The Augustinian Mirror, March 2009

Page 8

MIRROR

heritage

Isang Araw sa Piling ng mga Mangyan

Ni PIETROS VAL PATRICIO

L

U M U WA S k a m i n g I l o i l o patungong Puerto Galera noong ika-23 ng Disyembre upang matuklasan ang ganda ng dalampasigan nito. Bukod sa pagbisita sa lalawigan ng Oriental Mindoro, ninais rin naming tuklasin ang likas na yaman, ekonomiya at pati na rin ang katutubong kultura ng lugar. Minabuti na rin naming bisitahin ang tinatawag nilang “Mangyan Village,� isang lugar na malapit lamang mula sa resort na aming tinuluyan. Sa pagbisita namin doon, kakaiba rin ang mga first hand na karanasan at impormasyong nasagap namin. Ang Mangyan ay isang katutubong grupo na binubuo ng pitong etnolinggwistikong tribo na matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng isla ng Mindoro. 6 The Augustinian Mirror March 2009

Hindi pa umaabot ng 100,000 ang bilang ng minoridad ngunit masasabing malaki ang kanilang naiambag sa imahen ng Mindoro. Ang tanging pagbanggit ng pangalan at kultura nila ay naiuugnay na sa isla. Binubuo ng mga tribong Hanunoo, Buhid at Taubuhid o Batangan ang katimugang grupo ng mga Mangyan. Nakakalat naman ang mga tribung Iraya, Alangan at Tadyawan sa mga hilagang bahagi ng isla. Ang tribong Ratagnon naman ay pinaniniwalaang nagmula ng Visayas dahil sa wika nilang Cuyunon (na ginagamit rin sa Cuyo Islands sa Palawan). Hindi pa natutukoy ang totoong pinanggalingan ng salitang Mangyan ngunit pinaniniwalaang nanggaling ang grupong ito sa pinaghalong rasa ng Malayo at Negrito. Dumating sila sa Mindoro noong ika-13 na siglo mula sa mga katimugang bahagi

ng arkipelago. Animismo ang tradisyunal nilang relihiyon ngunit 10% sa kanila ay naging Kristiyano matapos maisalin ng mga Katoliko at Protestanteng misyonaryo ilang dekada na ang nakalipas ang Bibliya sa katutubong wika ng mga Mangyan. Ang tanging ikinabubuhay nila ay ang pag-ani ng kamote, bigas, patatas, luya at taro. Nanghuhuli rin sila ng baboy ramo, usa at iba’t-ibang uri ng mga ibon gamit ang pana, bolo at sibat. Kilalang-kilala ang mga Taubuhid sa kasaysayan ng Pilipinas sa pagkakaroon nila ng sariling sistema ng pagsusulat bago pa man sila sinakop ng mga Kastila. Sinasabing Indic ang pinagmulan ng sistema ng pagsusulat na ito at madalas makikita sa mga kawayan kung saan inuukit ng mga Taubuhid ang kanilang


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Augustinian Mirror, March 2009 by USA Publications - Issuu