Filipino 3
IKA-25 NG OKTUBRE, 2016
Mga Tomasino, nagro-rosaryo pa ba? PAHALAGAHAN ang pagpapatayo ng Rosarium sa pamamagitan ng pananalangin ng banal na rosaryo rito, ani ng isang propesor ng Institute of Religion (IR). Wika ni Allan Basas na kalihim din ng IR, bagaman nakapipili ng kani-kanilang espasyo sa pagdarasal ang mga Tomasino, marapat isaalang-alang ang papel na ginagampanan ng Rosarium sa loob ng Unibersidad. “We should utilize more the Rosarium for the praying of the rosary [even if ] you don’t confine the praying of the rosary to one particular venue,” aniya Limang taon makalipas ang pagbubukas nito sa publiko noong 2011, inalam ng Varsitarian kung nabibigyang-pansin pa ba ng mga Tomasino ang kahalagahan ng pagpapatayo ng binansagang “rosary garden” sa pamamagitan ng isang survey sa 55 na katao. Ayon sa resulta, 26 sa mga Tomasinong nakapanayam ang pumupunta lamang sa Rosarium para sa mga pagpupulong para sa kanilang mga proyekto sa paaralan. Rosarium Samantala, sampu ang sumagot na hindi sila dumadaan ng mga ilang aktibidad. “With the ‘park dito. Kumain at magpalipas oras ang iba vibe’ that the Rosarium sets, it invites the pang mga sagot. Mayroon namang dalawang students to go there and relax or even use the Tomasinong sumagot na nagmumuni- place as an area for conducting activities,” muni sila kaya pumupunta sila rito ngunit aniya. mas marami ang pumupunta rito para Pinaaalala niya ang kahalagahan ng sorpresahin ang kanilang mga kaibigan sa pagpapatayo ng Rosarium sa lahat ng mahahalagang araw tulad ng mga kaarawan. Tomasino, kabilang na ang mga guro, Nang itanong naman kung nagdarasal o propesor at iba pang mga trabahador dito. nagrorosaryo ba sila rito, may apat lamang Aniya, “This place lets us to meditate upon na sumagot ng “minsan” at “hindi” na ang the word of God in our hearts while uttering sagot ng mga natira. Samantala, 35 naman the word of God on our lips.” ang sumagot na hindi nila alam ang dahilan Binanggit naman ni Jan Erven Ganacias, kung bakit itinayo ang Rosarium. propesor ng sosyolohiya ng Unibersidad, Paliwanag ni Rienzie Lopez, pangulo ang kahalagahan ng pagrorosaryo sa isang ng Youth For Christ (YFC) ng Unibersidad, indibiduwal at ang lipunang kinabibilangan nakasanayan ng mga Tomasino na nito. Aniya, pinagbubuklod nito ang mga tambayan ang tingin sa Rosarium. Aniya, tao sa pamayanan. Pampalakas din daw ito “Nagmumukhang tambayan lang siya, hindi ng loob ng isang indibiduwal upang harapin siya more of sanctuary para maging solemn ang araw-araw na hamon ng buhay. ‘yong lugar.” Dagdag pa niya, kadalasan Batid naman ni Lopez na pinalalalalim itong pinagdarausan ng mga pag-e-ensayo, ng debosiyon sa Mahal na Birhen ang paggawa ng mga proyekto at iba pa. paniniwala sa Diyos. “Our devotion to the Sang-ayon ito sa pahayag ni Bernice Blessed Virgin Mary leads us to a more Mananquil, vice-president for social action profound devotion or worship to Jesus ng UST Pax Romana Central Coordinating Christ.” Council, na walang pinagkaiba ang silbi ng Rosarium ngayon sa Tinoko Park noon. Kasaysayan Aniya, sa dami ng populasiyon ng mga Likha ng Tomasinong arkitektong Tomasino, idagdag pa ang mga bisita, si Jayson Ramirez ang disenyo ng magkukulang ang Unibersidad sa mga lugar Rosarium. Dahil dito, pinarangalan siya kung saan maaaring tumambay o paggawan ng Quadricentennial Medal at sertipiko
Usapang Uste
Nagbabagong lipunan at pananalangin Inilahad ni Ganacias na naapektuhan ng pagbabago sa ating lipunan ang ating pananampalataya. Isa sa mga pangunahing nakakaimpluwensiya rito ang mass media na isinasangkot rin sa transpormasiyon ng pag-uugali ng tao. Aniya, “Sa isang postindustrial na lipunan ay humihina rin ang impluwensiya ng relihiyon.” Upang mahikayat ang mga Tomasino na pahalagahan ang pagdadasal katulad ng pagrorosaryo, wika niya, kailangang sumabay ng Simbahan sa pagbabago ng panahon at gumawa ng mga panibagong pamamaraan sa pagpapahayag ng kanilang mga turo upang “masabayan ang impluwensiya ng mass media sa paghubog ng pag-uugali ng mamamayan.” Idinagdag rin ni Basas na kasabay ng pagdarasal ng rosaryo ang pagninilay na makatutulong upang mas lalong lumalim ang ating pananampalataya sa Panginoon. Payo naman ni Lopez, huwag lamang magdasal ng mga nakabisa at nakasanayang panalangin. Mas mainam na magdasal nang bukal sa kalooban para mas madama ang pagmamahal ng Diyos. Dagdag pa niya, hindi lang sa Rosayo PAHINA 11
Pagbabalik-tanaw sa Parokya ng Santisimo Rosario
Parokya ng Santisimo Rosario
SAKSI sa paglawak at pagyaman ng pananampalatayang Tomasino ang parokya ng Santisimo Rosario. Unang tinawag na University Chapel o UST Chapel, itinatag ito bilang parokya noong 1942 alinsunod sa mungkahi ni
kasabay ng kaniyang pagtatapos sa pagaaral noong taong 2012. Tanyag din siya dahil sa kaniyang disenyo para sa UST Martyrs’ Monument na makikita naman sa tapat ng Santissimo Rosario. Makikita sa gitna ng Rosarium ang isang malaking bas relief, isang uri ng paglililok kung saan bahagyang nakaangat ang imahe sa patag nitong pundasiyon. Kabilang dito ang imahe ng Birheng Maria tangan ang sanggol na si Hesus na ipinagkakatiwala niya kay Sto. Domingo De Guzman. Sa parehong malawak na pader, makikita ang iba pang mga bas relief na sumisimbolo sa mga Misteryo ng Tuwa, Liwanag, Hapis at Luwalhati. Mayroon ding dalawang bahagi nito na kinapapalooban ng ukit ng mga rosas at lily na binasagang mga bulaklak ng kadalisayan, kapurihan at pagkabirhen—mga katangiang madalas iniaangkop sa Mahal na Birhen. Binasbasan ni P. Rolando de la Rosa, O.P., dating rektor ng Unibersidad, ang Rosarium o rosary garden kasabay ng pagbubukas nito para sa mga Tomasino noong ika-7 ng Disyembre, taong 2011. Wika niya, mas mahihikayat ang mga Tomasinong magdasal sa tuwing pupunta ang mga estudyante sa Rosarium na inilarawan niya bilang isang “visual form of the rosary”. Taliwas ito sa dating gawi ng mga
Tomasino noong isang liwasan pa lamang ito kung saan nagagawa nila ang kahit anong gustuhin nila kawangis ng sa Lovers’ Lane – mag-ensayo ng mga sayaw, kumain, magpalipas-oras at iba pa. At dahil sa pagkakatayo nito sa loob ng Unibersidad, mapagtatanto ng mga Tomasino ang kahalagahan ng rosaryo sa kani-kanilang buhay, dagdag pa niya. Nakapuwesto ang Rosarium sa kanang bahagi ng Main Building at gawing kaliwa ng St. Raymund Building. Dati itong kilala bilang Tinoko Park kung saan nakapagpupulong at nakapag-eensayo ang mga estudyante para sa kanilang mga proyekto. Nagsilbi rin itong lugar upang makapagpahinga at makpagkwentuhan ang mga magkakaibigan. Kasama sa paggunita ng ika400 na anibersaryo ng Unibersidad, maraming pagpupulong at konsultasyon ang pinagdaanan bago pagpasiyahan noong ika-26 ng Hulyo 2011 ng mga administrador ng Unibersidad at Central Student Council (CSC) Board of Speakers ang paggiba sa Tinoko Park para bigyang-daan ang pagpapatayo ng Rosarium.
Msgr. Miguel O’Doherty, arsobispo ng Maynila noon, at sa pag-udyok ng mga Dominikano upang matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad sa gabay sa moralidad at ispirituwal na kalagayan. Dagdag pa rito, naging sandalan din ito ng mga
mamamayan sa kanilang mga pangangailangang pinansiyal noong digmaan laban sa mga Hapon. Naunang inilagak sa Intramuros ang arsobispado ng Maynila subalit nang atakihin ito sa simula ng naturang giyera, inilipat ito sa Unibersidad kung saan namalagi si Msgr.
O’Doherty kasama ang mga Dominikano. Sapagkat ginawang concentration camp ng mga Hapon ang Unibersidad, napilitan ang mga Dominikano na itigil ang pagkaklase rito na naging hudyat naman ng pagkawala ng pagkukunan nila ng kita at pondo. Bukod pa rito, itinatag ang kapilya bilang parokya upang kilalanin ang debosiyon ng mga Dominikano sa Birheng Maria. Agad naman itong sinangayunan ng mga opisyal ng Unibersidad na nagnanais ding paramihin pa ang nasasakupan at napagsisilbihan ng parokya. Isang Espanyol ang kauna-unahang naging pastor ng Santisimo Rosario. Itinalaga si P. Emiliano Serrano, O.P. sa puwesto kasabay ng pormal na pagkakatatag sa naturang institusiyon sa isang high mass na pinamunuan ni O’Doherty noong Abril ng nasabing taon. Noong ika-28 ng Setyembre 1942, inilipat sa Santisimo Rosario ang imahen ng Mahal na Ina ng Santo Rosario, na kilala rin sa tawag na “Mahal na Ina ng La Naval,” matapos itong maisalba mula sa pagbomba sa lumang simbahan ng Santo Domingo sa Intramuros kung saan ito
unang inilagak. Ninais ng mga opisyal ng simbahan, lalo na ni Serrano, na maipagpatuloy ang nakagawiang pagnonobena sa Mahal na Ina. Ipinagdiriwang na simula noon ang pista ng parokya tuwing unang Linggo ng Oktubre. Subalit noong 1954, ibinalik ang imahen ng Birheng Maria sa bagong simbahan ng Santo Domingo sa lungsod ng Quezon. Dito na ginaganap ang taunang pagdiriwang at prusisyon para sa pista ng Mahal na Ina ng La Naval. Sa kasalukuyan, nananatiling pook ng matibay na pananampalataya sa Mahal na Ina ang parokya ng Santisimo Rosario hindi lamang ng mga Tomasino kundi pati na rin ng mga kalapit nitong komunidad. Tomasino Siya: Bago pa man magtapos ng kursong panitikan sa Unibersidad si Maria KalawKatigbak, nagkaroon na siya ng dalawang degree sa Unibersidad ng Pilipinas at isa naman sa Unibersidad ng Michigan sa Estados Unidos. Kalaunan, naging magna cum laude siya sa kaniyang doktorado sa pilosopiya.
Naging aktibo si Katigbak sa mahabang panahon niyang pamamalagi sa kolehiyo. Pinamunuan niya ang UST Graduate School of Social Work kasabay ng paninilbihan niya rito bilang kawaksing propesor. Samantala, hindi nabigo si Katigbak nang subukan niya namang sumali sa patimpalak sa pagandahan. Taong 1931 nang koronahan siya bilang Miss Philippines. Muling nagibabaw ang pangalan niya taong 1961 nang mailuklok siya sa Senado bilang tanging babaeng miyembro ng naturang sangay hanggang 1963. Dito niya isinulat ang panukala na nagtatag sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Noong 1981, itinalaga siya ng dating pangulong Ferdinand Marcos bilang pinuno ng Movies and Television Review and Classification Board na naunang pinamunuan ng kaniyang ama na si Teodoro M. Kalaw taong 1929. Ikinasal siya kay Dr. Jose R. Katigbak, isang hinekologo,
Usapang Uste PAHINA 11