The Varsitarian P.Y. 2017 to 2018 Issue 08

Page 3

IKA-5 NG ABRIL, 2018

Patnugot: Jolau V. Ocampo

Filipino 3

Mga manunulat, bigong makamit ang unang parangal sa kategoryang Sanaysay, Essay sa ika-33 Gawad Ustetika

MULA sa pitong kategorya, tanging sa kategoryang Essay at Sanaysay walang nagkamit ng una at ikalawang parangal sa idinaos na ika-33 Gawad Ustetika, ang taunang palihan pampanitikan ng Unibersidad, noong ika-10 ng Marso sa bulwagan ng gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P. Ayon kay Oscar Campomanes, isa sa mga hurado para sa Sanaysay, muling lumitaw ang mga dating problema; hindi alam ng ibang manunulat ang pagkakaiba ng sanaysay sa maikling kuwento sa kanilang mga ipinasang akda. “Pwede namang gamitin ang naratibo bilang pamamaraan ng paglalahad sa sanaysay, kaya lang sa mga nagpasa, nangingibabaw ang naratibo at nasasapawan ang anyo ng sanaysay,” diin ni Campomanes. Dagdag pa niya, katulad ng mga nakaraang taon, mababaw ang mga paksang inilatag ng mga naipasang akda. “Maraming mabibigat na usapin at bukas ang anyong sanaysay sa mga inobatibong lapit, ngunit mas pinipili ng mga lumalahok na talakayin ang mga pangkaraniwang tema na may kinalaman sa henerasyon nila. Bibihira ang nagtatangkang umigpaw sa ganitong sentimiyento,” wika pa niya. Sinang-ayunan ito ni Gary Devilles, isa ring hurado. Ayon sa kaniya, kailangang mahigitan ang pagsusulat ng mga personal na isyu, bagkus, iugnay sa nakararami ang mga dinaranas ng may-akda o ng isang indibidwal. “The essay is the most abused genre for egotism, as most essays we received are personal essays that fail to move beyond personal musings,” paliwanag ni Davilles. “Sanaysay primarily is about ‘saysay’ and ‘sanay’ an exercise on sense-making. Most

of our essay writers have forgotten about this. They are deluded into thinking that what happened to them counts as essay.” Iginiit ni John Wendell Capili, dalubguro sa Unibersidad ng Pilipinas at hurado sa kategoryang Essay, na halos magkakatulad ang temang tinatalakay ng mga akda tulad ng komentaryo sa mga suliraning politikal o panlipunan na kinahaharap ng bansa. “Hinahanap naming [mga hurado] ang kakaibang anggulo sa mga naturang tema. Walang nakapapantay sa napakataas na antas ng mga sumali noon kung ikukumpara sa mga sumali ngayon,” sabi ni Capili. Iginawad ang ikatlong gantimpala sa akdang pinamagatang “In Transit” ni Marianne Freya Nono habang nasungkit naman ng “Big and Small Dimensions” ni Leanne Nakamit ni Abrielle Abrigo (pangalawa mula sa kaliwa) ng AB Literature ang Rector’s Literary Award. MARIA CHARISSE ANNE G. REFUERZO Claire Bellen ang karangalang sa pagpapamalas ng adhikaing Kristiyano, banggit para sa kategoryang Essay. the impermanence of such is desperately Nakuha naman ni Christian Mendoza, mula sa lahat ng mga akdang nagkamit ng sustained by those who value it, myself unang gantimpala. sa kategoryang Sanaysay, ang ikatlong included.” “Lakása is the Ilocano term for baúl, gantimpala para sa kaniyang akdang “Alas Pumapatungkol din ang koleksiyong ito meaning wooden chest in English. It caters Nwebe Anwebe.” sa kahulugan ng tahanan, bigat ng paglisan at another definition: the literal sense of kahalagahan ng wika. the word, the chest itself,” paglalahad ni Paggawad ng Rector’s Literary Award “It was definitely unanticipated, winning Iginawad kay Arielle Abrigo, mula sa Abrigo. “The primary intention was for the the Rector’s Literary Award. Referring to collection to imitate the gesture of a lakása, AB Literature, ang prestihiyosong “Rector’s the letter written by the Rector, to be able Literary Award” (RLA) para sa kaniyang the opening to reveal things contained inside to reach that standard—‘to stir people’s it. Objects and residues. The exposure akda na “LAKÁSA” sa kategoryang Poetry. of their fragmentary nature, and how Ibinibigay ang RLA sa akdang umangat Ustetika PAHINA 7

Usapang Uste

Pagkakaroon ng unang TV system sa Silangan UNANG nagkaroon ang Unibersidad ng television system sa buong Filipinas at sa buong Silangan. Ayon sa ulat ng Varsitarian noong 1950, pinangunahan ni Jose Nicolas, assistant technician ng UST Electronics Laboratory, sa ilalim ng pamamahala ng dating assistant dean ng Fakultad ng Inhinyerya na si Jose Mijares ang pagbuo nito. Tatlong taon ang inilaan upang matapos ang paglikha ng unang telebisyon sa tahanan ni Nicolas sa Sampaloc sapagkat wala pang angkop na lugar (o laboratoryo sa loob ng Unibersidad) upang gawin ito. Maraming suliranin ang kanilang kinaharap tulad ng paghalili sa mga madaling masirang bahagi ng telebisyon kagaya na lamang ng iconoscope, ang tubo na dinadaluyan ng mga larawan mula sa receiving set. Ginamit ang naturang telebisyon upang sanayin at hasain ang mga magaaral ng Electrical Engineering habang papausbong pa lamang ang ganitong klaseng teknolohiya noon. Tomasino siya Hindi lamang sa larangan na pagnenegosyo at Accounting kinikilala ang Tomasinong si Laura Suarez Acuzar kundi pati na rin sa kaniyang pambihirang kakayahang mangasiwa at magtaguyod ng iba’t ibang organisasiyon sa Unibersidad. Nagtapos bilang magna cum laude si Acuzar sa degree na Accountancy sa Unibersidad noong 1970. Tumanggap din siya ng Rector’s Award for Academic Excellence sa kaniyang pagtatapos. Isa si Acuzar sa mga nagtatag ng UST College of Commerce Alumni Foundation, Inc. (UST COCAFI) noong 1992. Malaki ang kaniyang naging bahagi sa paglikha ng Alfredo M. Velayo College of Accountancy na programa lamang noon sa Kolehiyo ng Komersyo. Naging pangulo rin siya ng UST

Alumni Council, kilala ngayon na UST Alumni Association, Inc., mula 2007 hanggang 2009. Sa kaniyang pamamahala, lumobo ang bilang ng mga kasapi nito at nagsimula rin ang paggawad ng Meritorious Award para sa mga mahuhusay na Tomasinong nakapag-aral ngunit hindi nakapagtapos sa Unibersidad. Isa rin si Acuzar sa mga nagambag para sa pagpapatayo ng Blessed Buenaventura Garcia Paredes, O.P., Building na kinalalagyan ng Thomasian Alumni Center at kasalukuyang tahanan ng ilang mag-aaral ng Senior High School. Nanilbihan din siya bilang International Audit and Business Advisory Partner, tagapangasiwang direktor ng departamento ng Business Risk & Consulting Service at kasapi ng Board of Directors sa Sycip Gorres Velayo & Co., isa sa pinakamalalaki at pinakarespetadong accounting firm sa bansa, noong 1986-2001. Naging tagapangasiwa o miyembro naman siya ng Audit Committee ng Board of Directors ng iba’t ibang pribado at pampublikong kompanya sa bansa sa taong 2002-2008. CHRIS V. GAMOSO Tomasalitaan haguhap (pangngalan) apuhap, hagilap, kapa, kapkap Hal. Kung gaano kaiksi ang aking pasensya, ganoon naman kahaba ang pila habang tanaw ko ang ginagawang masuring haguhap ng guwardiya sa aming bag. Mga Sanggunian: The Varsitarian Mabini, M.C. (2012). The University of Santo Tomas Faculty of Engineering: The First 100 Years. Manila: UST Publishing House. TOTAL Awards 2014 Diksyunaryong Jose Villa Panganiban

Katotohanan sa isyu ng pantaseryeng 'Bagani'’ BAGO pa man ipinalabas sa telebisyon ang unang kabanata ng Bagani, isang pantaseryeng pinagbibidahan ng ilang mga tanyag na aktor sa Filipinas sa kasalukuyan, umani na ito ng samo’t saring negatibong pahayag sa mundo ng social media. Inakusahang nagpapakalat ng kasinungalingan ang mga utak sa likod nito dahil sa kanilang “magaáng na paggamit ng salitang ‘bagani.’” Sa ilang mga tribo sa Mindanao kung saan nagmula ang salita, inilalangkap lámang ang titulong bagani sa mga katutubong nakapagmamalas ng tapang at lakas upang ipagtanggol ang kanilang pangkat laban sa mga mananakop. Sapagkat mabibigat na pagsubok ang kailangang lampasan bago maituring na isang bagani, nangangahulugan din ito ng malalim nilang pagmamahal sa kanilang tribo at pagkakakilanlan. Makahulugan ang pamagat at mahihinuhang napakahalaga sa mga naunang gumamit at patuloy na gumagamit nito. Bagaman wala pang nasusundang naratibo, ikinagalit ng ilang mga kritiko ang “mababaw” na pag-intindi ng

tagapagkuwento sa ikinukuwento nito. Sinalubong ito ng ilang mabibigat na akusasiyon tulad ng cultural misappropriation, pagnanakaw ng katutubong wika at lantarang pambabastos sa mga katutubo. Sa isang liham sa pangulo ng ABS-CBN noong ika-2 ng Marso, binatikos ni Ronald Adamat, komisyoner sa Komisyon ng mas Mataas na Edukasyon, ang naturang teleserye at inilarawan bilang “devoid of real meaning and substance.” Nanawagan si Adamat na rebisahin ang konsepto ng Bagani at gawing historikal at edukasiyonal ang

kabuuang pagtatanghal upang kapulutan ito ng aral ng mga manonood. Sa isang punto de vista, maaaring salagin ng malikhaing lisensya ang mga ipinaratang ni Adamat sa pantaserye. Bukod pa sa katotohanang trailer pa lamang ang kaniyang basehan nang ipadala niya ang nabanggit na liham, hindi naman talaga Bagani PAHINA 10


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.