MALIKHAING PAGSULAT MODYUL 2: Pagsulat ng Maikling Kuwento
Introduksiyon Bago tayo magsimula ay nais ko munang ibahagi sa ating klase ang isang libro ng mga maikling kuwento na aking sinulat na inilimbag ng Pantas Publishing. Kalipunan ito ng mga maikling kuwentong ayon sa mga kritiko ay:
“Sa kanyang estilo, naaalala ko si Eduardo Galeano at ang kanyang maiikli at malalarawang prosa. Sa kanyang wika, nararamdamdam ko ang pangangatha ng mga manunulat ng ‘Mga Agos Sa Disyerto.’ Kung sina Efren R, Abueg, Edgardo M. Reyes, Eduardo Bautista Reyes, Rogelio L. Ordonez at Rogelio R. Sikat ang mga tinig na ‘nagdilig sa tigang na lupa ng panitikang Pilipino,’ ang tinig ni R. B. Abiva nama’y gaserang sumusupil sa dilim.” -DR. PIA ARBOLEDA, Direktor ng Sentro ng Araling Pilipinas (CPS), Associate Professor ng Programa ng Filipino at Kultura, Unibersidad ng Hawai’i Manoa

“Mabigat sa dibdib. Bumabaon sa utak ang bawat salita. Naramdaman kong hinahabol ko ang aking paghinga sa bawat pahina ng kanyang mga akda.” –
EUNICE BARBARA C. NOVIO, Lecturer at Vongchavalitkul University, Korat, Thailand (Plaridel Awardee, Philippine American Press Club, at awtor ng Maps of Dreams and Memories -Singapore: 2015)
“This book is a must-read for anyone who is curious about the gorgeous possibilities of fiction and the politics of its form.” KRISTINE ONG MUSLIM, International translator & author of Meditations of a Beasts (Wisconsin: Cornerstone Press, 2016)
Sanggunian: https://jacoblaneria.wordpress.com/2021/07/19/parmata-at-iba-pang-prosa-kontra-hegemonya-by-r-b-abivapantas-publishing-2021/


Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 1 of 11
Pansining maigi sa kanilang kritik ang Ang Sosyo-Politikal na Konteksto ng mga Akda at ng manunulat na ating tatalakayin sa dulo ng modyul na ito.
Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan, maiksing salaysay ngunit masining at ito ay ikapupulutan ng magagandang aral. Bago ko talakayin ang kasaysayan nito, atin munang alamin ang pinagmulan ng maikling kwento. Isa na dito ang mitolohiya, ito ay salaysayin tungkol sa mga diyos diyosan na pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao o katutubo. Tungkol ito sa pananalig, paniniwala, at kababalaghan. Pangalawa ay ang alamat, isa itong kwento na sinasalaysay ang pinagmulan ng bagay, pook, pangyayari, at iba pa. Naghahatid ito ng magagandang aral sa buhay. Pangatlo ay ang pabubla, ang mga hayop ang nagsisilbing tauhan sa kwento, naghahatid ng mahahalagang mensahe at magagandang aral. Pang-apat ay parabula, ito ay kwentong hango sa Bibliya. Pinapakita nito ang moral at ispirituwal na pamumuhay ng mga tao. Panglima ay kwentong bayan, pinapakita nito ang mga kultura, pag-uugali, tradisyon sa isang lugar o tribo. Panghuli, ay anekdota ito ay maikling storya na ang mga pangyayari ay katawa-tawa.
Sanggunian: https://openlibrary.org/works/OL17912989W/Mga_alamat_ng_Pilipino Sa panahon ng katutubo, bago pa man dumating ang mga kastila ay nasilayan na ang maikling kwento Ito ay kadalasan tungkol sa mga kwentong bayan at ang mga paksa nila ay tugngkol sa mga anito, diyos- diyosan, at kalikasan, tinatawag itong kwentong bitbit, dito nag-ugat ang maikling salaysay na tungkol sa mga bagay na hindi kapanipaniwala, tulad ng mga laman-lupa. Ang kanilang pamamaraan sa pagsasalaysay ng maikling kwento ay pasalita.

Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 2 of 11
Sanggunian: http://saniatapublications.blogspot.com/
Noong dumating ang mga kastila sa ating kapuluan, ipinakilala ang tinatawag na Kakana. Ito ay naglalaman ng mga alamat at engkanto, kwentong tungkol sa buhay ng mga santo at santa na tinuturing panlibang sa mga bata. Dahil layunin ng mga kastila na ipalaganap ang Kristiyanismo, ipinakilala nila ang parabula, kwentong naglalaman ng mga mabubuting aral na hango sa bibliya. At ang kaunaunahang aklat noong panahon ng kastila ay Doctrina Cristiana.
ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 3 of 11

Mga
Inaasahang
Bunga ng Aralin
Tinuturing naman bilang mga gintong dahon ng panitik ang panahon ng amerikano dahil ang binigyang hugis ay ang kaanyuan bukod sa pagbabago ng kaalaman. Sa panahon ng post kolonyal, noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano, ang mga maikling kwentong tagalog ay naisulat. Ang mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw na ating tatalakayin sa mga susunod na kabanata ng ating kurso.
Matutukoy ang kahalagahan ng mga sangkap ng isang maikling kuwento.
Magagamit ang mga sangkap ng maikling kuwento sa paggawa ng panunuring pampanitikan.
Makakalikha ng bagong pang-unawa at malikhaing interpretasyon.
Nilalaman Ang Maikling Kuwento bilang Anyo o Genre
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog.
Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 4 of 11

Kahit ano ay maaring paksain ng kwentista o manunulat ng maikling kwento. Maaaring hango ito sa mga pangyayari sa totoong buhay at maari ding ito’y patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Sanggunian: https://philippineculturaleducation.com.ph/rosario-deogracias/
Ayon kay Edgar Allan Poe, “Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.”

Sanggunian: https://www.mdhistory.org/poe-and-alone/ Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 5 of 11
Mga Elemento ng Maikling Kwento
Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.
2. Saglit na Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa kwento.
4. Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
Tao laban sa tao
Tao laban sa sarili
Tao laban sa lipunan
Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
5. Kasukdulan
Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
7. Wakas
Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
8. Tagpuan
Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente. Kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento.
9. Paksang Diwa
Ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento.
10. Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
11. Banghay
Ito ay ang mga pangyayari sa kwento.
Mga Bahagi ng Maikling Kwento Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas.
1. Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
2. Gitna
Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 6 of 11
Ang gitna aybinubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3. Wakas
Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng mayakda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento.
Mga Uri ng Maikling Kwento
May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kwento ng Tauhan
Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. Halimbawa ay ang Ang Kuwento ni Mabuti.
2. Kwento ng Katutubong Kulay
Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar. Halimbawa ay ang kuwentong Suyuan sa Tubigan.
3. Kwentong Bayan
Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan
Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. Halimbawa ay ang kuwentong Lamok
5. Kwento ng Katatakutan
Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari
Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko
Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Halimbawa ay ang kuwento ni Rogelio Sikat na Ang Kwento ni Tata Selo
Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 7 of 11
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan
Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa. Halimbawa ay kuwentong Ang Pilyong Si Loren.
10. Kwento ng Pag-ibig
Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.
Ang Sosyo-Politikal na Konteksto ng mga Akda at ng manunulat
Laging tandaang hindi hiwalay ang panitikan at manunulat sa kanyang lipunan. Kahit pa gamitin ang iba’t ibang lente o teoryang pampanitikan, sinasabi nilang ang manunulat ay interlocutor o tagapamagitan sa mundo ng realidad at imahinanasyon. Dahil sa katangiang politikal ng panitikan, gustuhin man o hindi ng manunulat ay kinakailangan niyang sumandig dito sapagkat magkakaroon lamang ng gamit at halagang panlipunan ang kanyang akda, ito man ay maikling kuwento o tula. Nilinaw na ito ni National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, “The writer has the advantage of a medium that can be contemplated many times over on the pages of a book or a magazine. The words lie on the page and the writer has an extended opportunity to imprint on his reader every meaning and nuance distilled from experience.”
Sanggunian: https://www.ptvnews.ph/artists-cultural-workers-celebrate-national-artist-bien-lumberas-birthday/ Ayon sa manunulat na si Bertolt Brecht, “All artforms are in the service of the greatest of all arts: the art of living. Don't be afraid of death so much as an inadequate life. People who understand everything get no stories.”

Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 8 of 11
Sangguian: https://en.wikipedia.org/wiki/Bertolt_Brecht

Ayon naman kay National Artist for Literature Geminio Abad, “If anything at all must needs be expressed – must, because it is somehow crucial that not a single spore nor filament of the thought or feeling be lost – then one must needs also struggle with one’s language, be it indigenous or adopted, so that the Word might shine in the essential dark of language. Otherwise, the vernacular, by its own etymology, is condemned to remain the same slave born in his master’s house.”

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/ancx/culture/spotlight/06/19/22/why-national-artist-gemino-abad-is-called-lord-jim Panghuli, ang halaga ng isang akdang pampanitikan ay kung nagsisilbi ito sa konteksto at pangangailangan ng lipunang pinagmulan ng akda at manunulat. Hindi isang nakalutang na entidad ang maikling kuwento bilang isang genre.
Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 9 of 11
Gawain at Pagtatasa
Tandaang sa unang modyul, aking nilinaw na ang sentral na lunsaran o springboard ng anumang anyo ng pananalinghaga ay ang kongkreto at empirikal na karanasan. Huwag niyo nang tangkaing itawid ang inyong pagkukuwento deretso sa metapisikal na antas nang hindi dumadaan sa literal na antas o lebel sapagkat isang milyong beses lamang kayong mabibigo.
Makakasulat ang mga mag-aaral ng isang payak na borador ng maikling kuwento Malaya ang bawat mag-aaral na pumili ng paksa. Bubuuin ang kanilang borador ng 4 hanggang 7 pahina ng papel na natipa sa tesktong Arial na may sukat na 12 habang may ti-iisang pulgadang margin.
Pisikal na
Sanggunian
Sangguniang Online
Hindi aplikable
1. [TEACHER VIBAL] Filipino Mondays: Malikhaing Pagsulat ng Maikling Kuwento. (n.d.). Www.youtube.com. Retrieved June 14, 2023, from https://www.youtube.com/watch?v=EbyPdXBdXUw
2. Abiva, R. B. E. (2021). Parmata at iba pang prosa kontra-hegemonya. In Google Books. Pantas Publishing.
https://www.google.com.ph/books/edition/Parmata_at_iba_pang_prosa_k ontra_hegemon/eB1_zgEACAAJ?hl=en
3. Abueg, E. R. (1981). Talindaw: kasaysayan ng panitikan sa Pilipino para sa kolehiyo at unibersidad. In Google Books. Regan.
https://www.google.com.ph/books/edition/Talindaw/8sAOAAAAMAAJ?hl= en
4. Almario, V. S. (2012). Ang maikling kuwento sa Filipinas, 1896-1949. In Google Books. Anvil Pub.
https://www.google.com.ph/books/edition/Ang_maikling_kuwento_sa_Filip inas_1896_1/dQEwMwEACAAJ?hl=en
5. Dizon, R. G. (1995). Deogracias A. Rosario: ang sining ng maikling kuwento. In Google Books. Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas.
https://www.google.com.ph/books/edition/Deogracias_A_Rosario/VYMQz wEACAAJ?hl=en
6. History of Maikling Kwento - KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO Ang maikling kwento ay isang akdang - Studocu. (n.d.). Studocu.
https://www.studocu.com/ph/document/nueva-vizcaya-stateuniversity/bsed-english/history-of-maikling-kwento/27293699
7. Landicho, D. G. (1974). Manwal sa pagsulat ng maikling kuwento sa Pillipino. In Google Books. University of the Philippines Press.
https://www.google.com.ph/books/edition/Manwal_sa_pagsulat_ng_maikli ng_kuwento_s/DL8OAAAAMAAJ?hl=en&gbpv=1&bsq=maikling+kuwento +sa+pilipinas&dq=maikling+kuwento+sa+pilipinas&printsec=frontcover
8. Literature and Contemporary Philippine Politics | Kyoto Review of Southeast Asia. (2007, March 9). Kyotoreview.org.
https://kyotoreview.org/issue-8-9/literature-and-contemporary-philippinepolitics/
Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 10 of 11
9. Rosario, Deogracias. (n.d.). CulturEd: Philippine Cultural Education Online. https://philippineculturaleducation.com.ph/rosario-deogracias/
10.Sosyo Politikal Na Akda | PDF. (n.d.). Scribd. Retrieved June 27, 2023, from https://www.scribd.com/presentation/438762593/Sosyo-Politikal-NaAkda
11.Teodoro, L., Epifanio, J., Juan, S., Belinda, J., & Aquino Editor, A. (1981). TWO PERSPECTIVES ON PIDLIPPINE LITERATURE AND SOCIETY.
https://core.ac.uk/download/pdf/5103771.pdf
12.Writing to the future: poetika at politika ng malikhaing pagsulat. (2008). In R. B. Tolentino (Ed.), K10plus ISBN. National Commission for Culture and the Arts. https://tuklas.up.edu.ph/Record/UP-99796217608565183
Inihanda ni Rene Boy E. Abiva, MA-Malikhaing Pagsulat(C)
Page 11 of 11