Ano ang banghay?
Ang banghay o outline ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunodsunod ng mga pangyayari sa kwento o paksa. Nakalahad dito ng maayos ang mga pasalaysay na pangyayari tulad ng kung ano at ano ang kahulugan ng mga pangyayari sa paksa.
Maaari rin itong matawag na balangkas.
Mayroong tatlong bahagi ang isang banghay: Simula – dito nakasaad at makikita ang kilos, paglinang sa tao, at maging ang hadlang at suliranin. Gitna – tinatalakay dito ang masisidhing pangyayari na kakaharapin ng tauhan na kailangan nitong pagtagumpayan. Wakas – ito ang pinakahuling bahagi ng banghay at nakasaad dito ang magiging resulta ng isang pangyayari.