Ano ang bugtong?
Ang bugtong o riddle ay pangungusap o katanungan na may nakatagong kahulugan na isinasaad upang lutasin. Gumagamit ito ng metapora para maisalarawan ang mga bagay na nabanggit. Ito rin ay ihinahanay nang patula at karaniwang itinatanghal bilang isang laro.
Para mahulaan at masagot ang mga bugtong kailangan itong gamitan ng talas ng isip at maingat na pagninilay-nilay. Kadalasan, ang sagot ay maaaring mahulaan gamit ang mga bagay na mismong nakasaad sa loob ng bugtong.
Uri ng bugtong: Talinghaga o enigma Palaisipan o konundrum
Mga katangian ng bugtong: Sukat Tugma Talinghaga/talino