Kabayan Weekly - UAE

Page 18

18

May 26 - June 1, 2011 www.kabayanweekly.com

Help Desk

Usapang Pag-IBIG Nakatanggap kami ng tanong mula kay Kristine Go. Aniya, “Kindly advise on how to continue my contribution here in Dubai. Do I need to go to OWWA office or I can pay at Exchange center directly? Please advise on how many contributions I need to pay for me to be eligible to take a housing loan. And please advise me on how many contributions I need to pay for me to be eligible to take a housing loan? Binigyan ito ng linaw ni Jojo Jareno, Assistant Manager ng Pag-IBIG Fund Reprsentative sa Dubai. Sagot n’ya, “You just have to reactivate your Pag-IBIG Fund membership online by visiting our website www. pagibigfund.gov.ph. We recommend that you use the Internet Explorer (IE) browser to view all the pages. Kindly proceed with the following: 1. Click the “Filipinos Working Abroad” button; 2. Select the “Online Membership Registration ” option; 3. Choose the “Register as New Member” button and click “Continue”; 4. Enter the word you will see in the box; 5. You can now start the Online Pag-IBIG membership registration process. After successfully saving your information, a system-generated PagIBIG Registration Tracking number will be assigned to you. Please use this number when transacting business with the Fund. You can then proceed with the payment of your monthly membership savings at the various exchanges in the UAE accepting Pag-IBIG payments thru their respective regular remittance facility. You may also wish to pay your savings at our office in the Philippine Consulate GeneralOverseas Labor Office at Villa No. 27, Street No. 14a, Community 132, Al Wuheida, Deira, Dubai. Kindly reflect the system generated Pag-IBIG Registration Tracking Number in the remittance/ payment. Minimum Pag-IBIG contribution is UAE10.00 per month. You can upgrade the amount to your desired monthly savings and may also pay on a quarterly, semi-annual or annual basis. Para sa housing loan, “You must be a Pag-IBIG member for at least twenty four (24) months as evidenced by

the remittance of at least 24 monthly contributions at the time of loan application. Sa website ng Pag-IBIG, www. pagibigfund.gov.ph, maaarin kayong magbayad sa Pag-IBIG Fund office sa POLO-OWWA office sa Dubai, sa Embassy sa Abu Dhabi, sa GCC Exchange at sa Orient Exchange. Ano ang Republic Act 9679 o

Tripulante/Seafarer, at unipormadong kawani ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at ng Philippine National Police Pangalawa, ibinalik ang tax exemption ng Pag-IBIG kung saan tatlong bilyon kada taon ang matitipid ng ahensya. Ngayon,pwede nang ilaan ang halagang ito para sa

hinuhulog ng miyembro kahit kumikita siya ng PHP5,000 o PHP50,000. Sa pagtataas ng contribution rate, mas malaki ang magiging buwanang kontribusyon ng mga miyembro na may mas malaking kita, samantalang mananatili sa P100 ang kontribusyon ng mga myembro na nasa lower income bracket.

o bago bumalik sa kanilang trabaho. Ang mga kasalukuyang nasa ibang bansa ay maaari ring magparehistro sa mga Pag-IBIG Posts. Bakit kasama ang OFWs sa mandatory membership coverage? Lahat ng nagtatrabahong Pilipino, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay dapat magkaroon ng pantay na pagkakataon na makinabang sa lahat ng benepisyo ng programa ng Pag-IBIG. Ginawang mandatory ang membership ng OFWs upang mabigyan sila ng pagkakataon na mag-impok at maabot ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay. Paano magpa-rehistro ang OFWs sa ilalim ng mandatory coverage? Pwedeng magpa-rehistro ang OFWs sa mga sumusunod: Pag-IBIG desks na matatagpuan sa Embahada o Konsulado ng Pilipinas sa labas ng bansa, Pag-IBIG Fund International Operations Group, 6th Floor, Justine Bldg., Gil Puyat Avenue, Makati City,Kahit saang branch o opisina ng Pag-IBIG sa Pilipinas, Pag-IBIG satellite office sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA), piling banko at remittance agencies na kinikilala ng Pag-IBIG tulad ng PNB, Metrobank at iRemit Global Remittances Inc.

Home Development Mutual Fund (kilala bilang Pag-IBIG Fund) Law of 2009. Ang RA 9679 ay ang batas na naglalayong patatagin ang kakayahan ng Pag-IBIG upang makamit ang mga sumusunod na layunin: mapabuti ang kaledad ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pabahay; maglaan ng isang pambansang sistema ng pagiimpok; at magpakilos ng pondo para sa programang pabahay. Paano naiiba ang RA 9679 sa mga naunang batas ng Pag-IBIG? Una, tinatakda ng RA 9679 ang universal coverage. Ibig sabihin, mas pinalawak ang sakop ng membership, kasama ang mga sumusunod: mga empleyado at manggagawang kasapi ng SSS at GSIS, mga Overseas Filipino Worker, kabilang na ang mga

pabahay at para sa mas mataas na dibidendo para sa mga miyembro. Pangatlo, binigyan ng batas ng kapangyarihan ang Board of Trustees ng Pag-IBIG na itaas ang buwanang kontribusyon ng miyembro. Ito ay nangangahulugan ng mas malaking savings para sa miyembro at mas mataas na loan entitlement. Maaari ding mas mataas ang dibidendong ipagkakaloob sa mga miyembro dahil dito. Mula 1986, hindi pa nagtaas kahit minsan ang Pag-IBIG ng contribution rate, habang ilang beses nang nagtaas ng kanilang kontribusyon ang ibang ahensya ng gobyerno. Sa kasalukuyan, dalawang porsyento ang contribution rate ng miyembro sa Pag-IBIG na naka base sa buwanang kita na PHP5,000. Nananatili namang PHP100 ang

Lahat ba ng OFWs ay sakop ng mandatory coverage ng RA9679? Oo. Ayon sa RA 9679 at Implementing Rules and Regulations nito, kailangan magparehistro sa PagIBIG ang lahat ng OFWs, maging land-based o sea-based (marino o nagtatrabaho sa loob ng barko) man. Sakop bilang miyembro ang isang marino pagkatapos nyang pumirma ng kontrata sa kanyang ahensiya o manning agency na tumatayo bilang employer, ganun din ang dayuhang may-ari ng barko. Bilang employer, mag-aambag ang ahensya ng kaukulang bahagi na dalawang porsyentong kontribusyon, base sa buwanang kita ng marino. Samantala, kinakailangang magparehistro ng mga landbased OFW bago sila umalis ng Pilipinas

Papaano ang proseso sa pagpaparehistro para sa mga dati nang miyembro ng Pag-IBIG sa ilalim ng Pag-IBIG Overseas Program (POP)? Pwedeng bumisita ang OFW sa mga Pag-IBIG Information Desk na naka base sa Embahada o Konsulado ng Pilipinas upang mag fill out ng Member’s Data Form (MDFFPF0909) o Membership Registration Form (MRF-FPF095). Kung nasa Pilipinas siya, maaaring pumunta sa pinakamalapit na opisina. Saan maaaring maghulog ng kontribusyon? Maaaring magbayad sa mga kinatawan ng Pag-IBIG na naka base sa mga Embahada o Konsulado ng Pilipinas. Pwede ring magbayad sa alinmang accredited banks o remittance partners. Bumisita lamang sa website ng Pag-IBIG para sa kumpletong listahan ng mga accredited collecting banks and remittance partners. Source: www.pagibigfund.gov.ph


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.