
1 minute read
Gabay sa pagtuklas ng pekeng impormasyon
Ano nga ba ang naging dulot ng pekeng impormasyon sa ating lipunan? Halos lahat tayo ay na biktima na ng pag tanggap ng pekeng impormasyon, hindi lamang sa mga social media platforms, kundi pati na rin sa google kung saan tayo kadalasang kumukuha ng maaasahang impormasyon tungkol sa iba’t ibang bagay Alam ko na nahihirapan na tayong alamin kung ano nga ba talaga ang totoo at kung ano naman ang gawa-gawa lamang dahil sa mga taong naglalabas ng mga maling impormasyon gamit ang mga pekeng websites. Araw-araw, tayo ay nagbabasa, nanonood, at nakikinig sa mga balita mula sa paborito nating artista hanggang sa mga gusto nating kandidato sa politika Kadalasan ay hindi na natin iniisip kung ito ba ay totoo o hindi, basta ang impormasyon ay pabor sa atin Ito ang dahilan kung bakit nagiging mahirap ang pagkontrol ng news media landscape
Lubhang nakakaalarma na ang mga pekeng impormasyon na umiikot sa internet ngayon Ito ay itinuturing bilang isang suliraning pandaigdig Ito ay mas madalas na makikita lalo na sa panahon ng pandemiya dahil lahat- tayo ay gumagamit ng internet para makatanggap ng mga bagong balita tungkol sa Covid-19 Batay sa aking pagsasaliksik, ang mga tao ngayon, lalo na ang mga estudyante, ay may kamalayan tungkol sa kumakalat na mga pekeng balita at impormasyon May alam na rin sila sa ilang mga pamamaraan para sa pagpapatunay ng balita at impormasyon na makikita nila sa mga kaduda-dudang websites Ang madalas nilang ginagawa ay ang pagbabasa ng mga artikulo tungkol sa isang paksa.
Advertisement
by Ineah Magbanua
Paano nga ba natin maiiwasan ang pagkalat ng mga maling impormasyon? Una, Iwasang ilathala agad sa social media ang mga bagay na ikaw ay hindi sigurado upang hindi dumagdag sa kalituhan ng mga tao Tiyakin na ang pinagkuhanan ng mga datos ay mapapanigan at siguraduhing ikaw ay may basehan para maging kapani-paniwala ang iyong impormasyon. At higit sa lahat, ating alalahanin ang kasabihan na “think before you click”
Sa kabuohan, tayo ay dapat maging mapagmasid sa mga nangyayari sa ating kapaligiran upang hindi tayo basta bastang maniwala at umasa sa mga impormasyon na nakikita natin sa mga social media platforms o sa internet Kailangan nating alamin ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon Gawing ugali ang pagsuri ng mga datos bago mo ibahagi sa iba Dapat tayo ay magsilbing halimbawa sa lahat, lalo na sa mga kabataan Palagi nating tandaan na ang may alam ay may pakialam