The Varsitarian P.Y. 2017 to 2018 Issue 06

Page 11

Filipino 11

IKA-31 NG ENERO, 2018

Patnugot: Jolau V. Ocampo

Wikang Filipino, tampok sa Waze TAMPOK na rin ang Wikang Filipino sa navigation app na Waze. Ito ay naging posible matapos pangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagsasalin ng 2,846 threads o ang mga sugnay na madalas gamitin upang makapagbigay ng mas mabilis na direksyon sa naturang app. Ayon kay Dr. Benjamin Mendillo, pinuno ng sangay ng pagsasalin sa KWF, mas mainam ang paggamit ng wikang Filipino lalo na sa pagbibigay ng direksiyon. “Nakatatak na ang wikang Filipino sa pandaigdigang komunidad na mayroong kakayahan na tumbasan o isalin ang mga salita sa pagbibigay ng direksiyon na katangian ng isang maunlad na bansa. Nagkakaroon tayo ng kumpiyansa sa sariling wika sapagkat ito ay nakapasá sa pandaigdigang pamantayan na kinikilala at ginagamit na app—ang Waze,” wika ni Mendillo. Isa ang Waze sa mga patok na mobile application na ginagamit sa nabigasiyon sa trapiko hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong daigdig. Gumagamit ito ng crowdsourcing, isang makabagong paraan ng pag-uugnayan ng mga taong-bayan upang maghatid ng mga nangyayari sa kalagayan ng mga lansangan lalo na sa pagtunton ng pinakamainam na daan. Naipapakita rin dito ang mga aksidente, mga saradong kalsada, babala at iba pa. Paglilinaw ni Mendillo, mananatili sa anyong Ingles ang pagbigkas sa mga salitang hindi nakasalin tulad ng U-turn sapagkat may mga simbolo na kinikilala sa buong mundo na dapat estandardisado. “Jargon ito ng public works and highways at engineering kaya ito ay isang teknikal na salitang ‘di dapat pang tumbasan sapagkat imbes na makatulong ay baka makalilikha pa ng kalituhan sa publiko,” wika ni Mendillo. Dagdag pa niya, kaya namang isalin lahat ng mga salita ngunit iniiwasan na maging katuwa-tuwa ang anyo nito o maging ‘di angkop sa panlasa ng madla. Para naman kay Roy Rene Cagalingan, tagapagsaliksik sa wika at tagasalin sa KWF, mahalaga na maisalin ito

Usapang Uste

dahil naniniwala siya sa bisa at talab ng wikang Filipino pagdating sa direksiyon. “Hindi na lang natin ginagawang default ang Ingles sa ating mga gadget at app, magagamit na rin natin ang wikang Filipino upang maging mas maginhawa ang iba’t ibang aspekto ng ating buhay,” ani Cagalingan. Umaasa si Cagalingan na mas mauunawaan ng mga motorista sa Filipinas ang pasikot-sikot sa mga lansangan gamit ang Filipino. “Kung mas nauunawaan ang kalikasan ng lansangan at mga batas nito, umasa rin tayo na bababa ang insidente ng paglabag at aksidente,” dagdag pa niya. Si Adora Binanggit din ni Mendillo na mahalagang marinig ng mga motorista ang mga panuto ni Adora, ang pangalan ng voice prompter sa wikang Filipino, upang maging estandardisado ang mga salitang Filipino na nagtuturo ng direksiyon. Kaugnay naman nito, maraming mungkahi ang ilang Filipino sa social media ukol sa mga posibleng gamiting boses para sa Filipino voice prompts ng Waze. Marami dito ay mga boses at paraan ng pananalita ng mga artista. Tinutulan ni Mendillo ang panggagayang ito dahil, aniya, seryosong kompanya ang Waze at hindi nila pahihintulutan ang anumang bagay na lilikha ng kontrobersiya. “Ang kanilang mga talent na voice prompter ay batay sa mahigpit na pamantayan sa kahusayan sa malinaw na pagbigkas at kaalamang wika na batay sa isinalin na threads na esensiyal sa command prompts ng app,” paglilinaw niya. Iminungkahi naman ni Cagalingan na gamitin ang tinig na malinaw at tama ang pagbigkas upang hindi magdulot ng pagkalito sa mga gagamit ng app. Dagdag pa rito, nililinang din ng KWF ang kanilang proyekto sa pagsasalin ng mga paunawa o road signs sa Filipinas sa pakikipagugnayan naman sa Department of Public Works and Highways. Sa kasalukuyan, sinisimulan na rin nilang isalin ang mga senyas at ilang pabatid sa kalsada na nakalimbag sa Ingles upang higit na maunawaan ng publiko. ERMA R. EDERA

Pag-aayuno para sa pag-ibig noong 1976

BILANG pakikiisa sa misyon ni Mother Teresa sa India noong 1976, nag-ayuno ang mga Tomasino sa loob ng isang buong araw. Tinawag ang pagkilos na “Because I Care.” Idinaos noong ika-17 ng Pebrero 1976, ang programa ay pinamunuan ng Student Organizations Coordinating Council ng UST at may layuning iparating ang malasakit ng mga Tomasino sa mga nagugutom sa bansa. Bukod sa pag-aayuno, nangalap din ang Unibersidad ng mga donasyon para sa mga organisasiyong nagsasagawa ng feeding program sa India at Maynila. Umabot sa P8,323.32 ang nalikom na tulong mula sa mga Tomasino. Ikinagalak ni Padre Efren

Rivera, O.P., kawaning rektor ng Unibersidad noon, ang nasabing aktibidad at idiniin sa kaniyang homiliya na mainam na paraan ang pag-aayuno upang maramdaman ng mga Tomasino ang hirap ng mga pamilyang nagugutom. Sa ganitong paraan, wika niya, nakararanas ng kalinga ang mga mahihirap kasabay ng pagkatuto ng mga Tomasino na maging mapagbigay. Ipinagtanggol din noon ni Padre Rivera si Mother Teresa sa mga kritiko at sinabing ehemplo ang madre ng pag-ibig ng Diyos sa mga taong nagdurusa, naghihirap at napababayaan. Tomasino siya Sa loob ng kaniyang mahabang buhay, napakaraming naiambag ni Pablo Panlilio sa larangan ng

arkitektura hindi lamang sa Filipinas kundi pati sa ibang panig ng mundo. Taong 1937 nang magtapos siya ng kolehiyo sa Unibersidad. Matapos makapasa sa licensure examinations para sa mga arkitekto noong 1938, nagtungo si Panlilio sa Pransya upang kumuha ng post-baccalaureate studies sa Ecole des Beaux Arts. Lumipad siya patungong Estados Unidos noong 1939 upang kumuha ng masterado sa sining sa Catholic University of Washington. Isa sa mga itinuturing na henyong ambag ni Panlilio sa arkitektura ang pagpapakilala niya sa mas malawak na alulod, ang bahagi ng bubong ng isang bahay kung saan dumadaloy ang tubig-ulan. Layunin ng nasabing imbensiyon na protektahan ang buong bahay sa ulan at init ng araw. Sa kalaunan, naging modelo at polisiya ang itinakdang

Poonin

sukat ni Panlilio sa paggawa ng mga bubong sa Filipinas. Dahil sa kaniyang natatanging galing sa napiling larangan, nakatanggap siya noong 1951 ng komisyon sa pag-disenyo ng American Veterans Memorial Hospital sa Quezon City, ang kaunaunahang kompletong ospital sa Asya. Ilan pa sa mga kilalang estruktura na may ambag si Panlilio ay ang Manuel L. Quezon University at Singian Memorial Hospital. Dahil sa mga ito, itinalaga siya bilang honorary consulting architect ng Maynila. Bukod sa kaniyang mga proyekto, namuno si Panlilio sa ilang mga organisasiyon tulad ng Architectural Centre Club, Inc., United Architects of the Philippines, Philippine Constructors Association,

at iba pa. Ginawaran siya ng The Outstanding Thomasian Alumni Award noong 2006. Pumanaw si Panlilio sa edad na 99 noong 2012. WINONA S. SADIA Tomasalitaan Lamyos (png) - lambing, suyo Hal: Hindi ako humihiling ng anumang higit sa iyong lamyos, Mahal, sapagkat sapat na ito upang patuloy akong maniwala sa iyo. Mga sanggunian TOTAL Awards 2006 The Varsitarian Tomo XV Blg. 46, Pebrero 26, 1976; 19751980, p.207

Wabi-Sabi

FROM PAGE 10

FROM PAGE 5

that expressed the earnest desires of the SpanishFilipino crew to defeat the Dutch. The tune transitioned into a heavy tone with “Encounter,” signaling the start of the naval combat. This continued as the woodwinds and the strings battled it out to the climax that ended on a high and triumphant note with “Intervention.” Maramba is a Benedictan monk-musician and a retired faculty member of the Conservatory of Music. Following PPO’s tribute to Maramba WAS a performance of Russian virtuoso Peter Ilyitch Tchaikovsky’s “Symphony No. 6 in B minor. Op. 74.” “Symphony No. 6” evoked an overall melancholic tune, but an allegro played halfway through the 45-minute piece ushered in a slightly different mood. The concert series “Romancing the Classics” kicked off last September and will run until April 13. Upcoming performances will be by acclaimed pianists Ingrid Sala Santamaria and Raul Sunico and trumpet player Raymund de Leon. KATHLEEN THERESE A. PALAPAR Herminigildo Ranera and Fr. Manuel Maramba, OSB

keep aside from its winning ways, is its pattern of instilling healthy competition and refined moral values in its athletes, the rest is irrelevant. If UST wants to continue being the most productive and successful sports program in UAAP history, it must take necessary changes and move its vision forward, even if it means leaving some trends behind. UST’s sports program should be everchanging and adaptive of current measures. The University obviously has plans to add on its already-celebrated history, and tapping the backs of “outsiders” that share mutual convictions with it is a great first step in maintaining its legendary sporting status. As a proud Thomasian myself and a sportswriter with extreme concern to our beloved University and its sports program, we should all embrace the changing times and brace for the future. Stop living in the past, for some traditions are meant to be dropped when circumstances arise.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.