Pahimakas 2016

Page 1

Mapagpalayang kaisipan sa malayang pahayagan

ESPESYAL NA ISYU

Illustration by Bernadette Neri *first published August 2001

PAHIMAKAS

Ang kasaysayan at hinaharap ng Outcrop \\ Unang inilathala noong Agosto 2006

S

a isang lipunang takot ang karamihan na isabuhay ang kanilang mga nasasaisip, nariyan ang Outcrop upang unang pagtagpitagpiin ang mga takot na boses ng mga estudyante at mga mamamayan. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, nangunguna na itong mangahas para sa pagbabago.

Tinatayang mahigit 32 taon na ang hinabi ng Outcrop sa kanyang mga pahina. Nanatiling kanlungan ng mga manunulat nito ang maliit na sulok sa Gusaling Juan Luna, na siyang opisina pa rin nito hanggang sa kasalukuyan. Saksi ang apat na sulok ng opisinang iyon sa pakikilahok at paggawa ng mga manunulat ng kasaysayan gamit ang panulat, mga salita, tangan ang prinsipyong “To write is already to

choose”. Hindi lahat ay alam ang kahulugan ng salitang “Outcrop.” Ayon sa mga diksyunaryo, nangangahulugan itong isang batong nakausli. Inihahalintulad ang pahayagan sa isang batong nakausli sa gitna ng isang patag na lupain dahil sa mapangahas nitong pagsisiwalat ng mga baho ng sistema sa gitna ng isang lipunang takot bumatikos sa diktadurya.

Walang sawa pa ring nakikilahok ang Outcrop sa pagkilos ng mga militanteng kabataan at organisasyon tungo sa pagluluwal ng pagbabago. Bilang isang instrumento ng malayang pamamahayag dito sa UPB, nagagawa nitong talakayin ang mga isyu na karaniwang dahilan upang ipasara o isuspinde ang continued to page 3


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Pahimakas 2016 by UP Baguio Outcrop - Issuu