Dignidad Issue 8

Page 1

ISYU 8 | NOVEMBER - DECEMBER 2019


2 | DIGNIDAD

ISSUE 8 | NOVEMBER - DECEMBER 2019

EDITORYAL

Bagong Bayanihan Sa nakalipas na mga taon, sinagupa ng ating bayan ang mabibigat na mga pagsubok at ligalig. Bumungad naman ang mga nakababahalang balita sa umpisa pa lang ng pagpapalit ng bagong dekada. Sa kabila nito, hindi tayo nagpatinag. Humugot tayo ng tibay mula sa ating pagdadamayan at pagkakaisa upang makabangon at umusad kahit paunti-unti. Ang ugaling ito ay katangi-tangi sa Pilipino. Marami ang humahanga sa pambihirang kakayahan natin na magkaroon ng katatagan ng loob sa kabila ng mga naranasang delubyo. Hindi nawawala sa atin ang gaan ng mga ngiti dahil nanalig tayong malalampasan ang anumang pagsubok. Ang malaking pundasyon ng ating pagiging matatag ay ang ating pananampalataya. Sunod ang suporta ng ating pamilya, kaibigan at komunidad—ang ating pagkakapitbisig o pagbabayanihan lalo na sa tawag ng pangangailangan. Nanalasa ang iba’t-ibang natural na kalamidad tulad ng bagyo kung saan marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan. Noong nakaraang taon, niyanig rin ng sunud-sunod na lindol ang mga lalawigan sa Mindanao. Kamakailan naman ay nangamba tayo sa kalagayan ng Bulkang Taal. Daang libong kababayan natin ang humarap sa matinding pinsala sa kabuhayan at kalikasan dulot ng pagputok ng bulkan. Hindi lamang ito ang mga nanalanta sa ating bayan. Marami rin tayong masalimuot na karanasan sa usapin ng

pagtataguyod sa pangkalahatang karapatang pantao. Libu-libo pa ring biktima ng pamamaslang at karahasan ang pinipilit na umahon kahit puno ng pagluluksa. Ang mga pamilyang ito ay mga wangis ng kahirapan at pilit pang inilulugmok sa laylayan ng ating lipunan. Kung tutuusin, ang gobyerno ang may pangunahing tungkulin na umalalay at sumuporta sa mga nangangailangan. Sila ang dapat nangunguna sa pagbibigay ng maagap, madiskarte at epektibong tulong sa mga nangangailangan. Kailangang gampanan ng mga pinuno ang kanilang obligasyong masiguro ang maayos na kapakanan ng bawat mamamayan at natatamasa ng pantay ng bawat isa ang kanilang mga karapatan. Ngunit hindi palaging ganito ang realidad natin. Sa ating kasalukuyang lipunan, tila mas pinagkakait ng gobyerno ang dapat na para sa mga mamamayan. Imbis na sila ang ating aasahan, sila pa mismo ang nagiging pabigat minsan sa mga suliranin ng bansa. Pero ang hamon sa atin, palagi na lang ba tayong aasa sa mabagal at mapurol na pagtugon nila? Sa panahon ng pananalanta, tinatawag

Sa panahon ng pananalanta, tinatawag ang isang bayang nagkakaisa. Nararapat na tayo rin mismo ang ang isang bayang nagkakaisa. aktibong kumilos para Nararapat na tayo rin mismo ang aktibong kumilos para lumikha ng lumikha ng bagong bagong bayanihan. bayanihan. Maisasakatuparan lamang ito kung marunong tayong magpahalaga sa ating kapwa. Ang konsepto ng bayanihan ay nakaugat sa malalim na ugnayan ng bawat Pilipino o sa madaling salita, mula sa pakikipag-kapwa-tao. Ang pakikipag kapwa ay isang pagkumpirma na ang bawat buhay ay may dignidad at karapatan na kailangang matamasa at pahlagahan. Ang mga puwang at pagkukulang na ito ng gobyerno ay naisasalin sa ating mga balikat. Kung may mga nasalanta, may mga agad na umaalalay para sa kanila. Naging malaking parte rin ang social media sa pagpapalaganap ng ating mga adbokasiya at lalo bilang plataporma para maipaabot ang tulong sa mga nangangailangan. Mula sa isang viral post, kayang dumagsa ang tulong o atensyon ng ating kababayan. Sa kabilang banda, marami pa rin ang hindi naaabutan ng tulong. Sila ang mga hindi naipapaskil sa social media o marahil nananahimik sila sa pagkalugmok o lalong sinisiil ng mga mapang-api.

Tayo ang mas kinakailangang tumungo sa kanila at mag-bukas ng palad sa pagtulong. Mas lalong kailangan silang maiahon at maiangat para tuluyan tayong umunlad. Sa bagong taon, kailangang palalim natin ang ugnayan sa ating kapwa Pilipino, kapwa tao. Maaaring magkakaiba ang ating kasaysayan, paniniwala at karanasan, pinagbubuklod tayo ng iisang mithiin- kaginhawaan at pag-asa sa buhay. Nababago man ang mukha at paraan ng ating pagtutulungan, mananatili ang pambihirang diwa ng ating pagkakaisa. Sa ating bagong bayanihan, tutungo tayo sa mas maunlad at masiglang kinabukasan.

MAY MGA KWENTO O LARAWAN KA BANG NAIS NA IBAHAGI? TUMATANGGAP ANG DIGNIDAD NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-PM sa IDEALS Inc. Facebook Page.


SA PILING NI NANAY:

Pamilyang nawalay dahil sa PDEA Ops, kumpleto na Amanda Lingao

Isang bata ang umiidlip sa kutson sa sahig. Sa kaniyang tabi, nakahiga ang kaniyang ama, mahimbing ring natutulog sa gitna ng hapon. Dahan-dahan silang ginising ng isang babae na may uwing pasalubong para sa anak: Jollibee! Unti-unting bumagon ang bata, binuksan ang paper bag na uwi ng kaniyang ina at nag-merienda, takam sa bawat kagat ng burger steak na minsan lang matikman. Ganito ang buhay kina Rosebel nakakapagod, pero laging puno ng Sarno, isang trabahador sa Market 1, pagmamahal. Navotas fishport. Dito na sa Market Ilang buwan lang ang nakalipas 1 nabuo ang pamilya ni Rosebel at ay halos nabaliktad ang buhay ng lumaki ang kaniyang anim na anak. pamilya nila dahil sa kampanya Simple man ang buhay, maligaya kontra droga ng gobyerno. ang kanilang tahanan: minsan Noong Enero 16, 2019 ay dinakip ng magulo, m a d a l a s Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlo sa magkakapatid, kasabay ang 12 pa na menor de edad sa Market 3. Binibisita lamang nina Isay*, Kyla*, at Anne*, ang alagang tuta sa kanilang lola nang sila’y inaresto at diumano “iniligtas” raw ng PDEA mula sa mga sindikato ng ilegal na droga.

Sa kabila ng pagpapaliwanag ni Rosebel, dinala ang mga ito sa bahay Pag-asa Center sa Navotas. Doon tumira ang mga bata ng isang buwan, kahit walang kasong nakasampa laban sa kanila sa korte. “Masakit. Para na akong nadedepress sa nangyayari, hindi na halos makakain,” alala ni Rosebel. Sa tulong ng IDEALS, isang legal na organisasyon, naghain sina Rosebel ng writ of habeas corpus sa korte at nakauwi ang kaniyang mga anak noong Pebrero 15. Ngunit hindi dito nagtapos dun ang kalbaryo ng pamilya. Bago pa napalaya ang mga bata, nagsampa naman ang PDEA ng kasong “Child abuse” laban sa kanila at iba pang magulang. Kwento niya, “nabunutan kami ng tinik nung nauwi namin, sila tapos ito naman… nabalitaan naming sa news na kami naman yung kakasuhan.”

Nagpapasalamat na rin ako kay Lord, 'di niya kami pinabayaan kahit sabihin mong may pinagdaanan kami, basta importante kumpleto ang pamilya.

Sa awa ng Diyos, naibasura ang kaso laban kina Rosebel, matapos ang tatlong hearing. Ang ibang mga magulang ay hindi swinerte. Ayon kay Rosebel, nakulong raw ang ilan sa kanila. Ngayon, sa ligid ng ingay at likot ng kaniyang mga anak, tahimik na uli ang buhay nina Rosebel. Nabigyan rin ng scholarship ng Diosesis ng Kalookan ang kaniyang anak na si Isay. Simple man ang buhay ng kaniyang mga anak, puno ito ng pagmamahal at pag-aaruga ng magulang— bagay na hindi mapapantayan ng kahit anumang center. “Nagpapaasalamat na rin ako kay Lord, ‘di niya kami pinabayaan… Kahit sabihin mong may pinagdaanan kami, basta importante kumpleto ang pamilya,” ika niya. *Pinalitan ang pangalan ng mga menor de edad para sa kanilang pribasiya.


4 | DIGNIDAD

ISSUE 8 | NOVEMBER - DECEMBER 2019

mulat na kabataan

Midya para sa karapatang pantao Sulat ni Bea del Rio | Kuha ni Dada Grifon Ang usapin sa karapatang pantao o human rights ay isang malawak na diskurso. Gayunpaman, madalas itong hindi nabibigyang pansin o hindi napapalalim ang pagtingin dito. Dahil dito, mas bumibigat ang tungkulin ng media sa pagpapalaganap ng kaalaman at tamang impormasyon tungkol sa karapatang pantao at mga isyu patungkol dito. Bilang tugon dito, nagsagawa ang IDEALS, Inc. ng “MULAT: Community Media for Human Rights Advocacy Workshop” para sa mga kabataan noong Nobyembre 16-17, 2019 sa Quezon City. Layunin ng organisasyon na ipakilala sa mga kabataan ang konsepto ng karapatang pantao at ang kritikal na papel ng media sa pagpapalaganap ng kaalaman at katotohnan. “Along with media literacy, maganda rin na tayo ay dapat info

literate. Dapat alam natin kung ano ang tatanggapin at hindi na messages,” ani Audrey Mana-ay, isa sa mga lumahok sa workshop mula sa Caritas Manila. Tinalakay ni Atty. Mario Maderazo ang pangunahing konsepto ng human rights at pagsusuri sa mga paglabag sa mga ito sa komunidad. Nagbahagi naman si Ed Lingao, isang beteranong journalist, ng mga aral kung paano makikilahok ang mga kabataan sa pagpapahayag ng katotohanan bilang mga community journalists. “Journalism allows you to be a student and a teacher. A good journalist is a student who learns through story gathering, and is a teacher who shares information to Community journalism for the people by the people. Every community has its beliefs, issues. Yun yung dapat inaambag natin sa current narrative ngayon. - Mikhaela Dimpas

Journalists empower people with information they can use to make their own judgement. With empowerment, you give them the change to change the world. - Ed Lingao

Passive consumption make it easier to inculcate beliefs if the audience is not critical. - Darlene Cay

Legal empowerment and media both play a role in empowering people and helping them exercise their rights. We need stories with value. Mga Kwentong may kwenta. - Atty. Mario Maderazo

the public,” ani Lingao. Dagdag naman ni Darlene Cay, GMA News Reporter at co-founder ng Out of the Box na isang media literacy organization na dapat maging kritikal na konsyumer ng impormasyon ang mga kabataan. Mula sa Komunidad, Tungo sa Komunidad Isa rin sa mga layunin ng training ay maturuan ang mga kalahok ng mga praktikal na kakayahan sa pagbabalita o pagkukwento sa pamamagitan ng pagsusulat at pagkuha ng mga larawan. Magagamit nila ito para sa epektibong pagkwento o pagreport ng katotohanan ayon sa kanilang mga karanasan at karanasan ng komunidad nila. “We don’t just speak truth to power, we speak truth to empower. We tell stories to help people find and use their voice. They’re not voiceless and we’re not saviors. We merely amplify their voices,” sabi ni Mikhaela Dimpas, Media Officer ng IDEALS, Inc. Malaki ang tungkulin ng social media lalo na sa kasalukuyang panahon kung saan abot kamay na ang halos lahat ng impormasyon. Sa makabagong teknolohiya, mas nagiging mabilis at madali na rin ang palitan ng balita at iba pang kwento. Kaya naman mas tumitindi ang pangangailangan sa masigasig

na pagsuri sa mga impormasyong natatanggap at naibabahagi natin. Ngunit habang may mga kabutihang nadudulot ito, di maipagkakaila na marami ring masamang epekto. Kabilang na dito ang paglaganap ng fake news o mga maling impormasyon na pwedeng maging ugat ng pagyurak ng karapatan pantao. “Bilang vulnerable sector ang kabataan, gawin nating platform ang social media para maipaabot yung mga kailangan at karapatan natin,” mungkahi ni MJ Germo, isa sa mga youth advocate mula sa Sto Nino De Baseco Parish. Bago matapos ang training, nagbahagi ang kabataan ng mga ideya kung paano sila makakatulong magsulong ng karapatan pantao sa pamamagitan ng paghahayag. Ilan sa mga nabanggit ang pagtaguyod ng social media campaign na nakatuon sa kanilang adbokasiya gaya ng edukasyon, at pagbuo ng mga orihinal na videos, kwento, infographics, at iba pang materyal para sa kamalayan ng komunidad nila. “Yung pagpunta dito, hindi lang para matuto kundi para magbahagi ng natutunan. Paano natin i-eempower yung iba? Doon tayo mas dapat mag usap. Sama sama tayo,” giit ni Dada Grifon, Media Officer mula sa IDEALS.


SIPAT LABAN PARA SA KATOTOHANAN. Malaki ang parte ng tamang impormasyon at makahulugang komunikasyon sa ating pagtanggol sa karapatang pantao. Noong Nob. 16-17, 2019 ay idinaos ang “Mulat: Community Media for Human Rights Workshop” sa Stone House Hotel, Quezon City. Layon nito na bumuo ng network ng community journalists mula sa hanay ng mga kabataan, taong simbahan, at mga advocates mula sa komunidad upang ikwento ang katotohanan sa likod ng kampanya kontra droga at paigtingin ang dignidad ng mga tao gamit ang panulat, camera, at ang kanilang mga salita.

Manumbalik ang pag-asa sa mga biktima ng human rights violations at kanilang pamilya, at sabay nito, ang kanilang paghilom. ROSE BULTRON CARITAS MANILA VOLUNTEER

Hangad ng mga kalahok mula sa Kapatiran Kaunlaran Foundation Inc. (KKFI) na magkaroon ng mga programang para sa mga out-of-school youth sa Manila North Cemetery at matulungan sila na manumbalik ang sigla sa pag-aaral. Ang mga miyembro ng KKFI ay tinulungan ng organisasyon na makapag-aral at ngayon ay nais na nilang ibalik ang natutunan sa kapwa kabataan.

BOSES NG PAG-ASA: ROSE BULTRON

Mga kabataang kalahok mula sa mga parokya sa Kalookan. Sila ay may aktibo ring adbokasiya para sa mga drug surrenderees at mga biktima ng human rights violations na kaakibat ng kampanya kontra droga sa kanilang lugar.

Ibinahagi ni Bryan Lawas mula sa Diocese of San Pablo ang kahalagahan na magkaroon ng talakayan sa Simbahan tungkol sa karapatang pantao.

Naniniwala si Milanie Jurban mula sa Caritas Manila na kailangang paigtingin ang pagpapahalaga at pagpapalalim ng edukasyon sa mga kabataan.

Bagamat may elemento ng takot at panganib, tinuturing ni Caritas volunteer Rosalinda Bultron-mas kilala bilang Rose-- na isang pribilehiyo ang makisalimuha sa mga tao sa komunidad. “Mas maganda sa labas, mas nakakasalimuha mo yung tao kaysa sa loob ng simbahan,” aniya. “Yun yung palaging sinasabi ni Father, na ‘wag tayong laging naka-focus sa simbahan kasi mas maraming nangangailangan ng tulong sa labas.” May isang dekada na ring karanasan bilang boluntaryo si Rose, pero hanggang ngayon ay masigasig pa rin siya sa pakikipagkawanggawa. Nang ang anak niya ay maging biktima ng illegal arrest, mas lalo pa niyang pinaigting ang paglaban

sa karapatang pantao dahil ayaw na niyang mangyari pa ito sa iba. “Hinuli sila dun sa lugar namin, wala ako nun. May nagsabi na lang sa akin,” kwento niya. Sa kasalukuyan, mahigit tatlong buwan nang nakakulong ang anak niya. Nagpapasalamat si Rose sa IDEALS dahil bukod sa tulong-ligal, ay tingin niya maganda ang naidulot ng kolaborasyon sa pagitan ng IDEALS at kanilang organisasyon. “Lahat nagtutulungan para sa ikabubuti ng pinaglalaban natin,” aniya. Para sa taong 2020, ang tanging bisyon ni Rose: Manumbalik ang pag-asa sa mga biktima ng HRV at kanilang pamilya, at sabay nito, ang kanilang paghilom.

MAY MGA KWENTO O LARAWAN KA BANG NAIS NA IBAHAGI? TUMATANGGAP ANG DIGNIDAD NG MGA KONTRIBUSYON! Mag-text lang sa 0966 760 9397 o mag-PM sa IDEALS Inc. Facebook Page.


DIGNIDAD

6 | DIGNIDAD

ISSUE 8 | NOVEMBER - DECEMBER 2019

Naulilang ama, sumusulong para iwasto ang death certificate ng anak Sulat at Larawan ni Dada Grifon Nakasabit pa rin ang tarpaulin ng batang si Lenin Baylon sa kanilang bahay. Naroon ang nakangiting larawan niya, at nakasulat sa tabi nito ang isang kabalintunaan: “Lenin, Happy Birthday Bunso! Ikaw na ngayon ang magiging anghel namin. Mahal na mahal ka namin.” Para sa ama ni Lenin na si Rodrigo, ito ay hindi palamuti o pagbati. Higit pa ito sa isang palatandaan ng buhay at kamatayan ng bunsong anak. Pumanaw si Lenin, tatlong araw bago sumapit ang kanyang kaarawan. Handa na sana ang surpresang inilaan nina Rodrigo para kay Lenin para sa pagdiriwang ng kanyang ikasampung kaarawan. Pero hindi na ito naabutan ng kanilang pinakamamahal na bunso.

Noong Disyembre 2, 2016, pumanaw si Lenin matapos matamaan ng bala mula sa pamamaril ng mga di umano’y nakasibilyang pulis na hinihinalang sangkot sa isang sindikato ng ilegal na droga sa Caloocan. Narinig na lamang ni Rodrigo ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng kanilang bahay. Hindi niya inasahan na nadamay rin si Lenin sa pamamaril na noong mga

panahong iyon ay nasa labas pala. “Ang unang naramdaman ko noon ay pagkagalit, pagkakaroon ng sama ng loob. Bakit nadamay ang anak ko sa ganoon kamurang edad? Para bang nawawalan na ako ng tiwalang mabuhay dahil sa pagkakapatay diyan. Ang masakit doon, collateral damage,” ani Rodrigo. Samantala, pinalad na mabuhay ang siyam na taong gulang na kalaro ni Lenin na tinamaan rin ng ligaw na bala sa kanyang talampakan. Nasawi naman ang dalawang babaeng hinihinalang target mismo ng mga namaril. “Sa akin, nasayang ‘yung kay Lenin. ‘Yung gusto niyang buhay, makapagturo. Makapaglingkod sa mga batang kapus-palad kaya gusto niyang maging guro. Tapos pangarap din niya, alagaan niya ako. Lagi niyang sinasabi tutulong siya kahit wala na nanay niya,” ani Rodrigo. Bukod sa pagkawala ni Lenin, hinanakit pa ng ama ang ANGHEL. Tatlong araw bago sumapit ang kanyang ikasampung kaarawan, pumanaw si Lenin matapos matamaan ng bala mula sa isang pamamaril na isinagawa ng mga nakasibilyang pulis.

kasinungalingang nakasulat sa death certificate ng anak. Ayon sa certificate, “bronchopneumonia” ang sanhi ng kanyang kamatayan imbis na ito ay “gunshot wound.” “Ang nakapatay diyan hindi bronchopneumonia, kundi baril. Kinakailangan pangibabawan natin ang katotohanan. Buhay ang nawala. Buhay ang nawala dahil sa baril,” giit ni Rodrigo.

nakapatay “ Ang diyan hindi

bronchopneumonia, kundi baril... Buhay ang nawala. Buhay ang nawala dahil sa baril.

Paliwanag niya, napilitan siyang pumirma sa waiver na binigay ng mga pulis noong sila ay nasa punerarya. Inabisuhan siyang ipa- autopsy ang anak upang maimbistigahan ang pangyayari. Pero dahil walang pambayad ang kanyang pamilya para ipa-autopsy ang anak, inalok na lamang siya ng pulis na pumirma nalang sa waiver.


DIGNIDAD

NEWS / COLUMN / COMICS 7 | DIGNIDAD

Sa masugid na kagustuhang makapiling na agad ang pumanaw na anak, kahit na ngarag at wala sa sarili, pumirma siya sa waiver. Lingid sa kanyang kaalaman ang mga implikasyon ng kanyang desisyon dahil hindi rin naman ipinaliwanag ng mga pulis ang proseso at magiging kahihinatnan ng pinirmahang kasulatan. Pinagbayad rin siya ng higit 16,000 para mabawi si Lenin mula sa punerarya. Pakiramdam ni Rodrigo, pinagsamantalahan ang kanilang sitwasyon kahit pa sila ay biktima ng masalimuot na pangyayari.

ISSUE 8 | NOVEMBER - DECEMBER 2019

“Nagdadalamhati kaming maganak doon, dahil nawalan kami ng isang yaman sa bahay na si Lenin. Naisip ko parang sumusunod ka na lang. Mahirap ka na nga, nawalan ka pa ng anak, magkakagastos. Ang mahalaga doon kako mapalibing ko ng maayos ang bata,” dagdag niya. Nanindigan si Rodrigo na hindi lamang simpleng papel ito para sa kanya, dahil sinisimbolo nito ang kawalan ng hustisya sa pagkamatay ng anak. Dagdag pa niya, malinaw na patunay ito na hindi epektibo ang kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte.

KAISA ANG PAMILYA SA LABAN. Binisita ng Baylon family ang mahal sa buhay na pumanaw na si Lenin Baylon at ang asawa niya. Pag-asa ang mas nangingibabaw sa pamilya Baylon dahil umuusad na ang kasong isinasampa sa korte.

BOSES NG PAG-ASA: ANNA ROSSEL

EDITORIAL STAFF EDITOR-IN-CHIEF Dada Grifon LAYOUT DIRECTOR Mikhaela Dimpas CARTOONIST Bladimer Usi WRITERS Amanda Lingao Dada Grifon Bea Del Rio PHOTOS Patricia Leuterio Bea Del Rio Dada Grifon

Malalim ang pang-unawa ni Anna Rosel sa mga pamilyang tinutulungan niya. Nitong Marso, ang kapatid niya ay nasawi dahil sa drug war. Buhat ng trahedya, naudyok siya na lumapit sa kanilang parokya. Kinalaunan ay naging boluntaryo ng IDEALS si Anna. Tumatak sa kanya ang ginanap na paralegal training ng organisasyon. Doon, namulat siya sa karapatang pantao. “Wala po talaga akong alam sa mga batas. Alam ko na may karapatan tayo pero di ko alam kung ano siya, kung pano siya.” Dagdag niya, “nung nandun na po ako, talagang tinutukan ko yung bawat tinuturo nila.” Sa taong 2020, hiling ni Anna na magkaroon ng regular na seminar sa komunidad nila patungkol sa karapatang pantao.

TANGAN NG HUSTISYA. Inaakay ng mga apo si Rodrigo habang pauwi sila mula sa pagbisita sa pumanaw na anak na si Lenin. Kasama niya ang pamilya sa pagtangan ng hustisya para sa anak.

Tatlong taon na ang lumipas mula nang nangyari ang trahedya sa kanilang pamilya, pero buo pa rin ang paninindigan nila na ipaglaban ang katotohanan at mabigyang dignidad si Lenin. Sa pakikipagtulungan sa Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS, Inc.), isang legal na organisasyon, isinusulong ng pamilya Baylon na maitama ang death certificate ni Lenin. Malaki raw ang pasasalamat ni Rodrigo dahil nabigyan siya ng inspirasyon at tumaas ang kanyang moral dahil sa suporta ng organisasyon. Sa kasalukuyan ay

nasa korte na ang isinampang kaso ng pamilya. Sa gabay raw ni Lenin, naniniwala si Rodrigo na makakamit nila ang hustisya para sa anak. Naniniwala rin si Rodrigo na kinakailangang magkaisa ang iba ring mga naging biktima ng marahas na kampanya kontra droga ng Administrasyon upang makamit nila ang hustisya, hindi man kagyat ngunit may pag-asa. Kapag naiisip ko si Lenin arawaraw man o gabi-gabi [sinasabi ko] ‘Lenin, hintay-hintay lang. Ito na lumalarga na. Umuusad.’ Huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang laban kasi may patutunguhang tagumpay,” ika ng ama.

Nais ko na magkaroon ng regular na seminar sa komunidad tungkol sa karapatang pantao. ANNA ROSSEL CHURCH VOLUNTEER



Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.