Pakikipagsulatan sa mga kasama niya sa pagpapalaganap [1882-1896] - Part 2 of 2

Page 1

343

ang pagkakalimbag ng isa. Ipinamahagi ko ang mga jyon. Ano ang lagay ng aking lathalang Blumentritt? Susulatan ko kayo ng lalong mahaba sa susunod na koreo, kapag ipinadala ko sa inyo ang aking mga larawan. Ang "Circulo Hispano-Filipino" sa Madrid6 ay bubuksan ni Paterno. Si Llorente ay may mg~ balak. 7 Inaakala kong mabuti ang parnumuhay ninyong rnabuhay ng sarna-sarna. Gayon din ang arning ginawa. Wala karning batas malihan sa rnahigpit na pagkakapantaypantay at sa katarung.an. N angangako si Pardo na rnagpadala ng mga artikulong pang-agh~rn, nguni't siya'y abalang-abala pa sa pagtatatag ng Tanghalan. Sabihin rno kay N aning na sikapin ang paglalathala ng "Defensa del Noli "(Pagtatanggol sa Noli) .8 Surnasaiyo, RIZAL

6 Si Del Pilar ay sumulat kay Rizal at itinatanong kung nalalaman niya kung sino ang may balak ng pagtatayo sa Madrid ng isang "Circulo Hispano-Filipino"; nag-aalaala si Del Pilar na baka sa likod ng balak na ito ("circulo") ay naroon si P. Font, na kalaban ng mga pilipino, npang bakahin ang mga layunin ng samahan. Sa sulat na ito'y sinabi lli Rizal kay Del Pilar lla si Pedro A. Paterno ang ama ng balak na "circulo".

7 W alang allumang nahihiwatigan tungkol sa mga layuning ayon kay Rizal ay taglay ni Llorente. 8 Ang artikulong itong "Defensa del Noli" (Pagtatanggol sa Noli) ay kay Blumentritt, na may paunang sali.ta ni Rizal. May isa pa ring artikulo ni P. Vicente Garcia, na nagtatanggol din sa "Noli", na nalathala sa "La Solidaridad".


344

139.

Huhat kay Rizal para kay Del Pilar

Mga paglakad kay P. Roxas.-"Sa gawaing hinaharap namin, ay hindi ko ibig na makisama ang mga komedyante at mga mangangalakal".Huwag kayong humingi ng kab.ayanihan sa tataguan ng salapi.-Huwag gumamit ng mga sagisag-panitik; ang ibig lumahok sa pakikitalad, ay dapat munang tumalikod sa buhay at sa kayamanan.-Ang pag-uusig kay Rizal at kay Plaridel ay sanhi sa dahilang sila'y natitiwalag; sa araw na dumami ang katulad niLa ay makapamumuhay na sila ng tahimik.-Hindi ipinag..,adya ng Diyos ang mga nakibaka dahil sa sarili nilang kapakan.an.-Gagamit lamang ng lakas kapag ang lahat ay naubos nang gamitin.

lOR ue de Louvois, Paris Ika-22 ng Hunyo, 1889 M INAMAHAL KONG PLARIDEL:

Bago ang lahat ay ipinamamanhik ko sa iyong huwag mo lamang lilJmuting ilathala sa bIg. 10 ng La Sol: ang daIawang kamaliang nakatanan sa aking artlkulo, na mahirap Iunasan ng mambabasa: ang isa'y kamalian ng limbagan at ang isa pa'y kamalian nff aking panitik, na dili iba kundi Orillas del Pais-Orillas del Pasig,. Expedicion de Villalobos-Expedicion de Loaysa.1 Kasabay ng suIat na ito'y tatanggapin ninyo marahil ang aking mga lara wan. Isinulat ko na sa iyo na sang-ayon sa aking mga balita, si P. Rojas ay tuwirang patutungo sa Espanya at magdaraan sa Barselona, at pagkatapos, buhz.t doon ay babalik dito upang manirahan ng mga 10 taon. Kung paririto siya ay asahan mong gagawin ko ang buong magagawa upang makipag-unawaan sa kanya. 2 Kung siya'y isang taong tunay na umiibig sa kanyang bayan, 1 Pinansin ni Rizal ang mga kamaliang nararapat itumpak sa sulat ng Kgg. na G. Vicente Barrantes. Sa pagsiping ginawa sa suInt na ito sa "The Independent" ng Pebrero 10, 1917, ang salitang "pais" ay naitumpak, nguni't ang pangalang "Villalobos" ay patuloy na hindi naisaayos, na ayon kay Rizal sa suI at na ito, ay nararapat maging "Loaysa". 2 Si Rizal ay nakipagkita kay Don Pedro Roxas; gayunma'y hindi malaman kung ana ang naging hangga ng pakikipagkitang nasabi. Ayon sa kaasalang ipinamalas nang dakong huli ni Don Pedro Roxas, ay rnapaniniwalaang ito'y naging mahilig 0 magiliwin sa ipinagtatanggol na Jayunin ng mga pilipino sa Europa, sapagka't ang kanyang mga kilos ay gayon ang ipinakikilala, bagaman hindi gaanong napakalantad.


345

at ibig gumawa ng anuman sa kabutihan niya, ay umasa kang marami akong matatamo; datapuwa't kung sa katotohana'y ayaw gumawa ng anuman at ang ibig lamang ay magpakunwari, kara-karakang mapagkilala ko siya'y hindi ako gagawa ng ano mang maliit na hakbang, sapagka't sa gawaing hinaharap natin ay hindi ko ibig na makisama sa atin ang mga komedyante at mga mangangalakal kundi mga tao lamang na may kalinisang asal at may puso. Datapuwa't sa kabutihang palad, tila ang ginoong ito'y hindi gayon kundi siyang lalong karapat-dapat sa lahat ng pilipinong mayayaman ngayon, palibha~a'y natatalos kong siya ang gumugol sa pag-aaral at pagtatapos ng karer~ ng maraming tao, atbp. Sa palagay ko'y hindi nararapat nating hingan siya ng anumang pangangako ni hindi natin dapat hingan ng kabayanihan: sa taguan ng salapi ay hindi nararapat humingi ng katangian ng talim ng sandata ni ng kanyang suksukang balat 0 kahoy: bayaan nating bawa't isa'y umabuloy ng ayon sa kanyang makakaya at kanyang maiibigan . . Tumatanggap ba ng La Sol: sa Maynila? Si Luna'y magslsimula ng pagsulat ng sunud-sunod na artikulong lalagdaan ng kanyang pangalan. Talikdan ninyo ang mga sagisag-panulat. Kinakailangang sa hinaharap ay simulan natin ang bagong politika, and politika ng katapangan at ng tunay na pagkakaisa. Ang pahayaga'y nagkakahalaga habang lumalaon; isipin mo na lamang kung lalabas ang mga lagda nina Blumentritt, M. del Pilar, Jaena, Luna, atbp. Pagkakamalas ng mga kababayan natin sa ating katapangan, hindi ang katapangan ng isa kundi ng marami, pagkakamalas na si Rizal ay hindi isang natatangi 0 kataliwasan kundi siyang tuntuning pangkalahatan, ay magsisitapang din at mapapawi sa kanila ang takot: wala nang makapaparis sa halimbawa. Ang mga kaaway nati'y mangagugulantang kapag naharap sa isang kabataang walang kinatatakutan ni pinangingimian kapag nauukol sa paglilingkod sa kanilang bayan, isang kabataang hindi nangingilag sa mga paghihiganting ginagawa. Magkakatotoo ang aking sinabi na, na habang lumalala ang pangaaping ginagawa, ay lalong maraming Pilipinong malalaya ang magsisHabas. Bukod sa rito'y ang ibig lumahok sa pakikitalad na ito'y nararapat na magtakwil


346

muna ng lahat, ng buhay at ng' kayamanan. Kailangang mamalas nila sa hinaharap na habang lalong nakapagdudulot ng mga kabagabagan ang isang artikulo, ay nagpapakilalang lalong may tapang ang sumusulat. Ang isang artikulong walang tinutukoy 0 pampanitikan na nilagdaan 0 hindi ng isang sagisag ay mapararaan; nguni't ang isang artikulong may mahalagang tinutukoy at nauukol sa politika na nagtataglay ng pangalan ng may-akda upang mamalas na ang ating kapanahunan ay iba,3 na hindi ang panahong nakaraan, na hindi ang panahon ng may-akda ng "Diputado pOl' Filipinas".4 Sa papaano mang kaparaanan ay paghihigantihan tayo, at kung bagaman, ang ating kamatayan 0 ang ating kasawian ay magiging maningning na halimbawa sa iba. Bukod dito'y maniwala kayong kung ang buhay sa Pilipinas ay mapanganib para sa kumatha ng Noli 0 para sa sumulat ng La Sob. Mon. ay sapagka't ang mga ito'y mga tiwalag na pangyayari, nguniJt sa araw na dumami ang mga Plaridel at mga Rizal, sa araw na sina Ponce, Panganiba'n, Graciano, Apacible, Icasiano, Llorente, atbp. ay mangaglathala ng kanilang mga akda at magsiuwi roon ay mangabubuhay tayong matahimik na gaya rito: kapag ang nagpapasan ng bigat ay isang haligi lamang, ito'y maaaring mabali; nguni't. kung marami ay hindi magkakaroon ng malaking panganib. Maniwala kayo sa pangyayaring ito, maniwala kayong sa bawa't mabuting halimbawa ng isang Pilipino ay libulibo ang naaakit, na ang pag-unlad ay iba-ibayo, na ang Diyos 0 ang Tadhana ay nasa-piling natin sapagka't nasa-atin ang katuwiran at ang katarungan at sapagka't nakikipaglaban tayo, hindi dahil sa kabutihan nating sarili, kundi alang-alang sa kabanal-banalang pagibig sa ating lupang kinamulatan at sa ating mga kababayan. Ang mga taong nauna sa atin ay nakipaglaban alang-alang sa kanilang sariling kapakanan, kaya naman hindi sila tinulungan ng Diyos. Si N ovales ay 3 Ipinahayag ni Rizal ang. palagay na lahat ng artikulong pormal at polit iko na inilalathala sa "La Solidaridad" ay nararapat magtaglay ng Jagda ng mga may-akda at huwag gamitan ng mga sagisag. Sa gayo'y ibig niyang ipakilala na ang mga Pilipino'y nakikitunggali ng harap-harapan at sa pamamagitan ng gayong halimbawa, ayon sa kanya, ay mabibigyan ng tapang ang ibang kababayan, katapangang nararapat ipakilala sa mga kaaway. 4 Ang may-akda ng artikulong "Diputado ng Pilipinas" ay si Antonio Ma. Regidor.


347

dahil sa mga gaIon, si Cuesta ay dahil sa paghihiganti, si Burgos ay dahil sa pagkukura; samantalang tayo'y nakikipaglaban upang magkaroon ng Ialong katarungan, alang-alang sa kalayaan, aIang-alang sa mga banal na karapatan ng tao, wala tayong hinihingi para sa atin, ang lahat ay ipinagpapakasakit 0 ipinapara natin sa kabutihan ng lahat, ano pa ang ikatatakot natin? Hindi tayo mga manghihimagsik, ni hindi natin ibig ang dugo, ni wala tayong pagkapoot, at gagamit lamang tayo ng lakas kapag ang lahat ay naubos nang gamitin} kapag tayo'y piniUt na makipaghamok 0 mamatay, at sa gayo'y binibigyan ng Diyos ng karapatang magtanggol hanggang maaari ang bawa't isa, kung magkakagayo'y mapapasa-Ioob tayo ng mga tadhana ng batas at, katulad ng mga taga-Hilagang Amerika, tayo'y makikipagtunggali alang-alang sa matuwid nating layunin at tayo'y magwawagi. 5 Ano ang ikatatakot natin? N amamalas ninyong tayo'y pinapalakpakan na ng mga tagaibang-Iupa at kanilang pinahahalagahan; ang usapin nati'y nakakatagpo na ng mga -tagapag~anggol, na lang kabataang Pilipino'y dapat gumising at magpakilala sa tagaiba:p.g-lupa na tayo'y higit na mabuti kaysa sinasabi nila, na tayo'y may sariling paniniwala at katapangan. At saka, kapag sinimulan nilang tuligsain tayo ay kinakailangang huwag tayong matakot bagkus papag-ibayuhin ang kasiglahan at katiningang-Ioob, at sa tuwing tayo'y tutuligsain ay mamalas nilang nadaragdagan ang bilang natin, lumalabas ang tunay na pangalan, nadaragdagan ang mga mandirigma at mga nakikipaglaban. Ang halimbawa'y lalaganap at ang mga kaaway nati'y mangatatakot, at sa dahilang tayo'y nagkakaisa sa isang layunin, ay magtutulungan tayo. Ang dalawang lathalain ng La Nacion6 ay napakahangal at napaka ... na kinamumuhian kong sagutin. Bukod sa rito, sa aklat na aking ilalathala, kapag naka5 Minsan pang nagpakilala rito si Rizal na siya'y kalaban ng paggamit ng lakas at ng panghihimagsik; wala siyang ninanais kundi katarung an, kalayaan at pagkakapantay-pantay ng mga karapatan. 6 Ang mga artikul6 ng "La Nacion" na tdnutukoy ni Rizal ay kay Antonio Rodriguez de Ureta. Isa sa mga ito, lla pinamagatang "Una Observacion" ay sinagot ni Blumentritt sa pamamagitan ng isang artikulong pinamagatang "Una Advertencia" sa "Solidaridad", Mayo 31, 1889, at ng isa pang pinamagatang "Quioquiap generis femenini" sa "Solidaridad" din ng ika-15 ng Hunyo ng nasabi ring taon.


348

tanggap na ako ng magugugol, ay sapat-sapat nang tinatalakay ang bagay na ito. Gayunma'y isulat ninYD sa akin kung ibig ninyong sagutin ko ang mga iyon. Kung kayo'y pasasa-Madrid, ay ana ang inyong gagawin sa Pahayagan't7 Mga alaala sa lahat. Sumasaiyo, RIZAL

140 . Bllhat kay Naning para kay Ri:zal

~~

Ang sagot kay Barr antes ay nasa isang polyeto.Ang "Noli" ni Blumentritt.

(Hunyo 23, 1889) Barselona,

G. J OSE RIZAL 10 RUE DE LOUVQIS, PARIS Kaibigan : N~tangap kO\ ang sulat mong kalakip ng kay Blumentritt na ilalaoas sa Sol: ng 30. Ang sagot mo kay BarJ;'antes ay hinahangad naming magauang "folleto" at samantalahin ang composicion mong nasa periodico. Isang ( . ..... ) man lamang na 500. Ihihingi na namin ng pahintulot sa iyo. N atangap ko and tarjeta postal mong huli; saka kita sasagutin tunkol doone Matatangap mD ang ilang numero ng 8. Si Panganiban ay may sakit: tapos na ang kaniyang isinasalin sa uikang kastila. Ilalagay na lamang sa estitHong castila, nguni't nahinto sa pagcacasakit. N gayon, mabuti na. Ang Noli ni Blumentritt ay matatangap mD sa lingong hinaharap. Kasalukuyang tinatapos. Ang iyong si, NANING 7 Ang pahaya gang "La Solidaridad", na pagkatapos ay inilipat sa Madr id.

* (Tarheta Postal) Ang orihinal ng sulat na ito ay sadyang sa Tagalog. Hindi namin hinago ang pagkakasulat munti man. (P. ng T.)


349

141. Buhat kay Rizal para kay Ponce Ang pagkakasakit ni Panganiban.-Ano ang lagay ng pahayagan?

III Rue de S. Lazare, Paris Unang araw ng Hulyo, 1889 MINAMAHAL KONG NANING:

Buong pagdaramdam na natalos ko na ang kaibigang Panganiban ay may sakit, at ang sakit niya, ayon kay Blumentritt ay "hemoptisis". Kinakailangang siya'y magpakaingat na Inabuti, sapagka't. huwag na sa mga kadahilanang makatao at alang-alang na lamang sa kabutihang sarili, siya'y lubhang mahalaga at totoong kailangan sa ating usapin, palibhasa'y ~a aking pakiwari ay napakasipag niya. Dahil dito'y sabihin mo sa kanyang iwan na muna sa ngayon ang lahat niyang gawain, uminom siya ng "arsenico" sa napakaunting dami lamang, gaya ng aking ginawa sa Berlin, maligo siya sa dagat, atb'p.l Isa siyang taong may mabuting kaisipan at malaki ang mawawala sa atin kung lulubha ang kanyang sakit. Sapagka't ako'y maglilibot sa loob ng ilang araw, ay ipadala ninyo ang inyong suI at, sa ngayon, sa bahay na bIg. 45 Rue de Maubeuge na kinatitirhan ni Ventura. Ipakisabi mo lamang ito sa ating mga kaibigan. Buong pananabik na hinihintay dito "a ng La Sol. ng ika-30 ng Hunyo. Hinihintay ni Blumentritt ang kanyang pagtatanggol sa Noli; ibig niyang padalhan siya ng mga 25 sipi; alam mo nang ako ang magbabayad ng magugugol sa koreo. Sabihin mo sa akin kung ana ang lagay ng La Sol., sapagka't lahat kami rito'y walang hinahangad kundi ang umunlad iyon. Tila si Rojas ay paririto sa Paris; sisikapin kong makipagkita sa kanya. lIpinayo ni Rizal kay Panganiban na gumamit ito ng pag-iingat na gaya ng kanyang ginawa sa Berlin nang siya'y magkasakit doon, na sa malas ay tila "tuberkulosis" 0 pagkatuyo, pag-iingat na binabanggit ni Dr. Viola sa kanyang lathalang "Ang aking mga paglalakbay na kasama ni Dr. Rizal". Ayon kay Dr. Viola, nang pagkakataong iyon, isang espesyalistang aleman at siya na rin ang sumuri kay Rizal, at sila路y walang nakitang anumang makapagpapatunay ng hinalang si Rizal ay may tuberkulosis.


350

Sabihin mo kay Plaridel na bagaman gayon na lamang ang ginawa kong paghanap sa aking mga artikulo tungkol sa "El Filibusterismo" at sa "La Opinion en Filipinas" ay hindi ko nakita. Walang salang si Llorente ay mayroon ng una, at ang ikalawa ay di mawawalan ng mayroon sa Barselona. 2 Kumusta ang mga bagay-bagay diyan? Mga alaala sa Iahat. Sumasaiyo, RIZAL

142. Buhat kay O. R. Serna para kay Rizal Ang palaki nang palaking pakikipagkaibigan ni Serrano sa mga hesuwita.

Unang araw ng HuIyo, 1889 (Maynila K. P.) SA MAMA (JOSE

R ZAL?)

MAHAL N A KAIBIGAN:

IJ

Tinanggap ko ang inyong magiliw na suI at na may petsa 6 ng nakaraang Abril, na may kalakip na suI at ni G. Rizal kay Trinidad at ng sulat ninyong orihinal kay Plaridel na may petsa 15 ng Mayong nakaraan. Matapos kong maunawa ang lahat, ay ipinahahatid ko sa inyo ang aking lubos na papuri at malaking katuwaan, taglay ang ganap na pagsang-ayon sa buong nilalaman 0 sa inyong mga sinasabi. Hinahangaan ko kayo buhat dito at pinapupurihan ko ang inyong karapat-dapat na kaasalan. Datapuwa't hindi gayon si Serrano; angkin din ang kanyang pagwawalang-bahala noong una, na maitutulad lamang sa malamig na pagkabigo ng isang kulangpalad, 0 ng ayos ng isang bonzo, kinuha sa akin ang mga 2 Dalawang artikulong sa palagay ay kay Rizal na pinamagatang "El Filibusterismo" at "La Opinion en Filipinas" (na hindi mapag-aalin]anganang nangawaIa). Ang mga artikulong ito'y wala sa "Bibiiografia Rizalina" (Talaakiatang Maka-Rizal) ni Retana, ni sa kay Palma. Naglathala rin naman si Blumentritt sa "La Solidaridad" nang ika-!n ng Marso, 1891, ng isang artikulong may gayunding pamagat, "EI Filibusterismo".


351

sulat na iniabot ko sa kanya, binasang kukuya-kuyakoy ang mga paa, at pagkatapos ay isinauH sa aking ngingiti-ngiti; at habang nagpipilit akong matalos ang kanyang pala-palagay ay lalu't lalo namang nagwawalang kibo ...... at nangungubli sa pagsasabing lang prayle ay siyang kaligtaSian ng bayan! N apakaulol na tao! Tingnan natin kung hindi siya bibiguin lamang sa lalong madaling panahon ng kanyang mga kaibigang hesuwita, na siyang ginagamit ngayong tulay ng ibang mga prayle upang rnakuha ang lahat ng kanyang lihim, at ang mga hesuwita ring iya'y unti-unti nang napupuno sa kanya, bagaman marunong silang magkunwari, sa pamamagitan ng mga ngiting namana sa kanilang amang si S. Ignacio. Sa kabilang dako, ang ibang mga prayle'y nagsisimula na ng paggawa ng usap laban kay Serrano, at sapagka't siya'y nanghahawak sa mga dominiko, ay inc:!.akala kong para 0 nang nasabi ang lahat. * Ang lahat nang ito'y sinabi ko na nga sa kanya sa galit ko, at nang hindi dinadaan sa ngiting lahat ang ano mang sabihin naming dapat ilayo sa hesuwita na pinupulaan na ng marami; nguni't ang muli't muling lagi nang sagot ay ang nakasusupok ng dugong, ngiti at pagwawalang-bahala. Tila baga may ipinangangahas ay bago'y walang siguro kundi ang mga kasamang dadamay sa kanya. Ngayo'y inuulit ang salita rnong "ang niyog na karitan ay nagbibigay ng tubang pampalakas ng dugo" at saka pa daragdagan ng "sa mahinang katawan, ang bagay ay sabaw lamang ...... at kung ang lakas ay sumulong, saka na kumain ng lit son" . Baliw na mistula, minsa't ( .......... ) isip na rnagbitiw ng kasabihan na hindi ko matarok kung sira ang ulo 0 na sa dahandahan, sinigang manding may lasa. Huluin nga ninyo riyan kung ang taong ito'y dapat pang pakitunguhan. * Magbuhat sa talataang ito ay sa wikang Tagalog nasusulat ang orihinal, at hindi sa Kastila, na gaya ng mga nasa-unahan. Hindi namin binago ang pagkakabuo at nagkakahanay ng rnga pangungusap, rnaliban sa palatitikang isinunod narnin sa makabagong pamamaraan.P. ng T.


352

Ang palabas naman niyang ito'y makabubuti kung minsan, kaya maraming kaibigan at nararagdagan arawaraw; hindi lamang maniwala na sa kanya ang Hesuwita. Sa susunod na correo, ay saka ko ibabalita sa iyo ang minsa'y ginawa sa kanya ng Hesuwita. pag hindi ka nagalit ay talagang hindi ka na marunong matuwa. Ito na lamang muna, tanggapin mo ang yakap ni, O. R. SERNA 143.

Buhat kay Rizal para kay Del Pilar Kapahintulutan kay Govantes

37 Chalcot Crescent, Primrose Hill, N.W., Hulyo (sa pagitan ng 1 at 12, 1889 MINAMAHAL KONC1 SELO:

Kalakip na ipinadadala ko sa iyo ang lsang kapahintulutan (poder) t isang sulat upang ibigay kay Govantes.1 Alamin mong mabuti ang kapahintulutan, at sabihil1 mo sa kanya ang iyong palagay. Ibinigay ko ang kapahintulutan kay Govantes sapagka't siya ang abogadong natatala roon; marami kang gawaing hinaharap sa La Sol. at sa mga pagsusulit mo, at saka ikaw ay hindi nakatala sa Kataas-taasang Hukum~. ' Sa biglang turing ay ipinauubaya ko sa inyong maliwanag na pagkukuro at kaalaman sa mga batas ang bagay na ito: ako'y isang walang-wala tungkol diyan. Mga alaala sa lahat ng kaibigan. Napakarami kong gawain dahil sa aking hinaharap ngayon sa Aklatan. 2 Sumasaiyo, RIZAL 1 An g kapangyarihan 0 kapahintulutang ipinadala kay Don Pedro Gova ntes, abogadong nanunungkulan sa Madrid, sa rnalas ay dahil sa usapin n g kanyang bayaw na si Manuel Hidalgo, na rnakalawang ipatapon sa Bohol nang walang hatol na inilagda ang rnga hukuman. 2 Nagh ah and a 3i Rizal ng rnga tala sa "Sucesos" ni Morga.


S5S

144. Buhat kay Naning para kay Rizal M.agaIing na si Panganiban.-Si Jaena ay nawawalan ng sigla; nag-iisa si Del Pilar sa mga gawain sa pahayagan.-Ang pag-aaral ni Panganiban tungkol sa "Universidad de Manila".-Ang pagdating ni Sandiko. Mga kuru-kuro tungkol sa pagtatanggol ni Blumentritt.

Rambla Canaletas 2-3.0 Barselona 9-Hulyo 1889 MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Si Panganiban ay malayo na sa nanganib, at makagaQ'awa nang manaka-naka; pinag-sabihan namin sivang kailanQ'ang mamahinga habang hindi pa siya Iumalakas na Iubos. Sa ngayon av mabuti ang kalagayan ng uahavagan, hindi kami nagtitipid ng' anumang pa~al)akasakit. Si Graciano ay pinanghihinabangan; nahihirapan k~mi unang makakuha sa kanya ng isang artikulo, at si Del Pilar ay siyang nag-papasan ng Iahat ng bi.g-at ng g-awain sa pasulatan; salamat na Iamang at nakatatange'ap kami ng iyong tulong at ni Blumentritt. Mayroon kaming isanQ.' Iathala ng mabuting kaibie'ang ito para sa bilang sa ika-15. Hindi ko malaman kung ipagpanatuloy ni Panganiban ang kanyang pag-aaraI hinggiI sa "Universidad de Manila"; tiIa siya'y naghihinanakit sanhi sa hindi tumukoy ang La Sol. sa kanyang pagkakasakit. Sinisikap naming siya'y magkaroon ng kasiyahang-Ioob; sapagka't ang kanyang katangian ay ipinalalagay naming nagbubuhat sa kanyang pagkakasakit. Hindi narnin mapapayagang bayaran mo ang rnga ~ipi ng Sob. Mon. (Soberania Monaca!) na ipinadala mo sa MayniIa. Ang paglalathala ne' La Sol, ay makuvad ( ...... ) kahit na ang iIa'y nagsihiwalay na sa pagkakasapi. Tinanggap namin ang mga sipi ng pagtatang-goI ni Blumentritt. Sabihin mo sa akin kung ipadadala kong Iahat sa iyo ang rnga ito. Hindi ko malaman kung ang gaya nitong niIimbag sa Espanya ay maihihingi mo sa ibang Iupa ng karapatan sa pagrnamay-ari. Sa anu't anum an ay ipabatid mo sa amin kung ano ang nararapat sa bagay na ito.


354

Dumating sa lunsod na ito si Teodoro Sandico. Inaakala kong ang pagpapalimbag ay magkakahalaga ng wala pang 30 piso (tinutukoy ko ang pagtatanggol ni Blumentritt) ang 2,000 sipi. Sabihin mo sa akin kung magkano ipagbibili .ang bawa't isa. Hindi ko matiyak kung magkano ang magiging halaga ng pagpapabalat, nguni't ang lahat ay hindi aabot sa halagang sinabi mo. Ipinadadala ko sa iyo ang ginupit ko sa "La Patl'ia". Sabihin mo kung inaakala mong dapat na sa路 gutin. Kung hindi magiging mabigat sa iyo ay hinihingi naming padalhan mo kami ng isang artikulo sa lahat ng bilang ng pahayagan. Sumasaiyo, NANING

Habol: Ngayo'y ipinadala ko kay Blumentritt ang isang ginupit sa "Diario de Manila" na isinagot ni Quio-quiap kay ( ....... ... ) Ipinadadala 'ko sa iyo ang isa pang ginupit, bilang kasagutan sa nasahi ring artikulo. 145.

Buhat kay Rizal para kay Del Pilar

*

Abuloy na dalawandaang piseta ng mga tagaKalamba sa "La Solidaridad"-Mga bilang ng pahayagan para sa Pilipin as-Mga alaala kay Sandico-Ang artikulong " Dip utado par Filipinas" ni Regidol'-Hindi itinulot ang paglilibing ng isang bangkay sa libingan ng simbahan dahil sa bayaw ni Rizal.

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-12 ng Hulyo, 1889 G. M. H. DEL PILAR MINAMAHAL KONG KAIBIGAN :

Tinangap ko ang sul at mo sampu ng mga salin ng "Defensa ni BJumentritt".1 Mabuti at mahusay ang * Ang orihinal ng sulat na ito'y nasa-wikang Tagalog, at sinipi namin nang buo at walang pagbabago sa p agkakasulat, pati na sa palatitikan. 1 Sa pagkaalam namin, ang sulat ni Del Pilar na binabanggit dito ay wala sa Epistolario ni saan mang lathala. Tinutukoy dito ang "Pagtatanggol ni Blumentritt" sa Noli na inihulog sa kastila ni Rizal, at inilathala sa ayos na parang polyeto ; 2,000 sipi ang ipinalimbag sa Barselona sa halagang 30 piseta ang isa.


355

pagkaIimbag, kaya nga malaki ang aking pasasalamat sa inyong lahat dian. Ako'y galing sa Londres kaya hindi ko natanggap sa kapanahl1nan ang iyong sulat. 2 Kalakip nito ang dalawang daang pisetang iniaalay sa Sol. ng mga kababayan kong taga Kalamba. 3 Higit sa rito ang kanilang ipinadala sa aking g-amitin sa bala kong ibigin; nguni at kinikipkip ko ang iha at ako'y may pinaglalaanang sukat pagkagastahan. Ang dalawang daang pesetang toly inyong itago para perio. La Sol. Huwag kayong makalimot magpadala ng mga numero sa Kalamba, D. Mateo Elejorde 4, boticario del pueblo. Malaki ang pagmamahal nila sa ating matapang na Sol.; gayon din naman, padalhan ninyong palagi si Pedro Ramos sa Londres, 24 Billiter Street, kalakip ng ipadadala kay Regidor, sapagka't si Ramos ay nagbayad ngaion sa akin ng kanilang trimestre, 1.25. N agkuku]ang daw siya ng No.8. Si Abarca 5 dito av nagkukulang ng No. 8 at 1, at ako'y nagkukulang ng No. 10 0 ng katapusan ng aking sulat kay Desb1a rrantes, ani mo. Mamatamisin ko sanang ako'y padalhan mong lagi ng numerong marami, sapagkat aking ipinadatlala sa Filip. ang lahat. Doon dapat itong basahin. Pag ingatan ninyo ang pagpapadala sa Maynila, sa pagka at -sa balita ko ay sinusunog daw ng Cpn. general ang mga numerong dumadating. Baluting magaIing at inisin. Gayon din naman, kinatutuaang totoo doon ang mga librito at iba't iba pang sulat. Mula sa numerong susunod ay magpapadala ako sa bawat isa ng articulo. Upang huwag kayong totoong magastahan sa pagpapadala ng mga numer~ dito sa Paris, ay ganito ang magagawa. Dalawang tali, isa kay Luna at sa mga Pardo, at isa sa akin, Ventura' Abarca, Trinidad etc., etc. Sabihin ninyo sa akin kung kinakapos ng salapi ang Sol. Ysasabay kong ipadadala ang memoria ni Blumen2 Si Rizal ay napasa Londres ng ilang araw (2-11 ng Hulyo) at ngayon ay bumalik sa Paris sa bahay ni G. Valentin Ventura. Ang binabanggit na sulat ni Del Pilar ay wala sa Epistolario. 3 Abuloy na ipinadala ni M. Elejorde, sa ngalan ng mga kaibigan sa Kalamba. 4 Si G. Mateo Elejorde ay is~ng naninirahan sa Kala.m ba, botikaryo roon na inusig at ipinatapon dahil sa pagkampi kay Rizal sa usapin ng asyenda ng Kalamba at sa ipillamalas na pagkatig sa kilusan ng mga pilipino. 5 Si Ramon Abarca ay isang pilipinong matagal na nanirahan sa Paris, na tinutukoy sa isang talang nauna.


356

tritt6 na aking ipalilimbag at aking pagkakagastahan. Ako ang mag huhusay ng mga prueba. Sabihin sa akin kung magkano ang magagasta, isang libong salin. Ybati ninyo ako kay D. Teodoro S[lndico. 7 Sa bantrL ko ay akin sivang- kakilalang malaon doon sa Pandakan o sa Ateneo Municipal; jsa manding mahaguay na lalaki, mahawas ang mukha, magaan ang kilos. Kung sakali at hindi siya yaon, ay gayon ma'y kilalanin sa akin ang isang kababayan at kaibigan, at isang namamangha sa lahat ng kaniyang ginawa sa Malolos. Magaral ng Filosofia at letras ay isang totoong mabuting akala, at ang mga binatang paris niya ay makapapasa Madrid at maaasahang hindi masisira sa masamang hanging sumisimoy doon. Dapat lamang bumalik sa Filipinas. Hindi ko pa nakakausap si Rojas,8 sa pagka't ako'y bagong galing sa Londres, pagod at may munting damdam. Ypa limbag mong madali ang kay Desban'an-tes9 at ng maipadala sa Maynila ang mga librito. Katulong ako sa pag gasta. Gayon din naman ang Por Telefono.1 0 Ano ang ginagawa ni Graciano at hindi tumutulong? Yaong articulo Diputado por Filipinas ll na gawa ni Regidor ay mabuti, nguni at sinabi ko sa kaniya na di dapat niyang gisingin ang regionalismo 0 provincialismo. Kapag m3,yroon tayong mabuting ugali 0 puri ay 6 Tinutukoy ang "La Memoria de Blumentritt" (Mga Alaala ni BIumentritt) na isinalin sa kastila ni Rizal. 7 Si Teodoro Sandiko ay isang magsasaka, mak;abayan, ta~apagpa足 Inganap na nag-aral ng "Filosofia y Letras" sa Espanya, at nitong panahon ng mga amerikano ay naging gpbernador ng Bulakan at Senador ng ikatlong purok na pangsenndo na kinabibilangan ng Bulakang kanyang lalawigan. Isa rin siyang lider ng mga manggagawa. 8 Ihig makipagkita ni Rizal kay Don Pedro Roxas hinggil sa pakikitunggali alang-alang sa Pilipinas. Si Don Pedro ay isang milyonariyong taga-Maynila, hantog na mangangalakal at iginagalang ang pangalan sa mga lipunan sa huong Pilipinas. 9 Tinutukoy ang kanyang sagot lmy Ban'antes (Vicente) hing'gil sa Dulaang Tagalog. Ang artikulong ito ni Rizal na kilala sa pamagat na "Barrantes y el Teatro Tagalo" ay inilathaJa sa "La Solidaridad" at sa ayos na parang polyeto sa Barselona nang taong 1889. 10 Ang "POl' Telefono" (Sa Pamamagitan ng Telepono) ay isa ring artikulo ni Rizal na may uring mapanudyo at inilathala sa ayos na parang polyeto, sa ilalim ng sagisag na Dimas Alang, sa Barselona, nang taong 1889. 11 Artikulong sinulat ni Regidor dahil sa kilusan sa Madrid hinggil sa pagkakaloob sa Pilipinas ng isang Diputado.


357

dapat nating iparatang sa lahat ng provincia, sa lahat ng anak sa Filipinas. YsaSaIna ko dito ang sulat ni Blumentritt.l 2 Ipadala ninyo sa kaniya ang sagot sa kaniya, gayon din sa akin ang sagot sa akin. Ynaasahan kong pinadalhan ninyo ng maraming salin si Blumentritt ng kaniyang Defensa. Sa mga marinerong napapasa Maynila ay magpadala kayo ng marami, sa Correo, at iba't iba pang daan. Huwag nating limutin na doon tayo dapat mag tanim kung ibig nating pumitas ng bunga. Ypinatanto ko sa aming mga provincia ang tunay mong ngalan sampu ng iyong ukol. Y naasahan kong ang halimbawa mo at ang guhit ng iyong plum a ay makagigising sa marami. Sa lagay mong iyan ay hindi ka na makauurong. N amatay ang isa kong bayaw13 sa colera, ay dahil sa ngalan ko'y hindi inilibing sa Campo Santo. Yto'y hindi ko dinadamdam, talastas mo na ang isipan ko sa bagay na ito, ang familia ko ay gayon din, nguni at a~gmasamang aK:ala ang da~lat kong siyasatin at usigIn.

Yto na lamang muna, at ibati mo ako sa lahat ng ating kaibigan at kababayan. Ano ang lagay ni Panganiban? Ang iyong kaibigan, RIZAL

Natutua ako sa balita 'rno na si Rogers14 ay tutulong; sa banta ko ay ang halinlbawa ninyo ang nakahikayat sa kaniya; walang paris ng mabuting halimbawa. Dapat sana namang si Canon ay tumulong. Sagutin m0 ako kung iyong tinangap ang salapi.Vale. 12 Ang suI at ni Blumentritt na may tan dang bIg. 277, Aklat II ng Epistolario. 13Isang bayaw ni RizaI, na dili iha kundi si Mariano Herbosa, asawa ng kanyang kapatid na si Lucia, na inilihing sa labas ng lihingang katoliko sa Kalamba sa pagdadahilang yao'y hindi tumanggap ng "Santos Saeramentos" (hindi nakinabang) bago namatay. Tingnan ang iba pang mga tala tungkol sa bagay na ito. 14 Si Enrique Rogers, kastilang pilipino, na nag-aaral sa Barselona.


358

146. Buhat kay Laong-Laan para kay M. Ponce" Pagpapadala sa Maynila ng pahayagan at ng HSoberania Monacal"

Paris, Ika-19 ng Hulyo, 1889 ABAY:

Tinangap ko ang Sol., salamat. Mayroon ditong isang kababayang maganak na nasuscribe sa Sol. mula sa No. 1 ; ang ngalan ay si Mme. Boustead,l 3 Rue des Bassins, Paris. Kaya nga inyo siyang padalhan ng lahat ng numero sarnpu ng recibo.-Si Blurnentritt ay nahingi pa ng "Defensa ng Noli" .-Padalhan ninyo ako ng maraming " Defensa" at ilan pang Sober Mon. Magpadala kayo sa Maynila. Kayo na ang bahalang mag路 bili diyan ng "Defensa", sa inyong ihalaga. Ang mapagbilhan ay katloin, isa sa Sol. period., isa sa Sol., sociedad, isa sa akin. Padalhan rno ng isang "Defensa'f si F ont2 at si P. Rodriguez. 3 0 kung hindi, ako na kaya. Y to na laman . )

LAONG LAAN

* Ang or ihinal ng sulat na ito'y nasa-wikang Tagalog, at SImpl namin ang buo at walang pagbabago sa pagkakasulat, pati na sa palatitikan. (Tarheta Postal). 1 Mme. Boust,ed. Ito'y ina ni Nelly, na naging kasintahan ni Rizal. Isang angkang Inglcs-Pilipino: Ingles ang ama at pilipina ang ina, kaanak ng mga Genato. 28i Fon t (P. Salvador Font) na siyang ~umulat ng puna sa "Noli" at nagtagubiling ipagbawal ang pagpapalaganap at pagbasa nito (LLR) . Pagkatapos ay naging pambato ng mga paring piJipino. (JPB). 3 Tinutukoy si P. Jose Rodriguez, isang agustinong sumulat ng sunudsunod na maliliit na aklat na tumutuligsa kay Rizal, sa "Noli" at sa mga pilipino. 8inasabing kung babasahin ang mga maliliit na aklat na ito, nng babasa'y makakatamo ng indulhensiya 0 kapatawaran (LLR). Pinaglaruan siya ng mga pilipino, sa para ang kinuha ang di kakaunting sipi ng mga aklat ni P. Rodriguez, ldnuha ang pinakabalat lamang at pina1itan ang laman ng mga aklat na gamit sa pagpapalaganap ng mga pilipino, gaya ng "Cai-ifigat kayo", "Ang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya" , " Ang Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas", atbp. (,JPB)


359

147. Buhat kay Rizal para kay Ponce

*

Mga arlikulo pang padala sa "La Solidaridad"

(Tatak ng Koreo: Paris, 22 Hulyo-89) Lunes. KAIBIGAN:

Kasabay nito ang dalawang artikulong aking ipinadadala sa iyo;l rnangyari larnang na iyong palabasin sa nurnero ng Sol. sa 30 ng buan. Kung hindi n1aaring rnagsabay ay iuna rno na ang sa aking bayaw. 2 Ipalirnbag rno na ang Mernoria 3-Pirrnahan mo ng ngaIan ko 0 huag kaya, ang mga articulo, alinsunod sa inyong nasa. Alisin ninyo ang ibig ninyong maalis, 0 dagdagan kaya kung kulang. Magpadala kayo ng maraming Dejensa sa Madrid. Kayo na ang bahala sa halaga: katlo tayo. Ypinagtatagubilin ko sa inyo ang articulo bagay sa pagpapalibing sa aking bayaw. Yto na larnang, RIZAL

Ang salaping winadala maganak niya. 4 ,

~o

dian ay galing sa ka-

148. Buhat kay Rizal para kay Ponce Si Rizal ay abalang-abala sa maraming akdang sabay-sabay na ginagawa, at ang kanyang ulo'y "parang isang bolang hungkag".

Paris, Ika-13 ng Agosto, 1889 MINAMAHAL NA NANING:

Tinanggap ko ang rnga murnunting aklat na "Por Telefono"1 at iba pa, at sa dahilang ginawang pamigkis * (Tarheta Postal) Ang orihinal ng sulat na ito'y nasa:wikang Tagalog, at sinipi namin nang buo at walang pagbabago sa pagkakasulat, pati na sa palatitikan. 1 Tumutukoy ito sa dalawang urtikulong pinamagatang "Verda des Nuevas" (Mga Bagong Katotohanan) at "Una Profanacion" (Isang Kalapastanganan) . 2 Isang lathala tungkol f"a kanyang bayaw na si G. Herbosa" na hindi inilibing sa libingang katoliko ga dahilang kanyang bayaw, na pinamagatang "Una Profanacion" (Isang Kalapastanganan), at inilathala nang walang lagda sa "La Solidaridad", bIg. 12 nang ika-31 ng Hulyo, 1889. 3 Tumutukoy sa "Memoria" (Alaala) ni Blumentritt. 4 Si Mateo Elejorde, botikaryo sa Kalamba, isa sa mga inusig at ipinatapon dahil sa usapin ng Asyenda sa Kalamba.


360

ang mga pruweba 2 ay hindi ko nakita kundi ngayong umaga na lamang na naisi pan kong tingnan kung ana ang nasusulat doone Maraming dapat ayusin, nguni't hindi ko magawa kung hindi mo ipadadala sa akin ang suI at-kamay. Tumanggap ako kay Puatu 3 ng 9 na sikapat (reaIes) at apat na peseta't 75 sentimos kay Mme. Boustead, para sa tatlong trimestre at sa isang "Soberania Monacal". Ang lahat ay 7 peseta. Mangyari ngang ipadala mo sa akin ang suI atkamay4 na kasama ang mga pruweba. Ipagpaumanhin mong hindi kita masulatan ng iba pa, sapagka't ako'y abalang-abala sa pagharap sa maraming akda nang sabay-sabay. Ang aking ulo ay parang isang bolang hungkag. Pinasasalamatan ka ni, RIZAL

Hinihintay ko si Plaridel. Ibig kong makorihe pati ng ikalawang pruweba. 149.

Buhat kay S. L'aktaw para kay Rizal

"Ayaw sumulat si Serrano sapagka't hindi niya ibig na makitang nagagalit ka".

(Maynila) Ika-17 ng Agosto, 1889 MINAMAHAL KONG MAMA:

Si Serrano ngayon ay walang bahala na, hindi ka na sinulatan sapagka't ayaw raw siyang makarinig na galit ka. Kaya huwag ka raw magkakatiwala kundi sa sigurong tao. Dito'y kalakip ang isang letrang de doscientos cincuenta pesos na sa inyo'y ipinadadala ni G. M. Alejandrino bilang kapupunan ng ikalawang bahagi, gayunma'y kung inyong kakailanganin para sa inyong sari ling kapakanan ay pinahihintulutan kayo upang gamitin iyan. 1 Ang "Por Telepono" (Sa pamamagitan ng Telepono) ay isang lathaIa ni Rizal. 2 Mga 'pruweba' ng "Memoria" (Alaala) ni BIumentritt. . 3 Ang huong pangaIan nito'y Guillermo Puatu y Constantino, taga-Baliwag, BuIakan. 4 Tinutukoy ang suIat-kamay ng artikuIong "Por TeIefono".


361

Pasasalamatan ko kayo ng buong puso kung siya'y bibigyan ninyo ng maliwanag at tiyakang kasiyahangloob sa pagkakatanggap ng halagang ito; gayundin naman ng 18 librang esterlina; palibhasa'y binayaan ninyo siyang nakabitin sa alanganin, na hindi niya maunawa kung ano ang ibig ninyong sabihin sa kanya sa huling suIat ninyong galing sa Paris. Libu-libong salamat sa pagtatangi ninyong iniukol sa akin sa pagtukoy sa aking kaibigang Serrano. Buong giliw na sumasainyo at sa inyo'y yumayakap. S. L'AKTAW (Pedro Serrano Laktaw)

150. Buhat kay Rizal para kay Ponce Sagot sa isang artiku},o laban kay Rizal

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-8 ng Setyembre, 1889 MINAMAHAL NA KAIBIGANG PONCE: Ipagpaumanhin mong hindi kita nasulatang matagal na, palibhasa'y napakarami kong gawalng hinaha-rap, kaya hinihintay kong maparito sana ang ating si Plaridel upang siya'y kapanayamin ko at nang maibsan ako ng maraming pasanin. Nang buksan ko kaninang umaga ang balutan ng papel na ipinadala mo sa akin ay napansin kong may kasamang isang artikulo laban sa akin.! Sasagutin ko ngayon din at ngayo'y ipinadadala ko sa iyo. Sabihin mo kay Plaridel na siya'y parito bago dumating ang Huwebes, na anupa't narito na siya sa miyerkoles. Kung ako'y padadalhan ninyo ng isang pahayagang 1 Wala kaming nalalaman sa artikulong binabanggit na laban kay Ri路 2al, nguni't ang inihandang kasagutan doon ay tila ang pinamagatang UDi. ferencias" sa "SoJidaridad" nang Setyembre 15. Ang dalawang talata ng sulat na ito ay nagpapakilala kung papaano nagbagong路kilos si Rizal sa mga tuligsa sa kanya, at nagpapakilala rin ng kanyang pagkahanda upang sumagot kara路karaka. Nagpapakilala pa rin ng kasipagang ina路 anglan.


362

may kasamang anumang bagay na may halaga sa loob, ay sulatan ninyo sa ibabaw ng mahaZaga. N agmamadali ako. Sumasaiyo, RIZAL

151. Buhat kay Rizal para kay Ponce * Dalawin nang lihim si P. Rojas.-Pagdating sa Barselona ni Angel Marcaida.

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-9 ng Setyembre, 1889 Sabado KAIBIGAN:

Naparian si Don. P. Rojas l kaninang umaga: kayo na ang bahalang tumangap sa kaniya at dumalaw. Huag daw ninyong ipagpipiging, gayon din huag ninyong mababangit ~ng kaniyang pangalan sa Sol. nang huag siyang mapagbintangan ng mga panut. Dalawin lamang ninyo ng libim at isa isa-rYlay isa tayong kababayang nag nga ngalan ng Angel Marcaida 2 na may mithing makabasa ng sulat ko laban kay Barrantes. 3 Darating dian sa Barselona, at magtutumira sa Hotel de Oriente. Padalhan mo ng isang kay Barrantes at ng iyo namang makilala. May mga anak na dalaga. Ykaw na ang bahala-Hindi ko pa tinatangap ang kay Blumentritt na memoria. 4 Ako'y nagtatapus na ng Morga; kaya ako totoong abala. Ang kaibigan mong si RIZAL • Ang sulat na ito'y sadyang nasa-wikang Tagalog, at sinipi namin nang walang binagong anuman.-(P. ng T.) 1 Ito'y si Don Pedro Ro:x:as; tingnan ang mga tala sa mga sulat bIg. 272 at 273-Ang Hpanut" ay siyang palayaw na itinatawag sa mga prayle. 2 Si Angel Marcaida ay isang pilipino; tila siya'y kapatid ni Antonio Marcaida, mayamang maraming pag-aari 8a Maynila, at mestisong kastila. 3 Tumutukoy sa artikulong pinamagatang "Si Barrantes at ang Dulaang Tagalog". 4 Nauukol sa mga "prueba" ng 'Memoria" ni Blumentritt, na hiningi ni Rizal upang kanyang maisaayos bago ilathala.


363

152.

Buhat kay Rizal para kay Jose Maria Basa

Mga sagwil sa paggamit ng lagda ni Isaac Fernando de los Rios sa mga artikulong sinulat ng mga pilipino.-Isang samahan sa pagpapalaganap ng mga kaalamang mapapakinabangan.-Tandang sukat pagkakilalanan.-Si Plaridel sa Paris.-Paglilipat ng "La Solidaridad" sa Madrid at pagiging lingguhan nito.

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-21 ng Setyembre, 1889 ITINAT:ANGI KONG KAIBIGAN AT KABABAYAN:

Tinanggap namin ang sulat ninyo at ang mga sinulat ninyong "Castigue Dios a los malvados" (Parusahan nawa ng Diyos ang mga masasama) at "Aqui no hay filibusteros" (Dito'y walang mga pilibustero), at binasa namin ng angkin ang nakalulugod na pagtataka.1 Lubhang mainam ang pagkakasulat at kami'y kasangayon ng mga isipang njlalaman. Siya nang pinakamabuti sa mga inilathala riyan. Ang tanging hindi namin minabuti, lalo na sa am in ni Plaridel, ay ang pagkakagamit ng lagda ni Isaac Fernando d.e los Rios2, at narito ang mga sagwil na aking nakita kung ipagpapatuloy ang politikang iyan. 1. Hindi mabuting gumamit tayo ng mga hindi tunay na lagda, sapagka't kinakailangang lahat ng sinasabi nati't sinusulat ay maging totohanan at mapaninindigan. 2. Kung gagamitin natin ang pagdarayang ito ay maaaring gawin sa atin ang gayon ng mga kaaway natin at sila'y maglathala ng anumang may lagda ko 0 ni Plaridel, at sa gayo'y wala kaming karapatang makatutol 0 makadaing. 3. N a ang pangalan ni Isaac Fernando ay wala nang kakabu-kabuluhan at ang mga lsipan nati'y nawawalan ng halaga kapag lumabas nang taglay ang pangalan niya. 4. Na hindi natin kinakailangan ang kanyang nalalaman ni ang kanyang panga1 Ang mga artikulong itong pinamagatang "Castigue Dios a los Malvados" at "Aqui no hay Filibusteros" ay kapuwa sinulat ni G. Jose Maria Basa sa ilalim ng sagisag na Isaac Fernando de los Rios. Ang mga artikulong ito'y ipinadala ni Basa kay Rizal buhat sa Hongkong, na dyang kinalathalaan. 2 Si Isaac Fernando de los Rios ay isang abogadong kastila, mahigpit na tagapagtanggol ng pamahalaang kastila路 Ang kanyang pangalan ay siyang ginamit na sagisag sa mga artikulong binanggit sa sinundang tala.


~64

Ian upang magpakinang sa ating ipinagtatanggol, ni hindi natin kailangang pakipagkagalitin siya sa mga prayle, sapagka't hindi namin ibig na siya'y makasama sa aming pangkatin. I pinalalagay naming magiging kasiraang-puri namin ang pag-aangkin ng mga isipang katulad ng kanya. 5. Na ang ating mga isipa'y nagbiblgay dangal sa kanya sa mata ng ating mga kababayan at sa ganito'y maaar i siyang magkal'oon ng kabantugan, at tayo nama'y mawalan ng halaga. Maaaring ipalagay siyang isang dakilang magitIng ng mga hindi nakakikilala sa kanya, at ito'y gamitin niya upang tayo'y pinsalain, at ang mga nakakikilala naman sa kanya'y maaaring magpalagay na tayo'y katulad din niyang walang kamahalang asal 0 magdaraya, bagay na hindi kalugud-lugod. Ikaanim at pangwakas, na ako'y naging kasang-ayon tuwina ng isang politikang marangal at lantaran, sapagka't sadyang ganyan ang ating usapin at hindi nangangailangan upang magwagi ng paggamit ng gayon~ mga kaparaanan. Sa pamamagitan ng isang politikang marangal at matapang, at sa paglalathala ng bawu't artikulong may lagda ng tunay na pangalan, ay walang salang mapatataas natin at mapatatapang ang diwa ng mga kiming kababnyan natin, at kanilang mamamalas na tayo'y walang takot bagkus umaasa't nagkakatiwala sa tagumpay. Sa ganya'y papasukan ng pagkatakot ang ati!1g mga kaaway kapag sila'y nakaharap ng mga taong handa at walang paguurung-sulong. Ito'y ang nauukol sa mga lathalang iyan. Ngayon, alang-alang sa inyong pagsisikap at pagmamalasakit, ay minarapat namin ang pagtatayo ng isang samahan na walang ibang layon kundi ang pagpapalaganap ng lahat ng kaalamang mapapakinabangan, maging pang~lg11am , pangsining, pampanitikan at iba pa sa Pilip inas. Walang anumang sagutin kuncli ang tayo'y magtUlu.ngan kapag nauukol sa pagpapalaganap ng isang kaalaman. Halimbawa: kung kayo'y makatanggap ng isang balutan, isang aklat 0 isang sulat na kinababa-


365

sahan ninyo ng mga inisyal na Rd. L.M.3, ito'y sapat na upang gawin ninyo ang buong pag-iingat na maparating sa kinauukulan sapagka't mahalagang bagay iyon. Isang kahon halimbawa, na sa ibabaw ay kakikitaan ninyo ng mga titik na ito, ay nararapat du.m ating sa kinauukulan nang walang panganib at sa lalong madaling panahon. Kapag ang mga inisyal na ito'y paganito ...... ang ibig sabihi'y nararapat pakapag-ingatang lalo, sapagka't lubhang mahalaga. Gagawin namin kayong kabalitaan, at kayo'y magpapatuloy na gumawa sa lahat na katulad ng inyong ginawa na hangga ngayon, na anupa't sikaping ang mga insik, mga marinero, mga utusan at iba pa ay mapasailalim ng inyong kapasiyahan upang matulungan ang mga layunin ng ating samahan, na dili iba't ang pagpapalaganap ng pagtuturo sa ating bayan. Walang kinalaman sa mga bagay na ito ang relihiyon, gayul1.din ang politika. Kayo ang magiging kabalitaan sa Hongkong, gay a rin naman namin na siya ninyong kabalitaan. Pag kayo'y susulat ng anuman sa Barselona 0 sa Madrid, na ibig ninyong itagubiling mabuti, ilagay ninyo ang inisyal 0 ang bola na may isang ...... sa gitna, gaya ng pagkakaguhit sa itaas. Ito'y sapat na upang ang inyong sulat ay pagingatan 0 ang inyong biHn ay sundin. Maaari kayong sumulat ng gayon kay Llorente, sa Madrid, kina Aguilera, Roxas, Del Pilar, Ponce, atbp.4 Alin mang s'u lat na goaling sa Hongkong na wala ng mga inisyal na Rd. L. M. ay ipalalagay na walang halaga.-Hindi hihingi ng butaw ni abuloy-Matapos ninyong matalos ang mga nilalaman nito ay sunugin ninyo ang sulat, at huwag ninyong sasabihin 0 ipatatalastas kahit na fla mga kawani ninyo 0 utusan, sapagka't walang dapat makatalos 3Ito'y "Sociedad Rd. L. M.". Ano ang ibig sabihin ng mga unang titik na ito? Gaya ng sabi ni Rizal, ito'y isang samahang itinatag upang palaganapin ang pagtuturo sa sambayanan, at sa samahang ito y walang kinalaman ang politika, ni ang Relir.iion, na binahanggit sa sulat na ito. Sa malas ay tila isang samahan lihim na may mga kaanib na nasa jba't ibang antas. Humahanap kami ng mga sukat mapagtanungan at hanggang sa dumulog kami kay Dr. Baldomero Roxas, na siyang tanging natitirang buhay sa mga kapanahon ni Rizal, hinggil sa samahang ito, at iyo'y nagsabing wala siyang naaalaalang anum an tungkol sa kapisanang nasabi. Tila may kinalaman sa samahang "Indios Bravos" hagaman sa malas ay isang samahang lihim. Dahil sa kanyang mga layunin at sa kanyang uri ay maipalalagay na siyang punong pinagmulan ng "Liga Filipina". 4 Sa malas ay tila mga kasapi ang mga ito sa samahang "Rd. L. M."


366

ng palatandaang ito kundi ang pinuno ng mga kagawaran, at ang mga taong maaaring pagkatiwalaan. Hinggil sa mga kolehiyo ay ipinatatalastas ko sa inyo na sa lnglatera at sa Pransiya ay maaaring pumasok sa halagang $60 samhuwan; sa A1emanya, Suwisa at Belhika 35 0 40 piso. Kung ang pag-aara1an ay pangangalakal ay wa1a nang mabuting itinataguhilin kundi ang lnglatera; kung ang pag-aara1an naman ay agham ay walang mabuti kundi ang Alemanya at Pransiya. Huwag kayong magpapadala sa Espanya. N arito ngayon si Plaridel. Ang "La Solidaridad" ay ililipat sa Madrid at sa taong haha1ili'y magiging lingguhan. Sa hinaharap ay tatag1ayin niya ang mga inisyal. Hanggang dito na muna. Asahan ninyo ang mga kasapi sa Samahang R. D. L. M. JOSE RIZAL

153.

Buhat sa mga "Indios Bravos" at Antonio Luna para kay Rizal Pagbabalik sa Madrid ng mga "Indios Bravos"

Madrid, Ika-22 ng Setyembre, 1889

G.

JOSE RIZAL

Par is lTINATANGI KONG KAIBIGAN:

Dumating kami rito nang ika-25 ng luma1akad, pagkatapos ng isang napalcaligayang pag1a1akbay. Sa pamamagitan nito'y ipinadadala namin sa inyo ang 40 prangko kalakip ang angaw-angaw na pasasalamat, at ipinamamanhik naming kami'y pagpaumanhinan sa pagkaanta1a, s~pagka't dahil sa isang pangyayaring hindi sinasadya ay naiwan namin sa Y run ang da1awang ma1eta sa pag1a1akbay na kina1a1agyan pa naman ng aming mga "va1ores" (pamalit-sa1api) at tumagal ng apat na araw bago namin nakuha. Sa 1ahat nang Ho at sa maraming utang na loob na tinanggap namin sa 1ahat ng pilipino, lalo't higit sa inyo, ay 1ubos namin kayong pinasasa1amatan, at naghihintay kami ng pagkakataong maipakila1a namin sa


367

inyo sa gawa at hindi sa salita, ang pagkilaJang ito ng utang na loob. Sa kakulangan ng panahon ay hindi namin mapahaba ang sulat na ito, at. inaasahan naming sa ibang pagkakataon ay masusulatan din namin kayo ng mahaba. Mangyari lamang ibati ninyo ang mga "Indios Bravos" kay G. Ventura, kina G. Luna, Gng. Tula at anak na babae, kina G. Pardo at kanyang ina, kina G. Boustead at kina G. Rocha, at sa lahat-lahat na ng mga kabahayan at alam na ninyong maaaring mag-utos sa inyong mga kaihigan, mga kababayan at mga T. K. h. s. i. k. L. INDIOS BRAVOS MINAMAHAL KONG RIZAL:

Bagaman ako'y "Indio Bravo", ay ibig kong sulatan kita nang hiwalay upang lalong magkahalaga. N arito na kami sa lupain ng mga garbansos at marrokis. Ang mga daang ito'y nakalalason, ang kapaligiran ay nakaiinis, at kung kami'y hindi bibigyan ng mga itlog at patatas na pinirito, paiano't paano ma'y maaari kaming mabuhay nang mabuti. Ano ang gagawin natin ... wala tayong katungkulang mag-ayos ng pangunahing kapital na ito ng imperyong aprikano, ni hindi tayo mga kanterong may tungkuling maglagay ng unang kutsara ng apog at buhangin sa gusaling kastiIa, na untiunting gumuguho sa gawa at pakana rin nil a, niIang mga bayani sa lahat ng panahon at lahat ng gulang. Hindi na ako magpapatuloy; sapagka't lahat ng poot na itong aking inihihinga ay mananambulat; kaya, mabuting kalusugan, mabuting tagumpay sa lahat at huong giliw na bumabati sa iyo ang iyong kaibigan at kababayan. ANTONIO LUNA


368

154.

Buhat kay Ponce para kay Rizal

Dapat magmadali si Plaridel sa pagbabalik niya sa Bar selona

Barselona, Ika-23 ng Setyernbre, 1889 MINAMAHAL KONG RIZAL:

Pagdating ko kagabi buhat sa isang pagliIibot sa mga bundukin ng Montserrat, Manresa at Kardona, ay naratnan ko ang suI at na ito ni L' Aktaw at ang kalakip na "letra de cambio" (katibayan sa pagpapalitan) na katurnbas ng 972 prangko, at kasama rin ng rnga itong ipinadadala ko sa iyo ang sulat na pahatid kay G. Pardo de Tavera at sa balutan namang hiwalay ay ang rnga ginupit at ang rnga bilang ng Revista Catolica at E. Oriental para sa ginoong ito. Natanggap ko ang tarheta postal ni Plaridel at hindi ko ito nasagot sa kapanahunan, sapagka't kagabi ko lamang natanggap. May rnga sulat siyang "certificada" sa Pangasiwaan n~ Koreo, na hindi ko rnapangahasang ipadala riyan, sapagka't inaasahan kong babalik siya agad dito. Gayunma'y sabihin niya sa akin kung ana ang nararapat kong gawin. Ang iba pang rnga sulat niya ay nasa-akin. At ang mga pruweba ng Alaala ni Blumentritt? Sa susunod na biIang ay inaasahan ko ang isa rnong artikulo, at ipakisabi rno larnang kay Plaridel na kung hindi niya iniisip na burnaUk dito agad ay sulatan niya ako upang maipadala ko sa kanya ang rnga sulat at nang mapadalhan niya ako ng rnga artikulo. N guni't lalong mabuting dali-daliin niya ang pagbalik upang ayusin ang rnga bagay-bagay dito-Nalalaman rno ba kung kanino rnCl:kahihingi ng Sanscrito sa Tagalog na sinulat ni Pardo de Tavera? Hahanapin ko ang kotehong hinihingi ni Ariston at isasama ko sa balutan ng mga nilimbag. Mga yakap sa lahat. Surnasaiyo, NANING

Hahol : Ang koteho ng loteriya ay para kay Ariston Bautista. Sabihin rno lamang kay Plaridel na ang rnga balu-


369

tang nawawala ng mga bilang 4 at 5 ng Sol. ay dumating din, sa wakas, na kasama ng bIg. 10; ito ang sabi sa amin buhat sa lViaynila. Nagkabisa ang pag-uusisa ng Pangasiwaan dito sa pangasiwaan doon. 155. Buhat kay Ponce para kay Rizal Isang batid-kawad binggil sa isang gawa-gawang himagsikan upang barilin ang mga pilipino.

Ika-24 ng Setyembre, 1889 MINAMAHAL KONG RIZAL:

Katatanggap ko pa lamang ng isang hatid-kawad na galing sa Hongkong at may petsa kahapon, na buongbuong sinipi ko: "Sa asyenda ng Malinta ay pinanguluhan ni Weyler ang isang pulon~ ng mga prayle na pinagkayariang gumawa ng isang kunwa'y himagsikan upang barilin ang mga pilipinong may pinag-arfl.lan. Mga masasamang taong binayaran 'ang pinalaya sa pagkakabilanggo upang siyang gumawa ng pakunwaring paghihimagsik. Ang kastilang si Eugenio Sales at iba pang mga mapanggulong binayaran ng mga prayle ang nagsisihingi sa Ministro na pigilin ang pagsasagawa at hingin ang mga kadahilanan." Sabihin ninyo sa amin kung ana ang nararapat gawin. Titipunin ko ang ating mga kababayan upang pag-usapan ang bagay na ito. Kahapon ay ipinadala ko sa iyo ang mga sulat na galing sa Maynila at ang isang "letra" (katibayan sa pagpapalit ng salapi) sa halagang 972 prangko. Sumasaiyo, M. PONCE


370

156. Ruhat kay Rizal para kay Ponce * Nararapat ihanap ng katibayan ang katotohanan ng hatid-kaw8Id hingil sa gawa-gawang paghihimagsik.

Ika-26 ng Setyembre, 1889 MINAMAHAL KONG P ONCE :

Tinanggap ko ang sulat mong kalakip ang mga ipinadala mo sa akin, "letra", mg-a pahayagan at iba pa.1 Maraming saIamat; saka na ako susulat. Tungkol sa h~id-kawad,2 inaakala kong ang nararapat gawin ay ilathala nang walang anumang pasubali bHang isang malubhang baIita, nguni't hindi nararapat paniwalaan dahil sa gayon 0 ganitong kadahilanan sa politika, atbp. Walang magagawang anumang may uring opisyal sanhi sa kawalan ng mga sapat na katunayan. Baka tayo tawanan at hingan ng katunayan, ay mawiwika pa na wala tayong sariling bait na naniniwala sa sabi lamang. Baka pa humingi. si Weyler 3 ng "dafios y perjuicios por calumnia". Sapihin mo k,y Canon na ako'y padalhan ng hatid-kawad pagdatillg sa Pransiya, kung saang estasyon (himpilan) at kung anong oras sila darating~ sapagka't maraming himpilan at maraming ~ras and idinarating. May himpilan sa Lyon at mayroon sa Orleans.4 Ikaw na ang bahala. LAONG LAAN

• Ang sulat na ito'y isang tarheta postal. 1 Sulat bIg. 297 ni Ponce ; a ng "letra" ay sa halagang 972 prangko na ipinndala buhat sa Maynila. . 2 Ang hatid-kawad na ito'y nagsasabi: "Si Weyler ay nangulo sa pUlong ng mga prayle sa asyenda ng Malinta; nagkunwang lumikha ng himagsikan upang bariIin a ng mga pilipinong may pinag-aralan; ang mga masasamang-loob na binayaran upang maghirnagsik ay pinawalan. Si Eugenio Sales, taal na kastila at iba pang manghihimagsik na binayaran ng rnga prayle ay nagsisihingi sa Ministro na pigHin ang pagpapatupad ng hatoI". 3 Si Heneral Valeriano Weyler na nagpasok ng maran-ling pagbabago sa Pilipinas, nguni t isang kaaway ng mga pilipino (LLR). Nagtamo ng malungkot na kabantugan sa Kuba, at doo'y bininyagan siya ng mga amerikano ng palayaw na "Butcher Weyler". 4 Mga hirnpilan ng t r en sa Paris.


371

157. Buhat kay Riml para sa mga lndiyong Matatapang

45 Daang Maubeuge, Paris Ika-5 ng Oktubre, 1889 Sa mga Indiyong Matatapang MIN AMARAL NA MGA KAIBIGAN:

MatagaI ko nang natanggap ang inyong suI at pati ng kasulatan ng pagp~palitan ng kuwaIta sa C1'edit Lyonnais. 1 Hindi naman madalian iyon at ang tanging dahilang pinanabikan ko ang inyong suI at ay ang pagnanasang malaman kung paano kayo dumating diyan at kung anu-ano ang naging mga damdamin ninyo.2 Mabubuti ang ating mga kaibigan at kayo'y ipinakukumusta. Sapagka't hangga ngayon ay hindi pa ako nakadadalaw sa alinmang mag-aanak na Pilipinong madaIas nating dalawin, ay hindi ko pa napaaabot sa kanila ang mga alaalang ipinahahatid ninyo, datapuwa't sa sandaling makita ko sila ay tutupdin ko ang inyong kahiIingan. Ang maliit na balutan para kay Levis ay may isang Iinggo na ang nakararaang ibinigay sa kanila. Ngayo'y ilalakad ang baIutan para kay Simeon Luz. 4

1 Ang sulat ng mga Indios Bravos na may bHang 295 sa Epistolario nang ika-22 ng Setyembre, 1889, kasama ang isang sulat ni Antonio Luna, ay siyang tinutukoy sa sulat na ito. Ang sinasabing kasulatan sa pagpapalit ng salapi ng Credit Lyonnais ay tungkol sa halagang apat na pung prangko, bHang kabayaran sa mga paluwal ni Rizal sa mga Pilipino, samantalang sila'y nasa-Paris. 2 Ang mga Indios Bravos na ito, ay nagsirating sa Madrid buhat sa Paris dahil sa pagdalo sa tanghalan sa siyudad na ito. Dumating sila sa Madrid nang ika-25 ng Disyembre, sang-ayon sa sulat nang ika-22 ng Setyembre na binabanggit sa sinusundang tala (maliwanag na maliisa sa mga petsang kababanggit lamang). 3 Ang tinutukoy na si Levi ay isa sa mga magkakapatid na Levi, na siyang may-ari ng tindahan ng ala has sa Maynila, na kilala sa pamagat na "Estrella del Norte", at ang munting pakete ay galing sa Madrid at ipinagbilin ni Levi. 4 Ang binabanggit na Simeon Luz ay isang mayamang taga-Lipa, Batangas. Gayon ma'y hindi naaalaaia ni G. Baldomero Roxas, isa sa mga Indios Bravos at tanging buhay pa hangga ngayon sa mga magka, . kasama, ang nasabing padala.


372

Dumating dito buhat sa Madrid si Albert,5 at napag-alaman ko sa kanya na marami sa mga naroroon ay nalalinan ng pagkasuiigayan; kahimanawari'y huaq din mahawa tayong Lahat. 6 Maaaring isa sa mga araw na ito'y dumalaw ako sa kaanak ni Luna. Abalang-abala ako sa ating ginagawa, na nalalaman na ninyo.7 Umaasa akong hindi ninyo lilimutin ang mabubuting tikang nabuo na natin. 8 Ipinaaalaman ko kay Lauro 9 na t-ungkol sa kaniya'y totoong maraming-marami ang masasarnang balita na ikinakalat 0 ikinalat na ng mga taga-Madrid, kaya nga't kailangang totoong 'Ynagbago siya at magbangong-puri upan ding ang ngalang Indio Br.avo ay huwag mabahiran at huwag din 1w,mang sumama ang loob ni ... kung sakali't ang mga masasamang balita'y sumapit sa kaniang tainga.1 0 Paririyan si M. H. del Pilarl l sa loob ng Hang araw. 5 Ang tinutukoy na A bert ay si Jose Albert na nag-aaral ng medisina sa Madrid. Ito'y nag-aral sa Ateneo Munisipal sa Maynila, at nagtapos ng pagka-batsilyer sa sining nang 1880. Napatala sa pag-aaral ng Medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, nguni't umalis sa pamantasang ito nang 1884 upang magpatuloy ng pag-aaral sa "Universidad Central" sa Madrid. Doo'y nakatapos siya noong 1887 at nag-doktor matapos ang dalawang taon. Siya'y nakasama ni Rizal sa Bruselas nang 1890. NagI'akadalubhasa siya sa Pediatrill at Obstetricia sa Paris. Nang magbalik sa Pilipinas ay sinimulan ng panggagamot, nanghimasok sa politika, naging tagapagtatag ng "Colegio Medico Farmaceutico" at ng "Gota de Leche" at naging propet3or ng Pedriatria sa U,nibersidad ng Pilipinas. 6 Sinasabi ni Dr. Roxas, na, ang pariralang ito ni Rizal ay tumutukoy sa hindi ltakaunting pilipino sa Madrid, na napatatangay sa hilig liB pagkakaalit, mga kata-kata at mga gawang kabalbalan na naghahari nang panahong iyon. 7 Ang kinaaabalahang gawain na tinutukoy dito ni Rizal, ay ang paglalathala ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga, na nilagyan ng mga paliwanag at mga tala ni Rizal: kinaabalahan din niya ang pagsulat ng mga artikulo bukod sa sinisimulan na niyang sulatin ang kanyang El Filibusterismo. 8 Ang tinutukoy ni Rizal ay ang mahigpit na pag-aaral at pagtatapos ng karera, alalaong .baga'y huwag padala sa mga bisyo bagkus nararapat pangatawanan ang pagmamasakit alang-alang sa bayan. 9 Si Lauro Dimayuga, isang binatang taga-Lipa, Batangas, na napatatangay sa masayang buhay sa siyudad; isa rin siya sa mga Irulios Bra"08. Napakasal sa isang espanyola at bumalik sa Pilipinas na di nakatapos ng kanyang pag-aaral. 10 Ayon kay Dr. Baldomero Roxas, tinutukoy ni Rizal sa bahaging ito si Bb. Eloisa Pardo de Tavera, na nililigawan ni Dimayuga. 11 tia anyaya ni Rizal, si Del Pilar ay nagtungo sa Paris upang manood ng tanghalan at ngayon ay ibinabalita ang pagbalik noon sa Madrid.


873

Ipinakukumusta kayo nina Ventura at Bautista.12 Pumarito kayo agad. Ang inyong kaibigan, ANG I. B. 158. Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal Panlalamig ng isa't isa dahil sa masamang pagkakaunawaan, tungkol sa pagligaw kay Nelly.

Clavel 6, Madrid Ika-9 ng Oktubre, 1889

G.

JOSE RIZAL

Hindi ko ipinagtaka ang sulat mo, mahal kong Rizal, sapagka't sadyang iyan ang ibig ko at hinahanap ko. Ipinagtatapat kong sinulatan kita, upang huwag mong ipalagay na ako'y naghihinanakit sa iyo. Hindi ako maaaring magsimpan niyan, ni hindi ko inaakalang dapat tayong magkaroon ng samaan ng loob, lalo na kung walang kadahilanan. Inaakala mong malamig ang loob ko sa iyo at inaakala ko namang malamig din ang loob mo sa akin. Ito'y bunga ng hindi natin pagkakaunawaan at hindi pagsasabi ng maliwanag. Gayon ang sinabi ko sa ating mga kasama nang kami'y bumalik sa Madrid. Kapuwa tayo nagkamali. Wala tayong nararapat ipanlamig ng loob sa isa't isa, nang itanong ko sa iyong madalas kung ikaw ay lumiligaw kay Nelly at sabihin mo sa aking hindi, at hanggang sa ako'y pinasisigla mo pa upang siya'y ligawan ko, at sabihing ikaw ay may mga tungkuling kailangang tupdin, atbp. Samakatuwid, natitiyak kong ikaw ay talagang kaibigan ko, at ang iba pa'y wala nang kailangan sa akin. Samakatuwid ay ito ang kabuuan ng lahat, kaibigan, at inaakala kong nararapat tayong magpatuloy na gaya ng dati, at gaya ng inaasahan kong patuloy nating pagsasama. Kumusta ang iyong akda? Si Llorente ay patuloy sa pag-aaral ng arnis sa bahay ng Zuavo. Ako naman ay sa bahay ni Carbonel. 12

Tinutukoy sina Valentin Ventura at Ariston Bautista.


374

Ibig naming kami'y magkaharap sa isang bulwagan, nguni't sa buwang ito'y hindi maaari. Pasiglahin mo ang mga 1. B. (Indios Bravos) upang magsiparoon. Si Aguilera, na kasabay kong pumasok, ay hIndi pa naparoroon minsan man, at gayundin ang iba. Si Llorente ay masiglang-masigla. Tanggapin mo ang isang yakap ng iyong kaibigan. ANTONIO

Mga alaala kay Ventura at sa buong bayan-bayanan. Napagtalastas kong ikaw ay naparoon sa Londres at nagbalik ka pagkatapos sa Paris. 159 . Buhat kay Llorente para kay Rizal Si Figueroa ay inanyayahang gumawa sa limbagan ni Ramirez sa Maynila

Liwasang S. Marcial,-3, Madrid Ika-10 ng Oktubre, 1889 MINAMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko ang magiliw mong sulat noong Oktubre, at matapos kong matalos ang lahat ng iyong sin asabi doon, ay idinadalangin kong umunlad ang Samahang inyong itinayo, at mangyari pang ako'y maibibilang ninyo sa mga kasapi. Kaibigan, gagawin ko ang buong magagawa sa kapakinabangan ng pagtuturo, na siyang lalong pangunahing layon ng nasabing Samahan. Dumadalo ako araw-araw sa Bulwagan ng Sandata (Sala de Armas) ni Zuavo (G. Nicolas): Sa loob ng isang t aon 0 isang taon at ilang buwan ay binabalak kong bumalik sa ating bayan, at sapagka't iniisip kong sumakay sa Marselya, ay rnagdaraan ako sa Paris. Ipakibigay rno ang aking rnga alaala kay Mr. Hya-' centhis ( .... ) Araw-araw ay nagsasadya sa aking bulwagan ang Markes de Hereidia. N gayon ay ibang bagay narnan. Ang kababayan nating Figueroa ay tumanggap ng sulat kay Juan Luna, at irninumungkahi sa kanyang tanggapin ang isang tungkulin sa lirnbagan sa Maynila ng kanyang bayaw na si Ramirez, na ang ipasasahod ay $1,100. Si Figl,leroa ay natatalagang tumanggap ng iniaalok sa kanya,


375

nguni't may isang kahilingan sa iyo na mangyaring sabihin kay Luna, na dili iba't siya'y walang kuwaltang magugugol sa paglalakbay sa Paris, gaya ng hinihingi sa kanya ni Luna, upang mag-aral ng mga bagong pamamaraan sa "grabado", atbp., bukod sa dahilang siya'y tumanggap ng "pension" ng pamahalaan, ay mapipilitan siyang tumanggi na sa naturang "pensjon" kapag tinanggap niya ang iniaalok ni Luna. Dahl1 dito'y ipinamarnanhik sa iyo ni Figueroa na gawin rno ang iyong magagawa upang rnapapayag si Luna na ang sahod na ibibigay sa kanya ay rnagsirnula buhat sa araw na tanggihan niya ang "pensiong" tinatanggap, bagay na, sa atin-atin lamang naman, ay inaakala kong matuwid. Sa la10ng maIiwanag na pagsasabi, si Figueroa ay nararapat tumanggap ng sahod buhat sa pagsakay niya sa tren na patungong Paris. Sa wakas, kaibigan, ay 1umagay ka sa katayuan ng ating kababayan at gawin mo ang inaakala mong 1along nararapat; at ipinatatalastas ko 1amang sa iyo na siya'y walang ibang ikinabubuhay kundi ang kanyang "pension" na $30 sa buwan-buwan. (Ito'y $40, nguni't dahil a "giro" at sa binabawas sa komisyon ay nagiging 20 piso na 1amang) Pag nalathala na ang iyong akda ay padalhan mo akc ng isa. Mga alaala ni J esusa at mga halik ng mga batao Mga alaala rin naman ni Teodora at ng aking biyenang babae. Sumasaiyo ang iyong kaibigan at kababayan. JULIO

Habol: Mga alaala kay Ventura at iba pang mga kaibigan.

160. Buhat kay Fernando Acevedo para kay Rizal Si Rizal "ang ulirang Pilipino".-Isang palimbagan. Hanap-buhay na natatanaw.

Zaragoza, Ika-25 ng Oktubre, 1889


376

G. JOSE Paris

RIZAL

PINAKAMAMAHAL KO AT LAGING ITINATANGING KAIBIGAN, KASAMA AT KABABAYAN:

May apat na araw pa lamang ngayon na dumaan sa pangulong-bayang ito ang kapuwa kaibigan nating si Graciano at marami pang kasama, at gaya ng sukat mong maakala, ay gayon na lamang ang katuwaang tinamo ko; napag-usapan namin ang napakaraming bagay-bagay ( .......... ) ninais ko ring alamin ang tungkol sa iyo, kung ano ang buhay-buhay mo, at ibinalita niya sa akin ang iyong kalagayan diyan, ang iyong mga pagsusumakit at pagsisikap buhat nang tayo'y magkahiwalay sa Madrid hangga ngayon. Ang lahat nang iya'y buong pananabik kong dinlnig, sapagka't alam mo nang kapag din lamang nauukol sa iyo'y pinananabikan ko ng gayon na lamang; at kara-karaka kitang sinulatan upang ipakilala sa iyo ang aking katuwaan at kasiyahang-Ioob, palibhasa'y ipinalalagay kong ikaw ang ulirang pilipino, ang iyong mga pagsiRjkap sa pag-aaral at ang iyong katalinuhan ay naghatid sa iyo sa kaituktukang inihahanga't iginagalang sa iyo: ikaw ang "Oceania-Espanola" na nagkatawangtao. N atatalos ko~g may sinulat kang isang akda, na hihingin ko sa Barselona yamang nalalaman ko na kung saan naroon, buong pananabik na babasahin ko, sapagka't iyo'y sinulat mo at dahil dito'y wala akong dapat na ipansin. Napag-alaman ko ring sinusulat mo ngayon ang kasaysayan ng ating lupang tinubuan; ikalulugod ko ang araw na iya'y mabasa ko at makaaasa kang ako'y maibibilang mo sa siyudad na ito at sa mga lalawigang kanugnog upang magpalaganap at magbili ng nasabing akda; inihahandog ko sa iyo ang aking paglilingkod sa anumang nanasain mo; alam mo na naman kung sino ako, na walang pasu-pasubali ni dahi-dahilan. Ako'y may isang palimbagan, at dito'y tumatanggap ako ng lahat ng uri ng palimbagin; at upang malaman mong mabuti ay ipinadadala ko sa iyo ang aking prospekto at ang aking tarhetang pangkalakal. Dito'y makikita mong ini1agay kong ako'y kinatawan sa pag-


377

papalimbag (representante editorial) sapagka't ang mga Batas na Panghukbo ay nagbabawal sa amin ng paghahanap-buhay kundi bHang mga kinatawan lamang. Buong lugod na ibinabalita ko sa iyo na ako'y nagasawa na buhat pa ng ............ ang naging asawa ko'y taga .. . ........ at nangangalang ........ . . . Roldanes, bata at ( .......... ) maganda; gay a ng sinabi ko na, ako'y nasa-mabuting kalagayan, sapagka't ako'y nag-aari, dahil sa kabiyak ng dibdib, ng mga bahay, bakuran 0 taniman ng iba't ibang halaman, gaya ng olibo at iba pa. Anupa't inaasahan ko, mahal kong Pepe, na lubos mong ikalulugod ang pagbabago ko ng kalagayan, at dahil sa ikaw ay itinuturing kong mabuting kaibigan ay babatiin mo ako. May binabalak akong isang hanap-buhay, at ibig kong dumulog muna't humingi ng .payo sa iyo, alangalang sa alam kong ikaw ay masipag, matalino at makapagbibigay sa akin ng mabuting aral. Diyan sa Paris ay may isang nagngangalang Richard Sneider, na nasadaang S'Armaille Bldg. 22, na isang pabrikante 0 imbentor, na sa ami'y umaalok upang katawanin namin siya sa siyudad na ito at ipagbili ang kanyang .mga makina sa paglalaba~ Kalakip nitong ipinadadala ko sa iyo ang prospekto upang siyasatin mo't pag-aralan, at ipinamamanhik kong mangyaring tingnan mo lamang ang mga makina kung talagang mabuti, at kung maaaring maipagbili 0 maibigan ng mga paglalapitan. Sakaling sa palagay mo'y magiging isang tagumpay ay inaasahan kong paliliwanagan mo ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng lyong kuru-kuro at mga payo. Sa nasabing paorikante ay sumulat na ako upang sabihing tina tanggap ko ang alok niya sa akin, nguni't humihingi ako ng lalong malaking pakinabang sa kasunduang aming lalagdaan; ipinakikiusap ko sa iyong pag-ukulan mo ako ng panahon sa bagay na ito upang ako'y magkaroon ng lalong paklnabang, sapagka't sa paglalagyan lamang ng tindahan ay magbabayad na ako ng 3 libong real santaon, bukod pa ang babayarang buwis 0 lisensya, ilaw, atbp. Hinihintay ko ang iyong kasagutan ............ ) at kung binabalak mong bumalik sa Espanya ......... . Tanggapin mo ang mahigpit na yakap ng iyong


378

mabuting kaibigan at kasama, na tunay na nagmamahal sa iyo. FERNANDO ACEVADO

161 . Bulwt kay Lopez Jaena para kay Rizal Kandidato sa pagka-diputado si Jaena.-Kailangan ang tulong ng mga pilipino "sapagka't ang mga suliraning politiko ay sadyang mahal".-Ang artikulong "La Dinastia" ni Antonio Rodriguez de Ureta.

Ika-30 ng Oktubre, (18891) Barse1ona,

G.

JOSE RIZAL

M INAMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko ang sulat mong galing sa Marse1ya; doo'y napansin ~ong sumama ang loob mo sapagka't inilagay ko ang iyon,g panga1an sa aking artikulo-pansin sa iyong aleda. Da~at mong isaalang-a1ang na sa lahat ng sulat sa ibaba ng banggit ay inila1agay ang pangaIan ng may-akda; ito ang aking ginawa, hindi 3ng gaya ng iyong ipinalalagay, na iyong hiningj, kundi sapagka't ito ang kaugalian sa mga artikulong pampahayagan at sa maraming akdang may banggit. Dapat mo ngang a1aming ang pangalan mong inilagay roon ay hindi lagda kundi paa ng bang git. Ipinamamanhik ko sa iyong lakarin rno kay ( . .. . . . . . .. . ... ) na ako'y tulungan nila upang sa mga darating na hala1an ay makapagharap ako ng pagkadiputado doon sa mga purok na binanggit ko sa una kong su1at. Nagdanas ako ng maraming hirap at hindi dapat masayang ang pagkakahilig at pagharap sa politikang republikano buhat nang taong 1881. Ang sarili kong pag-limbot ay dili iba kundi ang maging diputado at sa mga kasalukuyang pangyayari maaari akong magwagi kung ako'y tutu1ungan ng mga pilipino sa aking mga 1ayunin. Nalalaman mo nang hindi sapat ang $40 sa buwan-buwang ipinadada1a sa akin upang 1akarin dito ang aking kandidatura. Ang mga sulir'a ning politiko'y sadyang mahal, kaya ako'y umaasa sa iyo upang akitin at papaniwalain ang mga taong iyang nagnanais na tu-


379

mu10ng sa aking mga pagsusumakit. Tungkol sa aking mga mithiin hinggil sa Pilipinas ay wa1a tayong mahihintay sa Espanya. Hanggang dito na muna sa ngayon, inaasahan kong akc'y sasagutin mo pagbalik ng koreo. Laging sumasaiyo, GRACIANO LOPEZ JAENA

Habo1: Basahin mo ang "La Dinastia" na ipinadada1a ko sa Samahan, at matutunghayan mo ang sinasabi tungkol sa iyo ni Antonio Rodriguez de U reta. 162. Buhat kay Jugo Vidal para kay Riml Hindi lahat ng mga kastila'y iisa ang iniisip sapagka't may ilang pahayagang kastila, lalo na ang pahayagang republikano, na gumagawa ng ganap na katarungan kay Rizal.

11,/1889 Madrid l\1:INAMAHAL AT ITINATANGING KAIBIGANG RIZAL :

Tinanggap ko ang pinahahalagahang suI at mo ng ika-7 ng 1umalakad at nanagano ako sa matimyas na kaga1akan sa pagbasa ng nilalaman, sapagka't doo'y napag-alaman ko ang kasalukuyang kalagayan ng ating sawimpalad na lupa. Namamalas kong ang iyong sinusulat ay nunukal sa iyong damdamin, at tumimo sa aking kaluluwa ang napakaraming kasamaang inilalarawan mo, lalung-Ialo na ang imbing ginawi ng pamahalaan sa iyong minamahal na kaanak. Datapuwa't huwag mong aka1aing magkaisa ang iniisip ng lahat ng Kastila, sapagka't buong pananabik kong sinubaybayan ang mga lathala ng mga pahayagan sa Madrid at sa mga lalawigan, at binasa ko ang kaugat-ugatan ng mga pangyayari sa Maynila, ilang mga lathalaing mabuti ang pagkakasulat at naaalaala kong sa ilan niyon ay binibigyan ka ng lubos na katuwiran, laIc na sa pahayagang republikano. Makaaasa ba tayo kahit kaunti, na sa araw ng bukas ay magkakaroon dito ng isang malaking pagbabago


380

sa pamahalaan? Inaakala kong 00, bagaman hindi ako nananalig nang malaki sa mga politikong kastila. Kung isinusulat ko ito sa iyo, ay hindi upang sabihing ako'y may pag-asa, hindi, kundi upang sablhing kinakailangan nating magsikap, gaya ng iyong sinasabi, na matuto ang ating mga kababayan upang sila'y maihanda para sa isang kinabukasang Ialong mabuti. Maliwanag na tayong Iahat ay nararapat mag-ambag ng ating kaya sa ikatututo ng bayang pilipino, at yamang maaaring mangyari na ang ijang bilang ng aming abang pahayagang lingguhan ay makarating sa iyong kamay, ay umaasa akong bibigyan rno kami ng ilang akda mo, na sapagka't bunga ng iyong bihasang panitik ay magiging isang kapurihan ng mga pahina ng pahayagan. . Lilipat ako sa sinasabi mo tungkol sa suskrisyon sa pahayagang iyan; ang ninanais ng balana ay buwanan lamang, at ang dahil nito'y sapagka't maraming mga gawaing ganyan a ng nabigo noong una, at inaakala kong may matuwid sila ; kaya't ikil?-alulugod kong isaalangalang ang pasiya ng balana at sumang-ayon ako sa inyong ipinahiwatig lalo na sapagka't lalabas na makikinabang ang gawain. Pinasasalamatan kita sa iyong pagtitiwclla sa akin, at taos pusong pinasasalamatan kita sa iyong pagsisikap na inaasahan kong magkakaroon ng mabubuti't kapaki-pakil~abang na bunga para sa pahayagan. Ang mga alaala ko sa mga kaibigan at mag-utos ka sa iyong kaibigang nagmamahal sa iyo nang totohanan. S. JUGO V1DAL Habol : Sa koreo ngayon ay ipinadadala ko sa iyo ang isang balutang may lamang 25 sipi at ipagpapaumanhin mong hindi ko maipadala buhat dito ang mga bilang na ukol sa mga suskritor sanhi sa kaknlangan ng pamigkis at wala ang kanilang mga tirahan na aking ipinalimbag. Sa paano't paano man, bukod sa mga bilang na ipinadala ko na sa mga suskritor na naririyan, ay panay kitang padadalhan ng isang balutan upang ipalit sa mga nawawaglit sa koreo. PAALAM


381 163. Buhat kay Rizal para kay Del Pilar * Mga paglakad sa Madrid ng isang "kapatid"

Paris, Ika-4 ng N obyembre, 1889 RD. L. M. KAIBIGAN SELO :

Ang may taglay nitong sulat ay isang lihim na kapatid natin sa Rd. L. M., bIg. 2 ang taas. Walang sukat at dapat makaalam na siya'y kapatid kundi ikaw lamang at ako. 1 May lakad siya rian sa IVladrid alinsunod sa kaniyang pagkaapi sa Maynila. U pan ding sa panahong haharapin ay huag siyang muling masiphayo'y nagnanasa siyang magkamit ng isang mataas na kaginoohan sa Simbahan sa Catedral, "canongia" baga. Kaya nga, alinsunod sa pangako niya sa akin na tayo'y tutulungan niyang lihim, sa lahat ng makakaya, iniaalay ko naman sa kaniya ang ating tulong. Ikaw at si Llorente'y alinsunod sa inyong mga katungkulan sa inyong Katipunan: ay sa banta ko'y makatutulong. May taglay na gagastahin, nguni at kung maaari na huag totoong magatasan, ay di lalong mabuti. Ang matitipid 3y maibibigay sa Sol: sa banta ko'y matutugtog ninyo ang kalooban ni Morayta at ni Becerra;2 ang magbingibingihang iba sa mga taong ito, ay rnapakakalansingan sa tainga. Kailangang huag rnabangit sa kanino mang harapan ang pagkakapatid namin 0 natin. Kung bagama't isasanguni rno kay Llorente'y huag mong ipahahalatn kung sino, dahil at naipangako ko na walang makaaalarn • Nasa-wikang Tagalog ang sulat na ito, at hindi namin binago munti man nang sipiin dito. 1 Wala kaming kaalaman kung sino ang kasaping ito ng "Rd. L.M." . Wala kaming makitang ibang banggit fla ibang mga aklat at mga sulat ; hindi mapag-aalinlanganang nakikilalang mabuti ni Rizal na maaaring mapagkatiwalaan. Hindi malayong isang mayaman, palibhasa'y natatalagang gumugol upang matamo ang kanyang ninanais. 2 ~i G. Miguel Morayta, estadista, mananalumI-ati, magaling na manunulat, na siyang umakit at nagturo sa mga pilipino sa Masoneria, katulong ng mga pilipino sa kilusang tungo sa paglaya, tagapagtatag at unang pangulo ng Samahang "Hispano-Filipino". Si G. Manuel Becerra, naging Ministro de Ultramar, na nagpasok ng ilang pagbabagong kapakipakinabang sa Pilipinas, na binuhatang pilibustero sanhi sa kanyang mga kaisipang malalaya at mga pagbabagong nakabubuti sa mga pilipino at sa pamahalan ng Pilipinas.


382

kundi ikaw at ako; ito'y hindi sa takot ko kay Llorente; lubos ang kapanatagan ko sa kaniya. Ipinauubaya ko sa isip mo at bait ang lihim at ang pagpapalakad ng sadya. Ano ang dahil at sumusulat sa akin ang mga I. B. ng Rd. L. M.?3 Tinangap ko ang Sol: mabuti sa dilang mabuti. Wala akong sukat itulak 0 kabigin. Ang kay Tagailog4 ay totoong magaling. Ito na lamang. G. INDIO BRAVO RD. L.M. 164. Buhat kay Rizal pa"a kay Ponce

*

"Pahahabain ko at hanggang maaari'y pabubutihin ang aking uPilipinas sa loob ng Sandaang Taon"

45 Rue de Maubeuge,

Paris Ika-11 ng Nobyembre, 1889 MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Kasabay nitong tatangapin mo ang mga pruebas1 na aking napaghusay. Ngaion ko lamang tinangap. Alinsunod sa Feria de las Mujeres,2 sa banta ko ay may katotohanan, kaya nga't maipalilimbag mo, nguni at kailangan lamang iyong sabihing hinango sa Ateneo; dahilan at susup ako sa panahon, ay pinagusig ko sann bukas sa Biblioteca; gaion ma'y tetelegrama ako sa iyo kung sakali't kabulaanan. Matagal mo nang itinanong sa akin kung saan may 3 Ang ibig sabihin ng I.B. ay "Indios Bravos" at sa salitang I.B. ng "Rd.L.M." ay mahuhulong ang LB. nt Rd.L.M. ay magkaugnay, 0 sa Rd.L.M. ay may mga kasaping mga "Indios Bravos". 4 Ang Taga-ilog ay siyang &agisag sa panulat ni Antonio Luna. Ang arlikulong tinutukoy ay ang "Impresiones Madrilefias" na inilathala sa "La Solidaridad" ng ika-31 ng Oktubre, 1889, at sinagot ng isa ring artikulong mapanglibak sa "Pueblo Soberano' ni "Mir Dea&", na hiningan ni Luna ng paliwanag at ng isang pagbabangong-puri. * Ang orihinal ng sulat na ito'y nasa-Tagalog. Wala Imming binago munti man sa pagsiping ginawa rito. 1 Mga "prueba" ng 'Memoria" ni Blumentritt na kasaIukuyang niHlimbag. 2 Hindi namin malaman kung kanino itinutukoy itong sinasabi sa "Feria de las Mujeres". Tila nauukol sa isang arlikulong malapit nang ilathala.


383

nabibiling El Sanscrito en la Lengua Tag,alog. 3 Ypatauad mo sa akin ang diko agad pagka sagot sa iyo, dala ng marami kong kaabalahan. Kung may kailangan kang isa'y isulat mo sa akin; nguni at kung marami, ay magpahanap ka sa Madrid at doon mayrO{>ll, sa mga libreria ni Fernando Fe at sa Calle Alcala, 0 sa libreria ni Cuevas. Kapus ako sa panahon ngayong mapadalhan ko kayo ng isang artikulo. Ang "Filipinas dentro de Cien Afios"4 ay aking pahahabain, at ilalabas ko ang aking galing; bahala na kaming mag hulaan, at mag hulihan ng salamanka. Ang obrang aking ipinalilimbag ay akin nang natapus. 5 Maaasahang sisiput sa loob ng ilang lingo; tapus na ang husay ng prueba. Yto na lamang muna, kumusta sa lahat dian. Kumusta kay Rojas. LAONG LAAN

165. Buhat kaY' Antonio

~una

para lcay Rizal

"Hindi isang kasalanan ang umibig" .-Ang nakalulungkot ay ang pangyayaring ang mga kaaw,a awang dalagang ito'y nangagtiis ng gayon na lamang.-Isang pagbabangong-puri sa pamamagitan ng sandata.-Kung malalaman ni Juan ay sapilitang pasasa-Barselona.-"Kung magkaroon ng anumang kapahamakan, sabihin mo kay Nelly kung gaano ko siya iniibig"

Clave] 6-3, Madrid Ika-16 ng Nobyembre, 1889 MrNAMAHAL KONG RrZAL:

Pinasasalamatan ko ng labis-Iabis ang lahat ng bali tang ibinigay mo sa akin kahapon; dahil sa mga bali tang iyan kung kaya lamang natalos ko, sa huli, 3 <tEl Sanscrito en la Lengua Tagalog" (Ang Sanskrito sa Wikang Tagalog) ay isang lathalang sinulat ni Trinidad H. Pardo de Tavera hinggil sa kaugnayan ng Sanskrito sa Tagalog, na ipinalimbag sa Paris, Limbagan ng "Faculte de Medicine", 1887. 4 Ang "FiIipinas dentro de Cien Afios" (Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon) ay isang artikulong sinulat ni Rizal na inilathala ng apat na bahagi sa mga bilang 16, 18, 21 at 24 ng "La Solidaridad' (1889 at 1890). Inilathala rin ng 'Manila Filatelica" ni G. Remigio Garcia sa ayos na parang polyeto, (Maynila, 1922, ikatlong pagkalimbag) (JPB). 5 Tumutukoy sa mga tala sa "Los Sucesos de Filipinas" ni Morga.


384

ang mainam na suliraning iyang sumabog na parang bomba sa gitna ng kani-kanilang angkan. Dapat mong malamang dito'y walang masasabing mabigat na kasalanan, sapagka't ang umibig ay hindi kasalanan, at kung nagkasala man tayo, ay sa dahilang ikinubli natin ang pag-ibig na ito. Sa ganang atin, ay ganito ang ating ginawa: sa sulat ni Juan na sa aki'y sumisisi nang huong bigat, ay sumagot aIm ng malumanay at mahinahon. Sumulat din ako kay Tula at humingi ng paumanhin; kay Gng. Boustead ay sumulat din ako at huminging paumanhin sa kanya, at sinabi kong iniibi~ ko ang kanyang anak; sa lahat ng sulat na ito'y libu-libong kapatawaran ang hinihingi ko, at sinasabi kong tayong dalawa ang tan.q-i at tunay na may kasalanan. Ano ang ang palagay mo? Pinasulat ko rin si Dimayuga kay Tula upang ibigay dito ang libu-libong paliwanag. Inaakala kong tayo'y nagpakilala nang Iuhos na katapangan, at nailigtas sa lahat ang ating mga dalaga, bagaman ang ating dapat ipamighati ay ang pangyayaring ang mga kaawa-awang dalagang ito'y nangagtiis ng gayon na Iamang dahil sa atin, dahil sa ating kagagawan. Sa kabilang dako, kung pakalilimiin natin ang buong nangyari ay inaakala kong walang anumang dahilan upang Iumikha ng maraming gulo. Sa anu't anuman, sila marahil ay may magandang kalooban, kung matatalos nilang sa loob ng ilang araw lamang, marahil, ay maaaring mawala ako sa aklat ng mga aklat. Ito'y isa kong lihim na dapat mong ingatan, at Ialo nang hindi nararapat makarating sa pandinig ng aking kapatid. N gayong ika-3 ay sasakay ako sa express ng Barselona upang tumungo sa pangulong bayang iyon at hingan ng pakikipagtuos, sa pamamagitan ng sandata, ang sumulat ng artikulong kay "Taga-ilog" na lumabas sa "Pueblo Soberano". Inaakala ng ginoong ito na si "Taga-ilog" ay si Juan Luna at ito'y pinaratangan niyang walang utang na loob, pilibustero, mahalay, salaula, at bumabanggit ng mga pangungusap ni "Cafiamaque", na naglalagay sa ating mga indiyo sa isang paraan 0 ayos na nakapandidiri. Sa wakas, ang ating mga kababayan ay nagkakaisa sa palagay na wala akong nararapat gawin kundi paroon at makipagtunggali sa kanya.


385

Wala nga akong ibang bagay na nararapat gawin, kaya ako'y paroroon kara-karaka. Sumangguni ako sa aking guro sa paghawak ng sandata at sinabi niya sa aking sa dahilang ako ang nararapat pumili ng sandatang gagamitin ay piliin ko ang espadang ginagamit ko't pinagsanayan na at hindi ko na ikinababahala. Bibigyan niya ako ng isang sulat para kay Pardini sa Barselona upang bigyan ako nito ng lahat ng kinakailangan. Ang karamihan ng mga naririto ay pumupuri sa aking pasiya. Aywan ko kung mabuti ang aking ginagawa, datapuwa't sa aking budhi'y hindi ko dinaramdam ang pagsisisi ng isang dumudusta 0 humahamak. Paalam na, kaibigan; inaasahan kong ililihim mo ang lahat sa aking kapatid. Kung ito'y malalaman niya ay walang salang patutungo siya sa Barselona; nguni't siya'y may mga kaanak, lalong may mawawala sa kanya kaysa akin, at saka akong talaga ang sumulat ng "Impresiones Madrilefias" at ako ang tanging may sagutin nito. Paalam na, at kung magkaroon ng anumang kapahamakan, ay sabihin mo lamang kay Nelly, bilang isang utang na loob ko sa iyo, na ang pagmamahal ko sa kanya'y walang kapantay. Tanggapin mo ang mahigpit na yakap ng iyong kaibigang, ANTONIO

Bibigyan ako ng mga kababayan natin ng magugugol. 166.

Buhat kay Rizal para kay Ponce* Maraming kaaway

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-18 ng Nobyembre, 1889 MAHAL NA KAIBtGAN:

N aipadala ko na sa iyong matagal ang prueba; kaya nga't hindi mo tinangap ay dahil sa nawala. Pa• Isang tarheta postal. Ang orihinal ng sulat na ito'y nasusulat sa Tagalog, at hindi namin binago munti man sa pagsipi rito. 1 Hindi malayong ang artikulong tinutukoy ay aug may pamagat na "Inoconsecuencias", bHang kasagutan sa isa namang artikulo sa "Pueblo Soberano". Ang artikulong ito'y llalathala sa "La Solidaridad" nang ika-30 ng Nobyembre, 1889.


386

dalhan mo ako agad ng pangalawa: nasa akin ang sulatkamay. Marami tayong kaaway at mga nagsisipagngalit: ululan natin ang pakikipaglaban ng huwag tayong mag hiwahiwalay. Ako pasasa biblioteka. Ang iyong kaibigar., LAONG LA AN

167.

Buhat kay Rizal para k.ay Del Pilar*

Isang artikulo hinggil kay Blumentritt.-Mabuti ang "La Solidaridad" sa Madrid, nguni't masama ang pagkakalimbag.

45 Rue de IVlaubeuge, Paris Ika-22 ng N obyembre, 1889 MAHAL N A KAIBlGAN :

Ypinagpauna ko ang articulong tungkol kay BIllmentritt.1 Ylagay mo kung ibig ang aking firmang Laong-Laan 0 Dimas-Alang nguni't huag ang Rizal. Ka路 lakip ang isang sulat ni Luna,2 ~ampu ng notang dapat lumabas. Ang Sol.: sa Madrid ay magaling, nguni at masama ang pagkalimbag, kulang sa linis ang correccion; kailangang ikaw ay matulungan, at hindi mo magagangpanang lahat. Malaon ko nang ipinadala kay Naning ang corr eccion, di umano'y nawala raw. Sa susunod ng numero lalabas ang III;3 sa banta ko'y magiging puno ng II; ang nasa ko'y sumulong ng * Tagalog ang orihinal nito at hindi namin binago ang pagkakasulat munt i man. 1 Hindi namin matiyak kung alin ang artikulo ni Blumentritt na binabanggit ni Rizal. Gayunma'y inaakala naming ang may pamagat na " EI Historiador de Filipinas, D. F. Blum<>ntritt'. Napansin naming sa t alataang ito'y ayaw si Rizal na ilagda ang kanyang pangalan, bagaman lagi nang ipinayo niyang nararapat ilagda ng mga pilipino ang kanilang pangalan sa mga artikulong nauukol sa politika. Mahihinuha na ang kanyang hangad na huwag ilagda ang kanyang' pangalan, ay sapagka't maliwanag na ang artikulong iyon ay isang pagpuri kay Blumentritt, at kung ilalagda ang kanyang pangalan ay maaaring bigyan ng masamang pakahulugan. 2 Sulat ni Juan Luna na may kasamang ilang talata upang ilathala. 3 Maaaring tumutukoy sa lkatlong bahagi ng artikulong "Filipinas dentro de Cien Afios" (Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon) na inilathala nang ika-15 ng Disyembre, 1889.


387

sumulong nguni at huag magbitaw ng sandata at huag magpakita ng sama. Ibati mo ako sa Iahat ng 1. B. (Indios Bravos) Bautista, AguiIera,4 at iba pa. Ano ang Iagay ni Llorente? Ang, LAONG LAAN

168.

Buhat kay Mariano Ponce para kay Rizal

Nahahanda ang bayan-bayanang Pilipino na ipagsanggalang ang suliranin ni Luna.

Barselona, Ika-26 ng N obyembre, 1889

G. J.

RIZAL

MINAMAHAL KONG PEPE:

Maaari mong malaman sa sulat ni Luna. Ang Iahat ng bayan-bayanan ay nahahandang magsangalang sa suliraning ito, bagay na inaasahan naming dapat ninyo kaming tulungan. Hindi tumpak ang sinabi kong ang lahat dito ay nahahandang tumulong. Ang iba ay patuloy sa pagwawalang-bahala. Ipinadadala ko sa iyo ang pilas ng Pahatid ni Mir. Bukas ay ipadadala ko sa iyo ang mga sipi ng polyeto ni Blumentritt. Sumasaiyo, NANING

169. Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal Nilur-han ni Luna ang mukha ni Mir Deas dahil sa isang mapanghamak na artikulo.-"Maging sa patayan, sa sapalaran, 0 sa anumang ibig, ay tatanggapin ko ang hamon" .-Kinakailangang bigyan ng kadalaan, kung ibig na papanatilihing matibay at mataas ang pangalan ng Pilipino.

Paz de la Ensefianza, BIg. 1-3.0, 1.a, Ika-26 ng N obyembre, 1889 MINAMAHAL KONG RIZAL:

Ngayon hapon ay nasubo ako sa hindi maiilagang 4

Ariston Bal,ltista at Lim; Gregorio AgQilen:l. at JQlio Llorente.


388

pangangailangang hanapin si Mir Deas at lur-an ang kanyang mukha. Ito'y nangyari sa "Cafe de la Pajarera" (Siglo XIX), sanhi sa isa pang artikulong pahatid sa HEl Diluvio", bilang kasagutan sa ating palathala na kinadoroonan ng mga akda. Hinanap ko siya, tinanong ko kung sino siya, (palibhasa'y hindi ko siya nakikilala) , sinabi kong siya'y isang duwag, mapanirang-}1Uri, at walang-hiya, sabay ng paglura ko sa kanyang mukha at paghahagis ng aking tarheta. Ang naging hangga ay malaking kaguluhan at pagkakaingay, at ngayo'y inaasahan kong padadalhan niya ako ng kanyang mga inaama upang kami'y magpatayan, aywan ko lamang kung siya'y maaaring gumawa ng lahat nang iyan. Buong kapanatagang-Ioob na hinihintay ko siya. Ang sunudsunod na paglait na kanyang ginawa sa atin nang di naman sinagot ang ating mga katuwiran at mga hinuha, ay walang hJnihingi kundi ang gaya ng aking ginavva. Mag-ing sa patayan, sa sapalaran: kung anum an ang kanyang ibig, ay tatanggapin ko ang paglalaban. Inaakala kong sa paraang ito'y maipamamalas nating mga pilipino na tayo'y may angking higit na karangalan, na tayo'y lalong matapang at lalong may kapurihan kaysa mapanlait at duwag na itong humalang sa atin sa daan. Sa paraang ito'y inaakala kong nabigyan ng kasiyah an ang ating karangalang niyurakan. Ano ang masasabi nila ngayon? Ipinakikiusap ko sa inyong 1nag-abuluyan, mag-abuluyan, upang magugol sa sakdal na iniisip iharap laban sa taong ito. Wala na akong magagawang higit pa sa rito. Kung siya'y lalaban 0 hindi lalaban, sa anu't anuma'y kinakailangang bigyan siya ng kadalaan sa ibang paraan. Kinakailangan, nararapat, hindi sukat iwasang gawin ito, kung ibig din lamang na mapapanatiling matibay, malakas at di-narurungisan ang pangalan ng pilipino. Binabati ko ang lahat at paratingin lamang ninyo ang bali tang ito sa lahat ng mabubuting k~babayan. Niyayakap kayo ng inyong kaibigan. ANTONIO


389

170. Buhat kay Rizal para kay Ponce

*

Lahat ng pilipino sa Paris ay nangahahandang tumulong kay Luna sa lahat ng k.aparaanan sa kanyang suliranin kay Mir Deas.-Nararapat tumungo sa Madrid si Ponce dahil sa mga pangangailangan ng pahayag;an.

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-29 ng N obyernbre, 1889 KAIBIGAN: Kung sakali't tanggapin rno ito bago ka turnulak sa Madrid ay sabihin rno larnang sa rnga kababayan dian na kaminq lahat din'i ay tutulong sa loob, lakas, salapi at ano pa rnang bagay, sa ana rnang rnangyari alinsunod sa cuestion Luna.! Magpapadala karni dan ng salapi. Tinangap ko ang 1ahat na isinulat rno sa akin. Lurnakad ka ~a sa Madrid sa pagka't doon ay ikaw ay kailangan. Masarna ang 1akad ng periodico kung wa1a ka. 2 Doon rno tatal\lgapin ang rnga libro ni Pardo. 3 Yto na larnang. LAONG LAAN * N asusulat ang orihinal nito sa wikang Tagalog, na hindi namin binago nang ÂŁipiin dito. 1 Si Antonio Luna at ang mamamahayag na si Mir Deas ay nagkaroon ng mabigat na pagkakasumangan sanhi sa isang artikulo ng una (Luna) na pinamagatang 'Impresiones MadriIefias" (M~a Kurukuro tungkol sa Madrid) hinggiI sa mga artikulo ni Mir Deas na humahamak sa mga pilipino, sa kalahatan, at Ialo na kay Juan Luna, sa paniniwalang ito ang siyang Rumulat ng artikulong iyon. Upang mapiIit na si Mir Deas ay makipaglaban, ay hinanap ito ni Antonio Luna sa kapihan ni Pajarera, Siglo IX, at sa harap ng madla ay nilur-an sa mukha, nguni't hindi natuloy ang kanilang paglalaban, sapagka't ~ a isang hukumang pangkarangalan ay ,nalunasan ang suliranin. Si Mir Deas ay siya rin namang nagsumbong na si Ponce ay siyang mayari ng isang lihim na limbagan, kaya't si Ponce ay hinalughog at siniyasat at dinala sa hukuman sa Barselona.

2 Ang "La Solidaridad" ay iniIipat sa Madrid nang ika-15 ng Nobyembre, 1889, kaya hiningi ni Rizal kay Ponce na ito'y pas a-Madrid. 3 Hiningi ni Ponce kay Rizal ang "Sanskrito sa wikang Tagalog" na sinulat ni Pardo; ngayo'y ipinadala sa kanya sa Madrid ang nasabing aklat.


390

171. Buhat kay Rizal para lwy Ponce * Inuulit-ulit ang pangangailangang pasa-Madrid si Ponce. Maraming bumibili ng Noli sa Alemanya.

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-2 ng Disyembre, 1889 MAHAL NA KAIBIGAN: Kasama nitong ihuhulog ko ngaion sa Correo ang dalawang libro ni P. de Tavera;1 ito'y alay ko naman sa iyo. Huwag mong akalaing ito'y ganti; kung baga may ito'y patubo lamang ng aking hiram. N alaonan, dahilan sa marami kong kaabalahan. Kailangang totoong ikaw ay pasa-Madrid-Masabi mo lamang-sa akin bago ka tumulak kung ilan pa ang Noli me tangere ko rian. Magpadala ka sana sa Hamburgo (Alemania) ng isang dalawang pu at lima kay C. Boysen) Buchhandlung; Grosse Bleichen 32, Hamburg,2 dahilan at sa ito'y humihingi ng marami, sapagkat maraming taga kabilang dagat na nagbibilin. Ylagay mong halaga'y walong franco, kasama na ang gastos ng pag¡ papadala-Huag parang impreso kundi parang pakete at nang huag mamaha1. Ypagtanong mo muna sa isang comisionista kung magkano kaya. Padalhan mo naman ako ng isang 4 0 5. Ang kaibigan mong, LAONG LAAN

• Nasusulat ang orihinal nito sa wikang Tagalog', na hindi namin binago munti man nang sipiin dito. (Tarheta Postal). 1 Ang HEI Sanscrito en la Lengua Tagalog" (Ang Sanskrito sa wikang Tagalog) ay siyang isa sa mga ipinadala ni Rizal kay Ponce, at ang ikalawa ay tila ang may pamagat na "Contribucion para el estudio de los antiguos alfabetos". (Mga tulong para sa pag-f.!'al ng matatandang abakada) , 2 Isang nagtitinda ng mga aklat sa Hamburgo, Alemanya.


391 172. Buhat kay Rizal para kay Marcelo H. del Pilar Mga lathala sa La Solidaridad.-Dalawang artikulo ni Blurnentritt.-Sino si Rarniro Franco?Kung kastila, ang kanyang mga pagpuri kay "Quioquiap" ay rnatap,at; kung pilipino, ay isa namang rnakinis na pagkutya.-Ang hawig ng sulat ni Quioquiap ay hungkag na gaya ng kanyang ulo, nguni't rnarahas at rnapang.ahas.-Isang rnungkahi para sa katapusan ng taon: na ang La SolidatriJdad ay rnaglabas ng isang bilang na kalalathalaan ng mga akda, artikulo, kuru-kuro ng lahat ng p ilipi no, na batbat ng yarnan ng panitikan at nakapagtuturo.-Iniaalok ang patnugutan ng La Solidaridad kay Llorente?

45 Rue de Maubeuge, Paris Ika-5 ng Disyembre, 1889 MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

N ariyan ang karugtong ng "Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon"l upang ipalimbag, ilang tula 2 at ang mga sulat ni Blumentritt. 3 Ang lahat nang iya'y ipinaiilalim ko sa pagpapasiya ng mga Patnugot ng La Sol., at wala akong hinihingi kundi pag-ingatan ang pagsasaayos ng mga pruweba. Ninanais ko sanang kung maaari'y ipalimbag nang hiwalay at panig-panig ang "Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon", upang ito'y lumaganap sa Maynila at sa mga lalawigan. Kung maaari, ang tula ay Inailalathala4 (kung karapat-dapat) kapag lIkatlong bahagi ng "Filipinas dentro de Cien Afios (Ang Piloipinas sa loob ng Sandaang Taon) na inilathala nang ika-15 ng Disyembre n g taong 1889. 2 Napag-alaman sa isang tula, "A las Flores de Heidelberg" (Sa mga '3ulaklak ng Heidelberg); ang isa pa ay di malayong ang "A nuestra querida Madre Pab'ia, ! !! Espanya!!! (Sa aming pinakamamahal na Inang Bayan, Iii Ang Espanya!!!), na hindi matausan saan man. 3 Ang mga suI at ni Blumentritt ay nauukol sa mga ipinadala kay Heneral Weyler, na tinatanggihan niya ang titulong "socio de mel'ito" ng "Sociedad de Amigos del Pais" (Samahan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ang isa ay aag ipinadala kay G. Federico Verdugo, Patnugot ng "R~l Sociedad de Amigos del Pais', hinggil sa nasabi ring pagtanggi, upang llathala ang mga iyon sa "La Solidaridad". Lumabas ang mga ito sa bIg. 22 ng naturang pahayagan, ika-31 ng Disyembre, 1889. 4 Ang tulang binabanggit sa suI at na ito al' di malayong ang nnIathala sa "La Solidaridad" nang ika-15 ng' Disyembre. Hindi namin matiyak kung nagpadala ng iba pa; sakaling gayon n'g a, ang isa pang lula ay di sasa!ang ang may pamagat na "En Ia Ausencia" (Sa Pagkakalayo) na, ayon kay Ret;ana ay sinulat sa Paris nang Nobyembre, 1889, nguni't sa malas ay hindi inilathala, gaya ng binabalak, sa naturang pahayagan, noong ika-15 ng Disyembre, 1889.


392

kinakapos ng artikuIo, upang maging pamuno. Sa aking palagay, sa dalawang suI at ni Blumentritt, ay dapat lamang ilathala sa pahayagan ang padala kay Koronel Verdugo,5 at banggitin na lamang ang isa, bagaman sinabi sa akin ni Blumentritt na ang nais niya'y kapuwa malathala ang dalawang iyon. Ang sulat para sa Heneral ay maaaring ilathala sa hiwalay na dahon, upang mapagbigyan ang ating mabuting kaibigan; ang mga talatang nasusulat sa lapis na pula ay nararapat palitan ng mga sunud-sunod na tuldok. Sa dakong huli, marahil, ay pasasalamatan ako ni Blumentritt. N gayo'y lumipat tayo sa bIg. 20 ng La Sol. Mabuti ang pagkakalimbag, makalilibong mabuti ang pagkakahusay, bagaman nakatanan sa inyo ang isang sabihin ?1W sa mga iyan sa wakas ng mga "Bagay-bagay sa Maynila"; n1aliit na kamalian. Gayunma'y binabati k ang mga naglathala niyon. Ang artikulo ni Blumentritt6 ay siyang pinakamabuti sa mga nasulat na ng ating kaibigan, binati ko na siya; ang sa "Murgas"7 ay magaling din; tungkol sa "lVIurgas" ay kalakip nitong ipinahahatid ko sa iyo ang sumusunod na sulat na tinanggap ko buhat sa Pangasinan; kinakailangang isipin ang paglalagay ng kabalitaan sa Dagupan 0 sa Lingayen. Tungkol sa suliraning Luna-Mir,8 ang hinu-hinuha ay nagsasabing sinipi ng "La Solidal'idad" ang mga akda. Ang mambabasa'y natira na lamang sa pananabik. I to'y isang pagkalimot. Sa "Arte y Letras" ay natunghayan ko ang isang G. Ramiro Franc0 9 na buong lugod na ninanasa kong makilala kung sino. Ito'y isang manunulat na makisig 5 Sa katotohanan ay walang inilathala sa " La Solidaridad" kunai ang sulat lamang kay Verdugo; nng isa pang sulat kay Weyler ay inilathala rin, nguni't parang "hoja volante" Iamang. 6 Ang artikulong ito ni Blumentritt ay isa sa mga iniukol kay Barrantes, na pinamagatang "Qui Bono" at ang pangalawang pamagat ay " Anch'io sono pitt ere" na inilathala nang ika-30 ng Nobyembre sa "La Solidaridad". 7 Hindi namin malaman kung aling artikulo ang tinutukoy; ang mayakda ay si Pedro Serrano Laktaw na gumamit ng sagisag na D.A. MurgM. 8 Ang mga katitikan ng "Tribunal de Honor" (Hukumang Pangkal'angalan) ng mga pahayagan sa Bal'selona, na siyang dinulugan, sapagka't si Mil' Deas ay tumanggi sa hamong pagpapatayan. 9 Ang Ramiro ~ranco ay siyang sagisag sa panulat ni Dr. Dominador Gomez.


393

at matikas at ang ginoong iya'y maaaring isang taong mahalaga, sapagka't bagaman siya'y humahanga sa mga sinusulat ni "Quioquiap" (Pablo Feced) ay hindi dumikit sa kanya ang pinapamaga at hungkag na mga pangungusap nito, ang kanyang hawig na matutunog na sa biglaa'y nakagugulat nguni't kung susuriing mabuti ay nakakatawa at nagpapakilala ng kawalang-muwang at pagkamadaldal. N aniniwala akong pagkakamasid ko sa hawig ng pananalita ni G. Franco, hawig na maganda, likas at makinis, na ang kanyang mga pagpuri kay Quioquiap ay pawang isang pagbibigay lamang, na kinakailangan upang pagkatapos ay magkaroon ng karapatang magbigay ng dagok sa kanya. Marahil ay namamali ako; kung si G. Franco ay kastila, ay nauunawa ko na ang .kanyang paghanga at ipalalagay kong yao'y matapat, sapagka't karaniwan na sa mga manunulat na kastila ang pahikayat sa magagandang pangungusap; kung siya'y isang pilipino (si Rosario? si Aguirre?), ay halos masasabi kong sa pinakabuod, ang kanyang mga pagpuri ay may isang makinis na pangungutya at isang kasuwitikang sa dakong huli'y ipakikilala. Maging sinuman siya, ay ikinalulugod ko at aking ikinatutuwa ang mahalagang tulong ni G. Franco; kung maaari'y sabihin mo sa akin kung sino, at kung isang kaibigan at kababayan ay batiin mo siya nang taos sa puso. Sayang at wala sa akin ngayon ang mga "Esbozos y Pinceladas" ni Quioquiap upang ipatalastas sa inyo ang mga pariralang nakatatakot at mapipintog ng ginoong ito. Dadalawa lamang ang nagugunita ko ngayon: "mabitin ang ulo sa isang bangin", "ang ilalim ng lupang tinutubuan ng mga 'patogonia' (ang 'patogenia' ay hindi maaaring tumubo sa alinmang ilalim ng lupa ni sa pagitan ng lupa; ang 'patogenia' 0 ang paglala ng sakit ay hindi maaaring lumitaw kung walang isang katawang buhay) ". Kung babasahin at susuriing mabuti ang kanyang hawig ng pagsulat, ay mamamalas na hungkag na gaya ng kanyang ulo. Matatanggap na siya'y nag-aangkin ng karahasan, ng malaking kapangahasan (lalo na itong huli) at kaliksihan sa pagsulat. Inuulit ko ang aking pagbati kay G. Franco: kung siya'y isang kastila, ay huwag mong sasabihin ang anumang galing sa akin o galing kaninuman, at magkasiya ka na lamang sa pagsasabing naibigan ko ang kanyang hawig, sapagka't


394

nararapat kilalanin ang katotohanan. Tungkol dito'y mag-ingat ka sa kanya, at baka ang pahayagan nati'y gawing isang pahayagan ni Quioquiap; pagtatawanan tayo at ang lahat ay hahamak sa atin, palibhasa'y maaaring sabihing pagkatapos na buntunan ng dumi ni Quioquiap ang mga Indiyo, ay pinag-uukulan pa natin siya ng mga papuri. Kaya't magpakaingat ka nga. Nararapat tayong manunton sa matuwid. May matuwid si Blumentritt sa pagtuligsa sa kanya, gayong ito'y hindi pilipino; huwag sanang masabing tayo'y natakot sa Quioquiap na iyan, at tayo'y sumusukot sa kanya. Sil1ulatan ko na si 1. B. (Indio Bravo) nguni at hindi pa ako sinasagot. Kailangan kong matanto kung bakit at ang mga 1. B. ay ayaw sumagot sa aking mga sulat. May naiisip akong isang balak. May ugali ang mga pilipino riyan na magsalu-salo nang pagkain kung ika-31 ng Disyembre. ~Sa halip na kumain sa isang restaur an ay makakakain n{tng lalong mabuti sa isang bahay, at lalong magkakaroo..n ng kapalla gayang loob). N gayon, ana ang palagay m'o kung ang La Solidaridad ay maglathala ng isang bilang 0 isafng dahong-dagdag na hiwalay, na kalalathalaan ng mga akda, sulat, kuru-kuro, atbp., ng lahat ng pilipino, sa kasunduang ang mga susulatin nila'y hindi magtataglay ng uring politiko, ni panunuligsa, kundi ganap lamang na pampanitikan at makapagtuturo? Maaaring magpalimbag ng mga sipi upang ihandog at ipagbili sa Pilipinas, at nang sa ganito'y maipakilala ang katunayan ng pagkakaisa ng mga pilipino. Pakiramdaman mo riyan kung ana ang niloloob ng lahat. Sinabi sa ~kin ni Llorente 10 noong una na inialok sa kanya ang pamatnugutan ng "La Solidaridad"; sinagot ko siyang tanggapin niya matapos na sangguniin ka. Ano ang masasabi mo tungkol dito? Alaala sa lahat. RIZAL 10

Si Julio Llorente a ng tinutukoy.


395

173.

BuTtat kay A.ntonio Luna para kay Rizal

Ang suliranin ni Luna kay Mir ay ipinaiIalim sa isang Hukuman ng Karangalan.-Pasasalamat sa lahat ng Pilipino.

Clavel 6, Madrid, Ika-10 ng Disyembre, 1889 MINAMAHAL NA RIZAL:

Iniisip kong sulatan kita kahapon, nguni't hindi naari. Ngayo'y sinusulatan kita upang sagutin ang mga sulat mo. N alalaman mo na kung ano ang kinahanggahan ng suliranin. Bago ako umalis ay inilagay ko sa ilalim ng kapasyahan ng Hukuman ng Karangalan na binubuo ng Sindikato ng mga pahayagan sa Barselona. Inaasahan kong napagpasyahan na, at di malalao't matatalos natin. Kinakailangang gawin na ang sakdal. N alalaman mo nang sa sumbong ni Mir, si Ponce ay siniyasat ng Hukuman, kaya't kinakailangang huwag natin siyang bayaan upang huwag lnagkaroon ng mga manggagaya. Inaakala ko ring nararapat .kayong magpadala agad ng salapi sa Barselona. N akagugol ng 40 0 50 piso sa mga palathala lam2.ng at bukod dito'y kailangang handugan ang mga sikmurang nagpapasalamat na nagsisama sa paglilimayon. Dahil sa ang "El Diluvio" ay tumangging maglathala ng isang huling pahatid, dito'y maglalabas ng isang tanging bilang, karakarakang matanggap namin ang pasiya. Ako'y lubhang napasasalamat sa lahat ng mga kababayang narito, sa Barselona at sa lahat ng dako. Bagaman ang suliranin ay pangsarili ko lamang, ay nangagmalasakit sila sa aking katauhan at nagsipag-abuloy ng buong makakaya nila. Sa mga nasa-Barselona ay napakalaki ang aking utang, malaking-malaki: kay Graciano, sa iyong pinsan at sa lahat. Sumasaiyo at yumayakap, ANTONIO

Alaala nina Lauro, Aguile-.:oa at Roxas.


396

174.

Buhal kay Mariano Ponce para kay Rizal *

Paghahalughog sa bahay ni Ponce dahil sa sumbong ni Mir.-Mga aklat na walang tatak ng limbagan. Maaaring magkaroon ng mga mabibigat na pangyayari.

Barselona, Ika-lO ng Disyembre, 1889 MINAMAHAL N A PEPE:

Natangap ko ang mga libro ni Pardo de Tavera. Maraming salamat. MagpapadaJa akong madali sa Hamburgo ng dala':ra~g pu at limang Noli. Mayroon pa dining mga 100 Slpl. Ang babuy na si Mier-Das, ay nasok na suplong, at isinuplong na dini raw ay nag papalimbag kami ng mga librong walang pie de imprenta (Hindi nakalagay ang ngalan ng limbagan). Rinikisa ang aking bahay nguni't walang nakuha kundi tatlo 0 apat na "Vision", ilang "Cuestion de sumo interes" ni P. Rodriguez at ilang dasalan. Hiningi ko sa Gobernadol' mangyaring ihulog sa J uzgado ang salitaan, upang maaring maihabla ko ang suplong, yamang ang nahuling mga librito ay di nagsasaysay na ako ang may palimbag, ni ang bilang na clahop ay makapagpapatotoong kami ang nagpalimbag. Ang saysay ko sa J uzgado ay ang mga limbag na iyon ay tinangap sa Redaccion ng Sol.; na di ko man napansin kung mayroon 0 walang pie de i?1tprenta, at palibhasa'y ang mga nabasa ko'i wala namang laban ni sa Religion ni sa Constitucion, kaya di ko man pinansin. Ito ang naka pigil sa aking pagalis. Ngayo'i iniintay ko ang lalla ng J uez; at saka ko ipag sasakdal ang walang hiyang yaon. Iniintay namin ang pangako ninyong aboloy .. ... Wala akong dahilan upang l11atakot; nguni't hindi naman maaaring di-mangyari na magkaroon ng mga pagkakadawit-dawit 0 pagkakahalo ng iba't ibang bagay na di sukat asahan habang ginagawa ang paglilitis. N ararapat nga kayong mag-ingat. Ang suliranin ni D. J. Luna ay inihabilin sa kamay ng abogadong si Don Emilio Junoy. • Ang orihinal nito ay nasusulat sa tagalog, na di namm binago munti man.


397

Sa "Diluvio" ng hapong ito ay lumabas ang sueltong mababasa mo: bukas ay pasisinungalingan ko ito. Ang iyong si, NANING

175. Bllhat kay Mariano Ponce para kay Rizal Ang pagkakahalughog sa bahay ni Ponce ay nagbunga ng malaking alingasngas sa mga pahayagan.-Dumating sa Sena~, sa Kongreso at sa Konseho ng mga Ministro.-Ang hatol ng Hukuman Kar,a ngalan ay nagbaon kay Mir sa lalagyan ng dumi.

Rambla de Canaletas 2-3.0, Barselona Ika-16 ng Disyembre, 1889 MIN AMARAL N A PEPE:

Kailanma'y hindi ko naisip na ang pagkakahalughog sa aking bahay ay magbubunga ng malaking alingasngas. Ang mga pahayagan sa Barselona at IVladrid ay nangag-ukQl ng mahahaba't matitinding artikulo at sa lahat ng dako'y ibinalita ng mga kabalitaan sa pamamagitan ng hatid-kawad. Salamat at ang matitinong bahagi ng mga pahayagang ito ay nagsipiling sa atin; isipin mq na lamang kung anong mga hamak na katawagan ang iuukol sa atin kung di gayon ang inanyo ng mga pahayagang nasabi. Sa pamamagitan ng mga pahayagang ipinadala ko sa iyo ay dapat mo nang matalos ang hakbang-hakbang na dinaanan ng ~uliraning ito. N gayon, ay nabibitin ang suliranin s? magiging hatol ng hukom. Ipinalalagay kong magiging mabuti sapagka't wala silang mapanghahawakang la~ ban sa akin. Pagpayuhan mo kami tungkol sa kung ana ang nararapat naming gawin. Sa Senado, Sa Kongreso at sa Konseho ng mga Ministro ay tinukoy ang bagay na ito. Kalakip nitong ipinadadala ko sa iyo ang ginupit kong lathala sa "El Dia" at ang isang pahatid-kawad na ipinadala namin kay Becerra. Ang damdaming-bayan ay nasa-piling namin sa dalawang suliranin. Itinuturo nilang bilang manunuplong si Mier-Das. Ang hatol ng hukuman ay wala nang nagiging ku-


398

lang kundi dalawang lagda na kukunin ngayong hapon. Ilalathala sa mga pahayagan. Sa pamamagitan nito, si Mir ay mapapatambak 0 mapapabaon sa lalagyan ng mga dumi. Pinahahatdan ka ng mga pagbati ni GaIicano. Ipinadadala ko sa iyo ang "talon" na nagpapatunay ng 25 sipi ng Noli na ipinadala kay G. C. Boysen, Hamburgo. Dinala roon sa pamamagitan ng treng "mahina ang takbo". Ipadala mo sa kanya ang talong iyan. Niyayakap ka ng iyong si, NANING

176.

BuTtat kay Antonio Luna para kay Rizal

"Hindi ako uurong, nguni't sa pagkakamalas na ang aking kaanak ay pinag-uusig, ay hindi katakatakang minsan man lamang ay mag-alinlangan ang aking diwa".-Mga pag-aalinlangan ni Luna tungkol kay Nelly.-"Iniibig pa kaya ako?"Hlbig kong malaman kung ako'y nagiging katawatawa sa malin's na paniniwala sa isang pag-ibig na wala na".

Clavel 6, Madrid Ika-27 ng Disyembre, 1889 MINAMAHAL N A RIZAL:

Tinanggap ko ang sulat mo at hindi ko nasagot sa kapanahunan, dahil sa "dengue" (trangkaso) 0 ana mang sakit na naghahari. Bago ang lahat ay nararapat kitang batiin dahil sa iyong bagong aklat, bagaman nagawa ko na ito sa pamamagitan ng hatid-kawad kamakalawa, gay a ng iyong nakita. Hindi ko pa nababasa ang iyong akda, ngnni't gagawin ko ito ng buong puso kapag ipinahiram sa akin iyon ng mga may-ari, bilang tanging pakiusap. Gayunma'y palihim na nabasa ko na ang ilang bahagi. na lubos kong naibigan. Tungkol sa sinasabi mo sa iyong sulat ay sadyang nararapat kong sagutin. Ilayo nawa ako ng Diyos na sagutin kita sa mga paratang mo sa akin; ang mga paratang na iya'y walang-wala sa akin, kaya ipagpapaumanhin ko na. Kailanma'y hindi ako umuurong kapag nasimulan ko na ang isang bagay, datapuwa't hindi kaila sa iyo na pagkatapos ng aking usapin, nang


399

mamalas kong angkin ko ang matuwid at may karapatan sa paggawa ko ng nararapat at ng lahat ng ninanais mo, ay inilalagay ko ang aking mga kapatid na nasaMaynila pati na ng aking mga magulang na rin, sa panganib na sila'y usiging parang mga hayop, ay hindi ka magtataka, inuulit ko, na ako'y pagsaulan ng isip at kahit na hindi nakagawa ng pagkakasala, ay ipala~ gay kong ako'y nagkasala na rin sa kapahamakan 0 kasawiang-palad na maaaring mangyari. Ito kaya'y panlalamig? Ako, sa ganang akin ay hindi, Itatanggi mo bang dahil sa ako'y gumawa ng nararapat gawin, sa pagkakataong ito, ay isinulat ko na rin ang aking pangalan sa hanay ng mga kaaway ng mga prayle, at mga sinawi naman nila ang aking mga kaanak? Sa ganang akin ay wala akong dinaramdam; sukat na sa akin ang pagkakaroon ng tahimik na budhi sa paggawa ng naaayon sa karangalan. Datapuwa't sila? lyan ang kahila-hilakbot ~a piliang nakapanglulumo sa akin. Mabuhay nang walang dangal, walang puri, niyurakan ang pangalan at ang lahi 0 D;laging sanhi ng kapahamakan ng buong ~aanak. Hindi ko dinaramdam na gawin ang aking ginawa, lagi nang gagawin ko iyon kung ako'y malalagay sa gayuncling kalagayan; datapuwa't sila, ano ang kanilang kasalanan kung sila'y ipalalagay pagkatapos na mga kaaway ng mga prayle at sila'y pag-uusigin? Matapos ngang ipahayag ko sa iyo ang mga katuwirang ito, ay inaakala kong hindi ka mag-aalinlangang ang aking diwa'y nag-urung-sulong minsan man lamang sa aking ginawa. lnuulit kong ako'y hindi uurong kailanman, na buo ang aking pananaIig na mabuti ang aking ginawa, at kung tayo'y piniRintasang wala nito 0 noon, ang lalong mabuting pangangatuwiran aY ang nangyari; at laban dito'y wa~ lang dapat ipag-alinlangan. Bukod dito, ay nais kong balitaan rno ako tungkol kay Nelly. Hinihingi ito sa iyo ng iyong kaibigan at kababayan. lniibig pa ba niya ako? Sapul nang ika-I6 ng N obyembre ay wala akong nalalaman tungkol sa kanya. lVlay 20 araw nang sinulatan ko siya. Sulatan mo ako ng maliwanag pagka't ito'y pangalawa, nguni't ibig kong matalastas kung ako'y nagiging katawa-tawa sa maIinis na paniniwala sa isang pag-ibig na waIa na. Ito'y tunay ngang katawa-tawa. Bagay l


400

na hindi ko ibig mangyari pagkatapos ng nangyari sa kanyang inang pinagpakitaan ko ng labis-labis na pagtingin. Niyayakap ka, hinahangad ko sa iyo ang lubos na kaligayahan, at binabati kita dahil sa iyong aklat. Sumasaiyo, ANTONIO

Si Del Pilar ay maysakit, nahihiga. ] 77. Bllhat kay Rizal para kay Baldomero Roxas

45 Daang Maubeuge, Paris Ika-28 ng Disyembre, 1889 MAHAL KONG KAIBIGANG ROXAS:

Tinanggap ko ang inyong mahalagang sulat! at pinasasalamatan ko kayo sa tanang doo'y sinasabi ninyo sa akin. Napanahon ang dating ng inyong sulat sapagka't ako'y nagigipit 2 palibhasa ma;tagal nang hindi ako tumatanggap ng sulat buhat sa aking kaanak, sapul pa nang buwan ng Hulyo, at nagigipit ako dahil sa gugol ng pagpapalimbag ng aking akda. 3 N gayo'y nagpadala ako sa Lipa ng apat na sipi ng Morga. 4 Saka na ako magpapadala ng iba pang sipi. Hindi naman nagagalit sa inyo si Aling Julia,5 bagkus nga'y sa pagdiriwang na inihandog nila rito. ay Ang sulat na itong tinanggap ni Rizal ay wala sa Epistolario. Ayon kay Dr. Baldomero Roxas, ang tinutukoy dito ni Rizal ay isang kasulatan sa pagpapalit ng salapi sa halagang sanlibong piso, na sa kanya'y ipinadala ng ilang taga-Batangan. Sinasabi ni Dr. Roxas na iyon ay sipi lamang ng unang kasulatang nawala, sapagka't dalawang pilipino ang nagtangkang sumingil ng halag~ng nasabi, para sa kanilang sariling kapakinabangan, nguni't nawalang-halaga ang kanilang pagtat angka. 3 Tinutukoy ang pagpapalimbag ng Suceso8 de Filipino,路s de Morga, na may mga tala ni Rizal. 4 Ang Suceso8 de Filipinas na may mga tala ni Rizal ay ipinalimbag sa Paris na may petsang 1.890; gayunman, sa sulat na ito nang ika-29 ng Disyembre, 1889 ay tumutukoy na sa apat na sipi ng akda na ipinadala sa Lipa, Batangan at ang gayo'y sa dahilang sa katotohanan ang paglimbag ay natapos ng magwawakas ang taong 1889. 5 Mali ang pagkakabanggit sa pangalang Donya Julia, sapagka't ang totoo, ito'y si Donya Juliana Gorricho, ina ni Dr. Trinidad H. Pardo Je Tavera. 1 2


401

napag-usapan kayo at si Aguilera,6 at bago pa noo'y sinabi sa akin ni Paz 7 na pagparito ninyo ay magdala kayo ng mga inihaw at inasnang almendras na lubhang minamasarap niya at ni Heloisa. 8 Sa ika-4 0 ika-5 ay aalis ako't paroroon sa Londres 9 upang kunin ang aking mg-a bagay-bagay, at buhat doo'y tutungo ako sa Alemanya. Buhat doon ay susulatan ko kayo. Kapag napag-alaman kong nakararating djyan nang walang anumang kahirapan ang mga sipi ng Morga, sa pamamagitan ng colis postal,10 ay padadalhan ko kayo ng tatlong sipi. Ang mga ipinadala ko na ay tila hindi nakarating, sapagka't hangga ngayon ay wala pa akong tinatanggap na sagot. Paabutin ninyo ang aking pasasalamat sa lahat ng mga kaibigang nagpahatid-kawad. Maligayang Pasko at manigong B:;tgong Taon. Si G. Florentino Torres l l ay tutungo sa Maynila nang may malulungkot na palagay tungkol sa mga pili 路 pinong nakatira s~ Madrid. Sinasabi ,niyang ang kabataang pilipino ~a Madrid ay walang iniisip kundi maglibang; at ito'y hindi sapagka't kinukulang sila ng talino 0 kakayahan (at binanggit sa akin aug mga nga~ 6 Tinutukoy dito si Gregorio Aguilera, taga-Lipa, Batangan at batsilyer en artes sa Ateneo Municipal ng Maynila. Nang taong 1889, siya'y napasa-Madrid upang magpatuloy ng pag-aaral sa "Universidad Central". Ayon kay Alejandrino, si Aguilera ay ipinalalagay ni Rizal na isang binatang matalino, naging patnugot ng Istituto Rizal sa Lipa, nang slya'y bum,alik sa Pilipinas nang 1889. Siya'y naging kinatawan ng lalawigan ng Batangan sa Kongresso sa Malolos. Naging patnugot ng lingguhang Columnas Volantes de la Federaci6n Malaya sa Lipa sa loob ng panahon ng himagsikan. 7 Tinutukoy si Paz Pardo de Tavera, maybahay ng pintor na si Juan Luna. 8 Si Eloisa Pardo de Tavera, na pinsan ni Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera ay siyang nililigawan ni Lauro Dimayuga na binabanggit ni Rizal sa una niyang sula t. 9 Tunay ngang si Rizal ay nagtungo sa Londres, nguni't hindi natuloy ang kanyang paglalakbay sa Alemanya, gaya ng sinabi, dahil sa mga pangyayaring nakapigil sa kanya. 10 Ang sinasabing colis postal ay katulad din ng balutang ipinadadala sa pamamagitan ng koreo. 11 Si G. Florentino Torres, bantog sa karunungan sa batas na naghawak ng maraming mahahalagang tungkulin sa pamahalaang pilipino at pagkatlt!,os, nang dakong huli, ay naging kagawad ng ating Kataastaasang Hukuman, ny nasa-Paris nang panahong iyon upang maglakbay at maragdagan ang kanyang mga kaalaman at upang panoorin ang tanghalan sa Paris,


402

Ian ni Dimayuga, Abreu at Alejandrino) 12, kundi sapagka't labis sila ng kuwalta. Idinugtong pang ang mga kastila r aw ang nagsabi sa kanya ng masasamang balitao Tila siya'y uuwi upang pagpayuhan ang mga kaibigan niya na huwag ipadala ang kanilang mga anak sa Europa. Tingnan natin kung kayo'y makapangangaral sa kanila sa pamamagitan ng in-yong halimbawa; sa panahon pa namang itong tayo'y nakikipaglaban, ay kinakailangang pag-ibayuhin ang ating mga pagsisikap, kinakailangang ipagpakasakit ang lahat at lahat sa ikabubuti ng ating bayang tinubuan. Kung walang kabaitang-asal ay walang kalayaan. Sinisikap kong marinig ng lahat ng Pilipino, upang sila'y mapasigla sa pagpapabuti ng kolonya, sa pagbuo ng isang kolonyang dibdiban kung gumawa, masipag at palaaral. Kaya kinakausap ko kayo, si Aguilera, si Llorente, si Bautista.1 3 Tanging kabait~n Iamang ang makatutubos sa alipin ; iyon lamang ang kaparaanang magagawa upang ang mga naghahari-harian ay magpitagan sa atin at ang mga taga-ibang Iu a'y; tumangkilik sa atin.14 Utang na loob ay paabutin ninyo ang aking mga kumusta sa mga 1. B.15 N alalaman na ninyong ako'y inyong kaibigan. J. RIZAL 12 T inutukoy sina L auro Dimayuga, Jose Abreo at Jose Alejandrino na noo'y nagugumon sa sugal. Ang pagbanggit ni G. Florentino 'rorres na "labis-Iabis a ng kanilang salapi" ay tumutukoy, ayon kay Dr. Roxas, kina Abreo at Alejandrino na nagsisitanggap ng malaking pensiyon路 13 Si Baldomero Roxa s na taga-Lipa, Batangan, ay napasa-Espanya upang mag-aral ng m edisina. Nang siya'y umalis sa Pilip in as ay nati路 tiyak niyang t atanggap n g sapat na pensiyon sa pamamagitan ng maaani sa kape, ngllni't nang siya'y nasa-Madrid na ay inabot n g salot ang ang mga tan iman ng kape na halos nawalan ng ani; gayunman, si Ro>:.as ay hindi p inanlamigan ng loob, nagpatuloy sa pag-aaral at paggawa upang kumita ng kanyang magugugol. Sinasabi rito ni Rizal na si Roxas ay isa sa mga nagpamalas ng mabuting kaugalian at siya'y ipina路 lalagay na karapat-dapat na maging halimbawa ng kanyang mga kababayan. Sa malas a y gayon din ang ipinaJalagay ni Rizal, kina Gregorio Aguilera, Julio Llor ente at Ariston Bautista. 14 Si Rizal a y hindi nag-aksaya ng panahon upang mangaral at magpayo sa k anyang mga kababayan sa pagpapakilala ng kagandahang-asal at sinisikap niyang maitanim sa kanila ang magagandang aral sa ikararangal at ika da dakila.

15

Ang dalawang titik na 1. B. ay nangangahulugan ng Indios Bravos.


403

1 78. Blthat kay Ponce para kay Rizal * Maganda ang paunang-salita ni Biumentritt sa Morga. Ang aklat ay isang matinding dagok sa mga kaaw.ay.-Piging sa malalayang pahayagan.Mga rebolber na tahimik ?-Balak na pagsasanay tungkol sa buhay ng mga tanyag na pilipino?

Barselona, Ika-31 ng Disyembre, 1889 G. JOSE RIZAL MAHAL NA PEPE: N atangap ko ang librong S1.f,Sa1amat ng marami. Vaia pa akong nababasa kundi ang prologo ni Blumentritt. Totoong magaling. Padalhan rno sana ako agad ng mga sampung ejemplares ng aking maipadala sa atin sa unang aalis na korreo. Hanga ngayon ay hindi pa hinahatulan ako ng hocom. Yto ang diko ika alis dini. Sapilitang babagohin ng Iibro mo ang mga mr~!ing kaisipan na naghahari hanga ngayon tunkol sa atil1g bayan. Ysang malakas na dagok sa ating mga kaaway. Sa ikalaua n~ buang papasok ay pipiguingin namin sa isang banquete ang prensa liberal na nag tangol sa atin sa mga salitang ito tunko1 sa maling bintang sa atin; na gaya ng ginaua ng Asociacion HispanoFilipina, at mga taga-ilog sa Madrid. May nangag sisu1at sa akin na itinatanong kung totoo nga na may 1umitaw na revo1veres na ualang pu.. tok sa pag baril. N agusisa na ako sa mga taga rini ay ua1a man 1amang nakabalita. Wa1a ka bagang na didinig diyan tunkol dito? Pakibalitaan mo sana, at isulat mo sa akin. Nuka1 sa aking loob na maghagilap ng mga balita tungko1 sa buhay ng mga pilipinong nangag si ungos sa karamihan kahit yaong nangabuhay ng unang panahon, at yaong panahong ito, upang ma1akip sa isang Hbro. Aeuan kung magaganap ko ang hangad na ito: nguni't maaasahan ko na sa tu10ng ng lahat ay rna idadaos din. Va1a akong ba1ak kundi isang ensayo lamang tungkol sa buhay ng mga nasabi na. Di natago sa iyo ang kahalagahan nito kung rnaganap. Maipakilala sa boong sinukob na ang ating ka1ahian ay nag bigay din * Nasusulat sa Tagalog ang orihinal, na di namin binago munti man ce,'W8.

ang pagkakasulat.

P. ng T.


404

ng mga tawong sukat mabilang sa una sa mga bantog. Padalhan mo sana ako ng mga datos. Tangapin mo ang mahigpit na yakap nitong si, NANING

P. D. Ti11anggap 1110 ba ang "talon" na panagot sa mga kahang ipinadala sa Hamburgo? 179. Buhat kay G. Puatu para kay Rizal Salu-salo sa katapusan ng taon, na may mga banggit kay Rizal at kay Juan Luna, bilang kapurihan ng Pilipinas.

Madrid, Ika-2 ng Enero, 1890

G. JOSE Londres

RIZAL

IGINAGALANG KO'T IPINAKAT~TANGING GINOO:

Tinanggap ko ang inyong mahal na sulat na may petsa 25 ng Disyembreng nakaraan, kalakip ng isang bilyeteng halagang dalawampu't limang piseta bilang butaw ninyo sa pagiging kasapi sa "Asociacion Hispano-Filipina". T8.l0S na ninyong ang bagong ingat-yaman 11g nasabing kapisanan ay si Antonio Luna, kaya't pagkatanggap ko ng inyong 5 piso ay ibinigay ko sa kanya; at inaasahan kong pagsulat ninyo sa kanya ay ibabalita niya sa i11YO ito. Ang pagsisinaya ng samahan ay inaakala kong gagawin bago dumating ang Tatlong HarL Sayang at wala kayo rito kahit man lamang sa araw na iyan. Lubos kong ikinalulugod nang matalos na dumating sa inyo ang aking tarheta postal na sa inyo'y ipinadala, at mangyari pang labis-labis kong pinasasalamatan ang pagiging marapat sa inyo ng aking matapat na pakikipagkilala. Gaya ng pinagkaugalian. kamakalawa sa gabi, katapusang arp.,w ng taon, kaming bumubuo ng bayan-bayanang pilip-ino rito ay nagkaroon ng salu-salo; bagaman munti lamang kaysa mga taong nakaraan ay naghari ang ganap at lubos na pagkakapatiran at kasiglahan. Sa mga talumpatia'y nabanggit kayo at si Luna


405

(Juan) bilang kapurihan ng mga Pilipino, bagay na sinalubong ng mauugong na palakpakan. Ibinabalik ko rin sa inyo ang maligayang paskong hjnahangad ninyo para sa akin sa inyong sulat at muli't muli kong ginagawa ang paghahandog sa inyo bHang kababayan at lingkod na h.n.i.k. GUILLERMO PUATU Y CONSTANTINO

Sic Carrera de 8n. Geronimo, 13, Pral. 180. Buhat kay Rizal para kay Ponce

*

"Sulong, at huwag kang matakot; ikaw ay may mabuting hawig sa pagsulat"

45 Rue Maubeuge, Paris Ika-3 ng Enero, 1890 G. MARIANO PONCE RAMBLA DE CANALETAS 2-3.0 BARSELONA. PILING KAIBIGANG: Tinangap ko ang sulat mol at kapagkaraka'y ipinadala ko ang siam, nguni at sa ngahin ni Canon,2 sapagkat kung sakali't ikaw ay maalis bago dumating. N guni at kung ikaw ay abutin ay hingin rno kay Canon, ibibigay niya sa iyo. Ako'y paalis at paparoon sa Londres at saka ako babalik dito at tutungo sa Alemania 0 Dinamarca. 3 Yto na lamang. Tutulong ako sa iyo sa Iahat ng iyong kailangan sa libra mo,4 Ialong laIo na sa Historia. Sulung-Huwag kang rnatakot, magaling ang estilo rna, mahusay ang ayos. Yto na larnang, ibati rno ako sa lahat; rnasayang Bagong Taon. RIZAL '" (Isang Tarheta Postal). Nasusulat din sa Tagalog ang orihinal nito, at sinipi namin dito nang walang anumang gina wang pagbabago. 1 Tumutukoy sa sulat bIg. 328 ng Epistolario. 2 Nagpadala si Rizal ng siyam na sipi ng "Morga" na kalalabas pa lamang, sa sampung hinihingi ni Ponce, at ang mga yao'y ipinadala sa pamamagitan ni Canon, sapagka't inaakala niyang si Ponce ay aalis sa Barselona upang pasa-Madrid, gaya ng ipinayo rin sa kanya ni Rizal. 3 Si Rizal ay hindi nakaparoon sa Alemanya at Dinamarka, gaya ng kanyang binabalak, nguni't naparoon sa Bruselas, Belhika. 4 Aklat na binabalak sulatin ni Ponce tungkol sa mga marurunong at maririlag na mga pilipino.


406 181. Buhat kay Rizal para kay Mariano Ponce Mga artikulo ni Ponce na naibigan ni Rizal.-Murang kabuhayan sa Bruselas, siyudad na lalong maganda kaysa Barselona.-Bakit hindi pumaroon ang maraming pilipino?

38 Rue Philippe de Champagne, Bruselas Ika-12 ng Pebrero, 1890 MINAMAHAL KONG NANING:

N aghihintay ako ng suI at mong galing sa Madrid upang sabihin sa iyo kung saan ako nakatira ngayon, nguni't sa dahilang hindi ka humihinga ay illakala kong patuloy ka pa rin ng pagtira sa Barselona. Ang padalahan ko ng sulat ay nasa-ita as ng liham na ito. N abasa ko ang iyong mga artikulo at naibigan kong lubha. Ang pangal'ang Pandap,ira, ayon sa sabi sa akin ni Trinidad Pardo ay maaaring Panday Pil1a. 1 Lubhang kapaki-pakinabang na tipunin ang iyong mga artikulo upang pagsama-samahing ilathala sa isang aklat. Kumusta ang aking mga aklat? Nagsirating na ba?2 Mabuti ang kalagayan ko rito sa Bruselas; ang kahuhayan dito ay halos kasingmura ng sa Barselona; ang siyudad ay lalong maganda. Ikalulugod kong makita rito ang mga pilipinong walang malamang gawin sa kanilang panahon ni sa kanilang sa,lapi sa Madrid. Bakit hindi ka pa naparoroon sa Madrid? Paratingin mo ang aking mga alaala sa lahat ng mga kaibigan. 1 Hindi namin malaman kung aUng artikulo ni Ponce ang' tinutukoy. Si Pandapir'a 0 Panday Pira ay diU iba kundi ang pilipino sa Lamayan, Sta. Ana, na gumawa 0 nagbubo ng mga kanyon nang dumating dito ang mga kastila. Siya ring sagisag sa pagsulat ni Pedro Serrano. Laktaw.

2 Maaaring tumutukoy sa siyam (9) na sipi ng "Sucesos de las Islas Filipinas" ni Morga, na may mga tala ni Rizal, na kapadadala pa Iamang sa Barselona, sa pamamagitan ni F el'nando Canon.


407

Kung nariyan pa si Galicano ay sabihin mong tila ang aming nunong babae na si Gng. Basilia Bauson3 ay namatay na. Mga alaala. Sumasaiyo, RIZAL

182.

Buhat kay Fernando para kay Rizal

Walang mga pilipino sa Zaragos,a.-Ipinagtatanggol ng isang pilipino ang isang kastila sa harap ng Sanggunian ng Digma.

Saragosa Ika-25 ng Enero, 1890 MINAMAHAL KONG KAIBIGANG PEPE :

Tinanggap ko ang iyong magiliwin at mapagpairog na sulat, gaya rin ng tarheta, na pinasasalamatan ko nang walang kat~pusan. Labinlimang araw akongl nagkasakit ng trangkaso o dengge at salamat. sa Diyos ay magaling na ako. Ikinagagalak ~ong ikaw ay naliligid ng ating mabubuti, masisipag at minamahal na mga kaibigan at mga kababayang sina Luna at Valentina, na ipinakikiutang ko ng loob sa iyong bigyan sila ng isang yakap na pangmagkapatid para sa akin. Ako'y walang muwang sa pagkakaroon ng pahayagang tinutukoy mo; kapag sinabi at ipinayo mo sa akin ay tutupdln ko; kaya sabihin mo sa akin kung sino ang aking susulatan upang sumuskribe. Sa Ulumbayang ito'y walang kababayang nakatira, samakatuwid ay nag-iisa ako, gaya ng isal1g oasis sa ilang. Pinasasalamatan ko ang iyong alok tungkol sa mga aklat na ipinagbibili at malugod kong sinasang-ayunan ang iyong mungkahi. Gaya ng sinabi mo, na padalhan kita. 0 ng isang ak3 Ito'y si Gng. Basilia Bauson (hindi .Banson, gaya ng nakalagay sa Epistolario) . Siya ang ina ni Gng. Concepcion Leyva na ina naman ni Heneral Jose Leyva ng himagsikang pilipino, na pinatay ng mga kagawad ng isang samahang tinatawag na "Santa Iglesia" sa hilaga ng Luson nang taong 1901, at sa isang I;ook na tinatawag na Kabal'uan, Rosales, Pangasinan. Sinasabing ang pook na ito'y tinatawag ngayong "Tumana'!, Pangasinan.


408

lat na nalirnbag na, 0 ng sinulat at sa Espanya, ay pinadadalhan kita sa koreong ito ng isang aklat sa aking aklatan, na kaipala'y rnapapakinabangan rno para sa iyong pakay: kung ninanais rno ay padadalhan kita ng tanang akdang lilirnbagin sa aking palirnbagan, at upang rnagsirnula ay rnalugod kong ipinadadala sa iyo ang ka路 huli-hulihang nilirnbag nang buwang ito. Bagay sa aking kaanak ang rnasasabi ko larnang sa iyo ay natapos na ng karerang Parrnasiya ang aking kapatid na si Pedro, at sumulat siya sa akin na nagmatrikula raw siya sa unang taon. ng Medisina. Ang arna ko'y siyang puno ng mga trarnbiya sa Maynila at ang tungkulin daw ay nakauubos ng kanyang panahone Ako'y Tinyente ng Hukbong Lakad (huwag kang rnagkarnaIi) sapagka't pinakitunguhan mo ako na parang isang kapitan. Pinakukundanganan ako nang gayon na lamang ng mataas na lipunan sa Ulumbayang Ito, na pinakikitunguhan kong angkin ang karangalan at salarnat sa aking gawi ay may lakas din narnan ako. N gayo'y nabun gnot ako, sapagka't hinirang akong Tagapagtanggol nE isang nililitis na Koronel ng Hukbo. Ito ang kauna-unahang pangyayari sa aking buhay-miIitar na ako'y parangalan ng isang tungkuling napakahirap at napakaselang, datapuwa't nananalig akong kung ako'y magyupuyat ay sisikat ako't makapagbibigay-karangalan sa aking ngalang pilipino. Ang pagtatanggol ay napakahirap, nguni't maaaring gawin sa isang parang makahihikayat ng loob at maningning, sapagka't pangangahasan ko ang bagay na lalong katangitangi, na ang tagapagtanggol ng isang kastilang ipinanganak sa Espanya ay isang pili pino, anak ng bayang tinubuan, na walang kamuwang-muwang sa karerang ukol sa batas. Ang Sanggunian ay binubuo ng sa Inga Opisyal na Pangkalahatan, kaya ang mga bokal ay nararapat na rnaging mga Heneral ng Brigada, na pangunguluhan ng Kapitan Heneral. lVIahahaka rno na, mahal kong Pepe, kung gaanong kaba ng loob ko ang aking tataglayin pagharap ko sa hukurnan. Paalam, Pepe, rnagpatuloy ka ng pagsulat, huwag rno akong limutin at maging maligaya ka nawa; tang. . gapin rno ang isang yakap na siyang pinakahalik ng


409

kapayapaan ng iyong matapat na kaihigan at kababayang nagmamahal sa iyo ng huong puso. FERNANDO

183. Buhat kay ill. Arias at Rodriguez para kay Rizal Pagbibiling mga komisyon ng isang akda ni Rizal. Pagpapatapon kay Manuel Hidalgo sa Bohol kahit na napakabuti ang mga ulat ng gobernador ng Laguna. Hinahadlangan ang mga pagbabagong ipinahayag ni Becerra.-Tinakdaan ng mga tuntunin ang kalinisan at ang pagbibili ng laman.

Maynila Ika-31 ng Enero, 1890 GINOONG JOSE RIZAL

45 Daang Mauheuge, Paris PINAGPIPITAGAN AN AT PIN AKUKUNDANGAN ANG GINOO:

Tinanggap ko ang inyong mairugin at kalugud-lugod na sulat nang ika-14 ng Disyemhre ng taong nagdaan, at huang kasiyahan kong tinutugon. Sakaling mamarapatin ninyo, ay ako ang magbibili nang may komisyon ng akda tungkol sa "Marilag na Kastila na naging Tinyente ng Gobernadar sa Pilipinas". Kinakailangang ang mga sipi ay balutjng mabuti at isakay sa bapor sa Barselona 0 sa iba pang dako ng Espanya para sa Adwana rito, upang maiwasan ang pagsisiyasat ng mga aklat sa wikang kastila na nagbubuhat sa ibang lupain; kinakailangang ipadala sa pamamagitan ng koreo na mabuti ang pagkakabalot at serti pikado. Sa anumang paraan ay hindi. isinama ng aking loob na hindi ninyo inilagay ang aking ngalan sa sobre, sapagka't ako man ang nasa-kalagayan ninyo ay gayon din ang aking gagawin kung iyon ay hindi ko maaalaala; tangi sa rito ay hindi naman masasabing kasalanan ang gayong hindi pagkakalagay. Labis kong ikinalulugod na uliting ako'y inyong pinakamairugin, pinakamagiliwin at nagpapasalamat na lingkod, na humahalik sa inyong kamay. MANUEL ARIAS AT RODRIGUEZ


410

Bukod at lihim ito, sa ganang ngalan ko. Dinaramdam kong magbalita sa inyo ng isang bagong pagJabag sa batas. Sa sulsol ng mga taong mahuhulaan na ninyo, ay ipinatapon sa Bohol ang minamahal at marangal na taga-Kalambang si G. Manuel Hidalgo. Ang Gobernador ng lalawigan ng Laguna ay nagbigay ng napakabubuting mga ulat tungkol kay G. Hidalgo, datapuwa't walang napala. Batiin ninyo ang may-katha ng ikalawang tomo ng Bib. "La 8olidaridad". Nagkaroon siya ng napakagandang isipan sa pagpili ng paksa, at tinalakay ito sa isang paraang hindi mapupuwing. Ang nasabing munting aklat ay hindi gaanong kilala rito at kinakailangang palaganapin. Ginagawa ang lahat ng kaparaanan upang ang mga pagbabago ukol sa pagtuturo na ipinahayag ni Becerra ay hindi maisakatuparan. Ito'y lubhang ipinagngingitngit na~n tangi pa sa libu-libong alingasngas at panliligalig na namamatyagan namin; at sa wari ko'y ginagawa nila ito upang kung magkaroon ng gulo ay maipakilala nil~ sa pamahalaan na ang kasamaan ay bunga ng kaluwagang (gahanip) na ipinagkaloob niya. Sa wari ko, (bagaman sa isang paraang masama) ay tinakdaan ng mga tuntunin ang kalinisan at kasama nito'y hinigpitan ang pagbibili ng laman, bagay na tinutulan nang gayon na lamang ng ilang taong walang ibang hinahangad kundi ang kasamaan ng kapuwa at ang ganap na kamangmangan. U pang mamalas ninyo, ay may mga kastila sa Espanya na naghahangad ng lalong kaunlaran ng mga pilipino at ng pinakamalaking pagkakamulat para sa mga pilipino rin . . . at ng lahat ng mga tanging karapatang itinakda ng mga batas para sa lahat ng naninirahan sa Metropoli; itinatagubilin ko sa inyo ang pagbasa ng "Cronicas de Filipinas" na inilalabas ng pahayagang "El Dia" sa Madrid mula sa Bilang ... na ukol sa ika-24 ng N obyembre ng taong nakaraan sa edisyong panghapon. Laging sumasainyo ang tap at, nagpapasalamat na kaibigan at mabuting kapatirl. RONCESVALLES GR :3.


411 184. Buhat kay Pedro Govantes para kay Rizal Isang kahilingan ni Rizal para sa kanyang bayaw.

.Madrid Ika-2 ng Febrero, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Sapagka't sa loob ng apat na araw ay aalis akong patungong Maynila, ay hindi naaring isabaHkat ko ang usapin ng inyong bayaw, datapuwa't-napag-alaman kong dahil sa inyong kahilingan ay iniatas ng Ministro na ang Gobernador Heneral ay magpadala ng mga ulat at hangga ngayon ay hindi pa natatanggap ang mga ito. Gayon ang isinulat ko kay Del Pilar upang sa tulong ni Quiroga ay gawin niya iyon ding mga hakbang na ginawa ko tungkol kay Fabie. Hanggang sa pagbalik, manatili nawa kayong malusog, mga pagzpamahal sa mga kababayan at nalalaman ninyong ako'y inyong magiliwing kaibigang humahalik ng inyong kamay. PEDRO DE GOVANTES

185. Buhat kay F. Ventura para kay Rizal Mga katangian ng pagkamanla1akbay ni Rizal na pakikinabangan niyang mabuti "upang hindi makapag-asawa 0 hindi mapikot".-Walang mahaLagang bagay sa pagkagalit ng kaanak ni Pardo.

Paris Ika-5 ng Pebrero, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MAHAL NA KAIBIGAN:

N asa-aking harap ang inyong tarhetang pangkoreo ng i~a-30 ng Enero at ang inyong liham nang unang araw ng lumalakad; nabatid ko ang nilalaman ng dalawang iyon at ikinagagalak kong nakarating kayo riyan nang walang anurnang kapansanan at ang unang dam-darning tinarno ninyo tungkol sa lunsod na iyan ay naging rnabuti. N angangarnba akong pagkatapos ng walong buwang pagkakatira ninyo sa Paris at dahil sa malalaking


412 pagkalalaking ga'Wa natin ay malnlp kayo sa dakong

iyan; datapuwa't namamalas kong kayo'y sadyang nagaangkin ng mga katangian ng isang manlalakbay, at dahil dito'y binabati ko kayo, sapagka't itdy labis na pakikinahangan ninyo upang kayo'y hindi makapagasawa 0 kaya'y hindi mapikot, na iisa rin ang kahulugan. Sinabi ko na sa in yo na hindi ninyo dapat alalahanin ang hindi pagkibo c galit ng mag-aanak ni Pardo; wala kaming narinig na anumang kata-kata ng ginang, at wala silang ibang hangad kundi kayo'y magpaiwan hanggang maka-Miyerkoles upang makasalo sa araw na iyon, na siyang araw ng kapanganakan ni Eloisa. Kaya naghinanakit nang gayon na lamang si Eloisa; talagang mahigpit ang kagipitan, daig pa ang mga.... Noong kinaumagahan ng Miyerkoles ay tumanggap ako ng isang sulat ni Aling Tula at ako'y inaanyayahan sa pagkain; naparoon ako at nang kumakain na kami ay sinabi sa aking noon daw ay araw ng kapanganakan ni Eloisa; mahahaka na ninyo kung gaano kalaki ang aking pagkabigla, sapagka't wala akong kaalam-alam. Malaki ang hinanakit sa inyo ni Aling Tula at ni Eloisa, sapagka't hindi kayo nagpaiwan; datapuwa't sinabi ko sa kanilang wala kayong kamuwang-muwang, at kung nalaman ninyo ang dahilan ay tiyak na nagpaiwan sana kayo. Kaya nga, sa dakong ito'y walang-wala niyong sinasabi nin;vong umalis sa tumpak na panahon, sapagka't pagkatapos ng nasabi ko na sa inyo, ay mauunawaan na ninyong ang sinasabi niyong galit ay isa pa ngang pagtingin sa inyo. Sa wakas ay nasingil ko rin kaninang umaga ang M andat Postal, sabihin ninyo sa aking kung paano ibig ninyong ipadala ko sa inyo; sa wari ko, ang pinakamadaling paraan ay padalhan kayo ng isang papel de bangkong ang halaga'y isang daang prangko sa 100b ng isang sulat na sertipikado. Pumarito sila upang Kunin ang kanilang mga baul, nguni't pumarito kinabukasan ng inyong pag-alis upang itanong ang inyong tirahan at yamang noon . . . ang balita ko'y ipinadala ang mga basta nila sa himpilan ng tren diyan; kaya hindi magiging kalabisan kung kayo'y makapagsasadya sa himpilan upang magtanong.


413

Si Ma.. . ay susulat sa inyo tungkol sa bagay na iyon. Tumanggap ako ng mga sipi ng "La Solidaridad", gayon din ng mga bilang ng "El Dia" ; sabihin ninyo sa akin kung nais nin:vong ipadala ko sa inyo riyan. Kalakip ang tatlong sulat par a sa inyo. Sa wakas ay lalagdaan ko ngayon ang kasunduan sa pag-upa sa loob ng dalawang taon sa bagong-bahayDaang Chateandum 4 ikalawa. Patuloy ako sa aking pagkalalaki, at sa sandaling ito'y may kumakatok sa pintuan. Mga alaala kay Alberto at tanggapin ninyo ang isang rnahigpit na yakap ng inyong kaibigang tunay. V. VENTURA

186. Buhat kay Juan Luna para kay Rizal Si Rizal ay nakatira "sa isang halamanan" . bagong kuwadro ni Luna.

Isang

Paris Ika-9 ng Pebrero, 1890 MIN AMARAL NA RIZAL:

Sa iyong sulat ay napag-a1aman kong para kang nakatira sa isang halamanan, at nawiwili ka nang gayon na lamang sa bahay na iyan sapagka't mura at maaliwa1as ang mga silid. Patu10y na walang pagbabago ang kolonya (pulutong ng mga pilipino) ; nalalaman mo na ang mga taong burnubuo sa kolonya at ang uri nil a, wala nga. akong masasabi sa iyo, at alam na alam rno na kung ano sila. Sinimulan ko ang isang 1arawang malaki, na ang paksang rnakabago a.t hindi rnahirap ay nababatid rno na; ito'y isang daan sa Paris na may isang ampunan ng mga batao Kakaunti ang panahon ko sa pagyari niyon, kaya hindi ko tinitigilan ng paggawa. At ikaw, ano ang iyong ginagawa? Sinimulan mo na ba ang ikalawang bahagi ng Noli? Katatapos ko ng pangmukha ng Ilustracion Filipina: ang inilalarawan ay isang dalagang nakaupo, sa tabi niya'y may isang bilaong may mga aklat, at sa dakong malayo ay may ilang batang babaing nagbabasa ; sa dulo ay ang bulkan, "Ang Mayon".


414

Ang mga alaala ko kay Albert, sakaling hindi pa nakaaalis na patungong Berlin. Tanggapin mo ang mga halik ng aking mga anak, ang mga alaala ni Paz at ng iyong magiliwing kaibigan. LUNA 187. Buhat kay M. H. del Pilar para kay Rizal

*

Isang sulat ni Rizal na ipinadala sa KagawadBansang si Capdepon.-Si P. Dore ay napahamak. Isang Masamang balita.-May dahilan bang dapat ipagdamdam ang pagtungo ni Rizal sa Bruselas?

Ika-10 ng Pebrero, 1890 PILING KAIBIGAN:

Tinanggap ko kay Ariston ang 40 peseta. na padala rno sa nga]an nila Pardo. Ang bayaw ko ay may bilin ~a aking magka.!oob ng ptas. 70 sa circulo int.ernacional Philiphinistas sa Paris: Sino ang pagpapadalhan ko? Sabihin mo rin naman sa akin kung kanino ipadadala ang mailak dine na ibibili 0 ipagpapagawa ng iyaalay kay Blumentritt. Ypinag sabi ko na sa iyong ibinalik sa akin ni Govantes ang poder ni Maneng; sino ang ibig mong palakarin natin fig bagay na ito? Ang hain mong escrito sa Ministro Capdepon ay pinanga ng decretong hinihingan fig informe ang gobierno general sa atin: ang informeng ito'y wala, hindi yata uminforme ang gobierno general. Ayon sa mga huling sulat sa akin, buhat sa MayniIa, ay naalis na kay P. Dore ang pamamahala roon: at nahalili ay ang ama ni Angel. N agiigaiigalan siyang M. Montilla. Ang Secretario niya na sukat pag papatakan fig sulat ay ito :-Sr. Dn. Candido Conrado-Sagunto 8 entresuelo dro.-Tondo. Kun ibig mong mag padala ng librong marami ay ipadala mo sa ating kaibigang Pepe Basa, at ipagbilin mong ipadala kay Montilla alinsunod sa tagubilin nila. May ilan ng buan pinipigil ko sana ang pagka* Sa tagalog nasusulat ang orihinal ng liham na ito, at hindi namin binago munti man, ni sa palatitikan, ni sa pagbuo ng mga pangungusap. Sinipi sa Libro Copiador, mga taong 1889-1980, panig 324 ng Katipunang Ponce.- Taga pag-ingat ng mga sulat-kamay.


415

laglag ni P. Dore, ay hindi ko napigil. Ang palagay ko'y baka nafigalIabuan lamang 0 napapainom kaya fig kaaway ang nafigag bubudhi sa kaniyang pamamahala: si Sandico fig dumating dito'y laban din sa kaniya ang balita; hindi ko inalumana; nguni hindi ko malarnan kun bakit nakarating din sa sinapit ngayon. Sinusulat kong kasalukuyan ito ay tumanggap ako fig lihim na balitang di ko ikapalagay. Ang segunda 0 primera raw ng letra mong $500 ay durnating dine; ay tila ni nenegociong sinasalapi ng dalawang binata sa colonia, bagay na kung mag katotoo'y rnaghahatid sa kanila sa presidio. Sinulatan ko figayon din si Aguilera at fig agad agad mailigpit ang letra, hindi ko malaman kun ana ang rnangyayari: ako'y hindi rnakapanaog at kasalukuy::m akong sinasasal ng sipon at ubo. Agad agad mo sanang hifigin ang letrang ito. Tinanggap ko ang articulo mo: rnabuti, mabuti: si Blumentritt ay sasagot din. Ypinakita Sa akin ni Ariston ang suI at rno, ay magtutumira ka na pala riyan sa Bruselas. Sa bagay na ito, at sa pag alis m sa Paris, ay na a-ala-ala ko ang salitaan natin sa Paris na ang inialis rno sa Londres ay dahil sa isang dahilan: !baka kaya, anakin, nagka dahilan ka na naman sa Paris! Yto na lamang, tanggapin rno ang yakap ng kaibigan rnong si, M. H. DEL PILAR 188. Buhat kay M. H. Del Pilar para Kay Rizal Si Blumentritt ay nagngingitngit kay Barrantes. Sunod-sunod na mga lathalain.-Ninanais ng mga prayleng makipagkasundo sa mga kabataang pilipino. Palatuntunan ng pagkilos para sa paglalapit ng dalawa.-Ang magiging tay.o nina Rizal at Del Pilar.

Atocha 43 pral kaIiwa, Madrid Ika-12 ng Pebrero, 1890 PILING KAIBIGAN: ~aIin

Makailan ko nang ipadadala sa iyo ang kalakip na ay parati kong nalilirnutan.

• Ang orihinal ng suI at na ito'y sadyang nasa-tagalog at hindi na. min binago ang pagkakasulat. Sinipi sa Libro Copiador, mga taong 1889-1890, panig 329 ng kat ipunang Ponce-Tagapag-ingat ng mga sulat¡kamay.


416

Panakaw lamang ang pagkasalin niyan, kaya kung gagamitin ay ingatan ang mapaghinalaan ang sumalin. Ynit na init na naman ang ating kaibigang austriaco: si Desbarrantes daw ay sasagutin niya np; sunod ~unod na articulo na ganito ang mga titulo: 1. Bismarcktudesco; 2 Malayismo; 3. Frailes y J esuitas; 4. Las confesiones de Barrantes; 5. Idea sobre la separacion de colonias. Ang balita ko sa atin ay maigi, gulonQ' g-ul0 raw ang mga satsatin, dahil sa pananaog ng sueldo fijo. Ah! nalilimutan ko pala. N g dirine si Antonio Regidor, ay nakita kaming hindi makatigil kapua ay sinabi na lamang sa aking may kindat pa, na marami, aniya, tayong pag-uusapan; paroon ka, aniya, sa bahay ng kapatid ko 0 paroroon ako sa iyo. Naka-alis siya'y di kami nagkitang mulL N g paroon ako kay Gobantes dahil sa sulat mo ay nasabi sa akin nito, na may isa aniyang mataas na tawo sa politica na ang 3abi sa akin ay ibig daw makipagkasundo ng mga fraile sa manga binatang filipino; ay tila, aniya, ito'y dapat nating pagwariin. N aghiwalay kaming walang naging dulo ang salitaang ito. Datapua ng hapon ding yaon ay nagkita kami sa Cafe Suizo ni Ricardo Regidor at iyan din ang sinabi sa akin at ang kaniya raw kapaUd na si Antonio ay nagpapayong tayo'y pahinuhod at mahirap ang bumanga sa malakas ang kaya. Sinabi pa ni Ricardo na siya raw ay sugong talaga ni Font at N ozaleda, upang sa ngalan nila'y makipag ka sundo sa atin. Yto ang pahayag na pithaya: Sila raw ay siyang mangungulon.e; lalakad nn magkaroon sa Filipinas ng Camara Colol1.ial, na ~iya ang sasanguniing sapilitan ng gobiarno sa ana mang kaoto sang ibig ilagda: ang manga filipino ay makikain sa presupuesto, at ito'y dugtong ko na tatangapin daw ng fraile-maalisan ng kapangyarihan ang general na makapagpac1~Ja s~ destierro ng walang h2tol ang Tribnnales de J usticia. Sila raw ay magtatayo ng isang partido, at puma~ok daw tayo sa partidong iyan. Sila raw ay magtatayo rin naman ng isang periodico diario at tayo raw ay magsisulat sa periodicong ito.


417

Ang hinihingi raw lamang nila ay huag natin silang bangain. Ang sagot ko'y mainam an~ kanilang balak: kaypala, anakin, ay wala sa di pangyayari: kailangan namin, ang wika ko, ang sila'y magkasundo, dahil man laman sa lakas nna. Hindi nagkasiya si Ricardo sa sagot na ito ay ipinatiyak sa akin kung ana ang tunay na sagot: ang wika ko'y ganoon. Mag lathala, anakin, sila ng isang programang alinsunod sa pinag-usapan na ang nakafirma ay huag kulob sino, kundi ang manga fraile, at anyayahan nila sa gayong pang-aim ang mga filipino. Asahan nila ang wika kong lahat 0 ang marami ay pasasakop sa kanilang bandera. -Ay kayo ni Rizal, l ano baga ang magiging tavo ninyo ?-Ewan ko sa kaniya, ang sagot ko; marahil, anakin, ay pag lumitaw ang programa ay hindi namin mababanga ang programa na hindi kami rin ang masisiraan. Tangaping mo ang yakap ni, MARCELO

189. Buhat kay Rizal para kay il.lariano Ponce Mga akda ni Ponce na naiibigan ni Rizal.-Mura ang buhay sa Bruselas, ang lungsod na lalong maganda kaysa Barselona.-Bakit wala pang dumarating na mga pilipino?

38 "Rue Philippe de Champagne" Bruselas Ika-12 ng Pebrero, 1890 MINAMAHAL KONG NANING:

Hinihintay-hintay ko ang liham mong sinulat sa Madrid, upang ipagbigay-alam sa iyo ang kinatitirhan ko ngayon, nguni't dahil sa hindi ka umiimik ay ipinalagay kong nariyan ka pa sa Barselona. Ang kinalalagyan ng bahay ko ay ang nakasulat sa ita as ng sulat kong ito. N abasa ko ang iyong mga akda at naibigan kong gayon na lamang. Ang ngalan ni Pandapira, ayon sa ipinayo ni Trinidad Pardo sa akin, ay Panday Pira,


418

Magiging lubhang kapaki-pakinabang na tipunin ang mga akda mo, upang ang mg-a yao'y ilathala sa isang munting aklat. Kumusta ang mga aklat ko? Nagsirating na ba riyan? Narito ako sa Bruselas; napakabuti rito; ang buhay dito ay _kahambing halos ng sa Barselona; lalong maganda ang lungsod. Ninanais kong makita rito ang mga pilipinong walang malamang gawin sa kanilang panahon ni sa kanilang salapi diyan sa Madrid. Bakit hindi ka pa napapasa-Madrid? Ihatid mo sa lahat ng mga kaibigan ang mga alaala ko. Sabihin mo kay Galicano, kung sakaling nariyan pa siya, na tila namatay na aug lola naming si Da. Basilia Banson. Mga alaala. Ang iyo, RIZAL

190. Blthat kay Rizal para kay Mariano Ponce Isang artikulo ni Mil' Deas na hindi maunawa.Mga talaaklatang dapat ilathala.-Napakaraming ah as sa hanay ng mga kaaway.-Narar,apat pasaMadrid si Ponce upang matulungan ang pasulatan ng pahayagan.

38 Rue Philippe Champagne, Bruselas, Ika-16 ng Pebrero, 1890 MINAMAHAL KONG NANING:

Tinanggap ko ang iyong tarheta postal, ang pagtatanggol ni P. G.1 (Pari Vicente Garcia) at ng "La Moralidad".2 Pinasasalamatan 1m ang iyong pagbati at 1 Ang "tarjeta postal" na binabanggit dito ay wala sa alin mang lathalang nakikilala namin. Ang binabanggit na pagtatanggol ni P.G . ay nauukol sa ginawang pagtatanggol ni P. Vicente Garcia sa "Noli".

2 'La Moralidad" ? hindi numin mat iyak.

Maaal'ing ito y isang artikulo

0

isang aklat i


419

ang kay G. Arejola,3 na ipinakikiusap kong mangyaring ibati mo ako sa kanya: Binabalak kong ipalathala ang pagtatanggol, sa "La Solidaridad", kapag ito'y 'kulang ng mailalathala ; hinggil sa artikulo ni Mir Deas,4 ay ipinagtatapat ko sa iyong Inatapos na basahin kong rnakalawa, ay hindi ko rin naunawa, ni hindi ko maJaman kung ana ang ibig sabihin ng taong iyan, ni walang ipinakikilala, ni walang hinihinuhang anum an : hindi ko siya maunawaan. Ang tangi kong nalalaman ay iniikaw niya ako 0 kinakay kaya, sapakikitungo niya sa akin, Ni wala akong siglang sagutin ko siya, ni hindi ako maaari, ni hindi nararapat, ni hindi ko makita kung bakit. May mabuti pa naman akong palagay sa taong iy~n bilang tao at bilang manunulat. Tungkol sa mga Talaaklatan 5 ay inaakala kong nararapat mong ilathala ang kay G. Francisco de S. Juan na siyang nagligtas ng 111,000 piso sa pakikidigma sa mga ingles; ' ang kay Francisco Baltazar, ang kay Cruz Bagay, ang kay ~ahang Matanda, atbp. , N apakaraming kasamaan, at kabulastugan sa hanay ng ating mga ~aaway; inaakala kong makikita natin sa kanila, hindi ,a ng mga leon kundi ang mga ahas. Kinakailangan ngang magpakatapang at gumamit tayo ng guwantes bago sila hulihin. N apakaraming ahas! Inaakala kong nararapat kang pa-Madrid hanggang maaga upang tumulong sa Pasulatan ng pahaya3 Ang tunay na pangalan nito'y Tomas Arejola, isang pilipinong tagaNueva Caceres, Gamarines Norte. Napasa-Espanya nang taong 1888, nag-aral ng deretso sa "Unlversidad Central" sa Madrid, nakatapos, nguni't hindi nakakuha ng titulo dahil sa mga pangyayari nang 1896. N aging kagawad ng "Asociacion Hispano-Filipina". N aging Pangulo ng "Circulo Hispano-Filipino" na itinatatag sa pamamatnugot ni Pedro A. Paterno. Isa siya sa mga lumagda sa "Pamahayag-Palatuntunan" ng mga nagsisipanirahang pilipino sa Madrid (10 ng Pebrero, 1898). Nagtira sa Ring~apur, Hongkong at Hapon dahil sa mga kapanan ng bayan. Nang 1907, siya'y nahalal na Kinatawan 0 Diputado ng lalawigan ng Camarines Norte, sa Unang Kapulungang-Bayan (Asamblea Filipina). Ang "Pamahayag-Palatuntunan" ng mga pilipinong nagsisipanirahan sa Madrid ay inihanda 111 G. Vicente llustre, ayon . sa kanyang balong si Gng. Rita Villavicencio. (JPB). 4 Si Mir Deas ay isang mamamahayag na kastila (katalan) na dahil sa mga paglait na kanyang inilathala sa iasng artikulo, bHang kasagutan sa isa ring artikulong sinulat ni Antonio Luna, na pinamagatang "Impresiones Madrileiias", ay hinamon at nilurhan sa mukha i A. Luna &a kapihang 'Pajarera, Siglo XIX". Tinukoy na namin ito sa mga naunang tala. SAng mga talaaklatang binabanggit ay maaaring mga talambuhay ng ruga bantog na .tao sa Pilipinas, nu' binabalak sulatin at ilathala ni Mariano Ponce,


420

gan; sa malas ko'y hindi sukat si Marcelo, sapagka't ang artikuIo ni BIumentritt ay puno ng kamalian sa pagkakasuIat at gayunma'y hindi inayos. Ang bIg. 25 ay bahagya nang ikinasiya ko, sanhi sa kakulangan ng pagiingat sa pagkakasuIat. '- MagpapatuIoy ako sa paninirahan dito sa BruseIas. AIaaIa sa Iahat. Sumasaiyo, RIZAL

Kababasa ko Iamang ng bali ta ng pagkamatay ng iyong amain; nakikidaIamhati ako sa iyo; tiIa siya'y isang taong minamahaI ng tanang nakakakiIaIa sa kanya sapagka't siya'y pinud sa akin ni G. Rojas. Isa pa ring mabuting tao ang nawaIa! Sumasaiyo.

HABOL:

191.

BuTtat kay V. 路 Ventura para kay Rizal

Ang pagtira sa Bruselas pagkatapos ng lahat, ay hindi gaanong rnura kung ipaparis sa Paris.-Nakipagkasira si Ventura sa k;anyang "kayurnanggi" sapagka't ang isang pilipino ay "hindi rnakapapayag kailanrnan na gurnanap ng rnga gawaing katawa-tawa".

Paris Ika-24 ng Pebrero, 1890 MAHAL NA KAIBIGANG PEPE:

DaIawang suIat ninyong tinanggap ko ang hindi ko pa nasasagot, ang isa'y yang ika-13 at isa nama'y nang ika-22 na tinanggap ko kahapon; nabatid ko ang niIaIaman ng daIawang suIat na ito at ikinagagaIak kong walang kapansanang nangyayari sa inyo riyan. NamaIas ko sa guguling iplnadaIa ninyo sa unang sulat na hindi naman pala gaanong mura iyon, gaya ng paniwala ninyo noong una, sapagka't sang-ayon sa nasabing ulat, ang kailangang gugulin ninyo sa buwanbuwan ay tatlumpu't isang piso. Sa haIaga ring iyan, kung hindi babayad ng bahay ni pagIilingkod, ay makatitira kayo sa Paris; isang bayang makapupong mahaIaga kaysa bayang iyan at laIong nararapat sa inyo, sa paano mang paraan tingnan. Sinasabi kong hindi umuupa ng bahay ni pagliIingkod, sapagka ~t umaasa akong hindi kayo nadala sa


421

pagtira sa aking tinitirhan at tuwing maiisipan ninyong parito sa Paris ay dito kayo titira sa bahay. Sa gayo'y magagawan ninyo ako ng isang kabutihan, sapagka't magkakaroon ako ng kasa:ma, at hindi naman madaragdagan munti man ang aking gugulin, sapagka't ang ginugugol ko ngayon ay kaparis din nang kayo'y naririto. Sa anu't anum an ay kayo ang bahala, gaya ng sinasabi natin doon, nalalaman na ninyong ang bahay ay nasa ilalim ng inyong ganap na pagpapasiya. Tungkol sa bahay, sa sulat ko nang ika-5 ng buwang ito, ay sinabi ko sa inyo ang aking bagong tirahan: 4 ikalawa, daang Chateandum, at inaakala kong hindi maliligaw ang mga sulat ninyo, at sakaling nararapat at lalo~g walang panganib, ay lagyan ninyo ang mga sulat ng dalawang sobre, isang may ngalan at tirahan ko at isang sobreng mayroon ng sa inyo. Huwag kayong mabahala tungkol sa kuwalta, sapagka't gaya ng sinasabi ni Ginoong Raulin, kailanman ay hindi ako nagkaroon ng napakaraming kuwaltang gay a ngayon; may dalawang araw na ang nakararaan na ibinigay ko sa kanya ang unang sipi ng isang kasuIatan ng pagpapalitan ng kuwaIta sa halagang 200 piso. Sabihin ninyo sa akin kung magkano ang kinakailangan ninyo at ipadadaIa ko sa inyo sa pagbalik ng koreo. Ako'y nagpasaIamat na, sa ngalan ninyo, kay Ginoong Raulin, at sinabi ko sa kanyang singilin sa akin ang ipinalwal niya para sa inyo. Sa Sabadong darating, ay magsasadya ako't makikipagkita kay Luna at dadalhin ko na rin ang sipi ng Morga para kay Don Pablo. Wala kayong nasasabi sa akin kung tinanggap ninyo ang isang sulat na galing sa Hongkong na ipinadaIa ko sa inyo noong linggong nakaraan. Kalakip ang isang papel na dumating para sa inyo) baka sakaling mapapakinabangan ninyo. Matagal nang hindi ako tumatanggap ng "EI Dia" . . . ... ... ... . . . . . . . . . . .... ..... .... . ..... . .... " " " , Umaasa akong si ... ay magpapasiyang magparaan ng ilang araw sa piling ninyo; ito'y makalilibang nang bahagya sa karaniwang pamumuhay ninyo at makapagpapaalaala ng ating masasayang araw sa Paris. Sa kabilang dako'y nakipagkasira na ako halos sa


422

aking kayumanggi; noong isang gabi ay isinama ko siya sa dulaan; aywan ko kung isang pagkakataon lamang o kaya'y nakipagtipan siya sa lalaking iyon, ang nangyari'y nang nangangalahati na ang palabas ay lumapit ang lalaki upang bUlnati sa kanya at ninais pang tumigil doon, datapuwa't ipinahiwatig ko sa lalaki, sa isang makinis na paraan, na nakagagambala siya hanggang sa wakas ay umalis siya. Bilang bunga nito, siya'y nagsawalangkibo; sa gayo'y maliwanag kong sinabi sa kallya, taglay ang pagtatapat na ikinatatangi natin~ na kapag siya'y kasama ko ay hindi ko ibig na sinuma'y pumaroon sa palko. N aghiwalay kaming lubhang nagkakabigatan ng loob, at may isang linggo nang hindi kami nagkikita. Hindi maunawa ng mga taong ito na ang isang pilipino'y hindi makapapayag na gumanap ng isang gawaing katawa-tawa ... Sa ngayo'y wala ako maliban sa aking kulay saga, at natutuwa ako sapagka.'t sa gayo'y mahallarap ko siyang mabuti, at: karapat-dapat naman siya sa gayon! sapagka't ang kah~bag-habag flY sadyang magiliwin. Hanggang sa ilsunod, taJng'gapin ninyo ang isang mahigpit na yapos ng inyong tunay na kaibigang nagmamahal sa inyo, V. VENTURA 192. Buhat, lwy :Manuel Arias at Rodriguez para kay Rizal Sa paano mang paraa'y hindi p,ahihintulutang makalat ang aklat ni Rizal.-Nararapat ipagwalangbahala ang mabuting pagpapalagayan nina Rizal at Arias.

Maynila Ika-25 ng Pebrero, .1890 GINOONG JOSE RIZAL MERCADO

Paris PINAGPIPITAGANA'T PINAKUKUNDANGANANG GINOO:

Sa inyong sulat nang ika-lO ng Enerong. nakaraan

~y tinanggap ko ang kasulatan ng pagkakasakay ng

lsang kahon ng mga aklat na ipinadala sa akin, sa 路bapor "Melbourne" ng Mensajerias. Hangga ngayon ay hindi pa .nakarara:ting ngang ito ang na,sabing kahon, na sang-ayon

inilulan . .... .sa datisa inyo


423

ay naglalaman ng "Kasaysayan ng Filipinas", na sinulat ni Doktor Morga, naging Tinyente ng Gobernador Heneral ng Kapuluang ito; datapu't nakaligtaang sabihin ang bilang ng mga siping nilalaman at ang bigat, mga kabagayan itong kinakailangang malaman upang mailabas sa Adwana nang hindi na sisiyasatin ang mga bagay na ito. Dinaramdam kong hindi na ninyo naantay ang tllgon sa inyong unang sulat, sapagka't sa sulat ko nang nakaraang buwan (na aking pinagtitibay) ay ipinatalastas ko sa inyong kailangang ipadala ang mga aklat, maging sa pamamagitan ng balutang sertipikado sa koreo 0 kaya'y sa isang kahong isasakay sa Barselona. Lahat-Iahat ng nanggagaling sa ibang bansa ay sinisiyasat nang buong ingat sa Adwana, kapag tinataya ang nararapat ibayad; kaya hindi ko mapananagutan kung paano at kung kailan maaari kong mailabas ang kahon, sapagka't lubhang naghihigpit sa kasalukuyan. Aywan ko kung paano ko maiiwasan ang panghihimasok ng panunuri; sapagka't sa paano mang paraan ay hindi pahihintu~utang makalat ang akda, yamang dito'y nagpapalipat-hpat na ng kamay ang ilang sipi at madalas na napag-uusapan ang parang isiningit na may lagda ni G. F. Blumentritt. Sakaling may sumulpot na anumang salabid ay ipadadala ko ang kahon sa Hongkong at buhat doo'y tatanggapin ko ang mga aklat na nangakabalot, bilang mga bagay na nilimbag. Bagaman ang pagpapadala sa koreo ay malaki ang kamahalan kaysa paglu]ulan sa bapor, ay naaangkop na ipadala sa akin ang mga aklat na sertipikado, sa mga balutang ganap na nakapinid sa lahat ng dako, sa papel na kayong tanging ginagamit na pambalot; at ang gugol sa lahat nang ito'y idaragdag sa halaga ng aklat, yamang buong kaluwagan ng loob na babayaran iyon ng nagnanais makabili. Sakaling may mga sipi pa kayo ng Noli, ay sabihin ninyo sa akin pat.i ng halaga, sapagka't may bumibiling paminsan-minsan. Ang sulat na itQ, pati ng mga susunod, ay ihuhulog sa Madrid 0 sa Barselona, sapagka't kung ihuhulog ko sa Sentral ng Koreo dito, ay may panganib na hindi makarating sa inyong kamay.


424

Wala nang iba, tapat na sumasainyo ang nagpapasalamat na lingkod ninyong humahalik ng inyong kamay. MANUEL ARIAS AT RODRIGUEZ HABOL: Lubos na kinakailangang walang sinumang makaalam na tayo'y may mabuting pagpapalagayan, sapagka't marami sa inyong mga kababayang nakatira sa lupalop na iyan, ang sumusulat dito ng nararapat ilihim, at hindi ko malaman kung bakit ang mga dila nila'y humahaba at nagsasaysay at nagpapalaki ng mga bagay-bagay sa isang paraang nakapipinsala sa lahat. 193. Buhat kay M. H. del Pilar para kay Rizal Mga talang pantalambuhay ng mga Pilipinong nasa-Europa.-Binabasa ang La Solidaridad sa Pilipinas.-Pag-aalis sa tungkol kay Weyler?Hidwaan nina Becerra at Weyler.

Atocha, 43 pra1. kaliwa, Madrid Ika-28 ng Pebrero, 1890 PILING KAIBIGAN: Si Antonio ang naghahanap ng datos biograficos ng mga kababayang nag aral dito sa Europa; hindi raw niya gagamitin sa periodico. Kung mangyayari sana'y ipadala mo ang iyo, at gagamitin niya at dili sa panahong ito ay ipinaaalaala ko sa iyong ang ngalan mo'y hindi mo na sarili: huag ka nang maingay. Ang periodico natin ay pumasok dili sa atin. Ang nanga sasamsam ng taga coreo, ayon sa balita ay ipinagbibili nila ng mangaha te, hangang manala pi ang baua't ejemplar. Yto'y nagpapakilala ng malaking adhika ng manga kababayang makabasa ng Sol ... Tunay at iba ang nakikinabang ng salapi; nguni't pinakikinabangan din naman natin ang kanilang kasakiman. Kung papatayin nating ngayon ang SoL'. ay maraming adhjka ang ating u-ulilahin: gayon man ay naroroon ako sa pagka isahan. Kung kailangang patayin ay hindi ako makapipigi1. Tila icecesante si Weyler; t.ila ang ihahalile ay si general Burgos, amain ni Padpyoh.


425

Malaki ang pagkaka hiduaan ni Becerra't ni Weyler. Balang iutos ni Becerra ay ayaw tupain ni Weyler, baua't hingin ni Weyler ay ayaw ipagkaloob ni Becerra. * 194. Buhat kay Puatu para kay Rizal Isang lathalain para sa El Clam 0 '}'", na dati'y La Regencia.-Isa pa para sa El Dia, tagapamansag ni Romero Robledo.-"Huwag talakayin ang suliranin ng pagkakaroon ng mga kinatawan sa Cortes sapagka't hindi kasang-ayon doon ang mga kuru-kuro ni Robledo".

Madrid Unang araw ng Abril, 1890 GINOONG JOSE RIZAL:

Bruselas MINAMAHAL KONG KAIBIGANG RIZAL:

Matatapos ngayon ang inyong suskrisyon sa El Dia, alalaong baga'y ang inyong abuloy at tulong sa amin ; ako lamang ang napagbilinan, may ilang araw na ngayon, ng pagpapadala sa inyo ng mga bilang sapagka't wala sa Madrid si G. Modesto Reyes na pumaroon sa Roma at Herusalem, kasama ni Pari Chanco upang paraanin sa mga nasabing lunsod ang sanlinggong banal; kahina-hinayang, sa wari ko, na hindi kayo nakapagsingit ng isang lathalain sa pahayagan. Tinanggap ko ang huli ninyong sulat na ipinadala buhat sa magandang Bruselas na iyan (sang-ayon sa inyong pagkakasaysay), at hindi ko nasagot agad aywan ko kung dahil sa katamarang sinasabing katutubo raw natin, 0 sa kapaligirang nakatatamad na sa bayang ito'y aking nalalanghap, na sarili at karaniwan na sa pook na ito; aywan kung ang dahilan ay ang dalawang bagay na nabanggit; datapuwa't para sa pangyayaring ito'y iyon na rin, gay a ng inyong namamalas; kahit na ang kaloobang nakapamamaibabaw sa mga pangyayaring hin* Walang katapusan, kaya walang lagda, datapuwa't ang laman at hugis ng pagkakasulat ay kay M. H. del Pilar. Sinipi sa Libro Copiador, mga taong 1889-1890, panig 350 ng Katipunang Ponce.-Tagapag-ingat ng mga SuI at-kamay. Ang orihinal ng sulat na ito'y sadyang nasa tagalog at hindi namin binago munti man ang pagkakasulat.


426

di gaanong naaangkop na naka1iligid sa isang taong nagtataglay ng masamang palagay sa ating bayan ay napakasama, anong iba pa ang maaasahan lib an as pagkabatugang kaakibat ng makasalanang katamaran, kaparis ng mga katawang sa bisa ng sariling bigat ay hinihigop sa pusod ng lupa? Sa paniniwala ngang hindi na kailangang isipin pa nang maluwat ang sagot, sa kabila ng mga kadahilanang ito'y sinusulatan ko kayo upang humingi sa inyo, bilang isang mabub"ng tagalog. at bilang isang mabuting makabayan, bilang kaibigan at bilang utang na loob, ng isang maikling lathalain para sa El Clamor., (na dati'y La Regencia) , tungkol sa ating bayan, at sa pagsulat nito'y isaalang-alang ninyo na ang pahayagang ito'y lagi nang gumamit ng isang matang konserbador sa mga suliranin ng Pilipinas, sa lalong angkop na salita'y gumamit ng dalawang matang nauukol sa mabuting Kastila; kaya sakaling ang lathalain ay mahilig sa mga pagbabagong makakalayaan, ay sikapin ninyong magmukhang konserbador, 0 kaya'y huwag ninyong tuligsain ang anumang kuru-kuro ng lapiang ito; ang lalong mabuti'y itukoy ninyo sa mga may mataas na kapangyarihan. Maaari ring magkunwari kayong ang sulat ay galing diyan, gaya ng karaniwang ginagawa ng inyong kaibigang Leporel sa "La Correspondencia Militar", sa anu't anum an ay gawin ninyo ang inaakala ninyong pinakamabuti. Talagang kahina-hinayang, mani wala kayo, ang ganitong mga pagkakataon. Hindi ko pa nasasabi ang kadahilanan ng iniuutang ng loob na ito sa inyo, na dili iba kundi (ayon sa aking akala) ang Diyosang Tadhana na namarriagitan sa mga suliranin ng mga pilipino. Isang kaibigan kong Kastila, na ipina1alagay kong hindi marunong magpaunlak sa anumang ipinakikiusap sa kanya, bagaman lagi nang iniaalok sa akin ang mga iyon, ay isa sa bumubuo ng pasulatan ng nasabing pahayan; at isa rin siya sa mga nagrnamay-ari, ala,laong baga'y isa siya sa mga mamumuhunan at tagasulctt ng nabanggit na pahayagan. Ipinamanhik ko sa kanya, biIang pagsasamantala sa pagpapalit ng mga tauhan ng pahayagang nabanggit, at ng kanyang pagpasok doon, na siya'y magsalita sa isang himig na kapaligtaran ng sa mula-mula pa'y pinanununtunan ng pahayagan tungkol sa Pilipinas, at ako'y hiningan niya ng isang lathalain para


427

sa bagay na iyon; iyan ang dahilan. Bagaman may mga kababayan nga rito, nguni't ang ilan ay rnaraming gawain (alinsunod sa kanilang sinasabi), at ang iba ay ayaw ko namang gambalain, ay lalo kong minamabuti ang inyong mga sinusulat, lalo na kung isasaalangalang ang katangian ng pahayagang ito na may matatandang napagkagawiang kinakailangang pagsumundan. Isa pang lathalain ang hihingin ko sa in yo para sa El Dia, datapuwa't ito'y hindi ko- maisisingit hanggang sa bumalik si Modesto Reyes buhat sa pa:r.1gingibang bayan, sapagka't ayokong makitungo sa patnugot niyon. Ipinaaalaaia ko sa inyo, sa wakas, na huwag ninyong talakayin ang suliranin ng mga kinatawan sa Cortes, sapagka't hindi kasang-ayon sa gayon ng mga kuru-kuro ni Romero Robledo, na siyang nagmamay-ari ng pahayagan. Kasama ng mga bilang ng El Dia, ay ipinadadala ko rin sa inyo ang El CZarnor ~~pang masuri ninyo ang kalagayan nito. Hindi ko na kayo pinadalhan ng mga lathalaing pilipino ng inyong kaibigang Edilberto de Leporel (Lete 0 Hernana, Santiago?), sapagka't napag-alaman kong Rinadadalhan na kayo ng kaibigang Ariston. Tanggapin ninyo ang aking tao.s pusong pagbati dahil sa inyong lYlorga. Dinaramdam kong hindi mapaabot sa inyo ang pagbati ni Lete sapagka't siya'y masugid na tagasamba ni diyos Morfeo, at sumasamba pa hanggang sa oras na ito, ika-4 ng hapon; datapuwa't pangangahasan ko nang walang kakaba-kabang mamaIi, na kayo'y kanya ring binabati. Ninanais ko sanang paraanin ang tag-init na kasama ninyo, saan mang dako, huwag lamang sa Kastilyang ito. Isang yakap, PUATU


428 195. Buhat kay Rizal para kay Del Pilar

*

"Mamatamisin kong ilagda mong lagi ang iyong ng,alan, sapagka't ibig kong umurong nang untiunti.-Kapag nagkaroon ng Kinatawan, ay uuwi na si Rizal upang harapin ang p.agtuturo. Ang ulo ang tanging makatutubos.-Sino ba si Hector Hartfield ?-o tayo 0 sila.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-4 ng Abril, 1890 PILING ABA Y :

Kapagkaraka'y ibabalik ko agad sa iyo ang pruebangl padala mo sa akin; binago kong lahat ang mga ginuhitan mo ng pula; mula ngayon ay ipinamamahala ko sa iyo ang pagbabago ng mga makakasakit na totoo, samantalang hindi mababago ang aking pag-!isip, 0 hindi masisira kaya ang takqo ng pananalita. Sa mumunting bagay ay ikaw na ang bahala. Mamatamisin ko sanang ilagay mong palagi ang iyong figalan, sa pagka't unti-unti akong ibig sumilong; ang ibig ko sana'y ikaw ang mahalili sa akin at huag iba, kaya figa ang nasa ko sana'y pumirma kang paJagi, at ako nama'y unti-unting uurong. 2 Kung sakali't magkaroon tayo ng diputado, ay nuwi na ako, at haharapin ko ang pagtuturo. Ako'y hindi makatatangap ng "diputacion", kahimat dalawa sa akin mga nuno sa lahi fig aking ina ay naging diputado (D. Jose Floren... Ang liham na ito'y nasusulat sa wikang tagalog at hindi namin pinasukan ng pagbabago, ni sa pagkakasulat ni sa pagkakabuo ng mga pangungusap. 1 Ang binabanggit na mga prueba ay ang sa artikulong pinamagatang Seamos Justos, na Iumabas sa La Solida?'idad noong ika-15 ng Abril, 1890. Sa bilang na ito ay Iumabas din ang isa pang artikulo ni Rizal na pinamagatang "Sobre la Ortografia de Ia Lengua Tagalog". 2 Hindi malayong ipagtataka ng nakababasa ng mga sulat ni Rizal ang paulit-ulit na sinasabi nito na nararapat makilala ang ibang pilipino upang sila'y mahanda sa paghalili sa kanya sa ginagaw2.ng pagpapalaganap at pakikilaban, at maaari pang ipalagay nila nn. ang mga salit ang ito ni Rizal ay isang kawalang pagtatapat at bulaang pagpapakababa. Gayon ma'y dapat alalahanin na sa isang sulat ni Rizal kay Ponce ay sinabi na niyong siya'y hindi isang taong walang kamatayan ni hindi maaaring palitan. Ang tanging pangarap ni Rizal na pinagukulan ng kanyang buong buhay ay ang katubusan ng kanyang bayan at hindi niya nais na mapalungi ang hangaring ito. Sa sulat ni Rizal kay del Pilar bIg. 209 ay mamamalas na kinakabahan siyang mamatay ng bata pa, kaya naman gayon na Iamang ang kanyang pangamba na hindi niya mamalas ang kaIayaan ng kanyang' bayan.


429

tina at D: Lorenzo Alberto);3 ay ako'y layo sa bagay na iyan. Kaya ang nasa ko sana'y ikaw ang humanda, kung sakali't tayo'y magkaroon. Kapag tayo'y nagkaroon niyan, ay tapus na ang aking hangad. Ano ang nangyayari at si Naning at si Gomez ay hindi na nasulat? Pinagsisikapang kong mabuti ang pagaaral bagay sa mga nangyayari sa ating bayan. Ynaakala ko na walang makatutubos sa atin kundi ang ating ulo, materialiter vel idealiter sump tum. Sa isipan kong ito'y ako'y nananatili pa. Ang diputacion ay makapupugal sa Pilipinas sa malaong panahon; kung ang mga kababayan sana ay may ibang loob, ay dapat nating iwaksi ang diputacion, nguni at sa tayo natin, sa kawalangbahalaan ng mga kababayan, ay ang diputacion ay mabuti; mabuti ang tali sa paa sa balitang abut-siko. i Anong gagawin! Sino ba si Hector Hartfield?4 Dumadamay ako sa sakit rno bagay sa pagkasunog ng iyong bahay.5 Sifigilin mo sa kanila ang balang pawid, lapat, sahig at pako; isipin mong magaling na maibayad nila ang isa man lamang convento. Tayo'y para ng kuitib; hindi na tayo dapat umasa sa kapayapaan: 0 tayo 0 sila ! Sa susunod na numero ay aking susulatin ang articulo kong Justicia,6 bagay sa pumatay sa Iloilo. Yto na lamang, ibati mo ako sa lahat. Ang iyong kaibigan, RIZAL 3 Si Jose Florentino at S1 Lorenzo Albert ay amain, ang una, at nuno. itong huH, ni Rizal sa dako ng kanyang ina. .

4

Hindi makilala kung sino si Hector Hartfield.

5 Tinutukoy ang sunog na nangyari sa Bulakan na pumugnaw sa bahay at mga ari-arian ni del Pilar. Umalingawngaw ang balita na ang sunog na iyon ay gawa ng mga prayle. 6 Ang artikulon.g itong pinamagatang Justicia na binabanggit ni Rizal, ay inaakalang hindi nasulat sapagka't walang nalalamang anumang lathalaing sinulat ni Rizal na may ganitong pamagat. Wala ring nababanggit sa aHn mang talaaklatang maka-Rizal na nalathala na hangga ngayon. Ipinalalagay lamang na ang artikulong nasabi ay nalathala sa La SolidOh'idwd.


430

196. Buhat kay V. Ventura para kay Rizal Mabuting manudla si Rizal.-Hamunan ng isang kaibigan ni Rizal .at isang maginoong tagaMadrid. Halamang ibinigay kay Rizal ng "kanyang kaibigang babae".-Pagbibili ng Hang kasangkapan.

Paris Ika-16 ng Abril, 1890 G INOONG JOSE RIZAL:

Bruselas MIN AMAHAL NA KAIBIGAN:

N asa-aking harap ang dalawang huling sulat ninyo, na ang mga petsa ay ika-27 ng Marso ang una at ika-14 ng buwang kasalukuyan ang ik2Jawa. N atalos ko ang nilalaman ng mga iyon, at ikinagagalak kong kayo'y walang kapansanan at nabi.bihasa sa pagtudla. Ang kartong ipinadala ninyo sa akin ay maganda ; napagkikilalang magaling na ang inyong pulso, sapagka't bagaman hindi ninyo tinamaang madalas ang itim.1 ang lahat ng butas \naman ay nasa isang panig ng karton. Ang kinakailangan na Iamang malaman ay kung gaano kayo kalayo sa karton noong ito'y jnyong tudlain, sapagka't kung ang Iayo ninyo'y mga dalawampu't Iimang hakbang lamang ay hindi ako ang makahahamon sa inyo ng barilan. Bagay sa paghamon, nalalaman ba ninyong isasa inyong mga kaibigan sa Madrid ang muntik nang humamon sa isang kabilang sa mga maharHka sa Madrid, dahil sa pagtatalo tungkol sa moda? Upang jnyong mabatid ay inilalakip ko ang dalawang baIitang ginupit sa El Imparcial na tumatalakay sa nasabing bagay . ' .. . . . . .. . . . . .. . . .. .. .. .. [bahaging kinain ng anay na hindi na mabubuo]. Ang hapon ni Maria, ang suwisa, ay namatay na; sakaling susulat kayo sa kanya, ay maaari ninyo siyang pakiramayan, sapagka't tila naging napakabait ang nasira, sa kanya. Kahapo'y tumanggap ako ng sulat ni Albert at sinasabi niyang matagal na raw siyang sumulat sa inyo at siya'y nagtataka sapagka't hindi pa nakakatanggap ng sagot ninyo. Sinabi rin sa akin na pinadalhan daw kayo ng talaan ng mga bHang ng nanalo sa ripa; kaya


431

isinasauli ko sa inyo ang inyong tiket upang makita ninyo kung nanalo, sapagka't dito'y walang mabiling talaan. . Tingnan ninyo, sapagka't .wala pang路 sumisingil ng unang gantimpala, at maaaring ang inyong bilang ang tumama; bagama't hindi ko inaakalang gayon nga sapagka't kayo'y ipinag-aadya ng Tadhana at kapag kayo'y tumama . . .. .. . . . . . . .. .. ., . . . . . . . . j

[bahaging kinain ng anay, hindi mabuo], gayon man ay tingnan ninyo. Kahit ginawa ko ang lahat ng magagawa ay hindi ko naipagbili ang inyong mga kasangkapan nang higit sa 550 prangko, at upang maipagbili sa gayong halaga ay kinailangan kong ibigay ang marami kong maliliit na bagay at samantalahin ang pagkakataon na si Ginoong Raulin, kasama ni Ramirez ay nagbabalak mamahay dito. Sa mga tindahan, ang itinawad sa lahat ay buhat lamang sa 350 hanggang 400 prangko. Samakatuwid, dahil sa Inga kasangkapan ay 250 prangko na lamang ang inyong utang sa akin, at hindi na 800 gaya noong 'una. Kalakip ng inyong sulat kahapon, ay tinanggap ko ang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta sa halagang 750 prangko, at alinsunod sa inyong ipinagbilin sa in~ yong sulat ay ibinabalik ko ang 250 prangko, at mai~ iwan sa akin ang 500 bilang kabayaran sang-ayon sa ating pagtutubo. Sakaling kayo'y nangangailangan pa, ay sumulat kayo, sapagka't marami akong kuwalta sa sandaling ito. Hanggang sa susunod, isang mahigpit na yakap ng kaibigang sa inyo'y nagmamahal. V. VEN'fURA


432

197. Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal Mga balita tungkol sa ",a ming pakikipagtunggali sa Espanya" .-Bagong pamamaraan sa paggamit ng plorete.-"Ang gurong babae", isang lathalain ni Luna.

Ika-3 ng :Mayo, 1890 6 Clavel, 20, Madrid M IN AMARAL KONG RIZAL:

Ipagpaumanhin mo ang hindi ko pagkakasulat sa iyo, sapagka't wala akong kapana-panahon. Sino ang nakapagbalita sa iyo ng aming pakikipagtunggali sa Espanya? Totoo ngang kami'y lubhang pinalad sa pagkakataong "ito: binigyang kasiyahan si Gomez at tumanggap ng isang sulat ng Konde ng Asmil'. Ang akala nil a, si Gomez ay isang manunudlang nakamamatay ng isang langaw. Si Garcia ay binigyan din ng lahat ng uri ng kasiyahan, sa pamamagitan ng suI at, ni Kapitan Urbina, matapos na ito'y maka路 tanggap ng isang hambalos. Sa maikJing salita'y hindi na kami makahihingi ng higit pa sa roon. N apakadaling natamo ng mga bagay na ito, at kami'y naniniwalang masagana sa pagbubunganga lamang datapuwa't kulang sa gawa. Datapuwa't ito'y hindi magpapatuloy ng gayon at hindi laging gayon ang mangyayari; at yamang tila naipahayag na ang isang uri ng pagkakagalit nila at namin, ay kinakailangang humanda sa darating. Kinakailangang may magbayad ng utang kaya nararapat mabuhay nang nakahanda. May apat na pilipino sa bulwagang Carbonel at Sanz: sin a Ponce, Galicano, Puatu at ako. Si Llorente, kasama ni Zuavo at Lete, na, ayon sa sabi niya, ay ipinanganak upang humawak ng sandata, datapuwa't hindi marunong kahit umabang, ay nagsisisalakay sa sentro militar at dito'y walang sinumang marunong. Dahil sa mga suliraning nakaraan ay dumanas ako ng isang kakila-kilabot na pananabik, sapagka't natataho ko ang ibubunga sa isang taong hindi marunong ni humawak ng sable 0 ng isang plorete. N aaalaala si Santa Barbara kapag nagkukukulog na, kaya ang tiniis ko'y kasinlaki 0 higit pa sa tiniis ng mga talagang kinauukulan. Datapuwa't ang kinalabasan ng mga ba-


433

gay-bagay ay isang napakabuti para sa ating mga kababayan. Sa sandaling ako'y magkapanahon ay sisimulan ko ang pag-aaral ng paggamit ng sable. Ang pagdaluhong ay lumabas na mabuti. Lubhang marahas ang pag-kakadaluhong ko sa unang sinalakay ko, gayong hindi kami nagkasagupaan. Mabuti ang nangyari sa ikalawang sinalakay ko. Halos patas kami niyong una. Sa ikalawa'y nakalalamang ako. Lubos na akong nagbago. Halos hindi na ako tumitinag, at ang mga ulos na ginagawa ko'y ang tuwiran at ang pagpaparaan. N aibalita ito ng mga pahayagan. Sa tapatan at walang kinikilingang pagsasabi, ana ang palagoay mo sa aking- lathalaing "Ang gurong babae", at iba pa, kung hindi papansinin ang mga kamalian? KinakaiIangang padalhan mo ako ng lalong maramingo tala Ino. Sa pinakamabuting bahagi ng pangyavari ay doon rno pa ako inHwan sa pag-aalinlangan. doon pa naman sa lalong litaw at ang aking mg-a baIita av totoong malabo. Ipinamamanhik ko't inaasahang ako'y pagkakalooban mo ng mga ulat na ito at ang ngalan ng iyong ina at pati apelyido. Paalam, katoto; ang mga aklat mo'y ibinigay ko, gaya ng isinulat ko sa iyo, kay Marcelo. Siva ang maglalagay ng mga iyon at marahil ay naiIagay na niya, sapagka't nakaraan na ang ilang buwan. Tanggapin mo ang isang yakap ng kaibigan mong hindi nagmamaliw, ANTONIO

Mga pakumusta ni Galicano, na kasama ko sa bahay.


434 198. Buhat kay Juan Luna para kay Rizal Mga bagong kuwadro ni Luna.-Ang pagtatanghal ng mga Nag.saswrili.-Ang pagdating ni Felipe Roxas at ng batang pintor na pilipino, si Asuncion.-Ang mga pilipino sa Madrid ay mga mammugal.

Ika-5 ng Mayo, 1890 Paris MINAMAHAL N A RIZAL:

Kinailangan kong gumawa nang gayon na lamang upang matapos ang Hang kuwadro; isa, para sa Bulwagan ng Champ de Marte isa pang di gaanong mahalaga para sa Madrid (dito'y nagharap ako ng walang ibang dahil kundi sapagka't naipangako ko). Binabanggjt ko ang lahat nang ito upang ipabatid sa iyong hindi ko sinasadya ang di pagsagot sa liham mo nang ika-22 ng Pebrero. Tungkol sa mga talambuhay ng mga PHipino, ang sinabi ko sa iyo'y sarUing palagay ko lamang, at hindi ko pinagbabawalan ang "La Solidaridad" na Hathala ang mga iyon, sapagka't hindi ko tinangka kailanman na makialam sa kahit na anumang nauukol sa pamamatnugot ng pahayagan, at dinaramdam kong ang aking sulat ay ipinadala mo kay Del Pilar, sapagka't hindi ko siya kapalagayang loob, ni may pakikipagkaibigan na gaya sa iyo, at maaaring ang aking sulat ay pakahuluganan niya na isang kapangahasan at galing sa isang taong mapanghimasok. Dito, may tanghalan din kami ng mga nagsasarili. May mga kuwadrong gana p na kulayan, ginami tan ng mga lalong wagas na kulay ng bahaghari; ang iba, na lalong masama ang ayos at pagkakalarawan kaysa mga bastos na babala sa mga tindahan at iba pang pook, at ang iba pa ay kinalalarawanan ng isang tan awing kakikitaan ng lahat ng bagay na maaaring mahaka ng gunamgunam; sa madaling sabi, ang Han ay mga baliw at ang karamihan ay walang kakayahan. Datapuwa't salamat at ang Bulwagan ay nabuksan, at ito'y sukat naming ikaaliw, gayong ang Bulwagan ay dukha lamang. Ako'y nauukol sa Bulwagan ng mga tumiwalag. at si F. Hidalgo ay sa luma't pinagkaugalian. Iniharap nito ang isang larawan ni Ginang Boustead. Sa Bulwagan ng mga tumiwalag, ay maraming tinanggi-


435

ang rng-a gawa; kaya sa mabubuti ay kakaunti lamang. Dumating buhat sa Maynila si Felipe Roxas, kasarna ang kanyang maybahay at mga anak; Utigil sila rito ng walong taon upang papag-aralin ang kanilang mga anak at gumuhit ng ilang larawan. Dumating na kasama niya ang isa pang binatang pilipino, Asuncion ang apelyido, upang magpatuloy ng pag-aaral ng pintura, ginugugulan siya ni Agustina Medel [ang kasunod ay bahaging kinain ng mga tanga]. Mga pakumusta ng aking mga kasambahay, sumasaiyo. LUNA HABOL: Umabot na sa Pilipinas ang balitang pagka-manunugal ng mga pilipino sa Madrid; isang tunay na kapahamakan para sa mga magulang na pilipino ang baIitang ito. 199. Bl.that kay V. Ventura para kay Rizal Tungkol pa rin sa mga pilipinong nagsusug.al sa M.adrid.-Inuu isa ni Juan Luna kung ang kapatid niyang si .A1ntonio ay i a sa mga nagsusugal.

Paris Ika-6 ng Mayo, 1890 GINOONG JOSE RIZAL:

Bruselas MINAMAHAL NA KAIBIGANG PEPE:

Kalakip nito'y isang sulat na tina:r:ggap ko kaninang umaga para sa inyo; hindi namln maunawaan kung ana ang nangyayari ngayon sa koreong galing sa Pilipinas; ang bapor ay dumating sa Marselya nocng Miyerkoles ng nakaraang linggo at kaninang umaga lamang natanggap ang sulat. Mahi,git na isang buwang hindi ako tumatanggap ng mga bilang ng La Solidaridad, at ito'y hindi ko ipinagtataka sapagka't hindi naman ako suskritos niyon; sabihin ninyo sa akin kung kanino ko ipadadala ang kabayaran ng suskrisyon. Tatanawin kong utang na loob sa inyo kung kayo'y susulat sa Madrid at ang ibibigay ninyong tirahan ko ay ang bago. lsa pang utang na loob. May isang linggo na ang nakararaan nanir ako'y tumanggap ng isang su1at


436

ni Juan Luna. Ipinamamanhik niyang ako'y sumulat sa Madrid, at ipagtanong kung ang kapatid niyang si Antonio ay nagsusugal; sapagka't mahabang panahon nang hindi ako nakikipagsulatan sa kaninu~ang kababayang nakatira sa Madrid, ay sa inyo ako napatutulong upang ako'y balitaan tungkol sa bagay na inuusisa. Tila natatalos sa Pilipinas na ang mga kababayan sa Madrid ay walang ibang inaatupag kundi ang pagsusugal; kaya nga, palibhasa kayo'y Inay lakas sa kabataan, ay mangyaring sumulat kayo sa ilan sa kanila upang harapin ang mga bagay na pakikinabangan nila at nang maunawaan nilang sa kanilang kar-usugal 1 ay hindi lamang ang kanilang sarili ang napipinsala, kundi nakapipinsala pa rin sa ating mga kababayan 1 sapagka't maraming magulang ang magpapadala rito l1g kanilang anak kung hindi lamang dahil sa kabantugang natamo nila sa Madrid. Sinasabing dumating' daw si Felipe Roxas, hindi ko pa siya nakikita, at hindi ko naman matiyak kung iyon ay tutoo; tila dumating na kasama ang buong kaanak niya. Wala nang iba pa, tanggapjn ninyo ang isang ma~igpit na yapos ng inyong kaibigang nagmamahal sa lnyo. V. VENTURA HABOL: Tinanggap ko ang inyong tarhetang pangkoreo ng ika-17 ng Abril. [Madalas akong 1naglaro ng pag-baril] at umaasa akong kapag ako'y napariyan sa buwan ng Hulyo ay makapaglalaro tayo. 200. Buhat kay V. Ventura para kay Rizal Isang tau-tauhang yari sa luwad na iniluto at isang babaing modelo sa Bruselas.

Ika-15 ng Mayo, 1890 Paris GINOONG JOSE RIZAL, Bruselas MINAMAHAL NA KAIBIGAN: May limang araw na ngayong tinanggap ko, sa pamamagitan ng colis postourz 0 balutang pang-koreo, ang


437

isang kahong may lamang isang tau-tauhang yari sa luwad na niluto, at sa lagda'y nakilala kong galing sa inyo; kapagdaka'y sumulat ako sa in yo ng isang liham, at nagpahatid ng isang angaw na pasasalamat sa inyong maselang na alaala, ehem! datapuwa't pagkasuI at ko'y naisip kong baka ang nabanggit na tau-tauhan ay hindi para sa akin at maaaring ipinadala lamang sa akin upang ibigay sa iba, at ang pagsulat sa inyo ng liham ng pagpapasalamat ay maaaring makapaglagay sa inyo sa isang kagipitan; inakala kong lalong angkop ang mag-antay at baka sakaling ako'y sulatan ninyo, kaya pinunit ko ang sulat. Limang araw na ang nakaraan buhat neon at wala kayong sulat tungkol sa bagay na iyon; ito'y lalong masarna para sa inyo, datapuwa't ayokong magpalipas pa ng panahon sa pagiging impoli at 'YYULl ele1ue, kaya lumiliham ako ngayon upang magpasalamat ng maramingmarami. . Ipagtapat nga ninyo sa akin kung ang babaing naging huwaran ninyo ay narh'iyan sa Bruselas, sapagka't kung tutoong 'naririyan ay hindi nararapat panghinayangan ang isang paglalakbay sa bayang iyan upang siya'y hangaan at makilala. Sakaling ang tau-tauhan ay iniuukol sa ibang tao, ay sabihin ninyo sa akin nang boong katapatan, sapagka't inaakala kong sa ating dalawa'y may sapat na pagtatapatan upang huwag padala sa mga pagpapaunlak, gay a ng sinabi ng isang tao. Natanggap ba ninyo ang isang sulat kong may lamang ibang sulat para sa inyo, na tinanggap ko buhat sa Pilipinas? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa paglalakbay? Patuloy pa ako sa dating balak, alalaong baga'y tumulak buhat sa Paris sa ika-14 ng Hulyo, lumagi riyan ng labinlimang araw, at pagkatapos ay ipagpatuloy ang ating paglalakbay sa Alemanya. Tinanggap ko ang balutan ng "La Solidaridad" na ipinadala ninyo; sabihin ninyo sa akin kung kanino dapat bayaran ang suskrisyon. Tanggapin ninyo ang isang mahigpit na yakap ng inyong kaibigang nagmamahal sa inyo. V . VENTURA


438

2 01 . Blthat kay V. Ventura para kay Rizal Pagpapalit ng tirahan ni Ventura.

Ika-19 ng Mayo, 1890 Paris G. J OSE RIZAL,

Bruselas. M INAMAHAL NA KAIBIGANG PEPE:

Dantaon nang hindi ako nakakatanggap ng sulat ninyo. Ano ang sa inyo'y nangyayari? May sakit ba kayo? Sabihin ninyo sa akin. Dalawang suI at na sertipikado ang ipinadala ko sa inyo, ang isa'y naglalaman ng kasulatan ng pagkakapadala ng i.nyong mga aklat sa Iloilo, at ang isa pa ay may nakapaloob na 100 prangko. Natanggap ba ninyo? Nat anggap din ang isang sulat na sertipikado para sa inyo na aywan ko kung kanino galing; ibinigay ng utusang babae sa tagapagdala ng sulat ang inyong tirahan; inaakala kong iyon ay natanggap na ninyo. Sa Sabadong darating ay lilipat na ako sa bagong bahay, bilang 4 pangalawa, daang Chateaudum; kay a sakaling susulat kayo sa akin pagkalipas ng araw na iyon, ay maaaring sa bagong tirahan ko na ninyo ipadala. Kasabay nito'y ihuhulog ko sa koreo ang isang sulat na may mga selyong Hongkong at dalawang pahayagan. Hindi ko na ipagpapatuloy ito, sapagka't ako'y abalang-abala sa paglipat. Sumasaiyo, V. VENTURA

202. Bllhat kay Rizal para hay Ponce Ilang abuloy.-Ang nangyayari kay Ponce ay hindi sapat upang "ang isang Indiyo ay mabalisa".

Sabado (walang petsa) MINAMAHAL NA NANING:

Pinadadalhan kit a ng 166.50 piseta na galing sa pag-aambag-ambagan namin dito.1 Hindi kG naipadala 1 Ang sulat na ito'y maaaring ginawa nang taong 1889 0 nang mga unang araw ng 1890; ayon sa nilalaman ay hindi galing sa Bruselas. Dapat mapansin na ang halagang 166.50 piseta ukol sa mga suskrisyon sa La Solidolridad ay mahigit ng 6.50 sa kabuuan ng kanyang inilagay sa talaan sa dakong ibaba; hindi ipinaliIiwanag ang pagkakaibang ito.


439

sa iyo noong una dahil sa kaku1angan ng sa1api, sapagka't hindi naman ako napakayaman. Ang mga abuloy ay gay a ng sumusunod: G. T. Pardo de Tavera .. .. ... . 50.00 G. F. Pardo de Tavera . . . . . . . .. 20.00 G. Valentin Ventura .......... 50.00 G. Ramon Abarca . . . . . . . . . . . .. 20.00 G. Jose Riza1 . . . . . . . . . . . . . . . .. 20.00 2 Dinaramdam ko nang gayon na lamang ang nangyari sa iyo, datapuwa't inaakala kong iyo'y hindi. sapat upang ang isang Indiyo'y mabalisa. Kinakailangang panatilihin ang dugong ma1amig at ang katahimikan. Bihira ang pakikipag-away nang hindi masaktan. 3 Pasa-Madrid ka sa 100b ng madaling panahon. Sabihin rno kay Luna, pagsu1at mo sa kanya, na hindi namin naipadala agad dahil sa kakapusan ng cuapi. 4 PadaIhan mo ako ng ilang Barrantes at ang Dulaang Tagalog, at ang lahat ng mga Malikmatang naririyan. 5 K.u musta sa 1a;hat. Sumasaiyo, R1ZAL

203 . Buhat kay Juan Luna para kay Rizal Mg.a lathalang hindi dumarating sa La Union. ' Nagtitiis ang lalawigan dahil sa napakaraming pagba~ago.-Isang p.aligsahan ng mga manunudlang Insik sa Madrid.

Paris Ika-26 ng Mayo, 1890 GINOONG JOSE RIZAL : MINAMAHAL NA RIZAL :

Sa sulat na katatanggap ko lamang buhat sa La Union ay napag-alaman kong hindi natanggap ng aking 2 Ang' mga halagang ito ay siyang kabayal'an sa suskrisyon sa L a S olidaridad sa Barselona. 3 Ito'y walang salang tumutukoy sa pagkakahalughog at mga kaabalahang idinulot kay Ponce ng pagkakasumbong ni lVIir De-as na umano'y ~i. Ponce ay may isang "lihim na limbagan". Bukod dito, si Ponce ay lsmakdal pa sa hukuman. . . 4 Ang salitang euapi ay nangangahulugang kuwalta 0 salapi. 5 Tinutukoy ang mga nalathalang artikulo ni Rizal.


440

kapatid na naninirahan sa lalawigang iyon, ang polyeto ni Blumentritt, "Mga Kuro-kuro tungkol sa Kalagayan ng Pilipinas" at ibang mga biJang ng La SoHdaridad na ipinadala ko sa koreo sertipikado sa kanya. Ang mga polyeto ay kasama ng ilang patalastas, at sinabi sa aking kapatid ng Tagapangasiwa ng Koreo sa Agoo, na ang mga pahayagan ay dumating daw na nakabalot buhat sa Pangasiwaan sa Maynila; samakatuwid, sa Maynila ay nililinis ang mga ipinadadalang sertipikado. Ang kapatid ko'y nagnanais na siya'y padalhan ng La SolidJaridad; sabihin mo sa aking kung matatanggap niya sa Agoo, sapagka't kung ako pa ang magpapadala ay talagang hindi niya matatanggap, makaitlo ko nang sinubok magpadala sa kanya at sa rnaloaitlong iyan ay wala siyang natanggap. Sa kanyang sulat ay sinasabing ang lalawigan ay nagtitiis ng napakaraming mga pagbabago, hindi sapagka't ang mga pagbabago'y masasama, kundi sapagka't masama ang pagpapatupad sa mga iyon ng mga taong kalaban ng lahat ng pag-unlad: ang mga buwis na napakatataas at ang mga patong na lalo pang matataas. N a napakaraming mga pagmamalabis ... Sa Maynila ay kumalat ang bulung-bulungang sinamsam daw ng Gobernador sa Barselona ang maraming balutan at polyeto (ang ila'y kinain ng tanga) ng pintor na si Luna. Kaibigan! Anong mga tao, at anong mga hamak na tao! Balitaan mo ako ng iyong nalalaman tungkol sa mga paghamon ng mga pilipino sa Madrid, tila sila'y nag-aasal nang marapat. Hindi magiging masama ang isang paligsahan ng mga i'i'rador (manunudla) na Insik sa Madrid sa loob ng isang taon, halimbawa: upang tayo'y igalang at makilalang lalo ng mga Kastilang pulutan. Mga alaala ni Paz, mga halik ni LuLing at ni Bibi at isang yakap ng iyong magiliwing, JUAN LUNA

HABOL: Ang aking kapatid na lalaki'y kaibigan ng mga prayle at matataas na tao sa kanyang lalawigan, datapuwa't dahil din doo'y pakikinabangan siya nang malaki, at gayunma'y kakampi rin siya natin at kalaban ng mga prayle.


441

204. Bultat kay Rizal para kay Ponce

*

Mga sulat sa tagalog na ginamitan ng ating palatitikan.-Humingi ng mga sipi ng Noli ang Agencia Editorial.

38 Daang Phil. de Campagne,

Bruselas Ika-26 ng Mayo, 1890 PILING KAIBIGAN: Tinanggap ko ang mga librong iyong ipinadala sa akin, at nakita na nasusulat na alinsunod sa ating ortografia. Tila mandin gayo'y ang bagay na ito'y atin nang napaglinis. Sinuman ay makapagsasabi na tayo'y mayroon ng ating sarili. Mainam ang pagkakasalin sa, wikang tagalog ng "Arancel";l dapat purihin at tularan ang gayong pagkakatagalog. Pinasasalamatan din naman kit a bagay sa mga Publicidad2 na ipinadala mo sa akin: di ko minabuting sagutin sa pagka't ang PubIicidad ay kaibigan natin: ang wika ko'y transeat. N agagalak ako sa hatol 0 pagputol ng J uez dian ng iyong usap.3 Kung wala nang nakakapigil sa iyo sa Barcelona, ay mangyari sanang pasa Madrid ka na, sa pagkat kailangan ka doon sa mahusay na pagpapalimbag ng Sol: halata ang kakulangan mo. Ybati mo ako sa mga kaibigan at sa iba't iba pa. Ang iyong kaibigan, RIZAL HABOL: Si D. Manuel Arias Rodriguez4 sa "Agencia Editorial" ay humihingi sa akin ng Noli: mag bigay ka kaya sa kaniyang corresponsal sa Barselona, sabihin * Ang orihinal ng sulat na ito ay nasa-tagalog at di namin binag'o munti man ang pagkakasulat pati ng palatitikan. 1 Ang binabanggit na Arancel ay siyang pamagat ng isang artikulong tinagalog ni Mariano Ponce. 2 Ang La Publicidad ay siyang pahayagan ni Morayta na pinalaJabas sa Barselona; ang mga artikulo ng mga pilipino ay buong luwag na InilalathaJa roon. Si Rizal ay pinadalhan ni Ponce ng maraming bi 路 lang ng pahayagang ito. . :s Tinutukoy ang usapin sa hukuman laban kay Ponce hinggil sa ibinibintang sa kanyang pagkakaroon ng lihim na limbagan. 4 Si Manuel Arias Rodriguez ay isang kastila, may-ari ng Agencia Editorial, na, nang panahong iyon ay isang tindahan ng aklat sa daang Carriedo, Maynila, at lihim na nagbibili ng mg'a aklat ni Rlzal.


442

rno lamang na kailangan balutin at inising magaling; maibibigay mo ang lahat na iyong ibigin. Yto na lamang, salamat. 205.

Buhat kay Rizal para kay Del Pilar

ttAko'y hindi nagpapadala ng mga lathalain upang sumulat at makapagpakilala ang iba nating mga kababayan."-Isa sa mga kakaunti si Ramiro Franco na nangahas magpahayag ng kanyang mga kuru-kuro tungkol sa Noli.-Isang kathambuhay na may malaking hangarin ni Franco rin.-Ang isang pilipino'y hindi naparirito sa Europa upang magsugal, sapagka't labis nang nakapagsusugal sa Pilipinas.

38 Daang Philippe de Champagne Bruselas Ika-28 ng Mayo, 1890 PILING KAIBIGAN:

Sadya akong hindi nagpadala sa iyo ng articulo sa ating Sol: upang makapahinga ang mga nabasa at makasulat naman ang iba nating mga kababayang dapat makilala ng lahat. Marami sa ating natatagong mutya, o di nabubuli kayang sarisaring bato, na walang kinakailangan kundi dalhin sa liwanag at nang tanghalin ng lahat; dahil dito'y ang nasa ko'y tumago muna sa lilim upang ding ang mga bago'y lumitaw. * Ipagpasalamat mo ako nang taimtim kay Ginoong Ramiro Franco (Dominador Gomez) dahil sa mabubuting pangungusap na iniukol niya sa akin sa kanyang "Ponganle titulo"!; isa siya sa mga kakaunting kababayan, na gay a mo at ni Ponce, ay nangahas magpahayag ng mga kuru-kuro tungkol sa "Noli Me Tangere"; taglay ang pananabik na UIl)aasa akong mababasa ang karugtong ng kanyang kathambuhay. Kung ako'y pahihintulutan niyang gumawa ng isang pangmagkaibigang puna, na ipinamamanhik kong huwag niyang mas amain, ay sasabihin kong labis na napapansin sa mga sinulat niya ang palatandaang naukol sa isang mataas na tao at marunong makihalobilo :1< Ang unang talataan ng suI at na ito ay nasusulat sa tagalog, na hindi namin binago munti man. .. 1 Ang salitang "Ponganle titulo" ay siyang simula ng isang nobelang sinusulat ni Dominador Gomez, sa ilalim ng sagisag na Ramiro Franco.


443

sa iba, hindi lamang kapag inilalawaran ang mga maliliit na bagay na may kinalaman sa karwahe at sa otel, kundi kapag inilalarawan din ang mga tagpo at isinusulit ang pag-uusap ng mga tauhan. Hindi ko ibig sabihing ito'y isang kapintasan, hindi; bagkus isa pa ngang karapatan iyong kung ang sumusulat ay hindi isang pilipino. Datapuwa't sa kalagayang kinasasadlakan natin, at kapag tayo'y sumusulat upang imulat at pasiglahin ang diwa ng mga abang tao ng ating bayan, ang pagtukoy sa ginintuan at sa kislap ng mga salamin, ang pagsasalita tungkol sa "groom" at marangyang karwahe, sa ibabaw ng ating kalagayang panlipunan at pampulitika, ay walang pinag-iwan sa pagsasalita tungkol sa mga kuwadro, mga lilok, mga panoorin at tanawin sa mga malalabo ang mata. Walang pagsalang ang karugtong ay magiging karapat-dapat sa simula, sapagka't mabisa ang pagkakasimula ng kathambuhay at nangangakong maging isang mapanuring pag-aaral ng pamumuhay ng mg pilipino sa Europa. Kanais-nais na ang mga lathalang ito'y palabasin uli, pagkatapos, sa ayos na parang munting aklat na itinatalagang ipagbili Ba Pilipinas. Ang mga kababayan sa Paris ay dumaraing dahil sa hindi nila pagtanggap ng Sol: sa tuwing ako'y tumanggap ng mga numero ay nagpapadala ako roon. Magpadala ka kay Mme. Boustead, 3 Rue des Bassins. Paghaharap ni Calvo Mufioz2 ng proyecto de ley, ay padalhan rno ako ng mga diariyong may taglay na balita ng mga pulong ng Kongreso. Si Luna, na nasa-Paris, ay dumaraing sa pagsusugal ng mga pilipino sa Madrid, gayon din si Ventura. Sinasabing ang mga balita raw sa Pilipinas ay nagsasaad na masamang-masama ang loob ng mga magulang; 2 Aug tinutukoy na Francisco Calvo Munoz, ay isang kastilang naghahawak ng isang mataas na tungkulin sa pangasiwaan ng pananalapi ng Pilipinas, at dahil sa kanyang malalayang kaisipan ay nayag na maging pamukhang patnugot ng Diai'iong Taglog. Pagkatapos ay naging diputado sa Madrid, na nagharap sa Kong-reso ng isang panukalang batas na nagkakaloob sa Pilipinas ng kinatawan sa Cortes.


444

tila si Ginoong Felipe Roxas 3 ang siyang nakapagsabi sa kanilang napag-aalaman na sa Maynila ang mga pagsusugal na ito. N angangamba akong tayo'y nakatutulong sa pakana ng mga prayle. Wala ba roong anumang bagay na nakapagpapaalaala sa kanilang ang pilipino'y naparirito sa Europa, hindi upang magsugal at maglibang kundi upang magsumakit sa kanyang ikalalaya at ikadadakila ng kanyang lahi? U pang magsugal, ay hindi na kailangang lisanin ang Pilipinas, sapagka't doo'y labis nang nakapagsusugal. Kung tayong siyang inaap.ahang gagawa, kung tayong pinagsasalalayan ng bayan ng bahagyang pag-asa ay siyang uubos ng panahon sa ganitong mga bagay, sa panahon pa naman na ang kabinataa'y nararapat gumamit ng isang bagay na lalong dakila at marangal sa d~,hi1an ding ang kabinataa'y marangal at may matayog na adhikain, ay nangangamba ako nang gayon na lamang na ang kalabasa'y hindi ipinaglalaban natin ang isang pangarap na walang kabuluhan, at sa halip 'nito'y maging marapat lamang tayo sa pagkabusabos. N ananawagan ako sa pag-ibig sa bayang kinamulatan ng lahat ng mga pilipino upang magpakilala sa bayang kastila ng isang patutoong tayo'y hindi karapatdapat sa ating kapahamakan, ni hindi tayo maaaring iparis sa hayop at hindi rin mapatatahimik ang mga dakilang damdamin natin sa pamamagitan ng pagsira sa ating kaugalian. 4 Sumasaiyo, RIZAL 3 Tinutukoy si Felipe Roxas na isang mayamang maraming ari-arian a t pintor na pilipinong may-angking kabantugan; siya'y dumating na g'aling sa Pilipinas at may taglay na balitang nalalaman na ng mga magulang ng mga nagsisipag-aral ang pagsusugal ng mga ito sa Espanya. Si Dr. Baldomero Roxas, na buhay pa hangga ngayon ay nagpapatunay sa bagay na ito, bag'ay na dinaramdam nang gayon na lamang ni Rizal, at upang malunasan ay dumudulog sa kagitingan ng lahat. 4 Ang panawagang ito ni Rizal ay nagkabisa, sapagka't kung di man t inalikurang lubos ng mga pilipino ang pagsusugal ay napaunti naman ang paghahari ng bisyo, ng ibinalita ni del Pilar kay Rizal sa sulat niya noong ika-8 ng Hunyo.


445

206.

Buhat kay Mariano Ponce para kay Rizal *

May panuntunan nang mapagbabatayan ng palatitikang tagalog.-Mga sipi ng Noli na ipinadala sa "Agencia Editorial" ni Arias.-Iba pang mga sipi ng M.orga.-Si Ramon Riego de Dios, isang matalinong kababayan, ay nagnanasang mabilang sa mga kaibigan ni Rizal.

R. Canaletas 2-39 Barselona Ika-2 ng Huuyo, 1890 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS PILING KAIBIGAN:

Tinangap ko ang iyong sulat ng 26 ng nakaraan. Sa ortografiang tagalog ng "Arancel" ay mayroon din magisagisang maling nakaligtaan, dala fig di pa natin kasanayan. Tayo'y mayroon ng panununtunang regla; di na maliwag ang pag sasanay. Mauunti na nating rna ikakalat sa ating lupa. Ynaasahan kong sa loob ng buang ito'y rna kapasasa Madrid na ako. Akin munang unti-unting ipadadala sa Hongkong iyaring isang buntong librong na lalagak sa akin. Kinausap ko ang corresponsal ni Arias dini. Walang na ipadala sa correong naalis dini noong ika 30 ng buang nakaraan, kundi labing dalawang "Noli" lamango Tingnan natin kung sa susunod na correo ay makapagpapadala pa ng ilan. Padal'han rno ako ng tatlo 0 apat na Morga. Gayon ding padal'han rno ako ng isa rnong retrato: makailan na akong sulatan ng aking anak, na hinihingan ako ng retrato mo. Ysa sa kasama ko sa bahay, si Ramon Riego de Dios, tagalog at taga Maragondong, ay nagpapadala sa iyo ng rnagaling na bati, at nag nanasang mabilang siya sa rnga kaibigan mo. Yto'y estudiante de Inedicina at pintor, medalla sa Amsterdam, at diploma sa Madrid, 0 mencion honorifica. Mabuting kababayan; maibigin sa ating bayan. Ang iyong kaibigan tangi. NANING

* Tagalog ang orihinal at

di namin binago ang pagkakasulat.


446 207.

Buhat kay Rizal para kay Mariano Ponce *

Ganti sa pagbati ni Ramon Riego de Dios.-Si Rizal ay kaibigang-kaibigan ng mga taong marunong magmahal sa bayang tinubuan.-May malaking pagtingin sa mga taga-Kawit at taga-Maragondong.-"Huwag nawang maluoy sa Espanya ang mga bulaklak na galing sa Pilipinas."

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-4 ng Hunyo, 1890 GINOONG MARIANO PONCE

Barcelona, Espanya PILING KAIBIGAN:

Upang maabutan ka nitong aking sulat ay sasagutin ko agad ang iyong tinangap ko ngayonl at ipadadala ko rin agad ang tatlong Morga sa Colis Postal. 2 Kalakip nito ang aking larawang kuha sa Paris nang kapanahunang ipinalilimbag ko ang Morga. Minamabuti kong totoo ang iyong articulo sa Sol: halatang mabuti ang magmamasid at magmamalas, sayang lamang at hindi ka sumusulat ng isang malakilaking libro. Yanti mo ako sa pagbati ng kababayang si Ramon Riego de Dios. 3 Sabihin mong ako'y kaibigan fig Iahat na kababayan, kasing-hdp man 0 kaaway kaya, nguni't lubos at lalo sa mga kababayang marunong magmahal sa sarili. Bukod dito mayroon din naman akong maIaking pagtingin sa mga taga-Kawit, at maraming kakilala doon, sa Maragondong man. Kahimanawari'y huag ding masira sa Espafia, huag ding maluuy ang mga bulaklak na galing sa Filipinas; maraming totoo ang mga batang inaasahan at inasahan, nguni't pagdating ~a Madrid ay nangalibang at nangapawi. Ynaasahan kong ang kaibigan Riego ay hihigit ng malaki sa kay Rizal, na fig una'y estudiante rin sa Medicina at pintor; '" Ang suht na ,ito'y natititik sa wikang tagalog at di namin binago munti man ang pagkakasulat. 1 Tinutukoy ang 8ulat na ito ni Ponce, bilang 236, nang ilm-2 ng Hunyo, 1890. 2 Tinutukoy ang mga sipi ng M o1'ga na hinihingi ni Ponce at ipinadala sa pamamagitan ng Colis postal (balutang pangkoreo). 3 Si R. Riego de Dios ay isang taga-Maragundong, Kabite, na nagaral ng medicina sa Barselona. Siya'y isa ring mabuting pintoI' na nagtamo ng medalya sa Amsterdam at diploma sa Madrid.


447

nguni't si Rizal ay di nagkamedalla sa Arnsterd~m ni sa Madrid sanhi sa pintura. Malaking totoo ang pagasa ko na ang nasibul na kabataan ay lalampas ng malaki sa nakaraan 0 sa hinaharap. N abalitaan kong narnatay ang anak ni Roxas;4 i, ano at paano ang pagkamatay? Maanong rnatuloy ka na sa pagparoon rno sa Madrid; pukawin rno sana doon ang loob ng mga bata ; malaking tutoo ang daing ng mga nasa Paris bagay sa pagsusugal ng mga kababayang nasa Madrid; alam na raw sa Maynila at rnasama ang loob ng rnga magugulang. 5 Yto na larnang; ibati rno ako sa lahat. RIZAL

208.

Buhat kay M. H. del Pilar para kay Rizal

*

Pinahahalag,ahan ang pagtulong ni Rizal sa La Sodaridad.-Hindi na nangagsusugal alang-alang kay Rizal.-Kakausapin ni Villalv.a Hervas ang mga Republikano at mga Konserbador upang magsiayon sa balak ng La Solidaridad.-Hinihintay ang sagot ni Rizal tungkol sa usapin ng bayaw niyang ipinatapon .

Ika-8 ng Hunio, 1890 Madrid PILING KAIBIGAN:

Tinangap ko ang suI at rnong ika-28 ng Mayo, at pinapaninimdirn ako ng pahayag rnong sinadya ang di pagpapadala ng articulo at lilisanin rno na ang pag tulong sa SoL'. Sakaling may ipinagkulang ako sa iyobagay na rnalayong kusain ko-ay mangyari sanang ipaunawa mo at nang maalarnan ko naman ang sukat kong pag tikahan. Samantala ay maniwala kang sa mga kasaliwaang palad na nagsususon-suson sa buhay ko ay hindi makapayag yaring loob sa ganitong pangungulila. Kalakip nito ang sulat ni Dominador sa akin. Ang magandang hatol mo sa maiiga kababayang su4 Ang tinutukoy dito ay ang anak ni Don Pedro Roxas, may labinsiyam na taong gulang at nagngangalang Jose, na namatay sa sakit na E8carlatina sa Barselona, pagkatapos ng tatlong araw na pagkakasakit. 5 Muling tumukoy si Rizal sa pagsusugal ng mga nag-aaral na pilipino sa Madrid, at hiningi kay Ponce na sila'y pagpayuhan. * Tagalog ang orihinal at di namin binago ang pagkakasulat.


448

garol ay dininig ng mga kabataan: kay pala'y magkaroon ng mabuting bunga. Sabihin mo sana sa nanga sa Paris, na susulat sila rine kung kinukulang ng periodico, sapagka't di kami ~umasala ng pagpapadala roon, ay kundi sa sulat mo'y boo ang pag-asa kong sila'y nakatanggap. Si Calvo Munoz ay hindi pa bumabalik buhat ng pasa Alhama, kaya't ang proyecto ay hindi pa nahahain hangan ngayon. . Ang pinaka kalulua ng proyecto ay iyan ding nalalaman sa "Solidaridad" datapua't ang bilang ng diputado'y Iabing anim Iamang at ang cuota ng contribucion ay $30. Si Villa alva Hervas (diputado republicano) ay nangangakong hindi lamang ang partido niya kundi makikiusap pa siya sa mga conservador na mag si ayon sa adhikang ito. May pag-asa siya kay Silvela. Si Kunanan ang bahala na kay Gamazo. Dumating dine si Juan Luna: Kailan ka ba pari.路 rine? Hinihintay ka namin. Ynusisa ko kay Kunanan ang tungkol kay Maneng ay sumulat daw siya sa iyo at hinihintay raw ang sagot mo. 1\1. H. DEL PlLAR 209.

Buhat kay Rizal para kay Marcelo H. del Pilar "" Hindi humihiwalay si Rizal: ang tanging ninanasa niya'y makapagpahing.a at sumikat ang ibang panitik.-Malulungkot na kaba ng loob at nakababalisang mga pangarap.-Ang kailaliman ng isang landas, na maraming taong nakabihis ng puti at may mga Haw na puti.-Pinipilit na tapusin ang ikalawang tomo ng Noli, at tumatalaga sa anumang mangyayari.

Ika-ll ng Hunyo, 1890 Bruselas GINOONG MARCELO

H.

DEL PILAR

Madrid, Espanya PILING KAIBJGAN :

Katatangap ko pa Iamang ng iyong sulat! na sa1* Tagalog at Kastila ang orihinal. 1 Binabanggit ang suI at ni del Pilar noong ika-8 ng Hunyo, bHang 208, kasama ng mga sulat sa mga tagapagpalaganap.


449

sagutin ko agad alang-alang sa mga balak ng iyong loob. Napakalayo naman ang abot ng iyong munakala sa pag-isip mong ako'y hihiwalay sa Sol.: dahil sa sarna ng loob; tila di mo pa ako kilala: ako'y hindi pintigin, at kung sakali ma't may isinama ang aking loob, ay ako'y magsasabi at hindi hihiwalay sa pagtulong at sa pakikipaglaban.2 Ang nasa ko'y lumitaw ang iba at mabihasa ang taifiga fig iba sa ibang figalan. Ako'y sinisigilahan fig malulungkot na pag-iisip, bagama't di lubos ang aking paniniwala. Niaong kabataan ko'y paniwala akong lubos na di ako sasapat sa tatlong pung taon, aywan kung bakit gayon ang isipan ko. l\tIayroon na figayong halos dalawang buan na halos gabi gabi'y wala akong pafigarap kundi ang mga patay kong kaibigan at kamaganak. Minsan pa figa'y nanaginip ako na lumulusong di umano sa isang landas pa sa ilalim ng lupa, at doo'y wala akong dinatnan kundi ang karamihan ng taong nag-upo, puti ang gayak, puti ang mukha, walang imik, at libot ng ilaw na puti; nakita ko roon ang dalawa kong kapatid, isa'y patay nang malaon at jsa'y buhay pa. 3 Bagamat di ako paniwala sa mga bagay na ito, bagamat malakas na totoo ang katawan ko, wala akong sakit; wala akong takot, nguni't ako'y humahanda rin sa kamatayan, inihahanda ko ang aking maiiwan, at ako'y tumatalaga sa anoman: Laon-ÂŁOJ.an ang tunay kong ngalan. 4 Kaya ibig kong matapus na pilit ang ikalawang putol fig Noli, sa isang sakali, ibig ko sanang huag matapus ang aking sinimulan kundi mayroong makapagpapatuloy. Kaya figa ang nasa ko'y ang mga bago'y makilala at 8umilang. Huag mong akalaing ako'y namamanglaw 0 nalulungkot kaya: tuing makalawa'y 2 Dito'y sinasagot ni Rizal ang pangambang ipinahayag ni del Pilar sa isa sa mga sulat nito na baka si Rizal ay nagtatangkang humiwalay sa La Salidaridad sanhi sa ilang sama ng loob. Nangangamba si del Pilar na balm may isinama ng loob sa kanya si Rizal. 3 Madalas na nakararamdam si Rizal ng mapapanglaw na kaba ng loob, bagay na ipinagtapat, hindi lamang sa kanyang kapatid na si Paciano, kundi sa kanyang matatalik na kaibigan. Sa isang dako, ang kanyang mga kaba ng loob ay may katotohanan, sapagka't natatalos niya ang ibubunga ng kanayong mga ginagawa at ang kapangyarihan ng kanyang mga kaaway; bukod dito, si Rizal ay may tangkang umuwi sa Pilipinas at labis niyang natatalos ang kanyang daratnan doon. 4 Ang Laang-Laan ay siyang tunay no. pangalan ka, ani Rizal sa sulat na ito. Ito'y nangangahulugan na siya'y nahahanda 0 natatalaga sa mula't mula pa 0 kaya'y maaaring pakahuluganang siya'y isang P1'ede:,;Unada (Hinirang ng Diyos na magkamit ng kaluwalhatian) ,


450

ako'y naghihimnasia at nag eskrima, nagsasanay sa pag bar il, nguni't lsino ang makatatalos ng darating na sakuna? Minsan-minsan din ay ako'y magpapadala sa iyo ng articulong may kahulugan. 5 Kahimanawari'y makinig sa tinig ng kanilang puso ang ating mga kababayang naririyan, at italaga ang mahalagang panahon ng kanilang kabinataan sa isang bagay na lalong dakila at karapat-dapat sa kanila. Hindi tayo nagkaroon ng kapalaran ng ibang mga binata na nakapagpapasiya sa kanilang panahon at sa kanilang kinabukasan; sa ati'y may nakaatang na isang tungkulin: a~g pagtubos sa ating ina 6 sa pagkakabihag: ang ina nati'y nasasanla; kailangang ating tubusin muna, bago tayo makapag-aliw. Yto na lamang, RIZAL

210. Buha kay Pone para kay Rizal * Masamang bituin natin sa Barselona.-Si Jose Roxas, isang kababayang maaasahan, ay namatay sa tigdas. Si J aena ay pinabayaan ng nangakong gllgugol sa kanyang pag-aaral.-Nagpupumilit na tumungo sa Kuba.-Si Panganiban ay nasakapahamakan dahil sa bunga ng bnkuran ng iba.

R.a Canaletas 2-3.0 Barselona, Ika-24 ng Hunyo, 1890 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS MAHAL KONG KAIBIGAN:

Tinangap ko sa kapanahunan ang iyong suI at, at ipatawad ang di ko pagkasagot agad. Salamat fig marami tungkol sa larawan at gayon din sa tatlong Morgang tinangap ko din. Di pa ako napasasa Madrid, pagka't sabi ni Marcelo ay nagbabalak siyang parini sa Bar5 Sa katotohanan, si Rizal ay nagl?atuloy sa pagpapadala ng mga artikulo hanggang sa magtatapos na ang taon. 6 Ang tinutukoy na ina natin ay ang Pilipinas, na nakasanla at nal'arapat na tubu:;in natin bago tayo mag-aliw 0 maglibang. '" Tagalog ang orihinal at di namin binago ang pagkakasulat.


451

celona: isinulat ko sa kaniyang akin siyang aantain, ng magkasama na kami ng pag pasa :Madrid pag balik niya. Ng ika-19 ng Mayo namatay dini sa Barcelona at sa Fonda de Oriente, na tinuluyan mo ng parine ka, si Jose Roxas, sa sakit na tigdas. Ng maalis dini at pasa Madrid ang anak na ito, ay iniwan sa isang colegio dini ang anak na munting Ialake. N g mga unang araw ng Mayo ay tinigdas ito sa colegiong kinarorocnan, at ng isulat ni Roces sa mga magulang ang pagkakasakit na ito, ay dagling naparine ang ina at si Pepe. Agad nilang inilipat sa Fonda ang may sakit na di nalaon ang pag galing. N g kasalukuyang nagpapalakas ng maliit, ay siyang pagkakasakit ni Pepeng sakit ding yaon, at ikalimang araw ng pagkahiga ay namatay. Di ipinahintulot ng mga magulang na kaming mga kababayan ay makipag libing, sa taRot na makisama sa amino Si Kang Pedro ay makailan akong dalawin sa mga unang pagparine. N gayo'y nanga sa Madrid . . Kasamang totoo ng ating palad. Ang isang kapatid nating sukat n maaEjahan, ang siya pang na papa hamak. N g parine ang pinsan ni Graciano fig taong nakaraan ay sa mabisa naming pakiusap ay nangakong pag gugulan si Graciano upang matapus ang pag aaral. N g dumating doon ay sumulat, na nagtatalusira sa ipinangako. Si Graciano ay nag pipilit ngayong pasa Cuba kahit papano. lVlay ...... na ambagan, upang maibayad sa pag layag. Si Pepe Pafiganiban, ay kalumbay lumbay ang napag sasapit, sa pafigafigaluniya sa isang may asawa. N ahuli ng lalaki. Si Pepe ay nag karoon ng totoong malaking kamalian na ibinagay sa babae ang mga documentos fig pag aaral, at sumulat fig bagay na di nararapat: sulat at mga kasulatang ngayo'y na sa kamay fig lalake. Malaong nagtatago sa bahay ni Canon; figuni noong Sabado fig gabi ay natagpuan siya sa Plaza de Catalufia ng asawa, na kasama ang isang kaibigan. Pinagtulufigan siya ng dalawa na pinaghampasanan, na baga ma't na ibual niya ang isa, ay tumangap siya fig isang hampas sa ulo na lumaho ang dugo. Ngayo'y magaling na ang sugat; di nakarating sa Hokoman ang bagay na ito. Ang hafigad namin ay mabawi ang ml4a kasulatan, at papag hiwalayin ang dalawang magka-


452

luniya. Ipinakalilihim ang mga bagay na ito, na ibinabalita ko sa iyo, nang matalastas mo ang kawalan natin fig palad. Yniintay namin dini si J. Luna. Magpadala ka pa ng anim na Morga at maraming kababayang humihingi. Papatakin mo ka'y Santiago Ycasiano, "Xuela 25, 3.o-2.a at baka di na ako abutan. Ang pag bati ni Riego, at ng lahat. Ang iyong si, NANING

211. Buhat kay Rizal para kay Antonio Luna "Ang paggamit ng isang sandata ay nakapagbibigay ng lakas ng kaluluwa sa tao."-Mga gawain ni Rizal sa Bruselas.-Mga pagsasanay sa pagtudla. Maaaring maglakbay sa Alemanya.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-3 ng Hulyo, 1890 GINOONG ANTONIO LUNA MIN AMARAL KON

ANTONIO .

Taos pusong binabati ko kayong lahat at lalo't higit ikaw, dahil sa maligaya't maningning na pagpapanagupang ginawa ninyo sa aralan ng iyong kapatid na lalaki. Mabuti ngang ang kabataan ay mahilig sa isang bagay na lalong mahalaga at marangal kaysa pagsusug:al sa baraha; at gaya ng napakatumpak na pagkakasabi ni Marco Espada . ang paggamit ng isang sandata ay nakapagdudulot ng lakas ng kaluluwa sa tao at nakapagpapahinahon at nakapagpapamitagan sa kanya. 1 Binabati rin kita dahil sa iyong Mga Pangingibig. (Amorios)2 Ipinaaalaaia ko lamang sa iyong ikaw ay mag-ingat at baka masugatan ang pagkamaramdamin ng mga babae; nauunaVlaan mo na ako. Sa anu't anuman, ang mga lathalain mo ay nasusulat sa isang hugis na madali, maluwag, masigabo. Iyong si Laksamana mo,3 sa kabila ng iyong mga papuri, ay isa palang sawimpalad. Hindi malaman ng ama kung paano niya ta1 Tinutukoy ang pagpapanagupa sa pamamagitan ng sandata sa talyer ng pintura ni Juan Luna sa Paris, na ikinatanghal ni Antonio Luna. 2 Ang Amorio8 ay isang artikulo ni Antonio Luna. Sinabi ni Rizal na binabati ?'in kita, sapagka't naibigan din ni Rizal ang isa pang artikulo ni Luna na pinamagatang La Maestra (Ang Gurong Babae). 3Isang itinatagubilin ni Antonio Luna.


453

tapusin ang kanyang sulat. Ipagpaumanhin mong ako'y mangahas magsabi ng ganitong mga paalaala. Ang aking ina'y nagngangalang Ginang Teodora Alonso de Quintos, ng mag-aanak ni Ginoong Jose Florentino,4 apo siya, kung hindi mali ang aking pagkagunita. Dito'y patuloy akong gumagawa at nag-aaral; naparoroon ako sa Klinika, nagbabasa, nagsusulat, nagtutungo sa palakasan at sa bulwagan ng mga sandata. Bagay sa pagtudla, ay pinadadalhan kita. ng isang karton 5 na may sampung tam a ng punlo; ang layo ng karton sa akin ay 7 metro at kalahati. Sa layong 20 metro, ay napatatama ko ang 20 putok sa loob ng kartong ang sukat ay 20 sentimetro ang taas at 20 ang lapad. Mabagal ang aking pagsulong, datapuwa't sa bisa ng pagpupumilit, ay magiging mabuting manunudla ako, at pupunan ng aking 100b ang kaunting katangian ng pagkamanunudla na ipinagkaloob sa akin ng kalikasan. Kapag sinulatan mo ako, ay sabihin mo sa akin kung ano ang ginagawa ng mga indiyong matatapang at hindi matatapang, at kung ~nu-anong munakala mayroon sila. Yamang ako'y kinakapos ng kuwalta, ay ninanais ko sanang malaman kung may napagbilhan sa Morga, at kung may nasingil kahit ilang piseta. Para sa bagay na ito'y ipakikiusap ko sana sa iyong mag-usisa sa mga nagsitanggap ng mga balutan: natatandaan kong pin adalhan kita ng tatlong sipi: ang isa'y nakalaan para sa lyO.

Ingatan mo ang iyong pangangatawan, at ipagpatuloy mo ang pagpapaunlad ng iyong mga pinag-aaralan. Ang iyong kaibigan, RIZAL HABOL: Tila kami ni Ventura ay maglalakbay sa Alemanya sa buwang papasok. 6 4 Si G. Jose Florentino ay taga-Vigan, IIokos Sur; naging diputado sa Cortes at isang bantog na abugado; may isang kapatid na lalaki na abugado rin at nagngangalang Manuel. Si Jose Florentino ay pins an ng ina ni Rizal. 5 Ang tinutukoy ditong karton ay siyang ginagamit ni Rizal sa kanyang pagsasanay sa pagtudla 0 pagbaril. 6 Hindi nagawa ang paglalakbay sa Alemanya na kasama si G. Valentin Ventura, sapagka't dahil sa usapin ng pagkakapatapon sa kanyang bayaw na si Hidalgo, at lalung-Ialo na sa usa pin ng mga taga-Kalamba laban sa asyenda ay napilitan siyang magtungo sa Madrid.


454

212. Buhat kay Rizal para kay Mariano Ponce Mga balak tungkol sa pag-uwi sa Pilipinas "at Diyos na ang bahala kung ano ang mangyayari." -Ang iminungkahing pagparoon ni Lopez J,aena sa Kuba.-"Lalong mabuting bumalik sa Pilinas at humanda sa p.agkamatay sa paninindigan sa mga kaisipan niya." "

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-9 ng Hulyo, 1890 GINOONG MARIANO PONCE BARSELONA, ESPANYA MINAMAHAL KONG NANING:

Tinanggap ko ang iyong sulatl at natalos ang doo'y nalalaman, ipinadala ko ang 6 na sipi sa tinitirhan ng ating kaibigang Icasiano. 2 Lubos kong ikinalulungkot ang nangyari sa ating kaibigang Panganiban. 3 Nawa'y makaligtas siyang mabuti sa panganib at pagkatapos, ang buhay niya't mga araw, na mahalaga nang gayon na lamang sa ating lupa, ay huwag nang mabingit sa ibang kasamaang gaya niyon. _ Aywan ko kung !flagkano ang utang ko sa iyo, datapuwa't kailangang magkaroon ka ng tumpak na ulat ng lahat at lahat. Sakaling may pagbabayaran ka pa sa akin, at hindi mo naman kinakailangan ang kaunting halagang iyon, ay pasasalamatan kita kung maipahihiro mo sa akin, sapagka't ako'y nagigipit sa salapi; marami nang buwang wala akong tinatanggap buhat sa Pilipinas. Dahil dito'y naiisip ko tuloy na umuwi na roon sa lalong madaling panahon, at diyos na ang bahala kung ano ang mangyay~ri. Gayon din ang nararapat gawin ni Graciano; sa halip na pasa-Kuba siya upang magkasakit ng dilaw na lagnat (fiebre amarillo), ay nararapat siyang umuwi sa Pilipinas at doo'y ihai}) ang kanyang buhay sa paninindigan sa kanyang mga isi pan; min san lamang mamaTinutukoy ang sulat ni Ponce bHang 240, nang ika-24 ng Hunyo. Si Santiago Icasiano, na nag-aal"al ng medisina sa Barselona ay tumitira sa daang Xuela 25, 302a. 3 Si Pang9niban ay nagkarJon ng isang basag-ulo sa asawa ng isang babaing kasintahan niya. 1

2


455

matay ang isang tao, at kung hindi mamamatay nang mabuting pagkamatay ay mawawalan ng mabuting pagkakataong hindi na muling darating.4 Buuin niya ang loob sa pag-uwi upang hamunin ang panganib, at tatakas ang panganib, 0 kung hindi man, siya'y magiging martir ng kanyang mga kaisipan. Tutol ako sa kanyang pagparoon sa Kuba; walang kabuluhan ang pagparoon, said na ang Kuba, iyon ay isa na lamang bao ng niyog. Kung mamamatay din lamang ang isang tao, ay mamatay siya sa kanyang bayan, alang-alang sa kanyang bayan, at dahil sa kanyang bayan. 5 . Sumasaiyo, RIZAL

213. Buhat kay V. Ventura para kay Rizal Hindi na itutuloy ni Ventura ang binalak na paglalakbay na kasama ni Rizal sa Alemanya at Suwisa.

Paris, Ika-11 ng Hulyo, 1890 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS MAHAL NA KAIBIGAN:

Nagbago ako ng balak. Hindi ko na itutuloy sa loob ng taong itD ang aking paglalakbay sa Alemanya at Suwisa, dahil sa mga sanhing saka ko na sasabihin sa iyo pag tayo'y nagkita. Sakaling kayo'y mananatili riyan, ay binabalak kong dumalaw sa inyo, aywan ko kung kailan, sapagka't 3yoko nang gumawa ng mga balak, upang huwag akong bansagang taong mapagpanukala; marahil ay sa ika-22, nguni't susulatan ko kayo, sapagka't nababatay ang aking paglalakbay sa koreong tatanggapin ko buhat sa Maynila, na dapat dumating sa ika-20. 4 Hindi ipinagpatuloy ni Lopez J aena ang kanyang balak na pagparoon sa Kuba. 5 Ito'y isang kaugaliang lubusang ipinamalas ni Rizal. Dahil dito at iba pang mga halimbawang ipinakita ni Rizal ay napagkikilalang hindi lamang siya nangangaral sa pamamagitan ng mga saIita kundi gayundin sa gawa, at kung papaanong kanyang sinasabi 0 dinaramdam sa sulat na ito ay napatotohanang siya'y naging isang' mal'tir ng kanyang mga kaisipan.


456

Tungkol sa silid, ay huwag kayong mabahala; sakaling hindi maaaring magkaroon ng isang silid sa bahay ninyo ay inaakala kong hindi naman kukulangin ng mga silid sa Bruselas. Aywan ko kung nalalaman na ninyong si Trinidad Pardo ay nagkaroon ng ikalawang anak na lalaki. Bukas ang binyag. Ang inyong kaibigang nagmamahal sa inyo, V. VENTURA

214. Buhat kay Ponce para kay Rizal * Pahirong 25 piso kay Rizal na pinagbilhan ng aklat. Si Ponce ay di sang-ayon sa pag-uwi ni Rizal.-Lalong mabuti ang siya'y lumipat sa Espanya, at s'Umama kina Del Pilar at Ponce sa Madrid.-Si Serrano ay nasa-Espanya upang makipagkita kay Rizal.-Natamo ni Jaena s.a Kagawarang-bansa ng Ultramar ang walang bayad na paglalakbay sa Kuba.

Barselona Ika-14 ng Hulyo, 1890 G.•J. RIZAL PILING KAIBIGAN:

Tangapin mo ang isang L/ na kalakip nito, halagang d.alawampu't limang piso. Hindi ko pa n1abilog ang cuenta, dala ng ako'y dipa nakatatanggap ng sagot, tunkol sa mga librong ipinadala ko sa Maynila. Yniuna kong ipinadala sa iyo iyan, at kaya ganiyan lamang ay wala na akong pilak sa kamay: kung magkaroon ako ay padadal'han pa kita. Ysipin mong magaling bago ka mag balak umuwi sa Filipinas. Bukod pa sa ikaw ay di makagagalaw do on, ay panganib ang buhay mo. Si Graciano'y nagpipilit pasa Habana. Binigian ng Ministerio de Ultramar ng pasaje gratis. N aiigaiigakong buhat doo'y gagawin ang boong kaya sa ika gagaling ng ating bayan. S. P. Serrano'y nandito na ~a Europa, ayon sa sabi ng mga diario sa Maynila; sa akala ko'y pakikipagkitaan ka. Kung makakikita ka kahit papano sa Europa ay di maigi ang umuwi. Parine ka kaya sa Es.j. Tagalog at kastila ang orihinal ng sulat na ito. nago ang pagkakasulat ng Tagalog.

Hindi namin bi-


457

pafia kasarna ni Selong at ako sa Madrid. Tangapin rno ang rnahigpit na yakap nitong iyong si, NANING HABOL: Sagutin rno sana agad kung natangap rno ito, pagka't hindi ko 1nacertifica sa ka kulangan ng panahon. Tinangap ko ang anirn na Morga. Sabihin rno sa akin kung rnaaari nating ipalinlbag sa isang polyeto ang iyong sulat sa tagalog sa rnga daraga sa Malolos: Sakaling rnaaari, sabihin rno sa akin kung ano ang ngalan 0 parnagat na ninanais rnong ilagda. Sakaling ibig rnong lurnabas na ang lagda ay isang ngalang hindi tunay, ay kinakailangang baguhin ang pasirnula na nagsasaad ng: "N g aking sulatin ang Noli Me Tangere, at iba pa." 215. Buhat kay Rizal para kay M. H. del Pilar * Ang usapin laban sa ilang prayle ay nasa-harap ng Kataas-taaa ang Hukuman sa Madrid.

Bruselas Ika-18 ng Hulyo, 1890

G. MARCELO H. DEL PILAR 43 DAANG ATOCHA, MADRID PILING KAIBIGAN : Ako'y turnangap ng sulatl bagay sa arning usap Ra rnga Frayle na nasasakdal sa Tribunal Supr emo; ang poder ay ipadadala sa iyo: kung sakali't akala lllong ako'y kailangan dian ay ako'y paparian; nguni at kung hindi ay ako'y uuwi na sa atin. 2 Aalis ako dito bago rnatapus ang buan. 3 Ang sabi sa akin ng aking kapatid ay yarnang ang ipinarito rno sa Europa'y ang paglaban sa satsat, kung rnatalo natin ang satsat, ay totoong rnanghihina. Kai* Tarhetang

pangkoreo; tagalog ang wikang ginamit. Sulat ng kanyang kapatid na lalaki, bilang 128 (mga suI at sa kanyang mga kaanak). 2 Mapagkikilalang si Rizal ay pinagpayuhan ni del Pilar na lumipat sa Madrid dahil sa usapin ng mga taga-Kalamba, na pinaghabol sa Kataas-taasang Hukuman. 3 Si Rizal ay hindi nakaparoon sa Madrid nang magtatapos ang Hulyo, kundi ng mga unang araw ng Agosto. 1


458

langang maiharap sa Tribunal Supremo bago matapus ang buan. Pagkatangap mo ng sulat ay sagutin mo ako. RIZAL

216.

Buhat kay Rizal para kay Mariano Ponce *

Gipit sa kuwalta.-Pagnanais na umuwi sa Pilipin as sukda.ng iyo'y maging isang kapangahasan. -"Yamang hindi mabuti ang lakad natin sa landas ng kahinahunan, ay hahanap ako ng iba." Lalong mabuti ang mamatay sa Pilipinas kaysa magdalita sa Europa.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-18 ng Hulyo: 1890 GINOONG MARrA~O PONCE BARSELONA, ESPANYA PILING KAIBIGAN:

Sa kapanahunan tinangap ko ang mahalaga mong sulatl kalakip ang isang daa't dalawang pu at limang franco katumbas ng 166 francos sa pagka't may 25 % ka: 2 sa makatuwid ay labing pitong Morga. Sa makatuwid ay ako ang may utang sa iyo: sing-ilin mo sa N 0ling napadala sa Mayni]a. Ang wika ko'y sa kapanahun1an, sa pagka't iisa na ang franco'ng natitira ~a akin ng aking matangap ang abu]oy mo. Pinadalhan ako ni Serrano ng 100 franc0 3 upang maibayad ko sa pagpqroon sa Paris, nguni at aking isinauli. Kaya nga maraming salamat. * Tagalog

at Kastila ang sulat. Tinutukoy ang sulat ni Ponce na may bHang 214 sa katipunan ng mga sula.t sa mga tagapagpalaganap. 2 Sa malas, si Rizal ay nagkamali nang gawin ang pagtayang 25 0/0 na dagdag, sapagka't sa halip na 166 ay dapat Iamang maging 156 franco. Ang kanyang pagkakamali ay sa kabutihan ng iba. Nang panahong iyon, ang pisong pilipino ay katu!llbas ng limallg franco, samakatuwid, si Rizal ay tumanggap ng mga dalawampu't limang piso. Ang Sucesos de Morga na nilagyan ng' tala ni Rizal ay hinahalagahan ngayon ng dalawandaang piso bawa't sipi, at gayon ma'y wala pang mabili. 3Isinauli ni Rizal ang isangdaang franco na ipinadala sa kanya ni Serrano, upang gugulin sa kanyang pagbalik sa Paris, at nang sa gayon ay hindi mabigatan Iubha si Serrano; katulad ng lahat n;; pagkakataoll. hangga't maaari ay hindi nangutang si Rizal upang hindi makabigat kahit kanino, kahit na siya'y inaabot ng malaking pangangailangan. 1


459

Kung minamarapat mong malimbag ang sulat sa taga-Malolos, ay ipalimbag mo, sa . pangalan ko; kailangan ko lamang ay pagigihin ang wikang tagalog, at sa bagay na ito'y ibig ko sanang mabasa ang mga prueba, at saka ikaw na ang bahalang magpakinis, yamang sa balak ko'y bihabihasa ka sa wikang tagalog sa pagka't marami ka riang kapulong: ang Ar'ancel ay isang katunayan nitong aking sinasabi. 4 Kung si Graciano'y nagpipilit na pasa Habana, ay pumaroon siya at magkaroon nawa siya ng maligayang paglalakbay; marahil ay do on siya papaladn; sinasabi ko sa kanya, gayunman, na kung hindi magkatotoo ang mga pag-asa niya, ay ibaling ang kanyang mga mata sa kanyang lupa, at sakaling ako'y naroroon 0 nasa isang bayang malapit, kasakdalang hamak ang aking kalagayan, ay paroon siya sa akin at mamumuhay kaming magkasama. 5 . Ninanais kong tlmuwi sa Pilipinas, at kasakdalang maging isang kapangahasan atdsang kawalan ng bait, ay ano ang kailangan? lahat ng mga pilipino ay paraparang mahinahon, kaya gayon ang lakad ng ating bayan, at yamang sa wari ko'y hindi mabuti ang ating lakad sa landas ng pagkamahinahon, ay hahanap ako ng iba: sino ang nakaaalam kung iyon nga'y hindi tunay na isang lupang natatangi, na nararapat pamahalaan sa pamamagitan ng mga tanging batas? Ang tanging nakapipigH sa akin ay umaayaw ang aking mga magulang, may tungkulin akong huwag ligaligin ang mga kahuli-hulihang araw nila; sa gayong pangyayari ay mag-aantay 4 Si Rizal ay hindi nag-aalinlangang' umamin sa kahigtan sa kanya ni Ponce tungkol sa pagsulat 0 paggamit ng wikang tagalog. Hindi lamang dito kundi sa iba mang pagkakataon ay gayon ang sinabi niya, hindi lamang kay Ponce kundi kay del Pilar man. Ang sulat sa kadalagahan sa Malolos ay hindi inilathala noon, gaya nang mungkahi ni Ponce; ang unang pagkakalathala ay ginawa sa ayos na parang isang polyeto sa El Rena.simienta, na may mga tala ni Ponce, nang 1902.

5 Hindi lamang minamahal ni Rizal si Lopez Jaena kUlldi ito'y pinaglalagakan ng malaking pag-asa, bilang bang mahalagang sangkap sa kapakanan ng usaping kanilang ipinag-tatanggol.


460

ako at maghahanapbuhay kahit saang ibang panig ng daigdig.6 Si Pedro Serrano ay nasa Paris: hindi ko pa natatal os hanggang ngayon ang ikinaparito niya. 7 Kapag ako'y nakaluwag-Iuwag ay paroroon ako upang makipagkita sa kanya. Pinasasalamatan kita sa iyong kagandahang loob sa pag-aanyaya sa aking mamuhay na kasama mo at ni Del Pilar, at kung maaari ay si Serrano rin; tayong apat ay makapagtatatag ng pagsasamahan ng lahat ng mga pilipino sa Europa; tayong apat ay maaaring maging apat na muskitero na dadaig sa mga muskitero ni Dumas,8 datapwa't katoto ko, hindi ko minamabuting rnakabigat kaninuman, at hindi ko rin minarnabuting rnaragdagan pa ang aking rnga pagkakautang. Mga alaala sa lahat. Sumasaiyo, RIZAL

HABOL: Sa sandaling ito'y katatanggap ko ng liham ng aking kapatid na lalaki at lakarin ko raw sa Madrid ang usapin laban sa Hasyenda; sakaling paroroon ka sa Madrid, ay baka rnapahinuhod din ako at pumaroon: sulatan rno ako. Paroroon din ba si Serrano? N aririyan pa ba si Marcelo? 6 Si Rizal ay pinagpayuhan ng kanyang mga magulang na huwag umuwi, kaya't nang siya'y parito ay nagdaan muna sa Hongkong' at doo'y nanggamot sa loob ng maraming buwan, alang-alang sa payo ni G. Jose Maria Basa. Pagkatapos ng Hang' panahon ay nakipisan sa kanya sa Hong'kong ang kanyang mg-a magulang, ang kanyang kapatid na si Paciano at ang kanyang kapatid na babaing sin a Lucia, Josefa at Trinidad, kasama :mg dalawang matapat na alila.

7 Tinutukoy si Pedro Serrano Laktaw, na kararating lamang, at may taglay na kasulatang nilag'daan ng mga namumuwisan !:l:l Kalamba na nagbibigay kapangyarihan sa kanya upang siyang kumatawan sa Kataastaasang hukuman. 8 Dahil sa kahilingang ito ng kanyang kapatid na si Paciano, si Riza: ay lumipat sa Madrid nang mga unang araw ng buwan ng Agosto upang lakarin ang usapin ng mga namumuwisan at ng asyenda sa Kalamba, na idinulog sa kataas-taasang hukuman sa Madrid, bagaman may hangad siyang pasa-Alemanya, kasama si Valentin Ventura.


461 217.

Buhat kay Rizal para kay M. H. del Pilar *

Karugtong ng "Ang Katamaran ng mga Pilipino." Tungkol pa rin sa usapin.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruse1as Ika-20 ng Hulyo, 1890 GINOONG MARCELO H. DEL PILAR 43 ATOCHA, MADRID, ESPANYA PILING KAIBIGAN:

Kasabay nitong tatangapin mo ang dugtong ng Indolencia de los Filipinos,l sampu ng mga poder sa usapin dinala ng kaibigang Serrano bagay sa casaciong ihaharap sa Tribunal Supremo. Ynilakip ko sa sulat na ito ang sulat ng aking kapatid;2 basahin mong mabuti ang lahat, at ako'y paparian, marahil ay sa loob din ng buang ito. Ang sulat ng aking kapatid ay huag mong ipakita sa iba. 3 Sabihin mo 1amarig sa akin kung kailafigan akong madali dian. Ang plazo raw ay 60 araw mula sa 2 ng J unio. Kaya iharap mo agad: saka na kita hah路3.linhan. Ynilakip ko rin naman ang correccion ng Indolencia;4 lmaipalilimbag ba natin itong paris ng Barrantes? Hiling ko 1amang sa iyo'y ikaw na ang baha1a sa mga correccion; tila ang cajista'y may kaunting kahinaan. Pagdating ko rian ay kita'y tutu1ungan. Huag mong sabihin sa kanino mang ako'y darating .; * Nasusulat

sa tagalog ang orihinal ng sulat. Tinutukoy ang ikalawang bahagi ng La Indolencia de los Filipt1WS (Ang katamaran ng mga Pilipino) na nalathala nang ika-31 ng Hulyo sa La SolidQ!ridad. 2 Upang kumatawan sa kallila sa kataas-taasang hukuman sa Madrid, ang mga naninirahan at mga namumuwisan sa asyenda sa Kalamba ay lu.magda sa isang kasulatang nagkakaloob ng kapangyarihan kay del Pilar upang kumatawan sa kanila. Ang mga naninirahan at mga namumuwisang ito, ay ang sumu~unod: Antonino Lopez, Silvestre Ubaldo, Nicasio Eigasani, Leandro Lopez, Paciano Rizal, Matias Belarmino, Cayetano de Jesus, at iba pa. 3 Tumutukoy sa sulat bilang 128 sa kanyang mga kaanak. 4 Tungkol sa katwmaran ng -mga PililJino; ang mahabang artikulong ito ni Rizal ay nalathala sa limang bilang ng rebistang La Solidaridad buhat nang ika-35 hanggang ika-39 ng nasabing pahayagan, na nauukol sa ika-15 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Setyembre, 1890. Tila ang artikulong ito'y hindi inilath!tla na parang hiwalay na polyeto, katulad ng kasagutan kay Bal'ralltes tungkol sa dulaang tagalog at ng iba pang mga artikulo. (LLR). Nang dakong huli, ang nasabing lathalain ay llilimbag ng Nueva Era Press. (JPB). 1


462

aya\y akong ako'y salubungin ng sinoman. 5 Si N aning

sana'y datnan ko dian; di-malayong makasabay ko si Serrano. s Basahin mong magaling ang sulat ng aking kapatid. l May matutuluyan ba ako dan? Yto na lamang. RIZAL

Mabuti ang al路ticulo mo bagay sa politica. 7 218.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Buhat sa Trouvi1le ay lumipat sa Benseval.-Si Luna (ang pintor) ay dumadalaw s.a Madrid.Ang mga pilipinong naninirahan do on ay gaya rin ng dati.-Sa halimbawa ni Antonio Luna, ang mga pilipino'y pangatawanang nag-aaral ng paggamit ng plorete.-Nangababantog sa katapangan at kalakasan sa pananand.ata.-Isang tungkulin sa "La Solidaridad' para kay Antonio.-Nagpipinta ng mga ~nawin 0 naghuhuli ng mga hip on at talangka.

Benzeval-HoulQ:ate Ika-24 ng Huiyo, 1890 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS MINAMAHAL NA KAIBIGAN RIZAL:

Dito na kami tumitira ng aking buong kaanak; ito'y isang pook na maraming paliguan, lubhang marikit at hindi totoong maingay na gay a ng Trouville, na ang layo rito'y may 13 kilometro. Ang buwan ng Hunyo'y pinaraan ko sa Madrid, nakita ko ang lahat halos ng mga pilipinong naninirahan doon; lahat ay gaya rin nang dati, ang ilan ay masisipag at ang ilan ay palasugal at tamad : ang kabutiha'y dahil sa halimbawa ni Antonio, lahat ay pawang nag-aaral ng 5 Hindi ibig ni Rizal na malaman ng mga pilipino ~' a Madrid ang kanyang pagdating doon, hindi sapagka't ayaw siyang makipagkita sa kanila kundi upang huwag magkal'ol)n ng hinala sa lal'angan ng kanilang mga kaaway at tungkol sa layon ng kanyang paglalakbay. 6 Nang una, si Rizal ay masiglang-masigla kay Serrano; marahil ay inaasahan niyang malaki ang maitutulong nito; gayunman, pagkatapos ay nawalan siya ng pag-asa at nagtamo ng malaking pagkabigo, dahil sa mga ipinamalas na gawain nito. 7 Hindi malaman kung aling artikulo ni del Pilar ang tinutukoy.


463

paggamit ng plorete, at ang mga pilipino'y may kabantugan na sa katapangan at kalakasan sa pananandata. Hiniling sa akin ni Antonio na sulatan daw kita, yamang malakas ka sa "La Solidaridad" at siya naman ay halos wala nang magugol, na baka siya'y mabibigyan njnyo ng isang tungkuling ang sahod ay 8 0 10 piso isang buwan, halaga nitong maaari niyang ikapagpatuloy sa pag-aaral ng pananandata at iba pang mumunting kailangan. N ababatid rno nang dito'y sinusunod ang palakasan ng kapit at pagtatagubilin upang huwag /' malimot ang kinagawian sa ating inang-bayan. Hindi ko minabuting banggitin ang bagay na ito kay Del Pilar sapagka't hindi ko siya gaanong kapalagayang loob. A1am mo nang ako ang tumutustos kay Antonio, at ang buwanang pensiyon niya'y 35 duro 1amang; kaya masisiyahan siya sa munting ka100b na ito; tungko1 sa paggawa ay natata10s mong marami siyang nalalamang gawin. Hindi magtatagaL at darating sina Trinidad at mga kaanak, gayon din ~i Tula, na kasama rin ang kaanak. Binabalak naming magsanay ng panunudla, na ang gagamitin ay baril at rebolber. Isinulat sa aking ikaw raw ay uuwi sa Maynila, totoo ba iyon? Ang hinaharap ko rito'y ang paglalarawan ng mga tanawin, at kung hindi ako pumipinta ay nagliliwaliw nang lakad, sa mga bayang kanugnog; manaka-naka'y nanghuhuli ako ng mga hip on at talangka, at ang lagi kong kasama ay si Luling, na kung magsalita'y para nang isang pranses. Mga a1aala ni Paz, mga halik nina Luling at Bibi, at isang yakap ng iyong kaibigan, JUAN LUNA

Si Vigil, patnugot ng Aklatan-Museo ng Ultramar, ay nagbilin sa aking ipakisabi sa iyo na kung magmamagandang loob ka raw na magpadala sa Ak1atan ng iyong mga akda, ay tatanawing ma1aking utang na loob sa iyo. Sagutin mo ako. Pumaroon ako sa Toledo, kasama ng ilang pilipino; ang pagliliwaliw ay mabuti't maraming naituro. Ang aking mga pa1atandaan: Maison Guillemette} Benseval-Houlgate (Ca1vados). HABOL:


464 219. Ruhat kay Rizal para kay Ponce

:;<

Binabalak na pagparoon sa Madrid.

Bruselas Ika-29 ng Hulyo, 1890 GINOONG MARIANO PONCE RAMBLA DE CANALETAS 2-3.0 BARSELONA, ESPANYA PILING KAIBIGAN:

Ako'y paalis dito sa pang una ng buang sasapit patungo sa Madrid. Kita sana'y matagpuan do on sampu ni Pilar. Si Serrano'y paparoon din. Darating ako sa Madrid sa ika tatlo 0 ika apat. Yto na lamang, RIZAL

220. Ruhat kay Jose M. Rasa para kay Rizal Sulat sa Propaganda sa Maynila.-Sa pamamagitan ng mga ,am bag, ay llangangako si Basa kay Rizal na ito'y pepensiyunan ng P100 buwan-buwan sa Madrid. Tutol sa pagbalik ni Rizal sa Mayllila.-Inaamuking sa Hongkong manirahan at dito'y uunlad ang kalliyang karera.

Hongkong Ika-4 ng Agosto, 1890 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS MINAMAHAL NA KAIBIGAN AT KABABAYAN:

\ Kahapo'y tinanggap ko ang inyong nakalulugod na liham nang ika-l1 ng Hulyo, at natuwa ako nang malamang mabuti ang inyong kalagayan. Natanggap ko ang inyong sulat para sa inyong kaanak at ikalulugod kong ipadala sa kanila sa kauna-unahang bapor na tutungo sa Maynila. Sa kauna-unahang bapor ay magpapadala ako ng sipi ng inyong liham sa patnugutan ng Propaganda sa Maynila. Titingnan ko kung makalilikom ng kaunti at kayo'y mapensiyunan ng PI00.00 isang buwan sa Madrid, gaya ng inyong ninanais; sa ngayo'y maaasahan f,<

Tarhetang pangkol'eo na nasa-wikang tagalog.


465

ninyo ang kaunti kong tulong at anum an ang isagot sa akin ng mga kasama natin ay ipagbibigay-alam ko sa inyo. Huwag ninyong pagkaabalahan ang aklat ni Dr. Pardo; iyon ay hindi ko naman kinasasabikan. Sa ngayo'y huwag ninyong isiping umuwi sa Maynila; ipagpaIiban ninyo sa iba.ng pagkakataon; saka na tayo umuwing magkasabay. Sa haIip na tumungo sa Maynila, ay dito kayo parito sa Hongkong, gaya ng sin abi ko na sa in yo noon pang una, pagka't hindi ako nagaaIinlangang uunlad dito ang inyong karera. Sa mga Morga ninyo, ang naipadadala ko hanggang sa araw na ito sa Propaganda ay mga 170 sipi; sa sandaIing ipadala nila ang kabayaran ng mga iyon, ay ipadadala ko naman sa inyo. Ang mga nasa-Madrid ay hindi sumusulat sa akin. Hindi panay na dumarating ang "La SoIidaridad" at dumarating man ay sa ngalan pa ng iba, aywan ko kung bakit. Sa bagong kalagayan ng Espanya, ay umurong tayo nang may labinIimang taon. Ninanais kong kayo'y manatiling walang kapansanan sa ikabubuti ng inyong bayan, at huwag ninyong isipin ang pagparoon sa Maynila; manapa'y pumarito kayo sa Hongkong, at mag-utos kayo tuwi-tuwina sa inyong kaibigan at kababayan. J. M. BASA HABOL: SakaIing kayo'y susulat kay Pilar, ipakisabi lamang ninyong si Ginoong Panis, na pinadadalhan niya ng "La SoIidaridad" ay wala na rito, malaon nang tumungo sa Bombay. Pagkakataon na lamang, na talagang hindi inaasahan, na natanggap ko ang mga balutan ng pahayagang ito. Hindi ko maunawaan kung bakit hindi sa akin ipinadadala, gayong matagaI ko na silang sinulatan tungkol sa bagay na ito, at hindi man lamang nila ako tinutugon. PAALAM


466

221. Ruhat leay Juan Luna para kay Rizal Ang anak na rin ni Barr-antes ay tumututol sa kanyang ama.-Pagtatagubilin na pakibayaran ang kasera ng kapatid niyang si Antonio.-Tungkol sa binabalak na pagbalik sa "naglahong paraiso". At ang ikalawang bahagi ng pinupuring "Noli"? Gawing isang buwig na nakahandang manlaban ang kabataang pilipino alang-alang sa kapurihan ng lahi.-Kay sarap ng buhay sa parang!

Houlgate Ik3-13 ng Agosto, 1890 GINOONG JOSE RIZAL lVIADRID, ~SP ANYA MINAMAHAL N A RIZAL:

Sa pamamagitan ng sulat na tinanggap ni Trinidad ay napag-alaman kong ikaw ay nasa-Madrid. Sadyang katawa-tawa na ang anak na rin ni Barrantes ang siyang tumutol sa kanyang ama, at mabuti yatang mapakinabangan ninyo ang anak na ito. Angaw-angaw :qa pasasalamat ang ipinahahatid ko sa iyo sa lahat ng bagay na ginawa mo alang-alang kay Antonio, na inaakala kong pinagsabihan mo na. Kalakip nitong ipinadadala ko sa iyo ang 100 prangko, at ipinakikiutang ko ng 100b na pakibayaran mo ang babaing tinitirhan ni Antonio, sa daang Clavel, bilang 6. Sinisingil ako nito ng 250 piseta na pagkakautang daw nang mga nagdaang buwan ni Antonio. Sa~ kaling si Antonio ay doon pa nakatira, bayaran mo aug kasera ng 100 prangko sa pagkakautang na iyan, at sabihin mo sa kanyang ang kapupunan ay saka ko na ipadadala sa mga kalahatian ng buwan ng Setyembre, sapagka't sa buwang ito'y nag-aantay ako ng sagot na manggagaJing sa Maynila. Sakaling si Antonio naman ay hindi na doon nakatira, ay huwag rno siyang bayaran at kay Antonio rno ibigay ang kuwalta. Ipagpaumanhin rno ang kaabalahang ito at isang angaw na pasasalamat. N amarnalas kong nahahanda kang umuwi sa PiIipinas at manirahan sa paraisong iyon, na hindi ko nakikilala. Sa ganang akin, sa kabila ng malabis na paglulunggating makauwi at mayakap ang aking rnga magu-


467

lang, sa wari ko'y hindi ko mabibigyang kasiyahan sa ngayon ang aking mga lunggati. At ang ikalawang bahagi ng iyong Noli na lubhang napabantog? Inaakala kong ipalilimbag mo sa Madrid. N atatalos mo nang sakaling mangangailangan ka ng isang tagapaglarawan ay maaasahan mo ako, gaya ng ginagawa ko para kay Antonio, isang tagapaglarawang di nagpapakilala. Marahil ay nakatagpo ka sa lipunan ng ating mga kababayan, ng malaking hilig sa paggamit ng sandata at mabuti ngang kayo'y magdaos ng isa pang sagupaan ang uring ito ng laro ay ikapaging isang buwig ng mga kabataang pilipinong nakahandang manlaban sa ikararan gal ng lubhang inaabang lahi ng mga Ehipsiyo, gaya r.g sinabi ng ating walang kamatayang makatang si Don Pedro. Sabihin mo sa akin kung binabalak mong tumigi! diyan nang mahabang panahon, sapagka't inaakala kong sa buwan ng Oktubre ay hindi na maiuurong ang aking pagpariyan. Ang pamumuhay sa parang ay nakabubuti sa aming lahat, at sa ilalim ng pamamatnugot ni ...... (hind~ mabasa) ang buhay dito'y walang pinag-ibhan sa buhay sa Tundo 0 sa Antipolo; gumagawa ng patis, tuyo at iba pang kakanin. Sa aming halamanang pansahog ay nakaaani kami ng karaniwang repolyo, sitaw, sibul, aguron, at iba pa; mayroon din kaming mga melokoton, mansan as at isang mabungang ubas. N apakasarap maligo sa dagat, at ang aking kinagigiliwang laro ay isang sa-' ranggola, na ako ang gumawa at hinahang~an ng mga bata sa bahay at ng mga taga-labas. Ibati mo ako kina Del Pilar, Roxas, Apacible, Bautista, at sa lahat ng mabubuting kaibigan at kababayan na nakaniig ko sa Madrid. Mga kumusta nina Paz at Aling Juliana, mga halik ng aking mga anak at isang yakap ng iyong magiliwing kaibigan. JUAN LUNA


468 222.

Bnhat kay Juan Luna para kay Rizal

Pangyayaring nakasusukal ng loob dahil sa alak. Si Antonio Luna, matigas ang loob at may malaking pag-ibig sa sarili.-Gapusin siya, sakaling maglasing uli.-Pagpayuhan siya ni Rizal bilang isang mabuting kabigan.

Benzeval-Houlgate Pransiya Ika-26 ng Agosto, 1890 GINOONG JOSE RIZAL M ADRID, ESPANYA MINAMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko ang iyong sulat nang ika-23 pati ng resibo ng patrona ni Antonio. Dinaramdam ko nang buong puso ang nangyari sa inyo ni Antonio at ang nangyari rito at sa iba niyang kaibigan, sapagka't sa paanu't paano man, bagaman iyon ay lasing, ang mga away na ito'y nakasusukal ng loob at maaaring ikinapalakpak sa katuwaan ng mga kastila sa Maynila. Sa wari ko, ang pangyayaring ito'y hindi magiging dahil ng anumang taniman ng loob ng mga pilipino at ni Antonio, sapagka't matapos bawiin ang kanyang mga sinabi at magbigay ng kapahintulutan upang siya'y igapos sakaling siya'y maglasing uli, ay nagpapakilalang siya'y nagsisisi sa lahat ng masamang nagawa niya sa pagtitipon at sa mga kaibigan. Totoo ngang si Antonio ay matigas ang loob at maramdamin nang gayon na lamang kapag nasasalang ang pag-ibig sa sarili; ito'y lubhang mabuti kapag ang dahilan ay mabuti; kaya nga hindi ko siya pinangungusapan, gaya ng iyong sinasabi, at hinihintay kong isang matalik na kaibigan niya ang magpayo sa kanya ng mga bagay na hindi ko maipaalaala; kaya't iniuutang ko ng loob sa iyong huwag mong tulutang siya'y maglasing uli sa Huwebes, araw ng pagtitipon ninyo uli. Lubos kong dinaramdam na hindi ako makadalo sa inyong mga pagtitipon at managano sa kasiyahang ibinUbunga ng pagkakamalas na nagkakatipun-tipon ang lahat ng lnga kaibigan at kababayan, at ipinamamanhik ko sa iyong ipakisabi sa kanila na kahit ako'y malayo at nasa sulok na ito ng Pransiya, ang paggunita sa gayong mabubuting kaibigan ay ikinasisiya ko nang di-


469

sapala, at urnaasa akong babatiin rno silang lahat ng isang yakap sa aking ngalan; nakikitagay akong kasarna nila sa ikabubuti ng Pilipinas at para sa Pilipinas, at ninanais kong huwag silang rnalason ng alak-kastila. Nalalaman mo bang naging napakasaklap sana kung ang pagkakahilig sa pananandata ay kakasangkapanin upang tayo'y magpatayan, sapagka't diya'y may mga indiyong taga-Batangan at iba pang magkakapangkat. Si Trinidad ay nag-aaral din ng paggamit ng plorete. Ang propesor niya'y si Gamoty ng Paris at may dalawang silid siya, isa sa daang Balzac at isa sa Pasyalang Haunmann. Mga pakumusta ng lahat ng kasambahay, nina Trinidad, Tula at kaanak. Sumasaiyo, J. LUNA 223.

Bllhat kay Catalino Dimayuga para kay Rizal

Salam at sa tagapagiuro ni Lauro.-Pinaalalahanan ang anak na magsikap upang maging isang toong pakikinabangan.-Mga pagkabalisa tungkol sa pagkamapaghinala.-8akaling kinakailangang bumago ng ibang singaw ng lupa ay tumungo sa ibang lupain at mag-aral sa piling ni Rizal.-Pahiro ng P500, bilang tulong ng madlang kaibigan sa pagpapalaganap na makabayan.-Ang "La 80Iidaridad" ay lumalaganap sa Batangan.

Villa de Lipa, Batangan Ika-8 ng Oktubre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MADRID MINAMAHAL KO AT IPINAKATATANGING KAIBIGAN:

Mahahaka na ninyo ang malabis na kagalakang tinarno ko nang aking tanggapin ang iyong sulat nang ika-5 ng Agosto na aking tinutugon ngayon, at ako'y tuwang-tuwa at nagpapasalamat buhat ~a kaibuturan ng aking kaluluwa sa kapaki-pakinabang na payong ibinigay ninyo kay Lauro at sa pagsusurnakit na sa kabilang dako'y ipinakita ninyo sa akin. Sa lahat halos ng aking rnga liharn, gaya ng inyong mauunawaan, ay sinikap kong rnapanibulos si Lauro sa


470

pag-aaral ng isang karera, maging ano man ito, upang pagkatapos ay maging isang tao siyang maaaring pakinabangan ng lipunan, at ang karerang iyo'y maaari niyang pag-aralan sa pangulung bayang iyan, 0 kahit sa ibang bansa; at ikinagagalak ko ngayon ang mabuting pasiya ninyo, na katugung-katugon ng ninanais ko, bagaman sa kabilang dako'y nalulungkot ako at nababalisa nang gayon na lamang dahil sa sakit na sinabi ninyong napansin sa mabuti niyang pangangatawan, na parang simula ng pagkatigatig ng budhi 0 paghihinala sa mga hamak na bagay, bagaman ito'y hindi pa malala~ man sa ngayon. ,Sakaling inaakala ninyong lalakas ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagbabago ng singaw ng lupa, ay maaaring sabihin ninyo sa kanyang makatutungong kagyat sa ibang bansa upang do on ipagpatuloy ang pag-aaral ng isang karerang lalong kinahihiligan niya. Sapagka't sang-ayon sa palagay ko'y nasa-ibang bansa ang palagian ninyong itirahan, at manaka-naka lamang kayong tumitigil diyan sa loob ng maikling panahon, ibig ko sanavg ipamanhik sa inyo, kung maaari, na sa inyong piling siya mag-aral, sapagka't sa ganitong paraa'y maaari ninyo siyang patnubayan at pa.gpayuhan, hindi lamang tungkol sa pag-aaral kundi ukol din naman sa pag-iingat sa kanyang katawan. Ipagpatawad ninyo ang pagkamaaking ito na katutubo sa isang amang gay a ko, na may anak na lalaking malayo sa kanyang tahanan at nabibilad sa sanlibong panganib, at humahanap ng isang makakatulong sa mga sali-salimuot na kapalarang maaarIng umabot sa kanya, at wala nang ibang makapagdudulot sa akin ng kapalarang ito kundi kayo, dahil sa angkin ninyong kakayahan, kawalang pag-iimbot, at libu-libong katangiang napipisan sa inyo, at dahil din naman sa napakatanging panggalang na iniuukol ko sa inyong pagkatao, na ngayon at kailanma'y ikinalulugod kong ipahayag. Ako'y masakitin dahil sa mga bakas ng dati kong karamdaman, ang rayuma; datapuwa't sa sandaling ako'y gumaling sa sakit na ito, ay luluwas ako sa Maynila upang ayusin ang pensiyon ni Lauro na 'ipadadala


471

sa Liege, 0 saanmang pook ng Europa na piliin ninyong tirhan niya. Natanggap namin ni Bernardo ang inyong magiliwing alaala, at ipinakiusap nito sa aking sa inyo'y ulitulitin ang kanyang mga alok at magpasalamat ng maraming-marami. N atanggap ba ninyo kay Aguilera.. buhat sa Madrid, ang isang pahirong 500 piso na sisingilin sa Paris, sa paghaharap ng kasulatan at sa ngalan ninyo; ang halagang ito'y nalikom dito at nanggaling sa ilan bilang abuloy sa inyong marangal na pagpapalaganap? Wala kaming balita kung natanggap na ninyo 0 hindi. Kalakip nga nito'y ipinadadala ko sa inyo ang ikatlong sipi, sakaling hindi ninyo natanggap ang una ni ang ikalawang sipi. Wala na akong masasabi sa iny~ liban sa aking pasasalamat at sa libong paggiliw na buhat sa malayong lupaing ito'y pinaaabot naming Iahat sa inyo. N akalimutan kong sabihin sa inyo na sa lalawigang ito'y nagkakaroon ng mabisang bunga ang makabayang pagsisikap na itinataguyod ng La SolidaTidad na nagtatanggol sa mga kapakanang napalungi ng kapus-palad na bayang ito: halos lahat ng bayan ay kakampi niyon. Kasabay ng pagnanais sa inyo ng lahat ng uri ng kaligayahan, ay ikinagagalak kong ihandog sa inyo, gay a ng dati, ang aking matapat at magiliwing paglilingkod. CATALINO DIMAYUGA


472

224.• Buhat kay Juan Luna para kay Rizal Isang palwal sa matrikula ng kapatid niyang si Antonio.-Pagsisiwalatan ng mga lihim ng mabubuting magkakaibigan.-Ang mga naninirang-puri sa ating ay nag-aakalang ang pinakamagagaling na pintor sa buong daigdig ay kalahi nila . . . Hamak na pagkukuro !-Lahat ba ng mga katha ni San Agustin ay nasa-wikang latin?

Paris 26 Villa Dupont, 42 daang Pergolese Ika-12 ng Oktubre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MINAMAHAL KONG RIZAL:

Kamakalawa'y tinanggap ko ang iyong liham at ngayo'y tinanggap ko naman ang kay Antonio. Ang mga matrikula ay umaabot sa 162 piseta. Kalakip nito ang 100 at ang kulang ay umaasa akong pagpapalwalan mo na, sapagka't ngayo'y araw ng Linggo at hindi ako makapagpahiro ng pera; at sa kabilang dako'y hindi ako makatagpo ng papel de bankong ang halaga'y 50 upang rnaipaloob sa suI at na ito, na aking dinadali-dali, yarnang, sang-ayon kay Antonio, ay ipipinid na sa ika-16 ang pagmamatrikula. Dahil dito'y ipinakikiusap ko sa iyo, na siya'y bigyan mo agad ng 162 piseta, at bukas ay ipahihiro ko sa iyo ang kakulangan ng 100 ito. Makalilibong ipagpaumanhin mo na sana ang mga pag-abalang ito, sapagka't katoto, bagaman tunay ngang maiiwasan ko ang mga pag-abalang ito sa iyo kung kay Antonio na rin ipadadala ko nang tuwiran ang halaga, datapuwa't ang nangyari'y nang minsang ipadala sa akin buhat sa IVlaynila ang halaga ng katibayan ni Antonio, at ipadala ko naman iyon sa kanya, hangga ngayon ay hindi ko pa nalalaman kung nilustay niya ang buong halaga 0 bahagi nito, sapagka't hangga ngayon ay hindi niya isinusulat sa akin kung nasa-kanya na ang katibayan. Ang pagtatapat na ito'y ginagawa ko sa iyo upang rnataho rno kung bakit ako'y napipilitang urnabala sa iyo sa ganitong paraan. Sabihjn rno nga kay Antonio na hiniram ko sa iyo ang hal agung ito, at sakaling ayaw niyang tanggapin, ay ipinakikiutang ko ng loob sa iyo na ikaw na ang


473

magmatrikula para sa kanya at ibigay mo na lamang sa kanya ang mga papel. Itinatanong ni Aling Juliana kung ang lahat daw ng mga katha ni San Agustin ay nasa-wikang latin, sapagka't sakaling gayon nga ay hindi niya pakikinabangan, gaya ng nalalaman mo na. Totoong maraming gawain ako sa bahay. N apakahamak at napakakitid na isip! Totoo nga, at angkop sa mga taong mangmang na maniniwala (gaya rin sa lahat ng ibang bagay), na sila ang pinakamagagaling na pintor s,a daigdig.

Mga alaala nina Paz, Aling Juliana at mga halik ng aking mga anak. Magiliw na sumasaiyo, JUAN LUNA

225.

Buhat kay Guillermo Puatu para kay Rizal

Si Rizal, "ulong tagatangkilik ng mga pilipino". Dapat pagkasunduin ang mag-aanak na Puatu at si Del Pilar.-Taglay din nila ang sagisag na mapagsarili.-Walang kadakilaang hindi matatamo sa pamamagitan ng lakas ng kalooban at ng pagtitiyaga.

Pontevedra Ika-2 ng Nobyembre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL l\1:ADRID PINAGPIPITAGANAN AT ITINATANGING KAIBIGAN:

Kayo na may matuwid na tawaging ulong tagatangkilik ng mga pilipino, bagaman tila nakakatawa ang pagkakahambing, sapagka't nagtataglay kayo ng katangiang umakit ng mga kaloobang nagkakasalungatan, lunasan ang pagkakaalitan at pagkakalayo ng loob na buhat sa mga pagtataniman, tipunin sa mga pista ang mga taong ni ayaw magkatama ng mata sa lansangan; sa inyo ako dumudulog, bilang gayong ulong pangunahin at bilang kaibigan, upang sa inyo'y ipamanhik na kayo na sana ang bahala sa ipinadadala ko sa inyong kalakip na sulat ng aking kapatid na lalaki. N aniniwala akong ang aking kaanak ay hindi naging maka-prayle kailanman-ni isa man sa kanila'y


474

hindi naging gayon--upang pakitunguhan sa paraang gaya ng pakikitungo sa kanila; bukod sa ako, bagaman walang gaanong halaga sa piling ninyo, ay lagi nang masigabo sa marangal at makatuwirang layuning inuusig, at ang totoo'y hindi ko malaman ang dahilan ng ganitong pag-aaway ng mga magkakapatid (sapagka't lahat ay nagkakaisa ng lapian); ang kapatid ko'y ni hindi tumanggap ng pinabubuwisang lupang ninakaw (lupang hasyenda) kasakdalang inaalok na pilit sa kanya, at tuwina'y nag-ukol sa inyo at kay Del Pilar (na ninanais kong inyong kausapin tungkol sa bagay na ito) ng mga pangungusap ng pagkalugod sa inyong layunin, na layunin din naman namin路; hindi ko na1alaman ang katotohanan ng nangyari; hindi ko maunawaan, marahil ay isang mapanirang kamalian ng kabilang panig na kalaban; marahil ay hindi napagsiya ang sagis3.g na mapagsarili na tag1ay ng hinarang. Bagaman sa kasawiang palad, ang pagkakakila1a ninyo sa akin sa Paris ay isang salawahang-Ioob, ay hindi ako naging gayon kailanman sa pagmamahal ' sa inyong pagkatao, at pagmamal~sakit kung makita kong umijhip ang sigwa ng pagkainggit sa paligid ng inyong estatuwa; datapuwa't ito'y higit 11a nagbunga para sa inyo ng kabutihan kaysa ibang bagay; sapagka't mabuway noong una sa magalaw na patungang kinalalagyan, palibhasa'y isinilanJ at itinaas sa init ng sigla ng madIa, ay lalong naging matatag na muli't muli nang yugyugin ng sigwa ring ito. Inaakala kong kung malalapatan ng isang kapasiyahang pang-magkakaibigan at maligaya ang usaping ito, makikinabang tayong lahat na kumakatig sa inyong lapian; bukod sa rito'y alam ninyong mabuti nang lahat tayo'y may kani-kanyang kapakinabangan kahit kaunti sa daigdig na ito; para sa bagay na iyan kaya tayo isinilang; walang kadakilaan, magpakatayug-tayog man na di nararating sa pamamagitan ng lakas ng loob at ng pagiitiyaga; kaya't 路s a pangllahawak ko sa tuntuning ito'y hindi ako nangangani-nganing maaba1a dahil sa inyo, upang sa araw ng bukas na ako'y inyong kailanganin, ay mapag-utusan ninyo ako nang lubos na pagtiti wala. . . Mauunawaan na ninyo sa sulat na inila1akip ko, ang taong ma1apit 3a inyong piling, na aking tinutukoy~


4'75

na dili iba kundi ang ating pinahahalagahang kababayan at kaibigang Del Pilar. Ang inyong magiliwing lingkod na humahalik ng inyong kamay. {GUILLERMO PUATU

H abol: Sa ngayo'y wala akong masasabi sa inyong ibang mga palatandaan tungkol sa padalahan ng mga sulat maliban sa talaan , ng koreo ng Santiago (Galicia), sapagka't ako'y naririto pa lamang sa Pontevedra, nagdaan Iamang na patungo sa lunsod na iyon. , Binabati ko kayo nang taimtim sa puso dahiI sa utos na pagpapalayang inilagda ng kagawad-bansa, para sa inyong mga kamag-anak. 226. Buhat kay Juan. Luna para kay Rizal Tungkol sa "Isang tugon kay 1. de los Reyes."Masama ang ginawa ni Isabelo nang pabulaanan nito ang "Mga paliwanag sa Kasaysayan ni Morga" .-Iniaalay ni Luna kay Rizal ang isang boseto tungkol sa kamatayan ni Magallanes.-Magiging lalong ang~op ang pamagat na "Tagumpay ni Lapulapu at pagtakas ng mga Kastila".

26 Villa Dupon, 48 Daang pergolese Paris Ika-8 ng N obyembre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MINAMAHAL KONG RIZAL:

Sanlibong salamat sa katuusan mong napakaliwanag; bilang kinatawan ay wala kang kasing"talaga; da- , tapuwa't naunawa ko ring ang lahat nang ito'y isang pagkaabala, kaya't isang napakalaking pGtutang na 100b ang sa aki'y iyong ginagawa. Kalakip ng liham na ito'y isang kasulatan ng pagpapalitan ng salapi sa halagang 120 piseta, na 'kung idaragdag sa 40 nalabi sa ibang pahiro, a'j magiging 160. Sandaa't limampu ang ibibigay rno sa patrona ni Antonio (hingan mo ng re~ibo at ang 10 ay kay Antonio, na pati ng 40 galing sa Soli (Solidaridad) ay mayroon na siyang para sa maliliit na gugol. Binabati kita sa pakikibakang itinaguyod mosa


476

mga pahayagan diyan, at harinawang dinggin ang iyong mga karaingan sa ikahuhuti ng iyong kaanak at ng ating bayang tinubuan. Ang ipinagdamdam ko'y ang lathalain mong "Isang tugon kay I. de los Reyes", sapagka't kahit na marami kang matuwid na pinanghahawakan, ang pagkakaalit na ito ng palagay ay ikatutuwang di-sapala ng mga Kastila sa Maynila. Masarna ang ginawa ni Isabelo (na kaibigan ko rin) ; talagang napakasama nang pabulaanan niya ang iyong mga Hpaliwanag", na may kasagwaan nga marahil dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal mo sa bayan, datapuwa't ito nama'y hindi makapipinsala sa iyo, at ang dapat sana'y pinabayaan mo na lamang ang isa sa mga gawang kastilang iyon, kung ito'y angkop na itawag sa tupe na tinataglay ng ilang manunulat sa pagpapabulaan sa mga pangyayari dahil na dahil lamang sa iba ang palagay nila. Katoto, hindi ko malaman kung ana ang nakapaguudyok sa aking sabihin sa iyo ang mga bagay na ito, datapuwa't sinasabi ko sa iyo ang lahat nang ito, gaya ng sinabi ko na sa iyo noong una, sapagka't dahil sa gayo'y magsisipagsaya ang mga Kastila sa Maynila. Gumawa ako ng isang boseto tungkol sa pagkamatay ni Magallanes alinsunod sa pagkakalarawan ni Pigafetta; ito'y isang napakahalagang pangyayari ng ating kasaysayan. Kung ang ipamagat ko'y HAng pagkamatay ni Magallanes". Ito'y magiging isang parangal ng paghanga sa dakilang taong ito, (na tangi sa l'ito'y Portuges pa, gaya ng sasabihin ni Blumentritt), datapuwa't kung ang aking ilagay, gaya ng nararapat, ay HAng tagumpay ni Lapulapu at pagtakas ng mga Kastila" (sa halip ng) HAng pagkamatay ni Magallanes", ay walang hindi pipintas at kung magkagayon ay natapos at sukat ang pintor at ang abang mamamayan ay naumpog sa pader. Sa ano't ana man, ay iaalay ko sa iyo ang bosetong ito, sakaling maibigan mo. Mga pakumusta ng lahat ng k~sambahay at ng rnag-aanak ni Pardo. Mga halik nina Luling at Bibi. Isang yakap ng iyong kaibigan, JUAN LUNA

N akikilala mo ba si Osorio ng "ResuIsa s~yang napakabuting tao at sabihin rno kay

H abol :

men"?


477

Antonio na ipakilala ka niya, 0 kung nais mo naman ang isang sulat ko ay padadalhan kita. 227. Buhat kay Raimundo de Perio para kay Rizal "Pinaninindigan at paninindigan ko ang ating mga kuru-kuro tungkol sa politika, datapuwa't sa kawalan ng kuwalta ay mapipilitan akong humingi ng tulong sa mga taong ang kuru-kuro'y kalaban marahil ng sa atin".

Paris Ika-9 ng N obyembre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MADRID, ESPANYA PILING KAIBIGAN AT KABABAYAN:

Kasabay ng aking pagbati ay ipinahahatid ko sa iyo ang isang agaw na pasasalamat dahil sa mga kahutihang nagawa mo sa akin. "Bagay sa napag-usapan natin hinggil sa mga kurukurong nauukol sa politika, ay pinaninindigan ko't lagi nang paninindigan ang mga iyon; datapuwa't habang ako'y walang kuwalta, ay mapipilitan akong humingi ng tulong sa mga taong makar,agpapasok sa akin sa isang hanap-huhay, kahit na ang pinaninindigan nilang mga kuru-kuro ay kasalungat marahil ng sa atin; nguni't palihim kong gagawin ang buong makakaya sa ikatutupad ng ating mga layunin. Sa Biyernes ng lilJ.ggong ito ay li1isanin ko ang lunsod na ito at tutungo sa Marselya. Paalam. RAIMUNDO DE PERIO

Habol: Maraming kumusta kay Don Marcelo at sa lahat ng mga kababayan.


478

228.

Buhat leay Eduardo Lete para kay Rizal

Isang gawang makahayop ng isang Kastila, na ikinapoot ni Lete.-Isang kababayang babaing sinawi ng gawang makahayop.-Humirang ng isang marunong na tagausig upang ipagsakdal ang nagkasala.

Madrid Ika-5 ng Disyernbre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MADRID, ESPANYA KAIBIGANG PEPE:

Bago ako urnalis uli ay napilitan akong burnalik dahil sa ikasisiya ng sarili. Ninanais kong irnungkahi rno sana sa rnga kaibigan at mga kababayan na magtipon sa iyong bahay, upang maisagawa ang isang balak na, sapagka't galing sa akin ay maaaring maging masama; datapuwa't hindi gayon sapagka't kasama ang isang bagay na pinahahalagahan nating lahat. Dinaramdam kong hindi ako na rin ang makapag~aysay niyon, sapagka't marami akong gawain at ninanais kong umalis sa Lunes; bukod sa rito'y hindi ko maaaring makatagpo ang mga kababayan nang gay a ng magagawa mo sa iyong bahay. Sa pagsasalita nang ex-cathedra 0 walang panganib na mamali, ay sabihin mo sa kanilang kaninang umaga'y nabasa kong sakbibi ng di-matingkalang kapootan ang pangyayaring ibinabalita, sa ilalim ng pamagat na I sang Gawang M akahayop, sa El Liberal. Ang kapoot-poot at salaring kagagawan ng Kastilang ( .... ) de Alazar: ay karapat-dapat sa ubos-kayang pagsumpa natin, sapagka't pumapaslang, hindi lamang sa mga damdaming makatao, kundi sa kahinhinan at karangalang hindi ko na kailangang ipagdiinan pa. Sa anu't anum an, at kahit hindi gayon, ang pinas.. lang ay isang sawimpalad na kababayan nating babae, na sinawi ng kahayupan ng mga taong sa tahasang pangungusap ay nagpapanggap pa namang nagpapamulat ng ating isip. Magpamalas tayo ng sigla at lakas ng 100b sa paguusig sa salarin, at gamitan, kung siyang lalong naaangkop, ng pag-papakilos sa mga taong bayan, sa iIa-


479

lim 'ng mga tadhana ng batas, at humirang tayo ng isang marunong na gagawin nating kinatawa~ at tagalJsig, na babayaran ng ating salapi, upang hingin sa mga maykapangyarihan sa bayan ang kaparusahang lalong mabigat at mabagsik. Sakaling minamabuti mo ang kaisipang ito ay suhayan mo sa harap ng iba; sakali namang alit sa iyong kuru-kuro, ay ipalagay mong parang ... wala Bkong sinabi. , N alalaan akong pag-utusan mo, bilang kababayan at magiliwing kaibigan. EDUARDO LETE

N gayon, ika-5. Ano ang kinalabasan ng tungkol kay Retana? At ............ ? 229. Buhat kay Juan Luna para kay Rizal Isang kasulaian ng pagpapalitan ng kuwalta upang ibay.aa, sa kasera ni Antonio Luna.

26 Villa Dupont, 48 Daang Pergolese Paris Ika-17 ng Disyembre, 1890 GINQONG JOSE RIZAL MADRID, ESPANYA MINAMAHAL KONG RIZAL:

Kalakip ang isang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta sa halagang 175 piseta; ang 165 ay ibibigay mo sa pinangallgaserahan ni Antonio at ang natitira ay kay Antonio, pati ng sulat na nakapaloob dito. N apag-alaman ko ang halagang ipinagpauna mo kay Antonio, na gaya ng iyong sinabi ay sadyang kailangan; salamat ng maraming-marami. Nakapangangaligkig ang ginaw. Ang Sena ay yelo na halos! Sa ibang araw na ako magpapakalawig: ito'y sinusulat ko sa Gredit Lyonais. Maligayang pasko, manigong bagong taon at mga alaala ng mag-aanak na ito 'a t ng iyong magiliw na kaibigan. J 'UAN LUNA


480

H abol : Matapos kong magawa ang sulat na ito ay namalas kong ako pala'y nagkamali ng pagkakagawa ng kasulatan sa pagpapalit ng kuwalta: nailagay sa ngalan ni Antonio nang hindi ko sinasadya: ipakisabi mo kay Antonio na ibigay ang 165 piseta sa kanyang kasera at ipadala sa akin ang resibo. 230.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Ang mga larawan ni Blumentritt ay pinuri ng gayon na lamang.-Ang pakikipag-alit ni Rizal kay Retana. Hindi lumampas sa mga pagwawasto.-Minamaliit ni Retana ang mga kuwadro ni Luna.-Pinakikipaalalahanan kay Rizal ang kapatid niyang si Antonio.-uAng mga mag-aaral ay kinakailangang kumuhang uliran sa halimbawa ni Rizal".

26 Villa Dupont, 48 Daang Pergolese Paris Ika-21 ng Disyembre, 1890 G INOONG JOSE RIZAL MADRID, ESPANYA MAHAL NA KAIBIGANG RIZAL:

Sang-ayon kay Blumentritt, tila sa pagbibili ng mga r etrato niya sa Pilipinas ay nakalikom ng isang malaking halaga, at ito'y ipinadala na sa kanya. Ang bagay na ito'y ikinagagalak ko nang gayon na lamang, sapagka't kinamamasdan kong hindi nagwawalang-bahala ang ating mga kababayan sa mga taong nagtatanggoI sa atin, at sila'y makatao. Hinggil sa pakikipag-alit mo kay Retana, dinar amdam kong hindi lumampas sa mga pagwawasto, sapagka't ang mga ahas na iya'y nararapat yurakan, at sakaling kayo'y umabot sa larangan ( ...... ) kahit man Iamang. Ipinadala sa akin ang isang balitang ginupit sa "La Voz de Espana. Si Retana rin ang sumulat ng Iathalaing maikli, at sinabi niyang hindi raw ako kilala sa Espanya, nakita na umano ang lahat ng aking kuwadro, Iiban sa isa, at sang-ayon sa sabi ng mga nakakikilala, ay hindi naman ako kabilang sa mga bantog na pintor na KastiIa, bagkus pa nga'y ako umano'y


481

isang pintor na panlima 0 pang-anim lamang sa hanay! Sabihin mo sa akin kung anu-anong mga kahangalan ang pinagsasabi nito sa akin, at anong kuru-kuro mayroon siya upang ipalagay kong hinamak niya ako. Ang lahat nang ito;y sinulat upang ipaunawa sa ating mga kababayan na tayo'y mga. . .. gaya rin ng dati, lahing mababa ang uri at tayo'y lagi nang nasa-buntot. Dinaramdam kong hindi pa nalulutas ang usapin ng iyong kaanak, sapagka't ito'y pagbubuhatan ng malalaking sarna ng loob ng mga abang ipinatapon. Binabati kita sa huling lathala mo sa "La Solidaridad". Napansin ko sa sulat ni Antonio na totoong nanlulupaypay ang kanyang loob, hanggang sa ibig na ni~ yang tumigil ng pag-aaral. Mangyaring pagpayuhan at pasiglahin mo siya, na ang kasalatan sa kuwalta para sa ilang pangangailangan ay hindi nararapat maging dahil ng pananabang ng loob sa lahat ng bagay, gaya ng kanyang ipinahahayag. Para sa talagang pangangailangan ~ya ay hindi naman siya kinukulang, at hindi kukulangin. Sa ganang akin at sa aming mga kapatid na sina Pepe at Joaquin, ay paraparang ginawa namin ang lahat ng aming kaya; ngayo'y tungkulin naman niya ang gum anti at huwag manghina ng loob sa munting kadahilanan. Ipayo mong magtiyaga siya sa pag-aaral, at huwag pumaris sa ibang kababayang nag-aaral lamang kung napipinto na ang mga pagsusulit; sa wakas ay nawawaan mo na kung ano ang maging mag-aaral, at sa iyong halimbawa ay nararapat kumuhang uliran ang lahat ng kababayan nating nag-aaral na siyang kinabukasan ng ating lahi. Maligayang pasko at manigong bagong taon. Mga kumusta nina Paz at aling Juliana, mga halik ng mg-a bata at isang yakap ng iyong kaibigan, JUAN LUNA

Habal: Mga alaala at maligayang pasko sa lahat ng mga kaibigan at kababayang naririyan. At kailan mo binabalak bumalik dito? May balita ka ba tungkol kay Ventura? Tila na,ririyan 0 nasa-Barselona.


482

231. Buhat kay Esteban Villanueva para kay Rizal Piging ng "Samahang Kastila-Pilipino" na parangal kay Becerra.-Pag-uusapan ang kalagayan ng bayan. Tagumpay at mga pagbati.

Gijon,Daang Perseguido, bIg. 24 . . Ika-22 ng Disyembre, 1890 GINOONG JOSE RIZAL MADRID, ESPANYA M INAMAHAL KONG KAIBIGANG RIZAL:

N alugod ako nang aking mabasa sa pahayagang "El Liberal" na ang "Samahang Kastila-Pilipino" ay magdaraos ng isang piging sa karangalan, sa wari ko, ni Ginoong Becerra, naging Kagawad-bansa ng Ultramar. Inaakala kong pag-uusapan ninyo ang ating bayan, at matitiyak ang tagumpay; dahil dito'y ipinagpapauna ko na ang pagbati sa iyo, at binabati ko rin ang lahat ng magigiting na ruga kababayan alang-alang sa kabutihan ng {llinamahal nating bayang tinubuan. Inuulit ko ang aking mga alaala sa lahat ng mga kaibigan at mga kababayan. Ninanais kong magkaroon sila ng maligayang pasko, kaunti lamang ang magugol, at makapagsaya nang malaki. Ang iyong kaibiga't kababayang nagmamahal sa iyo ng gayon na Iamang, ESTEBAN VILLANUEVA

232. Buhat kay Esteban Villanueva para kay Rizal Mga pagbati sa pasko.

Gijon Ika-22 ng Disyembre, 1890 G INOONG JOSE RIZAL M ADRID, ESPANYA MINAMAHAL KONG KAIBIGAN AT KABABAYAN:

Sumusulat ako ng ilang talata sa inyo, upang batiin kayong lahat na mga kababayan, mga kaibigan at mga kasama, at sa inyo'y naisin ang maligaya at masayang pasko. Mga kumusta sa lahat at kina Ginoong Ariston Bautista, Cunanan, Reyes, Abella, Abreu, Tuason,


483

Aguilera, Sugang, Del Pilar at iba pang mga kaibigang diyan naninirahan, na ang mga ngalan ay hindi ko na maalaala sa sandaIing ito. Alam ninyong kayo'y minamahal nitong inyong magiIiwing kaibigan at kababayan, ESTEBAN VILLANUEVA

233. Buhat kay Rizal para kay Pari Vicente Garcia

Madrid, Principe Ika-7 ng Enero, 1891

G.

VICENTE GARCIA, PARI MAYNILA

LUBHANG PINAGPIPITAGANAN KONG GINOO:

Malaon nang ninais kong sumulat sa inyo, hindi upang kayo'y pasalamatan dahil sa matuwid na pagtatanggol sa aking unang aklat na kayo ang kaunaunahang nangahas sumulat, kundi upang patulong sa in yo sa paghanap ng Iiwanag sa alanganing- landas sa hinaharap. Sinasa'hi kong hi di ko binabalak magpasalamat sa inyo sapagka't ito'y isusukal ng inyong loob, at. sapagka't ang mga hakbang na gaya ng ginawa ninyo sa pagtatangol sa katotohanan, sa sangkatauhan, at sa katarungan ay pumupusyaw kapag pinasasalamatan; gantimpalaan nawa kayo ng Diyos at masiyahan nawa ang mga tao sa paghanga at pagtulad sa hakbang na iyan! Ako, na nabibiIang sa batang salin ng lahi, nananabik na makagawa ng kahit bahagya sa ikabubuti ng kanyang lupain at nababagabag sa harap ng mahiwagang panahong hinaharap, ay nangangailangang patulong sa mga taong nakamalas na ng maraming bagay at higit na nakapag-aral, upang sa pamamagitan ng kaniIang karanasan, ay mapunan ang aming kakaunting mga taon at maikling kaalaman. Tang-i sa rito'y kinakailangan din namin ang pagpuri at basbas ng mg-a matatanda upang kami'y pasiglahin sa nanakalaking pakikibaka at sa napakabigat na ~awaing iniatang sa aming balikat ng mg-a taong nanaIiHit. Kasakdalang napakadakiIa ng aming sig-Ia, sukdang napakatibay ng pananalig ng aming kabataan, kahit nakangiti ang


484

aming ruga pangarap, gayunma'y nag-uurung-sulong kami sa ilang sandali, lalung..lalc na kapag namamalas naming kami'y nag-iisa at pinababayaan. Sa napakalaking gawaing tungo sa pangkalahatang pagbabagong buhay, ba.g aman hindi tumitigil sa pasulong na paglakad ay ibinabaling naming maminsanminsan ang tingin sa mga nakatatanda sa amin upang basahin sa kanilang mukha ang hatol sa aming mga kilos at gawa. Sanhi sa uhaw na itong makilala ang nakaraan, makaalam, at nang makapasok sa hinaharap, ay napakukupkop kami sa mga taong gaya ninyo. Iwan ninyo sa aming nakasulat ang inyong mga kaisipan at ang mga bunga ng inyong mahabang karanasan~ upang kuug ~ng mga iyo'y natitipon na sa isang aklat, ay hindi na namin kailanganing pag-aralan pa uli ang jnyong napag-aralan nR, kundi mahanga pa'y ang pamanang tinanggap namin sa inyo'y dagdagan na lamang namin, sa pamamagitan ng pagpapalawak niyon 0 kaya'y sa pagdaragdag ng aming sariling ani. Ang dahilan ng munting pagkakasulong ng mga pilipino sa tatlong dantaong jto ng paghahari ng kastila, sang-ayon sa aking paningin, ay ito: na ang ating mga taong matatalino'y nangamatay nang .walang naipamana sa atin maliban sa kabantugan ng kanilang ngalan. N agkaroon tayo ng maniningning na mga palaisip, nagkaroon tayo ng isang Pimpin, isang Dr. Pilapil, isang Pari Pelaez, isang Pari Mariano Garcia, isang Dr. Joson, at marami pang iba; nagkaroon pa rin tayo ng isang Benedicto Luna, isang Lorenzo Francisco at marami pang iba, at gayunman, ang tanang napag-aralan, natutuhan at natuklasan ng mga taong ito'y kasama nilang mamamatay at magwawakas sa kanila; at tayo'y magsisimula uling m.ag-aral ng buhay. Samakatuwid ay may pag-unlad nga 0 kaganapang pansarili ng tao sa Pilipinas, datapuwa't walang pambansa 0 pangkolLahatan. Naito kung bakit ang tao'y siyang tanging nagiging ganap at hindi ang sangkatauhan. Sa pagdadapit-hapon ng buhay, kapag sa malamig na simoy ng hapon ay pinagninilay-nilay ang mga pakikibaka't kapagalan sa buong maghapon, gaano katamis ang dinaramdam natin sa pagpapahayag ng kai-


485

sipan sa mga nagsisipaghanda sa pakikitunggali sa kinabukasan! Ang maganda at walang dungis na nilakaran ng inyong buhay, na nagwawakas sa maringal na gawaing pagtubos sa mga ~ba't mga nagdurusa, ay siyang magiging pinakamarikit na pagpapatibay sa aming mga pagpapakasakit at magiging banal na basbas na makapagpapasigla sa amin sa pakikipagbaka. Hindi ko ninanais na kayo'y amuin sa pagsasabing mahabang panahon pa kayong mabubuhay. Harinawang mabuhay kayo nang lalo pang matagal kaysa akin sa ikaluluwal~ hati ng bayang tinubuan at sa akin ding ikasisiya, sapagka't tiyak na kayo'y magkakaroon ng isang patak Tla luha at m"ag-uukol ng isang salitang puno ng kata路 rungan, kapag ako'y nalugmok dahil sa layuning ipi.. nagtatanggol ko! Datapuwa't tila hinihingi ng likas na kaayusan ng mga bagay-bagay na kayo'y unang mamatay kaysa akin, sa malaon 0 madali; ano ang sasabihin ninyo sa inyong Diyos, kayo, na isang pari ng isang relihiyong nagpahayag na pantay-pantay ang la.. hat ng tao? Ano ang isasagot ninyo sa Diyos, na na .. poot sa kalupitan at nagpapaging malaya sa pag-iisip, kapag kayo'y tinanong niya kung ano ang inyong na.. gawa para sa mga sawimpalad at mga inapi? Saan ninyo ginamit ang inyong di-pangkaraniwang talino at 1:amulatan? Bakit hindi ninyo sinunod ang mga simbuyo ng inyong puso, na kinilabutan sa pagkakamalas sa lahat ng dako ng kawalang-katarungan, kahangalan, kaabaan at pagtitiis? Ano ang itutugon ninyo sa Di.. yos na iyan kapag sinabi niya sa inyong : "Ako'y nagtiis ng malupit na kamatayan upang tubusin ang mga tao. At ikaw, ano ang ginawa mo sa ikabubuti ng iyong mga kapatid?" Ipagpatawad ninyo ang mga paghihingang ito ng aking puso, datapuwa't ang mga iyan ay walang kaakibat na pagsumbat. Sino na lamang ako? Isang binatang hangga ngayo'y hindi pa maituturing na isang taong ganap, na walang ibang mga katangian kundi ang umisip sang-ayon sa kanyang mga pananalig at magpahayag nito, pagkatapos, nang buong katapatan. Sa paghanga sa inyo tuwi-tuwina at sa pagnanais na bahaginan kami ng inyong mga kaalaman, ay tina-


486

tapos ko ang mahabang sulat na ito at ninanais na kayo'y managano ng mabuting pangangatawano Ang inyong magiliwing lingkod na humahalik ng inyong kamay, JOSE RIZAL

234.

Buhat kay Luis Babaiia para kina Rizal at Del Pilar

*

Si. G. Felipe Buencamino, abogadong tagapagtanggol ng mga isinakdal ng Asyenda ng Kalamba.-Ipinakikila ang kanyang talino sa pagtatanggol sa mga abang namumuwisan.-Tinutulungan siya ni G. Doroteo Cortes at ng mga taga-Santa Cruz at Pagsanjan. Ang mga sinamsaman sa Kalamba ay hindi natatakot na sila'y matalo sa usapin.-Ipaglalaban ang kanilang karapatan hanggang sa wakas.-"Sumisigla ang aming loob t uwing tumatangg,ap kami ng sulat ni Rizal at ni Blumentritt na naglalaman ng mga salitang pampatapang.

Kalamba, Laguna, Ika-11 ng Enero, 1891 M GA GINOONG JOSE RIZAL AT MARCELO H. DEL PILAR MADRID, ESPANYA PINAGPIPITAGANANG MGA GINOO:

Aming ipinagbibigay alam sa InlO na ang asunto Ba Calamba tungcol sa hacienda ay ang abogadong naglalaban ay (si Do) Felipe Buencamino; bagaman natatanto rin namin ang mga sira nia nang (una) contra sa atin, ay sapagcat nangacong matibay at nagsabi ng totoo ng caniang pagcacagayon, na sia rao ay totoong nahahabag sa caniang calagayan, magbuhat nafiga noon (ay) wala nang maquipag usap man laman sa cania na caniang capua, caya figa labis figayon ang kaniang pagsicise at ~day nagbabalec na sa atin; at sa naquiquita namin naman (sa) cania figayon nang paglalaban sa labing dalauang nadedemanda ay labis ang pagtatarabajo nia at mayroong gabing hinde tumutulog sa pag gaua fig mga escrito nitong labing dalaua nacasama hindi mabu buo) mga pangalan, at sa aming pagcapatufigo sa cania ay ang procurador na si D. Mariano Buenaventura'y (isa sa) mga naaaua sa amin, (

0

0

0

••

• Tagalog ang orihinal na di namin binago munti man.


487

uala namang earning nahahalatang masama alin man sa dalaua, si D.n. Doroteo Cortes labis din ang pagtulong sa amin, at ang taga-Sta. Cruz at Pagsanjan. Caonte man laman hinde natataeot ang tao dine sa atin tungeol sa usap na ito at totoong lomalaban at itutuloi hanggang eatapusan. Bucod sa lahat fig ito, totoong busog na busog ang aming mga loob at nagpapatapang sa lahat sa tuing darating dine ang ifiong suI at lalo na con maquita namin ang pangalan ni D.n Fernando Blumentritt, na sa tua namin ay halos ay mag......... (hindi mabubuo). Hanggang dito at ibate earning lahat na taga Calamba cay D. Fernando Blumentritt at sa lahat ng Filipino ng malaquing tua,t, eomusta at pasasalamat at sa lahat fig horas ay malalaman nifio ang resulta~o fig asunto sa hacienda tungcol sa juicio. LUIS HABANA

235. Buhat kf-Y Nicasio Eigasani para kina Rizal at Del Pilar

*

Sipi ng kasulatang iniharap sa Kataas-taasang Hukuman.-Maligoy na kasaysayan ng pagpapaalis sa mga namumuwisan.-Mga kalupitan at kalabisan.-Mga tanawing nakalulunos.-Ang pagbabayad ng buwis .a ng siyang tanging lunas.-Sinasabing si Blumentritt ay nakuha umano ng mga prayle. At si Rizal, na natalo, ay hindi tinanggapan ng paghahabol sa harap ng Kataas-t aasang Hukuman.-Mga kabig ng mga pr.a yle na hinirang upang takutin ang mga tao at mapiIit n.a magba-. yad ng buwis.-Labintatlo pang isinakdal.-Nagbabala ang tahak ding iyon sa mga t aga-Santa Cruz.-Pin.aalis sa bahay ang ama ni Rizal.-Dahil sa pagtutol sa pagbabayad ng buwis sa bakuran.

Kalamba Ika-14 ng Enero, 1891 MGA GINOONG JOSE RIZAL AT MARCELO H. DEL PILAR PINAGPIPITAGANANG MGA GINOO: Tinangap pO namin ang copia fig escrito at aming pinasasalamatin,

* Tagalog

ang orihinal at di namin binago ang pagkakasulat.


488

ang malabis nifiiong pagpapagod sa caguluhang ito; at aquing ypinag bibigay alam sa inio ang ginagaua ng Dominico at sampu pa, ng Juez de pas dine. Nang 14 de Agosto guinawa ang lansamiento at pinaalis cami sa aming bahay, sampu pa, fig aquing mga casama, sa canicanilang bahay, at inilista ang mga tubo at maquina at iba pang casancapan, at hinde na biniguiang lugar na matrabajo pa ule ang mga tubo, caya ang fig yari, ang nasira ay mahiguit na calahati nitong tubo, dapat na anijan ng mahiguit na isang libong pilon :figayon, ay ualanang limang daang pilon, at ni a ayao acong papihitin ng lego at Juez de pas, itong aquing pinuhunan na ipinamile ng carabao at ypinautang sa casarna at gastos, sa ibat iba pa ay aquing ipinag caca路 utang. Nacaparis nitong aqui!1g tubigan ng casalucuyan tinatrabajo ualang nasauay na Justicia, 0 oficial ng H.da sapaghahasic ng palay ng dumating ang panahon na ipaani ng aquing casama, ay pinararaquip sa G.dia Civil, ng mga lego at pinagbintangan nagnanacao :fig palay at pinormajan ng diligencia at ipinadala sa .Juez de La instancda, at pati nitoI).g aquing tatlong alila, nagsipag ani y deneclaracion fig lego nagnacao fig apat na cavang palay at ang inani :fig tubigan ay ipinasoc na lahat sa H.da at ni hindi biniguian fig caparte ang mga casama, na canilang itina tangis; ang isa naman, fig sumapit ang buan ng Octubre namag papaani ang mga naghasic fig palay sa bundoc, ang gina ua fig mga lego nagsama fig isang parejang G.dia Civil, at sinasamsam ang palay at sila ang nagpapaani at quina cabig sa buues, ang tasa sa isang cavan ay pitong cavan, ang marami ay quinuculang pa sa canilang tasa ang pobreng mag tatrabajo ay nadaing sa canila na mangyaring canilang bauasan ang tasa at ng silay labisan ng caunti, ang sagot fig mga lego hinde sila macacapagpatauad cahit ni caunti; ang bahala, i, ang G.dia Civil ang tumale sainio; caya ang pobreng magtatrabajo masqui na anong gauin fig mga lego ay hinde na macaquibo cundi ang magiyacan na lamang. Ang aming interinong cura na si padre Domingo, siang naggagala sa mga inclino at pinangaiigaralan na "cayo,i magbayad na fig iniong cargo sa Hda. at uala cayong magagaua sa mga dQminico at iyan ay tunay na canila at si Don Fernando Bromintic nahulog na sa


489

handera ng mga praile at anong magagaua fig iniong si D. Jose, talo na at hinde biniguiang lugar ang recurso de queja sa T. Supremo"; at ~a lingolingo ay pinag ~ecermon na "cayo ay magbayad na fig iniong mga buues o cargo sa H.da, at caya naghihirap ang bayan sapagsuay sa utus fig mga pare, ni aayao na cayong magpamisa 0 magtiric fig candila". Ang isa pang panaco't cami rao mauubos na lahat sa distierojan, na caparis ng limang napatapon sa Mindoro, ay hinde na macaca balic sa Calamba. At ang Juez de pas na napalagay dine ay si D. Vicente Roque, na ito'y propesor sa Tanauan, na hinde propuesta fig bayan at ito'y palagay fig mga domjnico na para rag hablahan ng desachucio sa mga inclino, na ang bauat ijabla ng mga dominico ay hinahatulan ng talo, masquina naglagay fig matuued, caya at ayao paquingan cung huminge ng apelacion ni a ayao biguian at ang minamatuwid ang caniang hatol ay hinde na masisira misque saan puno isacdal, palibhasa, y binibiguian ng cuarta at buqued nahasic dalauanpung cayang vinhe at isang lagay na~acatihan, galing sa mga mahihirap na tao at si~Ifg nanaco,'t, sa mga inclino na sinomang idemanda sa cania, ay caniang hahatulang talo sapagca't, hinde dapat maquipagcontra sa mga praile at mamumulube ng cataco,t, taco,t, caya sa hatol na ito,y, itinatangis fig ating mga capatid at cababayan, ang napalagay ngayon dineng capitan si Don Lucas Quintero, at siang gusto fig mga Dominico, at siang nafigaco na caniang pagbayarin ng luga inclino, fig buues sa H.da sa pureza fig J usticia, at ang sacatunayan ay pinagcacaon ang mga inclino, at itinataboy sa H.da para magbayad ng buues at siang nananaco,t, naitong lupang ito ay cung ihinge sacania fig imporme ay canian patutunayan sa mga Dominico; at ang mga pabor naguinagaua sa mga H.da, nasira ang isang presang lupa sa ilog ng San Cristobal na dapat pagcagastahan ng mga Dominico y pinagutos sa cal!ia na Y paatag sa polistas na nagsisipag trabajo sa tubigan, pagdaca,i, tinupad sa fuerza fig pagca justicia, inatag ng mayroong isang buan na ang taong nag trabajo, mahiguit ysang daan sumunod ang mga tao, palibhasa,y, utos ng justicia, at itong capitang ito sa lahat ng y denedemanda ay caniang quinagagalitan na cung baquit na laban ng


490

usapin sa Dominico, pagcaniang gusto ay ang magba .. yad ng buues sa H.da at ang ibinabala, sa mga inclino ang maipatapon lahat at caniang nililibac na lahat, pinagtatauanan at ualarin naman panalo ay nagsisilaban pa ay ganitong uala ring masasapit. At ang mga Domonico ay binago na naman ang pinagdedemandahan, at sa J uez de 1.a instancia sa Sta. Cruz ang na dedemanda ay labing tatlo inclino,na purong para sa desahucio na ang mga pangalan, D. Luis Havania, D.a Petrona Quintero, D.a Fernanda Casanias, Petronila Alviar, D.a Isabel Habacon, Don Pascual Atcaras, . Ponciano Alviar, Vicente Ruvio, Victor Alviar, Narciso Abacon, Dionisio Elasegui, Santos,' Alcaras, itoy purong nalaban sa mga dominico, tuncol sa canilang lupa nri dene desahucio at ang susunod ay mahiguit na tatlongpu na y dedemanda rin sa S. Cruz at ang sabi fig mga Dominico ay earning lahat cung matapos. n.a ng maidemanda at maalis fig lahat ang figa lupa fig cami niaghirap ng catacot ~acot nahirap, at ang canilang minamatued cung maalis, ang Iimang daang catao, matitiran pa, fig tatlong libo at Iimamg daan at ang sa catunayan, mayron na apat na raang tao ang ualang trabajo na purong casama fig inclino na desahucio. Naparis nang bahay ng YD.-iong ama nasa poder fig J uticia, fig dumatin dine ang Orden ng Adminis,t rador pinagdedeclaracion ng cuntrebucion urbana, ay ang pinipile,t, magdeclaracion ay ang iniong ama hg Capitan, iyan dao ualang depositario, caya tatlo fig Orden dine, ay hinde nagdedeclaracion ang iniong ama, at pinaeeuan sa J usticia na nagpaalis sa canila. Sucat hangan dito at pinagtitibay namin ang aming loob sa paglaban sa mga praile hangang sa ano mang masapit at tuloy y bati ninio cami:t;lg lahat, sa, ating catutong sa usap na ito, at .mag-utos ng macacayanan at cami ay tumatalaga. NICACIO EIGASANI


491

236. Buhat kay Rizal para kay Jose Maria Basa Pakanang lihim laban kay Rizal.-Kinasangkapan si Del Pilar.-Ang Propaganda ay tutol sa paguwi ni Rizal; nagkaroon ng balak na magtatag ng isang dalubhasaan sa Hongkong at si Rizal ang magiging patnugot.-Upang pagturuan ng mga wika, agham, at sining.-Si Cunanan ang magiging tagapangasiwa, at tutungo sa Hongkong upang pumili ng pook at humanap ng gusaling nababagay.

Madrid Ika-21 ng Enero, 1891 GINOONG JOSE

M. BASA

PILING KAIBIGANG BASA:

Manigong bagong taon at lalong mabuting kapalaran! Sa pamamagitan ng kalakip na liham ay mapagaalaman ninyo ang pakanang binalak gawin laban sa akin at ang kinasangkapan lay ang ating kaibigang Del - Pilar! na sa di-kaalamah ay nayag naman; ga1 Ito'y nauukol sa isang pagsasabuwatan laban kay Rizal, na ayon dito ay hindi nalalaman ni Del Pilar na kinasangkutan niya. Ang pagsasabuwatang ito, gaya ng itinawag ni Rizal, ay walang ibang Iayon kundi ang papaglabanin sina Rizal at Del Pilar, isang pangyayaring hindi malayon_~ kagagawan ng mga pilipinong nasa-Madrid. Tungkol sa pinagbuhatan noon, at kung sa mula-mula pa'y sadyang natatalos na ni Del Pilar ay walang maliwanag na balita. Kung sa isang dako'y ipinaliliwanag ni Del Pilar sa isa niyang mahabang sulat sa kanyang bayaw na si Deodato Arellano ang tungkol sa nauukol sa kanya, sa dako naman ni Rizal ay walang napag-uunawa maliban sa malalabong banggit sa mga sulat bIg. 240, 258, 266 at sa sulat na ito (Mga Liham so, mga Propagandista). Hindi mapag-aalinlanganang si Lete'y gumawa ng usap laban kay Rizal. Gayunman, sa mga s'.llat ni Rizal bIg. 488, 490 bago niya Hsanin ang Europa upang umuwi sa Pilipinas ay may idinagdag na kaunting liwanag hinggil sa nangyari, at doo'y binabanggit ang bahagyang sanhi ng pinagmulan ng pangyayari. Napag-alaman din naman na sa paghahalal ng Maypananagutan, ang patnugot ng Bayan-bayanang pilipino, ay nagkahati noong una ang mga pilipino kina Rizal at Del Pilar. Sa panig nito'y lumagay sina Antonio Luna (na noo'y may sama ng loob kay Rizal), Dominador Gomez, Salvador Vivencio del Rosario, Mariano Ponce, Eduardo de Lete, at sa panig naman ni Rizal ay kumatig sina Moises Salvador, Galicano Apacible, BaIdomero Roxas, Gregorio Aguilera, Lauro Dimayuga, Brigido Morada, Jose Abreu at Jose Alejandrino. Sa dalawang unang botohan, si Rizal ay nagtamo ng di-sapat na kalamangan ng boto; ngunit' sa ikatlong botohan ay nagtamo siya ng dalawang ikatlong bahagi; nguni't hindi tinanggap ni Rizal ang tungkulin at siya'y umalis sa Madrid at nagtungo fla Pransya, ayon sa kanyang tala gang balak. Sa hangad ni Rizal na magkaisa-isa ang lahat ng pilipino ay hindi niya tinanggap ang tungkulin pagka't walang pagkakaisa ang botohan.


492

yunma'y nagwagi ako, datapuwa't ito'y lubhang isinukal ng aking loob. Sapagka't ayaw akong pauwiin ng Propaganda, ay binalak namin dito ang pagtatayo ng isang paaraIan 0 dalubhasaan sa Hongkong, na pamamatnugutan ko at pagtuturuan ng mga wika, agham at sining, gay a ng ginagawa sa mga dalubhasaan ng mga Hesuwita. Ano ang palagay ninyo sa balak na ito? Sa ika-8 ng Pebrero ay tutulak buhat dito ang aking kaibigang Cunanan 2 upang pasa-Hongkong at pag-aralan doon ang suliraning nauukol sa pagpili ng pook, gusali at iba pa. Siya ang magiging tagapangasiwa at pamumuhunanan niy~, ng bahagi ng kanyang kayamanan. Lilisanin ko sa loob ng madaling panahon ang Madrid. 3 Wala nang iba, ipinamamanhik ko sa inyong ipakibigay ang kalakip nito sa Propaganda. 4 Ang inyong magiliwin, RIZAL

2 Si Cunanan (Mariano) ay isang mayamang taga-Kapampangan, na noo'y nasa-Madrid sanhi sa isang usapin tungkol sa pamamanahan, na kanyang pinagwagihan. Nangakong pamuhunanan ang pagtatayo ng dalubhasaan na pinamagatang Cloegoi sa halagang 40,000 piso. (LLR). Nang dakong huH, si Cunanan ay nagtayo ng isang otel sa Maynila, na nakilala sa pamagat na Mignon. Dito ko siya nakilala (JPB)路

3 Nilisan ni Rizal ang Madrid nang magtatapos ang buwan ng Enero, 1891, at siya'y lumipat sa Biarritz.

4 Hindi naaring maingatan ang sulat sa Propagandw, na binabanggit dito.


493

237.

Buhat kay E(luardo de Lete para kay Rizal

Upang mapawi ang mga pag-aalinlangan at mga kapaitall.-Pagsusumakit na maparam.-Nagmatuwid si Lete.-Kaimbihan ng simbuyo ng kalooban.-Diwa kay a ng pagpapangagaw at ng inggit?-Nagtatapat nang angkin ang magandang kalooban-Tungkol sa pagpili ng "isang rnarnarnatnugot sa ating rnga gawain at sa ating buhay."-Si Lete'y hindi burnoto kay Rizal upang patatagin ang magandang ngalan nito.-Ipinauubaya ang kanyang sarili sa rnabuting pagpapasiya nito.-Walang tangkang ibagsak siya.-Ni hindi tinutudyo ang k.anyang kapuri-puring kaisipan. Pagbibigay kasiyahan ni Lete.

Madrid Ika-27 ng Enero, 1891 GINOONG JOSE RIZAL MIN AMAHAL KONG PEPE:

Upang hindi mag-ing alangan sa panahon ngayon ang ilang ipahahayag ko, ay minabuti ko ang hindi pagkibo; datapuwa't inanais ko ring liwanaging mabuti 2.ng aking ginawa. Isang mabuting kaibigan ko ang nagpaaninaw sa akin ng pagkamarapat na mapawi ang ilang pag~aalinlangan at kapaitang naghahari sa iyo, at gagawin ko iyon, sapagka't lalo kong hinahangad na mapawi ang mga iyon kaysa manatili. Yamang mayroon na rin lamang tagapaghatid ng aking kasiraan, ay maging tagapaghatid na rin naman sana siya ng aking mabuting kalooban. Tu~gkol sa pagkamarapat na magkaroon ng isa sa atin na makapamamatnugot ng ating mga gawain at ng ating pamumuhay, ay matuwid ang ginawa kong huwag bumoto sa iyong pagkakandidato. Bakit? Tingnan natin. Sakaling kilalanin ang iyong pamumuno, disi'y sasabihin sa iyo: "Pinagtatalunan ang iyong pangalan at ito'y hindi nababagay; sa diwa'y kinikilala ka naming puno at kinakailangang ang pagkahirang sa iyo'y gawin alinsunod sa batas upang maiwasan sa haharapin na ikaw ay pakipagtalunan." Sangayon sa iyo'y ito sana ang dapat mangyari, na kinatigan ko ang iyong pagkakandidato, sapagka't kung manalo ang iba, ay hindi maiiwasan ang mga bulung-bulungan, ni ang pagtalunan ang iyong pangalan 0 ang


494

rnga kilos mo. Inaakala kong gayon nga at aking ipaliliwanag. Sakaling iba ang nahirang, matatamo kaya ang layunin? Paano? 1. sapagka't pinangatawan an sana ng nahirang na maiwasan ang lahat ng pagtatalo, bulung-bulungan 0 pagkakaaHt-alit at sisikaping matupad ang mga layuning itatakda sa kanya. 2. Hindi aariing Inakapangyarihan ang alin mang kilos rno, ni hindi nila pagkakaabalahan kung ang gayo'y isang pag-uutos buhat sa sandaling hindi ka nila namamalas na may angking kapangyarihang may kaakibat na karapatang makapagtakda ng utos. 3. Ikaw, sa pagkakilala mo sa tunay mong kalagayan, bagaman tila napipilitan ka (bagay na hindi ko inaakala) na magbitiw ng isang kuru-kurong maaaring pakahuluganang isang pag-uutos, ay pakakaingatan mong lubha ang gayon sapagka't marunong kang tumupad nang buong higpit sa iyong mga tungkulin at mga pangako. Makatuwiran ba ang aking inasal? Hinihintay ko ang iyong walang kiling na kuru-kuro. N a hindi ako bumoto sa iyong pagkakandidato? Totoo nga. Bakit ko ginawa ang gayon? Isiniwalat ko nang di miminsan lamang; sapagka't hindi ko inaakalang ang iyong ugali ay siyang lalong nababagay sa pakikiayon sa ginagawi ng mga pilipinong naririto, sa iba't ibang kabagayan, at lalo pa sa dahilang matapos mong ipahayag ang matibay na pasiyang umalis. . .. ay hindi ako nahirating mag-alinlangan sa mga salita mo, kaya't hindi ko ninais na mawalan ng bisa ang aking boto. Iyan ang lahat. Datapuwa't lumipat tayo sa ibang bagay, yamang inaakala kong ito'y naipaliwanag nang mabuti. Ikinamamangha ko, na gayong napakaliit ng aking halaga, at halos walang halaga ang aking "sariling kakayahan", gaya ng sinasabi ng mga Aleman, ay kung bakit pinagkakaabalahan ang aking mga salita 0 ang aking mga ginagawa upang pakahuluganan nang maRama. Sinabing wala raw akong ibang hangad kundi ang ibagsak ka. Wala akong nararapat itutol sa ganitong sabi; ipinaiilalim ko iyan sa pagsusuri at sa paghatol ng may matayog na pag-iisip at malalim na pandamdam. Upang mamintuho 0 umadhika ay hindi ako gumagamit ng mga patungan, dahil din dito'y kalabisan na ang mga pagbabagsak; tangi sa rito'y natu-


495

tutuhan kong magpakataas-taas man ng ulo, ang paa'y kapantay rin ng taas na kinatutuntungan ng aking mga paa. Kung gayo'y bakit ko pa pagkakaabalahan ang mga pagbabagsak na sinasabi? Datapuwa't mayroon pang iba. Ang balak kong lumahok sa timpalak ay pinakahuluga~ang isa raw pagliba~, at ipinalalagay 'na kinukutya ko ang iyong kapuri-puring kaisipan. Kung- ang pagpapasinungaling ko sa paratang na iyon ay hindi pa sapat, ay magsabi ng katotohanan ang mga kaibigang Luna, Reyes, Rosario at iba pa upang sila ang tumimbang sa aking sinabi. May isa pang bagay akong pinagtakhan noong ako'y dumating na may ilang araw pa lamang, bagay itong nagpapakilala ng napakasamang kalooban. Inungkat na naman yaong umano'y sinabi kong ang Noli, ay sinulat ng paa. Ano ang pakay sa pag-ungkat na ito? Hindi ko natatalos at wala namang kailangan sa akin; datapuwa't kinahahabagan ko ang mga mapanirang puring ipinagtatanim kong loob. N guni't lubhang isinasakit ng kalooban ko, sapagka't ipinalalagay na sa aki'y namumugad ang isang damdaming kaiIan ma'y hindi ko sinimpan, ang inggit. Kung ang palagay ko sa sarili ay isang katawang hindi maaaring panausan ng liwanag, paanong nanasain kong mags abog ng liwanag sa wala naman ako nito? Samakatuwid ay hindi ko nararapat isukal ng loob ang tagumpay ng iba, lalung-lalo na kung pinahahalagahan ko ang mga taong nagtamo niyon. Bukod sa rito, ang aking mga gawa at mga pangungusap ay tunay na kinaaninagan tuwina ng aking mga kuru-kuro't mga kaisipan at lagi nang pinaninindigan ko ang lahat ng sinasabi ko, kaya ikinalulungkot kong iukol sa akin ang mga salitang hindi namulas sa aking mga labi. Alang-alang sa aking karangala'y sumumpa ako noong una na hindi ako nagbitiw ng gayong napakagaspang na palagay; kinakailangall bang sa buong buhay ko'y gumawa ako ng walang tugot na pagpapabulaan? Sa ngayon ay higit pa rito, hinahamon ko ang sinumang nagpaparatang sa akin ng gayong pangungusap na kanyang panindigan sa larangan ng karangalan gay a ng paninindigan sa larangan ng paninirang-puri, upang maipakilala sa kanyang pinaninindigan ko ang aking mga pananalig, at


496

marunong akong tumalampak sa kanyang siya'y sinungaJing. . .. maging sa kumatha ng gayong pangungu~ap, at gayundin sa nararapat managot dahil sa pagbanggit niyon. Sa ganitong paraan ay mapatitibay ko marahil ang ald ng walang pasubaling pagtanggi; sa gayon ay hindi na bubuhayin uli marahil ang gayong bagay na inuungkat na taglay ang imbing layunin sa pagkakataong gaya nito ; sa gayon, marahil ay mananaganong muli ang katahimikan ng budhi. Idagdag mo ang pagbibigay-kasiyahang ito sa mar ami nang ginawa ko, at sa ipinipilit manding gawin ko, kahit na isinasakit ng aking loob, niyong sa pamamagitan ng paglulugso ng aking purFy nag-aakalang nakapagpapamalas sa iyo ng kanyang pagmamahal. Sa wakas ay hatulan mo, at ikaw ang magsabi kung ako nga'y may katuwiran. Marahil, sa ibang tao'y ipalalagay na ang lahat nang ito'y walang kinalaman; nguni't para sa iyo'y hindi rno aakalain ang gayon; hindi ko ninais ipagwalang-kibo ang lahat nang ito, sapagka't ninanais kong sa ati'y walang mamagitang rnga kasaklapang walang kamatu-matuwid at hindi nakatutulong sa ipagiging lalong rnatibay at rnatapat ng tali ng ating pagmarnahalan. Nililirnot ang kanyang mga kaabaan; at tungkuJin rno namang ipaunawa ang lahat nang ito sa iyong mga kaibigan, sapagka't para bagang ako'y nahuhulog na rnuli't rnuli sa gayong kasalanan at napipilitang gurnawa ng paliwanag sa araw-araw. At pag-utusan rno ako, bilang kaibigan at kababayan, na hindi nangangalandakan ng alinman sa rnga pahayag na ito, sapagka't ipinauubaya ko sa panahon ang lalong rnabuting pagpapakilala. Sumasaiyo, EDUARDO DE Ll1:TE


497

238.

Blthat kay MW'iano Ponce para kay Rizal ""

Aalis si Llorente.-Si Plaridel para sa tungkulin ng pagka-Responsable.-Hinihintay ang isang lathalaing sinulat ni Rizal.-"Ang lahat ay paris din nang narito ka" .-Mga alaala ng Chamberi."Itinatanong ka ng lahat"-Pakikipagkilala kay Pepa.-Pagtukoy ni Selong sa Noli at Nelly.

Madrid, Ika-4 ng Pebrero, 1891 GINOONG JOSE RIZAL, KAIBIGANG PILI:

N atanggap ko ang suI at rno fig 30 ng buang nagdaan; at ikinagalak fig lahat ang pag dating rno diang hinahon. Kasabay nito ang rnga No. fig ating periodico. Si Llorente ay aalis kagabihan. Marahil ay isinulat na sa iyo, na ang labas fig elecciones [para] Resp. (Responsable) ay nahulog kay Plaridel. Bukas ang jura. Ynaasahan ni Selong na rnagpapadala ka fig articulo laan sa lalabas na nurn. sa 15. Paris din fig iwan rno ito. Sa rnga pagkakatipon sa Charnberi ay sa bahay ni Felisa ay totoong na pag~ hahalata ang pagkahiwaga rno: hinahanap-hanap ka fig lahat. Tuloy ang pakikipag amistad1 ko kay Pepa. Pinakaaasarn fig lahat ang hugpon sa Noli. Ybinigay sa akin ni Alejandrino ang kalakip na L/ at tarjeta upang ipadala sa iyo. Wala pang nababagong ano man dini na sukat ibalita. Tangapin rno ang rnahigpit na yakap fig iyong si M. PONCE H abol : Sa paghuhugpong sa Noli ay baka mapalitan ang 0 ng E. Pakaifigatan rno sanang huag magkagayon, 0 rnagkagayon na figa sana. Ybati mo ako sa kanilang mag-i-ina, lalong lalo na sa E ng Noli. SELONG (M. DEL PILAR)

* Tagalog

ang orihinal na di namin bin ago ang pagkakasulat. Kinastila ko ang pangungusap na ito, pagka't kung sasabihi'y pakikipag ibigan, ay malapit pang kamalian. 1


498

2 39.

Bu,hat kay Felipe Buencamino para kay Rizal

Manananggol ng mga nasasakdal sa Kalamba.Nananalig na makatarungan ang kanyang inuusig. N akawiwiling kasaysayan ng mga pangyayari tungkol sa usapin.-Ang kaparaanan ng pagtatanggo1.-Mga pangyayaring sinamantala ng mga nagsasakdal upang guluhin ang diwa ng mga M,aykapangyarihan.-Kalunus-lunos na kalagayan ng mga ari-arian ng mag-aanak na Rizal.-Inihandog ang tulong ng Gobernador.-Ang mga Lucas at ang mga Eusebio.-Kakila-kilabot na paglalaban sa pamamagitan ng sandata ng matuwid.-Pagpigil ng pag1ilitis sa loob ng anim na buwan.-Sa paghanap ng patakaran ng kasunduan.-Ang pinakabuod na suliranin ng usaping ito, ay isang malaking kagusutan sa har,ap ng batas. Mga pagbabatayan sa ipagkakasundo.-Kapangyarihang ipinagkaloob kay Ginoong Iriarte.

Kalamba J Ika-7 ng Pebrero, 1891 GINOONG JOSE RrZAL, PINAGPIPITAGANAN KO'T PINA AMAMAHAL NA GINOO:

Lumiliham ako sa inyo buhat sa bahay ng inyong butihing kapatid na babaing si Sisa, matapos na makapagpanayam kami ng inyong mga minamuhal at kagalang-galang na mga magulang, at makaraang dinggin ang mga kuru-kuro ng inyong mabubuting mga kababayan, na pawang karapat-dapat sa lalong mabuting kapalaran, at pinagkakautangan ko ng karangalang itong tumuloy sa inyong bahay, upang ipagtanggol sila sa pakikipag-usapin laban sa mga dominiko, at sa nagkalikaw-likaw na mga pangyayari sa lakad ng usapin, na sa aki'y pumilit na parito upang mamalas at madam a ang mga bagay-bagay at ang mga taong nasasangkot sa gayong usaping napakagusot at napakaselan. Hinanap ako ng inyong mga kababayan noong mga huling araw ng Disyembre upang ipagtanggol ang labindalawang nasasakdal laban sa pagpapaalis sa kanila at nang mapanibulos ako sa pagkamakatarungan ng kanilang mga ipinanglalaban, gaya rin ng kawalan n,g matuwid ng mga suplong na iniharap laban sa kanila, hindi lamang sapagka't lisya sa kaanyuan kundi sa karapatang pinagbabatayan din naman, ay tinanggap


499

ko ang pagtatanggol sa kanila, angkin ang kalinisan ng loob at pagkamatapat na hinihingi ng aking tungkulin. Inaasahan ko rin ang tulong ng Audiyensiya, sapagka't minamatyagan nita ngayon ang Kataas-taa~ sang Hukuman, at ipinaliwanag ko sa mga mahistrado na isinama sa mga nasasakdal sina Ginang Petrona Quintero at Ginang Petronila Albiar nan~ hindi isinama at walang pahintulot ang- kani-kanilang asawa, sanagka't gaya ng invong nalalaman, sila'y mga babaing may asawa. Idinaos ang paglilitis, at ang mga tinatangkilik ko'y ipinagtanggol ni G. Juan P. Tagle, na isang kaibigan ko, at tanging taong may tapang na sumagasa sa panganib at humarap sa prayle, pang'anib na wala sa in yo riyan, datapuwa't dito'y nagbabala tuwina sa aming mga kababayan ninyo, at nagiging dahil ng takot ng mar2,mi at ng kasawian ng mga lurnalaban nang harapan. Dala ni Ginoong Tagle ang mga nasusulat na tagu.bilin ko, at babasahin na sana niya sa oras ng pagHlitis, nguni't sa kahiHngan ng panig ng kalaban ay hindi tinulutan ng Hukom na gawin ni. G. Tagle ang gayong para an ng pagsasaysay, sapagka't sa mga paglilitis umanong pas alita, ang lahat ay nararapat daanin sa salita lamang, na para bagang ng pagsasalitang binabasa ang sinasabi, ay hindi pagsasalita; ang ipinagbabawal ng batas ay ang paghaharap ng mga kasulatan, datapuw't hindi ipinagbabawal ang paglalahad ng mga salitang binabasa na siyang dapat gawin ng isang mabuting taong hindi Abugado. Sa angkop na panahon ay iniharap ko ang pagkawalang-bisa ng sakdal dahil sa kawalan ng pahintulot ng mga asa-asawa ng mga babaing isinakdal nila na binanggit na sa dakong una, sa pamamagitan ng prokurador na si G. Arquiza, at hindi tinanggap ng Hukom ang mga kasulatan, sa ilalim ng pagmamatuwid na nahatulan na umano niya noong ang mga kasulata'y iharap sa kanya, bagay na hindi totoo sapagka't sa m~a tala ng pagkakaharap, ang nasasaad ay ang kabaligtaran niyon, at napatotohanan din ito ng mga resibong ibinigay ng eskribano. Naggagawad din siva ng hatol na ang pinanghahawaka'y ang hindi paglitaw umano sa takdang taning,


500

ng mga nasasakdal, gayong nakaharap naman ang mga ito. Dahil sa mga bagay na ito ay nagharap na naman ako ng mga bagong sanhi ng pagpapawalang-bisa laban sa hatol, sanhi sa kabulaanan sa pagkakapahayag, sapagka't gayon ang mahuhulo sa mga petsa ng pagkakaharap ng mga kauna-unahang kasulatan ng pagpapawalang bisa ng ika-8 ng Enero. At sapagka't ang pagpapawalang bisa ay nauna at nangangailangan ng tanging pasiya, maliwanag na ang eskribano, na nakaaalam ng araw ng pagkakaharap niyon, y hindi makapagpapahayag ng hatol ng Hukom ng ika-9, palibhasa ang hatol na ito, bilang karugtong ng lakad ng mga kasulatang pangunahin, ay sadyang napigil na ng batas ang bisa buhat nang nasabing araw ng ika-8. Hiningi kong bawiin ang hatol na hindi pagtanggap sa mga kasulatang naglalahad ng pagpapawalang bisa, at pagkatapos ng libu-libong kapighatian ng di karaniwang pagsusumakit, at pagsaid ng lahat ng kaparaanan, sa mabisang tulong ni Ginoong Gobantes (Pedro), ay natamo ko ring maikiling ang isip ng Huleom na huwag nang tanggihang muli ang mga bagong lunas na ito, at ibinigay ko ang mga kasulatan kay Ginoong V.icente Reyes upang gumawa ng tala ng mga nangyarl. N akahinga ako noong ika-22 ng Enero. .. sapagka't sa araw na nabanggit ay inilagda ng Hukom ang kanyang pasyang ukol sa pagsusuri sa mga bagong lunas na iniharap. Datapuwa't naganap ang dalawang pangyayaring di-karaniwan, kung ito ang ibig itawag, sa mga usaping binabalikat ko, nguni't sinamantala ng kalaban upang guluhin ang isip ng mga Maykapangyarihan. Tinutukoy ko ang napakasawing pagkakasabay ng katampalasanan sa Prokurasiyon ng mga Pransiskano noong araw na igawad ng Kataas-taasng Hukuman ang kahatulan ng pagkatalo ni Nicasio Egasani sa usapin nito. Pinalaganap ng mga Dominiko ang balita ng kanilang tagumpay sa bayan, at ang mga Lucas at mga Eusebio, na mga kakampi nila sa habang-buhay, ay nanakot sa mga kababayan ninyo. Dinala ng mga tao ring iyon sa bahay Asyenda


501

ang Pangkalahatang Patnugot na si Ginoong Vega, at walang pagkakataong pinatawad ito sa pagtatagubilin sa Gobernador at iba pang may kapangyarihang dumalaw sa kanya nang ibayong pagsusumakit sa ipagwawagi ng mga dominiko. Sa ganitong pangyayari at bagaman hindi hinin~ tay ang pagkalutas ng mga nabibiting sakdal, ay isinuplong at pinahaharap sa ika-3 ng buwang ito ang iba pang tatlumpu't isa katao, na inilapit din sa akin ng inyong mga kababayan; at nang mapansin ko na, sa kabila ng :gag-iingat na ginamlt ng kausap, dahil sa aral na natutuhan nila sa nakaraan, na pagsasama sa mga asawa ng mga babaing isinuplong, ay nahulog din sila sa gayong kamalian sa ganang nauukol kay Martina Alcaraz, maybahay ng isang nagngangalang Agapito at kapatid na babae ni Pascual Alcaraz, ay tinanggap ko rin ang pagtatanggol sa mga taong itong isinakdal nitong huli. Sasagi marahil sa inyo ang palagay na kung bakit ang pagmamatyag ko, bilang manananggol, ay lalong nahihinggil sa mga suliranin sa ayos 0 anyo kaysa katwirangpinagbabatayan, bagay na aking sasagutin. N ababagay na ito'y ipaliwanag ko ngayon din at huwag ipagpa~iban, upang maunawaang lubos ang aking ginagaWl. Ang suliranin ng pinakabuod ng usaping ito ay isang malaking kagusutan sa harap ng matuwid. Hindi mapangangatuwiranan ng mga Prayle ang pagmamayari nila ng mga lupa ng Kalamba, datapuwa't hindi rin naman mapatototohanan ng inyong mga kababayan na sUa ang may-ari ng mga iyon. Ang bagay na tiyak ay ang makasaysayang pangyayari ng pagpapabuwis, at ang makipot na hulmahan ng mga karaniwang batas ay nagpapahintulot sa kalabang panig na hingin sa mga Hukom: 1. ang pagpapatupad ng mga pagpapaalis, at 2. 0 kaya'y ang mga hatol pagkatapos na nagsasaad kung sino ang talagang may-ari. Ito'y sariling kurukuro ko lamang, hindi pa patuluyan, sapagka't walang batas na maliwanag na sumusuhay ni sa aking kurukuro ni sa kasalungat nito, at sa ganitong kalagayan, ay higit na minatyagan ko ang mga sandatang kaanyuan, nauukol sa ayos 0 anyo, sapagka't sa pamamagitan nito'y mapipigil ko sa maraming buwan ang takbo ng


502

mga pangunahing suliranin, at sa ganito'y mapatatagal ko ang panahon upang ang mga ipinagtatanggol ko'y makapag-ani ng kanilang tanim, upang ang mabigat na hanging binanggit sa unahan ay unti-unting maparam, upang tumagal marahil hanggang sa pagpapalit ng Pamahalaan, at upanding masakyan kong unti-unti ang gayong usaping napakagusot at makapagtipon ng mga talang hindi luapupuwing kapag dumating na sa pagsagot sa mga sakdal. Pagbalikan natin ang pangunahing takbo ng sulat na ito; gay a ng aking sinabi, ~ng araw na itinakda sa paglilitis ay ang ika-3. Sapagka't ang natipon kong panimdimin tungkol sa lahat ng Inga Maykapangyarihan sa lalawigan ay napakasasama, at pagkatapos na mapagkayarian namin ng aking mga ipinagtatanggol, sampu ni Arquiza at ni Vicente Reyes, ay hiniling ko sa Hukom ang pagpapaliban ng paglilitis na nasimuIan na sa pagbasa ng sakdal, at hiniling ko iyon, hindi sa ngalan ng mga nasasakdal, kundi sa aking sariling kapanagutan, at l1umandog akong tumuklas, sa loob ng anim na buwan, fig isang kaparaanang sukat ikalunas, na nagiging kapaki-pakinabang at maisasagawa llg lahat( hindi ito pakikipagkasundo sa hindi nararapat), at ang pagpapaliban ay sinang-ayunan naman ng kabilang panig. Ninais kong ipakilala, sa pamamagitan ng aking ginawi, na ako at ang aking panig ay hindi siyang nagpasimula ng pag-uusapin (na siyang pangunahing sumbong na sinikap ng mga prayleng paniwalaan ng mga Maykapangyarihan), manapa'y wala kaming hinahangad kundi ang kapayapaan sa loob ng karapatan at ng lalong mahigpit na itinatadhana ng batas, at natamo kong gumiti sa diwa ng lahat ang bungang hinahangad ko, at dahil sa bagay na ito kaya ako naparito sa bayang ito upang makipag-usap sa aking mga ipinagtatanggol tungkol sa bagong tunguhin ng usapin, at upang madama't mahipo ko rin nang malapitan ang tunay at talagang kalagayan ng aming mga pangangailangan. Lubos na nakalulunos ang aking mga panimdimin, ninanais ko sanang iligtas kayo sa kasaklapan ng pagkakaalam ng mga iyon, datapuwa't ang pangangailangan, sa isang dako, na inyong maunawa ang katoto-


503

hanan ng kalagayan, at ang kahingian, sa kabilang dako, ng inyong kagiliw-giliw na kaanak at mga kababayan, ay para-parang pumipilit sa aking isulit sa inyo ang tanang nakita't narinig ko, nang wala akong idaragdag sa anumang puna at ipauubaya ko na sa inyong matuwid na pagkukuro ang paggawa ng gayon. Mabuting lahat ang kalagayan ng pangangatawan ng inyong matatandang magulang, mga kapatid na babae at mga pamangkin. Ang mga nauna'y napaiyak sa pagtanggap sa akin, sapagka't dati nang nakikilala nila ako bilang kaibigan buhat sa pagkabata ng inyong kapatid na si Paciano, ang kulang-palad at pinakamamahal kong si Paciano. Napaluha rin ako, at nang makalipas ang mga sandaling iyon, na hindi naman nagtagal, bagama't lubhang matindi, ay nagkaniig kaming mabuti. Wala akong sasabihin tungkol sa inyong mga bayaw na kasama {lj Paciano sa tapunan ngayon sa Mindoro; sila'y pawang mabubuting lahat, sang-ayon sa mga huling balitang da a ng inyong pins~ng si Ticio, na siyang nagdadala ng tatlo na.ng; suI at ko sa aking kaibigan; nakatanggap naman ako sa kanya ng isa, na inilalakip ko sa liham na ito. Hindi ko na babanggitin ang kalagayan ng pangungulilang kinasasadlakan ng inyong mga magulang at mga kapatid na babae, bagalnan 00, sasabihin kong ang mga ito'y matatapang, matitibay, at karapat-dapat na mga kapatid ninyo. Datapuwa't 00, kautangan kong sabihin sa inyo ang kahambal-hambal na kalagayan ng lahat ng inyong mga pag-aari, sapagka't matatanda na ang inyong mga magulang, ang inyong mga minamahal na kapatid na babai'y may kani-kanya namang kinaaabalahan at lagi nang naninimdim at naliligalig ang mga tapat na iyon kay Paciano, anupa't ang mga batis ng kayamanan at kaginhawahang iyon ay lubos na napabayaan, at di magtatagal ay magiging gubat at dawag na lamang dahil din sa sariling katabaan. Ang mga kababayan ninyo, na nanlulupaypay na dahil sa pagal at wala ng salapi, at pinapaging duwag, tangi sa roon, ng isang bagong pangyayaring nasaksihan sa ulumbayan nang kinahapunan ng araw ng paglilitis, na siyang ikinabilanggo ng isang nagngangalang


504

Fausto, tagapagsulat ng N otaryo. Si Fausto'y pinasiglang lubha ng walang halagang talumpating binigkas ko noong kasalukuyang naglilitis; ang talumpati ay kanyang ibinalita sa mga lansangan at mga liwasan, at ang gawang ito'y sinangkalan ng kalabang panig upang siya'y isuplong na pilibuBtero sa Gobernador at muntik na kaming ipabilanggong lahat; at kay a lamang hindi llatuloy ay dahil sa nagpamalas ng karangalan at pagkamatapat si Ginoong Y riarte, na sa harap ng gayong kilos ay lubos na pumanig sa amin, at salamat din (ipagpaumanhin sa akin ang pagmamayabang na ito) sa malakas na pagtutol ko samga hinala ng Gobernador, at humandog akong pabilanggo at ipanagot ang aking pagka-abugako; at hiniling ko rin, gaya ng nararapat gawin, ang paghaharap ng isang suplong na pampamahalaan, 0 sa isang kapulungang militar, gaya ng sinabi ng komandante ng Guwardiya Sibil, na dumating dito upang ako'y matyagan noon ika-4, araw na kauna-unahang dalawin ko ang inyong mga magulang; sapagka't nanlulupaypay, inuulit ko, ang inyong mga kababayan at walang lakas at walang salapi, ay minabuti ko ang pagpapaliban ng kasalukuyang kalagayan, at upang mapasang-ayon ang kalabang panig, ay iminungkahi ko ang pag-aayos, sa pamamagitan ni G, Francisco Yriarte, na humandog sa aming taglay ang kabutihan 100b at walang anum an pasubali, paghahandog na tinanggap ko naman, sapagka't nalalaman naming siya'y walang ginagawa ni sinasabi kundi ang ipinagagawa at ipinasasabi ni G. Vicente Reyes. Ikinalugod nang di-sapala ng Gobernador ang gayong mungkahi at humandog pa siyang tumulong. Sinang-ayunan, pagkalipas ng tatlong araw, ng inyong mga magulang at mga kababayan, ang mga batayang kalakip nito, at kasama rin ang sipi ng kapangyarihang ipinagkaloob kay Don Francisco; pagkabasa ninyo ng mga ito, ay mapapanibulos kayo, sa wari ko, sa maliit na pakinabang na maaaring makita ko bilang manananggol, kung aalagatain ang lahat ng mga pangyayaring iniulat ko na sa dakong una. Wala akong pag-asang makapagtatamo ng anum an, manapa'y naniniwala akong darating sa 100b ng madaling panahon ang mga usapin, datapuwa't maging 15 araw, maging 30, sa panahong mamamagitna ay lagi


505

na kaming makakahinga, at sa loob ng panahong ito, ang mga ipinagtatanggol ko'y makapag-uukol ng kanilang pagsisikap sa pag-aani ng mga tanim. (mahalagang kabagayan itong tinaon ng kalabang panig na taglay ang lalong masamang kalooban, sapagka't isinabay ang pagsasakdal ng pagpapaalis sa panahon pa naman ng pag-aani), at makapagpahinga sa kanilang kapaguran, at makapaghanda ng mga kakailanganin upang makapasok nang malalakas, sa napipintong mga pakikipaglaban. (Bagaman sang-ayon sa aking namamalas at namamatyagan, ay talagang said nq ang kanilang lakas.) Sa ganang akin, ay kinakailangan ko ring magpahinga, sapagka't isang buwan at ilang araw nang wala akong inaatupag lib an sa usaping itong mabalakid nang gayon na lamang, hindi gaano sa mga suliranin ng mga batas na nasasangkot, kundi dahil sa napakadaHng pasukan ng mga kagusutang may ibang uri, dala ng masamang kalooban ng kalaban, at kinakailangang kami'y magpakatalas ng mata sa lahat ng uring may kinalaman sa mga pangyayaring may lakas sa Inabuting pakikiramdam na lubhang kinakailangan sa pagsubaybay sa ganitong gawain. Salamat sa aking mahinahong pangangalaga (at ipagpa umanhin ninyo uli ang bagong pagmama puring) ito), at dalawa nang mahahalagang pakay ang natatamo ko hangga ngayon: 1. Pagbabago ng kaasalan ng Gobernador at iba pang maykapangyarihan sa aking mga ipinagtatanggol, gaya na nga ng pagkakaalis sa pamahalaan ni Kapitang Lucas, na hinalinhan ng Tinyente Mayor na si G. Procopio Pabalan, ang Guwardiya Sibil ay inatasang huwag gumamit ng mga kaparaanang magahasa at ang Tribunal ay inatasang magbigay sa akin ng lahat ng uri ng tulong, bilang kinatawan niya, upang mapapagkasundo ang mga nagkakaalit sa bayan, kaya dahil dito'y may isang tenyente rito sa hagdanan ng bahay ng inyong kapatid na babaing si Sisa, na nalalaan sa anumang ipag-uutos ko, at siya'y pinakikinabangan ng lahat ng aking mga kliyente, maliban sa akin na hindi kumakasangkapan sa kanya, sapagka't siy~'y aking hiningi, hindi para sa aking sarili kundi para sa kanila na rin upang mapanauli sa bayan ang kanilang


506

mabuting ngalang nawala at .sinira nina Mompeon, Lucas, Eusebio, at Aviles, na parusahan nawa ng Diyos. Si Ginoong Leopoldo Molano, na namamahala sa la.. lawigang ito, ay namalas kong lubhang marangal, matapat, at maginoo, bukod sa mapagmahal sa mga nasasakupan niya, ' kailanma't ang mga ito'y may matuwid at katarungan, madali siyang mapapaniwala sapagka't baguhan, datapuwa't madali rin namang pawian ng paniniwala sapagka't nakikinig. Ito'y sin asabi ko, sapagka't ang lahat ng mga kastila rito'y nagsasabi sa aking marahil ay nasa-bilangguan na ako ngayon kung si Mompeon pa ang namamahala, dahil sa mahigpit na paninindigan ko noong ika-4, paninindigang nakapawi sa kapaligirang ibinunga ng nangyari kay Fausto, at nakapagligtas sa taong ito kapagdaka sa panganib na kinasusuungan. Ipahintulot ninyong banggitin ko ang kaguluhang lumaganap sa buong pangulong bayan at sa bayang ito, bagaman napawi nang para-para, at maaaring sabihing buhat kahapon, ika-6, na ika-lawang pagparito ko, ay nakalalanghap na ami ng kapayapaa't katahimikan, kaya sinasamantala ko ang mga sandaling ito ng pagpapahinga upang sulatin ang nakaaabalang liham na ito, na sinulat nang madalian upang umabot sa Maynila at madala ng koreo ng ika-10. Sa Kabuuan: . 1. N atigil ang lahat ng usapin. 2. N akapagpapahinga ang mga nasasakdal. 3. Maaliwalas ang kapaligiran. 4. Ang inyong mga magulang at ang mga kliyente ko ay nasisiyahan sa pagkakaalis ni Lucas sa Tribunal. 5. Si Yriarte ay may kapangyarihang makipagtungo sa mga dominiko tungkol sa pagaayos, sang-ayon sa mga batayang kalakip ng sipi ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa kanya. A! N akalimutan ko palang sabihin sa inyo na si Ginoong Molano ay gumawa ng isang tanging pahayag na hindi niya susundin ang magagahasang kaparaanang ginamit ng kanyang hinalinhan kung walang mga pangyayaring napatotohanan at walang sakdal na ini-


507

harap, sang-ayon sa ipinag-uutos; inihahandog niya sa inyong mga magulang ang kanyang sarili at kapangyarihan sa anumang ipangangailangan sa kanya; sinikap niyang mapatahimik ang ka100ban ng mga maykapangyarihan upang mapawi ang bulung-bulungang ibinunga ng mga linsil na balita laban sa inyong kaanak; at inihahandog sa inyo ang lahat ng uri ng pananagutan diyan at dito sakaling binabalak ninyong umuwi sa inyang bayan. N angako rin siyang dumalaw sa inyong matatanda sa araw na ipatalastas ko sa kanya ang gayon. N arito ang lahat ng aking nagawa hangga ngayon sa loob ng isang buwang pagsusumakit alang-alang sa aking mga kliyente, sa inyong mga magulang, at sa inyong mga kababayan. Maliit pa iyon sa talagang nararapat sa mga kulang-palad na iyon sang-ayon sa katarnngan, at sa utang ko sa kanila dahil Sa magiliw na pagpapalagay sa akin, at sa mabuting bayad nila sa akin, datapuwa't ginavya ko na ang lahat ng aking makakaya at ang munting kataJinuhang ipinagkaloob sa I akin ng Diyos sa paghawak ng mga usapin. N agwawakas ako sa pamamanhik sa inyong pagpaumanhinan ang abalang idinudulot sa inyo ng aking masamang titik at patakbong pagsulat, at tanggapin ninyo ang pinakamatayog na pagtatangi at tapat na pakikipagkaibigang inihahandog sa inyo ni FELIPE BUENCAMINO

Dahil sa kakapusan ng panahon ay ipagpaumanhin ninyo sa akin ang mga pagwawasto sa sulat na ito. Sa ibang pagkakataon ay susulat ako nang lalong mabuti. Tsang pangungutang ng loob. Tsang yakap sa aking bayaw na si Abreu at mag-aral nawa ~iyang mabuti upang maiwasan ang kahihiyang siya'y umuwi ritong gaya rin nang siya'y umalis. MGA BATAYAN 1. Pagliligtas sa kabayanan, at pagkilala sa pagmamay-ari ng bawa't isa sa bakurang kinatitirikan ng kauilang bahay, mga kamalig, gusali, at halamanan. 2. Pagsusuri sa mga katibayan ng pagmamay-


508

ari at pagtalimang walang pasubali sa nagkakaisang kuru-kuro ng tatlong marurunong, na pipiliin sa kasun~ duan ng magkalabang panig. Sakaling hindi magka~ sun do, ay hihirang ng ibang tatlo rin, at 2.ng pagkayariang kuru-kuro ng dalawa ay siyang ipagaganap. 3. Kapahintulutan... upang makatirang pansamantala sa kani-kanilang bahay at mga lupa, datapuwa't mangangakong iiwan kapagdaka ang mga iyon sakaling mabigo ang pagsasaayos. 4. Mga makatuwirang patakaran sa pagpapabu~ wis sakaling ang mga katibayan ng pagmamay-ari ay ~umabas na tunay. 5. Pagpigil ng anumang pagkakautang hanggang sa araw ng pagkakaayos. 6. Ang mga gugol ay paghahatian ng magkabilang panlg. Kalamba, ika-6 ng Pebrero, 1891. TANGING KAPANGYARIHAN Sa Kalamba, bayang sakop ng lalawigang ito, ika-6 ng Pebrero, 1891: sa harap ko, Ginoong Procopio Pabalan, pang-unang tinyente ng nabanggit na bayan at pan~ samantalang gobernadorsilyo dahil sa pamamahinga ng nagmamay-ari, sa pagganap ng tungkulin, sa harap ng mga saksing sa dakong huli nito'y isinasaysay, ay na~ ngagsiharap ang mga maginoong sin a G. Francisco Rizal Mercado, G. Luis Habafia at G. Nicolas Llamas, na pawang naging gobernadorsilyong lahat, sina G. Maximo Ustaris, Ginoong Basilio Aguilar, at Ginoong Aquilino Gecolea, na pawang kasalukuyang kabisa ng balangay, may kani-kanyang mga sedula at .nangagpapahayag: N a sa kanilang sarili, at bilang mga maginoo ay naki~ kilala nila ang mga kababayan at mga nagsuplong sa kanila, na ang mga humarap ay may itinataguyod na usaping nabibitin pa, ang ilan, at pinigil naman ang iba sa Hukumang Unang Dulugan ng lalawigang ito, at paghahabol na pampamahalaan sa harap ng Ginoong Gobernador Sibil ng lalawigan ding ito tungkol sa pagpapaalis, pagmamay-ari at kinauukulan ng lahat ng mga lupa't bakurang nasasaklaw ng hangganang nasasakop ng Kalamba, na iniharap ng Korporasyong makarelihiyon ng mga Paring Dominiko ng lalawigan ng Santisimo Rosaryo ng Maynila, at sapagka't pinagpa-


509

yuhan at pinaalalahanan, unang-una ng Gobernador Sibil ng lalawigang ito na si G. Leopoldo Molano, at ikalawa'y ng ibang mga taong kapita-pitagan upang makjpagkayari sa isang kasunduang makatuwiran at makakatarungan sa magkabilang panig, at sa pagsasamantala sa mapagbigay na pamamagitang inihahandog ng Kadaki-dakilang Ginoong Francisco de Yriarte, sa udyok ng tunay na pag-ibig-kristiyano sa kapuwa, na sapul pa noong una'y ikinatangi at siyang ikinatatangi tuwina ng mga gawa ng nabanggit na Kadaki-dakilang Ginoo, sa sariling ngalan nila at sa ngalan ng lahat ng kanilang kababayan, ay nagkakaloob sa nasabing ginoo ng ganap na kapangyarihan, sapat at lahat na ng kinakailangang ayon sa batas, upang alinsunod sa mga batayang magkakahiwalay ay magsikap, kumilos, at makipagkayari sa isang kasunduang hinahangad sa panig na kumakatawan sa mga paring Dominiko, at siya'y pinagkakalooban nang hayag at tanging kapangyarihang ipailalim ang nasabing kasunduan sa mataas na pagpapatibay ni G. Leopoldo Molano, Gobernador Sibil ng lalawigan ito, upang mapagtibay at maipaganap ang anumang napagkayarian. Pinagkakalooban din siya ng kapangyarihang palitan ang tanging kapangyaribang ito ng tao 0 mga taong mamarapatin niya at tuwing mamarapatin niya. Ang mga nahaharap ay naghahandog ng kanilang buhay at puso sa Kadaki-dakilang G. Franci~co Yriarte dahil sa kanyang makaamang pamamagitan sa usaping itong napakaraming balakid at napakahirap, sanhi sa kahalagahan ng mga taong nag-uusapin, at sanhi rin sa kalakhan ng pag-aaring nasasangkot} at hindi pinagaalinlanganang kakasangkapanin ng nabanggit na Ginoo, sa ikabubuti ng mga kinakatawan niya, ang lahat ng pag-ibig, pagnlamalasakit, at pagmamahal sa kapuwa, mga katangiang sarili lamang ng mga kastila, gaya ng ipinakilala niya sa loob ng labing-isang taong ipinaging mahal na puno niya at Alkalde Mayor ng la路 lawigang ito, at nangangakong isasailalim ang anumang gagawin niya sa bisa ng lahat ng mga tadhana ng kapangyarihang ito. Gayon ang sinabi at pinagtibay ng mga nabanggit na nagsiharap at pinagtibay ang lahat at lahat ng na路 lalaman sa kasulatang ito pagkatapos na maipaliwanag


510

sa kanila ang tanang natatadhana ng manananggol na si Ginoong Felipe Buencamino, at nilagdaan ng lahat, pagkatapos ng Gobernadorsilyo, bagay na pinagtitihay naming laha t. 240. Blthat kay Tomas (Arejola) para kay Rizal Ang lakas ni Rizal.-Kaluluwa ng rnasasayang pagtitipon sa Charnberi.-Mga alaalang hindi rnakakatkat ng pinakarnarnahal na .anak ng Bayang tinubuan.-Ang landas ng kaluwalhatian ay nagkakahalaga ng rnga pagpapakasakit.-Paninindigan ang kany,ang rnga aral na rnakabayan.-Masakit na biruan nina Kanoy at Kabisang Tetoy at M. Rosario na nagtapos sa suntukan. Isang ugaling di-karaniwan ang kay Pablito.-Matapos na rnaging rnalaya sa kany.ang katipan sa Pilipinas, bakit hindi siya gurnawa ng pugad ng pag-ibig sa rnagandang si Adelina?

Madrid, Ika-9 ng Pebrero, 1891 GINOONG JOSE RIZAL: MINAMAHAL KONG KAIBIGAN PEPE:

Pinasasalamatan ko ang pakumustang ipinahahatid ninyo sa akin sa sulat ninyo kay Pablito, at ikinalulugod kong sulatin ang liham na ito, hindi lamang upang tupdin ang pangakong pang-magkakaibigan noong ako'y nagpaalam, kundi lalo na sa matimyas na kasiyahang tinatamo ko sa pagsulat sa isang gaya ninyo'y pinag-uukulan ng tanging pagmamahal at malalim na paghanga. Naito ang aking mga pala-palagay. Hindi pa kayo nakatatalikod halos, ay hinanaphanap na ang inyong pagdalo sa aming mga pagtitipon, lalo na sa mga pagtitipon ng Chamberi; kalabisan nang sabihin kung sino ang kaluluwa ng mga pagtitipong iyon kung araw ng Biyernes. Sa aming mga kainan ...... ay lagi na naming kayong nababanggit, at may napapabulalas ng: "Kung ang butihing Rizal ay naririto sana; ang iba, sa pagkagunita sa inyo ay nakapagsasabi: higit sanang magiging masarap ang pagkain kung kasalo ang ating marilag na kababayang Rizal. Ang nakararami, ayon sa


511

aming namamatyagan, ay nagtatamasa ng di karaniwang kasiyahan sa paghahandog sa (...... ng) Bayang tinubuan at ng kanyang mga kababayan, salamat sa lahat ng uri ng mga pag-aalang-alang. Sa wakas, sa karamihan ng mga pilipinong nakatira rito, at lalung-Ialo na sa bahay ni B . . . ta, ay nakapag-iwan kayo ng napakatatamis at walang pagkamatay na mga gunita. Sinasabi kong sa karamihan ng mga pilipinong nakatira rito, sa kahulugang hindi lahat ay naging kasangayon ninyo, ang ilan ay dahil sa dating samaan ng loob, bunga ng labis na pagmamataas, ang iba'y dahil sa kabigatan ng dugo, na maaar ing maipaliwanag lamang kapag ang diwa ng inggit ay naghari sa mga puso, at ang karamiha'y dahil sa nalinlang ng kahigpitan at pamimilit, na dahil sa pagkakamali ay iniukol sa inyo ng inyong mga kaaway. Ang landas ng kaluwalhatia'y lagi nang pinaggugugulan ng mga pagpapakasakit; tiisin ninyo ang mga iyon alang-alang sa bayang tinubuan, at iwaksi ninyo ang mga poot at pagtatanim, salpagka't sa paano't paano man, kaming mga humahanga sa inyo, kaming buong pusong pumapanig sa inyong mga kaisipan at mga pananalig, kaming kumikilala sa inyong kahalagahan, ay siyang nakararami, at kami'y nahahandang manindigan, sa abot ng aming kaya sa inyong mga aral tungkol sa suliranin ng Pilipinas. Ang totoo ay ito: hindi maaaring mapuwing ang lakas ng inyong diwa sa amin; ang kauna-unahang pagtitipong idinaos namin pagkaalis ninyo! ay sinimulan nang may isang pangyayaring kasakit-sakit sa loob. Kami'y nagtipon upang maghalal ng "Responsable"; at aywan ko kung sa anong dahilan, ang nangyari'y nagkainitan ng salitaan sin a Kanoy at Modesto, at kumatlo pa si M. Rosario na nagpatuloy sa pakikipagtaltalan sa una ng masasakit na biro hanggang sa sila'y nagkapanuntukan. Patotoo ito na sa kabila ng tungkuling pagka-Responsable ni Kabisang Tetoy at ng pagka-Kasangguning Jl.agapagbaZak ni Lete sa kagustuhan ng nakararami, ay hindi naging sap at ang mga iyon upang ilagay sa kaayusan ang mga bagay-bagay, ni bihisan ang bayan-bayanan ng mga pilipinong naririto ng kapormalang hinihingi ng samahan, at kinailangan pa ang ka-


512

talasan at kakayahang lumamuyot ng isang Rizal upang sa bawa't naisin naming gawin sa kabutihan ng madla ay matamo nang madaling-madali. Ang lahat nang ito'y inaamin namin, at sapilitang aaminin din ng tatlo 0 apat na tao sa hinaba-haba ng panahon. Ang pinsan ninyong si Pablo ay isang sawimpalad, sa mabuting kahulugan ng salitaang ito; dinamdam niya nang gayon na lamang ang inyong pagkakaalis na hindi pa halos kami nakararating sa bahay buhat sa Himpilan, ay napahagulhol nang parang isang bata hanggang sa makahapunan, nang pagpayuhan naming magpahi路nga na't matulog nang tahimik. Noong isang araw, ay nakipagbiruan siya kay Ruiz at ang naging dulo'y ang ma~aklap na pagluha niva. Kamakalawa'y nagalit dahil S3 ilang biro ko, tinangkang ipukol ang baso sa mukha ko, datapuwa't pagkatapos ay nakipagkaibigan sa akin at ako'y niyakap at humingi ng tawad na umaagos ang luha. Ang taong ganyan ay talagang isang sawimpalad, at dahil doo'y lalo siyang napamahal sa akin. Sa sulat ninyo'y madalas banggitin si [AdelinaJ Boustead na maaarung may-asawa 0 dalaga. Tungkol sa daJagang ito, na salilg-ayon sa inyong liham ay isa ring babaing pilipino, ay marami akong tinanggap na balita bllhat pa noong taong nakaraan. Ibinalita sa aking siya'y talagang maitatagubilin sanhi sa kanyang napakakinis na pagkakaaral, napakagandang mga katang'ian ng kaluluwa at katawan, at tangi sa rito'y pilipina. Sa pagkakat-aong ito, at yamang kayo'y naririyan sa kainitan ng pakiki-pagkapuwa at pag'lingap ng magaanak na iyan, ay pinangangoahasan kong paabutin sa inyo ang ganitong mga pagdidili-dili. Kayo na rin ang nag-sabi sa aking ka1ag na kayo sa anumang pang-ako sa Pilipinas. Sa kabilang dako, habang hindi nabahago ang kalagayan ng mga bagay-bagay roon, ay hindi nararapat na kayo'y tumira sa ating bayan, at sakaling maaari man ito ay hindi kayo pababayaang matahimik kailanman sa inyong tahanan; kaya kung kayo'y magasawa, sa halip na kaligayahan ay wa1a kayong matatamo kundi mga kasaklapan at kapaitan ng 1oob. At anong lunas ang nalalabi? Anong kalutasan ang maaaring makuha sa harap ng mga makatuwirang pangambang iyan? Tingnan ninyo kung nababagay sa inyo ang dalagang si Boustead, ligawan ninyo, pakasalan ninyo


513

at kami'y naririto upang ipagdiwang ang gayong mabuting pasiya. Umalis si Lauro noong ika-6 ng kasalukuyan at si Llorente'y tatlo 0 apat na araw pagkatapos. Si D . . . P . . . ay nagtanan sa Madrid; walang nakaaalam kung saan siya naroroon, maraming iniwang panlilinlang dito, na umaabot sa 500 piso. Ikinahihiya namin ang gayong asal na ikasisirang puri ng mga pilipinong naririto. Hanggang sa susunod. U maasa kayo tuwina sa pagmamahaI at pakikipagkaibigan ng inyong katoto. TOMAS AREJOLA

24,1. Buhat kay Rizal para kay M. Ponce

*

"Hindi ako makapagpapadala sa inyo ng mga lathalain sa mga araw na ito".-Kapag may dapat sagutin 0 tuligsain at ayaw balikatin nina Selong, Luna at iba pa, ay saka ko na hahawakang muli ang panitik sa pagsasanggalang sa atin.-"Ninanais kong huwag akong maging isang pangangailangang mahigpit".-Ipinagkakatiwala kong lahat sa inyong kakayahan.-Linangin mo ang pagkakaibigang iyan sa babaing kangalan ko.-Dito sa Madrid ay umiigi ang aking pangangatawan."

Villa Eliada, Biarritz Ika-11 ng Pebrero, 1891 GINOONG MARIANO PONCE KAIBIGAN PILI:

Tinangap ko ang padala mong sulat sampu fig mga Soli: Salamat. Huag na muna ninyo akong hing'an ng articulo para sa Soli at totoo akong maraming kaabalahan.1 Sa.. '" Tagalog ang orihinal at di namin bin ago ang pagkakasulat. 1 Dahil sa karamihan ng gawain, si Rizal ay nagsabing hindi siya makasusulat ng mga artikulong hinihingi para sa "La Solidaridad"; inaakala rin naman na ang gayong pagdadahilan ay sanhi sa mga katuwirang binanggit sa isa niyang sulat na nagsasabing hindi niya ibig tumulong sa isang pahayagang pinamumuhunanan ng ib1Jng tao. Hindi uapat maIimot na sa paghahalal ng Responsable 0 may pananagutan ay sinabing ang "La Solidaridad" ay ari ng isang samahang hiwalay. Maaari rin namang ang di pagsulat ni Rizal ay buhat sa pakikipsg-aIit sa tatlo o apat na pilipino, gaya ng sabi ni Arejola, at sa malas ay kabilang Ra kanila si Lete at marahil ay si Antonio Luna. Ang pagtanggi ni Rizal na mag'Patuloy sa pagsulat sa "La Solidaridad" ay sapat na ipinaliliwanag sa kanyang mga liham bHang 278 at 280 (mga sulat sa mga Propaagndista).


514

kali't kung .m9-Y ¡ sukat saguting hindi makaya nina Selong at Luna at iba pa-dagang ito'y hindi maJ?-gyaya-. ri-ay saka ko mi pag tiyagaang tikman tiklnan; awa ng Dios ay tila mandin natutupad ang mahigpit kong nasa na huag akong maging kailangan, sa pagka't paniwala akong kaya na ninyong lahat ang lahat dian. ' Pasusulok na lamang akong unti unti, at gaganapin ko ang aking makakaya. Ybati mo ako sa lahat ng mga kaibigan at kakilalang magt anong sa akin. . Sulong ang pakikipag am istad mo kay takaya. 2 Huag ka lamang magkamali bal~a pagsulat mo sa akin ay magpalit ka ng e at mailagay mo'y a. Mapalad ang paris ni Selong na magkamali ma'y maliwanag ding parang na sikat ng araw, 0 arao 0 aurora. 3 Malaki na ang itinaba ko rito sapul ng akoy dumating di na hupiak ang aking pisngi na paris ng dati, palibhasa baga'y maaga akong lnatulog at walang kinalilitohan. Kung dumating na si Mamang Piro ay ibati mo ako at sabihin mong dinadamdam ko ang pagkaalis kong hindi na kami nagkita. Yto na lamang, JOSE RIZAL

242. Buhat kay Rizal para kay Eduardo de Lete Bumabati kay Lete dahil sa ipinaglaban nito ang Pilipinas sa La Correspondencia Militar. Ang mga dahon ng La Solidaridad ay bukas sa kanyang panuJat.

Abril, 1891 Paris GINOONG EDUARDO DE LETE

Madr id Si Jose Rizal (Kapuluang Pilipinas) ay bumabati sa kanyang kaibigang Lete dahil sa masikhay na pakikipaglaban sa pahayagang La Corres2 Tinutukoy ang isang- dalagang kastila na nagngangalang Pepa, r,a nililigawan ni Ponce. • 3 Sa mga I?angungusap na ito'y tinutukoy ni Rizal and pangingibig m M. H. del PIlar sa isang daJagang nagngangalang Aurora. .


515

pondencia Militar1 sa pagtangkilik sa ating bayan, at nagnanais na ipagpatuloy niya ang gayong napakadakila at walang halong pag-iimbot na pagsusumakit. Kalabisan nang sabihing ang mga dahon ng La Solidaridad ay bukas sa kanyang panitik. 243.

Buhat kay E. de Lete pa,.a Iwy Rizal

Ang ruga pagbati'y kinaaaninagan ng pagkakaihigan at ng kasiglahan ukol sa bayang tinubuan.-路 Ang mga sinulat niya ay mga huwad ng mga paghihirap at pagkapoot na siyang pagkain ng kanyang diwa. Tumutupad sa tungkulin sa karimLan. Ang papuri . . . ay hindi para sa isang taong kailanma'y hindi natutong magmahal sa bayang tinubuan kundi bilang kataliwasan, 0 pasanda-sandali lamang, ni hindi inari iyon na isang tanging kabaitan.-Ang gawain ay para sa lahat, nguni't iisa lamang ang pakay.-Patnubayan nawa tayo ng kapalaran! EDUARDO DE LETE

Si

ay nalulugod nang i-sapala sa ga pagbati ng kanyang kaibigang si Rizal, lalo na sapagka't sa akala niya'y hindi siya karapat-dapat sa mga iyon, sapagka't kung ang mga sinulat man niya'y maaaring maging marapat sa pagpapahalaga sa may-katha, ang sanhi nito'y sapagka't ang mga iyo'y napakatapat na huwad ng mga hirap at mga pagkapoot na siyang pagkain ng kanyang diwa. Hindi siya naghangad ng anumang papuri, at hindi nagtangkang putlin ang pag-iisang~ hindi man niya ninanais, ay pinaglagyan sa kanya ng tadhana 0 ng kanyang mga kamalian, at dahil diya'y lalong pinahahalagahan niya ang mga iyon. Tinupad at tinutupad niya ang kanyang banal na tungkulin, sa karimlan, tunay nga, datapuwa't iyon ang tuwina'y nag-udyok sa kanyang mga pasiya, at siya'y nasiyahan at nasisiyahan. At lalong malaki sana ang kanyang gin.awa kung 1 Tinutukoy ang mga artikulo ni Lete na inilalathala sa "La Correspondencia Militar" at hindi sa "La Solidaridad". Sa kabilang dako, ang pagbating ito ni Rizal ay sinagot ni Lete sa pamamagitan ng isang sulat na puno ng kapaitan at kinahahalataan ng' isang lihim na pagdal'amdam. Ang pagkakawatak-watak at paghihinanakitan ng mga pilipino sa Madrid ay ipinagsaya at ikinatuwa ng mga kaaway ng mga layunin ng mga pilipino. Hindi minabuti ni Rizal ang paggamit ni Lete ng isang pahayagang naiiba sa "La Solidaridad".


516

lalong malaki ang ipinagkaloob sa kanya. Hindi siya pinagkakautangan, samakatuwid, ng papuri, sapagka't ang papuri'y lalong nakapagsisikip ng kanyang dibdib kaysa nakapagpapasigla. Ang papuri'y ipinagkakaloob sa kataliwasan 0 sa karapatan, datapuwa't hindi sa isang taong kailanma'y hindi natutong magmahal sa bayang tinubuan kundi bilang kataliwasan 0 pansandasandali lamang, at hindi nag-akalang iyon ay isang tanging kabaitan. . Ito'y hindi isang tanda ng kapalaluan; labis niyang nalalaman na ang kaibigan niyang si Rizal ay hindi nag-angkin ng gayong hangad; manapa'y walang anumang pasubaling naniniwala na ang mga bating iyon ay kinaaaninagan ng pagkakaibigan at ng kasiglahang llkol sa bayang tinubuan; datapuwa't sasang-ayong maaaring pakahuluganan ng mapang-uyam na papuring tinanggap noong isang pagkak8.taon, na isinaad sa matalino at makahulugang pangungusap: "Hindi ako umasang makagagawa ng gayong bagay", na sa pamamagitan ng mga salitang ito'y hindi mapag-aalinlanganang ang ibig sabihin ay hindi k~~kulangin doon ang aking hinihintay . . . Sa anu't anuman, ay pinasasalamatan din ang pagaalok na ginawa ng mga dahon ng "La Solidaridad", datapuwa't tiyak na hindi niya magagamit, bagaman 1tO'y kanyang dinaramdam, ang alok, sapagka't labis ang kanyang mga kaabalahan, na may kaugnayan sa -ibang pahayagan, La Reforma, sapagka't isa siya sa mga bumubuo ng pasulatan nito. Ang gawain ay gawain ng lahat, at bagaman nagkakaiba-iba ng mga landas, ay iisa lamang ang pakay, na sapilitang pagtatagpuan sa araw ng tagumpay 0 ng pagkatalo ng mga mabubuting nagpisan-pisan ng kanilang lakas sa pagtataguyod ng isang layunin. Patnubayan nawa tayo ng kapalaran! Hindi tuwina'y magiging kalaban 0 lagi nang tatalilis siya. Ang pagkakaibigan ay isa rin, at kapag nunukal sa kaibuturan ay marunong pumaibabaw sa mga kaabaan ng katotohanan. Tanggapin mo ang isang yakap na pangmagkapatid nitong nalalaman mong nagmamahal sa iyo, na parang isang kapatid. EDUARDO


517 244. BuTtat kay Rizal para kay Jose Maria Basa Ipinasiya na ni Rizal na sumama sa makabayang si Basa sa Hongkong.-Walang nakapipigil sa kanya sa Paris lib an sa kakulangan ng kuwalta sa paglalakbay.-Kung mapapagpalwalan ni Basa ang bayad ~a kanyang paglalakbay . . . sa pamamagitan ng is.a ng pananagot na babayaran sa Hongkong.-Binahalak na harapin doon ang Optalmolohiya at kumita ng ikabubuhay.

Hotel Grand, Boulevard des Capnolisnes, 12, Paris, Ika-4 ng Abril, 1891 GINOONG JOSE

M.

BASA

Hongkong PINAKAMAMAHAL NA KAIBIGANG BASA:

BHang tugon sa inyong sulat,l ay ipinahahayag ko sa inyo ang mahigpit kong nasang pumariyan at makipisan sa inyo sa IOQb ng lalong madaling panahon; waJang ibang nakapipIgH sa aki1Jl dito kundi ang kakulangan ng magugugol sa paglalakbay: sakaling magiging magaan sa inyo ang ako'y pagpalwalan sa pamamagitan ng isang sulat-utos sa Kumpaniya ng Mensaherias Maritimas upang ako'y bigyan ng isang pasaheng pangunang klase hanggang Hongkong, ay maaari kong isaga wa ang aking balak. Sa katotohanan ay hindi ko mababayaran sa in yo ang halagang ito hanggang makalipas ang ilang buwan kapag ako'y nanirahan na riyan, sapagka't kinakailangan kong kitain iyon. Sakaling ang hakbang na ito'y makapipinsala sa inyong mga kapakanan 0 kaya'y makagagambala nang malaki, ay ipinamamanhik ko sa inyong huwag ninyong gawin. Sakali namang maaari, ay mapatatalastasan ninyo ako sa Paris, 4 Rue Chateaudun (sa bahay ni G. Ventura). Ang sulat ay nararapat na parang isang pananagot na babayaran diyan ang halaga lamang ng pasahe, sakali:ttg ako'y S'umakay, sapagka't dahil sa ako'y maa1 Wala sa mga sulat sa mga kasamahan niya sa P1"opaganda ang binabanggit na liham ni G. Basa.


518

aring mamatay 0 abutan ng anumang kapansanan,2 ay hindi ko ninanais na mawalan kayo ng anuman, sakaling hindi ako makasakay 0 kaya ~y mabalam ang aking paglalakbay. Kalakip nito'y isang sulat para sa aking kaanak3 na may isang retrato sa loob, na ipinakikiutang ko ng loob sa inyong paabutin lamang sa kinauukulan. Huwag na hindi ninyo ilagay ang pasubaling ito, sakaZing ako'y sumakay, sapagka't nanganganib akong may mangyaring anum an at hindi matuloy ang paglalakbay. Sa .Hong-kong ay binabalak kong magbukas ng pagamutan ng Optalmolohiya4 at kumita ng ikabubuhay. Kalakip ng nais na kayo'y datnang mabuti at malusog ng sulat na ito sa piling ng buong kaanak, nagpapaalam ako sa inyo. Hanggang sa uulitin. JOSE RIZAL

I

Patuloy ang malungKot na guni-guni 0 kaba ng loob ni Rizal, kaya't sa kanyang ginagawa'y humahanda siya sa kung anuman ang mangyayari. 3 Ang binabanggit na sulat sa kanyang kaanak ay wala sa mga sulat sa kanyang mga kasamahan sa Propo,ganda; ang binabanggit na larawan ay tinanggap ng kanyang kaanak, nguni't nasunog naman. 4 Sa katotohanan ay nanungkulan siya ng pagka-manggagamot sa Hongkong sa loob ng maikling panahon. 2


51D

245.

Bulwt kay Juan Zulueta para kay Rizal

Iminumungkahi sa Propaganda ang pagsasailalim ng La, Soliooridad sa Pamunu.an ng Kolonya.-Tugong makalulutas sa suliranin sa isang paraang mapagkakasunduanan nang walang sinumang magdaramdam. At kailangang iligtas ang pagkakaisa anuman ang mangyari.-Maaaring halinhan ng Propaganda ang Patnugot ng pahayagan, datapuwa't hindi maiuukol .ang kanyang karangalan at kapanagutan sa alinmang pamunuan.-Isang kalutasan hindi ikahihiya ni Dimas-Alang at hindi rin makasusugat sa Kapatid na Carmelo.-Iwasan ang pagtiwalag.

Maynila, Ika-6 ng Abril, 1891. KAPATIRAN NI SAN PATRICIO GINOONG DIMAS ALANG [JOSE RIZAL]

[Paris] MINAMAHAL NAMING KAPATID:

N atanto ng Propaganda, noong pUlong na idinaos nang ika-10 ng buwang nagdaan, ang inyong sulat na ipinadala sa Kapatid na Conrado. Doo'y ipinagbigayalam ninyo ang pagkakatatag ng Kolonya Pilipina sa Madrid, at ang nahalal na Punong mananagot ay kayo, at inyong iminungkahi, sa bisa ng inyong pagkapuno, bilang isa sa mga tadhana ng Alituntunin niyon, ang pagkapailalim tungkol sa politika ng La Solid;aridad sa Pamunuan ng Kolonya. Sa harap ng gayong mungkahi, ay napagkayarian ng Propaganda ang paghirang ng isang tagapagmungkahi at sa tungkuling ito'y nahalal ang may karangalang lumiham sa inyo ngayon, upang siyang mag-aral ng ~uliranin sa buong nasasaklaw nito, magmungkahi at gumawa ng isang panukalang katugunan, na hindi makapipinsala kaninuman, makalulutas niyon sa isang rc.yos na ikapagkakasundo, upang mailigtas ang pagkakaisa anum an ang mangyari. Madali, sa tingin, datapuwa't mahirap sa wari ko, ang gawaing ngayo'y binabalikat nitong tagapagmungkahi sapagka't kinakailangang tupdin ang pangakong papagkasunduin ang karangalan ng dalawang taong minamahal, kapuwa kailangang-kailangan sa layuning ating inuusig, na kung gagawa ng isang tiyak na katu-


520

gunan ay sapilitang lulutas sa isang suliranin 0 lilikha ng isang kaalitan, bagay na nagiging lalong mahirap, sapagka't nasasangkot ang sariling karangalan ng Propaganda na nakikilaban sa sarili niyang damdamin. Sang-ayon sa mahihinuha sa mungkahi, ay malinaw na mahihinuha, sakaling hindi ako nagkakamali, na kapag mapailalim ang "La Solidaridad", ay mapapailalim din naman ang kanyang Patnugot; at sa ganitong pakahulugan, ay maipalalagay ba ng Propaganda na siya'y may karapatang pumilit sa nasabing Patnugot na pumailalim din, kasakdalang ang pagmamahal sa bayang tinubuan ang pangunahing dahilan ng pagkakatatag ng pahayagang iyan? Tangi sa rito, dahil ~a tungkuling hinahawakan ng Panugot na iyan, wala ba siyang kapanagutang tangi at sarili sa harap ng batas, na sa paano mang para an ay hindi maaaring is alin 0 ilipat sa isang tiyak na pamunuan? Ito ang sulir aning sinisikap naming lutasin at katu~aya'y hindi pa kami nakasusumpong ng isang lunas na mapagkakasunduan. Totoo ngang ang Propaganda ay may karapatang mag-alis sa Patnugot ng kanyang pahayagan kapag ang mga gawa niya'y hindi tumutugon sa layunin ni sa mga adhikaing ikinatatag niyon, datapuwa'~ hindi inaakala ng tagapagmungkahi na may karapatang iukol ng Propaganda ang karangalan ni ang mga pananagutan ng Patnugot sa anumang uri ng pamunuan. Dahil dito, sang-ayon sa kanyang pagkukuro, ang kalutasan ay lalong nag-iibayo ng kahirapan habang tinatarok ang lalim ng pagsusuri, upang malutas nang hindi makapipinsala sa kaninuman, gaya ng iniaatas ng Propaganda, na siyang lalong sinisikap na mapairugan. Sa ganitong kalagayan at sa pangambang kung lulutasin ang panukala ay isa sa dalawang bagay ang mangyayari: 0 ipalalagay ninyong kayo'y hiniya 0 kaya'y isipin ng Kapatid na Carmelo na siya'y hinamak, kaya ang tagapagmungkahi ay napipilitang dumulog sa kailanma'y hindi matatawarang pagmamahal ninyo sa bayang tinubuan, upang, yamang kayo ang may panukala, ay marapatin ninyong payuhan siya ng lunas na lalong naaangkop sa ipagkakasundo, gaya ng hinahangad ng Propaganda. Iligtas ang pagkakaisa, anum an ang mangyari, ay siyang sagisag ng Propaganda sa suliraning ito; at ang


521

tagapagmungkahi, sa pagnanais na pangalawahan nang buong katapatan ang dakilang layuning ito, upang maiwasan ang pagkakahati ay gumawa ng hakbang na ito upang makarating sa isang kalutasang mapagkakasunduan, at natitiyak kong kayo, alang-alang sa labis-labis ninyong katalinuhan ay matututong mamaybay at maglapat ng tumpak na lunas dito nang walang sinumang mapipinsala, at ang lahat ay ipagpa~asakit alang-alang sa inuusig nating mga layunin at sa ikatatamo ng ating mga mithiin. Nagpapahatid sa inyo ng halik ng kapayapaan, at bumabati sa inyo ang inyong kapatid, A. TEULUZ (JUAN ZULUETA) Kalihim 246. Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal Ang palagay ni Rizal ay nakapagpapasigla kay Antonio Luna.-N alathala na ang kanyang aklat na Impresiones.-Sino ang susulat ng pambung~d na salita, si Pi y Margal, si Morayta ?-Binabalak na ibagsak ang diyus-diyusan at durugin ang patungan.-"Hindi ako umaasa sa dakilang tagumpay". "Sukat ang matamo ang ikalimang bahagi lamang ng iyong N ali" .-"Kumusta ang iyong ikalawang bahagi ?"-Kina Nelly at Luna ay may dalisay na pagkakaibigan lamang na pinaaalab ng pagka-magkababayan.-Siya'y makalilikha ng kaligayahan ni Rizal.-Si Luna'y abalang-abala sa Kimika Biolohika.

Hortaleza bIg. 14 at 16, 2 Madrid Ika-ll ng Abril, 1891 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS MINAMAHAL KONG KAIBIGANG R1ZAL:

Tinanggap ko ang iyong liham na ang petsa ay sa Bruselas, ika-8; nariyan ka na ba? Akala ko'y nasa-Paris ka pa. Salamat sa mga pagbating iniukol mo sa akin; totoo nga, katoto, na ako'y pinasisigla ng iyong palagay, datapuwa't huwag mong akalaing iyo'y inilalaki ng ulo ko. Ibinabalita ko sa iyong ang aking Impresiones ay nalimbag na. Ang lumabas ay isang tome na


522

8.a mayor, may 266 na pahina at mabuti ang pagkakalimbag. Ang suliranin ko ngayon ay ang pambungad 11a salita. Sino ang susulat niyon? 0 sino ang maglalagay? Hangga ngayon ay aywan ko. Naisip ko ikaw, si Blumentritt, si Pilar, datapuwa't sino mang makabasa ay magsasabing kayo'y makiling sa akin; naisip ko si Pi y Margall, datapuwa't ito'y maysakit. Sa wakas, ang pinakahuli ay si Morayta, sapagka't sa anu't anuman, ang kanyang palagay ay magiging palagay ng isang kastilang tubo sa Espanya. Ano ang palagay mo? Inaakala kong bagaman ang aking aklat ay hindi hum ahagkis sa alinmang natatatag na kalipunan, ni sa kaninumang maykapangyarihan, ay nagtataglay naman ug kasumpa-sumpang kapangahasang magbagsak sa diyusdiyusan at dumurog sa patungan, kaya nakikinikinita kong tutuligsain ito nang buong lupit. Tingnan natin kung paano ko malalabasan ang pasikut-sikut na pinasukan ko. Tagumpay? Hindi malaki ang inaasam-asam ko; sakaling matamo ko ang ikalimang bahagi man lamang ng sa iyong Noli, ay masisiyahan na ako nang labis-labis. At ang iyong ikalawang bahagi, ana ang lagay? At itatanong ko sana sa iyo kung minamabuti mong panatilihin ko ang aking sagisag at ilihim ang tunay na ngalan, 0 ang kabaligtaran nito. Bagay kay Nelly, tapatang sinasabi ko sa iyong walang namamagitan sa amin liban sa isa sa mga pagkakaibigang karaniwan, na pinag-aalab ng pagka-magkababayan. Sa wari ko'y hindi na lumalampas pa sa riyan. Marangal na pangungusap. Ako nga'y naging kasintahan niya, nagsulatan kami, minahal ko siya, sapagka't naunawa ko ang kalakhan ng kanyang halaga, datapuwa't mga pangyayaring walang ldnalaman ang siyang pumaram ng lahat ng kaligayahang iyong minsang inaasam-asam ko. Siya'y isang babaing napakabuti, may mga katutubong katangiang kaibig-ibig sa isang dalaga at naniniwala akong siya'y makapagpapaligaya, hindi lamang sa iyo, kundi sa kaninomang karapat-dapat sa kanya. N apalawig yata ako, katoto. Binabati kita, gaya ng pagbaH sa isang kaibigan; wala akong inililihim sa iyo gaya ng pagkakalihim ko kay Atanasio Lacsamana. Sa iyo'y wa]a akong inililingid. Ma1igayang bati!


523

N gayo'y nagpapakamatay ako sa Kimika Biolohika at iba pang mga aralin sa pagdudoktor. Mga alaala ni Galicano at tanggapin mo ang isang yakap ng iyong kaibigan. ANTONIO LUNA

247.

Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal

Pinangangatuwiranan ni Luna ang ilang kamalian sa kinatha niyang talambuhay ni Rizal.-Mga ulap na nagliliw,anag.-"Ibig kong makahugot ng ilang katotohanang ayaw ipagtapat ng tinatalambuhay, sapagka't siya ang kinauukulan 0 nang di masabing walang kahinhinan" .-"N gayo'y kinakallangan kong gumawa ng maraming pagwawasto". ani Luna.-"Sa mga dakilang akda, ay pinagaagawan ang pamamaibabaw, at sa pakahulugang ito'y tinatanggap ko ang mga pagpapangagaw, minana ng balat ng tao" .-Maniningning na balak para sa ikatlong paligsahan "na maghahayag ng mga natatagong kakayahan ng Ko1onya".-Ang mga papuri ay hindi labis sa talagang karapatdapat.-Ang hiw,a-hiwalay na palagay at mga kamalian ay utang sa kakulangan ng ulat.

Madrid Ika-19 ng Abril;. 1891 GINOONG JOSE RIZAL MINAMAHAL KONG PEPE:

Katatanggap ko lamang ngayon ng iyong liham at kinakailangang sagutin ko agad. Lahat ng sinasabi mo roon ay siyang ninanais kong malaman sa iyo, sa isa o ibang kaparaanan, upang maunawa ko ang ilang paguulap na llinanais kong maliwanagan. Ngayo'y lumiliwanag ang hiwaga at kailangan kong gumawa ng marami, maraming-maraming pagwawasto. Pinakitunguhan kita nang may kagaspangan upang makuha sa iyo ang hindi ko sana natamo kailanman sa ibang kaparaanan. At idinurugtong ko pa: tinawag ang aking pansin ng isang kaibigang nakabasa ng iyong talambuhay, sa inaakala mong isang pabigla-biglang hatol 0 kurung walang pinanghahawakan; sinabi ko sa kaibigang iyon: Gayon ,ang aking sinU8Ulat, sapagka't may isang layunin ako ,at rnaaaring matamo ko; di-nalaunan ay gayon


524

ding puna ang ginawa ni Aguilera, at wala akong isinagot lib an sa may isang layunin ako. Ang layuning l_yon ay dili iba kundi ang mahugot ang ilang katotohanang hindi roo masabi sa akin, sapagka't ikaw ang kinauukulan 0 kaya'y ayaw mong magkasala ng kawalan ng kaselanan. Yamang ito'y natamo ko na, ay ipinaliliwanag ko na ngayon sa iyo, sapagka't gayon ang nal'arapat kong gawin. Datapuwa't kung sa isang dako'y ikinagagalak ko ang lahat ng iyong sinasabi, sa kabilang dako nama'y ikinalulungkot ko; ako'y ipinasok mo, ako na rin ang pumaloob, sa isang suliraning hindi ko ibig ang katotohanan 0 kinatatakutan kong paniwalaan; ang suliranin ng pagpapangagaw. Y~ri na ang aking akala; sa ibang pangyayari, kung nabasa mo ang aking iniisip tungkol sa iyo, ay mapapanibulos kang maniwala na ibang-iba sa iyong nabasa. Ipinara ko ang iyong katauhan sa harap ng mga ulat na ibinigay, ikaw ay wala namang ibinigay sa akin, nang mga araw na iyon ay wala ako sa Maynila, ang hinahangad ko'y liwanag, lalu't lalong liwanag, at sa wakas ay naito ako ngayong may mga bagong balita, na kung ihahambing sa mga iyon, sa akala ko'y magiging malapit sa katotohanan. Kung ikaw ba'y nagkaroon ng lalong maraming ulat kaysa nasumpungan ko, salamat sa mapilit na pananaliksik at pagtatanong, ay ano ang gagawin mo? Ang nasulat na. Bukod sa rito, gaya ng sinabi leo na sa iyo, ay sinusundot kita upang ikaw ay tumalon at magpalabas s,a bibig na iyan, gaya ng sinasabi rito. Tulad ng nararapat asahan, sa mga dakilang ~tkda'y lagi nang pinagaagawan ang pamamaibabaw 0 pangunguna, ang mga unang luklukan, at sa pakahulugang ito lamang tinatanggap ko ang pagpapangagaw 0 pag-uunahan, na, sa kabila ng lahat, ay isa lamang mana ng balat ng tao. May ibang bagay pa akong ipaliliwanag sa iyo. Inaakala kong lalong nababagay ang may kahigpitang pakikitungo sa mga taong may halaga. Ang pagsasabi ng mga pariralang maririkit na walang naipaliliwanag na anum an, mga papuring maniningning na nakaiiwa sa mga mata at mga tainga, ay dapat mo nang maunawang isang kuru-kurong may kinikilingan. Kaipala'y napansin mong walang isa mang talambuhay na gaya ng sa iyo na maaaring magkaroon ng isang batayang masasandigan ng isang pagpuna. Ang mga pang-


525

yayari'y nagsasalita, hindi ang mga pariralang nasusuI at. Pinupuna~ sapagka't may isang bagay na natitiyak, nabubuo, isang akda. Kung tinutuligsa, ay sapagka't may bagay na dapat tuligsajn, kung magbibitiw ng mga palagay na kaayon 0 kasalungat, ay sapagka't may isang bagay na karapat-dapat pag-ukulan ng pansin 0 mga paghanga ng mga kababayan 0 ng mga dayuhan. Maliit na kabutihan ang g-agawin ko sa iyo kung naQ;kasiya lamang ako sa paghabi ng mga papuri sa iyo. Hindi mo ba pinaniniwalaan ito? Hindi ka ba naniniwalang walang makapagsasabing ikaw ay may matayog na pagiisip dahil sa pagkakataon? Iyang-iyan nga ang dahilan, upang papangitin ang gayong palagay, kaya inihaharap ko ang gayon sa mata ng lahat. Hindi ka ba naniniwalang walang nagpaparatang sa iyo dahil sa iyong pagkatao? Kaya nga sinulat ko iyon, datapuwa't unawain mong hindi ako makagagawa ng isang pangatawanang pagtatanggol, sapagka't wala ako noon ng mga talang nasa-kamay ko ngayon. N aging maselang na suliranin sa akin ang iyong talarnbuhay; upang maisusuI at iyon 1 ay nangailangan ako ng tatlong buwan, at halos kasintagal ng pagsulat ng kalahati ng aklat. Ang iyong talambuhay ay hindi siyang kuru-kuro kong ganap, maraming bagay na inihayag ang kinakailangang ipagtanggol sa isang paraang makatuwiran at makakatarungan. Sa maliwanag na pagtuturing ay hindi ganap, gay a nang hindi pa yari ang akda, sapagka't sakaling ilathala balang araw, ay ninanais kong dagdagan ng ilan pang ula t. Ang aking iniisip (at ito'y sinasabi kong parang sa aking sarili sinasabi) ay huwag payagang maurong ang iyong talambuhay sa anumang kadahilanan; nauunawa kong dahil sa kaselanan kung kaya rno ipinahihiwatig ito, datapuwa't, kaibigan, sa tapatang sabi'y hindi kita Inapaiirugan. Sapagka't ang iyong talarnbuhay ay hindi pa tapos, ay hinihiling ko sa iyong bayaan mong tapusin ko iyon. Katulad din ng paghiling ko sana noong una bago ipagkaloob sa madla ang mga papel na iyon. Tunay na dinamdam ko ang hindi pagkakaroon ng mga kaagaw; Iahat ng pagpupunyagi kong himukin ang mga kababayan ay nawalan ng kapararakan. Kahinahinayang, gayong alam kong may mga balak na totoong maniningning sa kauna-unahang paligsahang ito, na


526

makapagpapakilala sa paanu't paano man ng mga natatagong labis-labis na kakayahan sa ating bayan-bayanan! Katoto, huwag mong linlangin ang iyong sarili! Kapag tinutuligsa ang isang tao, ay sapagka't maaari siyang mamuhay nang nag-iisa nang hindi nangangailangan ng hamak na kapaligiran. Sukat ang lumayo ang isang tao sa ulap na bumabalot sa madla upang maging dahil ng pagsisiyasat, at binabati kita sapagka't natamo mo iyon. Ang mga papuring ginawa ko sa iyo ay iyon lamang nararapat; ngayon, ang mga hiwa-hiwalay na palagay 0 ilang mga kamalian ay walang sanhi kundi ang kakulangan ng mga ulat. Sa wakas, mga alaala kay Alejandrino, at nalala~ man mong minamahal ka ng iyong kaibigan, ANTONIO LUNA

Hindi mo mahahaka ang ngiting namumutawi sa aking mga labi nang binabasa ko ang iyong sulat; iyo'y kaparis ng lnga ngiting nagpapasaya sa mukha kapag natatamo an~' isang la unin. Maraming salamat sa iyong mga kuru-kuro tungkol sa aking mga sinulat. Kung may naisulat man ang aking mga kamay na hindi sap at, maraming mga kakulangan at maraming dulong hindi nakabuhol ay walang iba kundi ang katipunang iyan ng mga larawang sinulat ko, palibhasa'y sa katotohanan ay napakaikli ang panahon, at nalalaman rno nang ang buhay dito sa Madrid ay puno ng mga libangan at ulila sa katiyagaan. Paalarn. Hortalesa 14, 16 HABOL:

1


527

248.

Bu/wt kay Rizal para kay Jose M. Basa

Handa na sa patungo sa Hongkong pagkatanggap ng sulat ni Basa na nagpapalwal ng bayad sa sasakyan sa pagparooll.-Wala nang nakapipigil sa kanya sa Europa.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-19 ng Abril, 1891 GINOONG JOSE BASA MAHAL NA KAIBIGANG BASA:

Sa hUling su1at ko sa inyo, ay binanggit kong sa inyong pagpalwalan, kung maaari, ang aking pasahe sa Mensaherias Pransesas upang makapariyan; ngayo'y inuulit kong ipamanhik ang bagay na ito, yamang nabuo na sa aking loob ang pagpariyan pagkatanggap ko ng inyong su1at, sapagka't wala na rin 1amang nakapipigil Ba akin dito sa Europa.! Pagkatanggap na pagkatanggap ko ng inyong sulat ay sasakay ako sa kauna-unahang . koreo; kung ~ay kuwa1ta 1amang ako ngayon disi'y sumakay na aKo agad. Kalakip nitong ipinadadala ko sa inyo ang isang liham para kay Buencamino2 at isa pa para sa aking kaanak. 3 Tila nagsisi na si Buencamino sa kanyang nakaraan, at ngayo'y nagmama1asakit uli, alang-alang sa kanyang mga kababayan. 4 Umaasa akong magkikita tayo sa loob ng mada1 Gayon na lamang ang panlulupaypay ni Rizal, hindi lamang dahil sa pag-aasawa ni Leonor kundl sa mga sama ng loob na kanyang tinamo sa Madrid sanbi sa suliranin ng paghahalal ng "responsable" 0 tagapanagot ng blilyan-bayanan ng mga pilipino, kaya't sa sulat na ito, gayon din naman sa iba, ay ipinipilit niya kay G. Jose Maria Basa, na siya'y pagpaluwalan ng maibabayad s& sasakyan upang makauwi. 2 Tinutukoy ang sulat kay G. Felipe Buencamino na siyang abogado ng mga taga-Kalamba sa usapin laban sa asyenda ng mga dominiko. Ang sulat na ito'y wala sa kalipunan ng mga gulat sa P ropaOJgnda. ~ Ang sulat sa kanyang kaanak ay ipinadala sa pamamagitan ni G. Jose Maria Basa, sapagka't kung ipadadala niya ng tuwiran ay hinaharang at sinasamsam ng mga maykapangyarihan sa kapuluan. Hindi rin Jlaingatan ang sulat na ito. 4 Ang kaasalang ipinamalas ni Buencamino sa loob ng panahong itinagal ng usapin sa hukuman hinggil sa asyenda ng Kalamba ay hindi ikinasiyang loob ng kanyang mga ipinagtatanggol. Ang mga ito'y nagalinlangan sa kanyang pagtatapat sa usaping ipinagsasanggalang; nguni't ng dakong huH, gaya ng sabi ni Rizal sa sulat na ito, si Buencamino ay tila nagsisi at muling hinarap ang pagtatanggol sa usapin. Tungkol sa hagay na ito'y tingnan ang mga sulat bUang 138, 32, at 34, 264, 265, 269 ng mga sulat sa mga propagandista. .


528

ling panahon. Kasama nito ang isa kong larawan, bilang isang alaala. Ang inyong kaibigan, RIZAL

Maaring ipadala ang inyong sulat sa akin sa 38 daang Phil. de Champagne, Bruselas. 24 9 .

B u hat kay Tomas Arejola para kay Rizal

Umuwi si Jaena, sa paghihikahos sa salapi. Buo ang loob sa pagsuong sa malalaking panganib sa Pilipinas.-"N ahahandang makipaglaban kung may sakdal; mamatay kung kinakailangan" .-Dahil sa kanyang kabantuga'y igagalang siya marahil.-Kung hindi, ang dugo ng mga sinawi ay magpapalalim ng libingan ng mga malulupit.-Datapuwa't ang p ag-uwi ni Rizal ay magbubunga ng malaki ng sarna ng loob sa kolonya.-Magiging isang kawalang-bait, isang kapangahasan ang kanyang pag-uwi.

Madrid Ika-22 ng Abril, 1891 G INOONG JOSE RIZAL

Bruselas P INAKAMAMAHAL KONG PEPE:

Sumakamay ko ang inyong sulat at ikinamamangha kong hindi man lamang ninyo nabanggit ang mga nauna kong suI at, pati ng polyeto ni P. Font na ipinadala ko sa inyo sa Biarritz. Natanggap ba ninyo? Si Gr aciano, dahil sa paghihikahos, ay napilitang umuwi sa Pilipinas at ngayo'y kasaIukuyang naglalakbay na patungo sa pinakamamahal na lupang iyon. Sumulat sa akin buhat sa Port Said at itinatangis ang kanyang kapalaran na kumaladkad sa kanyang sumuong sa napakabibigat na panganib, gaya ng naghihintay sa kanya sa Pilipinas. Gayunma'y sumasang-ayon na rin siya, bagaman hindi nawawalan ng pag-asang magkikita-kita tayo uli. Naito ang mga pangungusap niya: "Kung ako'y makaliligtas sa bilangguan, sa pagkakapat apon, bago mag-ikapitong buwan ay babalik ako at kayo'y pakikipagkitaan kong lagi, bilang mga kaibigan at mga kababayan. Kung ako nama'y masawi ay ikali-


529

ligaya kong maging kauna-unahang martir ng bayang pilipino. Uuwi ako nang walang takot, sumasang-ayon sa lahat at lahat, nahahanda sa lahat, makikipaglaban kung may sakdal at mamatay kung kinakailangan." Gaya ng inyong namamalas, Pepe, si Graciano'y paroroon sa Pilipinas upang ibigay, gay a ng sinasabi, 2.ng kanyang balat sa mga kaaway; datapuwa't yamang ibang-iba na ang kalagayan ng mga pulong iyon, na bayang tinubuan nating lahat, at bantog ang ngalan ni Lopez J aena sa mga lalawigang iyon, ay nahihilig ako sa paniniwalang pag-uukulan niya ng kahit bahagyang pakundangan, hindi lamang sapagka't hindi nila ibig na magkaroon ng alingasngas, kundi sapagka't ang anumang pagmamalabis na gawin sa kanya, ay makapagpapasamang lalo sa layuning kanilang ipinagtatanggol. Mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa ibang bayan: ang dugo ng mga sinawi ay nakapagpalalim sa libingan ng mga malulupit at nakapagpadali ng kanilang pagkakalugso. Kung sa harap ng mga kakila-kilabot na karalitaan at malulungkot na sakuna ng isang hikahos na kabuhayan ay hindi ko ikinamangha ang pag-alis ni Graciano upang humanap ng ibang modus vivendi 0 paraan ng pamumuhay na marahil ay lalong magiging mabuti at lalong may kapanatagan; sa inyo, kaibigang Pepe, ang isang pasyang may ganitong uri ay hindi ko inaakalang nababagay at kahit isipin man lamang ay hindi tumpak sapagka't malayung-malayo ang kalagayan ninyo sa kalagayan ni Jaena, na upang maiwasan ang isang lalong malaking kasamaan, na nag-abang sa kanya sa dilim, ay pinili ang lalong maliit na kasamaan, na sa gitna ng liwanag, ay makapagbibigay man lamang ng kapurihan sa kanya at makapagdudulot ng hayagang pasasalamat ng kanyang mga kababayan. Dahil dito, sa palagay ko'y bagaman ang pag-alis ni Graciano ay buong kalungkutang sinang-ayullan ko, ang inyong paguwi ay makapagdudulot sa akin ng pinakamalaking sarna ng loob, lalo't higit sa mga Pilipinong naninirahan dito, sapagka't kami at ang ilang kaibigan sa Maynila, ay naniniwalang iyo'y magiging isang kawalangbait at higit pa sa rito'y isang kapangahasan ang inyong pag-uwi ngayon sa Pilipinas. Kaya lamang kayo makauuwi nang malaya at walang sagabal ay kung ka-


530

yo'y magbibingi-bingihan sa mga payo ng mga kaibigan, at kung magkagayon, ang ating mga kababayan doo'y makapagsasabi sa in yo ng sinabi ni Heneral Prim kay Heneral 0' Donnell sa Aprika, nang sa isang pagsasagupaan, ay paroon ito sa pook na lalong mapanganib: "Aking Heneral, ako ang nag-uutos dito, ang buhay ninyo'y hindi inyo, kundi sa bansang nagkatiwala sa inyo ng kanyang kapalaran. Iligtas ninyo ang buhay na iyan!" Sa paano't paano man, hindi ba mabuti ang inyong lagay sa ibang bayan? Hindi ba ninyo natatagpuan ang nilulunggating katahimikang nakapagpapahintulot sa inyong humarap sa inyong .. .. .. .. . " .. .. .. * 250.

Bahat kay Rizal para kay Jose Maria Basa

Sulat para sa Propaganda.-Mapilit na nasa ni Rizal na makapiling ni Basa 0 umuwi agad Scl Maynila.-Ipinag-aanu-ano ang pasahe.

Unang araw ng Mayo, 1891 BrlJ.selas GINOONG JOSE HONGKONG

M. BASA

PINAKAPILING KAIBIGANG BASA:

Kalakip nito'y isang sulat para sa Propaganda;l ninanais ko nang makapiling ninyo 0 kaya'y umuwi agad sa Maynila. Kaya ipinipilit ko ang pasahe, kung maaari, kahit na utangin ang kuwalta na patutubuan ng kaunti. 2 " >I< Sa sulat na orihinal na natagpuan sa katipunang Ponce, ay wala ll.ng kahuli-hulihang dahon, at dahil dito'y hindi mapag"-alaman kung sino ang nakalagda sa sulat na ito, datapuwa't sa hugis ng pananalita at titik ay maaaring sabihing iyo'y sinulat ni Tomas Arejola. 1 Ang sulat na ito sa Propaganda ay may bilang 281; padala kay G. Deodato Ar~llano, isang patnugot ng propagandw at bayaw ni Marcelo H. del Pilar. 2 Ipinipilit ni Rizal ang paghingi ng kanyang magugugol sa pag"uwi, sapagka't ibig na niyang makisama kay G. Basa na labis-labis niyang pinagtitiwalaan. Si G. Jose Maria Basa ay isang pilipinong itinapon buhat sa Pilipinas sanhi sa kaguluhang nangyari sa Kabite nang taong 1872; :;:iyang nangangatawan sa paghanap ng mga kaparaanan upang maipasok sa Pilipinas ang Noli at ang Morga, at nang si Rizal ay tumalagang bumalik sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pananagot ni Despujol, sa harap ng panganib na susuungin at sa ibabaw ng mga payong ginawa sa kanya upang huwag ituloy ang nasabing pag-uwi, si G. Jose Maria Basa ay siyang pinaglagakan ng kanyang aklatan, ng kanyan~ mga istrumento sa panggagamot at ng mg-a sariling ari-ariall.


531

Mabuti ang kalagayan ko. Maaaring basahin ninyo ang mga sulat na ito. Ang inyong kaibigan, RIZAL

251.

Buhat kay Rizal para kay Deodato Arellano

Pahirong 19.10 ng Propaganda para sa mga buwan ng Enero at Pebrero.-Inayawan ni Rizal ang pensiyon upang makauwi at makapanggamot. Pilipinas, Hongkong, 0 Hapon.-Ang Europa'y tila isang tapunan.-Gamitin ng Propaganda ang P50 pensiy,on sa pagpapaarqI ng ibang binata.Kapag m~kapagsasarili na ay muling makikipagbaka na taglay ,a ng ibayong 1akas.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Unang araw ng Mayo, 1891 GINOONG A. L. LORENA * MAYNILA MINAMAHAL NA KAPATID:

Sa pamamagitan ni D.J.A. ay tinanggap ko ang inyong sulat nang ika-13 ng Pebrero,l na may lamang isang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta sa hal agang 19.10, na ipinadala sa akin ng Propaganda ukol

'I< Ang pamagat na A. L. Lorena, ay isa sa mga sagisag ni Deodato Arellano. 1 Ang tinutukoy na suI at ni Deodato Arellano ay wala sa mga sulat S2. mga Propagandisto,'. Hindi malaman kung sino ang D.J.A. na siyang namagitan sa pagpapadala ng sulat ng kasulatan sa pagpapalitan l1g ku" walta. l\1aaaring ang J. A. ay si Jose Alejandrino 0 si J Qse Albert,


532

sa mga buwan ng Enero at Pebrero,2 at pinasasalamatan ko kayo sa gayong paglingap. Upang maiwasan ang pagdami ng mga kaabalahan niyon, sa wari ko'y kinakailangang ako'y umalis upang mapanatag ang kalagayan at makapaghanapbuhay. Ang napili ko'y 0 ang Pilipinas, 0 Hongkong, 0 Hapon, sapagka't ang Europa'y tila isang tapunan, at sa pamamagitan ng sulat na ito'y ipinagbibigay-alam ko a?g aking balak sa Propaganda upang ito'y makapagpaslya. Ang P50 buwan-buwang ipinadadala sa akin ay maaaring gugulin sa isang bagay na lalong mabuti, gaya ng sa pagpapaaral ng ibang binatang ang kalagayan ay hindi gaya ng sa akin, sapagka't ang nabanggit na halaga, bagaman nakasasapat upang ikabuhay sa alinmang dako ng Europa, ay hindi naman sapat upang 2 Ang- kasulatan sa pagpapalitan ng kuwalta ay nauukol sa mga gugol sa pagpapalaganap. Nag-tatag- sa Pilipinas ng- isang- lupon sa pagpapalaganap na p\namagatang La, P?'opa,ga,nda, (Ang Pagpapalaganap), upang mangilale ng mga abuloy para sa mga layunin at paglakad na ginagawa. Ang lupong it o'y binubuo nina Doroteo Cortez, Ambrosio Rianzares Bautista, Pedl10 Serrano Laktaw at Deodato Arellano, na pinangunguluhan ng una. Ang- layunin ng pagpapalag-anap, bukod sa iba't iba, ay ang lakarin sa Madrid ang mga pagbabag'o at kalayaang' l:inakailangan ng bayan, upang' ibunyag at lunasan ang mga kalabisan at ang paglalathala ng isang pahayagang' tag-apamansag. Si Deodato Arellano, bayaw ni Marcelo H. del Pilar, kawani sa mga tang-gapang militar, sa malas ay nag-ing isa sa lupong ng- Liga, Filip'ina, bilang kalihim, bagaman sa mga pahayag na ginawa ni Rizal sa pagjilitis na ginawa sa kanya ay sinabing hindi niya napansin 0 hindi nakitang kahal'ap sa pUlong si Deodato Arellano nang ita tag ang Liga. Si Doroteo Cortez ay isang abogado at may mga ari-arian sa Maynila, lIa siyang- nanguna 0 kaya'y siyang- naghanda ng- pamahayag' na nilag-daan ng mg-a gobernadorsilyo at ng mg-a litaw na mamamayan sa mga arabal at mga bayang- karatig- ng Maynila noong Unang araw ng- Marso, 1888. Ang pamahayag' na ito'y iniharap sa g-obernador sibil, na si G. Jose Centeno Garcia, upang ipadala sa Reyna, at ang hinihingi'y palaya&in ang mga prayle a.t ang al sobispo. Si Ambrosio Rianzares Bautista ay isang abogadong pilipino, na kasama ni Faustino Vi11aruel at iba pa ay siyang naglilibot sa mga lalawigan upang mangi1ak ng abuloy para sa pagpapalaganap. (Si Vi1laruel ay binal'il ng taong 1897). Sinaeabing si Ambrosio Rianzares Bautista ay naging kasangguni rin ng Liga, F i lipina. Si P edro Serrano Laktaw lJy isang guro, na may titulong "Pl'opesor Superior", na kaloob ng Normal sa Madrid. Siya'y napasa-Espanya at rloo'y tumulong sa ibang' mga pilipino alang-alang sa mga layunin ng bayan; nang 1892 ay umuwi sa Pilipinas na may taglay na tagubiling magtatag ng mga lohiya ng mg-a mason sa Maynila, bilang kinatawan ng Gran O?'iente Espaiiol, sa tulong nina Moises Salvador, Jose A. Ramos, at iba pa. Nang dakong huli, si Scrrano'y naakit ng mga Hesuwita at siyang nagkanulo laban sa kanyang mga kasama. Siya ang unang pilipinong sumulat ng isang talatinigang kastila-tag-alog bHang k~ragda足 gan ng sinulat ng kanyang ama, at inilathala nang 1889-1914.


533

makagawa ng kahit m~trlting bag,a y at makapagsagawa ng mga balak na sinisim pan. 3 Dahil dito'y ipinamanhik ko sa kaibigang Basa na pautangin ako ng magugugol sa aking pag-uwi upang sa pamamagitan ng pagsisikap ay makakita ako ng kaunting puhunan, upang kung pagkaraan ng Hang taon ay makapagsarili na ako, ay maisagawa ko ang pakikipaglabang angkin ang ibayong Iakas at higit na bisa kaysa ginagawa hangga ngayon. Sa kalakip na suI at sa pangalawang patnugot4 ay Ialo akong nagpapaliwanag; utang na loob na ipakibigay Iamang ninyo sq. kanya, at ipahayag sa Propaganda ang aking taos-pusong pasasalamat. Inyong pag-utusan, DIMAS ALANG [JOSE RIZAL]

252.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Ang bagoong na bilin ni Luna.-Ang linla ni Rock. Dalawang kuwadro sa Campo de Marte.N asisiyahan sa maraming pilin tungkol sa kanyang mga kuw,adro. Ang "Les Ignores", larawan ng mga aba at naghihikahos.-Salamisim tungkol sa mga paksang sosiyalista.-Bakahin ang magaspang na materyalismo, ang p.agsasamantala sa mahirap, ang pakikipaglaban ng mayaman sa dukha.-Binabasa ang "Les Socialisme contempo1'a,r ie."

Paris Ika-13 ng Mayo, 1891 GINOONG JOSE RIZAL BRUSELAS lVIINAMAHAL NA RIZAL:

Ang bagoong ay hindi pa namln tjnitikman. nabalak mo bang umuwi?

Bi-

3 Ipinahayag ni Rizal sa P1"opaganda ang kanyang baalk na pag-alis o pag-uwi at tinanggihan ang pensiyong limampung piso na sa kanya'y itinakda; at iminungknhing ang halagang Ho'y iukol sa ibang bagay. 4 Aug binabanggit na sulat sa pangalawang patnugot ay wala sa katipunan ng mga sulat sa mga p1'opagandista. Marahit ito'y nawala o hindi naingatan. Ang mga pangyayaring' naghahari nang panahong iyon dito sa bayan natin ay gayon na Iamang kabigat na sukat ang magkaroon ng isang sulat ni Rizal upang mapasa pal1ganib ang nagiingat nito. (LLR) Ito ang dahilan kung bakit ang isang sulat ni Rizal ay itinatago sa pamamagitan ng pitong :;.usi. Napagtalastas ko na sa Intramuros ay may dalawang- suI at ni Rizal na isiniksik 0 itinago sa butas ng isang haligi. (JPB).


534

Ang kaibigang Albert ay umalis na patungong May~ nila, at dala ang ban tog na linfan ni Kock. Dito'y walang anumang kapansanang nangyayari, ang mag-aanak ay mabuti at ang panahon ay lalong mabuti. Bukas ay pasisinayaan ang Bulwagan ng Campo de Marte. Kauna-unahan itong ang dalawang kuwadro ko'y nasa-patungan. Maaari na akong masihayan (ngayon) pagka't alam mo na kung paano ko ipinadadala ang mga kuwadro ko, parang mga patatas sa pamilihan. Ang aking larawan ng paglilibing ay pinamagatan kong "Les Ignores" at gaya marahil ng iyong naInamalas, ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang mga aba at mar alita. Anong aklat ang maipapayo mong dapat kong basahin upang makakadlo ng salamisim? Sa isa bang kumatha upang tuligsain ang napakahubad na materyalismong ito at ang napakawalang puring pagsasamantalang ito sa maralita, at pakikipagbaka ng mayaman I sa aba! Humahanap aKio ng isang p,a ksang karapat~dapat ilarawan sa isang kayong walong metro ang haba. Binabasa ko ang Le Socialismo Conte'lnporarie ni E. de Laveleye. Dito'y nilagom ang mga kuru~kuro nina Carl Marx, Lasalle, at iba pa, ang sosyalismong katoliko, ang makaluma, ang sa ebanghelyo, at iba pa. Kinawiwilihan ko nang gayon na lamang1 datapuwa't ang ninanais ko'y isang aklat na naglalahad na Inaliwanag ng mga kaabaan ng ating pangkasalukuyang lipunan; isang ur i ng "Divina Comedia", isang Danteng naglilibot sa mga pagawaan, at dito'y hindi makahinga halos ang tao, at kinamamasdan ng mga tao, Inga bata at mga babaing nasa kalagayang lal~:mg kalunus-lunos. Katoto, ako r ing ito'y nagsadya upang mamalas ang ieang tunawan ng bakal; limang oras ang itinigil ko roon at maniwala ka sa akin, magpakatigas-tigas man ng puso ng isang tao, ang nakita ko roon ay sapat na nakabakla sa akin nang di gayun-gayon lamang. Ang ating mga kababayan, sa kabila ng lahat ng kasamaang ginagawa sa kanila roon ng mga prayle, ay maituturing pa ring mapapalad kung ihahalintulad sa karalitaang ito at kamatayan. May isang pagawaang gumigiling ng buhangin at uling; ito, kapag napapaging


535

pinong alabok na ng mga gilingan, ay umaalimbukay na parang makapal na ulap, ang buong pook ay tila nababalot ng usok; dito'y punung-puno ng pulbos ang lahat ng bagay, at ang sampu 0 labindalawang manggagawang nagsusubo sa pamamagitan ng mga pala sa mga . gilingan ay nagmumukhang bangkay na; gayon ang kalunus-Iunos na pagmumukha ng mga kahabaghabag! Tumigil ako roon nang may 3 0 4 na sandali at tila sa buong buhay ko'y lumunok ako ng buhangin at pulbos; nanunuot sa ilong, bibig, at mga mata . . . at isiping ang mga kulampalad na iyon ay 12 oras na lumalanghap ng uling at pulbos; naniniwala akong walang pagsalang ang mga iyo'y mamamatay, at isang katampalasanan ang pabayaan sa gayon ang mga taong napakaaba. Sanlibong pakumusta nina Paz at Aling Juliana, m~a halik ng mga bata at isang yakap ng iyong magiliwIng, JUAN LUNA

HABOL: Ipinaaalaala ko sa iyo ang iyong ipinangako para sa Silanganan ng Maynila para sa kapatid kong Jose, na ibinabaHta ko sa iyong nahirang na manggagamot sa San Juan de Dios.


536

253.

Buhat kay Rizal para kay Jose M. Basa

Ang El Filibuste1"ismo ay tapos na at nakahanda na upang ipadala sa limbagan.-Sa loob ng dalawang buwan ay mayay.a ri kapag may kuwalta.Lalo itong malalim at ganap at sinulat nang lalong may kainitan kaysa Noli.-Dalawang buwan na ang nakararaan nang hindi nakatatanggap ng kahit isang titik ni B.asa. Kuwalta para sa pagpapalimbag ng akda.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-30 ng Mayo, 1891 GINOONG JOSE HONGKONG

M. BASA

KAIBIGANG BASA:

Nakahanda nang ipadala sa palimbagan ang aking akda;l ang unang dalawampung kabanata ay naiwasto na at maaari nang limbagin, at ang mga natitira'y muling sinisipi ko. Sakaling makatanggap ako ng kuwalta ay tiyak na sasakamay ninyo iyon sa HUlyo. Sinu]at kong taglay ang lalong malaking kainitan ng damdamin kaysa }'/oli, at oagaman hindi lubhang masaya., ay lalo namang malalim at lalong ganap. Sa pamamagitan ng kalakip na liham,2 na maaari ninyong basahjn, ay mababatid ninyo kung ano ang sinasabi ko sa aking mga kaanak. Mahigpit kong itinatagubili't ipinamamanhik sa inyong paabutin iyon nang walang panganib at madali sa kinauukulan. Ipinagtataka kong hindi ako nakatatanggap ng kahit isang titik na galing sa inyo; mga dalawang buwan nang hindi kayo sumusulat. Ma.ysakit ba kayo? Mga kumusta at alaala sa lahat. Saka-sakaling hindi ako makatanggap ng kuwalta ay magagawa ba ninyong ipahiro sa akin ang gugugulin sa pagpapalimbag ng akda?3 Kung hindi, ay aalis na ako rito at makikisama sa inyo. Magiliw na sumasainyo. JOSE RIZAL Tinutukoy ang "EI Filibusterismo". Binabanggit ang isa pang sulat sa kanyang Imanak na Ipmadad ala sa pamamagitan ni G. Jose Maria Basa. Ito'y wala sa kalipunan ng mga sulat sa mga propagandistw. 3 Hindi nagpadala si Basa ng salapi upang ipalimbag ang 'EI Filibusterismo"; ang ipinadala ni~ra ay ukol sa pasahe sa pag-uwi ni Rizal. 1

2


537

254.

Buhat kay Rizal para kay Jose M. Basa

Ipinadadala ni Basa kay Rizal ang pasahe.-Hinihiling na ipadala sa kanya ang bahagi ng N oli.Sakaling ang aklat ay hindi malimbag sa Europa, ay ipadadala iyon ni Rizal.-Lalong dakila kaysa N oli.-Sakaling may mangyari sa kanya, bahala na si Antonio Luna sa pagp.a palimbag.

38 Daang Phil. de Champagne, Bruselas Ika-13 ng Hunyo, 1891 GINOONG JOSE HONGKONG

M. BASA

ITINATANGING KABABAYAN AT MINAMAHAL NA KAIBIGAN:

May ilang araw na ang nakararaan buhat nang Bko'y tumanggap ng isang pahatid-kawad na nagsasaad ng ganito: N aipadala na ang pasahe,l dalhin ninyo ang Noli, girame importee Inaakala kong itong giram e importe ay nangangahUhigang ipadala WOI sa in yo alng bahagi ng Noli. Ngayo'y nakikipagkayari ako sa l isang bahay at ' yamang hindi ko matiyak kung dito 0 sa Espanya lilimbagin~ ay hindi ko pa maipadadala sa inyo riyan; sakaling hindi malilimbag dito, ay ipadadala ko riyan sa susunod na koreo. 2 Wala nang natitirang .mga kabanatang iwawasta kundi tatlo. Lalong dakila kaysa Noli, unang bahagi. Matatapos bago mag-ika-16 ng buwang ito. 3 Sakaling may mangyari sa akin, ay ipababahala ko ang pagpapalimbag kay Antonio Luna, sa ganang nauukol sa pagwawasto. Huwag na kayong magpapahatid-kawad kung ako ang wahil sapagka't isinasakit ng aking 100b ang pagiisip ng napakaraming kuwaltang nasasayang dahil sa 1 Tinutukoy ang pasahe 0 bayad sa bapor na inuutang ni Rizal kay G. Jose Maria Basa. 2 Ang mga pangungusap na ito'y tumutukoy sa "EI Filibusterismo", na ayon kay Rizal ay lalong malaki kaysa "Noli"; nguni't. ayon sa pagkakayar i sa limbagan, ang "Fili" ay lumalabas 11a manipis kaysa "Noli", Ito'y nagpapakilalang ang "Fili" ay binawasan 0 kinaltasan ng ilang ka banata nang ipalimbag, gaya rin naman ng l11apapatunayan sa ol'ihina l na iniingatan ng Kawanihan ng Aklatang Pal11bayan, 3 Hindi masabi nang tiyakan kung kailan natapos sa limbagan ang "Fili", na di gaya ng "Noli" na ltn g' a r aw, ang petsa at t aon ng pagkakayari ay nasasa ad sa suI at -kama y,


538

akin; pinasasalamatan ko ang inyong kagandahang.. loob at ako'y marunong mag-antay at magtiis. Sakaling hindi malilimbag ang aking Noli, 4 kinabukasan ng araw na tanggapin ko ang pasaheng galing sa inyo ay sasakay ako ng tren; sakaling lilimbagin naman ang aking akda ay kinakailangang mag-antay ako hanggang matapos ang paglimbag. Hanggang dito na lamang, mga kumusta sa lahat at hanggang sa loob ng madaJing panahon. Ang inyong kaibigan, RIZAL

255. Buhat kay Rizal para kay Jose Maria Basa Tinanggap ni Rizal ang pasahe na galing kay Basa. Ipalilimbag ang ikalawang bahagi ng kanyang N ali bago lisanin ang Europa.-Tatlong buwang hindi tumatanggap kahit isang kuwalta.-Upang maipalimbag ang kanyang akda, ay isinanla ni Rizal ang kanyang mga hiyas.-N asasadlak sa mga kapaitan at paghihikahos ng buhay. Tinatabangan.- Pinabayaan siya ng mga nangakong tutustos sa pagpapalimbag ng kanyang aklat.

32 Daang Flandre, Gand Ika-9 ng Hulyo, 1891 GINOONG JOSE HONGKONG

M. BASA

PILI'T BUTIHING KAIRIGAN:

Tinanggap ko ang inyong sulat ng ika-3 ng Hunyol pati ng nauukol sa patnugot ng Mess. Maritimas, at kung ako mo'y hindi sumakay kapagdaka, ay sapagka't sa mga sandaling ito'y ipinalilimbag ko ang ikalawang bahagi ng Noli Me Tangere, gaya ng mamamalas ninyo ':a mga dahong inilalakip ko. Minabuti kong ipalimbag sa paano't paano mang paraan bago lis an in ang Euro4 Ang mga salitang "Kung ang aking Noli ay hindi maipalilimbag" ay nararapat basahing "Kung ang aking Fili ay hindi maipalilimbag", sapagka't ang mga unang pangungusap ay isang kamalian lamang sa pagkakasulat. Si Rizal ay hindi natuloy sa pagtungo sa Hongkong, sapagka't ipinalimbag nga niya ang "EI Filibusterismo". 1 Ang binabanggit na. sulat ni G. Jose Maria Basa ay wala sa katipunan ng mga sulat sa mga propagandista.


539

pa, sapagka't tila kahina-hinayang na hindi malimbag ang aklat. Sa dahilang may tatlong buwan na ang nakararaang hindi ako tumatanggap kahit isang kuwalta, ay isinangla ko ang lahat ng aking ari-arian upang maipalimbag ang akdang ito, at ipagpapatuloy ko ang pagpapalimbag hanggang kaya ko; at kapag wala na akong sukat maisanla, saka lamang ako titigil at ako'y aalis upang makisama sa inyo. Sawang-sawa na ako sa kapapaniwala sa ating mga kababayan: lahat-Iahat ay para-parang nangagkaisa upang pasaklapin ang aking buhay; pinigil ang aking pag-uwi at nangako pang magpapadala ng isang pensiyon, at pagkatapos na makapagpadala ng sa isang buwan, ay hindi na ako muling nagunita. Ang kahuli-hulihan kong tinanggap ay isang sulat ng Propaganda noong mga unang araw ng Abril; pinadalhan ako ng 100 piso, bilang pensiyon sa Enero at Pebrero, at nangakong magpapadala sa akin buwanbuwan nang walang sala. Ngayo'y buwan na ng Hulyo at ni isang kuwalta ay wala akong natatanggap uli! Nangako rin sa akin ang ilang mayayaman at nag-alok ng kuwaltang ipa.~apalimbag ng aking akda; ngayong tanggapin ko ang alok, ay hindi naman ako pinadadalhan kahit isang kusing. Naisanla ko na ang lahat ng mga hiyas ko, tumitira ako sa isang maliit na silid, kumakain sa isang dukhang karihan upang makapagtipid at maipalimbag ang aking aklat; hindi magluluwat at mapipilitan akong ipatigil ang pagpapalimbag kapag walang dumating na kuwalta 2 • • • Ay! sinasabi ko sa inyong kung hindi lamang dahil sa inyo, kung hindi lamang naniniwala akong may natitira pang mabubutjng Pilipino, ay iibigin ko nang sakmalin ng diyablo ang mga kababayan at ang lahat at lahat na! Ano ba ang akala nila sa akin? Kung kailan pa kinakailangan ng isang taong matahimik ang diwa at maging malaya ang isip at damdamin ay saka pa nila lilinlangin at aabain! 2 Dito'y buong liwanag na iniuulat ni Rizal ang mga dinaranas niyang kahirapan at paghihikahos clahil lamang sa hangad na maipalathala ung "Fili". Hindi siya pinadalhan ni G. Basa ng salaping magugugol sa pagpapalimbag kung kaya ginugol niya ang lahat ng naiimpok. Salamat sa ginawang pagpapaluwal ni G. Valentin Ventura, na binayaran din naman pagkatapos ni Rizal, at natapos na limbagin ang lkalawang bahagi ng "Noli". Sa aklat ni Heneral Jose Alejandrino na pinamagatang La Senda del Sa:c1'ificio, ay isa-isang iniulat ang mga kagipitan at paghihikahos na tiniis ni Rizal nang panahong iyon.


540

Aywan ko nga ba, marahil kung sa koreong darating 0 sa loob ng buwang ito'y hindi darating ang kuwa1tang inaasahan ko, ay ipatitigil ko na ang paglimbag sa akda at 1ahat na, at ako'y sasakay upang makapamuhay at makapaghanapbllhay nang sarilinan . . . Mana·, kanaka'y naiisip ko tu10y na sunugin ang aking su1atkamay, datapuwa't nagugunita ko kayo, at na1a1aman kong maraming mabubuti, maraming tunay na nagmamaha1 sa kanilang bayang tinubuan. Pinasasa1amatan ko kayo sa inyong kagandahang loob sa pagkakapada1a ng pasahe, at pinaaabot ko sa inyo ang isang yakap na pangmagkapatid. Sumasainyo, RIZAL HABOL: Ipinada1a ko na riyan ang apat na kahong libro at iba pang gamit, at diyan sisingilin ang pasahe; sakaling may umabot sa aking anumang kapansanan ay maipagbibili ninyo ang 1ahat ng mga ak1at ko at iba pang mga bagay, at inyo na ang mapagbibilhan bilang kabayaran. 3 Sa ak1at at iba't ibang bagay na mayroon ako riyang mga 600 piso, hindi kuku1angin. PAALAM

Lubos na ilihim ninyo ang akda, sapagka't baka maamoy ng mga prayle 4 • • • at kinakailangang humanda. Su~ugin ninyo karaka-raka ang mga dahong ipinadada1a ko sa inyo.

3 Ang mga aklat na ito'y nanatili sa kamay ni G. Basa hanggang sa dumating sa Hongkong si Rizal. 4 Hindi niya ibig na malaman ng sinuman ang bag'ong akdang ito hanggang' hindi pa nalalathala.


541 256.

Bnhat kay Rizal para kay Eduardo de Lete

Mga ulat tungkol sa dalawang kolonyang pangmagsasaka sa Belhika.-Ang nasa-Hoogatraten ay para sa mga lalaki, at ang nasa-Brujas ay para sa mga babae. Ang mga paaralan sa pags,a saka ay para sa kulang sa gulang.-Pagbubukas ng mga lup.a.-Ang mga salarin ay dinadala sa mga bilangguan.

9, Daang Hainult, Gand Ika-29 ng Hulyo, 1891 GINOONG EDUARDO DE LETE ESPANYA MAHAL KONG KAIBIGANG EDUARDO:

Tinanggap ko ang sulat mol at pagkatalos ng nil~足 laman ay tumungo ako sa Bruselas upang ipagtanong ang suliranin sa mga kagawaran: naito ang sinabi sa akin sa Kagawaran ng Katarungan. May dalawang Kolonya ng Magsasaka sa Belhika: ang isa'y nasa-Hoogatraten para sa mga lalaki at ang isa nama'y nasa-Brvhas para sa mga babae; doon ipinadadala ang lahat ng mga hampaslupa, pulubi, mga walang hanapbuhay na ang gulang ay higit sa 18 taon. Ang mga hampaslupa, pulubi at mga walang hanapbuhay na wala pang 18 taong gulang ay hindi ipinadadala sa mga kolonya ng mga magsasaka kundi sa mga p(J;aralan ng pagsasaka, at pinatitira sila. roon hanggang sa sumapit sa ika-20 taong gulang nang siJa'y maturuan ng mga kaparaanan sa paggawa. Yaong mga tumutungo sa mga kolonya ng mga magsasaka ay pinagagawa, sa ilalim ng pamamatnugot ng isang pinuno, sa pagbungkal ng lupang basal; ang pinakamalaking ipinasasahod sa kanila ay hindi laZampas sa 25 sentimos isang araw; ipinagpapaupa rin sila sa mga taong may sariling lupa at iba pa. Ang dalawampu't limang sentimos na ito'y itinatago upang ibigay sa kanila kapag natapusan na nila ang parusang tumatagal ng tatlo, anim, siyam na buwan hanggang dalawang taon, na siyang pinakamatagal kung sila'y muling magkasala. Marami, sa sandaling makalabas na ang umu1 Ang binabanggit na sulat ni Lete ay wala sa katipunan ng mga sulat sa mga propagandista.


542

ubos ng lahat ng salapi nila sa isang paglalasing, at pagkatapos ay bumabalik sa dating masamang asal upang maparusahan uli: sang-ayon sa sinaysay sa akin ng isang kawani, may mga harnpaslupa 0 mga pulubing bumabalik nang makawalo 0 makalabinlimang ulit. Sa panahong itinitira nila roon, ang pagkain nila'y binabayaran ng purok na kahuli-hulihang tinirhan nila sa loob ng limang taon, bagay na madaling matuklasan dito. Ang purok na ito, bayan (commune) ay nagbabayad ng 65 sentimos isang araw para sa mga maaaring gumawa, at 85 sentimos sa mga salanta. Ang mga ipinadadala sa mga kolonyang ito ng magsasaka ay hindi mga salarin, kundi ang mga hampaslupa, pulubi, at iyong ang hanapbuhay ay ang pagbibili ng mga kahangalan sa mga daan; ang mga salarin ay ipinadadala sa mga bilangguan at dito'y kar-aniwang kumikita ng malaki nang kaunti; sapagka't karaniwan na'y mga taong marunong ng kahit anong hanapbuhay. Ang mga hampaslupa ay hindi natututo ng malaking bagay sa mga kolonya; ang mga gawa nila'y napakagagaspang at karaniwang mg~ tamad, makupad at iba pa. Ang bHang nila'y urnaaoot sa mga 4,000 kung taglamig at ruga 3,000 kung tag-init; ang bilang ng mga lalaki ay rnakasampung ibayo ng bilang ng mga babae. Ang pagkaing ibinibig~y sa kanila ay hindi malaking bagay. Naito ang lahat ng mga talang nakuha ko sa ka,vani ng kagawarang nabanggit. Kung mapapakinabangan rno ay mabuti, at kung hindi naman ay isulat rno sa akin ang kinakailangan mo. 2 Mga alaala . sa mga nagtatanong sa akin. Sumasaiyo, RIZAL

Maliwanag na ang lahat ng talang ibinibigay sa sulat na ito ay hinihinging lahat ni Lete. Maliwanag ding mahihinuha 路 na, sa ;babaw ng mga nangyari s~ kaniJang pagpapalagayan ni Lete, si Rizal ay lagi pa ring nakahanda sa pagtulong at pagli1ingkod sa mga pilipino. 2

~iyang


543

257.

Buhat kay Rizal para kay Jose M. Basa

Ang mga aklat ni Rizal na nagkakahalaga ng mahigit sa 600 piso ay ipinadala kay Basa.-Mga selyo ng Makaw para kay Blumentritt, "na siyang lalong nagpapagod dahil sa PiIipinas."-Patuloy ang pagpapalimbag ng Filibus.t erismo.-"Datapuwa't kung hindi ako makatatanggap ng kuwalta ay mapipilitan akong ipatigil iyon."-Sa halagang 2,500 prangko ay maaaring makapagtayo ng isang mabuting palimbagan na pakikinabangan nilang dalawa.

GINOONG JOSE HONGKONG

M. BASA

9 Daang Hainaut, Gante Ika-6 ng Agosto, 1891

PILING KAIBIGANG BASA:

Kalakip nito'y ipinadadala ko sa inyo ang katibayan ng apat na kahong aklat na ipinadala ko riyan;l gaya' ng sinabi ko na sa inyo, ang pasahe ay diyan babayaran. Sakaling may mangyari sa aking anuman, ang ' lahat ng mga aklat na iyan ay magiging inyo na, kailanma't hindi babayaran ng aking kaanak ang halagang inutang ko sa inyo. Ang mga aklat na iyan lamang ay nagkakahalaga na ng higit sa 600 piso. 2 Ninanais ng kaibigang Blumentritt na siya'y padalhan ng mga selyo ng Makaw; ang isang Pilipinong naninirahan sa Makaw ay makagagawa nang mabuti kung siya'y susulatan at padadalhan ng mga naturang selyo. Gawin ninyo ito upang siya'y mapagbigyan, ya:n:an siya ang lalong nagsisikap sa ikabubuti ng PilipInas. Gaya ng inyong mamamalas sa kalakip na isang pilas na papel, ang paglimbag ng ikalawang bahagi ay patuloy, at ako'y nasa-pahina 112 na. Datapuwa't yamang ako'y hindi nakatatanggap ng kuwalta, at ako'y may utang sa lahat ng tao at ako na rin ay nakasanla, 1 Ang binabanggit dito ay ang kasulatan 0 katibayan ng' pagkakasakay ng kanyang mga aklat Sll. isang bapor na buhat sa Europa upang dalhin at paingatan sa bahay ni G. Jose Maria Basa sa Hongkong. 2 Patuloy ang pagdaranas ng mga kagipitan at paghihikahos ni Ri~ zal dahil sa pagkakapalimbag ng Filibusterismo, at sapagka't tumanggap siya kay G. Basa ng isang halagang ipinagpaluwal sa kanya bilang bayad sa pasahe, si G. Basa ay binigyan niya ng kapahintulutang ma~ kapagpasiya ng anumang maibigan tungkol Sa mga nasabing aklat.


544

ay sapilitang ipatitigil ko ang pagpapalimbag at iiwan ang paggawa sa kalahatian. Kahina-hinayang, sapagka't sa wad ko, ang ikalawang bahaging ito'y lalong mahalaga kaysa una, at kung hinoi ko tatapusin dito, ay hjndi na matatapos kailanman. Datapuwa't ang kasalanan ay hindi magiging akin ni inyo; ang kasalanan ay sa iba; kayo'y hindi na makagagawa para sa akin ng higit sa ginawa na ninyo, at ako'y hindi makasusulat, makapag-aaral at makapaghahanapbuhay . . . Walang napagbilhun ang aking Morga kundi iyon lamang ipinadala ninyo sa akin at ang 200 piso ni Rodriguez Arias; ang aking Noli ay wala, at baligtad pa ang nangyari. Sa pagbibilhan ng kathang ito ay umasa akong makababayad sa inyo at sa ibang pinagkakautangan. 3 Dito'y may ipinagbibiling mga makina ng palimbagan sa halagang 1,800 prangko; makalilimbag ng walong pahinang gaya ng sa Noli at maaaring patakbuhin kahit ng isang tao lamang. Ang mga titik ay gay a ng sa aking bagong akda; nagkakahalaga ng 3 prangko isang kilo; inaakala kong sa 2,500 prangko ay makapagtatayo tayo ng isang mabuting palimbagan at pakikinabangan nating dalawa. Wala nang iba, maraming alaala at kumusta sa mga anak. Sumasainyo, RIZAL

~ Si Rizal ay hindi nagtamo ng anumang pakinabang na salapi sa kanyang mga sinulat na mga al<1at, nguni't ang kanyang bayan at mga kababayan ay siyang masasabing tumanggap ng di-masukat na kapakinabangan. Ang naging pasiya niyang ilathala ang kanyang akda anu路 man ang mangyari ay nagpapakilaJa ng taimtim na pananalig sa ibu路 bunga ng nasabing akda. Ano ang g'agawing pagpapahalaga ng mga taong isisilang sa hinaharap na panahon? Ang mga ipinadalang sipi ng F i li sa Pilipinas ay natuklas at halos lahat ay sinira ng mga mayka路 llangyal'ihang' kastila.


545

258.

Buhat kay Marcelo H. del Pilw' para kay Rizal Tutupdin ang utos para kay Graciano.-Gayon din ang nauukol sa gantimpala para kay Luna.Ang tinig ng Maynila ay Pakikipagka.sundo! Datapuwa't talaga bang may hinanakitan sina Rizal at Del Pilar ?-Pagpapasalamat sa papuri.-"Hiyasang muli ng inyong panitik ,a ng aming mga dahon".-"Sa gayo'y mapaw,awalang bisa natin ang pakana ng mga prayle sa Pilipinas."

Madrid Ika-7 ng Agosto, 1891 GINOONG JOSE RIZAL GANTE IVIIN AMAHAL N A KAIBIGAN:

N asa-aking kamay ang iyong nakalulugod na liham ng ika-4 ng kasalukuyan at doo'y napag-alaman ko kung sino ang naging karapat-dapat sa gantimpalang iminungkahi mo sa Maynila. Ipatutupad ko ang atas r:.a ipinagbigay-alam mo sa akin karakarakang iyo'y aking matanggap; ang na,.tanggap ko'y nauukol kay Graciano, na pabalik na. Ma:tahil ay dalrating sa susunod na koreo ang nauukol kay Luna, at sa bagay na ito'y manahjmik kayo at hindi mag-aantay nang matagal ang ating Taga-ilog. Ang sinasabi sa akin buhat sa lVIaynila ay magkasundo raw tayo; at palibhasa sa pagkaalam ko'y wala namang hinanakitang namamagitan sa atin, ay hindi ko malaman kung paano magsisirnula. Madalas na hinawakan ko ang panulat upang sumulat sa iyo tungkol sa bagay na ito, datapuwa't sa tuwi-tuwina'y binibitiwan kong naghihirap at nanghihina ang loob sa pagdidili-diling baka humantong sa pakikipag-alitan sa aking pinakarnabuting kaibigan nang hindi ko tinitikis at hindi ko man lamang nalalaman ang gayon. Sa anu't anuman, sakaling may sama ka ng loob, ay ipinamamanhik ko sa iyong iwaksi rno na; sakaling inaakala mong ako'y nagkasala at ang kasalanang ito'y mapatatawad~ patawarin mo ako. Pinasasalarnatan ko ang iyong pagbati sa Solidar1路路 dad at paaabutin ko iyon sa mga nagsisulat ng mag'a路 gandang lathalain at mga kathang maaanghang. Higit sanang naging karapat-dapat sa papuri ang ating pa-


546

hayagan, kung hindi mo inulila sa iyong mga akda. Malaki ang pagnanais naming sumulat ka uli; ito'y hindi lamang makapagpapatatag sa Sol. '. kundi makapagpapawalang bisa rin sa mga pakana ng mga prayle sa Pilipinas, na ang ipinamamarali ay naghahari rqW sa ating dalawa ang ganap na pagkakaalit at tayo raw ay pinabayaan na ni G. Miguel Morayta. Mga kumusta kay Alejandrino, at luag-utos ka sa iyong kaibigan. MARCELO H. DEL PILAR

259.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Salamat sa gantimpala sa aking kapatid na si Ant onio. Mga talambuhay ng mga Pilipino para sa isang paligsahan ng mga manunulat na Igurot.Ang kaisa-isang sumali.-Hindi pumayag si Rizal na isama ang kanyang talambuhay.-Si Juan Luna ay kampi rill sa pag-aalis ng sa kanya.-Ang mga talambuhay sa La Solidlarida;d ay hindi nababagay.-Si Juan Luna ay kasapi sa Societe National de Beaux-Arts.-Ang pagtira ng mga mag-aaral na Pilipino sa Madrid.-Ang ating mg.a pintor.Si M. Zaragoza, Patnugot ng Paaralan ng Pintur.a.

Paris Ika-8 ng Agosto, 1891 G INOONG JOSE RIZAL GANTE M IN AMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko ang iyong sulat at ang palatuntunan ng paaralan ng mga Sining sa Gante. Maraming Salamat. Pinasasalamatan din kita tungkol kay Antonio; sinabi niya sa aking siya raw ay sumulat ng ilang talambuhay ng mga Pilipino para sa isang paligsahan ng mga manunulat na Jgurot (?) at nang iharap niya sa takdang taning ay tanging siya lamang pala ang sumali. Kaya hindi nakalulugod na gaano na iyo'y ipagkaloob sa kanya, at dahil doo'y pinasasalamatan kita, sapagka't t alagang kinakailangan niya ang 50 piso; ang dinaram-路 dam ko'y inilagay mo at iminungkahing parang pasubali na alisin ang iyong talambuhay, sapagka't kapag ipinalimbag, sa ganang aki'y ipaaalis ko rin ang aking


547

talambuhay, palibhasa'y sinulat ng aking kapatid, aIalaong baga'y ng isa sa aking kaanak. Sa palagay ko'y hindi mo nararapat tutulan ang paglalathala ng talambuhay mo, sapagka't sa pagkaunawa ko, ang isang talambuhay ay hindi katha-katha TIi kabulaanan at ang mga katangia'y nararapat isiwalat nang walang anumang pagbabago. Inaakala kong ang dahilan ay hindj iyong minsa'y isinulat namin sa iyo, aIaIaong baga'y ang sinulat ko sa ngalan ni Trinidad, na ang mga talambuhay sa La Sol. '. ay hindi nababagay, sapagka't tila pagpuri sa sarili, at sakali namang ang dahilan ay ang isinaad mo sa iyong suI at, ay lalong malaki ang katwiran kong ipaalis ang sa akin. Totoo ngang ako'y ginawang kasapi ng Societe Nationale de Beaux-Arts, ang pagkakahirang sa akin ay hindi ko inaasahan, at nagkakaloob sa akin ng isang kahigtang makapagtatanghal hanggang 10 kuwadro sa Champs de Mars nang hindi na pararaanin sa lupong napakahigpit sa pagtanggap. . Sanlibong sal~mat sa i~ong mga bati. Tuwing umaga'y naparoroon ako sa abadiya ng San Denis; napakaganda niyon at tila nakamamalikmata, gawa ng mga bubog. Hinihintay ko ang sagot ng aking mga magulang upang si Antonio'y makaparito sa Paris at sa Bruselas. N ababatid mong ang naging palagay ko tuwina'y hindi nararapat tumigil sa Madrid ang mga Pilipino nang higi t sa panahong kinakailangan sa pag-aaral niJ a sa pamantasan; ang dahil nito'y sapagka't hindi sila pahihintulutang magbukas ng hanapbuhay sa Maynila kung ang mga katibayan nila'y natamo sa Pransiyo 0 Alemanya. Sa ganang nauukol sa mga pintor, ay namamalas mo na kung ana ang nangyari kina Villanueva at Sugan; ang dinaramdam ko'y mangyari rin ang gayon kina V. Francisco at Asuncion. Si M. Zaragoza ay hinirang na Patnugot ng PaaraIan ng Pintura sa Maynila. Pumupusta akong isinaalang-alang sa gayon ang pagkakatira niya sa Roma. JUAN LUNA


548

260.

Buhat kay Rizal para kay Marcelo H. del Pilar Hinanakitan at pagkakasalungatan ?-Pagtukoy iyan ng isang hagay na wala.-"Tumigil ako ng pagsulat sa La Solida1'idad dahil sa aking aklat, upang sumikat ang mga bagong panitik at magkaroon ng pagkakaisa sa mga gawain".-"Ito'y nakapagdaragdag ng iyong kapurihan" .-Sa sandaling kinakailangan ay mamamalas niny,o akong darating na parang bahagi ng isang hukbo upang lumusob sa tagiliran ng kalaban." "Nakikipagbaka ako dahil sa Bansa, hindi laban sa mga saririling layunin" .-N ag-aaral sina Alej,andrino at Evangelista.-Kung araw ng Linggo, kumakain kami ng pagkaing pilipino at pinag-uusapan ang Bayang Tinubuan.

9 Daang Hainut, Gante Ika-12 ng Agosto, 1891 GINOONG MARCELO MADRID

H.

DEL PILAR

PILING KAIBIGAN:

Ipinagtaka ko nang gayon na lamang ang iyong sulat na tumutukoy sa mga hinanakitan, pagkakasalungatan at pagkakasundo, at iba pa;1 inaakala kong walang kabuluhang pag-usapan ang isang bagay na wala, at sakaling nagkaroon man, ay nararapat nang naparam noong mga panahong nagdaan. Magkaisa tayo ng palagay, na yamang walang anum an, ay hindi nararapat aksayahin ang panahon sa pagtalakay niyon. 2 Kung ako ma'y tumigil ng pagsulat sa La Sol. iyo'y maraming dahilan: 1. nangangailangan ako ng panahon para sa aking aklat; 2. ibig kong ang ibang mga Pilipino'y gumawa naman; 3. inakala kong sa isang pangkatin ay lubhang mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa mga gawain; at yamang ikaw ay nasa-itaas na at ako nama'y may sariling mga kaisipan, ay lalong Tinutukoy ang- sulat ni del Pilar na may bilang 467 ng Epistola?路io. Tumutukoy sa sinasabing pagkakasamaan ng loob nina Rizal at del Pilar na sa palag'ay ng marami ay naghahari sa kanilang dalawa, bilang bunga ng pagkakapangagaw sa halalan ng "Responsable" sa pagpapalaganap na ginagawa. Ang hinanakitang ito, na itinanggi nina Rizal at del Pilar, ay ipinaliwanag ni del Pilar kay Deodato Arellano sa isang mahabang sulat, na ayon sa ilan ay isang pagbaligtad sa mga pangyayari dahil sa kanyang kabutihan. Ang sulat ni del Pilar ay pinakahuluganan at binigyan ng mga hinu-hinuhang laban kay Rizai. Tingnan ang talang 1 sa sulat bilang 435. 1

2


549

mabuting pabayaan ka nang mag-isa sa pamamatnugot ng politika, sang-ayon sa iyong pagkakaunawa, at ako'y huwag makialam sa bagay na iyan.3 Ito'y may dalawang kalamangan: kapuwa tayo nagiging malaya, at nakapagdaragdag ng kapurihan rno, bagay itong kailangang-kailangan, yamang sa ating baya'y kapos ng mga taong may kabantugan. Hindi ibig sabihin nito na ako'y hindi gagawa at susubaybay sa inyong mga gawain; ako'y parang isang bahagi ng hukbo na sa sandaling kinakailangan ay mamama] as ninyong daraHng na lamang upang lumusob sa dakong tagiliran ng kaaway na kaharap ninyo. Hinihingi ko lamang sa Diyos na pagkalooban ako ng mga kaparaanang ikagagawa niyon. Bukod sa rito, tapatang sinasabi kong hindi k0 ilrinalulugod ang pag-aaksaya ng panahon sa pagtuligsa ~t pagbaka sa mga gawaing sarili gaya ng kay P. Font, Quioquiap, at iba. N akikibaka ako, alang-alang sa bansa, sa Pili pinas. 4 Sakaling ma.y mga sipi pa ng N ali si Ponce, ipinakikiutang ko ng loob na magpadala ng isa, pati ng sulat na kasama n'to, kay G. Vigil;5 at sakaling humingi ang ginoong ito ng isq, pang sipi, ay padalhan din nang hindi hihingan ng bayad. S~kaling siya'y walang mga sipi, ay ipinamamanhik kong ipakisabi iyan sa aking l~insang ~~anzares6 na nararapat magkaroon ng maramI pang SIpl. Dito, kaming lahat ay para-parang mabubuti; sina, 3 Ang mga katuwirang ibinigay dito ni Rizal, na nagpapaliwanag kung bakit ayaw na siyang sUl11ulat ng mga artikulo sa "La Solidaridad" ay isa lamang kabuuan ng lahat ng kanyang mga ipinah~yag ng hiwahiwalay sa mga naunang sulat; mga katilwirang nang clakong huli ay E'l yang pinagbatayan ng kaasalan ni Rizal. 4. Hindi mapag-aalinlanganang si Rizal ay lubos na naniwala sa par.gangailangang palitan ang pamamaraan ng kanyang palcikitunggali. Sa halip na manuligsa at sumagot sa mga artikulong hlwa-hiwalay na sinulat 0 sa bawa't tao, na walang gaanong napapala, ay sinabi nirang ituon ang kanyang gawain sa dakilang layunin sa pangkalahatang llahulugan at huwag sayangin ang kanyang lakas sa pamamagitan ng pagpapasak sa hiwa-hiwalay na butas. 5 Si G. Francisco P. Vigil, kastilang tubo sa Espanya na mahilig sa mga pilipino, ay isa sa mga dumalo sa piging na inihandog sa lcarangalan ng mga pintor na sina Luna at Resureccion Hidalgo, sa Madrid. 6 Binabanggit si Pablo Rianzares Bautista, anak ni G. Ambrosio Rian路 zarez, na natanyag sa pagpapalaganap at sa L iga Filipinrt. Siya'y nagtapos ng pag-abogado sa Madrid.


550

Alejandrino at Evangelista7 ay gumagawa at nag-aaral; kung Linggo ng hapon ay nagtitipon at kumakain kami ng mga pagkaing pilipino at pinararaan namin ang gabi sa pag-uusap at pagtatalo tUligkol sa mga suliranin ng Pilipinas, tungkol sa matematika at mga simulaing politiko. Hangga ngayo'y hindi pa kami nakaiisip bumili ng baraha ni maglaro ng ahedres. 8 Wala nang iba, mga kumusta sa lahat ng tanang kaibigang naririto at mag-utos ka sa iyong kaibigang RIZAL 7 Si Jose Alejandrino ay isang mag-aaral ng pagka-inhinyel'o nang panahong iyon. Siya'y ipinanganak sa Arayat, Kapampangan, natapos ng pagka-inhinyero industrial at kimiko sa "Escuela de Ingenieros de Artes y Manufacturas de Gante." Nang 1889 ay nagtira siya sa Madrid at isa sa mga naging manunulat sa La Solidaridad. Siya'y naghawak ng maraming mahahalagang katungkulan nang panahon ng himagsikan, isa na sa mga :ito ang pagiging kagawad ng lupong pilipino sa Hongkong. Pagkatapos ay bumalik sa Maynila na kasama ng hukbongdagat ni Almirante Dewey nang 1898. Inihalal siyang kinatawan ni Aguinaldo, patnugot ng \JUga gawaing bayan, patnugot ng pagsasaka at industriya, kagawad ng komisyon upang sulatin ang saligang-batas ng Pilipinas ng 1898 at pagkatapos ay ginawang henel'al ng hukbong pilipino sa pakikidigma laban sa Amerika; nang matatag na ang pamahalaang sibil sa loob ng pamahala.an ng Kommonwealth, si Alejandrino ay naging senador ng kanyan,5 purok. Si Edilbel'to Evangelista, na taga-Maynila ay natapos ng pagkainhinyero sibil sa Dante, Belhika. Pag-uwi niy)! sa Pilipinas at nang sumiklab ang himagsikan ay wmapi sa Katipunan at naging manghihimagsik laban sa kastila. Ginawa siyang heneral, siyang namatnugot ng paggawa ng mga trintsera sa mal'aming bayan sa Kabite at namatay sa gitna ng mahigpit na pakikilaban sa mga kastila &a nabantog na labanan sa ilog ng Zapote noong ika-17 Pg Pebl'ero, 1897. Tungkol sa ruga trintsel'ang ginawa ni Evangelista, apg heneral na kastilang si Marina, na makailang mabigo sa pagsalakay sa Binakayan nang ika-9 ng Nobyembl'e, 1893, ay di nakapagpigil sa pagsasabi nang kanyang makita, pagkatapos, ang mga nasabing trintsel'a: "ngayon ko napagunawa na ang mga trintserang ito ay sapat na makapigil sa alin mang hukbo." 8 Sukat mapansin ng mambabasa na silang tatlo'y hindi lamang nagtatal\) tungkol sa mga sulirar,ing pilipino at politiko kundi gayundin tungkol sa matematika, isar.g karunungang hindi gaanong napag-aralan ni Rizal. Sukat pansinin ang ganitong pahabol na pangungusap: "hangga ngayon ay hindi pa namin naiisipang bumili ng baraha ni maglaro ng ahedres. (LLR). Nang dakong huH at nang nasa-Dapitan na ay naisipan ni Rizal and paggawa ng mga kasangkapan sa larong ahedres, na hangga n gayon ay iniingatan pa ng kanyang pamangkin, si Dr. Leoncio Lopez Rizal. (JPB)


551 261.

Buhat kay Rizal para kay Juan Zulueta

Tungkol sa R esponsable ng Kolonyang Pilipino sa Madrid at sa pamamatnugot ng La Solidaridad.Matayog na pangangatuwiran ni Rizal upang ipaliwanag ang kanyang ginawi.-Ang lahat ay napatag sa pag-alis niya sa Kolonya.-Ang kahangahangang diwa ng kanyang pagpapakasakit.-Ang kanyang makabayan at mahigpit na pagsupil sa sarili.-Sinusubok ang kanyang pagpapakahirap at kawalang-imbot.-"Ang ganap na pagtalima ko sa inyong kalooban na ibig kong pakahuluganang siyang kalooban ng aking bayan." (Siping suI at-kamay na sinulat ni M. Ponce)

Europa Ika-14 ng Agosto, 1891 GINOONG A. TEULUZ (JUAN ZULUETA ) MAYNILA PILING KAPATID KO:

Bilang tugon sa inyong suI at nang ika-5 ng Abr il,l na aking natanggap may tatlong araw na ang nakalilipas sa kagandahang loob ng kapatid na si Carmelo (Marcelo H. del Pilar), sulat na tumatalakay sa suliraning sumulpot tungkol sa Responsable ng Kolonyang Pilipino sa Madrid at sa Patnugutan ng La Solidaridad, ay ikinararangal kong ipag-bigay-alam sa inyo ang mga sumusunod: Na ang lahat ay pawang nalutas na sa aking pagalis sa Kolonya sa Madrid, at sa pagkakahalal ng patnugot na rin ng pahayagan sa tungkuling R esponsable ng nasabing Kolonya. 2 N a kailanma'y hindi ko tinangkang mag-udyok ng pag-aalitan; na ang kaisipan ay hindi sa akin nagmula kundi sa ibang tao; na kailanma'y hindi ko ninais na ipailalim ni ang La Solidaridad ni ang Patnugot niyon 1 Ang binabanggit na suIat ni Zulueta ay ang may bilang 245 ng Epistolario at tumutukoy sa paghahaIal ng Responsable n a nabanggit na sa mg'a nakaraang tala. S~ Zulueta ay siyang kalihim ng propaganda sa Maynila at humihingi kay Rizal ng isang payo 0 lunas upang mapapanatili ang pagkakaisa, ~muman ang mangyari. 2 Sa ganang kanya, sa sulat na ito ni Rizal ay binabalak na itumpak ang maling palagay ng mga nasa-Maynila na ang alitan nBa ni del Pilar ay siya ang may }tagagawan at nagpapaliwanag na upang malunasan ito ay lumayo siya at humiwalay sa bayan-bayanan ng mga pilipino sa Madrid.


552

sa aklng Pamumuno. Ang nauunawa ko lamang ay kung ako ang magiging Responsable ng mga gawa ng Kolonya sa mga bagay na nauukol sa poJitika gay on din sa kaasalan, ay nararapat ding magkaroon ako ng kapangyarihan upang makasansala sa alinmang gawang maaring ikapanganib ng kapayapaan ng Kolonya, at sa ganitong pakahulugan ay ipinalalagay kong yamang ang La Solidaridad ay siyang tagapamansag ng Kolonya, kaya nararapat namang mapailalim sa mga suliraning politiko. Sa gayo'y sinabi sa akin ng kaibigang Carmelo (Marcelo H. del Pilar) na ang La Solidarimad ay pagaari ng isang tanging samahan, kaya't dahil dito'y ipinailalim ko ang suliranin sa inyong mataas na kapasyahan. Sa anu't anuman, ay walang kabuluhang ipagpatuloy ang pag-uusap sa bagay na ito, sapagka't gaya ng sinabi ko na, ang lahat ay nalunasan na sa aking pag-alis. Tumatanggi akong magpahayag ng iba pang bagay ni tumukoy ng mga gunitang nakapagpapahirap S::l aking loob at wala namang halaga para sa inyo. Alamin ng lahat na hindi namagitan kailanman sa kapatid na Carmelo at e,a aking abang pagkatao ang mabigat na p~g-aalitan; aywan ko kung siya'y may sukat na idaing l~.ban sa akin; sa ganang akin, ang tanging masasabi ko'y kung nagkaroon m~n ako ng bahagyang hinanakit, ito'y dahil sa kawalan ng tiwalang ipinakilala niya sa panghihimasok ko sa pamamatnugot sa politika ng La Solidaridad, datapuwa't iyo'y naunawaan kong mabuti buhat sa sandaling malaman kong dahil sa kayo ang humirang sa kanya, ay wala siyang karapatang magsuko kahit pinakamaliit na bahagi ng kanyang mga karapatan, nang hindi isasangguni muna sa inyo. Sa gayo'y naparam ang lahat. 3 N abalitaan ko sa ibang tao na sa pulutong na iyan ay pinulaan daw ang aking ginawi at may nakapagsabi pang pinagbubukud-bukod ko ang Kolonya. Sakaling may nakapagsabi nga ng gayon ay dinaramdam ko ng labis-Iabis, datapuwa't ayoko nang magpaliwanag at 3 Tinutukoy ang mga pilipinong marahil ay mahiligin kay del Pilar, na kahit na hindi nalalaman nito ni hindi natatalos ang mga katuwirang pinanghahawakan ni Rizal ay nangagpalagay at nangalandakang si Ri~;al ang siyang lumilikha ng J!agkakahati ng mga pilipino sa Madrid. Dapat isaalang-alang ang maaaring mangyari na ang mga kaaway na hindi pilipino ni Rizal ay siyang may kagagawan ng pagkakahati at pagkakabukud-bukod ng mga pilipino sa Madrid.


553

magmatuwid. Sinasabi ng aking budhing ako'y makapananahimik tungkol sa nabanggit na bagay. Alin ba ang nagkakaisa bago ako nanghimasok? Sino ang kapangyarihan ng Kolonyang tinangka kon~ igiba? Sa buong panahon ng halalan ay lagi ko nang pinagpilitang iurong ang aking pagkakandidato at hindi ako tumigil hanggang sa maiurong ko, at gayunma'y nasa-akin ang boto ng nakararami. Ito iba'y paghahati-hati? Sa harap nga ng mga nangyayaring ito, at palibhasa'y hindi sukat na ang isang tao'y mag-angkin ng magandang nasa at magandang kalooban upang maligtas sa mga paratang, kaya naniniwala akong tumpak ang aking ginawang hindi na pakikialam sa politika upang kung ako'y mali bing na sa limot, ay hindi na ako rllaging isang anino sa ating pangkatin. Mabuting-mabuti ang lakad ng La Solidaridad, gagawa akong nag-iisa at ang pangkalahatang takb'o ng Proplaganda at ang mga pangangailangan ng bayan ang kakadluan ko ng salamisin, sapagka't ibig kong balikatin a g lahat maliban ang pagiging manggugulo ng pagkawaisa, na sapul nang aking kamusmusan ay ninais ko para sa aking mga kababayan. Saksi nito ang buong nakaraan ko, mga saksi ang lahat ng aking sinulat. Ang mungkahi kong ito'y isinasamo ko sa Propagandang marapating tanggapin, sapagka't kinakailangan kong managano ng kapayapaan upang buong kalamigang makapagdili-dili tungkol sa kapakanan ng Pilipinas nang hindi binubulag ng mga panimdiming madaling lumipas. Marami na akong mga kaaway sa labas at ayoko nang magkaroon pa sa ]oob, at sapagka't ang mithiin ko'y hindi ang pagkakaroon ng mga karangalan ni ang maghawak ng mga tungkulin kundi mamalas ang matwid, ang tumpak, ang nababagay sa mga suliraning politiko, at yamang ang mga tUligsa ng nlga kaibigan ay lalong nakasusugat sa akin kaysa lahat ng sandatahang hukbo ng mga kaaway, mangyari pang kung ako'y hahantad sa gayong mga panganib, ay pa-


554

rang lumantad na rin ako sa pagkawala ng aking munting kahinahunan. 4 Tatapusin ko ang sulat na ito sa pagpapasalamat sa Propaganda sa kagandahang loob at kabutihang ipinamalas sa akin at sa pagnanais na siya'y magtagumpay; at ipinangangako ko ang ganap na pagtalima sa kanyang kalooban, na ninanais kong pakahuluganang siya ring kalooban ng aking bayan. Ikinasisiya kong gunitaing sa panahong itong nakamamatay sa mga katauhan, ang aking sarili na siyang pinakamaliit at siyang lalong kakaunti ang nagawa ay siyang pinakamaligaya sapagka't tinatanggap pa rin niya ang pakikiramay ninyo. At upang makatkat ang gunitang kapaitan, ay sasabihin ko sa inyong si Bismarck, matapos na makapagtatag at mapapagtibay ang isang imperyong napakamakapangyarihan sa lahat, ay pinababayaan na ngayon at nililimot, at bakit? sa walang halagang kadahilanan! Si Parnell, na siyang nakapagbuklod ng diwang irlandes, ngayo'y wala nang kabuluhan at nagpapau路路 ngos ng digmang panloob, bakit? dahB sa isang babac! Si Boulanger, mata os na mahawakan na halos ang korona ng pagka-emperador at gumugol ng labing-apat na angaw, ay namumuhay ritong parang kung sino lamang at limot, bakit? sapagka't siya'y naging labis sa kabaitan. Sa kabilang dako, ako, akong walang nilikha maliban sa isang Pari Damaso at isang Kapitang Tiago, na kung ihahambing sa imperiyong aleman, sa pagkakaisa ng h'landa, at ng korona ng imperyo ng Pransiya, ay maliit pa sa hanip sa tabi ni Apolo ni Belvedere. ako'y nakaligtas sa sigwang ito at ako'y maligaya sa pagkakaibigang iniuukol ninyo sa akin. Ipinamamanhik ko nga sa inyong igawad ang aking mga paggalang sa Patnugot ng Propaganda, na ang mga atas ay lagi ko nang inaantay; at sa pag-asang sa 4 Ano ang sa.sabihin ni Riza l at ano pang kapaitan ang dapat niyang' l unuldn ngayong halos hindi pa nalalaunan at samantalang pinagtatalunan sa Senado n g Pilipinas ang panukalang batas hinggil sa pagsasama ng kanyang mga aklat na Noli at Fili, bHang sapilitang babasahin sa mga paaralan, ay hindi na ang- kanyang mga kaaway noong una l<;undi ang ilan sa kanyang tunay na kababayang pilipinong naging sanhi ng kanyang mga pagpapakasakit, ang siya ngayong buong higpit na tu!r.ututol at tumatangging pagtibayin ang nasabing panukalang batas? Sa ibabaw ng lahat ng' kanyang mga sinasabi sa talataang' ito ay na路 lalaman na ni Rizal ang maaaring mangyari.


555

Ioob ng madaling panaho'y magkikita-kita rin tayo, ay ipinahahatid ko sa inyo ang halik ng kapayapaan. DIMASALANG (JOSE RIZAL)

262. Buhat kay Kanoy (Galicano Apacible) para kay Rizal "Ang tungkol sa nangyari ay huwag mong ikaligalig." Ang kadakilaan ay katumhas ng dami ng mga kaaway.-Ang tungkol sa pag-iibigan sa loob ng 11 taon.-Hindi nawala ang alpiler.Uuwi rin si Kanoy at nais makasabay ni Rizal.Iba pang mga Pilipinong magsisialis patungo sa iba't ibang pook.

Hortaleza, 14-at 16-2, Madrid Ika-19 ng Agosto, 1891 GINOONG JOSE RIZAL GANTE MAHAL N A PINSAN:

Tinanggap ko ang iyong sulat ng ika-12 ng buwang lumalakad, na dahil sa nilalamang nakapagpapalupaypay ng loob ay dinaramdam kong hindi masahing naka~ulugod, gaya ng aking ninanais, at bilang pagsunod sa mga aral ng "Estilo de Cartas", na ipinasisipi sa akin ng aking guro, noong ako'y bata, upang sumagot sa mga sulat ng aking kaanak. Aywan ko kung ang tinutukoy mo'y ang nangyari sa iyo rito noong mga huling araw ng pagtigil mo sa pinutungang Nayong ito nang iyong banggitin ang maraming naging kaibigan at tagahanga mo 0 kaya'y iban.g bagay na hindi ko nalalaman. Sakaling ang dahil niyo'y ang nauukol sa ... , ay inaakala kong may sapat kang karanasan upang limutin iyon, at pansinin ang ilang sanhi sa . . ., ikaw na rin ang tatawag ng gayon, ay siyang may kagagawan ng pangyayaring iyon, at ito'y hindi makarurungis kahit bahagya sa iyong kabantugan sa mga matitinong tao; manapa'y nakapagdaragdag ng iyong halaga sapagka't ang kadakilaan ay tuwirang katimbang ng dami ng mga kaaway ... totoong marami sa mga tao ang pumapanginoon sa mga simbuyo ng kalooban. . Ang tungkol sa pag-iibigan sa loob ng 11 taon, ay


556

hindi ako makapangahas magsabi ng anuman, palibhasa'y sa paghatol sa isang damdamin ay malaki ang nagagawa ng katauhan ng humahatol at . . . aywan kung saan ako rnapapahantong sakaling rnangahas akong humatol sa nangyari sa iyo, gayong tiyak na tiyak na ikaw, sanhi sa iyong tanging talino, nang di narnan dapat itangos ng isang dipa ng iyong ilong, ay nakamarnasid ka nang lalong rnabuti kaysa akin. Ipagpaurnanhin rno nga sa akin kung ako rna'y nagpakalabis nang bahagya; iukol rno ang Iahat na iyon sa kalakhan ng pagmarnahal ko sa iyo na nag-uudyok sa aking rnakiramay sa lahat ng nangyayari sa iyo. Hindi nawa1a ang a1piler; kahapon ay tinubos ni Pari Chanco. Ipinagbilin nito sa aking gayon ang isulat ko sa iyo. Sinabi sa akin ni Morada na kapag SiY3 umano'y nakatanggap ng kuwalta ay kukunin niya kay Par i Chanco at nang maipadala sa iyo. Kalabisan nang sabihin ko sa iyo na sakaling mauna akong rnagkakuwalta kaysa kay Morada ay ako ang gagawa niyon. Uuwi rin akb sa Pilipinas sa 100b ng mada1ing panahon: sa mga huling suI at na tinanggap ko buhat sa aking kaanak, ay sinabi pg aking ina na ako raw ay padadalhan ng kuwalta sa loob ng dalawa 0 tatlong buwan upang ako'y rnakauwi; masakitin siya dahil sa trangkaso. Saka na kita susulatan bago ako urnuwi. Isulat rno rin sa akin ang araw na iyong iaalis, sapagaka't lubhang ikalulugod kong rnakasakay mo. N gayo'y uuwi sa Pilip in as si Vicente Francisco. Sa loob ng linggong ito'y aalis dito sin a Abella at Ariston patungong Paris, at si Abreu ay para sa bayang iyan upang rnag-aral ng pag-iinhinyero kasarna ni Alejandrino. Ako'y hindi lumalabas halos ng bahay sa rnga araw na ito, sapagka't sa buong sanlinggo ay rnadalas akong di natunawan ng pagkain at rnadalas akong balinguynguyin nang sagana, kaya nakasasama sa akin ang Madrid ay higit na araw, sapagka't ang tag-init maalinsangan kaysa Pilipinas. KaHan lil~fr!.bagin ang bagong akda rno? N ananabjk akong rnabasa iyon. Bagarnan may anirn na buwan nang hindi ako nakakatanggap ng su]at buhat sa Trozo, ay nalalarnan ko,

ng


557

sa pamamagitan ng mga suI at ng aking kaanak, na sila'y mabubuti at walang kapansanan. Mga alaala kina Alejandrino at Edilberto. Ang iyong pinsan, KANOY

Itanong mo kay Alejandrino, sa ngalan ko, kung kaya niyang gumawa ng mga daang mabubuti, para sa para-gus ng aking . . ., sakaling patuloy sa pagiging miki. Ako . . . ng bilog na bughaw. 263.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Gaga wa ng mga lara wan para sa ikala wang pagpapalimbag ng Noli.-Lalong nakapananabik ang mga larawan para sa mga tagpong nababakla.Pakikipagkita kay Rizal sa Parjs bago umuwi.Tungkol sa mga kapangyarihang ipinagkaloob kay Govantes.

Paris lka-21 ng Agosto, 1891 GINOONG JOSE RIZAL

Gante MINAMAHAL NA KAIBIGANG RIZAL:

Sanlibong salamat sa mga palatu/YI. t'l~ntln ng Gante at Bruselas na tinanggap ko. Gagawin ko ang lahat ng larawang manais mo para sa ikalawang pagpapalimbag ng Noli. Inaakala kong mabuti ang iyong naisip, sapagka't kung' hindi guguguIan ng napakalaki, ay magi~ing lalong kapana-panabik kung may mga larawang nakababa~;bag ng loob ng madIa kapag makamamalas ng isang larawan ng pagpatay ng kapuwa tao 0 ibang bagay na kasindal-sindal. Ikalulugod kong makita ka sa Paris sa Setyembre at lalung-Ialo na kung ikaw ay tutungo sa Pilipinas. Totoo bang ang mga kaanak mo'y nagkaloob ng mga kapangyarihan kay Pedro Govantes upang Iakarin ang pagbawi ng utos na pagpapatapon sa ilang kamaganak mo? Ito ang sinabi sa akin ni Ginoong Antonio Marcaida, na ngayo'y naririto sa Paris, pati ng kanvang maybahay, ang kapatid na babae ni Chuidian. Sabihin


558

mo sa akin kung may natamo na si Govantes ngayong siya'y kinatawan na at pamangkin ng kanyang amain. Mga alaala ni Paz, mga halik ng mga bata at isang yakap ng jyong kaibigan. JUAN LUNA

264.

Blthat kay Rizal para Kay Mariano Ponce

Ang sagot sa La P ropaganda na pinaraan kay Selo. Lubha siyang nasasaktan sa mga paratang ng ilan sa kapisanang iyong makabayan nang hindi nauunawaan ang katotohanan ng mga pangyayari. (Tagalog ang orihinal at hindi namin binago ang pagkakasulat) .

9 Daang Hainaut, Gante Ika-24 ng Agosto, 1891 GINOONG MARIANO PONCE MADRID PILING KAIBIGAN:

)

Kalakip nito ang dalawang sulatl na mababasa rno at masasabi mo kay Selo (Marcelo H. del Pilar), kung sakali't, may ano pa mang hindi mo maibigan. Ykaw na ang bahala. Sinulat ko kapwa, at hindi ko ipagliHhim sa iyo na ako'y, totoong nasasaktan sa mga ipinaratang sa akin doon sa atin sa Maynila. 2 l N agpadala ka baga ng libro kay Vigil?3 Masabi mo lamang sa akin kung mayroon pa aIm rian ng Noli. Ybig kong maguwi ng ilan. Huag mong akalaing malayo ang loob ko sa inyo; lIsa sa mga sulat na ito ay di malayong ang may bilang 260 at ang isa naman ay ang ipinadaJa kay Zulueta, kalihim ng propaganda, n:1 may bilang 264. 2 lIan sa mga kasupi ng propaganda ang nagpapalagay na si Rizal ay nagbabalak na pagbukud-bukurin 0 paghati-hatiin ang kolonya ng mga pilipino. Tungkol sa bagay na ito ay basahin ang sulat bIg. 476 ni Lopez Jaena kay RizaI, at doo'y makikita kung sinu-sino ang nagpaparatang kay Rizal at kung sinu-sino naman ang nagtatanggol sa kanya sa Maynila. Jto'y taos-pusong dinal'amdam ni Rizal. 3 Tinutukoy si Francisco de P. Vigil na ibig ni Rizal na padalhan ng isang Noli.


559

kasama rin ninyo aIm; ibig ko lamang magpalampas ng sigwa. 4 Yto na lamang at ikaw ay magutos. Ang iyong kaibigan, RIZAL HABOL: Ang kalakip na sulat ay para sa P. (Propaganda) yamang sa kamay ni Selong nagdaan ang sulat, sa kamay din naman niya dapat magdaan ang sagot. 5 265.

Buhat kay Rizal para kay Jose Maria Basa

Si Rizal ay tutulak na patungong Hongkong na taglay ang kanyang akdang nalimbag n a.

9 Daang Hainaut, Gante Ika-26 ng Agosto, 1891 GINOONG JOSE M. BASA Hongkong

}

PILING KAIBIGAN: Madalian kitang sinusulatan upang ibalita sa iyong sumusulong ang pagpapalimbag ng aking akda;1 sa loob ng isang buwan ay magkakaroon kayo niyon, at kasama niyon ako. Pinag-aaralan ko ang paraan sa pagpapasok niyon sa Maynila. 2 Dumating na si Graciano. Ang iyong kaibigan, RIZAL 4 Ginagawa ni Rizal ang paunawang ito sapagka't >= a dahilang si Ponce ay bumoto kay del Pilar sa paghahalal ng R esponsable ng kolonya ng mga Pilipino ay maaaring ipalagay na si Rizal ay nagdamdam. 5 Tinutukuy ng sulat na ipinadala kay Juan Zulueta, kalihim ng propaganda, bilang 471, pamamagitan ni Marcelo del Pilar, yamang ang sulat na ipinadala sa kanya ay tinanggap niya sa pamamagitan din ni del Pilar. 1 Tinutukoy ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo. :.! Sa mal as ang mabuting kaparaanang kanilang naisip ay ang ipasok sa Pilipinas ang mga akJat sa pamamagitan ng daungan ng Iloilo, nguni't lubusang nabigo ang balak na ito. Pinal'aan din naman sa Singapur sa pamamagitan ni G. Manuel Camuz.


560 266.

Buhat kay Graciano Lopez jaella para kay Rizal Tungkol sa sinasabing tungg,alian nina Selo at Rizal. Dinaramdam ng Kapatiran ni San Patricio nangyari. Sulat ni Selo na bumabaligtad sa mga pangyayari.-Ipinagtanggol si Rizal nina Lopez Jaena at Moises Salvador.-Pakikipanayam ni G. Basilio Teodoro kay J aena.-"Walang maaantay sa Espanya".-Dapat kunin ang katubusan.-Alok kay Rizal.-Mga paliwanag ni Basa.-Si Jaena ay pinepensiyunan ng P40.-"Ang aking pagdating ay isang lihim na isinisigaw".-Utos na pagpaparakip.-Si Jaena ay katig sa paglalathala ng isang pahayagang mapanghimagsik, "Ang Bagyo".-Sa pamamagitan lamang ng paghihimagsik. Iba pang mga balitang kapana-panabik.

.. Ika-26 ng Agosto, 1891 Barselona GINOONG GANTE

J.

RIZAL

MIN AMARAL N A RrZAL:

Tinanggap ko ang sulat mo ng ika-20 ng lumalakad, sinasagot ko upang ipahayag ang dahil ng aking pakikipanayam. Ang tunggalian ninyo ni Marcelo ay lubhang nakapukaw ng damdamin sa Maynila at sa sinapupunan ng lupon ng Kapatiran ni San Patricio, ay dinamdam ang kaalitang iyang sumulpot. Itinanong nila sa akin d.ng dahil at sanhi ng tunggalian, nguni't sa dahilang hindi ko nalalaman, ay wala akong naisagot maliban sa mga haka-haka at ang mga narinig ko sa bibig ng ilan; ang nakararami sa lupon, dahil sa gawa-gawa ni Marcelo ay sumisisi sa iyo, datapuwa't ipinagtanggol kita. Sa Marilaw, sa bahay ng manugang na babae ni Doroteo Cortes, na dinaluhan ko dahil sa isang pagtitipong ipinag-anyaya sa akin, ay binasa ang isang napakahabang sulat ni Del Pilar, na ipinadala sa lupon, at sa sulat ay iniulat ang pinag'mulan ng mg-a samaan ng loob ninyong dalawa at ng Kolonya sa Madrid; binaligtad niya ang mga pangyayari upang ang mga iyo'y maging avon sa kanya, kaya ang ating kaibigan, ang kasama ko sa pagtitipon, na si Moises S2.lvador, ay nanghimasok at ipinagsanggalang ka nang pangatawanan.


561

Datapuwa't ang lahat nang ito'y hindi siyang pak. sa ng pagpapanayam. Sa isa sa apat na mapanganib na araw na itinigil ko sa Maynila; ay hiniling ni G. B2.silio Teodoro na ako'y makapanayam niya nang lihim, at upang maisagawa ito'y napilitan kaming sumakay sa karwahe nang ika-9 ng gabi at tumungo sa Luneta. Nang naroon na kami'y itinanong niya sa akin kung ana ang aking palagay sa Pamahalaang Kastila hinggil sa Pilipinas; tinugon ko siyang walang anumang maaasahan S9. Espanya, ni sa pamahalaan niyon, at kung hinahangad ng Pilip in as na magtamasa ng mga karapatan at kalayaan, ay ang Pilipinas na rin ang dapat magsikap na matamo ang kanyang katubusan. At sa pag-uusap namin tungkol sa iyo ay ipinamanhik niyang paratingin ko sa iyo ang sumusunod na mungkahi: Mamalagi ka sa Europa at Amerika, at maglakbay upang tarukin ang damdamin ng mga pamahalaan ng ibang mga bansa tungkol sa Pilipinas, at kung ana ang palagay sa kanya ng mga iyon. Upang magawa ang bagay na ito'y pagkakalooban ka ng dalawang daang piso buwan-buwan at babayaran pa sa iyo ang mga gugol mo sa paglalakbay. Iyan 9.ng pakay ng aking pakikipanayam; sakaling sumasang-ayon ka ay sulatan mo nang lihim si Basilio Teodoro, sapagka't ayon sa ginoong ito'y walang kinalaman sa bagay na iyan ang lupon, kundi sariling balak niya at ng ilang kaibigan. Iba pang bagay. Sinabi sa akin ni Basa na sabihin ko raw sa iyo ang kalagayan niya sa bagong lupong ito. Kinuha sa kanya ng dating lupon ang lahat ng sipi ng Morga, na ipinadala mo sa kanya, at tila ang bagong lupon ay ibig umiwas sa pagkakautang. Hangga ngayon ay wala pa ni isang kuwaltang natatanggap si Basa sa mga Morga kahit na paulit-ulit na sinulatan niya sa lupon, at hinihingan ito ng ulat; at walang itinugon sa kanya kundi ~isiyasatin dikuno at ipadadala kapag magbayad ang isang ginoo, na dati'y kaanib sa lupon, datapuwa't ngayoy'y hindi na, sapagka't nasa-kanya umana ang kuwalta ng mga M or,q,a. Ipinasasabi rin sa iyo ang nasasaad sa pahatid-kawad, na ako ang sumulat at ipinadala sa iyo nang mg:.1.


562

unang araw ng Hunyo, na upang gugulin sa pagpapalimbag ng ikalawang bahagi ng Noli, ay maaari kang kumuha ng kuwalta sa isang bahay kalakal sa Bruselas na may kaugnayan sa isa sa mga nasa-Hongkong, at dito singilin. Hindi ka pinGl:dalhan ng kasulatan ng pagpapalitan ng salapi sapagka't ang akala'y aalis ka agad nang walang anumang pagkabalam. Ang lupon, gayong hindi ko hinihiling, ay nagbibigay sa akin ng pensiyon na halagang P40 isang buwan; ito'y maliit, napakaliit, para sa gawaing hinaharap ko, na dili iba kundi ang politika, sapagka't gaya ng nalalaman mo, ang pakikipagkapuwa sa mga malalaking tao at pakikisalamuha sa politika ay pinaggugugulan ng malaki. Ang pensiyon kong ito, tangi sa roon, ay hindi m.aaasahan, sapagka't upang sHbihin ng tapat sa iyo, ako'y walang gaanong tiwala E路a lupong iyon, sanhi sa wala ni batayan ni mapanghahawakan; tangi sa rito, ang karamihan ng mga kagawad niyon ay mga kalarawan ni Marcelo, at batid mo na ang nangyayari kay Basa sa pakikitungo nita kay Marcelo. Kung tinanggap ko man ang maliit na pensiyong ito, ay dahil sa noong ako'y nasa-Maynila ay siyang unang inialok sa akin, at nang ako'y makaalis sa lalong madaling panahon sa buhay na iyong batbat ng panganib, ng pagkabaklang kinaroroonan ko, sapagka't sa loob lamang ng dalawampu't apat na oras ng pagkakatigil ko sa Maynila, ay napag-alaman na ng buong daigdig, at bagaman gayon na lamang ang aking mga pag-iingat, ang mga tau han na rin ng lupong nabanggit, na siyang nagtatatago at nagsisikap na magtago sa akin, ay sila na rin ang nagbabalita sa kanilang mga kalbigan, sotto voce, sa mahinang tinig, na ako'y dumating, kaya naging isang lihim na isinisigaw; at ang lahat ng tao'y nagnanais makakita sa akin, Inakabati at makipagkamay. N asa-Maynila pa ako'y pinaghahanap na ako ng Pamahalaan, kahit wala pang utos na inilalagda, at hindi pa ako nakaaalis halos ay inilagda na ang kautnsang ako'y dakpin. Kung ako'y namalagi doon ng mga dalawang linggo pa, ay nakakuha sana ako ng lalong malaki at kung hindi kusang humarap sa akin ang lupon, sapagka't ang ama ni Moises, si Kapitang Ambrosio, kasama ng ilang kaibigan, ay may balak na magpensiyon sa akin. Sini-


563

sikap ko pa ring ipagpatuloy ni Kapitang Ambrosio at iba pang kaibigan niya ang balak na iyon, sapagka't nakikini-kinita kong magkukulang sa pagtupad sa mga pRngako sa akin ang lupon. Ito'y nagkulang nang minsan sa akin; noong ako'y nasa-Maynila, ay pinangakuan akong padadalhan ng salapi sa Hongkong upang may magugol sa paglalakbay buhat sa lYlarselya hanggang sa Bruselas at nang makipagkita't makipanayam sa iyo, at gayundin buhat sa Bruselas hanggang Madrid upang makipagkita kay Marcelo sa layong mapalubag ang loob ninyong dalawa. Nguni't ang pangakong ito at iba pang bagay ay hindi tinupad, kaya ako'y hindi pa rin mapalagay t.ungkoI sa aking hinaharap. Ninanais pa ng mga taong iyon na ako'y sumulat ng isang akda, datapuwa't hindi nila natatalos na kapag walang katahimikan at walang kalayaan, ay hindi makasusulat ng isang mahalagang akda. Aywan ko ba kung ana ang aJ{ala nila sa pagsulat ng isang aklat; ipinalalagay nila marahjl na ang pagsulat ng isang akda ay kasindali ng pag-inom ng isang basong tUbig. Kaya nga, sakaHng magagawa mo, ay papaniwalain mo silang kinakailangan ko ang lalong malaking pensiyon upang makapaglakbay at makapanaliksik sa mga aklatan, at nang ako'y makasulat ng isang akda. Si Kapitang Beltran ng bapor Don Juan, na sinak路 yan ko bilang isa sa mga tauhan ng bapor, ay nagpapahatid sa iyo ng mga kumusta at mga yakap, sinabi niyang madaJas ka raw niyang magunita. Salamat sa mabuting taong ito, at nakaligtas ako sa panganib. Sinasabi ng lupon, sa liham nito kay Basa, na sa sulat ng Hunyo ay pinadalhan ka raw ng apat na raan o limang daang piso na ibibigay sa iyo ni Marcelo, at magpapatuloy ng pagpapadala sa iyo ng sandaang piso huwag ka lamang paroon sa Hongkong 0 sa Hapon. Aywan ko kung natanggap mo na. Hinggil sa Pilipinas, ay nahahalata kong doo'y lalong malaki ang takot kaysa ibang bagay. Lumalaki naman ang mga prayle sa harap ng ganitong pagkatakot ng mga taong doo'y namamaraling sUa ang mg-a patnugot ng kinabukasan ng Pilipinas. Naito ang katotohanan. Hiniling ko sa lupon na magpadala ng tatlo


564

o apat na tauhan nila sa Hongkong upang dumalo sa i8ang panayam ng mga bantog at kilalang tao at nang sa ganito'y maitakda ang landas na tutuntunin ng propaganda at upang Inagkaroon ng batayan ang lupong iyan, nguni't hindi sila nakapangahas na magpadala dahil sa takot. Ang pangulong Cortes ang siyang unaunang takot na takot. Ano ang palagay mo sa dalawang akdang iyang inilalakip ko? Ang isa, alalaong baga'y ang maliit, ay hindi pinangahasang ikalat sa Maynila dahil sa labis na takot. Tungkol sa naiisip ko, ay iminungkahi ko kay Basa na lakarin sa mga mayayaman sa Maynila, na hindi kabilang sa lupon, ang pagtutustos sa pahayagang binabalak kong itatag dito 0 sa ibang bansa, at pamamagatang "Ang Bagyo": na ipatatangkilik sa lapiang mapanghimagsik, sapagka't sa palagay ko'y walang matatamong anuman ang Pilipinas kundi sa pamamagitan ng Paghihimagsik. N apansin ko ring ang ating pangalan, lalung-lal0 na ang sa iyo, ay kinakasangakapan upang pagsamantalahan ng ilang tao sapagka't sinabi nila kina Basa, Olaguivel, Lozada at iba pa, na ang mga taga-Batangan ay nagbihigay umana ng maraming salapi para sa iyo sa Maynila, nguni't ang mga halagang iyon ay hindi lumilitaw. 8i Basa na ang sa iyo'y magsasaysay pagdating mo sa Hongkong. 8akaHng magagawa mo, bago ka umalis ay dumaan ka muna sa Barselona, at kung magagawa ko naman ay ihahatid kita sa Marselya. Ipinamamanhik ko sa iyong ilihim ang lahat ng itong sinulat ko sa iyo, na isinulat ko lamang sa iyo upang malaman mo kung ana ang nararapat mong ga\vin, at nang ako naman ay huwag maging masama sa harap ng lupon. I pinasasabi sa iyo ni Moises na ang mga Morga raw ay nasa-Pamahalaang sibil, at saka na raw siya susulat sa iyo. N gayo'y nag-aaral ako ng ingles, sapagka't kung sumama ang lagay ng mga bagay-bagav rito, ay baka bumalik ako sa Hongkong. ~


5G5

Si Basa at ang huong kolonya ng Hongkong ay nagpapahatid sa iyo ng mga alaala, gayundin si LAcaroz. Sagutin mo ako. Sumasaiyo, GRACIANO

267.

Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal

Kasakit-sakit na kalagayan ng mg,a manunulat ng La Sol1:d.ariilaJcl.-"Ang pagsasamantala ng tao sa tao" .-N.agngingitngit si Luna dahil sa siya'y ipinagpapahuli at dahil sa ibang kaapihan at katiwalian.-May salapi, nguni't wala.--Sa kabilang dako, paglustay ng s.a lapi sa mg.a paglalakbay na walang kabuluhan, walang pagpapauna, pakikipagbakang patay.-Mga daing sa La Propa ganda, sa pamamagitan ni Rizal, laban sa mga nangangasiwa ng pahayagan.

Hortaleza 14 at 16-20 Madrid Ika-12 ng Setyembre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL GANTE MINAMAHAL NA RIZAL:

N apag-alaman ko ngayon na sa buwan ng Oktubreng papasok ay uuwi ka sa Maynila sanhi sa mga kadahilanang totoong nakalulungkot, sang-ayon sa mga bali tang natanggap ko. Ang kaluwalhatiang nakalaan sa mga gawain nating ito ay ang pagkawasak ng ating hinaharap at kahit pabiru-biro ay nagiging panabing tayo upang ang iba'y makapangulimbat sa karimlan. Sa wakas, ang pagsasamantala sa tao ng kapuwa tao, sa biglang turing. Tinutukoy ko, lalung-lalo na ang kalagayan ng mga manunulat sa "La Solidaridad", na aking kinabibilangan. Sinasabing ang kapisanan diumano ay masalapi at nagpapadala ng marami sa Espanya upang ib~yad sa mga gumagawa at sumusulat. Ang mga sulat na nabasa ko ang nagsasahi ng bagay na ito. Samakatuwid, sakaling ito'y totoo, tila lumalahas na ang ating gawain, ay ang sa kulang-kulang, yamang sa Pilipinas ay pinaniniwalaang binabayaran at ginagantimpalaan ang ating ginagawa. At walang


566

halagang banggitin dito ang pag-ibig sa bayang tinubuan, sapagka't ang nangyayari rito ay ang sumusunod. flinasamantala ang kasiglahan at kasipagan ng tao, dahil sa magaang pagmamatuwid na inaagaw sa isang tao ang itinatalaga sa kanya. Ang lahat ng ito'y nakapagngingitngit sa akin, sapagka't sinCl.sabi sa akin dito na ang gawain kong tinutupad ay lubhang malungkot) flang-ayon sa mga balitang tinatanggap buhat sa Maynila. Alang-alang sa isang tanging utang na loob na sa iyo nanggaling, ay itinakda sa akin ang walong duro (piso) isang buwan; mahigit na sa isang taong singkad na, sa kabila ng aking pagtupad sa tungkol at paggawa ng higit sa pinagkayarian, hangga ngayo'y hindi pa ako nakakatanggap ng anumang masasabing pagtataas, na sa akin ay makapagpapasigla upang magpatuloy. Sumusulat ako ng dalawa, tatlo a higit pang l:;l.thalain sa bawa't bilang, gaya ng iyong mamamalas, at gayunman, ~ahit ninanakaw ko ang panahon sa aking rnga tungkulin sa pag-aaral, ang sinasahod ko'y ang upa pa rin ng isang kutsero (gaya ng itinatawag ko), nang walang pag-asang maragdagan pa. Kung tunay ngang nagpapadala ng libu-libong piso, saan ginagamit ang mga ito, saan ginugugol? Ang aking aklat ay naghihingalo sa halakhak, hindi naipalilimbag ni ang mga polyeto, ni ang mga aklat, nap3.kaliit ang ibinabayad . . . ana ito? Sa kabilang dako, ang mga paglustay ng maraming salapi, walang kapararakang mga paglalakbay, ganap na pagpapabaya, kawalan ng pagbabalak, pakikipaglabang patay. Ito'y isang lubusang pagpapatiwakal. Sa ngayo't ngayon, ay ako ang nakaaalam sa pahayagang lumalabas tuwing ikalabinlimang araw, at ang dalawang bilang na lumabas nang ako ang nakaalam ay pawang ako ang sumulat maliban sa isang lathalain ni N aning. Naito, sa maliwanag na sabi, ang buong gawa ng mga manggagawa ng P. Ngayo'y naging isang tunay na alingasngas: halos walang lathal;;dng mailalabas at napilitan akong sumulat sa loob ng isang araw ng apat na lathalain, sapagka't ni si Del PiJar ni si Naning ay walang anumang sinulat. Ito'y isang pagpapaJa. Ang suliranin ng mga gantimpala ay hindi na sana mauungkat kung hindi ka sumulat, at lahat ng mga panihala upang makapagbigay sigla ay naparam sanang para-para sa gitna ng kawalang kilos


567

na ito na l3iyang pinakamabuting muog. Mayroon pa kayang lalong karapat-dapat, tumpak, at kasiya-siya kundi ang ipaalam sa akin ang mga hiwaga ng P., sakaling ito'y may mga hiwaga? Nguni't hindi. Ganap na paghamig ng lahat ng kaalaman upang kami'y mamalagi sa mapalad na pag-aagam-agam tungkol sa maa~ aring maging pag-asa namin. Malimit ipagparanga12ng maraming sal api, ipinagmamayabang na may masaganang puhunan upang pagkatapos ay sabihin (mga sHlita ng aming Patnugot): "May kuwalta nga, datapuwa't kanino ibibigay? lVfay gumagawa ba ng anuman? Sino man ay makauunawa ng tugtuging ito. Ang Pangasiwaang itong ang makahumalingan ay hindi mababali ay lalo pang masama kaysa Pamahalaan; nagnanais ng mga kawani, gawa, at pagpapakasakit at hindi. maapuhap ang taong babayaran. Palabas! Sa harap ng ganitong mga katiwalian ay mahigpit na kinakailangang malutas ang kasalukuyang kalagayan sa paano mang paraan at halos nagkakatiyap-tiyap na k?,ming magpahayagi ng isang aklasang walang samaan ng loob, datapuwa't sa paano't paano ma'y pag-aaklas din. Yamang naka~atagpo kami ng isang paglabang di·· naraan sa hindi pagkilos, ay gagawa kami ng isang aklasan ng magkakaibigan, at mangyari na ang mangya·· yari; at hindi malayong magtaka ka, balang araw, sa balitang sumusunod: Wala na sa pasulatan, at maraming iba pa si Ginoong Ito, si Ginoong Kuwan at ako, at marami pang iba. Pag nagkagayon ay mamamalas natin kung ano ang kahihinatnan ng paghamig at ng nakatutuwang pagsasamantala. Isinasaad ng mga sulat na galing sa Maynila na ang Kapisanang H. P. ay nararapat tumanggap ng kuwaltang galing doon, sapagka't sa lngat-yaman ay may utang ng kung ilang piseta at hindi pa nababayaran at doo'y nabubuhay sila sa maligayang paniniwalang gumagawang taglay ang pa· nanalig, sipag, pagkamagiting, kawalan ng pag-iimbot at . . . sa isang paraang mapanglangkom. Kung ito ang kauuwian ng ating pakikipaglaban, kung ang mga mithiing inaakala ko'y inakalang banay at sagrado, para sa akin, ay may mga walang pananalig na tagasamba, gaya ng ginagawa ng mga insik na klistiyano, ay lalong minamarapat kong talikdan nang lubusan ang aking mga paniniwala, sapagka't sa harap ng napakalaking


568

kalakhang ito ay kinakailangang hubdin pati ng baro at bunutin pati ng kahuli-hulihang buhok. Sayang na pagsusumakit at mga karapatan at mga kalayaang slnisikap matamo! Ako'y naniniwala, bagaman minamasaklap ng loob ko, na tayo'y hindi karapat-dapat ni sa kalayaan, ni sa anumang bagay; mahaba pang panahong mabubuhay tayong mapakumbabang busabos ng ating mga panginoong walang patumanggang hahagupit ng latiko sa ating mga mukha. Talagang ito'y nakalulunos, datapuwa't siyang totoo. Buong pananabik na hinihintay ko ang pagdating ni Graciano upang kami'y magkaunawaan, at kapag napag-alaman na namin at napuno na ng katuwirang makakabnti, ay sisimulan namin ang panlahat na paglusob sa buong hanay. Maldkita natin kung paano sila magsasanggalang. N ahahanda akong tumigil ng pagsulat para sa La Sol:., sapagka't kung ako'y magpapatuloy ay magiging kasabwat ako, gayong alam na alam kong kami'y pinakikitunguhang parang mga utusan. Sa kabuuan: "Gumawa kayo, magsimpan kayo ng kagitingan, magpadala kayo ng bunga ng inyong isip; isapanganib ang inyong sarili, lumagay kayo sa unahan, at manakanaka'y bibigyan ko kayo ng maibibili ng biskotso at Ba pamamagitan nito'y bubusalan ko ang inyong bibig." Tao ka ng Diyos, alang-alang sa mga pako ni Kristo, ito'y malayong makasiya at lubhang nakahahamak! Mga biskotso para sa mga magigi ting? Ano naman ka ya ang ibibigay sa mga gumagawa? Enseymada kaya? May mantika 0 wala? Hindi ko pa nalalaman kung saan matutungo ang usaping ito, datapuwa't nagiging lubhang napakalaki na hindi matutulusan ang hangganan. Sukat na ito ngayon; sakaling makipanayam sa iyo ang propagandang pilipino, ay maaari mong basahing isa-isa ang mga talatang itong sinulat kong may ngiti sa mga labi, datapuwa't may tinik sa puso at pagkabigo sa pag-iisip. Sa wakas, katoto, hang-gang sa uulitin. Inaakal::l kong ak01y susulatan mo bago ka umalis. Tinanggap ko ang kahuli-hulihang liham mo; sisikapin kong umalis sa lalong madaling panahon.


569

Mga kumusta kina Alejandl'ino, Evangelista at Abreu. Isang yakap ng iyong kaibigan, ANTONIO LUNA

268.

Buhat kay Rizal para kay Maria Basa

Pasasa Hongkong na may dalang 800 sipi ng Filibusterismo, pagkatanggap niya ng kuwalta.Mga paunan sipi para kina Basa at Sixto Lopez.Datapuwa't huwag ipagmakaingay nang hindi maipagb.awal ang pagpapasok ng aklat sa Maynila.Tinanggihan ni Rizal ang alok ng La Propaganda na siya'y pensyunan ng PIOO.-"Hindi dumarating sa takdang panahon, alalaong baga'y sadyang hindi dumarating".-((Lalong minamabuti ko ang gumawa at mabuhay sa sariling gugol".

9 Daang Hainaut, Gante Ika-18 ng Setyembre, 1891 GINOONG JOSE

M. BASA

Hongkong PILING KAIBIGANG BASA:

Sa koreong ito'y tatanggap kayo ng dalawang sipi ng aking Fili, ang isa'y para sa inyo at ang isa nama'y para sa kaibigang Sixto Lopez,l sakaJing naririyan pa siya. Kung sa susunod na koreo ay makatanggap ako ng kuwaltang pambayad sa bapor, ay sasakay ako sa ika-4 ng Oktubre at darating ako riyan sa ika-4 0 ika-5 ng N obyembre, na may dalang mga 800 sipi. N arara.路路 pat na basahin ninyo ang dalawang siping iyan nang hindi nagmamakaingay upang hindi mapigil ang pag路 papasok sa Maynila ng mga natitira. Nagpapasalamat ako sa kaibigang Sixto at sa inyo, at umaasa akong tayo'y magkikita-kita sa loob ng madaling panahon. Ang alok na ginawa sa akin ng ProlSi Sixto Lopez ay isang magiting, na walang anumung pag-iimbot na nagsikap alang-alang sa kanyang bayan, at sa mahaba-habang- paltahon ay tumangging manumpa ng pagtatapat sa Estados Unidos noong mga unang taon ng pananakop dito ng mga Amerikano. Ipinanganak siya sa Lipa, ~atangan, noong ika-6 ng Agosto, 1875, at namatay nang ika28 ng- Marso, 1949.


570

paganda na pagkalooban ako ng 100 piso buwan-buwan ay hindi ko matatanggap, sapagka't walang katiyakan ang panahol1 ng pagdating, ibig kong sabihi'y hindi dumarating, at gay a ng alam na ninyong mabuti ay hindi ako maaaring mabuhay sa pag-asa ni sa mgs, pangako. N apakal'ami nang ipinangako sa akin, datapuwa't ang tanging natatanggap ko hanggang sa salldaling ito ay tatlong daang piso, na ukol sa mga buwan ng Pebrero, Marso, at Abri1. 2 N agkakautang pa sa akin ng nauukol sa mga buwan ng Mayo1 Hunyo, Hulyo, Agosto at Setyembre; kaya't lalo kong minamabuting gumawa at mabuhay sa sarBing gugol na lalnang. Labis kong dinaramdaman na maging masama anglakad ng inyong mga hanapbuhay; kaya't sakaling kay o'y kakapusin, ang mga sipi ng aking IVforg at Fili ay . . jyang mananagot sa pagkakautang ko sa inyo. N aparito ang mga kaibigang Ariston Bautisa at Abella 3 at sila'y nagsitungo sa Alemanya. Sakaling makakatanggap ako ng mga 100 piso, ay tiyak na aalis ako sa ika-4 ng Oktubre. Hanggang dito, na lamang sa ngayon, tanggapin njnyo ang isang yakap ng inyong kaibigan, RIZAL

Pagmamahal sa aldng kaibigang Sixto. 2 Sa malas, a ng salaping iniuukol ka y RizaI ay naiwan sa kamay ng iban g tao . Sa sulat bila ng 266 ni Lopez J aena k ay Riza 1 a y sinasabi, f' a isang bahagi ang ganit o: " Ang Iupon, sa kanyang sulat k ay Basa ay n agsa sabing sa liham noong Hunyo ay pinada lhan ka ,ng' apat na l'aan 0 liman g' daanll: piso, na ibibigay sa iyo ni Marcelo, a t ipagpapaLuloy na padadaIha.n ka n g i i'O an ~; daang piso kailanma't hindi ka pal'Ol'oon sa Hongkong 0 sa Hapon." Maliwanag na makikita sa sulat na ito n a hindi na tanggap ni Rizal ang mga nasabing h alaga. Tingnan din naman a ng suIat bilang 278. Maliwanag na m a pagtatalastas 11a kinakasangka pa n ang pallgalar. ni Rizal sa panghihing i ng mga abufoy. Sinasabi n i Dr. Roxa s, na minsqng binalak na singilin ng mga pilipino sa Madrid !'a Bangko roon ang isang kasulatan sa pagpapalitan ng salapi p ara kay Rizal, balak na sa kabutihang' palad ay nabigo dahil sa panghi11imasok ni Dr. Rox as. 3 Inaakalang ito'y tumutukoy kay G. Mariano Abella at Isaac, na nap:-aral sa Maynil a a t nagt a mo ng pagka-lisensiyado sa deretso sa Unibersidad ng Sa-nto Tomas. Nang 1890, ay nagtungo siya sa Europa at naglibot sa Paris, Bruselas. BeIhika, AIemsnya at iba pang bansa. Maaari 1'in namang siya rin si Martin Abella (Martinella) gaya n g t awa g sa kanya n1 Canon, at nagtira sa Liverpool.


571 269.

Buhat kay Rizal para kay Del Pilar

Ang El Filibusterismo ay may Layuning kaagapay ng sa Solidarid(J)d.-Hindi pinapansin ni Rizal ang ,a numang pintas na gagawin sa kanyang akda. Paunawang buhat sa MayniLa tungkol sa pagpapadala kay Luna ng gantimpalang P50, na ipinagbigay-alam ni Rizal kay Del Pilar.-"Ako'y lubos na humihiwalay sa politika", ,ani Rizal.-Buhat sa Maynila 0 sa Hongkong ay susulatin ko ang aking rnga akda.-Hindi ko iwawalay sa tingin ang inyong lakad upang makapantay sa inyong taas.

9 Daang Hainaut, Gante Ika-22 ng Setyembre, 1891 GINOONG MARCELO

H.

DEL PILAR

Madrid PILING KAIBIGAN:

Ngayo'y nagpapadala kami riyan ng ilang sipi ng aking akdang "El Filibusterismo"; iniuukol ko sa iyc ang isang sipi. Sakaling nangangailangan ka ng iba pang sipi, ay wala kang gagawin kundi sumulat sa 3kin. Hindi ko na kinakailangang magpaliwanag pa sa iyo, sapagka't ikaw na rin ang makauunawa sa layuniu ng akda, na kaagapay ng sa SoL'. Walang katuturang sabihin ko sa iyong hindi ko ninanais na iyo'y purihin 0 pagkaaabalahan ng Ia Sol:. Maaari mong pahatulan sa nag-aakalang ang aklat ay masama 0 kaya'y huwag hatulan. Ipinauubaya ko iyan sa iyo, Kapag nalathala na ang isang akda, ito'y pagaari na ng madla. Tila mabuti pa yatang tuligsain ang aking akda sa La SoL'. upang ito'y lumitaw na kalaban ng mga kaisipang pilibustero 1 at nang matamo ang mga pakay na hinahangad. Tumanggap ako ng isang patalastas buhat sa Maynila noong ika-10 ng Hulyo, at doo'y inuulit sa akin 1 Sa Pilipinas, ang salitang pilibustero ay nagkaroon ng ibang kahulugar. sa kanmiwang ibinibigay sa kanya. Nang panahong iyon, ang pagiging pilibustero 0 pagkakaroon ng isipang maka-pilibustero ay leatimbang ng pagiging isang taong gumagawa 0 kumikilos ng laban sa pamahalaan at sa maykapangyarihan (sa simbahan 0 sa pamahalaan) bukod sa nangangahulugan ng pagkakaroon ng mga isipang' makabayan at mapaghangad ng paghiwalay sa Espanya,


572

ang patalastas na padadalhan si Luna ng 50 piso. 2 Sakaling natanggap mo na, ay mangyari lamang na ipadala mo ~a akin, sapagka't naipagbigay-alam ko na sa Maynila na tumanggap ako sa iyo ng P200; at sapagka't ipinahayag ng la Sol:. na ang gantimpala'y hindi akin, ay mabuti nang malagay ang mga bagay-bagay sa dapat kalagyan. Aalis ako sa buwang papasok, sa ika-4 marahil; sa.kaling may ipagbibilin ka ay ihanda mo. Maaaring ilathala 0 hindi ilathala ng la Sol:. ang aking pagalis; datapuwa't lalong mabuti ang huwag nang ilathala, sapagka't yamang iyo'y wala namang kahala-halaga kaninuman, ay mawawalan ng kabuluhan ang paglalathala. Lubos akong namamaalam sa Politika, gaya ng naipaunawa ko na sa iyo, at inaakala kong mabuti ang aking ginagawa. N angangailangan ako ng kapayapaan at katahimikan, at yamang nagagawa naman ninyong mabuti, at. walang anumang kakulangang napapansin, ay bakit pa ako makikialam?3 Buhat sa Maynila 0 buhat sa Hongkong ay susulatin ko ang aking mga akdh at kailanma'y hindi ko iwawalay sa tingin ang inyong lakad upang ako'y makapantay sa inyong taas. Wala nang iba, tanggapin mo ang isang yakap ng iyong kaibigang sa iyo'y nagmamahal at nagnanasa ng tagumpay sa lahat ng iyong mga gawain. Malugod na sumasaiyo, RIZAL 2 Ang' hal agang limampung pisong ito ay isang gantimpalang ipi!1agkaloob kay Antoni(\ Luna, dahil sa kanyang mga gaawin sa La Solidaridad, aJang-alang sa mungkahi ni Rizal, nguni't ang hula gang nasabi ay hindi kasama ng daluwang daang pisong tinanggap ni RizaL 3 Nasabi ni Rizal na mabuti ang ginagawa ng- mga nasa-Madrid at siya'y hindi na kinakailang:m; kaya umuurong na siya sa politika. Napagkikilalang nang sulatin ang sulat na ito ay hindi pa tinatanggap ang sulat ni Antonio Luna (bitang 477 n g EpistolrL1'io) suI at na nagpapahayag ng panlahl.mig路 ng loob ni Luna, ng kanyang mga dain ~ at ng lcapabayaan sa mga gawain a s La Solida1'idacl.


373

270.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Sinasalang ang mga sugat ng Pilipinas ng unang nobela niya.-Isinisiwalat ang kanser ng lipunan.-Si Rizal ang lumikha ng ating nobela."Ibabangon mo, sa pamamagitan ng iyong mg-a sinulat, ang pagsasarili ng paK-iisip".-Ang pagtigil niya sa Europa ay alang-alang sa kabutihan natin.-Sa bagong batas ng panunulisan, ay manganganib ang kanyang buhay sa Pilipinas.

Paris Ika-23 ng Setyembl'e, 1891 GINOONG JOSE RIZAL

Gante MIN AMARAL N A RIZAL:

Ibinigay sa akin ni Ventura ang iyong bagong ak路 da, at ang para kina Trinidad at Felix na ibinigay ko na sa kanila. Binabati kita sa iyong kahanga-hangang akda, sapagka't sa maikling abot ng aking isip ay patuloy monf:' sinasalang ang mga sugat ng rnga Pilipino ng iyong unang nobel a, na nagsjsiwalat ng kalagayan ng ating abang Pilipinas, at sa mga kaisipan mo'y napaparh; ang libu-libong sawimpalad, Sa wakas, ikaw ang lum.ikha ng ating nobela, at ikaw ang magbabangon, sa pamamagitan ng iyong mga sinulat, ng pagsasarili ng pag-iisip, na siyang kauna-unahan sa mga kalayaan, kung di man ang kaisa-isa, na rnaangkin ang tao. Ngayo'y umaasa't ninanasa kong makarating sa Pilipinas ang gayon karaming akdang sinulat rno, at ikR\V ay mamalagi sa Europa upang magsikap sa ikabubuti nating angaw-angaw na mga Pilipino. Sa bagong batas ng panunulisan ~ ay papuputuk~nl ka ng apat na putok sa loob ng ikapat na bahagi ng isang oras ng pagkabugnot at paghihigantI ng unang sarhento ng Guwardiya Sibil, at ang nagawa, ay n?.gawa na. Sa anu't anuman, ay pakalimiin mong mabuti; hindi rnaaaring paroon nang taglay ang mga kaisipang dakila at matatayog, sapagka't wala ng mg:.4 iyan ang mga prayle, at palihirn at pailalim na uutasi~ nila ang isang malaking sagaba1 upang maipagpatuloy ang kanilang mga kasamaan. Sakaling paririto ka ay ipagtira mo ako ng isa 0


574

dalawang sipi, yarnang buong giliw na inialok rno rIn larnang sa akin. Si Aling Juliana ay isa sa iyong rnga tagahanga, sa kanyang sariling paraan, at inaakalH kong nararapat rno siyang padalhan ng isang sipi. Ito'y sinasabi ko sa iyo, sapagka't sinabi niyang hinandugan rno raw siya ng iyong unang aklat. Huwag rnong banggiting sinabi ko sa iyo. Hindi rnagluluwat at darating si Antonio. Mga alaala sa mga kababayang naririyan, at bumabati ako sa mga rnagiging inhiniyero dahil sa kanilang kasipagan. Surnasaiyo, JUAN LUNA

271.

Buhat kay Trinidad Pa,.do de Tavera para kay Rizal Mga pagbating taimtim.-Kailan naman ang ikatlong bahagl ?-Pupusta akong sasabihin ni Barrantes na ang aklat ay nilimbag sa Alemanya.

Paris Ika-23 ng Setyernbre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL GANTE MIN AMARAL NA RIZAL:

Tinanggap ko kahapon ang iyong akda, at ngayo'y natapos kong basahin. Halos hindi pa kayo nakapagsisirnulang rnagpadala ng mga sipi niyon, ay itinata" nong ko na sa inyo kung kailan lalabas ang ikatlong bahagi. Tanggapin ninyo ang aking pagbati, mga pagbating taimtirn at taos sa puso, at yamang pinagkalooban kayo ng Diyos ng talino at lakas para sa bagay na iyan, aY magpatuloy kayo sa landas na itinakda Niya sa inyo. Tanggapin ninyo ang isang yakap ng inyong kaibi路路 gan at kababayan. TRINIDAD (PARDO DE TAVERA) HABOL:

Hindi pa ako nakalalakad nang mabuti. Ano ang ipupusta ninyo na si Barrantes 0 iba sa kanila, ay mag路路 sasabing ang akda ay nilirnbag na naman sa Alemanya?


575

272.

Buhat kay V. Ventura para kay Rizal

Magandang 100b na alok ng isang butihing kaibigan.-"Tungkol sa inyong pa-uwi, parito kayo't pag-uus apan nati ::1".-Ang El Filib~(,ste1'ismo ay natagpuan kong ganap, malakas, dinamdam at matlllain.--Nalugod ako kay Isagani, matamis ang ugali't masikhay, si Basilio, na walang loob sa mga bagay na nauukol sa Bayan, si Juanito Pelaer,at si Ben-Zayb.-N agpapasaI.amat sa pagk akapatungkol sa kanya ng "borrador". t

Paris Ika-26 ng Setyemhre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL

Gante MAHAL NA KAIBIGANG PEPE:

Katatanggap ko lamang ng inyong sulat kahapon, at kapagdaka'y sinasagot ko, upang magawa ninyo ang blong minamarapat gawin, n::mg hindi nag-aalaala tungkol sa kuwalta . . Kahapo'y pinadalhan ko kayo ng dalawang daang prangko, at sa aking liham ay sinabi kong kung mangangailangan pa kayo, ay sabihin ninyo sa akin. Maaari nga ninyong asahal1l, ang mga isang daa't limampung piso, at higit pa nang kaunti, sakaling kakailanganin ninyo, nang hindi na tayo manghiram pa sa iba, yamang ngayo'y marami akong kuwalta) na hindi ko na路 man kinakailangan. Tungkol sa inyong pagbalik sa Maynila 0 sa Hongkong, ay parito kayo't ating pag-uusapan. Walang alinlangang ipinagtataka ninyong wahl akong binabanggit kaputok man tungkol sa aking pala路. gay sa inyong akdang "EI Filibusterismo." Ang totoo'y nabasa kong minsan at binabalak kong basahin uli, su pagbabakasakaling makatagpo ng isang bagay na makapagpapahintulot sa akjng gumawa ng maliit na puna, sapagka't kung sasabihin ko lamang na iyo'y natagpuan kong walang sukat ipintas, mabuti, tama, masigasig, dinamdam at matulain, gaya lamang ng nasabi na sa iny~) ng iba, ay hindi na dapat pagpaguran; sa pagkakamalas at pagkakaalam ng ating pagkakaibigan, ay nararupat ipalagay na kahit na ang mga ito ang siyang palagay at damdamin ko, ay walang kapararakang isulat ko pa sa inyo.


576

Sa lahat ng inyong mga tauhan 0 uri ng tao, ang lalong kinalugdan ko'y si Isagani, dahil sa kanyang ugaling matamis at matulain kapag ang kinakausap 0 ti , nutukoy ay si Paulita, at masigasig at makatuwiran ka路 pag nakikipag-usap sa kanyang mga kaalit at tungkol sa kanyang bayan: si Basilio, ay hindi rin naman masama, at tila nga mabnti sa kanya ang tanang nangyari sa kanya, sapagka't siya'y walang kaloob-loob S:1 mga bagay-bagay na nauukol sa kanyang bayan; sin a Juanito Pelaez at Ben-Zayb, ay dalawang tauhang sa wari ko'y ang ginawa ninyong huwaran ay dalawang kababayan natin: ang isa'y nakilala natin sa Barselona, pagkatapos ay nakasama natin sa Madrid at sa kasalukuya'y nasa Pilipinas; at ang isa nama'y nakilala natin (lito noong may Tangaha1an. Napagsisiya na ba niny!) sila? Pinasasa1amatan ko kayo ng marami sa pagkakapaghandog sa akin ng burador, datapuwa't a1am na ninyong tayo'y parang dalawang magkapatid at dahil dito'y ako ang nararapat na mahu1i; kaya, sakaling may napangakuan kayo, ay ipatungkol na ninyo sa kanya nang walang anumang aalalahanin sa akin. Pag pumarito kayo'y magdala kayo ng tatlo 0 apat na sipi; hindi ba ninyo inaakalang dapat han dugan si Ramirez ng isang sipi? Ang magiliwin ninyong kaibigang nagmamahal R2 . lnyo, V. VENTURA

273.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Tungkol sa isang tarhetang pangkoreo ni Antonio Luna l1U nagbabalita kay Rizal na tinanggap niya kay Del Pilar ang gantimpalang P50.-Pasasalamat at mga bilin.

Paris Ika-30 ng Setyembre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL MAHAL NA RIZAL:

Katatanggap ko lamang ngayon ng isang tarhetans pangkoreo ni Antonio para sa iyo, at hindi ko ipinadada1a sapagka't hindi ko malaman kung ikaw ay naririto na; ganito ang isinasaad:


577

"Mahal na Rizal: Sa pamamagitan ni Marcelo ay tinanggap ko kamakalawa ang isang kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta para sa akin sa halagc:ing 50 pisa. Ito ang gantimpalang ipinagkaloob sa akin at may kHsamang isang sulat. Ipinadala ko ang kasulatan kay IVlarcelo upang ipadala sa iyo; aywan ko kung gagawin niya agad. "Samakatuwid ay maaari mong telegramahan siy~ upang ipahiro sa iyo saan ka man naroroon, sapagka't kakailanganin mo sa paglalakbay. "Mabuting paglalakbay at isang yakap ni ANTONIO."

"Madrid, ika-28 ng Setyembre, 1892." N agpadala na ako ng isang pahatid-kawad kay entura at doo'y itinatanong ko kung ikaw ay nasa-Pa-

v:rIS.

Katatanggap ko ng mga aklat para kina Aling Juliana at Tula at ang tatlong ipinagkakaloob mo sa akin, at sa mga ito'y pinasasalamatan kita ng maraming'marami. Ipinakiutang ng loob sa akin ni Aling Juliana na paabutin sa iyo ang kanyang taos pusong pasasa路路 lamat. Ang para kay Tula ay ibibigay ko pagbalik nivv, buhat sa Bereck, sa loob ng dalawa 0 tatlong araw. Sabihin mo sa aking kung kailan ka dara~n dito at kung kailan ka sasakay, upang abalahin kita sa pagpapadala ko ng isang maliit na bagay sa aking kaanak sa May~ nila. Mga pakumusta ng mga kasambahay, mga halik ng mga bata at isang yakap ng iyong magiliwing kaibigan. JUAN LUNA

]}!ga nararapt gawin tung kol sa, mga Bilin

ni J. Luna,

Kalakip ang paktura ng mga abaniko para sa AdVlana. Ang kaukulang rnga babavaran at ibang rnga gugol ay sisingilin mo kay Ginang Trinidad ni Zobel. Paktura ng mga kuwadrong dala rno at ng rnga kukunin rno sa bahay ni Urbano. Ang mga halagang ito ay para sa mga hambug, at ang mga maybawas ay sa mga tunay na malulugdin. Ang lahat ng gugol sa Birhen ng Lourdes ay si-


578

singilin rno kay Jose Luna. Ang h~laga ng larawan ay 12 duro. Ang bayad sa sasakyan ay bayad n& hanggang' Marselya. I pinarnarnanhik ko sa iyong singilin ang lahat ng mga gugol, sapagka't ito'y isang maliit na hanap-buhay namin kina Trinidad Zobel at Jose Luna. Nauukol sa iyo ang 10 bahagdan ng rnapagbibilhan ng rnga kuwadro; kung hindi rno aawasin ay hindi na kita padadalhan ng anurnang ipagbibili. Ang rnga retrato ay ibibigay rno kay Pepe, ang aking kapatid. Kung hindi ka tutuloy sa Maynila ay rnaaari rnong ipadala ang kahon ng Birhen kay Pepe: at ang mga abaniko kay Trinidad. Hindi madalian ang alin man sa rnga biling ito. Isang angaw na pasasalarnat. Surnasaiyo, LUNA

Dalawin rno ~ng aking dating Kapitan: isa siyang tunay na Pilipino at rnararnipg nakildlalang Portuges na taga-Makaw sa Hongkong. Siya'y naging Kapitan ko sa Bergantin Rivadavia; ang piloto ay si J. Marquez at ang utusang ito ay pilotin 0 "agregado". Sin~bi sa aking tila siya ahente ng Cornpania Tabacalera sa Singgapur at ahente rin ng iba pang pagawaan ng tabako. 274.

Bultat kay Juan Luna para kay Rizal

Pabilin ni Luna tungkol sa iIang "plorete" na ginagamit ~,a pagsasanay.

Paris Ika-2 ng Oktubre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL

Paris MAHAL KONG RIZAL:

Pagparito rno bukas, Sabado, ay utang na loob na durnaan ka rnuna sa bahay ng rnanggagawa ng sandata upang kunin ang "ploreteng" pranses na iniwan doon ni Antonio upang lagyan ng bagong talirn; bayaran rno


579

ang halaga. Kung magagawa rno at hindi rnakabibigat sa iyo ay ipakikuha rno na rin ang mga ploreteng italyano. Ipakisabi mo kay Valentin Ventura na kung ako'y masasamahan niya sa Konsulado bukas, Sabado, ay magkikita kami sa inuman ng kapeng Durand, sa ika-2 oras; sakaling hindi niya mag,agawa, ay magpahatidkawad sa akin. Magiliw na sumasaiyo, JUAN LUNA

Biyernes. 275.

Buhat kina Lopez Jaena at iba pa para kay Rizal Ang mga Pilipinong nakatira sa Barselona ay bumabati kay Rizal dahil sa nobelang "El Filibusterismo" .-Hiyas ng panitikang kastila.-Sampung utos ng k::ttubusang politiko at pagdakiIa sa tao.-Kung a,ng mga utos niyon .a y susundin, ang isang bayang b'Usabos ay magiging panginoon ng kanyang kapalaran.

JBarselona Ika-2 ng Oktubre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL

Gante MARILAG NA MAPAGMAHAL SA BAYANG TINUBUAN:

Binasang tag-lay ang- di kar3niwang sigla ng mga Pilipinong nakatira sa Barselona ang inyong bagong likha, na sapagka't sarBing inyo ang hugis ng pagkakasulat, ay walang makakatulad kundi ang dakilang si Alejandrino Dumas (ama), at rnaaaring iharap na parang huwaran at mahalagang hiyas ng ngayo'y paurong na panitikang kastila. Ang nobela ay may mga pangul1gusap na puno ng lakas at sigla, na nakapag. papagunita ng karahasan ng mga pamahayag . . . Ang rnga dahon niyan ay isang masaganang agoB ng mg-a kaisipang matatayog at mapanubos. Katulad ng isang bagong Moises. sa pamamag'itan ng inyong akdang walang kamatayan, ay nakapagbi.gay sa Pili.pinas, ng So,mpun.q Utos ng kanyang katubusan politiko at pagdakila sa tao. Kung matututuhan niyang sundin ang mga utos,


580

atas at payong buong dikit na natititik sa inyong nobela, buhat sa pagiging isang bayang hamak at alipin ay kagyat siyang magiging malaya, dakila, maunlad at panginoon ng kanyang kapalaran. Dahil dito'y lubos na ikinalulugod ng kolonyang ito na kayo'y batEn at ninanais namin sa El Filibusteris?no ang isang maningning na tagumpay sa iba't ibang kaanyuan niyon, at umaasa kaming ang ina nating lahat. ang Pilipinas, ay tatangkilik sa mga pagpupunyagi at tutugon nang buong sigla sa matatayog na pahinala ng at mithiin ng may-akda. Ang inyong lubhang magiliwing lnga kaibigan, kababayan, attagahanga: GRACIANO LOPEZ JAENA SANTIAGO BARCELONA ENRIQUE MAGALONA SANTIAGO YCASJANO ISIDORO DE SANTOS JOSE GUSTILO RAYMUNDO ANDRES RAMON RIEGO EMILIANO CAMACHO FELINO CAJUKOM VICENTE REYES .. BERNABE BUSTAMANTE

276.

Buhat kay

raciano Lopez Jaena para kay Rizal

Ang Filib~l-ste'rismo .a y lalong mabuti kays,a Noli. Marikit ang pamamaraan sa pagkakasulat, matatayog ang mga kaisipan. Sa simula'y "liwanag, nakaaakit na mga pag-asa, sa huli'y mga .anino ng pag-aalinlangan at kawalan ng pag-asa".-Si Simoun ay nararapat malugmok na parang isang bayani na ang katawa'y pinaglagus-Iagusan ng punlo, 0 katulad ng isang PhOTtOS 0 Bernardo Carpio.-Iba pang akdang magbibigay kalutasan sa suliranin at magpapadali sa araw ng ating katubusan.-Hindi nagkakaunawaan ang mga Pilipinong nakatira sa Madrid.-Si Luna'y ngali-ngaling maghimagsik laban kay del Pilar.-Ang "EI Baguio" ay hindi p,a nalalathala.

Barselona Ika-2 ng Oktubre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL GANTE MINAMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko kay Vicente Reyes ang sipi ng ba路 gong akdang inihahandog mo sa akin; pinasasalama-


581

tan kita at taos pusong binabati sa akdang ito. Yamang naghahari sa mga magkakaibigan at magkakababayan katapatan ng loob at ang kagandahangasa1, ang aking kurong wa1ang kinikilingan, sarili, at aking-akin 1amang, yamang ito'y hinihingi mo sa iyong 1iham kay Vicente, tungkol as di pa na1a1aunan mong 2.kda, ay ang sumusunod: Ang El Filibusterismo ay isang nobe1ang 1a1ong mabuti kaysa iyong Noli Me Tangere, hindi 1amang sa ma·· rikit, maselang na pamamaraan sa pagkakasulat, sa maluwag at tumpak na pag-uusap ng mga tauhan, sa mga pangungusap na malinis, mabisa at maganda, kuri" di dahil din naman sa mga kaisipang malalalim at, mga kuru-kurong matatayog. . Ang pagkakahalayhay ay kahanga-hanga at aug mga ibinubungang damdamin ay wa1ang kaparis. Ang kabuuan ng akda ay nakababa1ani'sa akin, ::tt lumampas sa aking inaasahan. Datapuwa't ang kathambuhay ay sinimu1an mo sa ayos na kaakit-akit at kalugud-lugod; gaya ni Dumas at tinapos nang tuyot na tuyot, gaya ni Sue. N aiyan ang kapintasan, kung kapintasan mang maituturing ng iyong dakilang akda. Ang simula mo sa iyong bagong akda ay isang si· mulang' kahanga-hanga, matulain par is ng mga sinagang silahis ng bukang liwayway na namimitak sa silanganan, maningning, maliwanag na nagbabalita ng isang araw na mabuti at maganda; datapuwa't ang iyong pagwawakas ay parang pag1ubog ng isang tala sa hapon-na nababalot ng makapal na ulap. Sinimulan mo sa pagpapasigla sa mga simbuyong magigiting, nagtatanim, naghahasik ng sukat makaakit, ng magagandang pagasa, mga ginintl~ang hjnagap, klimaka1adkad sa mga tao sa daan ng kaluwalhatian, at nagtapos kang pumupuno sa kaisipan ng maiitim nu anino, at nagpapaapaw sa puso ng malupit na pighati. Ang sjmula mong gaya ni Dumas, ay liwanag, maningning na liwanag, karilagan, pag-asa, masayang bukang liwayway, kulay sagang kinabukasan, kaluwalhatian, pagkawalang kamatayan; nguni't ang iyong pag.· wawakas na gaya ni Sue ay nakapag'J)apasikip ng dib· dib at nakapaglu1ugmok sa diwa sa madilim na bangiu ng kawalang pag-asa.


582

Sa wad ko, yamang iniharap mo na rin lamang sa mga mata ng sambayanang Pilipino si Simoun na nakalulugod, dakila magandang loob, bagaman may mga sandaling masama) datapuwa't sa likod ng kanyang kasamaan at kaimbihang gawa-gawa lamang at hindi naman tunay, ay inilarawan mong taglay niya ang isang pusong matapang, puno ng mga adhikang Inaginoo, ay nararapat sanang pinatay mo siya sa wakas ng nobela, pinapaging isang bayani, maging sa pagkasawi sa isang labanan, 0 sa pagkamatay sa naglalagablab na apoy ng isang malaking sunog, 0 tinamaan ng kulog, 0 napisa't nadurog sa isang kakilakilabot na sakunang gawa ng malakas na lindol, at sa gayo'y natamo mo sana aug pagkakaroon ng maningning na putong ang iyong akda. Doo'y iniwan mo nang hindi nalulutas ang sulira. nIno Bilang isang nobelang tumatalakay sa politika, ang iyong waka$ ay hindi karapat-dapat na katapusan ng isang akdang na pakaganda. N inanais ko sanang mamalas si Simoun na namatay nang buong kadakilaan, }{ung di man tagus-tagu~ san ang katawan ng mga punlo ng kaaway na manlulusob, gay a ng tumpak na ta\vag mo sa Kastila, ay nadaganan ng isang napakalaking bato gay a niyong Porthos ng walang kamatayang si Dumas at hanggang sa pagkalagot ng hininga'y nagtataglay ng katapangang hindi magapi at ng lakas na paris ng isang Hercules; 0 kaya'y parang isang Bernardo Carpio; na sang-a yon sa mga kuwentong Pilipino, ay nasawi sa pagitan ng dalawang bundok na nag-uuntugan at pinipigil ng matit1puno niyang bisig ang pagkaka-umpugan, nguni't humlhiyaw nang mamalas na lumalapit ang kamatayan, taas ang noo at tahimik ang pagmumukha: "Hindi ako nuparito upang makibaka sa kaguluhan ng kalikasan; ako'y nanghimagsik, tinangka kong makipaglaban hindi. sa kidlat ni sa lintik, kundi laban sa Pamahalaang Kastila na tulala't hangal, laban sa prayleng pinapaging imbi ng kanyang mga masamang napagkagawian, mapaghari-harian at mapang-api sa aking bayan; datapuwa't ako'y pinipisa ng kalikasan, ako'y pinapatay, ga路 yon nawa! tumatalima ako sa mga tadhana niyang hindi matarok ng isip ng tao." Gayon sana ang ninanais kong naging hangga ng


583

iyong nobela dahil sa pagtangkilik at pagbibigay-sigla sa maaari pang pag-ibayuhing gilas ng bayang Pilipino. Datapuwa't nauunawaan ko na, ninais mong ipabahala sa bayang Pilipino ang paglutas sa suliraning panlipunan at politiko na sumusulak sa kanyang sin3pupunan. Datapuwa't sa marikit na akda mo'y ipininid mo ang mga pinto, ang mga labasan, sa pamamagitan ng hindi mapupuwing na mga pangangatuwiran mo, at nakapaghasik_ka, sa wakas niyon, ng pananabik sa mga puso, ng dilim, pag-aagam-agam at kawalan ng pananalig sa kaisipan, na madaling mapawi, maipaliwanag at mawatasan ng mga isip na nahirati sa pagdidili-dili, datapuwa't hindi kayang maunawa ng mga isip na kasisilang pa lmnang sa liwanag, gaya ng sa ating mga bayan-bayan. N angangamba akong baka hindi makatiyak 0 matumpak ang ating mga kababayan doon sa kalutasan ng hiwaga at sa gayo'y man路路 lupaypay tuloy sa kanilang kawalan ng pag-asa. Kinakailangan, at ito ang aking kuru-kuro, na sumulat ka uli ng ibang makapagbibigay kalutasan sa suliranin, upang maprdali, sa pamamagitan ng aklat n~ iyon, ang pagdating ng magandang araw ng ating katubusan. Gayon ang aking sariling palagay at pangmagkaibigan, na tapatang isinaysay ko, tungkol sa bago mong akda, na ang wakas ay nakapaglulubog sa mga mambabasa sa isang pag-aagam-agam na nakawawala ng pag-asa. Hinggil sa ilalathala kong puna sa mga pahayagang Kastila, ay pamamaibabawin ko ang mga kariktang nilalaman ng aklat; kung hindi ko pa nalalathala hangga ngayon ay sapagka't ipinayo sa akin ng ilang kababayang kaibigan, na mga tagahanga mo rin, na pigilin muna ang pagpapalathala hanggang sa maipasok sa Pilipinas ang karamihan ng mga sipi ng akda. Hinihintay ko ngayon ang iyong pasya at palagay upang maipalathala ko sa "La Publicidad", at humihingi ako ng isa pang sipi upang maihandog kay Corominas. Ang mga Pilipinong naririto'y gumawa at nagsi .. lagda ng isang pagbati sa iyo. Ipatalastas mo sa akin nang maaga kung kailan ka tutungo sa Hongkong upang makaparoon ako at pakipagkitaan kita sa Marselya.


584

Sinasabi sa akin na ang mga Pilipinong nakatira sa Madrid ay hindi umana nagkakaunawaan; si Luna'y halos maghimagsik na laban kay Marcelo. Ang "EI Baguio" ay hindi pa nalalathala, sapag ka't hinihintay ko ang mga utos na manggagaling r-;a Hongkong at sa Maynila. Lubos akong kasang-ayon ng mga kaisipang ibinuhos mo sa akda. Mga alaala kina Alejandrino at Evangelista. Sumasaiyo, tuwina'y kaibigan, GRACIANO LOPEZ JAENA

277.

Buhat kay Rizal para kay Jose Maria Basa

Sakay ng "Melbourne" ay patungong Hongkong dala ang akdang nilimbag.-Sa pamamagitan ng kanyang propesyon nais na kumita ng kaunting mapupuhunan. At mamuhay nang malaya at hindi umaas sa pagkakataon.-Sulat ni Rizal para sa Propaganda.

4; pangalawa Daang Chateaudun, Paris Ika-3 ng Oktubre, 1891 GINOONG JOSE

M.

BASA

Hongkong PILING KAIBIGANG BASA:

Hindi ako nakaalis sa koreong ito sapagka't ang r1ga kahon ng mga librong ipinadala ko buhat sa Gante ay hindi makararating sa Marselya kundi pagkaraan. ng ilang ar aw pa.1 May pasahe na ako sa "Melbourne" kaya walang pagsalang ako'y makakapiling ninyo sa silsunod na koreo. Magdadala ako ng 600 sipi ng akda.::: Pinadalhan ko kayo ng dalawa sa nakaraang koreo. Gagamitin ko ang aking karera hanggang makaipon ng kaunting puhunan upang makapamuhay nang malaya at hindi umaasa sa pagkakataon. Malamang 1 Tinutul<oY ang mg-a aklat ni Rizal na binabalak na ipadala kay G. Jose Maria Basa sa Hongkong-. 2 Ito'y dili iba kundi ang karugtong ng Noli 0 ang El Filibusteris'mo. Sa unang sulat ay sinasabing binabalak niyang mag-pad ala ng walong daang sipi ng Fili, nguni't nag-bag-o siya marahil ng- akala 0 kung hagaman ay naipagbili na niya ang- dalawang- daang sipi.


585

na sa mga unang buwan ay maliit lamang ang aking kikitain, hanggang sa ako'y makilala. Sa anu't anuman ay magkikita tayo riyan. Kalakip ang isang sulat para sa Propaganda. 3 Hanggang sa Ioob ng Iabinlimang araw Kumusta kay SixtO.4 Ang iyong kaibigan, RIZAL

278.

Buhat kay Rizal para kay Marcelo H. del Pilar Igagalang ang anumang pagpuna sa akda niyan El Filib'fUsterismo.-Sumulat sa La Solidaridad, sa paniniwalang iyon ay pahayagan ng mga Pilipino. Tumigil ng pagsulat, sapagk,a't sang-ayon kay Selo, iyo'y isang gawaing pansarili.-"Aywan ko kung sino ang aking pinaglilingkuran, ni kung paana ko siya pinaglilingkuran" .-Ang pagmamahal at pagpapakflsakit niya'y ginaganti ng mga paratang.-Lalong nakaiiwa ang mga kalmot ng mga kaibigan . . . -"Marahil ang bakal na .ang mga molekula ay napipipis ay lalong mababa kaysa hihip ng hanging ang mga molekula ay malalaya at nakakakiIos . . ."

4 pangalawa Daang Chateaudun,

GINOONG

Paris Ika-7 ng Oktubre, 1891 MARCELO H. DEL PILAR

MAHAL KONG KAIBIGAN:

Tinanggap ko ang iyong sulat pati ang 230.50 prangko mOl. ipinadala mo sa akin, natitira sa 1,000 piseta na dapat ipadala sa akin, at pinasasalamatan kita fla Iahat.1 Pati ng halagang ito'y tatlong daang piso na 3 Hindi malayong nawala ang sulat na binabang'git, sapaglcat' ito'y hindi makita sa alin mang aklat. 4 Si Sixto Lopez ay isang' magiting na pilipinong taga-Lipa, na pagkutapos ay nagtira sa Balayan. Batangan. ~ang panahong yaon ay nagtltira siya sa Hongkong, isa sa mga katulong sa pagpapalaganap at naging kasama 0 kugawad ng lupong mapanghimagsik sa Hongkong at Hapon. Tingnan ang tnlang bilang 1 ng sulat bilang 268. 1 Ang sulat na tinutukoy ay wala sa Epistolario at wala 1'in sa mga sulat ni Marcelo H. del Pilar. Hinggil sa mga guguling tina tanggap sa Propaganda ay basahin din naman ang mga sulat na bilang 265 at 268 ng Epistolario at ang talang bHang 1 ng sulat bHang 268.


586

ang natatanggap kong galing sa Propaganda buhat nang buwan ng Enero. Pinasasalamatan ko ang kabutihang loob na ipinamamalas mo tungkol sa aking akda,2 at sa oras na ito'y vmaasa akong nakabuo na kayo ng inyong pasya tung·· kol doon. Anuman ang maging hatol ninyo ay aking igagalang, sapagka't ang naglalathala ay dapat magtiis ng lahat ng pamumunang gagawin sa kanya. Pinasasalamatan ko rin ang maringal na pagpakilala sa akin ng La Solidaridad, sa pagkatawag sa aking natatanging literotong Pilipino" at "may katha ng iba't ib1ang akda tungkol sa Sangkapuluan, rlAa naging kar.apat-dapa.t sa papuri ng madla." Mabuti namang mapag-alamang si J ose Rizal ay sumusulat din tungkol ~a sangkapuluanj at baka sakaling iyo'y hindi pa nalalaman sa FilipinaE} ng mga taong marunong ng kastila. Binanggit mo ang pagsulat ko uli sa La Solidan· dad; pinasasalamatan ko ang iyong paanyaya, datapuwa't maliwanag na ipinagtatapat ko sa iyong ako'y walang kanais-nai na sumulat pa, at marahil ay na· hulaan mo na ang kadahilanan. Ako'y sumulat nang mahigit sa isang taon sa pahayagang lumalabas tuwing Iabinlimang ar aw, habang inaakala kong ito'y pahaya~ gan ng mga Pilipino, at sa udyok ng gayong akala, ay ni hindi ko ninais malaman kung paano nabubuhay ni sa anong dahil nabubuhay; ang paniwala ko'y isang samahang pambansa iyon at tiniis kong walang katutul-tutol ang paglilihim sa akin ng mg-a hiwaga ng na· banggit na pahayagan. Ngayo'y sinasabi mo sa aking ang La Solidariffiad ay isang samahan ng ilang katao lamang at mauunawaan mong ako'y hindi makagagawa sa ganitong kalagayan, para sa isang samahang panarili: hindi ko nalalaman kung sino ang aking pinag lilingkuran, ni kung paano ko pinaglilingkuran, ni kung paano tinatanggap ang aking mga paglilingkod. N ait0 ang dahilang walang pagsalang nahulaan mo na. Tangi sa r oon, na La Solidaridad ay nalathala, hindi lamang ang mga kaisipan, kundi ang mga buo-b:uong lathalain din namang katunggali .n g aking mga kuru-kuro at mga pananalig, at hindi ako maaaring makapagpasok ng pagdadalawang-mukha sa lalabinlimang-arawing iyan. 2

Tinutukoy ang Et Filibusterismo na kalalathala pa lamang.


587

]\1inamarapat kong laiD ang magkulong sa aking pagkakaligpit a_t pag-iisa kaysa makagulo sa pagkakasundo at kapayapaan ng mga manunulat niyon. Gagawin ko ang lahat ng aking magagawa, tangi lamang ang ako'y sumulat, upang ang pahayagang iya'y manatiling buhay. Malamang na ako'y ituturing mong napakamaramdamin, inaamin kong ako'y gayon nga, datapu路路 wa't kapag ang isang tao'y walang sinimp[!n lib an sa mabuting kalooban, pag-ibig at pagpapakasakit alang.路 ~Jang sa mga kaibigan niya, at walang isinusukli sa kanya kundi mga pagsisi at mga tuligsa, paniwalaan rno akong siya'y nararapat magbago ng asal at mag-iba ng gawi. Ang mga kalmot ng kaibigan ay lalong nakasasakit kaysa mga sugat ng kaaway. N aitadhana ko na ang panunturtan ng aking aasalin, at ito'y pabayaan ang mga Pilip~no sa Madrid .nr pumatnubay at mamatnugot sa pohtIka, Jliamang sIla ang lalong nakauunawa at nakakikilala nito. Ano ang magagawa ko sa aking mga pagkainip at mga hangaring mapaghari-harian't Nauunawa ko ang nais ng bawa't Pilipinong gumawa ng kanyang mapita, at tinatalikdan ko ang aking balak na bumuo sa mga kababayan ko ng isang matibay na bigkis na pinangarap ko. Marahil, ang bakal na ang mga molekula ay napipipis ay lalong mababa kaysa hihip ng hanging ang mga molekula'y malalaya at nakakikilos: ako'y nagkamali at inihaharap ko ang aking pagbibitiw. Magpatuloy ka riyan at yamang ikaw ay nasa-itaas na, ay sikapin mong gamitin ~ng iyong kapangyarihan upang Inaisagawa ang iyong mga kaisipan nang wala nang malalabing nangangailangan pang subukin. Sa mula-mula pa'y ibig ko nang ipasok ang kaselanan ~a mga gawaing may kinalaman sa politika: inihaharap


588

ko ang aking pagbibitiw sa unang hindi nasisiyahan. 3 Tatanggapin rno ang akda ni M org,a na ipinatutungkol ko sa iyo. Yarnang inaakala kong ito ang kahuli-hulihang pagsulat ko sa iyo, sapagka't ako'y aalis sa ika-18, ay nagpapaalarn na ako sa iyo, at nagpapahatid ng isang yakap bilang alaala ng dating pagkakaibigan natin. Surnasaiyo, RIZAL HABOL: N agpadala ako kay N aning ng ilang bukas ua liharn 4 para sa Maynila, upang iabot sa iyo. N atanggap rno ba? Hindi rno rninarapat na ako'y sagutin. 3 Si Rizal ay nagtamo ng l11alaldng kabiguan sa kanyang mga kababayan sa Madrid nang panahong gawin ang' paghahalalan ng Respon8able ng kolonya ng mga Pilipino. Ipinalagay ni Rizal na siya'y sinawi ng pagsasabuwatan ng ilang pilipino, palibhasa'y hindi niya maubusisipin na gayong nalalaman, gay a ng pagkakaalam ngayon, na buong puso't kaluluwa siyang 'nagmamasakit sa Pilipinas at dahil dito'y tiniis niyang iwan ang kanyang mga kaana'{, ang kanyang karera at ang kanyang kinabukasan, hindi nga niya l11aubus-isipin kung bakit ang mga pilipinong kasama niya noon sa Madrid, dahil lal11ang sa isang mapagimbot na hangar in ay nangagdalawang mukha, na anupa't naaring pagbukurin ang pananagutan sa kolonya, sa isang dako, at sa kabila~g dako nama'y ang politikang nal'arapat sundin ng pahayagang La Soliclaridad. Sa sulat na ito'y ipinahayag niya kung bakit tinalikdan niya ang pagsulat sa La Solidaridad at buong liwanag na ipinahalata ang kanyang mga pagdaramdam. Gaya ng kanyang sinabing: "Tinatalikdan ko ang aking balak na pagbigkis ng mahigpit na tali ng pagkakaisa ng aking mga kababayan, na siya kong pinangangarap." Marahil ang l11ga salitang ito'y buong pagdurugo ng pusong uulitin din ni Rizal sa harap ng mga pagtatalong nangyari hinggil sa batas ni Senador Recto at ni Senador Laurel nang 1956, na nagtatadhana ng sapilitang pagpapabasa sa mga paaralan ng kanyang mga aklat. 4 Ang' mga bukas na liham na ito par3. sa Maynila ay ipinadala kay Ponce nang ika-24 n g Agosto upang ipadala naman nito sa Propaganda 0 kay J. Zulueta, sa pamamagitan ni del Pilar. Hindi malaman kung anD ang nangyari sa iba pang mga sulat. Ayon kay Ponce, ang mga suI at na ito'y ipinadala sa Propaganda sa Maynila.


589 279.

Buhat kay Mariano Ponce para kay Rizal

*

Ipinadala sa Propaganda ang mg,a sulat ni RizaI.-Si Selong ay wala.-Ang sagot ni Ponce, inilakip sa sulat ni Cor para kay Alejandrino.Ang El Filibusterismo, ay totoong magaling paris ng lahat ng likha ng kanyang panitik.-Malakas na hagupit na susugat sa kaaway sa kaibuturan ng pagkatao nito.-Makarating ka nawa nang walang sakuna sa inangbayan!

GINOONG PARIS

J.

Rubio, 13 pral. Madrid Ika-ll ng Oktubl'e, 1891 RIZAL

PILING KAIBIGAN:

N atanto kong ikaw ay nandian na sa Paris at patungo nga sa ating kaibig-ibig na bayan: kahi manawari ay dumating ka ring walang sakuna, ito ang maalab kong nais. Ang sabi mo kay Selong ay di ko sinagot ang sulat mong kala kip ng dp,lawang bukas na patungo sa Maynila. Nang matangap ko ang mga sulat na yaon ay si Selong ay wala dini, ng upang huag mabalam ay ipinadala ko na sa PP. ang patungo doon at isinulat ko na lamang kay Selong ang nalalaman, humigit kumu路路 lang. Tungkol naman sa sulat mo patungo sa akin, ay l1atatandaan kong ang aking sagot ay ipinakilakip ko sa sulat ni Cor na ipinadala kay Alejandrino; kaya ang buo kong asa'y natanggap mo sa kamay ng kaibigang ito. Doo'y ipinagbibigay alam ko sa iyo ang pagpatungo sa Maynila ng mga sulat mo sa P. N abasa ko ng minsan ang Filibus at ngayo'y inuulit ko ang pagbasa. Totoong magaling, wala akong mahagilap na puri, kundi ang wikang ito: totoong magaling, na gaya ng bumubukal sa iyong plumang matalin~. Kadapat dapat na kapatid ng Noli. Tangapin mo ang bukal sa pusong papuri. Ynaasahan kong matibay na ang bago mong libro ay susugat ng malalim sa ating mga kaaway, na lubha ng sugatan alang-alang sa pagEtaw ng Noli . ... Tagalog ang orihinal at hindi namin binago ang pagkakasulat.


590

Yto na lamang: dumating kang malualhati sa ating kaabaabang bayan, at talastas mong kailan ma'y makikita mo sa akin ang tunay na pakikipag-ihigan, at pag kamangha sa mga matalino mong titik. Mahigpit na yakap nitong si, N ANING (MARIANO PONCE) r

Ang aming bahay ngayon ay Rubio, 13 pral. . N a: mamahay kami ng sarili ni Selong. Kasama namIn 81 Lete. 280.

Buhat kay Rizal para kay M. H. del Pilar

Tungkol sa pagpapang,agawan sa Politika.-Ang La Solidaridad ba'y isang pahayagang pansarili? Inakala ni Rizal na iyo'y gawaing pambansa.Mabibigat na pagkakaalit ang nakapaghahati-hati sa mga pilipinong nakatira sa Madrid.-Si Rizal ay gumagawa at hindi natutulog sa gabi ng bayang tinubuan.-H~di isinusukal ng kanyang loob na siya'y tangkaing ibagsak nm pinakamabuting kaibigan niya.-Sa pagkakilala ni Rizal sa kanyang kamalian, ay ip~nasiyang papaglahuin ang sarili, umuwi sa bayang tinubuan at iwang maaliwalas ang larangan sa mga nagnanais magtagumpay.

4 pangalawa, Daang Chateaudun, Paris Ika-13 ng Oktubre, 1891 GINOONG MARCELO M. DEL PILAR

Madrid MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Katatanggap ko lamang ng suI at mo, hinasa ko, at sasagutin ko upang mailagay sa nararapat kalagyan ang mga bagay-bagay bago ko lisanin ang Europa.! Sa atin-atin lamang dalawa ay maaari tayong magpaliwanagang ambuti, sapagka't sa kabutihang palad, ang ~.ting pagkakaibigan ay matagal na, at ang ating sa路路 1 Sa pamamagitan ng suIat na ito ay sinagot ni Rizal ang suIat ni del Pilar na katatanggap lamang niya. Hindi malaman kung aling suI at ang .t inutukoy sapagka't sa Epistolario, gayundin sa mga suIat ni del Pilar na inilathala ng Kawanihan ng Aklatang-Bayan ay wala ang sulat na ito. Ang naunang sulat ni del Pilar na natagpuan ay ang may bilang 208 nang ika-7 ng Agosto, na maliwanag na hindi siyang sinasagot ni Rizal.


591

maan ng 100b ay kamakailan lamang, sup ling marahil ng kapaligirang iyan ng Madrid. Magpaliwanagan nga tayo.2 Ikaw ang nagsabing ang pahayagang Solidarido.Jl ay isang gawaing pansarili na walang kinakaalam kundi ;kaw lamang; ito ang iyong sinabi noong ninais kong ipagkaloob sa Respon8able ang karapatang humadlang sa ganito 0 gayong 1atha1a. Sinabi ko sa iyo noon, na akala ko'y isang gawaing pambansa. Mga saksi ang mga pilipinong kaharap noon (sa pagtatalo tungkol sa alituntunin). Maging gawaing pambansa 0 magingpansarili man, sa takot mongo ang aking pangatawanan at ayon sa matuwid na pakikial:J.m sa iyong politika av makapagpakulimlim sa politika mo, k1tng ito'y hindi kaklllang an ng tiwala sa aking pa1namatnugot sa politika, ay aywan ko kung sa anong dahilan iuukol ko. Higit na minarnarapat kong ibigay ang ganitong paliwu· nag kaysa humanap ng iba pa, na rnakaiiwa sa damdamin natin kapuwa. Sinasabi mo: hindi ito, hindi ito. Sinasagot kita: maging iyan nawa, sapagka't hindi nararapat mag-apuhap ng ibang katwiran, sa ganang pa·· Iagay ko man lamang. 3 Hindi isinusukal ng aking loob na sa udyok ng iba'y ninais mong ako'y ibagsak;4 katutubo ng balana ang paghanap ng kanyang kaluwalhatian, at tayo'y nasaisang bayv,n pa naman na ang balana'y gurnagawa ng pagsa1ungat upang rnakapagpahayag na siya ang puno ng jsang 1apian 0 isang pangkat. Noong una'y din am· dam ko ang paraan ng pagkakapayag rno upang ako'y maibagsak, datapuwa't ngayon, na ako'y lalong tahir

2 Bagaman hindi tinitiyak ay ipinalalagay ni Rizal na ang samaan nila ng loob ni del Pilar ay bunga marahil ng mga kumakalat na bulungbulungan sa Madrid 0 kaya'y ng hindi pagkakaunawaan, pagpapanibug· huan, mga katha-katha at hula·hula ng mga pilipino na rin, na sinaman· tala ng ilang kakaunti dahil sa mga kapakanan nilang sarili. 3 Dito'y maliwanag na binabanggit ni Rizal na kung si del Pilar man ay hindi siyang may kagagawan ng nasabing pagsasabuwatan ay hindi naman marahil kaHa sa kanya, at sapagka't hindi siya kasang-ayon ng politika ni Rizal kung kaya kasang-yon siya ng iba na alisin si Rizal sa pamunuan. Bukod sa rito, kung babasahin ang mga suI at bilang 284, 285 at 286 ay mamamalas na ang mga kakampi ni del Pilar sa Propaganda sa Maynila ay nagsitulong sa paggawa ng mga kata-kata sakali mang hindi sila ang nagpaalab 0 nagpalala. 4 Ang pangungusap na ito ni Rizal na: "Hindi ko ikinagagalit 0 minamasama ang nais mong ako'y ibagsak sa udyok ng iba", ay isa pang katunayang si Rizal ay naniniwalang natatalos ni del Pilar ang balak na pagbabagsak sa kanya, at doo'y nakatulong siya sa pamamagitan ng kanyang pagsang-ayon at kasalan.


592

mik, ay napapangiti na lamang ako at naipalalagay na ang pagsalungat na iyong ginawa sa akin ay nagbunga ng kabutihan para sa akin, sapagka't kung ako'y pinagkaisahang hirangin ay nanatili sana ako, at kung anuanong kagipitan sana ang aking kinasuungan pagkatapos! Sa pagkapungos ng aking kapangyarihan, saJamat sa maparaang pagsalungat, sa napakaraming kapanagutan at tungkuling malayong matugunan ng kakaunting karapatang tinangkang iwan sa akin, at sa pagkakar oon ng mga tagapayong mabibigat ang dugo sa akin, ana na lamang kaya ang nangyari sa akin 1" Nagkar oon disin ako ng rnga pakikipagkaalit at lubos sanang nasiraan ako ng puri. Ngayo'y napasasalamat ako sa Diyos na hurnanap ng aking ikabubuti, at ako'y nagpapasalamat kahit na sa mga taong patuloy ang pagboto laban sa akin hanggang sa kahuli-hulihang sandali upang huwag kong matamo ang pagkakaisang botong ninanais kO!5 May matuwid ka nang sabihil1 mong ang panahon ay nakapagpapakilalang rnaliwanag, at ang bagay na noong una'y ipinalalagay kong isang kasarnaan, ay ipinalalagay ko ngayong isang kabutihan. Sapagka't hindi kakaunting pakikipagkagalit sana ang natagpuan ko sa rnga Pilipinong lumagpak, sa mga pagkakautang, mga pagsusugal, at mga pagkakasanla! Dala ng aking ugaling matigas at kulang ng pagtitiis, ay nakipagkasira sana ako sa lahat bago sumangayong suwayin ang isang alituntunin!6 Sayang at nagkabitak ang gawaing pinagmamalasakitan nating dalawa! Nauunawaan kong sa kailali~ an ay may pagmarnahal ka pa rin sa akin at ikaw naman ay minamahal ko tuwina, higit pa marahil sa hinahaka mo, sapagka't sa akin, ang lahat ng mga damdamin, ang lahat ng mga pag-ibig, ang mga kapootan o pagkagalit ay tumatagal, hindi ko naman sinasabircg 5 Sang-ayon si Rizal na tanggapin ang pananagutan 0 kaya'y ang pagiging R esponsOJble, sa ilalim lamang ng' isang kasunduan, na dili iba't ang siya'y ihalal nang buong pagkakaisa, Minabuti niyang umurong' kaysa maging dahil ng pagkakahati-hati at pagkakasalungatan ng mga pilipino, na mangyari pang dili ang hindi makasisira sa mabuting lakad at pamamatnugot ng pakikipaglaban. 6 Ang ilang pilipinong gumawa ng usap laban kay Rizal ay nagsasabing ito'y isang mapaghari-harian, matig'as, makapangyarihan at mainipin, sapagku't sa hangad ni Rizal na maipakilala sa buong mundo ang pagkakarapat-dapat ng mga pilipino ay hindi niya tinutulutan ang kahinaan ng loob, ang pagkamahiligin sa kaaliwan 0 mga walang kabuluhang ba gay, sa mga bisyo at kaasalang kamuhi-muhi.


593

walang kai;apusan! Ito ang kapintasan ko; ako'y nagpapatawad, datapuwa't mahirap akong makalimot, at kung paanong hindi ko nalilimot na ikaw ang naging pinakamabuting tagapagtanggol ko at pinakamabutillg tagapagsanggalang, gayon ding naaalaala kong ika\v ang kauna-unahang tiningkal na ninais kasangkapanin upang ako'y ibagsak! Sayang na sayang at tayo'y hindi nakapagpatuloy nang magkapiling, at sanagka't sa paano't paano ma'y ako ang kumakat~,wan bHang pina.路 kaulo ng politika, ay ninais mong ako'y ilubog upang mapataas ka at siyang maging kauna-unahang ulo ~ N guni't ito'y karaniwan na sa buhay ng tao. Ang aking politika, kung politikang matatawag ang pamumuhay na ginagawa ko, ay papa~;lahuin ang aking sarili at bayaan ka sa unahan ng politikang pili-, pino. Upang ako'y sumulat uli sa La Solidaridad ay kinakailangang utusan ako ng mga kinatawan ng bayang pilipino at sila ang magsabing isuko ko ang aking' politika sa iyong politika. Sa ibang paraan, ay hindi. Sa sariling kusa ko ay hindi. Hindi ko magagawa, hindi ako nararapat magpatiwakal, hinihintay kong ako'y bit.ayin. Ang La Solidaridad ay nagpamalas sa akin ni 路 tong mga huling buwan na parang ako'y isang tagalabas, samakatuwid ay hindi ako makaparor oon sa kan路 ya nang hindi ako magpapakababa. N aghihintay ak() ng utos na galing sa Maynila. Pinasasalamatan kita sa sinabi mo tungkol sa aking akda, at pinahahalagahan ko nang malaki ang iyong palagay na ang aking Filibusterismo ay hindi kasimbuti ng Noli. Ako man, tapatan at walang pabalintuna ni mga salitang may dalawang kahulugan, ay kapalagay mo. Sa ganang akin, ang Fili, bilang isang kathambuhay ay huH sa kabutihan sa Noli, kaya nga tinatanggap kong cum grana s,alis, may sahog na isang butil na asin, ang palagay niyong mga nagsasabi sa aking ang F?:U ay lalong mabuti kaysa Noli. Si Blumentritt, lahat ng mga nasa-Paris at Barselona, sa udyok ng kanilang kagandahang-Ioob sa akin, ay nangagsasabing ang Fili raw ay lalong mabuti; iyo'y ipinalalagay kong buhat lamang sa kagandahangloob; ikaw ang kaunaunahang nagsabi sa akin ng katoto-


594

hanan at nagkakatugon pa tayo ng kaisipan. Ito'y ikinagagalak ko, sapagka't nagpapatutoong ako'y marunong pang humatol sa sarili. Ngayon, tungko1 sa kai.s::ahan, sa mga kaisipan, sa ka1aliman. at iba pa, ay ib~l. nang bagay. N auunawaan kong iyo'y nakita mong mailIit sa pagkakasu1at, iyo'y aking ginawa upang ang rr.ga adhikaing tinataglay ng La Solidarid,ad ay mangi .. babaw at 1umitaw na hindi gaanong mapula; sa aka1.a ko'y hindi na kakailanganjng magbigay pa sa iyo np; ganitong mga paliwanag, datapuwa't ito'y makapagbi .. bigay sa iyo ng susi. Inakala kong hanggang sa nararapat na iyo'y inyong tUligsain. Sa dahilang ito'y sinasabi kong gumagawa akong kabalaylay ng La Solidaridad. Isip-isipin mo itong mabuti. 7 Hindi pagpapabaya sa iyo) ni paglisan sa iyong nag-isa; manapa'y inaakala kong higit kailanman ay 1a- . long mabuti ang mga kasama mo ngayon. Ang diyuscUyusang yari sa putik na tinunaw ng isang kopang tsampan, kung totoo ngang iyo'y yari sa putik, ana ang kailangan kung mawala man? Ang ~anahon ang magsasabi kung sino ang may katuwiran. Ninanais kong ipaunawa, na kailan ma'y hindi ako tumututol na mataas ang sinuman, kasakdalang iyo'y maging sanhi nl.~ pagkalagpak ko; iniiwan kong malaya ang larangan sa lahat ng naghahangad magtagumpay at ako'y lumilig路 pit. Ang maliliit na mga katimawaang ito, na wa1ang iniwan sa mga alitan ng n1ga aliping nagtatalo tungkoI sa halaga ng kaniIang mg-a kadel".a, ay huwag nawang makapawing Iubos ng mga gunita sa mga taong nakaraan, noong hindi pa tayo nagkikita sa silong ng langit ng Madrid! Magpapatuloy ako~g magsimpan ng nagpapahalaga at pakikipagkaibigan sa iyo, manapa'y kaibigan kaysa pagwawalang-bahala sa La Solidaridad: at umasa kang hindi ako papasok sa anwmang pa路路 kana ni sabuwatan upang ikaw ay ibagsak upang pa-

7 Nararapat suriin ng mambabasa ang mga talataang ito ng pagtat apat ni Rizal, gayundin naman ang kanyang sal'iling kul'o tungkol sa

El Filibusterisrno.


595

tayin ang pahayagan mo. Ang pagligpit ko'y hindi pakikidignla sa iYO.8 Si N aning ay susulatan ko buhat sa Marselya. Isang yakap, at magkaroon nawa ng kapayapaall sa dating :magkakaibigan. Sumasaiyo, RIZAL

281.

Buhat kay Rizal para sa mga pilipinong nakatira sa Barselona

Europa l\1:ga huling araw ng Oktubre, 1891 ng sisibul na tanim. Kung sakali't ako'y bawian ng hi .. llinga bago magbunga ang punla, marahil ay ipaaaJ~i ng magmamana.1 rrunay at masama ang panahon, pavat ang lupa, mabalang, mabagyo at inililipad ng hangIn ang tanim, nguni~~ sa kaiingat ay may palos na matutuklasan, ani D. lYl12 Kayong mga may pag-asa pa sa inulang palay, mabuti ring umasa kayo, baka sakali; akong pinanglabuan ng mata sa pagbasa ng mga sulat at langit, ay di na totoong paniwala; ang nasa ko lamang ay gamitin ang ulan, ang balang, ang bagyo sa pataba sa lupa; ang batong isinabog ay pampatigas ng burak, ang init ng 2raw ay pampatuyo ng putik. Kung ang inaasahan ng ating mga kababayan ay tayo rito sa- Europa, ay totoo silang namamali. Ako'y 8 N gayong nailathala na ang pinakamalaking bahagi ng mga sinulat ni Rizal ay maaaring mahatulan kung tunay ngang si Rizal ay sumulat o nagsabi ng bahagya man lamang upang makipagsapakatan 0 maghimagsik laban kay del Pilar 0 laban sa La Solidaridad. Si Rizal ay nagkaroon ng pagkakataon upang gawin ito, sa pamamagitan ng mga alok na ginawa sa kanya (Tingnan ang mga sulat bilang 284, 285 at 286). Nguni't hindi lliya minarapat na samantalahin ang mga alok na iyon at nagpatuloy sa kanyang balak na pagtungo sa Hongkong at pagligpit sa politika. 1 Sa malas, ang sulat na ito'y padala sa kanyang mga kaibigang pilipino sa Barselona; ito marahil ang sulat nll ipinatutungkol sa mga pilipino sa Barselona na tinanggap ni Lopez Jaena kay Rizal, sa pamamagitan ng snlat bilang 313. 2 Hindi malaman kung sino ang pinag-uukulan ng mga titik na itong D. M. (LLR). Maaaring si Don Miguel Moravta, isang kastilang republikano na mahilig sa mga mithiin ng mga pilipino. Siya'y naging pro~ pesor sa kasaysayan ng 'Universidad Central de Madrid" (JPB).

I


596

ayaw magdaya sa kanino man. Kung walang salapi ay wala tayong malaking magagawa. Ang ating maitutUlong sa kanila, ay ang ating buhay sa ating bayan. Yaong kamalian ng lahat, na tayo'y makatutulong dito Ela malayo, ay salang-sala mandin. Ang gamot ay dapat ilapit sa maysakit. Dangan at di ko ibig paikliin ang buhay ng aking mga magulang, di ako sana umalis sa Pilipinas anumang mangyari.3 Yaong limang buwang itinira ko roon ay isang halimbawang buhay, isang librong magaling na di lalo sa N ali Me Tangere. Ang parang na paglalabanan ay ang Pilipinas: doon tayo dapat magtatagpo. Ipalayo ng Diyos at huwag mamatay ang aking mga magulang at muling makikita ninyo ako sa ating bayan. Doon tayo magtutulungtulong, do on tayo sama-samang magdusa 0 magtagumpay kaya. Ang karamihan ng mga kababayan sa Europa ay takot, layo sa sl\nog, at matapang lamang habang layo sa panganib at nasa payapang bayan! Huwag umasa ang Pilip in as ; umasa sa sarili g lakas. 4

I 282.

LAONG LAAN

Buhat kay Rizal para kay Baldomero Roxas

Otel de Castillo, Marselya ng Oktubre, 1891

Ika~18

PILING KAIBIGAN ROXAS:

Sa wakas ay tumanggap ako ng isang suI at ninyol at kayo'y pinasasalamatan ko nang maraming-marami dahil sa mga bagay-bagay na doo'y sinasabi ninyo sa akin. Lubhang dinaramdam ko ang nangyay})ri sa atin, datapuwa't ano ang ating magagawa? Ipinapayo ko sa balana ang hinahon upang huwag magkaroon ng ali路 ngasngas. Ako man ay nakaaalam din na ang aking 3 Tumutukoy sa kanyang ikalawang pag-alis sa Pilipinas . .;. Dito'y nagpapamalas si Rizal ng panghihina ng pag-asa sanhi mar<l;~il. sa mga kabiguang tinanggap niya sa ilang pilipino sa Europa at S8, Plhpmas, kaya, marahil, sinabi niyang: "Huwag umasa ang Pilipinas; umasa sa sariling lakas". Naging manghihimagsik ba si Rizal pagkatapos ? Tingnan ang mga Bulat bilang 492, 284, 285 at 286. 1 Ang sulat na ito'y w ala sa Epistolario ni sa ibang mga aldat.


597

ngalan ay kinakasangkapan sa pananamanta1a sa Pilipinas, datapuwa't umaasa akong ang mga bagay ay ma1a1agay sa nararapat pag1agyan.2 Ito rin ang aking tinutungo. Hindi ako naghihinanakit sa mga pilipinong nakatira sa Madrid, hindi, manapa'y ang kabaligtaran niyon. Mal"ami akong utang na loob sa kanila na hindi ko malilimot kailan man. Ako'y lubos na hindi nakikialam sa politika niyon, datapuwa't kailan man ay hindi naman nagwawa1ang baha1a sa mga Pilipinong naroroon. Lagi na silang magiging kaibigan ko. Luma1ayo ako sa politika niyon sapagka't nakikini-kinita kong tungo sa ating pagkapariwara, at sa tapatang sabi ay ayokong mabagbag dahil sa isang kahanga1an. N inanais kong mailigtas ang malalabi. Hindi ako nakikialam sa politika at sa kasa1ukuyang pagkakatatag niyon} datapuwa't sa aking mga kaibigan, hindi kailanman. 3 Utang na loQb, ipakisabi ninyo sa pinsang Rianzarez 4 na dinaramdam ko nang gayon na 1amang ang kanyang paghihinapakit sapagka't hindi ko siya napasalamatan sa bagoong. Noong tanggapin ko iyon, ang sinabi lamang sa akin ni A1ejandrino ay si Tomas 5 claw ang nagpadala; pagkatapos, nang dumating 81 Abreu, ay napag-alaman kong sampung si Ruiz 6 ay nagpadala rin pala niyon, kaya sinulatan ko ito upang mag2 Sinasabi ni Dr. Roxas na tinutukoy dito ni Rizal ang mga pagkakaalitan at pagkakahati-hati ng mga pilipino, gayundin mman sa hindi mabuting' paggamit ng salapi ng Propaganda. 3 Sa pagsasabi ni Rizal ng ganito ay buong katapatan at karangalang inilalarawan ang kanyang sarili at ibinubukod ang katauhan ng kanyang mga kaibigan sa mga layuning kanyang pinapakay. 4 Si Pablo Rianzarez Bautista, anak ni Don Ambrosio Rianzarez ay n asa-Madrid at nag-aaral ng deretso. 5 Si Tomas Are.iola ang tinutukoy, taga-Camarines Sur, nag-aral at nagtapos ng pagka-batsilyer en artes sa San Juan de Lehan at ng' pagkaperito agronomo sa Universidad ng Santo Tomas. Nang 1888 ay nagtungo siya sa Madrid at nagtapos ng deretso sa "Universidad Central", nguni't hindi siya nabigyan ng tituto sa kawalan ng' ibabayad, sapagka't dahil lOa himagsikan nang 1898 ay hindi siya nakatanggap ng pensiyon. Siya'y naging' kagawad ng kapisanang "Hispano-Filipino" at pangulo ng "Circulo Hispano-Filipino" at dahil dito'y dinakip siya sa Madrid at napiit ng maraming araw nang sumabog ang himagsikan nang 1896. :Naging kagawad din siya ng "Comite Central" ng mga pilipino sa Hongkong, nagtira siya sa Hapon at nang magbalik sa Pilipinas ay nahalal na kinatawan ng kanyang purok sa unang Kapulungang Bayan. 6 Si Ruiz ay isang kastilang nag-asawa sa isang pilipina . Na ging kawani sa Adwana ng Maynila hanggang 1897.


598

pasalamat. N gayon ay nalalaman kong si Pablito ay isa rin sa mga nagkaloob, nguni't ngayon ko lamang napag-alaman, at ako'y nagmamadali sa pagpapasalamat din sa kanya. Baka sakali ay nagpapasalamat din ako kay Sugang.7 Kay Mamang Tetoy8 ay ipakisabi mong tinanggap ko ang mga aklat, at siya'y babayaran ni Cord de Cruz. 9 N agpapasalamat ako. Mamayang hapon ay sasakay ako sa bapor na pauwi sa atin,1째 Mga kumusta kay Aguilera at ipakisabi mo sa kanyang tinanggap ko ang ipinangako sa akin,ll lamang dahil sa pagpapalitan ng kuwalta sa Barselona at buhat sa Barselona para sa Paris, ay 500 piso na lamang, humigit kumulang. Sayang ang kuwaltang nawawala dahil sa mga bangkero. Maraming pagmamahal kina Donya Matilde, Elenita, maybah0Y at dalaga, Angela, gayon din sa ating mananalumpati, ano magiging Hukom at Homerong nahihimbing. Paalam,12 Magiliw na sumasainyo, RIZAL

7 Si Telesforo Sucgang ay isang pintor na matag'al na panahong nagtira sa Espanya; ipininta niya ang larawan ni Rizal, na ngayon ay pagaari nina G. Mascufiana. Ang pangungusap ni Rizal na "Kung sakali ay napasasalamat ako kay Sucgang" ay isang salitang puno l1g pagbibiro. SAng tinutukoy na Mamang Tetoy ayon kay Dr. Roxas, ay dili iba kundi si G. Modesto Reyes, kilalang abugado sa Maynila, na nang panahong iyon ay nasa-Madrid. 9 Si Cord de Cruz ay isang bayaw ni Moises Salvador na laging !casa,rna-sarna nito. Hindi siya nag-aaral. 10 Si Rizal ay sumakay sa bapor Melbourne nang ika-18 l1g Oktubre, 1891 buhat sa Marselya, pabalik sa Pilipinas. 11 Tinutukoy ang mga salap:ing ipinangako sa kanya buhat sa Pilipinas. 12 Si Donya Matilde Sanchez (?) ay kasera ni Dr. Roxas; si Elenita ay parnangkin ni Donya Matilde na nililigawan ni Ariston Bautista; si Madame Le Blanc ay isang rnodistang pranses; ang mananalumpati at rnagiging hukorn, ayon kay Dr. Roxas ay dili iba kundi si G. Modest.o Reyes, na lumiligaw kay Angela, pamangkin ng modista, at ang tinutukoy na Romero dormitant ay dili iba kundi si Gregorio Aguilera.


599

283.

Buhat kay Graciano Lopez Jaena para kay Rizal Mabuting paglalakbay!-Ang daing ni Rizal tungkol sa pamamaraan ng ilan ay nakatagpo ng alingawngaw sa kolonya ng Barselona.-Tinungga ni Jaena hanggang sa huling patak ang saro ring iyon ng kapaitan.-Binuksan ang puso niya kay Rizal.-Iyon ding sugat na iyon.-"Magtulung-tulong tayo upang maibuwal ,a ng mga taong nagsasaman tala sa pagmamahal sa bayang tinubuan para sa sariling kapakanan".-Patnugutan ni Rizal ang Kapisanang Pilipino sa Hongkong na itinatag ni Jaena.-Si Luna'y tumiwalag na sa La Solidaridad.-Si Jaena ay kandidato sa pagkakinatawan sa isang purok ng Katalunya.-Kinakailangang tamuhin ng Pilipinas ang mga karapatan niya sa pamamagitan ng kanyang dugo, gayon din ang kanyang kasarinlan.

Barselona Ika-15 ng Oktubre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL MARSELYA MINAMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko lang iyong sulat para sa kolonya ng Barselona at ang para sa akin. Balana'y nagpapasalamat sa iyong magiliw na pag-aalaala ' at sila'y nagnanais sa iyo ng rnaligayang paglalakbay at kaunlaran. Tungkol sa isinasaysay rno sa akin hinggil sa iyong mga dinaranas na kapaitan at mga kabiguang tinitiis sa rnga pilipino, ako rna'y gaya rno ring nagtiis at nagtitiis ng mga iyon, at ito'y alam mong mabuti; ako, na walang ginawa kundi kabutihan, ako at ikaw, na wala tayong ginawa kundi ipagkaloob ang lahat, ang munting nakakaya natin, sa mga n.aiinggit sa iyo at naiinggit sa akin ay nangapapaharnak tayo: alang-alang sa kanila'y nawala sa iyo ang lahat, at ako'y nasa-karalitaan. Hindi ako mapanghawak sa pag-asa; gaya ng iyong sinasabi, ako, kaparis rno rin, ay patay-pag-asa. Dapat mong malamang ang mga mainggiting iyan nangayo'y nagkukulapol sa iyo ng rnga kasiraang-puri ay gayong-gayon din ang ginawa sa akin; ako'y naging lahat at lahat sa kanila nang ako'y dumating dito sa Espanya, ginawan ko sila ng mabuti, ipinakilala ko sila sa mga lipunan, sa mga taong may Kapangyarihan sa


600

pamahalaan, at nang inaakala nilang maaari na silang makakilos, ay itinabi na akong pinagkaka-utangan nila ng lahat, sampu ng kanilang kaunting kahalagahan sa Espanya, pinatay ako sa gutom, pinagkaitan ng bubong na masisilungan. Magugunita mo pang mabuti na ako'y pinadalhan mo ng isang tarhetang pangkoreong ipinakiutang ng loob kay Mariano Ponce, na may dalawampung pisong padala sa akin ni Basa; ito'y itinago sa akin nina Marcelo at Mariano, hanggang sa nang makalipas ang aninl na buwan ay natagpuan ko ang iyong tarheta, kaya ako'y hiyang-hiya kay Basa sapagka't hindi ko man lamang siya napasasalamatan. Ang lahat nang ito'y nararapat na mabalitaan mo na sa bibig ng iyong pinsang si Galicano at ng iba pa. Ako ang siyang nagtatag at naging Patnugot ng La SolidaTidad sa Barselona, at ang pagkapatnugot ko'y higit na sa ngalan lamang na may kapanagutan sa harap ng batas, bilang pain sa bilangguan, kaysa Patnugot na totoo. At wala akong kaalam-alam na mayron palang gayong Lupon ng Propaganda sa Maynila, at ito'y napag-alaman ko lamang noollg dumating ako roon. Sa Maynila'y ikinalat ng mga mainggiting iyan na ako'y isang taong masama ang asal, manunugal, gayong kailanma'y hindi ako nagkaroon ng hilig sa sugal. Kaya ba sinulatan kita noong buwan ng pagdaraos ng Tanghalan sa Paris, at humingi ako sa jyo ng kuwalta upang ako'y makaparoon, sapagka't dito sa Barselona'y ipinalalagay akong parang isang utusan, gayong ako ang Patnugot noon ng La Solidaridad. Dahil dito'y magtulong tayong dalawa upang ibagsak ang lahat ng mga taong iyang mapagmahal sa bayang tinubuan sa bibig lamang, na nagsasamantala sa kagitingan para sa kapakanan nilang sarili. N oong una'y nagsawalang-kibo ako, sapagka't ako'y nag-iisa. Ngayong ikaw, gaya ko, ay dumaranas ng mga kabiguan, ng mga kapighatiang nunukal sa pagkainggit, sumumpa nga tayong pipigilin natin, sa paano mang kaparaanan ang ipagtatagumpay ng mga nagkukunwang apostoles ng katubusan ng Pilipinas. Matapos masabi ko ito, ay wala na akong masasabi pang iba at hanggang sa susunod na sulat ay hindi ako


601

makagagawa ng mga puna sa bago mong akda; ito'y tatanggapin mo sa Hongkong. Sa Hongkong ay makakatagpo ka ng isang dakot na mga binatang masisigla, hindi pa nahahawa sa hamak na mga simbuyong nakapaghahati-hati sa atin sa Europa; para sa kanila'y nagtatag ako ng isang K.apisanang Pilipino na mabuti naman ang lakad. Papag2.labin mo ang kanilang sigla, akayin mo ang kanilang mithiin sa mabuting land as ; ikaw, sa pamamagitan ng iyong talino, ay makatatamo sa kanila ng saganang kabutihan para sa Pilipinas. Higit sa lahat ay hadlangan mong sa Kapisanang iyon ay maanib ang mga Kastiba at mga day1,l,han ; kinakailangang ang mga kasapi'y maging wagas at tunay na l?ilipino upang matamo ang ating matatayog na layunln. Mahigpit na ipinagtatagubilin ko sa iyong sikaping huwag Inasira ang Kapisanang iyan sa Hongkong; sikapin mong ang- Inga binata't matatandang iyon sa nabanggit na Kapisanan ay maging isang tungkos ng mga bayani. Sumulat fla ako sa kanila at tatanggapin ka nila sa HOl1gkong bilang isang guro at tagaakay. Bago ka tumulak, ay sagutin mo ako kung natanggap mo ang sulat na ito. Pinaabot ko na ang iyong bilin kay Vicente. Sinabi sa akin ni Luna na siya'y humiwalay na sa La Solidaridad. Mabuti ang kanyang ginawa. Yamang dito sa Espanya ako nakatira, ay sumapi ako sa isang lapiang mapanghimagsik na katugon ng aking mga hilig at mga pananalig, maging para sa Pilipinas, maging para sa Espanya. Danil dito, ang mga lapiang republikano sa Barselona ay nagkasundong magtakda sa akin ng tatlong purok na mapagpipilian upang kung dumating ang halalan ng mga kinatawan sa Cortes, ay magharap ako ng pagkakandidato. Nalalaman mong sa mga bagay na ito'y kinakailangang kumilos nang maagap at kinakailangang lumustay ng salapi. Totoo ngang kung nais kong maging kinatawan sa Espanya, ay upang mabigyang kasiyahan ang mga kapakanang sarili, at .wala nang ibang dahilan; hindi ko ipinangangako, kung ako'y mahalal na kinatawan, na makapagdudulot ng mga karapatan ni kaluwagan sa PiJipinas; siya ang nararapat tumuklas ng mga iYOl1 sa


602

pamamagitan ng kanyang dugo, gaya rin ng ating pagsasarili. Kung ibig ko mang maging kinatawan, ay upang magkaroon ng maipagmamayabang at makapagsabing ang isang pilipino'y inihalal ng mga Kastila na rin, sa isang purok na kastila, gaya ng isang purok ng Kata.. lunya. ' Iyan ang hangaring pansarili ko, sariling-sarili ko, kaya ninanals kong pasiglahin Ino riyan ang mga Pilipino, upang ako'y tulungan ng kaunti; baka sakaling ako'y maglng kinatawan at masabi kong taas ang noo sa aking mga kaaway na mainggitin na hindi nasayang ang panahong ginugol ko sa ~spanya; na ako'y hindi isang taong imbi ang asal, ni maraming bisyo, gaya ng kanllang ipinamamarali, bagkus isang taong nakapagtamo, sa sariling pagsusumakit, ng tungkullng kalalagyan, sakaling ako'y palarin, sa mga Cortes. Huwag mong hakain kailanman, na isinusudlong ko ang kapalaran ng Pilipinas sa pagkakahalaJ kong kInatawan. Iyo'y magiging isang kabaliwan. Tuwina'y inaakala kong ang Ir llipj.nas ay makapagtatamo ng kanyang pagsasarili s,a pamamagi tan lamang ng isang panghihimagsik. Iyan ang sabihin rno sa balana, na ninanais kong maging kinatawan sa Espanya upang mabigyang kasiyahan ang sarili kong hangarin, at wala nang iba pa. Sinusulat ko ito sa kalaliman ng gabi, kaya ipagpaumanhin mo ang aking titik na hindi madaling mabasa. Sagutin mo ako bago ka umalis. Mga kumusta at isang mahigpit na yakap kay Basa, sa anak niyang si Emilio, mga alaala sa iba pang mga anak na lalaki't babae. Isang yakap kay E. R. de Luzuriaga, sa kalalawigan mong Y. R. Laurel na itiniwalag sa Procuracion dahil sa iyo. Mga yakap sa lahat sa Kapisanang Pilipino, kay Beltran na kapitan ng bapor Don Juan. At sa iyo, ninanais kong magkaroon ka ng maligayang paglalakbay, kasaganaan at kapalaran. Sumasaiyo, GRACIANO (LOPEZ JAENA).


603

284.

Buhat kay Moises E. Salvador para kay Rizal

Ipinahahatid ang mga pinagkayarian ng bagong Lupon ng Propaganda.-Pagbabangong-puri sa karangalan ng kapatid na Di117JaS Alang.

Maynila Ika-1 ng Nobyembre, 1891 GINOONG DIMAS ALANG

(J OSE RIZAL)

MINAMAHAL NAMING KAPATID:

Ang Lupong Patnugutan, na nagkatipon sa isang pulong pangkalahatan ay sumusulat sa in yo upang ipagbigay-alam ang mga kapasyahang sinisipi ko nang walang pagbabago: "D~hil sa suI at ng Kapatid na Dimas Alang nang ika-14 ng nakaraang Agosto, ang Lupong ito'y nagpasiya ng sum usunod : "1. Magbigay-kasiyahan sa nasabing kapatid, sa pagpapaunawa sa kanyang ang Bayan ay hindi nagalinlangan kailanman sa kanyang kagitingan at lalong hindi pumuwing s~ kanyang kaasalan sa Madrid, at ang mga balitang tinukoy niya sa nas';tbjng sulat ay lubos na hindi pinaniniwalaan ng nakararami. . "2. N a sa ikasisiya niyang lubo~, at bilang patotoo ng nasasaad sa unang talataan, ang Lupong ito, na nahiwalay sa dati, ay kumikllos buhat ngayon nang malaya at may bukud at sariling salapi upang magtatag ng ibang pahayagang may sariling mga patnugot. "3. Ang Lupong ito, sa paggamit ng kanyang karapatan, ay nagkakaisa sa paghirang, bilang Patnugot ng bagong pahayagang lalabas tuwlng labinlimang araw, sa nabanggit na kapatid na Dimas Alang, at Pangalawang Patnugot ang kapatid na Graciano Lopez Jaena, at nagkakaloob sa una ng kapangyarihang mak~hirang ng mga katulong niya. "4. Itinatakda para sa P2.tnugot ang halagang 100 piso buwan-buwan, para sa Pangalawang Patnugot ay 40, para sa mga katulong, mga guro sa pagpapalimbag, mga selyo at iba pang gugol na maaaring kailanganin ay 77 piso. "5. Ipinababahala sa kapatid na Dimas-Alang ang pagtatatag ng pahayagang panlabinglimang araw, pati ng ipangangalan dito.


604

"6. Tuwing tatlong buwan ay ipadadala nang pauna sa Patnugot ng pahayagan ang kuwaltang iti~ natakda sa talataang '4 at sa pook na itatakda niya. "7. Ang Lupong ito, bilang hiwalay sa dati, ay bumabawi sa dating lupon ng mga halagang ipinagkaloob para sa mga gugol ng mga Kinatawan, na nalalagak sa kapangyarihan ng kapatid na Carmelo; itoiy padadal~ han ng sulat-utos sa unang koreong aalis na ibigay sa kapatid na Dimas Alang ang halagang P700, at isang kasulatan para sa Londres sa halagang 18.73 lira, at ang lahat ng halagang nasabi'y iuukol sa mga buwanang gugol na natatakda sa mga naunang talataan. "8. Mag-iwan ng sipi ng sulat na ito sa kapangyal'lhan ng Lupon. "Ang mga kapatid na nakalagda sa ibaba ay buong pagdaramdam na nagpatibay ng kapasyahang ito upang magbigay ng kaslyahan sa kapatid na Dimas Alang na hindi dininig ng dating Lupon, at ipinamamanhik sa kanyang ta.nggapin ang kasiyahang itong idinndulot sa kanya ng mga kapatid na nagmamahal sa kanya at taos sa pusong sa kanya'y nagpapa/3alamat." Sa ngalan ng mga kapatid, COPA (MOISES E. SALVADOR) 285.

Buhat kay Moises E. Salvador para kay Rizal

Binigo ng bayaw ni Carmelo ang mga kasunduan, at kinasangkapan si Cortes upang ma:ging tagasalungat.-Lilikom ng mga bagong gugulin.-Ang tanging kakampi ni Carmelo ,ay ang kanyang bayaw.

Maynila Ika-3 ng NGbyembre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL MA HAL N A KAIBIGAN:

Bilang karugtong ng nakaraan kong sulat, na ang petsa ay unang araw ng lumalakad, ay kinakailangang sabihin ko sa inyong dito'y nangyayari ang mga bagay na walang pangalan, sapagka't mamamalas ninyo sa kauna-unahan kong sulat na sinabi kong inutusan ni Marcelo na ibigay sa inyo ang P700. lyon ang pinagkayarian at iniatas ng mga ginoong bumubuo ng LuI


605

pong Pamunuan, bilang bunga ng kahilingang ipinahayag ng mga nagkaloob ng kuwaltang nasabi; datapuwa't ang bayaw ni Marcelo ay naglagay ng mga salabid, at kinasangkapan ni Cortes, na wala namang kinalaman sa Propaganda; subali't sa dahilang kinakasangkapan ang lakas ng walang pinagpipitaganang salapi, ay wala kaming magawa. Gayon ang aking isinasaad, sapagka't pagkatapos ng mga kasunduan, ay nanghimasok si Cortes at tumutol, at sa takot na baka sumama ang 10Gb nito at human tong ang mga bagaybagay sa isang wakas na hindi nababagay, ay minabuti na naming lumikom ng bagong guguling matatanggap ninyo karakarakang malaman namin ~ng tiyak na pook na inyong kinaroroonan. Ang kanilang ginawang ito'y hindi minabuti ng lahat, at maaaring sabihing ang tanging naiwang kakampi ni Marcelo ay ang kanyang bayaw. Inuulit kong ipinamamanhik namin sa inyong P'l-gtibayin ang aming ginawa, sapagka't malaki nang pagsasaalang-alang at pagtitiis ang ginawa nila sa amin nang mga nakaraang panahon. Ang inyong magiliwing kaibigan at lingkod na humahalik ng inyong kamay. IVL E. SALVADOR Sirnb. A'raw. gr. 30 HABOL:

Ang kalakip nitong sulat na opisyal ay maraming

kapintasan, sapagka't sa malas ay hjnihirang lamang l~ayong Patnugot ng pahayagan~ gayong sa katotohana'y kayo rin ang Puno ng lapian. KA8.t\MA.


606 286.

Buhat kay Moiaes E. Salvador pw'a kay Rizal

Pinagkayarian ang huling pasya sapagka't hindi sila sang-ayon sa paghiwalay ni Rizal sa politikang Pilipino.-Dap.at pagtibayin nito ang kasunduan ng Lapiang Maka-Rizal.-Sakaling pasasa-Hapon, si Jaena ang magtatatag ng pahayagang lalabas tuwing ikalabinlimang araw sa Barselona, at ang ngalan ni Rizal ang ilalagay ding Patnugot.

-

Maynila Ika-17 ng N obyembre, 1891

GINOONG JOSE RIZAL MAHAL NA KAIBIGAN:

Ako ang una-unang kumikilala na ang aking mga nakaraang sulat ay may mga kamalian, at hanggang sa maaari pa ngang nagkakasalungatan, sapagka't nang Rulatin ko ang mga iyon ay pinaghaha:rian ako ng isang mapusok na damdamin, kaya ipinakikiusap ko sa inyong huwag pansinin 'ang mga kakulangan sa pagkakasulat kundi ang mabubuting hangaring nag-udyok sa amin, yamang kami'y na~i1itang gumawa ng arning ginawa, sapagka't hindi kami ganap rta sumasang-ayon sa inyong pagtiwalag ni sa inyong pagbukod, kahit na ito'y hindi lubusan, sa politikang Pilipino. Bukod sa rito'y nangahas kaming bumuo ng lapian ninyo sapagka't hindi namin maaaring sang-ayunan ang rnga kaparaanang ginamit sa in yo ng ilang tauhan ng dating Lupong Patnugutan, kaya muli't muli kong isinasamo sa liham na ito na inyong pagtibayin ang buong ginawa narnin at marapatin ang aming mungkahi, sa paniniwalang iyan ang kalooban ng inyong bayan, na ayon din sa inyo'y inyong tatalimahin, alinsunod sa inyong mga suI at. Sakaling binabalak ninyong magparaan ng ilang panahon sa Hapon, ay maaaring pagkalooban ninyo ng karapatan ang kaibigang J aena upang siyang magtatag sa Barselona ng pahayagan, at huwag limuting ipaJagay ang inyong pangalan bilang Patnugot, at maipadadala sa kanya ang inyong mga lathalain; at ipinatataJastas narnin sa inyong sa paglalathala ng nasabing pahayagang lalabas tuwing ikalabinlimang araw, ay malaki na ang aming pagkakapasubo. Sa ngayon, ang ating saligang-batas ay lihirn pa sa


607

mga tauhang bumubuo ng dating Lupong Patnugutan, at sakaling kayo'y sasagot sa mga sulat na ipinadala sa inyo ng mga ito, ay huwag sana kayong babanggit ng anumang bagay tungkol sa aming alok. Ipinamamanhik ko rin sa inyo na kapag sinangayunan ninyo ang aming ginawa, ay bigyan ninyo kami ng kapangyarihan upang makipag-unawaan sa mga taong ganap at walang dahilang kakampi ninyo at ipadala ninyo sa amin ang nasabing kapangyarihang nasusulat. Ang mga sulat ninyo sa amin ay maaarjng ipadala sa ganitong ayos: (sobreng panloob) 1- -

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

- -I

G. Timoteo Paez

\

MayniIa Ipinamamanhik kina

I I

G. J. M. Tuason at kumpaniya

1-- - - - - - - - - - - - - --I (sobreng panlabas) 1- -

I

-

-

-

-

-- -

-

-

-

-

-

- -I

. Kapu1uang P'l' 1 Iplnas

I

Mga Ginoong J. M. Tuazon at kumpaniya .Maynila

I

- - - - - - - - - - - - - - --I Tungkol sa mga pahiro, ay maaaring sabihin ninyo sa amin ang ayos at paraan kung paano nararapat gawin, sapagka't ang aming naiisip ay ipahiro sa inyong ngalan sa pook na iyan, at buhat diyan ay magagawa ninyo ang mga pahirong kinakailangan sa mga gugol ng pahayagang panlabinlimang araw.


608

Ang inyong magiliwing kaibigang humahalik ng inyong kamay. M. E. SALVADOR HABOL: Ang mga siping kalakip ay ang sa mga suI at na ginawa ng Lapiang-Maka-Rizal sapul ng matatag; ang kulang Iamang sa mga ito ay ang sulat na ipinadala kay G. Luzuriaga nang ipadala ang inyong mga suI atkamay, sapagka't hindi na nagkapanahong makagawa ng sipi ang kaibigang Paez. KASAMA 287.

Buhat kay Rizal para kay Manuel Camus

Ang pagdating niya sa Hongkong.-Isang sulat ni Luna.-Pagpapadala ng 20 Fili, 6 na Morga, at 4 na Noli na may 25 bahagdang komisyon.-Kung makapagpapadala ng mga sipi sa Maynila.

Remedios, Terrace, Hongkong Ika-26 ng Nobyembre, 1891 GINOONG MANUEL CAMUS1 SINGGAPUR PINAGPIPITAGAN KONG GINOO AT KAIBIGAN: Dumating kami rito nang walang gaanong kapan~anan noong ika-20 ng buwang kas:J.1ukuyan, at dito ninyo ako mapag-uutusan. KaIaki,p nitong ipinadadala ko sa inyo ang suI at ng kaibigan nating Luna, sulat na hindi ko naIaIamang nakasingit pala sa aking mga papel. Ipagpaumanhin nga ninyo sa akin, sakaling doo'y may tinutukoy na madalian. Ipinadadala ko rin sa inyo ang ~casulatan tungkol 1 Ang binabanggit na Manuel Camus ay isang abogado, masong may mataas na grado at nag-aral sa Singgapur; siya'y kilala at tanyag sa mga hulcuman, sa pangangalakal at sa mga kilusang nauukol sa kabutihan ng bayan. Siya'y nasa-Singgapur nang magdaan doon si Rizal na patungo sa Espanya nang 1896. Siyang nanguna sa mga pilipino roon upang himukin si Rizal na umahon doon at huwag magpatuloy ng paglalakbay; naging katulong din siya sa pagbibili at pamamahagi ng Noli at Fili. Siya'y pamangkin ng kapitan ng bapor Tabo (Batya), na binabanggit sa El Filibusterismo (LLR). Sa katotohanan ay naglmroon nga ng isang bapor na may pakaway sa magkabilang gilid, na pinamagatang Bateu, 0 Batya, na nagyayao't dito sa Maynila at sa iba't ibang bayan ng Laguna. (JPB).


609

sa isang balutang ipinadala ko sa parcel post. N angasaloob ang 20 "Fili", 6 na "Morga" at 4 na "Noli. Dahil sa nawawala sa pagpapalitan ng kuwalta, dito'y ipinagbibili ng dalawang dolar ang mga sipi ng "Fili"; dapat malamang kayo'y may 25 bahagdan~ pasubaJi nitong hindi maaaring pawalang halaga, at kung hindi'y hindi ko na kayo aabalahin. Sakaling buhat diyan ay makapagpapadala kayo ng mga sipi sa Maynila ay pasasalamatan ko kayo ng labis-labis. 2 Ipinakukumusta kayo ni Ginoong Basa. Mag-utos kayo sa inyong lingkod at kaibigan, .JOSE RIZAL

288.

Huhat kay M. de Camus para kay Rizal

Resibo ng mga sulat at mga aklat ni Rizal.-Sisikaping makapag.p asok ng mg,a iyon sa Pilipinas. -Napasasalamat sa don dahil sa pagbabagong anyo ng bayan.-Poot sa politikang lahat ay pinanghihimasukan ng mga JPraYle at mga makaprayle.

Siillggapur Ika-5 ng Disyembre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG PINAGPIPITAGANAN KONG GINOO AT KAIBIGAN:

N asa-harap ko ang inyong liham nang ika-26 ng Nobyembre at ikinagagalak ko nang gayon na lamang na kayo'y nakarating sa kolonyang iyan nang walang anumang kapansanan. Pinasasalamatan ko kayo sa pagkakapadala ng sulat ng kapuwa natin kaibigang si Luna. Doo'y walang anumang bagay na madalian. Tinanggap ko ang 20 Fili, 6 na Morga at 4 na Noli, at sisikapin kong maipagbili at makapagpasok sa Pilipinas ng mga iyon. Dafapuwa't ang halaga lamang ng Fili ang sinabi ninyo sa akin. Magkano ko ipagbibili ang mga iba? N abasa ko na ang inyong huling akda, alalaong ba2 Si G. Camus ay binalak ni Rizal na gawing tagapamagitan pagpapadala ng mga aldat ni Rizal sa Pilipinas.

!ll'J,


610

ga'y ang' Filibusterismo, at bagaman ang' sariling palagay ko'y hindi makapagdaragdag ni makapagbabawas ng halaga niyon ay ipahintulot ninyong sabihin kong iyo'y ikinalugod kong lubha, at sa aking pagkamabuting filipino'y nagpapasalamat ako sa inyo nang gay on na lamang sa pagsusumakit na ginawa ninyo upang ang kulang-palad na bayang iyon (FiIipinas) ay magbago ng asaI, sa pagpapasigla sa ilan at pagpapatubo naman sa ibang mamamayan ng poot sa mga prayle at sa mga tagapagsanggalang ng kanilang poIitika. Kinakailangan ko ring pasalamatan kayo sa katumpakan ng pagkakalarawan ng pagkatao ng kapitan ng bapor Tabo o lyon ay amain ko! lpinakikiutang ko ng loob sa inyo na paabutin ang aking mga alaala kay Ginoong Basa, at inuuIit kong ako'y inyong lingkod at kaibigan. M. DE CAMUS 289.

Buhat kay Sixto Lopez para kay Rizal

Ang sinabi ni Pari Franc' seo na isinaysay sa kanya tungkol kay Rizal.-N angangamba silang baka kung siya'y bumalik ay magulo ,a ng Kalamba.-"Mukhang malikot, at kasama ng ilan pang malilikot na nasa-Madrid, ay sumusulat sa L a Soli dal"icLacl".

Emuy Ika-11 ng Disyembl'e, 1891 G INOONG JOSE RIZAL HONGKONG PIN AKAMAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Bagaman walang gaanong halaga ay ibabalita ko sa iyo ang isinaysay sa akin ng aking kasakay na si Montero tungkol sa iyo, na isinaysay naman sa kanya ni Pari Francisco, noong siya'y magsadya sa kumbento o prokurasiyon upang magpaalam: madaIing-madaling ibinalita ni Vicente sa mga prayle na ikaw ay tinangkang ligaIigin sapagka't hindi mo minabuting humarap sa Konsulado, at si Pari Francisco'y nagigikla sa pagaakalang binabalak mong bumaIik sa Maynila, at muling magulo ang Kalamba; sapagka't sila'y nalulugi na ng 40 libong piso taun-taon buhat nang magsimula ang usapin.


611

Kay Monterong ito isinaysay ni Pari Francisco, sapagka't ipinagtatanong ka, kung ikaw ay naririto na 0 kung nakita ka sa bapor, at sa takot niyon ay sumagot na hindi ka raw nakikilala ni sa pangalan man lamang. Marami pang iba't ibang bagay ang isinaysay sa kanya; na ikaw umano ay nakitang madalas sa lansangan, na ikaw ay mukhang malikot at kaparjs ka ng iba pang malilikot na nakatira sa Madrid at sumusulat sa La Solidaridad ng mga walang k3.buluhang bagay; na kung pagsasama-samahin ay bumubuo kayo ng isang palabas na nakakatawa at ang kinalalabasa'y maraming suskritor na pilipino ang nalilinlang. Mga ganitong oras, mag-iika 3, nang isaysay sa akin ang gayon; at ninais kong sumulat sa iyo ng liham na ito, kahit puno ng mga bura, dahil sa pagmamadali, upang maihulog dito sa Emuy. Buhat doon hanggang dtto ay hindi ako bumabfl,ngon sa hihiganat nakahiga na akong kumakain. Mga kumus'ta sa lahat, lalung lalo na sa inyong ama, kapatid na lalaki at mag-utos ka sa pagmamahal sa iyong kaibigan.

J 290..

SIXTO LOPEZ

Buhat kay LOl'enzo Miclat at Castro para kay Rizal Humahandog na tumulong kay Rizal sa pamamagitan ng isang buwanang butaw.-Kabisa ng Balangay sa Binundok.-Hinihingi ang kanyang tirahan para sa pagpapahiro ng mga butaw.

San Nikolas Maynila Ika-30 ng Disyembre, 1891 GINOONG JOSE RIZAL HONG KONG PINAGPIPITAGANAN AT LUBHANG KINAAALANG-ALANGANANG GINOO:

Kahit walang pinanghahawakang katibayan ng pagkakaibigan natin maliban sa ating pag-ibig sa bayang tinubuan, na ang kalayaa'y pangatawanan ninyong ipinaglalaban sa pamamagitan ng mga sandata ng batas, ay nangang:J,has akong bumati sa inyo at samantalahin ang pagkakataong itong kayo'y nasa-mala-


612

pit na daungang iyan, at asahang mabuting-mabuti ang inyong kalagayan sa buong lawak ng kahulugan ng salitang ito. Walang pag-aalinlangang ikamamangha ninyo ang liham na ito, na makagagambala sa katahimikang tinatamasa ninyo riyan, datapuwa't umaasa akong mauunawaan ninyo na ang sa inyo'y bumabati ay isang abang anak ng bayan, at dahil dito'y kapatid ninyo, na bagaman hindi nakakikilala sa inyo, ay malaon nang panahong nagtatangi sa kanyang paghanga at pagpapahalaga 3a inyo, na nag-iibayo sa araw, tuwing n1aririnig na pinag-uusapan ang inyong mabunying ngalan sa mga pagtitipon ng mga taong kapitu-pitagan, at pinupuri ang inyong mga gawa alang-alang sa bayang tinubuan; kaya't sa udyok ng kasiglahan dahil sa magiting na gawain ninyo alang-alang sa ating ikabubuti, ay humahandog ako na maging isa sa mga abang tagapaglingkod ninyo, at makatulong, sa pamamagitan ng i~ang butaw na buvvanan 0 taunan, at dahil dito'y umaasa akong mamarapatin ninyong ibigay sa akin ang inyong tirahan para sa pagpapahiro 0 pagpapadala ng aking butaw. Kung mamarapatin ninyong parangalan ako ng inyong pakildpagkaibigan, ito'y lubha kong pahahalagahan at ngayon pa'y magiging inyo ang aking mga paglilingkod; at sakaling marapatin ninyo akong sagutin, ay ipadala ang sulat sa Tribunal ng mga Naturales ng arabal ng Binundok. Kasalukuyan akong ulo ng BaJangay (Cabeza de baranggay) at buhat pa noong panahong gobernadorsilyo si Ginoong Lanuza, (0 kung di naman, ay maaari ninyong ipadala sa hamak na bahay ko at inyo, sa daang Barselona bilang 40, titik B, Binundok) . Alamin ninyong ang aking buo at tapat na kalooban ay maging kampon ninyo, na humahalik ng inyong kamay. LORENZO MICLA'l' AT CAS'l'RO.


613 291.

Buhat kay Graciano Lopez Jaena para kay Riml

Mga gawain ng kolonya para sa ikabubuti ng Kalamba.-Tungkol sa Kagawad-bansa ng Ultramar. -Paratingin ang sulat sa mga kulang-palad na itinapon.-"Malaking ingay ang nagagawa ko rito".-Ibig mamatnugot ni Jaena ng isang pahayagang kakampi ng Lapiang Progresista.-Nakahihiya.i1g mag-alok sa isang lapian ng isang pahayagang panlabinlimang araw.-Walang hihigitna kaabaan, dahil sa kinakatawan niya sa loob ng Lapiang Rebolusiyonaryo.-Ang Kinatawang Muro at Ballesteros ay pinahihingi ng liwanag sa Pamahalaan tungkol sa mga pangyayari sa Kalamba.

Barselona Ika-6 ng Enel'o, 1892 GINOONG JOSE RIZAL HONG KONG MINAMAHAL KONG RIZAL:

Tinanggap ko ang iyong sulat nang ika-2 ng Disyembreng nakaraaI\. Nariya't ipinadadala kong kalakip nito ang mg~ gawaing naist.katuparan na hangga ngayon ng mga pilipinong nakatira sa lunsod na ito sa ikabubuti ng Ka13mba. Sa La Publicidad ay ilalathala ang nilalaman ng pahatid-kawad sa Kagawad-bansa ng Ultramar. Ipinadadala ko sa iyo ang sipi ng sagot doone Sumulat ako ng isang lathalain tungkol sa usapin para sa La Publicidad, at kapag inilathala ay padadalhan kita ng ginupit na bahagi niyon sa koreong sumusunod. Paratingin mo ang kalakip na sulat sa Kalamba, sa kamay ng mga sawingpalad na nananaghoy sa pagkakatapon. Malaking ingay ang nagagawa ko rito, at sakaling makaparoroon ako sa Madrid, ay malaking gulo rin ang aking magagawa roon; tinangka ng kolonya rito na mangilak ng kuwalta sa aking pagparoon sa Madrid, datapuwa't walang nangyari, sapagka't lahat ay naghihikahos. Sanhi sa mga pangyayaring ito, ay nagtatag dito ng isang bagong kapisanan, na ang mga layon ay ibabalita ko sa inyo sa susunod na koreo. Bagaman nakatanggap ako ng limampung pisong


614

ipinadala sa akin ng kolonyang iyan sa Hongkong, at ng apatnapung pisong ipinadala ng bagong lupon, gayunma'y kapus na kapos ako ng kuwalta, nababaon sa utang, sapagka't nalalaman rno na kung paano ang pamumuhay rito; at sa dahilang may dalawang buwan nang itinigil ang pagpapadala sa akin ng pensiyon kaya ako'y nagdaralitang masakit dito, at kinakapos sa lahat ng bagay; dahil dito'y hUlningi na ako kay Ginoong Pepe Basa ng pang-upa sa bapor hanggang sa makabalik sa daungang iyan, sapagka't dito'y wala na akong magagawa, sanhi sa kawalan ng mapagdadagisunan, ni hindi ko mapagtakpan ang aking mga ÂŁariling hangarin. Hinggil sa alok sa aking pamamatnugot ng isang pahayagang lalabas tuwing ikalabinlirnang araw, ay hindi ko matatanggap sapagka't kung aalagatain ang aking katayuan sa 100b ng Lapiang Republikano Progresista, ang pamamatnugot sa isang pahayagang pang1abinlimang araw ay katawa-tawa, bukod sa wa1ang mahihitang mabuti ang pahayagan. Ang ibig ko'y mamatnugot ng isang pahayagang arawan c makalawang 1uma1abas sanlinggo, ganap na politiko at kaanib sa Lapiang Progresista, upang magamit nating mga pilipino sa pagtu10ng sa mga pinuno, mga kinatawan at mga senador ng lapian. Ito ang aking panihalang natitik sa palatuntunang nasa-kapangyarihan ni Luzuriaga; maaaring basahin mo iyon. Kahiya-hiyang magalok ng isang pahayagang lalabas tuwing labinlimang araw lamang sa isang lapiang politiko. Nababatid mong mabuti ang malalaking gugol na kinakailangan ng isang pahayagang arawan 0 makalawa man lamang sanlinggo, kaya kung ninanais ng mga pilipinong ilagak ang ha1agang isinasaad sa aking pauna.. wa, ay itatatag at pamamatnugutan ko ang pahayagan. Dahil sa kawalang bait na pakikitungo sa akin ng dating lupon, ay nawalan na ako ng tiwala at pananalig sa mga lupon-Iupon, kaya ninanais kong umalis dito at tumungo sa daungang iyan, sapagka't sa araw-araw ay halos lumulubha ang aking kalagayan. Kilala mo na ako at inaakala kong matututuhan mong pahalagahan ang aking pasiya; nagtiis ako ng' siyam na taong pagdaralita; datapuwa't ngayon, dahil sa aking mga pangako tungkol sa politika at sa aking kalagayan sa loob ng Lapiang Rebolusyonaryo, ay hindi


615

ko na mababata ang pagdaralita. N alalarnan rno na kung ana ang mamuhay sa Espanya. Ngayo'y sumusulat ako sa rnga Kinatawang Muro at Ballesteros upang sila'y hurningi ng liwanag sa Pamahalaan tungkol sa rnga nangyari sa Kalamba. Ibabalita ko sa iyo ang kalalabasan sa susunod na koreo. Kumw,ta sa lahat. Surnasaiyo, GRACIANO

292.

Buhat kay J. Alejandrino para kay Rizal

Upang mahadlang,an ang politika ni Del Pilar.Tanggapin ni Rizal ang pamumuno at pamamatnugot sa politika sa Europa.-L.along magiging maayos ang pagpapadala ng tulong.-Ikinalulungkot ko ang mga katampalasanan sa Kalamba.-"Wala nang iba pang maaasahan tayo kundi ang ating sariling la~as".-Isang walang ginagawang tagapagbili ng mga aklat.-Saka na dadalawin si Tan Suzanne, ng Bruselas.

GINOONG JOSE RIZAL HONG KONG

Bruselas J Ika-8 ng Enero, 1892

MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

N gayo'y susulatan ko kayo sa wikang kastila, sapagka't ako'y nagmamadali at tangi sa rito'y nangangamba akong di mawatasang mabuti sa wikang pranses ang mga mahahalagang bagay na kinakailangan kong sabihin sa inyo. Unang-una, sumulat sa akin ang aking ama at sinasabing marami umanong kaibigan kayo roon na nagtatag ng isang kapisanang ang layuni'y salansangin ang kasira-sirang politika ni Del Pilar. Ninanais ng kapisanang ito na inyong tanggapin ang pamumunong iniaalok sa inyo, at pumarito kayo sa Europa upang mamatnugot buhat dito ng isang politikang lalong rnakatuwiran. Sa katunaya'y inaakala ko na kahit walang ibang dahilan kundi ang pagmamahal sa ating kulangpalad na bayan, ay nararapat ninyong tanggapin ang alok na ito, at ikararangal ninyo nang di gayon lamang ang huwag biguin ang pag-asa ng buong sarnbayanang


616

sa inyo'y nagkakatiwala ng paglalapat ng lunas ng mga kasamaang idinaraing nila sa kasalukuyan. Bukod dito'y inaakala ko ngayong lalakad nang lalong maayos ang pagkakaloob ng pensiyong itinatakda sa inyo, kung isasaalang-alang ang sinabi sa akin sa sulat ng aking ama. Bukod dito'y hindi magiging dahilan upang maragdagan ang guguJin habang dumarami ang mga kaanib ng kapiRanan at bumubuti ang hanapbuhay roon. Sa anu't anum an ay hindi ko na sisikaping papanaligin kayo sapagkat' umaasa akong ang maliwanag ninyong kaisipa'y sapat na makataho ng kahalagahan ng gayong mungkahi. N akikiramay ako sa inyo sa mga katampalasanang ginagawa ng mga Kastila sa inyong bayan at lalo na sa katauhan ng inyong mga kamag-anak. Kailan natin ipaghihigal1ti sila? Tayo ba'y hahalukipkip na lamang sa habang panahon? Ako'y naniniwala na tuloy halos na tayo'y sadyang mga walang loob at walang pagdaramdam. Sakaling noong una'y hindi ako napapanibulos na ganap na wala tayong maaasahlan sa Espanya, ang mga sunud-sunod na pananakit na ito ay nakapawing lubos sa mga pag-aalinlangan sa akin, at naniniwala ako, gaya ninyo, na walang iba tayong maaasahan kundi ang a ting sariling lakas. Sa 100 pisong utang ko sa inyo, ay nakapagbigay na ako ng 85 piso kay Mang Valentin at umaasa akong bago umuwi sa Maynila ang nasabing kababayan ay mababayaran ko ang lahat ng aking pagkakautang. Si Ginoong Rl~yes (Vicente) ay hindi nag-asal ng sukat masabing napaloabuti (paraanin ang salitang ito) sa akin, sapagka't humingi siya ng 12 sipi ng Fili, na ipinadala ko sa kanya pagbalik ng koreo, at sumulat sa akin, pagkatapos, na ang halagang 7.50 peseta ay mahal daw, na para bang nag-aalinlangan sa aking .karangalan. Tangi sa rito, sinabi niyang ang mag-aaklat ay humihingi raw ng 35 bahagdan bilang komisyon, at dahil doo'y sinagot kong sa ilaJim ng gayong kaparaanan ay hindi ko maipagbibili ang mga aklat, sapagka't pinagkayarian nating Inagbibigay ako sa inyo ng 5 peseta sa bawa't sipi at kung isasaaJang-alang ang mga gugol ng pagpapadala, pahiro at iba pang bagay, ay natuos kong hindi ko matutupad halos ang kaisa-isang tadha-


617

nang itinakda ninyo nang iwan sa akin ang mga sipi ng inyong akda. Sumulat uli sa akin at sinabing naipagbili na raw niya ang 6 na sipi at ang pinagbilhan ay ipahihiro umana sa inyo; at tinugon kong ang atas ninyo sa akin ay ibigay ang kuwalta kay Ginoong Ventura, nguni't kung siya'y may ibang utos na galing sa inyo, ay sumasang-ayon ako. Ito'y hindi minarapat sagutin ng nasabing ginoo. Mabuti ang aking mga pag-aaral, marami akong mabubuting antas na nakuha, sapagka't ang pinakamababang natamo ko ay 10 sa ilang aralin at sa mga iba'y 17. Ang ispektor ay sumulat sa aking kaanak at sinabing ang kinalabasan ng aking pag-aaral sa buong panahong ipinag-aral ay nakasisiya. Tila magsisimula na ring mag-aral si Abreu, bagay na ikinatutuwa ko, sapagka't ngali-ngali ko nang sabihin sa kanyang hangga ngayon ay wala pa siyang nagagawang anuman. Ang kalagayan ng kaibigang Evangelista ay bumuti at nagaaral nang may malaking kasipagan at mal'ami siyang natutuhan. Ngayr/y narito ako sa Bruselas at sinasamantala ang dalawa 0 tatlong araw na nalalabi sa pagpapahinga. Maaaring ngayon 0 bukas ay dumating si Abreu. Hangga ngayon ay hindi ko pa nadadalaw ang mga mag-aanak ni Suzanne, datapuwa't binabalak kong gawin bukas. Sinabi sa akin ni Ginoong Almeida na siya raw ay s~sulat sa inyo sa unang pagkakataong magagawa nlya. Wala nang iba sa ngayon, tanggapin ninyo ang; aming mga pakumusta at mabubuting hangad na kayo'y magkarooll ng isang taong lalong maligaya kaysa taong nagdaan. Alam na niyong kayo"Y maaaring mag-utos sa inyong kaibigan. J. ALEJANDRINO

293.

Huhat kay Edilberto Evangelista para kay Rizal

Gante Ika-8 ng Enero, 1892 GINOONG JOSE RIZAL l\1AHAL KONG KAIBIGAN:

Bago ang lahat ay ninanais ko ang isang maligayang taon sa inyo at sa lahat ng mga kasama, na gay a


618

ninyo'y nagnanais ng kasaganaan at tagumpay ng pagpapalaganap ng mga kaisipang liberal, na siyang makapagdadala sa Kapuluang Pilipinas ng pinakamarikit na al'aw ng aking mg"a pangarap. N apag-alaman namin dito ang di-mapaniwalaang: ginawi ng Pamahalaang Kastila sa mga mamamayan ng Kalamba na natutong maging karapat-dapat sa kanilang bayang tinubuan, dahil sa kanilang walang kibong paglaban nguni't mabisa naman. Dinaramdam namin ang kapahamakang iyan ng mga taga-Kalamba, na dapat pakiramayan ng buong Pilipinas, palibhasa'y isang paggamit ng lakas na kumakalat sa. buong bansa, datapuwa't kami'y nagagalak din naman sapagka't. ang gayong kagagawan ng kalupitan ay makatutulong sa pagpapadali ng takbo ng mga pangyayan. Wala kaming nababalitaan tungkol sa kung pinahihintulutan 0 ipjnagbabawal ang pagkalat ng inyong FilibusteTismo; da'tapuwa't kami'y nalugod nang aming mabalitaan na ang mga nasa-propaganda ay nagbigay sa inyo ng matuwid sa suliranin ng Kolonyang Pilipino sa Madrid, at inial ok sa inyo sa ilalim ng mga ubodbuting kaparaanan ang pamamatnugot sa La SolidaTidad at gayon din sa politika ng Pilipinas sa Europa. N oong mga unang araw ng Disyembre ay tumanggap ako ng kuwalta at ako'y nakapagpatala sa Unibersidad. Ang mga aralin ay hindi mahihirap at nasusubaybayan naming madali. Ang mga gawain, kung minsan ay nagiging panlibang; sa pangasiwaang panloob ay walang maipipintas; ang mga gawain ay nauukol na lalo sa pagsasanay kaysa pagbibigay ng mga kurukuro at ang mga propesor ay pawang magiliwin. Ang 'Cfangkaso ay lumaganap nang gayon na lamang sa lunsod sa mga araw na ito; maraming tao ang nagkakasakit dahil sa halumigmig na nanggagaling sa bundok sa timog. Ang taglamig ay di gaanong maginaw sa taong ito bagama't ang bilang ng mga namatay ay dumami nang bahagya, datapuwa't hindi naman sukat ikabahala ang idinami; sapagka't mga matatanda na, mga bata at mga maysakit ang kadalasang nasasarna sa talaang opisyal ng mga namatay. Itinigil na


619

pansamantala ang mga klase sa Unibersidad dahil sa pagkamatay ng isang propesor sa parmasya, na mabigat na ang kahtgayan nang magkasakit ng trangkaso. Hangga ngayon ay hindi ko pa nababayaran kay Ginoong Ventura ang halagang ipinambayad ko rito sa aking malalaking utang, gaya ng matrikula sa Unibersidad, datapuwa't waJang salang siya'y padadalhan ko ng kuwalta sa kauna-unahang pagkakataon. Napakalungkot ng buhay sa Gante, kaya nahaharap kong lubusan ang aking mga pag-aaral. Wala na akong masasabi pa sa iyo, minamahal kong kaibigan, at pinaaabot ko sa iyo ang sanlibong pakumusta para sa mga pilipinong naririyan, at ako'y tapat n a sumasalYO, EVANGELISTA

294.

Buhat kay A. Bautista para kay Rizal, sa kagandahang loob

ni J. M. Basa '" (T rhetang p' ngkoreo) "Kapag hindi na namin matitiis ang buhay sa Maynila ay magkikita-kita tayo doon sa Borneo.Ang tungkol sa Katipunan at isang panihala para sa ikabubuti ng bay an.

10 Tour D'Auvergnie Paris Ika-27 ng Enero, 1892 GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG PILING KAIBIGAN:

Bagaman at uala akong tinatangap na sulat mo'y, talastas kong Iahat ang pinagsapit ng yong kamag-anakan gayon din naman ang mga galing na di galin fig m.ga panukala rno ayon sa pamumuhay sa Norte ng Borneo. ]vIarahil, kung magipit ang pagbubuhay sa Maynila ayon sa ating mga nasa'y doon na tayo magkikta-kita sa Borneo. Kami ay rna iron panukala dito sa P!iris_ ang K~tiponang ng ayon din naman sa pagkaglnhawa ng ahng bayan. Huag nlO Jamang kalimutan >II

Tagalog ang orihinal at hindi namin binago ang' pagkakasulat.


620

ang pagbabalita sa amin (J. Luna) col sa Borneo at iba-iba pang bagay. [ang mga ala-ala] ni

. . . ng tongTangapin mo

A [RISTON] BAUTISTA

Ako'y di pa mapapaui sa atin. 295.

Buhat kay Juan Luna para kay Rizal

Sa N galan ng iba.-Lahat ng kalakal para kay Rizal, binabantayan sa Adwana.-Dakilang pagtitipon sa dulaan ng Paris upang turnutol laban sa rnga paggarnit ng lakas sa Kalarnba.-Datapuwa't hindi gagawan ng katarungan.-Lagi nang kakatigan ng Espanya ang kanyang rnga taong sandatahan.-21 larawan ni Luna para sa Noli. -"Kung nais rno ay lalarawanan ko rin ang El FilibusteTismo".-"Ano ang nangyari sa binalak na pangingi bang bayan a Borneo?"

Paris Ika-30 ng Enero, 1892 GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG MAHAL N A RIZAL:

Buhat sa Maynila ay sinulatan akong natanggap na r aw ang kahon pati ng Lourdes, datapuwa't hindi binanggit kung binayaran na sa iyo ang mga gugol, at dahil dito'y ipinakikiusap ko sa iyong ipasingil mJ sa aking kaanak sa Maynila, sapagka't iyon ang ating kasunduan. Sinasabing ang mga kuwadro ay ipadadala raw '3 ~ iyo sa pamamagitan ng ibang tao, sapagka't lahat n[.; mga bagay-bagay para sa lYO ay mahigpit na binabantayan. Ngayo'y magdaraos ng isang pagtitipon .... sa dulaang Martin sanhi sa mga pangyayari sa Kalamba; mangagsasalita ang mga taong may kaalaman at may kabantugan, datapuwa't nangangamba akong pagkatapos ng pagtutol ng mga kastilang tagasalungat, ay maiwan ang lahat at lahat sa tutol, at wala nang ibang kahihinatnan. Ang' mga pag-alipustang ginawa laban sa iyong kaanak ay isusulat ng kasaysayan, nguni't walang katarungang maaasahan sa Inang Bayan, n:4 halos tuwi-tuwina'y pumapanig sa kanyang mga tau-


621

hang sandatahan upang mapamalagi ang sinumpang kapurihan at hindi ang katarungan. Kalakip nitong ipinadadala ko sa iyo ang 21 larawan para sa Noli; ipinadadala ko sa iyo ang mga ito upang gawin mo ang anumang minamarapat mo nang hindi na kailangang hintayin pa ang ibang larawant?; ginawa ng ibang pinagsabihan ko ng iyong bilin. Ans isa ay yayariin sa sinasabing ,a guafuerte (sapagka't gi. nagawa ko ang larGJ,wan ding iyon, alinsunod sa kapetraanang ito), na ipadadala ko sa iyo kung lumabas na mabuti, datapuwa't ipinakikiusap ko sa iyong ingatan ang lihim, sapagka't binabalak ko (sakaling lumaba~ na mabuti) na gamitin iyon sa ibang bagay na pilipi no, na magiging kapanapanabik. Balitaan mo ako tungkol sa bagong Kolonya ng Borneo, sapagka't ako, gaya rin ng karamihan ng naninirahan dito ay nananabik makaalam na isang tagum pay na, ang iyong balak. Ang dinaramdam ko ay wala akong kuwaltang nakahanda ngayon, gaya noong ibang panahon, at kung hindi lamang gal1ito ay alam mo namang ako sana'y rnakatutulong kahit kaunti. Sakaling minamabuti rno, ay igagawa ko rin ng mga larawan ang El Filibusteris1no, at kung ibig mO'~T higyan rno ako ng isang paksang maikli at pampalaganap, upang sa 10 0 15 larawang yari sa aguafuerte, ay makabubuo ng isang maiiit na aklat na paris ng mga kuwento para sa mga bata na ginagawa rito, maging sa anyong karikatura 0 maging lalong pormal man. Inaakala kong ang ilang mumunting aklat, paris ng ginagawa ng mga Hapon, na ang kasaysayan ay nasa-wikang kastila 0 tagalog, ay makapagpapamulat sa mga taong hindi marunong bumasa. Ang pagod ko sa paggawa'y hindi babayaran at ang paggugugulan lamang ay ang karaniwang pagpapalimbag. Wala nang iba; maging tagumpay nawa ang iyong balak at kalakip ang kumusta sa lahat ng matatapang na rnga kababayan diyan, ako'y suma~aiyo ng buong pagmamahal. J. LUNA Habol: Mga alaala nina Paz, Aling Juliana at Antonio; mga halik ng mga batao Masasabi mo ba sa akin kung si Ant. Marcaida ay


622

isang pilipino? Marami siyang sinasabi tungkol sa mga suliraning pilipino at tungkol sa bayaw niyang sl Chuidian. 296.

Buhat kay Antonio Luna para kay Rizal

N ahahandang magtanggol ng ating mga karapatan nang hindi pababayaan ang pakikipaglaban sa Madrid.-Binigyan ng kulay politiko ang mga nangyari sa Kalamba.-Maghari sa pamamagitan ng sindak.-Maging tiyak ang ating dagok sa kauuna-unahang angkop na pagkakataon.-"Maghanap ng mga aanib upang yugyugin ang pamatok at makapagtayo ng isang bahay na lalagyan natin ng isang pako" .-Mabuti kung magiging isang pahayagang makakasarinlan !-Ang Borneo ay magiging isal1g "Cayo Hueso" para sa atin.

GINOONG JOSE ~IZAL HONGKONG

Madrid Enero, 1892

MINAMAHAL KONG KAIBIGANG I RIZAL:

N apag-alaman namin an!g suliranin ng Kalamba at ang lahat ng mga pangyayaring naganap at nait~) ang iniisip ko: kinakailangang ang mga pilipill0'y magkabuklud-buklod na sa ibang paraan, upang maging handa sa pagpapairal ng kanilang mga karapatan, sakaling lusubin, sa pamamagitan ng lakas, nang hindi pababayaan, dahil doon, ang pakikipaglaban sa Madrid. Ang nangyari sa Kalamba ay isang pangyayaring may kinalaman sa ilang tao lamang, data路: puwa't binigyan .ng maliwanag na tatak na politikr) ng mga kastila (sa Espanya at sa Pilipinas). Bakit? Sapagka't ang politikang kastila, noong una, ngayon, at lagi na, ay ang paghahari sa pamamagitan ng sindak, at upang matamo iyon, ang kauna-unahang paraan ay ang kawalang-tiwala sa bayang sakop. Gayon na lamang ang katotohanan nito na ang kawalang. tiwalang iyan ang nakapagpahimagsik kay N ovales, at ang kaparaanan ding iyan ang naging sanhi niyong sa Kabite. Sinasabing ang ikatlo ay siyang magwawagi at ang hampas ay nararapat itamang mabuti, pinag-aralan at inihanda nang mahabang panahon, at gagawin kapag ang marangal at maharlikang Espan-


623

ya'y nanghimasok na tagasira ng mga pang-aapi sa ibang bansa 0 sa isang anak niya sa pag-aayos ng pamamahay. Kinakailangan ang pagpapalaganap ng kaisipang gawing bayang kastila ang bayan, at lalong palaga·. napin pa ang kaisipan ng paghiwalay, sapagka't yamang hindi natin matatamo ang nauna, at sakaling matamo man (na halos hindi mangyayari), ay lalong sasama ang ating kalagayan, ang lalong mabuti ay humanap ng mga kakampi upang yugyugin ang pamatok. Isinisiwalat ko, samakatuwid, ang iniisip ko, alalaong baga'y nararapat tayong magsikap na patungo sa pagsasarili, magpinsan-pisan tayo at maging mga tagapangaral upang makatipon ng mga tao at ng kuwalta. Sa lahat ng ito'y kinakailangan ang mata· mang pag-aaral, malaking pag-iingat, hinahon at walang pamamaraling tayo'y malakas. Lalong malaki ango ating matatamo kung aakalaing tayo'y hindi ku~ mikilos at nakalimot sa tungkulin kayea magpakilala ng Iakas na wala naman tayo. Sa pamamagitan ng pagtitiyaga at hindi pagkibo a magiging parang hesuwita tayo upang makapagtayo ng isang bahay na la·· Iagyan natin ng isang pako. Inihahandog ko nga, sa pakakahulugang ito, ang aking tulong; datapuwa't may tanging kapasubalian, na dili iba kundi ako'y makahihiwalay sa pakikipaglabang tahasan kung mamalas kong magiging isang panggugulo lamang. Hindi sapagka't nangangarap ako ng tagumpay, kundi nangangarap akong maipakilala ang isang pakikipaglabang masasabing "kayo'y isang bayang matapang". Sa wad ko'y nauunawaan mo akong mabuti, sakaling talunin tayo, ay magkahalaga iyon ng maraming dugo. Tutungo nga ako sa Maynila, at sa lahat ng mga kilos ko'y lagi kong aalalahanin ang aking tungkuling pagkamahilig sa paghiwalay. Wala niyang mga ka· walang-tiwala, kung ako'y ilagay ng mga pangyayal'i sa piling ng mga kastila sa Maynila, ay lalong masama para sa kanila; ako'y makapaghahanapbuhay at huhukayin ko't tatamnan ang lupa sa gugol nila hanggang sa mahinog ang bunga. Mayroon na kayo, sa· makatuwid (sakaling ito ang iyong mga balak), na isang kabig dito na pangatawanan at buong katiyagaang magsusumakit.


624

Bagay sa pagparito rno upang rnarnatnugot sa isang pahayagan: 1. Sakaling kaparis ng Sol, ay hindi na kailangan; 2. Sakaling rnapanghirnagsik na hihingi ng pagsasarili, rnabuti; at ang huling ito'y rnagagawa sa lahat ng dako, kahit sa Hongkong. Para sa huling bagay na ito ay ibilang rno akong rnanunulat. Sakaling ang hilig ay kastilain ang Pilipinas, baka tanggapin ko rin (sakaling hihingin ang aking tulong) llng pagsusulat upang huwag rnaghinanakit ang rnga kababayan, datapuwa't lalong rnabuti kung ang kiling ay ang panghihirnagsik, na ang rnga kastila'y tawaging rnga taong harnak, taksil, at lahat ng rnarapat sa kanila. Kung ganito, ako'y magiging rnanunulat nan,~ walang anurnang pasubali, upang hagkisin pati na ng La Solidaridad. Sulatan rno akc; ako rIn narnan ay susulat tungkol sa lahat ng rnga suHraning rnahalaga. Ang Borneo ay rnagiging isang "Cayo-Hueso" pal'a sa atin, at rnalarnang na rnalamang na ako'y rnaging isa r in sa mg~ rnaninirahan, sakaling ako'y pilitin ng rnga pangyayan. Karni'y tumagay dito para sa iyong ama, kapatid na lalaki at kaanak na nakatakas, at para sa Borneo at mararning iba pa, na rnagiging bagong matatakbnhan natin. Wala na sa ngayon; ang rnabuting kaibigan rno, ANTONIO LUNA

Habol: Mga kumusta sa lahat ng mga kababayan at mga kaibigan. 297.

Bl.that kay Panday Pira (Pedro Serrano Lakta1,v) para kay Dimasalang (Jose Rizal) Kagalang-galang na pandangal ng Lohiyang Ni~cul dahil sa mg,a dakilang paglilingkod sa kanyang bayang tinubuan.-P.agpapanibagong tatag ng masoneriya.

Sa L. '" G.'. D.', A.'. D.'. U. '.. Masoneriyang Pandaigdig Pamilyang Pilipino Kalayaan, Pag kalcapantay, Pag lcakapatiran : Ang Gr.'. Log. ',. Sentral Nilad ng A. ',. L.路. at sa


625

mga Mason, na kaanib ng Gr.:. Or.·. Esp. -. (na ang luk· lukan ay Madrid) -ay nagpapadala ng ~. F' U· ..... sa mahal na kapatid Dimasalang [Rizal] at ipinagbibigay-alam sa kanya na sa pUlong na pangkaraniwan nang ika-31 ng Enerong nagdaan, ay pinagkayarian ng kalipunang ito na hiranging Kagalang-galang na pandangal ng Kagalang-galang na Dakilang Lohiyang itf) ang' nabanggit na kapatid, na tinutukoy ng sa ibaba nito'y nakalagdang Kalihim G.;. S. ·., bilang g'antimnala sa kanyang mga dakilang paglili.ngkod sa ikabubuti ng kanyang bayang tinubuan. Gayundin, ipinagbibigay-alam sa kanya na sa kaukulang panahon ay ipatatalastas sa kanya ang balak na pag-papanibagong-tatag ng masoneriya, na iniharap ng nakalagda sa Gr.'. Or:. Esp.'., at sa bisa niyo'y natamo ang ganap na kapangyarihan upang tayo'y maging isang pamilyang bukod, gaya ng sa katotohanan ay nagtayo tayo ng mga haligi noong ika-6 ng Enerong nagdaan. Bagay na aking sinisipi upang malaman ninyo. Tanggapin ninyo, mahal na kapatid, ang halik ng kapayapaan na ipinahahatid sa inyo ng mga mangga· gawa sa talyer na ito. Vall . .. , ng Maynila, ika-9 ng Pebrero, 1892 (e.:. v. '~) . ~.

~.

~

PANDAY PIRA (PEDRO SERRANO LAKTAW)

298.

Buhat kay Pedro de Govantes para kay Rizal

Ikinahahapis ang kakulangang-palad na inabot ng mag-anak na Rizal.-Pagtitiwala sa lakad ni Linares.

Madrid Ika-17 ng Pebrero, 1892 GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG MINAMAHAL NA KAIBIGAN:

Maaari ninyong mahaka kung gaano ko dinamdam ang mga nirap na inabot ng inyong kaanak. Wala akong ginawang anuman, sapagka't napag-alaman ko kay Castro ang natamo ni Ginoong Linares, na walang salang hindi ko maaaring matamo, kaya magka-


626

kasiya na Iamang ako sa pagpuri sa mabuting ginawi ni Ginoong Linares at sa pagdaramdam sa maIaking hirap na inyong tiniis nang mamaIas na ipatapon ang inyong matandang ama, at tuIoy nagpapaalam na ako. Ang magiliwing kaibigan na humahalik ng inyong kamay. PEDRO DE GOVANTES

299.

Buhat kay Graciano Lopez Jaena para kay Rizal Puno ng pagkagikla, at walang pag-asang magkakuwalta.-Ang bagong lupon ay wala, ang dati'y naghihingalo.-Hiniling sa kanyang bumalik sa dating tungkulin at siya'y pinababayaan.-Pagkakaayon sa pamagat ng "Liga".-Mga sipi ng Filibusterismo p,ara sa kanyang kapatid.

Barselona Ika-18 ng Pebrero, 1892 GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG lVJINAMAHAL KONG iRIZAL:

Ako'y walang iniwan sa isang kaluluwang nagdurusa rito, puno ng pagkagikla; kawalan ng katahimikan at ng pagdurusa, at hindi malaman kung ana ang ga, gawin, sapagka't sinabi sa akin ni Paez sa kanyang ~ ulat na ang bagong lupon ay wala at ang dati'y naghihingalo. Gaya ng iyong namamalas, ay hindi ko ma路路 ]aman kung saan ako hahantong sa gitna ng ganitong kalagayang kasakit-sakit. Talagang hindi ko malaman kung bakit aka, na hindi nanghihimasak sa anumang bagay sa ?;>aglalabanang panloob ng mga lupon, ay si路. yang Iaging magbabayad ng mga basag na pinggan. Hindi sana ako babalik dito, kung di ako pinakiusapang bumalik ng Iupong iyon. Tila hindi mapaniniwalaan na gayong hindi naman natin pinag-usapan ay nagkatugon tayo sa pamagat ng "Liga" na ibibigay sa kapisanang itinatatag mo riyan, at sa kapisanang naririto, na kumikilos na rin sapul pa nang mga unang araw ng Enero at lubos na ma~7 uring politiko. Kapag nalimbag na ang mga alituntunin ay padadalhan kita ng isang sipi. Ipinakikiusap kong magpadala ka ng tatlong sini


627

ng Filibusterismo sa aking kapatid na lalaki, ibalot at sulatan ng ganito: Iloilo G. Domingo Lopez Jaena Daan Fajardo-7 Jaro Ipinakikiusap kay G. Timoteo Paez Ang balutang ito'y ipadala mo, sa pamamagitan ng isang kamarero, kay Paez at ito naman ang siyan~ magpapadala sa aking kapatid na lalaki; ang halaga niyo'v saka na ipahihiro sa iyo ni Paez. Paunang pasasalamat. Mga kumusta sa iyong ama, ina, mga kapatid, at sa lahat ng mga pilipino sa Hongkong. Sumasaiyo, GRACIANO LOPEZ JAENA

300.

Buhat. kay Rizal para sa Patnugot at mga Manunulat ng La Solidaridad at sa Kap(sanang Kastila-Pilipino Pinasasalamatan ang La Solidaridad sa pagtulong nito sa mga taga-Kalamba.-Sumulat si Rizal sa mga pahayagang ingles tunglwl sa mga nangyari. -Hindi nabanggit sa mga pahayagang' kastila.Ipinangangako ni Linares ang pagbibigay-kasiyahan sa mga kaapihan.-Kahirapan ng pagpapadala ng La SoZidaridad sa Maynila.-Kung kinukulang man ng mga kasama sa pakikibaka ay may mga tagapaghiganti naman.-Pasasa-Maynila upang makita sa malapitan ang toro.

2 Rednaxele Terrace Hongkong Ika-17 ng Marso, 189'2 SA PATNUGOT AT MGA MANUNULAT NG La Snlidaridad AT SA KAPISANANG KASTILA-PILIPINO MINAMAHAL KONG MGA KAIBIGAN:

N abasa ko sa pahayagan ang pakikipaglabang gi~ nawa ninyo dahil sa mga pangyayari sa Kalamba 1 at 1 Tumutukoy sa pagkakap.aalis sa kani-kanilang bahay at sa mga lupang kanilang binubungkal, ng mga mamumuwisang taga-Kalamba, gayundin naman sa mga kalapastanganang ginawa ng mga pl'ayle at ng mga maypangyarihan sa ka,ta~han ng mga. taga,-K;alamba at sa lta,niIang mga ari-arian. -


628

ako'y taos-pusong: napasasaJamat, gaya rin ng lahat ng mga taga-Kalamba, sa inyong ipinamalas na kagitingan. Bag-aman hindi ako naniniwalang kayo'y nagkaroon ng ibang pakay lib an sa ipamalas na may pagkakabuklud-buklod, kung hindi man mabisa ay buhay naman sa buong Pilipinas kapag ang isang bahagi niyon ay nasasa-panganib, gayunma'y ninanais ko kayong pasalamatan sa ngalan kong sarili at sa ngalan ng akinJ;; kaanak, sapagka't yamang ako rin nama'y gumawa sa. loob ng ilang panahon sa piling ninyo at naging kasakasama ninyo, ay inaakala kong ako'y karapat-dapat sa inyong tulong kapag sinisikap kong ipagtanggol ang isang bagay. Dito'y sumulat din ako sa wikang ingles sa ilang pahayagan,2 datapuwa't walang ibang layon kundi upang mapag-alaman, maipakilala at maipabatid iyon, at wala na. Bagaman malayo sa akin ang magpayo ng anumang bagay sa pahayagan at sa Kapisanan, ay inaakala kong sa ngayon ay walang gaanong maa~ asahan sa damdaming-bayan sa Espanya; doo'y hanggang liig nila ang tubig at hindi nila gaanong mahaharap ang Pilipinas. Sa isang liham nang ika-17 ng Enero na ipinadala sa akin ni Linares Rivas,3 ay kinikilala niya ang paglapastangan sa katuwiran at paulit-ulit na ipinangangako ang pagsasaayos na gagawin. Ngayo'y ilang tao na ang pinatawad. 4 Bilang koserbador, si Linares Rivas ay nagsusumakit na mapangalagaan ang mabuting ngalan ng maykapangyarihan, sa pamamagitan ng banay-banay na pagwawasto ng mga bagay-babagay.5 Dito'y malaking hirap ang sinasagasa sa pagpapadala ng La SolidaTidad sa Maynila; sa mga koreong 2 Tinutukoy ang mga pahagang Honukonu TeleU1'aph, China Telegraph at iba pa, na pawang mga pahag-ang inilalathala sa Hongkong. 3 Binabanggit ang sulat bHang 511 ng' Epistolario. 4 Ginawaran ng patawad 0 indulto ang 13 sa 71 mamumuwisan na jpinatapon sa Holo alang-alang sa kaarawaan ng Gobernador Heneral Despujol (ika-11 ng Marso). 5 Tinutukoy si G. Aureliano Linares Rivas, na siyang nag-akyat ng' usa pin ng Kalamba sa kataas-kaatasang hukuman ng Madrid, gayundin si G路 Pedro Govantes, Konde ng Albay, na siyang unang nagtanggol sa usapin, nguni't ang dalawang ito'y walang gaanong malaking bagay na nagawa. Nakisama rin sa pagtatang'gol sa usapin ang abogadong si G. Gumersindo de Ascarate, bantog na abogado na naging kagawuo ng "Academia de Ciencias Morales y Politicas" at Pangulo ng "Ateneo de Madrid".


629

ito ay walang naipadaIa; ang pinakamaraming naipadala ay isa 0 dalawang bilang. Ninais kong ayusin ang pagpapadala, datapuwa't ang mga taga-Maynila'y tumatangging magbigay ng kuwalta at ayaw gawin iyon ng mga dating kumakatawan nang walang bayad. Sa wari ko'y kayong naririyan ang nararapat mag-isip kung paano maipapasok sa ibang paraan. Ang lupon sa Maynila ay hindi na sumusulat sa akin. Ang pagpapalaganap ay walang napapala. 6 Ang aming taos-pusong pasasalamat sa Patnugot, kina Morayta, Lete, Cajigas (Tomas) at sa lahat ng nagpagod at nag-ukol ng kuro sa suliranin ng Kalamba. 7 Mammnalas ng mga pilipino na kung kinukulang man sila ng mga kasama upang makipagbaka, ay may mga tagapaghiganti naman. Ito'y isang kabutihan na. Madalas kong tangkaing paroon sa Maynila upang makita ang toro nang malapitan, datapuwa't sa harap ng paulit-ulit at hindi magkamayaw na pagtutol, kung masasabing gayo~, ay napilitan akong huwag tumuloy sa . ngayon. Ang lupon ay inaalihan ng di biru-birong takot'tuwing sinasa:pi kong ako'y uuwi. Lagi kong naiisip na sa malaking takot ay walang Inararating kundi ang mga suluk-sulok. Pasasalamatan ko si G. Tomas Cajigas kung ipadadala sa akin ang "lV1as"8 sakaling hindi na niya kinakailangan. Tungl~oI kay Jugo at kay Lete, na ginantimpalaan, ay susulat ako sa Maynila. Inuulit ko ang aking mga pagbati sa nauna at binabati ko rin nang buong puso ang ika]awa, sapagka't naniniwala akong talagang 6 Dahil sa pagkakaalit-alit at pagkakahati-hati ng mga kagawad ng dating lupon sa pagpapalaganap n.g Pilipinas, ito'y nilansag at ang bagong lupong itinatag ni Moises Salvador ay hindi nagtagal kaya't naputol ang pakikipagsulatan kay Rizal. Tinanggihan nito ang' alok ni Moises Salvador (sulat bilang 493) na pangunahan ang pakikilaban at magtatag ng isang pahayagan sa Espanya. Ibig ni Rizal na iwasan ang pagdadalawa sa pakikipaglaban. 7 Tinutukoy ang patnugot ng La Solidaridad, G. M. H. del Pilar; G. Miguel Morayta; Eduardo de Lete at G. Tomas Cajigas na pawang nagsipagmasakit sa usapin ng Kalamba. 8 Tumutukoy sa akda ni Sinibaldo de Mas na pinamagatang "Memoria Sobre el Estado de Filipinas en 1842" (LLR)路 Ito'y binubuo ng tatlong tomo, nguni't ang ikatlong tomo ay ipinagbawal sapagka't doo'y iminumungkahi ni G. Sinibaldo de Mas ang pagtatatag ng isang malasa riling pamahalaan sa Pilipinas. (JPB).


630

marapat sila sa bagay na iyon. 9 Gagawin ko ang buong makakaya upang ipagkaloob sa kanila; ang masama ay wala na ako niyong dating kabantugan. Gagawin ang lahat ng sumasakamay ko. N aririto akong mapag-uutusan ninyong lahat. JOSE RIZAL

301.

Buhat kay Edilberto Evangelista para kay Rizal

*

Pagdurusa dahil sa mga kaisipang konserbador ng mga matatanda.-Wala nang pamanang tanikala. -Mga kapakanan ng mag-aanak at mga kaisipan tungkol sa bayang tinubuan at sa kalayaan.-Mamatay dahll sa Bayang Tinubuan ay isang tungkulin.-Laban sa hangal na kasabihang "Sayang ang dugo !"-Huwag na sanang mahawa ang ating kabataan sa mga kaisipang konserbador na iyan.Tinig ng pagpapasigla.-Lumayo ang mga kaibigan sa kanyang karalitaan.

Gante Ika-31 ng Marso. 1892 GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG MINAMAHAL KONG KAIBIGANG RIZAL:

Gaanong hirap ng loob ang dinanas ko nang mabasa ang inyong sulat, at mamalas na kayo'y naliligid diyan ng isang pagtutol na di-malayong makasagabal sa pagsasagawa ng inyong mga kaisipan, sa halip na makatagpo ng pangatawanang pagtulong ng nlga taong sa malas ay nagmamahal sa Bayang Tinubuan. Datapuwa't hindi kayo dapat tabangan ng loob; nararapat .mag-ibayo ang inyong pagsusumakit at sipage Sa anu't anum an, ang may kasiraang saling iyan ng lahi na nauna sa atin ay di magluluwat ay malilipol, ay nagnanais pang mag-iwan sa atin, ng malungkot na pamana ng pagkaalipin, sapagka't ang kanilang mga kuru-kuro tungkol sa kagitingan at sa kalayaan ay hindi gaanong maliwanag, palibhasa'y isinusuko sa mga kapakanan ng angkan. Sa Europa'y napipinto ang isang digmaang kasindak-sindak: balana'y natatakot sa pagkakaroon ng patayang walang kahalintu9 Binabanggit dito ang mga gantimpala sa mga akdang inilathala sa La Solidaridad sa kapakanan ng mga layunin ng Pilipinas. ". Nasa-wikang tagalog ang urihinal.


631

lad sa kasaysayan) datapuwa't sa harap ng salitang Bayang Tinubuan ay walang makapan.g ahas tumanggi,

at nakatitik sa budhi ng lahat na isang tungkulin ang magpakamatay alang-alang sa Bayang 'rinubuan. Maliwanag na namamalas ninyong walang kaanu-anumang kahulugan ang hanga1 na kasabihang "Sayang ang dugo," para sa mga taong magiting. Dito'y inuulit ko ang pangungusap, na angkop na angkop: ang mga iyo'y mga hayop na nangomgaZay". Datapuwa't ngayo'y kinakailangang huwag nang umabot sa mga kaoataan at sa murang salin ng lahlng sumusunod -sa atin> ang mga kaisipang konserbador na iyan, nguni't kailanrna'y hindi magitlng, at sakaling mangyari iyon, ang katubusan ng Bayang Tinubuan ay Ihaglging isang suliraning walang kalutasan. Pinasasalamatan ko ang inyong mga papuri tungk01 sa pagkakatuto ko ng pranses at bagaman ipinalalagay kong isang pagbibigay-lugod Imnang iyon, ay ikinaslsiya ko ang inyong mabutlng hangarIng ako'y pasiglahin sa aking hangad na matuto pa. Bindi maninIugnIng ang alnng mga pag-aaral, gaya ng inyong pa路 lagay, ngunI't ipinagpapatuloy ko, gaya nina AleJandnno at Abreu, nang walang lubay, bagay na akin nang ildnasisiya at ipinagmamalaki. Ang mapa ng pulo ng Luson ay talagang inyo na, sapu1 nang ikarangal kong ialok sa inyo; at sisIkapin kong ipadala ang mga kartel na hinihingi ninyo, nguni't sa ngayo'y nasa-kagipitan ako, sanhi sa hindi maipa1ilIwanag na pagpapabaya ng aking kapatid, sapagka't ang kuwaltang ipinadada1a sa akIn ay hindi magkasiya kailanman sa pagbabayad ng aking mga utang kay Eyermont, ni upang ipambayad sa mga gugol ng aking pag-aaral. May dalawang buwan nang lumipat sin a Abreu at Alejandrino sa ibang bahay na nagpapakasera; hanggang maaari ay lumalayo sila sa aking karalitaan, sa takot marahil na mawala ang kanilang kabantugang pagiging mayaman sa harap ng mga tagaGante, datapuwa't walang kailangan. Sumulat na ako sa aking kapatid na lalaki upang makipagkita sa inyo sa Hongkong at upang ibigay din ang P15 utang ko sa inyo. Laging sumaasinyo, EDILBERTO EVANGELISTA


632 302.

Buhat kay Sixto Lopez para kay Rizal

$130 buhat kay S. Lopez upang ibayad sa pagkautang sa Hongkong, at ang malalabi ay iukol na kabayaran ng mga sipi ng Filibus.terismo.-Walang ibig tumanggap ng komisyong 25 bahagdan na inialok ni Rizal.-Ang palibot-sulat ni Riz,al sa mga lalawigan.-Mga bilin.

Maynila Ika-18 ng Marso: 1892 GINOONG J. RIZAL HONGKONG MIN AMARAL KONG KAIBIGAN:

Tatanggapin mo, calaquip nito, and isang leh'a na valor 130 pesos na sa panga]an ni Basa, na ito'y aquing ipinamamanhic sa iyo na baca maare ang matacpan ang lahat cong cuenta sa qui Mr. Robinson at ang labis ay mapacuenta na sa mga Jibros 0 Fili na nasa aquin. Ang descuento 25 ('0 sa importe ay ualang tumangap sa quin ni SillO man sa mga nagsitulong sa aquin na maraming naipagbile, caya cung iyon ibibigay sa aquin ay aco'y cahiyahiya at magcacacuarta ng ualang cahiraphirap. Sa isang viaje ay aquing ipaoadala sa iyo ang lista ng mga tao nagsitulong sa aquin dahil sa iyo. Ang iyong circular ay na sa aquing poder at aquing dadalhin sa Provincia bucas ng hapon at inaantayan co mahusto agad sa isang arao at aquing ipadadala agad 0 di caya sa 2.0 viaje ay aco'y dadalaw diyan, ang Iugar na aco'y maquipagsemana santa dine. Aquing dinala sa que D.a Trinidad ang abanico. N g aco'y maquita sa lupa ay sigao na malaque at itinanong cung ana at para canino at cung saan naman galing, at aquin naman sinagot ang lahat, at pagcatapus ay itinanong ca sa aquin cung baquin ca naririyan, ay ang sagot co ay ooui ca dh1e. Afigal na ng masabi co at ihatol co rao sa iyo hoag cang omuui dine at icao ay papatayin dine. Ang aquing capatid na Clemencia at Juliana ay nagpapacumusta sa qui Trining cung sila rao ay hindi pa nalilimutan at ganon din si Solis ay nagpapacumusta sa iyo at ang sabi ay susulat sa iyo cung siya'y dumating sa Lipa. At aco'y ganoon din sa lahat ng fa-


633

milia at magutos sa caya ng iyong caibigang q. b. t. m. si S. LOPEZ Magpadala ca dine ng 12 F'ili sa qui Mayordomo at isang docena 0 media sa qui Ciriaco at sa Contramaestre, pagca't aquing cailafigan. Ibile mo rin aco ng drill misque na anong clase minamabute mo at pagca't bilen sa aquin. Aquing minamabute ang lcao nga ay macarating sa Borneo yayaman guinugusto mo ang maquita, pagca't dine sa Batafigan ay maraming nag-aantay ng iyong balita ng tuncol doone Ang $35 pesos na isang letra ay para que Basa, importe ng comoda. Siya'y aquing susulatan pag-ales ng ibang vapor. Sabihin mo qui Robinson ay aco'y may saquit palague caya hindi co totoong mahasicasuhan ang sumulat sa canya, at ito ang tunay, aco figa ay malimit ay hindi aco linilipasan ng saquit pagca aco'y na sa Balayang caya halos ay hindi co, 0 maliit ang pagca tupad sa mga pangaco co sa iyong tungcol sa [bayan]. 303.

Buhat kay Ariston Bautista para kay Rizal

Mabubuting balita tungkol sa pakikitungo ni Heneral Despujol kay Rizal ?-Pahatid-kawad ni Del Pilar tungkol sa pagbati kay Despujol.-Nananabik na malaman ang kinalabasan.-Pagpapalwal sa Kagawarang-Bansa ng Pagpapaunlad upang ibigay ang titulo ni Rizal.-Isang aklat tungkol sa patolohiya-diyagnostiko, bilang abuloy kay Rizal. (S.ulat pangkoreo-Pinar,a an sa Brindis;)

10 Tour d' Auvergne Paris Ika-24 ng Marso, 1892 GINOONG J. MA. BASA PARA KAY GINOONG DOKTOR HONGKONG . GINOONG J. RIZAL ,

J.

RIZAL

MINAMAHAL KONG PEPE:

Hindi ako napanibulos na bumati agad sa iyo dahil sa mabubuting balitang tinanggap namin tungkol sa ginawi ni Heneral Despujols sa mga bagay na may kina-


634

laman sa iyo. Sinasabing ikaw ay nakipagsulatan sa kanya, at ito'y nagbunga ng mabuti. Tumanggap kami r ito ng isang pahatid-kawad ni Marcelo del Pilar, at doo'y itinatagubiling batiin namin si Despujol (para sa ika-ll ilg lumalakad), sang-ayon sa isang utos na pahatid-kawad na galing sa Hongkong. Nang una'y nag-aalinlangan kami kung dapat ga"win iyon 0 hindi. sa takot na baka makagawa ng isang kamaliang kahiya-hiya, nguni't sa dahilang ang utos ay galing diyan at diyan ka naninirahan, ay napagkay::trian naming lahat dito na gawin iyon. Sabik na sabik kaming rnakaalarn ng ilang bagay tungkol sa politikang ito. Surnulat ako kay M. Pilar na pagpalwalan ang halagang 35 pisetang hinihingi ng Kagawarang-Bansa ng Pagpapaunlad sa paggawa at pagbibigay ng iyong titulo, at inaakala kong ipadadala riyan sa koreong ito. S apagka~t buong lugod na nabalitaan kong diyan ka na maninirahan upang harapin ang iyong propesyon, ay inaakala kong angkop na angkop na ipadala sa iyo; bilang abuloy, ang isang aklat tungkol sa patolohiyadiyagnostiko, na pa ikinabangan rno nang malaki, lalung-lalo na sa dahilang napalcabuti ng nasabing aklat: iyo'y sinuJat ni H. vVirchow. lVIalamang na ako'y purnariyan sa Hunyo. Sumakabilang-buhay ang anak na babae ni J. Luna; ikagagalak ko kung rnaging rnabuti ang katayuan Ino riyan, gayundin ang iyong rnahal na kaanak, na sa ngalan ko'y rnangyaring ipakikurnusta rno ako. Niyayakap ka ni ARISTON

L.

BAUTISTA


635 304.

Bahagi ng isang sulat ni Jose A.lejandrino kay Rizal Kapaki-pakinabang na mga kalagayan upang patnugutan ang pakikipaglaban para sa B.ayang Tinubuan.-Pagtitiwala sa kanyang kakayahan upang magsumakit sa ating ikalalaya.-Matututong pumaibabaw sa mga salabid alang-alang sa gayong kadakilang mithiin.-Wala na tayong ma.a antay pa sa Espanya.-Lalong walang maaasahan sa mga matatabil na kastila.-Ang kapalaran ng isang bayan ay hindi maipanghahawak sa mga salita lamang.-Tungkol sa iLang bilin. (Pranses .ang sulat)

Ik-13 ng Abril, 1892 9 Daang Hainaut Gante GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG PINAKAMAMAHAL KONG KAIBIGAN:

. .. ... ... ... ... ... ... .... ... ... . . . . .. . .. ... ... ... . . . .. ... ... ... . .. ... ... . ..

N agkaroon ak(\) sa Maynila ng gayon ding mga makatwirang dahilang hinihingi ninyo upang parito ako, at inaakala kong gagawin ng ating mga kaibigan doon, ang kanilang buong makakaya upang maihandog ang gayon din sa iyo, alang-alang sa pagtitiwala nila sa inyo, bHang tanging may kakayahang makagawa ng mahirap na gawaing magmasakit sa ating ikalalaya. Makatatanggi kaya kayong bumalik sa Europa sakaling maging mabuti ang kalabasan ng mga pagsasang-usapan? Hindi ko pinaniniwalaan iyon, sapagka't labislabis ninyong minamahal ang ating bayan upang tumangging lpagkaloob ang gayon kadakilang paglilingkod na inaasahan sa inyo. Bakit hindi kayo makapananaig sa ilang maliliit na bagay gayong ang tinutungo'y isang layuning napakadakila at napakarangal na tulad ng kalayaan? Kaibigan, inaakala kong walang kabuluhang lubos .a ng igiit ito ngayon: buong pamaman~ hik na hinihingi ko sa inyong sundin ang inyong kalo.. oban at ang inyong daIl!daming magigiting, at sa ibang bagay ay sila na ang magsasabi sa inyo ng nararapat gawin. Sa ganang aki'y mahabang panahon na ngayong


636

nawalan ako ng tiwala sa mga kasalukuyang namamatnugot sa ating mga suliraning politiko (at tiyak na kayo man ay gayon din), kaya kinakailangang tayo'y magsikap upang mag-iba ang lakad ng mga bagay-bagay. Sa anu't anuman ay nagkakaisa ang ating kaisi. .. pan, alalaong baga'y hindi na tayo nararapat umasa pa sa Espanya, at jalong hindi sa mga araw na ito, sa mga dalahirang kastila, at ang kapalaran ng isang bayan ay hindi nararapat maging paksa ng mga sahtang hangal, at gawin ang lahat at lahat sa pamamagitan ng mabuting kalooban . .. ... ... ... ... ... ... .. " •

••

•••

.,.

•••

•••

•••

•••

•••

•••

•••

•••

•••

••

4.

ang bahay kalakalang Fanotte ng Lieja, gaya rin ng mga bahay kalakal na amerikanong si Smith, na ipinadadala. ko sa inyo, upang kayo'y makapili ng inyong naiibigan ng mga sandatang inyong nlinamabuti. Ang mga halaga sa pakyawan ay ang mga nakatakda at iyon ang kahuli-hulihang halaga. Hinggil sa paraan ng pagbabayad ay ibig nllang ito'y gawin sa Bruselas bago ipadala ang kalakal; kaya kung nasisiyahan na kayo sa pagkakal'o n ng mga rebolber ay wala kayong dapat gawln kundi ·padala sa akin, kung kailan niny,:> mamarapatin, ang kuwalta at ako na ang bahala sa inyong komisyon. Sa kagandahang-loob ni Ginoong Ariston Bautista, na uuwi sa ating bayan sa mga hUling araw ng bu·· wan, ay tinangka kong ipadala sana sa inyo ang mga kapsulq,ng Flobert, na ipinagbilin ninyo sa akin, datapuwa't tlnugpn ako ng ginoong ito, sa pamamagitan ni Ginoong Abreu, na wala siyang balak dumaan sa Hongkong, kaya hindi niya tayo maaaring pairugan. Gayon din ang nangyari sa akin kay Ginoong Ventura. Samantalang nag-aantay ako ng pag-alis ng ibang kababayan, ay makikibalita ako sa 1Yiensajerias Martimas tungkol sa lalong mabuting paraan sa pGJ.gpapadala sa inyo ng inyong hinihingi. Tungkol sa inyong mga aklat, kailangang sabihin ko sa inyong pagkatapos ng pagkakapagbili ng labindalawang sipi kay Vicente Reyes, ay hindi na ako nakapagbili ng kahit isa pang sipi. Gaya ng nalalaman na ninyo, :;:;inabi sa akin ng ginoong ito na siya na raw ang bahalang magbayad sa inyo, kaya hindi ko maiwasto ang pagkakautang sa inyo hanggang hindi ko


637

muna natatanggap ang kuwalta ng walang kaayusang pagbibilih8,ng ito. Habang kami'y nasa-pagpapahinga ng 15 araw, Banhi sa pagdating ng mga kapistahan ng pasko, ay sinasamantala ko ang mga araw na ito ng mga panayam tungkol sa mga bagay na ating ... ... ... . ..

. .. ... ... ... ... ... ... ... ...

... . . . ... ..,

mabuti ang aking mga pag-aaral at ang- mga antas na natamo ko nang nakaraang buwan ay kasiya-siya. Ang mga mag-aanak na Horti ay Waem, ay nangutang din ng Ioob sa akjn na paabutin sa inyo ang kanilang nlga pagbati. Niyayakap kayo ng inyong tapat na si, JOSE ALEJ ANDRINO.

305.

Buhat kay Graciano Lopez Jaena para kay Rizal

Nakikipagbaka sa karalitaan at sa mapanglaw na kinabukasan.-Ang sulat niya kay Basa ay magpapakilala ng kanyang patnumuhay.-"Ano ang nararapat kong gawin ?"-Itinatagubilin ang kapisanan sa Hongkong, na btlbukalan ng kabutihan para sa Bayang tinubuan.

Ika-15 ng Abril, 1892 Barselona GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG MINAMAHAL KONG RIZAL:

Malaon nang panahong hindi ako nakakatanggap ng suI at mo, wala akong balita tungkol sa iyong buhay ni sa iyong rnga ginagawa; ako'y nakikibaka rito sa karalitaan at sa rnapanglaw na kinabukasan. Basahin rno ang aking sulat kay Mang Jose at doo'y rnatutunghan rno ang Iahat ng nangyayari sa akin, at hinihiling ko sa iyong sabihin sa akin kung ana ang nararapat kong gawin sa kalagayang itong alanganin at rnaulap. Itinatagubilin ko sa iyo ang Kapisanan, paunlarin rno iyon at umaasa akong sa haharapin ay rnagiging pusod na panggagalingan ng kabutihan para sa ating rnahal na Pilipinas.


638

Kumusta sa iyong kaanak at kina Laurel at Mang Sixto,. niyayakap ka ng iyong kaibigang. GRACIANO LOPEZ JAENA

306.

Buhat kay Ariston Bautista para kay Rizal

*

Pauwi sa Maynila sapagka't tinatawag ng ina niya.-Nakikini-kinita ang isang malaking sakuna. -Humihingi kay Rizal ng mga nararapat gawin upang magtagumpay ang mabubuting hangarin-. Pagkakaisa ng Laplang nagkakahati-hati sa Madrid.-Panatilihin ang mithiin.-"Sanay sa pakikipagsuntukang pranses at sa espada, ay hindi ko pahihintulutang hamakin ang aking pagmumukha ng mga kastila."

Paris Ika-] 6 ng Abril, 1892 GINOONG JOSE M. BASA PARA KAY DUKTOR J. RIZAL RONGKONG (PIN ARAAN SA MARSELYA) PILING KAIBIGAN:

Tinanggap ko ang suI at fecha 7 Marzo. Ako'y pauwi na sa ating iniibig na bayan: sasakay ako sa 1.0 Mayo sa Marsella sa bapor "Cjaledonien." Tinawag ako ng aking ina por telegrama; tumutugtog sa ]oob ko ang isang masamang sakona. Riling ko lamang sana sa iyo'y bigyan mo ako ng instrucciones para sa dapat kung gawin doon sa atin ng manalo ang mabuting hangad. N asa't papipilitin nating magkaisa ang diumanong pagkakahiwalay ng partido doon sa atin. Itong pagkakahating ito ay siyang pagkakapahamak ng mga layon natin, ay pilit na pilit ang pagnanais sa adhika at dina siya mapapawi sa ating kalooban. Kung susulatan mo ako ng may Zaman ayon sa ating kasunduan, ay ipadala kina Sres. Baer (Senior), Manila. Ako'y umaa]ay sa iyo ng inaakalang kaya sa Botica de Sta. Cruz, 10, Manila. May tatlong buwan na nagsanay sa boxe francais, taong matulin ang suntok, gayon din naman sa espada (sa Escole practique de Baudoy, 108, Richelieu); tila • Nasa-tagalog ang orihinal at hindi namin binago ang pagkaka-

suI at.


639

man din ay hindi ko pahihintulutan maaping totoo yaring mukha, ng mga kastila. N oong koreyong nakaraan ay pinadalhan kita ng isang "Traite Diagnostique Mesnichock," tinangap mo baga? Ibati mo ako sa iyong minamahal na magaanak. Magutos ka sa iyong tunay na kaibigang si ARISTON BAUTISTA

307.

Buhat kay Edilberto (Evangelista) para kay Rizal Sa laot ng karalitaan.-Walang balita.-" Ano ang balita tungkol sa minamahal na luang Bayan ?-Hindi pa ba sapat ang mga pagtitiis ng maraming dantaon at ang mga pagduhagi ngayon upang muli siyang libangin ng mga bagong pangako?-Nasaan ka, kabataan, hindi ka pa ba nakahandang magbubo ng iyong dugo alang-alang sa kanya ?-lsang klub na mapanghimagsik."Ang politika ay lalong mabuti sa liwanag ng araw".-"Ang kapangyarihan ay wala sa pamahaIaan. kundi nasa-bayan".-Kalungkutan dahil sa Bayang Tinub-\lan. (Nasa w'kang pranses ang orihinal)

Ika-29 ng Abril, 1892 Gante GINOONG JOSE RIZAL HONGKONG MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Dahil sa kawalan ko ng balita tungkol sa aking kaanak ay hindi mapaniniwalaan halos ang aking kalagayan ngayon; ang aking mga kagipitan ay nag-iibayong kasabay ng mga pangangailangan ko sa buhay; kaya ipinakikiusap ko sa inyong ipagpaumanhin munang hindi ko kayo mapairugan ngaycn sa inyong munting kahilingan; gagawin ko iyon sa unang pagkakataon. Tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas, malaon nang wala akong nalalaman, lalo na ang nauukol sa inyo, at maniwala kayong malaki ang nais kong makaalam kahit kaunti. Ano kaya ang sasapitin ng layunin ng ating pinipintuhong Bayang Tinubuang pinahihirapan ng mga kapahamakan? Hindi pa kaya sap at ang mga di mapaniniwalaang pagkaduhaging tiniis niya hanggang sa mga araw na ito, upang pu-


640

kawin ang puso niyang nahimbing at pinapaging hayop sa loob ng tatlong dantaon, at ngayo'y iniisip na libangin siyang parang isang musmos, sa pamamarPtan ng mga walang kabuluhang pangako at matatamis na salita? Kailan ako mananagana ng kaligayahang humanga nang napipigta ng Iuha ang mga mata, sa ating matatapang na kabataan, bilang mg-a tunay na anak ng Bayang T1'nubuan, na ang dibdib ay tumatahip sa tibok nK isang banal na pag-ibig, nagkakatipon sa piling ng kanilang watawat at sadyang nahahandang ma9;bubo ng dugo nang dahil sa bayan, yamang ito rin lamang ang halagang kinakailangan nating ibayad sa ating kalayaan! 0, mahal kong katoto, ipagpauma:nhin ninyo ang munting paghihingang ito ng aking puso! Bakit hindi ninyo sinisikap na malaman kung ilan ang sumasang-ayon sa inyong mga !{aisipan at pin akikilos ng iisang pagpupunyagi? Ang ibig kong sabihi'y kinakailangang bigyan ng anyo ang inyong kaisipan, sa pamamagitan ng pagtatatag sa ibabaw ng pagtutol ng pamahaJaan, ng isang Klub na IIfapanghimagsik na maaari njnyong pamahalaan kahit buhat sa Hongkong 0 saan mang ibang dako, Hindi ba't mayroon din niyon ang mga Progresista sa Espanya? Sa anu't anoma'y lalong mabuti ang inyong kaalaman kaysa akin, datapuwa't natitiyak kong ang lalong mahalaga, ang tanging sagabal na kinakailangan ninyong igupo sa gayong gawain, ay ang pagtutol ng ating matatanda at ng ating mga mayayamang nagsisipangatal sa harap ng palagay na mabingit sa panganib ang kanilang mga kapakanan dahil sa paghihiganti ng Pamahalaan, Ang mga mayayaman at mga may-kapangyarihan sa ating bayan ay siyang lagi nang magiging pangunahing sangkap na magpupunla ng sindak at kawalang tiwala sa mga pusong lalong matatapan,g-. Isipin ninyo ang paraan sa ipagwawagi; makapagbibigay kayo ng isang kakila-kilabot na dagok sa ating mga kaaway, at bagaman hindi magtamo ng kagyat na ta~umpay, av makapagpapabago man lamang sa kasalukuyang kalagayan. Hindi ako gasino upang magbigay sa inyo ng paYOYlg' ito, na marahH ay napagwari-wari na ninyong mabuti; magugunita ba ninyo ang madalas ninyong


641

sabihin sa ating mga pagtitipon, sa inyong tinitirhan sa daang Rainaut, na "Ang politikang pinakamabuti at lalong makabago ay ang pinakikilos sa liwanag ng araw" at "Ang lakas ay wala sa pamahalaan, kundi nasa-bayan. " Tungkol sa Gante ay kakaunti ang sukat masabi; siya ring patay na lunsod na iniwasan ninyo. Ang'taglamig ay nag'daan na at ang tagsibol ay nagsisimulang magladlad ng kanyang maringal na tanawin, na nagpapahintulot sa aming humanga sa mga panghaHna ng kalikasan sa labas ng mga lunsod 0 sa mga parang. Maniwala kayo sa akin, mahal na katoto kai¡ lanma'y hindi gaanong nawili ang aking loob sa kalikasan na di gay a ngayon. Ako'y nahirati na sa mga kalungkutan ng- taglamig, datapuwa't ngayon, ang aking puso't dilidili ay napupuno ng rnga gunitang malalayo, sa rlako pa roon ng mga Tropiko, at tila isang pananabik sa sariling lupa ang pumupuno sa aking kaluluwa ng mga pangarap, sa pagmamasid sa kasariwaan ng mga punong-kahoy, sa halimuyak at maririkit na kulay ng mg-a bulaklak. O! gaanong mga gunita ang nagpapatigmak ng luha sa aking mga rnata kapag ako'y namamangka sa tahimik na tub1f! ng "Lys", ang nakabibighaning ilog na iyang nagpapaligo sa mga lupa ng Gante, katulad ng ating kaakit-akit na Pasig! Maraming kumusta sa inyong kaanak. Laging sumasainyo. EDILBERTO EVANGELISTA

308.

Buhat kay Mariano Ponce para kay Rizal

*

Kay lungkot ng hindi makabalik sa Bayang tinubuan !-Magdamayan tay,o hangg,ang dumating ang araw ng paghihiganti.

Madrid Ika-11 ng Mayo, 1892 GINOONG JOSE RIZAL RONGKONG PILING KA1BIGAN:

Walang ibang sanhi ito kundi ang batiin ka, 3;t s.ampu fig iyong familia. Inaasahan ko na ang katahlmlkan • Tagalog ang orihin~l at hindi namin binagQ ~ng pagkakasulat.


642

ay unti-unting nasasauli sa inyo: Ngayo'y ligtas na kayo sa kasakirnan, at kabangisan ng rnga halirnaw. Kasakit-sakit na totoo na ating bayan ng di natin rnatuntungan. Datapua't dadating din ang araw ng pag-hihiganti. N gayo'y katungkulan natin ang mag-darnayan, sarnantalang di durnadating ang araw ng pag-hihiganti. Ibati rno ako ng lubos na galang, sa iyong rnga ka anakan. Talastas mo ng nalalaan sa bala mong ibigin itong kaibigan mo't kababayan na yumayakap sa iyo ng rnahigpit, na si NANING M. PONCE ft

309.

Buhat kay Antonino Vergel de Dios para kay RizaJ Ninanais ang pagkakaroon niya ng maraming magpapagamot ~a Hongkong.-Ipakisabi sa kanyang kapatid na :f Eugenio Vergel kung saan makabibili ng mga aklat ni Rizal sa Pilipinas.

10 Daang Tour d' Auvergne Paris Ika-14 ng Mayo, 1892 GINOONG JOSE RIZAL MINAMAHAL KONG KAIBIGAN AT ITINITANGING KABABAYAN:

Ibinabalik ko sa inyo ang magiliwing pakumustang ipinahatid ninyo sa akin sa sulat na tinanggap ko kay Doktor A. Bautista at ninanais kong rnagkaroon kayo ng maraming magpapagamot upang malunasan kahit bahagya ang mga kapahamakang urnabot sa inyong kaanak, bagay na aming dinaramdam nang labislabis. N oong ika-5 ng Mar-song nakaraan ay sumulat ako sa inyo at ipinakikius.ap na mangyal'ing lurniham sa aking kapatid na si Eugenio Vergel de Dios sa San Rafael, Bulakan, at ituro sa kanya kung saan makabibili ng inyong mga aklat sa Pilipinas, sapagka't hilmihingi sa akin ng ilang sipi at hindi ko siya napadalhan dahil sa kahirapan ng pagpapasok doon; at ipinakiusap ko rin sa inyong ibigay sa kanya ang inyong tirahan upang siya'y makasulat sa inyo kailanrna't ka-


643

kailanganin niya. Hindi ako nakatanggap ng sagot sa nasabing sulat na ipinalalagay kong hindi ninyo natanggap. Ipinaloob ko sa dalawang s0bre; ang una ay may ngalan ni G. Jose Maria Basa, Hongkong, walang bilang ni daan, sapagka't hindi sinabi sa akin ni G. Ventura, dahil sa hindi rin niya nalalaman. Sakaling mangangailangan kayo ng ilang bagaybaQ'ay rito, maging mga aklat 0 kagamitan, ay sumuIat kavo sa akin at ako ang bahalang magpapadala sa inyo agad. Isipin nga ninvo kung ano ang maipagli1ingkod ko sa inyo; ikalulugod ko nang gayon na IamanQ' ang makatulong ako sa inyo sa anumang bagay, at ibilang ninyo akong JaQ'i na parang isang tunay na kaibigan at tagapaglingkod. ANTONIO VERGEL DE DIOS

310.

Blthat kay Rizal para kay Baldomero Roxas

)

2 Rednaxele Terrace Hongkong Ika-17 ng Mayo, 1892

PILING KA~.BIGANG ROXAS:

Sinasagot ko ang magiliwing suI at ninyo na katatanggap ko pa lamang;l ikinalulugod kong sabihin sa inyong natanggap ko na ang aking titulo 2 at iniingatan ko ang inyong liham bHang alaala ng kawalang pag-iimbot ng mga kawani riyan, na tumatapos agad sa mga bagay-bagay na sa kanila'y idinudulog. Dinaram路路 dam ko lamang na ako'y walang 35 piseta ngayon upang 1 Wala sa Epistolario ang sulat ni Baldomero Roxas na tinanggap ni Rizal. Marahil ay hindi naingatan bagaman sinasabi ni Rizal na kanyang tinanggap. 2 Ang tinutukoy na titulo ay ang pagkaIisensiyado sa Medisina ;;a "Universidad Central de Madrid". Ito'y isa lamang sipi, na sa kahilingan ni Rizal ay niIakad ni Dr路 Roxas, sapagka't ang orihinal ~y hindi natanggap ni Rizal sa di malamang kadahilanan. Dahil dit:>, bago umalis si Rizal sa Europa ng magtatapos ang taong 1891 at sa hangad, marahil, na makapanggamot sa kanyang bayan ay hininging pagkalooban siya ng isang sipi ng nasabing titulo, at sa bagay "la ito'y ipinagkatiwala ang paglakad kay Dr. Roxas. Lahat ng kasulatang nauukol sa kahilingang ito ay nalatbala sa Torno ng mga kasulatang ukol kay Rizal na inilathala ng Ka.waniha!l ng Aklatang Bayan sa Maynila ng taong 1953. Ang nabanggIt na tItulo ~y nasunog nang palayain ng roga amcrikano ans- Maynila ng 1945.


644

bayaran ang halaga. 3 Dito'y hindi nagbibili ng mga kasulatan ng pagpapalitan ng kuwalta sa gayong ha]aga, datapuwa't gagawin ko sa kauna-unahang pagkakataon. Ipakikiutang na loob kong ipagbigay-alam ninyo kay ginoong Let~, na sa pamamagitan ng isang tao ay tinanggap ko ang 15 pi song gantimpala niya,4 halag:;t ito na hindi ko rin maipadala sapagk2.'t wala ring pahiro. Nag-utos na ako sa Maynila. Ang taong nag:ralwal ng halagang itong ukol sa gantimpala ay si Gi路 noong Eulalio Villavicencio ng Taa1. 5 Ang Propaganda ng Maynila ay hindi sumusulat sa akin buhat pa noong buwan ng Disyembre, bagay na nakapagpapaniwaJ.a sa aking ayaw na akong pakitunguhan. 6 Dinaramdam ko iyon, datapuwa't hindi ko ikinaliligalig at hanggang sa isang dako'y ikinaliligaya ko pa nga sapagka't iyo'y nagpapatotoo na nakararaan din nang mabuti ang mga bagay-bagay, kahit wala ako, bagay na siyang lagi ko nang ninasa. 7 Sumulat sa akin si Blumentritt8 at nagsabing ang Solidaridad daw ay ititigil at ito'y magiging kahina-hjnayang, at iba pa. Ako rin ay naniniwalang magiging 3 Ang sinusabing' 35 piseta ay siyang' nagugol sa kasulatan at mga paglakad upang matamo ang sipi ng titulo. Dinaramdam ni Rizal na hindi naipadala ang nasabing kuwalta, dahil sa kawalan sa Hongkong ng malayang pagpapalitan ng' kuwalta sa Espanya. 4 Hiningi ni Rizal sa Propaganda ang mga g'antimpalang salapi para sa mga estudyanteng pilipino sa Europa na napapatangi sa pagpapalaganap ng usaping pilipino, at sa mga iyon ay iminungkahing mabilang sina Lete at Antonio Luna., Hindi dapat malimot na sina Rizal at Lete ay nagkaroon ng samaan ng loob; gayunman ay itinagubilin ni Rizal na gantimpalaan si Lete, bagay na nagpapatunay sa katapatan ng kanyang sinabi sa. sulat kay Roxas buhat sa Marselya nang ika-18 ng Oktubre, na anya'y "Hindi ko inaalumanang lubos ang kanyang poJitika nguni't kailanma'y hindi ko kinaliligtaan ang kani-kanilang katauhan. Magpakailan ma'y kaibigan ko rin sila". S Sa malas ay hindi inibig 0 hindi naaring ipadala ng Propagandc拢 ang halagang itinakda, na parang gantimpala, kaya't si G. Eulalio Villavicencio, isang magiting ' na taga-Taal, Batangan, at isa sa mga tagapag-abuloy sa paglakad ng usapin ng Pilipinas sa Madrid, ay siyang nagpalwal ng gantimpalang nasabi. 6 Ang mga dahilan kung bakit ang P1'opaganda ay hindi na nakipagunawaan kay Rizal, ay naipaliwanag na sa mga naunang talata. 7 Sa harap ng lahat ng ginawa at inasal ni Rizal at sa mga sinulat at lathalaing inihayag hangga ngayon ay masasabing si Rizal ay naging matatag sa pagpapahayag ng mga pangungusap na ito路 Kailanma'y hindi tinangka ni Rizal na sarilinin ang pakikipaglaban ni ipilit ang kanyang mga isipan, at ang kanyang ginagawa'y ang bigyang daan at huwag sagabalan ang iba. 8 Ang sulat na ito ni Blumentritt ay wala sa Epistolario.


645

kahina-hinayang, datapuwa't iyon ay hindi ko mapipigilan; maraming taon nang ni para sa mabuti ni para sa masama ay hindi ako nakikialam sa politika ng Madrid at ng La Solidaridad; inaakala kong sinabi ko nang hindi ako nararapat makialam sa gawaing yaong pansarilL Sapat na ang aking ginawa sa pagtangging tumanggap ng pamamatnugot ng alinmang pahayagang maaaring maging kalaban 0 karagdagan kaya ng La Solidaridad. 9 Inaakala kong ang pananagutan ay nararapat iatang sa mga nananagot niyon; wala akong inilalagay ni inaalis at hindi ko naman inaalagata ang ~ariling pakinabang. N aniniwala akong kayo'y nakaharap noong sabihin ni Del Pilar na ang La Solidaridad ay isang hanap-buhay na panEarili at siya ang tanging may pananagot niyonY) Dito'y gumagawa at sumusulat kami ng maninipis na aklat. Ang pagsasatagalog ng Noli ay halos matatapos na. l l Ang isinasalin ngayon ay ang ikawalong kabanata ng M orga.1 2 I pakisabi ninyo sa pin sang Rianzares13 sakaling ~jya'y inyong makikita na ipadala rito ang lahat ng Noli na nasa-kanya, sapagka't naubos na ang lahat ng 9 Ang sinasabi sa talataang ito ay siyang bunga ng pagkakasalungatan nina del Pilar at Rizal hinggil sa politikang nararapat sundin sa pakikipaglaban, na naipaliwanag na sa mga naunang tala. Sa pagsasabi ni Rizal ng: "Labis-labis na ang aking ginawa sa hindi pagtanggap ng patnugutan ng alinmang pahayagan at iba't iba pa, bagaman marami akong tinanggap na' alok", ay wala siyang ginawa kundi sundin nang buong katapatan ang kanyang itinakdang kaasalan na bigyang daan ang iba nang walang anumang sagabal. Ang higit sa lahat ay sinikap na ilagan ni Rizal ang masiraan ng puri ang pag-uusig sa mga mithiin ng bayan, sanhi sa pagkakasalungatan 0 pagkakaibaibang kurong malalantad sa madla. 10 Tinutukoy ni Rizal ang pagtitipon 0 panayam na tumukoy 5:1suliranin ng Responsable 0 tagapanagot sa Madrid. 11 Ang sinasabi ni Rizal na "malapit nang matapos ang pagsasalin sa tagalog ng Noli" ay hindi pa natatapos at ni hindi natapos. Ang nagsasalin ay ang kanyang kapatid na si Paciano. pahil sa. mga pll;ng: yayaring nagkasunud-sunod, bukod sa ang nagsasalm na ~路m. ay hmdl nasiyahan sa kanyang ginagawa, ang pagsasatagalog' ay hmdl natapos路 Hindi rin naingatan 0 naibigo ang bahagjng tapos na. Ipin~lalagay na ito'y nasa-aklatan ni Rizal na naiwan sa Hongkong, ~gum't. nang ito'y ilipat sa Maynila ay hindi !'in kasama .mg nasabmg sahn sa tagalog. 12Walang nakaaalam ng saling ito ng kaban~tang ika-8 ng Morga. Hindi malayong nawala iyon. Ang kabanatang lto ay ~ng tumutukoy sa Pilipinas at sa kanyang mga m.amamayan, kaugal.lan at iba pa bago dumating at matapos na dumatmg ang mga kasbla. 13 Si Pablo Rianzares Bautista, ay pinsan ni Rizal na nag-aaral ng deretso sa Maynila. Ito'y anak ni G. Ambrosio Rianzares na napatanyag nang panahon ng himagsikan sa Pilipinas.


646

mga sipi. Saka.Iing may maipagbili :.:;iya, ay ibigay ang kuwalta kay Pilar, bilang kabayaran ng 35 pisetang ipinahiram.1 4 Na1a1aman ko nang si Lauro ay nasa-Lipa na, at sinasabing nakasamaang loob na raw siya ng Kapitan ng Guwardiya Sibil. 15 Ang biyenang lalaki ay tila babalik. Hindi ako sinusulatan ni Lauro. Maikli ang suI at na ito, sapagka't tinanggap ko ang inyong liham nang ika-9 at ngayong ika-ll ay tutulak ang Mala.1 6 IVlga alaala sa lahat ng mga kaibigan at mag-utos kayo sa inyong kaibigan. J. RIZAL Kumusta kina Donya Matilde, Elenita17 at iba pa. 311.

Ruhat kay Rizal para kay Mariano Ponce

Hindi inisip na tuligsa ni Lete.-Bakit tinulutan ni Del Pilar ang p.aglalathala niyon ?-Aakalaing may pagkakarangkat-pangkat ang mga nagpupunyaging Pilipino.-Hindi itinuring ni Rizal na isang paghamak sa k,anya upang huwag sumamang lalo ang mga bagay,-bagay.-Nagkukunwaring tinutuligsa siya upang ipakilalang sila'y mga nakikiwangis (asimilista). "Ipagpapatuloy ko ang aking politika at sisikapin kong hulaan ang inyong mga layunin".-"Makarinig ng mg,a tuligsa sapagka't nakapagpapabuti sa ibig bumuti."

2 Rednaxele Terrace Hongkong Ika-23 ng Mayo, 1892 GINOONG MARIANO PONCE MINAMAHAL KONG KAIBIGANG PONCE:

Tinanggap ko ngayon ang isang bilang ng La 8014 Ang tatlumpu't limang pisetang ito ay di malayong siyang halaga. ng mga nagugol sa pagsiping muli sa titulo sa pagkalisensiyado sa Medisina ni Rizal. 15 Walang makapagsabi tungkol sa samaan-loob na ito nina Lauro Dimayuga at ng kapitan ng Guwardiya Sibil. Hindi malayong dahil sa kasanayan at napagkaugalian ni Dimayuga ::oa pamumuhay sa Madrid ay hindi niya natiis ang ll1ga kawalang-turing ng kapitan. Ipinalalagay ni Dr. Roxas na hindi minamabuti ng kapitan ng Guwardiya Sibil ang pakikipag-isang-dibdib ni Dimayuga sa ii:;ang espanyola. (na nl.lgngangalang Maria Borja). 16 Tinutukoy ang bapor na tagapagdala ng mga sulat. 17 Ang binabanggit na Donya Matilde ay siyang kasera ni Dr. Roxas sa Madrid, at 5i Elenita ay pamangkin naman ni Donya Matilde.


647

limaridad ang biIang nang ika-15 ng Abril at binasa ko ang mga lathalain, pati na ang sinulat ni Lete na tumutuligsa sa akin.! H~ndi ako makapagpapahayag ni ng paghamak, ni pagwawal~ng-bahala sa pagkakabasa ng gayong lathalain, sapagka't sa wakas ay sinulat iyon ng isang pilipino at isa sa mga mabubuting pilipino, sapagka't siya'y pinagkalooban ng gantimpala ng kagitingan; hindi rin ako makapagpahayag ng anumang galit ni poot, sapagka't palibhasa'y matagal nang hindi ako nakikipagsulatan kaninulnan tungkol sa aking ginagawa ni tungkol sa aking mga kaisipang politiko, kaya madaling mangyaring hindi nalalaman ni Lete kung ana ang aking ginagawa. Tangi sa rito'y isinasaalang-alang ko ang kalagayan ng inyong mga damdamin diyan, ang kapaligiran sa Madrid, sapagka't kung ang panghahawakan ko'y ang sinasabi sa akin ni Blumentritt, tiIa ipinalalagay ng ilan na ako ang dahilan kung kay a ang D~ Solidaridad ay kinakapos ng kuwalta 0 kaya'y naghihingalo. Walang-wala ng bagay na ito, sapagka't lagi nang naaalaala ko ang aking mga ipinangako kay Pilar, na kailan man ay hindi ako papasok sa isang pakikipagsabuwatang maaaring ipakana laban sa kanya 0 laban sa pa,hayagan, at hangga nga路路 yon ay tinutupad ko at tutupdin ang aking pangako. 2 Labis-Iabis kong dinaramdam ang pagkakapahi,ntulot ni Pilar na ma1athala ang lathalaing nabanggit, sapagka't ito'y Inakapagpapanhyala sa marami na talagang may pagkakapangkat-pangkat sa atin. Inaakala kong maaari tayong magkaroon ng maliliit na samaan ng 100b at mga pagkakaibang kuro nang hindi kinakaila路 ngang idamay pa doon ang lapian. Kinakailangang tayo'y huwag kumibo at maggalangan. Ito ang inaaka'la 1 Tumutukoy sa isang lathalain ni Lete na may pamagat na "Iluso", na inilathala sa La Solidaridad, na matapos (mapangarapin) mabasa ni Rizal ay ipinalagay na siya ang pinatatamaan at tinutuligsa. 2 Sa sulat na ito ay mapapansin ang damdaming ibinunga sa kanya nang pagkakabasa ng nasabing artikulo. Hindi siya nagdaramdam nguni't ang kanyang dinaramdam ay ang ibubunga sa mga kaibigan at mga kaaway at mangyari pa, sa layuning ipinagtatanggol nila. Bukod dito ay ipinalili~anag at inuulit ang kanyang naisulat na sa ibang pag'kakataon kay del Pilar, na ito'y hindi niya tlltuligsain kailanman ni ang La Solidaridad,


648

ko, datapuwa't sin a Pilar at Lete ay maaaring nagaka1a ng ibang bagay, at ipinagtatapat kong may ka1ayaan ang lahat. Aywan ko kung ana ang ibubunga ng artiku10ng ito sa mga pilipino sa Pilipinas. Sa ganang akin, ay hindi ko ituturing na ako'y hinamak upang huwag lumubha ang mga bagay-bagay, at hindi ako susulat ni isang kataga, gaya nang matagal nang panahong hindi ko pagsulat. Hindi ako sumusulat ka~T Pilar ni kay Lete sanhi sa mga kadahilanang maaari mo nang :naunawaan, sapagka't sila ang mga taong tuwirang nasasangkot sa suliranin at sapagka't ang isang sulat ko'y maaaring tumuto1 sa gayong pamamaraan, at kapag nagkagayo'y maaaring bigyan nila ako ng mga pahwanag, 0 kaya'y maaaring magpayo at kung magkakaganito'y la1abas na ako'y parang tagapayo 0 parang tagatangkilik. Sabihin mo na lamang sa kanilang dinaramdam ko nang gayon na lamang, nguni't hjndi ko rr:inamasama ni hindi ko naman ikinagagalit. Ano ang kasalanan nila kung ako'y hindi nila nauunawaang mabuti? Ako pa marahil an g maykasalanan sapagka't ipinalagay kong mauunawaan nila ang aking mga layunin nang hindi na kailangang ipaliwanag ko pa. Gayunman, para sa 1ayuning tinutungo ko, ay 1a10 kong minamabuting huwag magpaliwanag. Maaari rin namang ang nilalayon nila'y isang politikang 1a1ong malalim, at nagkukunuwang ako'y nilalabanan at tinutuHgsa nang buong higpit upang makaganap nang lalong mabuti ng tungkuling pagka asimilista 0 nakikiwangis. Sa bagay na ito'y pinupuri ko sila, datapuwa't sa ganitong pangyayari'y inaakala kong kinakailangang tUligsain nila ako nang totohanan, tukuyin ang aking ngalan, sapagka't maraming kastila ang hindi nakaaalam ng mga nangyayari sa ating sinapupunan at hindi nakababatid ng mga parunggit ni Letc, at sa gayo'y hindi magkakabisa ang kanyang 1athalain; pinaaalalahanan ko lamang sila na ang kaparaanang ito'y may bahagyang kapangahasan, datapuwa't magka路路 gayon man ay maniwala silang tapat kong pinapupurihan at maaari nilang pasidhiin ang pagtuligsa nang


649

taglay ang lihim kong pagsang-ayon. 3 N apapansin ko lamang na sa paggawa ng gayong politika, ay ipinagbibili ni Lete ang sarili, at ipinagbibili rin tayo. Nang papagsalitain ko ang nagngangalit kong si Simoun av tinangka ko ring usigin ang gayong layunin sa paglalagay ng isang pinakadugong lalong madilim upang ang mga pilipino sa Madrid, ay lumitaw na mga puti, datapuwa't nang gawin ko iyo'y wala akong ipinagkanulong anumang lihim. Sa anu't anuman, kayo ang makapagsasabi kung ap.g mga hula-hula ko'y kabulaanan 0 katotohanan; sa totohanan man 0 sa birubiruan, ay ipagpapatuloy ko ang aking politika at sisikapin kong mahulaan ang pakay ng inyong mga kilos upang maiakma ang aking lakad sa inyo at matamo ang lalong mabuting wakas. 4 Sapagka't n~balitaan kong ikaw at si Selong ay nag'3 Walang alinlangaI}g si Rizal ay nagbago ng akala; marahil ay sa dahilang ibig niyang makapagpaliwanag na lalo sa suliraning ito 0 baka naman sa dahilang inakala niyang lalong mabuting makipagunawaan, sa tuwiran man 0 hmdi tuwiran, sa may kinalaman sa pagkakasulat at pag'kakalallhala ng _artikulo; sapagka't nang araw ding sulatin ang liham na ito, si Rizal ay sumulat din kay del Pilar. Upang lalong maliwanagan ang bagay na ito ay basahin ang mga suI at bilang 311 at 313, gayundin naman ang bahagi ng isang sulat ni Lete na itinitik pagkatapos ng sulat bilang 311. 4 Hinggil sa artikulong "Iluso", ay inilathala ng Epistola1'io sa katapusan ng sulat bilang 311, sa kahilingan marahil ni Lcte, ang "paliwanag ni Lete tungkol sa kanyang artikulo". Ang paliwanag na ito'y sinulat, hindi nang panahong iyon kundi sa Madrid nang buwan ng Hunyo 1921 0 kaya'y pagkaraan ng tatlumpu't pitong taon na malathala ang nasabing artikulo at tatlumpu't isang taon naman matapos na barHin si Rizal. Sa paliwanag na ito ay si~abi ni Lete na "upang maagapan ang pasalungat na bunga ng mga inanyo ng ilang kasamahang mahilig sa paghihimagsik at sa mararahas na gawi ng maaaring makasira sa mga layuning ukol sa ikagagaling ng bayan", si del Pilar ay nagmungkahi sa kanyang sumulat ng isang artikulo na naglalal'awan ng isang uri ng manghihimagsik na mapangarapin at walang lakas na makagawa, at hindi sumagi sa aming isip ang buhay na larawan ng sino man". Sa ibang bahagi ay tinitiyak din naman na sa dahilang si Rizal ay hindi nagpahayag kailanman ng marahas na kaparaanan ay hindi maaaring iukol sa kanya ang pamagat na "Iluso" 0 Mapangarapin. Gayon man, tila si Lete ay hindi gaanong matapat sa kanyang paliwanag na ginawa at siya na rin ang sumisira sa. kaI.1yang sinabi na: "Hindi sumagi sa aming isip ang larawan n~ kahlt s~no'''' gayon~ sa dakong ita-taas 0 ilang talata lamang ay bmabangglt myang SI Lopez Jaena ay isang uri ng tinatawag niyang "Iluso" 0 M~pa!1ga.rapin (si Lopez Jaena ay isa sa mga pilipinong la~i nang kakampl m Rlzal); bukod dito'y sinabi ni Lete: "Hindi ba namm nalalamang lahat na 81 Rizal ay hindi nagpahayag kailanman ng marahas na kaparaanan? l\.'iaaari ba naming pamagatan siya ng ganito? ("Iluso" 0 mapan~arapm) at gayon man ay ipinagpatuloy .niya ang pagsu~~t nl}', g.~mto: "At isang pangyayaring kataka-taka: smo man sa mga Iluso (lIsa lamang


650 marahil) ay parang hindi nasaktan". Hindi ba sa ganito'y parang itinuturong si Rizal ay isa sa mga "Iluso"? Pinatutunayan ni Lete na ang Iayon ng artikulo ay ang hadIangan 0 pawalang kabuIuhan ang bunga ng mga nangangaral ng mararahas na kaparaanan 0 ng mga "Iluso" at gayon man, sa sulat bilang 311 ni Rizal kay del Pilar ay sinasabi ang ganito: "Napansin ko ua sa artikulo ay umamin si Edilberto de Leporel ng kanyang balak na panghihimagsik", hindi ba ito'y isang kabaligtaran? Sa kabilang dako, sa sulat bilang 322 ng Epistolario, si Lete ay nagpapaliwanag hinggil sa bagay na ito at nagpapakilalang laiD siyang matapat at nakikibagay sa panahon. Hindi namin hangad na magbigay ng kuru-kuro hinggil sa bagay na ito, nguni't maaaring mag'bigay ng kanyang sarili ang bumabasa, sa pamamagitan ng pagbasa ng kalatas na nauukol sa bagay na ito at laiung-Ialo na kung nauunawa ang mga puno't dulo. Nararapat din namang basahir. a ng sulat ni Lete bilang 321 ng Epistolario, na bagaman walang idinaragdag na balita ay tumutukoy din sa bagay na nabanggit. Gayon ma'y nakakatawag ng pansin na ang mga sulat na ito nina Lew at del Pilar, bilang 321 at 322. Tomo IV at bilang kasagutan sa dalawang sulat ni Rizal noong ika-23 ng Mayo at ika-15 ng Hunyo, 1892, ay kapuwa sinulat sa iisang araw lamang 0 kaya'y nang ika-20 ng Hulyo, pagkatapos na dumating sa Europa ang balita ng pagkakapiit at pagkakapatapon kay Rizal. (Ang balita ng pagkakapatapon kay Rizal ay maaaring dumating sa Europa noong ika-16 ng Hulyo 0 bago dumating ang petsang ito, sang-ayon sa maaaring mahi路, nuha sa sulat ni Blumentrttt, bilang 160 ng Epistola'fio TOlno IV.

babalak na umuwi, ay hindi ko maunawaan ang politikang iyan. . . . Gaya ng sinabi ko noong una sa kaibigang Roxas upang paabutin naman kay Lete, ang isang kaibigan ko, na si G. Eulalio Villavicencio, ay nagpadala sa kanya ng halagang 15 piso, na hindi ko malaman kung gaano ang matitira pagkatapos ng napakaraming pagpapahiro. Sapagka't hindi nagpa.pahiro ng kuwaIt a para sa Espanya, ay ipinahihiro ko sa Paris sa kaibigang Luna, upang ito naman ang magpahiro kay Lete. Makakasama :rin ang P5 ng kaibigang Basa para sa La S olidaridad. Sinabi ng kaibigang Basa na siya'y padalhan ninyo ng lima 0 anim na bilang bawa't Iabas ng inyong Solidarida,d. Sa ganang aki~l, sakaling totohanan na ang kay Lete, ay hindi na kailangang padalhan pa ako ng mga bilang tuwing Iabas; kung kailan lamang may hagkis 0 Leporeladas sa akin, ay nasa ninyo ako padalhan,

I

5 Tinatawag ni Rizal na Leporelada ang mga tuligsa nj. Lete sa kanya. Ang artikulong "JIuso" na tinutukoy dito ay inilathala sa ilalim ng lagdang Edilberto de Lepore! (LLR). Si Lete ay inilarawan ni RizaI, sa maliwanag na pagtuturing, sa isa sa kanyang mga artikulo. Basahin ang "Semblanzas" na inilathala ng dakilang Rizalista na si G. Epifanio delos Santos Cristobal sa "The Philippines Review", na pinamamatnugutan ni G. Gregorio Nieva. (JPB).


651

palibhasa'y pinananabikan kong malaman ang sinusulat laban sa akin, sapagka't kung minsa'y may mga katotohanang napapakinabangan. Lagi ko nang ninanais na makarinig ng mga tuligsa sapagka't nakabubuti sa ibig bum uti. Pasuba man sa hangin at sa laki ng tubig ay hindi ako magbabago sa mga suliranin ng Pilipinas. Ang kapakanan ng Pilipinas ay namamaibabaw sa akin. 6 Sumasaiyong gaya ng dati, RJZAL 312.

Buh-at kay Rizal para kay Marcelo H. del Pilar Sumama ang 100b dahil sa tuligsa ni Lete."Anong hayop ang nakakagat sa inyo upang ako'y tuligsain ?" Hindi naman ako nakikialam sa politika, at ang tanging hinaharap ko'y ang pagbahanda ng isang pook na mapangungubliban ?"Ginawa kong madilim ang pagkatao ni Simoun upang mamalas na ang mga nasa-Solidaridad ay hindi mga pilibustero".-Isang lathalain tungkol sa Borneo.-Nag-aantay ng mga nakasisiyang paliwanag.

2 Rednaxele Terrace. Hongkong Ika-23 ng Mayo, 1892 GINOONG MARCELO

H.

DEL PILAR

[ESPANYA] KAIBIGANG PILAR:

Kasusulat ko pa lamang kay N aningl at ako'y hindi masiyahan hanggang hindi kita masulatan. Nabas:{ ko ang lathalain ni Lete laban sa akin, matagal akong nagJimi-limi tungkol sa layuning maaaring binabalak ninyo sa pagtuligsa sa akin, at sa katunaya'y kumakawag-kawag ako sa mga panghuhula. lVIay mga sand~~足 ling inaakala kong kayo'y gumagawa nang ayon sa isang napakalalim na politika na walang kabuluhang ipaliwanag, at may mga sandali ring inaakala kong kayo'y gumagawa nang totohanan at sa sariling kapana6 Gayon ang naging kaugalian at kaasalan ni Rizal han~gang sa kanyang kamatayan; isang walang hulaw na pagpapakasaklt alangalang sa kanyang mga sal'iling mithiin. 1

Tinutukoy ang sulat bHang 543 ng Episto lario.


652

gutan. N atutunaw nang walang kapararakan ang aking utak, gay a ng kasabihang: je donne ma langue aux chiens. ayoko nang manghula, at hindi ko malaman kung ano ang aking iisipin. Kung kayo'y gumagawa sa udyok ng isang makinis na politika, bakit gayon na lamang ang galit, bakit hindi ako sulatan nang hiwalay? Sakali namang kayo'y gumagawa sa udyok ng sariling kalooban, bakit kayo gumagawa ng gayon? Hindi ba sinabi ko na sa iyo, bago ko pa lisanin ang Europa, na kailan ma'y hindi ako gagawa ng .a numang bagay l!a laban sa iyo? Anong hayop ang sumigid sa inyo upang ako'y hagkisin, gayong dito'y hindi ako nakikialam sa politika at ang tanging ginagawa ko'y ang rna kapaghanda ng isang pook na malaya at mapapangu路路 bJihan ng mga pilipino at ang mga nalalabing oras ko'y iukol sa pagsulat ng ilang akda? Hindi ba sinabi ko na fa iyong pababayaan kita sa politika upang ikaw ay mapabantog? Upang mapabantog ay kinakailangan pa ba ninyong tuligs,ljn ako? Hindi ko malirip ito. Kaya't nasasabi ko sa sarili: kung kayo'y gumagawa dahil sa politika, ay pinupuri ko kayo at ninanais na kayo'y magpatuloy, sapagka't inaakala kong kayo'y nasa-mabuting landas. Sa ngayon, ay kinapopootan akong lubha ng mga prayle, kaya't kung kayo'y lalayo sa akin, ay malaki ang inyong matatamo sa pakikiwangis sa kanila. 2 Iyan ang aking pakay nang ilagay kong madilim 0 maulap ang pagkatao ni Simoun, upang mamalas na hindi mga pilibustero ang mga taga La Solidaridad. fpinalalagay kong inyong naunawaan ang aking kaisipan, nguni't nang isagawa lamang ninyo ay ginanap ninyo ang inyong papel nang walang hunus-dili na pati ako'y inyong hinambalos. Datapuwa't kung gayo'y bakit hindi pa ninyo tinukoy nang tuwiran ang aking ngalan upan,g ang mga kastilang hindi nakaaalam ng ating mga bagay-bagay at hindi nakauunawa ng mga parunggit ay huwag magalinlangang ako ang inyong tinutuligsa? Bakit ninyo ginawa iyon nang marami pang pagtatakip? Sasabihin ba ng mga pilipino na sa tuligsang iyon ay may poot, 2 Sa sulat na ito'y inihingang Iahat ni Rizal ang kanyang nasa路 loob at nagpaliwanag ng Ialong malawig. Sa suInt ding ito'y makiki路 tang tuwiran niyang pjnakikitunguhan si del Pilar, na ayon kay Lete, sa paliwanag nitong sinipi .sa dakong ibaba ng sulat na ito, ay siyang nagbilin sa kanya upang sulatin ang artikulong pinamagatang "Iluso".


653

tunay na pagkapoot, at kaya lamang ay hindi makapangahas ang maykatha na gawin iyon ng pamukhaan? Sakaling ang tuligsa'y may layuning politiko, ipinagtatapat kong iyo'y isang kawalang bait at pangahas at nangangamba akong baka doc,'y ipinusta ng La Solidaridad ang kahuli-hulihan niyang kuwalta. Loobin nawa ng Diyos na ang tUligsang iyon ay maunawaan ng &king mga kaibigan sa Pilip in as upang huwag sumak~ lap na gaano ang pagkakaalitan. Kung natitiyak ko lamang na iyon ay inyong ginawa dahil sa politika ay sumulat na sana ako ngayon din sa Maynila upang sabihi~1 sa kanilang masamain iyon. Datapuwa't nangangamba 3kong baka ako'y nagkakamali, sapagka't gaya ng aking sinabi, ako'y nag-aalinlangan at nag-aalangan. 3 Isinulat sa akin ni Blumentritt na kayo raw ay natatakot na baka mamatay ang La Solidaridad, at ito'y nakapagpapaakala rin sa akin na sinulat ninyo ang ar tikulo sa isang sandali ng pagkabugnot. Hindi ko pa mataho ang maaaring ibunga ng lathalaing iyan, datapuwa't yamang matagal nang hindi ko hinaharap ang poHtika at hindi ko rin alam kung ana ang lagay ng mga bagay-bagay sa Maynila, ay hindi ako makapagbibigay ng pangunang kuro. Lumagpak ang pa~anagutan sa mga taong nagkusang gumawa niyoI1 nang hindi man lamang ako pinagpaunahan. Kung natitiyak ko lamang na iyon ay isang pakanang politiko, ngayon din ay su~ulat na sana ako sa Maynila upang sabihing huwag isarna ng kanilang loob iyon, na doo'y nasasangkot ang isang suliraning pansarili lamang, at walang kinalaman sa politika. Gayunma'y susulat din ako sa aking mga kaibigan at mga hindi kaibigan, na kayo'y sinulatan ko na at huwag silang gagawa ng anumang hakbang hanggang hindi ninyo ako sinasagot. 4 Ito'y hindi nangangahulugang kayo'y hinihingan ko ng paliwanag tungkol sa lathalain; hindi rin ito isang pagsasabing iyon ay aking winawalang halaga, mana3 Tunay nga kayang inisip ni Rizal na sa pagkakasulat ni Lete ng artikulong nabanggit ay may nababalot na sulil'aning pansal'ili? Ba.kit naisip ni Rizal na banggitin ang suliraning pansarili sa pagtukoy my a kay Lete? Kung babasahin ang paliwanag na ito ni. Lete, at ang rnga naunang sulat niya kay Rizal ay tila nga totoong s~ Lete ay rnatagal nang panahong may iniingatang sarna ng 100b k'iY RIZ~~.. 4 Sa katotohanan si Rizal ay surnu1at nga sa Plhpmas, gaya ng ipinakikila1a ng sulat bHang 344, Tomo 111 ng Epistola路rio.


654

pa'y nakatawag nang gayon na lamang ng aking kaloDban at minamahalaga ko ang tapang ni Lete sa pagtulig-sa sa akin nang gayon kalupit at kabangis, lalo't higit ang iplnamalas niyang katiyakan sa mga sinabi. N alulugod ako sa mga taong buo ang loob at handa sa lahat. Mabibigyan ninyo ako ng paliwanag, kung ibig ninyo; ipinaaaJaala ko lamang sa inyo na ang hakbang na inyong ginawa ay napakaselang at napakahalaga. Naghihinaw ako ng kamay. May inihanda akong isang IathaIajn para sa La 80lidaridad; ang paksa'y ang Borneo at ang pangingibangbayan doon, datapuwa't ngayo'y hindi ko na ipadadala. Ang Gobernador ng Borneo ay nagkaloob sa atin ng 100,000 akre, daungan, pamanlahaIa, at iba pa, nang walangbayad sa loob ng 999 taon. N ananabik akong makatanggap ng mga kasiya-siyang paliwanag sapagka't sa wari ko'y pumapasok tayo sa isang mapanganib na kalagayan. Laban sa aking kalooban ay pinapakJkiaIam ninyo akong muli sa politika~ at mapipilitan ako, sa mga al'aw na ito, na sumulat sa Maynila at sa iba pang pook upang mapangaIagaan ang pagkakapangkat-pa11lgkat. Sa bawa't sandali'y laIo't Ialo akong napapanibulos na nang sulatin ni Lete ang Iathalain ay naging pabigla-bigla siya at ikaw nama'y napatangay. Kaibigan 0 kaaway, kung ang lathalain ay makapipinsala sa akin ay lalong rnak2,pipinsala sa rnga kapakanan ng Pilipinas. Gayunula'y sino ang rnakapagsasabi, kung sa kabila ng lahat ay Ialabas na isang kabutihan; iyo'y nakapukaw sa akin, at pagkatapos ng matagal na di-pag-irnik, ay rnuling lumalahok ako sa pakikipaglaban. At dito'y inuulit kong tiyakin sa iYfJ: nakikilahok ako sa labanan datapuwa't hindi ako haha-:wak ng sandata laban sa iyo ni laban sa kaninurnang pilipino, pasisiglahin ko uli ang pagpapalaganap at pagtitibayin ang Liga. Maaari rnong basahin ang sulat na ito kay Lete at sabihin rno sa kanyang, sa lalong rnasamang pangyayari, ay ipalalagay ko ang kanyang artikulo na isang paghihinga laJnang ng kanyang sarna ng loob. Sumasaiyo, RIZAL


65l?

Ipinababatid kong sa nasabing lathalain, ay ipinagsumbong ang kanyang sarili ni Edilberto Leporel at ipinagtapat ang inyong balak na panghihimagsik, at tila ninanais Iamang ngayon ang isang balabal ng asimilis1no (pakikiwangis) upang maihandang mabuti ang panghihimagsik. Ito'y nakapagpapaakala sa aking hindi niya angking Iahat nang sulatin ang Iathalain; bakit sinabi ito? Bakit ipagbibili ang kanyang sarili, gayong wala namang bumibili? 313.

Paliwanag na Jbinigay ni Lete Tungkol sa Kanyang Lathalain

Itinatanggi ni Leteng tinuligsa niya si Rizal.Hindi ito ang uri ng taong pinipintasan sa kanyang lathalain.-Inilarawan niya ang mapangarapin sa La Solidaridad, sa utos ni Plaridel."Isang uri ng mapanghimaksik na map angarapin na walfJ,ng mga kaparaanang maisasagawa sa pagkHos" ay makapipinsala sa layunin sa Madrid.

(Mga paIiwanag ni Lete sa sinundang sulat ni Rizal) Ang sulat na ito'y karapat-dapat sa isang mahaba at masusing paIiwanag upang isaysay ang mga pangyayari buhat sa mula't mula pa, bagay na makapagpapaliwanag nang walang malaking hirap sa nilalaman ng nasabing sulat. May paghihinalang minamalas naming mga namamatnugot sa Madrid ng pakikipaglab8,ng politiko S'1 isang paraang mahinahon at hindi lumalabas sa mga k8paraanang ipinahihintulot ng mga pangyayari, maging sa sinapupunan ng Kapisanang Kastila-Pilipino, ma~ ging sa Lohiyang Solidaridad . at sa Pahayagan na ring Solidaridad, dahil sa takot sa ibubunga nitong kapinsalaan, ang karahasan ng ilan sa ating mga kasama, na ~a wari'y mga kasang-ayon ng mga taong maiinit ang dugo, mga mapanghimagsik, kabilang na sa mga ito anf5 kailan ma'y hindi sap at na papurihang si Lopez Jaen~; at upang mapaglabanan kahit bahagya ang gayong hlIig na hindi namin inaakalang tumpak na isiwalat sa madla sa Iuklukan pa naman ng Pamahalaan sa Madrid, ang Patnugot ng Soli, si Marcelo H. del Pilar, ang


656

kataastaasang talino, ang kalamigan na rin ng loob, ang kahinahunang nagkatawang-tao, ang maningning na diplomatiko, ang politikong matayog ang Jipad, ang taong malaki ang puso, ang kaibigang tap at, ang martir na pinabayaan at namatay sa karalitaan, na nagpakasakit ng kanyang buhay sa dambana ng Bayang Tinubuan, siya rin at sa kanyang sariling bibig na ang nagbilin sa akin ng pagsulat ng akdang pinamagatang "Ang Mapangarapin" (Iluso) na nalathala sa isa sa mga bilang ng La Solidaridad. Ipinaliwanag sa akin ang kanyang' nais, itinagubilin sa aking papangibabawin ang pagiging katawa-tawa niyon (gaya ng ginawa ko sa ibang akdang may gayon ding uri sa pagtatanggol kay Blumentritt, na isinuplong ng kinapopootang si Retana sa Pamahalaang Kastila) at gayon nga ang aking ginawa, sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang uri ng mapanghimagsik na mapangarapin at walang mga pamamaraang nagagawa sa pagkilos, nang di man sumagi sa aming isip ang anyo ng sinumang taong buhay, at gayoll nga ang aming sinabi kapagdaka sa mga liham na ipinadala, at iyon ay isinusumpa namin ni Marcelo sa ngalan ng aming karangalan. Samakatuwid, 2.ng sulat na itong aking ipinaliliwanag, ay nawalan ng bisa buhat sa sandaling ang nagmungkahi na rin ng akdang iyon, na hindi maaaring pag-alinlanganan ninnman ang marqngal niyang salita, ay nagsabi nang tiyakan at walang paliguy-ligoy na iyon ay hindi totoo. At sukat na iyon, upang malcapagpaliwanag. Hindi ba lahat kami'y nakaaalam na si Rizal ay hindi nagpahayag kailanman ng anumang kaisipang mapakahuhuluganan ng dahas? Maipararatang ba namin sa kanya ang bagay na ito? Paanong matutuligsa namin siya, gayong nakikilala namin siyang lubos, minamahal siya ng buong giliw at walang kaparis at kaming tatlo'y hayagang gumawa ng iisang politika? Gayon din ang aking ipinahayag sa aking matalik na kaibigan (magiliw kaming nagtatawagang pinsan), na si Ariston Bautista noong ako'y padalhan niya buhat sa Paris ng ilang puna tungkol sa lathalaing hindi mabuti ang pagkakaunawa. Ang sulat na ito ni Rizal ay minsan pang nagpapahayag, sa isang paraang di mapupuwing, ng isang b9,gay na katutubo sa kanya at nagbibigay liwanag sa


657

kanyang kaluluwa bilang isang puno, isang apostol, isang manunubos ng isang lantad na ulo ng pagbabangong-puri ng bayang tinubuan. Sapag-ka't sino ba ang nagkaloob sa kanya ng gayong tungkulin? Kailan ipinahayag ng bayan, sa gayong paraan, ang kalooban niya. Sino ang nagkaloob sa kanya ng mga sangkap ng kapangyarihan, na mahihinuha sa ayos at hawig ng kanyang sulat? Ang kanyang wani (genio), ang tadhana, at walang salang ang Diyos na rin. Sa isang paraan ay hindi maipaliliwanag ang kanyang pagtutol sa isang bagay na walang kinalaman ~a sinumang tao, sa isang bagay na hindi nginalanan, gawa itong sa malas ay malayung-malayo sa mga hayag niyang pamamaraan. Kami'y natubigang lubha sa kanyang suI at at dinaramdam namin ng buong kaluluwa ang kanyang kamalian, na karakarakang pinaparam namin; at inaakala kong, sa wakas, ay nagkapalad kaming matamo iyon, sang-ayon sa isangLsumunod na sulat na ipinadala niva kay Marcelo H. del Pilar. Sa kabutihang palad ay napapamalagi naming malinis ang aming budhi, at nananangan kami sa aming katahjmikang Ioob at sa ganap na karangalan ng aming Iayunin. At katakatakang pangyayari: walang sinuman sa mga mapangarapin (iluso), (marahil ay isa lamang) ang nag-akalang siya ang tinutukoy. Pagkatapos, ay mabilis na nagkasunud-sunod ang mga pangyayari; si Rizal ay umuwi sa Pilip in as, ipinatap on ; kinapos ng kuwalta ang La Solidaridad, noong taong 1895; sumidhi ang mga gawain sa mga lohiya at sa labas nito, hanggang sa isang pagk2.katuklas na hindi sinasadya at walang gaanong halaga, gawa ng pagkakasumbong ng isang babaing binulag ang pananampalataya ng prayleng pinagk~kum~isalan,. ~y su~al:)Qg nang hindi inaasahan ang Hllnagslkang IplnakahlI~lm足 lihim sa sinapupunan ng pagmamahal sa bayang tInuhuan, at sa pananabik sa kalayaan. lyon ang simula ng nabanggit na Iathalai?g buh::t sa udyok ng lalong mabuting hangarin nS' atIng dakllang politiko, at sa kasamaang palad ay plnakahuluga-


658

n an nang lisya ng ating bayaning pambansa. Kaya nga, upang parangalan ang maluwalhating alaala ng lalong bantog at lalong nagpakasakit sa ating mga. taong ta.nyag, ang paliwanag n'a ito'y nararapat makasama tuwina ng liham na aking ipinaliliwanag. Ang pagkamatay ng ating minanlaha1 na kasamang si Mariano Ponce, ay siyang umagaw sa atin ngayon ng tanging saksing lalong mapaniniwalaan. Isinasamo ko sa aking mga kababayang pilipino, na pinaghabilinang mag-ingat ng mga kayamanang ito, na kanilang marapating gawing panghabang-panahon ang nais na ito ng kaisa-isang nabubuhay sa tatlon,g taong taong iyon ng La. Solidaridad, na marahil ay hindi na rin magtatagal at magbabayad ng kanyang buwis sa kamatayan. EDUARDO DE LETE

Madrid, Hunyo, 314.

929.

Buhat k y DimasazLg (Rizal) para kay Teuluz * (Zulueta)

Idinaraing ang Iathalaing "Ang Mapangarapin" ni Lete

Hongkong Ika-24 ng Mayo, 1892 KAPATID N A TEULUZ [ZULUETA]

[Maynila, Pilipinas] Pagkatapos na punahin ni Rizal 1 ang isang lathalain ni Lete sa La Solidaridad na itinuturing niyang nakakadusta, at ang kapasiyaha'y ipinauubaya sa Lupon, ay nagpatuloy: "Minsan pang inuulit ko; hindi ko nauunawaan ang dahil ng tuligsa, sapagka't ang hinaharap ko ngayon ay ang paghahanda para sa ating mga lcababayan ng isang ligtas na matatakbuhan sakaling pag-usigin (ang kolonyang magsasaka sa Hilagang Borneo) at pagsulat ng Hang akda sa pagpapalaganap, na * Hango sa "Vida y Escritos del Dr, Rizal" ni Retana,

~ Ang sulat na ito'y may lagdang Dimasalang, isa sa mga sagisa~ m Rlzal.

.


659

kikit.a ng liwanag sa loob ng madalinp nanahon. 2 Anp' lathalain, tangi sa rito, ay lubhang lin~ad sa politika nakapipinsala Ra Pilipinas. Bakit sinabing ang kaunaunahang. bagay na kinakaiIangan natin ay magkaroon ng salapl? Ang nalalaman na ay hindi na isinisiwalat at hindi nHalabhan ang maruming d::tmit sa harap ng madla. Binabati ko biIang kapatid ang lahat. MagiIiw na sumasainyo, ~

at

DIMASALANG (JOSE RIZAL)

315.

Buhat kay Graciano Jaena para kay Rizal

Tarhetang pangkoreo ni Rizal buhat sa Borneo.Mga pagbati dahil sa pagkakatatag ng kolonyang pilip路i no.-Ninanais paroon ni Jaena at magtanim ng tubo.

Barselona Ika-26 !lg Mayo, 1892 GINOONG JOSE RrzAL MINAMAHAL KONG RrZAL:

Tinanggap ko ang iyon . tarhetang pangkoreong ipinadala buhat sa Borneo. Binabati kita sa pagkakatamo ng mga layuning naghatid sa iyo riyan, at binatati ka rin ng kolonyang Pilipino at gayon din ako; lahat ay natutuwa at bumabati sa iyo dahil sa balak na pagtatatag diyan ng isang bagong kolonya, isang bayan ng mga Pilipino, na siyang batayang- panggagalingan pagkatapos ng katubusan ng ating Kapuluan. Malaki ang pagnanasa kong makapiling mo riyan; ipaghanda mo ako ng isang lupang mapagtatamnan ng tubo, sapagka't ako'y paririyan kapag ako'y pinagsabihan mo, upang harapin ang pagtatanim ng tubo at paggawa ng asukal. Balitaan mo ako ng iba't ibang bagay na dapat kong malaman. Ang kolonya sa Madrid ay lalo pang masama kaysa 2 Hindi maubus-isipin ni Rizal kung bakit gayong' wala naman siyang ipinakitang dahilan, bagkus walang ginagawa kundi ang paghahanda ng bayan-bayananQ: "':lagsasaka sa !30;-neo, hindi n:: .siya m;kikialam sa ginagawang pakiklpag}aban at Ito y lubos. na lpll~a.e;katl\,:al~ kina del Pilar at Lete npang lpagpatuloy ang kamlang pohtJka, hmdI nga niya makuro kung bakit siya'y tinutuligsa. Hindi, siya tumu~ut?l sa gayong pagtuligf;a kung laban lamang RlJ. k::nya,. kundl bukon s~ P.to y ipinalalagay niyang hindi nababagay at kaslra-slra para sa Plhpmas


660

dati, sang-ayon sa ibinalita sa akin ni Mor~yta: ang lahat-lahat, humigit-kurnulang ay lulung na lulung sa... at sa sugal. Aandap-andap ang buhay ng "La Solidari路路 dad" at naghihirap sa pagpapalirnbag. Hinihintay ko ang iyong babala at utos upang ako'y makalipat diyan. Mga kurnusta sa iyong kaanak at mga kapatid. Ang kaibigan mong nagpapasalamat, GRACIANO

.!f16.

Buhat kay A. Bautista para kay Rizal

Dapat siyang plVdalhan ni Rizal ng mga "aral para sa mabuting pamamahala alang-alang sa ating mga mithiin".

(Tarhetang pangkoreo) Plaza Santa Krus 10, o Baer Senior et Co., Maynila, Saigon, 1ka-31 ng Mayo, 1892

J. M. BASA iabot kay G. J.

GINOONG Up~.ng

RIZAL

HONGKONG

MAHAL KONG PEPE:

Apat na araw na ako ritong inip na inip at sa halagang 3 duro isang araw; kami'y nag-aabutan ng kamay at buong pusong dinararndam kong hindi kita makarnayan sapagka't ako'y nagInamadali. Ibig kong makarating agad sa Maynila upang mamalas kung ano ang nangyayari sa aking kaanak. Huwag na di rno ako padalhan ng rnga aral para sa mabuting kaayusan ng parnahalaan diyan alang-alang sa ating rnga rnithiin. 1bati mo ako sa iyong kaanak at kay Mang Paciano, at tanggapin rno ang isang mahigpit na yakap ng iyong lag-ing si

A.

BAUTISTA


661 317. BuTtat kay Rizal para kay Mariano Ponce

*

Mabuting balak ang tungkol sa isang palimbagang tagalog.-Mapakakalat agad ang tanang binabalak natin-Ang kinakailangan ay tapang, katibayan ng loob at sipag.

2 Rednaxele Terrace, Hongkong Ika-15 ng Hunyo, 1892 GINOONG IV[ARIANO PONCE l Madrid] PILING KAIBIGAN: Sa tinangap kong suI at mo ng ika 18 ng Mayol ay nababatid ko ang mabuti mong nasa at nakikita ko na di mo ako nalilimot. Ang mga kamag-anak ko at magulang ay nagpapa路路 salamat sa iyong alaala at gumaganti sa iyong lubos. Kung ang balita kong kayo'y mauuwi ay tunay, tila man din di masamang isipin mo kung makapagbabangon ka ng isang Limbagang tagalog2 sa pagkat totoo nating kailangan. Limbagan ang kailangan natin sa Pilip in as na makapagkalat agad ng anomang ibig, anomang balita. Akala ko'y ikaw ay isa sa mga iilang makakagawa ng ganitong b.agay. Kailanga'y tapang, loob at sipag; isang limbagang maliit at daladalahan, at isang limbagang malaki na pamukha Sf!. tindahan. May gawa na kaming natapus dini. 3 Ito na lamang at laging tUlnatalaga sa bala mongo iutos. Ang kababayan at kaibigan, RIZAL :芦 Tagalog ang sulat at di namin binago munti man.

W 5!.!;;. :;a Eptstolario ang binabanggit na sulat kay Ponce nang' ika18 ng Mayo. Inaa~ala naming ito'y isang kamali::m at marahil ay tumutukoy si Rizal sa sulat bilang' 308 noong ika-ll ng Mayo. 2 Ang balak na itong pagtatayo ng isang limbagan ay iminung路kahi rin kay G. Jose Maria Basa. 3Ibinalita ni Rizal kay Ponce na siya'y may ilang gawaing natapos na; marahil ay nauukol ito sa ilang artikulong' sinulat at inilathala sa Hongkong g'aya ng "balak na pagtatatag ng bayan-bayanan ng mga pilipino s~ British North Borneo." Tumutukoy din sa pagdalaw sa Victoria Gaol at iba pa, gayundin sa mga alituntunin at patakaran ng "Liga Filipina." Natapos din niya ang tungkol sa mga kaparaanan at batayan ng paninirahan sa Borneo, paninirahang sinang-ayunan ng Gobernador sa Borneo sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga pilipino ng sandaang libong akre ng lupa, daungan, pamahalaan at iba pa, na pawang walang bayad, sa loob ng 999 taon. 1


662

318. Buhat kay Rizal para kay Marcelo H. del Pilar HAng pagkakatuligsa sa akin sa Loa ~olidal"idad . . . ito'y nangangahulugan ng pagtahkod ng Loa 80lidaridad sa mga huling araw nito sa mga simulain niya" .-"Inaakalang lalo tayong pakikinabangan sa ibang bayan, na para bagang ang maysakit ay lalong madaling gagaling kung malayo sa kanya ang manggamot at ang gamot."

Hongkong Ika-15 ng Hunyo, 1892 GINOONG MARCELO DEL PILAR [MADRID] MINAMAHAL KONG KAIBIGAN: Nama~as ko sa sulat mo nang ika-10 ng Mayol na ayaw mong panagutan ang lathalaing inilabas ni Lete~ na tumutuligsa sa akin. Marahil ay nagkakamali ako, bagay na ikatutuwa ko nang gayon na lamang, sapagka~ t magiging malaking puwang ang nabuksan sa kaaway, yamang ang pagkakatuligsa sa akin sa La Solida,路 ridad ay halos katumbas ng pagtatakwil ng La Solidar-i路 dad, sa mga huling araw na ito, ng mga simulain niya~ at sakaling iyon man ay ginagawa ng mga pahayagang kastila, na nagbabalitaktakan at nagtutuligsaan sa kani-kanilang sarili, ay hindi natin dapat gawin ang gayon. Datapuwa't lalo mong nawawatasan kaysa akin ang iyong ginagawa. Napapansin ko lamang na tila gawa ng musmos ang ipahayag sa buong daigdig na upang makagawa ng mga paghihimagsik ay kinakailangan ang mga sandata, mga sasakyang-dagat at salapi; iya'y jsang pagkakatuklas na kung hindi man napakatanda na, ay ginagawa naman sa maraming dako ng daigdig na hindi gaanong mulat. Maaaring makapagdahilan ang kaibigang Lete sa pagsasabi sa atin ng gayong balita, bagaman inakala niya marahil na lalo akong mangmang, lniong walang muwang at la]ong mapaniwalain kaysa sariling katayuan ko. Ikinagagalak ko ang iyong sinasabi sa akin na ~a Pilip in as ay lalo kang pakikinabangan: hindi ko itinatanggi ang mga paglilingkod na ginagawa mo riyan 1 Wala ang Bulat na ito ni del Pilar nang ika-l0 ng Mayo, maging sa Epistolwrio at maging sa mga sulat ni del Pilar.


663

at ikaw ang sa nglayo'y tanging makagagawa ng gayong paglilingkod, datapuwa't dahil sa kabirapang makarating sa Maynila ang La Solidaridad, ang mga pagsisikap mo'y natatayong. Isang paniwala iyang tinatanggap ng marami sa ating mga kababayan at sinasabing tayo raw ay lalong pinakikinabangan 0 lalong pakikinabangan' sa ibang bansa kaysa sariling lnpa: kapag nap::tt)tohanan nilang ang maysakit ay lalong madaling guo maling kung malayo ang manggagamot at ang gamot, ay saka ko paniniwalaan iyon. Sinabi ni Cavour na hindi nakapaglihngkod sa labas ng bayang tjnubuan kundi sa loob niyan. N akatagpo ako ng mahigpit na pagtutol sa aking pag-uwi. 2 Ako man ay nahahandang makipagkasundo sa lahat at lahat, at gayon nga ang aking ipinahayag sa Lupon, na ang isinagot sa akFy magbigay ako ng mga paliwanag; sapagka't sumagot ako nang n1ay kainitan, ang Lupo'y hindi na sumulat sa akin.3 Marahil ay utang din sa pagkakaiba ng ating paningin, sapagka't nauunawa kong narara'pat tayong Inanghawak sa ibang politika at ibang mga simulain. Sumulat na ak sa Maynila at sinabi kong huwag magpasiya ng anuman hanggang hindi mo ako sinnsulatan tungkol sa artikulo ni Lete; hangga ngayon ay , hindi pa ako sinasagot. 4 Ninanais kong makita ka sa Maynila 0 dito upang tayo'y magkaunawaan at manumbalik tayo sa dating 2 Ang sulat na ito na siyang ikalawa sa kanyang ipinadala kay del Pilar hinggil sa suI iran in ng artikulo ni Lete ay tila sinulat nang mga araw at mga sandaling , pinag-iisip-isip ni Rizal ang balak na pag-uwi sa Pilipinas sa ibabaw ng mahigpit tla pagtutol ng kanyang' mga kaibigan at mga kamag-anak sa Pllipinas, at gayundin ng kanyang mga magulang at mg'a kapatid na kasama niyang tumitira sa Hongkong. Sinulat ito limang araw muna bago gawin ang mga nakapinid n a sulat na patungkol "Sa kanyang mga magulang at mga kapatid at kaibigan", at "Sa kanyang mga Kababayan" na karaniwan nang kinikilala sa pamagat na Testamento Politiko 0 huling pati sa politika; at pito 0 walong araw muna bago siya umalis sa Hongkong na patungong Maynila upang, ang wika nga'y sumuong siya sa bun ganga ng pating. 3 Si Rizal, ayon sa kanyang sulat ay nahahandang makipagkasundo sa lahat-Iahat, nguni't ibig niyang makipag-unawaan muna kay del Pilar na pinaghihintayan niya ng sagot sa kanyang mg?> suI at. Sinasabi ni Rizal sa sulat na ito na ang Lupon ay hir.di na sumusulat sa kanya. Dapat isaalang-alang na ang karamihan sa mga kagawad ng "Comite de Propaganda" ay mga kakampi ni del Pilar. 4 Si del Pilar ay sumulat tungkol sa artikulo ni Lete nang ika-20 ng Hulyo, nguni't hindi mapag-aalinlanganang ang sulat na nasabi'y hindi natangg'ap ni Rizal.


664

pagpapalagayan. Umaasa akong kapag nalabas ka sa ganyang kapaligiran, at nagkaharap tayo ay magkakaunawaan tayo.5 N agpapasalamat sa iyo ang aking mga magulang sa iyong mga alaala, gayon din ang aking kapatid na lalaki. Binabati ka ng kolonya. Sumasaiyo, RIZAL

319.

Buhat kay Timoteo Paez para kay Rizal

Maynil9-; Ika-19 ng Hunyo, 1892 GINOONG JOSE RIZAL MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Tinanggap ko ang sulat ninyo nang ika-24 ng Mayong nagdaan, na may lamang isa pang sulat para kay Moy. Dito'y napag-alaman ko kung ano ang nangyari sa inyo, sapagka't matagal na akong hindi nakakatanggap ng La Solidaridad. Pagkaraan ng dalawang araw na pagkakabigay ko ng sulat kay Moy, nabalitaan ko kay M. Espaiiol na marami raw ang nagagalit kay Pilar, pati si Ginoong Cortez, dahil sa pagkakapahintulot na ilabas ang nasabing lathalain, at sinabi sa akin ni Espaiiol na kapag dumating ang bilang na kinaroroonan ng lathalain ay hindi raw niya ipamamahagi, sapagka't walang salang magiging kamatayan ng propaganda. Matagal na hindi ako nakasulat ~a inyo sanhi sa karamihan ng gawain ko ngayon; bukod Ra tanggapang 5 Ayon sa malas, sin a Rizal at del Pilar ay hindi pa nagkakaunawaan tungkol sa artikulo ni Lete hanggang sa petsang ito, nang mga sandaling si Rizal ay papauwi na sa Pilipinas; mapagmamalas din sa sulat na ito na si del Pilar ay hindi man lamang sumagot sa unang sulat ni Rizal (bilang 311) at sumagot lamang sa sulat na itong 317 sa pamamagitan ng kanyang sulat bilang 125 ng Epistola'rio ni M路 H. del Pilar Tomo 1) na may petsa 20 ng Hulyo 1892. Malaki ang pagaalinlangan namin na nakarating ang sui-at na ito ni del Pilar sa mga kamay ni Rizal, sapagka't ito'y dumating sa Maynila nang ika-26 ng Hunyo at nang ika-6 ng Hulyo ay dinakip at ikinulong sa Fuersa de Santiago. Sa katotohanan, si Rizal ay naipatapon na sa Dapitan (dito'y dumating siya nang ika-17 ng Hulyo) nang si del Pilar ay sumulat ng kanyang kasagutan kay Rizal, kaya't masasabi namin na ang suliraning ito nilang dalawa ay hindi nalunasan kailanman.


665

pjnapasukan ko araw-araw, ay mayroon pa akong isa para sa hapon hanggang ikawalo ng gabi, at dahil diu ~a mga bagay-bagay ng masoneriya ay kinakapos ako n.g panahon; kaya hanggang sa panganganak ng aking maybahay noong ika-20 ng Marsong nagdaan ay hindi ko naipagbigay-alam sa inyo kundi ipinagbilin ko na lamang sa aking bayaw na si Maning na ibalita sa inyo sakaling st1sulat siya sa inyo. Ingangalan namin sa inyong bagong lingkod na inihahandog 1m sa in yo buhat nang nasabing araw, ang i.nyong pangalan, yamang hindi ako nagkaroon ng karangalang kayo'y maging kumpare ko. Marahil ay ipagtataka ninyo na ang aking anak ay hindi pa nabibinyagan hangga ngayon. N oong unang o.raw ng Mayo ay nakahanda na kaming pabinyagan siya, datapuwa't sapul ng ar2.W na iyoJl ay inubo at hangga ngayon, na labingsiyam na araw na ang nagdaraan, ay patuloy pa rin ang sakit na iyon at hindi ko malaman kung ann ang aking gagawin. Ginamot siya ni Ginoong Zamora at ninais niyang tapalan ang liig ng isang uri ng kaustiko; yamang batang-bata pa, a5r hindi namin pinahintulutang gawin iyon, at upang huwag italampak sa kanyang huwag nang gamutin, ay pinabakunahan na la路路 mang namin, datapuwa't hindi rin lumaki. N gayon ay mabuti na, nguni't wala lamang tinig. Ang inyong bayaw at kaanak ay may ilang araw nang nagsilipat s~ daang Lacoste. Malaki ang isinulong ng masonerya .sa loob ng anim na buwang ito: at ang mga kasaping masigasig ay 120 hanggang 140 ang bilang, at nahahati sa 19 Tatsulok at 9 hanggang 11 Lohiya. Ngayo路y naaalaala kong kailangan kong padalhan gayo uli ng awit ni Baltazar, sapagkn't ang naipadala ko sa in yo ay kulang ng ilang dahon. Sa susunod na sasakyang-dagat 0 sa Don Juan ay padadalhan ko kayo, sa pamamagitan ng manggagamot na si Ginoong Ruiz. Hanggagn dito na lamang at ang aming mga al~路 ala sa inyong kaanak. Ang inyong kaibigan at lingkod. T. PAEZ


666 320. B-uhat kay Rizal para sa kanyang mga kababayan SA MGA PILIPINO:1

Walang pag-aalinlangang ang hakbang na aking ginawa 0 gagawin ay lubhang mapanganib, at hindi ko na kailangang sabihing yao'y inisip kong mabuti. N ababatid kong ito'y tinututulan ng lahat halos; datapuwa't nababatid ko rin naman, na halos walang sinum ang nakaaalam ng dinaramdam ng aking puso. Hindi ako maaaring mabuhay kapag nalalaman kong maraming nagtitiis nang walang matuwid na mga pag-uusig dahil sa akin; hindi ako maaaring mabuhay kung namamalas kong pinag-uusig na parang mga salarin ang aking mga kapatid at ang marami nilang mga kaanak; minamagaling ko pang sagasain ang kamatayan, at malugod na iaalay ang aking buhay upang mailigtas ang napakaraming walang-sala sa gayon kabuktot na paguusig. N atatanto kong ngayon, ang bahagi ng kapalaran sa hinaha "ap ng aking inang-bayan ay naaatang sa akin; na kapag ako'y patay na, ay maraming mag.tatagumpay at sa dahilang ito'y mal'ami ang nagmimithi ng aking kap nganyayaan. Nguni't ano ang gagawin? Higit sa lahat ay may mga tungkulin akong iniaatas ng aking budhi; may n1ga kautangan akong dapat gampanan para sa mga angkang nangagtitiis, para sa aking mga. matatandang magulang na ang mga huntunghininga'y naglalagos sa aking puso; nababatid kong ako lamang, kahit sa pamamagitan ng aking ka~路 matayan, ang makapagpapaligaya sa kanila, at makapagpapabalik sa kanila sa kanilang inang-bayan at sa katahimikan ng kanilang tahanan. Maliban sa aking mga magulang ay wala na akong iba pa; datapuwa't ang aking in an g-bayan ay marami pang mga anak na maaaring humalili sa akin at humahalili na nga nang may kalamangan sa akin. Bukod sa riyan ay ninanais ko rin namang ipa~ malas sa mga ayaw kumilala sa ating kagitingan na tayo'y marunong mamatay alang-alang sa ating tungkulin at sa ating pananalig. Ano na kung mamatay, kung mamamatay naman nang dahil sa iniibig, dahil Tingnan ang talang bHang (1) ng sulat bHang 319. Nang ilathala sulat ~a ito, u~a'Y ni Mabini at pagkatapos ay sa Epistolario ay malls ang lIang- parJrala at pangung-usap na nakalagay sa orihinal. 1

~ng.


667

sa inang-bayan, at dahil sa mga taong pinakamamahal? Kung nababatid kG lamang na ako ang tanging kinasasandigan ng politika sa Pilipinas, at kung ako lamang ay nananalig na gagamitin ng mga kababayan ko ang aking mga paglilingkod, marahil ay mag-aalinlangan ako sa paggawa ng hakbang na ito; datapuwa't mayroon pang ibang makahahalili sa akin, na humahalili na nga sa akin nang may kalamangan, at higit pa sa rito'y may mga nag-aakalang ako'y kalabisan na marahil at ang aking mga paglillngkod ay hindi gagamitin, sapagka't ayaw nila akong pakilusin. 2 Inibig kong lagi ang aking abang inang-bayan. at natitiyak kong siya'y aking iibjgin hanggang sa huling sandali, kahit na ang mga tao'y magwalang matuwid sa flkin; at ang aking hinaharap, ang 8.king buhay, ang aking mga kaligayahan, ay pawang ipinara kong lahat alang-alang sa pag-ibig ko sa kanya. Anuman ang maging kapalaran ~o ay mamamatay akong nagpapala sa kanya at nagmimtthi ng bukang-liwayway ng kanyang katubusan. I1athala ang mga Bulat na ito pag ako'y patay na. 3 JOSE RIZAL

Hongkong, ika-20 ng Hunyo, 1892. 2 Maliwanag na mapapansin dito na nang sulatin ni Rizal ang mga talatang ito ay nagdudurugo ang kanyang puso sanhi marahil sa mga kabiguang tinanggap niya sa ilang kababayan din niya. 3 Ang talataang ito ay maituturing na siyang kabuuan at kasaysa~ yan ng kanyang buong buhay.


668 321.

Bubat kay

J. Alejandro para kay Rizal

Si Abreu ay namatay sa sakit na pagkatuyo.Malungkot ,ang mamatay na bata pa at may magandang kinabukasan !-Pagpapahayag ng pighati ng mga propesor at mga kaibigan ng yumao.Pagtutumpa ng mga suliraning pilipino at mga panihala ni Rizal.-Tutulong sa pagpapalaganap ng El Filibusterismo. (Nasa-wikang pranses ang sulat)

Gante 9 Daang Hainant Ika-7 ng Hulyo, 1892 PIN AKAMAMAHAL KONG KAIBIGAN:

Tinanggap ko ang kahuli-hulihang sulat ninyo at pagdaka'y sumulat ako kay G. Valcke tungkol sa inyong bjlin. Sinagot ako nito, na noong ika-25 ng buwang na karaan, ay umQ,lis sa Amberes ang dalawang bultong ipinadala sa inyo na naglalaman ng lahat ng inyong ipinagbilin. Sa maliit na papel na ipinadala ko sa inyo ay natalastas ninyo marahil ang kapahamakang kararanas pa lamang namin. Si Ginoong Abreu ay namatay sa loob ng madaling panahon, sinawi ng sigam (tisis) na ma.daling makautas, at lahat ng pag-aalagang ipinagkalooh l1amin sa kanya'y nawalan ng kabuluhan. Kailanma'y hindi ko inakalang ang munting pagsama-sama ng katawang idinaraing niya noong una, ay hahantong sa kamatayan . . Sa aklng huling suI at ay sinabi ko sa inyong ang sakit niya'y hindi sukat ikabalisa, at noong sabihin sa akin ng manggagamot na malubha ang kanyang sakit ay hindi ako makapaniwala. Hindi ako nagkapanahon, halos, na makapagpahatid kawad sa kanyang -kahabagh abag na kaanak. N amatay siyang katulad ng kanyang pagkabuhay, alalaong baga'y payapa ang loob at kaibig-ibig. Hanggang sa mga kahuli-hulihang saglit ay hindi pinanawan ng liwanag ng pag-iisip, binabanggit ang paglalakbay na binabalak gawin sa pag-uwi sa ating bayan. Datapuwa't kinitil siya ng kamatayan sa pa5'sasagawa ng gayong masasayang panukala! Para sa lahat, ang pagkamatay ng isang kaibigang 4


669

gaya ni Abreu ay malupit, sapagka't mahirap makatagpo ng isang binatang kasinsaya at mapagpaun1ak rl2. gaya niya. Sa katunayan ay ma1ungkot na ta1aga ang mamatay nang gayon kabata, na may isang marikit 2.t nakangiting kinabukasan! Hindi ko kayang isipin ang sakit ng loob ng mga sawimpa1ad na magulang niya sa pagkatanggap ng gayong balita. Datapuwa't bagaman siya'y namatay nang ma1ayo sa mga kamag-anak. ay naligid naman siya ng pagaalaga ng lahat, lalung-1alo na ni Madame na hindi lumayo sa kanyan.p; u1unan sa buong panahon ng pagkakasakit niya. Sinu1atan ko na ang kanyang mga magulang tungko1 sa mga pag-aa1aga nl Mada?ne, upan~' makapagpasatamat sila. Ang rektor, and ispektor at 1ahat ng mga propesOl' na makaka1ayaan ay sumama sa kanyang libing sa libingang-bayan~ sapagka't ayaw siyang magbigay kahit isang kuwa1ta sa mga pari. Ang mga mag-aara1 na t;::.ga-ibang baya ay naging mairugin sa amin at nangagpadala ng napakagagandang korona, kaya ang k8.baong niya'y natakpan halos ng mga bu1ak1ak. Ang laso na nakatali sa kabaong ay hinawaka~l ng apat na mag-aaral na taga-ibang lupa, na kumatawan sa kani-kanilang bansa. Kahit umuulan noon, ay ayaw silang sumakay sa mga karwahe upang huwag maiwan ang bangkay. Sa sandaling ito, ang mga Inay-ari ng bahay ay nagharap pa sa akin ng ulat na pagbabayaran, pagkabili ng isang bagong kama, at maraming iba pa, nn umaabot sa 500 prangko, kasama na ang mga paÂŁ];aalagang iniukol kay G. Abreu. Sinulatan ako ng aking ama tungkol sa takbo ng :Iting mga suliranin at ipinaalam ko na sa kanya ang mga balak at pa1apalagay ninyo. Bagay sa ika1awang pagpapalimbag ng iy~ng katha, ay gagawa ako ng mga hakbang sa sandahng matapos ang mga pagsusulit, sapagka't sa mga ar:aw na ito'y abalang-aba1a ako, la10 na kung aalagataln ang pagkawala ng maraming panahon dahil sa pagkakasakit at pagkamatay ng ating tinatangisang Abreu. Ang mga pagsusulit ay idaraos sa loob ng sampung araw at sa wari ko'y tanging ako lamang ang haharap sa-


670

pagka't ang mga iba raw ay sa Setyembre pa magsu路 sulit. lpinakikiusap 1m sa inyong iharap ang aking mga pagbati sa inyong kaanak, gaya rin sa iba pang mga kababayan. Tanggapin ninyo ang isang mahigpit na pakikikamay ni J. ALF.JANDRINO 322.

Buhat kay Eduardo Lete para kay Rizal

Nagtataka si Lete kung bakit inaakala ni Rizal na siya ang tinutukoy sa lathalaing mapanudyo.Hindi si Rizal ang Quixoteng mapanghimagsik na nilalabanan niya.-Si Rizal ay "hindi isa sa mga nag-aakalang sa pamamagitan ng isang bagay na walang kabuluhan ay makag,agawa ng isang kilusan." GrNOONG JOSE RI~A.L

Madrid, lka-20 ng Hulyo, 1892

MIN AMAHAL KONG PBPE:

Ako'y nalilito a iba't ibang sulat mong nabasa ko tungkol sa kulang-palad na artikulo ko nang ika-15 ng nakaraang Abril. Tunay na dinaramdam ko ang pangyayaring ipinagpapatuloy mo ang mga kaparaanang hindi naaayon sa mabuting pakikipagkaibigan. Kung 5.pinalalagay mong ikaw ay inalipusta$ bakit hindi ako !lng iyong sulatan, akong maykatha ng 1athalain, at hjndi iyang sumusulat ka sa lahat ng tao maliban sa isang maaa-ring makapagpaliwanag sa iyo ng kanyang l\aisipang sarili. lyon ba'y paghamak? lyon ba'y poot? Hindi ko ninanais umisip ng gayong mga bagay na napakala1aki kapag ang kinauukulan ay ikaw, na isang" taong nagpapalagay sa sariling mapagdilidili at hindi. napadadala sa damdaming humigit kumulang ay nakasasama ng 1oob. Sa anu't anuma'y hindi ko babaguhin, dahil doon, ang aking mga tika, ni hindi ko inaaka1ang nabawasan ang pag-ibig sa sarili sa pakikipagsu1atan ko sa iyo; hindi ko pinapansin iyon kapag ikaw ang pinag-uusapan; gayon din, sapagka't ikaw ay aking nakikilala. Sumusu1at ka kay Pilar, kay Ponce, kay Rojas, kay Reyes at aywan ko ba kung kani-kanino pa, at hindi ka nakapag-aba1ang sumu1at sa akin ng apat na kataga.


671

Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ano ba mayroon ka? Anu-ano ang iyong mga idinaraing? Ano ang pinanghahawakan ng iyong mga pagkaligalig? Bakit ikaw ang nararapat na maging tudlaan ng lathalain? Malungkot na tungku~in ang sa akin na hindi ako makagagawn ng anumang bagay nang hindi ikaw ang tinutukoy! Kahalak-halak ito! Bakit walang nagpalagay na nasaktan maliban na lamang sa iyo? Dahil ba sa ang mga kaparaanan mo'y siyang nalalarawan sa Iathalain? Ikaw ba'y isang taong walang kabaitan? Ikaw ba'y isa sa mga taong naniniwalang sa isang bagay na wa路 lang kabuluhan ay makagagawa ng isang kilusan? Ikaw ba'y isa sa mga naniniwalang ang pagmamahal sa buyan ay makagagawa ng Iahat at lahat? Hindi ba? Kung gayo'y bakit ka nasasaktan ng gayon na Iamang? 00 ba? Kung gayo'y ano ang kasalanan ko kung sa di ko kinukusang tukuyin ka ay ikaw na rin ang mag-akalang ~iya kong tinutUkoy? Kinakailagang huwag mag-padaIus-dalos sa pagha,tol sa isang suliranin. Datapuwa't bago ako magpatulo~ ay pagal[t na itinatakwil ko ang isang pahiwatig Ino aywan k kung kay Reyes, na ang artikulo'y sinulat sa udyok ng galit dahil sa sinasabing inaalis mo sa amin ang tinapay. Kai1anma'y hindi namin ipinagpahuli sa aming sariling kapakanan ang Ialong dakilang mga kapakanan ng bayan; gumagawa kaming taglay ang buong kaalamang ang ginagawa nami'y isang kabutihan, pinapatnubayan ng lalong mabuting kalooban, nang hindi iniisip na ang aming tinapay ay inaagaw ng iba, yamang ito, sa wakas, ay walang kabuluhan. Hindi ba't bawa't isa sa atin ay may kanikanyang bahay sa Pilipinas na matitirhan nang maginhawa, humigit kumulang? Hindi ba tayo marunong gumawa upang kumita ng ikabubuhay? Hindi kami tumutuligsa sa anumang kaisipan sapagka't inaalaala namin ang aming kakanin at Ialong hindi sumagi sa aming tumuligsa sa kaninumang tao dahil sa aming kakanin. Lalong makapangyarihan ang aming pakikipagkaibigan at ang aming damdaming makabayan kaysa aming tiyan. Tangi sa rito, sino ba ang nagsabing ikaw ang sanhi kung bakit ang Soli ay kinakapos ng kuwalta? Sino ang nagsabi sa aming ikaw ay siyang nag-aalis sa amin ng anumang bagay? Ang iyong mga walang katapusang paghihinala ay siyang nakapagpapamalas


672

sa iyo ng mga anino kahit wala ng mga iyon, at naghahanap ku ng mga katuwiran nang hindi iniisip na ang ilan sa mga iyon ay maaaring makapinsala saamino Isipin natin ang mga pangyay~ri. Kung diya'y may isang taong sumisira sa. kapayapaan, siya'y nakikilala naming mabuti; iyan ay hindi ikaw. Umaabot sa a:nin ang mga balita tungkol sa ~gos ng pagkaka< 8alllngatan at kagalitan hinggil ~,a pamamaraan, tungkol sa paghiwalay, tungkol sa mga pangkatin, tungkol fia pagkapatay-pag-asang sapat makasira sa lahat ng nalakad na sa landas ng kalayaan. Ang mga palaasa o sa lalong mabuting sabi ang mga mahinahon, na nagsisisang-ayon, ngalanan mo sila kung ana ang iyong minamarapat itawag, ay nahihilig sa pag-iingat, sa pagpapatuloy ng gawaing tinatapos namin dito, habang iginagayak naman ang iba, ang lalong masaklaw, na lalong tiyak ang tagumpay; ang mga patay-pag-asa, ang mga mapag-atubili, ay tumatakwH ~:;a lahat ng uri ng gawaing hayag sa madIa, ang pahayagan para sa kanila'y walang kabuluhan, qt lahat na ng ginagawa sa paghingi ng ika usulong; ang tanging makapagliligtas ay ang lakas, ayon sa kanila; talikdan natin ang ugaling makakapayapaan at pumagitna tayo sa larangan ng pakikipagbaka, lyon ang kG!lagayan ng mga damdamin nang isilid sa isip ko ng Patnugot ang artikulo at iutos na sulatin iyon. Ang mga palaasa sa aking lathalain ay siyang tumututol sa mga patay-pagasa na siyang gumagawa ng kabaliwang isuko ang sa:dli. lyan ang tunay na kalagayan ng ating larangan, nang ako'y dumating at sabihin ko sa mga di-mapaniwalain: Ang inyong mga kuru-kuro ay nakahahalina sa akin, at iyon din ang aking palagay. Datapuwa't may mga kagamitan ba kayo upang makipaglaban? Pinagsikapan ba ninyo ang paghahanda ng mga iyon? N aihanda na ba ninyo ang inyong uurungan yamang hindi ninyo inihanda ang pananalo? Sapat na ba upang magwagi ang pakamahalin ang lupang tinubuan? Hindi ba ninyo inaakalang habang hindi tayo makasusubr路 nang may kalamangang manalo, ay nararapat tayong magkunwaring mga nakikiwangis sa mga kastila sa Pilipinas, 0 mga mahilig sa maaaring mangyari 0 mapagsamantala, alinman ang inyong ninanais, at makapagtamo para sa mga kababayan natin ng isang lunas


673

fla kanilang mga hirap, 0 kaya'y batbatin man lamang ~i.l~ ng katwiran upang huwag silang maparatangan kaIlan man na nawalan nito? Na ang pahayagan ay walang nagagawa? Basahin ninyo ang mga pahayagan sa Maynila at mamamalas ninyong hinihingi nila ngayon yaong noong una'y tayo lamang ang humihingi: 3!1g'mga kinatawan. Sa wakas, ay lumitaw ako, upang sabihin sa kanila: bakit? kailan? at ana ang kakasangkapanin? Samantalang inihahanda natin ang ibang bagay, ay maghahalukipkip na ba lamang tayo ng kamay? Itatapon ba natin sa bintana ang nagawa at natamo na? Upang makipagbaka'v kinakailangan ang; higit pa sa kagitingan, ang sinabi ko noon. Datapuwa't ginoo, sa ang aking kaisipa'y naipaliliwanag sa pamamao'itan lamang ng dalawang katagang napapaloob sa artikulo: Anverso at Reverso, (karayagan at kabaligtaran). Kung ang kabaligtarang ito ay siyang nagbibigay ng sukat ng aking kabutihang loob, ng aking mga damdarning makabayan at ng aking mga pamamalakad. Ano pa! Kung ang pakay ng artikulong ivan ay humambalos sa mga kaisipan ng mga nagpapalagav na sa pamamagitan ng mga pakapus-kapos na kagamitan ay magagawa ang lahat at lahat; kung ang 1athalaing iyall ay isang panawagan sa pagdidilidili upang gumawa na taglay ang buong pagmumuni-muni; sa biglang turing ay buhat sa malinis na hangan na mapagsamasarna ang mga sangkap na kinakailangan sa pagtatanggol, itungod ang n1ga 1ayunin sa mithiin ng lahat, sa pagsasamantala sa lahat ng magagamit, lahat ng 1?g~ halak na pinag8arna-sama nang wa1ang anumang h1nd~. isinasali; iyon ay, paano bang rnasasabi nang lalontS mahuti? isang pagsisikap na huwag mapasa-panganib ang tagumpay ng mga balak alang-alang sa ikatatamo ng layunin ng lahat. Bakit ipalalagay mong ikaw ay inn}Jasala, gayong wala namang nalalaban sa iyo? Bakit ka tutuligsain, sa nalalaman naming iniwan mo nang n1alaya ang larangan, avon din sa sabi mo? Kung 5kaw ang talagang tinutuligsa, bakit hindi ko gagawin nang barapan? Sa akala mo ba'y wala akong sapat na katapangan upang gumawa nang .tal~mpakan at buong pagtatapat? Ang ~a~h~n rnong Sl SnTIoun ay nags~~a路 bing ang mga hUrnlhl!1g1 ng rnga pagbabago ay lumlhnlang sa bayan; inaaka1a rno bang rnabuti sana ang


674

aming ginawa kung sa gayo'y ipinalagay naming kami'y hinamak? Ano pa nga ba! Kung ang aking bulalas na: At si Villailusa ay nanatiling alipin! ay siyang kalaguman ng aking mga paghihirap at mga sakit tungkol sa aking bayan. Paano ko nararapat gawin ang aking pagpapahayag ng pananalig upang huwag na muling pag-alinlanganan ang aking mga mabubuting hangarin? Hindi ko ipinangangalandakang ako'y nakagawa ng anumang pagkakatuklas, sapagka't ang sin a路路 sabi ko'y nasa-diwa ng lahat ng matitinong tao; datapuwa't paniwalaan mo ako, iyon ay ginawa ko para sa mga taong nagmamatigas sa kanilang mga kaisipan, at sa mga ito'y kinakailangang kapalan ang mga guhit at ang mga kulapol ng kulay upang mamalas nila, sa pamamagitan ng magaspang na pagkakaiba, na ang iban~ landas ang mabuti. N a ipinagbili ko ang aking sarili'l Maging gayon nawa sa mabuting aras; sa paano't paa:no man ay ginawa ko iyon nang walang bayad, palibhasa'y walang bUinibili. 'Sa ganyan, ang lahat ng tao'y nakaaalam kung alin ang; aking mga kaisipan at hindi ko ikinahihiyang ipahayag iyon sa balana na parang aking ipinagmamapuri, kasakdalang nakagalit ko ang isa sa aking mga kaanak. N a ako'y nararapt .. .. .. .. ..

(Sa sulat rna itong nasa-itaas ay kulang ang kahuli-hulihang pahina na maaaring nawaglit 路nang nasa-kamay pa ni Ginoong Ponce, kaya tang liham ay walang lagda ng kumatha; datapuwa't sa hugis ng titik at pagkakasulat, ay t路ila sulat nga ni Lete.)


675 323. Buhat kay M. H. del Pilar para kay Rizal Ikinalulungkot ang pagkakapatapon kay RizaI."Hindi magtatagal at ako'y susunod sa iyo, at tinrnan natin kung maihahasik natin ang binhi." Si Pi at Margall at ang mga Pilipinong nakatira sa Europa ay nagdaramdam din nang labis sa bagay na iyon.-Sang-ayon kay Del Pilar, ay hindi si Ri?;al anQ' ti1111hliQ:sa ni Lp+p. Tv()n av isanq- n~na颅 wagang pahiwatig sa pagdidilidiIi at sa tungkulin. -Pinaghahati-hati tayo ni Makiyabelo.

Madrid, Ika-20 ng Hulyo, 1892. GINOONG JOSE RIZAL MAYNILA MIN AMARAL KONG PEPE:

Dinamdam ko nang gayon na lamang ang balita ng kapaslangang ginawa sa iyo: mamabutihin ko pang aka ::"mg maging sawi kaysa lumunok ng g-anitong pagka-路 baIisang hindi magpatulog sa akin. Hindi magtatagal at susundan kita, at tingnan natin kung diyan sa pagdadalhan sa atin ay maihasik natin ang binhi at mapalaganap natin ang tanim. Nakikiramay ang mga Pilipinong nakatira sa Europa, pati na ni Pi at Margall at kaanak: nagkaroon ako ng mahahabang pakikipanayam sa nauna tungkol sa pangyayari; ibig na ibig niyang makatulong nang kahit bahagya, datapuwa't ang di-pag-kakaalam ng mg-a sanhing maaaring pinagmulan o nakapagbigay dahHan sa kapaslangan ay nagiging ~alabid sa paggawa ng dapat gawin. Wala sa Madrid si Don Miguel at namamahinga dahil sa tag-init, datapuwa't sinulDtan ko siva at humihingi ako ng- mga payo. Sa bawa't sandali'y hinihintay namin ang Pangalawang Kalihim ng Ministro de Ultramar na umalis din, nguni't babalik ag3.d. Tinanggap ko ang dalawang sulat mo, na nag]!llaman ng iyong paniniwalang ikaw ang siyang tinuhgsa sa La Solidaridad ng lathalain ni Lete nang ika-15 ng Abril. N amamali ka. Paanong mapahihfntulutan kong ikaw ay tuligsain niya gayong para sa akin ay 1pahaIaga ang iyong kabantugan? Paano, kung ~a kabl!~ ng lahat ng nang-yari sa atin (sa lalong mabuhng sabl y sa iyo), ay hindi 2.ko tumitigil sa paghahangad na mapa ..


676

nauH ang ating dating pagpapalagaYcm, sapagka't inaakala kong ang mumunting pagkakaiba ng ating mga pamamaraan ay hindi sapat na makasira ng pagkakaisa natin sa mg-a simulain, sa mga layunin, at sa mga damdamin? Paano, gayong ang aking paraan sa paggawa ay nasasalalay sa pagkakaisa, pagkakapatiran, pagpapaumanhinan at pagtutulungan ng mga nabubuklod ng iisang mithiin? Ano ang napala ko sa walang imik na paglunok ng rnga tuligsa, paglait at mga kapaitang tiniis ko sa maraming tao alang-alang sa ipagkakasundo? Inuulit kong narnamali ka. Natitiyak kong l'lang sulatin ni Lete ang lathalaing iyol1 ay hindi niya tjnangkang tukuyin ka at lalong hindi ang bagabagin ka. Ang inilarawan niya'y isang uri ng taong ang rnga parnamaraan ay lubos na kabaligtaran ng mga pamamaraan mo. Hindi rno itinatakwil ang mga pamamaraang nakatutulong at nakapaghahanda ng kaparaanan mo, ikaw na rill ang sa aki'y nagsabing paulit-ulit na: "sa atin ay wala nang nalalabing kaparaanang susubukin"; bakit ipalalagay mong ikaw ang nalalarawan ~a isang tauhang tumatakwil at sumisira sa lahat ng kaparaanan sa paghahanda? Kung gayon ang pagka kaakala ko sa iyo, ay sasapantahain kong ikaw ay aking inaba, at r..alalaman mo nang sa anumang bagay at sa kanino man ay hindi kita maaaring hamakin. May halaga 0 wala mang halaga ang aking mg3, salita, ay ibig kong itumpak ka sa usaping ito. Datapuwa't maniwala ka munang ang lathalain ni Lete ay udyok ng mga bali tang nanggaling sa Maynila nang mga araw na iyon, tungkol sa ma~ikap at lTIabisang pagsusumakit na ang layo'y sirain ang lahat ng ginagawa natin sa pagpapalaganap: sirain ang Soli, sirain ang lupon, sirain, sa wakas, ang lahat ng kaparaanan sa paghahanda ng mga kalutasan sa dakong huli, upang walang isipin kundi ang mga ito. Bagaman may masamang kalooban ang taong lihim na nCl,gpasimuno sa ki~ !usang ito, iyong mga sumusunod ay walang pagsalang gumagawang angkin ang mabuting kalooban, at nag :;l.akalang sila'y nakapagliling-kod sa kanilang bayan. Dahil diya'y inisip ni Lete na gumawa ng isang panawagan sa paghuhunus-dili, at ang lunas na kanyang ginamit ay hindi ang apiyan kundi ang pamaso. Ngu~ ni't paniwalaan mo ako; hindi niya binalak na tuku o

oo

o

-

oo


677

yin ka, sapagka't wala kang kinalaman sa kampanyang iyon. At ngayo'y itumpak natin ang ating pinag-uusa~ pan. Magugunita mong noong tayo'y nagpapasyal sa Paseo ng mga Rekoleto, patungo ka sa bahay ni Cunanan, at ako nama'y sa bahay ni Don Miguel, ay sinahi ko sa iyo: "Magmatyag ka, sapagka't sa araw na hindi natin akalain, ay gigising tayong nagkakagalit nang hindi natin nalalaman kung ba~it": napatawa ka sa aking sinabi, at ako man naman ay napatawa rin; hindi mo mahaka kung bakit gayong matibay ang iyong pasyang huwag sugatan ang aking locb at ako nama'y gayon din ay magkakagalit tayo; datapuwa't iyon ay ~umagi sa akin na parang isang hindi mapagsiyang kaba ng loob na hindi man pinag-isip-isip. At ang nangyari nga ay nagising tayong nagkakaalit. Pagkaalis mo, ay nagising akong kaalit ng ilan at iba pang mga Pilipinong nakatira rito; at kinailangan kong lumunok nang walang imik ng lahat ng kapaitang tinatanggap ko upang mapanatili ang pagkakasundo ng lahat. Ito'y sapagka't ni ikaw, ni ako ay hindi sinagian ng hinala tungkol sa mga layuning paghihiganting nag-uudyok sa taong sa pamamagitan ng mga kaparaanang makadyablo ay n1inarapat na ipag.. higanti ang kaapihan ng lupon. Wala akong mga katibayan "Ll:pang mapatotohanan ang sinasabi ko sa iyo; na ang kamay ring iyong naglayo sa atin sa Madrid ay siya ring gumagawa ng paghihiwa-hiwalay ng mga kakampi natin sa ating bayan; dvtapuwa't nakikilala ko ang tatak ng pagawaan; at ma:gkahalaga man 0 hindi ang aking mga salita, ay sinasabi ko sa iyong baka sakaling makaakay sa iyopg pagpa~ pahalaga sa mga bagay-bagay. Ikaw. gay a ko rin, ang m.ga kapiling ko, gay a rin ng ]nga kapiling mo, ay paraparang sinawi ng isang kilusang kasuklam-suklam. Aywan ko kung sa kilusang iyan ay nag-iisa lamang ang hangad na makapaghiganti 0 kung katu-katulong ang kaparaanan ng mga prayle. Kung noon pang una'y tinanggap na sana ang aking pagbibitiw at ako'y hinalinhan rno rito, ay napangalagaan sana natin at nabigo ang imbing kilusang ito. Sapagka't kung ako'y nakakilos doon sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo, ang kanilang pamamaraang


678

maka-Makiyabelo ay hindi sana nangyari. Sa wakas ay magkakaroon din tayo ng pagkak~颅 taong makapag-usap; ikinalulugod ko an~ diwa ~g kagandahang-loob na namamalas ko sa huh mong hham; nalalaman mo nang sa aki'y walang nggpapasigla kundi ang diwa ng pagkakaisa at pagkakapatiran sa ating mga liapanalig, ilaan natin ang ating lakas para sa mga kaaway ng ating katahimikan. Niyayakap ka ng kaibigan mong hindi nagmamaliw, MARCELO

324.

Buhat kay 1. Laurel para kay Rizal

Ikinahahapis ang malungkot na utos ng pagpapatapon kay Rizal.-"Hinihintay kayo, bilang manunubos at tagapagJigtas".-Nahahanda ang lahat sa pagbububo lJ.g dugo alang-alang sa Bayang tinubuan!

Maynila, Ika-3 ng Setyembre, 1892. GINOONG JOSE RIZAL

I

Dapitan MINAMAHAL NA KAIBIGAN AT KABABAYAN:

Nang ako'y dumating dito, ay nabalitaan ko na buhat pa sa loqk ang malungkot na kapahamakang umabot sa inyo. N oong isang gabing ako'y dumalaw sa inyong bahay, ay ibinalita sa akin ng inyong ama na sa loob daw ng madaling panahon ay patatawarin kayo. Laki ng aming magiging kagalakan sakaling magkatotoo ang balitang ito! Ang bayang nagngingitngit ay lagi nang nananalig sa inyo, bilang manunubos at tagapagligtas niya. Huwag ninyong pag-alinlanganan ang' katapatan ng inyong mga kababayan, sapagka't itina路 tangis ng balana ang pagkakanulong sumawi sa inyo, at ang lahat ay para-parang nahahanrlang magbubo ng dugo sa ikC'.liligtas ng ating bayan at ninyo. Lahat ay bumabati Ba inyo, sa pamamagitan ko, at nagpapahatid sa inyo ng yakap ng makabayang pag:mamahal, na baIfmg araw ay ninanais taglayin ng lahat na nagkakaisa hanggang kamatayan. ILDEFONSO LAUREL


679 HABOL:

Sinabi sa akin ng ating kaibigang si Ginoong Deodato Arellano, na nakatanggap daw siya ng dalawang sulat na galing sa Madrid para sa inyo, at hindi raw maipadala sa in yo sapagka't walang maapuhap na kaparaanan; dahil dito'y hinihintay ko ~.ng inyong kapasiyahan tungkol sa mga sulat na nabanggit. 325. Buhat kay Anacleto S. del Rosario para kay Rizal Ang pagkakasuri niya sa mga tubig sa Luzon.Alay kay Rizal: isang prasko ng "licor de ~"ehling" at mg,a tubo sa pagsubok.-Masasayang araw ng "Congregacion Mariana" .-Ang halaga ng dam darning relihiyoso sa gitna ng kasawiangpalad.-Kung wala nito'y ano na ang buhay?

Ika-13 ng Oktubre, 1892 GINOONG JOSE RIZAL MIN AMARAL KONG PEPE:

Tinanggap ko, sa kagandahang loob ng kagalanggalang na Punong Pari, ang pinahahalagahan kong sulat mo na ang petsa ay -unang araw ng Setyembreng nakaraan, at natanto ko ang doo'y nalalaman. Ikinagagalak kong ikinasiya mo ang aking walang kabuluhang akda tungkol sa "Mga tubig ng Luzon"; datapuwa't nararapat kong ipaunawa sa iyo na sa Alaalang nabanggit, ang sa akin lamang ay ang bahaging ukol sa kimika, at nauukol sa mga Ginoong Pangulo at Manggagamot ng Komi~yon ang lahat ng may kinalaman sa mga pag-aaral ng heolohiya, klimatolohiya at terapeutika. Isinama ko sa ipinadala para kay pari Sanchez ang' isang praskong may lamang 100 gram0 ng Likor ni Fehl1:ng para sa pagsuri ng mga ihi at 6 na tubong ginagamit sa pagsubok na hinihingi mo sa akin. Bagay sa mga Telemetrong Sonchier, gaya ng ibinigay ko kay pari Sanchez, ay wala nang natitira sa akin at wala namang nabibili sa mga tindahan. Kinakailangang ipabili ang mga iyon sa Paris. Bagay sa kabayaran ay wala kang sukat alalahan1n sapagka't ang likor ni Fehling at ang mga tubo ay walang halaga: gamitin mo bilang aJaalang galing sa akin.


680

Ikaw nawa'y manatiling mabuti at. . . . . . harina.路 wa'y magunita mong paminsan-minsan ang masasayang panahong iyon noong tayong dalawa'y magkasama sa Lupong Patnugutan ng Kongregasyon ng Inmakuladn sa Ateneo! N alalaman kong ito'y nalimot mo na 0 niwawalang halaga; sa ganang akin ay tinitiyak ko sa iyong madalas sa loob ng isang araw na sumasagi sa aking haka-haka ang mga panahong iyong napakamaligaya. Ikaw ba'y isang kaibigan kong sapat na mabuti upang makagunita ng mga araw na lyon? Ang aking maybahay at mga anak ay nagpapasalamat sa iyong magiliwing pakumusta. Tungkol kay Mama . . . . . . ang iyong sulat na tinanggap nang ika-6 ng lumalakad, ay dumating sa mahahalagang sandali na ang kahabag-habag ay puma,p,qsok sa mga sandaU ng paghihingalo ng kanyang mahaba't malubhang pagkakasakit; at noong ika-9, mag-iika-7-1/2 ng umaga ay minarapat ng Diyos na tawagin siya sa kanyang kaluwalhatian. Mapahingalay nawa siya sa kapayapaan na buong sikap at ag-iingat llIa bUllluhay sa akin, nagpaaral at nagturo ng landas ng kabutihan, sapul nang ako'y may limang taong gulang, nang ako'y maulila sa ama! Sa mga malulupit na sandaling ito. kaibigang Pepe, ay saka nakikilala ng isang tao ang halaga ng mga damdaming makarelihiyon! Ano kaya ang kahihinatnan ng buhay ng tao kung wala ang damdaming iyon? Ipagpaumanhin mong mabanggit ko sa iyo ang bagay na ito: ito'y isang paghihinga ns iyong kaibigang nagmamahal sa iyo. ANACLETO SALES DEL ROSARIO


681

326. Buhat kay J. M. Basa para kay Rizal

Si G. Jose Rizal ng Hongkong sa nakalagda rito'y may Kasalukuyang

Pagkakautang: : Vtang :Ibinayacl

1889 : Ika-4 ng Marso. Kuwaltang Iplna-: dala sa Londres ............ :PIOO.OO: 1890 : Jka-4 ng Marso. Gugol sa pagpapa-: 路 dala ng isang kahong aklat .: 9.76: Ika-8 ng Marso. Kuwaltang ipina-: 路 dala sa Paris .............. : 150.00 : lka-8 ng l\iarso. Gugol sa pagpapa-: 路 dala ng nabanggit na kuwalta: 44.40 : 1891 : Ika-3 ng Hunyo. Pasahe buhat sa: Marselya hanggang Hongkong: 236.39 : Ika-29 ng Setyembre. Plete ng 4 na: kahong aklat .............. : 12.79: Ika-29 ng Setyembre. Pag-aahon ng: 0.75 : nasabing mga kahon ........ : Ika-3 ng Disyembre. Pabuya sa: mga naghatid ng mga aklat: 46.75: . Ika-3 ng Disyembre. Tinanggap ko: : P117.72 galing sa Lupon ng Maynila .. : Ika-3 ng Disyembre. Galing kay G.: 20.00 Rizal .......... ........... : lka-3 ng Disyembre. Galing kina Gi: noong Seckar para sa isang: sipi ng Noli, P2.50 Somoza, 1 sipi, gayon din; Laurel, 1 sipi, gayon din; Luzuriaga, 1 sipi, gayon din; Aristegui, 1 sipi, gayon din; Tannert, 1 sipi, gayon din; Pastor, 1 sipi, gayon din; Concepcion, 6 sipi, P15.00 Arguelles, 1 sipi, gayon din; Luna, 1 sipi, gayon din; : Villanueva." 1 sipi, gayon din;: P42.50 Dr. Ingles, 1 sipi, gayon din; :


682

..: Utang

:Ibinayad

Ika-3 ng Disyembre. Galing kina Gi-: noong Gonzales para sa 1 sipi: ng Morga, P2.50 Villena, 1 sipi, gayon din; Luzuriaga, 1 sipi, gayon din; Camus, 4 sipi, gayon din; Arguelles, 1 sipi, gayon din; Lim, 1 sipi, gayon din; Araneta, 1 sipi, gayon din; at Villanueva, 1 sipi, gayon: din .................... : 27.50 Pagkakautang pa sa akin: 393.12 :P600.84: P600.84 1891 Ika-3 ng Disyembre. Pagkakautang sa akin ngayon ............ P393.12 Walang Mall 0 N alaktawan, Hongkong, ika-3 ng Disyembre, 1891. I J. M. BASA Pansin: Sa pagkakautang pa sa akin, ay tinanggap ko kay G. Antonino Lopez ang P200. Ika-30 ng N obyembre, 1892. 327. Buhat lwy Valentin Ventura para kay Rizal Kasulatan ng pagsasakay ng isang basta na ipinadala kay Rizal ng bahay Gendre ng Paris.-Ipinadala sa Mensagerias Maritimas.

Paris, Ika-6 ng Abril, 1894 GINOONG JOSE MINAMAHAL NA KAIBIGAN:

Kalakip rito ang kasulatan ng pagkakasakay ng jsang basta para sa inyo ng bahay kalakal A. Lucas Gendre ng bayang ito, sa pamamagitan ng "Mensagerias Maritimas", at ipinadala sa pinaglalagakan ng nasabing bahay-kalakal sa Maynila. Ang nasabing basta ay naglalaman ng mga ba-


683

gay-bagay na nababanggit sa paktura na ikinalulugod ko ring ipadala sa inyo, at sang-ayon sa suI at nina G. A. Lucas at Kumpaniya, ay ipinasisingil daw ninyCl sa akin. Pinagpaluwalan ko kayo ng siyamnapu at walong prangko, pitumpu't limang sentin1o-98 prangko-75. Pasasalamatan ko kayo kung akdy susulatan ninyo kahit dalawang talata na inyong natanggap ito, gaya rin ng basta, at sabihin ninyo sa akin kung mabuti ang aking ginawa sa pagkakabayad ng paktura. Magiliw na sumasainyo, V. VENTURA Tirahan: 18 daang Baudin. 328.

Buhat leay Juan Luna para kay Rizal

Matapos pawalang sala ay umuwi sa lupang tinubuan.-Gumuhit sa Bilbao ng mga lar,awang pagawa ng mga maginoong kastila.-Nagpagulunggulong sa daigdig at umuuwi nang may pagkapilosopo sa Maynila.-Dumalaw sa kaanak ni Rizal.-Mga pagbabagu-bago ng kapalaran at mga kapahamakan.-"Si Rizal ay isang pilosopong makauunawa ng kung ana ang tadhana."

Alix 12, Maynila Ika-17 ng N obyembre, 1894 GINOONG JOSE RIZAL: ]\.1 AHAL N A KAIBIGAN:

Sinasamantala ko ang pagkakataong ito upang maka pagbali ta sa iyo nang bahagya tungkoI sa aking buhay. Gaya ng nalalaman mo na, pagkatapos na ako'y pawalang sala, ay pumaroon ako agad sa mga lupang kastila. Sa Madrid ay napakabuti ng pagka路路 katanggap sa akin ng mga dating kaibigan ko, at ako'y naging kaibigan din ng iba pa, na sa aking mga kapahamakang inabot at sa udyok ng da:mdamin ng paki路. kiramay ay nCl.kabighani sa akin. Buhat sa Madrid ay tumungo ako sa Bilbao, at dito'y napakarami kong ginawa, na ang ilan ay mahahalaga, para sa sinador G. Chavarri, Martinez de las Rivas, at iba pa. Doo'y iniwan ko rin ang maraming mabubuting kaibigan, ka-


684

bilang sa mga ito ay ang mga nakikilala mo na, ang rnagkakapatid na Benlliure. Sa Barselona ako surnakay, at may limang buwan na ang nakararaan na nakabalik ako sa aking lupa, pagkaraan ng maraming taon ng pagkakawalay. .. 18 taon ... Kapag namamalas ko ang aking ina at rnga kapatid, at ang tanawing ito, at ang rnga lansangang ito, at ang mga bahay na ito, at ang mga taong ito, maniwala ka sa aking ako'y nagiging pilosopo nang bahagya, at nangangahas akong magwangis-wangis ng buhay dito at ng buhay natin doon sa Europa, at ng mga panahon sa pasyalang Arago, sa Madrid, sa Toledo, at iba pa. N akilala ko ang buong kaanak mo sa Maynila, ang iyong rna tandang ama, na malakas pa hangga ngayon, at gaya ng nararapat mangyari, ikaw ay aming napag-usapan, at ang mga dinanas mong kapalaran at mga kapahamakan. Hindi ko ikinababalisa ang pagkakapatapon sa iyo, sapagka't natanto kong ikaw ay labis na pilosopo hpang makaunawa kung ana ang tadhana, at sa pagkap tapong iyan ay makakatagpo ka ng mga kasiyahan at mga hirap ng 100b na katu1ad ng sa alinmang mataong 1unsod. Naito ako, na nagtiis ng napakaraming hirap, nagmithi ng napakara~ ming hangaring ang ila'ynatamo nang higit pa sa :~king inaasahan; kung gayo'y maligaya ako, sapagka't :lng masama'y pinapawi ng panahon. at sa mabuti'y lagi nang may naiiwan; datapuwa't sa mga iyon, pati ng gunita'y isinasama ng ating 100b, samanta1ang ang mga nahuhuli'y nakapagpapaligaya sa atin, kahit na parang gunita man 1amang ng isang nakawiwiling tugtugin, kapag inihuhuni natin nang nag-iisa. Sa anu't anurnan, katoto, kinakailangang tanggapin ang mga bagay-bagay kung paano man dumarating ang mga ito. Si Andres ay isa nang maliit na tao na may 7 taong gulang, at nakakahiyang niyang mabuti ang 1upang ito. Kasama rin narnin si Antonio, at ang aking' ina ang nag-aa1aga sa amino Kahinahinayang na ang kaligayahang ito'y hindi tataga1 nang mahabang panahon, sapagka't sa wakas, ay kinakailangan kong bumalik uli doon, marahil sa 100b ng isang tao't ka1ahati. Ika1iligaya ko kung ba1ang araw ay magkikita tayo sa pook na ito at sa ganang kaya ko'y alam rno


685

nang ako'y nakahandang maglingkod. Sulatan mo aka at iyo'y ipagpapasalamat ko sa iyo. Ang dati mong kasama at kaibigan,

J.

LUNA

Mga alaala ni Antonio. 329.

Buhat kay Rizal para kay J. M. Basa

Ang pagpapadala ng rnga aklat niya ng rnedisina.-At ang kanyang talatinigang ingles at alernan.-Ang kanyang paglipat sa Ilokos 0 sa La Union.-"Ang aking kalayaan ay hindi rnaaari," anang Gobernador Heneral. "Ginagarnot ko ang rnga pilay at mga luslos, sa pamamagitan ng yantok at kawayan".-Gurnagawa ako ng rnga paggarnot na lalong nakakatawa sa paggarnit ng mga kasangkapang natatagpuan dito.

Dapitan, Ika-18 ng Disyembre, 1894. GINOONG JOSE MA. BASA, PINAKAPILING KAIBIGANG DON PEPE: Saka~ing

ito'y sumakamay ninyo 8a angkop na panahon ay tanggapin ninyo ang aking mga pagbati ng Maligayang Pasko at Manigong Bageng Taon! Tingnan natin kung ang taong ito'y magiging lalong maamo kaysa taong 94. Yamang kayo na rin ang nag-alok na magpadal<:::. sa akin ng mga aklat na aking hihingin, ay pasasalamatan ko kung maipaloloob ninyo sa isang kahong lata ang lahat ng mga aklat ko tungkol sa panggagamot na maaari ninyong makilalang madali. Ang lalong mahahalaga at anoman ang mangyari'y ayokong malimutan ay ang mga aklat na ang mga nlay-katha ay sina Claude Bernard, Wecker, Trousseau, Eicbhorn, Bernard at H"uette, Nelaton, Mai:a at iba pa. Bukod dito, ang aking malaking talatinigang ingles ni Webster at sakaling may lugal pa ay ang aking Talatinigang aleman. Ang lahat ng mga ito'y ipakikiutang ko ng loob sa inyong ihanda ninyo riyan, sapagka't yamang malapit na akong m,anirahan ewan ko kung swan, ay ninanais ko sa ngayon na magkaroon ng Inga aklat na lalong kailangan. Ang Kanyang Kadakilaan, ang Gobernador Heneral, ay


686 330.

Buhat kay Julio Llorente para kay Rizal (Tarhetang pangkoreo)

/Walang petsa / GINOONG JOSE RIZAL MAHAL NA KAIBIGANG RIZAL:

Nariya't itinatagubHin ko sa iyo ang kaibigang Bracken upang gamutin mo ang mat3 niya. Ang iyong kaibigan, JULIO LLORENTE

331.

Buhat kay Rizal para Kay Doktor Lorenzo Marquez Ang mga inihandog na aklat tungkol sa pag-aanluwage at pagtoto-rno, ay ipinalagay na mga akl.at na mapanghimagsik.-Haharapin ang pagsasaka. -Ang mga nagpapagamot sa Dapitan ay mga maralita. Iminumungkahi sa kanya ang pagtakas.Datapuwa't ayaw ni Rizal na siya'y matawag na 1'Un away

0

'sa,ng ta,kas.

Dapitan, IIka-15 ng Marso, 1895 GINOONG DUKTOR LORENZO MARQUES, PINAKAMAMAHAL KONG KAIBIGANG DOKTOR MARQUEZ:

Sinasamantala ko ang pagkakataong ito upang sumulat sa inyo ng ilang talata at ibalita kung ana ang aking kalagayan. Patuloy akong namumuhay na parang isang tapon bagaman may sapat na kaluwagan, sapagka't ako'y nangangalakal ng abaka. 1 Ang mga aklat na ipinadala ninyo sa akin tungkol sa pag-aanluwage at p?-gtotorno ay ipinalagay na mga aklat na mapanghimagsik at pinilas ang dahong kinasusulatan ng inyong pag-aalay. Binabalak kong harapin ang pagsasaka, sapagka't ang pook na kinaroroonan ko'y napakadukha na kinakailangan pang ipamigay ko nang walang bayad ang gamot. Aywan ko kung hanggang kailan pa ako ituturing na isang tapon; titiisin ko na, sapagka't habang tumatagal ang pagpapalagay nila sa aking isang tap on, 1 Sa nilalaman ng sulat na ito'y mapapansing alin sa dalawa: 0 hindi dumaan sa "censura" 0 pagsusuri 0 dumaan ma'y hindi naman napuna. Mapagsisiya ng babasa ang kapaligirang naghahari noon sa Pilipinas sa pagbasa sa talataang ito; at mamamalas din naman ang mga kalupitan at kamangmangan ng mga nagtatanod kay Rizal.


687

ay lalong masama para sa kapurihan ng pamahalaan. 2 Iminungkahi sa aking ako'y tumakas; datapuwa't wala naman akong kasalanang maaapuhap na sukat isisi sa sarili, at ayokong ako'y tawagin, pagkatapos, na isang run away 0 kaya'y takas. Tangi sa rito, iyo'Y makapipigil sa pagbalik ko uli sa akjng bayan. s . . Ang mga prayle ay nagsugo sa akin dito ng isang tlktIk, na nagngangalang Pablo Mercado ;4 pagkatapos 2 May katuw iran 0 dapat magkamatuwid si Rizal sa bagay na ito; nguni't ano ang kaila ngan sa mga n agha hawak ng pamahalaan, sa hindi naman nila ipinalalagay n a sila a ng pamahalaan at sa kabilang dako'y naaari nilang lipulin ang kanilang kaaway? 3 Binalak at inisip ang iba't iban g kaparaanan upang makatakas si Rizal, nguni't hindi naisagawa, sapagka't ito'y hindi sumang-ayon, bukod sa ayaw n a tumakas n a talaga, kahit na matamo ang mga kaparaanang inisip at binalak. Hin di nakakuha ng bapor na mauupahan sa Hapon, dahil sa nataon n oon sa digmaan ng insik at hapon. Dalawang paraan ang naisip upang makal aya si Rizal: Ang isa'y kunin 0 agawin siya sa pagka katapon, at isakay sa isang bapor na uupahan ni Timoteo Paez, na nagsadyang talaga sa H ongkong tungkol sa bagay lll:l ito, at ang isa nama ng ba lak ay a ng kay Antonio Regidor, na dili iba kundi lakarin sa E spanyang si Rizal ay mahalal na diputado ng alin mang purok doon, '3.t tungkol sa bagay na ito'y mangilak ng abuloy na mga sampung libon ~ piso sa mga pilipino upang magugol sa paglakad sa halalan路 Kapag nahaial n a si Rizal ay wala nang magiging dahilan upang siya'y palayain. Basahin ang dalawang sulat (ni T. Paez at ni A. M. Reg idor ) n a sinipi sa ibaba ng liham na ito sa

Epistolario. 4 Si Pablo Mercado ay dumating sa Dapitan nang ika-3 ng Nobyembre ng 1893. Ang tunay niyang p angalan ay Florencio N ana man, may 30 taong gulang, bagongtao at t aga-Kagayan de Misamis. Ayon sa kanyang mga pahayag sa pagsisiya sat n a g inawa n g Hukom na si G. Anastacio Adriatico, ang paring Rekoleto sa Kagayan de Misamis ang nag-utos sa kanya upang maglakba y sa Dapitan at pakilala kay Rizal na parang isang kaibiga 't kamag-a n ak upang makakuha r ito ng mga sulat na ikapapahamak ng bayani. Si P ablo Mercado ay binigyan ng kuwaitang magugugol sa pagla lakba y a t p inangakuan pa n g paring rekoleto na siya'y bibigyan n g maraming salapi ng P rokurador ng mga Rekoleto, kapag natupad na lubos ang iniuutos sa kanya. Si Pabt> Mercado ay ibinilanggo ni g obernador Sitjes at p in ag-usig sa mga hukuman dahil sa sumbong na iniharap ni RizaI. H iningi nit o sa mga may kapangyarihang kinauukt:;lan ang mga kasulatan ng ginaw~ng paglilitis, nguni't itinanggi sa kanya, sanhi, mar ahil s a pan gyaya rmg ikapapasama ng korporasyon ng mga r ekolet o a ng mga pa hayag ?a ginawa ni Pablo Mercado. Sa pagtukoy ni Retana sa .b~gay n a It o ay tila nag-aaliniangan pa rin sa katot ohanan n~ ~ga. Ipm a hayag ng tiktik na si Mercado, sapagka't nang panahong lYO y lsang napa kalaking kawalang bait at walang kaparis na kapangahasa~ ang lumant ad sa pagkapoot ng mga korporasyon ng mga prayle mahban n a l~mang kung may mga matuwid na sadrang maliwanag; . 3;t malakas路 Buk?,d sa rito'y biglang naputol ang gmagawang p aghhbs, at ang u sapl y ganap na pinagtakpan at nalimot na, bagaman a ng mga kasulatan ng paglilitis ay ipinadalang lahat sa Gober nador Rener al upang pagpasyahan nito. . . R' I . Ringgil sa dalawa pang tiktik na bin!lbangglt TIl .1za, ang .lsa, ayon sa balita, ay ang mang&,agamot na Sl G. Jose ArrIeta; ang lkalawa'y hindi malaman kUI}.g smo.


688

ay nagpadala ng iba; nang malaon pa'y inutusan ang kasalukuyang nanunungkulan ng pagkamanggagamot na ako'y bantayan, sang-ayon sa pagtatapat na rin niya. Isang manggagamot na sinugo upang maniktik! Hindi ba malungkot ito? Hindi na ako palalawig pa, sapagka't mabubugnot lamang ako. Maraming kumusta ng dating kaibigan ninyong nananabik sa inyong marilag at kawiliwiling pakikipagnlayaw. Magiliw na sumasainyo. JOSE RIZAL

BuJtat kay Rizal para kay Jose Maria Basa Binabalak sakupin ang Ponot sa dakong baybayin.

332.

Sapagka't maninirahan sa gubat, ay hinihingi ang kanyang aklatan.-Sa Ponot ay maaaring magkaroon ng apat 0 limang libong baka at 40,000 puno ng niyog.

Dapitan, Ika-10 ng Abril, 1895 GINOONG JOSE

M. BASA

PINAKAPILING KAIBIGAN DON PEPE:

Sumusulat ako sa inyo sapagka't lplnasiya ko nang mamaIagi sa ngayon sa pUlong ito ng Mindanaw, at maaaring ang pamahalaan ay sumang-ayon sa aking kahilingan, at pag nagkagayon ay dito na ako maninirahan sa nabang panahon. Binabalak kong sakupin ang pook ng Ponot 1a sa baybayin ng pulong ito, at sakaling ako:y pagkakalooban ng pamahalaan ng ilang kaluwagan 0 tanging karapatan, malamang na sisimuIan ko ang gawain sa darating na Hunyo. Dahil dito, yamang ako'y maninirahan sa kagubatan, sa piling ng mga taong hindi pa nabibihasa, ay ninanais kong madala roon ang aking Aklatan,l kaya ipinamamanhik ko la Hindi natuloy ang balak na sakupin ang pook ng Ponot, sapagka't ang kapahintulutang hinihintay ay dumating nang panahong si Rizal ay umurong na sa gayong balak. (Tingnan ang sulat ni Heneral Blanco kay Rizal nang unang araw ng Hunyo, 1895.) 1 Sa hangad na pangatawanan at Iubusan nang mamuhay sa pagsasaka at "magpakabaon" na sa kaparangan, na ikalalayo sa pakikipagtungo sa duigdig ng mga bihasa, kaya ibig niyang mapasa-tabi niya ang kanyang aklatan upang magpatuloy na makaurali at makausap ang kabihasnan sa pamamagitan man lamang ng mga aklat.


689

sa in:yong ip~J~ihanda ang aI.dng mga aklat, sapagka't sakahng pahlhlntulutang malpasok na malaya ang mga iyon, ay ninanais kong mapasa-akin sa buwan ng Hunyo, yamang sa buwang ito'y magkakaroon na ako ng bah~y na pababagay. Umaasa akong darating ang kapahlntulu!"an ng Gobernador Heneral sa isa sa mga araw na ito, sapagka't mahigit nang isang buwan na aking hiningi. Sa pook ng Ponot ay maaaring magpalaboy ng apat 0 hmang libong baka, magtanim ng mga 40,000 puno ng niyog, at iba pa. May mabuting daungan, tnbig, kapatagan, at iba pa. 2 . Wala nang iba at sa pagnanais kong huwag ka路 yong magkaroon ng anumang kapansanan sa kasalukuyang salot na itim,3 ako'y sumasainyong lagi nang magiliwing lingkod at kaibigan. JOSE RIZAL

333.

Buhat kay S. ]ugo Vidal para kay jose Rizal

Capiz, Ika-20 ng Oktubre, 1895. GINOONG JOSE RIZAL, ILIGAN, DAPIT.AN. MAHAL NA KAIBIGAN AT KASAMA:

Ipagtataka mo marahil na kaya lamang makali~ ham ako sa iyo ay kung aabalahanin kita, datapuwa't dahil sa hindi ko mapag-aalinlanganan ang iyong kabu~ tihan, kaya nangangahas akong itagubilin sa iyo ang maydala ng suI at na ito, na isang tagarito at isang kaibig-an ko, na magsasadya riyan upang mapag-ukulan mo ng paglilingkod ng iyong kasanayan, sapagka't matagal ko nang ipinayo na ipagkatiwala niya ang kanyang sa路 rili sa mga kamay mo. Umaasa akong ikaw ay nananatiling mabuti at na2 Minsan pang ipinakikilala ni. ~i~al ~a talataang ito na, kapa~ nagbalak siya ng isang bagay. ay Imls~p my a ang lahat upang madah ang pagtatamo ng layuning kanyang hmahangad na maratmg. 3 Ang tinutukoy na salo~ ~a itim ay. dili iba kundi ang "peste bubonica" na nang panahong lYO Y naghaharl sa Hongkong.


690

lalaman mo nang makapag-uutos ka sa iyong kaibigan at kasamang batid mong nagmamahal sa iyo. S. JUGO VIDAL Habol: IbinabaIita ko sa iyong gumalip-g na lubos ang aking kapatid na babae, at pinasasalamatan ko ang iyong pagkakagamot. PAALAM

334. Buhat kay Rizal para kay P. A. Paterno Nakikiramay sa pagkamatay ni Doktor Antonio Paterno.-N aging napakabuting magkakaibigan ang yumao, sin a Minong at si Rizal.-Malungkot arrg mamuhay sa gunita.-Gaano kar.aming mga kaibigan noong bata pa ang nangamatay na! "Tayo lamang ang naiiwang buhay!"

Dapitan, Ika-16 ng Disyembre, 1895 GINOONG PEDRO

A.

PA~RNO

PILING KAIBIGAN:

Yamang sapul nang ako'y ipatapon sa sulok na ito ng daigdig ay wala akong natatanggap kundi napakakaunting baIita at lubhang mal abo pa, ay hindi ko malaman kung ang inyong ama ay nabubuhay pa (gaya ng ninanais ko), kaya sa inyo ako sumusulat at hindi sa kanya, gaya ng nararapat ko sanang gawin. N~pag-alaman ko sa La Oce,ania na ang dati't butihing kaibigan kong si Doktor Antonio Paterno 1a ay namatay sa Tambobong. Kayong nakaaalam ng pagkakaibigang kailan man ay hindi nagmaliw sa aming dalawa. at kay Minong,l na halos magkakasing gulang, ay mahahaka na ninyo ang kalakhan ng pagdaramdam ko sa balitang ito. Sumusulpot sa harap ko ang dating mga gunita, mga pagkakataon, pangyayari, damdamin, kaisipan, na samala Tinutukoy si Antonio Paterno, kapatid ni G. Pedro Alejandro Paterno, na nagtira sa Madrid at kasama ni Rizal. 1 Si Maximino Paterno, na siyang binabanggit na Minong, ay doktor :sa Medisina, at kapatid din ni Pedro A. Paterno. Siya'y nakasama rin ni Rizal sa M!J.drid, na kanyang pinagtapusan ng pagmemediko路 Si Maximino Paterno ay namatay sa Maynila nang taong 1928.


691

sarna naming tinaglay, dinamdam at dinanas; namatay siya at hindi ko man lamang nahigpit ang kamay liiyang kaibigan, ni hindi ko naganti ang napakaraming mabubuting paglilingkod na utang ko sa kanya. Sapul nang ako'y maparito, kay raming mga kai!ligan ng kabataan ang yumao! Sina Abreu, Aguirre, Del Rosario,2 Antonio Paterno, Maaari kong ulitin, ka~ama ni Thomas Moore: Kung sa gunita ko'y mapukaw na lahat Ang mga katotong nagyayakap-yakap N a sa paligid ko'y pawang nangalagas, Parang mga dahon kung humahabagat, Ang aking damdami 'y tila ng sa taong N ag-iisang lubos na payao't dito~ Sa pinagpingingang wala kahi't sino, Mga ilaw doo'y malabong totoo, Laing pati rosang palamuti nito, Walang naiiwan kundi tanging ako. Gaanong pag-iisa ang dinaranas nating mga buhay! Maaari kong sabihin, sa paggaya kay Becquer; sapagka't ako'y nag-iisang nabubuhay rito, ay sa mga alaala na lamang ako mabubuhay, ang mga alaala ng mabubuting kaibigan. Ipinamamanhik ko sa inyong ipahayag ang aking taos-pusong pakikiramay sa inyong piling kaanak, sa inyong ama at mga kapatid na babaing may asawa at dalaga, gaya rin kay Minong na di ko malilimot. Mag-utos kayo, gaya rin ng dati, sa inyong lalong magiliwing lingkod at kaibigan na humahalik ng inyong kamay. JOSE RIZAL 2 Si Jose Abreu at Salazar ay namatay sa Europa samantalang nag-aaral sa Belhika; siya'y isa sa mga anak ni G. Flaviano Abreu na taga-Tundo. Si Evaristo Aguirre, na gumagamit ng sagisag na Cauit, ay nakasama ni Rizal sa Madrid at naging katu-katulong sa mga kilusan ng mga pilipino. Si Anacleto del Rosario y Sales, ay isang bantog na kimiko, kaibigan at kasa-kasama ni Rizal sa pag-aaral sa Ateneo.


692 335.

Buhat kay Jose M. Basa para kay Rizal Ipinakukuha ang singsing

Hongkong, Ika-28 ng Abril, 1896 GINOONG JOSE RIZAL. MINAMAHAL AT BUTIHING KAIBIGAN:

Ang maydala ng sulat na ito, si Ginoong M. [Marciano] Rivera ay napariyan dahil sa singsing ng isa sa inyong mga kapatid na babae na naririyan sa isa sa mga kahon ninyo at maaari ninyong ipagkatiwala sa kanya nang walang, agam-agam, sapagk. a 't s'.!ya,y.Isang t aong lubos na pinagkakatiwalaan namin. Ang inyong kaibigang n!lgmEmahal sa inyo, J. M. BASA

336.

Buhat kay F. Villa-Abrille para kay Rizal

Mga mungkahi ng isang kababayang nananabik sa bayang tinubuan.-"Mabuhay ang Republika Unitaria ng Pilipinas !"-Mga balita ng panghihimagsik buhat sa isang malayong sulok ng daigdig.Naniniwalang ang Hapon ay siyang itinatalagang magpalaya sa pamamanginoon sa Europa ng Oceania at ng baybaying Kanluran ng Pasipiko."'fayo kaya ang magiging Ingles ng Pasipiko. ?"_ Mga pagwawari-wari aL rriga mungkahi. GINOONG JOSE RIZAL, HONGKONG. PINAKAMAMAHAL KONG KAIBJGAN:

Sumusulat ako sa iyo nang hindi nakatitiyak kung matatanggap mo ang liham na ito at aking ipinadadala sa Hongko!lg sapagka't nabasa ko sa "La N acion" (ang pahayagang lalong may malaganap sa lupang ito) na ang isang manggagamot daw na "kilala sa kanyang mga kaisipang kasaJungat ng pamamangincon sa Espanya,'; ay naninirahan sa Hong-kong, at ang manggagamot n8, ito ay hindi maaaring maging iba kundi ikaw. Hindi mo mahahaka ang kaligayahang tinataglay ko sa pagsulat sa iyo; ninanais ko sanang isaysay sa iyo


693

na masakop niya ang Perlas ng Oceania, bagaman ang sandatang ito 0 lalang na ipinananakot sa atin, ay isa sa madalas gamitin sa pagbaka sa ating layunin, at sa katotohana'y nakapagpapaatubili nga sa kaninuman. Gayunman, matibay ang paniniwala kong ang tungkuling maaaring gampanan ng Hapon ay ang pagpapalaya sa kapangyarihan ng Europa sa Oceania at sa baybaying Kanluran ng Pasipiko. . Gaanong karangalan ang magiging atin kung sakaling maging malaya na tayo'y makatulong sa bansang iyan upang dalhin ang watawat ng kalayaan sa lahat ng Pulo sa Dagat Pasipiko! Sakaling mabigo ang panghihimagsik na ito, ay kinakailangang pagsumakitang manghimagsik ang Haba at ang ibang pulong binanggit ko, sapagka't ang mga pulong iyon ay may mahigit sa 40 angaw na tao, bagay na magiging mabuting batayan ~路a pagtatatag ng isang kabansaan. Hindi ko r'n minamasama ang kaisi~ an na, sakaling mabigo ngayon aug panghihlmags5.k, ay sikapin mo, sa lahat ng kaparaanang magagawa, na ipailalim sa pasya ng mga Lup0n 0 ng Kapulungang pangkalahatan ang sumusunod: Sikaping ang kapuluang Pilipinas ay malipat sa pamamahala ng Olanda, upang sa ganitong par aa'y maging isang kabansaan lamang ang Sumatara, Haba, Pilipinas, at iba pa. Upang malabanan, pagkatapos, ang pamamahala ng mga Olandes na ang bilang ay hindi umaabot sa apat na angaw na kaluluwa, ay sapat na ang mga Pilipino lamang. Kapag natatag na ang pagkakabuklod na ito at natamo na ang kasarinlan, ay wala na tayong sukat ikahlkot sa mga Hapon at huwag mong pag-alinlanganang tayo ang magiging mga Ingles sa Pasipiko, sanhi sa mainam na pagkakalagay ng mga nabanggit na pulo, at ang susi ng paglalayag sa mga ito ay mapapasa-atin. Hindi matitiis ng Espanya na ang Pilipinas ay matiwalag sa kanyang kaharian. datapuwa't upang maila路路 YO sa inang bayan ang pagkasiphayong ibubunga ng gayong pagkawala, kung sa pamamagitan ng lakas ay matamo natin ang ating pagsasarili, ang ating politika'y nararapat iayon, sa kanya upang tayo 0 ang Pilipinas


694

ny huwag mahulog sa kapangyarihang Olandes. Sa kabilang dako, tayo'y mananatiling tumatanaw ng utang na loob sa Espanya; pagkakalooban natin ~mg pangangalakal ng kastila ng lahat ng mga kaluwagan, at ang Espanya naman ay magtataglay ng ka1uwa1hatiang nakatulong sa pagtatatag ng isang makapangyarihang Bansa. Ito, sa biglang turing ang aking mga kuru-kuro, at hindi ko ibig sabihing aka'y kalaban ng kasa1ukuyang panghihimagsik; harinawa'y magtagumpay tayo sa pakikibakang ito. Mahigjt nang tatlong daa't limampung taong ang Espanya'y nakikinabang sa tubo ng isang puhunang hindi niya jnilagay, at makatuwiran namang tayo, na tangi't talagang nagmamay-ari ng ating lupa, ay siyang magkaroon ng karapatang makagamit at magmay-ari niyon. Hindi ko nalalaman ang iyong tirahan, kaya hinanap ko sa talaan ng mga Koreo; sumu1at kang madalas sa akin, upan&: ako'y makahanap dito ng mga kurukurong makabubuti sa atin. Nang mga hulling araw na ito, ~y may inilathala rito sa lunsod na isang pahatjd-kawad na nagsasabing si Dr. Rizal daw ay nahulog sa kapangyarihan ng mga Kastila, at sapagka't Inalamang na ang ngalang iyon ay ang iyo na ipinagkamali ang pagkakapadala, ay sinamantala ko ang pagkakataon upang maparam ang kamalian, ~t sinabi ko sa isang i.pinalathalang balita, na nararapat maging Dr. Rizal at hindi Rimal, sapagka't ang l1.galang ito'y hindi ko narinig kailanman, at walang ngalang gayon sa Pilipinas. Sa nasabing pahatid-kawad, ikaw umano ay bilanggo't ipinadala sa Ceuta. Totoo ba ang pagkakapabaril sa bangkerong si Ro-

jas? N ananabik kaming makaalam ll'g mga ulat na mapaniniwalaan tungkol sa mga nangy:::tyari, at walang gaya rno na makapagbabalita sa amino Dito'y naninirahan ang isa pang kababayan natin; ang manggagamot na si Doktor F. Pardo de Tavera, bayaw ni Juan Luna at N ovicio, na tum ira sa Paris noong naganap ang maalingasngas na pangyayari tungko1 sa ating maningning na kababayang Luna. Kalaban siya ng pagpapalaya.


695

IkinasaI siya sa isang babaing taga-Arhentina, anak ni Ginoong Manigot, na may isang bahay-kalakal sa Daang Florida, ng mga kagamitan ng mga lalaki. Pumarito ako sa bayang ito nang taong 1885 (ika6 ng Enero) at buhat noong 90 a:y ginagamit ko ang aking propesyon na pagka-Notaryo. May asawa na ako at may isang anak na babaing tatlong taon ang gulang. Isang malaking bayan itong may nakangiting ki路路 nabukasan. Sakaling ang mga pagbjbiling-bHing ng palad na iyong dinaranas ay makapilit sa iyong lisanin ang lupang- sinilangan, pumarito ka sa Arhentina na isang bansang namumukod sa pagkamalaya. Dito'y mamamalas mo kung gaano nagpapakababa ang Kastila at hindi umiimik. Ang kapalalua't pagmamataas na ipinamamalas nila sa Maynila ay lubos na nawawala rito upang magbigay daan sa pagpapakababa. ~ Sakaling dumating ang pagkakataong itakda ang kasulatan ng ating pagsasarili, at isatitik ang ating Saligang Batas, ay pinagkakalooban kit a ng lalong maIawak na kapangyarihan upang sa ngalan ko'y iyong Iagdaan. Ninanais kong manag~;mo ng ganitong karangalan at umaasa akong maglalahad ka ng mabibisang katn",viran upang pagkalooban ka ng ganit'J kalaking kaloob na pahahalagahan ko nang gayon na lamang-. Sakaling susulat ka sa akin, ito ang tirahang ilalagay mo: Republika ng Arhentina Via Inglatera Ang ngalan ko Daang G. I. Mitre 540 Barracas sa Timog Ibati mo ako sa lahat ng mga kaibigan, sabihin mo sa kanilang idinadalangin kong magtagumpay ang kalayaan at mag-utos ka sa iyong tunay na makatuwirang kaibigang yumayakap S3, iyo, FRANCI~CO VILLA-ABRILLE

Ika-27 ng Setyembre, 1896.


696

337. Buhat kay Francisco Villa Abrille para kay Rizal Ipinahahatid ang kanyang pakikianib, sa pamamagitan ni Rizal, sa "Lupong Pangkalahatan ng Himagsikan." B~,rracas sa Tirnog Republika ng Arhentina Ika-29 ng Setyernbre, 1896

lVIINAMAHAL NA KAIBIGAN:

N gayo~y nakaniig ko ang Hang kababayan natin at sa kanila'y narnaIas ko ang kasiglahang sila'y rna~ kaalis. Ako man ay naghaharap ng aking pakikianib na ninanais kong huwag na di rno iharap sa Lupong PangkaIahatan. Sakaling nangangailangan ka ng isang kalihim na Notario pa rin, naito akong nakahanda sa kaunaunahang tawag, upang magpatibay sa mga kapasiyahan o atas na maaaring pagkayarian. Ang katibayan ko'y sa "N acion Republicana Federal." Binabati kita uIi. F. VILLA-ABRILLE



fILII路INAS I - _...,.I...... II t: It I T ,\ G E

- .. -

LI8RARY

J

Contem ora V2 Pakikipagsulatan sa mga kasama niya sa pagpapalaganap


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.