Upang maging tuloy-tuloy ang pagunlad ng kampanya laban sa iligal na droga, naglunsad ang Mambajao Local Government Unit ng iba’t ibang programa para sa mga barangay na sakop ng lungsod.
Sa pahayag ni Mayor Yggy Romualdo, sa pamamagitan umano ng pagsunod sa alituntunin ng mga programa laban sa iligal na droga, tulungang mailayo na bumalik sa bisyo ang isang tao.
“Ang drug addiction nandiyan lang yan, hindi yan mawawala. Incurable naman ang disease. Pero mapapagaling ito sa pamamagitan ng ating programa kung susundin, e-follow-up at pag-aralan lang ang policy, patuloy na pag-attend sa programa ng iba’t ibang polisiya. Iyan ay mga paraan upang tuluyan ng mapalayo ang isang tao sa kanyang bisyo”, ani Romualdo. Ilan sa mga programa ng Sangguniang Panlungsod ay ang Relapse Program, Narcotics Anonymous Fellowship Program, Anti-drug Clearing Program, Community-Based Rehabilitation Program. Bukod pa dito, mayroon ding livelihood program mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Training Program mula sa TESDA upang matulungan ang mga biktima ng droga na makapag simula muli.
Dagdag pa niya, handa umano ang lungsod ng Mambajao na tumulong at magbigay suporta sa mga taong gusto ng tumigil sa paggamit ng iligal na droga.
“Nakahanda na ang Mambajao na tumulong at sumuporta sa mga taong gustong magbago ng buhay lalong lalo na mayroong programa ang ating lokal na lungsod para dito,” giit ni Mayor Yggy.
Samantala, hinikayat din ni Romualdo ang mga mag-aaral na hindi ma-enganyo sa paggamit ng droga at ma bigyang halaga ang kanilang pag-aaral.
Bilang tugon sa palagay ni Romualdo, hinigpitan ng YNHS ang kampanya kontra droga kung saan iba’t-ibang programa ang inilunsad upang mailayo ang mga estudyante sa iligal na droga.
SAKRIPERWISYO
Kabuhayan, kinabukasan ng mga magsasaka, ‘may kasiguruhan’ sa pagpapalawak ng paliparan
Patuloy ang lungkot at pangamba ng mga magsasaka at residente na apektado ng nalalapit na pagpapalawak ng Camiguin Airport, sa kabila ng pangako ng lokal na pamahalaan na sila’y makatatanggap ng mahigit P500,000 halaga ng tulong pinansyal upang hindi maantala ang kanilang kabuhayan at matulungan silang makapagsimula ng ibang hanapbuhay.
‘No Read, No Pass’ policy, 100% suportado ng mga mag-aaral
ni KEMUEL EBUETADA
Buo ang suporta ng mga estudyante mula sa Yumbing National High School (YNHS) sa patakarang
“No Read, No Pass”na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd), batay sa isinagawang sarbey ng mga pampaaralang pahayagang White Island Breeze at Luntian.
Ayon sa resulta ng sarbey, naniniwala ang lahat ng estudyante na ang patakarang ito ay nagbibigay-daan upang matulungan ang mga mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa, at mabigyang tugon ang kanilang mga pangangailangang akademiko.
“Makabubuti ang patakarang ito dahil nagsisilbi itong gabay upang matuto ang mga mag-aaral na maging mahusay na mambabasa at lumawak ang kanilang pang-unawa,” ayon sa isang respondent sa sarbey. Bilang mga estudyante, naniniwala ang isang mag-aaral mula sa G10 na makatuwiran lamang ang pagpapatupad ng bagong patakaran. Napapansin umano nila na may ilang mga kaklase silang nahihirapang magbasa ngunit nakalulusot pa rin at nakapagtatapos kahit kulang ang kakayanan ng mga ito. Sa pamamagitan ng patakarang ito, umaasa ang mga respondent na mahihikayat ang mga mag-aaral na paunlarin ang kanilang kasanayan sa pagbasa at pagunawa.
PAMPAARALAN
Tugon sa Malnutrisyon: Camiguin, pinalakas ang Feeding Program
KOMUNIDAD ni JEHNNY PEARL PARA
Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa malnutrisyon, inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camiguin ang egg-feeding program para sa mga batang may edad 15 taong gulang pababa.
Ayon kay Governor Xavier Jesus Romualdo, layunin ng programang ito na tugunan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga kabataan sa lalawigan at mabigyan sila ng mas malusog na simula sa kanilang paglaki.
Sinabi ni Romualdo na mahalaga ang papel ng pagkain sa pangaraw-araw na pamumuhay at sa kinabukasan ng bawat isa.
“Food is a basic human right. You need the food to keep things going, you need the energy to fight the problems of the world,” aniya.
Binigyang-diin din niya na ang isang batang gutom ay hindi makakalahok ng maayos sa klase at iba pang gawaing pangpaaralan.
“Through the small efforts of our feeding program, they are given the strength to at least continue fighting,”dagdag pa ng gobernador.
Patuloy ang supplementary nutrition program sa Camiguin para sa mga buntis at batang 6–23 buwan upang matiyak ang wastong nutrisyon.
Samantala, 5,901 sa 5,953 bata ang nabakunahan laban sa tigdas-rubella (99.13% coverage), habang 96 sa target na 95 ang nabakunahan kontra polio sa Barangay Bacnit, Sagay (101% coverage).
Kasabay nito, isinasagawa rin ang edukasyon sa nutrisyon upang mapanatili ang kalusugan ng mga bata.
luntian
TAMPOK
Camiguin, naghandog ng libreng gatas sa mga estudyante
ni KEMUEL EBUETADA
Hanggang ngayon, mas maraming bata ang makakakuha ng pang-araw-araw na supply ng sariwang gatas matapos na itinatag ang subsidized na pamahalaan ng dirty farm sa taong 2013.
BUSABOS NG LANSANGAN
ang minimum na sahod sa Camiguin, ayon sa pinakahuling Wage Order No. RX-21 ng DOLE.
Yumbinganon, ramdam ang inflation sa paaralan - sarbey
KOMUNIDAD ni KEMUEL EBUETADA
Pito sa bawat sampung magaaral at guro ang nagpahayag na ramdam nila ang matinding epekto ng inflation sa kanilang araw-araw na pamumuhay sa loob at labas ng paaralan, batay sa isinagawang sarbey ng Luntian sa Yumbing National High School (YNHS).
Ang inflation ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya, na nagreresulta sa pagbawas ng tunay na halaga ng salapi at kakayahang bumili ng mamimili.
Partikular na inirereklamo ng mga magaaral ang pagtaas ng presyo ng pagkain sa canteen, na naging dahilan ng hindi na nila pagbili ng meryenda.
“Dili na lang mi magpalit sa canteen kay mahal na kaayo. Dili na namo ma-afford,” ayon kay Rhea Balingcos, isa sa mga lumahok sa sarbey. Sa kabuuang resulta, 70% ang nagsabing tumaas ang presyo ng bilihin sa loob at labas ng paaralan, habang 30% ang nagsabing may ilang produkto pa ring hindi nagbabago ang presyo.
Ipinapakita ng ulat na hirap ang mga estudyante at guro na makasabay sa pagtaas ng presyo, lalo na ang mga mula sa pamilyang may mababang kita—isang hamon na humihingi ng konkretong aksyon mula sa pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng inflation sa sektor ng edukasyon.
SIDEBAR
Ano ang mabibili ng baon mo?
PAKO SA GIDLI. Maraming kabataan, tulad ni “Inday,” ang tumutulong sa kanilang magulang sa pamamagitan ng pagtitinda ng gulay. Si Inday, halimbawa, nagbebenta ng pako mula bundok sa gilid ng merkado sa halagang 10 pesos upang makatulong sa pamilya. Kuha ni VENICE SOFIA BERNARDO
27 mag-aaral pasok sa child labor-sarbey
Sa halip na upuan sa silid-aralan, kargada ng palengke ang bitbit ng ilang estudyante ng Yumbing National High School.
Sa isinagawang sarbey noong Setyembre 21, 2024, lumabas na 27 mag-aaral mula sa YNHS ang nasasangkot sa child labor — isang masalimuot na realidad na patuloy na sinasalubong ng mga batang dapat sana’y abala sa pag-aaral, hindi sa paghahanapbuhay.
Bata Pa, Pero Trabahador Na Isa na rito si Brian Molo, 14-anyos, na mas kabisado ang bigat ng sako kaysa sa bigat ng assignment. “Napilitan akong magtrabaho… pero mas kailangan namin ng pera,” aniya habang hawak ang kanyang luma at gusgusing notebook. Sa isang araw bilang kargador, kumikita siya ng P300–P500, pero kapalit nito ang pagod at pagliban sa klase.
“Kapag may naipon na, doon lang ako babalik sa school,” dagdag niya.. Sa Gitna ng Kadiliman, Edukasyon na Isinakripisyo Iba-iba man ang trabaho— paglalako ng isda, pagtitinda ng kakanin, o pagbubuhat sa palengke— iisa ang ugat: kahirapan.
“Kapag wala na talagang makain, doon lang kami nagtatrabaho,”
AKAP Rice program, sinimulan na sa Camiguin
ni KEMUEL EBUETADA
FRIED CHICKEN + RICE PHP 35 TRANSPORTATION PHP 20
KWEK-KWEK PHP 20
FRUIT
kwento ng isa pang estudyanteng nais manatiling hindi pinangalanan. Kadalasan ay sa Sabado at Linggo sila nagtatrabaho, ngunit kalaunan, tinatalo na ng trabaho ang eskwela. May ilan na tuluyang humihinto, habang ang iba’y sumusubok pa ring makasabay kahit walang baon.
Sa Likod ng mga Dahilan Batay sa sarbey, kahirapan ang pangunahing nagtutulak sa mga bata sa paggawa. Walang permanenteng trabaho ang karamihan sa kanilang mga magulang. Ang ilan pa’y naaapektuhan ng bisyo gaya ng pagsusugal, pag-inom, at kapabayaan. “Mas pipiliin ko pang magtrabaho kaysa pumasok nang gutom,” dagdag ng parehong estudyante. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa rin nawawala ang bituin ng pag-asa sa kanilang mga mata. “Gusto ko pa ring makatapos,” ani Brian. “Kahit mahirap. Basta makaraos lang.”
Sinimulan na sa lalawigan ng Camiguin ang Ayuda Para sa Kapos sa Kita Program (AKAP) - Rice noong Disyembre 14, 2024. Sa ilalim ng programang ito, makakabili ang mga benepisyaryo ng AKAP ng bigas sa kalahating presyo (50% discount) mula sa mga akreditadong retailers.
Kabilang sa mga tindahang kalahok sa programa ay ang Davilett Corporation/DL Bonita, Nene Uy Store, Anito Rice and Feeds, AC Palis Store, TL Sari-Sari Store, Paderangga’s Store, Mac-Mac Sari-Sari Store, 4J OL’SHOP, WR Gabutan Store, at Somobay Sari-Sari Store. Ayon kay Camiguin Governor Xavier Jesus Romualdo sa isang Facebook post, patuloy pa nilang palalawakin ang listahan ng mga akreditadong retailer, gayundin ang bilang ng mga benepisyaryo upang mas maraming Camiguingnon ang makinabang sa nasabing programa. Muli ring pinaalalahanan ng gobernador ang publiko na dalhin ang kanilang AKAP Rice ID upang makabili ng bigas sa diskwentadong presyo.
PAMPAARALAN
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang panlalawigan kina Congressman Jurdin Jesus Romualdo, House Speaker Martin Romualdez, at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa suporta at tulong na ibinigay para maisakatuparan ang programang ito.
Matatandaang nauna nang inilunsad ang AKAP Tulong Eskwela Program para sa mga Senior High School students, kung saan tinatayang 1,500 estudyante ang nabigyan ng tulong pinansyal para sa kanilang pag-aaral.
Noong Oktubre 17, inilunsad din ang AKAP Water Bill Assistance kung saan tinulungan ang 1,000 benepisyaryo sa kanilang mga bayarin sa tubig at iba pang pangunahing pangangailangan.
Immunization Program ng DOH, ikinasa sa YumHigh
ni JEHNNY PEARL PARA
Nagsagawa ng libreng pagbabakuna para sa mga mag-aaral ng Grade 7 ng Yumbing National High School (YNHS) ang Department of Health (DOH) noong Agosto 2024.
Ayon kay Gretchen Cabalang, ang Provincial Health Officer, ang pagbabakuna ay isang mabisang hakbang upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit. “Ang immunization po ay isang pamamaraan upang makaiwas sa mga sakit. Ito po ang pinaka-epektibong programa para mapigilan ang pagkalat ng sakit,” pahayag ni Cabalang. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagbabakuna lalo na’t mabilis na kumakalat ang mga sakit ngayon, dulot ng mas madalas na pakikisalamuha ng mga tao at ang patuloy na pagbiyahe sa iba’t ibang lugar. “Marami na po tayong
nakakasalamuhang mga tao mula sa iba’t ibang lugar dahil sa paglalakbay, kaya’t nakakapasok po sa atin ang mga sakit na hindi karaniwang naririyan sa ating bansa,” dagdag ni Cabalang. Inaasahan ng Provincial Health Office (PHO) na makapagbigay ng bakuna sa mas maraming mag-aaral, hindi lamang sa YNHS kundi pati na rin sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Camiguin. Pinanindigan ni Cabalang na ligtas ang proseso ng pagbabakuna, at ang mga karaniwang reaksyon tulad ng lagnat at kirot sa pinagbutasan ay normal na sintomas ng katawan sa pagtanggap ng bakuna.
ABOT-KAYA, HATID AY GINHAWA. AKAP Rice Program, patuloy na naghahatid ng murang bigas para sa bawat pamilya sa Isla. Siguradong de-kalidad at abot sa inyong mga suking tindahan. Kuha ni KHYLA GASLANG
ni KEMUEL EBUETADA
DENUMERO
Batay sa mga ulat ng Silent Gardens, nagsimula ito sa 25 na baka at 19 sa mga hayop na ito ay nasa supply ng pag-gatas ng linya ng hindi bababa sa 150 liters ng gatas sa Isang araw. Ang mga bata sa probinsya ngayon ay nakakakuha ng kanilang pang-araw-araw na bahagi ng gatas ng sariwang baka, Ang programa ay tumatakbo para sa mga 120 araw at patuloy na maabot ang iba pang agarang interbensyon sa nutrisyon.
Dagdag pa rito, mayroong 252 na mga bata sa paaralan ang pinaglilingkuran, ang lokal na pamahalaan ay nagpapalawak din ng regular na pamamahagi ng gatas o pagpapakain sa mga pagtitipon, kaganapan, at pagdiriwang. Bukod sa pagbibigay ng sariwang pang-arawaraw na produkto sa mga nangangailangan, ipinagbibili rin ng Provincial Veterinary Office
(POV) ang publiko sa ₱50 kada litro, habang bahagi rin nito ay pinainom sa mga binti. Ang mga lokal na magsasaka ay tapped din sa proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangangailan ng mais at manguha ng pagkain. Bilang karagdagan, ang proyekto ng “Milk for Camiguin Children” ay nagsimula noong Hulyo 2013 at patuloy na nakikinabang sa Camiguinons sa gatas ng sariwang baka.
Yumbinganon, tutol sa Cha-cha: Ayusin ang sistemang pang-edukasyon
SIDEBAR
sa tatlong Yumbinganon ang naniniwala na mas dapat bigyangpriyoridad ng pamahalaan ang pagpapabuti sa sistema ng edukasyon kaysa sa pagsusulong ng Charter Change (Cha-cha)
datos galing sa sarbey ng LUNTIAN
KOMUNIDAD
Pa- Tsinelas Program, mas pinalakas ng Mambajao
ni JEHNNY PEARL PARA
Pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng Mambajao, sa pamumuno ni Mayor Yggy Jesus M. Romualdo, ang aktibidad para sa pagtaas ng pondo para sa PaTsinelas Program.
Ang programang ito ay isa sa mga pangarap ng yumaong political icon ng lalawigan ng Camiguin, ang dating Kongresista Pedro P. Romualdo, na ngayon ay naging isang matagumpay na proyekto.
Ayon sa dokumento mula sa munisipyo, tiniyak nina Mayor Yggy at Governor Xavier Jesus M. Romualdo na walang mag-aaral ang dapat mawalan ng oportunidad sa edukasyon dahil lamang sa kakulangan sa kagamitan.
“Ang ating mga mag-aaral, lalo na ang mga marginal, ay hindi na maaaring magbigay ng dahilan para hindi pumasok sa klase dahil lamang sa kawalan ng sapatos,” pahayag ng mga opisyal. Sa halip, dapat anila ay masanay silang pumasok araw-araw, kahit nakatsinelas lamang, basta handang matuto at sumunod sa kanilang mga guro at magulang. Ang Pa-Tsinelas Program ay inilunsad noong 2013 sa pamumuno ni Mayor Baby Romualdo at pinondohan nina Gov. Jurdin Jesus D. Romualdo at Cong. Xavier Jesus (XJ) Romualdo. Nagpahayag ng pasasalamat ang mga magulang, guro, at mag-aaral sa programang kanilang tinawag na makabuluhan at makatao.
“Daghang kaayong salamat Mayor Yggy, Gov. XJ, ug Cong. JJ. Thank you very much,” saad ng isa sa mga guro mula sa isang pampublikong paaralan. Hinimok naman ni Gov. XJ ang mga kabataan na magpokus sa kanilang pag-aaral.
“Ang lalawigan ng Camiguin ay patuloy na sumusuporta sa lahat ng mga gawaing pampaaralan at para sa kapakanan ng mga batang taga-isla,” aniya.
SARIWANG GATAS PARA SA KABATAAN. Maraming kabataan sa Kamigin ang nakakuha ng sariwang gatas mula sa baka, isang proyekto na nakatulong sa kalusugan ng mga kabataan. Mula sa CAMIGUIN NEWS BULLETIN
Tumindig ang mga mag-aaral mula sa Yumbing National High School – Supreme Student Leadership Government (YNHS-SSLG) at ang 67% ng kabuuang populasyon ng mga mag-aaral upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas noong nakaraang buwan.
Ayon kay Marde Pacto, ang presidente ng SSLG, mas mahalaga umano na unahin ng pamahalaan ang pagpapabuti ng sistema ng edukasyon kaysa magtuon ng pansin sa pagbabago ng konstitusyon.
Kaugnay ng kanilang panawagan, ipinaabot ng SSLG ang saloobin hinggil sa kakulangan ng pasilidad, pantay-pantay na kagamitan, at mga kwalipikadong guro—na anila’y dulot ng limitadong pondo sa edukasyon. Ayon sa grupo, kahit pa itaas ng pamahalaan ng 60% ang budget para sa sektor, ito
ay “malayo pa sa gastusin na inilaan ng ating mga kapitbahay na bansa, na may kaugnayan sa paglago ng kanilang GDP.”
Binatikos din ng SSLG ang patuloy na mababang performance ng bansa sa 2022 PISA, kung saan nasa bottom five ang Pilipinas.
“Kailangan nating buksan ang ating mga mata at makiisa sa panawagan na huwag baguhin ang ating Saligang Batas, at mas unahin ang pagpapabuti ng sistema ng edukasyon,” pahayag ni Pacto.
BOSES YUMBINGANON
Nanindigan ang Luntian, opisyal na publikasyon ng paaralan, laban sa pagsusulong ng Charter Change. Sa kanilang pahayag sa Facebook, iginiit ng publikasyon na dapat magpokus ang pamahalaan sa mga dehadong sektor tulad ng edukasyon kaysa itulak ang Cha-cha.
“Marapat na magising na ang pamahalaan at magpokus sa mga mag-aaral kaysa itulak pa ang Cha-cha,” saad ng Luntian. Dagdag pa nila, “Nawa’y huwag magpadala ang mga
mambabatas sa mga pangako ng Cha-cha, sapagkat sa likod ng magagandang salita nito ay may mga kahina-hinalang motibo.” Hinimok din ng Luntian ang mga mambabatas na maging tapat sa proseso ng deliberasyon at unahin ang mga repormang tunay na makikinabang ang nakararami. Nanawagan din ang publikasyon sa komunidad na makilahok sa makabuluhang talakayan para sa repormang pang-ekonomiyang makaaangat sa kabuhayan at kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino.
KOMUNIDAD
GABI-GABING GALAAN
Nightlife ng mga kabataan sanhi sa pagtaas ng teen pregnancy; curfew sa barangay hinigpitan
ni KEMUEL EBUETADA
Pinaigting ng Barangay Yumbing ang curfew para sa mga kabataan upang mabawasan ang mga aksidenteng may kaugnayan sa mga menor de edad na lumalabas at nagi-enjoy sa nightlife, lalo na sa mga oras na malapit nang magtapos ang araw. Ito ay bilang tugon sa kamakailang pagtaas ng kaso ng teen pregnancy sa mga mag-aaral ng barangay.
SIDEBAR
Sa isla ng Camiguin, naitala ng provincial government ang makabuluhang pagbaba ng poverty rate na umabot sa
6.4%
Task-Force
Disiplina inilunsad; pagpaigting sa Islang seguridad
ni KEMUEL EBUETADA
Bilang daan upang mapaigting ang seguridad at matutukan ang kagalingan ng mga mamamayan, nagpatupad ang isla ng Camiguin ng Task Force Disiplina na magbibigay pansin sa mga ordinansa mula sa batas trapiko, seguridad sa paggamit ng LPG, regulasyon sa mga pump boats, automatic motorcycle regulation, road clearing regulation, road race regulation at shallowdeep-well ordinance.
Binigyang-diin ni Patrick Glenn Dael ng Task Force Disiplina ang striktong pagpili ng opisyales para sa maayos na pagpapatupad. “Istrikto jud ta sa pagpili. Kinahanglan sad maayo sila sa ilang barangay ug standing. Wala’y mga kontra, kanang mutindog jud sa sakto nga dili mapalit or dli mabayran,” saad nito. Iginiit ni Dael na ang pagpapatupad ng ordinansa ay mahirap at nangangailangan ng masusing pagsasanay ng mga opisyales at kawani. “By heart jud among ipasabot sa tanan enforcers. Kailangan man jud ni siya ug sakto nga pagsabot sa balaod, kay bisan pa kasabot na ta fully sa balaod, naa naman sad diha ang challenge ug unsaon nimo pag-enforce. Like sa traffic, unsaon nimo pagpara sa sakyanan na courteous ka,” dagdag niya. Hinimok ni Dael ang mga LGU na tugunan ang mga isyung panlipunan at aktibong makilahok sa pagpapatupad ng mga programang magpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang munisipyo. Ang Task Force Disiplina ay isang ordinansa na naglalayong makabuo islang ligtas sa peligro, at may maayos na pamamalakad para sa mga mamamayan.
KOMUNIDAD ni JOYLYN GRACE RAGAS
Paglaban sa kahirapan, tuon ng 2025 badyet
Naglaan ng halos P500-bilyon o siyam na porsyento mula sa P6. 352 -trilyong 2025 national budget ang pamahalaan para sa ayuda o Social Amelioration Program upang maiahon ang mahigit kumulang 12-milyong mahihirap na pamilya o nasa 48-milyong Pilipino. Alokado ang P60-bilyon nito para sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP), isang programang sisimulan ng kongreso na naglalayong bigyan ng one-time cash assistance na P5,000 ang mga manggagawang mababa ang sahod, tulad ng construction at factory workers, drivers, food service crew, at ibang mga pamilyang kumikita ng mas mababa sa P23,000 kada buwan.
UNA SA BAKUNA. Isang estudyante mula sa Yumbing National High School ang tumanggap ng libreng bakuna mula sa DOH upang mapalakas ang proteksyon laban sa mga sakit, Agosto 2024. Kuha ni KHYLA GASLANG
Ayon kay Kapitan Grover Dablo, layunin ng curfew na pigilan ang mga kabataan sa mga delikadong gawain, lalo na sa paglabas pagsapit ng alasdiyes ng gabi. “Dahil sa matamlay na aksyon ng mga ahensya, kami na ang kikilos upang maprotektahan ang mga kabataan sa panganib ng paglalagalag sa gabi,” ani Dablo. Ibinahagi rin niya na sa mga nakaraang operasyon, madalas mahuli ang kabataang nagdi-date sa mga liblib na lugar gaya ng tabing-dagat, na aniya’y nagdudulot ng kaso ng teen pregnancy.
“Ang ilan ay nasasangkot pa sa pagnanakaw at iba pang krimen. Kailangan nila ng disiplina para maiwas sa kapahamakan,” dagdag pa niya. Ang layunin ng curfew ay mapalakas ang seguridad sa barangay at mabawasan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan. Sa kasalukuyan, nangunguna ang Yumbing National High School sa mga paaralang may mataas na bilang ng mga mag-aaral na nabuntis.
“Kahit sa madaling araw, marami pa rin kaming nakikita na mga estudyante na nag-iikot at nagtatambay sa mga lansangan,” ani Dablo.
Katuwang ng barangay sa pagpapatupad ng curfew ang Philippine National Police (PNP) ng lalawigan. Ang mga kabataang mahuhuli sa paglabag sa curfew ay dinala sa presinto at barangay hall upang sumailalim sa tamang paglilitis.
Ayon sa Resolution No. 36-201y o Ordinance Series of 2014, ang mga lalabag sa curfew ay papatawan ng parusa—apat na oras ng community service sa unang paglabag, at pananagutan ng magulang sa ikalawa.
Nanawagan si Kapitan Dablo sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at huwag hayaang gumala sa gabi.
Hinikayat din niya ang pulisya, mga tanod, at opisyal ng barangay na magpatuloy sa mahigpit na pagbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan.
Halos P23-bilyon naman ang nakalaan para sa Assisstance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) at P3 bilyon para sa Tulong Pang-hanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
“Nakatulong naman ang ayuda ng DSWD sa’min last year. Ipinambili naming ng uniform ng mga bata tapos yung natira ay pinuhunan sa maliit na tindahan,” saad ni Pagtutuonan din ng pansin ang mga pamanang proyekto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos jr. tulad ng Legacy Food Security, kung saan mayroong, limang bilyong piso pambili ng mga ani ng mga magsasaka sa presyong mercado, at P80-bilyon sa pagpapatayo ng mga libreng irigasyon. Sa sektor ng kalusugan, layong gamitin ang P22.3-bilyon bilang tulong medical sa mga mahihirap, P101.5-bilyon sa National Health Insurance Program, P23-bilyon sa pagpapalawig ng mga ospital at pasilidad, at P20 bilyong emergency benefits para sa mga health care at non-health care workers. Ang kabuuang General Appropriations Act (GAA) ay tumaas
SARBEY
ni PAULYN MAGDALES
SPJ, naglunsad ng libreng workshop
ni PAULYN MAGDALES
Upang muling makaugnayan ang mga campus journalist, nagsagawa ang Special Program in Journalism (SPJ) ng libreng Campus Journalism Training para sa mga junior at senior high school noong Agosto sa Yumbing National High School.
Ang dalawang araw na pagsasanay sa pamamahayag ay inorganisa ng publication staff, na nakatuon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga batang mamamahayag sa pamamagitan ng serye ng mga lektura at workshop na isinagawa ng mga volunteer na tagapagsanay.
Sa seremonya ng pagbubukas, inilahad ng editor-in-chief ng White Island Breeze publication na ang proyektong SPARKS ay nagsisilbing tulay upang pag-ugnayin ang mga campus journalist sa buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan sa pagsali at, kung papalarin, sa pagkapanalo sa National Schools Press Conference (NSPC).
“Naniniwala ako na sa pamamagitan nito, nagkakaroon tayo ng pagkakataong mapag-ugnay ang mga campus journalist sa ating bansa. Sa pagbabahagi nila ng kanilang mga karanasan, mas lumalalim ang pagunawa nila sa mundo ng pamamahayag at sa paghahanda sa NSPC,” pahayag niya. Kabilang sa libreng pagsasanay ang mga lektura at aktwal na pag-eensayo sa iba’t ibang indibidwal at grupong kategorya. Sa tulong ng mga tagapagsanay, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mailapat agad ang kanilang mga natutunan habang sila ay sinusubok sa mga aktibidad.
YumHigh, umapila ng aksyon laban sa bullying
ni JEHNNY PEARL PARA
Bumuhos ang mga panawagan para sa isang “agarang at mabisang” solusyon laban sa bullying sa paaralan, matapos magsulputan ang mga kuwento ng pambubully na naranasan ng mga mag-aaral ng Yumbing National High School (YNHS).
Nag-viral sa social media ang mga post ng ilang estudyante tungkol sa kanilang personal na karanasan sa pambu-bully.
Isang mag-aaral ang nagbahagi ng kanyang trauma sa isang post: “Sana mapansin niyo na kayo ang dahilan kung bakit ayaw kong makibahagi sa sekson natin... nanghihina at nagkakapasa ang katawan ko dahil sa pang-aabuso niyo.”
Bilang tugon, mas pinaigting ng YNHS ang pagpapatupad ng DepEd Order No. 40, s. 2012, o ang Child Protection Policy, na nag-uutos sa pagbuo ng Child Protection Committee upang mangasiwa sa imbestigasyon, pagresolba ng reklamo, at pagbibigay ng suporta sa mga magaaral.
Ayon sa guidance counselor ng paaralan, ang mga maaaring ipataw na parusa sa mga lumabag ay detention, suspension, at expulsion, ngunit binigyang-diin niyang mas mahalagang ipaunawa ang pagkakamali sa pamamagitan ng counselling.
HATID KAALAMAN. Magsisilbing tulay si JB dela Rosa isang mag-aaral ng SPJ na siyang nagbigay ng kaamalaman tungkol sa mundo ng Diornalismo sa mga kabataan na interesado maging isang batang mamamahayag. Kuha ni EMMANUEL GORRES
PAMPAARALAN
TRESE NA: YumHigh, muling naghari sa
DSPC
PAMPAARALAN
AI NAKU!
Sa ikalabing-tatlong pagkakataon, nakuha ng Yumbing National High School (YNHS) White Island Breeze at Luntian journalists Ang Overall Championship Title sa 2024 Division Schools Press Conference (DSPC) sa Mambajao National High School noong Nobyembre 22-24.
Nakuha ng YNHS ang kampeonato award Mula noong DSPC 2009, 2011, 2012, 2013, 2014, 2015, 2016, 2017, 2018, 2019, 2022, 2023 at 2024. Ang mga nasabing kampus na mamamahayag ay nagbigay ng parangal sa indibidwal events ng paligsahan sa pamumuno ni Mark Palad, sa pagbanggit, Ang
kategoryang Ingles, Janne Therese Jaminal, Marde Angela Pacto, Kinley Babia, Elvis Manino, Khyla Gaslang, at Alhena Jones Ladera ang nanalo sa pagsulat ng Balita, pagsulat ng editoryal, pagsulat ng balitang pampalakasan, pagguhit ng kartong editoryal, pagkuha ng larawan, at pagwawasto at pag-uulo ng Balita.
BALAKID SA KAALAMAN. Halos lahat na ng estudyante ay gumagamit na ng Chat GPT o AI sa tuwing may ibibigay na gawain na ikinabahala ng mga guro. Kuha ni VENICE SOFIA BERNARDO
ni KEMUEL EBUETADA
Carrasco: Maging makatotohan sa pamamahayag kontra plagiarism
SIDEBAR
7
Dismayado ang mga guro ng Yumbing National High School (YNHS) ang lantarang pangongopya paggamit ng ChatGPT ng ilang mag-aaral para sa at palitan ng sagot, kasabay ng pagkalat ng tinaguriang “sagot-forsale” scheme” sa social media.
SA 10
Bagama’t wala pang pormal na ulat na isinusumite sa pamunuan, iginiit ng mga guro na hindi kailanman kinukunsinti ng paaralan ang academic dishonesty at tiniyak nilang agad na papatawan ng kaukulang disiplina ang sinumang mapatutunayang sangkot dito. “Hindi kailanman maipagkakatuwiran ang pandaraya, anuman ang dahilan,” mariing pahayag ng punong-guro ng YNHS na si Gina C. Cubillas. Dagdag pa niya, nararapat lamang na pahalagahan ng bawat mag-aaral ang kasabihang “Honesty is the best policy,” sapagkat sa huli, hindi lang numero sa grading card ang sukatan ng tunay na pagkatuto. Batay sa mga obserbasyon at ulat ng mga guro, kadalasang “subject-to-subject” ang palitan, kung saan ibinabarter ng mga estudyante ang kanilang sagot sa isang asignatura kapalit ng sagot sa ibang subject. Bukod dito, natuklasan din na may mga estudyanteng nagbebenta ng sagot mula Php 30 hanggang Php 700—depende sa uri ng gawain, mula sa simpleng takdang-aralin hanggang sa essay at mga komplikadong problemang matematikal.
Ayon sa mga guro, kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pandaraya ang labis na workload, pati na rin ang kahirapan ng mga mag-aaral na maunawaan ang aralin bunga ng limitadong interaksyon at komunikasyon sa pagitan ng guro at estudyante.
“Kapag nahihirapan sila sa aralin, dapat lumapit sila sa guro. Huwag silang matakot humingi ng tulong,” pahayag ni Ivy Jane Babia, guro sa ika-7 baitang ng YNHS.
COVER STORY galing sa P01 ni CHEL ELISHA ANSIL
SIDEBAR
5
sa anim na Yumbinganon ang nakarararanas ng anumang uri ng pambubully galing sa kamag-aral.
datos galing sa GUIDANCE OFFICE
“We can’t give harsh punishments towards student-perpetrators,” aniya.
“The only thing we could do is to settle the issue... and help them be enlightened.”
Mula Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2025, nakapagtala ang DepEd ng 522 kaso ng bullying sa buong bansa, karamihan ay pisikal. Nanguna sa talaan ang Metro Manila, CALABARZON, at Central Luzon, habang pinakamababa ang MIMAROPA, BARMM, at Soccsksargen.
Iginiit ni DepEd-Camiguin Schools Division Superintendent Loberina Carrasco na dapat laging bigyang kredito ng campus journalists ang pinagmulan ng impormasyon upang mapanatili ang kredibilidad ng kanilang mga artikulo.
Sa panayam noong Enero 2, 2025, binigyang-diin ni Carrasco ang kahalagahan ng fact-checking at ang pag-iwas sa plagiarism. Aniya, “Kapag kumuha ka ng impormasyon mula sa iba, may pananagutan kang ilahad ang pinagmulan.” Hinimok din niya ang paggamit ng mga tool tulad ng Grammarly at plagiarism detectors upang masuri kung lehitimo ang nakalap na datos. Dagdag pa niya, dapat iwasan ng mga kabataang manunulat ang pagkopya ng mga pahayag nang walang tamang pagbanggit at sa halip ay bumuo ng sariling estilo ng pagsusulat. Binigyang-linaw rin ni Carrasco na ang pandemya ay nagdulot ng pagbabago sa paraan ng pangangalap ng impormasyon, lalo na sa mga paaralan. Sa kabila nito, dapat pa ring magsumikap ang mga mamamahayag na maghatid ng balita na tapat, wasto, at kapakipakinabang para sa komunidad.
“Hindi para magpasikat ang tunay na mamamahayag,” aniya. “Kundi para ipaglaban ang katotohanan at mapanatili ang tiwala ng publiko.”
Kabuhayan, kinabukasan ng mga magsasaka, ‘may kasiguruhan’ sa pagpapalawak ng paliparan
Patuloy ang lungkot at pangamba ng mga magsasaka at residente na apektado ng nalalapit na pagpapalawak ng Camiguin Airport, sa kabila ng pangako ng lokal na pamahalaan na sila’y makatatanggap ng mahigit P500,000 halaga ng tulong pinansyal upang hindi maantala ang kanilang kabuhayan at matulungan silang makapagsimula ng ibang hanapbuhay.
Batay sa datos mula sa lokal na pamahalaan, tinatayang 20 ektarya ng lupa ang maaapektuhan ng nasabing proyekto, kung saan higit 50 pamilya ang naninirahan. Ayon sa parehong ulat, umaabot sa halos P20 milyon kada taon ang kinikita mula sa mga sakahan sa nasabing lugar.
Dahil dito, hindi maiwasan ng mga residente ang mangamba kung sapat ba ang halagang alok kapalit ng kanilang tirahan at kabuhayan.
“Sakit kaayo biyaan ang lugar nga imo nang nahimong source sa imong panginabuhi,” ani G. Mansueto Mahinay, isa sa mga magsasakang maaapektuhan.
Tatlong barangay ang direktang masasaklaw ng
proyekto: Barangay Baylao, Kuguita, at Bug-ong.
HANGAD: MAAYOS NA KABUHAYAN KAPALIT NG PAGLIKAS
Hiling ng mga apektado na siguraduhin ng pamahalaan na magkakaroon sila ng alternatibong hanapbuhay at maayos na relokasyon.
“Unta matagaan me ug trabaho o area nga pwede namo mahimong kuhaan sa among panginabuhian,” wika ni Gng. Carlita A. Madrona. “Kung madayon ang project, dako unta nga atensyon ang ihatag sa amoa. Unta matagaan pud mi ug trabaho,” dagdag pa ni Mahinay.
TULONG MULA SA PAMAHALAAN Makakatanggap ang mga maaapektuhang magsasaka at residente ng hindi bababa sa P500,000 na tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan, ayon kay Gobernador Xavier Jesus Romualdo. Sa isang panayam, sinabi ni Romualdo na pinabilis ng lokal na pamahalaan ang pagkalap ng pondo para sa kompensasyon ng mga magsasaka at residente na mawawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa proyekto. “Magbibigay kami ng tamang kompensasyon batay sa halaga ng kanilang mga ari-arian,” ani Romualdo. Idinagdag niyang kasalukuyang pinag-aaralan ng pamahalaan ang iba’t ibang
uri ng ayuda para sa bawat pamilyang apektado. Ayon pa sa gobernador, malapit na ring matapos ang proseso ng pagrerehistro ng mga pamilyang maaapektuhan, at kasalukuyang tinutukoy ang mga posibleng lugar para sa relokasyon. “Sinisiguro naming maayos at makatao ang magiging pagsasalin ng tirahan sa tulong ng mga kinauukulang ahensya,” dagdag pa niya.
USAPIN SA RELOKASYON Sa kabila ng mga pahayag ng gobernador, hindi pa rin nakakapagbigay ng tiyak na detalye ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na siyang nangangasiwa sa proyekto, tungkol sa eksaktong lawak ng pagpapalawak ng paliparan. Subalit, nauna nang ibinalita na kabilang sa mga lugar na maaaring saklawin ng proyekto ay ang mga barangay ng Poblacion, Baylao, at Kuguita. Ang proyektong ito, na may kabuuang halaga na P2.5 bilyon, ay itinuturing na isa sa mga pangunahing inisyatiba para sa pagpapaunlad ng transportasyon sa lalawigan—ngunit para sa maraming magsasaka, isa rin itong pagsubok sa kanilang karapatan, kabuhayan, at kinabukasan.
KOMUNIDAD ni JEHNNY PEARL PARA
ni VENICE SOFIA BERNARDO
Samantala, sa kategoryang Filipino, nanalo sina Divine Grace Sasil, Juliana Fiona Dela Peña, Isabela Monino, at Ullyzes Matthew Babia sa pagsulat ng agham, pagwawasto
mga Yumbinganon ang gumagamit ng Artificial Intelligence Tools para kumpletuhin ang kanilang pangakademikong tungkulin.
AGOSTO 2024 - ABRIL 2025
Ingles, nasungkit nina Clouie Jenn Ochavillo, at Donna Rose Naybe ang ikalawang gantimpala sa pagsulat ng balita, at pagwawasto at pag-uulo ng Balita. Nakuha Naman nina Jaydee Bacor, Clouie Magdales, Emmanuel Gorres, at Kemuel Ebuetada ang ikalawang gantimpala sa kategoryang Filipino, pagwawasto at pag-uulo ng Balita, pagsulat ng lathalain, pagkuha ng larawan, at pagsulat ng balita.
sa pagsulat ng editoryal at si Casey Denisse Amores Naman sa pagsulat ng kolum habang si Jan Carl Esmade sa pagguhit ng kartong editoryal Naman Ang nag-iisang nakasungkit sa ikatlong gantimpala sa kategoryang Filipino.
Pang-apat Naman si Jehnny Pearl Parra sa pagsulat ng balita at panglima si Andrea Llanasa sa pagsulat ng agham sa kategoryang Filipino, at nasungkit Ang ikalimang pwesto ng pagsulat ng lathalain sa kategoryang Ingles ni JB Jiro Dela Rosa. Sa kabilang dako, Ang mababanggit ay ang nakasungkit sa unang gantimpala sa group
ISANG PATAK, SOLUSYON SA LAHAT. Isa sa mga problema na kinakaharap ng mga estudaynte
events sa kategoryang Ingles, Radio broadcasting at TV broadcasting sa pangunguna nina Remilyn Labadan at Daniel Labadan, at collaborative desktop publishing at online publishing sa pamumuno ni Keith Anthony Opeñano. Nasungkit din ng Collaborative desktop publishing at online publishing Ang ika-unang gantimpala ng kategoryang Filipino sa pamumuno ni Ivy Jane Babia.
Pangalawa Naman sa kategoryang Filipino Ang Radio broadcasting at TV broadcasting sa pangunguna nina Remilyn Labadan at Daniel Labadan.
Bilang tugon sa mababang antas ng pag-unawa,
Remedial classes sa YNHS, isinagawa
ni JEHNNY PEARL PARA
Bilang tugon sa mababang resulta ng Pilipinas sa pinakahuling Programme for International Student Assessment (PISA), aktibong ipinatutupad sa Yumbing National High School (YNHS) ang mga remedial classes tuwing hapon bago matapos ang regular na oras ng klase.
SINALA SA PAGSUBOK. Upang masigurong walang estudyanteng maiiwan, isinagawa ang remedial classes sa YNHS bilang tulay sa mas matibay na kaalaman. Sa kabila ng pagsubok, patuloy ang pagsisikap tungo sa tagumpay. Kuha ni EMMANUEL GORRES
Ayon kay Gng. Gina C. Cubillas, punong-guro ng YNHS, ang nasabing inisyatibo ay isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang akademikong kasanayan ng mga mag-aaral, partikular sa mga asignaturang Ingles at Matematika. Aniya, layunin ng programa na matugunan ang mga pangunahing suliranin sa pagkatuto na kinakaharap ng mga mag-aaral sa kasalukuyan. Ang remedial classes ay bahagi ng National Learning Recovery Program ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), na naglalayong isara ang puwang sa pagkatuto o learning gaps na lalong lumala bunsod ng mga hamon sa sektor ng edukasyon, kabilang na ang epekto ng pandemya.
DRY NA DRY
Walang sapat na tubig, bagong problemang hinaharap ng YNHS
HUSAY NA WALANG KAPANTAY. Muling naghari ang Yumbing National High School sa Division Schools Press Conference 2024 sa ika labintatlong pagkakataon. Kuha ni TRISHA LOPENA
Ang nasabing klase ay nakatuon sa mga asignaturang Ingles, Matematika, at Agham—mga larangang kinikilala bilang batayan ng pang-akademikong kahusayan sa pandaigdigang pamantayan. Sa pinakahuling PISA report, ika-77 ang Pilipinas sa 81 bansa, na may iskor na 355 sa Matematika at 347 sa literasiya—malayo pa rin sa global average na 457, sa kabila ng bahagyang pagtaas mula 2018. Ang PISA ay isinasagawa tuwing ikatlong taon upang masukat ang antas ng kaalaman at kakayahan ng mga kabataang nasa edad 15 sa Pagbasa, Matematika, at Agham. Unang lumahok ang Pilipinas sa PISA noong taong 2018.
“Walang sapat na tubig!” Ito ang hinaing ng mga magaaral mula sa Grade 7 hanggang Grade 12 ng Yumbing National High School (YNHS) dahil sa kakulangan ng tubig sa mga silid-aralan ng paaralan.
Ayon kay Nilo M. Seroy, ang property custodian ng YNHS, lumalala na ang kakulangan ng suplay ng tubig sa paaralan sanhi ng mabilis na paglaki ng populasyon ng Barangay Yumbing. Sa kasalukuyan, hindi na kayang sustentuhan ng sistema ng tubig sa barangay ang pangangailangan ng paaralan, at dahil dito, parami nang parami ang mga residente na nangangailangan ng tubig.
“At bukod sa lumalaking populasyon ng Yumbing, sira-sira at luma na ang mga tubo na ginagamit kaya’t hindi na kayang suportahan ang bawat silid-aralan na magkaroon ng sapat na tubig,” ani Seroy sa isang panayam.
Dagdag pa niya, ang ilan sa mga tubo ay nasira dahil sa madalas na pagbaha tuwing may malalakas na bagyo, at may mga iba namang nasunog. Ngunit ayon sa kanya, ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkasira ng mga tubo ay ang pagkakaputol nito tuwing isinasagawa ang grasscutting sa paligid ng paaralan.
“Kaya’t iniingatan na namin sa tuwing magka-grasscutting kami upang hindi na maulit ang pagkakaputol ng mga tubo at mabawasan na ang sira sa mga ito, upang hindi maapektuhan ang daloy ng tubig,”
dagdag pa ni Seroy. Nabanggit din niya na kapag may pondo, ipapalit agad ang mga lumang tubo upang masiguro ang sapat na suplay ng tubig sa mga silid-aralan. “Ngunit hindi pa rin tayo makakasiguro kung kailan ito mapapalitan agad, dahil kasalukuyan pa ang konstruksyon ng bagong gusali sa loob ng paaralan, at kung bibili man tayo ng bagong mga tubo, kailangan pa ng sapat na pondo,” ayon kay Seroy.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Seroy na pinaplano na ng paaralan na bumili ng mga bagong tubo upang matugunan ang pangangailangan ng tubig sa bawat silid-aralan at upang hindi na magdusa pa ang mga mag-aaral ng YNHS. “Siguro, maghintay na lang tayo kung kailan mabibili ang mga bagong tubo upang mapalitan na ang mga luma at sirang tubo, at magkaroon na tayo ng sapat na tubig,” ang kanyang pahayag.
Sa ngayon, naghihintay ang mga magaaral at guro ng YNHS kung kailan nila muling mararamdaman ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig sa kanilang paaralan.
KABATAANG NEGOSYANTE. Sa Mambajao, isinulong ang Entrepreneurial Youth Literacy upang bigyanglakas ang kabataan sa larangan ng negosyo. Kuha ni EMMANUEL GORRES
Youth Literacy’ isinulong sa Mambajao
ni CHEL ELISHA ANSIL
Pinatunayan ng mga mag-aaral ng Yumbing National High School (YNHS) na posible ang pagsisimula ng negosyo kahit sa murang edad sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanikanilang small business sa loob ng silid-aralan. Ang Entrepreneurial Literacy ay tumutukoy sa kaalaman at kasanayang kailangan sa pagtatayo at pagpapatakbo ng negosyo—mula sa pamamahala ng pananalapi hanggang sa problem-solving. Para kay Erica Idago, Grade 12 student, naging oportunidad ang pagluwag ng sitwasyon sa lungsod upang makapagtayo ng sariling milktea shop na “Teapsy” sa tapat ng kanilang bahay. Aniya, malaki ang naitulong ng asignaturang Entrepreneurship sa kanyang negosyo. “Maganda na tinuturuan kami tungkol sa negosyo... napapalawak nito ang pananaw namin sa karera,” dagdag niya.
Na-inspire rin sina Kishian Cloma, Kimberly Mabagal, at Gwyneth Babael na magtayo ng ukay-ukayan.
Ayon kay Cloma, hamon ang pagbalanse ng pag-aaral at negosyo, ngunit naniniwala siyang “kapag mahal mo ang ginagawa mo, makakahanap ka ng paraan at oras.”
Antas ng Kumpiyansa ng mga Mag-aaral ng YNHS sa Pagsasalita ng Kinamigin matapos ang Ag Ikagi Ta Kinamigin
sa 10 na Yumbinganon ang mas naging kumpiyansa sa pagsasalita ng Kinamigin matapos ang Ag Ikagi Ta Kinamigin, ayon sa survey na isinagawa ng Luntian.
“Mahalaga ang pagbabasa na may malalim na pag-unawa, sapagkat kung wala ito, maaaring magkamali sa pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa mga binabasa,” ayon sa isang respondent. PROGRAMA NG PAARALAN
sa sampung Yumbinganons ang hirap sa pagbabasa, ayon sa Reading Office.
Bilang tugon sa mga krisis na kinakaharap ng mga estudyante sa paaralan, isinagawa ng YNHS ang pagpapatupad ng remedial classes araw-araw bago matapos ang klase. Ang remedial classes ay ang inilaang oraspra sa mga estudyante upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan hinggil sa iba’t ibang asignatura partikular na ang asignaturang Ingles at Matematika. Sa kabilang banda, nagimplementa rin ang Kagawaran ng Edukasyon ng programang ‘Catch-Up Fridays’ kung saan binibigyan ng isang araw, partikular ang araw ng biyernes para sa mga mag-aaral na bigyang pansin ang kanilang mga hinaing hinggil sa iba’t ibang asignatura. Gayunpaman, ang sarbey ay ginawa upang umani ng iba’t ibang opinyon mula sa mga estudyante tungkol sa patakarang ‘No Read, No Pass’ ng gobyerno na nagsasaad ng hindi pagpasa ng isang estudyante kung hindi marunong magbasa at hindi marunong umintindi ng binabasa.
TAMPOK
ni KEMUEL EBUETADA
Sa Mesa ni Editor
Mahal na Patnugot Nais ko lamang ipahiwatig na karamihan sa mga estudyante ay laging late sa kanilang unang klase kung saan ay sa pangalawang oras ng klase na sila papasok, ang ilan ay di nakasali sa mga pangkatang gawain dahil di na nakahabol. Maaari bang magpataw ng parusa sa mag-aaral na laging late? Upang magkaroon sila ng disiplina at time management.
Taos-pusong sumasainyo, Noah
Mahal na Noah
Ikinalulugod ko ang iyong malasakit sa ating minamahal na mga estudyante at paaralan. Naiintindihan kong ang iyong nais ay para sa ikakabuti ng lahat. Bilang tugon, oo, maaari tayong magpataw ng parusa sa mga estudyante na laging late upang magkaroon sila ng disiplina at matutunan nila kung paano mag manage ng kanilang oras pero hihingan muna natin ng apruba ang ating Punong Guro upang ma-aksyonan kaagad itong nakakabahalang gawain.
Taos-pusong sumasainyo, Mga Patnugot ng Luntian
Hamon sa tahanan kampeonng
KOLUM NG
EDITOR
ni VENICE SOFIA BERNARDO
“Sa maliit na dampa nagmumula ang dakila.”
Isa ang paaralang ng Yumbing na kilala bilang tahanan ng mga kampeon o ‘Home of the Champions’.
Paaralang humasa sa kakayahan ng bawat indibidwal at institusyong naging sandalan ng mga estudyanteng gustong matuto at magkaroon ng maayos na edukasyon para sa maayos na kinabukasan.
Sa 57 na taong pamamalagi ng paaralan, patuloy pa rin ang pagbabahagi nila ng kaalaman upang ipagmalaki ang kanilang mga produkto na mga mabuting mamamayan, determinado, at kompititib sa mga prestihiyosong pambansang patimpalak sa iba’t-ibang larangan laro na ang National Schools Press Conference.
Sa kabila ng mga pagkilala at karangalan na natanggap ng paaralan, samu’t-saring problema ang umusbong na siyang sumubok sa katatagan ng institusyon.
Kung ang pawis ng mga mag-aaral at guro na galing sa pagpupursige at tiyaga ang naging puhunan nila upang bisbisan ang itinanim nilang dampa hanggang sa ito’y lumago at mamunga ng mga porsigidong estudyante ay hindi nasusuklian kahit man lang tubig na maiinom.
Base sa datos ay nasa 50% ng mga silidaralan sa paaralan ay walang tubig, kahit na may mga panibagong gusali na itinayo ay mayroon lamang itong isang banyo sa kada palapag. Dagdag pa, ang pagtaas sa kaso ng teenage pregnancy, na kinabibilangan ng mga estudyante mula grade 8 hanggang 12 ang binigyang pansin dahil nakakaapekto ito sa kanilang pag-aaral, nakakasira ng kanilang kinabukasan at sa imahe ng paaralan.
Samantala, ang mga kabataang sangkot sa usaping ito ay nasa ilalim parin ng pamatnubay ng paaralan upang siguraduhin hindi nila napapabayaan ang kanilang pagaaral.
Bilang pag-asa ng bayan, kailangan isaisip muna natin ang dahilan kung bakit tayo nandito, kung bakit gusto nating matuto at kung bakit kinakailangan natin ang edukasyon para maging isang responsableng tao na kasapi sa isang komunidad lalo na’t inaasahan pa tayo na siyang nakapagpabago sa ating bansa sa hinaharap. Kailangan tayo’y magtulungan upang punan ang mga kakulangang sa mga problema na kinahaharap natin ngayon. Kailangan natin ng tulong mula sa DepEd at LGUs upang maipaayos ang problema sa tubig at aabutin pa sa susunod na henerasyon. Paano na lamang nila madedepensahan ang titulong ‘Home of the Champions’?.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang tunay na hamon nating mga kampeon ay ang hamon sa loob ng itinuturing nating tahanan, hindi sa labas nitong mga patimpalak at tunggalian. Ang tahanan ay mananatiling matatag kung ang lahat ng kaniyang nasasakupan ay nagkakaisa, nag-uunawan at nagtutulungan sa pagharap ng mga mapanghamong problema na sumubok kung hanggang kailan at saan pa ang aabutin nitong institusyon. Kaya, KAPIT-BISIG YUMBINGANONS kaya nato ni!
opinyon
luntian
HUWAG I-ASA ANG SANDATANG PAMBANSA
Libo-libong kabataan parin ang may suliraning kailangan tubusin ng kalahatan.
Siyam sa sampung kabataang Pilipino ang hirap mismong bumasa ng mga simpleng salita, tila wala nang magugunitang pag-asa, sa kaganapang ang mga ito’y hirap na kahit sa pagbabasa. At sa paaralan lamang nakahilata ang responsibilidad na matulungan ang mga “kinabukasang” ito sasagip sa ating bansa. Hirap na hirap na ang mga pag-asang itaguyod ang kinabukasan ng lahat. Saan na ang mga “gabay” ng mga kabataan na sinasabing sa tahanan magmumula? Bakit parang hindi naman nakikita?
Kailangan ng kabataan ang paaralan para matuto, ngunit higit nilang kailangan ang pamilya at komunidad para gabayan ang kanilang kinabukasan.
Mas kalunos-lunos ang sasapitin ng susunod pang henerasyon kung ngayon palang naghihirap na ang mga batang magbasa sa mga simpleng salita sa tagalog man o ingles. Mapag-aaralan ng mga bata ang mga kaalamang ito sa paaralan, ngunit sa paaralan lang ba talaga dapat nila matutunan ang mga kaalamang sa tahanan palang dapat tukoy na nila? Kailangan rin naman nating sumubok na tulungan ang mga ito, sila na lamang ang natitira nating pag-asa.
Tungkulin ng paaralang ang pagturo sa kanila, at responsibilidad ng lahat na himukin ang kaalaman nila. Hindi lulusot ang pagpasintabi ng responsiblidad, sa kadahilanang hindi sapat ang nakuhang edukasyon ng mga magulang o ng komunidad. Kung ano mang dahilan yan, isipin sana nating ang kinabukasan ng kabataan ang nakataya, may tungkulin tayong sagipin ito. Inilunsad sa datos ng World Bank 2022 na hindi baba sa 90% na kabataang pinoy ang hirap sa pagbabasa. Kabaha-bahala na mas lalo pang tumataas na porsyentong ito, kahit na sinusubukan na itong solusyunan ng pamahalaang pang edukasyon mula pa noon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Catch up Fridays, mas malaki parin ang magiging kaibahan ng pagbuhos natin ng tulong sa kabataan. Hindi lang naman paaralan ang may kakayahang gumalaw at gumawa ng pagbabago, tayo rin. Ang pamilya at komunidad ng bawat kabataang Pilipino.
Kahit may paraan na, iba parin kung may nakukuha silang aral sa paaralan, may makukuha pa sila sa ginagalawang komunidad. Lugmok na ang henerasyon ngayon ng kabataan, paano nalang ang susunod?
Sa suliraning ito, nararapat ang bayanihan. Hindi dapat na iisa lamang ang kikilos, walang gaganang paraan kung iisa lamang ang hahanap ng solusyon. Mahalagang ipaunawa natin ito sa ating mga sarili, tayo ay may tig-iisang gustong makamit para saating mga pag-asa, ngunit kailangan nila ang tulong ng bawat isa upang maabot ang minimithi nilang mga
pangarap. Talaga bang hanggang dito na lamang tayo?
Hindi na tayo kikilos at tutulong sa kanila, i-aasa nalang ba talaga natin ang lahat ng responsibilidad sa paaralan?
Hindi. Kikilos tayo. Kailangan natin ang bawat isa sa pag-unlad, karunungan ang sandata ng kabataan, kung mawawala pa ito ano nalang ang magiging kinabukasan ng susunod na mga henerasyon? Saan na lamang nila isisi ang kawalan ng kaalaman sa henerasyon nila? Layunin man ng paaralan na turuan tayo, subalit hindi lamang para sakanila ang responsibilidad na iyon, kundi ng pamilya at komunidad ng kabataang Pinoy. Hindi sa lahat ng panahon kailangan nating umasa, hindi makakamit ang tunay na tagumpay ng bawat kabataan ng henerasyon kung wala rin naman sa atin ang may kusang loob na maturuan sila para makamit nila ang liwanag ng kinabukasan. Ngayon, tayo ang magsisilbi nilang bayani, tayo ang sasagip sa makabagong henerasyon. Tulong ng bawat pamilya at kinabibilangang komunidad ng bawat batang Pilipino ang siguradong solusyon na gagana sa suliranin ng bansa. Kilos ng bawat isa ang kailangan ng Pilipinas. Sana’y subukan man lang natin na tulungan sila. Kailangan natin ang paaralan para sa ikauunlad, ngunit mas kinakailangan nila tayo.
EDITORYAL
PUNONG PATNUGOT
VENICE SOFIA BERNARDO
PANGALAWANG
PATNUGOT
PAULYN MAGDALES
EDITOR NG BALITA KEMUEL EBUETADA
EDITOR NG LATHALAIN
CLOUIE JEAN MAGDALES
EDITOR NG ISPORTS
ULYZZES MATTHEW BABIA
EDITOR NG LARAWAN
EMMANUEL GORRES
SIRKULASYON MANEDYER DIVINE GRACE SASIL
KARIKATURISTA ISABEL MONIÑO
TAGADISENYO
JEHNNY PEARL PARA
KONTRIBYUTOR
CHEL ELISHA ANSIL
JOYLYN GRACE RAGAS
NIÑA JASHE CAGAS
ANDREA LLANASA
Sa Pangalan ng Asukal
SCHOOL PAPER ADVISER MARK PALAD
PRINCIPAL/ CONSULTANT GINA C. CUBILLAS
MANAMISNAMIS NA FACT
ni NIÑA JASHE CAGAS
Dumarami ang mga kabataan na nahihikayat sa sugar dating, isang relasyon napuno ng pangako ngunit may mga panganib. Sa likod ng mga masasayang kwento, may mga emosyonal na sakit na hindi nakikita.
Ayon sa GMA News na “Life as a Sugar Baby: A Little Bitter, A Little Sweet,” maraming sugar babies ang umamin na may mga pagkakataong sila ay nalulumbay. Sinasabi ng ilan na ang material na benepisyo ay hindi nagbabayad sa emosyonal na sakit na dulot ng relasyon. Halos 60% ng mga nakapanayam ang nag-ulat na nakaramdam sila ng pagkabigo at kakulangan sa pagmamahal.
Ang sugar dating ay tila madaling paraan para kumita, ngunit nagdudulot ito ng emosyonal na sakit. Maraming kabataan ang umaasa sa material na bagay, ngunit ang mga ngiti ay kadalasang nagtatago ng lungkot. Ano ang halaga ng pera kung kapalit ito ng dignidad? Ang tunay na koneksyon at respeto ang mas mahalaga. Kailangang pagtuonan ng pansin ang mga epekto ng sugar dating. Ang ganitong uri ng
Bagamat may mga benepisyo ang sugar dating, ang emosyonal na epekto nito ay malalim at masakit. Dapat pag-isipan ang tunay na halaga ng mga relasyon at ang mga sakripisyong kasama nito. Kailangan ng mas malawak na edukasyon at talakayan tungkol sa mga relasyon. Turuan ang mga kabataan ng halaga ng respeto, pagmamahal, at tunay na koneksyon. Magsimula ng mga usapan sa bawat
mas magandang paraan kaysa sa paghahanap ng pagmamahal sa materyal na bagay. Ang pagbabago ay nasa kamay ng bawat tao. Samasama, kayang ipakita ang mas positibong pananaw sa mga relasyon at itaguyod ang tunay na pagmamahal. Isipin ang isang mundo kung saan ang mga relasyon ay nakabatay sa pagmamahal at respeto. Maaari itong makamit, at dapat kumilos ngayon.
Bawas Subject, Handa sa mas Magandang Kinabukasan?
MAGNILAY NGA TAYO
ni JOYLYN GRACE RAGAS
Ang Department of Education (DepEd) ay nagmungkahi na bawasan ang mga subjects sa Senior High School (SHS) upang mabigyan ng oras ang mga estudyante para sa work immersion. Pero, makakatulong ba talaga ito sa kanilang kinabukasan?
Ang layunin ng DepEd ay gawing mas simple ang kurikulum, na magbibigay daan para sa mas maraming oras sa OJT. Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mas magiging employable ang mga kabataan dahil sa hands-on na karanasan. Ngunit, makatarungan ba itong pagbabago?
Ang DepEd ay nagmungkahi ng 5 o 6 na subjects lamang sa SHS, sa halip na ang maraming core subjects na kasalukuyan. Ang plano ay bawasan ang pagkakaroon ng “academic overload” para magkaroon ng oras ang mga estudyante sa pag-develop ng mga praktikal na kasanayan. Ngunit may mga agam-agam. Hindi kaya mawawala ang mas malalim na pagkatuto sa mga pangunahing subjects tulad ng Math, Science, at English? Ang mga ito ay mahalaga pa rin sa paghahanda ng kabataan para sa mas mataas na antas ng edukasyon at trabaho.
Sinabi ni Angara na ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng flexibility at oras para mag-focus sa OJT. Kaya’t ang simpleng kurikulum ay isang hakbang patungo sa isang mas practical na edukasyon na makikinabang ang mga estudyante.
AI: Isang Banta sa Bansa
SOBRASOBRA NA
ni JEHNNY PEARL PARA
Sa pagyakap ng teknolohiya, kasabay nito ang pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI), na nagdudulot ng malaking pagbabago sa online world. Sa kabila ng mga benepisyo nito, marami ring mga negatibong epekto na hindi dapat balewalain.
Sa aking pananaw, magandang ideya ang pagpapakilala at paggamit ng AI sa bansa dahil marami itong benepisyo, lalo na sa larangan ng negosyo at sa pag-unlad ng ekonomiya. Gayunpaman, dulot ng kawalan ng tamang regulasyon at kontrol sa paggamit nito, nagdudulot ito ng mga panganib at nagiging banta sa iba’t ibang aspeto ng lipunan at bansa. Ngunit ang tanong; Paano matitiyak na magagamit nang tama ang AI? Ano ang magiging epekto nito kung walang tamang regulasyon?
Ang AI ay isang makapangyarihang kasangkapan na maaaring magdulot ng mabuti o masama. Minsan, nagiging banta ang mga epekto nito at mas malala kaysa sa mga benepisyo, lalo na kapag hindi tama ang paggamit. Isang halimbawa ng panganib ay ang mga “deepfake” videos, kung saan
pwedeng baguhin ang mukha at boses ng mga tao. Sa Pilipinas, ginagamit ito para magkalat ng maling impormasyon, lalo na sa mga halalan, na maaaring magdulot ng kalituhan at pagkakawatak-watak. Isa pang isyu ay ang pangangalap ng personal na impormasyon ng mga tao. Ang kakulangan ng regulasyon sa paggamit ng AI ay maaaring magresulta sa mga security breaches at paglabag sa privacy, na naglalagay sa panganib ng mga Pilipino. Dagdag pa rito, nagiging seryosong usapin din ang paggamit ng AI sa mga aktibidad ng estudyante. Halimbawa, ang sobrang pagdepende sa AI para sa mga assignments at proyekto ay maaaring magdulot ng kakulangan sa critical thinking at sariling pagsisikap. Huwag gamitin ang AI sa mga ilegal na gawain, panlilinlang, o pagpapakalat
ng maling impormasyon. Dapat itong gamitin nang may pag-iingat upang protektahan ang kaligtasan, privacy, at karapatang pantao. Ang paggamit ng AI ay kailangang etikal at may malasakit sa kapakanan ng tao at lipunan. Upang magamit nang maayos ang AI, kailangan ng tamang edukasyon at pagsasanay. Mahalaga ang pagtutulungan ng gobyerno, negosyo, at mamamayan upang matiyak na makatarungan at kapakipakinabang ang AI para sa lahat. Sa huli, ang AI ay may potensyal, ngunit kung walang maayos na regulasyon, maaari itong magdulot ng pinsala sa ating lipunan. Kailangan natin ng tamang paggamit nito upang magdulot ng kabutihan para sa nakararami at hindi para sa iilang tao lamang. Ang kinabukasan ay nakataya, at hindi dapat ito kayang isugal.
Upang magamit nang maayos ang AI, kailangan ng tamang edukasyon, pagsasanay, at pagtutulungan ng gobyerno, negosyo, at mamamayan.
Ngunit may panganib. Kung mababawasan ang mga subjects, may epekto kaya ito sa kabuuang kaalaman ng mga kabataan? Hindi kaya sila mawalan ng sapat na paghahanda sa mga mas mataas na hamon ng industriya? Ang sistema ng edukasyon sa bansa ay puno ng mga hamon, kaya’t may halaga ang pagiging flexible. Baka nga kailangan na ng pagbabago sa kurikulum upang mas mag-focus sa kasanayan, pero hindi ito dapat magdulot ng kakulangan sa kaalaman. Sa huli, kailangan natin ng balanseng sistema ng edukasyon—isang kurikulum na magbibigay ng sapat na kaalaman at praktikal na kasanayan. Ang mga pagbabago ay dapat magtulungan para sa magandang kinabukasan ng bansa.
Hirap sa Ambagan
BUTASAN NG BULSA GAMING
ni EMMANUEL GORRES
Sa Pilipinas, maraming magulang at estudyante ang nahihirapan sa mga bayarin sa paaralan. Ang mga hinihinging kontribusyon ay nagiging pasanin na humadlang sa pag-aaral ng mga bata.
Kaya’t sa pamamagitan ng DepEd Memorandum No. 41 na “no collection policy”, maaring magawan ito ng paraan. Sa ilalim ng Memorandum na ito, pinagbabawal ang anumang koleksyon mula sa mga estudyante, sa pampubliko man o pribadong paaralan.
Para sa akin, malinaw na kailangan ang patakarang ito. Maraming pamilya ang hindi makabayad ng dagdag na bayarin, at ang mga ito ay nagiging dahilan ng paghinto ng ilang estudyante.
Ngunit ano ang mangyayari sa mga batang ito kung hindi sila makapag-aral dahil sa mga bayarin? Paano maiiwasan ang pagkasira ng kanilang mga pangarap at kinabukasan dahil sa kakulangan ng pondo?
Mahalaga ang libreng edukasyon para sa lahat ng bata. Dapat hindi sila nag-aalala sa mga bayarin habang nag-aaral. Ang mensahe ng DepEd ay maliwanag: ang edukasyon ay dapat libre.
Isa sa mga suliranin dito sa bansang Pilipinas ang kahirapan sa pinansyal ng bawat pamilya. Malaki na nga ang gastusin sa bahay tapos idadagdag pa ang mga problemang gastusin sa paaralan?
Dapat maging bukas ang mga paaralan at ipaalam ang mga patakaran sa mga magulang. Ang tiwala ay mahalaga para sa lahat.
Maaari ring maghanap ng ibang paraan ng pondo ang mga paaralan, tulad ng suporta ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4P’s) . Ito ay makakatulong nang hindi pinapahirapan ang mga estudyante at magulang.
Ang no collection policy ay naglalayong tiyakin na ang edukasyon ay para sa lahat. Dapat magsama-sama upang gawing posible ito para sa bawat bata. Sa bawat batang di nakapag-aral, isang pangarap ang nawawala. Oras na para ipaglaban ang kanilang kinabukasan.
gawa ni ISABEL MONIÑO
gawa ni ISABEL MONIÑO
Magandang Ugnayan: Hakbang Tungo sa Kapayapaan
AYUSIN ANG DAPAT AYUSIN
ni CHEL ELISHA ANSIL
Sa panahon ngayon, marami ang naghahangad ng kapayapaan, ngunit tila mahirap itong makamtan. Ang mga alitan at digmaan ay nagiging hadlang. Paano nga ba makakamtan ang tunay na kapayapaan?
Para sa akin, makakamit ng bansa ang kapayapaan sa pamamagitan ng isang maayos na gobyerno, magandang relasyon sa mga karatig-bansa, at pagtanggap sa karapatan ng bawat isa. Kung ang gobyerno ay may tamang liderato, maaaring makamtan ang tagumpay sa pagbuo ng kapayapaan. Sa kasalukuyan, wala pa ring katahimikan sa sistema ng bansa, at maging sa social media, puno ng galit at hidwaan. Paano magkakaroon ng kapayapaan kung ang mga tao ay patuloy na nag-aaway, kahit sa mga simpleng bagay?
Malinaw na ang pagkakaroon ng maayos na gobyerno at magandang ugnayan sa ibang bansa ay susi sa pag-iwas sa alitan at pagkakaroon ng kapayapaan. Kung may tamang pamahalaan at pagkakasunduan sa mga kalapit-bansa, mawawala ang mga rebelyon at tensyon. Ang magandang relasyon sa mga kalapit-bansa ay mahalaga rin. Kung may pagkakaunawaan at pagtutulungan, magiging mas ligtas ang bansa.
Dagdag pa rito, ang pagtanggap sa karapatan ng bawat isa ay mahalagang paraan upang makamit ang isang mapayapa at maunlad na bayan. Kung lahat ng tao ay maggalang, magkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan.
Bukod dito, may maraming paraan para makamit ang kaayusan; kabilang dito ang pantay-pantay na pamamahagi ng mga yaman, malayang daloy ng impormasyon, mataas na antas ng kakayahang pantao, mababang antas ng kurapsyon, at isang matatag na kapaligiran sa negosyo. Hindi man madali, subalit sa unti-unting pagsasagawa ng mga hakbang na ito, maaaring magbunga ng katahimikan. Ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili at sa pagtutulungan ng bawat isa. Laging tandaan na makakamtan ang tunay na kapayapaan kapag ang bawat isa na nakatira sa parehong lugar ay masaya, may mas kaunting kahirapan, at nagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad.
Sa huli, dapat tanungin ng bawat isa ang sarili: Kung hindi magbabago at magtutulungan, paano inaasahan na magkakaroon ng kapayapaan sa isang mundong puno ng alitan at hindi pagkakaunawaan?
POGOtan ang Pamumuwaya
Ang huling mga buwan sa bansa ay puno ng iskandalo at korapsyon. Mula sa mga politiko na nagsasamantala sa kanilang posisyon, hanggang sa mga spiritual leaders na gumagamit ng kapangyarihan para magabuso, tila walang katapusan ang mga isyu ng katiwalian sa bansa. Ang pangalan ni Guo Hua Ping (Alice Guo) at Mayor Dong Calugay ay ilan lamang sa mga nangungunang iskandalo.
Ang mga isyung ito ay nakakasama sa bansa, ngunit ito lang ang mga “side show” ng mas malalaking problema. Mula sa Pharmally scam noong Duterte administration, hanggang sa mga abuso sa confidential funds ni VP Sara Duterte, ang masamang epekto ng korapsyon ay kitang-kita. Para sa akin, ang ugat ng mga problema ay ang hindi natatapos na korapsyon sa gobyerno. Kung ang mga lider na dapat maglingkod sa bayan ay mas concerned pa sa pansariling kapakinabangan, paano aasahan ang pag-unlad ng bansa? Alam na ang korapsyon ay isang malalang isyu na sanhi ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at kawalan ng tiwala sa gobyerno. Nakasisira ito sa mga institusyon at nagpapabigat sa buhay ng mga mamamayan. Ang mas malupit pa ay ang nakasanayang kultura ng korapsyon sa mga pamilya ng
GUO, GUO, GUO? STAPH!
ni PAULYN MAGDALES
politiko. Ang mga kandidato ay kadalasan mula sa iisang pamilya o mga artista na walang sapat na kaalaman sa pamamahala, kundi sa pagpapalaganap ng pansariling interes. Ang politika sa bansa ay naging negosyo, isang daan para magpayaman, hindi para magsilbi sa bayan. Hindi matitiis ang patuloy na pagiral ng mga ganitong sistema. Habang ang mga politiko ay nagkakaroon ng pribilehiyo at kapangyarihan, ang mga ordinaryong tao ay patuloy na nahihirapan. Isang malupit na cycle ng korapsyon na tila walang katapusan. Sa kabila ng mga isyung ito, ang ekonomiya ay may ilang positibong aspeto. Ngunit kahit na nagkakaroon ng paglago, ang hindi maitatangging epekto ng korapsyon sa gobyerno ay nagpapabigat sa progreso. Ang mga negosyante at mamumuhunan ay hindi makakapagtiwala sa isang gobyernong puno ng katiwalian.
Ang mga reporma tulad ng CREATE MORE Act ay isang hakbang para sa pagbabago, ngunit ang tunay na pag-unlad ay hindi mangyayari kung patuloy na maghahari ang mga corrupt sa gobyerno. Ang korapsyon ay isang hadlang na kailangan basagin kung gustong magtagumpay bilang isang bansa. Dagdag pa rito ang mga isyung ito ng korapsyon ay patuloy na sumisira sa sariling bansa. Kung hindi ito matutugunan, hindi makararating sa tunay na pag-unlad. Ang mga lider na nagsasamantala sa kanilang posisyon ay nagiging sagabal sa hinaharap. Sa huli, kailangan ng mga lider na tapat, may malasakit, at tunay na maglilingkod sa bayan. Hindi sapat ang mga reporma kung ang mga politiko na magpapatupad nito ay corrupt. Bilang mamamayan, ay may tungkuling magbantay at magdemand ng tamang pamamahala.
‘’
Ang korapsyon ay pumapatay hindi lamang sa ekonomiya, kundi pati sa tiwala ng bayan.
Malapit na ang halalan sa 2025, at bawat isa ay may responsibilidad na magdesisyon para sa kinabukasan ng bansa. Ngunit, paano nga ba matitiyak na ang mga lider na pipiliin ay magtutulungan para sa kapakanan ng nakararami?
Paano kung ang maling lider ang mapili—ano ang magiging epekto nito sa lahat ng tao?
Naniniwala ako na ang isang lider na kinakailangan ng bansa ay hindi makasarili at may malasakit sa lahat. Ang tunay na lider ay hindi lang magaling magsalita, kundi may konkretong plano at aksyon upang matulungan ang mga tao. Hindi sapat na magkaroon ng mga pangako—dapat may tunay na pagsisilbi at malasakit sa bawat isa. Karamihan sa mga tao ang nakaranas ng pagkabigo mula sa mga nangakong lider na hindi natupad. Mga proyektong ipinangako, ngunit hindi naisakatuparan. Ang mga lider na mas inuuna ang pansariling interes kaysa ang kapakanan ng nakararami ay nagiging sanhi ng malawakang kahirapan. Kung patuloy itong mangyayari, paano aasahan
ang tunay na pag-unlad?
Sa bawat anggulo, makikita ang epekto ng maling pamumuno sa kakulangan ng mga serbisyo tulad ng edukasyon, kalusugan, at pabahay. Marami ang naghihirap dahil sa mga lider na walang konkretong plano. Kung walang aksyon, lalala ang sitwasyon.
Sa halalan 2025, kailangan ng lider na may malasakit at konkretong solusyon, hindi lang pangako. Ang boto ng mamamayan ang magsisilbing gabay sa pagpili ng lider na magtataguyod ng matatag na bansa. Kaya’t para makamit ang tunay na pagbabago, mahalaga ang pagpili ng lider na may malasakit, hindi makasarili, at may
konkretong aksyon para sa lahat, lalo na sa mga mahihirap at bulnerableng sektor. Dagdag pa rito, ang pagboto ay nagsisilbing boses ng mga tao. Ito ang susi para makamit ang pagkakapantaypantay, at mas magandang kinabukasan para sa bayan. Hindi dapat gamitin sa kamangmangan o pansariling interes ang boto, kundi bilang isang makatarungan at matalinong hakbang para sa kapakanan ng nakararami at ng buong bansa. Ang mga ito ay hindi makakamtan sa mga pangako na walang aksyon. Kung ang lider ay walang malasakit at konkretong solusyon, lalo lamang maghihirap ang mga tao.
Sa huli, kung ikaw ang tatanungin, kung ang isang lider ay puno ng pangako ngunit walang konkretong aksyon, paano mo huhusgahan ang kanyang tunay na kakayahan na magdulot ng pagbabago para sa bayan?
SIDEBAR A
7,605
SIDEBAR B
Kalidad ng mga kandidato na hinahanap ng mga Yumbinganon
Tiwala sa Sarili 01
Integridad 02
o 81.08% ng kabuuang bilang ng mga kwalipikadong botante na boboto ngayon eleksyon ay Kabataan, ayon sa COMELEC Mambajao.
May Pagkilos sa Bawat
Salita (Words into Action) 03
Katapatan 04
Karanasan 05
gawa ni ISABEL MONIÑO
Banal kung ituring ang iba’t lokasyon sa ating bansa kung saan nakapalagay ang rebolto ng samot saring birhen. Maria, Hesus at kung sino-sinong santo man iyan ay tiyak na mayroong makinang at sentimental na kwento sa likod ng mga lugar na patuloy parin ginagalang ng kahit sino.
Ang Pilipinas, ang natatanging Kristiyanong bansa sa TimogHilagang Asya, ay may malalim na ugat ng pananampalataya. Isa sa mga pusod nito ay ang Isla ng Camiguin, kung saan 97% ng populasyon ay Kristiyano. Sa likod ng tagong kagandahan ng isla ay mga relihiyosong lokasyong matagal nang binabantayan ng paniniwala’t debosyon. TAWAG NG PANGANGAILANGAN
Matarik. Mabato. Hindi pamilyar. Ito ang unang salubong sa amin ng daang tinahak patungo sa tuktok ng isang sagradong burol. Bitbit namin ang kuryusidad—hindi lang kung ano ang nasa dulo, kundi kung bakit may paniniwalang itinayo rito ang isang dambuhalang Birhen. Sa bawat hakbang ay parang tanong sa sarili kung dapat pa bang ipagpatuloy— ngunit sa puso, tila may tinig na nagsasabing, “Tuloy lang.”
Sa gitna ng pagod at tanong, sumalubong si Tatay Uires—isang simpleng lalaki, ngunit sa oras na iyon, isang giya sa gitna ng paghahanap. Ipinakita niya sa amin ang asul na lagusan na tila pintuan patungo sa langit. At sa likod nito— ang Birhen sa Manaoag, nakatindig sa gitna ng kalangitan, kaharap ang buong Catarman, at wari’y yakap ang buong bayan. Hindi lang ito estatwa; ito ay sagisag ng pananalig na umakyat kahit sa pinakamataas na bundok.
Ang rebolto ay proyekto ni Parish Priest Fr. Ricardo Dancela, itinayo noong Abril 28, 2018 at natapos sa loob ng apat na buwan. Ayon sa kanya, hinangad lamang niyang matugunan ang espiritwal na pangangailangan ng komunidad— isang lugar na kahit sa taas at layo, kayang akyatin ng sinumang may layuning humugot ng lakas sa pananampalataya.
PAG-ASA SA PANAHON NG PANDEMYA
Sa kasagsagan ng pandemya, kung kailan ang bawat balita ay may dalang pangamba, isang imahe ang naging simbolo ng liwanag. Itinayo ang 15 talampakang Our Lady of Consolation sa Barangay Butay, Guinsiliban, Camiguin noong Marso 2022. Dinala ito mula Luzon hanggang Mindanao at itinindig sa mismong panahon ng kawalangkatiyakan—Agosto 23, 2022. Ang rebultong ito ay itinayo upang maging kanlungan ng mga taga-barangay. Sa tuktok ng Mt. Ilijan, hindi madali ang daan. Ngunit habang inaakyat ito ng mga deboto, bitbit nila hindi lang panalangin kundi pag-asa. Ang mga hakbang pataas ay tila simbolo ng pagbabalikloob, at sa bawat paningin sa mukha ng Birhen, may kaunting tapik sa balikat—na kahit ang mundo ay gumuho, may liwanag pa rin sa langit. Dito, natutunan naming ang pananampalataya ay hindi laging nakikita sa loob ng simbahan. Minsan, ito ay matatagpuan sa mga bundok, sa pawis ng paglalakad, sa katahimikan ng kalikasan, at sa rebulto ng isang Ina na tahimik lang, ngunit handang yakapin ang sinumang naghahanap ng ginhawa. MATUWID NA LIWANAG Ayon sa kasaysayan, ang pinakamatandang rebulto ng Birheng Maria sa Pilipinas ay ang “Birhen de Guia”—mula sa salitang “giya,” na nangangahulugang patnubay. Natagpuan ito sa pampang ng Lagyo noong Mayo 19, 1571—sa parehong araw ng pagsakop ni Miguel Lopez de Legazpi sa Maynila. May taas itong 20.5 talampakan, yari sa kahoy, at may imaheng nakayuko at magkakuyom ang mga kamay sa panalangin. Hindi lamang ito rebulto, kundi isang paalala ng pananampalatayang hinubog ng kasaysayan. Hanggang ngayon, ang imahe ay nagsisilbing gabay sa mga
nawawala at ilaw sa mga dumaraan sa dilim. Habang binabagtas ang mga relihiyosong lugar ng Camiguin, hindi lamang mga ladrilyo at rebulto ang aming nasilip. Sa bawat sagradong pook ay damdaming nakaukit—pananampalataya, pagtitiis, at ugnayang hindi naluluma sa pagitan ng tao at Maykapal.
Sa Camiguin, ang pananampalataya ay hindi lang paniniwala—isa itong pamumuhay.
Boogsshhh! Hampas dito, hagolgol doon. Galit na alon at nagluluksang hangin. Mga bagay na sumusubok sa iyong kakayahan, bagay na pilit nag papatumba ngunit matibay ka! Nag hahatid ng pag-asa at ligaya. Barkong sandigan at maaasahan sa lahat ng bagay. Sa pang araw-araw na biyahe nakasalalay ang libo-libong buhay ng mga taong sabik sa kagandahan ng Isla. Mayroon pa ba ang nakakaalala sa tanyag na barkong nag ngangalang hijos o “ihos” ng lahat? Ngunit saan nga ba ito nagmula? Sino ang nag mamayari nito? Nasaan na ito ngayon? At samu’t-sari pa na mga tanong ang bumabagabag sa utak ng mga tao. Kaya’t tara na, tuklasin natin ang misteryo ng nag iisang hijos o “ihos”.
Ang barkong hijos ay nabuo noong taong 1966 sa pangalang “Hijos-1” na pagmamay-ari ng kompanyang Hijos de juan Corales na isang shipping company na nag mamayari at nag papatakbo ng pampasaherong motor lounge. Ang hijos 1 ay ginagawa sa Mambajao,Camiguin ng mga lokal na gumagawa ng mga barko. Ang disenyo ng katawan ng barko ay napaka simple lamang, ito ay mayroong tahasang disenyo ngunit mas malaki sa karamihan na mga marina sa Estados Unidos (US). Dagdag pa rito ay mayroong single passenger deck at upuan
na open air economy class kung saan ay matatanaw mo ang makinang at kulay asul na dagat ng Camiguin. Ngunit ang Hijos-1 ay mapalad sa lahat na ito dahil ang kanyang rutang Balingoan-Benoni ay maaaring maikli ngunit ang makitid na kipot sa pagitan ng Mindanao mainland at Isla ng Camiguin ay nagbubunga din ng mga malalaking alon na tumama sa mga sasakyang dagat sa malawak na bahagi. Ang mga pangyayaring ito, ay nag ugat sa katawatawa, nakakikilabot, magaganda at kahit mga istoryang pag-ibig na
Sa dilim ng nakaraan, ang bawat kwento ng pakikibaka ng mga sinaunang bayani ay isang himig na umaawit sa bawat bato’t hugis ng korales. Sa bawat sulyap sa mga anyong yari sa batong apog at kahoy, nabubuhay ang alaala ng matapang na laban ng ating mga ninuno.
Noong panahon bago pa dumating ang mga Kastila, ang mga Moro mula sa Mindanao ay pinagmumulan ng matinding takot para sa mga katutubong pamayanan sa baybaying bahagi ng Camiguin. Ang bayan ng Guinsiliban ay isa sa mga direktang naging biktima—paulit-ulit na sinalakay, sinunog, at ninakawan. Mga babae at bata ang dinudukot; mga tahanan, nilalamon ng apoy. Sa gitna ng pangamba, ang komunidad ay halos mawalan ng kakapitan.
Ngunit sa gitna ng takot, isang liwanag ang sumilay. Sa ilalim ng pamumuno ni Datu Ratael Manggubat, isang kilalang mandirigma na sinasabing may taglay na mistikong kakayahan, nagkaisa ang mga mamamayan upang magtayo ng matibay na depensa—isang “kota nga bato” na ngayon ay kilala bilang Moro Watch Tower. Ang tore ay naging simbolo ng proteksyon at pagkakaisa, isang kanlungan sa oras ng panganib para sa mga kababaihan at bata. Ang estrukturang ito ay matatagpuan pa rin sa baybayin, katabi ng dagat kung saan nagsimula ang maraming takot. Tinawag noon ng mga katutubo ang tore bilang “silippanan”—isang lugar na pagmamasdan kung may parating na panganib mula sa laot. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang salitang “Guinasil-ipan” ay naging mahirap bigkasin para sa mga Kastila, kaya kalaunan ay tinawag na lamang itong Guinsiliban—pangalan na nanatili hanggang ngayon. Ang disenyo ng tore ay waring simbahan at maliit na kastilyo na pinagsanib—may hagdang paakyat, mga bukas na bintana para sa pagmamasid, at mga pader na gawa sa pinagpatong-patong na batong koral at apog. Dahil sa taglay nitong kasaysayan at arkitekturang may katangiang pambansa, kinilala ito bilang isa sa mga National Cultural Treasures of the Philippines—isang karangalang nagpapalalim lalo sa kahulugan ng pagkakabuo nito. Sa makabagong panahon, patuloy na nakatindig ang Moro Watch Tower—tahimik ngunit makapangyarihan. Isa itong paalala na ang tunay na lakas ng isang pamayanan ay wala sa armas kundi sa alaala—mga kwentong inukit sa bato at di mabubura ng panahon. Sa Guinsiliban, ang mga batong ito’y hindi lang saksi ng kasaysayan kundi tagapagdala ng mensahe: sa pagkakaisa at pagmamahalan, may panata, may buhay, at laging may pag-asa.
nabuo ng mga pasahero na tiyak ay tumatak sa ala-ala ng lahat. Ayon sa isang pasaherong si Mark, Agosto noong siya ay pumunta sa Cagayan de Oro (CDO) para sa kanyan MA class. Walang barko o lancha ang bumiyahe dahil ala sais pa ang first trip ng pantalan. Hijos ang kanyang sinakyan at sobrang takot siya kasi kahit alon ay buong tapang na nilabanan ni hijos. Dagdag naman sa isang FB comment tungkol sa hijos “Yung sobrang laki ng alon, pangut na panahon at kapag tumatagilid na ang barko ay halos abot mo na ang dagat ngunit babalik lang ito at tatama naman sa kabilang parte. Sa madaling salita, lumalaban talaga si hijos sa mga alon at pagkatapos na para kana lang sumasayaw dahil sa kaliwa’t kanan na hampas.” Ngunit sa kabila ng kasikatan noon ay siyang nilaos ngayon. Nanggigitata, sira-sira, unti-unti na kinakain ng kalawang at halos pagmamay-ari na ng karagatan. Ang dating makintab, ngayon ay malumot na. Sa kasalukuyang, ang may-ari ng MV Hijos na si Ms. Concepcion Ricamora kasama ang Municipal Mayor ng Guinsiliban, Mayor Helenio N. Abecia, Vice Mayor Elvis Roxas at SB members ay pansamantalang napag-usapan ang pag-turn over ng MV Hijos sa LGU Guinsiliban at nilagdaan ang Memorandum of Agreement bilang LGU Guinsiliban magiging bagong tagapag-alaga. Sa pang-araw-araw na buhay ni hijos ay sino ang mag-aakalang mauuwi lamang siya sa kagimbalgimbal na sitwasyon ngayon. Sa mga kagitingan na iyong nagawa ay pang habang buhay na mananatili sa memorya ng mga pasahero, tatatak ang mga pangyayaring hindi malilimutan mapa-maganda o pangit man iyan. Hijos, nilumot ngunit hindi nilimot.
Anihan para sa Mas Matamis na Hinaharap
ni CLOUIE JEAN MAGDALES
Ang progreso ay may kasamang hirap. Isang presyo na kailangang bayaran, lalo na para sa isang isla tulad ng Camiguin—malayo sa agos ng urbanisasyon at sentro ng kalakalan. Ngunit sa kabila ng pag-iisa, pilit nitong inuukit ang sarili nitong landas, sabay buhat ng pangakong may taglay itong yaman, ganda, at kakayahang umunlad sa sariling paraan.
Ngunit kailan nga ba nagsisimula ang progreso? Sinasabing makikita ito sa mga matatayog na gusali o sa mga bagong teknolohiya, ngunit para sa Camiguin, ito ay mas pinong bagay—isang ginintuang prutas, isang tela ng kasaysayan, at isang pista ng pagkakakilanlan.
Ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, ang Lanzones Festival ay hindi lamang selebrasyon ng prutas kundi ng pagkakakilanlan. Sa mga parada, sayawan, at produktong tulad ng delicacies, souvenirs, at mga lanzones-themed na gamit, nabubuhay ang kultura—at kasabay nito, ang kabuhayan. Sa gitna ng kasiyahan, ang tradisyon ay nagiging kita. Nagsisilbing tulay ang festival para sa lokal na ekonomiya. Dumaragsa ang mga turista—lokal man o dayuhan—na siyang nagpapasigla sa kalakalan. Napupuno ang mga hotel, sumisigla ang mga pamilihan, at sa panahong ito, muling bumabalik ang tibok ng ekonomiya ng isla. Tumaas din ang pangangailangan sa transportasyon. Nagkaroon ng dagdag na biyahe at serbisyo para matugunan ang dagsa ng bisita. Jeepneys, tricycles, at bangka ay nakaantabay—isang patunay na kahit sa simpleng paraan, kayang gawing accessible ang kagandahan ng isla.
“Dako gyud ang epekto sa amo,” wika ni Rodel, isang tricycle driver sa Mambajao. “Sa festival, daghan ang nanginahanglan og masakyani. Ang mga turista maglakawlakaw, busa kinahanglan magdaghan ang mga masakyan.” Para sa kanya, ang pista ay hindi lang kasiyahan—ito ay kita, kabuhayan, at pag-asa.
Ang linggong ito ay lifeline para sa maraming pamilya. Gaya ni Rodel, umaasa silang ang kinikita tuwing festival ay sasapat para mapunan ang buwan-buwang pangangailangan, kahit matapos ang kasiyahan. Sa panahong ito, bawat sakay, bawat tindang produkto ay may ambag sa kanilang pamumuhay. Para kay Budoy, isang ama ng tatlong anak, ang lanzones ay literal na ugat ng kanilang kinabukasan. “Mintras bata pa akong mga anak, magtanom ko para magamit puhon,” aniya. Mula sa festival, nakapag-ipon siya at naipatayo ang negosyo sa paglalaba—na ngayo’y sumusuporta sa edukasyon ng kanyang mga anak.
Ang Lanzones Festival ay higit sa pista—ito ay progresong ugat sa kultura. Sa Camiguin, ang progreso ay hindi na pangarap kundi buháy na tradisyong ipinagdiriwang taontaon.
Higit Pa sa Banderitas
Isang Trio, Isang Pista, at Isang Mundo ng Mga Posibilidad
ni KEMUEL EBUETADA
“Ang unang beses na narinig ko ang tunog ng tambol, naramdaman ko ang pagmamalaki, ang saya, at ang hatak ng isang bagay na mas malaki pa kaysa sa sarili ko.”
Ito ang mga salita ni Melvin Tesbe, isang 24-anyos na cultural dancer at choreographer, na walong taon nang bahagi ng makulay na mundo ng Lanzones Festival sa Camiguin. Para sa kanya, ang pista ay higit pa sa kasiyahan—ito ang pinagmulan ng kanyang layunin. Ang kanyang karanasan ay sumasalamin sa diwa ng festival: hindi lang ito tungkol sa makukulay na kalsada, kundi isang selebrasyon ng pagkatao. Para sa mga tulad ni Melvin na lumaki sa gitna ng tambol at sayaw, ang Lanzones Festival ay naging daan tungo sa sarili nilang kinabukasan. KUNG SAAN NAGSIMULA LAHAT
Isa sa mga tampok ng festival ay ang tableau presentation kung saan iba’t ibang paaralan ang nagsasama-sama upang muling buhayin ang alamat ng Camiguin sa pamamagitan ng sayaw. Labintatlong taong gulang si Melvin nang una siyang lumahok. “Hindi ako ang pinakamahusay, pero mahal ko ito,” aniya. Kasama ang kanyang dalawang kaibigang sina Gerardo Rosal at Earl Pantanosas, taon-taon silang sumasayaw sa high school. Hindi naging madali ang proseso—mula sa umagang rehearsals hanggang sa pressure ng performance. Ngunit para sa kanila, sulit ang bawat pawis. “Nakita ko kung paano kami nagtutulungan bilang isang team,” wika ni Gerardo. “Ang pakiramdam ng pagiging kabilang ay nagpatibay ng pagmamahal ko sa festival.” Sa bawat salang nila sa entablado, mas lalong lumalim ang ugnayan nila sa kultura
ng kanilang bayan. ANG PERPEKTONG KOPONAN Pagkatapos ng high school, pinili nilang manatiling konektado sa pista. Sila ngayon ay choreographers sa Kalandrakas sa Kabataan, isang dance competition para sa elementary level tuwing Lanzones Festival. Ayon kay Earl, “Ito ang sinasabi ng aming puso—ang magturo, magbahagi, at magpatuloy.”
Nagsimula ito nang imbitahan si Melvin na maging head choreographer ng isang paaralan. Sa halip na mag-isa, tinawag niya sina Gerardo at Earl upang buuin ang perpektong trio. “Si Gerardo ang nagtuturo ng steps, ako sa choreography, si Earl sa costume design,” kwento ni Melvin. Hindi palaging matatag ang kita mula rito, pero malaki ang naitutulong nito sa kanilang panggastos sa eskwela at personal na pangangailangan. Para sa kanila, sapat na ang makapagturo, makabuo ng isang grupo, at makita itong magtagumpay. Sa loob ng tatlong taon, sunodsunod ang kanilang tagumpay: Best in Costume, Best in Musicality, at Liveliest Group. Palagi silang top five sa municipal level at minsan ay naging provincial champions noong 2022. Sa mata ng komunidad, sila ay haligi ng kabataang mananayaw.
Ang kanilang kwento ay patunay na ang passion, kapag pinangalagaan, ay kayang maging layunin at kabuhayan. “Nagmamartsa kami nang magkasama sa buhay,” ani Melvin. “At saan man kami mapunta, dala namin ang Camiguin.”
Lanzones Festival
Isang Linggo ng Kulay, Kultura, at Pag-asa
Tradisyon, Inspirasyon, at Kinabukasang Nagbubuklod
pag-aanyo ni VENICE BERNARDO
Sa isla ng Camiguin, hindi lamang ang matamis na lanzones ang nagbibigay ng saya tuwing Oktubre. Ang Lanzones Festival ay isang makulay na pagdiriwang na sumasalamin sa kasaysayan, tradisyon, at pangarap ng mga Camiguingnon. Mula sa masiglang mga parada hanggang sa mga sayaw na nagkukwento ng kanilang pamana, ito ay higit pa sa isang pista—isang paalala na ang kultura ay hindi lamang nakaraan kundi isang pundasyon para sa kinabukasan.
Isang Matamis na Paalala
Ipinagdiriwang ng Camiguin ang Pagpapahalaga sa Kultura
ni NIÑA JASHE CAGAS
‘’
Para sa Camiguin, ang progreso ay hindi na isang malalayong pangarap—ito ay buhay na buhay sa mga kalye tuwing festival at sa mga tahanan ng mga pamilyang nagtataguyod ng kanilang kinabukasan.
Ngunit para sa mga taga-Camiguin, ang solusyon ay simple: sila ay sumasayaw, kumakanta, at nagdiriwang.
Sa pamamagitan ng Lanzones Festival, ipinapaalala ng mga Camiguingnon sa kanilang sarili at sa buong mundo—na ang pagpapahalaga at pagpapanatili ng kanilang mayamang pamana ay hindi lamang isang gawain ng pasasalamat, kundi isang pangako na hindi nila malilimutan kung sino sila. TRADISYON SA BAWAT PINTIG NG PUSO Ayon sa kasaysayan, nagsimula ang Lanzones Festival ng Camiguin bilang isang pasasalamat sa lupa, sa panahon, at sa mga hindi nakikitang espiritu na sinasabing nagbabalik ng masaganang ani ng lanzones, isang prutas na matamis at naging tanyag sa buong Pilipinas.
Sa paglipas ng panahon, ito ay naging isang engrandeng selebrasyon at isa sa mga pinakahinihintay-hintay na festival sa bansa. Isinasagawa ang festival tuwing ikatlong linggo ng Oktubre at pinapalakas ang buong Camiguin na nagiging isang makulay na sentro ng tradisyon at kasiyahan na tumatagal ng isang linggo.
Sa mga panahong ito, magkakaroon ng pagkakataon ang mga lokal at turista na masaksihan ang buhay ng mga ninuno ng Camiguin. Mula sa mga sayaw na ipinapakita sa opisyal na sayaw ng Camiguin hanggang sa mga detalyadong disenyo ng mga hand-embroidered na kasuotan, at pati na rin ang mga pagkaing ipinagmamalaki na karamihan ay mula sa lanzones, ang lahat ng ito ay nagpapakita ng mga tradisyunal na gawain at pamumuhay ng mga tagabansa.
Puso ng Turismo ng Isla
ni JEHNNY PEARL PARA
Matatagpuan sa hilagang rehiyon ng Mindanao, ang Camiguin ay isang paraisong isla na kilala sa mga kamangha-manghang tanawin, mula sa luntiang mga bundok hanggang sa mga puting buhangin na dalampasigan. Ang hindi pa naduruging kalikasan nito, tulad ng Sunken Cemetery at Old Church Ruins, ay umaakit sa mga mahilig sa kalikasan at mga naghahanap ng pakikipagsapalaran. Ngunit sa gitna ng mga atraksyong ito, isang kaganapan ang namumukodtangi bilang pusod ng pagkakakilanlan ng isla—ang taunang Lanzones Festival.
“Para sa akin, bilang isang nakilahok sa Lanzones Festival apat na taon na ang nakaraan noong high school, hindi lang ito basta kasiyahan,” wika ni Clarisa, isang festival dancer mula sa Mambajao. “Natuto ako ng mga kwento ng aking mga ninuno at masaya akong naipahayag ko ang mga kwentong iyon sa pamamagitan ng sayaw.” Sa puso ng festival, nagiging pagkakataon ito para magsama-sama ang mga pamilya upang magdiwang kasama ang kanilang mga kababayan. Isa itong daan upang matutunan ng mga kabataan mula sa mga nakatatanda ang mga tradisyunal nilang gawain, at alalahanin ang isang panahon kung saan ang buhay ay mas simple ngunit mas masagana. Ibinahagi ni Kent Brian Acle, isang 26-taong gulang na guro at koreograpo, na mahalaga na ituro sa mga kabataan ang isang bahagi ng kanilang buhay bilang mga Camiguingnon.
“Ang mga hakbang ng sayaw na tinuruan namin ay naglalarawan ng nakaraan ng Camiguin. Responsibilidad natin na mapanatili ito. Dahil kung hindi natin ito gagawin, sino pa?” sabi niya. Kapag dumating ang mga bisita sa isla at natikman nila ang lanzones, hindi lang nila natitikman ang tamis. Natitikman nila ang kasaysayan. Ang bawat kagat ay may kasamang mga bulong ng nakaraan ng isla: ang sipag ng mga lokal, lalo na ang mga magsasaka, ang kanilang mga panalangin, at syempre, ang kanilang mga pangarap. Para kay Clarisa, Kent, at sa iba pang taga-Camiguin, ang festival ay isang paraan ng paghawak. Patuloy nitong ipinapaalala sa kanila na kahit saan man sila magpunta, sila ay nakatali ng kanilang pagmamahal sa gintong prutas ng Camiguin, sa lupa nito, at sa kulturang kanilang tinatawag na tahanan.
Ano ang mangyayari kapag ang mundo ay nagmamadaling magpatuloy, na iniiwan ang mga kwento ng mga tao mula sa nakaraan? Ano ang gagawin natin kapag ang mga hibla ng ugnayan na nagbubuklod sa atin ay nagsimulang malagas? Para sa iba, hindi laging malinaw ang sagot. Pangunahing
Tuwing ikatlong linggo ng Oktubre, muling bumangon ang buhay sa Camiguin sa makulay na pagdiriwang ng festival. Isang linggong kaganapan ito na ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa masaganang ani ng lanzones—isang maliit at matamis na prutas na kasinglaki ng ubas na tumutubo sa maraming bahagi ng isla. Habang ang festival ay ipinagdiriwang ang mayamang kulturang pamana ng Camiguin at ang talento ng mga tao nito, nagsisilbi rin itong daan para mapalakas ang industriya ng turismo ng isla.
IBA’T IBANG URING PAMAYANAN NG MGA TURISTA Matagal nang nakilala ang turismo ng Camiguin sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng mga nakaraang lider ng isla. Ang likas na kagandahan ng Camiguin ang naging pinakamalaking asset nito at isang perpektong tagpuan para sa mga biyahero. Mayroong patuloy na pagdagsa ng mga bisita sa buong taon, ngunit ang Lanzones Festival ay nagdadala ng isang kakaibang klase ng mga turista. Ayon kay Rojhen Pantallano, isang empleyado sa tanggapan ng turismo, libu-libong turista ang dumadagsa sa isla tuwing festival, na puno ang mga
hotel, restawran, at lokal na pamilihan. Mas marami pa ito kumpara sa ibang kaganapan sa isla.
Ibinahagi din ni Ms. Pantallano na ang mga turista ay tumutulong upang ipakilala ang kagandahan ng Camiguin sa mas maraming tao. Lubos silang nagpapasalamat sa suporta ng mga turista, ngunit mas pinahahalagahan nila ang mga pagsisikap ng mga Camiguingnons na matulungan silang ipagdiwang ang kanilang festival sa paraang mag-iiwan ng alaala ng Camiguin at ang mainit na pagtanggap nito sa mga bisita.
TAGUMPAY NG TURISMO NA GAWA NG KOMUNIDAD Sa panahon ng festival, ipinagdiriwang ng mga tao ang mga tradisyonal na sayaw na nagpapaalala ng mga gawi ng mga unang tao ng Camiguin. Mayroon ding mga parada at dekorasyon, mga laro para sa mga kalahok, at mga patimpalak sa kagandahan, at marami pang iba. Ipinagmamalaki rin ang mga lokal na pagkain ng isla, kung saan makikita ang mga food stall na nag-aalok ng mga kilalang delicacies tulad ng pastel, kiping, at lanzones ice cream. Hindi magiging posible ang mga aktibidad na ito kung wala ang pagsusumikap at
dedikasyon ng tanggapan ng turismo at ng lokal na pamahalaan ng isla.
“Ang Lanzones Festival ay talagang isang salik na tumutulong upang maghikayat ng mga turista na bumisita sa Camiguin. Upang matiyak at magbigay sa mga turista ng pinakamagandang karanasan sa Camiguin, nagsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga patakaran at regulasyon, nagsusumikap na mag-alok ng mga produkto at serbisyo na mataas ang kalidad, at patuloy na nagpa-plano kung anong mga aspeto pa ang maaari nilang pagbutihin,” ani Ms. Pantallano. “Masaya rin ako na ang mga lokal ay aktibong nakikilahok sa aming pananaw.”
Ang mga turista ay tinatanggap bilang bahagi ng komunidad, at madalas silang inaanyayahan na makisalamuha, magsalo-salo sa pagkain, at makiisa sa mga kasiyahan. Ang ganitong tunay na koneksyon ay nagiging sanhi upang maging isang hindi malilimutang karanasan ang simpleng pagbisita. Sa ganitong paraan, naipapaalala ng mga Camiguingnons sa mga bisita ang kahalagahan ng pagbabalik at pagpapakalat ng kanilang magagandang karanasan.
“Ito ay isang pangarap ko na dumalo sa Lanzones Festival, at nang marinig ko na mangyayari ito ngayong Oktubre, nagdesisyon kami ng aking asawa na ito na ang tamang panahon,” ani Diana, isa sa mga turista na dumayo sa isla upang maranasan ang kasiyahan sa 45th Lanzones Festival noong Oktubre. Inaanyayahan niya ang sinumang nagbabalak magtungo sa Camiguin na maging handa, dahil ang kagandahan at alindog ng isla ay maaaring magpabalik sa kanila sa kabila ng pag-alis. Ang hindi malilimutang karanasan na isinaksi ni Diana ay isang patunay ng mga pagsusumikap ng lokal na pamahalaan at komunidad ng isla. Sila ang dahilan kung bakit ang mga bisita ng Camiguin ay hindi lamang umuuwi na may mga souvenir mula sa Lanzones Festival kundi may mga kuwento ng tawanan at pakikipagkaibigan, at isang matinding pakiramdam ng pagiging kabahagi ng isla. Ito marahil ang isa sa pinakamalaking tagumpay ng industriya ng turismo ng Camiguin— hindi lamang sa pag-akit ng mga bisita kundi sa pagtutok upang matiyak na sila’y umalis na may mga tunay na kwento ng isang isla na malugod na tumanggap sa kanila.
Matatag na Kababaihan, Matamis na Tagumpay
Ang paggawa ng tablea ay isang masalimuot na proseso. Mula sa hilaw na kakaw, dumaraan ito sa pag-ihaw, paggiling, at paghuhubog—isang gawaing punô ng tiyaga, may halong kapaitan, pero sa huli’y nag-iiwan ng tamis. Para kay Juditha Tunzo, ganyan din ang buhay.
Sa loob ng maraming taon, pinagtagumpayan ni Juditha at ng kanyang asawa ang mga pagsubok na sumubok sa kanilang pasensya at pangarap. Tulad ng kanilang sikat na tablea sa Camiguin, ang kanilang kwento ay isang matapang na timpla ng hirap at tagumpay.
MALIIT NA PAGSISIMULA Hindi agad nakamtan ni Juditha ang tagumpay. Ipinanganak siya sa isang simpleng pamilya at sa edad na 18, ikinasal siya sa kanyang asawa na 19 taong gulang. Wala silang yaman sa simula, ngunit puno sila ng mga pangarap. Siya ang nag-umpisa, ang kanyang asawa ang unang nakakaalam kung paano magproseso ng tablea.
“Tindero na siya una, unya napura man. Sunod nag labor, dayon wala japon siya nagdugay didto. Hangtod sa nakahuna-huna siya magtrabaho sa iyang amigo nga naay tablea business,” kwento ni Juditha. Ang asawa niya ang gumagawa ng lahat ng trabaho, habang ang kaibigan nito ang nagsu-supply ng mga makina at mga sangkap. Bagaman nakatulong ito sa kanilang araw-araw na pamumuhay, hindi naging madali ang buhay sa mga panahong iyon.
Hindi man ideal, ngunit nakapag-ipon ang asawa niya nang kaunti. Nang dumating ang tamang pagkakataon, nagdesisyon siyang magtayo ng sarili niyang negosyo. Dito nagsimula ang kanilang negosyo
Camiguin. Nag-expand sila, nagbukas ng mga maliliit na sangay sa Mambajao, Mahinog, at Guinsiliban. TIMPLA NG KAPAITAN AT TAMIS
Patuloy nilang pinatatakbo ang negosyo sa kabila ng edad. Ngayon, 69 na si Juditha at 70 ang kanyang asawa—at sila pa rin ang bumubuo ng bawat piraso ng tablea. Kapag mataas ang demand, saka lang sila sa among pamilya.” Para sa kanila, ito ang sukli ng pagsusumikap at pagmamahalan.
Sakong Pag-asa
Ano ang nagpapakakaiba sa isang tablea? Ang kalidad ng beans? Ang masusing proseso? O ang puso ng gumagawa? Para kay Julieta “Mama Jita” Dela Cema ng Camiguin, ang sagot ay: lahat ng ito—sama-samang inilalagay sa bawat piraso ng tsokolateng kanyang nililikha.
Sa loob ng maraming taon, inalay ni Mama Jita ang kanyang sarili sa paggawa ng tablea. Mula sa simpleng layuning masuportahan ang pamilya, lumago ito bilang sining at kabuhayan na patuloy niyang pinagyayaman hanggang ngayon. Noong 2020, nang huminto ang mundo dahil sa pandemya, huminto rin ang kanyang negosyo. Dating supplier lang siya ng cacao beans, ngunit nang tumigil ang processor na dati niyang katuwang, napilitang siyang magdesisyong siya mismo ang gumawa ng tablea mula sa 12 sako ng naipong beans. “Anim na beses akong nabigo,” aniya. “Sa una, hilaw. Sa susunod, sunog.” Pero hindi siya sumuko. Sa tulong ng DTI Kapatid Mentor Me Program, natuto siya ng proseso— mula sa roasting hanggang packaging. Nalaman din niya ang kahalagahan ng branding at market placement. Sa tulong ng gobyerno, nagsimula siyang tumayo muli.
AMANG TIMPLA SA BUHAY. Sa bawat giling ng kakaw at bawat timpla ng tablea, magkasabay hinuhubog ni Juditha Tunzo at ng kanyang asawa ang tamis ng kanilang pangarap. Tunay na mas malakas ang pagsasama kapag may sipag, tiyaga, at pagmamahal. Mga kuha at Disenyo ni EMMANUEL GORRES
Ang pag-abot sa tagumpay ay parang pag-akyat sa hagdang-hagdang palasyo—kapag akala mong nasa tuktok ka na, may bago na namang hakbang. Para kay Pura Maaño, ang tagumpay ay hindi tungkol sa mabilisang pag-akyat. Ito ay nagsimula sa maliit: isang pan, isang gilingan, isang dakot ng cacao beans,
nilulugmok ng pagsabog ng Mt. Hibok-Hibok ang Camiguin, ang pamilya ni Pura ay nasa Cagayan de Oro, nagsusumikap
Ang kanilang ama ay isang clerk na kakaunti ang kita,
bilog na tablea—lahat ay ginagawa niyang Ang Pangarap ng Isang Ina, Ang Pamana ng Isang Anak
pagbabalot. Mahirap, paulitulit, nakakapagod—pero puno ng pagmamahal. “Bagamat mahirap ang trabaho, masaya ako. Pakiramdam ko, ipinagpapatuloy ko ang pangarap ng aking ina,” wika niya. Dahil natatakot siyang makipagsabayan sa merkado ng Mambajao, una niyang planong ibenta sa Butuan. Ngunit sa Camiguin siya unang niyakap. Inanyayahan siyang magtinda sa lokal na merkado, at dito niya nahanap ang kumpiyansang kailangan niya upang lumaban. Isa ring supplier ang naniwala sa kanya—nagbigay ng sakosakong cacao beans na hulugan Ang tulong ng komunidad ay nagsilbing pataba sa muling pagsibol ng negosyo. Sa bawat batch ng tablea, may kasamang kwento ng pagpupunyagi. Untiunting lumawak ang pangalan niya—una sa mga kapitbahay,
PAMANA NG KALUSUGAN
Tradisyunal na Halamang Gamot sa Makabagong Pananaw
nina DIVINE GRACE SASIL at ANDREA LLANASA
Simple kung pagmasdan, ngunit ito ba’y iyong ng nasubukan?
Taglay ang mga benipisyong may kakayahang masolusyonan ang ilang uri ng karamdaman. Mainam sa kalusugan, nagbibigay kalakasan, ilan lamang ito sa mga tulong ng tsaa ng sambong o mas kilala sa katawagan na “Pahid” sa bahaging parte ng Mindanao.
Ayon sa Department of Health, kabilang ang pahid sa sampung pangunahing halamang-gamot na inirerekomenda sa ilalim ng Republic Act 8423, o ang Traditional and Alternative Medicine Act of 1997. Ang rekomendasyong ito ay sinusuportahan ng mga datos mula sa siyentipikong pananaliksik na nagpapakita ng aktibong sangkap ng halaman na may klinikal na benepisyo. Kabilang sa mga aktibong compound ng pahid ang borneol, camphor, limonene, flavonoids, sesquiterpenes, at cryptomeridiol. Ang mga ito ay may anti-inflammatory, antibacterial, at antioxidant properties na itinuturing na mahalaga sa larangan ng natural at integrative medicine. Karaniwan, ginagamit ang pahid bilang
katawan na may pananakit. Ang ugat naman ay inilalaga rin para sa mas malalim na mga kondisyon gaya ng bato sa bato. Sa mga lokal na pag-aaral, partikular na sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), napag-alaman na ang pahid extract ay may kakayahang paliitin ang calcium oxalate crystals, ang pangunahing sanhi ng kidney stones, at pigilan ang pormasyon nito. Bukod dito, may mga pagsusuri rin na nagsasaad ng potensyal ng pahid laban sa hypertension. Ang natural na diuretic property nito ay nakatutulong sa pagtanggal ng sobrang fluid sa katawan, dahilan upang bumaba ang blood pressure at hindi mahirapan ang puso sa pagbomba ng dugo. Sa mga lugar na walang madaling access sa synthetic drugs, ginagamit ito bilang alternatibo upang maibsan
Mayana
Halaman sa Bakuran, Gamot sa Karamdaman
13
Kalabo
luntian
Kuha ni JOYLYN GRACE
Sa Isla ng Camiguin, ang mga halamang gamot tulad ng kalabo, mayana, at pahid ay hindi lamang bahagi ng tradisyon kundi sinusuportahan din ng agham bilang lunas sa iba’t ibang karamdaman.
Nag-tsaamazing kana ba?
Mula sa kalikasan ang natural na panggamot na ginagamit sa mga taga Camiguin ang Kalabo, o mas kilala bilang oregano (Origanum vulgare), isang kilalang halamang gamot na bahagi ng tradisyunal na panggagamot sa Mambajao, Camiguin. Maliban sa pagiging madaling itanim at alagaan, taglay nito ang kakayahang magbigaylunas sa iba’t ibang karamdaman, kaya’t patuloy itong ginagamit ng mga residente sa pang-araw-araw nilang buhay.
Taglay ng kalabo ang natural na kakayahang tumulong sa pagpapagaling ng ubo, sipon, at lagnat. Karaniwang pinakukuluan ang dahon nito upang gawing tsaa na iniinom bilang lunas sa respiratory na mga problema. Sa malamig na klima ng Mambajao, nagiging mahalaga ang oregano bilang simpleng paraan upang maibsan ang hirap sa paghinga at mabawasan ang plema. Dinidikdik ang sariwang dahon ng kalabo at direktang ipinapahid
Tila ba’y isang payak na damo lang pero mahika ang turing para sa karamdaman: Mayana. Ang Mayana o Coleus blumei ay isang tradisyonal na gamot na ginagamit para sa iba’t ibang sakit. Ito ay naglalaman ng mga phytoconstituent na kapaki-pakinabang sa kalusugan, kabilang ang mga alkalois, saponins, flavonoids, tannins, volatile oil, at quercetin.
Sa Camiguin, ang Mayana ay ginagamit bilang alternatibong gamot para sa mga sakit tulad ng pananakit ng ulo, dyspepsia, pilay, kabag, at sinusitis. Ang dahon ng Mayana ay dinidikdik at itinatapal sa masakit na parte ng katawan, o iniluluto at inumin bilang tsaa. Ayon sa mga lokal sa Camiguin, ang Mayana ay isang epektibong gamot para sa mga sakit na nabanggit. “Nagamit ko ang Mayana para sa pananakit ng ulo ko, at nakita ko na epektibo talaga siya,” sabi ni Aling Dory, isang residente ng Mambajao na matagal ng gumagamit ng ganitong halamang-gamot bilang panglunas sa mga pananakit sa katawan. Samaktuwid, ang Mayana ay may iba’t ibang paraan ng paggamit. Ang dahon nito ay maaaring dinidikdik at itinatapal sa masakit na parte ng katawan. Maaari din itong iniluluto at inumin bilang tsaa. Sa mga kaso ng kabag, ang pinaglagaan ng dahon ng Mayana ay iniluluto at inumin upang malunasan ang kabag sa tiyan. Kaugnay nito, ang paggamit ng Mayana bilang alternatibong gamot sa Camiguin ay isang patunay na ang mga tradisyonal na gamot ay may halaga at epektibo. Kaya, mahalaga na palaganapin ang kaalaman tungkol sa mga benepisyo ng Mayana at iba pang mga tradisyonal na gamot upang mas maraming tao ang makinabang nito. Gayunpaman, mahalaga na konsultahin ang isang propesyonal na manggagamot bago gamitin ang Mayana o anumang iba pang halamang-gamot.
Ang mga halamang-gamot ay hindi dapat gamitin bilang kapalit ng mga konbensyonal na gamot. Ang paggamit ng mga halamang-gamot ay dumedepende sa tao kung ito’y mabisa o epektibo. Sa huli, ang Mayana ay isang halamang-gamot na may iba’t ibang benepisyo sa kalusugan. Ang paggamit nito bilang alternatibong gamot sa Camiguin ay isang patunay na ang mga tradisyonal na gamot ay may halaga at epektibo. Kaya, mahalaga na palaganapin ang kaalaman tungkol sa mga benepisyo ng Mayana at iba pang mga tradisyonal na gamot upang mas maraming tao ang makinabang nito.
sa sugat o iritasyon sa balat. Itinuturing itong natural na disinfectant na epektibo laban sa impeksyon. Sa mga aktibong mamamayan ng Camiguin
RAGAS
Guso: yamang damo sa karagatan
Matatagpuan sa Isla ng Camiguin, kung saan ang mga daluyong ang nagtatakda ng pang-araw-araw na buhay, ang Guso, kilala rin bilang eucheuma, ay isang uri ng seaweed na karaniwang hinaharvest sa mga pook sa baybayin, partikular sa Pilipinas. Ang kayamanang ito ng dagat ay hindi lamang isang pangunahing sangkap sa mga lokal na putahe kundi isa ring pinagkukunan ng nutrisyon na nag-aalok ng maraming benepisyo sa
Tila isang damo sa karagatan ang tinatangi ng guso. Ito ay isang terminong Bisaya para sa isang partikular na uri ng lokal na seaweed, isa sa mga 500 uri ng kanibong seaweed na matatagpuan sa Pilipinas, kung saan ang mga katutubong seaweed ay karaniwang kinakain. Ito ay mayaman sa iyodo, kalsyum, magnesium, at potasyum na makakatulong sa pagtunaw, pagpapalakas ng buto, pag-suporta sa paggana ng kalamnan, at pag-regula ng presyon ng dugo. Kauganay nito, ang pagkain ng Guso ay makapagbibigay ng hidrasyon sa balat, salamat sa mga likas na katangian nito bilang humectant, at makapagbibigay ng suporta sa elastisidad, kaya’t ito ay paborito sa mundo ng kagandahan at kosmetiko.
Bukod pa rito, ang pagiging pangunahing gamit nito sa pagluluto, maging sa mga salad, sabaw, o mga panghimagas, ay nagbibigaydaan sa pagdaragdag nito sa isang balanseng diyeta, at nagiging isa pang pangunahing sangkap sa isang malusog na pamumuhay.
Lubos pa sa halaga nito sa ekonomiya, ang Guso ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng mga ekosistema ng dagat. Bilang isang likas na carbon sink, ito ay humihigop ng malaking kantidad ng carbon dioxide, na tumutulong sa pagbawas ng epekto ng pagbabago ng klima.
Sa loob ng maraming henerasyon, ang Guso ay nagpapanatili ng mga komunidad sa baybayin, nagbibigay ng pagkain, kita, at ekolohikal na benepisyo. Ito ay isang patunay sa karunungan ng pamumuhay sa harmonya kasama ang kalikasan – isang paraan ng pamumuhay na nagtataglay ng mga aral para sa lahat. Talagang, ang Guso ay higit pa sa isang seaweed; ito ay isang simbolo ng katatagan, sostenibilidad, at ang nagpapatuloy na ugnayan sa pagitan ng mga tao at dagat.
TAMPOK
TRADISYONAL NA YAMAN NG KARAGATAN
Kalikasan, Kultura, at Siyensiya
nina
Lihim ng Kitang
Matatagpuan sa Barangay Cabuan sa Mambajao, Camiguin, kung saan isinasagawa ang “Kitang”, isang tradisyunal na paraan ng pangingisda. Bagamat tila simple sa paningin, nakabatay ito sa mga prinsipyo ng wastong pangangalaga sa likas na yaman at masusing pagmamasid sa kapaligiran upang matukoy ang galaw ng isda.
Larawan kuha ni EMMANUEL GORRES
Mahalaga ang pag-aaral ng kalikasan sa pangingisda. Ayon kay Anecito Montalba, isang bihasang mangingisda, na nagsimula ng pangingisda noong Grade 2 pa lamang siya, at nagsimula niyang ginamit ang Kitang method noong 29 gulang siya, “ang posisyon ng buwan ay may malaking epekto sa dami ng huli. Tuwing kabilugan ng buwan, mas aktibo ang isda dahil sa liwanag na nagdadala ng masaganang pagkain sa dagat”. Ang kaalaman na ito ay bunga ng obserbasyon at karanasan ng mga mangingisda sa paglipas
hindi makita ng isda; sa gabi naman, mas makapal upang mas maging epektibo sa dilim. Sa kabila ng pagiging tradisyunal, ang Kitang method ay isang modelo ng makakalikasang pangingisda. Ang kawil at linya nito ay dinisenyo upang hindi makasira sa mga isda at kanilang kapaligiran. Sa halip na mass fishing, ito ay nakatuon sa sustainable fishing practices na nagpoprotekta sa marine biodiversity habang sinisiguro ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Bukod sa pagiging kapakipakinabang sa kabuhayan, ang Kitang method ay nagiging sentro rin ng interes para sa mga mananaliksik at mga organisasyong nagtataguyod ng makakalikasang
Butete: Mapanira o Delikadesa?
Ang pufferfish o butete, na kilala sa Guinsiliban, Camiguin, ay isang kakaibang nilalang sa kalikasan. Bagamat naglalaman ito ng tetrodotoxin—isang neurotoxin na 1,200 beses na mas nakamamatay kaysa sa cyanide—isa ito sa mga pinakapanganib na hayop-dagat. Subalit, sa kabila ng panganib na dulot nito, natagpuan ng maliit na komunidad ng pangingisda sa Guinsiliban ang paraan upang gawing isang tanyag na delicacy ang butete.
Ang butete ay kabilang sa pamilya ng Tetraodontidae. Ang mga organo nito, partikular ang atay, obaryo, at pali, ay naglalaman ng tetrodotoxin, isang nakalalasong substansiya na maaaring magdulot ng paralisis at kamatayan sa tao. Isang butete ay may sapat na lason upang pumatay ng ilang tao. Sa kabila ng kanilang panganib, may mahalagang papel ang mga pufferfish sa mga ekosistema ng dagat. Ayon sa mga pagaaral na isinagawa ng mga marine biologist mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ipinapakita ang patuloy na paglago ng populasyon ng mga species ng pufferfish sa Guinsiliban, na nagpapakita ng pangangailangan ng mga sustainable na pamamaraan ng pangingisda upang mapanatili ang kanilang ekolohikal na ambag. Ang unang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ay ang tamang pagpili ng isda, ayon sa mga residente
ng Guinsiliban. Ipinagbabawal ang mga isdang nangingitlog, dahil mas mataas ang antas ng lason sa panahong ito, samantalang ang mga matabang isda ay mas pinipili para sa pagkain dahil sa kanilang mas malasa at mas masarap na lasa. Ang paglilinis ng butete ay nangangailangan ng maingat na proseso kung saan ang isda ay isinusuong sa hangin upang maiwasan ang kontaminasyon. Inaalis nang maingat ang mga kritikal na bahagi ng katawan tulad ng pali (ado) at isang maliit na bahagi malapit sa pusod (maypay). Ang atay, bagamat may lason sa iba nitong bahagi, ay hindi nakakalason at itinuturing na isang delicacy. Gayunpaman, ayon kay Dindo Cordero, isang residente ng Guinsiliban, dapat lutuin agad ang isda matapos itong mahuli. Ang pagkaantala ay maaaring magdulot ng pagdami ng lason, kaya’t mas delikado itong kainin kung hindi maiproseso agad. Kapag nalinis na, ang butete ay madalas na niluluto ng mga residente sa ginataan, isang ulam na may malasa at malapot na gata ng niyog; inun-unan,
Sa Camiguin, ang Guso, Lato, at Kitang ay hindi lamang pinagkukunan ng kabuhayan kundi bahagi ng likas-kayang pamumuhay. Sa pagsasanib ng tradisyunal na kaalaman at agham, napapakinabangan ang mga yamang dagat para sa nutrisyon, ekolohiya, at ekonomiya. Ang mga likas na yaman na ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng tao at kalikasan.
SIDEBAR B Yugto ng Buwan at Laman ng Sea Urchin Flesh, alamin ang relasyon
Full Moon Waxing Phases
Ang mga sea urchin ay may mas makapal na laman sa loob ng kanilang mga shell.
NAKIKIAYON SA BUWAN. Sa tradisyonal na pamamaraan ng Sibut at Ganso, sinusundan ng mga mangingisda ang galaw ng buwan upang tiyakin ang masaganang huli. Mga kuha ni EMMANUEL GORRES
isang nilagang may suka; at kinilaw, isang ceviche na gumagamit ng atay ng butete, na paborito dahil sa natatangi at masarap nitong lasa. Ang kwento ng butete sa Guinsiliban ay kwento ng pagiging matalino, tradisyon, at paggalang sa kalikasan. Para sa mga culinary adventurers, ang pagtangkilik sa butete ay isang karanasan ng panganib na sinasabayan ng kasanayan at kaalaman. Ang paglalakbay ng butete mula sa pagiging isang mapanganib na predator hanggang sa isang delicacy ay isang patunay ng talino ng mga tao ng Guinsiliban at ang kanilang malalim na ugnayan sa dagat. Higit pa rito, para sa mga tao ng Guinsiliban, ang pagkain ng butete ay higit pa sa isang karanasang kulinarya, ito ay isang tradisyong pangkultura. Sa mga salo-salo, nagsisilbi itong ulam at “pulutan” na nagdudulot ng pagkakaisa, na sumasagisag sa lakas at talino ng komunidad.
SIBUT AT GANSO: PAMAMARAAN NG PANGINGISDA NA NAKAUGAT SA TRADISYON
Ang terminong sibut at ganso ay tumutukoy sa maingat na pag-aani ng alimango-dagat gamit ang mga gawaing-kamay na kasangkapan at tumpak na pag-timing. Kabilang sa pamamaraang ito ang mano-manong pagkuha ng mga alimango-dagat mula sa mga bato gamit ang kahoy o metal na pangayos, na nagsisigurado ng
Ang kwento ng butete sa Guinsiliban ay kwento ng pagiging matalino, tradisyon, at paggalang sa kalikasan—isang patunay ng talino ng tao at ang malalim na ugnayan nila sa dagat. Sa bawat ulam ng butete, naroon ang lakas at pagkakaisa ng mga tao ng Guinsiliban.
Ang mga sea urchin ay may mas manipis na laman sa loob ng kanilang mga shell.
Sibut at Ganso: Tradisyonal na Pamamaraan ng Pangingisda na Nakabatay sa Yugto ng Buwan
Sa baybaying-dagat ng Sitio Cabua-an sa Isla ng Camiguin, si Ronaldo Montalba, isang 48-taong-gulang na mangingisda, ay nagpapatuloy ng isang tradisyonal na pamamaraan ng pangingisda na tinatawag na sibut at gansol. Ang pamamaraang ito ay ginagamit upang manghuli ng mga alimango-dagat, o tuyom, at malalim na kaugnay sa kalikasan at sa siklo ng buwan. Ang mga dekadang karanasan ni Montalba ay nagbukas ng mga kamangha-manghang pananaw ukol sa ugnayan ng mga yugto ng buwan at kalidad ng laman ng tuyom, na nagpapakita ng harmonya ng tradisyon at kapaligiran.
kaunting pinsala sa kanilang mga tinik at tirahan. Ayon kay Montalba, ang ganitong pamamaraan ay nagbibigay-daan sa natural na pag-recover ng ekosistema, sapagkat tanging ang mga mature na tuyom lamang ang kinokolekta, at iniiwan ang mga batang tuyom upang magpatuloy na lumago. Ang mga paglalakbay sa pangingisda gamit ang sibut at gangso ay nangangailangan ng maraming oras ng pasensya at kasanayan, lalo na sa mga batuhing baybayin ng Lagundi, kung saan sagana ang mga alimango-dagat. Ayon kay Montalba, ang kanyang tagumpay ay dulot ng kanyang malalim na kaalaman sa dagat, mga alon, at pinakamahalaga, ang buwan.
EPEKTO NG BUWAN SA LAMAN NG ALIMANGODAGAT Sa mga taon ng pagmamasid, napansin ni Montalba ang isang kamangha-manghang ugnayan sa pagitan ng mga yugto ng buwan at ang tekstura ng laman ng alimango-dagat. Ayon sa kanya, tuwing kabilugan ng buwan, ang laman ng tuyom ay karaniwang mas makapal. Samantalang sa mga yugto ng waxing at waning ng buwan, ang laman nito ay nakakaramdam ng pagnipis.
KAALAMANG TRADISYONAL AT AGHAM SA MAKABAGONG PANAHON Ang mga obserbasyon ni Montalba ay tumutugma sa mga pag-aaral tungkol sa mga hayop-dagat na nagsasabing ang mga siklo ng buwan ay may epekto sa kilos at pisyolohiya ng iba’t
Ubas sa dagat: bida sa masa’t ekosistema
Nakamamangha ang isang tinaguriang ubas ng dagat, natatanging isang uri ng maliit na berdeng halamang-dagat na may bilog-bilog na tangkay, kinakain bilang salad o sahog sa mga lutuin, sikat sa Pilipinas. Mayaman sa bitamina, mineral, at antioxidants ang Lato (Caulerpa lentillifera), isang uri ng seaweed na nagbibigay ng malaking kontribusyon sa ekonomiya at ekolohiya partikular sa mga Isla at kalakip dito ang Isla ng Camiguin.
Kapwa nagbibigay ng trabaho at kita sa mga komunidad sa baybayin, nagpapalakas ng ekonomiya ng isla. Delikado ngunit masustansya ang mga sanga nito, nagbibigay ng kakaibang lasa. Bukod pa sa pagbibigay nito ng pinansiyal at pisikal na tulong sa mga tao, hindi naman magpapahuli ang benepisyong tinatangi ng lato para sa ekosistema. Ang lato ay nagbibigay ng tirahan at pagkain sa iba’t ibang uri ng marine species, nagpapabuti ng kalidad ng tubig, at iba pang mahalagang bahagi ng ekosistema ng dagat. Hindi lang iyon, ayon sa Seaweed Industry Association, ang lato ay mayaman sa bitamina A, C, at maraming mahahalagang hindi nasasasatin ang mga matabang taba. Ito ay mayroon ding katangian laban sa bakterya at fungus, at ginagamit sa paggamot ng mataas na presyon ng dugo at rayuma. Mayroong higit sa 30 uri ng Lato sa Pilipinas. Ngunit ang pinakakarani ay ang lato dahil sa
ng buwan at kalidad ng tuyom ay naglalantad ng kahalagahan ng pagsasama ng tradisyonal na kaalaman ekolohikal sa mga makabagong pagsusumikap sa pangangalaga ng kalikasan. PAGPAPANATILI NG KULTURA AT KAPALIGIRAN
Para kay Montalba, ang sibut at gangso ay hindi lamang isang pamamaraan ng pangingisda; ito ay isang pamumuhay at isang pamana na nais niyang ipasa sa mga susunod na henerasyon. “Ang dagat ay nagbibigay sa atin,” aniya. “Dapat natin itong igalang at matutunan mula rito.” Ang kanyang mga pamamaraang sustainable ay hindi lamang nagsisiguro ng pangmatagalang pagkakaroon ng tuyom kundi pati na rin ang pangangalaga sa mga maselang ekosistema ng Isla ng Camiguin.
kanyang masustansyang katas. Bukod pa, nagpapabuti rin ito sa kalusugan ng balat, mata, at puso. Mayaman din ito sa fiber at mababang kalori, kaya’t mainam para sa mga nagnanais magpapayat. Samaktuwid, sa pamamagitan ng lato na nakalapad mula sa daang² metro na nasasakupan ng halamang ito sa ilalim ng dagat, mahalaga din ito sa pagbawas ng panganib tuwing mayroong delubyo na sasalakay. Nagagawa kasi ng lato na kontrolin ang kapaligiran, tulad ng mga baybayin upang mapagilan ang pagbuo ng malalakas na alon. Higit pa sa isang pangunahing sangkap sa lokal na kusina ang malaking importansiya at kahalagahan ng Lato sa ekonomiya, ekolohiya, at nutrisyon ng Camiguin. Pagpapanatili ng sustenableng pagkultibo, nagbibigay ng kinabukasan sa mga komunidad.
Wasakin ang Peligro ng El Niño
KOLUM NG EDITOR
ni VENICE SOFIA BERNARDO
Abril na naman, panahon na naman ng tag-init o El Niño. Samot saring emosyon na naman ang mararamdaman ng mga tao sapagkat mananabik nanaman ang lahat sa papalapit na bakasyon, ngunit, may kasama rin itong pag-aalala dahil sa masamang dulot ng El Niño sa ating kalusugan. Paano nga ba natin ito maiiwasan?
Isa na namang matinding hamon ang dala ng taginit, lalo na ngayong may banta ng El Niño. Ang El Niño ay isang abnormal na kondisyon sa klima na nagdudulot ng matinding init, kakulangan sa tubig, at negatibong epekto sa agrikultura at kalusugan. Dahil dito, maraming Pilipino ang nakakaranas ng dehydration, heat stroke, sunburn at iba pang sakit na dulot ng sobrang init. Bukod pa rito, naapektuhan din ang suplay ng tubig at pagkain dahil sa matinding tagtuyot. Sa kabila ng mga ito, may mga hakbang na dapat nating gawin upang maprotektahan ang ating sarili at ang ating komunidad mula sa epekto ng El Niño. Una, Tamang Hydration at Pagiwas sa Heat-Related Illnesses. Isa sa pangunahing epekto ng El Niño ay ang sobrang init na maaaring humantong sa dehydration at heat stroke. Upang maiwasan ito, siguraduhing uminom ng sapat na tubig araw-araw. Iwasan ang labis na pagbabad sa araw, lalo na tuwing tanghali kung kailan pinakamainit ang temperatura. Gumamit ng sombrero o payong, magsuot ng preskong damit, at kung maaari, manatili sa mga malamig o maaliwalas na lugar upang maiwasan ang heat exhaustion. Pangalawa, mapanagutang paggamit ng tubig at enerhiya. Dahil sa matinding tagtuyot na dala ng El Niño, mahalagang matutong magtipid ng tubig. Isara ang gripo nang maayos, gumamit ng tubig-ulan para sa pagdidilig ng halaman, at iwasan ang pag-aaksaya ng tubig sa mga hindi kinakailangang gawain. Bukod dito, dapat ding maging matipid sa kuryente, lalo na sa paggamit ng air conditioner at electric fan, upang hindi lumobo ang konsumo ng enerhiya sa gitna ng mataas na demand.
50°C
PAG-INGAT SA INIT
SA MGA NUMERO
ang tinatayang pinakamataas na heat index na mararamdaman ng mga Camiguinon sa kasagsagan ng El Niño. Pinaalalahanan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga tao na paligaang uminom ng tubig at bawasan ang pagbibilad ng araw.
Mga Mukha ng Tag-Init sa Panahon ng El Niño
nina CHEL ELISHA ANSIL at JOYLYN GRACE RAGAS
Panghuli, pagsuporta sa lokal na agrikultura at alternatibong pagtatanim. Ang matinding init ay nagdudulot ng pagkatuyo ng mga pananim, kaya naman mahalagang suportahan ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang ani. Maaari ring gamitin ang urban gardening o hydroponics bilang alternatibong paraan ng pagtatanim upang makatulong sa paglikha ng sariling suplay ng pagkain kahit sa panahon ng tagtuyot. Ang pagtatanim ng drought-resistant crops ay isa ring epektibong paraan upang mapanatili ang suplay ng pagkain sa gitna ng El Niño. Gayunpaman, ang El Niño ay isang seryosong problema na nangangailangan ng sama-samang aksyon mula sa bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa ating kalusugan, matalinong paggamit ng tubig at enerhiya, at pagsuporta sa agrikultura, mapapagaan natin ang epekto ng matinding tag-init. Hindi natin maaaring pigilan ang El Niño, ngunit maaari tayong maghanda at magpatupad ng mga hakbang upang mabawasan ang pinsalang dulot nito. Sa pagiging responsable at maingat, masisiguro nating ang ating kalusugan at kabuhayan ay protektado kahit sa panahon ng matinding init
Habang lumalakas ang sikat ng araw at patuloy na tumataas ang temperatura sa gitna ng El Niño, kasabay din nitong umiigting ang panganib sa kalusugan at kabuhayan ng bawat Pilipino. Mula sa tahimik ngunit nakamamatay na heatstroke, hanggang sa hapdi ng sunburn, at ang kolektibong panawagan laban sa epekto ng tagtuyot—ito ang mga mukha ng taginit na kailangang bigyang-pansin, hindi lang pansamantala, kundi may buong pagunawa at pagkilos.
Heatstroke: ‘silent killer’ tuwing summer
Hindi mapipigilan ang pagsibol ng klima’t panahon ng mundo. Taglay nito ang pambihirang nakakapaso na tirik dahil sa napakataas na antas ng temperatura na tumataguyod din ani ng sakit. Talagang mapapa “summer is coming, diseases is waving” ka.
Papalapit na ang tag-araw, tanyag nanaman ang mga sakit nito kagaya na lamang ng heatstroke kung saan ito ay maiituring na ‘silent killer’ tuwing summer sa napakaraming dalubhasa.
Base sa pagkakatukoy ng sakit na heatstroke, ito ang kalagayan kung saan dulot ng matagal na nasa kapaligirang mataas ang temperatura at halumigmig. Dito unti-unting nasisira ang balanse ng tubig at asin sa loob ng katawan, hindi na maayos ang pagganap at pag-adjust sa temperatura.
Sinabi ni Dr. Teodora Herbosa, sekretarya ng Department of Health (DOH), ang heat stroke ang pinakamatinding sakit na makukuha ng isang tao dahil sa sobrang init na nararamdaman ng katawan. Hindi na kaya ng katawan na palamigin ang sarili sa natural na paraan kagaya ng pagpapawis dahil na rin sa dehydration o kakulangan ng tubig, at sobrang init ng panahon. Dagdag pa nito, ipinunto ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa kalagitnaan na tayo ng buwan ng tag-init na lumalaro sa 33.9°C sa bahaging Metro Manila. Bagama’t sanay na sanay na ang mga Pilipino sa summer, hindi ibig sabihin nito na binabalewala lang dapat ang init ng panahon. Ito ay dahil baka nararanasan mo na pala ang sintomas ng
heat stroke, pero maaaring hindi mo ito napapansin.
Kabilang sa sintomas ng heatstroke ang pagkalito, hirap magsalita, kawalan ng malay, mainit na balat, matinding pagpapawis, pangingisay, mabilis na paghinga, mabilis na tibok ng puso at Pagsusuka. Sa ganitong mga sitwasyon nagiging mas mapanganib ang heat stroke lalo na kung ito ay hindi agad maagapan.
Posible namang mauwi sa heat stroke ang mga taong matagal na mabababad sa init, bagay na nauuwi sa: pagkawala ng malay,pagkalito, pagkokombulsyon (seizures), pagkamatay kung hindi maagapan.
Para maibsan ang banta ng heat stroke, ugaliin ang pag-iwas nito sa pamamagitan ng palaging pag-inom ng tubig at kumain ng pagkain na may asin, huwag pilitin ang sariling lumabas kapag mainit, gumamit ng payong , mag-sombrero, magsuot ng preskong damit, magpahinga palagi, at magpunta sa malamig na lugar.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang simpleng pag-iingat, ang pagkakataong makaranas ng heat stroke ay maaaring mabawasan nang malaki. “Sa masugid na pagsubaybay sa heat index, maaagapan natin ang heat-related illness,” wika nga ni Herbosa sa isang panayam sa isang TV program.
Sunburn: Hapdi ng Tag-init!
Tuwing tag-init sa Pilipinas, mula Marso hanggang Mayo, mas matindi ang sikat ng araw at mas mataas ang temperatura. Dahil dito, maraming tao ang nakararanas ng sunburn, isang sakit sa balat na dulot ng sobrang pagkakalantad sa ultraviolet (UV) radiation ng araw.
Ang sunburn ay isang uri ng radiation burn na nakaaapekto sa balat at iba pang bahagi ng katawan. Kapag nasobrahan sa UV rays, nagkakaroon ng pinsala sa balat na nagiging sanhi ng pamumula, pamamaga, at pananakit. Karaniwang sintomas ng sunburn ang mainit at namumulang balat, pananakit, at pangangati. Sa mas matinding kaso,
maaaring magkaroon ng paltos, pagbabalat ng balat, pagkahilo, panghihina, at pagduduwal. Ang sobrang UV radiation ay hindi lang nagdudulot ng sunburn kundi maaari ring humantong sa sakit sa balat tulad ng skin cancer. Kapag nasira ang DNA ng mga selula sa balat, maaaring mamatay ang mga ito at mapalitan ng bagong tissue, na bahagi ng natural na proseso
ng katawan upang gumaling.
Upang maiwasan ang sunburn, mahalagang gumamit ng sunscreen na may mataas na SPF at magsuot ng sombrero o damit na kayang protektahan ang balat mula sa araw. Iwasan din ang matinding sikat ng araw mula alas-diez ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, dahil ito ang oras na pinakamalakas ang UV radiation.
Kung magkaroon ng sunburn, maaaring ilagay ang malamig na basang tuwalya sa apektadong bahagi upang mabawasan ang hapdi. Maaari ring gumamit ng aloe vera gel o moisturizer upang matulungan ang balat na gumaling nang mas mabilis. Kapag madalas magkaroon ng sunburn, tumataas ang panganib ng pagkasira ng balat at pagkakaroon ng mga tumor na maaaring
mauwi sa skin cancer. Kaya mahalagang protektahan ang balat sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga at pag-iwas sa sobrang init ng araw. Ngayong tag-init, mainam na mag-enjoy sa bakasyon nang may tamang pag-iingat. Sa pamamagitan ng wastong proteksyon at pangangalaga sa balat, maiiwasan natin ang sunburn at iba pang sakit na dulot ng matinding init ng araw.
Galing sa DR. BAILEY SKIN CARE
isports 17 luntian
ni JOYLYN GRACE RAGAS
ni KEMUEL EBUETADA
GINTONG HAGIS
Uy, wagi ng gintong medalya sa javelin throw
Nangibabaw si Elvin Uy matapos ibinandera ang gintong medalya sa Yumbing National High School Intramurals, Nobyembre 16, 2024.
Rumatsada ang 17-anyos na si Uy mula sa grade 11, matapos ipinamalas ang kanyang angking galing sa paglalaro ng javelin throw nang kumamada ito ng 47.60 meters upang selyuhan ang laro at sungkitin ang gintong medalya. Sa pagsisimula pa lang ng boys javelin throw, ipinamalas na ni Uy ang kanyang mala-kidlat na paghagis upang makakuha ng ginto na may layong 47.60 metro dahilan upang tuldukan ni Uy ang laro. Nakatawid naman si John Benedick Babia, isang 17-anyos matapos ipinakita ang kanyang nag-iinit na kamay dahilan upang umabot sa layo na 44.8 metro at itarak ang pilak na medalya. Gayunpaman, nasa ikatlong pwesto naman si Sairuse Naybe ng grade 11 matapos lamunin ang tansong medalya ng umabot ito sa layo na 38.2 metro. Dumagondong ang tensyon sa loob ng paaralan ng magsigawan ang mga taga-suporta ng nasabing atleta dahilan upang mas naging ganado ang mga manlalaro. Ang nasabing mga nanalo ay parehong grade 11, na kumakatawan para sa darating na District Meet ngayong Disyembre 4,5 at 6. Samantala, ang nasabing si Uy ay kilala na noong siya ay elementary pa lamang dahil nanalo ito noong siya ay grade 6 pa at hanggang ngayon ito ay nilalaro pa din niya.
SIDEBAR
Nagningning si El-Arc Cabel, kinatawan ng Mambajao National High School (MNHS), nang makuha ang gintong medalya sa boys’ long jump noong Enero 30, 2024, sa Cong. PPR Sports Complex, Mambajao, Camiguin.
Ang 16-anyos na si Cabel, kinatawan ng Mambajao, ay ipinakita ang kanyang bagong taglay na lakas upang makuha ang gintong medalya. Sa kanyang pagtalon, napukaw niya ang damdamin ng lahat sa arena. Sa kabila ng matinding tensyon at euphoria ng kanyang mga kalaban, matagumpay niyang tinapos ang laro.
Tumala si Cabel ng kahanga-hangang 5.66 metro na nagbigay inspirasyon sa kanya habang naghahanda para sa susunod na Northern Mindanao Regional Athletic Association (NMRAA). Ayon kay Cabel, “Kailangan ko lang gumawa ng ilang adjustment para mapabuti ang aking performance sa susunod na kompetisyon.”
Samantala, nagpakitanggilas din ang maliit ngunit
mabilis na kinatawan ng Mambajao, si Duane Ace Nazarene Tunzo, na tumalon ng 5.52 metro at nakakuha ng tansong medalya. Hindi naman nakasama si Reth Alekhem Elepascua ng Sagay sa medal tally matapos mabigong makapasok sa top three.
Bagamat lahat ng kalahok ay nagpakitanggilas sa kanilang warm-ups, napanatili ni Cabel ang kanyang determinasyon na nagdala sa kanya sa tagumpay. Ang kanyang pagganap ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa Mambajao ngunit nagbigay din ng inspirasyon sa iba pang mga atleta.
Tinambad ni Kyle Babia ang kanyang maliliksing pagpitik ng sipa sa katawan ni Kim Rafael Concepcion matapos ibulsa ang 8-4,4-3 na tagumpay sa taekwondo Feather weight category (panlalaki) sa 2025 Palarong Panlalawigan noong Enero 30, 2025 sa Yumbing Covered Court.
Ipinamalas ng magkabilang mandirigma ang kanilang mga pasabog na side at front kicks na talagang nagpabigla sa mga manonood sa loob ng court. Sa huling rawn, ipinamalas ng 15-anyos na si Babia ang kanyang mala-gunting na ataki sa huling rawn na ginawang punching bag si Concepcion, ngunit, si Concepcion ay nagtatag ng two-point margin, 3-1. Pagkatapos, si Babia ay naghatid ng isang mapangwasak na sipa sa ulo ni Concepcion, na naging dahilan upang hindi siya makalaban, at nakuha ang pasaporte para sa tagumpay,4-3.
Nauna sa opening round, magkasunod na suntok at sipa ang ibinida ng dalawang mandirigma na talagang nagpahanga sa mga tao.
Ngunit, ibinandera ni Babia ang kanyang front kicks, na nagpawala sa konsentrasyon ni Concepcion sa dahilan upang magtuldok sa marka na 3-1. Nag-init ang momentum ni Babia nang maghatid ito ng isang reverse side kick para kunin ang unang upuan,5-2. Pagkatapos ay sinurpresa niya si Concepion ng dumadagundong na back kick na nagresulta sa 6-3 lead advantage. Gayunpaman, pinanatiling buo ni Babia ang kanyang sarili sa huling minuto sa unang round habang binigyan niya si Concepion ng dosis ng sarili niyang gamot na nagresulta sa 6-4 na kalamangan, si Babia pa rin ang Pagkatapos, ang walang pagod na si Babia ay nagtayo ng sarili niyang momentum, pinasabog si Concepcion ng isang parang bala ng solidong suntok sa ulo para sa tatlong puntos na margin, 7-4 pagkatapos ay sinundan naman niya ito sa kanyang signature axed kick at parang yelo na dumadaloy sa kanyang mga ugat at tinapos
“I’m so glad na nanalo ako, finally nagbunga ang hardwork ko sa training,” ani
SIPANG PANGKAMPEON. Di nagpadaig si Babia sa kanyang mataas na
ginanap sa Cong. PPR Sports Complex, Mambajao, Camiguin. Kuha ni EMMANUEL GORRES
ni ULLYZES BABIA
Tangkilikin natin sa kasalukuyan
ISPORTS KOLUM
ni ULLYZES BABIA
Hindi linggid sa ating kaalaman na maraming nakasanayan na nating mga laro sa Pilipinas na naging libangan at pampalipas oras ng karamihan, mapabata man o matanda ay nasisiyahan sa paglalaro dito.Kabilang na rito ang iba’t-ibang isports katulad na lamang ng mga board games na nagpapalinang at nagpapatalas sa memorya ng mga manlalaro.
Noon, sa bawat kalye’t mga lansangan ay makikita ang mga kabataang masayang naglalaro ng patintero, tumbang preso, habolhabulan, dampa at iba pang larong lahi at sa pamamagitan nito ay may nabubuong kooperasyon, pagtutulongan at pagkakaibigan. Sa panahon noong dekada 60 ay sikat pang nilalaro ng mga kabataan ang mga tradisyunal na laro ng Pilipinas hanggang sa paglipas ng panahon ay nasapawan na ito ng iba’t-ibang isports at unti nang lumiit ang bilang ng mga kabataang tumatangkilik ng mga larong tradisyunal sa kasalukuyang panahon. Nakababahalang isipin na sa modernong panahon ang pag-usbong ng teknolohiya at pagkasilang ng mga gadyets ay nagkaroon ng malaking epekto sa ating tradisyunal na laro, naglipanan ang mga video games at kung ano pang laro na makikita at makukuha sa internet na mas tinatangkilik ng mga kabataang Pilipino at napag-iwanan na ang ating mga larong lahi.
‘’
Bilang mga Pilipino, huwag nating hayaan na mabaon sa limot ang mga larong humubog sa ating kultura at naging bahagi ng ating pagkakakilanlan sa kabila ng pag-usbong ng teknolohiya at makabagong mga paraan ng libangan.
Gayunpaman, hindi ipinagbabawal ang paglalaro ng video games, ngunit hindi naman natin maipagkakailang may masama rin itong naidudulot sa ating kultura na maging ang ating mga tradisyunal na libangan ay hindi na natin napapansin at nabibigyan ng atensyun dahil mas nagiging interesado tayo sa mga video games. Naging marahas rin ang mga kabataan ngayun dahil sa impluwensiya ng paglalaro ng video games, imbes na lumabas ng bahay at makipaghalubilo sa kapwa niya bata at magkaroon ng maraming kaibigan ay mas pinipili na nilang manatili sa loob ng bahay at maglaro ng video games at naging dahilan sa problemang pangkalusugan ang sobrang paglalaro.
Upang maiwasan ang ganitong mga insidenti at maibalik ang pagkakahumaling natin sa mga tradisyunal na larong Pinoy ay kinakailangang isaalang-alang ang mga susunod na suhestiyon.
Una, kinakailangang hikayatin natin ang mga kabataan sa makabagong henerasyon na matutong laruin ang mga tradisyunal na laro at ipaintindi sa kanila ang kahalagahan ng mga ito sa ating kultura, bilang mga magulang kinakailangang ipaalam sa mga kabataan ang importansya ng paglalaro nito lalo na sa mga kabutihang asal na makukuha nila sa pamamagitan ng paglalaro nito at pakikipaghalubilo sa kapwa.
Pangalawa, hayaang makilahok ang mga kabataan sa mga programang nagsusulong sa tradisyunal na libangan ng Pilipinas upang patuloy nating tangkilikin ang mga luma at masasayang laro at hindi na lamang ito isantabi dahil mahahasa nito ang ating kakayahan at nakapaglalabong ng magandang relasyon sa isa’t-isa.
Pangatlo at higit sa lahat, bilang mga Pilipino huwag nating hayaan na mabaon na lamang sa limot ang mga larong humubog sa ating kultura at naging parte ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pinoy sakabila ng pag-usbong ng mga teknolohiya at paglipanan ng mga makabagong libangan ay hindi parin natin kakalimutan ang pinaka-puso nating mga Pilipino. Samantala, ang tradisyunal na laro ng Pilipinas sa sipa o sepak takraw ay naging tanyag na sa Asya at kinikilala na sa buong mundo.Kaya’t hindi lang sa Pilipinas ito tinatangkilik kundi maging sa ibang bansa at naging instrumento sa pagkakaisa, pagkakaibigan at kapayapaan. Napatunayan na ang mga larong Pinoy ay isa sa mga larong tinitingala hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging sa ibang bansa, ang pagkilala at pagpapanatili ng tradisyunal na larong Pinoy ay maituturing na yaman ng ating kultura, palawigin,tangkilikin at isasabuhay mapahanggang sa kasalukuyan.
2025, dala ang pag-asang mailalaban ang bandera ng Camiguin.
Ngunit sa harap ng matitinding kalaban mula sa buong Northern Mindanao, nagtapos siya sa ikalimang pwesto. Hindi man umabot sa podium, hindi nabigo si Chavez—bagkus, mas ginanahan siyang bumalik sa training para paghandaan ang susunod na laban.
“Mas gusto ko na ngayong higitan ang sarili ko,” sambit niya. “Gusto ko na talagang maabot
KINIPIL
‘yung 3.00 meters.”
Muling sinubukan ni Chavez ang 3.00m sa huling bahagi ng provincial meet—hindi man niya ito nalampasan, malinaw ang mensahe: hindi siya titigil. Habang unti-unti niyang binubuo ang kanyang lakas, taas, at tapang para sa NMRAA 2026, dahan-dahan ding bumubukas ang mas malawak na daigdig— isang daigdig na siya mismo ang tinatalun-talonan patungo.
MVC, patuloy na nagpapanday ng batang manlalaro ng volleyball
ni NIÑA JASHE CAGAS
Patuloy na hinuhubog ng Mambajao Volleyball Club (MVC) ang kasanayan at emosyonal na potensyal ng mga batang manlalaro sa pamamagitan ng regular na pagsasanay at kompetisyon.
ILISTA MO NA KAY REALISTA
Realista, dinaig si Valdehueza sa bilyar, 4-3
ni ULLYZES BABIA
Nakuha naman ng tambalang
Kristine Balbutin at Richard Cablay mula sa Yumbing National High School, Mambajao delegation ang pangalawang puwesto sa pagbibigay ng hypnotizing techniques at highlights, habang ang duo naman na sina Kent Zedrick Linao at Charelle Anne Nanol mula sa Catarman delegation ay nasungkit ang ikatlong puwesto sa kanilang kahanga-hangang performance at skill mastery.
Gayunpaman, dinomina ni LucagboJubay duo ang Juvenile standard dicipline, Juvenile Latin American kabilang na dito ang waltz, tango, foxtrot at quickstep, kasunod nito ay ang samba, cha-cha, rumba at jive.
“Patience, discipline and determination are the ingredients of success”ani ni Michael Velez kots ng YNHS.
Sa pumipintig na unang sayaw, nagsimulang mainit ang Lucagbo-Jubay tandem sa pagpapakita ng makapigilhiningang koreograpiya at magagandang galaw na talagang ikinamangha ng mga tao.
Ang umuungal na kanta ay maririnig habang ang mga agresibong mag-duo ay nag-aapoy sa paglalantad ng kanilang mga makapanindig- balahibong at nakakaantig na galaw ng pag sayaw, na nag-aapoy sa pag-indayog ng kanilang mga momentum. Mula sa kilig at kasabikan, ipinagpalit ng lahat ng mga tandem ang mahusay na footwork at mga overpowered projection na nagpasindak sa mga manonood. Isa itong bagong ballgame sa second heat habang ang nangungunang tatlong hindi mauubos na pares ay nagpakita ng kanilang abracadabra facial expressions at mapanlinlang na galaw ng kamay na nagpakilabot sa mga manood. Gayunpaman, ang walang humpay na partnership ng YNHS ay naging sentro ng atraksyon sa pagpapalabas ng mga kamangha-manghang highlight na nagpasigla sa adrenaline ng isa pang duo. Ipinakita ng mag-duo ng YNHS ang kanilang signature movements at footwork sa paglalantad ng mga hallucinating body expression bilang kanilang tiket para makuha ang tagumpay.
Samantala, patuloy parin ang ensayo ng tambalang Lucagbo at Jubay para sa darating na Northern Mindanao Regional Athletic Association (NMRAA) ngayong Marso 26 papuntang 29.
Gumamit ng
Nagpakawala ng mga safety move ang 15 taong gulang na si Realista sa krusyal na ikapitong rak at inihulog ang huling tatlong bola sa istilo, 7, 8 at 9 para sa tagumpay.
“Talagang pinag-iingatan ko ang bawat plano na aking gagawin.Masaya kong pinaglaruan ang laban at masaya ako sa tagumpay na aking nakamit,” sabi ni Realista pagkatapos ng laban.
Nagpakawala agad ng break si Valdehueza sa simula ng laro, itinapon ang 4 at 7 na kombinasyon ng colored
NAGDIDILAAB NA HAMPAS.. Panalo sa larong badminton si Kahano noong District meet tournament sa Mambajao Central School Gym noong Disyembre 6, 2024.
VENICE SOFIA BERNARDO
ball at binulsa ang nagwaging bola na 9 upang isara ang pambungad na rack.
Nagkaroon ng isa pang break si Valdehueza para sa ikalawang rak ngunit napakamot ang cue ball na nagbibigay ng pagkakataon sa kanyang kaaway.
Ngayo’y inilagay ni Realista sa side pocket ang apat na colored ball at ang naka pagwaging nine-ball shot sa ikaapat na rack upang gapusin ang iskor matapos makapagtala ng bola ang bawat isa.
Nagningning na parang tala si Realista, inihatid sa mga butas ang lahat ng mga may kulay na bola at inukit ang isa pang iskor, 2-1. Nakakuha muli ng pagtuon si Valdehueza matapos makagawa ng scratch si Realista, ginawang kapanapanabik ang laro, 2-2. Nagrehistro din si Valdehueza ng isa pang puntos gamit ang kanyang tumpak na tama sa isang 4/9 na kombinasyon upang masundan ang kanyang kaaway ng isa, 3-2.
Gayunpaman, si Realista ay nakakita ng bagong sandata sa pang-anim na banda pagkatapos ng scratch ni Valdehueza at inilibing sa mga bulsa ang lahat ng mga colored ball at ang matagumpay na nine-ball sa huli at tinapos ang laban.
“Masaya kong nilaro ang ginawang patimpalak , ito ay isang magandang bagay , patuloy nating pinahahasa ang ating mga kasanayan”,ayon sa 16 taong gulang na si Valdehueza.
MAMBAJAO DISTRICT MEET
YNHS, pinayuko ang MNHS sa badminton finals
ni ULLYZES BABIA
Namayagpag si Jhon Rushchian Kahano matapos pataobin si Prince Mcckently Abao 2-0 (18-9,31-18) sa boys singles finals badminton district meet tournament sa Mambajao Central Gym noong Disyembre 6,2024.
Nagningning ang 17-anyos na si Kahano matapos naghatid ito ng makapigil-hiningang smashes na nagpangitngit sa kanyang kalaban sa huling laro.
Gayunpaman, tumugon si Abao ng Mambajao National High School (MNHS) ng malalakas na hampas, ngunit hindi nagpadaig si Kahano at
mga safety move ang cue artist na si Ashley Nicole Realista laban kay Christine Valdehueza, 4-3 upang makuha ang best-of-seven nine-ball billiard sa District Meet na ginanap sa Yumbing National High School, Disyembre 5, 2024.
MAMBAJAO DISTRICT MEET
LUSOT SA BANGA. Labing-limang taong gulang na si Ashley Nicole Realista ay nagpakita ng kanyang galing at dinaig ang kanyang kalaban sa larong
ALLADIN GALING SA P20
YNHS DUO GALING SA P20
3-2
PINK DRAGONS V. BLUE RHINOS
SET SCORES
20-25, 22-25, 25-21, 25-23, 19-17
Pink Dragons, wagi ng ginto sa 2024 Volleyball Intramurals
Nahulog sa bigating kamay ang Blue Rhinos matapos silang pasiklaban ng Pink Dragons upang masungkit nila ang gintong medalya, 3-2 noong Nobyembre 16, 2024.
Namayagpag ang Pink Dragons matapos pataobin nila ang Blue Rhinos sa 2024 Yumbing National High School (YNHS) Intramurals, 20-25, 22-25, 25-21, 25-23, 19-17, galing sa sweet camefrom-behind win na ginanap sa loob ng Yumbing National High School, Yumbing Mambajao Camiguin. Pinanghugutan ng lakas ng Pink Dragons (Grade 11) na si Marky Torres matapos magpinta ito ng 18 puntos mula sa 13 ataki, tatlong harang at dalawang serbisyong alas, dinugtungan naman ng kanyang dalawang kasamahan na si Roxcy Sombrio at Daniel Bongosia na may kabuuang 30 puntos, 20 ataki, siyam na harang at isang serbisyong alas. Sa panglima at huling set, tuluyan na ng tinambakan ng Pink Dragons ang Blue Rhinos matapos paulanan ito ng naglalagablab na ispayk ni Torres na
KOMUNIDAD
nagpangitngit sa Blue Rhinos.
Sinubukang humabol ng Blue Rhinos subalit bigo pa rin sila dahil sa mga tuloytuloy na atake na ginawa ng Pink Dragons na gumiba sa ginawang depensa ng Blue Rhinos na sinabayan pa ng mala-bulalakaw na service aces dahilan upang lamunin ng Pink Dragons ang laro, 19-17. Sa kabilang banda naman, nangunguna naman si Michael Sagario ng Blue Rhinos (Grade 10) matapos nagmarka sa 17 puntos, mula sa 13 ataki, isang blocks at tatlong aces, sumunod naman sa kanya si Riyan Jay Sombrio na may 14 puntos, sampung ataki, dalawang blocks at dalawang service aces.
Nagmatigasan ang dalawang koponan sa pangalawang set na tila nais nang makopo ang tagumpay subalit mas nangibabaw ang Pink Dragons ng
magpakawala ito ng mga nakalilitong ispayk ang tambalang si Sombrio-Torres at nagtuldok sa iskor na, 25-23. Sa pagsisimula pa lang ng pangatlong set, humanap kaagad ng tiyempo si Torres upang kumawala sa pagtambal ng kanilang marka at nagpasiklab ng mala-kidlat na hampas na nagpalito sa Blue Rhinos, nagtuldok sa marka na, 25-21. Agresibong binuksan ng dalawang koponan ang pangalawang set, gustong maka-usad ng Blue Rhinos kaya nagpasiklab ito ng dalawang mala-kometang ispayk upang magtuldok sa marka na, 22-25. Naging mainit ang simula ng kanilang pagtutuos, unang bumitaw si Sombrio ng isang nakaka-antig na hampas na nagpawala sa konsentrasyon ng Pink Dragons, at nagtuldok sa marka na, 20-25.
DepEd Camiguin, paiigtingin ang Sports Guidelines
Upang masiguro ang maayos at matagumpay na Palarong Panlalawigan ngayong taon, paiigtingin ng Department of EducationCamiguin ang sports guidelines.
Ayon kay Dr. Arnel
Maestrado, Education Program Supervisor at sports coordinator ng dibisyon, susundin ng mga darating na aktibidad ang Sports Manual mula sa
Central Office at NMRAA. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-unawa ng mga coach at opisyal sa mga patakaran upang maiwasan ang problema sa mga dokumento.
BAGSIK NG DRAGON. Nagtagumpay ang Pink Dragons sa larong volleyball noong YNHS Intramurals, Nobyembre 16, 2024. Sa kanilang lakas at determinasyon ay naging matagumpay ang kanilang misyon. Kuha ni ANDREA LLANASA
XU hinagupit ang host team Mambajao sa basketball
ni ULLYZES BABIA
nagpamalas ng malakidlat na hampas , 31-18 kung saan nanalo si Kahano sa semi’s. “Nalipay ko kay ni daog”,ani ni Kahano sa isang panayam. Sa unang laro, maraming net errors ang nagawa ni Kahano, ngunit hindi ito ang dahilan upang matalo si Kahano at inilunsad ang kanyang mapanlinlang na pag-atake at mga naglalagablab na smash. Gayunpaman, sinubukan ni Abao na tumugon sa murang pag-atake ng backhand, ngunit nagantihan ito ng mga cross-court shot ni Kahano.
Tinapos ni Kahano ang unang laro, nang nagpadala siya ng mga sunod-sunod na smashes, na nagpabuntong-hininga ang kanyang kalaban habang sinisigurado ang panalo, 18-9. Sa simula ng laro, mapapansin na si Kahano ay nagkaroon na ng pabor na manalo dahil sa kanyang mga atake dahilan upang mawala sa konsentrasyon si Abao. Samantala ang nasabing si Kahano ay nanalo ng pilak na medalya sa ginanap na Provincial Meet noong nakaraang taon.
Samantala, sinabi ni Gina C. Cubillas, punongguro ng Yumbing NHS, na layunin niyang magbigay ng sapat na kagamitan at palakasin ang community linkage para sa mga atleta.
INUTAKAN, HINDI INURUNGAN. Ginamitan ni King Alfred Anadon ang talas ng kanyang pag-iisip sa bawat hakbang na kanyang ginawa sa larong chess upang mapaatras niya ang kanyang kalaban noong YNHS Intramural 2024, Nobyembre 16, 2024.Kuha ni EMMANUEL GORRES
Nilampaso ng Xavier University (XU) ang host team na LGU-Mambajao sa kanilang sariling teritoryo matapos silang talunin sa eksibisyong laro sa Mambajao ABC Gymnasium noong Setyembre 9, 2024, sa iskor na 94-83.
Pinangunahan ng Power Forward ng Xavier na si Franz Gabriel Abian ang laro sa pamamagitan ng nakakamanghang 32 puntos, dalawang assists, at anim na rebounds, dumagdag naman ng lakas si Peter Lapiz na nagambag ng 23 puntos, apat na assists, at tatlong rebounds. Sa pang-apat at huling yugto, tuluyan na ng nilamon ng Xavier ang laro matapos ang sunod-sunod na dalawang tres na sinundan pa ng isang lay-up na nagbigay daan upang makopo ang laro, 94-83. Ipinasikat ni Abian ang kanyang nakakamanghang lay-up na tila bang lumilipad sa ere na siyang nagpalobo ng kanilang iskor. Agad pa itong sinundan ng magkadugtong na tres upang tuluyang maipako sa 94-83 para sa huling yugto. Animo’y sasakyan na nabigyan ng gasolina ang Mambajao sa pangatlong yugto. Bumawi sila at nagambagan ng puntos upang mapaangat ang kanilang
Disyembre 6, 2024. Kuha ni JAMES PHIL ALCARAS
koponan. At unti-unting nababawasan ang kalamangan ng XU sa marka na, 81-73. Sa kabilang banda naman, 24 puntos, tatlong assists at apat na rebounds naman ang ipinaskil ng 16-anyos na apit kanan ng Mambajao na si Dece Manoza subalit nalugmok rin sila sa rami ng kanilang mga pagkakamali na siyang nagpalobo ng marka sa kabila. Sa pangalawang yugto, untiunting nawalan ng pag- asa ang Mambajao matapos ang sunod-sunod na dalawang tres na nagpalobo sa kalamangan ng XU na nagtapos sa nasabing yugto, 55-43.
Sa unang yugto, pinalasap ng bawat koponan ang hagupit ng kani-kanilang opensa, ngunit mas namayagpag ang XU ng ipinalasap nito ang sunod na lay-up at tatlong tres na nag-uwi sa marka na, 28-If. “Maraming salamat sa sumusuporta sa amin, at higit sa lahat ang Dios” ani ni Abian.
PUNTOS 6 REBOUNDS 2 ASSIST
Pagpapakita ng epikong diskarte, natalo ni King Alfred Anadon si Renzo Tajale ,3-0 sa 2024 Intramurals chess championship sa YNHS Ground, Yumbing Mambajao Camiguin, Nobyembre 16, 2024
Nagtapos ang laro ng ipinamalas ni Anadon ang kanyang killer strategy na nalampasan si Tajale, kaya si Anadon ang nagwagi sa laro. “Nag training ko kaayu kay gi pressure ko sa akong coach” ani ni Anadon. Nanalo si Anadon sa unang laro sa 55 galaw gamit ang baliktad na Sveshnikov na pambungad.
Sa ikalawang laro, pinasok ni Anadon ang isa pang Sveshnikov. Tulad ng huling klasikal na laro, ni-ruta niya ang kanyang kabalyero sa e7 at g6. Natuloy ang aksyon nang itulak ni Tajale ang c-pawn, na inagaw ni Anadon bago ang promosyon. Nag-sakripisyo si Anadon ng piyesa, ngunit nakuha ang kontrol sa light squares, na iniwang uncoordinated ang white.
Sa ikatlo at huling laro, sinubukan ni Tajale ang isang bagong pagbubukas, ang Kan Sicilian. Si Anadon naman ay
nagpunta para sa isang Maroczy Blind Structure. Ang challenger na kailangang manalo, ay hindi makagawa ng maraming counterplay. Ang pagtatapos ng knight-for-bishop ay nagpatagal sa laro. Ngunit sa huli ay nakuha ni Anadon ang mas mahusay na mga pagkakataon at mas mabilis na mga pawn, tulad ng madalas niyang ginagawa. “Okey ra mapildi, naa pa man pud next time”pahayag ni Tajale ang natalo.
170TH MAMBAJAO FIESTA CELEBRATION
SIDEBAR
NAGDIDILAAB NA HAMPAS. Panalo sa larong badminton si Kahano noong District meet tournament sa Mambajao Central School Gym noong
Franz Gabriel Abian Statistics
Anadon, inutakan si Tajale sa chess
ni JOYLYN GRACE RAGAS
ni NIÑA JASHE CAGAS
ni ULLYZES BABIA
ALLADIN
TINGNAN SA LOOB
Uy, wagi ng gintong medalya sa javelin throw Nangibabaw si Elvin Uy matapos ibinandera ang gintong medalya sa Yumbing National High School Intramurals, Nobyembre 16, 2024.
Bagong pole vault icon ng Camiguin, target ang ginto sa NMRAA 2026 matapos ang historic na athletic season
TALON. Aldin Chavez ng Guinsiliban National High School, matagumpay na tinalon ang 2.75 metro upang masungkit ang gintong medalya sa Men’s Pole Vault sa Palarong Panlalawigan 2025. Kuha ni EMMANUEL GORRES
ni KEMUEL EBUETADA
Mula sa simpleng pagtalon hanggang sa pangarap na lampas tatlong metro, binubuo ni Alladin V. Chavez ang sarili niyang daan patungo sa bagong mundo.
Sa unang taon pa lang ni Alladin Chavez, agad siyang kumamada ng ginto sa Palarong Pampook 2024.
Para kay Alladin V. Chavez, ang bawat lundag sa pole at sinubok sa NMRAA 2025, isang malinaw na landas na School. Pero hindi doon natapos ang kwento. Sa Palarong Panlalawigan 2025 na ginanap sa Cong. PPR Sports Complex, itinaas ni Chavez ang antas ng kumpetisyon matapos niyang malampasan ang rekord na 2.70m ni John Ryan Salabit— tumalon siya ng 2.75m at agad tinanghal na kampeon. “Walang katumbas ang training namin,” ani Chavez. “Kahit kulang kami sa gamit, ginawan pa rin namin ng paraan. Sipag at determinasyon lang talaga ang puhunan.” Ang gintong medalya sa lalawigan ang nagtulak sa kanya patungong NMRAA
ALLADIN SA P18
YNHS duo, hinataw ang ginto sa modern standard dancesports
ANDREA LLANASA
Musika at ritmo, sayaw sa perpektong tiyempo.
Muling nagpakita ng halaga ang power duo ng Yumbing National High School na sina Quennie Lucagbo at Anecito Jubay matapos inilunsad ang kanilang mapang-akit na performance sa Dancesports Competition, Palarong Panlalawigan.
KOMUNIDAD
NIGHT, NIGHT! Mambajao, ginulantang ang Sagay sa sepak
Parang “Night, Night!” ni Stephen Curry, pinatulog ng Mambajao ang Sagay sa Sepak Takraw sa kanilang sunod-sunod na ispayk at harang na nagdala sa kanila ng matamis na tagumpay.
LAKAS SA PAGSIPA. Sa bawat sipa at galaw, ipinakita ng Mambajao na hindi sila padadaig sa Sagay. Dahil sa kanilang lakas at determinasyon sila ay nagwagi. Kuha ni EMMANUEL GORRES
Mga nakakabilib na ispayk ang ibinida ng Mambajao upang mapataob ang Sagay sa Sepak Takraw, 2-0 noong, Enero 30, 2025. Nagtagumpayang gapiin ng Mambajao ang Sagay sa 2025 Palarong Panlalawigan, Men’s Regu, 15-7, 15-6, na ginanap sa loob ng Mambajao National High School, Mambajao Camiguin. Pinanghugutan ng lakas ng Mambajao ang 16- anyos at 5’11” sa tangkad na si Khian Jay Bacor ng puminta siya ng 13 puntos at tatlong harang, ang spiker ng Mambajao, at inambagan naman sa kasamahan niyang tekong na si Jonmar Banaag na nagtala ng pitong puntos.
“Masayang-masaya ako dahil nanalo ang aming koponan at dahil sa teamwork din”, ani ni Bacor sa panayam. Dumagondong ang tensyon sa loob ng court sapagkat nagpalitan ito ng mga naglalagablab na ispayk dahilan upang maging mainit ang kanilang pagtutuos. Nagpalitan sila ng maiinit na sunspike na nagpasigaw sa kanilang mga tagasuporta. Nagpakawala ng di-malirip na cartwheel serve ang Sagay, ngunit matatag ang depensa ng Mambajao at napanatili nitong buhay ang bola. Umarangkada ito at sunod-sunod na nagpaulan ng nakapangingilabot
na sunspike hanggang maselyuhan ang panalo sa iskor na 15–6. Isang mala-bisekletang sunspike mula kay Bacor ang nagsilbing pamatay-sindihan sa laro. Sa kabila nito, nanguna si Rey Mark Abdala ng Sagay na may siyam na puntos at isang harang, habang tatlong puntos naman ang naiambag ni Geoffrey Remadavia. “Siguro kulang pa ang ensayo namin at kailangan namin mag pursige sa susunod na Palarong Panlalawigan”, ani ni Abdala sa panayam.