Medi-Cal eligibility expansion to young adults (Jan 2020) - ENGLISH flyer

Page 1

Pagpapalawak ng Pagiging Karapat-dapat sa Medi-Cal para sa mga Tinedyer na Nasa Hustong Gulang Anuman ang Katayuan sa Imigrasyon Simula Enero 1, 2020, palalawakin ng bagong batas sa California ang buong saklaw ng Medi-Cal sa mga tinedyer na nasa hustong gulang na kwalipikado at wala pa sa edad na 26, anuman ang katayuan sa imigrasyon. Ano ang buong saklaw ng Medi-Cal? Ang Medi-Cal ay programa ng pampublikong insurance sa kalusugan na nagbibigay ng libre o murang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga kwalipikadong residente ng California. Sinasakop ng buong saklaw ng Medi-Cal ang:

• • •

Pang-emergency na pangangalagang pangkalusugan

• •

Paggamot ng pang-aabuso sa droga o alak

Mga karaniwang check-up Pangangalagang pangmedikal, pangngipin, kalusugan ng isip, pagpaplano ng pamilya at para sa paningin (mata) Mga gamot... at marami pa

Kasama sa mga karagdagang benepisyo ang transportasyon papunta at mula sa mga pagbisita sa doktor, dentista at parmasya para kunin ang gamot. Ang doktor ng pangunahing pangangalaga ay maaari ring magbigay ng mga pangmedikal na referral na kailangan ng espesyal na pamamahala kung kinakailangan. Ang pag-eenroll sa isang plan sa kalusugan ng Medi-Cal ay nagbibigay ng access sa network ng mga doktor na sumasaklaw sa anumang serbisyo na medikal na kinakailangan.

Alamin kung paano mag-apply


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Medi-Cal eligibility expansion to young adults (Jan 2020) - ENGLISH flyer by Alameda County Social Services Agency - Issuu