
1 minute read
Ocampo Lumiyab Sa Pekaf Region 3 ChampionshipArnis
Umarangkada
ang galing ni Arianne Shane L. Ocampo mula sa Kolehiyo ng Pangangalakal at Pagtutuos matapos mag-uwi ng 3 ginto at 1 pilak na medalya sa kakatapos lang na 2nd Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) Region 3 Arnis Championship na ginanap sa Robinson’s Place, Angeles City Pampanga, Oktubre 23.
Advertisement
Si Ocampo ay isa sa mga student-athletes na nakilahok sa Combative - boys and girls category, Non-Traditional anyo - boys and girls category at Traditional anyo - boys and girls category na kung saan ang Tarlac State University (TSU) Arnis Team ay nakakuha ng kabuuang bilang na 38 ginto, 8 pilak and 8 tansong medalya at itinanghal na over-all Champion sa regional competition.
Sa kabilang banda, nagpaabot naman ng pasasalamat si Ocampo sa kanyang panayaman na “First and foremost, I would like to take this opportunity to thank our Director of Sports Development and Management Office, Dr. Ligaya Gina S. Salangsang, for giving us the support that we need. To our Coach, Sir, Joshua Fontanilla who exert so much efforts and guide us throughout the whole training up to the day of the tournament. Also, to our Assistant Coach, Sir Joseph M. Melegrito who also guide and support us. And ofcourse to the President of Tarlac State
University, Dr. Arnold Velasco, thank you so much po.”
“Makalipas ang ilang taon simula noong magkaroon ng pandemya, ito ang unang laro na aking sinalihan. Nakagagalak at nakakataba ng pusong makapag uwi ng 3 golds at 1 bronze sa ating unibersidad. Hindi ko mahuhusgahan sa kung ano man ang naiuwing karangalan ng mga manlalaro ng arnis mula sa TSU, kabilang na ako, sapagkat saksi ako sa paghahanda at pageensayong ginawa namin upang makamit ang 38 golds, 8 silvers at 8 bronzes. I can say na nagbunga lahat ng pagod at tyaga na inalay namin sa training at nasisiguro kong hindi dito magtatapos ang lahat. Patuloy kaming mageensayo at magpapalakas. Lalabanan namin lahat ng laban na aming makakaharap. Mahirap pagsabayin ang academic at sports but all you need is time management in order to succeed on your dreams including the dreams that you have for the university as a player and student as well. It’s such a great opportunity and I am proud to represent Tarlac State University. It’s not the will to win that matters- everyone has that. It’s the will to prepare to win that matters,” dagdag ni Ocampo.
Dahil sa matagumpay na pagkapanalo, ang TSU Arnis Team ay magpapatuloy sa nalalapit na State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) III Olympics.