The Varsitarian P.Y. 2015-2016 Issue 01

Page 9

Agham at Teknolohiya 9

IKA-29 NG AGOSTO, 2015

UST kasado sa malakas na lindol Ni MIA ROSIENNA P. MALLARI HANDA ang Unibersidad sa posibleng pagdating ng “The Big One”—ang lindol mula sa West Valley Fault na maaaring umabot sa 7.2 magnitude at magdulot ng malawakang pinsala sa kalakhang Maynila. Matapos mailunsad ang “shake drill” sa kalakhang Manila noong ika30 ng Hulyo, ang pangkalahatang hatol sa pagresponde ng Unibersidad ay tiyak ang kahandaan para sa kalamidad. Batid ng direktor ng Office of Public Affairs na si Giovanna Fontanilla na matagumpay at maayos na nailunsad ang earthquake drill dahil sa maagang pagpaplano at masigasig na pagaaral ng mga posibleng sitwasyon sa isang lindol. Malaking tulong rin ang seryosong pakikiisa ng mga tao sa aktibidad.

“Sinusubukan nating gawing second nature ang safety ng mga tao, [na makakamit] kapag paulit-ulit [na ginagawa ang mga drill],” ani Fontanilla na nangangasiwa sa impormasiyon sa ilalim ng UST Crisis Management Committee na pinamumunuan naman ni P. Manuel Roux, O.P., vice rector for finance ng Unibersidad. Ang Crisis Management Committee ay hindi pa nakakapaglabas ng post-drill evaluation na maglalaman ng mahahalagang detalye ukol sa drill tulad ng mga mungkahi kung alin pang aspekto ang maaaring pagbutihin sa paghahanda ng Unibersidad, pati ang mga pagkukulang sa nasabing drill. Gayunpaman, sinabi ni Bureau of Fire Protection Inspector Efren Bereñas na ang pagsasagawa ng earthquake drill sa Unibersidad ay pumatak lamang sa dalawang antas, “very evident” at

“evident.” Gawa ito ng mabilis na pagresponde ng mga kalahok sa drill pati na ang sistema ng paniniguro kung mayroong mga “nasaktan” o naiwan sa loob ng bawat gusali. Ayon kay Bereñas, kung mayroon mang dapat pagbutihin sa drill, ito ang pagtawag o roll call ng bawat incident commander sa kani-kanilang departamento. “Nasa [incident] commander na po ‘yan. Kailangan alam nila kung kumpleto, kung ilan `yung under nila,” aniya. Dahil sa populasyon ng Unibersidad na lampas sa 40,000, batid ng kumander ng Security Office na si Joseph Badinas na sa panahon ng krisis ay halos imposible nang magpatuloy ng mga sibilyan sa loob ng Unibersidad. Sinang-ayunan ito ni Bereñas na naglinaw pa na ang mga ahensya ng gobyerno ang mamumuno pagdating sa paglikas ng mga tao sa komunidad sa paligid ng Unibersidad. Sakop ng shake drill noong Hulyo ang paglikas ng mga residente sa mga apektadong lugar hanggang sa pagresponde ng mga awtoridad. Kalahok sa aktibidad ang mga ahensya tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Metro Manila Development Authority. Ito ang kauna-unahang metro-wide na earthquake drill sa kasaysayan ng bansa. Kasado ang depensa Samantala, siniguro ng mga opisyal ng Unibersidad na makakayanan ng mga gusali sa loob ng pamantasan ang isang 7.2-magnitude na lindol. Sa naunang ulat ng Varsitarian, sinabi ni Lawrence Pangan, tagapamahala ng Buildings and Grounds ng Unibersidad, na kayang labanan ng mga gusali ang isang lindol na aabot sa 8.0 magnitude. Bagaman maaaring magkaroon ng malalaking pinsala sa mga gusali, hindi sila mapapatumba ng lindol.

Propesor ng biology kinilala ng Metrobank Foundation KINILALA ang isang Tomasino bilang isa sa sampung Outstanding Teachers ng Metrobank Foundation Inc. para sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng biology. Si Thomas Edison de la Cruz, propesor, tagapangulo ng Department of Biological Sciences ng College of Science at isang mananaliksik mula sa Research Center for Natural and Applied Sciences (RCNAS), ay isa sa mga nagwagi para sa Higher Education category, kasama si Analyn Salvador-Amores ng University of the Philippines-Baguio. Taxonomy ang pangunahing interes ni de la Cruz na kaniyang nakuha noong nag-aaral siya sa Braunschweig University of Technology sa Alemanya para sa kaniyang doktorado noong 2006. Tumatalakay ang disiplina sa pagkilala ng mga uri at klase ng hayop at halaman. Pinagtutuunan ng pansin ni de la Cruz ang fungal taxonomy, o ang pagkakaiba-iba ng mga fungi at paghahanap ng bagong species nito, dahil kakaunti lamang ang nagpapakadalubhasa sa larangang ito sa bansa. “Gusto naming malaman ang mga klase ng fungi na mayroon tayo at kung maaari, maghanap ng mga bagong species nito dahil mga yaman itong dapat ingatan,” aniya. Dedikasyon sa larangan Binanggit ni de la Cruz na bagaman marami na siyang natanggap na parangal, ang kaniyang hilig at pagmamahal sa pananaliksik ang naghihikayat sa kanya na pagbutihin pa lalo ang trabaho bilang isang siyentipiko. “Ito ang nag-uudyok sa akin, kapag gumagawa ako ng pananaliksik, dahil gusto ko talaga itong gawin. Ang mahalaga, gusto at mahal natin ang ginagawa natin,” ani de la Cruz. Naniniwala ang propesor na ang pagmamahal sa gawain ang magsisilbing unang hakbang upang maging matagumpay ang sinuman sa kahit anong karera. “Mahirap harapin ang mga pagsubok,” aniya. “Kung mahal mo talaga ang ginagawa

mo, susunod na ang lahat.” Sasama si de la Cruz sa hanay ng higit na 300 guro na binigyang parangal ng Metrobank Foundation Inc. mula 1985, matapos na mapili mula sa higit 400 na nominado. Ayon sa Facebook PAHINA ng Metrobank Foundation Inc., tatanggap ng P500,000 ang pinanggalingang paaralan, at ang guro ng tropeo at plaque. Gaganapin ang seremonya ng pagpaparangal sa ika-3 ng Setyembre. Nabigyang-parangal din si de la Cruz noong nakaraang taon ng National Academy of Science and Technology-The World Academy of Sciences (NAST-TWAS) Prize for Young Scientists in Biology para sa kaniyang pag-aaral ng biodiversity at ecological patterns ng mga fungus katulad ng marine at mangrove fungi, endophages, macrofungi at fruticose lichens. Bukod pa rito, itinanghal din siyang Outstanding Young Scientist noong 2012 para sa disiplinang mycology, o ang pag-aaral ng mga fungi. Isang advisory body ng Department of Science and Technology ang NAST na kumikilala sa mga siyentipikong Filipino at ang kanilang mga naitulong sa iba’t ibang larangan ng agham, habang layunin naman ng TWAS ang maitaguyod ang pagbabago at pag-usbong ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagpaparangal at pagkakaloob ng research grants sa mga miyembro mula sa iba’t-ibang bansa. Iginagawad ang NAST-TWAS Prize for Young Scientists taun-taon para sa mga mananaliksik na nakapagbigay ng mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan tulad ng biology, chemistry, mathematics at physics. Si de la Cruz ay isang propesor sa College of Science kung saan din niya natapos ang kaniyang bachelor’s degree sa larangan ng microbiology noong 1996. Sa Unibersidad din niya nakuha ang kaniyang master’s degree noong 1999. KIMBERLY JOY V. NAPARAN at RHENN ANTHONY S. TAGUIAM

Dagdag ni Rene Echavez, inhinyero sa Manila City Hall, pinapayuhan ng mga dalubhasa ang mga mayari ng mga bahay at gusali na kailangang patibayin ang mga ito laban sa lindol. “Anticipated na rin kasi sa design ng mga gusali ang mga lindol na tulad nito,” aniya. “Nagbago na kasi ang Building Code matapos ang lindol noong 1990 [sa Luzon].” Ang lindol noong 1990, na may lakas na 7.8 magnitude at may epicenter sa Nueva Ecija, ay kumitil ng 1,621 na buhay. Ito ang naging basehan ng mga pagbabago sa ilalim ng Republic Act No. 6541 o ang National Building Code na dapat sundin ng mga gusaling ginagawa at pinapaayos sa buong bansa. Ayon kay Reynaldo Rosario, isang inhinyero at tagapamahala ng Maintenance Division ng National Capital Region para sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga departamento ng gobyerno tulad ng DPWH ay nakahanda na sa isang malawakang plano sakali mang mangyari ang mga trahedya tulad ng lindol.

InfoQuest

Nakasaad sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ang bawat gampanin ng mga government organizations, non-government organizations, at local government units sa panahon ng sakuna. Noong nakaraang taon, inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang kanilang pagsusuri sa West Valley Fault na mayroong malaking posibilidad na magsimula ng lindol na yayanig sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan. Ang nasabing lindol ay maaaring magdulot ng higit P2.6-bilyong halaga ng pinsala sa ekonomiya bukod pa ang higit-kumulang na 31,000 buhay na nasa peligro at tinatayang 14,000 hanggang 385,000 na kataong sugatan.

Tanong ni Thomas Sergio P. Andal mula sa Faculty of Arts and Letters

Maiiwasan ba ang food poisoning? Nina RHENN ANTHONY S. TAGUIAM at JULIUS ROMAN F. TOLOP MAHIGPIT na magkatunggali ang suka-sibuyaspipino combo at ang minatamis na sawsawan sa tradisyunal na tambayan sa kanto lalo na’t pinagaagawan ito ng mga mamimiling dalubhasa sa pagkain ng tokneneng, isaw at iba pang street food. Lingid sa kaalaman ng Tomasinong street food gourmet, umaabot sa 40 milyon hanggang 81 milyon ang nagiging kaso ng foodborne illnesses sa buong mundo kada taon. Nakapapatay ito ng 8,000 hanggang 12,000 na katao taun-taon, ayon pa sa datos ng Quality Partners Company Ltd. Bagaman likas na sa mga mag-aaral ang maging stressed habang pumapasok, naging paksa na ng ilang mga pag-aaral ang relasyon ng pagkain sa stress ng tao. Sa pag-aaral nila Tanja Adam at Elissa Epel ng University of California, San Francisco, naisaad na mas napapakain ang isang indibidwal kapag stressed kaysa hindi. Hindi maikakailang maraming posibleng panggalingan ng kontaminasyon. Maaaring magmula ang kontaminasyon sa pagkain, mga kagamitan, at mula sa naghahanda. Mahahati ang mga food hazards, o mga bagay na delikadong ihalo sa pagkain, sa tatlong bahagi: ang biological hazards na mula mismo sa pagkain, ang chemical hazards kabilang na ang masyadong maraming additives at preservatives, at ang physical hazards na mula sa kapaligiran. Halimbawa, ang salmonella at staphylococcus, mga bacteria na karaniwang nahahanap sa pagkain, ay madaling kumalat sa mainit na temperatura. Nahahanap sila sa mga parte ng katawan katulad ng ilong at lalamunan at maaaring maikalat sa pamamagitan ng paghawak. Kapag hindi ito naagapan, maaari

itong maging sanhi ng lagnat, pagtatae at iba pang komplikasyon. K a r a n i w a n g pinagmumulan ng impeksyon ang tubig, hangin, basura, mga insekto at hayop, ang mismong pinagbalutan ng pagkain, pati na rin ang mga mismong naghanda ng pagkain. Nagsisimula sa loob A y o n kila Miliflora Gatchalian, chief executive officer ng Quality Partners Company at Sonia de Leon, pangulo ng Foundation for the Advancement of Food Science & Technology, ang kasalukuyang problema ng food poisoning ay maaaring malutas na sa loob pa lamang ng pagawaan at hindi sa labas nito. Naibahagi nila noong ika-5 ng Agosto sa isang food safety forum sa Quezon Avenue na kailangang makasunod ang mga kumpanya sa mga trend sa larangan ng pagkain ngayong ikaInfoQuest PAHINA 3

Mayroon ka bang mga siyentipikong katanungan? Hayaang sagutin iyan ng Varsitarian! Ipadala ang inyong mga katanungan kalakip ang inyong pangalan at kolehiyo sa varsitarian.ust@gmail.com. Itatampok sa InfoQuest section sa pahina ng Science and Technology ang mga piling katanungan kasama ang kasagutan mula sa mga dalubhasa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Varsitarian P.Y. 2015-2016 Issue 01 by The Varsitarian - Issuu