El Obrero & Ang Manggagawa

Page 8

Ang

Manggagawa aN= mN=ggw

ISSN 2243-8645

02 >

Tomo I ▪ Blg. 2 Marso 2012

“Ang pagsusulat ay panalangin.” Ang opisyal na pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralan ng Saint Joseph College of Sindangan Incorporated, Poblacion, Sindangan, 7112 Zamboanga del Norte, Rehiyon IX

Dataro, Tongco, nanaig SSC Halalan ’12

S

ina Roxanne B. Dataro ng CAUSE Party (CP) at Joelan M. Tongco ng RESPOND Party (RP) ang nagwagi sa taunang halalan ng Kataastaasang Sanggunian ng mga Mag-aaral na ginanap noong Biyernes ng hapon, ika-24 ng Pebrero.

Induction. Nanunumpa sa katungkulan ang mga bagong nahalal na opisyales ng Kataastaasang Sanggunian ng mga Mag-aaral. Sa harapan: Joelan M. Tongco, pangalawang pangulo; at Roxanne B. Dataro, pangulo.

Sa pagkapangulo, humakot si Dataro ng 267 boto laban kay Judee B. Garsuta na nakakuha ng 197 boto. Para pangalawang pangulo, nakalamang si Tongco sa kaniyang 339 boto laban kay Meryl Aurece Enriquez na nakapagtala ng 125 boto. Labindalawang senador ang hinalal ng mga mag-aaral mula sa unang tatlong taon: Kaiser Ed S. Bayawa, RP; Cholly Marie Padayao, CP; Reginald Clement S. Pondoc, CP; Francis James Rigodon, CP; Kristel Clea Dinglasa, CP; John Mark P. Dalogdog, RP; Rio Krystal R. Molate, RP; Jarrah Sophia B. Saile, CP; Fila R. Dagomo, CP; Shiny Love Esic, RP; Cater Mae Rellon, CP; at Al Gabrielle Lañojan, RP. Tiglimang year level rep-

resentative din ang pinili para manunungkulan sa susunod na taong panuruan. Para sa second year, napili sina Pamela Mennet V. Llorente, RP; Sean Maverick D. Realista, RP; Therese Gail E. Castillon, RP; Peachy Vera R. Arado, CP; at Kevin G. Siasico, RP. Sa third year, nahalal sina Reger Ed A. Caperig, RP; Chrisitian C. Rasonable, RP; Joyce Nicole T. Jalosjos, RP; Mary Claire H. Villarias, CP; at Lyra Jasmine Desierto, CP. Si Franz Angelo A. Labadan, CP, ang nanguna at magsilbing chairman para sa fourth year. Nanalo rin sina Jake B. Magallon, RP; Marck Constantine Digal, CP; John Hope Angelo Pamil, CP; at Heron M. Dumajel, RP bilang representative.

(Mara A.S.L. Escoreal)

J–S Prom, idinaos 500 manunulat, sumali ZN Press Con ―M N agmistulang isang eksena ng kuwentong bibit nang ginunita ang taunang Junior–Senior Promenade sa college gym noong ika-10 ng Pebrero.

agpasalamat tayo sa makabagong teknolohiya na tumutulong upang mapadali ng pamamahayag ang pagpapaabot nito sa nakararami.‖

Ito ang mensahe ni Dr. Elsa R. Cruz, officer-in-charge, schools division superintendent, bilang pambungad sa 2011 Zamboanga del Norte Provincial Schools Press Conference sa Teachers Gym, Dipolog City, ika16–18 ng Nobyembre. Ang tema ng kumperensya ay ―Isulong ang Digital Literacy sa Pamamagitan ng Pampaaralang Pamamahayag.‖ Umabot sa 508 na mga manunulat at tagapayo ng pam-

Buwan ng Dental Health, ipinagdiriwang Prom King and Queen. Pinarangalan sina Loryl Pelaez at Chrisidel Saja pagkatapos sa botohan ng mga guro. Dumalo ang higit kumulang 300 mag-aaral na suot ang kanilang mahahabang gown at coat and tie. Isang misa ang inialay para sa okasyon bago sinimulan ang pagpapalitan ng mga rosas at kandila. Si Reymund Jugalbot, gobernador ng mga senior, ay nagbigay ng mensahe at nagpasa sa key of responsibility kay Roxanne B. Dataro, ang kasalukuyang gobernador ng mga junior. Agad sinimulan ang cotillion kung saan lahat ng mga magkapares ay nabigyan ng pagkakataong isayaw ang isa‘t isa. Sinundan ito ng isang buffet dinner, sayawan at disko. Hinirang din ang mga

nanalo at binigyan ng premyo na siyang sponsor ng Avon. Sina Marie Maricar Cachin at Neil Aban, kapwa mga junior, ang itinanghal na Most Romantic Pair. Hinirang bilang Gentleman of the Night si Jugalbot. Si Edenlou Cavan, isang senior, ay humakot ng dalawang parangal bilang Most Elegant at Best in Gown. Napiling Lady of the Night si Yanessa S. Naval. Si Jacknie Gujelde ng IVSt. Augustine ang nag-uwi ng Face of the Night award. Nakoronahan sina Loryl O. Pelaez at Chrisidel Saja bilang Prom King and Queen..

(Janine Claire T. Jalosjos)

paaralang pahayagan mula sa iba‘t ibang elementarya at sekundaryang paaralan ng Zamboanga del Norte ang lumahok sa tatlong araw na kumperensiya at paligsahan. Sila ay makinig sa mga lektyur sa iba‘t ibang larangan ng pamamahayag. Ang mga campus journalists din ay lalahok sa paligsahan ng pagsusulat ng balita, pangulong tudling, lathalain, balitang pampalakasan, pagwawasto at

pag-uulo ng balita at panglarawang pamamahayag sa dalawang midyum. Sampung pahayagan sa Ingles at Filipino mula sa elementarya at sekondarya ang paparangalan. Ang pitong manunulat na magwawagi sa bawat kategorya ay mga qualifier para sa Zamboanga Peninsula Regional Schools Press Conference na gaganapin sa Zamboanga City.

(Donalyn E. Aquino*)

*Ang manunulat ay pinarangalan ng unang gantimpala sa pagsusulat ng balita noong nakaraang Zamboanga del Norte Provincial Schools Press Conference sa Lungsod ng Dipolog. Siya ay nakatanggap ng isang sertipiko at gintong medalya.

―A

ng ngipin ay dapat alagaan upang ang pagkain ay malasahan para sa ikabubuti ng ating kalusugan,‖ ayon kay Dr. Nida S. Simbulan ng Zamboanga del Norte Dental Chapter. Nagdiwang ng ika-walong National Dental Health Month ang ZNDC noong Pebrero na may temang ―Ngiting Matatamis, Ngiping Malilinis, Dala ay Pagasa Tunay na Ligaya.‖ Ang ZNDC ay pumunta sa iba‘t ibang bayan ng Zamboanga del Norte para sa kanilang dental mission. Nagbigay sila ng sipilyo at nagbunot ng mga ngipin. Isang dental caravan ang isinagawa sa Sindangan noong unang araw ng Pebrero.

(Mara A.S.L. Escoreal)

Group contest. Tinatanggap nina Gilbert B. Lamayo, tagapayo ng Ang Manggagawa (SJCSI), at Rodenia L. Jamisola, tagapayo ng Ang Umaga (SNHS), ang mga tropeyo bilang ika-tatlo at ika-apat na pinakamahusay na pahayagang Filipino (sekundarya) noong nakaraang ZNPSPC.


Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.