IKA-29 NG MARSO, 2017
Filipino 9
‘Saling-awit’ at ang kultura ng pagsasalin sa Filipinas Nina JOLAU V. OCAMPO at WINONA S. SADIA NANANATILING buhay ang mga tradisiyonal na tula at awitin sa pamamagitan ng pagsasalin. Para kay Michael Coroza, tagapangulo ng Filipinas Institute of Translation, Inc., paraan ng pagpapaunawa ng kaisipan sa ibang tao ang pagsasalin, partikular na ng mga luma ngunit makabuluhang mga awitin. “Lagi naman tayong nagsasalin. Iyong ginagawa natin araw-araw na pakikipag-usap sa ibang tao at nagsisikap tayong magpaunawa sa kanila ay isang paraan ng pagsasalin,” wika ni Coroza sa isang talakayan tungkol sa larangan ng saling-awit sa Polytechnic University of the Philippines noong ika-3 ng Marso. Aniya, bahagi ang saling-awit sa buong disiplina ng pagsasalin. Sa katunayan, nakapailalim ito sa literary translation na isang sangay ng disiplinang ito. “Sa konteksto ng Filipinas, literary translation ito sapagkat ang tradisiyon natin ng mga tula ay tradisiyong pakanta,” paliwanag ni Coroza. Dagdag pa niya, mula noong sinaunang panahon, kinakanta ang mga tula at hindi lamang binibigkas. Kaugnay nito, mayroong sariling himig ang bawat anyo ng ating tulaan upang awitin. Mayroong apat na uri ng pagsasalin ng mga kanta ayon kay Coroza. Tinatawag na saling-awit o song translation ang una kung saan naililipat mula sa simulaang lengguwahe o source language ang halos lahat ng katangiang taglay ng teksto, tulad ng pangunahing kaisipan, metapora, simbolo, at iba pa, sa tunguhang lengguwahe o target language (TL). Sa halaw-awit naman o song adaptation, may isang deribatibong teksto na nalilikha sa TL at marami sa mga kaisipan o kahulugan at iba pang katangian ng orihinal ang hindi naililipat gayong maaari naman sana. Mayroon namang direktang pagpapalit ng konteksto sa palit-awit o replacement text, kung saan walang anumang kinalaman sa orihinal na mensahe ng awitin ang TL ngunit nananatili ang tono nito. Sa lapat-awit naman, nakalilikha ng musika ang tagasalin sa pamamagitan ng paglalapat ng liriko sa isang melodiya na orihinal na walang mga salita. Kaugnay nito, binalikan ni Coroza ang mga hakbang sa paglikha ng ating pambansang awit na
dumaan sa iba’t ibang uri ng pagsasalin mula sa una nitong bersyon. Noong 1898, isinulat ito ni Julian Felipe bilang himig na pinamagatang “Marcha Nacional Filipina.” Makalipas ang isang taon, nilapatan ito ni Jose Palma ng liriko gamit ang kaniyang tulang “Filipinas” na nakasulat sa wikang Espanyol. Narito ang unang saknong mula sa kauna-unahang bersiyon ng Pambansang Awit na unang ginamit noong 1899: Tierra adorada Hija del sol de Oriente, Su fuego ardiente En ti latiendo está. Nagdaan pa ito sa ilang pagsasalin patungo sa wikang Ingles at Filipino. Noong 1938, inilunsad ang bersyon nina Camilo Osías at Mary A. Lane na nakasulat sa Ingles. Pinamagatan itong “Philippine Hymn” na may unang saknong na: Land of the morning Child of the sun returning With fervor burning Thee do our souls adore. Naging tanyag naman ang bersyon nina Julian Cruz Balmaceda, Francisco Caballo at Ildefonso Santos noong panahon ng mga Amerikano. Tinawag itong “O Sintang Lupa” na naging opisyal na pambansang awit noong 1948: O sintang lupa, Perlas ng Silanganan; Diwang apoy kang Sa araw nagmula. Mula sa liriko ni Felipe Padilla de León na isinulat noong dekada ’60 ang opisyal na Pambansang Awit na ginagamit sa kasalukuyan. Itinakda ito bilang opisyal na bersyon noong 1998 sa ilalim ng Republic Act No. 8491, na nagbabawal din sa paggamit ng kapuwa Ingles at Espanyol na mga bersyon nito. Kahalagahan ng pagsasalin Lingid sa kamalayan ng
marami,
isang
pang-araw-araw na gawain ang pagsasalin na naipahahayag ng mga Filipino sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa. “Hinaharap natin araw-araw sa iba’t ibang okasiyon ang pagsasalin,” ani Virgilio Almario sa kaniyang aklat na pinamagatang, Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa Baguhan. Paliwanag niya, kailangang dalubhasa ang tagasalin sa dalawang wikang nais niyang isalin sa kahit anong pangyayari. Tinatawag na simulaang lengguwahe (SL) ang wika ng akdang isinasalin at tunguhang lengguwahe (TL) naman ang wika ng pinagsasalinang akda. Kalakip nito ang pangunahin sa mga suliraning kinakaharap sa tuwing nagsasalin—ang angkop at wastong pagtutumbas sa mga isinasaling salita. Ayon kay Almario, mayroong mga panuto sa pagsasalin na madalas nalilimutan ng mga nagsasagawa nito. Una, dapat na ganap na nauunawaan ng tagasalin ang kahulugan at mensaheng nais ipahatid ng orihinal na manunulat. Kinakailangan din na mayroon siyang ganap na kaalaman sa kapuwa SL at sa TL sapagkat sa ganitong paraan, madali niyang mailalahad ang mga kaisipang ipinababatid ng may-akda. Bukod pa rito, binigyang-diin ni Almario sa kaniyang aklat ang kahalagahan ng paggamit ng mga salitang pamilyar sa nakararami sa TL. Dapat din daw malapatan ng tagasalin ng angkop na himig ang orihinal na himig. Hindi lamang mga salita ang binabago sa proseso ng pagsasalin ng mga akda kundi pati ang mga kaisipang nilalaman nito. Bagaman walang dalawang wika ang labis na magkatulad, higit na makatutulong ang pananaliksik ng tagapagsalin tungkol sa orihinal na akda at sa manunulat nito. Patuloy na naipapasa ang mga makabuluhang mensahe na nais ipahatid ng mga sinaunang manunulat sa ganitong paraan.
Tomasinong instruktor, wagi Sinaunang panitikan, dapat ipaalala sa mga kabataang manunulat – Almario sa Talaang Ginto ng KWF ISANG Tomasinong instruktor ang pararangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa kaniyang tula hinggil sa “pagrerebisa” ng kasaysayan ng batas militar. Bibigyang parangal ang “Rebisyon” ni Paul Castillo, facilitator ng National Service Training Program sa UST, sa unang araw ng Abril sa Orion Elementary School sa Bataan matapos magwagi ng ikatlong gantimpala sa Talaang Ginto: Makata ng Taon. Tungkol ang tula sa muling pagbuhay sa usapin ng batas militar at ang aniya’y pagbabago ng impormasiyon ukol dito, tulad ng “kabutihan” umano ng diktatura. “Isinulat ko ang akda dahil sa kabi-kabilang paglapastangan sa buhay kasabay ng muling paglapastangan sa kasaysayan,” ani Castillo. Iniaalay ni Castillo ang tula sa “mga mag-aaral na tagatanggap ng bagong impormasiyon na napakadaling mabihag ng sinasabing pagbabago sa kasaysayan,” aniya. Hihirangin namang “Makata ng Taon” si Aldrin Pentero para sa kaniyang koleksiyong pinamagatang “Moonlight at iba
Castillo
pang tula” habang ang ikalawang gantimpala ay igagawad sa “Balak na Maikling Dokumentaryo Tungkol sa Isang Binatilyo sa Badjao Village,” ni Michael Jude Tumamac. Isang taunang patimpalak sa pagsusulat ng tula ang Talaang Ginto: Makata ng Taon ng KWF, na nagbibigay-pugay sa mga makata ng wikang Filipino. Kabilang sina Bienvenido Lumbera, Cirilo Bautista at Virgilio Almario sa ilang mga batikang makata na ginawaran ng parangal na ito noon. JOLAU V. OCAMPO
kapuwa ginamit ang ang BINIGYANG-DIIN ng pinuno na luma[ng plataporma], ng Pambansang Komisyon panitikan upang magpahayag maraming hindi makaiintinding para sa Kultura at mga Sining ng kaisipang politikal noong mga kabataan. Maraming hindi (NCCA) ang pagbabalik- kanilang panahon. makaaabot,” ani Seguerra sa tanaw sa mga lumang akda at kaniyang mensahe. manunulat upang makatulong sa Makabagong paraan Paglilinaw niya, hindi ito Iminungkahi naman ni nangangahulugan ng paglimot pagpapayabong ng makabagong Aiza Seguerra, tagapangulo sa pisikal na bersiyon ng mga panitikang Filipino. “[Ang padiriwang ng ng Pambansang Komisyon sa aklat sapagkat marami pa ring Buwan ng Panitikan] ngayong Kabataan, ang paggamit ng nagsasabing mas komportable taon ay para sa kabataan [at] e-books bilang makabagong ang mga ito sa pagbabasa. sa pagtuklas ng bagong anyo plataporma ng pagbasa at Mas mahalaga, aniya, ang ng panitikan,” ani Virgilio pamamahagi ng panitikang pagpapalawak ng kamalayan Almario, tagapangulo ng Filipino. hinggil sa lokal na panitikan sa “Kung ipagpipilitan natin anumang paraang tinatangkilik NCCA at Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, ang mga ito. sa isang pagtitipon sa “Bakit hindi natin tanggapan ng ahensiya gamitin ang parehong sa Maynila noong ika-7 plataporma para ng Marso. mas marami tayong Mungkahi niya, maabot?” dagdag ni maaaring magsilbing Seguerra. pamantayan sa pagbuo Pinamunuan ng ng makabagong anyo NCCA, Komisyon sa ng panitikang Filipino Wikang Filipino at iba ang mga sinaunang pang mga institusiyon akda at mga makata at ang pagtitipon bilang kuwentista na sumulat paghahanda sa Buwan ng mga ito. ng Panitikan ng Filipinas G i n a w a n g sa Abril na may temang ng pagtitipon ang mga institusiyon kabilang ang “Banyuhay halimbawa ni Almario Nagdaraos (bagong Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining at sina Francisco Balagtas Komisyon sa Wikang Filipino bilang paghahanda sa Buwan ng anyo ng buhay).” at Emilio Jacinto Pantikan. WINONA S. SADIA