10 Staedtler
TM
joshua caleb pacleta
Ang Alamat ng Wheelchair
Ang mga kawatang gipit, sa wheelchair kumakapit.
Sa tuwing may paglilitis na nagaganap sa ating bansa na kinasasangkutan ng mga malalaking pangalan, mapa-politiko man o sikat na personalidad, sadyang hindi nawawala sa eksena ang mahigawang silya na ito. Ang silyang may dalawang gulong na pinaaandar ng dalawang malilikot na kamay at karaniwang nakikita natin sa ospital. Ang silya ding ito ang nagliligtas sa sinumang buwaya sa bingit ng kahihiyan. Ang mahiwagang wheelchair. Hindi maikakaila na malaki ang bahaging ginagampanan nito sa pagsasakatuparan ng malapelikulang pagtakas ng isang kriminal na may kinalaman sa pagnanakaw ng kaban ng bayan. Ang pangyayaring ito ay hindi na bago sa mga mata ni Juan habang pinapanood niya sa telebisyon ang madramang telenobela – na tipong papatapos na ang pelikula subalit na house arrest, hospital arrest, cardiac arrest o anumang uri ng arrest ang kontrabida. Naaalala niyo pa ba si GMA? Kung oo, tiyak natatandaan ninyo kung papaano niya pinasan ang lahat ng metal braces sa mundo at inako ang lahat ng epidemya na natuklasan ng mga siyentista. Small but terrible ika nga at nakuha pang tumakbo at manalo bilang kongresista kahit ang dati niyang katungkulan ay ang pagiging presidente ng bansa. Nag dilang anghel ata ang kanyang nunal na pagkalaki-laki at kasing itim ng kayang budhi. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga pandarambong, panoloko at pangungurap na ginawa niya sa ating lahat basta’t ang alam ko, siya ang dahilan kung bakit umusbong ang alamat ng wheelchair. Isa’t kalahating taon ang nakalipas, nasundan na naman ito ng panibagong pasabog ng dating punong mahistrado ng Korte Suprema. Ilang
[
]
OPINION
FAIRNESS. ACCURACY. GENUINE STUDENT SERVICE.
Ang mahiwagang wheelchair na pumapabor lamang sa mga FILTHY RICH. Ang mahiwagang wheelchair na kumakatawan sa paikut-ikot na sistema ng hudikatura sa ating bansa.
buwan na pinagdebatehan ng mga nagmamalinis at makakating dila kung siya nga ba ay mapapatalsik sa pwesto o hindi. Sa huli, nasaksihan ng milyunmilyong Pilipino ang mala-epikong eviction ay este dethronement ng kauna-unahang napatalsik na punong mahistrado. Samantala, magmula ng masipa sa silyang pinagkaingat-ingatan ng sampung taon ay naging marumi at patapong basahan ang kawawang nilalang sa mata ng sambayanan. Matatandaan noong Agosto 26 ay nakiisa rin kuno siya sa Million People March subalit imbis na matuwa sa kanya ang hukbo ng mga nagngingitngit na Pilipino, siya pa tuloy ang napagbuntungan ng lahat ng sama ng loob. Kaya iyon nagmukmok na lamang siya sa kanyang heavily-tinted na sasakyan habang binubulyawan ng taumbayan. Muli’t muli, huwag nating kalimutan na gumamit rin siya ng mahiwagang wheelchair at akalain mong agad-agad lumala ang kanyang Diabetes sa kalagitnaan ng kanyang madramang talumpati na dinaig pa ang I have a Dream ni Martin Luther King Jr. Nagpatuloy ang benepisyong hatid ng mahiwagang wheelchair sa kasalukuyan nang magbukas sa sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ng tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles. Pinutakti ng maraming batikos sa telebisyon hanggang sa social media ang diumano’y 10 bilyong karneng baboy na nilamon ng buo nina Napoles at iba pang kongresista at senador. Noong ika – pito ng Nobyembre humarap si Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee upang mabigyang linaw ang anomalyang diumano’y sa kanya nag-ugat. Subalit nadismaya lamang ang lahat ng Pilipino ng ang mga katagang lumabas sa kanyang labi ay “hindi ko po alam” at “I invoke my right against self-incrimination”. Nakapanlulumong isipin na ang ginhawang dapat sana ay tinatamasa ng mga katulad nating naghihikahos sa buhay ay napupunta lamang sa mga luho ng mga ganid sa salapi at sakim sa kapangyarihan. Dapat sana ay ipinamahagi ang bilyun-bi-
lyong karneng baboy na ito sa mga Pilipinong uhaw at kumakalam ang tiyan nang sa gayon ay maibsan man lamang ang gutom at hirap na kanilang nadarama. Lahat ng ito ay nagsimula sa kasakiman. Kasakimang patuloy na bumabalot sa bulok na sistema ng ating pamahalaan. Sa kabilang dako, mantakin mong gumamit rin ng wheelchair na Louis Vuitton itong si Napoles nang sa gayon ay makaligtas siya sa unang pagdinig sa kanyang kaso. Mula sa pagkaitim-itim na nunal ni Gloria ay umusbong ang dalawang gulong at nabuo naman sa kanyang metal braces ang mismong katawan ng wheelchair. Ang mahiwagang wheelchair na pumapabor lamang sa mga FILTHY RICH. Ayaw niya sa mga dukha, mapili siya. Ang mahiwagang wheelchair na kumakatawan sa paikut-ikot na sistema ng hudikatura sa ating bansa. Ang mahiwagang wheelchair na sumisimbolo sa mga bahag ang buntot na hindi kayang panindigan ang mga kasalanang sila mismo ang may kagagawan. Subukan mong ipagamit ang silyang de gulong na ito sa isang mahirap na pilipinong mayroong kaso at tiyak akong walang anu-ano’y kulungan agad ang pupuntahan niya. Ganito ang sistema sa ating bansa, ang mayayaman, may pangalan at kapangyarihan, kapag sangkot sa isang anomalya, house o hospital arrest muna ang bagsakan. Ngunit kapag mahirap, wala nang mahabang talakayan pa, seldang kinakalawang ang huling hantungan. Sawa na ako sa mga kaartehang ito. Husto na. Sagad-sagaran na ang kaplastikan na aking nasasaksihan sa harap ng telebisyon. Kung pwede lamang sanang ipatupad ang Batas ni Hammurabi: “Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin”, tiyak na bulag at bungal na lahat ng korap sa ating bansa. Ngunit ang realidad ay tayong mga ordinaryong Pilipino ang tunay na mga bulag sapagkat hindi na natin alam ang katotohanang nagkukubli sa milyun-milyong kasinungalingan. Mga kasinungalingang hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatawan ng karampatang parusa.
LETTER TO THE EDITOR Disillusioned Let not my words be taken too much. It is not unusual when your professor ask you to memorize our university’s vision, mission, goals and objectives (VMGOs), and including it in a short or long examination. I have seen how things work inside the grounds of this university and my thoughts suddenly gambled asking whether we, students, should really be the ones to dredge-up these things or maybe the BU personnel should first ask themselves how the VGMO’s really work. More ove r, there should be no discrimination in the way the faculty or any personnel of the university treat the students. One example of this is the unwelcoming approach of some secretaries of different offices in
The Bicol Universitarian
T H E O F F I C I A L S T U D E N T P U B L I C AT I O N O F B I C O L U N I V E R S I T Y
Editorial Board and Staff AY 2013-2014 Editor-in-Chief Denelle Dolleson Associate Editor Dorie Mae Ornido Managing Editor J. D. Gutierrez Senior Editor Alyssa Joselle Bañares Arts and Graphics Editor Nick Mangampo Jr. Online Content Editor Silverio Sasuman Jr. Copy Editor Joshua Caleb Pacleta Writers Ariane Cornejo, Jervy Anne Romero, Jessica Bechayda, Alyssa Joana Aro, Danica Navida, Hermalyn Zantua, Arthessa Ladoing, Jo Michael Llamelo, Jessamine Raynera, Jerald Talavera, Danica Villagarcia Cartoonists Arvill Villamor, Edward Lustan, John Paul Revilla, Deano Christian Echague, Jeano Marcayda Photojournalists John Emerson Bado, Don Mari Phil Frayna, Charmaine Aduviso Layout Artists Carlo Bernardo, Nichole Baloloy, Giovan Ballatan, Exequiel Tugano Jr. Webmasters Randall Matthew Lorayes, Arjon Jason Castro, Marvin Buhat Public Relations Staff Mary Christelle De Vera,Bryan Del Castillo, Glenda Ante, Reaham Hanna Borja, Christian Robert Roxas Contributing Editor Rey Anthony Ostria Technical Adviser Prof. Felipe Jose Peralta
THE BICOL UNIVERSITARIAN
is located at the 2/F MP Bldg., Bicol University, Legazpi City
MEMBER: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Bicol Association of Student Campus Writers (BASCAW) website: unibeonline.com e-mail: unibe.online@gmail.com facebook: facebook.com/UnibeWallnews
Financial Report Academic Year 2012-2013 2nd Semester
the university. It seems that whenever you ask for something, they will give you a mukasim face or perhaps bombard you with annoying words. If a scenario like this further happen, where does their so-called CLIENTELE SATISFACTION? Ironically speaking, I do believe these kind of people should attend stress management seminars or personality enhancement trainings as to develop a productive public relation. Bicol University, as far as I know, is an institution that brings quality education to the students. Nevertheless, where is quality education if an instructor or professor would give lessons only once a week? What is more infuriating alternative way to skip their absences is that they will oblige the students to buy books and consider it as a project. It is never an excuse to let the books be the only method the students should use in order to learn. Adding insult to injury, these professors makes me think that the P175.00 per unit that we pay during enrol-
“Bicol University, as far as I know, is an institution that brings quality education to the students. Nevertheless, where is quality education if an instructor or professor would give lessons only once a week?”
ment is never been given any justice. I think, professors must do their part as well not for the sake of earning their salaries but doing their job as well. This attitude largely affects the students to be just the same as them: idle; the kind of person that kills his time for unfruitful things that dampens the eagerness of the students to learn. Recently, I was not able to enter my class because I have not worn my black shoes. I explained my reason but still I wasn’t permitted to enter. However, I saw some who were allowed to get inside even when their situation was the same as mine. I supposed I should appear more appealing for me to get treated the same way as what the security guard showed to the others. There would never be equality unless everything would remain as it is. Certainly, satisfaction and education both complement each other. We live in a democratic country and it’s priceless. Both are free.
MARIELLA ISABELLE MELGAR -News Editor, SANDIGAN
SUMMARY 13TH RTSPC P70,500.00 LIYAB P5,500.00 RAYTERISTA 5 P231,449.35 PRE-ELECTION NEWS P876.00 12TH LHEPC P36,800 HARAPAN P6,986.46 POST-ELECTION NEWS P784.75 TOTAL P352,896.56 REMAINING CASH FROM 1ST SEM
P 229,275.65
CASH REMAINING LESS SECOND SEM EXPENSES
P 456,014.45 P 352,896.56
PUB FEE COLLECTION 2ND SEM
P 226,738.80
TOTAL CASH REMAINING P 103,117.89 PLUS RAYTE INCOME P 50,000.00 CASH REMAINING P 153,117.89 LESS 2013 FIRST SEM EXPENSE P 16,000.00 TOTAL OF CASH REMAINING P137,117.89 (SGD.) Jefferson Geva Managing Editor Noted by: (SGD.) Prof. Felipe Jose Peralta Technical Adviser
This space
is open for complaints, concerns and grievances. Submit your articles at www.facebook.com/UnibeWallnews or e-mail us at unibe.online@gmail.com. Please don’t forget your name.