PASULONG! Mga ngiting nagniningning ng ating mga representante sa muling paglahok sa BRMPC 2018 na ginanap sa Plaza Quezon, Naga City, Camarines Sur. Kuha ni: Antonette T. Gan
Vol. XXIII Issue No. 1 S.Y. 2018-2019 ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG LA CONSOLACION COLLEGE OF DAET, INC. BASIC EDUCATION DEPARTMENT
LCC-D CAT, DBC, at Twirlers, wagi LCC-D, naglunsad ng RFID System; una sa CamNorte sa Military Parade Competition ni: Antonette T. Gan
ni: Antonette T. Gan
Matapos ang dalawang taon ng pagpapahinga ay muling nakipagtagisan ang Citizenship Advancement Training (CAT) Unit, Drum and Bugle Corps (DBC), at Twirlers sa 10th Bicol Regional Military Parade Competition noong Setyembre 14, 2018 sa Naga City. Nagkamit ang yunit ng tatlong parangal na sumusunod: Most Disciplined Unit, 1st Place; Best Marching Majorettes, 7th Place; at Best Marching CAT Girls, 7th Place para sa Kategorya I- CAT Mixed Company.
Nilahukan ang nasabing kategorya ng 88 paaralan mula
sa iba’t-ibang dako ng Rehiyong Bikol. Pinangunahan ang CAT ni Corps Commander John Lester M. Cosido (10– Interiority), DBC ni Band Conductor/ Leader Moses Abner R. Bertillo (10– Obedience), at Twirlers ni Band Majorette Precious Joy Paycana (10- Obedience). Hindi naging madali ang kompetisyong ito para sa mga lumahok dahil sila ay sumailalim sa matinding training at pag-eensayo mula pa noong Hulyo. Noong mismong araw ng laban ay alas tres pa lamang ng umaga ay nagsipaghanda na ang lahat bago sila tuluyang
lumabas sa kalsada nang pasado alas syete ng umaga. Mahigit isang oras silang nakatayo sa ilalim ng buhos ng ulan dulot ng Bagyong Ompong subalit hindi sila nagpatinag at pinatunayang sila ay mahuhusay sa larangang ito. Matatandaan na huling lumahok sa BRMPC ang paaralan noong taong 2015 kung saan nagtapos bilang 1st Runner -Up ang buong yunit. Sa kabilang dako ay pinarangalan naman na Over-all Champion ang La Consolacion College of Rinconada, Iriga City na isa sa mga sister schools ng LCC-D.
LCC-D naghahanda na sa 2019 PAASCU Visit Panloob na Pahina...
2 BALITA LCC-D, humakot ng parangal sa DRR-CCA Olympics
Ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan
Biglang paghahanda sa muling pagbisita ng Philippine Accrediting Associations of Schools, Colleges and Universities (PAASCU) ay sinimulan na ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) ang unang hanay ng mga preparasyon.
5 EDITORYAL
Ang PAASCU ay isang samahan ng serbisyong nagaakredit sa mga pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad LATHALAIN upang matamo ang pamantayan TUGSAWITING sa mga tuntunin ng mga PINOY 2018: pangunahing layunin ng paarIsang Gabi ng alan. Sa Dalawa’t Apat Pa
8
Musika, Saya, at Pagkakaisa
Layunin rin nito na magsilbing gabay sa mga insti11 SCIENCE & tusyon habang sila ay nagTECHNOLOGY susumikap upang matamo ang Mga Dulot ng kahusayan sa mga tuntunin ng Paboritong kalidad ng edukasyon at mga Inumin ng Kabataan: serbisyo. MILKTEA
16 SPORTS Pilipinas, ika-19 na puwesto sa 18th Asian Games
Sa kasalukuyan ay nasa PAASCU Level II pa rin ang paaralan. Ayon kay G. Manuel Dime, Research and Develop-
ment Officer ng nasabing paaralan, inaasahang bibisita ang PAASCU Accreditors sa Oktubre 2019. Samantala ang huling pagbisitang isinagawa ay noon pang Pebrero 16, 2017.
Kasabay ng pagbubukas ng panibagong school year ay ang paglunsad ng isang makabagong teknolohiya sa paaralan ng La Consolacion College of Daet (LCC-D). Ito ang tinatawag na RFID o Radio Frequency Identification. Opisyal na nagsimula ang serbisyo noong Hulyo 2, 2018. Sa sistemang ito ay madaling masusubaybayan ng mga magulang o guardian ang kanilang mga anak sapagkat nagkakaroon ng automatic text alerts sa tuwing papasok o lalabas ang mga ito sa premiso ng paaralan kapag sila ay nag-tap ng kanilang ID sa biometrics machine. Ayon kay Sr. Aquilina D. de Rueda, OSA, punongguropangulo ng LCC-D, ginawa ang sistemang ito upang maiwasan
Inaasahan rin na magkaroon pa ng mga pagbabago at higit na pagpapabuti sa iba’tibang sangay ng eskwelahan sa mga susunod na buwan.
Ang RFID System ng LCC-D ay isang mahalagang kagamitan para sa pagpapahatid ng impormasyon at pakikipagkomunikasyon ng paaralan sapagkat hindi na magpapadala ng mga liham depapel bagkus ay sa pamamagitan na lamang ng text ipapaalam ang mga anunsyo tulad ng notice of meetings, cancellation of classes, atbp. dahil naka-encode na sa database ang mga pangalan ng estudyante at ang permanent cellphone number ng mga magulang. Samantala, ang LCC-D naman ang kauna-unahang paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte na gumagamit ng ganitong sistema.
Populasyon ng mga mag-aaral ng LCC-D, S.Y. 2018-2019 ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan
Nagpasya ang PAASCU na bumalik sa LCC-D upang magsiyasat at magsuri gayundin linawin ang ratings ng mga stakeholders at alamin kung napanatili ba o nahigitan ang resultang nakamit noong nakaraang pagsusuri. Sinabi rin ni G. Dime na nagsasagawa na ng pagseselfsurvey at pagreresurvey sa iba’t ibang lugar sa loob ng paaralan maging mga pagsusuri ng mga kinakailangan ng paaralan bilang paghahanda.
ang pag-cucutting classes at ang pagiging late ng mga estudyante sa paaralan.
(262)
(340)
(245)
(538)
● Elementary ● Junior High School ● Senior High School ● College Kabuuang Populasyon: 1385