The Varsitarian P.Y. 2016-2017 Issue 01

Page 4

4 Opinyon

IKA-30 NG AGOSTO, 2016

Editoryal

Paghimlay ni Marcos, malaking insulto sa bayan at bayani ANG PAGHIMLAY sa katawan ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) ay pagbubunyi ng kaniyang alaala at malaking insulto sa sambayanan na nagpatalsik sa kaniya noong 1986. Noong ika-10 ng Agosto, pormal nang ipinagutos ni Pangulong Duterte sa Hukbong Katihan ng Pilipinas na ihanda ang lahat ng pangangailangan para sa libing na may “military honors” na igagawad sa yumaong Pangulo. Kasama na rito ang paglilipat ng kaniyang katawan mula sa kasalukuyan nitong himlayan sa Batac, Ilocos Norte—ang kaniyang sinilangangbayan—tungo sa pambansang sementeryo sa Taguig. Bagaman marami ang nadismaya, ipinagtanggol ni Duterte ang kaniyang desisyon at sinabing sinusunod lamang niya ang nakasaad sa Republic Act (RA) 289 na naglalaan ng isang panteon o shrine para sa mga labi ng mga nagsilbing pangulo sa LNMB. Ayon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, huling hantungan ang LNMB ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang mga buhay para bayan, gaya ng mga beterano noong mga pandaigdigang digmaan. Kabilang rin ang mga aktibo at retiradong sundalo, mga pangulo, mga chief of staff ng Hukbong Sandatahan, mga kalihim ng Tanggulang Pambansa, mga awardee ng Medalaya ng Kagitingan, at mga Pambansang Alagad ng Sining at Agham sa listahan ng mga maaaring ilibing sa LNMB. Kung batas lamang ang magiging batayan, legal ang paglibing kay Marcos sa 103-ektaryang sementeryo. Ito rin ang katuwiran ni Duterte na piniling kaligtaan ang pagpapatunay ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na palsipikado ang ilang mga medalya at tala ni Marcos sa kaniyang karera sa militar. Ani Duterte, ang paglibing kay Marcos sa LNMB ay bilang pangulo at sundalo; hindi bilang bayani. Subalit mahirap paghiwa-hiwalayin ang katauhan ng maniniil na nagpasailalim sa bansa sa isang madilim na yugto ng kasaysayan nito. Ayon sa RA 289, tampok ang mga nakahimlay sa LNMB upang magsilbing “inspirasiyon” sa mga susunod na henerasyon. Kung gayon, tila isang insulto sa kasaysayan at sa alaala ng lahat ng mga biktima ng Batas-Militar ang panukalang ilibing si Marcos sa LNMB. Editoryal PAHINA 5

ITINATAG NOONG ENERO 16, 1928 KATHRYN JEDI V. BAYLON Punong Patnugot BERNADETTE A. PAMINTUAN Tagapamahalang Patnugot DARYL ANGELO P. BAYBADO Katuwang na Patnugot ALHEX ADREA M. PERALTA Patnugot ng Balita PAUL XAVIER JAEHWA C. BERNARDO Patnugot ng Online DELFIN RAY M. DIOQUINO Patnugot ng Palakasan LEA MAT P. VICENCIO Patnugot ng Natatanging Ulat MARIA CORAZON A. INAY Patnugot ng Tampok JOHN GABRIEL M. AGCAOILI Patnugot ng Pintig AMIERIELLE ANNE A. BULAN Patnugot ng Mulinyo KIRSTEN M. JAMILLA Direktor ng Dibuho ALVIN JOSEPH KASIBAN Hepe ng Potograpiya Balita Mia Arra C. Camacho, Hannah Rhocellhynnia H. Cruz, Christian de Lano M. Deiparine, Roy Abrahmn D.R. Narra, Theodore Jason Patrick K. Ortiz, Maria Crisanta M. Paloma Palakasan Jan Carlo Anolin, Carlo A. Casingcasing, Philip Martin L. Matel, Randell Angelo B. Ritumalta, Ivan Ruiz L. Suing Natatanging Ulat Ma. Angela Christa Coloma, John Paul P. Corpuz, Ma. Consuelo D.P. Marquez, Neil Jayson N. Servallos Tampok Daniella T. Cobarde, Ma. Czarina A. Fernandez, Alyssa Carmina A. Gonzales Panitikan Nikko Miguel M. Garcia, Cedric Allen P. Sta. Cruz Filipino Jolau V. Ocampo, Winona S. Sadia Pintig Sigrid B. Garcia Agham at Teknolohiya Karl Ben L. Arlegui, Dan Albert D. Besinal, Edris Dominic C. Pua, Julius Roman M. Tolop Mulinyo Klimier Nicole B. Adriano, Audrie Julienne D. Bernas, Chelsey Mei Nadine B. Brazal Dibuho Chinny Mae F. Basinang, Shaina Mae L. Santander Photography Deejae S. Dumlao, Miah Terrenz Provido, Maria Charisse Ann G. Refuerzo, Ma. Alyssa Adrienne T. Samonte, Jamillah N. Sta. Rosa IMELDA DE CASTRO JOSELITO DELOS REYES CHUCKBERRY PASCUAL Piling Panauhing Patnugot FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA Tagapayo

Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/ kontribusyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced, at nakalagay sa bond paper, kalakip ang sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala ang kontribusyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center Bldg., University of Santo Tomas, España, Maynila.

Pagbalik ng parusang kamatayan, tutulan NAKABABAHALA ang umiigting na usapin tungkol sa pagbabalik ng kaparusahang kamatayan – patunay rito ang kaunaunahang panukalang batas na inihain sa pagbubukas ng ika-17 na Kongreso ng Republika ng Pilipinas. Batay sa may akda ng House Bill No. 1 na sina Fredenil Castro, kinatawan ng Capiz, at Pantaleon “Bebot” Alvarez, puno ng mababang kapulungan at kinatawan ng Davao del Norte, ang pagbabalik sa pagpataw ng parusang kamatayan ay sadyang kinakailangan, diumano, dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagiging biktima ng karumal-dumal na krimen at lumalalang bilang ng mga gumagamit at nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa. Ayon pa sa nabanggit na panukalang batas, wala nang natitirang paraan ang pamahalaan kundi parusahan ang mga may sala base sa bigat, kasamaan at

Ang kinakailangan ay mas mapagkakatiwalaang sistema ng katarungan at mahigpit na pagpapatupad ng batas. pagkarimarim ng kanilang mga nagawang krimen. Nararapat lamang na masusing isaalang-alang ng mga kinatawang nabanggit ang marami pang natitirang paraang mas makataong paghatol sa mga nasasakdal bukod sa kamatayan. Kinakailangang makamit ang karampatang patas na hustisya sa bawat panig. Ito ay isang indikasyon na nais nilang madaliin ang proseso ng paglilinis ng karumihang nangyayari sa bansa nang hindi matalinong iniisip na may sinasagasaan na silang karapatang-

pantao. Ang kinakailangan ay mas mapagkakatiwalaang sistema ng katarungan at mahigpit na pagpapatupad ng batas. Higit kong nanaisin na tumagal ang proseso ng pagbalangkas ng batas patungkol sa karumaldumal na krimen kung ang resulta nito ay ang tama at balanseng timbangan ng hustisya, kaysa sa agarang pagsulong at pagresolba kung ang kahihinatnan naman ay paglabag sa nalalabing karapatan ng buhay. Kung maisapapasa

ang death penalty, paano makasisiguro ang gobyerno na tama ang pagpapataw ng desisyon nito laban sa mga nasasakdal at walang inosente ang mabibiktima ng inhustisya? Sa naturang panukalang batas, kabilang ang paggamit ng ilegal na droga sa listahan ng mga heinous crimes na nakasulat sa Republic Act 7659 na maaaring mahatulan ng kaparusahang kamatayan. Sa kasalukuyan, tinatayang mayroon pang 120,000 na kasong may kinalaman sa droga ang nakabinbin sa mahigit 700 na korte sa buong bansa. Ang numerong ito ay patungkol pa lamang sa kaso ng droga, paano pa kaya kung idadamay ang bilang ng mga nagkasala ng pagpatay, paggahasa, pandarambong at iba pa na maaaring mapatawan ng parusang kamatayan? Ganoon na lamang ba kadali sa estado ang kitilin ang buhay ng isang nagkamali?

Gamit at abuso ng ‘citizen journalism’ KAAKIBAT ng pagyabong ng iba’t ibang social media outlets ay ang pag-usbong ng samo’t saring plataporma ng pamamahayag. Maraming ordinaryong mamamayan ang nagkaroon ng kanikaniyang blogs, podcasts, websites, channels sa Youtube o mga pahina sa Facebook na nagsisilbing daan para sa pagpapakalat ng mga balita. Ang dating pawang mga konsyumer lamang ng balita ay siyang mga lumilikha na rin nito ngayon. Sa pamamagitan ng Internet, naging posible ang Web Journalism o Citizen Journalism – ang aktibong paglahok ng mga pribadong indibiduwal sa pagkalap at pagpapalaganap ng mga impormasyon. Tila nagkaroon ng panibagong anyo ang peryodismo sa pagsilang ng makabagong henerasyon ng mga manunulat at mamamahayag. Patunay rito ang ilang mga programang nagbibigay pagkakataon sa mga ordinaryong mamamayan na maging isang parang lehitimong mamamahayag gaya ng “Bayan Mo I-patrol Mo” ng ABS-CBN News and Current Affairs at ang “YouScoop” ng GMA News and Public Affairs. Nang dahil sa mga ito, naging epektibo ang citizen journalism sa pag-uulat ng mas

Walang kasiguraduhan kung ang lahat ba ng citizen journalists ay pinanghahawakan ang parehong mga prinsipyo ng mga regular na mamamahayag. komprehensibong balita. Isa sa mga sikat na citizen journalists ay si Margaux “Mocha” Uson, ang lider ng sing-and-dance group na Mocha Girls. Matatandaang ang lahat ay namangha nang mabigyan si Uson ng eksklusibong panayam kasama si Presidente Duterte noong ika-27 ng Hunyo. Umani si Uson ng halos apat na milyong tagasunod sa kaniyang pahina sa Facebook na “Mocha Uson blog.” Naniniwala ang kaniyang mga tagasuporta na si Uson ang tunay at hinaharap ng midya. Sinuportahan ni Uson ang tawag ni Duterte sa media boycott sa loob ng anim na taong panunungkulan bilang pangulo. Ayon sa mga inilalathala ni Uson, hindi mapagkakatiwalaan ang media dahil mayroon itong kinikilingan. Iginiit ni Uson

na ang Facebook lamang ang tunay na mapagkukunan ng mapagkakatiwalaang balita. Habang mayroong mga pahina na nakakapagbigay ng mapagkakatiwalaang impormasyon, nararapat lamang na suriin muna nang mabuti ng mga Pilipino ang mga pinagkukunan nila ng impormasyon bago maniwala sa mga ito. Binigyan ng Internet ng biyaya ang peryodismo dahil sa labis na pagdaloy ng impormasyon, ngunit sadyang ito rin ang naging problema. Sa panahon ngayon, halos lahat ay kayang magtamo ng Internet access at mayroon nang kakayahang maglathala ng balita online, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maaari na silang tawaging mga lehitimong manunulat at mamamahayag. Nararapat na tandaan ng publiko na hindi lahat ng balitang nababasa online ay

mayroong kredibilidad at sapat na batayan lalo na kung hindi galing sa mga kilala at pinagkakatiwalaang media outlets. Nang dahil nga sa hightechnology na mga kagamitan, minsan ay mahirap nang makilala ang kaibahan ng mga balitang likha ng mga “citizen journalists” mula sa balitang nanggagaling sa professional reporters, kaya importante ang pagiging kritikal ng mga mambabasa. Walang kasiguraduhan kung ang lahat ba ng citizen journalists ay pinanghahawakan ang parehong mga prinsipyo at sinusunod ang etika ng mga regular na mamamahayag. Ang iba sa kanila, maaaring pinagsisilbihan lamang ang mga sariling interes. Kadalasan ay batay lamang sa opinyon ang inilalathala ng mga ito. Iba pa rin ang pagkuha ng impormasyon mula sa kinaugaliang media outlets kaysa sa mga nakikita o nababasa natin online na nanggaling sa kung kani-kanino lamang. Bilang isang journalism junior, masasabi ko na iba pa rin ang pagsasanay na nakuha ng mga lehitimong mamamahayag kaysa sa mga citizen journalists. Iba pa rin ang karanasan ng mga regular Lionheart PAHINA 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Varsitarian P.Y. 2016-2017 Issue 01 by The Varsitarian - Issuu