Ang Aliaguenos - Isyu Blg. 6

Page 1

IKA-52ND PANLALA WIGANG DYAMBURI, NILAHUKAN NG ALIAGUEÑONG ISKAWT

na Folk Dance Competition at Solo Singing Contest.

ALIAGA NHS, ABALA SA

NALALAPIT NA JS

ni Jemiah Janine Valdez

SA muling pagbabalik ng mga aktibidad sa paaralan kasabay nito ang pagpa panumbalik ng Junior-Se nior Prominade (JS), ang sekondaryang paaralan ng Aliaga National High School ay napabilang sa mga paaralang isinaga wa ang nasabing aktibi dad noong Pebrero 16-17, 2024.

Tinatayang humigit ku mulang 600 estudyante ang lumahok mula sa JHS, gayudin ang bilang ng mga estudyante mula sa SHS.

Bahagi na nang tinaguri ang high school life ang JS Prom na karaniwang ginaganap tuwing Pebrero, sa programang ito binibigyang importansya ang pakikisalamuha ng mga estudyante sa bawat isa.

S a nakaraang 52nd Provincial Scout Jamboree ng Nueva Ecija Council noong ika-24 hanggang ika-29 ng Enero taong 2023 na ginanap sa BSP Camp, Palayan City, tagumpay na naipamalas ng mga batang mag-aaral ng Aliaga National High School ang kanilang husay at talento sa iba’t ibang larangan. Nasungkit ng mga talen-

Samantalang, isang iskawt mula sa Outfit 2070 – Aliaga NHS na si Sct. Jemiah Valdez ang kinilala bilang kasapi ng Ten Outstanding Novo Ecijano Scouts at nahalal bilang Council Scout Representatjve.

kahali-halinang camp gate.

Sa tulong at gabay ng mga pursigidong guro mula sa Aliaga NHS matagumpay na nakamit ng mga batang Aliagueños ang minimithing layunin para sa minamahal na paaralan.

Bukod sa mga patimpalak, kabilang din sa binigyan ng parangal ang nasabing paaralan sa pagkakaroon ng

Ngunit, kamakailan nilinaw ng Department of Education na hindi maituturing na official school activity ang JS Prom.

Bukod sa wala itong DepEd memorandum, hindi rin ito kabilang sa calendar of activities ng DepEd na kung saan hindi maaaring pilitin na sumali at magbayad sa prom ang mga estudyante.

Ang ipinamalas na husay sa mga patimpalak na nilahukan ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ng Aliaga NHS ay puno ng talento at talino.

PARA SA PAGSISIMULA

Jemiah Janine Valdez Pampaaralan

HINDI lamang araw ng mga puso ang ipinagdiwang noong ika-14 ng Pebrero taong 2024, kasabay nito ang paggunita sa Ash Wednesday na hudyat na simula ng kuwaresma na kung saan pinakamahalagang panahon sa mga debotong Kristiyano.

Ang abo mula sa pagsunog ng palaspas ang ipapahid sa noo tanda ng pagsisisi sa mga kasalanang nagawa, paalala ng simbahan ang kahalagahan ng pagninilay-nilay na mas magandang sim-

DEPED, NAGLUNSAD NG TREE PLANTING ACTIVITY

NOONG ika-6 ng Disyembre taong 2023, isang malawakang pagtatanim ng mga puno sa buong bansa ang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon bilang bahagi ng pamaskong proyekto na may temang “DepEd’s 236,000 Trees – A Christmas Gift for the Children.”

Ayon sa DepEd Memorandum No. 069, s. 2023 na

inilabas ng Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sarah Duterte noong Nobyembre 17, 2023, isinaad na 47,678 na mga pampublikong paaralan ang magiging asynchronous classes para sa aktibidad na isinulong na kung saan ang bawat paaralan ay magtatanim ng hindi kukulangin sa limang puno. Iniutos ni Duterte sa lahat ng tanggapan ng

ulan sa pagkukumpisal. Sa pangunguna ng punongguro ng Aliaga National High School na si Gng. Mary Finela M Bayan, PHD, isa sa mga ginawang pagdiriwang ng paaralan ay pag-imbita sa parokya ng Nuestra Señora de Las Saleras ng Aliaga lalawigan ng Nueva Ecija upang magsagawa ng banal na misa. Ang nasabing misa ay sinimulan ng ganap na alas-9 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga na kung saan dinaluhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang baitang ng Junior at Senior kasama ang kanil-

DepEd sa rehiyon na makipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang makakuha ng libreng binhi para sa bawat paaralan ng iba’t ibang rehiyon. Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng Aliaga NHS sa pangunguna ng kanilang punongguro Gng. Mary Finela M. Bayan, Phd, kasapi ang mga guro at mga opisyal ng paaralan.

ang mga gurong tagapayo.

Ayon kay Rev. Franz Joseph Aquino, “You can give without loving, but you can’t love without giving.”

“Magdasal, magmahal, at magbigay, ang nais ituro satin sa panahon ng kuwaresma,” dagdag pa ng kurong parokya.

Bagaman magkaiba ang kahulugan at layunin, pinapakita ng sabay na paggunita ng Ash Wednesday at Valentine’s Day ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga pagdiriwang, anuman ang kanilang pananampalataya.

Opisyal na Pahayagan ng Aliaga National High School Opisyal na Pahayagan ng Aliaga National High School TOMO 1 ISYU BLG. 6 Setyembre 2023 - Pebrero 2024
4 6 9 12

MAG-AARAL NG SHS, NAGPAKITANG GILAS

ni Jemiah Janine Valdez Pampaaralan

Sa ika-12 ng Nobyembre taong 2023 sa paaralan ng Palayan National High School, pinarangalan ang mga piling mag-aaral ng Science Technology Engineering

Math (STEM) mula sa Aliaga National High School para sa kanilang natatanging ambag sa pagtuklas ng mga solusyon para sa mga suliraning hinahanarap ng Novo Ecijano sa Division Science and Technology Fair.

Ang patimpalak ay mayroong iba’t ibang kategorya kabilang ang Robotics and Intelligent Machine, Science Innovation Expo, Physical Science at Life Science.

Ang mga piling mag-aaral ay kinabibilangan nina Reden Carlo Gaspar na kung saan

ANHS, LUMAHOK SA

JOINT LEADERSHIP TRAINING

ni Kate Diane P. Diaz Pampaaralan

LUMAHOK ang Aliaga National High School sa unang Leadership Training Workshop na isinagawa nitong ika- 3 ng Pebrero, 2024 na ginanap sa Vicente R. Bumanlag Sr. National High School.

Gamit ang temang “Creating Responsive and Service-oriented Leaders of the future,” layunin nitong lumikha ng pagkakaisa at pagtutulungan mula sa mga estudyanteng opisyal ng paaralan sa distrito ng Aliaga.

Ang nasabing kaganapan ay pinangunahan ng mga tagapagsalita na sina Gng. Sandra Claudio ng Nueva Ecija HS, Gng. Sherree Ann A. Constantino- OIC ulong guro ng San Emiliano ES, at isang gurong tagapayo mula sa Zaragoza NHS.

Ito ay nilahukan ng mga opisyal ng Supreme Secondary Learner’s Government, Youth for Environment in School Organization, at Barkada Kontra Droga mula sa Aliaga NHS, Restituto B. Peria NHS, San Carlos NHS, San Juan IS, Umangan NHS, at Vicente R. Bumanlag Sr. NHS.

“Ang student leaders ng Aliaga District ay may puso, galing, at talino” bigay diin ni Ginoong Alvin Detera, gurong tagapayo ng sslg na nagpaliwanag ng kahalagahan ng tamang liderato.

nagkamit ng ikatlong pwesto sa Robotics and Intelligent Machine Category, gayundin ang nasungkit ni John Eli Sotto sa Science Innovation Expo Category, habang nagwagi naman ng ikalimang puwesto si Danielle Mikhaela Mapanao sa Physical Science Category. Samantala, nagpakita rin ng kanilang galing sa pang indibidwal na kategorya sina Vera Nicole Panlilio sa Robotics and Intelligent Machine Category at Lourene Beatriz Muy sa Life Science Category na kung saan nakamit ng parehong ikaanim na puwesto.

Hindi rin naman nagpahuli

sina Marian Joi Bautista, Mirza Lo-Reyn Samson at Jowela Dela Cruz sa pang grupong kategorya ng Science

Innovation Expo na nagtala ng tagumpay sa kanilang proyekto na “RHB Geopolymer Brick”

Sa kabuuan, pinarangalan ang nasabing paaralan ng ikalimang pwesto sa Most Active and Performing School.

Ayon sa isa sa mga kalahok na si Danielle Mikaela Map-

HUSAY NG MANUNULAT NG ALIAGA NHS, NAMAYAGPAG SA DSPC

NOONG ika-15 ng Pebrero taong 2024 sa nakaraang District Press Conference na isinagawa sa paaralan ng Vicente R. Bumanlag National High School, namayagpag ang husay ng mga magaaral ng Aliaga National High School sa larangan ng pagsulat at pag-ulat ng mga napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa.

Dinaluhan ng mga mahuhusay na batang Aliagueño, mga guro mula sa iba’t ibang paaralan ng distrito ng Ali-

aga, mga opisyal o may katungkulan sa sangay ng edukasyon at mga espesyal na panauhin.

Ang programa ay nagsimula ng ganap na alas-8 ng umaga at natapos ito ng dakong alas-9 ng umaga, sinimulan ang programa sa malugod na pagbati sa pangunguna ni G. Jerico S. Gaspar at G. Alvin B. Detera.

Ayon sa punongguro ng VRBNHS na si G Jaime Santos, “The campus journalism aims to provide a training

anao, ang layunin ng kanilang pag-aaral ay makatulong sa mga taga-Nueva Ecija sa bawat kategoryang kanilang sinalihan na may kinalaman sa agrikultura, inobasyon, at mga aparato upang mas mapabilis ang pagsasaka na pangunahin trabaho sa lugar.

ground to a journalist that will sharpen skills, articulate ideas, and thoughts to various issues and concern of the nation that is anchored on achieving the DepEd MATATAG goal.”

Dagdag pa nito, “To people who can’t express their thoughts join rebel that’s why you are all blessed to join these such competitions.”

Mayroong iba’t ibang kategorya ang nasabing kompetisyon na paglalabanan ng mga kalahok ng anim na paaralan sa distrito ng Aliaga kabilang ang Aliaga NHS, Restituto B. Peria NHS, Umangan NHS, Vicente R. Bumanlag Sr. NHS, San Carlos HS, at San Juan Integrated School.

Sa pamamagitan ng kanilang mga nilikhang proyekto, pinatunayan ng mga magaaral mula sa Aliaga NHS ang kanilang kahusayan sa larangan ng agham at teknolohiya na naglalayong makapagbigay ng makabuluhang tulong sa kanilang minamahal na komunidad.

Nakatanggap naman ng sertipiko ng pakilala at medalya ang mga mag-aaral na nakilahok na kung saan nagdala ng karangalan sa kanilang paaralan ang bawat medalya na kanilang nakamit sa patimpalak.

Ang mga batang manunulat at mamamahayag na nakasungkit ng unang puwesto ay siyang magiging kinatawan ng nalalapit na Congressional District 1 na gaganapin sa Talavera National High School sa ika-23 ng Pebrero taong 2024.

“May the best among the best writers win to represent our district in the upcoming CD-1,” saad ng punongguro ng VRBNHS.

PAGKILALA SA DAKILANG PROPESYON

ni Jemiah Janine Valdez Pampaaralan

SA ika-5 ng Oktubre, ipinagdiwang ng buong mundo ang World Teachers Day upang bigyang-pugay ang mga guro sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa edukasyon.

Sa iba’t ibang panig ng mundo, nagsagawa ng mga programa at aktibidad ang mga paaralan upang ipakita ang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga gurong bayani.

Ayon sa Republic Act No. 10743 na nilagdaan ng mga Senador at House of Representative ng Pilipinas, idineklara ang ika-5 ng Oktubre kada taon bilang World Teacher’s Day na pagkilala sa mga nasa teaching profession.

Sa kabila ng hamon ng pandemya, ang papel ng mga guro sa lipunan ay lalong naging mahalaga dahil sa kanilang ginampanang papel sa paghubog ng mga susunod na henerasyon. Gayundin, ang mga pagsubok na kinakaharap ng edukasyon sa kasalukuyang

panahon, patuloy na naglilingkod at nagbibigay inspirasyon ang mga guro sa kanilang mga mag-aaral.

Kasabay ng pagdiriwang na-

katanggap ng tig-isang libong piso ang mahigit 900,000 na mga pampublikong guro sa buong bansa.

Isinaad ni Quezon City Con-

gressman Marvin Rillo na allocated na ng Kongreso ang 925 milyong piso na pondo para sa World Teachers Day Incentive Benefit sa National Budget.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon, hinihikayat ang mga mag-aaral na sama-samang ipakita ang pasasalamat at pagmamahal para sa ipinapamalas na dedikasyon ng mga guro sa kanilang propesyon na tumutupad sa tungkulin ng paghulma sa isang batang makabansa at bansang makabata.

Samantala, ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Teachers’ Month sa ilalim ng Proclamation No. 242 na inilabas noong ika-24 ng Agosto taong 2011.

Setyembre 2023 - Pebrero 2024

PRANGKISA NG MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, PINALAWIG

ni

Noong taong 2017, sa ilalim ng administrasyong Duterte, isa sa mga isinulong na programa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na kung saan ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No.2017-011 ng Department of Transportation (DOT)

Sa isang pahayag kamakailan, isinaad ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Bong-Bong Marcos ang kanilang balak na muling simulan ang pag-phase out ng mga lumang sasakyan na kung saan nagbigay ng takdang panahon na pinahihintulutan na pumasada, ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan upang ma-modernize ang mga pampublikong sasakyan, lalo na ang mga tradisyonal na jeep.

Ang pangsamantalang pagpapahintulot sa mga indibidwal na magbiyahe gamit ang tradisyonal na jeepneys ay nagtapos na noong ika-31 ng Disyembre taong 2023.

Gayunpaman, noong Enero 25, 2024, inaprubah-

an ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson na si Teofilo Guadiz III at iba pang kasapi, ang Memorandum Circular 2023-052 na kung saan magbibigay ng karagadagang isang buwan ng pagpapalawig sa mga driver at operator ng jeepneys sa ilalim ng PUVMP, ang bagong deadline ay itinakda hanggang Abril 31, 2024.

“This extension is to give an opportunity to those who expressed intention to consolidate but did not make the previous cut-off,” ani Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr.

Ang layunin ng memorandum ay ang modernisasyon ng mga tradisyunal na jeepneys upang mapalitan ng mas ligtas, epektibo, at eco-friendly na mga pambulikong sasakyan, sa pamamagitan nito hindi lamang mga Pilipino ang magbebenipisyo kaakibat din nito ang ekonomiya ng Pilipinas.

PAGTANGGAL NG SHS SA

MGA KOLEHIYO, ISINULONG

NOONG ika-18 ng Disyembre taong 2023, naglabas ng bagong memorandum ang

Commission on Higher Education (CHED) chairman na si J. Prospero E. de Vera II na kung saan isinaad sa CMO Nos. 32 and 33, Series of 2015 and 2016 na itinakdang ihihinto ang Senior High School (SHS) program sa mga States Universitites and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) bunsod umano ng kawalan ng legal

PANIBAGONG PRESYO NG PETROLYO, BUMABA

MATAPOS ang limang linggong sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, inaasahan ngayong ika-14 ng Pebrero taong 2024 na magkakaroon ng price rollback sa halaga ng diesel, gasolina, at keresone.

Ang bawas singil sa presyo ng gasolina ay bumaba ng PHP 0.60/L, PHP 0.10/L naman ang ibiniba ng diesel at nagkaltas din sa presyo ng keresone ng PHP0.40/L.

Ayon sa datos ng Department of Energy, itinala na maglalaro ang presyo ng gasolina sa PHP 56.30 hanggang PHP 81.58 kada litro, gayudin ang halaga ng diesel na nasa PHP 52.90 hanggang PHP 83.56, samantala, ang kada litro ng keresone ay pumapatak ng PHP 72.85 hanggang PHP 84.28.

Dagdag pa ng Department of Energy, ang bunsod ng rollback ay ang dumadaming stock ng krudo ng Amerika at

humihinang demand nito na kung saan nagdulot ng panibagong rollback ng presyo sa mga produktong petrolyo.

Ikinatuwa naman ng karamihan na mga motoristang Pilipino ang price rollback ng petrolyo, kumpara sa mga nakaraang taon na kung saan nagkaroon ng malaking epekto ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ang pagiging mura o mahal ng petrolyo ay nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin at serbisyo, kabilang na ang transportasyon at kuryente. Bukod dito, ang petrolyo ay isang pangunahing sangkap sa produksyon ng enerhiya at industriya.

na basehan upang masustentuhan ito. Ayon kay De Vera sa isinulong na memorandum, “This is to reiterate the decision of the commission, through CMO Nos. 32 and 33, Series of 2015 and 2016, respectively, that engagement of SUCs and LUCs in basic education through senior high school shall be limited to the K-12 transition period, which is from SY 2016-2017 to SY 2020-2021 only.”

ni

HUSAY NG MGA BATANG ALIGUENOS, UMARANGKADA

IPINAMALAS ng mga mag-aaral ng Aliaga National High School mula sa iba’t ibang baitang at pangkat ang kanilang husay sa larangan ng pagsulat at pag-ulat sa nakaraang School-Based Press Conference noong ika-20 hanggang ika-24 ng Nobyembre taong 2023.

Ayon sa DepEd Memorandum No. 125, s. 2023 – Conduct of School Based Press Conference, partikular na sinabi ang layunin ng paligsahan na mapanatili sa puso at isipan ng mga kabataan ang makabuluhang kahalagahan ng journalism sa pamamagitan ng pagpapahayag nito sa mga pamparaalang kompetisyon.

“Pursuant to Republic Act. No. 7079, otherwise known as the “Campus Journalism Act of 1991” and to the Di-

vision’s goal of enhancing the journalistic skills of the learners even amid education transition, all schools (private and public) are encouraged to conduct a simple yet meaningful School-based Press Conference,” saad sa memorandum.

Binigyan diin din sa memorandum ang mga layunin, “Promotes the development and growth of campus journalism as a means of strengthening values, encouraging critical and creative thinking, and developing moral character and personal discipline of the Filipino youth; improves journalistic skills of the learners concerned; and promotes responsible and free journalism.”

Iba’t ibang kategorya ang pinaglabanan ng mga estudyante na kung saan ang

mga nagkamit ng unang pwesto ay siyang kinatawan ng paaralan para sa District Press Conference.

Matagumpay na naisagawa ang patimpalak sa tulong at suportang ibinigay ng punongguro ng paaralan na si Gng. Mary Finela M. Bayan, gurong itinalaga sa Filipino na si Gng. Rizalyn Anonuevo, gurong itinalaga sa Ingles na si Gng. Agnes Soro at mga gurong tagasanay.

Hindi matatawaran ang determinasyon at dedikasyon ng mga mag-aaral mula sa nasabing paaralan sa paglalahad ng mga napapanhong isyu sa pamamagitan ng pagsulat at pag-ulat na kung saan kanilang magagamit upang maging boses ng lipunan sa mga susunod na panahon.

“The DepEd has already issued a notice, through the Private Education Assistance Committee, that beginning SY 2023-2024, there should be no more Government Assistance to Students and Teachers in Private Education beneficiaries from SUCs and LUCs, except those who will be entering Grade 12 in SY 2023-2024 to finish their basic education and that SUCs and LUCs with laboratory schools can accept enrollees but will no longer receive vouchers,” dagdag ni De Vera.

Samantala, kinondena ng Anakbayan ang desisyon ng CHED na tanggalin ang SHS program sa mga SUCs at LUCs, iginiit nito na ang naturang hakbang ng CHED ay isang pagpapabaya umano ng kasalukuyang administrasyon sa sektor ng edukasyon at pagsuway sa karapatan ng mga estudyante.

“As a result of this, 17,000 students will be displaced starting next school year,” pagbibigay-diin ng Anakbayan.

Gayunpaman, iginiit ng

Department of Education (DepEd) na mayroon umanong sapat na public schools sa bansa upang malipatan ng mahigit 17,000 na incoming Grade 12 students na maapektuhan ng nasabing pag-aalis ng SHS program sa mga SUCs at LUCs.

Tiniyak naman ng CHED Chief ang Regional Director ng ahensya na bantayan ang pagpapatupad ng programa alinsunod sa memorandum na isinulong sa mga SUCs at LUCs.

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
Jemiah Janine Valdez Jemiah Janine Valdez Pampaaralan

Laganap sa buong bansa ngayon ang isinasagawang Catch-up Fridays o tinatawag ding “Drop Everything and Read” na ipinatupad ng Department of Education (DepEd). Layon nitong masolusyonan ang mga illiterate na studyante sa bansa sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat ng mga sanaysay. Ito ay isang malaking hakbang na makatutulong baguhin ang isip at nalalaman ng mga mag-aaral sa ating mundong patuloy ang pagprogreso at pag-unlad.

Tama ba ang naging padalos-dalos na desisyon ng departamento sa pangunguna ng DepEd Secretary Sara Duterte gayong nakararanas ang sistema ng bansa ng matinding problema dulot ng kakulangan sa mga panturong materyales at pasilidad.

Sa likod ng matinding krisis ng edukasyon ng bansa ay napagdesisyunan pa rin ng departamento na ipatupad ang memorandum na ito. Pagbabasa na makatutulong palawakin ang naglalakbay na utak ng mga mag-aaral, at pagsusulat ng mga sanaysay na naglalayon makalikha ng masisining na literatura. Mahalagang magkaroon ng kahit isang araw sa isang linggo upang mahasa ang angking-kakayahan ng bawat studyante sa ating bansa, ang Pilipinas.

Supartado ng ilan sa mga senador ang ideya ng Catchup Fridays katulad na lamang ni Senador Win Gatchalian upang maiangat daw ang mga kakayahan ng studyante sa bansa, layunin din nitong

pagandahin ang pagpapalakad sa sistema ng bansa sa larangan ng edukasyon. Binigyaang diin nya na dapat masanay ang mga mag-aaral sa pagbabasa at pagsusulat ng mga sanaysay. Sa datos ng Programme for International Students Assessment (PISA), 87% percent ng mga magaaral edad labing-limang taon gulang ang hindi nagtataglay ng minimum reading proficiency.

Sa bawat libro at sanaysay, ay magkakaroon ng msrsming aral at ideya ang mga magaaral. Ang bawat biyernes sa kalendaryo ay magkakaroon ng kabuluhan sapagkat ang lahat ng mga guro at magaaral ay magsasanib pwersa upang makabuo ng pagbabago sa kinagisnang gawi ng pag-aaral. Tunay ngang sa bawat krisis na kinakaharap ng bansa sa larangan ng akademiko ay mayroong kaakibat na programa ang DepEd na magsusulong sa karapatan at angking kakayahan ng bawat Pilipinong magaaral.

Sa kabilang banda, tinuligsa ng Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na si Vlademir Quetua ang desisyon ng DepEd. Mas dumami ang mga paperworks na kailangan ipasa ng mga guro para sa Means of Verifications (MOV) na nagpapatunay na ginagawa nila ang kanilang mga gampanin at tungkulin. Ang krisis sa akademiko ay mabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng paunti-unting progreso ng gobyerno. Dapat ay taglayin ng mga programa ang matatag na pundasyon,

Ang

Patnugutan

T.P. 2023 - 2024

Lourene Beatriz C. Muy

Punong Patnugot

Rose Anne T. Espino

Pangalawang Patnugot

Jillian Zyrelle Magno Tagapangasiwa

Jemiah Janine E. Valdez Patnugot sa Balita

Kian Leign Nacino Patnugot sa Isports

Kate Diane P. Diaz Layout-Artist

Laarni M. Estronimo

Aileen C. Cajucom

Mga Tagapayo

Jefferson D. Santos Patnugot sa Editoryal

magandang oryentasyon at mahabang oras ng paghahanda upang maresolba ang problema ng bansa. Ang paglalaan ng malaking pondo sa edukasyon ay isa ring bagay upang maresolba at mapaganda ang takbo ng ating bansa. Dadami man ang mga papeles ng ating mga kaguruan, paniguradong ito ay masusuklian ng ligaya at tuwa sapagkat magiging matagumpay ang programang ito at patuloy na lalawig ang nalalaman ng bawat studyante. Ang ating bansa ay tuluyang aangat kapag natutong magbasa at magsulat ang mga Pilipinong mag-aaral.

Kyle Cheska D. Manialong Patnugot sa Lathalain

Hanz Tristan G. Soriano Patnugot sa Agham at Pangkalusugan

Kim Fretzel A. De Leon Tagaguhit

Mary Finela M. Bayan, PhD. Tagapatnubay

Rizalyn B. Anonuevo Tagapangasiwa

“Batang makabansa, bansang makabata” ang bagong islogan sa isinusulong na programa ng Department of Education (DepEd).

MATATAG curriculum na inilunsad ni DepEd Secretary Sara Duterte ang pangalan ng programa na makakalika ng mag-aaral na mahusay sa literacy, numeracy at socio-economic skills. Layon nitong ibahin ang kinagisnang gawi ng pag-aaral upang maging active, responsable, competent, at maging handa sa tatahaking landas ang mga mag-aaral sa bansa. Susubukan nitong hasain ang mga kakayahan at nalalaman ng bawat Pilipinong mag-aaral. Isasakatuparan ang programang ito sa susunod na mga taong panuruan, unti-unting babaguhin ang gawi ng pag-aaral at ito’y hindi biglaan, bawat taon ay may nakatakdang asignaturang aayusin. Ang ibahin ang mga asignaturang English, Math, Science, at Values ang layunin ng curriculum na ito. Mas tututukan ng mga guro ang mga studyante sa larangan ng mga pangunahing asignatura at pati na rin sa personalidad. Makakatulong ang programang ito na pigilan ang mga violent na gawain ng mga mag-aaral at matutugunan nito ang mga problemang pampaaralan. Isang magandang hakbang ng DepEd ang ganitong klase ng mga programa sapagkat habang tumatagal ng pana-

hon, ay mas lalong nababawasan ang mga aktibo at mahusay na mag-aaral sa bansa. Sa pamamagitan ng programang ito, mas lalawig ang angking-kakayahan at talento ng bawat isa, maging guro man o mag aaral. Maraming opurtunidad ang magbubukas kapag nagkaroon ng maayos na pagpapalakad ang sistema ng bansa.

Ang pagkakaroon ng matibay na pundasyon, at mahabang oryentasyon ang magsisilbing daan upang maging matagumpay ang bagong programang ito. Dapat ay magkaroon ng magandang pagpapalakad sa sistema ng bansa upang ang mga magaaral ay magkaroon ng malawak at maunlad na kaalaman. Sa bawat minutong nakatapak ang mga studyante sa eskuwelahan ay paniguradong magkakaroon ng libo-libong aral ang lahat.

Bawat kilos na nais isakatuparan ng DepEd ay may kaakibat na magandang resulta na paniguradong magpapaunlad ng kaalaman at personalidad ng bawat Pilipinong mag-aaral. Sulit ang pagod ng lahat dahil makakalikha ng MakaDiyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansang studyante ang Pilipinas.

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
4
EDITORYAL
MATATAG: K-10 CURRICULUM

Bullying, Matinding Kalaban ng Paaralan Bullying, Matinding Kalaban ng Paaralan

Bawat sulok ng paaralan ay may nakatagong hindi magandang ala-ala bunga ng pambubully.

Balewala ang “Anti-Bullying Act of 2013” sapagkat laganap ang kaso ng pangungutya sa eskuwelahan.

Ang krisis sa ganitong usapan ay walang pagkakakilanlan sapagkat marami ang hindi handang ibukas ang isip. Mgdudulot ng bullying kapag hindi nasolusyonan ang problema. Hindi maghihilom ang sugat hangga’t walang malinaw na pananaw ang magaaral.

Libo libong kaso na ang naitala ng physical bullying sa nagdaang school year. Ayon kay Bernadette Reyes na

isang reporter ng programang 24 Oras, 404 na kaso ng suicide cases ang naitala habang 17,258 na kaso naman ang mga attempted suicide nitong nakaraang school year. Tunay ngang napakalaki ang naidudulot ng bullying sa mga magaaral, nakakaramdam sila ng iba’t ibang klase ng emosyon katulad na lamang ng anxiety at depression na kalaunang magdudulot ng kaso ng attempted suicide.

Suliranin ng paaralan ang hindi pagkakaroon ng guidance counselors na tutulong mabura ang kaso ng bully-

MAKABAGONG OPORTUNIDAD?

Bawat Pilipinong mag-aaral ay may karapatang makatanggap ng libre at kalidad na edukasyon.

ISANG makabagong hakbang ang nais ipatatag sa bansa upang matugunan ang pangangailangan ng mga PWDs.

Tunay ngang hindi hadlang ang mga kapansanan upang makapag-aral. Ang Special Education o mas kilala sa tawag na SPED ay isinusulong sa 13,408 na paaaralan sa Pilipinas upang handugan ng edukasyon ang mga Person with Disabilities (PWD).

Napakaganda ng layuning nais makamit ng programang ito, sinusulong ang

karapatan ng mga PWD na makapag-aral at kalaunan ay magkatatanggap sila ng magandang trabaho at opurtunidad upang iangat ang kanilang buhay.

Sa bawat krisis na kinakaharap ng bansa sa larangan ng akademiko ay mabibigyang solusyon ng departamento basta’t maglalaan ng sapat na pondo ang gobyerno. Malaki ang mababago sa ating bansa kapag ang lahat ay magkakaroon ng karapatan at kakayahang makapag-aral. Ang mga PWDs ay hindi na maituturing na mga taong walang natatanging kakayahan. Ang Pilipinas ay aangat kapag ang nakatanggap ng serbisyong moderno ang lahat.

ing. Pang “entry level” o ang sahod na ibinibigay sa mga bagong empleyado lamang ang perang matatanggap ng mga counselors na ito kung sakaling sila ay matatang gap sa posisyon. Gabay at pagmamahal ng kaguruan at pamilya ang kinakailangan ng mag-aaral gayong kailangan nila ito upang maiwasan ang pagiging bully.

Walang mararating ang bansa kung ang pambubully ay hindi masolusyunan. Hul ing-huli ang bansa pagdating sa batas na magsusulong sa karapatan ng mag-aaral. Big yang halaga ang isyung pam paaaralan katulad ng bullying.

Ang Hamon Sa Kalagayan Ng

Ating Kaisipan

MAGULO na ang ating kapaligiran at sinabayan pa ito ng iba’t ibang krisis sa kalusugan at pang ekonomiya. Isa sa bawat tatlong mag-aaral ay nakakaranas ng bullying na hindi lalampas ng isang beses sa isang linggo na nagdudulot ng matinding pagkalungkot at pagkaramdam ng hindi magagandang emosyon. Mental Health ang tawag sa kalagayan ng ating kaisipan, ito ang tumutulong sa atin na solusyunan ang ating mga stress at problema, tinutulungan rin nitong palawakin ang ating mga nalalaman sa ating sarili.

Kay hirap mamuhay sa mundong punong puno ng pangamba dahil kulang ang ating kasiguraduhan sa kung ano ang maaaring gawin sa atin ng mga taong nakapaligid satin. Sa-

pat na seguridad ang dapat mayroon ang bawat mamamayang Pilipino upang maiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari.

Pangamba ang mararamdaman dahil nangyayari pa rin ang pangaabuso, karahasan at pambubully sa mga mag-aaral simula ng magsimula ang face to face classes at kahit noon pa man.

Dalawang pangunahing krisis na kinakaharap ng ating mga isip ay ang anxiety na nakakasira ng ating masasayang sandali, at depresyon na nagdudulot ng hindi inaasahang mga pangyayari.

Kulang ang mga adbokasiya at mga kampanya na naglalayon puksain ang mga kaso ng pangaabuso, karahasan at pambubully na

SOLUSYON SA

MALNUTRISYON

Ang malusog na mag-aaral ay isa ring salik na makakaapekto sa paglikha ng makabansang mag-aaral.

ANG Feeding Program ay isang magandang hakbang upang malutas ang malnutrisyon sa bansa, matutulungan nitong bigyan ng laman ang tyan ng mga nagugutom na mag-aaral sa bansa.

Isang hakbang sa pagkakaroon ng masustansyang magaaral ay pamimigay ng mga gatas galing sa Philippine Carabao Center (PCC) at National Dairy Authority (NDA). Mabibigyan ng protina ,at marami pang sustansya ang maidudulot nito upang patatagin ang

mga buto at bigyan ng timbang ang mag-aaral.

Hindi lang mag-aaral ang matutulungan kapag nagkaroon ng Feeding program ang bawat pampublikong magaaral, matutulungan din nito ang mga lokal na negosyo sapagkat sakanila manggagaling ang mga gulay na gagamitin sa pagluluto. Matutulungan nitong masolusyunan ang gutom at mas dadami rin ang mag-aaral ang mahihikayat na mag-enroll. Uunlad din ang ang nutritional values

nagdudulot ng pagkasira ng mental health.

Ang pagsulong sa mga adbokasiya at programa ay pangunahing hakbang upang magkaroon ng mas masayang buhay ang mga taong nakakaranas ng depresyon at anxiety. Gawin sanang institutionalized ang mga School-Based Mental Health Program upang walang mag-aaral ang maging mangmang sa ganitong klase ng usapan. Walang bituin ang hindi maaabot ng mga Pilipinong mag-aaral hangga’t ang paaralan ang magiging ligtas na lugar para sakanila. Tunay ngang magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kapag patuloy na aayos ang kalagayan ng kanilang kalusugan mapa-pisikal o mental man.

at behavior ng bawat Pilipinong mag-aaaral.

Sa krisis na kinakaharap ng bansa ay mayroong kaakibat na programa ang Department of Education (DepEd) na paniguradong makakapaglutas sa mga ito. Ang bawat piraso ng gulay at prutas sa mga pagkain na inihahain ay may dulot na sustansya at sigla na makatutulong upang palakasin ang utak at kalusugan ng bawat Pilipinong mag-aaral.

Tunay ngang gaganda ang takbo ng ating bansa kapag ang lahat ng suliranin ay mabibigyang lutas. Ang malnutrisyon ay mabubura sa mga paaralan dahil sa programang kalidad katulad ng SchoolBased Feeding Program. 5

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
OPINYON

ni Kyle Cheska Manialong

Sa karera’y patuloy ang pagsulong, sa unos ay hindi uurong. Sumisibol ang tagumpay sa mga kamay na kahit sa sarili’y hindi inaakalang taglay.

“Walang imposible sa presensya ng panginoon” mga salitang isinasabuhay at patuloy na pinaghuhugutan ng kalakasan. Minsa’y sinubok ngunit ngayo’y ating tignan ang mga karangalang kaniyang pasan-pasan. Isang kariktan na hindi lang sa kagandahan ang labanan ngunit maging sa katalinuhan. Nagsisilbing ilaw sasamu’t saring pananaw na sa kalauna’y nagiging tanglaw sa kasalukuyang ating sinasaklaw. Nakapagtaposng elementarya sa Bibiclat Elementary School nang may karangalan. Tunay na hindi maikakaila ang galing at talino sa larangan ng kahusayan. Sa sekondarya’y patuloy ang

pagpapamangha, mga tao’y iniiwang may kislap sa munting mga mata at nag-iiwan ng mga katagang “Ang galing naman niya”.

“Valdez, Jemiah Janine E., may mataas na karangalan” Sa taong panuruang 2022-2023 ay nag-ani ng limpak-limpak na papuri. Palakpak at hiyawan ang namuno sa kaniyang pagakyat sa gitna ng entablado. Maging sa bahagi ng pagsulat ay tumanggap ng karangalan “Mga natatanging mamamahayag” isama narin ang pagbubunying hawak ng iskawting. Tila hindi maipintang ngiti ang nasa labi ng mga taong sa kaniya’y tunay na nanindigan na kaya niya, at kaniyang kakayanin.

“Lilipad tayo” kasama ang pito pang miyembro ng Outift 2070-Aliaga National High

Tulay sa Kinabukasan

ni Kyle Cheska Manialong

“KABATAAN ang pag-asa ng bayan” isigaw ang katotohanan, ipamalas ang natatanging yaman.

“Plano sa karera’y paghandaan tungkol sa matatag na kinabukasan.” Ayan ang temang itinakda ng Aliaga Nationa High School sa ginanap na Career Guidance noong ika-2 ng Pebrero. Mga kabataa’y hinubog sa karerang sila’y tunay na susubukin, mga pangarap na nais nilang tahakin. Ito’y pinangunahan nina G. Sherwin Cabansag Padillon at Gng. Maricris N. Aguilar na nagmula sa PESO Office Municipality of Pantabangan Nueva Ecija, sila’y nagsilbing inspirasyon upang ang mga estudyante’y tunay na magkaroon ng determinasyon.

Tila pintuan patungo sa hinaharap ang programang ginanap sapagkat ito’y nagmulat sa ating mga kabataan sa mga bagay na kanilang dapat paghandaan at abutin sa tuktok ng mga ulap. Tulay upang kanilang mapagmasdan ang kanilang sarili sa direksiyong hindi kalauna’y kanilang makakamit sa pamamagitan nang pagpupursigi. Kahit tila isang butuin sa kalangitan, mga pangarap ay aabutin para sa isang magandang

School. Noong nakaraang January 13, 2023, ay isinalang sa kinikilalang BOR o Board of Review sa Atate, Palayan City. “Dumalo bilang Outdoorsman, umuwi bilang isang ganap na Venturer.” ‘Yan ang mga salitang tunay na nag-bahid ng ngiti sa mga labi. Labis ang ligaya sapagkat sa isang hakbang na lamang ay papalapit na sa ranggong simula’t sapul ay kaniya nang tinatamasa.

Sa anumang aspekto’y walang inuurungan kung kaya’t sa nakaraang 52nd dyamburi ay nakuhang kalahok mula sa sampong kabataan mula sa probinsiya ng Nueva Ecija. “Ten wOustanding Novo Ecijano” mga iskawt na nagtataglay ng angking galing sa larangan ng iskawting, tunay na

ni Kyle Cheska Manialong

kinabukasan.

“Ano nga ba ang gusto ko?” Hindi mawawala ang pag-aalinlangan bagkus sa ating isip, tayo’y bata pa lamang. Ngunit sa murang edad, magandang tayo’y may kaalaman na sa iba’t ibang larangan upang ating maiwasan ang kalituhan. Sa ating pagtanda, hindi maiiwasang tayo’y mabihag ng mga simpleng uniporme o anumang kasuotan. Guro, pulis, sundalo, bumbero, nars at doktor, talagang sila ang maituturing na ating pangunahing inspirayon kung kaya’t tayo’y puro “Gusto ko ring maging ganoon”.

Ipinamulat ang kahalagahan nang pagpili ng mga karerang ating nais tahakin ngunit nawa’y hindi lamang ito hanggang pangarap lamang. Kaya’t samahan natin ito nang pagpupursigi at kahusayan, huwag kalilimutang maging maligaya sapagkat ang bunga’y tunay na magdudulot ng pagdiriwang at kapanabikan.

Tulungan ang ating sarili, ang bukas ay may surpresang hindi maikukubli.

Halina’t tanawin ang isang makulay na hinaharap na patutunguhan natin, sama-sama tayong mag-limbag ng matagumpay na kinabukasan at angkinin itong atin!

LATHALAIN
6

ipinapalaganap ang kahusayan ng isang kabataang Aliagueño. Sa simula’y puno ng duda at pagkukwestiyon sa sariling kakayahan “kaya ko ba ‘to?”. Ngunit sa kabila ng hirap at pagod, lahat ay napawi sa karangalang nagdulot ng pakiramdam na wagi. Ito’y sinundan ng pagkaka-hirang bilang isang Counsill Scout Representative matapos siyang makahalumihanan ng karamihan. Talagang makaka-ani ng karangalan ang mga taong tunay na may pagpupursigi sa pagkamit ng dakilang dangal.

Tunay na lahat ay naaantig sa kaniyang dalang himig na kahit sa simpleng imahe’y talagang ika’y mapipintig. Sa kaniya, siya’y simpleng babae lamang

ngunit sa mata ng iba, siya’y isang modelo na sa ati’y magbibigay inspirasyon sa pakikipagsapalaran sa kasalukuyang panahon. Ang ilaw sa daang hindi alam ang lugar na patutunguhan. Kaniyang boses ay magiging tinig na magsisilbing pag-asa sa mga kabataang ang liwanag ay hindi na makita.

Mga minimithing tagumpay ay nakatanim at kaniyang susungkitin sa pamamagitan ng pagsasakatuparan na kaya niya itong abutin. Hindi hahayaang ang kaniyang daan ay mabalakid sapagkat sa kaniya, walang anuman ang kayang kumontra sa mga bagay na ginagawa nang may kasamang pagtitiyaga at pananampalataya. Sa kaniyang kamay nakataya ang bukas ng kaniyang hinaharap kung kaya’t ating subaybayan ang kaniyang mga

yapak sa pagkamit ng isang kinabukasang pinapangarap. Samahan nating tanawin ang mga tagumpay na kaniyang nakamit sa pamamagitan ng isang malawak na pananaw na kaya niya ang lahat kasama ang presensya ng poong sa ati’y gumagabay.

Ang lahat ng ito’y hindi makakamtan kung hindi dahil sa presensya ng mga taong taos pusong sumusuporta at naniniwala sa kaniya. Naniniwala na kaya niyang malagpasan ang anumang pagsubok na dumaraan, malagpasan ang mga bagay na ang akala niya’y hindi posible. Kapamilya, kaibigan, at kasamahan. Mga taong nagsilbing lakas para sa pag-abot ng tinatanging hiyas. Taas noo, sa isang katulad mo, “Jemiah” “Paw” “Sct. Valdez”.

Gabing para sa iyo

HANDA na ang lahat para sa gabi na puno ng kasiyahan. Ang mga mata’y tila mga bituin sa madilim na kalangitan. Pagmasdang ang buwan ay sumabay sa mga awitan.

Hindi maikukubli ang mga damdaming nasisidlak sa pagkakatala na ang pinaka-hihintay ng lahat na Juniors’ Promenade ay magaganap na sa ika-16 ng pebrero. Umaapaw ang kaligayahan ng mga estudyante mula sa baitang siyam hanggang sampu na silang kabilang sa programang ito.

Lahat ay tila abala sa paghahanap ng magagarbong kasuotan pati ng kagamitan. Kasabay nito ang pag-eensayo para sa magaganap na malking sayawan. Isama na rin ang tagisan pag-dating sa angking kagandahan at kagwapuhan para sa maitatalagang Prom Queen, Prom King, Darling of the Crowd, at Face of the Night. Kaniya-kaniyang paghahanda ang isinasagawa para sa kaganapang ating tinatanaw. Tara na’t magpakitang gilas pagdating sa paghataw sapagkat sa programang ito, tayong lahat ay magsasayawan sa

mga ilaw ng entablado. Sama-sama tayong salubungin ang gabing ligaya ang dala, gabing talaga namang maghahatid ng ligaya at ito’y ating masisilayan sa ating mga mata kasabay ng mga butuing sa kalangita’y magugunita.

Ang programang ito’y hindi lamang patutungkol sa mga gawaing iyan sapagkat ka-saklaw nito ang pagiging aktibo at pagiging maligaya. Huwag mabalakid sa takbo ng damdamin, “Ituloy mo lang” ika nga nila.

Magsayawan at makipag-kwentuhan, gawin itong pagkakataon sa pagbuo ng magagandang interaksiyon, tayo’y hindi uuwi ng walang ngiti sa mga labi.

Ang gabing ito’y magiging puno ng surpresa. Lumikha ng mga magagandang istorya. Sisibol ang pag-asa sa pagkamit ng tsansa sa tanong na “Maisasayaw ko kaya siya?”. Sama-sama nating salubungin ang gabing tunay na mapupuno ng kagalakan. Markahan ang petsa sapagkat itong gabi’y magmamarka sa ating puso’t isipan. Kaya’t ika’y mag-handa na sapagkat ang maga ilaw ay kikislap, ang entablado’y sa iyo ihaharap!

LATHALAIN
7
ni Kyle Cheska Manialong

PANITIKAN

Tahanan at Mundo

Tahanan at Mundo

Merry Rose Tesado

Sa bawat lakad mo alam kong ikaw, Kahit malayo ika’y natatanaw, Mga ngiti mo sakin ay nagpapatutunaw,

Kislap ng iyong mga mata’y sakin nagpapasilaw.

Ikaw ang nagsisilbing sandalan sa twing ako’y nahihirapan,

Mga yakap mo’y pinapawi ang kahinaan ng aking kalooban.

Balikat mo ang sumasagip at nagsisilbing pahinga, Sa mga tawa mo ako’y kumakalma.

Kapag tayo’y magkasama, oras ay hindi alintana.

Tawanang walang palya, problema’y hindi nadadama. Sa mga araw na hindi magkasundo, Tila ba may kulang at hindi buo.

Sinta sayo ay walang makahihigit, Wala ‘kang katulad at tunay na makirit.

Ikaw lang ang aking tahanan at mundo, Sitwasyon man natin ay maging magulo.

Lampara

Habang ako’y naglalakad papuntang bayan, magaalas sais na at ang ulan ay tila pabagsak na. Paguwi ko ng bahay saktong lagapak ng mga patak na ka’y lakas tila ba wala ng bukas. Pinagmasdan ko ang ulan habang ako’y kumakain ng biglang nawalan ng kuryente. Bigla akong nagulantang dahil akala ko’y kidlat lang. Napabulong ako

“Baka may kasama nakong multo habang kumakain”.

Hinanda ko ang lampara. Sinindihan ko ng malupitan kasabay ang kalabit sa posporo upang magapoy ang buong telang nakapaloob dito, angganda ng liwanag na dulot nito. Marikit, mausok, mainit. Naghalo ang ulan at lamig kabilang na din dito ang dilim sa ibang sulok ng bahay namin. Natapos akong kumain, humiga nagisip kung anong susunod na gagawin. Nilipat ko ang lampara sa bintana kung saang banda ako’y nakahi-

Merry Rose Tesado

ga. Tinitigan ko ito, naiisip kong nagtitinginan kami nito dahil sa ganda ng liwanag na naaaninag ko. Para ba akong dinadala sa ibang ehemplo ng dilim ngunit may karumpit na liwanag sa kasulok sulukan.

Sobrang daming pumasok sa aking kaisipan habang ako’y nakatulala sa maliit na lamparang gawa lamang sa lata.

Oo nga pala, nakalimutan ko.

Gawa ng lola ko ang lamparang ‘to, kaya siguro iba ang dating ng liwanag sa loob nang dalawang mata ko. Mula noong ako’y bata pa lamang, si lola ang karamay. Palagi siyang nakasalalay lalo na nung ako’y napilay dahil tumalon ako sa 2nd Floor ng aming kapitbahay. Yagit pa lamang ako nung ginawa ko ito, nakakatawa lang dahil hindi man lang ako umiyak nung nahilot na ang paa ko.

Hanggang sa paglaki ko at umabot sa edad ko ngayon,

si lola pa rin ang kasama ko. Siya ang ama’t ina ko, nagsilbing daansa madilim na patutunguhan tungo sa magandang kinabukasan. Ang init na dulot ng lampara ay katumbas ng init kung paano ko nadama ang yakap ni lola.

Lampara, gawa ni Lola. Nagsilbing liwanag sa gitna ng kadiliman, naging gabay kasabay ng ulan.

Munting ilaw ng buhay ko, danas man ang sakit at lungkot.

Nagsilbing pagsubok upang dulo ng liwanag ay maabot sa tuktok. Lampara, gawa ni Lola.

Humarang man ang kadiliman, pumasok ka man sa walang kasiguraduhan. Palaging tandaan, may liwanag sa tulay na iyong dinadaanan. Huwag kang huminto dahil lamang sa isang dilim na sumaglit sa iyong paningin, magpatuloy ka makakamit mo ang marikit na kinang katulad ng isang bituin.

Palayain ang

B A H A G H A R I

Pagmamahal sa Magulang Pagmamahal sa Magulang

Merry Rose Tesado

Magulang ang ating nagiging sandalan, Sa twing tayo ay dinadalaw ng kahinaan.

Sila ang karamay sa hirap ng buhay, ‘Pag nagiging malumbay, sila’y nakaalalay.

Mga maling pasya, sila ang nagpapasensya. Sa bawat lungkot, asahang sila’y magpapasaya. Sa madilim na daan, si ina’y ang siyang ilaw. Pag-gabay ni itay, ika’y hindi maliligaw.

Ating mga magulang, ay dapat mahalin.

Pamana sa atin, ay dapat pagyamanin.

Si inay at itay ay dapat respetuhin, Pagmamahal sa magulang ay dapat gawin.

Ang mga magulang ko, ang aking tagagabay. Sa hirap ng buhay, sila ang nakaalalay. Sa mundong puno ng lungkot at problema, Sila ang kasama sa hirap at ginhawa.

Dalampasigan

Dalampasigan

Jay Ann Lugod

malakas na paghampas ng alon

sa aking mga paa’y unti-unting umaahon

malakas na hangin, tahimik na karagatan

tila nagbabadya ang malakas na pag-ulan

sa dalampasiga’y aking napagmasdan

ang dilim ng langit at pagbigat ng ka-ulapan mga bangka ay nagsisimula ng umahon

sa putik ng dagat mula kahapon

binabaybay ang tabing dagat habang naghihintay ng bagong pamagat sa kwentong parehas nating isinulat ngunit hindi na tayo ang paksa ng pagkamulat

dalampasigan ay tinahak kahit sa kabila nito’y mayroong pahamak pinilit pagmasdan ang paghampas ng alon sinabi sa sariling kaya ko ding bumangon

Merry Rose Tesado

Buwan ng Disyembre, sumulat ako. Sinimulan ko ito sa mga salitang; Bakla, Bading, Bayot, Tomboy.

Mga kasarian na hindi tanggap ng iilan, patuloy pa rin silang nakakulong at walang kalayaan. Walang kalayaan upang ilahad ang sarili at tila ba’y wala na silang karapatang lumabas sa mga salitang higit pa ang tigas kumpara sa mga bakal na natural na lamang sa isang kulungan ngunit ito ang kanilang pinagtataguan.

Kapiling ko ang kadiliman, walang liwanag na nasisilayan.

Wala rin kasiguraduhan kung anong kapalaran ang matatamasa sa tatahakin kong daan.

Kalayaan ba o Kulungan ng kadiliman?

Kalayaang mailahad ang sarili sa tanan o kulungang matatambayan ng kalooban ang karamay lamang ay kadiliman, ito ba’y hanggang kamatayan?

Hindi ko na rin alam.

Sarili ko’y wala ng lakas-loob upang lumaban ngunit paano ko malalaman ang katapusan kung sa

gitna pa lamang ako ay isa nang lagasan. Alam kong marami akong kagaya pero bakit pakiramdam ko’y palagi akong nag-iisa sa tinatahak kong daan, mga matang nakatitig sa akin sapagkat buong pagkatao ko’y hinuhusgahan. “Bakit ganyan ka, walang nilikha ang Diyos na kagaya mo” mga katagang paulit ulit kong naririnig hanggang sa pagtulog ko kahit na ako’y nakapikit. Napakasakit. Sa bawat hikbi ko’y walang nakakarinig sapagkat anino ko lamang ang aking kakampi tila ba’y wala ng karamay upang ako ay maipagmalaki.

Isa ka rin ba sa nakakulong at pilit ikinukulong ang sarili? Marahil takot kang mahusgahan at apak-apakan.

Ngunit kailan tayo makakalis at lilisan sa sarili nating kadiliman na gawa ng atin kahinaan.

Kailan mo hahalikan ang kalayaan at ipakita sa kanila na karapat-dapat kang mahalin at karapat-dapat tayong mahalin.

Lisanin natin ang kadiliman, malalagpasan at lalagpasan natin ang

bawat linya ng mga kataga na binibitawan nila kahit na ito’y mas matulis pa sa kutsilyong pang hiwa ng isda. Iwaksi ang kahinaan, iangat ang kalakasan at tumayo sa mga sariling paa dahil ikaw ay walang taong tinatapakan. Huwag kang matakot lumaban. Palayain ang bahaghari.

Kalayaan, Kapantayan ang dapat mag hari.

Lumakad tayo ng matuwid. Huwag kang yuyuko kapag makakasalubong mo sila sapagkat ang sarili mo’y kumikinang sa ganda. Maging malaya ka.

Huwag natin hayaang makulong ang bahaghari, itaas ang bawat kulay.

Lumaban ka at bigyang puwang ang bawat lugar na hindi mo pa napupun tahan, malaya ka. Makisal amuha ka dahil malaya ka at huwag mong iisipin ang sasabihin ng iba. Kamahal mahal ka, maging sino ka man o ano ka man narara pat kang i-respeto at itur ing na tao.

Palayain natin ang Baha ghari.

Palayain ang Bahaghari.

Si ina’y at ita’y ay nararapat mahalin, Paggalang sa kanila, ay dapat gawin.

Mga bilin nila ay di dapat suwayin, Mga utos nila ay ating sundin.

Sila’y alagaan, habang sila’y nandyan.

Laging magtuon ng oras, kapag ika’y kailangan.

Pagmamahal nila ay gawing kayamanan.

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
8

AGHAM

Mundo ng Makinarya Mundo ng Makinarya

Mundo ng Makinarya

Ang tekknolohiya ay ilog at tayong mga kabataan ay nagsissitalon sa gitna nito.

Dito sa mundong ibabaw, marami ang mga nagagawang bagong imbensyon ang nga tao. Kabilang na rito ang mga bagay na de-makinang kagamitan na kung saan maaari rin itong makatulong sa mga tao.

May mga nagawang makinarya sa Pilipinas na malaki rin ang ambag sa mga tao ngunit may kaakibat din itong masamang dulot. Ayon kay

Geoffrey Hinton o mas kilala sa tawag na “AI Godfather” na ang teknolohiya sa ngayon ay paunti-unti nang nilalamon ang ating ekonomiya.

Si Geoffrey Hinton ay umalis

sa kaniyang posisyon dahil nakita nya na ang AI o artificial Intelligence ay maging isang malaking hamon para sa mga taong nabubuhay rito sa mundo, sinabi pa nya na “Right now, they’re not more intelligent than us, as far as I can tell. But I think they soon may be”.

Sa pag gamit ng teknolohiya hindi lang bansa,kalikasan o kung ano pa ang naapektuhan kundi tayo ring mga gumagamit nito, sa sobrang paggamit ng teknolohiya maari iton magdulot ng “vission problems” lalo na sa sobrang pag gamit nito maari ring

makasama ang “radiation” nito sa atin. Ang masamang epekto ng radiation ay maihahanay mula mahina, katulad ng pamumula ng balat, hanggang malubhang epekto katulad ng cancer at kamatayan depende sa pagkababad sa radiation sa indibiduwal.

PINAKAKILALANG PROBLEMA SA MGA GEN Z

pinagkuhanan: SocialSphere, Inc.

61%

42% 18%

Kasabay ng pagkabuhay ng bagong henerasyon ang pagkabuo ng makaba gong teknolohiya sa mundo ngunit paano ito nakaaapekto sa kabuhayan ng bawat tao?

Teknolohiya, ito ang tawag sa mga bagong naimbento o nagawa ng mga imbentor gamit ang mga bagay-bagay tulad ng mga mga bakal, plastic, wire at mga baterya. Ito rin ay nakatutulong na mapadali ang kabuhayan at trabaho ng mga tao ngunit may kaakibat itong masamang dulot. Makasasama ito dahil kapag patuloy na lumago ang teknolohiya ay may posibilidad na mapalitan na ng mga robot ang mga trabahador na nagsisilbi sa mga restawrant at sa iba pang negosyo dahil iisipin ng mga negosyante na mas makamumura kapag gumamit ng robot servers o mga robot na nagsisilbi sa kanila at sa negosyo nila at wala na silanb iisipin pang mga trabahador na pasasahurin buwan-buwan.

Ang makabagong teknolohiya ay nakaapekto rin sa kaugalian ng mga tao sa pamamagitan ng bata pa lamang ay natututo na silang manood ng telebisyon at sa pag-

mas pinipili ang mga bagay na makatitipid sila at ito ang dahilan kung bakit may mga restawrant o kaninan na bumibili ng mga robot tulad nito at dahil sa mga ito ay maaaring mawalan ng trabaho ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa restawrant dahil mapapal dulot din ng teknolohiya at ginagamit din ng mga hacker na ito ang teknolohiya upang manlamang ng ibang tao at makuha ang kanilang impormasyon sa pamamagitan ng mga saksakan ng selpon.

Paunti-unti ng sinasa-

na lang ang kanilang anak na mababad sa gadyets at makipagkapwa-tao dahil nasanay ang mga bata na palaging nanonood ng telebisyon o kaya’y naglalaro sa selpon at dahil sa pagkalibang sa mga ito ay nalilimutan na ng mga bata ang makipaghalubilo sa mga taong nasa paligid kaya ang kanilang pakikipag-usap sa ibang tao o sa kapamilya nito ay hindi maganda.

Maari rin itong makaapekto sa pag-iisip ng mga bata dahil sa araw-araw na paggamit ng selpon ay maari silang magkaroon ng anxiety. Anxiety, ito ang tawag sa pag-iisip ng mga tao na nahihirapan makipaghalubilo sa iba dahil natatakot sila na baka may gawin sa kanila o na-

tatakot na hindi sila kausapin at maari ring sila ay nahihiya.

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng paghahanapp ng mga alternatibo o pamalit sa nakahiligan. Halimbawa, imbis na maglaro sa selpon at manood buong araw ay bakit hindi na lang bigyan ng oras ang pamilya o makipaghalubilo sa mga kaibigan upang mapaunlad din ang husay sa pakikipag-usap at magkakaroon pa ng kaibigan.

Teknolohiya, iisang salita ngunit marami ang napipinsala, lalo na ang pag-iisip ng mga tao. Pababayaan na lang ba na ang sistema’y sakupin ng teknolohiya at ang kaugalian sa pakikipagkapwa ay balewalain na?

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
9
ni Hanz Tristan Soriano ni Hanz Tristan Soriano Pagkabalisa o Kaba Depresyon Kagustuhang Saktan ang Sarili

ANXIETY

tayo ay hindi pinili ang magkaroon ng depresyon, hindi katulad ng ilaw na may on and off switch at hindi mo alam kung kailan ito aatake.

Minsan, sa buhay ay nakararanas ng pagkalungkot, pagkadismaya at pagkagalak ngunit minsan sa sobrang pagkalungkot ng mga tao ay kung ano-ano na ang mga naiisip nilang gawin sa buhay nila. Ang depresyon kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng paghahalo-halo ng

Mas maraming kababaihan ang apektado ng pagkabalisa kaysa sa mga lalaki.

mga emosyon sa isip lalo na sa tuwing tayo ay nalukungkot at kapag ang depresyon ay lumala ay maaari itong maging sanhi ng tinatawag na “anxiety”. Ang anxiety ay isang sakit na parang ayaw mo ng makipaghalubilo sa ibang tao, natatakot ka na makipag-usap at madalas na pangagamba, madalas hindi pinatutulog dahil sa kung ano-ano ang iniisip at kahit ang musika ay hindi magagawang pakalmahin. Ito rin ay may iba’t ibang uri, mayroong Generalized anxiety disorder, Panic disorder, Separation anxiety disorder, Specific phobia at ang pinakamadalas na anxiety ay ang Social anxiety disorder, ang social anxiety disorder ay tinatawag ding social phobia, ito ay ang pag-iwas sa mga sitwasyon dahil sa labis na pangamba at pagkahiya na baka mahusgahan ito. Ito ay lima lamang sa maraming uri ng anxiety disorder at ang anxiety disorder ay tumutukoy sa mga kondi-

syon kung saan ang mga sintomas ng pagkabalisa at pagkatakot ay paulit-ulit nararanasan.

Walang pinipiling edad at kasarian ang anxiety disorders. May mga pagkakataon na nag-uumpisang lumabas ang sintomas ng anxiety mula pagkabata o hanggang sa pagbibinata ng isang indibidwal at tumutuloy hanggang sa pagtanda. Pero ayon sa pag-aaral, mas mataas ang tyansa na tamaan ang isang babae ng may ganitong sakit kumpara sa lalaki. May mga kadahilanan pang pwedeng magpataas na magkaroon ka ng anxiety disorder tulad ng pagka-stress dahil sa sakit, trauma, ibang mental health disorder, droga at alcohol, at pagkakaroon ng kadugong may anxiety disorder din.

roon ng sakit na anxiety. Ayon sa mga psychiatrist ay importante rin na malaman nila ang sintomas ng mga pasiyente na pumupunta sa kanila dahil iba-iba rin naman ang dahilan o pinagmumulan ng anxiety. Sa totoo lang mahirap ang magkaroon ng ganito lalo na sa tulad isang estudyante. Malaki ang epekto nito sa pag-aaral lalo na sa pagsagot sa klase para sa isang bata.

Ang kalusugan ng bawat isa ay mahalaga at tayong mga tao ang magdedesisyon kung tama ba o mali ang ating gagawin para sa ating ikabubuti ng ating pangangatawan. Kaya ganon na lamang ang pag-iingat ng mga tao sa mga bagay na maaring makasira sa kanilanh buhay tulad ng pagvavape.

Akala ng mga nakararami ay mas ligtas ang paggamit na mga vape o e-cigarettes kaysa sa paggamit ng iba’t-ibang uri ng sigarilyo na parehas namang maaring makasira sa kanilang respiratory system. Ngunit, lingid sa kanilang alam ay halos magkapantay na rin ang epekto na naibibigay ng paggamit ng e-cigarette sa kalusugan ng mga tao dahil naglalaman na rin ito ng nicotine na nakasisira sa baga ng mga tao.

May iba’t-ibang klase rin ang vape, mayroong, disposable vape, box type vape at pen type vapes, at lahat ng ito ay gimagamitan ng tinatawag

Labis na kapighatian, pagka-stress, pag-inom ng alak, problema sa kalusugan at trauma, ito ang ilan pa sa mga dahilan kung bakit nag- kaka-

na “vape juice” o “flavouring” upang mapausok o mapagana ang isang vape. Ang bawat juice na ito ay naglalaman ng mga kemikal tulad ng propylene glycol, vegetable glycerin at nicotina na nakakaapekto sa kalusugan ng taong gagamit nito. Ayon sa John Hopkins Medicine, may patunay na ang vaping ay maaaring negatibong makaapekto sa mga organo sa katawan, kabilang ang mga baga at puso. Nakikita ng mga eksperto ang nikotina bilang pangunahing sanhi ng mataas na presyon ng dugo at pagtaas ng adrenaline sa mga gumagamit ng vape.

Ang nikotina ang pangunahing sangkap ng sigarilyo at e-cigarette, at ito ay labis na nakakahumaling. Nagdudulot ito ng pananabik sa sigarilyo at vape at maaaring makaranas ng withdrawal symptoms kung susubukang tumigil. Ang withdrawal symptoms ay ang sanhi ng pagkaadik sa isang bagay at hinahanap-hanap

Sa dami ng taong nakararanas ng anxiety ay kailangan itong magawan ng paraan upang maiwasan, iwasan natin ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga problema sa mga kaibigan o magpunta sa mga psychiatrist upang maaga itong maagapaat ‘wag itong sinasarili at matuto ring mag-exercise para maiwasan din natin ang madalas na pagka-stress at makatutulong din ito sa ating katawan at sa ating sarili.

Sa halip na magmukmok sa loob

ng kwarto, subukan ding makipaghalubilo o makipagkuwentuhan sa mga kapamilya o sa mga kaibigan dahil kapag hinayaan lang ito ay maaari itong magsanhi ng depresyon. Subukan ding maglibot at magliwaliw kasama ang mga kaibigan o pamilya upang makapag relax at maaring pumunta sa mga lugar na nakapagtatanggal ng stress tulad ng pagpunta sa mga dagat o umakyat sa mga bundok at makatutulong ito upang huminahon ang mga sarili o nararamdaman

Ang Anxiety ay maaaring maging sintomas ng mas masahol pang mga isyu sa kalusugan ng isip.

mo na ito kahit gusto mo ng tigilan ito.

Hindi lamang ang gumagamit nito ang apektado, kundi pati na rin ang mga taong nakakatabi o kasama nitong nakaaamoy ng usok (second smoker) dahil ayon sa mga eksperto ay pati na rin ang second smoker ay maaaring makalanghap din ng nicotine at iba pang kemikal. Sa halip na gumamit ng vape ay mas mainam na libangin na lang ang sarili sa mga bagay na mas makatutulong sa ating sarili at sa pangangatawan natin.

Hindi pa huli ang lahat para maalis natin ang bisyong ito dahil madami pang alternatibong gawain na maari nating ipalit dito halimbawa na lang ng pag-aliw natin sa ating mga sarili sa pag-eehersisyo tulad ng pagbabike, jogging, basketball at sa pamamagitan nito ay maaari pang makapagpabubuti sa ating kalusugan.

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
KALUSUGAN
10
ni Hanz Tristan Soriano Lahat
BILANG NG MGA GUMAGAMIT NG VAPE SA IBA’T IBANG BANSA pinagkuhanan: Statista Consumer Insights 25% 16% 15% 13% 13% 9% ID CN US GB/UK CA IT
Hanz
ni
Tristan Soriano

ISPORTS

San Miguel nilaSing ang Magnolia, 4-2

Muling itinagay ng San Miguel BeerMen kanilang ika –29 na korona sa PBA commissioner’s cup 48 finals.

Maagang niyanig ng mga manonood ang Smart Araneta Coliseum nitong ika –14 ng Pebrero taong 2024 dahil inaasahan ng mga manonood ang mainit na laban ng dalawang kuponan.

Binuksan ni June Mar

Fajardo ng isang magandang perimeter shot ngunit sa mga susunod na minuto ay mas maganda ang pinamalas na diskarte ng magnolia na out side shot na nagresulta ng kanilang kalamangan hanggang sa pagtatapos ng first quarter.

ni Kian Leign Nacino

Isang magandang 3 point shot ang pinakawalan ni Don Trollano sa umpisa ng 3rd quarter upang maun gusan ang magnolia ngunit sa pagpatak ng ika –4 na minuto ay muling rumagasa ang magnolia sa pangun guna nina Paul Lee at Ian Sanggalang na nagbibigay ng mga magagandang play upang umangat sa laro.

Gitgitang laban ang ipinakita ng dalawang kuponan magagandang atake at mahihigpit na de pensa ang ipinamalas ng mga natatanging manlalaro.

Tambalang Rome Dela Rosa at Paul Lee ang patu loy na nagbibigay ng pag-

Suspendido na, Pinagmulta pa

ni Kian Leign Nacino Pambansa

Pinatawan ng 100,000 na multa at 1 game suspension itong si Calvin Abueva dahil sa ginawa nitong mocking gesture na ginawa nito sa punong tagasanay ng San Miguel Beermen na si Jorge Galent sa kasagsagan ng PBA commissioner’s cup season 48 finals.

Nangyari ang hindi inaasahang pangyayari sa kasagsagan ng 2nd game PBA commissioner’s cup finals matapos magkaroon ng ikalimang foul sa laro.

Matapos ma-foul out si Abueva nakitang kinukutya nito ang pisikal na kapansanan ng punong tagasanay ng San Miguel Beermen na si Jorge Galent.

Ayon sa league commis-

onds ngunit habang nagsasaya ang San Miguel kumana ng isang 3 point shot si Aris Dionisio ngunit hindi ito nag-

Muli siyang binigyan sa ng 3 point sa huling segundo pang panalo sana ng magnolia ngunit hindi ito

Matapos ang mahabang pakikipagsapalaran, isinuko ng Magnolia ang laban sa iskor na 104-102 at muling naiuwi ng San Miguel ang kanilang ika –29 na

Muling panaluhod ng

Choco Mucho Flying Titans ang Black Mamba Army sa muli nilang pagkikita sa Premier Volleyball League noong nakaraang Pebrero, 2024 sa Philippine Arena.

Gigil na masungkit ng

Choco Mucho ang kampeonato dahil sa unang laro palang ay nagpasiklab na sila at nagpa-ulan nang matatalim na mga palo, at mga matatayog na blocks. Sa iskor na (19-25, 23-25, 19-25).

Bida ang manlalarong si Kat Tolentino dahil sa galing na ipinamalas nito. Sa sinimulang unang set

sioner na si Willie Marcial ay noong araw din na iyon ay na resolba agad ang problema dahil pagkatpos ng laro ay agad na humingi ng tawad kay Galent na agad din itong pinatawad.

“Coach sorry po, nabigla lang po talaga ako” ani Abueva

“Wala yon, okay na yun, kalimutan na natin yon” ani Galent

Kahit nagkapatawaran na ang dalawa napagdesisyonan pa rin ng mga kawani ng PBA na patawan pa rin ng 100,000 at may 1 game suspension itong si Abueva dahil nilabag niya ang isa sa mga babala sa loob ng court dahil maari itong mag dulot ng malaking problema.

Gilas, handa na ba sa Asian Supremacy?

ni Jefferson D. Santos Pambansa

Kilala ang ating bansa sa pagiging sports-crazy, bawat kanto ng mga baranggay ay makakatagpo ka ng mga basketball court at maraming manlalarong kabataan, naglalaro sila ng basketball upang maglibang at mag-ensayo, kilala rin ang ating bansa sa pagkakaroon ng matinding pagkahumaling sa basketball, marami ang nagiging ilusyunada padgdating sa ganitong sports. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, kilala pa rin ang ating bansa sa pagiging underdog, kaya naman naglatag ang Gilas Pilipinas ng panibagong lineup na kinabibilangan nina Dwight Ramos, Kai Sotto at Carl Tamayo upang makapasa ang ban-

aRYa TiTanS!

ni Kian Leign Nacino Pambansa

ay unang pumuntos ang

Choco Mucho ngunit tinabla ng Black Mamba at sinimulan ang laro sa mahabang rally at mga nagtatalimang palo ngunit bigo ang Black Mamba na makuha ang unang laro sa iskor na 19-25. Mainit-init laban sa ika lawang set dahil sa sagutan ng mga palo at tablang mga iskor, pero tila ba walang epekto ito sa Choco

Mucho at tuloy pa rin ang magandang laro.

Sa huling set ay walang nagawa ang Black Mamba dahil kitang-kita ang determinasyon ng Choco

masungkit ang panalo. Mas lalong napabaon ni Tolentino ang iskor ng katunggali na nahirapang maiangat ang kanilang iskor sa huling laro. Pasok na sa finals ang Choco Mucho upang makamit ang kampeonato sa

“Talagang gusto namin na makuha ang panalo na ito dahil talagang pinaghirapan namin ito at inialay namin ito kay Coach O.” wika ni Tolentino.

Kaunting kibot na lang ay malapit nang maka-

sa sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Mga matatangkad, magigilas, at madidiskarteng manlalaro upang magrepresenta ng bansa, subalit balewala ang lahat ng ito dahil patuloy pa rin tayong napagiiwanan sa Asya, kailangan magkaroon ng rules change, grassroots program, at coaches training upang makahabol sa ating mga kapitbahay na bansa.

Ang pagkakaroon ng chemistry ang kailangan upang makamit ang gintong medalya sa pampalakasan, mabago sana ang kinagisnang gawi na individualistic at slow upang tuluyang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat manlalaro.

mit ng Choco Mucho Flying Titans ang kampeonato, lalaro sila sa susunod na linggo sa Philippine Arena upang maiuwi ang tropeyo sa PVL. Kitang kita sa kanilang mga galaw na desedido silang manalo sa kanilang laban upang muling maibalik ang kanilang titulo sa Premier Volleyball League.

Patuloy silang mag eensayo upang mahubog ang kanilang kakayahan at lakas sa larangan ng Volleyball, disiplina, diskarte, pakikisama at pag sunod sa kanilang punong tagasanay ang kanilang puhunan upang manalo sa kanilang bawat laro.

Setyembre 2023 - Pebrero 2024
11

ANHS NANGIBABAW SA MUNICIPAL MEET

Nitong ika -28 ng Oktubre taong 2023 lumahok ang mga natatanging atleta ng

Aliaga National High School sa Municipal Meet na pinangungunahan ng San Juan Integrated School.

Iba’t ibang kategorya ang naglaban-laban mula sa iba’t ibang iskwelahan ng distro ng Aliaga.

Aliaga National High School ang nanguna sa patimpalak na ito na naguwi ng 13 na medalya upang itanghal bilang overall champion.

Athletics sina Jeric A. Valdez pangalawang pwesto sa Javelin Place at ikatlong pwesto sa shotput, Jacob Singil pangalawang pwesto

shotput, Johnlloyd Amistad kampeon High Jump at unang pwesto sa Long Jump, Bea F. Taladro kampeon 200 meters dash at pangalawang pwesto sa 100 meter dash, Rizza May Mamaclay unang pwesto sa shotput throws, Matthew James Corpus kampeon 3000 meters dash at unang pwesto sa 1500 meters dash, Mary Joy Barabad unang pwesto 1500 meters dash, Badminton Mark Wesley Benedicto at Prince Ryan Matias Kampeon sa Mens single A at B, Rommel Pascual at Isaiah Genesis Sanchez Kampeon sa mens doubles, Luna Beltran pangalawang pwesto ng women’s single A, Princess

ANHS BIGONG MAIBULSA ANG TROPEYO KONTRA VRBNHS

ni Kian Leign Nacino Pampaaralan

Ibinandera ng Vicente R. Bumanlag Sr. National High School (VRBNHS) Ang kanilang husay at galing sa larangan ng volleyball kontra sa Aliaga National High School (ANHS) gamit ang kakaibang taktika na kanilang ipinamalas sa naganap na municipal meet noong ika -28 ng Oc tubre 2024 na ginanap sa San Juan Integrated School.

Kinapos man ang Aliaga National High School (ANHS) na makuha ang panalo pero bigay todo pa rin sila para ibandera ang kanilang paaralan.

Sa unang set pa lang ay kita na sa dalawang koponan ang determinasyong manalo, nguniy mas nanaig pa rin ang Vicente R. Bumanlag Sr. National

High School at nasungkit ang unang set sa iskor na 25-22 gamit ang bumubulusok na mga palo.

Dikdikan ang naging laban ng dalawang paaralan sa ikalawang set ay tila qalang gustong magpadaig at todo

laban dahil ultimo ang court ay dumadagungdong dahil sa hiyawan at palakpakan ng mga manonood.

Kinulang pa rin ang pwersa ng Aliaga National High School (ANHS) para masungkit ang pinakaaasam-asam na panalo at tinapos sa iskor

Irerepresenta ng

Vicente R. Bumanlag Sr. National High School ang munisipalidad ng Aliaga para sa paparating na laban sa Disyembre sa Zaragoza National High School

Nagbigay pahayag ang

Coach ng Aliaga National High School “babalik kami ng mas malakas sa susunod na taon dahil ngayon ay kinulang kami sa training” wika ni coach Kimberly Sordan.

Daniel Mendoza pangalawang pwesto women’s single B, Darlhen Nicole Santos at Real Morey Hernandez kampeon sa women’s double, chess Aldred S. Esluzar kampeon winner alternate, Table Tennis Theo Mendoza, Jade Umpad, Jay-m Esmas, Amiel Ordanes, Mariel R. Garcia, at Ereeshia Reyn Domingo silang lahat ay nakakamit ng gintong medalya (kampeon), Volleyball girls, Taciana Reaze Martin, Juvelyn Santiago, Maricar Glodo, Judesa Matias, Reynalyn Beltran, Rose Anne Sagun, Maria Monica A. Hermano, Agatha S. Tiburcio, Seff Ambrea San Mateo, Kimberly Joy Dela Cruz, Amanda Dela Vega at Allyza Grace De Vota na nagkamit ng gintong medalya (kampeon),yan lamang ang ilan sa mga manlalarong nagkamit ng gintong at pilak na meda-

lya sa nasabing kompetisyon.

Ang tagumpay na ito ay hindi makakamit kung hindi dahil sa punong guro at ulong guro ng asignaturang MAPEH na si Gng. Mary Finela M. Bayan at Gng. Amelia A. Villareal at mga punong tagasanay na walang sawang nag sasanay at nag sasakripisyo upang mag wagi sa Municipal Meet.

Ang mga natatanging manlalaro na nagkamit ng gintong medalya ay aabante sa paparating na dual meet sa ika -8 ng Disyembre taong 2023 na gaganapin sa Zaragoza National High School.

Hindi silang magsasawang mag ensayo upang mahubog ang kanilang kakayahan sa bawat kategorya at patuloy rin silang mangangarap at magsisilbing inspirasyon sa mga batang atleta na gustong lumahok sa iba’t ibang kompetisyon balang araw.

Cignals, hari ng court: Cignal's Hd Spikers nakamit ang tagumpay sa banggaan nila ng Ioilo D'Navigators

ni Kian Leign Nacino Pambansa

Nagpaulan nang bumubulusok na mga palo ang Cignal’s Hd Spikers kontra Iloilo D’Navigators sa naganap na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa Rizal Memorial Coliseum noong nakaraang sabado.

Binawi ng Men’s Cignals ang pagkatalo ng Women’s Cignals gamit ang mala-bulalakaw na mga tira at sa iskor na 27-25, 31-33, 25-16, 25-18.

Dala ang determinasyon, husay at galing kaya’t umarangkada na ang Cignals sa simula ng set ay kitang kita na ang kanilang gigil kaya’t nagpakawala ng mga mala-kidlat na mga palo sa iskor na 27-25.

Dikdikan ang naging laban sa ikalawang set dahil sa sagutan ng mga palo at magagandang set na nagbigay ng isang kaaya-ayang laro, ngunit

mas nananig ang D’Navigators at ipinamalas ang matatayog at mala-pader na blocks sa iskor na 31-33.

Hindi na pinagbigyan ng Cignal na maka-iskor ulit ang D’Navigators kaya todo hataw sila at nakuha ang puntos sa pangatlong set sa iskor na 2516.

Napag-iwanan ng Cignals ang D’Navigators dahil tuloy-tuloy ang pagbibigay nila nang bumabaon na mga palo na hindi mapigilan na naging dahilan nang pagbaon ng D’Navigators sa iskor na 2518.

Sa kanilang pahirapang banggaan kontra D’Navigators tagumpay na naiuwi ng Cignals ang tropeyo at nabawi na rin ang mga babaeng manlalaro sa laban nila ng D’Navigators.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.