers
Bigong makatawid sa NBA finals ang Los Angeles Lakers matapos silang talunin ng Denver Nuggets sa dikitang labanan, 113111 sa Game 4 ng NBA PlayoffsWestern Conference Finals, Mayo 23, Martes.
Pinaluhod ng Nuggets ang Lakers matapos tambakan ito sa best of seven games, 4-0 ng eliminations. Ito ang kaunaunahang beses na makikilahok ang Nuggets sa NBA Finals.
Panandaliang dinomina ng Lakers ang laro sa 1st at 2nd quarter, 58-73, nang puruhan ni Lebron James at Austin Reeve ng kanilang rumaragasang dunk shots,.
Hindi na nagpatinag at hinabol ni Nikola Jocic ng Nuggets ang pagitan nila sa Lakers. Pinaulanan niya ang mga ito ng kanyang nagliliyab na 3-pointer shots upang
Ruther Abor, Roxasian, NCAA Best Player
Isang matagumpay na hakbang tungo sa pag-abot ng pangarap.
Isang rookie player pa lamang, pinarangalan bilang “Best Player of the Game ‘’ si Jan Ruther Abor ng Emilio Aguinaldo College matapos magpakitang-gilas sa NCAA season 98 Men’s Volleyball.
Ayon sa NCAA Philippines, si Jan Ruther Abor ay nagkaroon ng 29 puntos at 26 attacks kasama na ang 3 blocks, kitang kita sa kanyang highlights ang pagiging masigasig sa paglalaro.
“Gusto ko po na sa lahat ng laro ay best player of the game po ako. Ako po kase yung tao na binibigay lagi yung 100% nya sa bawat laro.”, aniya.
Bago pa man mapadpad si Abor sa poder ng Emilio Aguinaldo College, sinimulan niya ang kanyang paglalakbay bilang isang Roxasian. Siya ay kabilang sa Batch 2020 at nakapagtapos sa Manuel A. Roxas High School (MARHS) Senior High School na may mataas na karangalan sa Humanities and Social Sciences (HUMSS).
Junior High School pa lamang si Abor ay kanya na talagang naibigan ang paglalaro ng volleyball. Tuwing siya ay may libreng oras, nakikisali siya sa pageensayo ng volleyball team ng paaralan kahit na hindi siya opisyal na kasama rito.
Itinanim ni Abor ang kanyang pangarap sa loob ng MARHS, at tinulungan siya ng paaralan na lumago ang kanyang natatanging debosyon hanggang dumating sa punto na tuluyan na niyang pinursigi ang paglalaro ng volleyball.
Unti-unting natupad ang pangarap ni Abor. Si Abor ay natanggap sa tryouts ng Emilio Aguinaldo College at naging isang opisyal na varsity player para sa paaralan.
Bukod sa pagiging isang propesyonal na manlalaro, noong maliit pa lamang ay pinapangarap na ni Abor na maging isang ganap na flight attendant.
“Syempre, gustong gusto ko talaga maging isang professional volleyball player, then pangarap ko rin pong maging isang flight attendant,
maabot ang dikitang labanan na 80-81 sa kalahati ng 3rd quarter.
Inagaw ng Nuggets ang lamang sa 3rd quarter nang tapusin ito ni Jamal Murrey sa kanyang umaapoy na jump shot, 94-89.
Uminit muli ang laban sa 4th quarter nang dikitan ng Lakers ang lamang ng Nuggets, 107-104, sa last two minutes. Tuluyan nang ipinamalas ng dalawang koponan ang kanilang lakas at galing, ngunit pinatid ni Jokic si James sa huling segundo ng laro at tuluyang inangkin ang trono, 113-111.
“Lebron is very hard to deal with. He showed us what he is capable of, he is dominating the game in the first half but we found a way to make him take tough shots. It was not easy.”, wika ni Nikola Jocic, star player ng Denver Nuggets.
isa po kasi ito sa childhood dream ko.”, saad niya.
Si Jan Ruther Abor ay isang tunay na inspirasyon. Patunay si Abor na sa bawat pagsisikap, maaabot natin ang ating mga pinapangarap.
14
Larawan mula sa Sports Illustrated
- TJ Mallari
- TJ Mallari
- TJ Mallari