Being /ˈbēiNG/. noun. (1) Ang pagiging; (2) Mga bagay, gaano man kaliit, ay may buhay; (3) Pesonipikasyon/pagsasatao sa mga maliliit na anyo; (4) Mga anyo ng katotohanan, nakaraan, o imahinasyon; (5) Maging ang insektong pinupuksa ay maaaring isatao. Maging ang taong may kilos-loob ay kasingbaba lang ng mga insekto. (6) a zine by WICI's Chicken Skin (7) kasama ang mga sining nina Sam, Jane, Katya, sulat-kamay ni Elena, at sa pagkakalapat ni Janelli. Being, ano? Marahil, ang pagiging kung ano mang insekto mula sa aming mga palaisipan. Sa panibagong yugto, bumalik kami sa aming mga tirahan. Ngunit ang iba'y malaya, lumiliwanag sa kasiyahan, may bilanggo sa katha, may mga pinal na nanatili bilang mga disensyo't larawan ng kanilang kahapon, at may mga naputulan ng pakpak kaya't hindi makaalis sa kanilang mga alaala.