The Varsitarian P.Y. 2015-2016 Issue 01

Page 4

4 Opinyon

IKA-29 NG AGOSTO, 2015

Editoryal

Filipino bilang poligloto SA KABILA ng mabilis at samu’t saring pagbabago sa komunikasyon, pantay na pagpapahalaga pa rin ang dapat ituon natin sa Filipino, katutubong wika, at dayuhang wika na humuhubog sa kultura at kasaysayan ng Filipinas. Sa paglulunsad ng “Linguistic Atlas ng Filipinas” ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na naglalayong itala ang mga impormasyon gaya ng distribusiyon, deskripsiyon, at mapa ng mga wika sa bawat rehiyon, mas mapagyayaman at mabibigyang-pansin ang mga katutubong wika. Ilan sa mga ito ang unti-unti nang nawawala o iilan na lamang ang nagsasalita. Kasabay ng mga hakbang upang mas makilala ang mga wika na tila isinasantabi na, dapat ring palakasin ng gobyerno at akademiya ang patuloy na pagpapayabong ng dayuhang wika—Kastila at Ingles—na naging bahagi na ng ating kasaysayan at pagkakakilalan. Kilala ang mga Filipino sa mahusay na paggamit ng salitang Ingles sa iba’t ibang larangan. Ingles ang pangunahing wikang ginagamit sa mga kolehiyo at unibersidad, gobyerno, trabaho, mga legal dokumento at iba pa. Malaking bahagdan din ng midya sa bansa, lalo na sa mga peryodiko. Sa kabilang banda, napakalaking bahagi ng kasaysayan ng Filipinas ang nakasulat sa wikang Kastila. Maraming pahayagan ng mga Filipino ang nalathala sa Kastila sa loob at labas ng bansa, katulad ng La Solidaridad ng mga Propagandista: nagsisilbi ang mga ito na fuente o balong ng mga impormasyon sa pagsisiyasat sa kasaysayan ng bansa. Hanggang sa bisperas ng digmaan, Kastila ang lingua franca, ang wika ng liderato pulitikal at komersiyo, ang wika ng mga pantas at dalubhasa, ang wika ng mga makata’t artista. Ito rin ang wika ng mga mga sinasabing hijos de pais at mga nasyonalista. Kastila ang wika ng mga pundador ng bayang Filipinas—nina Rizal, Del Pilar, Mabini at Aguinaldo. Ang tinuturing na Bibliya ng bansang Filipinas ay nakasulat sa Kastila— ang Noli Me Tangera at El Filibusterismo. Isa rin ang Kastila sa mga tinuturing na “Romance languages” na halaw sa Latin, ang lingua franca ng Pax Romana. Kabilang sa mga wikang ito ang Pranses, Portuges, at Italyano, pawang mayayamang wika. Dahil din sinakop ng mga Romano ang Britanya, maraming salitang Ingles ay halaw sa Latin. Dagdag pa rito, binubuo ng mga hiram na salita mula sa mga Kastila ang mga pang-araw-araw na salitang gamit ng mga Filipino sa pakikipag-usap. Halimbawa na lamang ang paggamit ng mga numerong Kastila sa pagsasabi ng halaga ng pera at oras. Kastila at ibang wikang “romance” ang salita ng humigit-kulang na isang bilyong tao. Kastila ang salita ng mga nangungunang mga manunulat, makata, dalubhasa sa mundo. Ang kultura popular na mula sa Espanya at Latino Amerika ay isang kulturang Editoryal PAHINA 6

ITINATAG NOONG ENERO 16, 1928 LORD BIEN G. LELAY Punong Patnugot ANGELI MAE S. CANTILLANA Tagapamahalang Patnugot ARIANNE F. MEREZ Katuwang na Patnugot DAYANARA T. CUDAL Patnugot ng Balita DANIELLE ANN F. GABRIEL Katuwang na Patnugot ng Balita MARY GILLAN FRANCES G. ROPERO Patnugot ng Natatanging Ulat ERIKA MARIZ S. CUNANAN Patnugot ng Tampok ALILIANA MARGARETTE T. UYAO Patnugot ng Panitikan MARIA KOREENA M. ESLAVA Patnugot ng Filipino MARIE DANIELLE L. MACALINO Patnugot ng Pintig DARYL ANGELO P. BAYBADO Tumatayong Patnugot ng Mulinyo RHENN ANTHONY S. TAGUIAM Patnugot ng Online ROBERTO A. VERGARA, JR. Katuwang na Patnugot ng Online AVA MARIANGELA C. VICTORIA Direktor ng Dibuho BASILIO H. SEPE Patnugot ng Potograpiya Balita Kathryn Jedi J. Baylon, Clarence I. Hormachuelos, Alhex Adrea M. Peralta, Jerome P. Villanueva Pampalakasan Carlo A. Casingcasing, Delfin Ray M. Dioquino, John Chester P. Fajardo, Philip Martin L. Matel, Randell Angelo B. Ritumalta Natatanging Ulat Paul Xavier Jaehwa C. Bernardo, Monica M. Hernandez Tampok Mary Grace C. Esmaya, Maria Corazon A. Inay, Vianca A. Ocampo Panitikan Zenmond G. Duque II, Cedric Allen P. Sta. Cruz Filipino Jasper Emmanuel Y. Arcalas, Bernadette A. Paminutan Pintig Krystel Nicole A. Sevilla, Lea Mat P. Vicencio Agham at Teknolohiya Mia Rosienna P. Mallari, Kimberly Joy V. Naparan, Julius Roman M. Tolop Mulinyo Amierielle Anne A. Bulan, Ma. Czarina A. Fernandez, Ethan James M. Siat Dibuho Kirsten M. Jamilla, Freya D.L.R. Torres, Iain Rafael N. Tyapon Potograpiya Alvin Joseph Kasiban, Amparo Klarin J. Mangoroban, Miah Terrenz Provido

FELIPE F. SALVOSA II Katuwang na Tagapayo JOSELITO B. ZULUETA Tagapayo Tumatanggap ang Varsitarian ng mga sulat/komento/mungkahi/ kontribusyon. Tanging ang mga sulat na may lagda ang kikilalanin. Ang mga orihinal na akda ay dapat typewritten, double-spaced, at nakalagay sa bond paper, kalakip ang sertipikasyon na naglalaman ng pangalan ng may-akda, contact details, kolehiyo at taon. Maaring gumamit ng sagisag-panulat ang may-akda. Ipadala ang kontribusyon sa opisina ng THE VARSITARIAN, Rm. 105, Tan Yan Kee Student Center Bldg., University of Santo Tomas, España, Maynila.

Pagpapakatotoo at pagiging Filipino MADALAS kong itinatanong sa sarili na kung ipinanganak kaya akong lahing Kanluranin sa halip na Filipino, mas magiging maganda kaya ang aking buhay? Mula pagkabata, hinubog ako ng mga tradisyon at kaugaliang sariling atin na tunay na maipagmamalaki. Lumaki akong sanay na magmano at gumamit ng "po" at "opo" bilang tanda ng pagrespeto sa mga nakatatanda. Madalas akong kumain nang nagkakamay. Nabuo ang aking pagkabata sa paglalaro ng mga larong katutubo kabilang na ang tumbang preso, patintero, at luksong-baka. Naaalala ko pa noong musmos pa lang ako, paborito kong panuorin ang “Batibot,” “Sineskwela,” “Hiraya Manawari” at iba pang lokal na programang pambata. Masaya rin ako sa pagkain ng mga kakanin gaya ng suman, palitaw, puto at marami pang iba tuwing meryenda. At nanatili pa rin ang sinigang bilang

Kailangan nating magkaroon ng internasiyunal na pag-iisip, hindi para abandunahin ang ating pagka-Filipino, ngunit para pahalagahan ito. pinakapaborito kong pagkain. Sa kabila ng pagkagiliw ko sa mga banyagang palabas, libro at pagkain, hindi pa rin nawala sa akin ang pagmamahal ko sa bansang Filipinas. Gayunpaman, hindi ko rin naman maitatanggi na unti-unti ring nagiiba ang persepsiyon ko sa aking identidad bilang isang Filipino simula nang tumanda ako at mamulat sa mga modernong bagay kabilang na ang telebisiyon at Internet. Marami sa mga Filipino ang mas nagnanais makapangibang-bansa at mas

ginugustong magkaroon ng foreign citizenship. Ayon sa pag-aaral ng Pew Research Center sa kanilang 2013 Global Attitudes Project, nakita na nangunguna ang Filipinas sa mga bansang may “favorable view” sa US at sa mga Amerikano. Kabilang rin tayo sa mga ibang lahi na namamalagi sa US simula pa 1990. Noong 2013, naitala ang mga Filipino bilang may pinakamalaking populasyon ng migrante sa US—4.5 porsiyento mula sa kabuuang 41.3 milyong populasyon ng mga migrante sa Estados

Unidos. Dahil sa kagustuhan ng marami sa atin na makapagsimula ng bagong buhay sa banyagang bansa, karamihan sa ating mga skilled workers at professionals ang nangingibang-bayan na nagiging sanhi ng “brain drain.” Hindi naman natin sila masisisi dahil na rin sa kakulangan ng oportunidad dito sa ating bansa. Sa kabila nito, naniniwala pa rin ako na darating ang pagkakataon na matatagpuan ng mga taong marunong magtiyaga at magpursigi sa kanilang larangan, kahit gaaano pa kahirap, ang bansang kanilang kalalagyan. Dapat nating mapagtanto na sa halip na itakwil natin ang buhay sa sariling bansa upang mamuhay sa bayang hindi natin sinilangan, sikapin nating ialay ang ating mga talento at kakayahan sa pagpapaganda at pagpapalago ng ating Inang Bayan. Nagsasawa na akong Excelsior PAHINA 5

Piling-piling pelikula ng ating panahon “ANONG paborito mong pelikula?” Malaki ang posibilidad na banyagang pelikula ang sagot mo, at malapit na akong sumang-ayon sa ibang nagsasabi na wala na talagang patutunguhan ang industriya ng pelikulang Filipino subalit hindi maaaring magbulag-bulagan ako sa ibang lokal na pelikulang nag-aalok ng alternatibong perspektibo at karanasan. Nakakasawa nga naman kung paulit-ulit lamang ang kwento o storyline ang makikita sa takilya. Paulitulit na usapang kabit, pagiibigang mayaman at mahirap, at kung ano pa mang kwentong halos wala nang (at madalas) kwenta pero bumebente pa rin dahil sikat ang mga artistang gumaganap sa mga ito. Noong 2014, sa taunang Metro Manila Film Festival, tinanghal na top four films ang "The Amazing Praybeyt Benjamin,” “Feng Shui 2,” “My Big Bossing” at “English Only, Please.” Dalawa sa apat na pelikula ay umiikot sa slapstick na komedya, habang ang isa ay nagrisiklo na lamang ng minsang pumatok na pelikula. Sa kabila ng pagkabigo ng nasabing film festival na maghatid ng mga pelikulang babalik-balikan matapos ang ilang henerasyon, isinalba naman tayo ng iilang

Para sa iba, ang mga pelikula ay maaring isang pampalipas-oras lamang. Pero para sa iba, isa itong paraan para masilip ang pinipilit na kinubling realidad ng mundo. makabagong rebolusyonaryo ng takilya. Hindi ko maaaring hindi isama sa usapan sina Brilliante Mendoza, Erik Matti, Lav Diaz, Adolfo Alix Jr., Jim Libiran at marami pang ibang direktor, na iwinagayway ang bandila ng ating bansa sa maraming international film festivals sa Estados Unidos, Cairo, Berlin, Cannes, Venice, Vienna at Rotterdam. Kahit pa nilangaw ang mga pelikula nila sa lokal na takilya, ay kataas-taasang puri at parangal naman ang naging katumbas sa ibang bansa. Masakit isipin na kulang na nga ang suporta ng mga Filipino sa independent films dito sa Pilipinas ay kulang pa rin ang suporta ng ating gobyerno sa ating mga kapuwa Filipinong sumusugal sa kanilang sining. Dapat nating pangalagaan ang mga tao, bagay, at lugar

na naipamamalas ang ating kultura. Kasama na rito ang mga pelikula, na nagsisilbing repleksyon ng panahon natin at kung nasaan tayo bilang isang lipunan. Batay sa opisyal na website ng ating gobyerno, sa national budget ng 2016 na mahigit P3 trilyon, P1.3 bilyon lamang ang mapupunta sa National Commission for Culture and the Arts, na pinaghahatian pa ng apat na subsections, kasali ang National Historical Commission, National Library, at National Archives. May pondo namang P120 milyon ang Film Development Council of the Philippines. Totoo naman na hindi maaaring ipagpalit ang pagkain ng isang nagugutom na pamilya sa dignidad ng isang pelikula, pero importante rin na maglagay tayo ng sapat at naayong pondo para sa ikatatagal at ikatatatag

ng ating sining. Buti na lamang, maraming independent at nongovernment organizations ang nagsisikap buhayin at panatiliin ang apoy ng ating kultura at sining, lalo na ang pelikulang Filipino. Patotoo rito ang mga film festival tuland ng Cinemalaya, CineFilipino, Cinemanila, at Cinema One Originals. Dagdag pa dito ang pagsisikap ng ABS-CBN Film Restoration, na isapubliko muli ang mga klasikong pelikulang Filipino tulad ng kina Mike de Leon (Kisapmata, Batch '81, Sister Stella L), Ishmael Bernal (Relasyon, Himala), Lino Brocka (Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Maynila sa mga Kuko ng Liwanag, Insiang) at Marilou Diaz-Abaya (Karnal, Jose Rizal, Muro Ami). Isa sa mga dahilan kung bakit malaki ang respeto ko sa mga indie films, maliban sa madalas ay hindi malaki ang pondo, exposure at suporta para sa mga taong nasa likod nito, ay ang kakayahan nitong tumagos sa pagkatao ng isang manonood. Mula sa mga usaping sensitibo ukol sa sex, diborsyo, droga, homoseksuwalidad, at maging relihiyon, nagsisilbing isang eye-opener ang mga naturang pelikula sa parehong tamis at alat ng tunay na buhay. Gayunpaman, hindi Tempus PAHINA 5


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.