POTENTIAL MATCH
ni Ma. Christella N. Lim
A
no? Parang naubos yung hangin at dugo sa katawan ko. “Gumamit ka talaga nun?” Paniguradong mas dumoble ang laki ng mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Tumango siya at tumawa. “Oo nga, doon kami nagkakilala.”
Ngumiwi ako. Hindi ako makapaniw alang magagawa ni Cha ‘yon. Naunahan niya na naman ako at pakiramdam ko nadaya ako sa isang laro. Nakahanap agad siya ng boyfriend dahil doon? Paano? Hindi ko inakalang sa paraang gumamit siya ng dating app. Kapag nalaman ng mga magulang namin ‘to, baka mapagsabihan siya. “‘Wag ka maingay kina Mommy at Daddy, ah?” aniya. Umikot ang mga mata ko. Twenty years old pa lang ang kapatid kong si Cha, pero siya ang unang nagkaroon ng love life kaysa akin. High school pa lang siya noong una siyang magkaroon ng boyfriend. Sa pagkakaalam ko, naka-apat na exes na siya – ‘yon ang sinasabi niya – at lahat sila hindi legal sa pamilya namin, maliban kina Allen at Sam na nahuli nila Mommy at Daddy. Hindi naging maganda ang nangyari kay Cha pagkatapos no’n at ayaw kong mangyari ulit ‘yon. Although pwede na siya magkaroon ng manliligaw o boyfriend ngayon, ewan ko lang kung ano ang mangyayari kapag nalaman 30
DAPITAN