

ANGHULMAHAN
Opisyal na Pampaaralang Pampamayanang Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pamamahayag ng Rehiyon V sa



Pahinang Editoryal: Ikalawang Gantimpala NSPC 2024


BRSHS nagpamalas ng husay sa Matematika at Agham

Kiah Mae Opeña Patnugot sa Balita
Patuloy na pinatunayan ng mga magaaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) ang husay nito sa mga pandaigdigang kompetisyon, hindi lamang sa matematika kundi pati na rin sa larangan ng agham.
Hinirang bilang ikapito sa pinamahusay na paaralan ang BRSHS sa Hong Kong International Science Olympiad (HKISO) Heat Round ngayong taon, kung saan 50 mula sa 64 na kalahok ang nag-uwi ng parangal.


Kiah Mae Opeña Patnugot sa Balita


NNasungkit ng 17 mag-aaral ang gintong parangal, 16 ang nakakuha ng pilak, 13 ang nagkamit ng tansong medalya, at apat naman ang pinarangalan ng Merit Award.
Ipinamalas din ng mga mag-aaral ng BRSHS ang kanilang husay sa larangan ng matematika sa pamamagitan ng matagumpay na pakikilahok sa dalawang prestihiyosong internasyonal na patimpalak ngayong taon: ang Big Bay Bei (BBB) at ang Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO).
Tinatayang pito sa walong kalahok ng BRSHS ang nakasungkit ng gintong parangal sa BBB at ang isa naman ay nakakamit ng pilak. Mula sa tatlo na nagwagi noong nakaraang taon sa TIMO, umakyat sa 16 ang bilang ng magaaral ang nakasungkit ng parangal sa nasabing kompetisyon.
Nabanggit ni Joemylene L. Sañosa, isa sa mga tagapagpayo, na isa sa mga problema na kinaharap ng mga mag-aaral at mga guro ay ang pondo para sa patimpalak.
“Dahil nga imbitasyonal, inako ng mga magaaral yung gastos kasi hindi namin pwede hingin yung gastos sa MOOE,” sambit ni Sañosa. Gayunpaman, binigyang diin niya na hindi nagbago ang dedikasyon ng mga mag-aaral sa pagsali sa mga patimpalak na ito.
akipag-ugnayan ang City Health Office (CHO) ng Ligao sa Department of Education (DepEd) upang ilunsad ang taunang HIV awareness program na naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga kabataan ukol sa Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ayon kay Gavin Alcantara, tagapag-ugnay ng HIV prevention and control sa lungsod, nakatuon ang programa sa 12 paaralan sa sekondarya dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa mga kabataang nasa edad 15 hanggang 25 taong gulang.
Kalagayan ng Kabataan
Binanggit ni Alcantara na pababa nang pababa ang edad ng sexual debut sa bansa, kung saan mayroon nang mga naitalang pagbubuntis sa edad na 12, na nagpapakita ng pangangailangan para sa maagang edukasyon ukol sa reproductive health.
“Kailangan nating tanggapin na mataas ang sex drive ng teenagers kaya malimit sila sa pagbubuntis,” ani Alcantara.
Sa datos ng lungsod, 43 kaso ang natukoy kung saan 41 dito ang kumpirmadong positibo
Ipinagpapatuloy ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) ang kanilang adbokasiya na gawing mas accessible ang edukasyon sa pamamagitan ng Library on Wheels o “BiLiB.”
Inilunsad ang BiLiB noong Marso 27, 2024, sa tulong ng Reading Department ng BRSHS sa Calzada Day Care sa Ligao City upang mahikayat ang mga batang magbasa at mahubog ang kanilang kakayahan sa murang edad
sa HIV, na nagpapakita ng kahalagahan ng voluntary testing sa maagang pagtukoy ng kaso.
Positibong Indikasyon
Bagaman`v nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng kaso, sinabi ni Alcantara na ang mas maraming nagpapasuri ay isang positibong indikasyon ng kamalayan sa proteksyon laban sa virus.
Bilang tugon, patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Health (DOH) tulad ng pamamahagi ng HIV testing kits upang mas marami pang kaso ang matukoy upang makontrol ang pagkalat ng virus.

Binibigyang-diin ni Alcantara na ang pagkakaroon ng mas accessible na testing facilities ay mahalaga upang hikayatin ang mas maraming tao na magpasuri.
“Naniniwala kami na ang pagbabasa ay pundasyon ng tagumpay, at layunin naming maabot ang mga nangangailangan nito,” pahayag ni Ariane Rei Nolasco, dating pangulo ng SSLG.
Pinili ng SSLG ang Calzada Day Care bilang unang destinasyon dahil nais nilang masimulan ang exposure ng mga bata sa literatura sa kanilang formative years.
Nagbigay naman ng donasyon ang Grade 11-Gauss Batch 2023-2024 ng mga libro at isang mini shelf bilang suporta sa proyekto.
Tulong ng Komunidad
Ayon sa tagapag-ugnay, kinakailangan ng mas aktibong papel ng mga komunidad at paaralan upang maipaliwanag ang kahalagahan ng proteksyon at responsibilidad sa sarili sa mas maagang yugto.
Ipinabatid ni Alcantara na habang may positibong aspeto ang kasalukuyang kampanya, tulad ng mas mataas na awareness at testing rates, malinaw na marami pang kailangang gawin upang malampasan ang mga hamon tulad ng stigma at limitadong access sa testing.
Binigyang diin niya na ang patuloy na ang pagtutulungan ng CHO, DepEd, at DOH ay mahalaga upang mapigilan ang pagkalat ng virus at mabigyan ng proteksyon ang mga kabataan sa Ligao.

Bless Ann Saberola Manunulat
Tinutugunan ng BiLiB ang kakulangan ng mga dekalidad na libro sa mga pampublikong paaralan at day care centers.
“Kadalasan, ang mga bata ay gumagamit ng luma o sirang materyales, kaya’t layunin namin na magbigay ng mas maayos na alternatibo,” dagdag pa ni Nolasco.
Inaanyayahan ng SSLG ang iba pang miyembro ng komunidad na tumulong sa pagpapalawak ng kanilang proyekto upang maabot ng BiLiB ang mga komunidad na mas nangangailangan ng suporta sa edukasyon.








Celene Almonte Dibuho

BALITA

ARALIN SA ALANGANIN
LIMITADONG PAGKATUTO. Alinsunod sa ipinatupad na 45-minutong iskedyul, ipinagkasya ni G. Dick Calmante, 33, ang aralin sa asignaturang Filipino para sa kaniyang mga mag-aaral sa Bicol Regional Science High School (BRSHS), Lungsod ng Ligao, noong ika-4 ng Disyembre, 2024.



45 minuto hindi sapat para sa isang asignatura
Umaray ang ilang guro at mga magaaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) matapos ipatupad ang bagong iskedyul ng klase alinsunod sa bagong kurikulum.
Ayon kay Dick O. Calmante, isang guro mula sa BRSHS, hindi sapat ang 45 minuto na klase upang pagkasiyahin ang mga aralin sa isang asignatura.
Ipinabatid ng guro na hindi nararapat na kulang ang oras na inilalaan sa bawat asignatura, nabibitin umano ang mga mag-aaral dulot ng mga aralin na kalakip ng bagong kurikulum.
“Yes, naapektuhan nito [kasi] doon sa isang oras kumpleto na. Noong binago, another adjustment na naman sa parte ng student at ng teachers kasi hindi ito yung nakasanayan natin,” ani Calmante.
Binigyang diin niya na pilit na ipinagkakasya ng mga guro ang pagtuturo ng mga aralin sa 45 minuto.
Isinaad din ni Calmante na ang mga guro

Brisayanos dumalo sa Kick-off ng National Rice Awareness Month
Dumalo ang mga mag-aaral ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) sa Kick-off Ceremony ng National Rice Awareness Month (NRAM), partikular sa ika-11 baitang bilang paghahanda sa kanilang work immersion.
Isinagawa ang nasabing aktibidad ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) Bicol Branch noong ika-24 ng Nobyembre sa Brgy. Batang, Ligao City.
Inimbitahan ng PhilRice ang 20 mag-aaral mula sa BRSHS, kasama ang mga magaaral mula sa Mayon Institute of Science and Technology (MIST) at Ligao National High School (LNHS) para sa aktibidad.
Ayon kay Hansel Y. Sadullo, Science Research Specialist I ng PhilRice, layunin ng programa na mas palawakin ang abot ng kanilang impormasyon.
“Hindi lang dapat magsasaka ang

target na madla kundi pati na rin ang mga consumer,”ani Sadullo.
Binigyang diin niya na may mahalagang papel ang kaalaman ng publiko sa tamang pagkonsumo ng bigas.
Hinikayat naman ng PhilRice ang lahat na sundin ang “ABKD” para sa responsableng pagkonsumo ng bigas na kaugnay sa kanilang tema na “Be RICEponsible”.
Isinaad na ang ABKD ay nangangahulugang adlay, mais, saba atbp ay ihalo sa kanin, brown rice ay kainin, kanin ay huwag sayangin at dapat bigas ng Pilipinas ang bilhin.


Nagsagawa ng Outreach Program ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) Club at Chemistry for Unified Brisayan Students Organization (CUBS-O) ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) noong ika-17 ng Disyembre 2024 sa Brgy. Inascan, Guinobatan, Albay. Layunin ng programa na maghatid ng tulong at saya sa 28 pamilya sa pamamagitan ng mga laro, regalo, at simpleng kainan.
Naging highlight nito ang mga masayang palaro tulad ng Trip to Jerusalem, Bring Me, at Newspaper Dance, na ikinatuwa ng mga bata, magulang, at opisyales ng club.
“Napakasaya po ng mga laro, lalo na’t kasama naming mga magulang ang mga anak namin,” pahayag ni Jenny Olayres, isang ina na lumahok sa mga aktibidad.
Bukod sa palaro, namahagi ang mga club ng mga bagay na magagamit nila sa pangaraw-araw tulad ng bag, damit, laruan, at pagkain.

ay kulang sa training at seminars na kailangan nila upang maipatupad ng maayos ang bagong kurikulum.
Ayon sa panayam ng ilang mag-aaral, ipinahayag nila na hindi naging madali ang pagsasaayos ng kurikulum kung saan nag dulot ito ng mga hamon tulad ng kakulangan ng malalim na pananaw sa aralin.
“Nahihirapan kaming ipagsabay ang patongpatong na mga gawain dahil kaunti lamang ang oras ng pag-lesson at minsan mas marami pa ang gawain na iniiwan,” saad ng isang mag-aaral.
Samantala, ipinabatid ni Calmate na sa kabila ng mga hamon dulot ng bagong kurikulum, hindi nagbago ang dedikasyon ng mga mag-aaral at guro ng BRSHS upang pagbutihin pa ang kanilang trabaho’t pag-aaral.
Nabanggit din ni Gizel E. Flores, isang Agriculturist ng Philippine Good Agricultural Practices (PHILGAP), ang kahalagahan ng food safety sa produksyon ng pagkain.
“Responsable ang pagkonsumo, ngunit dapat responsable rin tayo mula sa produksyon hanggang sa konsumo,” ani Gizel.
Bilang pagtatapos ng programa, ibinahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga natutunan at kabilang na rito ang kahalagahan ng tamang pagkonsumo ng bigas at ang pagsuporta sa lokal na produksyon upang

“Malaking tulong po ang mga natanggap naming regalo. Salamat po sa mga estudyanteng nagmalasakit,” ani Francisco Otilla, isa sa mga residente ng barangay.
Nagbigay rin ng lugaw at calamansi juice bilang munting salu-salo ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Inascan, sa pamumuno ni Kyle Xander Morada.
Sa buong programa, ipinamalas ng mga miyembro ng ESP at CUBS-O ang kanilang dedikasyon sa maayos na pamamahagi ng mga donasyon at pagpapatakbo ng mga aktibidad.
Nagtapos ang programa sa pasasalamat mula sa mga pamilya na nagpahayag ng kanilang taos-pusong pagtanaw ng utang na loob sa mga organizers.
Pinatunayan ng ESP at CUBS-O na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at kabutihang-loob, maaaring maghatid ng pagbabago at inspirasyon sa isang komunidad.
ng Ligao, noong ika-27 ng Setyembre, 2024.
Trina Lagana


Pabago-bagong klima hamon sa iskedyul ng klase
Nahaharap sa matinding hamon ang mga mag-aaral dahil sa pabagobagong klima, kabilang ang epekto ng bagyong Kristine na nagdulot ng malalakas na ulan at pagbaha sa ilang lugar.

Ayon sa DepEd Order (DO) 22, binagong bersyon ng DO 37 mula 2022, habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng suspensyon ng klase tuwing may bagyo, walang awtomatikong suspensyon para sa pagkawala ng kuryente at matinding init, kaya’t kinakailangang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.
“Nakaka-stress po kasi hindi namin alam kung kailan matatapos ang mga requirements. Mahirap mag-adjust sa biglaang pagbabago ng iskedyul,” ayon kay Cassandra Navia, mag-aaral sa ika-11 na baitang ng Bicol Regional Science High School (BRSHS). Nagbigay pahayag din si Gng. Anamyr Asilo, isang guro sa BRSHS, na mahirap sa parte nila na maiparating ang lessons lalo na kung walang sapat na materyales o suporta mula sa mga magulang.
Naantala ang mga aktibidad tulad ng Communication Arts Festival, na orihinal na nakatakda noong Nobyembre ngunit inilipat sa Disyembre dahil sa sunodsunod na pagsuspinde ng klase. Batay sa datos ng DepEd, umabot sa 36 na araw ang nawalang klase sa Cordillera Administrative Region simula noong Hulyo, na sinundan ng Ilocos Region at Cagayan Valley. Inatasan ng DepEd ang mga paaralan na magbigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral na naapektuhan ng mga kalamidad, upang masiguro ang pagpapatuloy ng kanilang pagkatuto sa kabila ng mga hamon. Patuloy na naninindigan ang DepEd na dapat masiguro ang kaligtasan at edukasyon ng mga mag-aaral sa harap ng pabago-bagong klima.

Kiah Mae Opeña
LABAN SA ALINSANGAN. Sa gitna ng matinding init, gumamit ng proteksyon si Sophia Lladones, 16, dahil sa tumataas na heat index sa Bicol Regional Science High School, Lungsod
Nathaniel Rosales
Yureina Aurelio
HANDOG BRISAY. Isinagawa ng mga boluntaryo mula sa Cubs-O at ESP Club ang pamimigay ng donasyon bilang bahagi ng Christmas Outreach Program para sa mga pamilya sa Inascan, Guinobatan, Albay, noong ika-17 ng Disyembre, 2024.
Rihan Lagarde
Bless Ann Saberola
Manunulat
Patnugot sa Balita
Manunulat
Bless Ann Saberola Manunulat
Mga Suspensyon ng Klase sa bawat Rehiyon dulot ng pabago-bagong Klima

BIGAT NG HAMON. Ang mga mag-aaral mula sa ika-9 na baitang ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) ay abala sa pagtatapos ng kanilang mga gawain, Lungsod ng Ligao, noong ika11 ng Nobyembre, 2024.


, Tatlong guro mula BRSHS pasado sa NQESH 2024

Pasado sa kamakailang National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) ang tatlong guro mula sa Bicol Regional Science High School (BRSHS) na ginanap noong Oktubre 2024.

Mula sa 22,000 na sumailalim sa pagsusulit sa buong bansa, tatlo sa anim na guro mula sa BRSHS ang pumasa sa NQESH.
Sina Joemylene L. Sanosa, Master Teacher ll at Math Department Chairperson; Kristina N. Nieves, Master Teacher ll, at Science Department Chairperson; at Dianne Redita Requiza, Teacher lll, at SHS coordinator ang mga gurong pumasa sa nasabing pagsusulit.
Ayon kay Sañosa, isa sa mga guro na nakapasa sa NQESH, isa sa naging rason ng pagkuha niya ng pagsusulit ay upang makilatis ang kaniyang kakayahan bilang guro at mahasa ang kaniyang kaalaman.
“It motivated me to take the NQESH for my professional, and personal development,” saad ni Sañosa.
Nabanggit din niya na maaraning ang mga natutunan nilang mga guro sa NQESH ay maibahagi nila upang makatulong sa pagpapabuti ng paaralan.
Nagbigay din ng payo si Sañosa sa mga kasamahang guro kung gaano kahalaga ang pasensiya, dedikasyon, tiyaga at maingat na desisyon upang makamamit ang mga nais nilang marating.
Binigyang diin ng guro sa panayam na kung mayroong magandang pamumuno sa isang paaralan, magkakaroon ito ng positibong epekto sa mga mag-aaral.
BAYANIHAN SA KAPALIGIRAN. Ang mga miyembro ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng paaralang Bicol Regional Science High School (BRSHS) ay nakiisa sa paglilinis ng baybayin bilang pagdiriwang ng International Coastal Cleanup (ICC) na ginanap sa Barangay Maonon, Lungsod Ligao, noong ika-20 ng Setyembre 2024.

Brisayanos 4-5 oras lamang ang tulog dahil sa dami ng workloads


Tinatayang 533 sa 800 mag-aaral, o 79 porsyento ng mga sumagot sa survey ng Bicol Regional Science High School (BRSHS), ang karaniwang nakakatulog na lamang ng apat hanggang limang oras dahil sa bigat ng kanilang workloads.
Ayon kay Jaira Airies Satuito, magaaral mula sa ika-walong baitang ng BRSHS, madalas nilang piliin ang pagtapos ng kanilang mga gawain kaysa sa pagpapahinga.
“Nawawalan na kami ng pag-asa at tiwala sa aming sarili na gawin ang mga tambak na gawain lalo na’t masyado na itong marami,” saad ni Satuito.
Patuloy na nagiging hamon sa mga mag-aaral ang tambak na gawain na nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan.
Binigyang diin ng ilang mag-aaral na malaking rason ang tambak na gawain sa negatibong epekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan, na nagdudulot ng stress at pagkabalisa.
“Minsan nagigising ako ng madaling araw kakaisip sa [mga] patong-patong na gawain,” saad ng isang mag aaral.
Inilahad din nila na madalas silang inaantok sa klase dahil sa tambak na gawain, na rersulta ng kakulangan ng tamang oras ng tulog.
Hindi naman umano ito nararapat na ipagliban at madaliin dahil ito ay magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang mga marka.
Panawagan nila, magbigay ang mga guro ng mas maayos na pagsasaalangalang sa iskedyul ng pagpasa ng mga workload, lalo na’t madalas itong nagkakasabay-sabay.



YES-O nanguna sa coastal clean-up drive
Kiah Mae Opeña Patnugot sa Balita
Nanguna ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) sa International Coastal cleanup (ICC) na isinagawa sa baybaying lugar ng Maonon, Ligao City noong Septyembre 20, 2024.
Inorganisa ang nasabing aktibidad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR Bicol) - CENRO Guinobatan.
Nakilahok ang 21 na mag-aaral ng BRSHS na pinangunahan ni John Galo Pableo, Chairperson ng YES-O, na kasamang nakibahagi ang mga opisyal ng nasabing organisasyon.
Naatasan ang mga mag-aaral ng BRSHS sa una at ikalawang istasyon na kung saan unang istasyon pa lamang ay nakalikom na sila ng higit kumulang 32. 31 na kilo ng basurang dagat.
Kabilang sa mga nalikom na basura ay ang mga sachet ng inumin, takip ng bote, plastic na baso at plato, at maging mga plastic bags.
Mahigit 20 Bani trees naitanim sa BRSHS

Naitanim ang mahigit 20 Bani Trees sa Bicol Regional Science High School (BRSHS) noong ika-13 ng Nobyembre, hakbang upang matugunan ang problema ng pagbaha sa paaralan.
Pinangunahan ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), na pinamunuan ni John Galo Pableo, ang Tree Planting Event bilang bahagi ng National Environmental Awareness Month.
Ayon kay Pableo, bukod sa matugunan ang problema ng pagbaha, ang aktibidad na ito ay naglalayong maging liliman sa open field ng paaralan, kung saan isinasagawa ang pang araw-araw na flag ceremony.
Gayunpaman, may mga hamon silang hinarap bago maisagawa ang aktibidad, kabilang na rito ang pagkuha o pagkakaroon ng mga seedlings ng Bani.
Isinaad ng pinuno ng YES-O na nagbigay tulong si Prof. Myla L. Niro, BU Guinobatan Forestry Chairperson, upang magkaroon ng seedlings ng Bani mula sa Mauraro Campus para sa nasabing aktibidad.
Ibinahagi niya na naging matagumpay ang nasabing Tree Planting Event dahil bunga ito
ng pagkakaisa ng iba’t ibang samahan at organisasyon sa BRSHS, na nagtulungan upang maisagawa ang aktibidad.
Ayon kay Pableo, may mga inihanda ang samahan ng YES-O para masigurado ang maayos na paglaki ng mga itinanim na bani.
Ipinabatid din niya na mayroon mga nalalapit na inisiyatibo ang samahan nila kabilang na ang mga pagtitipon patungkol sa climate change at ang mga posibleng gawing aksiyon kaugnay sa problemang kinakaharap.
Isinaad na ang tema ng ICC ngayong taon ay “Clean Seas for Blue Economy,” na nagbigay-diin sa kahalagahan ng malinis na karagatan para sa sustenableng pag-unlad ng ekonomiya.
Alinsunod ito sa Presidential Proclamation No. 470, s. 2003, na nagtakda sa ikatlong Sabado ng Setyembre bilang ICC Day sa bansa, Binigyang diin ni Pableo na sa pamamagitan ng pakikilahok sa gawaing ito, naging bahagi ang YES-O at BRSHS ng milyon-milyong boluntaryo mula sa mahigit 100 bansa na naglalayong bawasan ang plastik na basura at protektahan ang mga yamang-dagat.

KALIKASAN AY PANGUNAHAN. Nakilahok ang mga miyembro ng Math Club sa Tree Planting na programa ng YES-O Club bilang bahagi ng National Environmental Awareness Month na ginanap sa BRSHS noong ika-13 ng Nobyembre, 2024.

mag-aaral pa lamang, mahalagang makibahagi sa mga proyektong pangkalikasan.
BRSHS nanatiling kampeon sa DSPC

Dulot ng pagsisikap ng campus journalists ng Bicol Regional Science High School (BRSHS), muling nasungkit ng institusyon ang panalo sa pangkalahatang ranggo sa Division Schools Press Conference (DSPC) na ginanap noong ika-7 hanggang ika-8 ng Nobyembre sa Ligao East Central School.
Tinatayang pangatlong panalo na ito ng paaralan matapos ang pandemya kung saan karamihan ng campus journalists ng BRSHS ay sasabak sa Regional Schools Press Conference (RSPC).
Subalit, bago pa man dumating ang pandemya, matagal nang kinikilala ang institusyon bilang isang huwaran sa larangan ng pamamahayag at komunikasyon, kung saan sa bawat pagkakataong sumasali ang kanilang mga mag-aaral sa DSPC, hindi lamang simpleng partisipasyon ang kanilang inihahatid kundi pati ang tagumpay.

Sa ngayon, pinaghahandaan ng institusyon ang nalalapit na RSPC upang maiuwi muli ang panalo sa larangan ng pagsulat na gaganapin sa lungsod ng Sorsogon mula ika-28 hanggang ika31 ng Enero.
Trina Lagana
Eugenio Muella
Nathaniel Rosales
Nathaniel Rosales
Balitang Kinipil
Bless Ann Saberola Manunulat
Xyza Rapallo Punong Patnugot
Nazrene Lleva Manunulat
Kapatnugot
Mapili ngayon ang kabataan sa trabahoPESO Manager

Tinalikuran ng ilang Gen Z mula sa lungsod ng Ligao ang mga oportunidad sa trabaho na nangangailangan ng pagsasanay sa labas ng kanilang siyudad.
Ayon kay Della Jaucian, tagapangasiwa ng Public Employment Office (PESO) sa lungsod, kadalasang pinipili ng kabataan ang mga hanapbuhay na eksklusibo sa Ligao kahit pa limitado ang oportunidad.
“Mapili ngayon ang kabataan sa trabaho hindi tulad namin noon na lumuluwas pa sa Maynila upang makahanap ng pagkakakitaan,” sambit ni Jaucian.
Ibinahagi ng tagapangasiwa ang kanyang pagkadismaya dahil mismong aplikante na ang tumatanggi kahit na may sahod silang matatanggap sa loob ng tatlong linggo ng pagsasanay.
“Napapansin ko sa mga plataporma ng social media, partikular na sa Facebook, na karamihan sa mga post ay nagsasabing naghahanap sila ng trabaho, ngunit ito’y eksklusibo lamang dapat sa Ligao,” ani Jaucian.
Samantala, isinasagawa ang job fair sa lungsod kung saan mismong employer na ang lumalapit sa mga aplikante upang makakuha sila ng trabaho na angkop sa kanilang interes.
“Nakikita ko sa kabataan ngayong henerasyon ay nais nila na ang hanapbuhay pa mismo ang mag-aadjust para sa kanila, hindi tulad ng dati na kahit malayo ay ayos lang basta kumita ng pera,” ani Jaucian.
Gayupaman, nanawagan ang tagapangasiwa sa mga Gen Z na buksan ang isipan sa mga oportunidad sa malalayong lugar upang mas mahasa ang kanilang kakayahan.
SEGREGASYON ANG SOLUSYON.
Ilang mag-aaral mula sa Baitang 8 ang nagsasaayos ng tambak na basura sa loob ng kampus ng Bicol Regional Science High School, Lungsod ng Ligao, noong ika-7 ng Oktubre, 2024.
MENOR SA ILEGAL
BANTA NG DROGA. Ipinahayag ni Herminio Lamenosa Olivares, acting chief of police ng Lungsod, ang kaniyang saloobin tungkol sa mga kasong droga na kinasangkutan ng ilang kabataan sa Lungsod ng Ligao, taong 2024.






5 kabataan sa Ligao sangkot sa droga
Tinatayang lima ang kasong kinasasangkutan ng mga menor de edad na kaugnay sa droga sa lungsod ng Ligao.
Ayon kay Herminio Lamenosa Olivares, ang kasalukuyang acting chief of police ng Philippine National Police (PNP) sa Ligao, ang pinakabatang nasangkot sa kaso ng ipinagbabawal na droga ay 16 taong gulang lamang.
Ipinabatid ng pulis na dalawang porsyento ng mga nahuhuli na sangkot sa droga ay mga menor de edad o kabataan.
Isinaad ni Olivares na sa kabila ng patuloy na pagbaba ng crime rate, isang seryosong isyu naman ngayon ang mga kabataan na nasasangkot sa mga ilegal na gawain tulad ng paggamit ng droga, pagnanakaw, at iba pang krimen.
Ipinaliwag naman ng pulis na ang mga menor de edad na nahuli dahil sa mga kasong
may kaugnayan sa droga at iba pang krimen ay maayos na itinaturn-over sa opisina ng City Social Welfare and Development (CSWD), kung saan isinasagawa ang mga kinakailangang counseling at diversion intervention programs alinsunod sa RA 9344 upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Kaugnay nito, nabanggit niya sa panayam na ang Brgy. Tinago at Brgy. Guilid ang may pinakamataas na bilang ng kabataan na nasasangkot sa mga ilegal na gawain.
Ipinunto ng pulis na maaring ang unemployment ng mga magulang ang rason ng pagkakasangkot ng ilang kabataan.
Gayunpaman, ipinabatid ng PNP na mayroon silang isinasagawang preventive measures
Nakasanayang gawi hamon sa epektibong pamamahala ng basura

Nagsilbing hadlang ang nakagisnang pag-uugali ng mamamayan sa epektibong pamamahala ng basura sa kani-kanilang lugar.
Ayon sa panayam kay Echo Blitz ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa lungsod ng Ligao, pangunahing hadlang ang pag-uugali ng mamamayan dahil mahirap itong baguhin lalo na kung nakasanayan.
“Hindi madaling matatanggap ng mga tao ang wastong pamamahala ng basura marahil dahil ay nasanay na sila sa pagsusunog at pagtatapon,” pangatwiran ni Blitz.
Dagdag pa, mithiin ng kanilang ahensya na impluwensyahan ang mamamayan na yakapin ang ideya tungkol sa wastong pamamahala ng basura.
1,038 magsasaka ng Ligao nalugi ng P31M

Hagupit ng Bagyong Kristine sa kalupaan ng Bicol Region, kabuuang 1,083 bilang ng mga magsasaka sa lungsod ng Ligao ang nawalan ng humigit kumulang P31 milyong salapi dahil sa nasirang palay.
Batay sa datos na nakalap ng Tanggapan ng Agrikultura ng Lungsod (COA), nangunguna sa listahan ang pananim na palay sa lubhang napinsala ng bagyo, sunod ang mais at niyog.
Ayon kay Cheryl Requiza, agrikulturista ng lungsod, hindi gaano nakapaghanda ang mga magsasaka sa maaring pinsala ng Bagyong Kristine kaya maraming pananim ang nasira.
“Hindi natin inaasahan ang matinding epekto ng bagyo sa Bicol kaya nagkulang sa paghahanda ang karamihan,” ani ni Requiza. Dagdag pa, inaasahang magkakaroon ng taas presyo sa mga bilihin na napinsala ng bagyo partikular na ang bigas.
Sa kabuuan, tinatayang P52 milyong halaga ng mga pananim ang nasira ng bagyo sa lungsod. Gayunpaman, tinutukan ng ahensya ang paghahanap ng alternatibo para sa bigas ngayon
na kulang ito sa suplay.
“Isa sa mga mainam na pamalit sa bigas ay ang adlay dahil maraming sustansya ang dala nito sa katawan ng isang tao,” sambit ni Requiza.
Subalit, kulang pa ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagtatanim at pag-aalaga nito kaya wala pa ang adlay sa lungsod.
Ipinangako ni Requiza ang pagkakaroon ng mga programa para sa magsasaka upang mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa adlay sa oras na makabangon na ang lungsod sa hagupit ng bagyo.
Bignigyang diin ni Requiza ang kahalagahan ng isasakatuparang programa ng pamahalaan sa mainam na paghahanda ng mga magsasaka sa anumang sakuna na maaaring harapin ng lungsod.

“Kaya kami nagpapatupad ng malawakang kampanya sa epektibong pamamahala ng basura upang magkaroon sila ng kaalaman sa magandang dulot nito sa ating kapaligiran,” wika ni Blitz.
Samantala, ibinahagi niya na may mga taong indibidwal ang nakulong dahil sa hindi pagsunod sa wastong pamamahala ng basura bilang mensahe kung gaano kabigat ang parusa sa paglabag nito.
“May task force na nakaatas upang bantayan ang mamamayan kung sumusunod ba sila sa batas ng tamang pagtapon o hindi,” ani ni Blitz.
Patuloy sa paglulunsad ang programa ng ahensya upang mapagtagumpayan ang kanilang mithiin sa epektibong pamamahala ng basura.



upang mabawasan ang mga ganitong kaso. Binigyang diin niya na nagkakaroon sila ng regular intervention sa mga barangay na kung saan patuloy silang nakikipag-ugnayan at pumupunta para sa mga pagpupulong tungkol dito.
Dagdag pa, pumupunta rin ang PNP sa ilang paaralan sa lungsod upang magbigay ng kaalaman o impormasyon patungkol sa mga krimen sa lungsod.
Ipinabatid din ni Olivares na mayroong social media ang kapulisan na kung saan nagpo-post
Tungkol sa nagaganap na krimen at mga gabay upang mapigilan ang pagkalat ng krimen sa lungsod.
DPWH inaasahang makukumpleto ang mga proyekto sa 2025

Nagpaplanong magpatayo ng pedestrian overpass ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Albay 3rd District Office Ligao, kabilang ang iba pang proyekto na inaasahang matapos pagsapit ng 2025.
Ipinaliwanag ng DPWH na mahalaga ang pedestrian overpass upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan lalo na ang mga mag-aaral.
Inilahad ng opisina na nahaharap sila sa mga hamon sa pagpapatupad ng mga proyekto at isa sa mga ito ang kakulangan ng espasyo para sa pagtatayo ng poste at hagdan ng overpass, lalo na sa mga masikip na lugar tulad ng Maharlika Highway at pagkuha ng right-of-way sa mga pribadong lupain.
Isinaad ni Richard A. Moit, Chief, Planning & Design Section ng DPWH, na dapat mailagay ang poste ng overpass sa labas ng sidewalk upang hindi makaapekto sa daloy ng pedestrian traffic.
Naantala rin ang ilang proyekto dahil sa hindi maagap na pagsumite ng mga dokumento ng mga apektadong lote at problema sa pagtiyak na ang mga lupa ay may tamang titulo.
Binanggit ng opisina na ang mga permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), tulad ng Environmental Compliance Certificate (ECC), ay isa ring sanhi ng pagkaantala, lalo na sa mga proyekto sa protected areas.
Gayunpaman, idiniin ng DPWH na nakikipag-ugayan sila sa mga may-ari ng lupa at lokal na pamahalaan upang maresolba ang mga isyung ito.
Ipinaabot din ng opisina na ang pedestrian overpass na may estimated budget na P50 milyon ay isa sa mga nangungunang proyekto sa kanilang listahan ng mga prayoridad.
Manunulat Nazrene Lleva
Patnugot sa Balita Kiah Mae Opeña
Manunulat Bless Ann Saberola
Manunulat Nazrene Lleva
Manunulat Trizha Convocar
Inpograpiks Ariane Ros
Kish Payoyo
Rihan Lagarde
OPINYON

PATNUGUTAN
Punong Patnugot
Xyza Alexandrei Rapallo
Kapatnugot
Eugenio Muella
Tagapangasiwang Patnugot
Kish Payoyo
Tagapamahalang Patnugot
Rolein Margaritte Amolo
Opisyal sa Sirkulasyon
Rico Albert Dipad
Patnugot sa Balita
Kiah Mae Opeña
Patnugot sa Opinyon
Alexa Mei Lagdaan
Patnugot sa Lathalain
Jean Tyrone Datur
Patnugot sa Agtek
Charlyn Angel Garcia
Patnugot sa Isports
Joshua Morada
Patnugot sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita
Yureina Angel Aurelio
Litrarista

DANAK NG DAHAS
Mistulang isang kaharian ang pulitika sa Pilipinas, kung saan iilang apelyido lamang ang patuloy na naghahari, habang ang demokrasya ay naitago sa mapanlinlang na maskara. Palitan ng trono, hindi prinsipyo. Sa halip na maghatid ng patas na laban, naging kasangkapan ito ng hayagang pagsasamantala at monopolyo ng kapangyarihan.
Batay sa pananaliksik ng Global Media Arts News Research noong 2019, pambihirang 79% ng mga senador, 90% ng mga kongresista, at 34% ng mga kinatawan ng party-list ang mula sa mga pamilyang politikal. Sa puntong ito, malinaw na ang pamumuno ay hindi na nakasalig sa katalinuhan at matuwid na hangarin, kundi ay nagiging mana ng iilang makapangyarihang pamilya.
Sa kabila ng lantarang datos, hindi pa rin nawawala ang mga palusot ng mga politiko. Depensa nila, nananatili ang mga dinastiya dahil pabor dito ang masa. Subalit, ito ay sumasalamin lamang sa malinaw na patunay ng kanilang pagtangkilik sa mga dinastiya at pag-iwas sa tunay na reporma. Ipinapakita nito na mas inuuna nila ang pansariling kapakinabangan kaysa sa kapakanan ng nakararami.
Sa Albay, lantaran ang ganitong kalakaran, kung saan ikinandado ang pinto para sa mga

Nathaniel Rosales
Trina Lagana
Rihan Lagarde
Tagadibuho
Gabriel Aristotle Oraye
Celene Ryza Almonte
Xyrene Porcalla
Yuri Alyssa Almuela
Noah Patetico
Allyssa Mullasgo
Sophia Lladones
Carmela Araza
Angel Arnoza
Venice Mendoza
Tagadisenyo ng Pahina
Sophia Mari Sy
Jhon Joshua Hernandez
Mikaela Reamico
Dave Pregonero
Cyrus Lorenz Garcia
Ariane Ros
Tagapayo
Anamyr M. Asilo
Kasangguni
Erlynn Moises
Punongguro
Rene Preña
Nympha D. Guemo
Schools Division Superintendent
Gilbert T. Sadsad
Regional Director

karapat-dapat maglingkod, at naging harang sa pag-usbong ng mga bagong lider na may integridad at tunay na kakayahan upang maglingkod sa bayan. Ang sistemang ito ay ugat ng paghihirap ng nakararami—isang modernong pyudalismo, kung saan ang apelyido ng mga makapangyarihan ang siyang nagpapasa walang halaga sa boses ng masa.
37 taon na ang lumipas mula nang maratipika ang Saligang Batas 1987 subalit, hanggang ngayon ay patuloy na inuupuan ng mga mambabatas ang Sec. 26, Article II na nagbabawal sa dinastiya. Sino ba naman sa nakaupo ang may interes na magpasa ng batas na magpapabawas sa kanilang imperyo ng kapangyarihan?
Mas lalong pinadali ng sistemang ito ang pagkain sa pondo ng pamahalaan, habang ang mga apelyido ng mga pamilya ay ginagamit na kasangkapan para magpalakas sa susunod na eleksyon. Manipulado ng kayamanan at impluwensiya ang politika, at naiipit sa isang siklo na nilikha ang mga botante upang panatilihin ang kapangyarihan ng iilan.
Sa tagal ng ganitong sistema, ang AntiDynasty Law, ang pinakamabisang sandata upang muling buhayin ang namamatay na demokrasya, ay patuloy na itinataboy. Mahalaga ito upang tuluyan nang buwagin ang pang-aabuso abuso sa kapangyarihan sa gobyerno. Hindi ito isang simpleng panukala

TPangitaing nasa Hangin


kundi matinding hamon sa isang sistemang nakabatay sa pangalan at pribilehiyo. Kinakailangan ang matapang at samasamang pagkilos upang maisabatas ang Anti-Dynasty Law. Hindi na maaaring hayaan na lamang ang lantarang pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga politikal na angkan. Ang tanging paraan upang makamtan ang makatarungang pamahalaan ay ang pagtanggal sa mga dinastiya at pagbabalik ng kapangyarihan sa mamamayan.
Manipulado ng kayamanan at impluwensiya ang politika, at naiipit sa isang siklo na nilikha ang mga botante upang panatilihin ang kapangyarihan ng iilan.

Sa bawat pagkakataong nakatayo ang mga politiko sa kanilang mga platapormang pabango ay siyang panahon din na nahuhulog tayo sa siklo ng kasinungalingan.
uluyang tinangay ng hangin ang pangako ng pamahalaan hinggil sa relokasyon ng mga komunidad na naapektuhan ng pagpapalawak ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas (PNR). Ang mga proyektong tulad nito, na sana’y magdadala ng pag-asa sa mga Pilipino, ay nagiging kasangkapan ng mga politiko upang mapaganda ang kanilang imahe habang ang mga apektadong pamilya ay patuloy na isinasantabi. Taong 2023 nang muling magsimula ang pagtakbo ng mga tren sa rehiyong Bicol matapos ang anim na taong pagtigil. Ang pagbabalik ng operasyon ng PNR ay nagbigay ng pag-asa para sa mas mabilis na transportasyon at pagsulong ng ekonomiya sa rehiyon. Subalit, lumipas na ang isang taon at nananatiling nakahimlay ang pangako ng gobyerno para sa mga residenteng apektado. Sa lungsod ng Ligao, isa ang barangay Tinago sa mga komunidad na labis na naaapektuhan sa pagbukas ng panibagong sistema ng transportasyon. Batay sa panayam ng isang residenteng hindi nagpakilala, “Lagi namin naririnig ang relocation pero wala
namang kasiguraduhan. Nagsimula iyan noong panahon ni Duterte, ngunit ngayong kay Marcos ay hindi na namin maramdaman ang aksiyon. Hanggang ngayon, wala pang konkretong plano kung paano kami matutulungan.”
Habang ipinagdiriwang ng ilan ang pagbabalik ng tren, muling nabibigyangpansin ang mga hamon sa relokasyon ng mga komunidad na naapektuhan ng proyekto. Maraming pamilya ang naiwan sa kawalan, walang maayos na relokasyon, walang suporta, at higit sa lahat, walang katarungan para sa sinasakripisyong kaligtasan.
Samakatuwid, hindi lamang sa Bicol mararamdaman ang ganitong uri ng pagpapabaya. Sa Pilipinas, kung saan tanyag ang mga magagarang proyekto ng politiko, ay madalas nauuwi sa wala tulad na lamang ng pangakong relokasyon sa Los Baños, Laguna na hindi natutupad sanhi umano ng kakulangan ng pondo ayon sa Municipal Urban Development and Housing Office (MUDHO).
Bunga nito, hindi lamang ang mga apektadong pamilya ang nagdurusa, kundi pati na rin ang buong bansa. Ang ganitong pagpapabaya ay nagiging sanhi ng pagkasira
ng tiwala ng tao sa gobyerno, isang bagay na may malawak na epekto sa buong lipunan at sa ating demokratikong proseso. Bilang isang kabataang Pilipino, nakakabahalang isipin na nabubuhay na lamang ang ating kapwa sa kawalang-tiyakan habang naghihintay sa mga pangakong hindi natutupad. Sa bawat pagkakataong nakatayo ang mga politiko sa kanilang mga platapormang pabango ay siyang panahon din na nahuhulog tayo sa siklo ng kasinungalingan, na kung saan bukambibig nila ang solusyon subalit sa huli ay wala rin namang implementasyon. Ang katuparan sa Republic Act No. 7279 o ang “Urban Development and Housing Act of 1992” ay higit na kinakailangan upang matiyak ang ligtas at maayos na pamumuhay para sa mga kababayang naninirahan malapit sa riles ng tren. Ang tunay na paglilingkod ay dapat nakikita sa mga hakbang na nakatuon sa kapakanan ng nakararami at hindi para sa pansariling kapakinabangan. Oras na upang singilin ang pinangakong relokasyon at pagpapatupad ng konkretong planong tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Kolum Alexa Lagdaan Patnugot sa Editoryal
Singaw sa Seguridad
OPINYON. Bangayan ng Bayan


TINIG BRISAY
Sa isang ‘di-inaasahang pangyayari, pambihirang tinanggalan ng buong subsidiya ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa kabila ng pagtaas ng badyet para sa taong 2025, wala ni isang piso ang inilaan para rito. Nilagdaan noong Disyembre 30, 2024, ang PHP 6.326 trilyong General Appropriations Act (GAA) para sa 2025, na mas mataas ng 9.7% kumpara sa nakaraang taon. Sa kabila nito, tahasang inaprubahan ng Kongreso ang zero government subsidy para sa PhilHealth kung saan aasa na lamang ang ito sa P284 bilyong operating budget nito.
Sa kawalan ng suporta mula sa gobyerno, ang bigat ng pagpapanatili ng PhilHealth ay mahuhulog nang buo sa mga direktang kontribyutor. Dahil dito, milyun-milyong hindi direktang kontribyutor—tulad ng mga senior citizen, PWDs, at mga maralitang Pilipino—ay lalong madadala sa alanganing sitwasyon nang walang sapat na proteksyon. Sa harap ng isyung ito, maraming Brisayano ang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa sitwasyon.


DBalota’t Bala

Kolum Kesha Robledo Manunulat
aig pa ang teleserye sa telebisyon kung mag-alitan ang dating alyansang nangako ng pagkakaisa upang itawid ang “Bagong Pilipinas”. Pinagkaiba nga lang, higit pang tumatagal ang mga teleserye kumpara sa nag-iisang plataporma ng mga artistang nanunungkulan.
Juriel Rebanal 11 - Initiative


“Ang pagbabawas ng badyet sa PhilHealth ay direktang banta sa kalusugan ng mga Pilipino. Paano mabubuhay nang maayos kung mismong serbisyong medikal ay tinatanggalan ng pondo?”

Bennett Payoyo 12 - Passionate

“Kapag nabawasan ang pondo ng PhilHealth, mawawala ang pag-asa ng maraming mahihirap sa panahon ng sakit. Hindi dapat tipirin ang kalusugan ng mamamayan.”
Mika Del Mundo 10 - Reliable

Sa isang panayam noong Nobyembre 23, 2024, binatikos ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. Walang pag-aalinlangan na inihayag ang kanyang galit at pagkontrata sa isang assassin upang patayin ang mga ito kung sakaling magtagumpay ang anila’y pakana laban sa kaniya.
Sa gitna ng lumalalang kahirapan, mga banta sa seguridad ng mamamayan, tuloytuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at iba pang nagbabagang krisis, mas pinipili ng pamahalaan na gawing palabas ang alitan sa pagitan ng dating Uniteam Tandem—Duterte at Marcos. Pilit na ginagawang sentro ng usapin ang bangayan sa pagitan ng Uniteam upang iangat ang kanilang mga pangalan at tabunan ang tungkulin nila bilang lider. Umeskala na ang sitwasyon sa usaping impeachment laban kay Duterte. Sa puntong ito, malinaw na hindi na karaniwang alitan ang ideya ng palabas kundi giyera at pagtataksil



M“Ang kalusugan ay hindi pribilehiyo kundi karapatan ng bawat isa. Ang pag-alis ng pondo ay pagtalikod sa tungkulin ng gobyerno.”

ang ating atensyon sa kanilang kawalan ng aksyon. Inuuna ng ating mga lider ang sarili nilang kagustuhan at pagtatayo ng kani-kanilang mga imahe.
Ang kaunlaran at tagumpay ng Pilipinas ay nakasalalay sa isang pamahalaang nagkakaisa, may pananagutan, at bukas sa mamamayan. Nararapat na magkaroon ng paglilitis ang mga politiko, mataas man ang posisyon o hindi, sa oras na
Unos sa Sistema
Habagat ng Pasiya

Kolum Ivan Zenn Melitante Manunulat
alawakang pagbaha ang sumalanta sa Bicol noong ika-22 ng Oktubre, 2024, matapos tumama ang
Bagyong Kristine. Gamit ang paulit-ulit na salaysay ng kalamidad, naging palusot ng pamahalaan upang pagsamantalahan ang lumulobong pondo, habang ang mga ipinangakong proyekto ay nagiging mga ilusyon lamang.
Umabot sa napakalaking badyet na 132 bilyong piso ang inilaan para sa mga proyekto upang sugpuin ang suliranin sa pagbaha sa Bicol simula pa noong 2018. Kasama rito ang pagpapatayo ng mga floodways, pag-alis ng mga sediment, buhangin, putik, at iba pang mga materyales sa mga ilog, at pagtatayo ng mga dike sa mga lugar na madaling bahain. Sa papel, maganda ang plano subalit, nananatili lamang itong pangakong napako hanggat magpakita ang epektibo nito.
Nararapat lamang na magkaroon ng masusing imbestigasyon at matiyak na napupunta sa tama at makabuluhang mga proyekto ang kaban ng bayan.

TKomentaryo
Ayon sa mga ulat ng Commission on Audit at iba pang imbestigasyon ang mga iregularidad sa implementasyon ng mga proyektong flood control. Kabilang dito ang mga ghost projects na hindi natutupad sa aktwal at ang labis na pagpapataas ng presyo ng mga materyales.
Bilang isang Albayano, ako mismo ang nakasasaksi sa paulit-ulit na pangako ng mga imprastrakturang hindi tumatagal at agad na bumibigay matapos ang ilang buwan. Sa kabila ng taun-taong pananalasa ng halos siyam na bagyo sa Bicol, nananatiling mailap ang malaking pondo para sa tunay na makabuluhang pagbangon at proteksyon ng rehiyon.
Malaking panakip-butas ng pamahalaan ang sinasabing hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon dahil sa lakas ng Bagyong Kristine na katumbas ng tatlong buwan na pag-ulan. Subalit, aminado na ang hepe ng Albay Provincial Public Safety and Emergency Management Office, Cedric Daep, na mayroong kakulangan sa pagpaplano at mahihinang proyekto sa flood control. Dagdag pa niya, mahalaga na bumuo ng masterplan ang pamahalaan upang masiguro ang epektibo nito. Hindi lang mga isyu ng kalikasan ang ugat ng mga baha, kundi pati ang malupit na kakulangan sa pananagutan at integridad. Ang bilyong pisong pondo ay hindi para magpayaman ng ilang tao, kundi para magbigay ng tunay na solusyon. Dapat ito’y ilaan sa mga pangmatagalang proyekto na may konkretong epekto. Kung talagang seryoso ang gobyerno sa pagsugpo ng suliraning ito, kailangang magsagawa ng masusing imbestigasyon, pananagutan ng mga tiwaling opisyal, at tiyakin na ipatupad ang mga proyektong magdudulot ng tunay na pagbabago. Sa matinding hagupit na dala ng mga bagyo, ang daloy ng kaban ng bayan ay dapat tumutungo sa mga imprastrukturang mapapakinabangan ng taumbayan. Subalit, ang buhos nito ay walang awang nilalamon ng mga ganid at makasariling nasa kapangyarihan.
MaDigong Nakaraan

uluyang nabahiran ng dugo ang ating bansa nang aminin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kasangkutan sa naganap na Extrajudicial Killings o EJK sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sa kabila ng mga binitawang salita, nananatiling mabagal ang pag-usad ng mga hakbang tungo sa pananagutan. Umamin ang dating pangulo sa isang pagdinig sa senado na siya’y may kaalaman at pananagutan sa pagkamatay ng libu-libong tao sa ngalan ng “war on drugs.” Marami sa mga biktima nito ay hindi nakatagpo ng hustisya, at marami sa mga salarin ay hindi pa rin nahaharap sa hukumang nararapat sa kanila.

Sa kasalukuyan, patuloy na itinatanggi ng pamahalaan ang sistematikong pagdanak ng dugo sa ilalim ng administrasyong Duterte. Gayunpaman, hindi nila maitatago ang mantsang naiwan ng karumal-dumal na pamamaraang EJK. Batay sa imbestigasyon ng Amnesty International noong 2017, naiulat ang pagtatanim ng ebidensya at pagrerekrut ng mga binabayarang mamamatay upang ituloy ang madugong kampanya laban sa droga.
Higit pa rito, binunyag ng mga testimonya sa Kongreso ang paggamit ng “drug watch lists” hindi lamang upang labanan ang kriminalidad, kundi upang patahimikin ang mga kritiko at kalaban sa politika. Sa kabuuan, tinataya ng mga human rights group ang mahigit
30,000 buhay na nawala sa kamay ng sistematikong pamamaslang, isang indikasyon ng madugong mantsa na hindi kailanman mabubura sa


Digong Nakaraan

kasaysayan ng bansa.
Dahil dito, ang pagkukumpisal ni Duterte ay naging isang malupit na biro. Sa likod ng malinaw at mabigat niyang pahayag, makikita ang bakas ng pagmamalaki at pangmamaliit sa isyung nananawagan ng katarungan. Ang mga salitang dapat sana’y nagbubukas ng pinto para sa hustisya ay nagiging paalala kung gaano kalakas ang kapit ng kawalan ng pananagutan sa ating sistema.
Pananggalang ng Mapanlinlang
Korona’t Karit
Precious Jade Saclag Manunulat
Noong Oktubre 8, 2024, naghain ng COC para sa Senado ang nakakulong na pastor sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Mark Tolentino. Ayon sa kanya, tumatakbo si Quiboloy upang isulong ang kalidad na edukasyon at labanan ang korapsyon. Subalit sa kabila ng pahayag na ito, mas malinaw na ang kanyang kandidatura ay isang pagtatangkang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa seryosong alegasyon laban sa kanya tungo sa pagiging lehitimong kandidato. Matatandaang naging sentro ng mga pahayagan si Quiboloy matapos siyang maparatangan ng mga krimen tulad ng human trafficking, pang-aabusong sekswal, at panlilinlang, ayon sa ulat ng Federal Bureau of Investigation (FBI). Simula noong 1985, ang itinatag niyang relihiyon na tinawag na Kingdom of Jesus Christ o KOJC ay naging lunsaran ng iba’t ibang krimen. Sa kabila ng pagiging isa sa mga most wanted ng FBI, nananatili ang matayog niyang pangarap na makawala sa kamay ng hustisya.

Kolum

niyang may impluwensya.
Sa pananaw ko bilang isang Pilipino, malinaw na ang demokrasya, isang prinsipyo na ilang dekadang ipinaglaban, ay madaling matibag ng ganitong klaseng mapanlinlang na taktika. Ang eleksyon na dapat sana’y sagisag ng kapangyarihan ng mamamayan ay nagiging kasangkapan ng mga nais makaiwas sa hustisya. Sa halip na magsilbi para sa bayan, ginagamit ito bilang personal na pananggalang mula sa batas.





Ian Nathaniel Gregorio 7 - Aware
Ginagalang na Patnugot, Nais ko pong iparating ang aking hinaing kaugnay ng biglaang konstruksiyon malapit sa aming silid-aralan. Mula nang magsimula ang proyekto, kami po ay labis na naapektuhan ng malalakas na ingay mula sa mga makina at alikabok na umaabot sa loob ng aming silid. Ang nakakadismaya po ay ang kawalan ng anunsiyo ukol dito. Nagulat na lamang po kami nang biglang may mga naghuhukay sa harap ng aming silid. Nauunawaan ko po ang layunin ng proyekto na matugunan ang kakulangan sa silid-aralan, ngunit sana po ay naisagawa ito nang mas maayos upang hindi makasagabal


Kung ang mga nagkasala, lalo na ang mga nasa posisyon ng kapangyarihan, ay hindi nakararanas ng kaukulang parusa, nagiging maliwanag na ang ating sistema ng hustisya ay tiwali at walang bisa. Ang pag-amin ni Duterte ay isang paalala ng pagkukulang ng pamahalaan sa pagpapataw ng mga karampatang pananagutan. Hindi sapat ang mga salita at pagkondena, bagkus ang malinaw na aksyon upang makamit ang hustisya.
Sa pagbukas muli ng kaso ng EJK sa bansa, nararapat manguna ang pamahalaan sa masusing imbestigasyon at pagpapatibay ng proteksyon sa mga karapatang pantao. Hindi sapat na itanggi ang mga pagkakamali sa pagpapatupad ng batas. Ang tunay na lakas ng isang demokrasya ay hindi lamang nasusukat sa mga pahayag, kundi sa kakayahan nitong magbigay ng katarungan, lalo na sa mga pinakamahirap at walang kalaban-laban.
Sa huli, kung ipagpapatuloy natin ang pagpapabaya sa katarungan, tiyak na babalik tayo sa madugong nakaraan.

Samakatuwid, patuloy na winawaksi ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga petisyon ukol sa diskwalipikasyon ng pastor, na nagiging daan upang maabuso ang sistema ng hustisya. Isa itong indikasyon ng kahinaan ng sistemang legal ng Pilipinas, kung saan isinasawalang-bahala ang proseso ng demokrasya at nagdudulot ng kawalan ng pananagutan para sa mga katulad
Bunga nito, nararapat lamang ang agarang aksyon mula sa COMELEC upang masiguro ang kanilang mga patakaran ay naaayon sa prinsipyo ng demokrasya at katarungan. Kasabay nito, dapat tiyakin ng korte ang mahigpit na pagsunod sa proseso at magpatupad ng walang kinikilingan at maayos na pagsusuri sa mga kaso ni Quiboloy. Hindi rin maaaring palampasin ang papel ng Kagawaran ng Katarungan sa pagbibigay proteksyon sa mga biktima at pagsisiguro na masusing maimbestigahan ang nakahaing mga alegasyon.
Walang puwang ang isang kriminal sa pamahalaan, at ang halalan ay hindi dapat gawing kanlungan ng mga nais tumakas sa kanilang pananagutan sa batas. Panahon na upang tayo ay manindigan para sa hustisya at demokrasya, hindi lamang para sa mga biktima kundi para sa kapakanan ng buong sambayanan.



Ayuda sa Kamera
Bakod ng Pangako
Xyza Alexandrei Rapallo Punong Patnugot
a tuwing may kalamidad, madalas na nagsusulputan ang mga politiko na nag-aabot ng mga ayuda, at nagpapawang-bayani sa harap ng kamera. Naging saksi tayo sa mga larawan ng mga politiko na may mga karatula na may pangalan nila, nakatambad sa bawat relief
Patunay rito ang sitwasyon matapos ang paghagupit ng Bagyong Kristine sa Bicol noong ika-22 ng Oktubre 2024. Sa gitna ng pagluluksa ng mga biktima, kumaripas at nagbigay ng saklolo ang ilang politiko at namigay ng mga ayuda. Subalit, tanaw sa bawat pakete ang mga pangalan maging mga mukha nila na halos ipinagkaloob kasama ang mga ito. Dito ko nararamdaman ang tunay na saklap ng kalamidad sa ating bansa. Ang mga ayuda ay hindi dapat ginagawang plataporma para magpakitang-gilas at palakasin ang mga pangalan ng mga politiko. Ang pera na ginagamit sa mga relief packs ay mula sa kaban ng bayan, at hindi ito dapat gawing pagkakataon upang matamo ang simpatiya o boto. Bagaman may mga pagkakataong nagmumula sa sarili nilang bulsa, namamatay ang diwa ng pagmamalasakit sa sandaling gawing palabas ang kanilang pagkakawanggawa at iwagayway ang kanilang
Ang tunay na malasakit ay hindi

Kolum


nasusukat sa mga karatula at mga pangalan na nakaimprenta, kundi sa taos-pusong pagtulong at pagbibigay ng mga solusyon na pakikinabangan sa pangmatagalang panahon. Hindi dapat kalimutan ng taumbayan na ang mga politiko na ito ay inihalal hindi para magpasikat, kundi upang magsilbi nang walang pag-iimbot para sa kapakanan ng bayan.
Kung magpapatuloy ang ganitong kalakaran, patuloy na magdurusa ang mga nangangailangan. Kailangan nila ng konkretong solusyon, hindi pansamantalang tulong.
Dapat pagtuunan ng pansin ang mga proyektong laban sa baha at pagpapatibay ng imprastruktura na magpapalakas sa mga komunidad tuwing may sakuna. Kailangan ng malinaw na regulasyon sa pamamahagi ng ayuda, na hindi dapat gawing instrumento ng politikal na laro. Nararapat ding bigyangprayoridad ang mga proyektong rehabilitasyon at hindi maghintay ng eleksyon bago ito mapondohan.
Hindi tayo dapat magsakripisyo para sa pansamantalang ayudang walang halaga. Ang tunay na pagbabago ay magsisimula lamang kapag ang mga politiko ay tumigil sa paggamit ng mga tao bilang tapakan tungo sa kanilang tagumpay sa halalan at nagsimulang magbigay ng konkretong aksyon na tunay at pangmatagalan.
Liham ng KinagagalakPatnugot namin ang inyong pagtitiwala. Lubos naming nauunawaan ang inyong mga agam-agam at hinaing kaugnay ng bagong gusaling ipinapatayo sa harap ng inyong silid-aralan. Nauunawaan namin ang kahalagahan ng proyekto upang matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at mapabuti ang kinabukasan ng paaralan. Gayunpaman, nararapat sanang naipaabot nang maaga ang abiso ukol dito sa mga mag-aaral. Ilan sa mga hakbang na maaaring isagawa ng paaralan ay ang pagsasagawa ng konstruksyon sa mga oras o araw na walang klase at ang pagtatayo ng panakip upang mabawasan ang alikabok at usok. Naniniwala ang Ang Hulmahan na mahalaga ang makabuluhan at masistemang pagtitimbang ng mga kuwento. Nawa’y tandaan na ang inyong mga saloobin ay mahalaga at karapat-dapat bigyang-pansin at aksyon.
Lubos na gumagalang, Ang Hulmahan


Datos mula sa General Appropriations Act (GAA) para sa taong 2024 at 2025
Jan Adriel Almuena Manunulat
Liham sa Patnugot
Inpograpiks Eugeenio Muella
Liham ng Patnugot



UKuri-KULANG
Punto Edukado

Kolum Gutschein Iglesia Manunulat
bod ng kapal na ipinagmamalaki ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang MATATAG Kurikulum nito, sa kabila ng lantad na kawalan ng kaayusan sa implementasyon. Subalit hindi lamang kaming mga mag-aaral ang nagiging biktima ng balahurang sistema, kundi pati ang mga gurong patuloy na nagdurusa at naglilimos ng sapat na suporta.
Ipinatupad ang MATATAG Kurikulum ngayong taong panuruan 2024-2025 bilang bahagi ng pangako ng kagawaran na mapabuti ang sistema ng edukasyon. Nakasaad sa DepEd Memorandum Blg. 10, Serye 2024 ang pagpapakilala ng mga bagong asignatura at pagrerebisa ng mga learning competencies o aralin.
Layunin nitong simplehin ang kurikulum—mula sa 11,000 aralin, gagawin na lamang itong 3,600. Bagama’t hangarin nitong pagtuunan ang mga pundasyon ng pag-aaral, mataas na pangarap ito para sa isang kurikulum na ipinakilala lamang noong 2023.
Ubod ng pagkahinayang ang naramdaman ni Anamyr Asilo, isang guro sa mula sa Bicol Regional Science High School, nang umusbong ang mga pagbabagong kailangang igugol sa limitadong oras.
Ayon sa kanya, “Sa unang linggo pa
lamang, kitang-kita na ang kalituhan. Hindi madali ang mag-adjust kung ang bawat hakbang ay puno ng tanong at kawalangkasiguraduhan.”
Tunay na masaklap ito, lalo’t limang araw lamang ang inilaan sa pagsasanay. Higit pa rito, walang kagamitan sa pagtuturo o gabay na materyales na ipinagkaloob sa kanila. Huwag nang magpanggap ang DepEd na may pagbabago, kung sa katunayan ay patuloy itong nabibigo sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan.
Bilang mag-aaral sa ika-pitong baitang, saksi ako sa kalituhan at hinagpis dulot ng mabilisang implementasyon ng MATATAG Kurikulum. Kami na mga mag-aaral, at ang mga guro ang napupuwersa na maging alila ng isang sistemang hindi pa ganap na matatag.
Paulit-ulit namang palusot ng DepEd
Binagyong Balita




na una, ikaapat, at ikapitong baitang pa lamang ang sakop ng kurikulum ngayong taon upang maiwasan ang padalos-dalos na implementasyon. Subalit napakahipokrito ng ganitong pagrarason, lalo na’t ang mismong suliranin ay ang madaliang pagpapatupad ng kurikulum.
Hindi maitatanggi na kailangan ng reporma sa edukasyon, ngunit hindi maaaring maghintay para maging dekalidad ito. Nararapat na maglaan ang DepEd ng sapat na pagsasanay, kagamitan, at oras para sa mga guro upang maipatupad nang maayos ang sistema. Bukod dito, mahalagang magkaroon ng masusing pagsusuri sa mga paaralan upang masiguro ang epektibo nito.
Ang edukasyon ay hindi eksperimento. Kung walang agarang aksyon, magiging pabigat ang pagbabagong ito at mawawalan ng saysay ang layunin ng bagong kurikulum.




paaralan. Ang pagdiriwang na dapat sana’y sagisag ng pagkakaisa ay siya pang tumapak sa kanilang dignidad at nagdala ng kakapusan.

Dibuho Noah Patetico

Utang na Karangalan

HPait ng Panata

Kolum Eugenio Muella Kapatnugot
indi na mabilang sa kamay ang mga pagkakataong isinabak kaming mga mag-aaral sa kompetisyon nang walang sapat na paghahanda. Tila ba’y mga sundalong itinapon sa giyera, walang armas, walang kalasag, ngunit inaasahang iuwi ang panalo para sa paaralan na kanilang aangkinin.

Mahahalagang sandata sa anumang kompetisyon ang wastong pagsasanay, tulong pinansyal at moral na suporta—mga bagay na banyaga sa Bicol Regional Science High School (BRSHS). Nakalulugmok isipin na sa simula pa lamang ng taong panuruan 2024-2025, mula sa sarili kong bulsa ang inilaan para maitawid ang tagumpay. Nang dahil sa ganitong sistema, ilang mag-aaral na ang napilitang dumaan sa proseso ng solicitation para matugunan ang pinansyal na pangangailangan sa kanilang kompetisyon. Nakapanlulumong isipin na ang tanging solusyon na lamang na iniiwan sa amin ay ginigiit pa ng paaralan bilang isang kahiya-hiyang hakbang, sa halip na maglaan ng kahit maliit na badyet. Hindi ko malilimutan ang mga guro at opisyal na nag-uunahang ipagmalaki ang pagkamit ng paaralan ng overall champion sa nagdaang Division Schools Press Conference 2024. Subalit sila rin ang mga nagtakip-mata at nagbibingi-bingihan sa aming mga hiling na oras para sa pagsasanay at tulong pinansyal. Ang masaklap pa rito, patuloy kaming nakakadena sa ganitong sistema hanggat nananatiling wala sa batas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagbibigay ng suporta kahit man lamang karagdagang

puntos para sa mga extra-curricular na gawain.
Gayunpaman, hindi nito pinipigilan ang pagbibigay ng konsiderasyon sa mga mag-aaral. Kung uhaw ang BRSHS sa mga parangal, dapat nitong unawain ang halaga ng pagbibigay karangalan para sa mga ito.
Tumatayo rin ang papel ng DepEd na magpasa ng batas na kikilala sa dignidad at karapatan ng mga mag-aaral ukol dito. Kung patuloy itong isasawalang-bahala, unti-unting mamamatay ang pagpupunyagi namin bilang mga mag-aaral. Ito ay sapagkat wala nang saysay ang mga kompetisyon kung ang kapalit lamang nito ay karagdagang pasanin mula sa sarili naming paaralan.
Sa huli, hanggat patuloy na banyaga ang salitang “suporta” sa mga paaralan tulad ng BRSHS, patuloy na pinapako ang sigla at determinasyon naming mga mag-aaral, na sana ay magbibigay daan sa tunay na tagumpay. Ang paghihirap ng bawat isa ay hindi tropeo para lamang idikit sa pangalan ng paaralan.
Matapos ang walang katapusang pagpapaliban dulot ng kawalan ng pagpaplano, ginanap ang paghahanda para sa Brisayan Day noong ika-9 ng Oktubre 2024, na sana’y noong Agosto pa. Tumatayo itong oportunidad upang umukit ng pondo ang mga Samahan ng BRSHS sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pagkain at pagsasagawa ng mga palaro.
Nang dumating ang oras ng kaganapan, agad na itinakwil ng paaralan ang lahat ng sakripisyo ng mga Brisayano at walang awang kinansela ito. Lumalabas na hindi pala aprubado ng Schools Division Office ang nasabing pagdiriwang at agad na kumilos ang paaralan.
Patuloy na nakatanim sa isipan ko ang malupit na pagtanggi ng paaralan sa aming mga nagmamakaawang mag-aaral na ipagpatuloy ito. Subalit, itinuturing lamang nila itong kahiya-hiyang pagprotesta.
Isang matinding insulto pa ito nang inanunsiyo ng administrasyon na gaganapin ito sa susunod na linggo. Hindi man lang isinasaalang-alang ang libu-libong pisong ginastos naming mag-aaral para sa pagkain at mga tent, habang ang aming mga hinaing ay binalewala.
Natapos ang diskurso sa tuluyang pagkansela ng pagdiriwang, at ginawang ordinaryong araw ng klase ang sumunod na araw. Ngunit nauwi ito sa walang saysay na pagtatangkang makapagpatuloy ng klase sa harap ng mga dekorasyong bumabalot sa bawat silid. Nauwi sa ika-11 ng Oktubre ang pagdiriwang ng Brisayan Day, subalit saksi ako na wala nang sigla sa mata ng mga Brisayano.
Huli na ang lahat sa puntong ito. Isa na itong matinding paalala ng pagsasantabi ng paaralan sa lahat ng paghahandang nagmula sa aming bulsa, habang ang dignidad ng bawat Brisayano ay itinuturing na walang halaga.
Hindi magiging makatarungan ang tahasang pagtapak ng BRSHS sa aming mga sakripisyo. Nararapat lamang na ang paaralan ay magpakita ng maayos at responsableng pagpaplano, kasabay ng pagkilala sa mga paghihirap ng bawat mag-aaral. Hindi dapat magpadalos-dalos ang administrasyon sa kanilang mga pasiya,

Kolum Audrice Amisola Manunulat
Dibuho Gabriel Oraye

LATHALAIN
Siklong Hatol ng Dambana N

agkukubli ng mga kwentong inukit ng nakaraan at nagbibigay buhay sa pagkakakilanlan ng lungsod ng Ligao ang nakasanayang estruktura, madalas ay hindi na alintana sa karamihan. Sa unang tingin, mahirap isipin na tila hinatulan ito ng paulit-ulit ng kapalaran—isang siklong walang katapusang pabangon at pagkawasak.


Sinubok na ng panahon at ilang dekada na ang naglaon noong sinimulan ang pagtayo ng makasaysayang pook dasalan ng mga Ligaoeño—ang St. Stephen The Protomartyr Parish Church. Tinitingala ng mga deboto at mga turista ang simbahan na ito, hindi lamang dahil sa pananampalataya, kundi sa marikit din nitong arkitektura.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi naging kaaya-aya ang simula ng nasabing estruktura. Minsan na itong nilamon ng apoy, at ang dating tahanan ng pananampalataya ay natupok, naging abo na lamang sa lupang kinatitirikan matapos ang konstruksyon nito noong 1606. Isa itong
matinding dagok sa parokya, ngunit kailanman ay hindi sumagi sa kanilang isipan ang sumuko.
Muling bumangon mula sa pagkakalugmok ang simbahan noong 1614. Sa loob ng anim na dekada, unti-unting nanumbalik ang sigla ng Kristiyanismo sa lungsod. Subalit, tulad ng isang siklong walang katapusan, muling hinarap ng simbahan ang masaklap na kapalaran.
Itinaguyod ni Fray Francisco Vicente ang pagbangon ng simbahan, na sa pagkakataong ito ay gawa na sa bato. Matapos ang pagdaraos ng pista ng tatlong hari noong ika-6 ng Enero 1679, ay winakasan ng naglalagablab na galit ng mga rebeldeng bilanggo ang simbahan at munisipyo, iniwan ang mga ito sa abo at ang bayan sa panibagong hamon na kahaharapin.
Sa kabila ng mga unos, muling naitayo ang simbahan noong 1812 sa pangunguna ni Fray Manuel Rojo.




Nagpatayo siya ng malaking simbahan na ipinanukalang maging katedral ng Albay. Bagaman hinarap nito ang pagyanig ng lupa sa panahon ng konstruksyon, natapos ang harapan ng simbahan sa parehong taon. Sa mga sumunod na taon, matapos ang pananakop ng mga Hapon, iniwang napabayaan ang simbahan kaya pinamugaran na ito ng mga paniki. Idinagdag pa rito ang pagkawasak na dulot ng bagyong Jean noong 1947. Sa halip na panghinaan ng loob, pinangunahan ni Padre Justiniano Romano ang muling pagsasaayos ng simbahan. Sa pamamagitan ng tulong ng mga Ligaoeño, unti-unting naibalik ang dating kaayusan ng simbahan. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling buhay ang simbahan ng St. Stephen the Protomartyr— alaala ng mga hamon at tagumpay ng bayan ng Ligao.
Tatak Ligao!
Alam mo ba na ang lungsod ng Ligao ay tahanan ng isang endemic na bulaklak na may ngalang Begonia francisabuidii?
Kabilang sa Baryanda section at may hawig sa halaman na B. madulidii, natuklasan ang Begonia francisabuidii ng isang Bicolano conservation scientist na si Francis Gregor Abuid sa Nahulugang Patok Falls, Barangay Oma-oma, Ligao City, Albay. Ngayon, inuuri ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) Red List ang hiyas bilang Critically Endangered.


Buhat nito, ang natatanging bulaklak na tatak Ligao ay nagiging inspirasyon para sa siyentipikong Bicolano na aktibong protektahan at tuklasin ang natatanging biodiversidad ng rehiyon.

Sa malamig na simoy ng hangin tuwing Disyembre, tila naglaho ang kislap ng mga bituin. Ang Pasko na dating puno ng saya, pagmamahal, at pag-asa, ngayon ay isang alaala na iniwang nakatago sa isang madilim na sulok— unti-unting kinakain ng alikabok sa paglipas ng panahon.
Ngunit, sa gitna ng kalungkutan at kawalang-tinig ng mga kampana, isang sinaunang tradisyon ang muling bumangon sa lungsod ng Ligao— ang pagsayaw ng Pastores. Matapos ang limang taon, muling nagningning ang Pastores A Belen sa entablado ng lungsod.
Higit pa sa isang simpleng pagtatanghal, ang Pastores ay buhay na salaysay ng pananampalataya at pag-asa: isang makulay na alon ng alaala ng pagsilang ng Tagapagligtas.
Unang nakilala ang Pastores sa lungsod noong 2012 nang lumahok sa Gayon Bicol Pastores ang Bicol Regional Science High School (BRSHS). Sa ilalim ng gabay nina Alfons Pelgone at Randy Briz, binagtas ng BRSHS Dance Theater ang daan na puno ng pagaalinlangan.
Bagaman baguhan, naipamalas nila ang kanilang natatanging galing at nakamit ang ikalawang pwesto.
“Ang BRSHS talaga ang nagpasimula ng Pastores sa Ligao,” ani Pelgone. “Noong 2012, parang pinush namin na sasali kami sa regional kahit mahirap dahil first timer. We did everything we could, so BRSHS won second place as a first timer.”
2014 hanggang 2016, sunodsunod na nakamit ng paaralan ang kampeonato— naging daan upang sila ay tanghaling Hall of Famer ng patimpalak. Nagsilbing binhi ng bagong yugto ang kanilang tagumpay sa pag-usbong ng tradisyon sa lungsod.
Taong 2017, sa pamumuno ni Patricia Gonzalez-Alsua, isinulong ang pagbubukas ng Pastores sa lahat ng paaralan sa Ligao.
Sa kauna-unahang kompetisyon ng lungsod, lumahok ang apat na paaralan: Amtic National High School, na kinoronahang kampeon; Mayon Institute of Science and Technology sa ikalawang pwesto; at Ligao National High School, na nagtapos sa ikatlong pwesto.
Samantala, nagtanghal ang BRSHS bilang isang espesyal na bahagi ng programa bilang pagpupugay sa kanilang nagdaang tagumpay.



Gayunpaman, ang tagumpay na iyon ay hindi naging wakas, sa halip ay naging simula ng mas masikhay na kasaysayan.
Sa tatlong magkakasunod na taon mula

Ang Pastores ay higit pa sa isang pagdiriwang—ito ay isang patuloy na pag-indak sa tala ng pag-asa. Sa muling pagbabalik ng tradisyong ito, nawa’y muling magningning ang nawawalang kislap ng mga tala ng Pasko sa mata ng bawat Pilipino.
Parolang Salamin ng Pagkakaisa

NGALANG KUPAS

Naghahasik ang bawat unos ng delubyong pasakit sa madlang naaapektuhan nito. Gayunpaman, nakahimlay sa anumang hagupit ng sakuna ang parolang salamin ng pagkakaisa na tanglaw kung isipin— gabay upang tulungang makabangon muli ang bawat mamamayang nasalanta. sa bayanihan ay ang mga ngiti, tawanan, at pasasalamat na sukli ng mga natulungang residente.
Kapit-bisig na pagsuong sa madilim na pinsalang dala ng Bagyong Kristine ang tanglaw na bayanihan ng Boy Scout of the Philippines (BSP) Club ng Bicol Regional Science High School (BRSHS).
Inorganisa ng mga kasapi ng BSP Club ang “Scouts Para sa Sambayanan” nitong Oktubre 2425, 2024.
Layon ng aktibidad ang tulungang makabangon muli ang mga nasalantang residente ng Brgy. Tinampo at Bobonsuran sa lungsod ng Ligao, gayon ang Brgy. Ilaor Norte sa katabing bayan ng Oas.
Ayon kay Ralph Rodriguez, Senior Crew Leader ng BSP Club ng BRSHS, nakalikom sila ng kabuuang donasyon na Php 3,547, kasama ang humigit-kumulang na 20 na bag ng mga damit at 200 na food packs sa matagumpay na isinagawang
donation drive.
Sa kabila nito, binigyang-diin ni Rodriguez na hindi naging madali ang pagsasagawa ng donation drive dulot ng limitadong akses sa transportasyon upang maibahagi ang mga nalikom na donasyon.
“Dahil sa epekto ng bagyo, naging hamon ang pag-access sa ilang lugar dahil sa nasira o mahirap madaanang mga kalsada,” saad ni Rodriguez. Gayunpaman, sa pag-asa at determinasyon ng mga scout, hindi naging hadlang ang suliranin upang hindi maisakatuparan ang totoong adhikain na tulungan ang kapwa sa oras ng pangangailangan. Hawakkamay na nagkaisa ang buong BSP ng Ligao City Council upang mas mapalinaw ang inaasam na tagumpay ng kanilang layunin. Dagdag pa ni Rodriguez, isa sa pinakahindi nila malilimutan

“Ang kanilang taos-pusong pagpapahalaga at saya ay nagsilbing inspirasyon sa amin upang patuloy na maglingkod sa kapwa, lalo na sa panahon ng pangangailangan,” ani Rodriguez.
Sa huli, napatunayan ng BSP Club na kahit sa maliit na hakbang, kapag pinagkaisahan, maaari itong makapaghatid ng mas malaking pagbabago at pag-asa para sa lahat. Bukod pa rito, sa bawat pagtatapos ng misyon, nagiging huwaran din ng inspirasyon at malasakit ang mga scout sa kanilang pamayanan.
“Ang sakuna ay hindi lamang isang hamon, kundi isang pagkakataon upang ipakita ang aming malasakit at pagmamahal sa komunidad,” mga katagang binitawan ni Rodriguez.
Mga sinaunang pangalan ng ilan sa mga bayan sa Albay.
RITMO NG PASKO.
Ang BRSHS Dance Theatre ay nakilahok sa Pastores, isang aktibidad ng lungsod para sa pagdiriwang ng Pasko, na ginanap sa Lungsod Ligao, noong ika-21 ng Disyembre, 2024.
Xyza Rapallo
Dibuho Angel Arnoza
Inpograpiks | Sophia Lladones
Jean Tyrone Datur Patnugot ng Lathalain
Lathalain Ariel Gabriel Morata Manunulat
JhamellaDacillo Manunulat



Rumaragasang ulan, malakas na hangin, at mga alon na animo ay dambuhalang pader—ito ang bagsik na bumalot sa kalupaan ng Bikol bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Ngunit, sa kabila ng mga tahanang gumuho at kabuhayang naglaho, nanatiling matatag ang Sitio Tambac, Maonon, Ligao City sa tulong ng proteksyon hatid ng kalasag ng kalikasan.

Sa harap ng malakas na alon at tubig-baha, ang mga bakawan, mas kilala bilang mangroves, ang naging pananggalang ng buong Sitio laban sa unos.
“Kung wala siguro ang mga mangrove rito, baka hinigop na ng dagat ang aming mga bahay,” ani Ernesto Mirabete, isang mangingisda na higit dalawang dekada nang naninirahan sa lugar.
Ilang taon na ring inalagaan ng komunidad ang mangrove forest dito na siyang dahilan kung bakit hindi lumulubog ang buong pamayanan; mga ugat na siyang pananggalang sa rumaragasang agos ng tubig, at puno na humahadlang sa malakas na hangin at alon.
Ayon kay Luisa Sapao, isang tinderang residente malapit sa baybayin, “Nung nasa gitna kami ng bagyo, nagdasal na kami. Buti nalang may mga mangroves eh. Kahit papaano hindi masyadong nasira bahay namin.”
Hindi lamang kaligtasan ang hatid ng mga bakawan—ito rin ang sandigan ng kabuhayan ng mga taga-Sitio Tambac. Matapos ang bagyo, bagaman lugmok ang pamayanan sa pinsalang dulot ng unos, muling bumangon ang sigla ng kanilang kabuhayan sa tulong ng mangrove forest.
Tahanan ng iba’t ibang isda, alimango, at iba pang lamang-dagat ang mga bakawan na naging pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga residente. “Nung bumalik kami sa dagat pagkatapos ng bagyo, siyempre mas marami na kaming huli,” ani Ernesto.
Sa bawat lambat na puno ng huli ay sumasagisag ng panibagong araw ng pag-asa. Para sa maraming pamilya, ang mga lamang-dagat na nagmumula sa bakawan ang nagbibigaybuhay sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at kita. Gayunpaman, hindi naging madali ang landas tungo sa muling pagsibol ng mangrove forest. Hinarap nito noon ang matinding pagkasira bunsod ng ilegal na pangingisda at walang habas na urbanisasyon.
Subalit, sama-samang isinulong ng bawat mamamayan at lokal na pamahalaan ang mga proyekto ng rehabilitasyon. Muling nagbigay liwanag sa noo’y nawawalan na ng pag-asang kalikasan ang bawat binhing muling itinanim. Sa paglipas ng panahon, muling yumabong ang mga bakawan, kasabay ng pagbabalik ng yaman sa dagat at kasiglahan ng pamayanan.
“Kapag tinuturo ko sa mga bata ang halaga ng kalikasan, laging binibigay kong halimbawa ang mga bakawan,” ani ng isang guro sa Maonon Elementary School. “Ipinapakita nito sa amin na kahit anong unos ang dumating, kaya nating bumangon kung magtutulungan tayo at aalagaan natin ang paligid.”
Higit pa sa mga punong nakatanim sa maputik na baybayin kung maituturing ang mga bakawan. Salamin ang mga ito sa buhay na nililok ng pagkakaisa at pagmamalasakit ng komunidad para sa kalikasan. Sa likod ng bawat puno, naroon ang kwento ng pagsusumikap, pananalig, at pagkapit-bisig.
Sa kabila ng unos na nagdulot ng matinding pinsala at takot, ang mangrove forest ay nanatiling tanglaw ng pag-asa para sa mga taga-Sitio Tambac. Sa gitna ng bawat hampas ng alon at hagupit ng malakas na hangin, nanatili itong nakatayo—matibay at hindi natitinag, tulad ng mga mamamayan nitong patuloy na nagsusumikap harapin ang hamon ng buhay.
Buhay na tanggulan ang mga bakawan na siyang unang humarang sa bagsik ng delubyo at huling nagbigay ng lakas para sa muling pagbangon. Sa ilalim ng kanilang proteksyon, nanatili ang tapang, pag-asa, at pangarap ng pamayanan para sa isang mas ligtas at mas maliwanag na kinabukasan kaagapay ang itinuturing na kalasag ng kalikasan.

THalos dalawang dekada na ang lumipas nang magsimula ang pagtatangka ng City Environment and Natural Resources Office of Ligao (CENRO) na mapaamo ang rumaragasang alon ng hamon sa karagatan ng Ligao. Ayon kay Maria Soledad Prena, isa sa mga tagapamahala ng CENRO, “Noong 2007, umabot na sa puntong wala na talagang nahuhuli yung mga mangingisda dahil sa sobrang illegal activities.” Isa ito sa mga dahilan sa likod ng pagsusumikap nilang isaayos ang sistema dito.
Wala na silang sinayang na oras at inilunsad ang programang Integrated Coastal Resource Management (ICRM). Kasabay nito ang pagkabuo ng Bantay Dagat na siyang pangunahing tagapangalaga ng dagat. Ang dedikasyon nilang halos dalawang dekada na ay patuloy pa ring lumalago sa ilalim ng pamumuno ng batikang rescue diver na si Bob Porcalla. Sinong magaakala na ang 20 na miyembro nito ay may mga ginagampanang tungkulin na lagpas pa sa inaakala.
Tumatak ang sinabi ni Porcalla na malayongmalayo sa inaakala ng marami na madali lang ang pagiging Bantay Dagat. “Marami kang kailangang isakripisyo bago mo matamasa yung fulfillment na nagawa mo nang maayos ang trabaho mo.” Lingid sa kaalaman ng marami na higit pa sa pagbabantay ng dalampasigan ang tungkulin nila. “Kapag may mga maliit na bangkang naabutan ng hagupit ng alon,
pumapalaot kami para alalayan sila pabalik sa dalampasigan.”
Madalas ay sinusuong nila ang malalatigong hagupit ng mga daluyong upang isalba ang buhay ng nakararami, hindi alintana ang panganib na dala nito sa kanila.
Mapanganib ngunit katangi-tangi ang bawat alaala ni Porcalla bilang Bantay Dagat. Isa sa mga karanasang ito ay ang minsan na niyang naabot ang maituturing na kaibuturan ng dagat. Sa lalim ng 150 ft, walang takot nilang sinisid ang dagat. Isa ito sa mga misyon nila upang makatuklas ng mga bagong saribuhay na hindi pa naitatala ng CENRO.
Hindi rito nagtatapos ang sinumpaan nilang gampanin, isa rin sila sa mga tinaguriang “Pulis ng Dagat”. Sa araw at gabi, hindi nila pansin ang pagod at panganib sa kanilang pagbabantay upang masiguro na ang likas-yaman ng dagat ay mananatiling buhay at maayos. Walang nakalalagpas na ilegal na pangingisda sa ilalim ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas, kabilang na ang pag-inspeksyon sa mga bangka, lambat, at iba pang kagamitan ng mangingisda upang tiyaking sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon.
Iginiit ni Prena na “Ang Bantay Dagat ang nagpapatupad ng mga batas gaya ng Revised Fisheries Law ng R.A. 8550.”

ila ba isang paraisong hinding-hindi magpapatinag sa hagupit ng hangin ang napakakalmadong alon sa dalampasigan ng Ligao—ganiyan kung ilarawan ng mga tagapangalaga ng dagat ng Ligao. Ang labis na pagkabighani nilang ito ay nag-uudyok sa kanilang gampanan ang mga tungkuling lagpas pa sa inaakala ng marami.

Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang yamang-dagat mula sa mapaminsalang gawain tulad ng paggamit ng dinamita, cyanide, at iba pang mapanirang paraan ng pangingisda. Mahigpit nilang binabantayan ang pagbabawal sa paghuli ng mga endangered na isda tulad ng dolphin, pawikan, at iba pang uri ng lamng dagat na mahalaga sa ekosistema upang mapanatili ang saribuhay sa karagatan. Ngunit, sa tuwing dumadaong ang kalmadong alon at magandang panahon, nangunguna ang mga magigiting na mga Bantay Dagat na magsilbing gabay ng mga turistang bumibisita sa dagat ng Ligao. “Mas kampante ang mga turista samin dahil








Ariel Gabriel Morata Manunulat






SNagkakandirit sa dalampasigan ng Ligao ang simoy ng hangin at tamis ng ngiti ng mga sibilyang nagbibigay-liwanag at sumasalubong sa kung sino man ang nagnanais na sumisid at saksihan ang katangi-tanging hiwaga ng lungsod. Sa langit na kung saan ay ito ay humahalik sa bughaw na dagat, masasaksihan ang hiyas na nililok ng simoy at alon—lumilikha ng tanawing pilit na binabalik-balikan ng karamihan.

Idineklarang protektadong lugar ang Batong Languyon, kung saan matatagpuan ang makukulay na lipon ng mga isda at magagandang korales na nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop-dagat. Isang paraiso na dinarayo ng mga bisita mula sa iba’t ibang sulok ng bansa, nag-aalok ito ng kakaibang karanasan na nagbubuklod sa tao at kalikasan.
Binuo ito upang madama ang ginhawa ng malinis na puting buhangin at magbigay daan sa mga bisitang nagnanais huminga ng malalim, malayo sa abalang buhay siyudad. Ang katahimikan ng lugar ay tila bumabalot sa bawat bisita, nagiging paalala na ang simpleng kagandahan ng kalikasan ay sapat upang magdala ng aliw at kapayapaan.
Buhat nito, ang Batong Languyon ay nagsisilbing isang santuwaryo ng kapayapaan at kalikasan—nag-aanyaya sa mga turista na makalimot sa mga hindi maiiwasang alalahaning hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay. Sa bawat pagdapo ng malamig na hangin sa balat at sa bawat tunog ng alon na sumasalpok sa dalampasigan, ramdam ang kalmadong ritmo ng mundo, bumubulong sa bawat turista na lubusin ang bahaging
kalikasan.
Sa paglapag ng mga paa sa pino at puting buhangin ng Batong Languyon, matutunghayan agad ang mala-paraisong tanawin na alok nito. Ang tahimik na kapaligiran ng isla ay nagsisilbing perpektong lugar para maglakad-lakad sa dalampasigan, magpahinga mula sa mga pagsubok ng buhay, at makahanap ng sandaling katahimikan. Ang kalmado ng dagat at ang malamlam na sikat ng araw ay tila nag-aanyaya sa bawat bisita na magpaka-bighani sa kalikasan at sulitin ang munting sandali habang ito ay naririto.
Gayunpaman, katumbas ng gandang ipinapakita ng Batong Languyon ang masiglang saribuhay na makikita sa kailaliman ng dagat sa islang ito. Dahil dito, patok na patok sa mga turista ang snorkeling, isang aktibidad na nagbibigay ng pagkakataon upang masaksihan ang makulay at buhay na buhay na mundo sa ilalim ng dagat.
Nagsisilbing tirahan ng iba’t ibang uri ng isda ang mga coral reefs na matatagpuan dito—nagbibigay kasiyahan at tuwa sa mga bisitang nagnanais makipag-ugnayan sa likas na yaman ng dagat.
Gayunpaman, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang panghihimasok ng mga tao sa teritoryong ito— sanhi ng untiunting pagkaubos ng ating kayamanan.
Ayon sa Convention on Biological Diversity, ika-17 ang ating bansa sa pinaka mayaman sa saribuhay ng karagatan. Ngunit, kabilang din ang Pilipinas sa sampung bansa na nanganganib na malipol ang iba’t ibang uri ng hayop.
Buhat nito, sa probinsya ng Albay, patuloy ang pagtugon ng mga Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa dahan-dahang pagkasira at pagkaubos ng saribuhay sa lalawigan.
Kabilang si Christine Marie Lingcaso ng Department of Natural Resources CENRO Guinobatan sa mga nakikibaka upang maprotektahan ang ating mga natitirang yaman. Ika ni Lingcaso, hindi kailanman naging madali ang pangangalaga Dulot nito, mas pinagtuunan ng pansin ng CENRO ang pagpapatupad ng Ecotourism Development kung saan inimplimenta ang mga Nature-Based solutions, kabilang na ang pagbabawal sa mga posibleng “nesting site.”
Upang patuloy na maitaas ang kaalaman at maiwasan ang unti-unting pagkasira ng ating likas na yaman, ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang abot sa kanilang makakaya upang magbigay ng kamalayan, mag-alerto, at magpatupad ng mga proyekto sa ating sambayanan.
Sa kasalukuyan, ipinapatupad ng DENR ang Biodiversityfriendly Enterprise— isang proyekto na kasama ang tamang paggamit ng mga yamang dagat. Nakatuon ito sa pagpapanatili at patuloy na pagpapabuti ng ating ekosistema, daan upang magkaroon ang komunidad ng mas mataas na
Maaliwalas na pagbagtas ang dala ng Batong Languyon dalawang kilometro lamang ang layo nito mula sa pampang ng Ligao. Upang marating ang batong hiyas, kinakailangan ng 15 minutong biyahe gamit ang de-motor na bangka. Subalit, ang biyaheng ito ay hindi simpleng paglalakbay lamang; ito ay nagiging simula upang masilayan ng mga turista ang isang kamangha-manghang karanasan, kung saan ang bawat minuto ng paglalakbay ay nagiging pagkakataon upang matutunan na pahalagahan
Upang mapanatili ang ganda ng isla, may mga nakatalagang bantay-dagat na maliban sa kalinisan ay sinisiguro rin na ang lugar ay ligtas mula sa mga ilegal na gawain tulad ng panghuhuli o pagkuha ng mga hayop sa dagat. Ang kanilang presensya ay nagbibigay proteksyon hindi lamang sa kalikasan kundi pati na rin sa mga bisitang nagnanais magliwaliw at maranasan ang mga karanasang inaalok ng Batong Languyon.
Tila ang isla ay nagsisilbing tulay mula sa magulong mundo patungo sa isang mundong puno ng katahimikan at kalikasan. Sa bawat hakbang na tinatahak ng mga bisita sa pino nitong buhangin, at sa bawat pagsisid sa kailaliman ng dagat, ang isla ay patuloy na nag-aanyaya ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa ating kapaligiran gamit ang batong higit pa sa hiyas ang dala.
Higit sa isang destinasyon, ang Batong Languyon ay naging isang patunay na ang kagandahan ng kalikasan ay maipapasa mula henerasyon sa henerasyon, basta’t ito ay inaalagaan at pinapahalagahan nang tama.



a bawat hampas ng alon at ihip ng hangin, natatangay tayo patungo sa unang panahon kung saan sagana sa kayamanan ang ating mga karagatan at kabuhayan. Kung gaano kaberde ang mga burol at dalisdis ay siya ring ka bughaw ng karagatan na nakapalibot dito. Kung anong kasaganahan ng mga hayop sa kagubatan ay siya ring yaman ng nilalang sa kailaliman ng karagatan.
pagpapahalaga sa biodiversity gamit ang mga serbisyong dulot nito.
Kasabay ng paghampas ng mga alon at bulong ng hangin ay ang nagsusumamo na kalikasan na sila ay mapangalagaan. Sabay-sabay nating mulatin ang ating mga mata sa banta ng pagkaubos ng mga likas na yaman.
Hayaan natin na masilayan pa ng mga susunod na henerasyon ang ganda na handog ng kalikasan; tayo ay magkapit-bisig at panatilihin ang kagandahan ng mga karagatan at kagubatan.
sa mga likas na yaman.
“Sa pagpapatupad pa lamang ng isang batas ay nandyan na agad ang problema,” dagdag pa ni Lingcaso. Kabilang sa mga hamon na kanilang kinakaharap ay ang ilegal na pangingisda, pagputol ng mga mangrove, at ilegal na pagtapon ng basura.
Binigyang-diin din niya ang Republic Act 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998 na siyang nangangalaga sa mga angking yaman ng karagatan. Saklaw ng batas na ito ang pagbabawal ng paggamit ng dinamita sa pangingisda, ang mga isda na dapat lamang hulihin, at ang tamang sukat ng mga fishing net na puwedeng gamitin.
Noong Enero, matatandaan na mayroong namataan na higit na 89 na itlog ng Olive Ridley sea turtles o “pawikan” sa Barangay Catburawan, Ligao City. Sa tulong ng Punong Barangay na si Rodolfo Romobio at ng CENRO Guinobatan, agad na nailipat ang mga pawikan sa mas ligtas na lugar.
Dulot nito, mas pinagtuunan ng pansin ng CENRO ang pagpapatupad ng Ecotourism Development kung saan inimplimenta ang mga Nature-Based solutions, kabilang na ang pagbabawal sa mga posibleng “nesting site.”
Upang patuloy na maitaas ang kaalaman at maiwasan ang unti-unting pagkasira ng ating likas na yaman, ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang abot sa kanilang makakaya upang magbigay ng kamalayan, mag-alerto, at magpatupad ng mga proyekto sa ating sambayanan.
Gumagawa ang DENR ng aksyon upang tugunan ang problema pag dating sa usaping polusyon. Ayon pa sa kanila, ang Environmental Management Bureau (EMB) at Minds in Geosciences Bureau (MGB) ay ang nagsisilbing kaliwa at kanang kamay ng DENR. Samantalang ang EMB ang tagapangalaga ng hangin at tubig— dito sila ay nagtatalaga ng “Pollution Control Officer” na naniniguro na ligtas at nasusunod ang mga batas pagdating sa pangangalaga ng ating biodiversity.
Sa kasalukuyan, ipinapatupad ng DENR ang Biodiversity-friendly Enterprise— isang proyekto na kasama ang tamang paggamit ng mga yamang dagat. Nakatuon ito sa pagpapanatili at patuloy na pagpapabuti ng ating ekosistema, daan upang magkaroon ang komunidad ng mas mataas na pagpapahalaga sa biodiversity gamit ang mga serbisyong dulot nito. Kasabay ng paghampas ng mga alon at bulong ng hangin ay ang nagsusumamo na kalikasan na sila ay mapangalagaan. Sabay-sabay nating mulatin ang ating mga mata sa banta ng pagkaubos ng mga likas na yaman.








Kimberly Carullo Manunulat
Dibuho Celene Ryza Almonte`
Valerie Precones Manunulat
LATHALAIN. 12

Guhit sa Tamang Landas
Enerhiya ang siyang nagbibigay-buhay sa modernong mundo— mula sa ilaw na sumisinag sa ating mga tahanan hanggang sa teknolohiyang nagdurugtong sa bawat bahagi ng ating buhay.


Ngunit, sa likod ng lahat ng ito ay naroon ang mga tahimik na bayani: ang mga tagapag-alaga ng ating sistema ng kuryente. Personality Profile Jean Tyrone
Tulad ng karamihan, nalilok na ni Niño Boy Dacer ang larawang kaniyang tatahakin sa buhay. Dahil sa pagkahilig sa pagguhit, minsan niyang pinangarap ang maging isang arkitekto na kung saan ay mas pinausbong niya ito nang pasukin ang pagiging kartunista ng pahayagan ng Bicol Regional Science High School (BRSHS).
Gayunpaman, bagaman arkitektura ang planong kunin, ang mga hamon sa praktikalidad at ang pagsunod sa payo ng magulang ang nagdala sa kanya sa pagiging isang enhinyero.
“Technically, hindi naman talaga engineering ang pangarap ko. Pangarap ko maging architect, pero sabi kasi ng nanay ko mahal yung equipments sa architecture,” pagbabahagi niya.
Ngunit, sa halip na magpatinag, ginamit niya ang pagkakataong magapply ng scholarship sa Department of Science and Technology (DOST) kung saan kaniyang napili ang pagiging electrical engineer bilang specialization.
Ibinahagi rin niya na ang BRSHS ang nagsilbing matibay na pundasyon para sa kaniyang tagumpay sa kolehiyo. Ani ni Dacer, dito niya natutunan ang halaga ng pagiging independent—isang kasanayang lubos niyang napakinabangan sa kaniyang pag-aaral.
Kahit na hindi niya nakuha ang Latin Honors, nagawa naman ni Dacer na makamit ang unang puwesto sa 2018 REE Board Examination.
Hindi lamang ito, ngayon ay aktibo rin siyang naglilingkod sa komunidad sa pamamagitan ng pagpanatili ng liwanag sa bawat bumbilya ng mga tahanan.
Dagdag pa, kalakip sa trabaho ni Dacer ang pagbuo ng mga powerplant na mahalaga upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng demand at suplay ng enerhiya, lalo na sa panahon kung kailan tumataas ang pangangailangan.

Mula sa pangarap na maging arkitekto hanggang sa pagiging isang lisensyadong inhinyero, ang kuwento ng tagumpay ni Dacer ay patunay na ang buhay ay puno ng mga hindi inaasahang daan na magdadala sa atin sa ating tunay na panawagan.
Ngayon, ang pagguhit tungo sa tamang landas ni Dacer ang nagsisilbing ilaw sa dako ng kaunlaran— simbolo ng tunay na diwa ng serbisyo.
Datos ng Makabuluhang
Pagbabago


Lingid sa mga numero at hugis na hinulma mula sa mga istruktura ng datos ang kwento ng walang humpay na dedikasyon sa iisang layong mas patibayin ang pundasyon ng agham at teknolohiya.
Sa paaralang puhunan ang kalidad at kahusayan, isa si Ela Mae Riñon sa mga mag-aaral na ginamit ang kaalamang pabaon ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) upang lutasin ang butas sa pagsusuri ng malalaking datos na nagtataglay ng mahahalagang impormasyon.
Kabilang si Riñon sa mga gumamit ng Topological Data Analysis (TDA) na isang makabagong pamamaraan sa pagsusuri ng malaking datos na ginagamitan ng matematika upang maunawaan ang hugis o istruktura ng data.

Umuusal na misyon ng bawat pahayagang pangpaaralan ang ialpas ang tagong talento sa pagsusulat ng mga mag-aaral upang paglingkuran ang kapwa-ordinaryong Pilipino.
Sa pagpapairal ng balangkas ng katotohanan, isang testamento ang paghubog ng pahayagan ng The Matrix kay Michael Francis Morales upang kaniyang marating ang daan
tamang istilo ng pag-broadcast. Gayunpaman, isa sa mga nagudyok kay Morales upang ipagpatuloy ang pagiging peryodista ay ang kanyang pagkaloob na matuto.




“Sa konteksto ng stock market, ginagamit ang TDA para masuri kung paano gumagalaw ang presyo ng mga stock sa paglipas ng panahon,” pagbibigay-linaw ni Riñon.
Buhat nito, hindi maipagkakaila ni Riñon ang malaking tanglaw na dulot ng BRSHS kung saan kaniyang nakamtan ang naitamong mga karangalan sa agham at teknolohiya.
“Isa ang The Matrix sa foundation ko na humubog ng aking character determination to pursue communication field,” ani Morales. Ngayon, nagtatrabaho siya bilang Public Relations Account Associate ng ABS-CBN na kung saan isa siya sa mga namamahala ng mga programa katulad ng May Puhunan at Tao po. Hindi lamang ito, ngayon ay kinukuha na rin si Morales bilang tagapagsanay ng mga radio broadcaster sa lungsod ng Tabaco kung saan niya ipinagpatuloy ang pag-aaral ng senior hayskul.
“I owe it also to believe in campus journalists,” ani Morales. Mensahe ni Morales sa mga mamamahayag ay ang magkaroon ng sipag, tiyaga, at maging bukas sa patuloy na pagkatuto at pag-unlad.

“Hanggang passion mo ang pagsusulat o pagkukwento, this will take you to places—kung saan, luckily, mabibigyan ka ng opportunity na makapaglingkod,” saad ni Morales. Ang di-matinag na pagnanasa ni Morales sa peryodismo ay naging pintuan upang mapaglingkuran ang kapwa-ordinaryong Pilipino gamit ang boses at plumang hinubog ng The Matrix.
Sanggala ni Inang Bayan


hinihimok ni Riñon ang bawat magaaral ng institusyon na subukin ang pananaliksik lalo na sa larangan ng agham at teknolohiya sa pagkamit ng malaking pagbabago para sa lipunan.
“Sana, ma-inspire ang mga young researchers na abutin ang kanilang mga pangarap sa STEM at ma-realize na bawat maliit na hakbang na ginagawa nila ay may mahalagang ambag sa mas malaking pagbabago,” hiling ni Riñon.
Si Riñon ay patunay na ang kaalaman ay isang makapangyarihang kasangkapan para sa pagbabago.


Namumutawi sa boses nilang mga tagapag-ingat ng kalayaan, kalasag ng watawat, at haligi ng tapang ang mga salitang isinumpa kay inang bayan. Namumulas sa bawat sigaw sa gitna ng unos at digmaan ang hibla ng katapatan at pagmamahal sa bansa.


“Sa aming larangan, hindi pwede ang maging kampante. Buhay ng tao ang aming responsibilidad, bilang isang platoon leader, at alam naming walang ‘retake’ sa buhay. Kaya’t ginagawa namin ang pinakamahusay, gaano man kalwiit ang gawain,” wika ni Second Lieutenant Alex Brayn Sacueza, simbolo ng tapang, katapatan, at dangal.
Matagumpay na nagtapos si Sacueza bilang bahagi ng Philippine Military Academy (PMA) BAGONG SINAG Class of 2024 sa isang makasaysayang seremonya para sa buhay ng isang ganap ng sundalo.
Bilang isang kadete ay patuloy na hinahamon ang kanyang katapangan.
Sa bawat hakbang na kanyang tinahak, dala ni Sacueza
mga aral na humulma sa kanyang pagkatao—mga pangaral ng Bicol Regional Science High School na nagturo sa kaniya na ang karunungan ay hindi lamang ginto, kundi ang susi sa tagumpay.
Kasabay pa rito, ipinamalas din ni Sacueza na ang tagumpay ay hindi isang kisapmatang pakay. Kalakip na umano rito ang pagsasakripisyo ng pansariling oras, pangungulila sa mga mahal sa buhay, at ang paglimot sa mga personal na kasiyahan.
Aniya, “Ang bayani ay hindi ipinapanganak; ito’y kaakibat ng walang humpay na pawis, dugo, at pag-ibig sa bayan.”
Sa huli, bilang isang bagong opisyal ng First Scout Ranger Regiment, ipinagmamalaki ni Sacueza na ipakita ang taglay niyang tapang at kahusayan, dala ang karangalan ng pagiging isang Brisayano.
Sa bawat patak ng pawis na dumadanak, natutunan ni Sacueza na ang tunay na tagapag-ingat ng kalayaan ay ang matatapang









Personality Profile Melbeth Ventura Manunulat
Personality Profile Marie Vianney Guab Manunulat
Personality Profile Kimberly Carullo Manunulat
Dibuho | Allyssa Mullasgo
Dibuho | Carmela Araza



ULAT NG ULAP


AGHAM AT TEKNOLOHIYA


Isang nakababahalang tanawin ang nagmistulang tanda ng isang paparating na kalamidad—ang pulang langit na kumalat sa iba’t ibang bahagi ng Bikol noong dumaan ang bagyong Kristine. Ang makulay na kalangitan, na naging sanhi ng pagkabahala sa mga tao noong paparating na bagyong Pepito, ay agad naging usap-usapan sa social media, na nagpasimula ng mga haka-haka at maling impormasyon. Ayon kay Engr. Al Quiblat, hepe ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) – Mactan, ang konteksto ng pulang kalangitan ay malalim na nakaugat sa prinsipyo ng meteorolohiya. Ito ay dulot ng interaksyon ng sinag ng araw, mga partikulo sa atmospera, at mga pormasyon ng ulap.
Karagdagan, nabubuo ang pulang kulay sa kalangitan sanhi ng pagkalat ng liwanag sa atmospera. Ang mahabang wavelength ng pula ay mas madaling nakakapasok sa atmospera, lalo na kapag may kahalumigmigan o manipis na patong ng ulap.
Ibinahagi naman ng Department of Meteorology ng University of Reading ang kanilang pag-aaral sa sanhi ng pulang kalangitan. Ayon sa kanilang pananaliksik, ang mga pollutant tulad ng usok mula sa mga sunog at alikabok sa atmospera ay maaaring magpataas ng ganitong penomena. Ang mga partikulong ito ay mas nakatutulong upang kumalat ang pulang liwanag kaysa sa asul, kaya’t kapag
PATHFINDER
kaakibat ng mga may kapansanan sa paningin

Nagwagi ang PATHFINDER ng Bicol Regional Science High School sa nagdaang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Expo 2024 na ginanap sa University of the Philippines Diliman, Fine Arts Gallery, noong ikapito hanggang ikawalo ng Setyembre 2024
Binubuo ang grupo nina John Andrei Onrubia, Vic Reginald Salting, Kurt Bryan Oliquino, Franchesca Bianca Abordo, at Ma. Julianne Angel Arnoza. Ayon sa mga mananaliksik, ang layunin nito ay magbigay ng real-time na gabay at suporta para sa mga may kapansanan sa paningin. Sa kadahilanang ito, binuo nila ito gamit ang iba’t ibang teknolohiya na kayang mapabuti ang kaligtasan, sila ng masusing pananaliksik at pagpili ng mga bahagi tulad ng Arduino, HuskyLens AI Machine Vision Sensor, GPS Module, at solar panel. Pinagsama-sama ang iba’t ibang bahagi at sinubok ang sistema nito, kabilang ang GPS tracking, at haptic feedback, sa mga sitwasyon sa totoong mundo upang matiyak na gumagana nang tama. Batay sa masusing pagsusuri ng mga
mananaliksik, ang device na ito ay epektibo sa aspeto ng GPS location at AI accuracy nito. Gumagana rin ang feedback technology nito pati na rin ang pagsend ng real-time information. Sa tulong ng mga eksperto, nagkaroon pa ito ng karagdagang tampok tulad ng solar power, emergency notifications, at GPS tracking.
lamang ng paniniwalang ang pulang langit ay isang ‘bad omen’ o tanda ng sakuna, na maaaring magdulot ng takot, kalituhan, at pagkasira ng tiwala sa mga awtoridad. Ang maling impormasyon na kumalat sa social media ay nagbigay daan sa mass panic, na nagpalala ng takot at pagkabahala sa mga komunidad. Sa halip na maghanap ng siyentipikong paliwanag, pinipili ng karamihan ang kwento ng kababalaghan, na walang batayan sa agham. Ang ganitong maling interpretasyon ay nagdulot ng kalituhan at pagkasira ng tiwala sa mga eksperto at ahensya ng gobyerno. Habang ang agham at edukasyon ay may mahalagang papel sa paglaban sa maling impormasyon, dapat rin na maging responsableng mamamayan ang bawat isa sa paggamit ng social media. Tamang pagunawa at pag-gamit ng teknolohiya ang susi sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pag-iwas sa mass panic.
Sa kabilang dako, kinakailangan ding kilalanin ang papel ng mga opisyal na ahensiya tulad ng PAGASA, na may responsibilidad na magbigay ng tuwirang paliwanag tungkol sa mga napapanahong penomena at gawing mas malinaw at maiintindihan ng publiko nang mapigilan ang paglaganap ng maling impormasyon.
Sa harap ng ganitong uri ng kaganapan, ang pagkakaroon ng tamang edukasyon sa agham ay napakahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon. Kung patuloy tayong maghahanap ng siyentipikong paliwanag at magsisiyasat ng tama, maiiwasan natin ang takot at kalituhan na dulot ng mga maling haka-haka.

Ipinakita ng inobasyon na ito na mayroon itong praktikal na gamit at tiyak na makatutulong sa mga taong may kapansanan sa paningin tulad ng kakulangan ng mga teknolohiya na makakatulong sa kanilang paggalaw. Sa paraang ito, mapalaganap sana ang mga bagong kaalaman sa mga tao at maging inspirasyon din ito ng iba pang mga mananaliksik na gumawa ng katulad nito.
DELIKADONG PAGBABAGO
Mga banta ng kalikasan dulot ng
Climate Change
Patuloy pa rin na nararamdaman ng bawat tao ang epekto na dulot ng climate change. Simula sa pagbabago ng panahon sa isang araw hanggang sa dami

walong pulgada ang taas ng baha na siyang nagpuno ng mga espasyo sa pagitan ng sand dunes. Base sa mga eksperto at meteorologists, ito ay dulot ng pabago-bagong panahon na




usapan ang pagtubo ng bulaklak dito. Ngayong taon, mas inoobserbahan ng mga siyentista ang bilis ng paglago ng mga tanim. Ayon kay Thomas Ronald, isang environmental scientist, kahit ang Antartica na isa sa pinaka remote na rehiyon sa mundo ay ramdam ang epekto ng climate change. Patuloy na mas iinit ang klima sa Antarctica at mas bibilis ang pagtubo ng mga tanim, dagdag ng mga siyentista. Ang mga pagbabagong nagaganap sa iba’t ibang parte ng mundo ay isang paalala sa atin kung ano ang pinsalang maaaring dulot


PALAHAW NA HIYAW

Charlyn Angel Garcia Patnugot sa AgTek
Kontaminadong Kaisipan
Matinding hamon sa kalusugan ng mga Brisayano ang kasalukuyang pagpapatayo ng bagong gusali sa Bicol Regional Science High School (BRSHS). Bukod sa pagsusumikap na magkaroon ng mga karagdagang silid-aralan, naging pundasyon ito ng paglaganap ng panganib sa mental na kalusugan dulot ng polusyong hatid ng konstruksiyon.
Ang polusyon sa hangin ay isa sa mga pinakamabigat na banta sa kalusugan ng makabagong panahon, kung saan naitala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang mahigit 120,000 Pilipinong namamatay kada taon sanhi ng pagkalanghap ng kontaminadong hangin. Ang mga pollutant mula sa mga konstruksiyon tulad ng nitrogen oxide at particulate matter ay sumisira sa kalidad ng hangin na nagdudulot ng malawakang panganib.
Ayon sa American Psychiatric Association, kapag nalanghap ang mga pollutant, nagdudulot ito ng systemic inflammation na kaugnay sa mas mataas na panganib ng mga komplikasyon sa pag-iisip. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang polusyon ay nagiging sanhi ng pagbabago sa mga rehiyon ng utak na kumokontrol sa emosyon, kaya’t tumataas ang posibilidad ng depresyon at anxiety. Batay sa panayam ng isang mag-aaral mula sa ikapitong baitan, Ian Nathaniel Gregorio, “Hindi lamang nakakabingi ang ingay mula sa konstruksiyon, kundi nakakabigat din ang alikabok sa pakiramdam. Ang patuloy na ingay at polusyon ay nagpapataas ng stress at pagkabahala namin kung kaya’t mahirap magconcentrate sa loob ng silid-aralan.”
Bilang isang Brisayano, saksi ako sa kahirapan na dulot ng patuloy na konstruksiyon sa loob ng paaralan. Bagaman mahalaga ang layuning mapabuti ang mga pasilidad, nananatili ang tanong kung paano maisusulong ang proyekto nang hindi sinasakripisyo ang kapakanan at kalusugan ng mga mag-aaral. Mahalagang tugunan ito ng mga hakbang na magpoprotekta sa kalusugan ng mga Brisayano, mula sa mas mahigpit na regulasyon at oras ng konstruksiyon hanggang sa mga solusyong magpapagaan sa epekto ng proyekto. Nararapat kilalanin na ang pagpapabuti ng pasilidad ng paaralan ay hindi dapat magdulot ng kontaminasyon sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Marianne Rastrullo
Manunulat Balita Analysis
Marianne Rastrullo Manunulat
Dibuho Angel Arnoza






Dibuho Celene Almonte

Katas ng Kalikasan sa Kalawakan
Hindi maikakaila ang kabutihang dala ng punong kahoy sa ibabaw ng mundo ngunit, maging sa kalawakan ay may dala itong benepisyo

Pinadala na sa kalawakan ang kaunaunahang satellite na gawa sa kahoy at pinangalanan itong LignoSat.
Hango mula sa salitang Latin na nangangahulugang “wood” o kahoy, binuo ang LignoSat upang subukin kung kayang gamitin ang kahoy bilang materyal sa pagbuo ng mga kagamitang pangkalawakan para sa mga kalaunang paggalugad sa mga destinasyon katulad ng buwan at planetang Mars. Hangad ng mga mananaliksik mula sa Kyoto University na nanguna sa pagbuo ng LignoSat na tuluyan nang mapalitan ang metal sa pagbuo ng iba’t ibang kagamitan na kaakibat sa pagtuklas lalo sa kalawakan sapagkat ayon sa isang propesor ng unibersidad na si Koji Murata, mas matibay at tatagal sa kalawakan kaysa mundo ang kahoy dahil walang tubig at oxygen na makakapagpabulok o sunog dito.
Binubuo ang LignoSat ng kahoy na mga panel na mayroong mga bahaging gawa sa aluminum at ito ang mga elektronikong parte. May mga sensor din itong responsable sa
a kalagitnaan ng kalawakan, isang “diwata” ang patuloy na nagbabantay sa kalikasan at tumutulong sa pagsalba sa mga buhay sa lupa. Hindi mito ang kwentong ito, kundi kwento ng Diwata-2, ang pangalawang Earth observation satel-
Inilunsad noong ika-29 ng Oktubre 2018 ang Diwata-2, upang tumulong sa pagmamasid ng kapaligiran, pamamahala ng agrikultura, at pagtatasa ng mga epekto ng kalamidad ngunit nitong Oktubre 29, 2024, inanunsyo ng Philippine Space Agency (PhilSA) na nalampasan na nito ang inaasahang limang taong buhay, nananatiling tapat sa misyon sa loob na
Binuo ang Diwata-2 sa ilalim ng PHL-Microsat Program ng mga mananaliksik mula sa University of the Philippines Diliman at Department of Science and Technology (DOST) Advanced Science and Technology Institute, sa pakikipagtulungan sa Tohoku at Hokkaido Universities ng Japan. Pumalit ito sa Diwata-1, ang kauna-unahang microsatellite ng Pilipinas, na inilunsad noong 2016 at natapos ang misyon noong 2020.
Ayon sa PhilSA, patuloy na ginagampanan ng Diwata-2 ang papel nito sa pagtugon sa mga kalamidad bilang bahagi ng Sentinel Asia Network, kung saan nagbibigay ito ng satellite imagery ng mga apektadong
Sa kalagitnaan ng mahabang gabi ng Setyembre, isang maliit ngunit kakaibang bisita ang tahimik na sumanib sa orbit ng mundo– ang asteroid na 2024 PT5, na may sukat lamang na halos 10 metro, ay pansamantalang naging bahagi ng planeta, mistulang “minimoon” na sumama sa galaw ng ating kosmos. Mula Setyembre 29 hanggang Nobyembre 25, hinikayat nito ang mga siyentipiko na tuklasin ang mga lihim na maaaring konektado sa mismong asaysayan ng buwan
pagbantay sa kung paano tumutugon ang kahoy sa mga matitinding kapaligiran sa kalawakan.
Subalit nilinaw ni Simeon Barber, isang doktor at mananaliksik pangkalawakan ng Open University, na hindi naman kahoy ang kabuuan ng satellite bagaman nananatiling kamangha-mangha ang ideyang ipinamamalas nito na kung mapatunayang kayang tumubo ng puno sa ibang planeta, magdadala ito ng silungan para mga manggagalugad sa tuwing sila’y nananaliksik sa labas ng mundo.
Dagdag ni Barber, walang masama sa paggamit ng kahoy na mga kagamitan sa kalawakan sapagkat nakadepende ito sa kung paano bubuohin gamit ang iba’t ibang piyesa.
Isinaalang-alang din nila ang polusyon mula sa metal na posibleng mabunga kapag nasunog na ang satellite, parte ng buong proseso ng pagbaba ng nito sa ibabaw ng mundo, ‘di tulad ng kahoy na hindi gaanong nakapagdudulot nito.
Tila ba nakatama ng dalawang ibon gamit lamang ang isang bato ang mga mananaliksik sa likod ng LignoSat dahil
nagbukas ito ng pagkakataon para sa mga mananaliksik na mas maggalugad ang iba’t ibang aspekto ng kalawakan sa mga susunod pang henerasyon at mababawasan din nito ang posibleng polusyon na


Pansamantalang napasailalim sa gravitational pull ng mundo at nagsilbing isang “mini-moon” sa loob ng halos dalawang buwan ang maliit na asteroid na ito. Bagamat hindi permanente ang presensya nito, naging oportunidad ito para sa mga astronomo na masusing pag-aralan ang kakaibang bisita ng kalawakan. Ayon sa mga eksperto, maaaring may koneksyon sa mismong buwan ng daigdig ang 2024 PT5. Batay sa pagsusuri, napagalamang mabilis ang pag-ikot ng asteroid–mas mababa pa sa isang oras ang rotational period—na nagbibigay ng posibilidad na isa itong fragment ng materyal mula sa buwan. Nakaugnay sa tinatawag na “giant impact hypothesis” ang posibilidad na ito ang nagsasabing ang buwan ng earth ay nabuo matapos ang isang malakas na banggaan apat na bilyong taon na ang

ANIM NA TAONG PANINILBIHAN NG DIWATA
lugar tuwing may kalamidad. Sa tulong ng high-precision telescope, nakakakuha ang Diwata-2 ng malinaw na mga imahe ng mundo na ginagamit para sa layunin nito.
Sa pamamagitan ng kakayahang kumuha ng imahe mula sa iba’t ibang anggulo, naka lilikha ang mga siyentista ng detalyadong 3D model ng mga bagyo gamit ang stereophoto grammetry, na nakatutulong sa mas mahusay na pagtaya at pag-unawa sa mga ito.
Isa rin sa mga tampok ng Diwata-2 ay ang amateur radio unit (ARU), na nagbibigay signal mula sa kalawakan tungo sa mundo upang mapagana ang mga radyo.
Patuloy pa ring tumutugon ang Diwata-2 sa mga tungkuling itinakda rito, paalala na sa modernong panahon, maaaring buhayin ang diwa ng mga diwatang tagapagbantay ng kalikasan—hindi sa anyo ng mito, kundi sa anyo ng agham at teknolohiya na naglalayong pagya manin at protektahan ang ating mundo.
Ipinapakita nito ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino. Ang matagumpay na paglampas nito sa inaasahang tagal ng oper asyon ay sumasalamin hindi lamang sa husay ng disenyo at teknolohiya kundi pati na rin sa dedikasyon ng mga Pilipinong siyentista at inhinyero na nagsikap upang maisakatuparan ang proyektong ito.




TILA BUMISITA SA KAMAG ANAK NA PLANETA
nakalilipas. Ang banggaang iyon ay naglabas ng materyal mula sa earth na kalaunan ay naging buwan.
Kung totoo ang teorya, maaaring ang asteroid na 2024 PT5 ay bahagi ng materyal na iyon, na tila bumalik upang muling makapiling ang “magulang” nitong buwan at “lolo” nitong earth.
Bagamat may sukat lamang itong 10 metro– napakaliit kumpara sa tunay na buwan na may diyametrong 3,474 kilometro– kaya hindi nakikita ng mata lamang ang asteroid, ngunit natunton naman ang mga teleskopyong pang propesyonal. Napag-alaman din na nagmula ito sa Arjuna asteroid belt, isang rehiyon sa kalawakan na naglalaman ng mga asteroid na may orbit na kahawig ng sa mundo. Dahil sa mabagal nitong bilis na humigit-kumulang 3,540 kilometro kada oras, nahuli ito ng gravitational pull ng Daigdig,

na nagbigay-daan upang mag-orbit ito sa planeta sa limitadong panahon. Sa kabila ng maikling pananatili, nagbigay ang 2024 PT5 ng pagkakataon upang mas pagtuunan ng pansin ang tinatawag na mga mini moon–mga asteroid na panandaliang nagiging bahagi ng orbit ng mundo. Ayon sa mga siyentipiko, babalik ang asteroid sa taong 2055, na tila paalala ng isang kamag-anak na muling bibisita sa hinaharap. Habang nakatuon ang atensyon ng mundo sa mga suliraning gaya ng pagbabago ng klima, nagsisilbing paalala ang pagbisita ng 2024 PT5 na bahagi ang sangkatauhan sa mas malawak na nakapaloob sa kalawakan. Hindi lamang nakatali sa lupa ang koneksyon ng daigdig, kundi umaabot sa mga bituin, asteroid at iba pang elemento ng kosmos— mga pahiwatig na malalim ang ugnayan ng tao sa kalawakan.
Charlyn Angel Garcia Patnugot sa AgTek
Jhake Ortile Manunulat
Krystal Pedro Manunulat
Dibuho Celene Almonte
Dibuho Celene Almonte
AGTEK 16
Pag-asa ng Sangkatauhan

Samara Kate Rojer Manunulat
Sa kabila ng pinsalang dulot ng bagyong Kristine, nananatili ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa Bicol Regional Science High School (BRSHS)
Isang makabuluhang aktibidad ang inilunsad ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang club sa paaralan—ang pagtatanim ng mga puno ng bani sa paligid ng kampus. Layunin nitong tugunan ang epekto ng pagbaha at magbigay ng pag-asa sa isang mas luntian at ligtas na kinabukasan.
Ang puno ng bani, kilala sa mabilis nitong paglaki at kakayahang sumipsip ng tubig, ang napiling itanim. Para kay Karl Olmedillo, presidente ng YES-O, hindi lamang ito isang tugon sa trahedya, kundi isang hakbang upang harapin ang hamon ng urbanisasyon.
Aniya, “Patuloy ang konstruksyon ng mga gusali sa ating paaralan. Posible itong magdulot ng pagbawas sa espasyong luntian. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nais naming ipakita na may magagawa pa tayo para mapanatili ang kalikasan kahit sa gitna ng modernisasyon.”
Isa sa mga estudyanteng sumali, Crisha Jean Castillo, ang nagbahagi ng kanyang karanasan. “Nakaramdam ako ng kagaanan ng loob habang nagtatanim. Ang simpleng aksiyon na ito ay maaaring magdulot ng malalaking pagbabago. Alam kong ang bawat punla ay simbolo ng bagong simula,” wika niya. Hindi lamang pisikal na pagbabago ang dulot ng proyektong ito; ito rin ay nagsilbing paalala na ang bawat hakbang patungo sa pangangalaga ng kalikasan ay mahalaga. Sa bawat ugat na sumibol sa lupa, may aral na naitanim sa puso’t isipan ng mga mag-aaral— na nasa kanilang mga kamay ang kakayahang mag-ambag para sa kinabukasan.
Higit pa rito, layon ng YES-O na maikalat ang kahalagahan ng ganitong inisyatiba sa labas ng kampus. Ang mga kabataang lumahok sa proyekto ay nagsisilbing tagapagdala ng mensahe sa kanilang mga komunidad: na ang pagtatanim ng puno ay isang


Hindi basta-basta namumulaklak ang bulaklak; dumadaan ito sa maselang siklo,
umaasa sa lupa, tubig, at sikat ng araw. Isang matapang na paalala na ang bawat anyo ng buhay ay nakaugat sa kalikasan at ang kapaligiran ang siyang tunay na nagpapasya kung lalago o malalanta ang buhay.
Sa pamilya ng Begonia, natuklasan ang Begonia francisabuidii, isang endemikong halaman na ipinangalan kay Francis Gregor Abuid, isang Bicolanong conservation biologist. Bagaman pumanaw sa murang edad na 25, ang kanyang dedikasyon sa kalikasan ay nag-iwan ng pamana. Ang halamang ito ay bahagi ng pagkakakilanlan at yaman ng Bicol. Tulad ng ibang mga Begonia, tumutubo lamang ang Begonia francisabuidii sa mga partikular na kondisyon, tulad ng apog na lupa at mahalumigmig na kapaligiran sa ilalim ng talon. Ayon sa Taiwania International Journal of Biodiversity (2023), natatangi ang ito dahil sa makapal na balahibong stipule, mapula at mabalahibong petiole, at kakaibang apatna-tepal na pistillate flower.



Ito ay may malalim na kahalagahan hindi lamang sa agham kundi pati na rin sa mga medikal na potensiyal nito. May kakayahan itong punan ng kakulangan sa Vitamin C sa katawan, salamat sa mataas na nilalaman nito ng bitamina, at matagal nang ginagamit bilang natural na lunas para sa iba’t ibang uri ng karamdaman.
Higit pa rito, ang Begonia francisabuidii ay isang makulay na simbolo ng pagkakaiba-iba at yaman ng rehiyong Bicol. Maaari rin itong magsilbing inspirasyon para sa mga plant enthusiasts at maging isang paalala ng kahalagahan ng bawat organismo sa kalikasan.
ang maaaring mawala, kundi pati na rin ang potensyal nitong magbigay ng benepisyo sa sangkatauhan. Ang Begonia francisabuidii ay isang hudyat na mahalaga ang pangangalaga at proteksyon ng kalikasan para sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.
Yaman Sa Pagitan ng Pagkakaiba-iba

Sa lungsod ng Ligao, matatagpuan ang Kawa-kawa, isang natatanging atraksyon na tila obra maestra ng kalikasan at kilala ito hindi lamang bilang pook-pasyalan para sa mga mahilig maglakad sa mga berdeng burol, kundi bilang tahanan ng mahigit 50 species ng paruparo at mariposa na nagbibigay-buhay at kakaibang alindog sa rehiyon.
Sa isang masusing pag-aaral na isinagawa nina Niño Mapa at Steven Concepcion, nadiskubre nilang pinagpala ang Kawa-kawa ng kahangahangang biodiversity. Pangunahing kabilang sa pamilyang Nymphalidae ang mga paruparo sa lugar, na kinabibilangan ng 30 porsyento ng kabuuang populasyon.
Samantala, ang mariposa, kabilang sa mga pamilyang Lasiocampidae at Sphingidae, ay may pinakamaliit na bilang—dalawang porsyento lamang.
Sa kabila nito, ang kanilang presensya ay nagpapakita ng balanseng ekosistema sa lugar. Ayon kay Ma. Francisca Muñoz, isang mamamayan ng Ligao na laging dumadayo sa Kawa-kawa, lagi siyang nahuhumaling sa ganda ng lugar at madalas niya na ring napapansin na marami at iba’t iba ang uri ng paruparo at mariposang palipadlipad dito at dagdag niya pa, nagsisilbi na rin itong atraksyon sa lugar sapagkat lalo niyang nadadama ang “connecting with nature” na mga sandali kapag

naroroon siya.
Ngunit sa likod ng kagandahang ito, may mga hamon ding kinakaharap ang mga naninirahang insekto sapagkat napag-alaman sa pag-aaral na may ilang uri ng Lepidopteran na nanganganib nang maubos. May porsiyento ng endangered species ng paruparo sa Pilipinas ang matatagpuan sa Kawa-kawa na nagbabadya ng isang hamon para sa mga turista at tagapangalaga ng lugar.
Isa sa mga susi sa pag-unlad ng populasyon ng mga paruparo at mariposa ang pag-alaga at pagpapahalaga sa kanilang tirahan. Mahalaga sa pagpapanatili ng dami ng mga insekto ang mga halamang mayaman sa nektar, na nagsisilbing pangunahing pagkain ng mga ito lalo pa at hindi matatawaran ang mga paruparo sa polinasyon; sila ang tahimik na tagapagtaguyod ng buhay sa lugar. Patunay ng kasaganahan ng kalikasan dito ang presensya ng mga paruparo at mariposa sa Kawakawa ngunit upang mapanatili ang likas na yaman, isang mahalagang paalala ang dapat tandaan ng bawat bumibisita: huwag sirain ang tirahan ng mga insektong ito. Ang pangangalaga sa kanilang natural na kapaligiran ay susi upang maranasan din ng mga susunod na henerasyon ang kagandahang alok ng Kawa-kawa.
Sa bawat hakbang na tatahakin sa Kawa-kawa, huwag kalimutang huminto, tumingala, at damhin ang presensya ng mga paruparo. Ang kanilang makukulay na pakpak ay paalala ng kagandahan at kahalagahan ng kalikasan—isang biyayang dapat pangalagaan at ipagmalaki.




sa ang Pilipinas sa mga bansang nakapaloob sa Pacific Ring of Fire na kung saan delikado sa banta ng mga seismic activities tulad ng mga pagsabog ng bulkan at kadalasang pagguho ng lupa na nagdudulot ng paggalaw at pagkadestabilisa nito. Bukod dito, ang matinding pagulan at matatarik na mga bundok ay lalong nagpapalala sa panganib ng landslide, partikular sa mga bulubunduking lugar. Dahil dito, binuo ng grupo ng mag-aaral mula sa Bicol Regional Science High School na sina Alexa Peralta, Kimberly Carullo, Audrice Amisola, Carlaine Saberola at Alexa Sevillano ang SENTRA– isang Arduinobased soil evaluator na may layuning magbigay ng mabilis at tamang pagsusuri ng mahahalagang kondisyon ng lupa
gaya ng moisture content, slope, at drainage capacity sa mga lugar na madaling tamaan ng pagguho ng lupa. Natutukoy nito ang mga lugar na may


mataas na panganib ng landslide sa pamamagitan ng awtomatikong data logging at SMS alert.
Sa pamamagitan ng multiple linear regression, lingguhang nasusuri ang mga datos upang malaman ang antas ng sensitibidad ng isang partikular na lugar sa landslide.
Ayon sa sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik sa sektor ng agrikultura, industriyal at komunidad, nakatanggap ang SENTRA ng marka na 86 porsiyento mula 100 nang dahil sa portability nito maging sa epektibong kakayahan nitong masubaybayan ang lagay ng lupa upang matukoy kung may paparating na banta.
Nakamit ng SENTRA ang unang pwesto sa Division Science and Technology Fair sa ilalim ng kategoryang Mathematics and Computational Science at inilaban din sila sa Regional Science and Technology fair noong Nobyembre 14 hanggang 15.
Sa kabila ng matagumpay nilang pagsasaliksik, ibinahagi ni Carullo, isa sa miyembro ng grupo, na nagkaroon din sila ng iba’t ibang pagsubok at paghahanap ng mga testing center na tatanggap dito ang pangunahing naging pagsubok nila.
May mga hamon din ang mismong
SENTRA gaya ng isyu sa network coverage, ang real-time na datos na hatid nito ay isang malaking hakbang para sa pagbibigay ng impormasyon bago dumating ang mga sakunang kaugnay sa lupa.

Sa mga susunod na hakbang, layunin ng grupo na ipatente ang kanilang imbensyon upang protektahan ang kanilang intellectual property at mas mapabuti pa ang mga kakayahan ng SENTRA nang hindi ito magiging labis na magastos para sa masa. Malaki ang benepisyong hatid ng SENTRA sa publiko dahil nagbibigay ito ng maagang babala para sa mga paparating na landslide, na nagpapahintulot ng maagang paglikas at mas mabilis na aksyon. Bukod dito, isang magandang halimbawa ng paggamit ng agham at teknolohiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan ang tagumpay ng pananaliksik ng grupong ito. Nagsisilbi rin itong inspirasyon para sa iba pang kabataan na maging malikhain, upang makapag hatid ng solusyon sa iba’t ibang hamong kinakaharap ng bansa.
Krystal Pedro Manunulat
Charlyn Angel Garcia Patnugot sa AgTek
Jhake Ortile Manunulat
Dibuho Venice Mendoza
Dibuho Angel Arnoza




Sa mundo ng isports, hindi lahat ng parangal ay nagpaparan gal. Kamakailan lamang ay sumiklab ang panibagong titulo na iginawad kay John Amores, isang manlalaro ng Philippine Basketball Association o PBA. Gamit ang kara hasan at emosyong hindi mapigilan, napanalunan niya ang parangal na “Most Violent Player,” isang mar kang hindi karangalan kundi sugat sa integridad ng palakasan.

Ka-BINABA-ihan
Mistulang hindi pa sapat ang kinang ng gintong medalya na naiuwi ni Imane Khelif matapos magpakitang-gilas sa Paris Olympics. Sa halip, mapanirang kontrobersya ang pumukaw sa atensyon ng masa, na waring pumatay sa diwa ng kanyang karangalan.
Sa isang pambihirang tagpo, umatras si Angela Carini mula sa laban matapos lamang ang 46 na segundo nang hindi sukuan ang bagsik ng unang mga suntok ni Khelif. Subalit, hindi ito kinilala ni Carini at agad si Khelif na pinalibutan ng mga malisyosong komento mula sa iba’t ibang panig ng mundo tungkol sa kanyang kasarian. Nagpakawala ng mapangahas at mapanirang pahayag ang bantog na manunulat na si JK Rowling, kung saan tuwiran niyang tinawag si Khelif na isang “lalaki.” Lubos nitong pinalala ang kontrobersiya at ipinakita kung paano ang mga maling paniniwala ay nagiging ugat ng matinding kawalang-katarungan laban sa mga atleta.

Nagsimula ang kontrobersyal na karera ni Amores matapos mag padala sa bugso ng galit at manuntok ng mga kalaro noong taong 2022. Samakatuwid, nadagdagan pa ang lista ng kaniyang agresibong aksyon noong nasangkot siya sa insidenteng pamamaril sa kapwa basketbolista nitong Setyembre 2024 lamang. Dahil dito, pinatawan siya ng lifetime ban sa National Collegiate Athletic Association, gayundin binawi ng Games and Amusement Board o GAB ang kanyang propesyonal na lisensya.
Pilit namang nililinis ng basketbolista ang sugat ng kaniyang marahas na reputasyon sa pamamagitan ng paghain niya ng apela sa GAB. Gayunpaman, kahit pa bawiin sa kaniya ang titulong ibinigay ng madla ay hindi nito mababawi ang impresyon na ang isports, na dapat sana’y sumasalamin sa husay at disiplina, ay nagiging pugad na ng karahasan at alitan.
Sa mata ng Brisayano, sa bawat tunggaliang nagaganap ay madalas sumisiklab ang tensyon na maaaring maging mitsa ng hindi pagkakaunawaan. Kung pababayaan, ang sugat ng karahasan sa mundo ng isports ay maaaring tumagos hanggang sa mga institusyong pangkabataan.
Ang karahasan ay hindi dapat maging hadlang sa tunay na layunin ng palakasan. Ang mga kort at iba pang lawan ng isports ay hindi dapat maging entablado para sa pananakit at kontrobersiya, kundi magsilbing espasyo para sa pagkakaisa at pagpapamalas ng kahusayan. Sa pamamagitan ng pa gkilala sa papel ng bawat institusyong pang-isports, tagasanay, at manlalaro ay maitataguyod natin ang mga batas at regulasyong mangangalaga sa kapakanan ng mga atleta.
Ang mga kaso ni John Amores ay nagsisilbing paalala na sa halip na galit at karahasan ang ipinapamalas sa bawat laban, disiplina ang kinakail angan sa paghilom sa integridad ng bawat laro. Sa ganitong paraan, tanging ang mga parangal na nagmumula sa tamang asal ang magbibigay ng tunay na karangalan sa larangan ng isports.
ng isang bata sa larangan ng pampalakasan ay nahulma—ito ay isang kuwentong hindi aakalain nino man na naging parte ng nakaraan ng kasalukuyang punongguro ng paaralan.
“Nagsimula iyan noong elementarya. Sa tuwing may libreng oras, madalas makikita mo ako niyan naglalaro,” malugod na pagbabalik tanaw ng kasalukuyang punongguro
KOMENTARYO
PANINIPAT NG GANID

Kaezelle Baldoza Manunulat
Suporta ang nagsisilbing panawid tulak ng potensyal ngunit kung wala ito, walang paninilbihan ang mga tagapagsanay sa dugo’t pawis na ibinuhos ng manlalaro sa pagkamit ng tropeyo sa kanyang sariling kakayahan.
Ang mga atake kay Imane Khelif ay nagpapakita na ang transphobia ay hindi lamang pumipinsala sa mga transgender. Hayagang sumasalakay din ito sa mga babaeng hindi umaayon sa makitid at tradisyunal na pamantayan ng pagiging “feminine”. Makikita rin ang ganitong suliranin sa iba pang atleta tulad sa Pilipinas. Ang kontrobersiya sa kaso ni Hidilyn Diaz bago siya nagwagi ng gintong medalya sa 2020 Summer Olympics in Tokyo ay nagpapakita ng kawalang-pagtitiwala sa kakayahan ng kababaihan sa weightlifting. Bukod pa rito, ang pagtutok ng medya sa pisikal na anyo tulad nina Alyssa Valdez ay sumasalamin sa maling prayoridad ng lipunan. Dapat nang tuldukan ang nakasusuklam na diskriminasyong nakabatay sa kasarian at pisikal na anyo. Sa isang press conference, kinailangan pang ipagtanggol ang pagkababae ni Khelif—hindi lamang ng International Olympic Committee kundi pati na ng kanyang sariling ama. Lubos na inilahad ang mga ebidensya at litrato mula sa kanyang kabataan upang patunayan ang katotohanan.
Ito ay isang insulto hindi lamang kay Khelif kundi sa lahat ng
SIKLO NG HULMAHAN
ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) na si Rene Preña ang alaala ng kaniyang kabataang rikit sa saya.
Tila ba isa itong kasing simple ng paghinga—natural at nakakintal na bilang kakatubong ugali—ganiyan kadali para sa batang Preña ang paglalaro ng iba’t ibang uri ng isports gaya ng tennis. Ilang dekada na ang lumipas subalit tila ba sariwa pa rin ang kasiyahang idinulot nito sa kaniyang nakaraan.
Ngunit sinong mag-aakalang ang libangan na ito ay isa sa mga bagay na nananatili pa rin sa punongguro sa kabila ng mundong puno ng pagbabago. Ayon sa kaniya, “Sinisikap ko na makapaglaro ng tennis sa kabila ng mga responsibilidad ko bilang punongguro.”
Nag-udyok ang pagmamahal
Bilang isang atleta, akin nang naramdaman ang hagupit ng presyon upang maabot ang itinakdang pamantayan ng aking coach. Minsa’y kikilalanin ka lamang kapag ikaw ay may pinatunayan, kita rin sa kanilang mga mata ang pagkadismaya sa bawat kabiguang inuuwi ko, kahit na hindi nila pinaglalaanan ng atensyon ang aking pat na suporta sa mga manlalaro ay maaaring magresulta ng pagkawala ng kumpyansa ng bawat atleta sa kanilang moralidad at sarili.


kababaihang atleta, isang pagpapakita ng walang basehang pagdududa sa kabila ng masusing pagsusuri na pinagdaanan ng bawat kalahok bago pahintulutang lumahok sa kompetisyon.
Nararapat lamang na tumayo at depensahan ng anumang komite sa isports ang kanilang mga atleta. Tumatayong kahalagahan ang medya, mga institusyon, at tagasubaybay ay may responsibilidad na magbigaypugay sa mga tagumpay ng mga atleta at hindi gamitin ang kanilang plataporma para magpalaganap ng mapanirang impormasyon.
Sa huli, dapat na respetuhin ang pagkatao ng bawat atleta at buwagin na ang mga estereotipo sa lahat ng isport. Mahalagang palawakin pa ang kamalayan tungkol sa kasarian at pagkakapantay-pantay sa larangan ng palakasan. Nararapat na ipatupad ng mga organisasyon sa isports ang mas mahigpit na patakaran laban sa diskriminasyon.
Sa pagkilala at paggalang sa bawat isa, maitataguyod natin ang tunay na diwa ng pagkakaisa, katarungan, at respeto sa mundo ng isport.

niya sa larangan ng pampalakasan na pagtuunan din ng pansin ang pangangailangan ng pagpapabuti sa isport ng paaralan. “Pinaplano natin na makabili ng mga sports equipment para sa mga athletes natin.”
Ngayon, habang hinuhulma niya ang kapalaran ng mga kabataang atleta at sinusubukang itaas ang antas ng palakasan sa BRSHS, tila nagbalik siya sa kanyang pinagmulan.
Isang siklo nga talaga ang buhay—batang minsang hinulma ng nakaraang sistema ay ngayon isa na sa mga tagahulma hindi lamang ng mga atleta kundi pati na rin ng Brisayano.
Hindi dapat isinasantabi ang suporta na ipinapataw sa bawat manlalaro, bawat sakripisyo na kanilang inilalaan ay may magandang bunga na magdadala ng kanilang pangalan at kahusayan.

Dapat na pahalagahan ng mga tagapagsanay na mas bigyang im portansya ang bawat pag-ensayo at kagamitan ng atleta upang manilbing panulak sa potensyal ng manlalaro. Buksan ang mga palad at huwag maging ganid sa karangalan.

LATHALAIN Rolein Amolo Tagapamahalang Patnugot

SAMAHANG SIKLISTA-TAG!
asabay nang pagikot ng gulong at paghaplos ng hangin, lumilok ng kwento sina Deus Jeflor Dela Torre at Dave Pregonero— mga binatang nag-umpisa bilang simpleng magkakilala ngunit naging magkaibigang tila kadena ng bisikleta, matatag at hindi basta-basta nalalagutan.
Sa murang edad, nadiskubre nila ang kaligayahan sa pagbibisikleta, isang mundong puno ng hamon, tagumpay, at walang kapantay na alaala.
Si Dela Torre, na nagsimulang mag bisikleta sa edad na 12, ay nakahanap

Amolo Tagapamahalang Patnugot
ng katuwang sa paglalakbay kay Pregonero, na unang sumakay sa pedal sa edad na 13. Ang kanilang samahan ay nagsimula sa mga gawain sa paaralan ngunit ito’y mas umigting sa kalsada— sa bawat padyak, sa bawat daanang inararo ng kanilang gulong. Bisikletang naging tulay ng kanilang mga kwento, ang ritmo ng bawat paghinga at padyak ang musika ng kanilang pagkakaibigan. Isa sa mga pinakamalaking pagsubok na kanilang hinarap ay ang maalamat na ruta ng Mayon 360. Ang kanilang daan ay hindi lamang aspaltado ng alikabok at init, kundi pati na rin ng di-mabilang na hamon.
Sa ilalim ng nag-aapoy na init ng El Niño, kinailangan nilang harapin

ang pagkapagod, pagkauhaw, at pananamlay. Ngunit tulad ng isang matibay na bisikleta, hindi sila bumigay. Nang manghina ang isa nilang kasama, huminto sila, hinintay siyang makabawi, at sabay-sabay nilang tinapos ang biyahe, bitbit ang aral ng pagtutulungan.
Naging kanlungan nila ang kanilang mga di-malilimutang alaala. Sa kabila ng pagod at hirap, naroon ang mga sandaling puno ng tawanan, kwentuhan, at pagkakaisa.
Sa bawat hampas ng hangin at tunog ng umaandar na gulong, nalikha ang isang kwento ng katatagan at pagkakaibigan.
MVP
Karangalan sa Karahasan
Joshua Morada Patnugot sa Isports KOLUM
Dibuho
Dibuho
TINAKTIKAHANG PAWN-TIRYA
Oribiana
dinispatsa
si Baleda, ibinida ang Central Pawn Break
ISPORTS ANALYSIS

Joshua Morada
Patnugot sa Isports
Yumukyok ng pambihirang iskema ng eskapo’t opensang Central Pawn Break ang analitikong atleta mula Inferno Vanguards na si Rigel Kent Oribiana kontra kay Giulio Baleda ng
MABISANG ESTRATEHIYA. Sa kalkulado at taktikang galaw, nasungkit ni Rigel Kent Orbiana ang ginto para sa Sports Fest 2024 chess championship na ginanap sa BRSHS Library, Lungsod Ligao, noong ika-18 ng Oktubre, 2024.
Utakan ng Presyon Sumirit ng klasikong Ruy-Lopez opening si Oribiana kung saan parehong naglaan ng tensyon ang mga manlalaro sa pagbuo ng


Gayunpaman, nagkaroon ng kritikal na punto sa move 15 nang maglaro si Oribiana ng d4, isang namamagang pawn push na nagbukas ng linya at nagdulot ng tensyon sa porma ni Baleda. Binakurang Kalasag
Tukoy ang butas sa pader matapos sapilitang napakilos nang depensibo si Baleda ngunit hindi niya inaasahan ang kasunod na e5 move ni Oribiana sa move 17.
Nagmatyag ang e5 upang humambalot ng isang breakthrough na kumain sa knight ni Baleda sa f6 at nagbigay ng positional advantage kay Oribiana.
Nagbukas ng mga white squares ang pawn thrust para sa queen at bishop ni Oribiana na ginamit niya upang lumikha ng mating threat. Pinaghariang Hari
Nagdala ng dobleng banta ang Queen at Ng5 bastante upang pumailanlang ang checkmate sa kingside at mapataob si Baleda sa taktiks ni Oribiana.
Kritikal na pagsalakay ni ang nagpakita ng mahusay na balanse ng diskarte at agresyon, na sumagupa sa estruktura ng piyesa ng kontrahente at makupo ang dominanteng panalo.
“Ang angas nung last moves niya, nahuli niya ako dun,” ani Baleda.
KAMPEON MULI!
Pielago pinilago si Peralta sa men’s table tennis
Idinitine sa disparidad sa karanasan ni Aiken Jared Pielago ng Ironclad Earthbenders ang kanyang katunggali na si Alexis Peralta ng Inferno Vanguards, 11-5, 11-7, 11-6, matapos ibitag sa nagbabagsakang drop shots at dumadagsang smash na umukit muli ng panalo sa gitgitang Bicol Regional Science High School Sports Festival men’s table tennis championship na ginanap sa BRSHS Gymnasium, Ligao City, nitong ika-19 ng Oktubre, 2024.
Rumatsada sa ikatlong set ng laban si Pielago matapos nitong ipatikim ang rumaragasang mga smashes kay Peralta na siyang nagpahirap bastante sa 11-6 na tala at mabakuran ang kanyang titulong kampeonato.
“Nanalo ako kasi mas marami ang experience ko kaysa sa aking kalaban.
Pinag-aralan ko ang mga kahinaan niya para ma-counter ko ang malakas na mga attacks niya,” ani Pielago. Kumana agad ng apat na sunod-sunod na puntos si Pielago at nakuha ang kalamangan sa unang set ng laban nang humawi ng mga topspins, 4-0. Determinadong bumwelta si Peralta matapos pumukol ng forehand shots na nagpadikit sa tablang 5-3.
Sinelyuhan ni Pielago ang unang set ng laban nang samantalahin ang kahusayan sa pagblock na bumasag sa opensa ni Peralta, 11-5. Ginulantang ni Peralta si Pielago matapos nitong pangunahan ang ikalawang set ng laban gamit ang bagong estratehiyang third-ball attack upang makuha ang kalamangan, 4-2.

Pinihit ni Pielago ang estratehiya ni Peralta nang gamitin ang mga low returns na nahirapang ibalandra sa kabilang bahagi ng lamesa dahilan upang maisara sa bentaheng 11-7.
Patuloy ang pagdomina ng kapabilidad ni Pielago sa opensa nang mamuhunan at dikWdikag naglatag ng pumapatak na drop shots sa kaliwang bahagi ng lamesa, 6-3.
Nangibabaw ang angking galing ni Pielago sa larangan ng table tennis matapos nitong pabagsakin sa huling set ng laro ang naghihikahos na Peralta gamit ang forehand topspin at napako sa 11- 6. “Nag champion na siya last year so expected na mananalo siya ulit. Mahirap talaga siya talunin,” saad ni Peralta.
TINEKNIKANG BITAG

Lady Sabres byaheng City Meet, pinagpag ang Blazing Jaguars sa

Kish Payoyo
noong ika-22 ng Nobyembre, 2024.
apakagat sa ipinunlang patibong tampok ang mabalasik na opensa ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) Lady Sabres at tuluyang iginapos ang mabangis na Ligao City National Technical Vocational High School (LCNTVHS) Blazing Jaguars, 2521, 25-20, matapos ang salpukang District Meet women’s volleyball finals na ginanap sa Ligao East Central School Field nitong ika-22 ng Nobyembre, 2024.
Inakay ng team captain na si Arabella Villanueva ang tropang Sabres matapos umukit ng 14 na bentahe; walong service aces, apat na power tips, at dalawang kill para selyuhan ang kanilang tiket sa City
“Consistency at communication ang naging advantage ng team namin and we did our very best. See you City Meet,” ani Villanueva.
Maagang namayagpag ang Sabres at rumehistro ng 8-0 run sa pagbubukas ng unang set resulta ng swabeng service ace at mapang gimbal na spikes ni
Sinagot ni Jane Barbara, opposite hitter ng Jaguars, ang mga tirada ng Sabres at binawian ng sumasalaksak na drop shot ngunit agad na niresbakan ng solidong
block ni Katherine Teope dahilan upang mahulog sa tablang 13-13. Sukbit ang pangambang maungusan ng Jaguars, umalagwa ng inanggulong cross court shot si Twix Largo na sinegundahan ng panigurong puntos na dink ni Teope, 20-18.
Tukoy ang butas sa porma ng koponan kaya’t ginulantang ito ng sumisirit na spike ni Villanueva na bigong harangan ng midblocker ng Jaguars na si Nepthy Romero sapat upang isara ang set sa talang 25-21. Nangibabaw ang tensyon at kaba sa Jaguars nang kainin ng errors ang kanilang tirada sa ikalawang set at nagbigay-daan kay Largo na ipalasap ang tilamsik ng power tip sa floor defense ng koponan, 12-8. Ramdam ang presensya ng tambalang Largo-Teope nang makipag dikdikan ito sa wing spiker ng koponan at ibinida ang agresibong tirada, 18-14.
Tuluyang kumagat ang Blazing Jaguars sa bitag ng Lady Sabres resulta ng sunodsunod na service ace ni Villanueva sapat upang maikandado ang laro sa 25-20. “Nilaban namin hanggang sa huli, sa susunod babawi kami,” sambit ni Barbara. Samantala, sasalpak ang BRSHS Lady Sabres sa nalalapit na Ligao Division City Meet at susubukang sukbitin ang ginto para sa Ligao East District.
pinamalas ng Aqua Crusaders ang kanilang angking husay sa palakasan matapos hirangin bilang pangkalahatang kampeon ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) Sports Festival sa bendisyon ng 15,200 overall points upang pumailanlang ang tropa nitong ika-19 ng Oktubre, 2024. Hindi mapigilang ipagmalaki ni Kyna Roweine Parado, tagapanguna ng grupo, kung paano nila nasukbit ang titulong kampeon sa kompetisyon.
“Ang estratehiya namin sa pagkapanalo ay nagka-isa kaming buong grupo na kung saan iisa lamang ang aming hangarin at ‘yon ay magwagi sa mga laro na aming sinalihan” ani Parado.
Ipinabatid din ng tagapanguna ng grupo na hindi niya pinilit ang mga miyembro na sumali at manalo, buong loob niyang ibinigay ang kanyang supporta ano man ang maging resulta ng paligsahan.






Trina Lagana
Dipad Opisyal sa Sirkulasyon
KARGADONG KUMPAS. Nakamit ng koponang Lady Sabers ang kampeonato sa District Meet Women’s Volleyball Championship na ginanap sa Ligao East Central School Field, Lungsod Ligao,
WALASTIK!
HGayunpaman, naharap ang kanilang grupo sa mga hamon at isa na rito ang kakulangan sa mga manlalaro sa kadahilanang gahol na rin sa oras sa pag-ensayo.
Binigyang diin naman ni Parado na sa kabila ng mga hamon na ito, ginamit nila itong motibasyon upang mas maging matatag at mas umigting ang kanilang determinasyon.
Ibinahagi rin niya na naging maayos ang kanilang paghahanda sa nasabing aktibidad na kung saan nagkaisa ang kanyang mga miyembro sa paggawa ng props, iden, mass demo at cheer.
Ipinagmalaki ni Parado na naging mabilis ang proseso ng paggawa at hindi nila kinailangang madaliin ito.
Puno ng kaligayahan ang samahan ng blue team marahil muli nilang naibalik ang korona sakanila matapos ang pagkatalo sa 2023 edisyon ng BRSHS Sports Festival at aasahan na sa mga susunod na taon ay magiging prospect na ang koponan sa pagsungkit sa tropeyo.
umatak ng sandamakmak na parangal at nalambat ang 17 Above Outstanding Swimmer ni Roldion Symone Gregorio ng Bicol Regional Science High School (BRSHS) matapos magwagi ng mga ginto sa 50-meter backstroke, freestyle, butterfly, breaststroke, at 100-meter freestyle, pilak sa 100-meter mixed medley relay, at tanso sa 200-meter freestyle relay sa Tabak Yellowfins Long Course Swim Cup na ginanap sa Bicol University Pool, Legazpi City, nitong ika-23 ng Hunyo, 2024.
“It is my honor na lumaban dito and I didn’t expected na I would clinch most of the gold in each category at makuha pa yung Outstanding Swimmer,” hayag ni Gregorio.
Unang salpak, lupit kaagad ang pinakita ni Gregorio nang ibida ang kahusayan sa flutter kick na umangat ng kalamangan sa kategoryang backstroke na nagtala ng 31.32 na segundo.
Sumuong sa mga kategoryang 50-meter at 100-meter freestyle si Gregorio at dinomina ang mga kontrahente sa sprinting, asignaturang kahusayan ng manlalaro na umukit ng 28.35 segundo para sa 50-meter at 58 segundo para sa 100-meter.
Pumalikpik ang mga braso ni Gregorio sa 50-meter butterfly nang gamitin ang
Batak sa unang Sabak.
power pull na tumulong sa propulsyon sa bawat stroke nito at rumehistro sa 30.29 na segundo.
Kayod marinong nag kapit bisig ang mga manlalangoy na sila Chiz Rey, Steven Mora, Raphael Alcaras at Gregorio sa kategoryang 100-meter mixed medley relay, binida ni Rey ang kahusayan sa backstroke na umudyok sa swabeng pilak
Naimpluwensyahan ang mga manlalangoy na sila Mora, Gregorio at Alcaras sa husay na ipinakita ni Rey na humimok sa pagganap ng kanilang posisyon nang ibalandra ang streamline at two-arm butterfly na pumako sa 5.32 minuto.
Patuloy ang pagsibat ng gawad nang


Gregorio sumisid ng mga medalya, pinarangalan bilang Outstanding Swimmer
isalta muli ang grupo sa 200-meter freestyle relay, pumagitna ang bakbakan sa gitgit sa gilagid nang lumusong ang starter na si Alcaras gamit ang kanyang mga binti na sinegundahan ni Rey tampok ang kanyang mabisang pagpapanatili ng pacing ng grupo. Inusig ni Mora ang pang-apat na posisyon, at pinalakas pa ni Gregorio ang pundasyon nang maukit ang pangatlong posisyon na nagresulta sa 3.42 minuto. Isang makasaysayan na tagumpay para sa BRSHS ang pananaig ni Gregorio sa kompetisyon at aasahan na ang suporta ng kapwa estudyante sa mga iba pang laban ng manlalangoy ay mananatiling buo hanggang sa dulo ng karera.


Pinatunayan ng bagong salpak na freshmen mula Inferno Vanguards na si Ioan Rempis ang angking lakas nito matapos na pinadausdos si Gabriel Andrei Soria ng Aqua Crusaders, 19-16, 19-13, sa bakbakang Bicol Regional Science High School Sports Festival men’s singles badminton championship na ginanap sa Ligao West Central Elementary School (Binatagan), Tuburan, Ligao City, nitong ika-19 ng Oktubre, 2024.
Dikdikang nilupasay ni Rempis sa bendisyon ng ibinalandrang rumaragasang smashes ang kinakalawang na depensa ni Soria sa match point ng huling set, 19-13.
“This is my first Sportsfest and ang saya ko sobra na manalo ako atsaka kampeon pa,” sambit ni Rempis. Kumamada ng impresibong forehand shots si Soria sa pagbubukas ng laro na nagbigay adbantahe sakaniya na manguna sa 4-0 na tala.
Walang bahid na inungusan ni Rempis ang sumisirit na bentahe ni Soria nang basagin nito ang tablang 4-4 at rumehistro mabalasik na kills, 9-4.
Sunod-sunod ang outside violation ni Soria dahilan upang mabigyang-daan si Rempis na samantalahin nang agresibong drop shots, 12-9.
Sinubukang bumawi ni Soria ngunit huli na at bumandera na ang flicks ni Rempis sapat upang selyuhan ang set sa 19-16.

Kampanteng binuksan ni Soria ang ikalawang set at puspusang kumawala ng backhand shots subalit agad itong nadepensahan at napailanlangan ng kalkuladong push shots ni Rempis, 7-3. Bakas ang tilamsik ng opensa ni Rempis nang makulelat si Soria sa matutulis na smashes nito, 16-7.
Namayagpag ang bagong salta sa kompetisyon na si Rempis nang humadusay si Soria sa bagsik ng tirada nito at makupo ang kampeonato.
“Grabe lakas talaga niya, I can see his potential,” saad ni Soria.
Inaasahan na sasabak si Rempis sa Ligao East District Meet sa Nobyembre.
KISLAP ANG IPINALASAP

Nagniningning ang agaw eksenang koreograpiya ng Bicol Regional Science High School (BRSHS)
Dance Thespians na binubuo nina Anikka Llobet, Gabryelle Yvon Llolera, Ateja Salting, Rein Moratalla, Andrey Baclao, at Nathan Morato nang mahumaling ang madla sa kemistri at tumpak sa ritmo ng tropa sapat upang masungkit ang ginto sa pasiklabang District Meet ballroom latin dance competition na ginanap sa Ligao East Central School Gymnasium, Ligao City nitong ika-14 ng Nobyembre, 2024. Hindi nagpatumpit-tumpit pa ang tambalang Baclao-Llolera sa kategoryang Rumba nang ibida nito ang malagkit na tingin at swabeng body framing sa kalagitnaan ng presentasyon dahilan nang pag palakpakan.
“Para sainyo ito! Maraming salamat at nagbunga rin ang aming pagod,” ani Baclao.
nakakabighaning ekspresyon sa kanilang mukha kaagapay ng matulis na hip movements at nakakaindak na steps bastante upang pumailanlang sila sa rawn.
Beast mode angbody framing ng mga couple at kontroladong isinayaw ang power moves nito upang maikatawan ang maeksenang sayaw nang maayos.
Pinakitaan ng Thespians ang hurado ng maliksi ngunit mapang kumbinsi na flick moves sa Jive rawn at pivnanatili ang kanilang impresibong sway, nang ilabas nila ang alas na lift sa nalalabing segundo at kahindikhindik na naghiyawan ang mga manonood.
“Kahit na kaonting panahon lang ang training nairaos pa rin at magaling pa ang execution. Thank you Lord,” sambit ni Llolera.
Dance Thespians humataw sa ginto, wagi sa ballroom latin dance competition HATAW SA BAWAT GALAW. Nagpakitang-gilas sa ritmo ang mga miyembro ng
Walang tulak-kabigin sa galing ang pinakita ng Thespians sa pagsisimula ng Cha-cha at bumandera ang perpektong footworks at nakasisindak na pitik ng Moratalla-Llobet.
Bawat kumpas ng kanta sa Samba ay nakaukit sa Salting-Morato tandem ang

Indayog patungong Ligao Division City Meet ang BRSHS Thespians at ikakatawan ang Ligao East District.
Thespians upang makamit ang kampeona-





KAMPAY NG TAGUMPAY.
Ibinandera ni Roldion Symone Gregorio ang kanyang husay at galing sa paglangoy matapos makamit ang medalya sa kategoryang swimming na ginanap sa Tabak Yellowfins Long Course Swim Cup sa Bicol


NA NA KAMAO







Karanasan ang alas!




Pinikpikang kinalas ang tindig ng katunggaling nilupasay ng five-time Palarong Pambansa qualifier manlalaro na si Menard Abila ng Polangui kontra sa delegado ng Ligao City na si Jeffrey Papillera nang tumirak ang sunod-sunod na duck and counter ika-10 bout boxing match ng Bakbakan sa Ligao na ginanap sa Greenbelt Park, Ligao City, nitong ika-26 ng Disyembre, 2024.
Nabigo ang depensibong taktiks na head roll ni Papillera nang sagupain ang mga jabs at body shots ni Abila na humantong sa pagkabigo ng mga puntos sa katunggali at disorientasyon ng koordinasyon ng galaw sa ikatlong round ng bakbakan.
“I can’t say na mahirap siya kalabanin kasi natalo ko nga eh, pinagbigyan ko lang talaga siya,” saad ni Abila.
Nag-iwan kaagad ng unang impresyon ang magkatunggali nang agarang tumipa ng body shots sa unang round ngunit naging malikhain si Papillera nang daplisan ang bawat suntok na
Nagtaglay ng tikas at nirepresenta
nina Wimbly Peraja at Ramon Alsua ang Bicol Regional Science High School (BRSHS) at ang kabuuan ng lungsod ng Ligao matapos makapasok sa bronze medal match ng sagupaang Batang Pinoy men’s lawn tennis doubles na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan noong ika-23 ng Nobyembre, 2024.
Bago pa man tumungo sa bronze medal match, linamon at dinomina na ng tandem ang pambato ng Baguio City at Zambales nang bigyan ng mga service aces na nanilbihang sandata nila upang matatag ang kabuuang set scores sa 4-0, 4-0 at 4-2, 4-2. Sa kasamaang palad, natapos ang kanilang sunod-sunod na tagumpay nang makandado ng Davao City ang tansong medalya na gumapos sa iskor na, 4-2 at 4-1.

Tansong naging Bato
Maraming kakulangan ang humatak sa tandem na Peraja at Alsua lalong lalo na sa usaping koneksyon ng laro sa bangayan ng Ligao at Davao City.
“Hindi namin nabigyang pansin ang koneksyon sa laro kaya nahirapan kaming magkaintindihan nang maayos kung sinong sasalo habang ang kalaban namin ay may mas pulidong plano,” ani Alsua
Ani Peraja, hindi nila mapagtanto ang bawat kakulangan at kalakasan ng bawat isa sanhi upang pumigil sa kanilang makamit ang tansong medalya
Sentimyento ng Brisayano
Hindi mababalewala ang kumakaripas na suporta ng bawat Brisayano sa tandem nang makamit ang malaking parangal na makapasok
humango sa mga uppercuts nito.
Sinamantala ni Abila ang agwat ng kanilang karanasan nang mapansin ang open shots sa bawat suntok ni Papillera na humantong sa weave and counter na nag udyok sa pagkabasag ng balanse ng kontrahente.
Patuloy na giniba ang porma ni Papillera sa pagtanggap ng mga hooks galing kay Abila subalit hindi naisamang matinag ang kumpyansa sa bawat hiwa ng suntok na tumulak sa pag-atras ni Abila sa ropes sa nalalabing segundo ng unang round.
Rinig ang hiyawan ng mga Ligaoeño sa simula ng ikalawang round upang bigyan ng motibasyon ang kanilang manok, dahil sa hiyawan mas naging aktibo ang postura ni Papillera, rekta abante sabay liver shot na naiwasan naman ni Abila at nagbitaw ng mapaminsalang jab.
Rumesbak naman si Papillera nang magbitaw ng makamandag na hooks sa tagiliran na sinegundahan ng pag walang bisa sa mga jabs na natatamo galing kay Abila.
Hindi naging mainam sa kalagayan ni Abila ang pagtanggap ng mga hooks, habang
sa bronze medal.
“Malaking karangalan ito bilang isang Brisayano na may makapasok na mag-aaral sa malaking entablado kung saan inihataw nila ang kanilang tibay sa buong Pilipinas,” giit ni Jonash Lorzano isang mag-aaral ng BRSHS.
Pagbukas ng Kinabukasan
Ayon kila Peraja at Alsua, paglalaanan nila ng oras ang kanilang koneksyon sa court at mas pag-iigihan pa ang kanilang serve na nagsisilbing sandata nila sa bawat laban.
“Bibigyan din namin ng pansin ang aming rallies at ang consistency ng aming palo sa bola dahil dito rin kami nalalaglag,” dagdag ni Peraja.
Sa mga susunod na laban, sisiguraduhin nilang makapaguuwi ulit ng bagong karangalan para sa paaralan, at pananatilihing nagaalab ang sinimulang suporta ng bawat kamag-aral.
pumapatak ang oras pinagmasdan nito ang rotasyon ng mga suntok ni Papillera para sa paghahanda ng ikatlong round.
Mula opensa, naging depensa ang laro ni Papillera upang hindi mahabol ang lamang ng puntos sa simula ng ikatlong round, ngunit sa mataktikang estilo ni Abila, pinaulanan nito ng mga body shots at jabs pangontra sa head rolls ng katunggali.
Dikdikang nilupasay at punching bag na lamang ang tingin ni Abila nang mapansin na hindi na bumibitaw ng suntok si Papillera, patuloy ang pagtanggap ng mga suntok sa iba’t ibang bahagi ng katawan na humantong sa klarong daan sa unanimous win ng manok ng Polangui.
“Ang lakas ng bawat tirada niya, hindi ko kayang depensahan minsan. Ginawa ko naman best ko sana proud kayo sa akin,” ani Papillera. Samantala, inaasahan na masisilayan pa rin ang bagsik ni Abila sa mga paparating na bakbakan sa iba’t ibang lugar dito sa Bicol at ipapalasap ang tilamsik ng tirak mula sa alas nito.


Nathaniel Rosales
Joshua Morada Patnugot sa Isports PLAY-BY-PLAY Rico Dipad Opisyal sa Sirkulasyon
KISLAP NG KAMAO. Si Menard Abila (kanan) habang sumasabak sa laban kontra sa kaniyang katunggali sa larong boxing na ginanap sa Lungsod Ligao noong ika-26 ng Disyembre, 2024.
GILAS NG RAKETA. Ipinamalas nina Ramon Alsua (kaliwa) at Wimbly Peraja (kanan) ang bagsik ng bawat wasiwas na nagdala sa kanila sa Bronze Medal Match ng Batang Pinoy sa Puerto Princesa, Palawan, ika-23 ng Nobyembre 2024. Kyna Parado