The Augustinian, August 2015

Page 8

August

th

Adan at Adan, Eba at Eba: Tama bang Magsama? proscribed

Trishia Mae C. Molinos

“ ”

Ang Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersid

Ang pag-ibig ay isang salitang may malawak at malayang sakop na pinanghahawakan dito sa mundong ibabaw.

Parang lintang kumalat sa social media ang samu’t saring litratong mayroong kulay ng bahaghari bilang pagpapahayag ng kalayaan mula sa kadena ng mapanghusga at makiling na lipunan kaugnay sa isyu ng kasarian. Ito ay kasunod ng balitang lumabas noong Hunyo ukol sa pag-aapruba ng Korte Suprema ng Estados Unidos na gawing legal ang “samesex marriage” sa 50 estado nito. Isa na ngayon ang U.S sa 20 bansang lantarang sumusuporta at lubos na kumikilala sa “same-sex marriage” sa buong mundo. Kaugnay nito, binaha ng samu’t saring opinyon ang social media lalo na sa Twitter at Facebook na kadalasa’y nagpapahayag ng pagsuporta sa naturang isyu. Gamit ang #LoveWins, isinulong ng netizens ang kanilang pagsuporta at pagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagpapakasal. Ngunit sa kabila nito, hindi rin maiiwasang matapakan ang moral na paniniwala at paninindigan ng nakararami sa atin. Oo nga’t naroon na tayo sa katotohanang kinakailangan ng bawat isa ang pantay na pagtingin sa lipunan, magkaroon ng pantay na pagpapatupad ng karapatan, at pantay na pagtrato at pagtanggap. Ngunit kung i-uugnay ang isyung ito, tila nalalagay tayo sa sitwasyong nangangailangan ng muling pagkonsidera. Makatarungan nga bang maituturing ang pag-apruba sa isang bagay na lubos na hindi ikinalulugod ng Diyos? Mas mahalaga pa ba sa atin ang pagsunod sa pamantayan ng sosyedad higit sa pamantayang inilahad ng Bibliya? Hindi natin maikakaila na sa pagkalat ng samu’t saring kampanya kaugnay sa “samesex marriage”, tayo man ay nadadala sa tinatawag na “trend” ng kasalukuyan. Dito na pumapasok ang usapin ng respeto, karapatan, at kalayaan na higit na ipinaglalaban ang mga taong direktang maaapektuhan nito. Ngunit kung ating titimbangin at titingnan sa moral na pananaw, ito ay isang maliit na hakbang tungo sa malaking pagbabago sa lipunang ating ginagalawan. Sa pagkakaroon ng bukas na tarangkahan sa pagpapakasal, kahit na ano pa mang kasarian ay malaya nang makakabuo ng pamilyang katulad ng pamilyang binubuo ng iba. Malaya na silang ipangalandakan sa mundo na sila ay hindi na bilanggo ng komunidad. Normal na lamang tayong makatatanaw ng mag-

Opin

asawang magkatulad nang isilang, namumuhay nang tulad sa kahit na sinong magkapareha sa buhay. Ang lipunang ating ginagalawan ay isa nang malayang lipunang tahanan ng mga mag-asawang binuklod ng batas na binuo at pinatupad ng tao. Mag-iiba na rin nang tuluyan ang prinsipyo at pananaw sa usapin ng kasal, sa pamilya, at pag-ibig. Anu’t-ano pa man, tayo ay nasa kalagitnaan ng modernong mundong tila nakaligtaan na ang tunay na batayan sa pagbubuklod ng dalawang nilalang na higit na nag-iibigan. Ang mga susunod na henerasyo’y mamumulat na sa makabagong larawan ng mag-anak na magmula sa pamilyang mayroong ina at ama ay humantong na sa pamilyang binubuo ng isang ina at ina, o isang ama at ama. Ayon sa isang sarbey na inilabas ng The Standard Poll, halos 70% ng mga Pilipino ang higit na tumututol sa pagpasa ng batas na nagpapahintulot ng same-sex marriage sa bansa. Sa Pilipinas, hindi pa nailalagay sa konsiderasyon o mga usapin ang isyu ng same-sex marriage. Tayong mga Pilipino ay nagsisilbi lamang na tagamasid ng kakaibang pangyayaring nagaganap sa ibang panig ng mundo. Ngunit maging sa lipunan dito sa bansa, laganap na rin ang mga taong pumapasok sa isang relasyon kung saan ang kapareha nila’y kapwa nila babae o lalaki dulot ng nakikita sa telebisyon, sa social media o maging sa aktwal at pang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa Simbahang Katoliko sa Pilipinas, ang pag-aapruba sa “same –sex marriage” ay isang lantarang paglapastangan sa Salita at kautusan ng Diyos. Malinaw na ipinapahayag sa Leviticus na ang lalaki ay nilikha para sa babae at ang babae ay nilikha para sa lalaki. Ito ay isang hubad na katotohanang pilit na ikinukubli at pilit na iwinawasto ng nakararaming sumasang-ayon sa batas na nasabi. Ano pa bang ibang batayang mas matimbang sa Bibliya ang higit na makapaglalahad ng katotohanan dito sa mundong pilit na itinutuwid ang mga baluktot na paniniwala masunod lang ang sariling kasiyahan? Ang pag-ibig ay isang salitang may malawak at malayang sakop na PROSCRIBED Pahina 4 6

editoryal

Sisihan at Turuan

Sa pagkakataong ito, pinagbuklod ang simbahan at ang estado. Nang ipinatupad, ang dalawang ito ay patuloy na humaharap sa sunod-sunod na isyu. Ang pagkilala sa kagustuhang maging pribado at sa desisyon ng bawat isa ay isang paraan para respetuhin ang mga kaganapan sa panloob na gawain. Ngunit sadyang may mga pagkakataon na ang dalawang panig ay kinakailangang mangialam sa mga pangyayaring maaaring makaapekto sa taumbayan at ang magkabilang dako ay kinakailangang humingi ng tulong at kumonsulta sa karunungan na idinudulot lamang ng kabilang panig. Ang problema ngayon ay umiikot sa sinasabing ‘pagkukulang’ ng gobyerno para masolusyunan ang mga problemang nakapalibot sa Iglesia ni Cristo (INC) tulad ng hindi agarang pagresponde sa di umano’y hostage taking. Ang tanong: “Kasalanan na naman ba ng gobyerno?” Ang sagot ay hindi. Ibinigay ng gobyerno sa Iglesia ni Cristo ang lahat ng maaaring maitulong sa paglutas ng mga legal at panghukuman na problema na lumitaw noong panahon ng sinasabing pandurukot sa mga opisyal ng INC. Ibinalita na ang mga opisyal ng naturang samahan ang naging rason sa likod ng kanilang pagkakakuha. Agad na nagpadala ang gobyerno ng pulisya at mga kinauukulan para rumesponde sa nasabing sitwasyon. Nang mapatunayan na hindi totoo ang sinasabing kaganapan, hindi pa rin umalis ang awtoridad at humingi pa ng pahintulot kay Angel Manalo, kapatid ng punong ministro ng INC, para pumasok sa compound ng INC at suriin ang sitwasyon, ngunit tumanggi si Manalo dahil


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.