

SILID SULONG Salimbayan
PAMUNO’T PAGLINGKOD. Taos-pusong
ibinahagi ni Sir Rene Preña ang kanyang mensahe sa harap ng mga estudyante sa pormal na pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 noong ika-9 ng Hunyo sa Bicol Regional Science High School.
KUHANG LARAWAN NI
DAVE PREGONERO

Editoryal:



BRSHS sama-samang kumilos sa Brigada Eskwela ‘25
Nagkaisa ang mga guro at mag-aaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) sa kick-off ng Brigada Eskwela 2025 na may temang “Sama-sama para sa bayang bumabasa” noong ika-9 ng Hunyo bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.

“…hindi lang ngayon maga-start ang Brigada natin, so magkocommense siya monthly. We will do our best to make our surroundings clean.”
G. Rene Preña Punongguro
Ayon sa pangalawang pangulo ng Supreme Sec- ondary Learner Government (SSLG) Melbeth Ventura, hindi lamang layunin ng Briga- da Eskwela ang maglinis ng silid-aralan kundi pati na rin ang gumawa ng ugnayan sa pagitan ng mga mag-aaral lalo na sa mga bago pa la- mang sa institusyon.
Ibinahagi naman ni punongguro G. Rene Preña na ang Brigada Eskwela ay nararapat maging bahagi ng kultura ng paaralan na isinasagawa buwan-buwan, kalakip ang pagkakaisa sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Binigyang halaga din ng ka- lihim ng SSLG na si Matthew Berdin ang partisipasyon ng bawat student organization ng paaralan bilang mga modelo sa pakikilahok sa aktibidad. 4Ps, BJMP nakiisa sa diwa ng
BRSHS Brigada Eskwela
Bukod sa mga mag-aaral, nakiisa rin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Bureau of Jail Man- agement and Penology (BJMP) sa Brigada Eskwela ng BRSHS upang maghatid ng tulong sa paglilinis ng paaralan.
Ayon kay Danica Padag- dagan, isa sa mga coordi-
nator ng Brigada Eskwela sa BRSHS, ang hatid nilang suporta ay nagpapakita ng whole-of-community ap- proach sa paghahanda ng institusyon.
Ang matagumpay na sim- ula ng Brigada Eskwela sa BRSHS ay patunay ng matatag na ugnayan ng pamayanan para sa ligtas at maayos na balik-eskwela.
BRSHS bagong pasilidad tu- gon sa lumalawak na pan- gangailangan
Opisyal na binuksan ng mga kinatawan ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) ang bagong administration building noong ika-10 ng Abril ng kasalukuyang taon.
Higit pa sa karagdagang espasyo, layunin ng gusali na maging sentro ng inobasyon at epektibong pamamahala— isang hakbang tungo sa mas organisado at episyenteng serbisyo para sa buong komu- nidad ng paaralan.
Nagbigay daan ang pagbu- bukas ng bagong administra- tion building sa mas maayos na daloy ng mga opisyal na gawain at pagtugon sa luma- lawak na pangangailangan ng BRSHS, katuwang sa patuloy nitong pag-unlad bilang insti- tusyong pang-edukasyon.
Dance Workshop ‘25 inilunsad sa BRSHS
Matagumpay na isinagawa ang Dance Theater Workshop 2025 sa Bicol Regional Science High School (BRSHS) bilang bahagi ng pagtutok ng paaralan sa pag-unlad ng sining at talento ng mga mag-aaral.
Isinagawa ang tatlong araw na workshop mula Mayo 30 hanggang Hunyo 1, 2025, na nilahukan ng 20 estudyante mula sa Grade 7 hanggang 12, kabilang na ang ilang incoming Grade 7.
Layunin ng programa na higit pang paunlarin ang talento ng mga dance thespians sa iba’t ibang genre gaya ng jazz at contemporary dance.
“Layunin talaga ng workshop na ma-enhance ‘yung skills nila sa iba’t ibang dance genres,” saad ni Shirley Christelle Olivera, isa sa mga Dance Masters. Binigyang-gabay ang mga kalahok ng Dance Masters, club adviser, at alumni mentor na si Jay Vladimir Samar sa pamamagitan ng warm-up, drills, at choreography sessions bawat araw.
“May mga dance thespians na nagsabi na hindi nila forte ‘yung genre, pero sa huli, nagawa pa rin nila nang maayos at maganda,” dagdag pa ni Olivera.
Binigyang-diin din nila na lumakas ang kumpiyansa ng mga kalahok matapos ang workshop.
Plano ng grupo na ipagpatuloy ang ganitong pagsasanay tuwing weekend sa darating na pasukan upang lalo pang mahasa ang mga talento ng Dance Theater.

Hunyo 2025 TOMO 1 - BILANG 1 Ang Opisyal na Munting Pahayagan ng Opisyal
Kumpanya sa Kampanya
Balita | Nazrene Lleva, Yureina Aurelio
Balita | Kiah Opeña

2 Balita

DAYAW TALUMPATI. Nasungkit ni Glorienne Sangreo ng Bicol Regional Science High School ang ikalawang puwesto para sa READ-A-THON: 5-minute Advocacy Speech sa National Festival of Talents 2025 na ginanap sa lungsod ng Vigan, Ilocos Sur noong ika22 ng Mayo.
MULA SA DEPED SDO LIGAO CITY (FACEBOOK PAGE)
Brisayano wagi sa NFOT
‘25
Matagumpay na nakamit ni Glorienne S. Sangreo, isang mag-aaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) at kinatawan ng Rehiyong Bicol, ang ikalawang puwesto (1st runner-up) sa National Festival of Talents (NFOT) Read-A-Thon: 5-Minute Advocacy Speech na ginanap noong Mayo 19 hanggang 23, 2025, sa lungsod ng Vigan, Ilocos Sur.
Kalahok sa nasabing paligsahan ang 17 piling mag-aaral mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na nagtanghal ng kani-kanilang adbokasiya sa loob ng limang minuto.
Ibinahagi ni Sangreo sa isang panayam na pinili niyang bigyang-diin sa kanyang mensahe ang isyu ng climate change, isang usaping hindi lamang pamilyar sa kanya, kundi personal din niyang nararanasan bilang isang kabataang apektado ng mga suliraning dulot nito.
Ayon sa mag-aaral, ang kanyang
sa pagkakaisa sa pagtugon sa suliraning dulot ng pagbabago ng klima, at hindi lamang dapat iasa sa mga nasa kapangyarihan ang pagkilos.
“This isn’t just a speech, it’s a wake-up call,” ani Sangreo.
Dagdag pa niya, ang mismong lokasyon ng patimpalak—ang lungsod ng Vigan, na kanyang inilarawan bilang isa sa mga pinakamaiinit na lugar na kanyang napuntahan ay lalong nagpatibay sa mensahe ng kanyang adbokasiya, na ang climate change ay isang isyung ramdam na ramdam sa kasalukuyan.


TINGNAN DITO!
“The core of my speech was simple but urgent: climate change is a problem we all caused, and only all of us, together, can fix it,” pahayag pa ng mag-aaral.
Inihayag din ni Sangreo na mahalaga para sa kabataan na magsalita at makialam sa mga mahahalagang isyu ng lipunan.
Bago matapos ang panayam, muling iginiit ni Sangreo na hindi hadlang ang pagiging bata sa paggawa ng pagbabago, at na ang pagkilos para sa klima ay dapat magsimula sa kabataan—at simulan ito ngayon.
SSLG Office of the Secretary pormal nang naitatag
pisyal nang naitatag ang Office of the Secretary o Department of Interior and Secretarial Affairs (DISEC) ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) nitong ika-5 ng Hunyo 2025.
Brisayanos humakot ng medalya sa HKIMO at HKISO
Balita | Nazrene Lleva
Nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) sa naganap na Hong Kong International Mathematical Olympiad (HKIMO) at Hong Kong International Science Olympiad (HKISO) ngayong taon.
Idinaos ang heat round ng HKIMO noong ika-18 ng Mayo kung saan ginawaran ng parangal ang mga mag-aaral na nakilahok sa patimpalak, kabilang na ang dalawang gold awardees, limang silver awardees, dalawang bronze awardees, at isang merit award.
Samantala, ang final round ng HKISO noong ika-14 ng Hunyo ay umani ng sampung gold awardees, isang silver awardee, at limang bronze awardees.
Ayon kay Eugenio Muella, isa sa mga kalahok, malaking karangalan ang katawanin ang institusyon sa mga ganitong prestihiyosong kom-
petisyon na nagbibigay ng pagkilala sa paaralan.
“Lubos akong natutuwa dahil dala-dala ko ang pangalan ng paaralan tungo sa pagkapanalo, dahil ang tagumpay ko ay tagumpay din ng BRSHS,” ani ni Muella.
Ang positibong resulta ng dalawang patimpalak ay hindi lamang nagpapatunay ng kahusayan ng mga mag-aaral ng BRSHS sa larangan ng agham at sipnayan, kundi nagpapakita rin ng kanilang dedikasyon, talino, at patuloy na pagsusumikap tungo sa akademikong kahusayan at karangalan ng paaralan.
Itinatag ang opisina upang magsilbing plataporma sa paglalathala ng mga opisyal na dokumento ng SSLG at sentro ng komunikasyon para maisulong ang transparency, alinsunod sa pormal na pag-apruba sa bisa ng Resolution No. 001-2025 noong ika-4 ng Abril 2025.

Balita | Kiah Opeña
Balitang Kinipil | Kiah Opeña
an file:///C:/Users/Eugenio/Downloads/ANG%20HULMAHAN%20(30).png file:///C:/Users/Eugen io/Downloads/ANG%20HULMAHAN%20(30).png file:///C:/Users/Eugenio/Downloads/ANG%20 HULMAHAN%20(30).png
“Sa sistemang ito, ang may pera ang may mukha. Matira
ang mayaman, mabaon ang walang pondo.”
| Gabriel
Kumpanya sa Kampanya
Hindi pangmatagalang maikukubli ng mga nakakaakit na tarpaulin at maiingay na jingle ang buhong na intensyon na nasa likod nito.
Pormal na nagsimula ang kam panya para sa Halalan 2025 noong ika-28 ng Marso, ngunit mata gal nang umaalulong ang mga nangangarap na maupo sa poder. Bago pa man ang itinakdang araw, agresibong gumagalaw na ang mga kandidatong uhaw sa kapangyarihan, isinusungaw ang kanilang mga mukha sa mga panayam, patalastas, at iba’t ibang kaganapan. Bagamat ito’y hindi direkta, malinaw ang layuning magkaroon ng presensya.

ng bulsa.
Pagsapit ng opisyal na panahon ng pangangampanya, tuluyan nang binaha ng kanilang mga mukha at pangalan ang bawat lansangan, tila bangungot na pilit isinusubo sa publiko. Ngunit sa kabila ng sangkaterbang tarpaulin at flyer, malinaw hindi na sapat ang lumang estratehiya para makuha ang tiwala ng mga botanteng gising na sa mga paeklat.
Naging epektibong daluyan ng kampanya ang social media dahil sa malakas nitong hatak, partikular sa mga kabataan. Kapag pinag-isipang mabuti, ano nga ba ang nagpapakilos sa ganitong


Ang
Isang malinaw na halimbawa nito sina senator-elect Camille Villar at Imee Marcos, na nanguna sa listahan ng ‘Top Ad Spenders’ ayon sa Nielsen Ad Intel. Mula Enero hanggang Setyembre 2024 ay umabot na sa higit isang bilyon ang nagastos bago pa man magsimula ang opisyal na kampanya. Sa sistemang ito, ang may pera ang may mukha. Matira ang mayaman, mabaon ang walang pondo. Hindi na sapat ang mabuting hangarin kung hindi ito sinusuportahan ng perang kayang ipantapat sa mga ad at promo.

Sa ganitong kalakaran, hindi na serbisyo ang layunin ng eleksyon kundi pamumuhunan. Bawat airtime, billboard, at sponsored content ay hakbang para makuha ang puwesto at mabawi ang ginastos. Kung milyon ang nailabas, tiyak— may kapalit itong inaasahan. Kapag narating na ang inaasam
Eugenio Muella
Punong Patnugot
Kiah Opeña
Patnugot sa Balita
Yureina Aurelio
Patnugot sa Pagwawasto ng
Sipi at Pag-uulo ng Balita
ilan, ang puwestong ito ay nagiging daan upang palakasin pa ang kanilang pangalan at bawiin hindi lamang ang ginastos, kundi pati ang koneksyon at panahong inilalaan sa kampanya.
Malinaw na ang ganitong sistema ang pumipinsala sa direksyon ng bansa. Nararapat lamang na patindihin pa ang mga patakaran sa eleksyon. Kung magpapatuloy ito, patuloy na magiging puhunan ang halalan para sa mga politiko at daan tungo sa mas matabang tubo. Subalit malinaw rin na karamihan sa mga nasa poder ang hindi magpapasa ng batas na sisira sa sarili nilang tagumpay.
Sa gitna ng makukulay na kampanya at magagarbong pagpapakilala, lumilitaw ang isang mahalagang paalala na hindi lahat ng kinang ay dalisay. Kung ganyan kalaki ang puhunan sa simula, baka sa dulo, ang tunay na hangarin ay hindi serbisyo—kundi ang makukuhang tubo.
Precious Jade Saclag, Nazrene Lleva, Kimberly Carullo Manunulat
Trina Lagana, Dave Pregonero Litratista
Celene Almonte, Gabriel Oraye
Dibuhista
Mikaela Reamico Tagadisenyo ng Pahina
Jose Martin Bongao Tagapayo
Dibuho
Oraye


PUNTO EDUKADO
Silid-kulangan
Kolum
| Precious Jade Saclag
Sa bawat silid na salat sa silya, sira ang pader, maging nananatili lamang sa plano ang pagpapagawa, naroroon pa rin ang batang sabik matuto. Sa kabila ng napakalaking pondong nakalaan para sa edukasyon, hindi pa rin maramdaman ang pangakong ito sa mga paaralang matagal nang nakikipagbuno sa kakulangan ng espasyo.
Sa Bicol Regional Science High School, patuloy na suliranin ang kakulangan sa mga silid-aralan. Dulot ng tumataas na bilang ng mga mag-aaral, kinailangang gamitin ang mga dating laboratoryo bilang pansamantalang silid-aralan—bagamat praktikal, ay hindi angkop sa matibay at epektibong pagkatuto.
Bagaman may pag-asa nang masolusyunan ang problemang ito sa pamamagitan ng kasalukuyang pagpapagawa ng isang bagong gusaling may dalawang palapag, at ng bagong tapos na gusaling pang-administratibo, hindi lahat ng paaralan ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
sa 24 milyong estudyante sa pampub- likong paaralan ang kabilang sa “aisle learners”—mga mag-aaral na lampas sa ideal na bilang na 25 hanggang 45 kada silid-aralan.
“Bilang mga magaaral, bawat sulok ng silid ay dapat maging sandigan ng aming pagkatuto.”
Ayon sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) nitong 2024, mahigit 165,000 silid-aralan ang kinakailangan sa bansa. Mas masaklap pa rito, ayon sa ulat ng Second Congressional Commission on Education noong Enero, tinatayang may 5.1 milyong mag-aaral mula

Bilang mga mag-aaral, bawat sulok ng silid ay dapat maging sandigan ng aming pagkatuto. Nakapanghihinayang isipin na dahil sa kakulangan na ito, marami ang naiiwan sa dilim at hindi natatanggap ang edukasyong nararapat sa kanila.
Sa usapin ng krisis sa edukasyon, mahalaga na pagtuunan ng pansin ng DepEd ang lumalalang suliranin sa kakulangan ng mga silid-aralan. Nararapat nitong siguraduhin ang pagpapatayo ng mga bagong gusali na may kalidad upang masiguro ang maayos na pagkatuto ng mga mag- aaral.
Ang tanging pader na dapat kilalanin sa edukasyon ay ang pader ng mga silid-aralan.
Ilusyon ng Rebisyon
Sumiklab at pumukaw ng mga tanong hinggil sa nararapat na landas ng sistemang pang-edukasyon ang pagpapatupad ng Strengthened Senior High School (SHS) Kurikulum sa iilang piling paaralan sa bansa. Sa harap ng sunud-sunod na reporma, naiiwan na lamang sa kawalang-katiyakan ang kinabukasan ng mga mag-aaral — papalit-palit ang anyo, ngunit pareho ang bungang delubyo.
Sa pagbubukas ng taong panuruan 2025–2026, mahigit 800 paaralan ang lalahok sa pilot testing ng bagong panukalang Strengthened SHS Kurikulum. Isinasaalang-alang ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagbuwag sa mahigpit na sistema ng strand na naging batayan ng senior high school simula noong 2016 upang mabigyan ang mga magaaral ng mas malawak at mas angkop na landas sa trabaho.
“...ang aming kinabukasan bilang mga magaaral ay hindi eksperimento, at lalong hindi dapat ibuwis sa isang rebisyong salat sa saysay at direksyon.”
Gayunpaman, ito rin ang naging sentro ng umaalingawngaw na kontrobersya. Sa bagong panukala, mula sa dating apat na track — Academic, Technical-Vocational-Livelihood, Sports, at Arts & Design — ito ay paiikliin na lamang sa dalawa: Academic Track at Technical-Professional (TechPro) Track. Sa ilalim ng Academic Track mapapaloob ang mga dating strand tulad ng Humanities and Social Sciences at General Academic Strand, samantalang pinagtibay naman ang Technical-Vocational-Livelihood ang TechPro.
Mabuti man ang hangarin nito, wala pa ring katiyakan sa maaaring ibunga ng bagong sistema, lalo na’t ito’y nasa yugto pa lamang ng pilot testing. Gayunpaman, tungkulin na ng DepEd na tiyakin ang maayos na pagpapatupad nito, kalakip ang masusing pag-aaral at konsultasyon sa bawat hakbang ng implementasyon.
Sa oras na tuluyan na itong maipatupad, mahalagang matiyak ang tuluy-tuloy na suporta ng pamahalaan. Dapat maisaalang-alang ang sapat na kagamitan para sa mga guro, organisadong mga aralin, at ang patuloy na pagsusuri sa nagiging bunga ng bagong kurikulum.
Tunay na kailangan ng pagbabago sa sistema ng edukasyon, subalit mananatiling hungkag ang mga reporma kung muli’t muling ipagwawalang-bahala ng mga nasa nanunungkulan ang epekto nito. Sapagkat ang aming kinabukasan bilang mga mag-aaral ay hindi eksperimento, at lalong hindi dapat ibuwis sa isang rebisyong salat sa saysay at direksyon.

Liham sa Patnugot

Mika Del Mundo 11-Initiative
Ginagalang na Patnugot,
Nais ko po sanang ipahayag ang aking saloobin kaugnay sa “No Make Up-Policy” ng ating paaralan. Batid ko na ang layunin nito ay mapanatili ang disiplina. Gayunman, hindi maitatanggi na bahagi ito ng self-expression at self-confidence namin bilang mag-aaral. Sa panahon na maraming kabataan ang lumalaban sa mababang tingin sa sarili, minsan ang simpleng kolorete ang pinaghuhugutan nila ng lakas ng loob. Ako po ay naniniwalang ang tamang paggamit ng make-up ay hindi hadlang sa pagiging mabuting mag-aaral.
Inaasahan ko po ang inyong komento ukol sa isyung ito at maging panimulang hakbang ng mas bukas na talakayan sa pagitan ng pamunuan at ng mga estudyante.
Lubos na gumagalang,



Ang Salimbayan Patnugutan
Pagbati Mika Del Mundo,
Lubos na nagpapasalamat sa inyong ipinadalang liham na naglalaman ng saloobinmakatwirang ukol sa “No Make-Up Policy” ng ating paaralan. Tunay ngang mahalagang mapakinggan ang tinig ng mga mag-aaral sa mga usaping may direktang epekto sa kanilang sarili at karana san. Ang inyong paninin digan ay patunay na ang kabataan ngayon ay hindi lamang basta tagasunod ng patakaran, kundi akti bong kalahok sa paghubog ng makatao at makatarungang pamayanan sa loob ng paaralan. Bilang pahayagan ng mga mag-aaral, tungkulin ng Ang Salimabayan na maging daluyan ng makabuluhang diskurso. Ang inyong panawagan ay aming isusumite sa pamunuan upang mag- bukas ng dayalogo batay sa respeto, pag-unawa, at malasakit.
Lubos na gumagalang, Ang Salimbayan

Liham ng Patnugot
Kolum | Eugenio Muella
PINOY HENYO
Bagong Pananaw
Balitang Lathalain | Kimberly Carullo
Higit pa sa mga pista, sayaw, pagkain, at wika kung ituring ang kultura—isa itong buhay na alaala ng pinanggalingan. Sa pamamagitan ng palitan ng kultura, mas lalo nating napapalawak ang ating kaalaman at natututo tayong tanggapin at pahalagahan ang pagkakaiba-iba ng bawat isa.
Sa katatapos na Mandutas International Student Exchange Program, tatlong mag-aaral mula sa Bicol Regional Science High School (BRSHS) ang ipinadala upang kumatawan sa Pilipinas. Layunin ng 12-araw na programa na itampok at ibahagi sa mga kalahok at panauhin ang mayamang kultura ng bawat bansang kinatawan.
Iginanap ito sa Tasikmalaya, Indonesia, kung saan sina Cassandra Niña Navia, Eugenio Muella, at Jazzel Prinsesa ang naging kinatawan ng Pilipinas. Ipinamalas nila ang kanilang talento sa harap ng maraming manonood—mula sa kahanga-hangang pag-awit ng Kanta Pilipinas, mahusay na pagpapahayag, hanggang sa ipinakitang galing sa martial arts.
Kapwa Natututo
Karaniwan, may kasamang guro sa ganitong programa na aktibong lumalahok sa mga talakayan at lektura. Sa mga sandaling iyon, sila’y hindi na lamang guro—sila’y mga mag- aaral na rin.
Lubos na ikinatuwa nina Chris John Rosamiran at Kristina Nieves, mga gurong kasama sa programa, ang naging karanasan sapagkat nagsilbi rin itong pagkakataon upang kanilang mas mapalawak ang pananaw sa iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo.
Dito, kanilang natutuhan ang mga estratehiyang maaaring iakma para sa kanilang mga magaaral. Isa sa mga kapansin-pans-
Kultura sa Lahat
Ang tunay na diwa ng palitang-kultura ay hindi lamang nasusukat sa pagkatuto, kundi sa bukas-palad na pagbabahagi.
Tulad ng karanasan ni Navia, na umuwing may ngiti habang tangay ang mga salitang natutuhan mula sa mga bagong kaibigan. Kasabay nito, nabigyang-sigla rin ang kanilang interes sa kulturang Pilipino, dahilan upang ibahagi niya ang ilang aspeto ng araw-araw na pamumuhay sa ating bansa.
Sa pamamagitan ng simpleng salita at mga kuwentong iniwan, tila naiangat nila ang tabing na bumabalot sa ating kultura—pinasilip ang makulay, masigla, at mayamang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Koneksyong Higit Pa
Para sa ilang kalahok ng programa, nagsisilbi itong tulay sa mas marami pang oportunidad—tulad ng pagtanggap ng alok mula sa mga prestihiyosong unibersidad sa mga bansang pinagdarausan.
Ngunit higit pa riyan, hindi natatapos sa programa ang ugnayan. Nananatiling bukas ang komunikasyon sa pagitan ng mga koponan, at patuloy ang palitan ng kaalaman, balita, at mga makabuluhang karanasan. Ang ganitong koneksyon ay nagsisil
na pagkakaunawaan at pagtutulungan.
Higit pa sa simpleng paglalakbay o pagkatuto ng bagong wika, ang mga Cultural Exchange Program ay mahalagang daan sa pag-uugnay ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa itong susi sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad—hindi lamang sa personal na pag-unlad, kundi maging sa larangang akademiko at propesyonal.
Para sa mga kinatawan mula sa BRSHS, ito ay hindi lamang isang pagkakataong mamulat sa pagkakaiba-iba ng mga bansa—ito rin ay isang karanasang puno ng pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at mga alaalang mananatili sa habang panahon.








DIWA NG BAYAN. Buong husay na itinanghal nina Jazzel Princesa (kaliwa), Cassandra Navia (gitna), at Eugenio Muella (kanan) ang mayamang kultura ng Pilipinas sa entablado ng Mandutas
Mayo.






Salimbayan Ang



BRISAY, SABAY SIKLAB! Sina Chloe Capayas (kaliwa) at Jaymie Nota (kanan) ay nagsasaad ng mga palatuntunan ukol sa sa Brigada Eskwela sa Bicol Regional Science High School noong ika-9 ng Hunyo.
KUHANG LARAWAN NI TRINA LAGANA
Pinanday ng Sipag
Lathalain | Kimberly Carullo
Sa pagbubukas ng bagong taong pampanuruan, muling isinagawa ang Brigada Eskwela—isang simbolo ng bayanihan para sa paghahanda ng paaralan. Sa Bicol Regional Science High School (BRSHS), nangibabaw ang malasakit at pagkakaisa sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG).
Hindi basta donasyon ang naging sentro ng Brigada ngayong taon. Ayon sa SSLG President ng BRSHS, “We mainly focused on the basics, comfort, and safety of Brisayano learners.” Bago pa man kumilos, nagsagawa sila ng inspeksyon sa buong paaralan, partikular sa mga silid-aralan, upang matukoy ang mga agarang pangan- gailangan. Kabilang dito ang mga sirang lock, kakulangan sa basurahan, sirang upuan, at kulang na kagamitan sa mga palikuran.
Ito ang tunay na kahulugan ng SIKAT: SIpag sa pagtuklas ng tunay na kalagayan ng paaralan at KATalinuhan sa pag-prayoritisa ng mga dapat ayusin para sa ikabubuti ng lahat. Tinutukan din nila ang pagpipinta, paglilinis ng paligid, at pagsasaayos ng matagal nang sirang kisame—mga hakbang upang makalikha ng ligtas at maayos na kapaligiran.
Hindi naging madali ang lahat, ngunit sa tulongng mga stakeholder tulad ng
BJMP, Barangay Tuburan, PNP, City Government, at ilang magulang at estudyante, naisakatuparan ang mga layunin. Maging ang mga donasyon ay ginamit upang kumuha ng bihasang manggagawa para sa mas epektibong aksyon.
Sa bawat pininturahang dingding at inayos na upuan, unti-unting nabubuo ang pangarap: isang paaralan kung saan ligtas, maayos, at inspiradong matuto ang bawat Brisayano.
Hindi lamang isang panawagan ang “Sikat ang Lahat.” Isa itong pangako— na sa tulong ng pagkakaisa at malasakit, sama-sama tayong lilikha ng isang komunidad na tunay na nag- mamalasakit.
Sa pagtatapos ng Brigada Eskwela, higit pa sa pisikal na kaayusan ng paaralan ang naibunga nito, nabigyang-diin din ang espiritu ng bayanihan at ang tunay na diwa ng pagiging Brisayano. Sa bawat taong lumahok, manggagawa man,

estudyante, guro, o magulang, namulat ang lahat sa kapangyarihan ng kolektibong pagkilos. Hindi lamang nasusukat sa dami ng naayos ang tagumpay ng programang ito, kundi sa damdaming iniwan nito, ang pagiging bahagi ng isang mas malaking layunin, ang pagbibigay ng dignidad at kalidad sa edukasyon.
Dibuho | Gabriel Oraye
Hunyo 2025 TOMO 1 - BILANG 1
Ang Opisyal na Munting Pahayagan ng Bicol Regional Science High School sa Filipino