Likha ˚ʚ♡ɞ˚

Page 1

Likha Likha FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik) National University-Laguna MAY AKDA: Gabriela Cassandra L. Geli Ika-22ngHunyo,Huwebes PARA SA KARAGDAGANG KATANUNGAN MAAARING I-CONTACT ANG SUMUSUNOD: gcassandrageli@gmail.com/09664779841

Prologo: Prologo:

ANG INTRODUKSYON

Likha, isang salitang nangangahulugang “gumawa ng isang bagay sa pamamagitan ng talino at kasanayan”. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang angkin na talino at talento. Marahil magaling sa pagsulat,pagsayaw, at pagkanta. Ngunit lahat ng iyon ay nagsisimula sa munting hakbang. Munting hakbang na sa kalaunan ay magiging likha. Sa pamamagitan ng paglikha,ang bawat isa ay nakakapag pahayag ng mga emosyon na nais iparating at naipapakita ang angkin galing ng isang tao. Iba iba ng ideya, iba iba ng pangarap ngunit nakakapagpabago ang resulta. Isang simpleng salita ngunit nagbibigay inspirasyon upang umunlad at magpatuloy sa agos ng buhay. Nakakapagpabago. Natatanggi.

Sa portfolio na ito, nakalimbag at natitipon ang mga akademikong

sulatin na nilikha ng may akda, katulad na lamang ng mga

posisyong papel na nagpapakita kung paano siya labis na tumataliwas sa ideya ng pagpapa-legalize ng euthanasia sa bansa; ang kanyang replektibong sanaysay na naglalaman ng

kanyang mga karanasan at realisasyon simula ng kanyang

sekondarya hanggang sa kasalukuyan; isang larawang sanaysay

kung saan ibinahagi niya ng may galak ang propesyon na nais makamit; at mga pormal na sulatin gaya ng abstrak at bionote.

2
3 NILALAMAN: Talaan ng Talaan ng Pahina ng Pamagat Prologo Talaan ng Nilalaman Panimula: Replektibong sanaysay Posisyong Papel (Burador) Posisyong Papel (Pinal) Pictorial Essay Abstrak ng Panukalang Proyekto (Pinal) Nilalaman: Epilogo Bionote Wakas Wakas ..........................................................................................01 .........................................................................................................................02 ........................................................................................03 ................................................................................04 ......................................................................10 ..................................................................................18 .....................................................................................................31 ..............................................35 ...........................................................................................................................37 ..........................................................................................................................40 .............................................................................................................................41

Replektibong Replektibong

SANAYSAY

MALAYO PA, PERO MALAYO NA

GabrielaCassandraL Geli

Alas tres ng hapon sa isang cafe shop sa Calamba, aking pinakikinggan ang kanta ni Taylor Swift na “You’re on Your Own Kid.” Aking nabigyan ng pansin ang partikular na linya sa kanta na “Take the moment and taste it. You've got no reason to be afraid. You're on your own, kid. Yeah, you can face this”. Tila ba biglaan kong napagtanto na malapit nang matapos ang akademikong taon na ito, kaya dapat lamang na sulitin ko ang mga panahon na kasama ko ang aking mga mahal sa buhay.

Parang kailan lang, isa lang akong bata na walang muwang sa mundo na buhat buhat pa ng aking magulang, ngunit ngayon, ako ay hahantong na sa reyalidad ng buhay. Nakakatakot ngunit haharapin ang buhay ng may tapang.

Parang kailan lang ay katutungtong ko lamang ng stage sa pagtatapos ng aking elementarya. Parang kailan lang ay kinakabahan pa ako na buksan ang bagong kabanata ng aking buhay, ang pagtungtong ng sekondarya.

4

SANAYSAY Replektibong Replektibong

Parang kailan lang ay matinding kaba ang aking nararamdaman nang makarating ako sa aking silid-aralan sa Letran Calamba na may halong takot na makakilala ng mga bagong tao. Makalipas ang panahon, ang mga taong ito ay nagsilbing malaking parte ng buhay ko sapagkat sila ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa matinding alon ng buhay. Lumisan man ang iba, ako ay nagagalak pa rin na kahit minsan sila ay naging parte ng aking buhay. Parang kailan lang ay gulong-gulo ako kung ano ba ang tatahakin kong kurso sa aking kolehiyo. Kung minsan nga ay nasasabi ko na lamang na bahala na si batman. Parang kailan lang ay gusto ko nang tapusin ang aking buhay para lamang

matakasan ang mga sakit at problema na aking dinadala. Parang kailan lang ay walang direksyon ang aking buhay. Parang kailan lang ang pinaghahawakan ko na quote ay “Surviving to live.” Hay.

“Parang kailan lang. Parang habang patagal nang patagal, aking napagtatanto na ang mga bagay sa paligid ko ay onti-onting

nagbabago at syempre, kasama na ko doon. Takot na takot sa mga posibilidad na maaaring mangyari.

5

Replektibong Replektibong

SANAYSAY

Sobrang bilis lumipas ng panahon. Kung dati isa akong batang

takot na takot sumubok sa mga bagay at walang prayoridad na iniisip, ngayon ay malaya na akong gawin ang mga bagay na hindi ko pa nasusubukan. Ngayon ay alam ko na ang aking mga responsibilidad at priyoridad na dapat kong tutukan. Kung dati hanggang sa kasalukuyan isa akong malayang paru-paro na kung saan saan napapadpad, ngunit sa oras ng aking

pagtungtong sa college, lahat ng iyon ay malilimitahan na. Sa

katunayan, ilang linggo na akong nababalot ng kalungkutan tuwing aking iisipin na lilisanin ko na ang lungsod na aking

kinalakihan na punong-puno ng memorya kasama ang mga pamilya at kaibigan na aking nakilala na ngayon ay naging malaking parte ng aking buhay.

Habang ako ay nagmumuni-muni para sa aking idadagdag sa reflective essay, biglang pumasok sa aking isip ang linyang

“bawat hakbang ko ay patungo sa aking pangarap.” Aking

inoobserbahan ang aking mga kaibigan na abala sa paggawa ng

kanilang mga gawain habang pinapatugtog ang kantang “Scott Street”. Sila ay nagtatawanan. Samantalang ako ay

nakakaramdam nang matinding kalungkutan at kamuntikan nang

tumulo ang aking luha, buti na lang at ito ay aking napigilan.

6

Replektibong Replektibong

SANAYSAY

Kalungkutan dahil ilang linggo na lamang ay lilisanin na namin ang sekondarya. Bagaman, masaya kung iisipin na kami ay magcocollege na ngunit nakakalungkot isipin na kami ay maghihiwalay na ng landas dahil iba’t ibang landas na ang aming tatahakin. Sa mahigit na anim na taon naming pagsasama, patuloy kaming lumalaban para sa aming pangarap. Mahirap ngunit kakayanin. Nakakatuwang isipin na ang layo na ng aming narating. Sa kabilang banda, lahat ng paghihirap na aming napagdaanan ay punong-puno ng kasiyahan. Dagdag pa rito, lahat ng kasipagan at karunungan ay aking nang binuhos sa aking sarili para makagtapos ng aking sekondarya ng may karangalan. Tila ba ayon ang aking proudest moment.

Nakakatawa kung aking babalikan ang mensahe ng aking mga magulang noong aking 18th birthday. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang panganay na anak ay isa ng ganap na babae. Hindi sila makapaniwala na palapit na nang palapit ang panahon na kung saan ako ay mamumuhay na mag-isa para sa aking kolehiyo. Doon ko napagtanto na ganoon pala talaga ang buhay. Gayunpaman, hindi lahat ng pagtatapos ay puro saya lamang, kaakibat nito ay lungkot.

7

Replektibong Replektibong

SANAYSAY

Lungkot dahil lahat ng bagay ay may katapusan at lahat ng

pangyayari ay magiging memorya na lamang na panghabangbuhay kong panghahawakan. Gayunpaman, ang

pagtatapos ng isang bagay ay hindi matatakasan dahil ang

bawat panahon ng ating buhay ay may simula at may

pagwawakas na humahantong sa isang bagong simula. Kami ay

malayo na sa aming mga karanasan noon. Masasabi ko na ngayon ay ibang-iba na kami sa nakaraan.

Sa huli, ang aking panghahawakan na lamang ay ang aking sarili.

Magkakaroon ng sariling buhay. Mamumuhay mag-isa.

Mamumuhay nang payapa. Aking natutunan na sa huli na aking

sarili lamang ang akin masasandalan at wala dapat akong

ikatakot sa agos ng buhay, dahil lahat ng ito ay

malalamapasan ko. Naniniwala ako na kung ang mga problema

ko noon ay nalampasan ko, eto pa kaya? Ako na to!

Napagtanto ko na rin na bawat pangyayari ay ating

pinapahalagahan at sabi nga nila “live the moment,” dahil ito ay hindi na muling mangyayari. Mangyayari man ulit, ngunit may

pagbabago na.

8

SANAYSAY Replektibong Replektibong

Naging mahirap man ang aking paglalakbay ngunit lahat ng mga

ala-ala at mga aral mula sa aking pagkabata ay patuloy kong

babaunin at babalikan. Ang mga ito ay nagsilbing aral upang maintindihan ko ang mga bagay-bagay sa mundo. Masarap mabuhay. Iyan ang aking natututunan. Masarap mabuhay

kasama ang mga tao na minamahal mo at nakatutulong upang mas mapabuti mo pa ang iyong sarili. Kung wala sila ay wala

ako ngayon kung nasaan ako. Masasabi kong maipagmamalaki ko ang aking sarili dahil nalampasan ko lahat ng hamon ng buhay kahit ilan beses na akong sumusuko. Dahil sa aking mga naging karanasan, ito ay nakatulong upang ako ay maging

matatag sa lahat. Malayo na, pero marami pa rin mga bagay ang aking mararanasan at matutuklasan. Malayo pa sa aking

mga pangarap, pero malayo na sa aking naging unang hakbang. Habang tayo ay nabubuhay, hindi limitado ang maaari natin makamtan. Tiwala sa walang kasiguraduhan. Para sa bagong kabanata. Para sa kinabukasan.

9

Posisyong Posisyong

PAPEL (BURADOR)

Ang salitang euthanasia ay nagmula sa salitang Griyego eu na nangangahulugang “mabuti” at thanatos na ang ibig sabihin ay “kamatayan.”; Samakatuwid, ang literal na salin ng salita ay nangangahulugang “mabuting kamatayan.” Intensyon ng euthanasia, o kilala rin sa tawag na mercy killing, na wakasan

ang buhay ng isang tao na nagnanais kilitin ang sariling buhay o may malubhang karamdaman na hindi na kayang idaan sa gamutan upang mawala ang paghihirap o sakit na nararamdaman nito. Maliban sa bansang Belgium, Luxembourg, Canada, New Zealand, Spain, the Netherlands and Colombia; ang ganitong uri ng pamamaraan ay nananatili pa ring ilegal sa napakaraming bansa kung kaya’t hindi maikakaila na pagtuunan ng pansin ang ganitong klaseng isyu lalo na’t parehong panig ay may pinanggagalingan at pinanghuhugutan ng pinaglalaban. Ayon

sa Artikulo 2, Sek. 11 ng Komisyon ng Karapatang Pantao, ang euthanasia ay isang anyo ng pagpapakamatay at lumalabag ito

sa patakaran ng konstitusyon na pinahahalagahan ng estado ang dignidad ng bawat tao.

10
DAPAT BANG I-LEGALIZE ANG EUTHANASIA SA BANSA?

Posisyong Posisyong

PAPEL (BURADOR)

Kung kaya naman, marami pa rin ang hindi sang-ayon dito dahil labag ito sa karapatang pantao at hindi ito katanggap tanggap sa usaping moralidad ng isang tao.

Tulad na lamang sa mga sang-ayon sa konsepto nito, mas mainam sa kanila na wakasan ang buhay ng isang tao kung

kapalit naman nito ay kaginhawaan at pagkalaya sa malubhang

karamdaman ng may sakit. Hindi maikakaila na marami ang

maaaring makinabang sa euthanasia . Isa na rito ang mga

pasyenteng may malubhang sakit na walang sapat na lunas sa karamdaman at mga pasyenteng may matinding sakit na nararamdaman. Para sa kanila, mas mainam nang tapusin na lamang ang kanilang buhay kaysa magtiis pa ng ilang taon sa kanilang karamdaman. Isa pang maaaring manginabang sa euthanasia ay ang pamilyang walang sapat na pera upang

tustusan ang mga gastusin sa pagamutan at iba pang hindi na kayang suportahan ang life support ng isang pasyente dahil

sa kahirapan. Bagamat maraming maaaring makinabang , ngunit hindi sa lahat ng oras ay nagiging

11

Posisyong Posisyong

PAPEL (BURADOR)

usap-usapan – lalo na’t hindi na maibabalik ang buhay ng isang tao. Tulad na lamang sa kaso ng isang pasyente sa Netherlands na nakaranas ng dementia , namatay ito nang hindi man lang hinihingi ang kanyang opinyon bago isagawa ang pagtiwakal dito. Nagamit man ng pasyente ang kanyang free will na wakasan ang kaniyang buhay ilang taon nang nakakalipas, ang

ginawa ng doktor ay hindi pa rin katanggap-tanggap sa batas dahil una, hindi na ulit hiningi ng doktor ang opinyon ng pasyente

– kung nagbago na ba ang isip nito o magpapatuloy pa rin sa proseso. Pangalawa, hindi pinaalam ng doktor ang pamamaraan sa pamilya bago niya ito isinagawa at pangatlo, hindi

nagpakonsulta ang doktor sa iba pang kapwa doktor bago

isinagawa ang euthanasia, lalo na’t parte ito ng proseso na nakasaad sa batas. Samakatuwid, ang ginawa ng doktor ay labag sa karapatang pantao ng biktima.

Kilala bilang katolikong bansa ang Pilipinas, kung kaya’t pinalaki

tayong may takot sa diyos at may lubos na pagpapahalaga sa buhay ng isang tao.

12

Posisyong Posisyong

PAPEL (BURADOR)

Ang euthanasia ay isang pamamaraan na hindi katanggaptanggap sa moralidad at karapatang pantao dahil lahat ng tao

ay may karapatan na mabuhay. Anumang kilos o pagkukulang na sa sarili o sa pamamagitan ng sadyang layunin ay nagdudulot ng kamatayan sa kaayusan. Marami mang pasyente ang naghihirap dahil sa kanilang karamdaman, naniniwala akong

[RP1] hindi solusyon ang pagpatay para lamang wakasan ang

pagdurusa ng isang tao. Marami pang ibang paraan upang

pagaanin ang sakit na nararamdaman nito, gaya na lamang ng

pag-aalaga o ang tinatawag na “palliative care. ” Sa

pamamagitan nito, mapapahalagahan pa rin natin ang buhay ng

isang tao kasabay ng mga hakbang upang mabigyan ng kaakibat na tulong ang mga pasyente upang mapawi ang kanilang

paghihirap. Isa pa, ang trabaho ng doktor ay pagaanin ang nararamdaman ng mga taong may sakit at magligtas ng buhay

ng isang tao sa abot ng kanilang makakaya at hindi pumatay ng

mga taong nawawalan na ng pag-asa. Tulad na lamang sa kaso

noong 2009 sa bansang Canada, pinili ng mag-asawang gawin ang euthanasia sa kagustuhang

13

Posisyong Posisyong

PAPEL (BURADOR)

sabay sila pumanaw kahit na isa lamang sa kanila ang may malubhang karamdaman. Kahit na sabihin na kahilingan ito ng

mag-asawa, hindi maikakaila na ang doktor ay kumitil ng buhay ng isang taong malusog at walang malubhang nararamdaman na kung tutuusin ang trabaho nito ay magpagaling at magligtas ng buhay ng tao at hindi ang pumatay para lang maisakatuparan ang kahilingan ng kaniyang pasyente.

Marami pang ibang paraan upang ibsan ang pait at hirap ng buhay bukod sa kamatayan. Napakaraming bansa pa ang hindi ginagawang legal ang euthanasia kung kaya’t patuloy nating palaganapin ang pagpapahalaga sa buhay ng isang tao at ibang pamamaraan upang makatulong sa mga taong nakakaranas ng malubhang karamdaman. Isa rin sa puwedeng alternatibo ang pagpaplano sa pagpapatupad ng palliative care

na kung saan ang pasyente ay makatatanggap ng specialized medical care na nakapokus sa pagpapabuti ng pangkalahatang kalidad ng pasyente at kanilang mga pamilya na nahaharap sa mga problema na nauugnay sa mga sakit na nagbabanta sa buhay.

14

Posisyong Posisyong

PAPEL (BURADOR)

Suporta hindi lamang sa mga pasyente kung hindi na rin sa pamilyang nahihirapan sa gastusin dala ng kahirapan. Suporta

rin ang kailangan para sa mga taong pinipili na lang tapusin ang buhay dahil sa patong-patong na problema na dumarating sa kaniya. Samakatuwid, mas mapapabuti ang isyung ito kung

gagawa tayo ng paraan para mapabuti at lubos pang

mapahalagahan ng isang tao ang kanyang buhay sa halip na

wakasan agad ito nang hindi man lang gumagawa ng iba pang

paraan upang solusyunan ang paghihirap na nararanasan nito.

15

SANGGUNIAN:Mga Mga

BBC News. (2019, September 11). Dutch euthanasia case: Doctor acted in interest of patient, court rules. BBC News.

https://www.bbc.com/news/world-europe-49660525

Euthanasia - MU School of Medicine. (n.d.).

https://medicine.missouri.edu/centers-institutes-labs/health-

ethics/faq/euthanasia#:~:text=Euthanasia%20is%20the%20pra ctice%20of,%E2%80%9Cthanatos%E2%80%9D%20( death).

HRA (CHR-A12-2000) On the Proposed Law Legalizing

Euthanasia. (2018, January 5).

https://chr.gov.ph/hra-chr-a12-2000-on-the-proposed-lawlegalizing-euthanasia/

16

SANGGUNIAN:Mga Mga

Murano, G. (2015, March 9). 8 Most Controversial Cases of Euthanasia - Oddee. Oddee.

https://www.oddee.com/item_99258.aspx

These people want to die. Will their countries allow euthanasia? (2021b, October 21). NBC News.

https://www.nbcnews.com/news/latino/people-want-die-willcountries-allow-euthanasia-rc na3307

17

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

Hindi maitatanggi na ang buhay ng tao ay isang

napakahalagang regalo na ipinagkaloob ng Diyos na hindi dapat

sinasayang bagkus ito ay pinapahalagahan at binibigyan ng

tunay na importansya. Dahil mahal niya tayo, inilalaan niya ang

mga kailangan natin para mabuhay. Batay sa Foundation

Ethical Principle o ang makapangyarihang kombinasyon ng

kabanalan at pangangasiwa, ang prinsipyong ito ay

nangangahulugan na walang sinuman ang may karapatang direktang kitilin ang inosenteng buhay ng tao sapagkat ang

bawat isa sa atin ay may obligasyon na pangalagaan at protektahan ang ating buhay. Ayon sa sa Journal of the Catholic Health Association of the United States, ang isyu ay naging kontrobensyal simula pa noong 1900s. Mula nang

magsimula ang sibilisasyon o nang magkaroon ang tao ng ng

moral na kahulugan, nananatili nang kontrobersyal ang usapan

tungkol sa pagpapatupad ng euthanasia. . Mula nang

magsimula ang sibilisasyon o nang magkaroon ang tao

18
DAPAT BANG I-LEGALIZE ANG EUTHANASIA SA BANSA?

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

ng moral na kahulugan, nananatili nang kontrobersyal ang usapan tungkol sa pagpapatupad ng euthanasia. Ang salitang

euthanasia ay nagmula sa salitang Griyego eu na nangangahulugang “mabuti” at thanatos na ang ibig sabihin ay “kamatayan.”; samakatuwid, ang literal na salin ng salita ay nangangahulugang “mabuting kamatayan.” Intensyon ng

euthanasia, o kilala rin sa tawag na mercy killing, na wakasan

ang buhay ng isang tao na nagnanais kitilin ang sariling buhay

o may malubhang karamdaman na hindi na kayang idaan sa gamutan upang mawala ang paghihirap o sakit na nararamdaman nito. Maliban sa bansang Belgium, Luxembourg, Canada, New Zealand, Spain, the Netherlands, at Colombia; ang ganitong uri ng pamamaraan ay nananatili pa ring ilegal sa napakaraming bansa kung kaya’t hindi maikakaila na

pagtuunan ng pansin ang ganitong klaseng isyu lalo na’t parehong panig ay may pinanggagalingan at pinanghuhugutan ng pinaglalaban. Ayon sa Komisyon ng Karapatang Pantao, base na

rin sa Artikulo II, Sek. XI ng 1987 Konstitusyon, ang

euthanasia ay isang anyo ng pagpapakamatay

19

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

at lumalabag ito sa patakaran ng konstitusyon na pinahahalagahan ng estado ang dignidad ng bawat tao. Dagdag

pa rito, kilala bilang Katolikong bansa ang Pilipinas, kung kaya’t

pinalaki tayong may takot sa Diyos at may lubos na pagpapahalaga sa buhay ng isang tao. Kung kaya naman,

marami pa rin ang hindi sang-ayon dito dahil labag ito sa

karapatang pantao at hindi ito katanggap tanggap sa usaping

moralidad ng isang tao.

Tulad na lamang sa mga sang-ayon sa konsepto nito, mas

mainam sa kanila na wakasan ang buhay ng isang tao kung

kapalit naman nito ay kaginhawaan at pagkalaya sa malubhang

karamdaman ng may sakit. Ayon kay Miller, ang isa sa mga

pinakamahalagang hamon na nangyayari sa isang terminal

diagnosis ay ang kahihiyan na mayroon ang isang pasyente

tungkol sa kanilang mga pamilya. Nagsisimula silang

makaramdam na parang silang pabigat sa mga taong mahal

nila, na lumilikha ng reaksyon na maaaring magdulot ng mga

hamon sa kanilang relasyon dahil natural lamang na itulak nila

ang mga tao palayo upang tulungan silang sa kanilang pinagdadaanan.

20

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

Hindi maikakaila na marami ang maaaring makinabang sa euthanasia. Para sa kanila, mas mainam nang tapusin na lamang ang kanilang buhay kaysa magtiis pa ng ilang taon sa kanilang karamdaman. Isa pang maaaring manginabang sa euthanasia ay ang pamilyang walang sapat na pera upang

tustusan ang mga gastusin sa pagamutan at iba pang hindi na kayang suportahan ang life support ng isang pasyente dahil sa kahirapan. Sapagkat hindi maiiwasang magigipit sa mga

mahihinang tao na wakasan ang kanilang buhay dahil sa takot

na maging pabigat sa pananalapi, emosyonal o pangangalaga sa iba.

Bagamat maraming maaaring makinabang, ngunit hindi sa lahat ng oras ay nagiging makatarungan at tama ang proseso kung

kaya’t ito ay nagiging usap-usapan – lalo na’t hindi na maibabalik ang buhay ng isang tao. Ayon sa datos ng (Arguments Against Euthanasia, n.d.), isang non-profit organization na nagtataguyod ng proteksyon sa buhay, likas na dignidad, at suporta para sa mga taong naging mahina dahil sa sakit, ang euthanasia

21

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

ay maaaring maging isang matipid na paraan ng "paggamot" sa mga may malulubhang karamdaman at maaari rin itong maging dahilan upang tumaas ang rate ng pagpapakamatay.

Dagdag pa rito, nagpapakita na 32% ng mga natulungang pagkamatay sa Belgium ay isinasagawa nang walang kahilingan at 47% ng mga natulungang pagkamatay ay hindi naiulat sa rehiyon ng Flanders ng Belgium (Pereira, 2011). Nalaman ng isa

pang kamakailang pag-aaral na ang mga nars ay regular na pinapatay ang kanilang mga pasyente sa Belgium kahit na ipinagbabawal ito ng mga batas. Mula nang gawing legal ang euthanasia noong 2002, wala pang isang pagtatangkang magusig para sa mga pang-aabuso sa batas ng euthanasia. .

Bilang karagdagan dito, ipinapakita ng pag-aaral na mayroong

25% na pagtaas sa bilang ng mga natulungang pagkamatay sa Belgium noong 2012.

Tulad na lamang sa kaso ng isang pasyente sa Netherlands na nakaranas ng dementia, namatay ito nang hindi man lang

hinihingi ang kanyang opinyon bago isagawa

22

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

ang mercy killing dito. Nagamit man ng pasyente ang kanyang free will na wakasan ang kaniyang buhay ilang taon nang

nakakalipas, ang ginawa ng doktor ay hindi pa rin katanggaptanggap sa batas dahil una, hindi na ulit hiningi ng doktor ang

opinyon ng pasyente – kung nagbago na ba ang isip nito o magpapatuloy pa rin sa proseso. Pangalawa, hindi pinaalam ng doktor ang pamamaraan sa pamilya bago niya ito isinagawa at pangatlo, hindi nagpakonsulta ang doktor sa iba pang

kapwa doktor bago isinagawa ang euthanasia, lalo na’t parte ito ng proseso na nakasaad sa batas. Samakatuwid, ang

ginawa ng doktor ay hindi makatarungan para sa biktima at sa kanyang pamilya dahil ang doktor ay maaaring talakayin

muna ang kondisyon ng pasyente sa kaniyang pamilya, ngunit ito ay hindi niya nagawa. Ang isang doktor ay maaaring

magsagawa lamang ng euthanasia sa isang pasyente kung

ayon sa batas na pangangalaga ay kinuha at kung, sa kanyang

opinyon, ang pasyente ay nakakaranas ng hindi matinding

pagdurusa na walang inaasahang pagbuti (Ministerie van Justitie en Veiligheid, 2017).

23

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

Sa kabilang dako, ang lahat ng hurisdiksyon maliban sa Switzerland ay nangangailangan ng konsultasyon ng

pangalawang doktor or pangalawang opsyon upang matiyak na ang lahat ng pamantayan ay natugunan bago magpatuloy sa pagsasagawa nang euthanasia. Habang sa Belgium, kailangang

suriin ng ikatlong manggagamot ang kaso kung ang kondisyon ng tao ay itinuturing na hindi terminal. Ang konsultant ay dapat hindi konektado sa pangangalaga ng pasyente o sa tagapagbigay ng pangangalaga at dapat magbigay ng layunin na pagtatasa. Gayunpaman, mayroong katibayan mula sa Belgium, Netherlands, at Oregon na ang prosesong ito ay hindi

inilalapat sa pangkalahatan. Sa Netherlands, halimbawa, hindi hinanap ang isang konsultasyon sa 35% ng mga kaso ng disinasadyang euthanasia. noong 2010 walang gumawa ng 16.

Bukod dito, ang hindi pag-uulat ay tila nauugnay sa kakulangan ng konsultasyon ng pangalawang doktor (Pereira, 2011).

Sa kabila ng mga nabanggit na mga punto, ipinaglalaban ng papel na ito na ang euthanasia ay laban sa intrinsic na halaga at personal na dignidad ng isang tao.

24

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

Ang buhay ng tao ay dapat igalang anuman ang edad, kasarian, lahi, relihiyon, katayuan sa lipunan o potensyal para sa tagumpay. Ang buhay ay mabuti sa sarili nito, hindi lamang

bilang isang paraan upang makamit ang isang layunin. Iyan ang dahilan ng halos unibersal na pagbabawal sa sadyang pagkitil

sa buhay ng isang tao kahalagahan at dignidad. Ang

euthanasia ay isang pamamaraan na hindi katanggap-tanggap

sa moralidad at karapatang pantao dahil lahat ng tao ay may karapatan na mabuhay. Anumang kilos o pagkukulang na sa sarili o sa pamamagitan ng sadyang layunin ay nagdudulot ng kamatayan sa kaayusan. Marami mang pasyente ang

naghihirap dahil sa kanilang karamdaman, hindi solusyon ang pagpatay para lamang wakasan ang pagdurusa ng isang tao.

Isa pa, ang trabaho ng doktor ay pagaanin ang nararamdaman ng mga taong may sakit at magligtas ng buhay ng isang tao

sa abot ng kanilang makakaya at hindi pumatay ng mga taong

nawawalan na ng pag-asa. Tulad na lamang sa kaso noong

2009 sa bansang Canada, pinili ng mag-asawang gawin ang

euthanasia sa kagustuhang sabay

25

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

sila pumanaw kahit na isa lamang sa kanila ang may malubhang karamdaman. Kahit na sabihin na kahilingan ito ng

mag-asawa, hindi maikakaila na ang doktor ay kumitil ng

buhay ng isang taong malusog at walang malubhang

nararamdaman na kung tutuusin ang trabaho nito ay

magpagaling at magligtas ng buhay ng tao at hindi ang

pumatay para lang maisakatuparan ang kahilingan ng kaniyang

pasyente.

Marami pang ibang paraan upang ibsan ang pait at hirap ng buhay bukod sa kamatayan. Napakaraming bansa pa ang hindi ginagawang legal ang euthanasia kung kaya’t patuloy nating palaganapin ang pagpapahalaga sa buhay ng isang tao at ibang pamamaraan upang makatulong sa mga taong

nakakaranas ng malubhang karamdaman. pagpapabuti ng

pangkalahatang kalidad ng pasyente at kanilang mga pamilya na

nahaharap sa mga problema na nauugnay sa mga sakit na

nagbabanta sa buhay. Sa pamamagitan nito, mapapahalagahan

pa rin natin ang buhay ng isang tao kasabay ng mga hakbang

upang mabigyan ng kaakibat na tulong

26

Posisyong Posisyong

PAPEL (PINAL)

ang mga pasyente upang mapawi ang kanilang paghihirap. Suporta hindi lamang sa mga pasyente kung hindi na rin sa pamilyang nahihirapan sa gastusin dala ng kahirapan. Suporta rin ang kailangan para sa mga taong pinipili nalang tapusin ang buhay dahil sa patong-patong na problema na dumarating sa kaniya. Samakatuwid, mas mapapabuti ang isyung ito kung

gagawa tayo ng paraan para mapabuti at lubos pang

mapahalagahan ng isang tao ang kanyang buhay sa halip na wakasan agad ito nang hindi man lang gumagawa ng iba pang

paraan upang solusyunan ang paghihirap na nararanasan nito.

27

SANGGUNIAN:Mga Mga

Arguments for and against assisted suicide and euthanasia | CARE. (n.d.). CARE.

https://care.org.uk/cause/assisted-suicide/arguments-forand-against-assisted-suicide-and-euthanasia

BBC News. (2019, September 11). Dutch euthanasia case:

Doctor acted in interest of patient, court rules. BBC News.

https://www.bbc.com/news/world-europe-49660525

Euthanasia - MU School of Medicine. (n.d.).

https://medicine.missouri.edu/centers-institutes-labs/healthethics/faq/euthanasia#:~:text=Euthanasia%20is%20the%20pra ctice%20of,%E2%80%9Cthanatos%E2%80%9D%20( death).

28

SANGGUNIAN:Mga Mga

HRA (CHR-A12-2000) On the Proposed Law Legalizing Euthanasia. (2018, January 5).

https://chr.gov.ph/hra-chr-a12-2000-on-the-proposed-lawlegalizing-euthanasia/ Ministerie van Justitie en Veiligheid. (2017, June 6). Euthanasia, assisted suicide and non-resuscitation on request.

Euthanasia | Government.nl.

https://www.government.nl/topics/euthanasia/euthanasiaassisted-suicide-and-non-resuscitation-on-request Murano, G. (2015, March 9). 8 Most Controversial Cases of Euthanasia - Oddee. Oddee.

https://www.oddee.com/item_99258.aspx

29

SANGGUNIAN:Mga Mga

Pereira, J. A. (2011). Legalizing Euthanasia or Assisted Suicide: The Illusion of Safeguards and Controls. Current Oncology, 18(2), 38–45.

https://doi.org/10.3747/co.v18i2.883

These people want to die. Will their countries allow euthanasia? (2021b, October 21). NBC News.

https://www.nbcnews.com/news/latino/people-want-diewill-countries-allow-euthanasia-rc na3307

30

Pictorial Pictorial

ESSAY

MGA BAYANI NG BAYAN

TUMULONG. Isa ito sa aking mga

pangunahing layunin sa buhay at isang din itong salitang kumakatawan

ng maraming bagay ngunit mas

nagpapahiwatig ng kung anong klaseng

“tulong” ang kinakailangan ng sambayanang Pilipino– tulong medikal.

Hindi maikakailang isa sa pinakaproblema ng isang simpleng mamamayan ng bansa ay ang sapat

na atensyong medikal, lalo na’t nagkaroon ng pandemya.

Gayunpaman, ang pagtulong sa kapwa Pilipino bilang isang

medikal na manggagawa o doktor ay hindi isang laro na agadagad na mapapanalo.

31

Pictorial Pictorial

ESSAY

MGA BAYANI NG BAYAN

Ito’y isang paglalakbay na puno ng

pagkatuto at pagkatalo na tila kailangan ng tulak ng isang buong

nayon nang matapos ang kurso at maging tunay na bayani ng bayan.

Bilang karagdagan, napakagandang pagaralan ang mundo ng medisina sapagkat isang karangalan ang magkaroon ng pagkakataon na makatulong sa kapuwa at makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga taong nasa malalayong lugar na sa kasamaang palad hindi nakatatanggap ng tulong medikal at sa mga taong hindi pinalad na magkaroon ng pribilehiyo na matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang kalusugan.

32
inquirer net/1144382/health-servicesstill-beyond-reach-of-remote-communities-tribalvillages
https://newsinfo

Pictorial Pictorial

ESSAY

MGA BAYANI NG BAYAN

Kaya’t isa sa aking ninanais na abutin

ay ang tumulong sa kapwa at magligtas ng buhay. Dagdag pa rito, pangarap ko rin na maging parte ng mga medical missions sa malalayong

lugar sa Pilipinas nang dahan-dahan

nang bumaba ang kaso ng mga

namamatay dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng access sa mga medical resources. Isang malayong pangarap ngunit handa akong abutin para lamang makatulong sa bayan.

Alam kong mahirap subalit naniniwala akong ang aking mga

kamay ay makakasalba ng maraming buhay. Ito’y hindi

magiging madaling paglalakbay, subalit alam kong kahit

malayo pa ay tiyak na ako ay malayo na sa aking mga

pangarap na tumulong sa bayan.

Walang

33

Pictorial Pictorial

ESSAY

Walang kasiguraduhan, ngunit

alam ko sa huli makikita ko ang

aking sarili na nilalakbay ang mga

pasilyo ng ospital, ang mga kalye na puno ng mga matang

humihingi ng tulong, at mga

bayan na kailangan ang aking mga

kamay. Darating ang panahon na

ako ay magiging isang bayani na handang tumulong sa sambayanang Pilipino.

34

Abstrak ng Abstrak ng

PANUKALANG PROYEKTO (PINAL)

Pangalan ng Institusyon: National University- Laguna

Address/Kinakatayuan: KM. 53 Pan Philippine Highway, Brgy. Milagrosa, Calamba City, Laguna 4027

PAMAGAT: COMMUNITY GARDEN: SABAYANG PAGRESOLBA SA MGA KINAHAHARAP

NA PROBLEMA NG MGA MAMAMAYAN NG BARANGAY KAY-ANLOG, CALAMBA

MAY-AKDA: GABRIELA CASSANDRA L. GELI

Kurso: 12STEM2202

Taon: 2023

Ang community garden ay laganap na sa ibang bansa na kung

saan ang mga mamamayan ay may karapatan na magtanim sa isang shared space na hardin sa kanilang komunidad upang ang mga ito ay magkaroon ng karagdagang suplay ng pagkain o kita. Isa sa mga suliranin na ilang taon nang binabalak lutasan at hanapan ng solusyon ng bansa ay ang kakulangan sa

mapagkukuhanan ng pagkain. Tinalakay din ang tumitinding problema sa pag-iimbak ng mga

hindi nabubulok na basura sa

barangay katulad ng plastik. Ang panukalang proyektong ito ay naglalayon bumuo ng hydroponic community garden sa

Barangay Kay-Anlog, Calamba upang magsilbing food supply ng

barangay at mapakinabangan ang mga plastik na gagamitin bilang plant holders.

35

Abstrak ng Abstrak

ng

PANUKALANG PROYEKTO

Ang bubuuing hydroponic community garden ay magkakaroon ng sukat na 30 feet by 23 feet at magkakaroon ng 12 hydroponic towers. Ang bawat hydroponic tower ay pwedeng pagtaniman ng 48 halaman. Ang barangay ay magsasagawa ng workshop na may kinalaman sa advance urban gardening techniques ng sa gayon ay magkakaroon ng kaalaman ang mga indibidwal sa tamang proseso ng pagtatanim. Kabilang sa adhikaing isasagawa ang mga interesadong mamamayan ng barangay at mga estudyante ng ika-labindalawang baitang mula sa National University-Laguna. Samantala, ang pagsasaplano ng mga aktibidad, pagsasaayos at pag-aatas ng mga gawain ang ginamit na pamamaraan sa pagsasaayos ng proyekto. Nagkakahalagang P49,950 ang kabuuang badyet na inilaan para sa mga ekwipment na kakailanganin at gagamitin. Magsisimula ang pagsasaayos ng proyekto sa ika-labing pito ng Abril at inaasahan na matapos sa ika-labing dalawa ng Mayo.

MGA SUSING SALITA: COMMUNITY GARDEN, HYDROPONIC, SUPLAY NG PAGKAIN, PROYEKTO, PAGTATANIM, URBAN GARDENING

36

Epilogo Epilogo

Ilan oras na ang lumipas ngunit wala pa rin pamagat ang pumapasok sa kaniyang isipan. Nahilo na kaka-scroll, ngunit bigo pa rin. Hanggang sa oras ng kaniyang pamamahinga, patuloy pa rin dumadaloy sa kaniyang isipan ang mga posibleng pamagat para sa kaniyang portfolio. Hanggang sa maisipan niya ang salitang “likha”. Bakit nga ba likha? Naging matagal ang proseso ng pagiisip kung bakit ito ang kanyang napili. Hanggang sa napagtanto niya na ito ay malalim na kahulugan. Likha, dahil ito ay natatanggi. Hindi tayo nalilimatahan kung ano ang maaari natin malikha o mai-ambag. Napagtanto ng manunulat na hangga't tayo ay nabubuhay, marami ang pwede natin malikha dahil tayo ay may kaniya-kaniyang talento na kakaiba na kayang ipamalas sa mundo.

Naniniwala ang may akda na ang mga bagay na ating nang nalikha ay pwede pang mapayaman o bumuti. Dahil habang tumatagal, ang kaalaman at mga ideya natin ay umuunlad. Ika

nga nila “there is a room for improvement” at "Learn from your mistakes" sapagkat ang araw-araw ay isang panibagong pagkakataon upang matuto at hindi natatapos ang pagkatuto ng bawat isa dahil yun ang tutulong sa atin upang makamit ang pag unlad na ating ninanais makamit.

37

Epilogo Epilogo

Sa asignaturang ito, hindi maitatanggi na naging malubak ang daan sa paglalakbay ng may akda. Kaniya man kinalakihan ang

wikang Filipino, subalit mahirap pa rin para sa kaniya ang

gumawa ng mga aktibidad na konektado sa wikang Filipino. Tila lalong naging mahirap nang mawala ang kanyang pagmamahal

sa pagsusulat. Bigla na lamang siyang tinamad sa lahat at labis niyang ikinalungkot ang naging resulta nito. Ito ang

malaking pagsubok na kanyang kinaharap noong mga nakaraang

buwan. Sa kabila ng mga ito, naging masaya pa rin ang kanyang

napagdaanan sa asignaturang ito sapagkat marami siyang

natutunan na aral na babaunin ng may akda sa kaniyang

pagalis sa National U-Laguna. Labis ang galak na kaniyang

naramdaman sapagkat mayroon siyang suporta na natatanggap mula sa kaniyang guro at kapwa estudyante.

Natutunan ng manunulat na matuto mula sa mga pagkakamali at isa-puso lahat ng gagawin upang maging maganda ang resulta. Higit sa lahat, ang paniniwala at tiwala sa sarili ay wag na wag natin kakalimutan. Kung siya ay pinanghinaan ng

loob na lumikha ng mga sulatin ay wala siya ngayon at walang

e-porfolio na inaatupag.

38

Epilogo Epilogo

Imbis na panghinaan ng loob ay mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagpapalawak ng kaniyang mga ideya nang sa gayon ay mapagyaman niya ang kaniyang kaalaman sa ating wikang kinagisnan para sa pagbabago. Mahirap ngunit kailangan.

Naniniwala ang may akda na dapat natin subukan ang lahat ng bagay na gusto natin makamit. Lumikha ng isang bagay na makakapag-dala ng pagbabago sa isa’t isa. Lumikha para ipamalas ang angkin na kahusayan, dahil hindi natatapos ang ating pagkatuto na nagreresulta sa paglikha natin ng mga bagay-bagay dahil hindi tayo nito nililimitahan. Hakbang para sa pagbabago. Pagdating ng panahon, kaniyang babalikan ang ePortfolio na ito upang ikumpara ang kaniyang naging pagbabago. Uunlad nga ba ang aking talento sa pagsusulat?

Hanggang dito na lang muna.....

39

Bionote Bionote

Si Gabriela Cassandra L. Geli ay ipinanganak sa Calamba City, Laguna. Nagtapos siya ng elementarya sa Saint Benilde International School Calamba Inc. Nang tumuntong siya ng

sekondarya, siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran Calamba at nagtapos ng may mataas na karangalan.

Sa kasalukuyan, siya ay ganap na estudyante sa National UniversityLaguna na nasa ikalabindalawang baitang at nasa ilalim ng akademikong track na STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) strand. Dagdag pa rito, siya ay isang news writer ng

AMPLIFY: The Language Company at miyembro ng Robotics

Organization sa kaniyang paaralan. Nakakatanggap din siya ng karangalan bawat termino sa kanyang pag-aaral. Maari siyang i-e-mail sa gcassandrageli@gmail.com para sa mga katanungan.

40

SA MULI! Hanggang Hanggang

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
Likha ˚ʚ♡ɞ˚ by umbriellahh hng - Issuu